Author's Note
muling nagbabalik ang gwapo nyong author. HAHA! una sa lahat thank you sir mike and sir all sa oportunidad na makasulat sa blog na ito. thank you po! support nyo rin guys yung mga co author ko. haha!
at sa mga avid readers and commentors ko maraming maraming maraming salamat po! haha!
44- hi! haha! grabe ka. di ko kinakaya mga comments mo. haha! nakikita ko sayo personality ni zandro i mean na sesense haha!
sir alfred- mabait si dave promise haha!
mher- bitin pa rin? waaah. di ko na alam gagawin ko senyo. haha!
kismet- salamat at kinilig kayo, ako rin eh xD
LoveisanOpendoor- elsa? nasan si anna? ahaha! salamat at natutuwa kayo sa story ko kahit boring LOL
tonette - hi! ramdaam na ramdam ko yung kasabikan mo hahaha. anyways here's your inaabangan na chapter mas nakakakilig to. promise .
edison- hi! salamat ng marami!
at sa mga anonymous, pakilala naman ho kayo para mamention kayo haha.
at sa mga silent readers ko, add nyo na lang ako sa fb ng makapagkulitan tayo haha! fb: Axel de los Reyes.
feel free to comment guys! mas naaappreciate namin yung mga feelings nyo to improve our work so please,, haha. pakilagyan din po ng code name if ever na magcocomment kayo thanks!
so kung kinilig kayo sa last chapter, mas kikiligin kayo ngayon hahaa.
so here's your chapter 15, enjoy!
Chapter 15
Axel’s POV
Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng bahay namin
Waaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!
Shet! Kilig na kilig ako grabe! Bang landi ko ba? Kasi naman eh eeeee!!!! Daig ko pa nanalo sa lotto hahaha! First ever date namin ni Dave yun ng hindi malayo ang pagitan sa isa’t isa. Take note, ang bait nya sa akin sobra! Nakakapanibago pero gusto ko ang nangyayari ngayon, waaah!!! Napaka productive naman ng araw na ‘to kaso yung extreme rides lang talaga, grabe parang umikot yung sikmura ko dun, kaso wa poyst din akong kumain kanina sa harapan nya, eh pano ba naman, ang layo ng byahe tapos nakatulog pa ‘ko ng gutom. Hahaha!
Actually, akala ko kung anong gagawin nya nung pumunta sya sa org namin kanina, nakakagulat sobra, alam kong maraming mata ang nakatingin sa akin at kay dave kanina sa loob, eh sino ba naman ang hindi? Ang Dave na sikat na sikat sa school, pupuntahan ka? Di ba nakakapanibago at nakakagulat yung ganoon? Well actually kinabahan ako kanina lalo na nung
Nung
Magkaholding hands kami habang naglalakad! Waaaah!!!! Kung pwede ko lang patigilin ang oras kanina ko pa ginawa, kaso alam kong magiging selfish ako kapag nagkataon kaya binawi ko ang kamay ko sa kanya kahit gustong gusto ko pa, ayaw kong masira ang pangalan nya ng dahil lang sa akin. Sino ba naman ako kumpara sa mga taong nagkakandarapa sa kanya? Kaya as much as possible ayokong gumawa ng move na alam kong ako lang ang magbebenefit. Ayaw kong nagpapakasaya ako habang may nasasaktan na iba.
Well, if you readers think na niloloko lang ako ni Dave?
Hindi ko alam, actually kanina ko pa inaanalyze kung pagpapanggap ba yung kanina o yun yung totoong dave na sinasabi ni Ino? Well, all in all I really like what happened today. Sana hindi pagpapanggap at bukal sa kalooban ni Dave yung ginawa namin ngayon.
Agad ko lang tinawagan si Zandro para magkwento. Gaaadd!! Can’t wait to burst it out friends! First time ko ‘to! Ganito pala ang makipag Date lalong lalo na sa taong mahal mo.
Krrinnnggg!!!!
“ o bat napata......”
“ zandrooo!!!!!!!!!!!!”
“ ano ba? May tenga ko gaga ka, wag mo naman basagin eardrums ko pwede?” hahahahaha! Di ko na kasi sya pinatapos pa sa sasabhin nya. Agad ko lang kinwento lahat ng nangyari ngayong araw, para naman syang timang na hindi kumikibo sa kabilang linya.
