Followers

Tuesday, April 21, 2015

Love Game 16





Author’s Note




HI GUYS! Muli nanamang nagbabalik ang pinakagwapo nyong author! Haha! Pasensya na sa sobrang tagal na update ko dahil medyo nag kaproblema ako sa school kaya pagpasensyahan niyo na po, plus medyo nagbakasyon kasi ako at nagpakahayahay kaya aminado akong napabayaan ko sya pero still eto na ako! Haha! Namiss ko kayo. Sana namiss nyo rin ako. Haha!




First of all thank you sir mike and sir allan para sa opportunity na maisakatuparan ko ang hilig ko sa pag susulta, and especially sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko at natutuwa sa story ko kahit hindi ganun kaganda.



Sa mga nag comments sa chapter 15, thank you thank you thank you. Without your comments hindi ko po maiimprove yung gawa ko kaya maraming maraming salamat. Hindi ko na po kayo mapapasalamatan isa isa dahil nag mamadali nanaman ang author nyo at may kailangang ayusin hehe.



So onti nalang, matatapos na ang Love game, 2-3 chapters na lang ata talaga. Haha! Life achievement bruhs!




So thank you sa pag support nyo mga pre! Labyu. Haha




So here’s your chapter 16. Hope you enjoy.







Chapter 16






Axel’s POV




I Love you

I Love you

I Love you

I Love you

I Love you

I Love you

I Love you


Tama ba yung narinig ko? O guni guni lang ang lahat ng ito? Teka? Ba’t parang hindi normal takbo ng puso ko? May sakit na ba ako?


( hoy, tumigil ka sa kakadrama mo. Nakaalis na yung tao oh?- author)

Pero kasi, sinabi nya ba talaga yun? O deym. I can’t believe what’s happening right now. Parang kelan lang iniiwasan nya ako tapos ngayon sinabihan nya na ako ng  I love you? Is that for real? Kung totoo man


1

2

3

IIII’MMMMM!!!! GONNNNNNAAA SWWWWWWIIIIINNNNNNNNNGGG FROOOOMMM THE CHANDELLLIIIIIIEEEEEEERRRR!!!!!!!

WAAAAH!!!!! Paao ko ba itatago yung kilig ay saya na nararamdaman ko? Ganito ba kapag inlove talaga? Yung tipong lahat ng bagay na ginagawa nya eh nagpapakilig at nagbibigay ngiti sa labi mo? Ano ba ang dapat kong sabihin?

Salamat? I love you? Ano ba? Wala kasi akong alam sa ganyan :(

Ah wait, tatawagan ko na lang si zandro about dito.

---

“ hello? Best?”

“ oh? Himala na naaalala mo pa ko? Hindi ka sumisigaw? May problema ba?”

“ grabe ka naman, syempre ikaw pa ba? Haha. Teka may sasabihin kasi ako, si dave kasi.”

“ oh anong ginawa sayo nun? Upakan ko na ba? Ha?!”

“ no, sinabihan nya ako ng I love you”

“ whaaaaatttt!!!!! For real?! Should i start believing? Or it’s just another trick for that guy?!”

“ i guess for real?”

“ nako axel sinasabihan kita ha, hindi mo ba naiisip na sobrang bilis ng pangyayari? Gaaaaadd!!! Halos isang buwan pa lang kayo tapos parang kelan lang diring diri sayo yun? Tapos ngayon sasabihan ka ng I love you? Are you not aware of what’s happening? Hindi naman sa against ako, syempre gusto ko maging masaya ka, yung totoong saya na nadarama, hindi yung sayang pilit at higit sa lahat scripted”

“ pero feeling ko naman kasi totoo yun, malayong malayo sa dave noon kumpara ngayon, ang laki na ng pinagbago nya”

“ eh yung ano, malaki ba?”

