The John
Lloyd Diary
Chapter VI
by: Apple
Green
jaceanime@gmail.com
"Biko.
May sasabihin sana ako sayo. Sana di ka magalit." Kelangan kong sabihin sa
kanya na nakita nina Jane ang pictures niya sa phone ko.
"Oh no
Levi. What did you do this time?" Nakadapa siya sa kama ko habang
minamasahe ko ang likod niya. Sana di kami magkagulo nito, kahit alam kong
malaki ang posibilidad na ganun nga ang mangyayari.
"Kasi.."
"Kasi
ano?"
"Sabihin mo na. Wag na wag kang maglilihim ng mga
bagay-bagay, lalo na sa ganito kasensitibong usapin. He needs to know,
Levi."
Oo na!
Sasabihin ko na nga.
"Kasi..
n-nakita ng mga kaibigan ko ang mga p-pcitures mo." Please Kayne. Wag kang
magagalit. Huhuhu.
"What?!
Papanong----"
"Nakalimutan
ko kasi i-activate ang s-security ng p-phone ko. Sorry Biko." Nakatungo
kong saad.
Tahimik lang
siya.
Isang minuto
ang lumilipas.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Limang
minuto.
Limang
minuto ng katahimikan at ilangan.
"B-biko,
s-sorry na. H-hindi ko s-sinasadya." Paghingi ko ng tawad. "W-wag
kang mag-alala. Mapapakiusapan naman ang mga kaibigan ko-----"
"Sa
tingin mo?!" At bigla nalang tumayo si Kayne at isinuot ulit ang damit
niya. Kinuha ang bag sa may dining table, at aktong lalabas na ng apartment ko
nang tawagin ko siya.
"Biko.
Mag-usap muna tayo. Please. Wag ka muna umalis."
"Para
ano pa, Levi? I am doomed. Nakita na nila ang picture ko. Worse is, baka may
isa sa kanila ang nakakakilala sa akin." Kita sa mata ni Kayne ang inis at
galit.
"Sorry
na Biko. Papakiusapan ko nalang sila na wag ng mag-ingay. Please, wag ka na
magalit."
"Sa
tingin mo mapipigilan mo sila? I doubt it!" At tuluyan ng lumabas ng unit
ko.
At ako,
naiwang nakatulala at nabigla sa nangyari. Alam kong sobrang higpit ni Kayne sa
mga bagay-bagay, pero ang iwan ako bago pa man namin mapag-usapan ang problema
namin?
Unfair!
Oo. Inaamin
ko. It was my fault for being so damn careless about my things. Pero, sapat na
ba yun para mag walk-out siya ng ganun-ganun nalang?
At isa pa,
kilala ko naman ang mga kaibigan ko eh. I know them better than he does. So
bakit ganun-ganun nalang siya kung makapag-react? Napaka baseless naman ng
pagka paranoid niya!
Another
thing: the city is so big. Imposible naman yatang ang isang kagaya niya na tiga
Raviola, ay kilala sa amin na mga taga State U. Sobrang malaki ang mundo para
may agad-agad na makakilala sa kanya.
I know he's
discreet and he's keeping this a secret. Alam ko naman yun. Pero, bakit ganito?
Napabalikwas
ako ng bangon sa kama ko nang biglang bumukas ulit ang pinto ng unit ko, at
iniluwa nito si Kayne. May halong inis pa din sa mukha nito, pero mas umaapaw
ang blangkong ekspresyon niya. Nakatayo lang siya sa may pintuan, nakatungo.
Ako, nakamasid lang sa kanya. Katahimikan.
"Biko."
Tawag ko sa kanya, kapagkuwan.
"N-nakalimutan
ko ang t-towel ko." Palusot niya. Alam kong alam nito na nailagay na niya
sa bag niya kanina ang towel na ginagamit niya sa kanyang mga kamay. He sweat a
lot. In his hands. Gusto kong mapangiti sa inakto niya, pero hindi ito ang tamang
lugar para dun.
"B-biko.