“ oh? Tapos? Tapos na yon?” pagbasag trip nya sa lahat ng sinabi ko. What the fuck? Ang haba ng sinabi ko tapos ganyan response nya?!!
“ ano ba? Di ka ba masaya par sa akin?” ang naiinis kong sabi
“ masaya naman, it’s just that, we don’t know dave ng buo, malay mo may gagawin nanaman syang masama? Mamaya pagkatapos nun may ipapagawa nanaman sya sayo? Gaadd! Axel! Mamulat ka naman, sapat na siguro ang isa’t kalahating buwan para mag bulagbulagan diba? Sorry bes ha? Pero kaso ikaw lang ang iniisip ko, to tell you honestly, napakalaki ng pinagbago mo physically, look at you, ang payat mo na sobra, para kang di kumakain tapos yang eyebags mo? Te, pang kilo na yan! Matulog ka naman!”
“ Zandro, alam ko naman yun, pero sana wag naman nating husgahan yung tao ng ganun kadali lang, gaya nga ng sinabi mo, hindi natin sya kilala ng lubos, kaya we don’t have the right par mag judge. Sabi ko nga sayo diba? What ever comes the result of my actions, tatanggapin ko itong lahat, isa lang naman ang hinihingi ko eh, ang mag stay ka o kayo sa tabi ko, dahil after this day, ikaw o kayo lang ang pwede kong pang hugutan ng lakas, and as of now, ieeenjoy ko na lang muna kung ano ang nangyayari at ihahanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang pwedeng mangyari in the future”
“ don’t worry, sa oras na saktan ka nung kupal na yun, makikita nya ang lalaking Zandro no!”
“ HAHAHA! Ikaw talaga, o sya pagod na rin ako goonight labyu bes”
“ leche ka! Tumawag ka lang para sigawan at basagin ang eardrums ko, o sya tulog na bye labyu tu”
At agad ko na ring pinindot ang end call.
Sa buhay, madalas tayong mag judge ng isang tao based on their physical appearance or sa isang bagay na nagawa nila, it may be into positive forms or in the other way around,but who am i to judge? ( pope francis ikaw ba yan) che manahimik ka otor!
Tama naman diba? Pare pareho lang tayo, and with that, we don’t have the right to judge other people dahil after this day, pareparehas tayong nakakagawa ng mali, pero make sure na kaya mong bumawi at itaa ang pagkakamali mo at iwasan pang makagawa ng isa pang pagkakamali.
Peole change, well everything change, wala namang permanente sa mundo eh, isa lang ang permanente, 7.50 NA LANG ANG ARIEL! FINALLY ARIEL HAPPEN TO ME ONE WASH CLEAN SA LABADA FOR JUST 7.50!
At doon sa mga changes na yun? Isa lang naman ang kelangan nating gawin eh, it’s either to adapt or to refuse. Kung alam mo sa sarili mo na hindi nakakabuti yung mga pagbabagong yun para sa’yo, simple lang, iwasan mo. Ganon lang kadali yun.
Changes makes people become stronger or become a better person, or in the other way around, pwede ring makasama para sa iba, ang kelangan mo lang alamin is that, you should know your limits, wag kang guawa ng mga bagay na sarili mo lang ang iniisip mo, dail may mga taong matutuwa samantalang ang iba ay nasasaktan sa ginagawa mo. Kelangan balance ang lahat.
At sa love? Well, hindi ko pa alam at hindi ko pa mafigure out eh haha! Pasensya na!
Toooott
1 message received.
Goodnight axel! Nag enjoy ako sobra sana ganun ka rin :) - Dave
Waaah!! Matutulog na lang ako lahat lahat papakiligin pa ako ng taong to. Sana lang talaga at totoo sya sa ginagawa nya, dahil naffeel ko naman na bukal sa loob nya yung nangyari kanina. Sana lang talaga. Hindi na ako mag rereply para kunyari pababae epek. HAHAHAHAHAHAHA
Masyadong mabilis ang pangyayari ngayong araw na ito, i dunno pero nagugustuhan ko ang lahat, pero sabi nga nila, wag masyadong lubusin dahil baka magsisi ka sa huli.