“ inamo! Baboy mong hayop ka”

“ hahaha! Charaught lang mars, basta kung san ka masaya masaya na din ako, pero mag masid ha? Wag lubusin ang biyaya, baka lumagapak ka ng kusa. Okay? Im always here for you”

“ thanks sa support ha, dont worry, i will. O sya goodnight na, see you tomaro bicth!”

“ ge haliparot leche”



Tama ba yun? Kelangan ba talaga ng oras at panahon para masabing nagbago na ang tao? Sabi nga nila, life is a learning process, hindi porke na achieve mo na ang isang bagay, eh titigil ka na doon, hanggat humihinga ka, ipagpapatuloy at ipagpapatuloy mo pa rin ang laban kahit anong mangyari, at sa buhay ng tao, people is a full dimension of everything, kung ang mga bagay bagay nga nagbabago tao pa kaya? Nasa tao naman yan eh, kung alam mong hindi na nakakagand yung ginagawa mo sa sarili at sa ibang tao, tiyak na magbabago ka, sabi nga nila, you were not born to be perfect, you were born to be true, we cannot please everybody, but we must respect them tama? Sa buhay hindi kailangan nagpapakatotoo ka lang eh, kailangan mo ring makibagay sa mga tao at sa mga bagay na alam mong may masasaktan o mag bebenefit ng actions mo, hindi porke nasaktan mo sya, eh hindi ka na pwedeng bumawi, hindi porke nakagawa ka ng kasalanan eh makasalanan ka na habang buhay.

Parang sa pag ibig, kapag alam mong nahihirapan ka na, i give up mo na. Sai nga nila “ Walang forever” pero may “ Life time” pero syempre, wag namang life time kang tanga para lang sa isang tao. People change, maaaring masama sya noon, mabuti na sya ngayon, para sa akin hindi naman kailangan ng oraas at panahon para masabi mong nagbago na talaga ang tao eh, “ Effort” yan ang kailangan para mapatunayan nating nagbago nga ang isang tao.



Kung iisipin sa loob ng halos mag dadalawang buwan, nakita ko naman yung effort ni Dave kung paano sya nagbago sa pakikitungo nya sa akin, pero paano kung tama nga si zandro? Na baka pakitang tao lang talaga ang lahat?

Gggaaaddd!!! Please psychology! Ituro mo na sa amin kung paano kumilatis ng katotohanan sa hindi! Kelangan ko na talagang mag master ng psychology major in body language.


1 message received

- axel! Nuod ka ng game namin sa U week ha? Aasahan kita doon <3-

- Dave-


- Sure i will! :)-

Message sent.

Oo nga pala, U week na next week, hays, buti pa sila hayahay na samantalang kami bugbugan sa rehearsal.

1 message received.

- uy bunso, bukas ha? My treat :)))-

-Ino-

Ay! Oo nga pala! Nangako pala ako na sasamahan ko sya :3

- oo na po-


Message sent.


After kong maglinis ng katawan, nag browse muna ako ng FB, hays, eto talagang si Rennard, ang ingay ingay sa group ni kuya blue, sarap kaltukan eh tapos eto naman si kuya jace, mag aupdate daw, wala naman, nakakaasar. Tapos si kuya nhe naman, puro sad yung status, mukhang may problema ata sa lovelife. Hhahaha!

Anyways, anong oras na rin. Maaga pa kami bukas. Kailangan ko ng magpahinga at mukhang sasabak nanaman ako sa giyera nito.


Kinabukasan


8:30 pa lang, nasa school na kami, kami kasi ang opening prod ng school sa darating na U week, marami pa namang taga media ang pi-feature ng school na’to, ano bang magagawa ko? Eh kalos ata lahat ng mayayaman na tao dito nag aaral, dito rin nag sipag graduate yung mga sikat na celebrities ngayon.

“ okay guys! Double time, gustong makita ng president ng S.P.A yung production na gagawin natin, make sure na you’ll give your best okay? Ayaw kong mapahiya tayo, pinagpagurn natin to kaya sana ayusin nyo okay?”