Mag-usap muna tayo. Please? S-sorry na." Nakita ko siyang
bumuntong-hininga at pumasok ng tuluyan sa unit ko. Umupo sa sofa at nakasapo
sa noo na nananahimik.
"What
are we talking about?" Matabang niyang tanong. Tumayo ako mula sa kama at
tinabihan ito sa sofa. Nasa posisyon sya kung saan mahihirapan akong magpa-cute
at maglambing. But nevertheless, I will do it. Kasalanan ko to. Dapat lang.
Nakatungo
lang siyang nakaupo sa sofa. Nakapatong ang mga siko sa tuhod niya at
nakahilamos naman sa mukha niya ang mga kamay. Ayaw niya atang magpayakap sa
posisyon niya.
But I should
know better. Magaling ako magpa-cute, at epektib tayo pagdating sa mga bagay na
yan. Isinuksok ko ang ulo ko sa puwang sa pagitan ng katawan niya at ng mga
braso niya, at sinubukan siyang kausapin sa ganoong posisyon.
"Biko.
Sorry na. Inaamin kong kasalanan ko yun, pero sana naman bigyan mo ako ng
pagkakataon para maitama ko yun. Please Biko." Nakapikit lang siya.
Tahimik. "Biko. Please. Kilala ko naman yung mga kaibigan ko eh. Alam kong
mapapakiusapan ko sila."
"Foul,
Levi. Nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito. At alam mo ang sitwasyon
ko." Kinuha niya ang mga kamay mula sa mukha niya at inilagay sa gilid ko.
Nun ko siya niyakap. I'm not giving up. Unfair ka Kayne, pero tangina, mahal
kita!
"I
promise. Aayusin ko to. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Please Biko?"
Nakabaon lang sa dibdib niya ang mukha ko, nang maramdaman kong inaangat niya
ito para salubungin ang mukha niya.
He gazed
into my eyes. And the next thing I knew? He was kissing me. And the rest was
history. And censored too.
Umuwi siya
pagkatapos ng isang mainit na tagpo sa pagitan naming dalawa. Pero masaya ako
at naging okay na kami. I made a promise that whatever trouble I caused, I will
make it right. At sisiw lang yun. Kilala ko sila. Mapapatahimik ko ang mga
kaibigan ko. Whenever I want to.
=====================
Unang araw
ng huling semester ko bilang isang college student. Nasa Conference Room kami
ng college namin para sa aming OJT Orientation. This semester, we need to
render 400 hours of internship. Hassle, pero kelangan eh.
Maaga akong
nakarating dito. At tanging kami pa lang ni Aiko sa aming magbabarkada ang
nandirito na. Papunta pa lang daw sina Maia.
"Pssst."
Tawag sa akin ni Aiko. "Levi."
Napalingon
naman ako sa katabi kong si Aiko. "Yup?"
"Pwede
bang patingin ulit ng picture ni Biko?" Ngiti nito sa akin. Noong sumunod
na araw pagkatapos kong sabihin kay Kayne ang nangyari, agad kong kinausap at
pinakiusapan ang buong tropa na kung pwede, amin-amin nalang ang balitang iyon.
Ikinwento ko sa kanila kung bakit kailangan kong pangalagaan ang sekreto ni
Kayne. Nagpapasalamat naman ako't naunawaan nila ang hinaing ko.
"B-bakit?"
Pinapagpawisan tuloy ako sa naging pakiusap ni Aiko.
"Basta!
Sige na. Please? My mouth is zipped. Nagpromise na ako sayo about this,
diba?"
"Sige
na nga." At kinuha ko ang phone ko, at binuksan ang gallery. Nung nakita
ko na ang picture ni Kayne, binigay ko ito kay Aiko. "Eto. Aanhin mo ba
yan?"
"Basta
nga." At inabot nito ang phone ko. "OMGWTF! A-ano ba pangalan
niya?" Naibulalas ni Aiko nang makita nito ang picture ni Kayne.
Nag-isip pa
ako. Alam kong mapagkakatiwalaan naman itong si Aiko eh. "Uhmmm..
K-Kayne?"