Kinabukasan
1 message received
2 message received
3 message received
Hanggang sa
22 message receive.
Tae naman oh! Sino ba ‘tong kumag na ‘to ke aga aga mag text! Himbis na sa alarm clock ko ako magising, dito pa sa mga text na ‘to. Malaman ko lang talagang pinagtitripan ako ng hinayupak na’to nako nako!
LOKOHIN NYO NA ANG LASING, WAG LANG ANG BAGONG GISING SA LAWAY NA HUMAHALINGHING. Hahaha!
O.O
Lahat kay
Kay Dave
O.O
O.O
O.O
O.O
-Hi Axel! Goodmorning! <3-
- hi? Gising ka na ba?-
(tanga mo dave, malamang kung gising yan magrereply yan, bang bobo neto-author)
-uy? Kain na, baka malate ka sa klase :)-
- may you have a good way to start your morning axel! :))-
At marami pang iba.
Bh3. Busog na ‘ko. Ahahaha! Infairness, parang mutual na ang feelings ha? Sana lang no. Haha!
1 message received
Uy? Gising ka na ba? Mag reply ka pag gising ka na ah? Para naman maganda bungad ng umaga ko :)-
MYGGAAAAADDDD!!!! Para na kong tanga na pagulong gulong dito sa kama
Hanggang sa
JUSMIYOMARIMARSANTISIMANIPULGOSONAANAKNIBARABASNAHINALIPAROTNISISA!
YUNG TUMBONG KO!!!!
Double deck yung kama namin, sa baba si kuya
At ako sa taas! Meshekit bh3.
Para kong inano ng mga ano sa hirap tumayo. Masakit yun ah. Buti na lang may foam sa baba pero ramdam pa rin yung sahig. Nakakaasar.
Teka teka. Di pa pala ko nakakapag reply kay dave miloves haha!
- hi Dave! Good morning! Pasensya na kakagising ko lang :)-
Message sent.
Dave <3 is calling
Waaah!!!
- he-hello?- me.
- good morning sunshine!- ang masigla nyang bati ay weh? Eh mukhang makulimlim nga. Haha!
-good mo-aray rning di aray din.- ang maluha luha kong sabi. Pababa na ako ngayon papunta kusina habang kausap ko sya. Anong oras na kaya no. Baka malate pa’ko. Arl muna bago landi. Pero kung multi tasker ka. Sige MAG ARAL KA HABANG LUMALANDI.
- oh? Okay ka lang? Ano nangyari? May masakit ba?-eh? Pwede isa isa lang? Pero sweet ha. :))
- ah eh ano kasi, nalaglag ako sa kama-
aminan na to. Wala rin namang mangyayari pag magsisinungaling eh.
-oh? Bakit? Ano ba naman yan, mag ingat ka naman, bukod sa mahirap kapag may iniindang sakit, magastos pa. Ingat ka okay? Mas mag ingat ka kapag wala ako sa tabi mo naiintindihan mo?-
Me: SPEECHLESS
-ah eh-eh oo sige, mag iingat na sa susunod- konti na lang, mag kukumbulsyon na ko sa kilig.
- o sige na, mag prepare muna tayo parehas, baka parehas pa tayong malate, hehehe- ay pabebe? Meganon? EDI WOW.
- osige paalam- paalam ko habang nakangiti.
(hoy! Ngumiti ka man dyan hindi nya yan makikita. Chura neto. Malate ka sana!-author)
Che! Palibhasa walang lovelife, inggitero. Naseen ka lang eh bwahaha!
(INAMO-author)
Anyways, move on na tayo guys kahit ako onti pa lang, ano bang araw ngayon? Awtsu. Next week na pala ang foundation day. Bugbugan nanaman kami neto sa org.
Kumain lang ako ng almusal at nagpaalam na kila mommy dahil mukhang traffic nanaman sa EDSA. Kasalanan to ni PNOY eh!
AFTER LONG HOURS OF WAITING
Hays. Nakarating din sa school. Buti na lang hindi na makirot ang tumbong ko. Medyo masakit yun ah. :3
Marami na ang nagsisidatingang estudyante na may mga dala dalang materials na for sure para sa mga iba’t ibang booth na mangyayari sa school.