Saad ni kuya Nics. Isa sya sa mga choreo namin at masasabi kong world class talaga mga galawan nya. Napapabilib talaga ako ng sobra sa galing nyang sumayaw.

“ yes kuya nic!” sabay sabay na sigaw naming lahat,

Dumating na yung oras at eto na,

Isipin mo lang axel na final performance mo ‘to okay?

Okay!!

Nagsimula ng tumugtog ang musika sabay baba ng mga front liners mula sa pole.

Yeah. Mistulan kaming mga pole dancers na mula sa taas na mala anghel ang mga costumes.

Halos ikaluwa ng mata ko kung gaano kataas tong pole na yakap yakap ko ngayon, buti na lang talaga at nalabanan ko na ang takot ko sa heights.

Sayaw dito sayaw doon,

kembot dito kembot doon.

Hagis dito hagis doon.

Sabi nila, if you know your passion, you must embrace and love it, you must enhance the skills that was given to you by god. Iba iba tayo ng specialties eh, yung iba magaling sa sayaw, yung iba magaling kumanta, yung iba naman sa pag arte, yung iba? Wala sa nabanggit! Haha. Pero hindi totoo na ang isang tao ay walang talent, sabi nga sa psychology, there are 7 types of talents na pwedeng mag karoon ang isang tao.

Mayroong talent sa pagcocompute at magagaling sa numbers, yung iba naman sa verbal and non verbal speaking, yung iba sa athletics at marami pang iba. Kaya kung iniisip mo na wala kang talent, don’t you ever say that, walang ibinigay si god na hindi tayo nagbebenefit, lahat tayo mayroong talents, ang kailangan mo lang eh ienhance at iimprove ang mga bagay na ibinigay ng poong lumikha.

Natapos ang performance at kitang kita namin sa mga mukha ng nanonood kung gaano sila na amaze sa performance namin, sana ganoon din kapag nasa harapan na kami ng mga estudyante ng SIU.

Hays salamat, tapos na rin ang rehearsal, buti na lang at maaga kamig papauwiin ni direk. Kelangan daw naming magpahinga para sa darating na Monday.

Well, i hope so. Haha! Si direk pa ba?

“ uy bunso! Ano na? Bihis ka na, dali! Nakapag pareserve na ako ng ticket oh, spongebob right?”

Ambot sa imo. Oo nga pala lalabas pala kami netong kapre na’to

“ oo na wait lang”

After kong magbihis dumiretso na kami sa sasakyan nya, eh parang mas excited pa tong hinayupak na’to sakin eh?

“ hoy! Para kang timang dyan. Makangiti? Lagpas singit? Haha!”

“ bang baboy neto, haha! Wala lang let’s just say masaya lang talaga ako ngayon”

“ wooooh!! Kalandian mo!”

“ malandi ba akong matatawag kung ikaw lang naman ang gusto kong landiin?”

Agad naman ang pinamulahan sa sinabi nya. Ayoko talaga ng mga banat na yan eh! Napakadali kong pamulahan potek.

“ joke lang to naman! Pulang pula ka na dyan oh haha!”

“ leche!”

“ love you”

“ pak yu”

After naming makarating sa mall, dumiretso na kami sa cinema, aba ang loko, 2 pm ang kinuhang slot, eh 1:55 na!

“ so are we good?” bigla nyang pagsingit

“ pwede ba yun? Eh wala nga tayong pagkain nagugutom na ko oh!”

“ pwede rin ba yun? Syempre meron na basta chillax ka lang”





Ino’s POV



Andito na kami ngayon sa loob ng sinehan ayoko namang biglain tong bansot na’to baka mayari na haha. Dahan dahan lang. Habang kumakain sya ng popcorn gamit ang kaliwa nyang kamay, dahan dahan ko namang hinawakan yung free hand nya

“ axel pahawak ah? Nakalimutan ko kasi magdala ng jacket nilalamig ako eh”

Halatang naiilang sya pero wala syang magawa. Haha!