Nanlaki
naman ang mga mata ni Aiko. "D-dela Rosa?" Furks! How did she know?
"Paano..
Bakit mo n-nasabi?" Shit. Kamuntikan na akong madulas.
"Wag ka
na magkaila Lebleb. Kilala ko siya!" Shit shit shit! Why did you have to
open your freakin' mouth Levi? Magbigti ka na! Tsk.
"Oh my
God. Wag kang magbiro, babae ka! Please lang. Tell me you're kidding."
"I'm
not. This, my dear, is the famous Mark Kayne Dela Rosa. Jusko! Kilalang-kilala
siya dati sa school namin. Siya ang Class Valedictorian sa batch nila."
Pero ang mas nakakatawa, mas nanlaki pa ang mga mata ko sa mga nalaman ko mula
kay Aiko. "Don't tell me that he didn't tell you?"
Napa-iling
nalang ako. Walang mahanap na salita upang itugon sa kaibigan ko.
"I
don't know him personally though. At alam kong hindi niya ako kilala. Pero
grabe. I didn't expect na ganun pala siya. Kaya pala ayaw niyang may ibang
nakakaalam." Shit! Game over for you Levi. Kayne is going to be so furious
about this! "But, anyway, buhay nyo naman yan eh. Pero tangina Levi! Ang
swerte-swerte mo sa Biko mo!"
"Wag ka
ngang maingay!" Saway ko kay Aiko nang mapansin kong pinagtitinginan na
kami ng iba naming kaklase. "Please. Sobrang please lang Aiko. W-wag na
sana tong kumalat pa. Mapapatay niya ako."
"At
bakit ko naman gagawin yun? Buhay nyo yan, my dear friend. Pang-supporting
actress lang ako. I'm just happy for you na sya ang Biko mo. Ang haba ng buhok
mo brad!" At sinuntok pa ako nito sa braso.
"Salamat.
Maraming salamat, magandang binibini." Ngiti ko sa kanya.
Habang
hinihintay namin ni Aiko ang iba naming barkada, at ang pagsisimula ng
programa, kinwentuhan pa niya ako ng mga bagay-bagay na nalalaman niya tungkol
kay Kayne.
He was the
top of his class. Madaming mga contest at kung anu-ano pang mga
pangkatalinuhang aktibidad ang sinalihan nito noong High School pa sila. He
even joined a national quiz bee something in Manila, and even got first place.
Wow! Just wow. Nakakapangliit sa sarili ang mga nalaman ko. Ang talino pala talaga
niya no?
Pero bukod
sa mga karangalang naidulot ni Kayne sa school nila noon, at ng ibang maugong
na balita tungkol kay Kayne dati, wala ng ibang naikwento si Aiko. Kahit anong
impormasyon tungkol sa personal na buhay ng boyfriend ko, o kahit man lang kung
saan ito nakatira, nganga.
Pero sige
lang. Sa tamang panahon, malalaman ko din ang lahat tungkol kay Kayne.
You know, I
like this challenge. Yung tipong, ikaw mismo ang maghahanap ng mga impormasyon
at detalye tungkol sa buhay ng isang tao. Hindi yung tradisyunal na paraan,
kung saan isusubo nalang sa iyo ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila.
One thing I
like about this relationship is that, it brings me so much excitement through
puzzles I never imagined I would solve before. Sa mga nangyayari, para kasing
dahan-dahan mong binubuksan ang regalo na ibinigay sayo. You're excited to know
what is in that box, and yet, you are also enjoying the thrill and the
curiousity.
And yes!
Mahal ko na nga si Kayne.
Alam kong
magdadalawang buwan palang kami, pero ito na yun eh. This is it!
Yung
pakiramdam na kahit madami kang pwedeng ipintas sa ugali niya, na madami kang
ayaw na bagay sa isang tao na nasa kay Kayne, pero nagsisimula ka ng magustuhan
ang mga bagay na yun?