Masyado ng busy ang lahat para sa foundation day, next week na ang gaganaping activities para sa U week, masyadong hectic ang mga sched ng may mga extra curricular activities gaya ko, though, ngayon pa lang, wala na kaming klase, mabuti na rin yun ng makapag focus ako sa pag gawa ng steps, nakakainis kaya! Ikaw ba naman bigyan ng assignment na gumawa ng steps sa buong kanta? Duh? Di naman ako professional eh. Haha! Well baka sa paningin nila oo? Hahaa!
Ewan ko pero kanina pa’to dikit ng dikit si Ino. Parang ewan nakakapanibago haha! Well anyways kelangan ko munang magfocus dahil next week na ‘to ipeperform.
Kanina rin naibigay sa akin yung pyesa na kelangan kong kabisaduhin para sa international play, mabuti na lang at may talent ako kahit papaano sa pag aarte haha! And guess what? Ako lang naman ang gaganap bilang kapatid ni sharpey sa high school musical. O diba? Hahaha! Bahala na. Nasabi ko na rin ito kila mommy, nung una parang ayaw nila pumayag pero kalaunan naintindihan naman nila kaya ngayon, todo suporta na sila.
Wala akong balak sabihin kay Dave ang bagay na ito, wala namang rason eh. Ewan ko ba, parang may nagsasabi sa akin na wag ko na lang sabihin. Haha! Ang gulo talaga minsan ng utak ko.
Well paalam muna mag papractice muna kami haha! Bye!
Jhen’s POV
It’s been so many days simula ng makipaghiwalay si Dave sa akin, for all this time? FUBU lang ang tingin nya sa akin? The hell! Mahal ko sya at wala akong balak na pakawalan sya!
Andito ako ngayon sa gym para kausapin sya at umaasang maayos ang lahat.
At ayun, nakaupo sya habang hawak ang cellphone nya.
“ Dave” paunang salita ko.
“ oh Jhen ikaw pala” plain nyang sagot. Fuck! Wala man lang ba syang naramdaman sa akin?!
“ can we talk?” pakiusap ko sa kanya
“ look jhen, pasensya sa inasal ko nung nakarang araw, its just that, biktima lang ako ng isang karanasan, karanasang gusto ko ng ibaon sa limot, i know i’ve been a fool para gamitin ka, pero jhen all I can offer now is friends” halos mapaupo ako sa sahig sa mga narinig ko, sobrang sakit.
“ why? Is it because of Axel? “
Wala akong nakuhang response mula sa kanya.
“Bakla ka na rin ba?! Sabihin mo! Ano bang ginawa nya para mahulog ka sa kanya! Ediba pinaglaruan mo lang sya? Kinawawa? Inalipusta? Pinagmukhang tanga? Tapos ngayon ipaparamdam mong si Axel nga ang dahilan? Gaad Dave! Ganon ba kadali mainlove sa bastardang baklang yon? Hindi ka ba nandidiri?! Mas maiintindihan ko pa kung sa ibang babae ka nauhumaling eh, pero sa isang bakla?! I can’t take it anymore!”
“ pwede ba jhen! Sa tingin mo ba ginusto ko ‘to? Ha?! Kasalanan ko bang mahulog sa kanya?! Kung ako lang ang tatanungin, ayoko, sinasabi ng katawan ko na hindi pwede pero eto? Etong puso’t isip ko, wala ng ibang alam gawin kundi ipakita at iparamdam na may isang axel na nagmamahal sa akin!”
“ bakit? Mahal din kita dave! Sana naman maramdaman mo yun!”
“ nandun na tayo pero hindi ko kayang suklian yung nararamdaman mo para sa akin, we may had sex before but it was just sex, nothing else, sorry”
Isang malakas na sampal lang ang inabot nya sa akin, sobrang sakit na marinig lahat ng ito sa taong minahal mo n ng lubos.
“ saktan mo ko ng saktan jhen tatanggapin ko, alam kong kasalanan ko to at gusto kong ayusin na ang lahat”
“ hindi, hindi ako makikipag break, hindi pa tayo tapos. Makikita ng Axel na yan kung ano at saan sya nararapat, sisirain ko kayong dalawa! Kung hindi ka mapupunta sa akin, mas hindi ka mapupunta sa baklang yon! Tandaan mo ‘to dave!”