Ang sarap sa feeling mga pre!

Second?

Dahan dahan ko naman tong inamoy

“ ang bango ng kamay mo bunso, amoy baby”

Sabay kurot sa pisngi

2 points bruh! Haha

At ang pinakahuli

“ axel, ang lamig na, payakap ako ha? Please?”

Hindi ko na inintay pa ang response nya at agad ko na rin syang niyakap.

Oh yeah! Sarap sa feeling!!


1 message received

- pre! Nakita mo ba si Axel? Di sinasagot yung text ko eh, di ko rin matawagan-

-Dave-

TALAGANG DI MO YAN MATATAWAGAN DUDE! Pinaoff ko kasi sa kanya yung phone nya dahil ayoko ng sagabal. Haha!

- nako bro, wait ah busy kasi ako eh -

Message sent

Hindi nya pwedeng malaman na kasama ko si Axel. Hindi.

After naming manuod ng cine, diretso na kaagad kami sa jollibee. Yeah! Ayoko sa isang mamahaling restaurant, nalaman ko kasing mas gusto nitong batang ‘to na sa mga fastfood chain lang ang gusto nya kesa sa mga fine dining resto. Kaya ako nainlove eh, napakasimple!

“ wow! Buti dito mo ko dinala, maganda yung mga kiddie meal nila dito eh haha”

Tsk. Isip bata pala to haha mukhang mas mapapamahal pa ako nito ah haha. Kung noon mahal ko na, ngayon mas mahal ko na haha!

“ syempre naman, sa jabi bida ang saya”

“ haha! Tama!” sabay kembot nya ng pwet

Fuck! Wag axel! Tinitigasan ako!!

“ a-ah e-eh ta-tara hanap na tayo upuan”

Matapos naming humanap ng upuan, dumiretso na ako sa counter para bilhin yung 3 sets ng kiddie meal nila at isang bucket ng chicken joy. Mukhang matakaw tong makulit na ‘to eh. Syempre kelangan kong mag pa impress.





Dave’s POV



Parang kahapon lang kami magkasama namimiss ko na kaagad sya haha! Bang landi ko naman pre! Kaso kanina ko pa sya tinetext ni hindi man lang nakuhang mag reply </3

Sinubukan ko ring tawagan pero out of reach din. Ano kaya ginagawa nun? Ang alam ko kasi may rehearsal sila ngayon pero half day lang yun eh?

Ah oo. Si Ino na lang tatanungin ko.

- pre! Nakita mo ba si Axel? Di sinasagot yung text ko eh, di ko rin matawagan-

Message sent

1 message received

 nako bro, wait ah busy kasi ako eh -

-Ino-

Eh? Anyare? Di man lang sinagot yung tanong ko? >.<

Hays ano ba naman tong araw na to ang boring. Namimis ko sya tsk inlove na nga talaga ako.

This coming week na pala ang University Week, for sure marami nanamang media ang darating dahil yun yung usap usapan sa school na’to grabe naman pala dito.

Syempre kelangan ko magpakitang gilas, hindi para sa kanila kundi para sa taong pinakamamahal ko,


Si axel.

Buti pa yung ibang course hayahay na samantalang kami eto may pinapagawang requirements, bwisit na yan.


Andito ako ngayon sa SM para bumili ng mga materials na kelangan kong gamitin para sa pesteng requirements na yun. Grabe pala tong SM na ‘to ang laki laki, well, hindi naman kasi ako lakwatsero eh. Tsk.

Hanggang sa mapadaan ako sa jollibee ng bigla kong maalala si Axel na mukhang fries.

Teka?
Si Axel ba yun?

Namalikmata ba ko?

Kinusot ko lang ang mata ko ng mapagtanto kong si axel nga ang nakaupo sa pangdalawahang upuan.

Dito ko lang pala makikita tong babyloves ko eh hahaha! Habang naglalakad ako papunta kung saan sya naroon ng mahagip ng mata ko kung sino ang paparating sa kinauupuan nya.