Halimbawa,
kay Kayne. He's demanding, he's bossy, he's unfair most of the times, and he's
also possessive and clingy. Grabe siya kung makapag-demand kapag gusto niya ng
masahe. Tas pag nagkakasama kami, bawal na bawal ang maghalungkat ng phone or
any gadget. Gusto niya, sa kanya lang lahat ng oras at attention ko. He's
something. Really.
But, at
times na hindi kami nagkikita? Hinahanap-hanap ko yung mga hindi magagandang
ugali niya. I don't know why. Maybe I'm just too attached to him already.
Tanginang kupido ka! Namamana ka naman ng wala sa schedule eh.
=====================
"B-biko?"
Ewan ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga nalaman ko nung isang araw mula
kay Aiko o wag na muna. Magkahalong kaba at kasiyahan ang nararamdaman ko
ngayon na andidito na naman kami sa unit ko. Magkasama. Magkayakap.
"Hmmn?"
Tugon niya. Nakayakap siya sa akin habang kapwa kami nakahiga sa kama ko.
Trust.
Communication. And honesty.
Right. I
should tell him.
"Ang
talino mo pala talaga no?" Panimula ko na nakangisi. I just can't blurt
things out directly to him. At hindi ko alam kung gano kahaba ang itatagal ng
ngising inilagay ko sa aking mga labi.
"Sabi
ko nga, di ako matalino. Am just hardworking, and that's it." Your
humbleness. Ikaw na.
"Class
Valedictorian at naging first placer sa isang national quiz bee sa Manila, back
in 2008. That's how you define hardwork." Sarkastikong saad ko. Nanlaki
naman ang mga mata niya na parang ayaw makapaniwala na nalaman ko ang mga bagay
na yun. Hindi naman kasi niya sinabi ang mga yun sa akin.
"H-how
did you---"
"Well,
let's just say that I have my ways of getting information. At iyon, mahal ko,
ay isang sekreto." At ninakawan ko pa ito ng isang mabilis na halik sa mga
nakaawang niyang mga labi. Di pa siya nakakabawi mula sa pagkakagulat sa mga
ibinunyag ko.
I knew, I
caught him off his guard. Siguro hindi niya inexpect na malalaman ko.
Technically, di naman talaga ako nagresearch. Information just found its way to
me.
Ngumiti lang
ako sa kanya nang makitang pinandidilatan na niya ako. Alam kong sunod na
niyang itatanong kung papano ko nalaman ang mga impormasyong iyon.
Sasabihin ko
ba? Teka. Nagdadalawang-isip pa ako. Tsk. Baka magwalk-out na naman siya. Ay!
Bahala na. Di ko naman inaasahang makikilala siya ni Aiko eh.
"Uhmmm,
B-biko, ang t-totoo niyan kasi.. k-kilala ka ng isa kong k-kaibigan." Ang
ngisi na naging ngiti sa aking mga labi ay binura ng matinding kaba sa naging
reaksyon ni Kayne. Pinikit nito ang mga mata sabay pakawala ng isang malalim na
buntong-hininga at hinilamos ang dalawang palad sa sariling mukha.
Galit at
naiinis na siya. Pero sana, di sya magwalk-out na naman. Sana bigyan nya pa rin
ako ng pagkakataong mapag-usapan namin ito.
"P-pero
wag kang mag-alala. K-kilala ko si Aiko. Mapagkakatiwalaan yun! Wag ka ng
magalit. Please." Alam kong hindi niya tatanggapin ang naging eksplenasyon
ko. He's a perfectionist and he is a man of proof. There and then, I knew, I'm
dead.
"Aiko?"
Matabang niyang tanong.
"Aiko
Montemayor." Natatarantang kinuha ko ang phone ko at binuksan ang isang
application. "Here, try to check her FB account." Kinuha niya ang
phone sa aking kamay at tiningnan lang ako na halatang inis na inis pero
blangko ang ekspresyon ng mukha.
Inilipat
nito ang atensyon mula sa akin patungo sa mga impormasyong nakalagay sa aking
screen ng phone ko. "Oh great! Tss." Mahinang saad ni Kayne.
Klarong-klaro ang pagkairita sa mukha at boses nito.