Aalis na sana ko ng hawakan nya ang braso ko ng may diin
“ ouch! Get out of me! Masakit!” ang pagmamakaawa ko
“ sa oras na masaktan si Axel ng dahil sayo, kakalimutan kong babae ka” pang babanta nya sa akin
“ actually, hindi ako ang sisira at mananakit sa kanya, kung hindi ikaw!” sabay alis at lakad paayo mula sa kanya.
Kelangan ko ng magawa ang plano ko sa madaling panahon, after U week i’ll make sure na wala ng mukhang ihaharap pa si Axel sa University na ‘to
Axel’s POV
Waaaahh!!! Nakakapagod, tae naman pwede water break? Grabe naman to si direk, haha! Nakakabwisit, kung di lang to director kanina ko pa binalya to eh haha! Jk lang ayokong mapaalis dito xD well anyways, buti naman at binigyan nya kami ng isang oras para magpahinga, intense ang rehearsal grabe, tapos ako pa yung front act! Nakakaasar talaga haha! Hirap maging maliit friends.
“ axel!” ang masiglang bati ni Ino. Seryoso? Hindi sya napagod? Wow ha. The nerve. Samantalang ako halos malagutan na ng hininga.
“ oh? Problema mong kapre ka?”
“ haha! Samahan mo naman ako bukas sa SM oh? May bibilhin kasi ako eh” pamimilit nya
“ aba? Ginawa mo pa kong utusan ha?” pang iinis ko.
“ no.no.no. Okay sige, ililibre kita to watch movie, anything you want.”
“ weh?! Sige. Nuod tayo spongebob out of the water tapos bilhan mo’ko ng tumbler nun tapos popcorn tapos fries”
“ eh?! Parang mas mapapagastos pa’ko sayo eh?”
“ take it or leave it”
“ syempre take it. Barya lang naman yun eh haha!” aba? Pag mayaman talaga oh tsk tsk.
“ Axel! May nagpapabigay” saad ni Neon na kasama ko sa org sabay abot ng isang plastic bag.
Ng tignan ko ito, wow! Isang sandwich at gatorade tamang tama nagugutom na ako. Pagkaangat ko ng gatorade may sticky note na nakadikit
- good day axel! Wag papakapagod ha? Enjoy your day- dave
Waaah!!! Ewan ko pero shet pulang pula ko ngayon. Sobrang sweet! Hahaha! Sobra ba? Ewan ko para sakin sobra eh hahaha!
Agad ko lang nilabas ang phone ko para itext sya
-hi dave! Nakuha ko na yung pagkain na binigay mo, thank you! Ikaw rin ah wag pakapagod. :)
Message sent
Ngayon ko lang na feel na kami nga ni Dave ahahaha! Bang landi ko naman po xD
Sobrang sarap sa feeling. Ganito pala yung pakiramdam na alam mong may concern sya sayo haha! Ang saya ng araw ko! Wala na! Energized nanaman ang lolo nyo haha!
Dave’s POV
After namin mag usap ni Jhen, nakaramdam ako ng kaba, parang may gagawin syang hindi maganda, at may nagsasabi sa akin na kailangan kong aksyunan to. Pero paano?
Inalis ko muna sa isipan ko ang mga bagay patungkol sa kanya, anogn oras na! Kumain na kaya yung pandak na yun?
Kung noon “ HALIMAW” ang pangalan nya sa phone ko, ngayon?
“ BATANG MAKULIT <3” na.
It may look so corny pero wala eh haha! Mahal ko na yung makulit na yun, wala na akong pakialam sa sasbaihin ng iba, tanggap rin naman ako ng pamilya so why should i worry? Kung iisipin ko pa ang sasabihin ng iba, hindi ako sasaya. You know, in life we cannot please everybody you just have to accept the fact that people may like you nor hate you for no reason. All you need to do is to enjoy and leave those bitches in the place where they belong. Haha!
Pumunta ako ng canteen para bumili ng makakain para sa kanya, gusto ko sanang ako ang magbigay personally kaso nagpaalam lang ako na ccr lang kaya no choice ako na ipaabot kay Neon na kasama nya rin sa dance org na classmate ko rin sa isang subject.