INO?!

Magkasama sila?! Kaya ba hindi nya sinasagot yung text at tawag ko? Kaya rin ba hindi nasagot ni Ino yung tanong ko dahil busy sila pareho sa isa’t isa?!

Parang may kung anong bumara sa kung saang parte ng katawan ko at nag uudyok na pumutok ang bulkan. Ang ayoko sa lahat eh yung niloloko ako. Pwede nya namang sabihin na aalis sila ni Ino eh? Bakit kailangan nya pang mag lihim?!

Hindi ko na napigilan a ang sarili ko at parang kusang pumunta sa kinaroroonan nila.

“ oh bro? Akala ko ba busy ka? Eto ba yung pinagkakaabalahan mo?” sarkastiko kong tanong.

Para naman syang tuod na hindi makapagsalita

“ ah dave, a-ano kasi, nagpasama sya sa akin kasi may project sila” pagsingit ni Axel

“Ah so kailangan talaga hindi mo sinasagot yung text at tawag ko ng dahil lang sa pagsama mo sa kanya? Ganoon ba axel? Kasi nga naman baka nakakaistorbo ako sa inyo no? Tama ba?”

“ hi-hindi Dave, nagkakamali k..”

“ tumigil ka! Halika na uuwi na tayo! “ hindi ko na sya pinatapos pa at agad na hinila papalayo

“ so bro? Alis na kami ah? Kinuha ko lang yung akin” paalam ko sa bastardo kong kaibigan.

Ayoko mang mag isip ng kung ano pero tama kaya ‘tong kutob ko na may gusto si Ino kay Axel? Hindi kaya ginagamit nya lang yung pagkakataon para agawin yung taong mahal ko?
Hindi ako papayag na maagaw nya sa akin ang taong nagpatibok at nagparamdam ng ganitong feelings ng ganun ganun lang.

Minsan sa buhay hindi talaga maiiwasan ang sulutan eh. Wala man tayong pruweba pero yung pakiramdam? Kapag lalong mas malakas yung pakiramdam mo na may sumusulot sa mahal mo malaki ang chance na totoo yun eh? Nako! Naexperience na yan ng author nyo. Itanong nyo pa sa kanya. Pero syempre, bilang mahal mo yung tao, ipaglalaban mo diba? Para san pa’t minahal mo nga kung hindi mo man lang kayang ipaglaban. Kapag alam mong malaki ang tsansa mo, kunin mo na. Wag ka ng mag alinlangan pa, sabi nga nila, daig ng malandi ang loyal. Kaya mag matyag ka. Hindi porke mabait sa’yo sa harapan eh mabait kapag nakatalikod ka.

Ayoko mang mag isip ng masama patungkol sa kaibigan ko pero shiiitt!!! Nanggagalaiti talaga ako.

Papunta na kami ngayon sa sasakyan ko habang hawak hawak si axel

“ a-ah Dave, masakit” ang mangiyak ngiyak nyang sabi, hanggang sa makita kong may isang butil ng luha ang umagos sa kanyang mata.
Shit! Wrong move Dave! Masyadong napahigpit yung hawak ko sa kanya

“ ay shit!, sorry mahal, sorry, hindi ko sinasadya” pagsusumamo ko habang sya’y hawak hawak yung braso nyang nasaktan ko.

Walang ano-ano ay agad ko na syang niyakap.

“ pasensya na ah? Kung nasaktan kita, ayoko lang kasi talaga ng nakita ko eh, pasensya na rin sa pag iisip ko ng masama sa ginagawa nyo, ayoko lang kasing wala akong update sa ginagawa mo eh, sana sa susunod mag tetext ka ah? Nag aalala kasi ako eh, miss ko lang naman tong batang makulit na ‘to”

Naramdaman ko na lang ang mahigpit nyang yakap bilang ganti.