Habang
pareho kaming nakatingin sa profile ni Aiko sa FB, di ko naman maiwasan ang
hindi kabahan sa kung anumang maaaring idulot niyon sa amin ni Kayne. Pero di
ko naman kasi kasalanan kung kilala siya ni Aiko, samantalang tinatago niya ang
tungkol sa totoo niyang pagkatao. Malay ko bang sikat pala siya? Di naman kasi
siya nagkukwento masyado tungkol sa buhay niya.
"Aiko
Montemayor." At nakita kong isa-isa ng hinahalungkat ni Levi ang mga
pictures ng aking kaibigan sa profile nito. "Familiar." Narinig kong
sabi ni Kayne. Nasa phone at FB pa rin ang lahat ng atensyon nito.
"Biko.
W-wag ka ng magalit. Mabuting kaibigan naman si Aiko eh." At niyakap ko
siya mula sa gilid, ang ulo ko ay nakahilig sa likod niya.
"Ano pa
ang sinabi niya tungkol sa akin?" Matabang niyang tanong.
"W-wala
naman. Y-yun lang namang tungkol sa pagiging matalino at sikat mo sa skwelahan
nyo dati."
"Sigurado
ka?" Pinandidilatan na nya naman ako. "Sinabi mo ba'ng----"
Di ko na
siya pinatapos. "Oo. At oo, alam niya ang tungkol sa pagiging discreet mo.
Pinakiusapan ko siya, at alam kong safe ang bagay na to sa kanya."
"Ano
sinagot nya nung nakiusap ka?" My goodness! Napaka-paranoid.
"Sinabi
niyang ano naman daw ang makukuha niya kung ipagkakalat niya ang tungkol
sayo." Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Kayne nang marinig ang
mismong sinabi sa akin ni Aiko. "Sabi ko naman kasi sayo, ikaw lang ang
paranoid Biko eh."
"You
don't know what you are talking about Levi. Hindi ako nagbubuhat ng bangko ah,
pero sa totoo lang, kilala ang buong angkan namin sa amin, sa kabilang bayan.
At ginagawa ko lang ito para protektahan ang pamilya ko. Sana maintindihan
mo." Paliwanag ni Kayne.
Para akong
nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Kayne. Tama siya. Hindi lang naman
siya ang tao sa paligid niya, may pamilya siyang dapat isipin bago gumawa ng
kung ano. Hindi kagaya ko na sarili lang ang iniisip, na walang pakialam sa
sinasabi ng iba.
Pero kung
ganun nga, bakit pumayag siyang makipagrelasyon sa akin?
"Kaya nga patago lang ang ginagawa niyo diba? Kaya nga ayaw
niyang may ibang nakakaalam. Mag-isip ka Levi!"
"Levi.
Naiintindihan mo ba ako?" Nabigla ako nang ang mga seryosong mata ni Kayne
ay sumalubong sa aking pagbabalik sa reyalidad.
"Y-yes,
Biko."
"Sana
wala ng ibang makaalam nito ha?" Tumango nalang ako.
Wala akong
ibang magawa eh.
Kahit hindi
ko gustong itago mula sa iba ang relasyon namin.
Kahit na
gusto kong ipagsigawan sa lahat na mahal namin ang isa't isa.
Kahit gusto
kong lumabas naman kami paminsan-minsan, at mag-date sa ibang lugar. Hindi
kagaya ng nakagawian namin na nasa apartment ko lang.
Gustung-gusto
kong wag umayon. But do I have a choice? Mahal ko si Kayne, at ayokong
makipaghiwalay ng dahil lang sa gusto nitong ilihim ang lahat sa amin. Para
kasing ikinakahiya niya na ako ang boyfriend niya. Pero.... tangina!
Wala akong
magawa! Kailangan kong sumunod sa kagustuhan ni Kayne.
"Biko."
Tawag sa akin ni Kayne nang mapansin siguro nitong nagtatalo ang loob ko't
lumitaw ang kalungkutan sa aking mukha. "Wag ka ng malungkot. Ngayon lang
naman to eh. Sa tamang panahon, magagawa din naman natin yung mga gusto nating
gawin sa labas eh. Pero sa ngayon, intindihin mo muna ako. Ha?"