1 message received
hi dave! Nakuha ko na yung pagkain na binigay mo, thank you! Ikaw rin ah wag pakapagod. :)- Batang makulit <3
Parang kong ewan na abot tenga ang ngiti na kulang na lang eh magpagulong gulong sa sahig. First time to mga pre! First time kong maramdaman yung ganitong feeling! Hahaha! Shet kinikilig ako!
Kelangan ko lang talaga magpakitang gilas sa kanya. Haha! Alam kong manunuod sya dahil sinabi nya sakin nung nag text kami haha!
- sabay tayo mamaya, nuod tayong cine okay?
Message sent
- ahw, 5 pa labasan namin dito eh :3
-it’s okay, i can wait :)
- sure ka? Pwede naman sa ibang araw na lang eh, :)
- nope, i can wait, wag makulit okay? Tsaka sa ibang araw? May iba tayong pupuntahan. :)
Simpleng conversation lang ito kumapra sa iba pero ewan ko ba, para kong tanga na kanina pa hindi maalis ang ngiti sa mukha ko haha!
“ oh? Baka naman mapunit na yang mukha mo? Haha!” pambasag trip ni Ian
“ mukhang inlove ka ata ah haha!” pang aalaska naman ni Ian
“ kanino naman? Naks! Maganda ba patingin nga! Babaero ka pa naman haha!” pangungulit naman ni mark,
Shet! Pano ko ba sasabihin ‘to? Siguro hindi pa ‘to yung tamang oras. Next time na lang. Haha!
“ wala to, may batang makulit lang na nangungulit sa inbox ko”
“ yun yon! Inlove nga! Hahaha. Taena ka pre, tigilan mo na si Axel! Mag focus ka na dyan sa taong yan, mukhang iba epekto nyan sayo eh haha! Pabayaan mo na yun si axel haha!”
Pano ko pababayaan kung sya yung nagpapasaya sa akin ngayon? Haha! Bahala kayo dyan. Basta ako? Hindi ko na papakawalan pa yung taong nagpatibok ng puso ko. Arruuuyyyy!!!! Ang mais ko hahaha!
Elijah’s POV
It’s good to be back -.- buti naman at binigyan na ulit ako ng POV netong si otor haha! Well anyways, busy ang lahat para sa darating na U week, kung busy sila, mas busy kami, eh officer ba naman ako ng CAAP eh. Ang hirap pero kelangan, ginusto ko to eh. Lately hindi ko masyadong nakakasama sila axel dahil busy nga ako pero palagi ko naman silang pinapadaanan ng GM
“ uhm, excuse me? Eto po ba yung office ng CAAP?” teka parang namumukhaan ko to ah?
“ uhm yes eto nga, what can I do for you?”
“ im, Ian Frederick, pinapabigay po kasi ‘to ni mam lish “
Sabay abot ng isang envelope. I knew it, sya nga, kaibigan sya ni Dave, and for sure isa sya sa may alam ng pakikipagpustahan kay axel.
“ ah, yeah sabi ko na nga ba, kilala kita eh, if Im not mistaken, isa ka sa mga kaibigan ni Dave right? So i guess you know about sa pagpupustahan nila kay axel?”
Para naman syang natameme sa mga sinabi ko. Gotcha! May alam nga sya
“ uhm, actually...”
“ kindly tell this to your friends, sa oras na masaktan si Axel ng kahit sino sa inyo, may kalalagyan kayo sa school na’to. The hell I care kung makapangyarihan kayo dito, may mga rules and regulation na nakasaad dito sa school at anytime na makagawa kayo ng labag sa mga ‘to, isang pitik lang, talsik kayo sa school na’to, kita mo? Vice president lang naman ako ng student affairs kaya, you know what you need to do” ang pagbabanta ko sa kanya.
Wala akong narinig na response sa kanya at agad nyang nilisan ang lugar kung saan narito kami ngayon. Kung hindi ko kayang lumaban ng dahas sa panggagago nila, dadaanin ko ‘to sa maayos at malinis na paraan.
Don’t worry axel, i am always here for you para bantayan at alagaan ka.