“ pasensya rin kung hindi ko nasasagot mga text mo, nakapatay kasi yung phone ko eh, nakalimutan kong buksan pagtapos naming manuod ng cine kanina”

“ ha?!! Akala ko ba sinamahan mo sya sa pagbili ng project nya? Tapos ngayon nanuod pa pala kayo ng cine? Niloloko mo ba ko axel?”

Ano ‘to? Uurrgggh!! Patience dave patience. Let him explain his side.

“ ah-ah oo nga, pero sabi nya kasi bilang ganti manunuod daw kami ng cine”

La? Siraulo? Ano yon? Nauna pa yung libre kesa sa totoong pakay? Wala rin sa hulog tong si Ino dumamoves eh. Walang wala sa damoves ko weak!

“ tsk, sige na sige na, tara na uwi na lang tayo, dun tayo sa condo, magluto ka ah? Yung masarap, ops! Bawal tumanggi, may kasalanan ka pa sa akin”

Haha! Hindi ko na sya inintay pang magreklamo. Aba! Baka halikan ko sya dyan ng wala sa oras. Subukan nya lang magreklamo. Haha!

Hanggang sa makarating na nga kami sa Condo ko, ng may nakakalokong ngiti. Haha! Oh? Akala nyo may bed scene na no? Wala pa. Chill lang. Haha!


“ so pano yan mahal? Ipagluluto mo ako ah? Gusto ko yung masarp, yung kasing sarap m...”

“ oo na oo na, tsaka pwede bang,, pwede bang dahan dahan lang?”

“ what? Anong dahan dahan lang?”

“ a-ah ano kasi eh, ki-kini-kinikilig ako”

Fuck! Pagkasabi nya nun ay pinamulahan kaagad sya, pero teka? Sya lang ba? Eh parng mas pulang pula pa ako eh!! Kelangan ko ng tumakbo sa kwarto, hindi nya pwedeng makita ‘to.

“ a-a-ah a-ano s-sige m-mag lu-luto ka na”

Sabay pasok ko sa kwarto.

Pag pasok na pagpasok ko. Para akong tanga na nagtatatalon sa kama sa sobrang saya! Ganito ba talaga kapag alam mong napapasaya mo yung taong mahal mo? Haha! Sobrang saya sa feeling mga dude!




Ino’s POV


Fuck! Shit! Shit! Nasira lahat ng plano ko shit! Bwisit na Dave yan! Hindi ako papayag na napahiya ako sa harapan ni Axel ng ganon ganon lang. Kelangan kong makabawi.

Jhen’s calling


Ha? Ano namang problema netong haliparot na ‘to?

“ yes hello? Jhen? Bat napatawag ka?

“ break na kami ni Dave”

“ oh ano gagawin ko?”

“ nag break kami dahil sa baklang yon! Anng kapal ng mukha nya”

“ oh dahan dahan ka sa pananalita mo, hindi mo alam yang sinasabi mo Jhen”

“ bakit? Sinasabi ko na nga ba eh, may gusto ka rin sa baklang yun no? Ano bang pinakain sa inyo non at nahulog kayo sa bitag ng baklang yon ha?!”

“ gago ka ha! Eh pakialam ko kung break na kayo? Lampake sa sinasabi mo!”

“ oh chill, may naisip ako, bakit hindi natin sila pag hiwalayin? Sayo si Axel, akin si Dave? Game?”

“ at ano naman yang balak mo?”

“ basta, makikita mo na lang. Hahaha!”

Sabay end ng call. Fuck! Tama ba ‘tong pinasok mo Ino?! UURRGGGHH!!!



* University Week *



Axel’s POV



Wooooo!!! Thank you lord! Nairaos namin yung production ng matiwasay! Hay! Life achievement mga friends! Sobrang saya, nabigyan pa ako ng chance mainterview ng isang sikat na publication waah! Feeling ko artista na ako haha!