Selfishness.
Yun ang
unang salita na pumasok sa utak ko.
Ewan ko lang
kung sino sa amin ang selfish eh.
Siya ba na
gustong siya na muna ang intindihin sa mga gusto niya, na hindi man lang
kinukonsidera ang damdamin ko?
O ako dahil
gusto kong makasiguro na hindi niya ako ikinakahiya sa iba, at gustong wag
niyang isipin ang sinasabi ng iba, para sa relasyon namin?
"Biko.
Please?" Pagsusumamo sa akin ni Kayne. Eh ano pa nga ba ang sasabihin ko?
Tss.
"Oo na,
sige na." At wala na nga akong sinabi, kundi ang magparaya nalang. Mahal
ko si Kayne. At kung talagang mahal ko siya, makakapaghintay ako kung kelan
magagawa na namin ang mga bagay na normal na ginagawa ng mga magkatipan sa
publiko. Haaay.
"Promise?
Wala ng ibang makakaalam ng tungkol sa atin?" Ngiti niya. Putek!
Ginagamitan na naman ako ng salamangka nitong boypren ko.
"Promise."
Finally, I reluctantly relent and surrendered to his demands.
"Thank
you Biko." At ginawaran niya ako ng halik sa labi at yumakap sa akin. "I
love you." Narinig kong saad niya nang bawiin niya ang kanyang mga labi at
ipinahinga ang ulo sa dibdib ko. Napangiti ako sa narinig ko. Miminsan lang
kasi kung sabihan ako nun ni Kayne.
"I love
you too, Biko. Mahal na mahal kita." At ako naman ang humalik sa noo niya.
=============================
Tatlong
linggo ang nakakalipas mula ng huli niyang dalaw sa apartment ko.
Kating-kati
na akong makita siya. Dati naman kasi, hindi ganito ang sitwasyon namin eh. We
see each other once a week. Bihira lang na umaabot sa dalawang linggo ang
pagitan ng pagkikita namin.
Last week pa
ako text ng text at tawag ng tawag sa kanya. Busy daw. May ibang ginagawa. Ayaw
namang sabihin kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
This is one
thing I hate about him. Kung gano ako kabukas sa mga bagay na ginagawa at
pinupuntahan ko, na halos kada limanag minuto ko siyang tinetext, ay ganun din
siya kasaradosa mga bagay na nangyayari sa paligid niya. Dagdagan pa na
bibihira lang siya magtext at tumawag sa akin.
Kahit busy
ako sa iskwela at sa OJT namin, ginagawan ko pa rin ng paraan para maitext siya
at makumusta. Pero sa kasamaang palad, lahat ng mga mensaheng iyon, ay puro
tanong ang bumabalik sa akin.
Nabasa ba
niya?
Busy ba sya para
hindi makareply?
Kumusta na
kaya siya?
Nakakain na
ba siya?
Mga bagay na
ganun. Siguro hindi nyo naman ako masisisi kung mag-alala ako sa kanya diba?
Hindi ko naman hinihiling ang buong oras niya para sa akin. Ang akin lang, sana
naman, maisipan din niyang maalala na may boyfriend siyang tao na nag-aalala sa
kanya.
"Ah
basta ako, naniniwala ako sa kasabihan na kahit gaano pa kaabala ang isang tao
sa buhay niya, kung mahalaga ka talaga sa kanya, gagawa at gagawa siya ng
paraan para magparamdam sayo." Napalingon naman ako kay Dianne at sinamaan
ito ng tingin. Alam kong ako na naman ang pinagtitripan ng mga ito.
Nasa may
sala kami ng bahay nina Maia. Buong barkada, kumpleto. Sina Maia, Dianne, Gino,
Jane, Aiko, Aldrin at Chuck. Sabado kasi at pareho kaming pahinga sa OJT namin.
"Uy.