Next week, university week na at kelangan maging prepared ang bawat isa sa amin ordinaryo o hindi man na mga estudyante, kelangan paghandaan ang lahat. Kelangan walang maiinjured at maiiwan na karahasan sa bawat event, kelangan naming panatilihin ang maayos at malinis na pagdaraos ng event.
Dave’s POV
It’s been 3 hours makalipas ang pag uusap namin ni axel. At ilang inuto na lang out na rin nila sa rehearsal. Aba? Dinaig pa basketball team ha? Haha! Anyways, malaki nga ang ipinagbago ko, at isa ‘to sa mukhang nabago sa akin, kung noon malate lang ng 5 minutes ang kausap ko, aburidong aburido na ako, pero ngayon? 3 hours and counting na! Life achievement bruhs. Haha! Siguro ganito nga kapag inlove no? Kaya mong magtiis maipakita mo lang na mahal mo talaga sya. Sabi nga nila, words cannot express how you really love a person but with actions, a simple gesture may provide a thousands of happiness that you can give for the person you love.
“ hi” nako po. Andito na ang batang makulit haha.
“ so you’re here, how’s the rehearsal?” baby? Di ko masabi yung last word :3
“ ayun nakakapagod hehe. Kanina ka pa ba? Pasensya na ah, nag sermon pa kasi si direk eh” ang lungkot lungkutan nya. Ang cutee!!!!
“ nako wala yun, I can wait as long as you are the one that I am waiting for” hahaha! Yan ang banat dave!
Hindi na sya nag salita dahil pulang pula na sya. Haha!
“ so let’s go?”
Tango na lang ang nakuha kong response mula sa kanya.
It took a couple of minutes before kaming makarating sa BGC bwiset na traffic yan!
“ so we’re here, pasensya na sa traffic”
( OH ANO? KASALANAN KO NANAMAN? PUNYETANG BUHAY TO- PNOY)
“ o-okay lang yun”
So habang naglalakad kami, bigla ko na lang naalala yung una naming paglabas sa mall. Yung tipong sobrang layo ng distansya ko sa kanya, actually hindi sya mukhang alalay nun eh, mas mukha pa syang loner dahil malayo talaga kami sa isa’t isa. Bigla akong nakunsensya kaya inakbayan ko na sya. Panay naman ang tingin ng ibang tao sa amin, hindi na rin ako mag tataka dahil sa tangkad kong to? Ohaoha. At sa sobrang cute nitong katabi ko? Aba! PERFECT COUPLE! Haha!
“ ah dave, nakakahiya, pinagtitinginan na tayo,” an nahihiya nyang sabi
“ hayaan mo na yang mga yan, di naman natin yan mga kilala eh”
So una naming ginawa is kumain muna kami sa isang mamahaling restaurant, syempre kelangan kong magpakagentleman haha. Pagod nga talaga kong mahal ko arruuuy. Gutom na gutom eh.
After naming kumain, nandito na kami sa bilihan ng ticket
“ ano gusto mong panuorin?”
“ ah ano uhhhmmm” haha. Ang cute nya mag isip xD inlove ka nga talaga dave
“ pwede bang yung home na lang? Parang ang cute kasi eh”
Haha! Bata nga to. Isip bata! Haha!
“ oo yun lang pala eh, sige sige wait ka lang dyan”
Agad lang akong pumunta ng cashier para kumuha ng ticket, ng makakuha na ako, nakita ko syang may hawak ng tumbler na mukhang isang merchandise ng home
“ ay pasensya na nauhaw kasi ako eh hehe”
“ haha ikaw talaga, tara na, anong oras na rin oh last showing pa naman”
Habang nanunuod, panakaw nakaw ko lang syang tinitignan habang sya’y tutok na tutok sa panunuod haha! Bata talaga!
This is it.
Dahan dahan kong inilalagay yung kaliwang kamay ko sa likuran na. Kunwari nag uunat ako hanggang sa nakaakbay na ako sa kanya.
“ axel, nilalamig ako, payakap ah?” haha! 1 point dave!
“ ah eh si-sige”
Marami pa kong ginawang kababalaghan sa kanya pero di ko na idedetalye baka saihin nyo masyado ng mahalay haha!
“ uhm, dave, salamat ulit sa araw na ‘to ah? Nag enjoy ulit ako ng sobra” saad nya ng may matamis na ngiti.
“ wala yun, basta ikaw, kahit araw araw pa nating gawin, osya, gabi na rin masyado, matulog ka na ah? Wag ka ng magpapagod”
Inaantay ko ang response nya pero agad nya akong niyakap
“ Dave, salamat, akala ko nung una hindi ako makakalapit sa tulad mo eh” ang mangiyak ngiyak nyang sabi
Iniharap ko naman sya habang “ kalimutan na natin ang nakaraan okay? Let’s just focus on the present. Past is past. We can never go back there. Okay? “
“ sige na, baka abutin ka pa ng syam syam sa byahe eh, ingat salamat ulit!”
Papasok na sana sya ng gate ng
“ axel! Wait”
“ ay, bakit may naiwan ba ko?”
“ ah wala”
“ ah eh bakit?”
“ Axel, i--i-- I LOVE YOU”
Kilig overload naman to!!!!!!!!! Di ko kinaya yung sweetness nila at bitterness ni bitch ay ni Jhen pala haha ano kaya gagawin nya hmm at ano kayang gagawin sa kanya ni Dave pag sinaktan niya si Axel hindi ko na mahintay!! Excited na ako sana patayin na zi Jhen haha jklang..
ReplyDeleteAno na kayang mangyayari kapag umalis na si Axel at hindi sya nagpaalam kay Dave </3 tsk lagot tong si Axel!!
Mr.author madaldal lang ako haha pero di naman kagaya ni Zandro saka super mahiyain ako dito nga lang ako nakakapaglabas ng mga gusto kong sabihin eh haha!! Thanks pala sa nakakakilig na update sana next update may bed moments na sila hahahaha!!!! Pls!!!!
-44
Weee super kilig to the max.. This is the part that i like in every story kasi dito na ngkakadevelopan ung mga main characters hihihihi
ReplyDeletePls author update agad pls.. Sana habaan naman next time.. I know hindi madali mg isip ng susunod pero sana naman madali lang pero il wait.. Am an avid reader.
First of all, thank you author sa update na to! Love it. OA mo author, kung hinahanap mo sina elsa at anna ayun nagshoshooting sa bago nilang movie :/ na hindi ako kasama -_- . Anyways, Bat' binitin mo pa kami ;) "Dave: Axel, I love you <3" "Axel: O.O" ;) hahaha. Kilig to the "NERVES" hahaha. May favor nmn ako author, GAWIN mo akong isa sa mga character dyan, AKO ang papatay kay Jhen and at the same time AKO ang magpapaibig kay INO <3 .(#ASSUMING XD) TY again and TCGB! Break a leg!
ReplyDelete-LoveisanOPENdoor ;)
P.S - dagdagan mo pa ng chapters ;) o bka may plano kang magpart 2 nito ;) EXCITED na ako! Cnt wait author.
OMG HAHAHAHAHAHAHAHA Dave is <3
ReplyDeleteang bitin author huhu update bukas pleasssh (demanding lang xd)
another kilig tumbong chapter lol
ReplyDelete--kismet
Wala na si David. Talagang in love na. Sana totohanan na yan. Thanks sa update. Take care.
ReplyDeleteWat kaya magiging reaction ni Dave if malaman niya na mgaabroad ng 1 yr si Axel sa Singapore dahil sa play? Hmmmm exciting.. UPDATE na author plssssss.. Plsssa
ReplyDeletePanu kaya maipagtatanggol ni dave di axel ky jhen plano nitong gawin? C ino at elijiah kawawa sila nmn ndi mkuha ang taong mahal nila, kyln din gumwa ng way si axel n masabi ung pg alis niya ksrapan ni dave yun
ReplyDeleteLove tlga ang laki ngagawa para baguhin ang tao
Jharz
Kilig.. ganda ng story mr. Author.. medyo habaan pa onte tapos medyo patagalin pa yung story. More on kilig moments and kontrabida. Lol. Bigyan mo naman mg scenes sila Ino, elijah and axel. Hehehe. Para may selos naman kay dave. Thank you mr. Author.
ReplyDelete-tyler
pwede bang daily na magupdate please :(
ReplyDeleteNo update parin.. Huhuhu nakakalungkot naman :-(
ReplyDeletetgal ng update
ReplyDelete