4th day na ng University week, at eto yung pinakahihintay ng lahat, ang laban ng Seniors and Juniors sa basketball kung saan napakaraming manunuod mapa media man o studynte o sa labas man ng school. Syempre manunuod ako kasi nandun si Dave at sinabi nyang kelangan makita nya ako na nadoon eh. Hihihihi.


“ bakla! Ano na? Tara na! Mag iistart na yung laban oh?” pagbubunganga ni Zandro. Hay nako kahit kailan talaga. Haha!

“ oo na eto na nga oh”

Habang nag lalakad kami papunta sa gym, pasikip ng pasikip ang daan, grabe! Ang daming tao!

Syempre kasama ko si procopio, may lahing ninja pa naman to. At thank god! Nakapasok na rin kami at nakakuha ng magandang pwesto.

Palinga linga lang ako para hanapin ang taong  nagpapunta sa akin dito.

Hanggang sa makita ko syang nakatingin sa akin sabay kindat at flying kiss. Sasaluhin ko sana ng biglang may tumaas ng kamay naaktong sinalo yung flying kiss ni Dave. Echuera?!

“ nakita mo yon sis? Kinindatan nya na ako, nag flying kiss pa sya, sa ganda ko ba namang to no kahit araw arawin nya pa ako, hihihi” ang malanding tono ng haliparot na nasa harapan ko

“ gaga! Ako yung tinitignan nya, assuming ka che!” sabat naman ng kasama nya

“ excuse me? Girls alam nyo bang may karelasyon na yang si Dave? So tama ng pagpapantasya okay?” pagsingit ni zandro. Haha! Good job zandro! Hanggang sa wala ng nagawa ang dalawa sa harapan namin at tumalikod na sabay irap kay zandro.

“ ladies and gentlemen, may I present to you, the SIU Cheer leading Dance Troupe” saad ng announcer

Hanggang sa mag start na silan sumayaw ng makita ko si jhen na binibuhat.

She’s so perfect. Napakagand nya, mukha syang anghel pero kapag gumalaw boom! Ang lakas ng impact. Halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng sigawan ng mga taong nanonood sa kanila. No doubt. Magagaling talaga sila lalong lalo na si jhen


“ and now, let’s get ready to see how these handsome varsities of our university showcase their strength in playing basketball on their play-off by juniors versus seniors” halos magiba ang gym sa sobrang lakas ng sigawan

“ and now may we call on the athletes of the junior division, number 16, Dave sandoval!” halos magiba na ang buong gym sa sigawan sa pangalan pa lang ni Dave. Grabe sikat talaga sya.

Hanggang sa matapos na ang pagpapakilala sa lahat ng manlalaro, hanggang sa


“ Sandoval for 3 points!”

Nakita ko lang syang timingin sa akin at kumindat nanaman. Gaadd!! Yung puso ko! haha


Makalipas ang 3 quarters, syempre 4th quarter na LOL

lamang sila dave ng halos 10 puntos sa kalaban, grbe. Ang gagaling nila sobra. 1 minute na lang ang natitira. Sure win na sila dave

“ GO DAVE!!!!” bigla kong pagsigaw. Ewan ko ba pero parang kusang bumuka yung bibig ko at sumigaw ng ganon kalakas. Hindi naman ako nabigo dahil mukhang lalo syang ginanahan sa paglalaro.

10 seconds remaining

“ Sandoval again for 3!” saad ng announcer

5 seconds remaining

nako. Sure na. Congrats dave! Im so proud of you.

After ng game, maraming gustong pumunta sa kinatatayuan ng mga players para mag papicture. Pero hinarang sila ng guards dahil sa media. Hinanap ng media si dave para interviewhin at kitang kita ito sa malaking screen at ng mag flash ang mukha ni Dave sa screen, another sigawan nanaman ang madlang people.


” first of all, congratulations mr. Sandoval for being the MVP of the game against the seniors”

“ may I ask, kasi kitang kita yung energy mo at yung determinasyon sa paglalaro kanina, at mukhang inspired na inspired ka ha? May I ask, may taong nagpapatibok ba ng puso mo ngayon?”