Wag nyo ngang binu-bully tong si Lebleb." Nasiyahan naman ako sa
pagtatanggol sa akin ni Chuck. "Kita nyo na ngang iniicha-pwera na siya ng
boyfriend niya eh, ganun pa kayo!" At pinagtawanan na ako ng lahat. Siniko
ko si Chuck, akala ko pa naman ay mga kaibigan ko sila. Tss.
"Ba't
ba napaka Anti-Biko nyo? Selos lang kasi walang lovelife?" Pangangantyaw
ko sa kanila. At tawanan pa rin ang isinagot nila sa akin, habang nagmemeryenda
ng samu't saring chichirya.
Apat na araw
na kasing walang balita mula kay Kayne. At ako naman, nakaisip ng paraan para
magpakita siya sa akin, tinigilan na ang kakatext sa kanya sa nakalipas na
dalawang araw. Tingnan ko lang kung di niya ako ma-miss.
"Okay
na ang walang lovelife kesa sa ilihim ka ng partner mo, no? Magbo-boypren tas
itatago ka lang, ano yun? Muntanga lang?!" Pang-aasar ni Jane. Grabe.
Ambu-bully nitong mga taong ito. Kaibigan ko ba talaga ang mga ito.
Sinaway siya
ni Maia. Si Maia na nga lang ang tanging nakakaintindi ng kinatatayuan ko
ngayon eh. "Di pa rin ba siya nagpapakita, beast?" Tanging iling lang
ang naisagot ko. Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Natuwa naman ako sa nabasa
kong tumatawag sa screen nito. Sinenyasan ko ang buong tropa na tumahimik muna.
"H-hello
babe?" Excited na sabi ko pagkasagot ng tawag.
"Bakit
hindi ka na nagtetext?" Wow. Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Ako pa ang
tinatanong niya ng ganun?
"Eh,
hindi ka nga rin nagtetext eh." Sumbat ko sa kanya pero nakangiti lang
ako. Namimiss ko si Kayne.
"Kayne!
Biko! Halika. Jam tayo. Di ka pa namin nakikilala eh. Pakilala ka naman."
Sigaw ni Dianne at kinakausap ang kausap ko sa phone. Napangiti naman ako sa
imbitasyon ng mga kaibigan ko.
"Sino
yun? Bakit alam nya ang pangalan ko?!" Di ko na alam kung sino ang unang
sasagutin nang sabay-sabay nagsalita ang nasa telepono at ang mga kasama ko.
Nalulunod ako sa ingay.
"Ah
Biko. S-si Dianne yun." Tumayo ako mula sa sofa at pumunta sa may porch
nila Maia para makalayo sa ingay ng barkada.
"What?!
Akala ko ba wala ka ng ibang pagsasabihin ng tungkol sa atin? Akala ko ba si
Aiko na ang una at huling makakaalam?"
"Biko
let me explain------"
"I am
so disappointed at you Levi." At tuluyan ng binaba ang tawag. Takte! There
goes his ego. I tried ringing him back, but he turned off his phone already.
Great. Just great!
Iniwan na
niya naman akong nakabitin sa ere.
Bakit ba
ganito siya ka unfair sa akin?
Is he even
serious about this relationship?
O baka naman
mas mahalaga ang sarili niya kesa sa nararamdaman ko, sa amin, at sa relasyon
namin?
Tangina!
San ba ako
lulugar sa relasyong ito?!
- Itutuloy -
Medyo nastresss ako sa kwento na to hahah. Masyado pambabae ang feeling nung bida. Tnadaan iba ang relasyon ng bi couple sa regular na magjowa lalo na kung discreet pa ung isa. Basta alam nyo naman na mahal nyo isat isa bakit pa kailngan paglangandakan pa sa iba. Peace
ReplyDeleteNa namn hahai ano bayan si kayne nakabagot
ReplyDeleteNice update author....... Update na ulit
ReplyDeleteLevi, intindihin mo naman si Kayne. First time nya to while you've been around the block and back. Mahal ka nung tao. Kabado siya masyado. ......Salamat sa nh update Mr Author. Take care.
ReplyDelete