Sabay hiyawan ng mga tao. Kinabahan naman ako bigla sa di ko malamang dahilan. Sasabihin nya kaya?

“ ah, yes, actually sa kanya ako humuhugot ng lakas kanina sa game” halos lumabas na yung puso ko ng bigla syang tumingin sa direksyon ko ng biglang

“ yes, tama po kayo ng narinig, as the leader of the cheer leading DT, slash girlfriend ni Dave, todo suporta ako sa kanya dahil alam kong matagal na syang magaling sa pagbabasketball” biglang pagsingit ni Jhen

Bigla namang nagbulungbulungan ang mga tao na nasa gym

“ is this true Mr. Sandoval? Si Ms. Jhen ang nagpapatibok ng puso mo kung kaya’t inspired ka kanina sa game?”

Lahat ng  tao nag aabang sa sasabihin ni Dave, lahat lalong lalo na ako dahil nakatingin sya sa direksyon kung nasaan ako

Hanggang sa

“ ah, y-yes, siya po, we’ve been in a relationship for almost 2 months”

Halos madurog ang puso ko sa narinig ko at gusto ko na lang maglaho sa kinaroroonan ko, eto ba yung sinasabi nila Zandro na pinaglalaruan ako ni Dave?

Hindi ko na nakayanan pa ang pressure at agad na lumabas ng Gym. Wala na akong pakialam sa mga natatamaan ko dahil gusto ko lang makaais sa lugar na ‘to

“ Axel!” pag sigaw ni zandro.

Pag harap na pag harap ko sa kanya, agad nya lang akong niyakap at ibinuhos ko na ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking mata.

























14 comments:

  1. I feel the pain for you ax. Mabuti na yung marealize mo na. Take one day at a time. Take care Axel. Salamat sa update Mr Author.

    ReplyDelete
  2. Awww nakakalungkot yung nangyare kay Axel pero mas nakakalungkot yung magtatapos na tong story na to pls mr.author kahit last 10 chapters!!! Plss!!! :)

    Kawawa naman si Axel tangina talaga tong Jhen na to napaka bitch!!! Mamatay ka na!!!

    -44

    ReplyDelete
  3. Mr Author, huwag kang maniwala sa negative comments. Gumawa ka ulit ng ibang story. Im sure maganda din ang susunod na novel mo. Hihintayin ko yun. Salamat.

    ReplyDelete
  4. Wrong move dave,,, tsk3x bwesit na jhen na yan grrrrre.. kaya mu yan axel matalino ka kaya mu lampasan yan

    ReplyDelete
  5. Bitin naman. Huhu.. pero ang ganda mr. Author. Update na po agad. Hahaha.. salamat.

    -tyler

    ReplyDelete
  6. Super bitin naman po mr author. Mukhang mapapalapit n tlaga sa ending etong likha mo. Thanks for ur update mr author.

    Sana, akin nlng c ino ✌️✌️✌️✌️✌️

    Reagan hambog

    ReplyDelete
  7. bitin naman po tagal niyo mag update eh :(

    LAST 15 CHAPTERS PA PO PLEASE

    ReplyDelete
  8. Vvvvvviiiiiitttiiiinnnnn.. Update agad plssss hahahahaha

    ReplyDelete
  9. Oh my.. oh myy.. i need to read the next chap na. Cant get over this. Aha. Next chap po agad pleaseeee. Aha.

    Az

    ReplyDelete
  10. Last 15 chap please

    ReplyDelete
  11. Next update na agad pls mr author... super bitin... anyways thank you

    ReplyDelete
  12. Bitin naman eh bayan nakakasakit ng puson joke more update pa po ung medyo mahabahaba ganda kc ng story galing galing ni mr author..... sana bukas ng morning my update na pls pls......

    Juss...

    ReplyDelete
  13. holy............ i can feel the pain........

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails