Author's note...
Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
So I just read na pinasa sa akin ni kuya Blue ang kwento ni Aulric mula sa JFAM. Aw! Malas lang dahil napakalayo pa ni Aulric sa kwento. Slow-paced kasi haha. Well try ko namang pabilisan ang story kung pwede. Also with those negative comments, keep on coming. Have fun!
So I just read na pinasa sa akin ni kuya Blue ang kwento ni Aulric mula sa JFAM. Aw! Malas lang dahil napakalayo pa ni Aulric sa kwento. Slow-paced kasi haha. Well try ko namang pabilisan ang story kung pwede. Also with those negative comments, keep on coming. Have fun!
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16
Chapter 17:
Rest in Peace
Marcaux's POV
Ayon nga sa isang kasabihan, ang oras ay ginto. Bakit hindi
kaya diamond? Bawat moment ay dapat pahalagahan. Hindi dapat sayangin. Bawal
mag-replay, bawal mag-fast forward, bawal mag-rewind, bawal din mag pause. Pero
meron din tayong stop. Iyun ay sa oras natapos na ang ating buhay. Alam niyo ba
na naisip ko, what if mawala si Keith sa akin nang biglaan? Makakaya ko kaya?
Makakaya ko kayang maghanap ng isa pang posibleng katulad niya? Bakit ang
advance ko naman kasi mag-isip? I'm just thinking of a worst possible scenarios
that will come to my life eventually. Unpredictable ang bukas. Hindi natin alam
kung ano ang nakatagong sumpresa nito para sa atin. So going back, for me,
Keith is irreplaceable. I can't have another one of him in a minute, wait, sa
kanta ito. I can't have another one of him in more years to come. It might be
the end of the world for me. Pero makaka-move on din ako... or is it? Parang
gusto kong sumunod sa kaniya kapag nangyari iyun. I loved him... so much.
So, I will make every moment count habang nabubuhay kami.
Lagi kong ipaparamdam sa kaniya na mahal ko siya. Lagi akong magsasabi sa
kaniya ng 'I love you' at pagkatapos, makikita ko ang mga mapupulang pisngi na
nahihiya sa sinasabi ko at sasagot din siya ng 'I love you too'. Pero paano
kung huli na ang lahat?
Lumabas na lang ako ng locker room at naabutan si Allan na
patuloy pa rin sa pagpa-praktis.
"Allan, ikaw na ang magsara ng clubroom kasi ikaw na
lang ang tao dito," utos ko sa kaniya sabay hagis ko ng susi ng clubroom
at sinalo niya.
"Saan ka pupunta captain?" tanong niya.
"May kailangan lang akong ayusin bago mahuli ang
lahat," sagot ko.
"Anong bagay ang aayusin? Teka captain, may problema
kayo ni Keith ano?" nakakaloko niyang wik.
"At kung meron, ano naman?"
"Wala lang," kibit-balikat ni Allan. "Kung
ano mang pagsubok iyan captain, malalampasan niyo iyan."
"Great. Mga bagay na ayokong marinig mula sa
iyo," sarkastiko kong saad.
"Bakit naman?"
"You are suspicious in every way you do Allan. Isa
kang hindi mapagkakatiwalaang tao para sa akin," diretsahang sinabi ko.
"But you do trust me with these clubroom keys? Iyan ba
ang may trust issues sa akin?"
"Ibang bagay naman iyan. I'm just being reasonable na
dapat ikaw ang magsara ng gym ngayon. Quick question, may gusto ka pa rin ba
kay Keith?"
Napatawa na lang siya ng gaya kay... Santa Claus?
"Quick question or a trick question?" ngiwi pa niya.
"Huwag mo nga lang intindihin ang tanong ko,"
singhag ko.
"Sa tingin ko ehh dapat umalis na ako-" Hindi ko
na pinatapos ang sasabihin niya at lumabas agad ng basketball gym. Kahit na sa
tingin ko ay nagbibiro lang siya, mahirap na.
Pagkatapos kausapin si Allan, dumiretso na ako papunta sa
Journalism Club. Kailangan ko na talaga itong ayusin ang problema namin ni
Keith.
Pagkapasok ko, walang ibang estudyante ang laman ng
clubroom kung hindi si Arielle lang.
"Marcaux. Naparito ka't anong atin?" tanong ni
Arielle.
"Si Keith?"
"Umalis. Bumili ng burger para sa aming dalawa.
Nagugutom na ako ehh."
"Ahh. Ganoon ba? Sige. Aantayin ko siya dito."
Lumapit ako sa desk ni Keith at umupo. "Katya, matanong ko lang. Gaano na
kayo katagal na magkaibigan nila Katya at Keith?"
Napa-isip ito. "Siguro mga apat na taon na din sa
pagkakatanda ko."
"Alam niyo ba iyung... parang... sikreto ninyo sa
isa't isa? Iyung ganoon," pakumpas kong tanong.
"Umm... yeah. So? May gusto ka bang malaman tungkol
kay Keith? Ay sige! Sasagutin ko iyan since ikaw na boyfriend niya ang magtatanong.
Game!" excited na tugon niya.
"Umm... okay. So alam mo ba iyung tungkol sa... naging
sex friends sila ni Katya?"
Natahimik si Arielle saglit at nag-isip. Maya-maya ay
histerikal na tumawa. Magandang senyales ba ito o masama?
"Nako! Pasensya na talaga. Ang ganda lang kasi ng
unang tanong mo sa akin," saad ni Arielle na sinisikap tapusin ang kanyang
sinasabi habang tumatawa.
"At ano ang maganda doon sa itinanong ko?"
"Sinabi na ba ni Keith sa iyo ang lahat o ang parte
lang? Siguro parte lang ang nakwento niya." Natigil na rin siya sa
kakatawa. "Actually, nagkaroon kasi ng insidente like last year ata around
8 months na rin. Nag-inuman kami sa Journalism Club for no reason I think... o
baka dahil sa naging matagumpay ang aming November issue. Laktawin natin ang
part na iyan, pati si Keith at Katya, uminom din. And then nalasing na kami
this and that, ewan ko kung anong ginawa namin pero hinatid namin si Keith sa
bahay ni Katya. Si Katya kasi, nag-iisa lang naninirahan pero wala tayong
pakialam sa kwentong iyun. So iyun na nga. Nagsama sila Keith at Katya sa isang
kwarto. Kinabukasan, nag-kwento si Keith sa nangyari sa kanila ni Katya noong
gabing iyun. Sinabi niya na may ginawang nakakahiyang bagay sa kaniya si
Katya."
"At iyun ay binigyan ni Katya si Keith ng isang
blowjob?" hula ko.
"Oo. Iyun nga. Tinatakot nga namin si Keith na kapag
kinwento niya iyun sa ibang tao lalabas sila na masamang tao. Tapos nagtanong
siya kung may term ba para sa kanila? Sinagot namin na para kayong sex friends.
And then this and that, hindi na namin pinag-usapan ang bagay na iyan. At iyun
ang kwento sa likod nun."
Not again. NOT AGAIN! WTF! Iyun pala ang kwentong iyun?
Hindi ako makapaniwala na ako ang may kasalanan sa pagkakataong ito. Pinalaki
ko ang isang maliit na maliit na pagkakamali ni Keith. Maraming sorry talaga
ang kailangan sabihin ko kay Keith niyo. Ikaw talaga Marcaux. Argh! Kailangan
ehh i-text ko na agad si Keith na ayos na kami as in now na! Kahit anong
klaseng parusa ang gawin niya sa akin, tatanggapin ko! Pambihira naman kasi
Marcaux. Anong ba itong ginagawa mo? Parang sa blowjob lang ehh. Well at least,
walang nangyari sa kanila ni Katya. Pero grabe ka talaga Marcaux.
"Wait a minute, napansin kong medyo gloomy si Keith
kanina?" nag-aanalisang saad ni Arielle. "OH MY GOD! Dahil ba ito sa
itinanong mo kanina? OH MY GOD! These people are so ridiculous! Over-acting
iyung dalawa masyado!"
"Ehh bakit ba naman kasi ganoon sila maka-react?"
"Best friends nga talaga sila! Dahil siguro sa
pangalan ni Katya iyan panigurado."
"Choco, I'm very sorry sa ginawa ko. Pinapatawad na
kita- erghhmmm... nope. Ako ang patawarin mo kasi ako ang nakagawa ng kasalanan
ngayon. Sorry na talaga at kung gusto mo akong parusahan, parusahan mo ako
okay? Nandito ako sa Journalism Clubroom at ingat kayo ni Katya." text ko
kay Keith.
Keith's POV
"Umm... salamat sa advice Blue. Ohh, heto na pala
iyung inorder nating burger," saad ko.
Kinuha naming tatlo ang mga burger. Paalis na kami sa lugar
na iyun.
"Sabay na tayo Keith," yaya ni Ren.
"Umm... dito pa ako pupunta sa kabila ehh. May
bibilhin pa ako," pagtanggi ko.
"Ganoon ba? Sige."
"Nice meeting you nga pala," si Blue.
"Ikaw din Blue. Nice meeting you," kaway ko.
Naghiwalay na kami ng landas at naglakad pasalungat sa
direksyong pupuntahan nila. Nakatulong iyung advice ni Blue sa akin na huwag
mag-overthink. Bakit ba kasi ako nag-overthink sa issue namin ni Katya noon?
Kung sasabihin ko kay Marcaux ang lahat, maliliwanagan siya. Magiging okay lang
ang lahat.
Naisip ko na tumawid sa kabilang bangketa nang nag-vibrate
ang phone ko. Tiningnan ko muna bago tumawid. Mensahe mula kay Marcaux.
"Choco, I'm very sorry sa ginawa ko. Pinapatawad na
kita- erghhmmm... nope. Ako ang patawarin mo kasi ako ang nakagawa ng kasalanan
ngayon. Sorry na talaga at kung gusto mo akong parusahan, parusahan mo ako
okay? Nandito ako sa Journalism Clubroom at ingat kayo ni Katya." text ni
Marcaux.
Wah! Napatawad na niya ako. At ako ang magpapatawad ngayon
sa kaniya? Hindi bale na. Ite-text ko na napatawad ko na siya.
Nagsimula na akong tumawid at dali-dali akong nag-text.
"Pinapatawad na kita Ferdinand." mensahe ko.
Kahit na hindi ko alam kung anong bagay ang dapat hingin
niya ng tawad, masaya na ako at okay na kami. Siguro kapag nakita ko siya sa
clubroom, magpapayakap si Marcaux at siyempre, yayakapin ko siya ng mahigpit na
mahigpit. At magsasabi kami sa isa't isa ng I love you. Dideretso na nga ako sa
clubroom.
"BAM!"
Marcaux's POV
"Pinapatawad na kita." mensahe ni Keith sa akin.
Ilang minuto matapos kong makuha ang text niya, wala pa rin
siya. Naiinip na ako. Bakit ganoon? Ang tagal niya. Gusto ko na siyang mayakap
at iikot-ikot kami. Tapos luluhod ako dito at magmamakaawa na parusahan niya
ako. Mahal ko iyun kaya gagawin ko ang lahat, mapatawad niya lang ako. O
mag-aaway na naman kami dahil hindi na lang niya ako paparusahan. Pero okay na
din iyun kung hindi nga niya ako parusahan. Pero ang tagal niya ha?
"Saan ba lupalop ng mundo mo ba pinadala si
Keith?" naiirita kong tanong kay Arielle.
"Relax lang. Parating na din iyun. Nung dumating ka
kanina, kaaalis niya lang. Hintay lang Marcaux."
"Baka kung saan-saan na naman siya dinadala ni
Katya."
"Huh? Si Katya? Wala siya ngayon. Absent siya,"
nagtatakang wika ni Arielle.
「"Keith, heto pala iyung mga bilin ko sa iyo para sa
susunod na linggo. Aabsent kasi ako sa susunod na linggo kaya ikaw ang magiging
president." Saka may inabot na papel dito si Katya na kinuha ni Keith.」
"Oo nga pala. Ngayon ko lang naalala," saad ko sa
sarili ko. Wala nga pala talaga si Katya ngayon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kaya? Anong
nangyari? Sabik lang ba ako na makita si Keith? Baka andyan na siya sa labas?
Sasalubungin ko siya!
Parang nakarinig ako ng tumatakbong yapak sa tenga ko. Agad
na binuksan ko ang pintuan at baka si Keith na iyun.
"Keith, nandito ka na pala!" natutuwang saad ko.
Nadismaya ako sa aking nakita. Isang miyembro lang pala ng
Journalism Club na humahangos.
"Kayo po ba... si Marcaux Pascual? Iyung boyfriend ni
Keith?" tanong nito habang hinihingal. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng
puso ko at kinabahan sa tanong ng taong ito.
"Yeah. Ako nga," sagot ko. "Bakit?"
"Patay na po-"
Hindi ko na tinapos ang sinasabi ng tao at agad na tumakbo
papunta sa labas ng kampus. Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Bakit? Bakit
ganito ang nangyari? Bakit ngayon pa? Bakit?!
May nakita akong lupon ng mga tao pagkalabas ko sa kalsada
at sigurado ako na nandoon ngayon si Keith! Huwag. Huwag ngayon! Bakit?!
"Keith!" sigaw ko para tawagin siya.
Nagsimula nang magsialisan ang mga tao sa lugar at may
naiwang dalawang tao doon. Kilala ko parehas iyung mga iyun. Si Blue at Ren.
"I'm sorry Marcaux. Kung siguro pinilit ko na sumama
sa akin si Keith, hindi sana magkakaganito. I'm sorry talaga," agad na
paghingi ng tawad ni Ren saka binigay niya sa akin ang phone ni Keith.
Gumuho ang mundo ko sa narinig mula kay Ren at
napa-manikluhod sa konkretong lupa. Naka-lock ang phone niyang iyun. Ano nga ba
ang password ng phone niya? 33734263? Pagka-unock ko, nakita ko ang mensahe na
pinadala ko sa kaniya.
"Choco, I'm very sorry sa ginawa ko. Pinapatawad na
kita- erghhmmm... nope. Ako ang patawarin mo kasi ako ang nakagawa ng kasalanan
ngayon. Sorry na talaga at kung gusto mo akong parusahan, parusahan mo ako
okay? Nandito ako sa Journalism Clubroom at ingat kayo ni Katya." basa ko
sa sarili kong text.
「"Haixt! Anak naman. Huwag ka munang mag-overthink at
baka mabaliw ka niyan sa ginagawa mo. Kung may paliwanag si Keith, pakinggan mo
muna siya. Sigurado akong hindi iyun magsisinungaling sa iyo. Mahal ka nun
ehh."
"Salamat sa advice ma. Gagawin ko iyan."
"Kelan?"
"Huh?"
"Kelan mo gagawin?" tanong pa ni mama saka
pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinagkainan namin.
"Umm... as soon as possible. Kaso, mukhang nasaktan ko
ata si Keith kaya hindi ko na muna siya kakausapin tungkol sa usapin na
ito."
"Tandaan mo anak. Ang oras ay ginto. Hindi mo na ito
maibabalik kapag nangyari na."」
「Napahawak ako sa cellphone ko pagkatapos ng kwento ni
tita. Gusto kong i-text si Keith na okay na kami at hahayaan ko siyang
magpaliwanag.
"Ay nako hijo. Gawin mo na iyan bago pa mahuli ang
lahat. Sige. Ingat ka," wika ni tita saka pumasok sa loob.
Bakit naman bago mahuli ang lahat? Wala namang mangyayari
na masama kay Keith. Kasama niya iyung best friend niya. Kumpyansa ako na hindi
siya pababayaan ng best friend niya.」
Hindi. Wala na ba siya? Keith? Wala ka na ba talaga? Dahil
ba sa hindi kita agad na pinatawad? Ito ba ang parusa mo sa akin? Ang iwan ako?
Huwag ganito Keith. Ayoko ng ganitong parusa. Kung napatawad na kita agad at
pinakinggan ang mga paliwanag mo sa akin.
"Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ito! KASALANAN KO
ITO!" tangis ko.
"Okay lang iyan," saad ni Blue. "Sa ngayon,
magdasal ka na hindi grabe ang natamong pinsala ng katawan niya. Dinadala na
siya sa ospital ngayon."
Napalingon ako kay Blue at napahinto ako sa narinig. Teka?
Bingi na ba ako? Magdasal ako na lumaban si Keith para magising na siya?
"Teka? Akala ko ba patay na si Keith?"
mangiyak-ngiyak ko pang tanong.
Ngumiwi ang mukha ni Blue. "Huh? Sino nagsabi sa iyo
na patay na si Keith? Buhay pa siya."
"Ahh... oo. Okay naman daw si Keith nang isinakay ito
sa ambulansya sabi nung mga doktor kanina," tugon ni Ren.
"Pero... akala ko..."
Binatukan ni Blue si Ren. "Aray ko!"
"Maling salita ata ang ginamit mo ehh. Akala tuloy ni
Marcaux na patay na si Keith. Aixt!" saway ni Blue dito. "Nasa
ospital siya Marcaux. Dali, puntahan na natin."
Nabuhayan ako ng loob at pinunasan ko ang luha ko.
"Salamat sa Diyos at buhay pa siya. Akala ko kung ano na ang nangyari sa
kaniya. Akala ko kung ano na. Pambihira!" saad ko habang patuloy pa rin
tumutulo ang luha ko. "Sige. Tara na."
Kasama sila Blue at Ren, pumunta kami sa ospital. Nagtanong
ko sa receptionist kung asaan dinala si Keith. Agad na pinuntahan namin ang
itinuro ng nurse. Nang pumunta na kami, sinalubong kami ng isang doktor. Ang
sabi ng doktor okay naman ang lahat. Hindi naman daw grabe iyung nangyari sa
kaniya. Nagtamo lang naman siya ng ilang pinsala sa likod, ilang baling buto sa
katawan, at sa leeg. Aantayin na lang namin daw na magka malay tao si Keith.
Tinawagan ko na ang mga magulang niya para ipaalam ang nangyari. Pupunta daw
sila dito maya-maya.
Nasa kwarto kami ni Keith nang bumukas ang pinto at iniluwa
nito ang isang pulis.
"Sige Marcaux. Maiwan na namin kayo," paalam ni
Blue.
"Salamat nga pala guys sa pagligtas kay Keith."
"Walang anuman iyun."
Lumabas na sila ng kwarto kasama ang isang pulis. Ako naman
ay nakatingin kay Keith ay hinawakan ang kamay niya. May nakalagay pang brace
sa leeg niya.
"Buti na lang at hindi ka napahamak. Buti na lang.
Baka habangbuhay ko pagsisihan ang pagkawala mo. Hindi ko kaya mabuhay ng wala
ka Keith. Baka agad na sumunod ako sa iyo kapag nawala ka. Alam kong okay ka na
at malayo sa kamatayan. But I can't help it. I'm really worried. Gusto kong
maging totoo sa mga sasabihin ko. Ikaw ang una ko't huli. Mahal na mahal kita
Keith," saad ko habang hinahaplos-haplos ang kamay ko sa kamay niya.
Patuloy pa rin ang pagluha ko.
"Ferdinand, ikaw ba iyan?" rinig kong sinabi ni
Keith. Nag-angat ako ng tingin at kita ko na nilibot niya muna ang kanyang
paningin. "Umm... nasa ospital ba ako? Ang sakit ng ulo ko."
"Oi, Choco, kailangan ko pa bang tawagin ang doktor?
Huwag ka munang bumangon," nag-aalala kong saad.
"Umm... sige," sagot ni Keith. "Ang sakit ng
likod ko."
Tiningnan ko lang si Keith. Gustong-gusto ko siya mayakap
pero hindi pwede dahil baka mas lalo ko pa siyang masaktan.
"Umm... bakit nakatingin ka lang diyan?" tanong
niya.
"Kelan ka pa gising? Umm... narinig mo ba iyung sinabi
ko kanina?"
"N-Ngayon lang. Narinig ko na lang na may bagay kang
sinasabi kanina. Ano iyun?"
"Mga pagsisisi ko sa buhay kung sakali. A-Alam mo
iyun. Lalo na't may loko-lokong nagsabi na namatay ka na daw."
"Umm... pasensya na talaga Ferdinand. Mukhang-"
"Huwag ka ng magsalita," pagputol ko.
"Mahirap pigilan ang sarili alam mo ba iyun? Gusto kitang mayakap ngayon
Choco. Ang kaso, ayoko dahil alam kong masasaktan ka lang kapag ginawa iyun. Sa
ngayon, magpagaling ka. Saka na tayo mag-usap. Hindi sa galit pa rin ako sa iyo
o ano pa man dahil baka magkaroon na naman tayo ng hindi pagkakaunawaan. Hindi
ba bati na nga tayo? Kaya... magpagaling ka."
"Umm... sige. Kung iyan ang gusto mo," ngiti niya
habang may tumutulong mga mumunting luha sa gilid ng mata niya.
Nako naman! Ito ata ang pangalawang beses na nakita ko
siyang lumuha. Naaapektuhan ako. Ni minsan, hindi ko pa siya pinapaiyak. Ano
bang klaseng sitwasyon ito? Sana ay mawala na ang luha sa mga mata niya. Hindi
ko mapigilan ang sarili ko.
Kinuha ko ang mga kamay niya at nilagay sa mukha ko para
halikan. Kasabay noon ay ang pagtulo din ng luha ko. Mukhang hindi pa ubos
iyung iniyak ko kanina nang akala ko'y namatay na siya. Alam kong buhay pa si
Keith. Kaya lang, hindi ko na mapigilan. Umiyak ako na parang nawala na siya sa
mundo.
"Ferdinand, tumahan ka na. N-Naiiyak din ako kung
ganyan ka makaiyak," haplos ni Keith sa mukha ko.
"Hayaan mo muna ako pwede ba?" garalgal kong
pakiusap.
Napanatag na ang loob ko. Buti naman hindi iyun ang huli.
Buti naman at hindi iyun totoo. Buti na lang at hindi ganoon iyun kalala. Pero
kahit ganoon pa man, nag-aalala ako. Ayokong mawalay siya sa akin. Ilang beses
ko na bang sinabi itong mga salitang ito? Lahat naman ng tao, namamatay. Ako
din naman, mamamatay. Pero I prefer na mamatay kami ni Keith via natural death
kaysa sa isang aksidente. Pero sino ba ako para pigilin ang nagbabadyang
panganib na darating sa aming buhay? Na may mamamatay isa man sa amin pagdating
ng panahon? Isa lang ang natutunan ko. Pahalagahan ang mga oras na magkasama
kami ni Keith. Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap.
Ren's POV
Lumabas kami ni Blue ng kwarto matapos dumating ang mga
pulis. Narito sila para magtanong sa amin tungkol sa aksidenteng nangyari
kanina. Alam kong may mga pulis na malapit sa Academe kaya lang, hindi pulis
ang inuna kong ipatawag kung hindi ambulansya. Hindi rin naka-responde ang mga
pulis kanina dahil sakto naman na wala ring pulis sa paligid. Break time sila
kaya hindi naka-responde para habulin ang sasakyan.
"Ako nga pala si Geoffrey Deona, ang magha-handle sa
kaso ninyo. So ano po ba ang model o kulay ng sasakyan?" tanong nito at
naglabas ng notebook at ballpen.
"Mitsubishi Lancer LX anh model at saka kulay blue ang
pintura. Medyo luma na din po ang kulay nun kaya hindi ako sigurado kung anong
klaseng kulay na blue," sagot ni Blue. "Ano kaya ang mga kulay ng 50
Shades of Blue?" Napaka-weird ng pag-uusap na ito dahil Blue ang pangalan
niya.
"Umm... ganoon din ang nakita ko," pagkumpirma
ko.
Mukhang sinusulat naman ata ni mamang pulis ang sinasabi ni
Blue. "Ganoon po ba? Pwede po bang tanungin din po namin ang nabiktima ng
kotse para makasigurado?"
Lumabas mula sa kwarto si Marcaux at namumula ang mata
niya. Mukhang kagagaling lang niya sa pag-iyak.
"Guys, tatawag lang ako ng doktor. Gising na si
Keith," wika niya saka tumawag ng doktor. Ay salamat at nagising na din si
Keith.
May dumating naman na doktor at may isinagawang tests kay
Keith. Bago umalis ang doktor, sinabi nito na hindi muna makaka-alis sa ospital
si Keith ng ilang oras para ma-obserbahan. Pagkatapos ng ilang oras na iyun ay
makakaalis na daw siya dipende sa makikita ng doktor sa mga susunod na oras.
"Umm... pwede na po ba namin kayo tanungin Mr.
Bernardo about sa insidente?" tanong ng pulis pagkatapos umalis ang
doktor.
"Umm... sige po," pagpayag ni Keith. "Ano po
iyun?
Naglabas ito ng maliit na notebook at ballpen. "Pwede
bang isalaysay mo sa akin ang nangyaring insidente?"
"Umm... nasa isang bangketa po ako nang tumunog ang
phone ko. Text po siya mula sa boyfriend ko."
"Umm... boyfriend?"
"May problema po ba mamang pulis?" sarkastikong
ngiti ni Marcaux na kahit anong oras ay pwede na niya itong sugurin.
Tiningnan ito ni mamang pulis at napalunok. "Umm...
wala naman. Sige po. Ipagpatuloy niyo," natatakot na saad ng pulis. Ang
pulis na ito ay medyo matanda sa amin at katamtaman ang laki ng katawan. Medyo
matangkad din pero lamang pa rin si Marcaux.
"Ganyan din iyung nangyari sa amin ni Aldred noon.
Tinanong din ako ng pulis at nang sinabi namin na mag-boyfriend kami, napalunok
ito nang tiningnan si Aldred," bulong ni Blue sa akin.
"Baka may boyfriend iyung pulis na iyun?" bulong
ko din.
"Baka nga."
"Ano ba ang pangalan ng pulis kung natatandaan
mo?"
"Kapangalan ni Chris iyun. Christian Glorioso ang
pangalan nun."
"Teka, baka ito ang boyfriend nun?"
"Paano mo nasabi?"
"Malay mo."
"Umm... excuse me mamang pulis. May kilala po ba
kayong Christian Glorioso? Pulis din po siya gaya ninyo?" tanong ni Blue.
Lumingon ang pulis sa amin na nakakunot ang noo.
"Paano niyo nalaman ang pangalan niya?"
"Umm... siya iyung nag-imbestiga ng kaso ko
noon," sagot ni Blue.
Siniko ko si Blue. "Hoy, ano ba?" bulong ko.
"Hayaan mo ako."
"Boyfriend ko ang taong iyun," matapang na wika
nito.
Nagkatinginan kaming apat sa ibinunyag ng pulis na ito.
Maya-maya ay tumingala si Blue at pinipigilan tumawa.
"May problema ba?" tanong pa ni mamang pulis sa
matapang na tono.
"Wala naman," sagot ni Blue.
"Pwede ko na po ba ituloy ang pagtatanong ko at baka
magawan ako ng side story sa ginagawa ninyo?" masungit na saad ni mamang
pulis.
"Kapangalan siya ng pinsan ni Aldred pero at least,
hindi assuming," bulong ni Blue.
"So iyun nga, habang nagre-reply ako sa text ng
boyfriend ko, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari." salaysay ni
Keith.
Tumango ng ilang beses si mamang pulis at nagsulat sa maliit
ng notebook. "Salamat sa inyong kooperasyon. Babalitaan na lang namin kayo
kung may lead na kami sa kasong ito. Siguradong huhulihin namin ang salarin na
bumangga sa inyo."
"Sa totoo lang, wala na po akong pakialam kung sino po
iyung nakabangga kay Keith. Ang importante lang ay buhay siya at nakakasama ko
ngayon. Babantayan ko na siya ng mabuti at hinding-hindi ko aalisan ng
tingin," saad ni Marcaux saka niyakap si Keith.
Bumuntang-hininga si mamang pulis. "Well kung iyan ang
gusto ninyo. Convenient nga ito para sa akin dahil sigurado ako na lalandiin
kayo ng partner ko at laging itse-tsek ang kaso ninyo."
"Huh?"
Bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isa pang pulis. Gwapo
rin ito at may swag sa pagkilos niya.
"Teka? Iyan iyung pulis na si Christian Glorioso," bulong ni Blue.
"Nandito ka lang pala Geoffrey. Kung saan-saan kita
hinahanap ehh," malambing na wika ng kapapasok lang na pulis.
"Tulog ka kasi! Nakakahiya naman kasing gisingin
ka!" masungit na tugon ni... officer Geoffrey saka tumikhim. "Umm...
mga sir, si Christian Glorioso. Siya ang partner ko sa kasong ito."
"Literal partner," bulong ni Blue.
"Hello," nakangiting saad ni officer Christian.
Kita ko naman ang tingin nito kay Marcaux saka kinindatan. "Geoffrey,
mukhang may gusto siya sa akin," rinig kong bulong nito sa... ka-partner
niya. Sinimangutan ito ni officer Geoffrey at binatukan. "Aray! Para saan
iyun?"
"Okay Ren. He now reminds me of pinsan ni Aldred.
Assuming masyado," bulong pa ni Blue.
"Aalis na po kami. Kahit na hindi na po kayo
interesado sa kasong ito, asahan niyo pong magbibigay po kami ng mga
impormasyon ukol sa insidenteng ito," salaysay ni officer Geoffrey saka
hinatak si officer Christian.
"Oi! Kararating lang natin," reklamo ni officer
Christian.
"Buti na lang talaga at hindi ka gaanong nadisgrasya
Keith," saad ni Blue.
"Pero hindi mo ba narinig ang mga sinasabi ng mga tao
kanina Blue? Buti na lang kamo at sinubukan mag-brake nung driver kahit huli na
ang lahat."
"At hindi na mangyayari iyun dahil aalagaan ko na
siya," wika ni Marcaux saka hinalikan nito si Keith sa noo habang
hinihimas ang ulo nito.
"Sigurado ka na ba dito Marcaux na hindi mo na lang
ipapahuli ang may sala nito?" tanong ko.
"Hindi na. Bahala na si karma sa kaniya kung sino man
siya," sagot ni Marcaux.
"Kung ganoon, aalis na kami. Alis na kami,"
paalam ni Blue.
"Mag-ingat kayo," saad ni Keith.
"Sige."
Sabay kaming lumabas ni Blue. Pagkalabas ay nasalubong
namin sila Harry, Janice, Kei at Aldred at ilang tao.
Agad na tumakbo si Aldred kay Blue at niyakap ito. Halatang
nag-aalala sa nangyari.
Lumapit din sa akin ang tatlo.
"Ayos ka lang ba Ren?" nag-aalalang tanong ni
Harry.
"Yeah. Ayos lang ako. Salamat."
"Umm... Ren, si Keith? Ayos lang ba?" tanong ni
Kei.
"Yeah. Hindi naman siya masyadong napuruhan."
"Akala ko lung ano na ang nangyari sa iyo. Nahuli na
ba iyung nakabangga sa inyo?" si Janice.
"Sa totoo lang, hindi pa. Iniimbestigahan pa ng mga
pulis."
"Umm... Ren, salamat nga pala sa pagligtas mo kay
Blue," si Aldred.
"W-Walang anuman iyun."
"Sige Ren. Mauna na kami ha. Ingat ka," paalam ni
Blue saka umalis ng ospital ang dalawa.
"Umm... guys, papasok lang ako para kumustahin si
Keith. Sasama ka ba sa akin Janice?" tanong ni Kei.
"Sige," pagpayag nito at sumunod kay Kei na
naglakad na papunta sa kwarto ni Keith.
"Gusto mo Ren, ihatid na kita pauwi? Makakauwi ka ba
ng maayos?" nag-aalala pa ring tanong ni Harry.
"Okay lang ako Harry. Salamat sa offer. At saka nasa
labas lang ang motor ko."
"Ganoon ba? Ano iyung nakabangga sa inyo? Sabihin mo
sa akin ang model at kulay ng sasakyan at ipapahanap ko."
"Nako Harry. Okay na talaga. Hayaan mo na sa mga pulis
iyun. Kaya na nila iyan."
"Ganoon ba? Sabi mo ehh. Pero nag-aalala ako Ren. Alam
mo iyun. May aksidenteng nangyari tapos hindi mo nahuli kung sino ang may
kasalanan. Baka naman ehh may mangyayari na namang aksidente sa iyo tapos hindi
na naman nahuli iyung may sala. Iyung tipong ikaw ang trip."
"Hindi naman ata ganoon iyun. Ehh di ibig sabihin si
Blue, nanganganib ang buhay? Ganoon?"
"Hindi dapat si Blue ang inaalala mo kasi kasama nun
si Aldred, iyung boyfriend niyang maalaga. Dapat ang sarili mo ang alalahanin
mo. Loner ka pa naman masyado. Siguro kung may boyfriend ka din na nag-aalaga
sa iyo, hindi ako mag-aalala."
"Ganoon ba iyun? Pero Harry, kaya ko ang sarili kaya
okay lang. Magiging maingat ako. At saka hindi naman ako papayagan basta-basta
ng benefactor ko na mag-isa kung hindi ko kaya ang sarili ko hindi ba?"
"Tama ka. Pero iba ang kaso sa akin Ren. Kaibigan mo
ako. Magkaiba ang pananaw ng benefactor mo at ako okay?" medyo mataas na
boses niyang saad.
Kapwa kaming dalawa na nagulat.
Maya-maya ay nasapo ni Harry ang ulo niya at umiling.
"Umm... pasensya na Ren. It's just nag-aalala talaga ako sa iyo. Pasensya
na."
"Umm... na-appreciate ko iyang ginagawa mo Harry.
Tsaka huwag kang mag-aalala. Aalagaan ko ang sarili ko para sa ibang tao. Hindi
lang ikaw ang nag-aalala ng ganyan sa akin. Tingnan mo. Maya-maya, maririnig ko
na lang ang phone ko na tumutunog. Tatawag ang benefactor ko na nag-aalala din
gaya ng pag-aalala mo sa akin."
Maya-maya ay tumunog nga ang phone ko at tiningnan kung
sino. Si ninong.
"Excuse me lang Harry. Sasagutin ko muna." Lumayo
ako ng konti at sinagot ang tawag. "Hello po ninong?"
"Ren, nabalitaan ko ang aksidente na nangyari malapit
diyan sa lugar niyo. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni ninong.
"Opo. Okay lang po ako."
Rinig ko na parang nakahinga ng maluwag si ninong sa
kabilang linya. "Iyung may sala? Nahuli na ba?"
"Hindi pa po ninong. Inaalam pa po ng mga pulis kung
sino."
"Pwede bang ibigay mo sa akin ang mga pangalan ng
pulis kung sino ang humahawak sa kaso ninyo?"
"Geoffrey Deona po ang pangalan ninong."
"Salamat Ren. Mag-iigat ka ha okay? Huwag mong
papabayaan ang sarili mo."
"Opo ninong."
"Ibababa ko na ang phone dahil may meeting pa ako.
Ingat ka."
"Kayo rin po."
Ibinaba ko naman ang phone at bumalik kay Harry. Naabutan
ko na lang to na nag-iisip ng malalim.
"Sabi ko sa iyo ehh. Nag-aalala din sila sa
akin."
Bumuntang-hininga si Harry. "Pasensya na Ren. Masyado
lang talaga ako nag-aalala para sa iyo. Hindi kasi ako sanay na... may
aksidenteng nangyayari na ganoon sa mga kaibigan ko. Napapa-isip kasi ako na baka
nay kinalaman ito sa mga bagay-bagay... na alam ko." Ahh! Oo nga pala. May
ganoong klaseng pamilya pala si Harry.
"Sige na. Uuwi na ako. Para mapalagay ka, ite-text
kita pag nakauwi na ako sa bahay para mapalagay ka."
Ngumiti siya. "Sige Ren. Ingat ka pag-uwi."
Lumabas na ako ng ospital at dumiretso pag-uwi. Pagdating
sa bahay, hindi na muna ako pumasok sa bahay. Nag-text ako kay Harry gaya ng
sinabi niya.
"Nasa bahay na ako Harry. Sabi ko sa iyo ehh. Walang
mangyayaring masama ehh." text ko sa kaniya.
"Mabuti naman at naka-uwi ka na. Bakit hindi mo gawin
iyung ganito araw-araw?" reply niya.
"Huh? Bakit naman araw-arawin pa?"
"Gaya ng sabi ko kanina, hindi ko gusto ang pakiramdam
na ganito iyung nangyayari sa isang aksidente. Wala pang nakukulong o hindi pa
nahuhuli iyung may sala. Alam mo iyun? Baka nandyan lang siya sa paligid at
inaantay niya lang umatake kapag nagkaroon siya ng pagkakataon."
"Haha. Pinaka-safe sa bahay ko Harry. Subukan niya
lang akong pasukan sa bahay."
"Ipagdadasal kita para lagi kang safe. Magandang gabi.
Nakarating na din kami nila Kei sa bahay."
"Salamat Harry."
Pagkatapos makipagpalitan ng text kay Harry, pumasok na ako
sa loob ng bahay. Habang ginagawa ang evening routine ko, inaalala ko pa rin
ang mga sinabi ni Harry. Ako nga kaya ang target ng babangga sa amin kanina?
Pero bakit naman? Dahil kaibigan ko si Harry? Grabe naman. Baka aksidente lang
talaga iyun.
Nahawakan ko ang kwintas sa leeg ko. Baka naman dahil dito?
Baka may dalang malas ang kwintas sa akin? Haha. At isa pa, hindi ko pa
naaalala ang mga dapat kong maalala. Kaya hindi dapat ako mamatay pa muna.
Dumating na din ang oras na tatawag sa akin si Kei gaya ng
dati.
"Uunahan na kita. Okay lang ako," agad na sinabi
ko sa kanya sa phone.
"Okay ka lang ba?" tinanong pa rin niya.
"Oo nga sabi," natatawa kong tugon. "Siya
nga pala Kei, nag-aalala si Harry kanina na mukhang... may kinalaman siya sa sa
aksidente kanina."
"May kinalaman? Bakit naman? Kung meron kasing
kinalaman si Harry kung sakali, malalaman ko naman iyun."
"Ganoon ba? Siguro, masyado lang siya nag-aalala para
sa akin."
"Alam mo, napansin ko na medyo malapit kayo ni Harry
sa isa't isa. Pwedeng lumayo-layo ka ng konte mula sa kanya?"
"At least naman Kei, alam na niya kung hanggang saan
lang ang pagtingin ko sa kaniya."
"Talaga lang ha? Hindi mo ba napapansin na parang
kakaiba ang kinikilos ni Harry lately?"
"Hmm... maliban lang sa maaalahanin siya nitong mga
nakaraang araw sa akin, wala na."
Rinig kong bumuntong-hininga si Kei sa kabilang linya.
"Ganoon ba? Siguro nag-aalala lang ako na baka alam na niya ang relasyon
natin."
"Umm... Kei, hanggang kailan natin itatago ang
relasyon natin?"
Hindi siya sumagot ng ilang segundo. "Hanggang kaya
Ren. Hindi pa oras na malaman nila. Delikado. Napapagod ka na bang itago?"
"Yeah."
"May tamang oras sa lahat ng bagay. Pero itong sa
atin, hindi pa ngayon. Kapag okay na, magsasama na tayo habang buhay. Kaya
maghintay ka pa Ren."
"Sabi mo ehh. I trust you."
"Sige Ren. Matutulog na ako. I love you."
"Ikaw din. I love you too."
Binaba ko na ang phone at humiga. Sana dumating na ang
tamang panahon na sinasabi ni Kei. Nakakapagod iyung ginagawa kong
pagsisinungaling kay Harry.
Allan's POV
Katapusan na ng unang araw ng major exam ngayon. Tapos na
kaming mag-check ng mga answer sheets. I can't wait na i-announce ng teacher
kung sino ang top 1 ng klase.
Ibinigay na sa professor namin iyung mga papel. Tinitingnan
nito kung sino ang mga perfect scorer para i-announce.
"Wow! Congratulations ulit Gerard and Allan. I'm
gladly to announce na kayo na naman ang mga perfect scorer. Everybody, let's
give them a round of applause," saad ng prof.
Pumalakpak naman ang lahat. Aixt! Salamat talaga Ren at top
1 na naman ako. Hindi na kailangan mag-aral ng mabuti dahil nandyan ka sa tabi
ko.
Tapos na ang klase at dismissed na kami. Umihip din ng
katamtaman ang hangin. Nagliligpit na kami ng gamit nang mapansin ko na
nakatingin ng masama si Gerard sa akin at lumapit. Ano na naman kaya ang
kailangan ng matandang ito?
"Congratulations. Ang tali-talino mo naman at parehas
kaming top 1," matapang na saad ni Gerard habang hindi nakatingin sa akin
kung hindi kay Ren.
"Salamat sa pagbati. Hindi nga ako sanay na top 1 ka
nga din ehh," confident na tugon ko kahit hindi naman talaga ako ang
kinakausap.
"Huh? Kausap kita?" supladong tugon ni Gerard sa
akin. Hindi dapat ako magpatalo.
"Ang bastos nito ahh," bulong ni Alexis sa
sarili.
"Hindi ba ako ang kausap mo? Parehas tayong top 1 kaya
sino ang kinakausap mo diyan? Hangin?"
"Ikaw? Top 1? Hindi nga? Nagbibiro ka lang hindi
ba?" natatawang saad niya.
"I'm not joking. Marami akong sinasayang na oras sa
pag-aaral makuha lang ang ganitong posisyon. Hindi madali."
"Talaga? Hindi ka ba kumokopya mula sa ibang tao para
lang maging top 1?"
"Mr. Faustiano, what's with his commotion?" sabat
ng prof namin na papalapit sa amin.
"Sir, is cheating a major or grave offense?"
tanong ni Gerard.
"Obviously, a grave offense enough to kick you out
from this school. This school doesn't tolerate any kinds of cheating,"
sagot ng prof namin. "Bakit mo naitanong?"
Umiling ng ilang beses si Gerard at pinatunog ang dila.
"I just discovered that someone in our class is cheating his way to the
top. I'm talking to Allan Salvador by the way."
"Is this true Allan?" tanong sa akin ni prof.
"No." agad na sagot ko. "Wow! Grabe. Ganito
na ba ang mundo kapag dalawa ang top 1 sa isang klase? Isa lang ba ang dapat na
nasa tuktok? Ayaw maki-share?"
"Well it depends kung deserving iyung mga tao na iyun
na nasa tuktok. Kaso ikaw Allan, hindi mo deserve iyun."
"Hindi ko deserve o gusto mo lang na sa iyo ang
puwesto?"
"Alam mo, may bagay na nakakapagtaka talaga para sa
akin. Siguro sa quizzes mo, 100%. Pero kapag nasa practical na, nganga. Hindi
ba nakakapagtaka iyun prof? 100% siya sa mga written exams pero sa practical,
nganga? Ano iyun? May natutunan ka at naintindihan mo iyun perfectly pero hindi
mo mai-apply sa sarili mo?" Shit! Alam niya. Hanggang ngayon kasi, nganga
ako pagdating sa practical. Hindi ako tinuturuan ni Ren. Hindi rin kasi kami
magkadikit ng puwesto dahil sa alphabetical order namin diti sa computer lab.
"Ha! Sabihin mo ang mga salitang iyan sa mga tao na
laging perfect sa Values Education pero hindi mai-apply sa totoong buhay ang
mga pinag-aralan nila sa subject na iyun. Saka pwede naman na hindi mo na lang
ipakita sa ibang tao kung paano mo siya i-apply dahil gusto ko na ako lang ang
may alam. Privacy."
"Guys! Stop!" sabat ni prof.
"I'm sorry sir but I will not stop until this guy
exposed his dirty secrets to us kung paano siya nagiging top 1," matapang
na saad ni Gerard.
"Ganito din ba ang nangyayari sa mga matatanda ngayon?
Gumagago na ang utak?"
"Enough! Both of you!" sigaw ni prof. Nakuha pa
nito ang atensyon ng mga tao sa paligid. "Okay Gerard. Iyang point mo,
nakuha ko. Nagtataka din ako kung bakit sa practical, bagsak si Allan. Pero
narinig ko naman ang paliwanag niya kanina na gusto niyang sarilinin ang mga
nalalaman niya. How about this? Tomorrow, I will give you both a special
practical exam?"
"Sounds music to my ears," agad na wika ni
Gerard. Shit! Special practical exam.
Napatingin na lang ako kay Ren na nanahimik sa gilid at
malayo ang utak dahil mukhang iniwan na muna niya saglit ang mundo.
"Ikaw Allan? Payag ka ba dito?" tanong ni prof sa
akin.
"Sige ba. Para matapos ang paghihinala ni tanda sa
akin," matapang na sagot ko. Nako! Ano na naman kaya itong pinasok ko?
Tutulungan kaya ako ni Ren?
"Good. Well how about ganito? Kapag pumalpak ka sa
practical exam bukas, ibubunyag ko kung paano ka nandadaya," nakakalokong
saad ni Gerard.
"Pero kapag hindi ako pumalpak at nagawa ko ng maayos
ang practical exam, lalabas na ang bintang mo sa akin ay hindi totoo."
Ngumiti si Gerard. "Payag ako. Alam na alam ko naman
kasi na babagsak ka sa practical exam. Alam ko ang hangganan ng iyong kakayahan
Allan."
Ginantihan ko din ito ng ngitii. "Huwag kang
pakakasiguro. Gagawin ko ang lahat para lang mapatunayan na nararapat ako sa
tuktok. Tandaan mo iyan tanda."
"Well, it's settled then. Matuwa kayo dahil iba ang
magiging practical exam ninyo bukas," saad ni prof.
"Umm... prof, ano po ba ang coverage ng special
practical exam namin?" tanong ko.
"It's a surprise," sagot ni prof. Nakagat ko na
lang ang labi ko dahil sa kaba. Surprise pa?
"Prof, pagbigyan ninyo na," sabat ni Gerard.
"Sabihin niyo po kung ano ang coverage ng special practical exam. Sigurado
po akong hindi naman siya kasingtalino ni Tony Stark na isang gabi lang
matututunan ang buong Quantum Physics."
"Well... kung iyan ang gusto mo Mr. Faustiano,"
pagpayag ni prof. "Ang magiging coverage ng special practical exam ninyo
ay ang hanapin ang mga mali at kulang sa ibibigay kong mga series of codes sa
inyo para gumana."
"Narinig mo iyun Allan? Maghanap ng mga mali at kulang
sa codes na ibibigay ni prof. Mag-aral ka na ng buong gabi para makalusot
ka," dagdag pa ni Gerard na halatang nang-aasar.
"Top 1 kaya ako Gerard at hindi mo na kailangan
ulit-ulitin pa ang sinasabi ni prof. Confident naman ako na kaya ko ang special
practical exam bukas."
"We'll see." Sabay tapon ng isang nakakalolong
ngiti sa akin at umalis dala-dala ang kanyang mga gamit.
"Sige Allan. Kita na lang tayo bukas para sa inyong
special practical exam," paalam ni prof at umalis na din sa silid.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sinabi ni prof ang magiging
coverage ng aming special practical exam. Hindi na ako mahihirapan. Nagkamali
ng ginawa si Gerard. Sisiguraduhin ko na mapapahiya siya sa kanyang ginawa.
Nagsimula na rin akong mag-ayos ng mga gamit at ganoon din
si Ren. Nauna na itong umalis kesa sa akin.
"Ang yabang nung Gerard na iyun. Porke't kasama ka
lang niya sa pagiging top 1 sa mga quizzes at exams ehh pinag-iinitan ka na
niya," kumento ni Alexis.
"Hayaan mo na nga siya Alexis. Dahil sa katandaan niya
iyan kaya ganyan ang ugali."
"Baka nga. Oi, kelan ba tayo maglalaro ng League of
Legends kasama ng mga katropa mo?" naitanong ni Alexis.
"Busy sila lately kaya ganoon."
Sabay na kaming lumabas ng silid at nagsimulang naglakad
papunta sa cafeteria.
"Dahil ba sa akin?" nalulungkot niyang tanong.
"Hay nako! Pati ba naman ikaw?" naiinis kong
tugon. "Laro lang iyun pwede ba? Have fun lang pwede?"
"Sa bagay."
"Oo nga pala Alexis. Hindi na muna ako sasama sa iyo.
May kailangan akong gawin," pagdadahilan ko para makaalis.
"Umm... sige. Kita na lang bukas."
Ngumiti na lang ako at hindi na sumabay kay Alexis.
Kailangan hanapin ko si Ren para makapag-review. Kailangan tumulong siya dahil
kung hindi, yari kaming dalawa. Ngayon, saan ko kaya siya makikita?
Nag-isip ako ng malalim nang ilang segundo. Nang nalaman ko
na kung saan, wala akong sinayang na oras na tinahak ko ang daan papunta sa
Music Room. Pagkabukas ko ng pinto, pumasok ako at nadatnan ko si Ren at Blue
na nagkakaaroon ng konting meeting.
"Hi. May kailangan ka?" agad na tanong ni Blue.
Ngumiti din ako. "Yeah. Pwede ko bang mahiram at
makausap ang aking tanging kaibigan?"
"Ren, kausapin ka daw," untag ni Blue dito sabay
turo sa akin.
"Bakit?" tanong ni Ren.
"Pwede bang mag-usap kami sa loob ng banyo Blue?"
"Umm... sige," nakakunot na pagpayag niya.
Nauna akong pumasok sa loob ng banyo ng Music Room at
sumunod si Ren.
"Hey, hindi mo ba ako tutulungan?" seryosong
tanong ko.
"Umm... anong magagawa ko doon? Practical exam iyun
kung saan hindi ka marunong."
"May magagawa ka. Tara na at umalis na tayo sa
eskwelahang ito at mag-aral. Turuan mo ako."
"N-Nice. Isa sa mga bagay kung saan hindi ako marunong
ang gagawin kong tulong sa iyo."
Pansin ko naman na hindi makatingin sa mata ko si Ren.
"Ano ba iyan Ren? Kinakausap kita pero hindi mo ko tinitingnan ng maayos?
Di bale na lang. Basta! Tara na at umuwi na tayo sa inyo para
makapag-aral."
"N-Nakakapasok ka naman sa bahay ko hindi ba?"
"Yeah. Kapag hinayaan mo ako. Eitherway, tara na!
Ayoko ng objections dahil parehas tayong mayayari sa ginagawa ni Gerard kapag
hindi mo ako tinulungan."
"O-Okay. Papaalam na ako kay Blue," ngiwi pa
niya.
Lumabas na ako ng Music Room at hinintay si Ren na lumabas.
Bakit kaya paputol-putol ang mga sinasabi ni Ren sa unahan? Naiilang ba siya na
kausapin ako?
Sa wakas ay lumabas na si Ren ng Music Room at sinundan ko
ito. Tinatahak namin ang daan papunta sa parking lot. Pagkarating doon ay
nakita ko ang kanyang... motor scooter.
"Halata namang mayaman ang benefactor mo. Pero bakit
ito ang motor mo? Para hindi pa rin mapansin? Dapat iyung katulad sa motor ko
na stylish."
"Obvious ba? At saka hindi ako mapili sa mga binibigay
nila sa akin."
"Sa bagay."
Sumakay na kami sa motor niya pagkasuot ni Ren ng helmet at
humarurot na papunta sa bahay niya.
Keifer's POV
Nakarating na din kami sa wakas kung saan nakatira ang mga
tao na nag-aruga kay Garen. Nakatira siya dito sa bandang Olivarez Compound,
Parañaque. Ilang metro din ang nilakad namin dahil bawal ipasok ang kotse ni
Harry sa loob ng compound. Pampasikip sa loob kaya sa labas ng compound na lang
kami nag-park. Medyo malaki ang bahay... o baka dahil may apat itong palapag.
"Ito na ba ang bahay?" tanong ko.
"Yeah. Dito daw nakatira," sagot ni Harry.
"Amanda at Roel Tirona iyung pangalan ng mga taong nakatira dito."
Kapansin-pansin na may plywood na naka-dikit sa dating
stall marahil... na naging negosyo ni Garen. Lumapit si Harry sa pinto at
kumatok. Maya-maya ay niluwa nito ang isang matandang babae na marahil ay
animnapung taong gulang na. Ito na marahil si Amanda Tirona.
"Sino sila?" tanong nito sa amin.
"Umm... hinahanap po namin ang aming nawawalang
kababata. Nabalitaan po namin na dito siya nakatira at nalaman na din po namin
na... namatay siya at nandito po ang mga abo niya," sagot ni Harry.
"Kayo po ba si Amanda Tirona?"
"Ahh! Hindi! Anak ko iyun hijo. Amara ang pangalan ko.
Pumasok kayo. Tuloy."
Hindi pala siya iyung Amanda. Pinatuloy kami ng matanda sa
bahay nila. Maganda naman ang loob ng bahay. Tamang-tama lang ang mga kulay...
na mukhang paborito ni Garen.
"Upo kayo. Maghahanda lang ako ng miryenda at inumin
para sa inyo," saad ni... lola Amara.
"Umm... huwag na po kayong mag-abala," pagpigil
ni Harry. "Hindi naman po kami magtatagal. Gusto lang po namin makarinig
ng ilang... kwento tungkol po sa kababata naming ito."
"Mukha kasing malayo ang pinagmulan ninyo. Maganda na
kumain muna kayo ng ilang pagkain para magkalaman ang mga tiyan ninyo. Huwag
kayong mag-alala."
Wala na kaming nagawa kung hindi ang maghintay. Maya-maya
ay naramdaman ko na lang na may kung ano sa paa ko. Tiningnan ko at isang
puting pusa ito. Medyo malaki na at puting-puti ito na parang sinasabunan ng
perla palagi. Binuhat ko ito at inilagay sa aking kandungan.
"Ang cute naman ng pusang iyan," paglalarawan ni
Harry.
"Ahh! Alaga ni Garen iyan," wika ni lola Amara na
bumalik mula sa kusina at may dalang chocolate cakes at inilapag sa mesa.
"Alagang-alaga niya ang pusang iyan. Gusto niya lagi na maputing-maputi
ito. At mukhang nagugustuhan kayo ng pusa."
Binigay ko ito kay Harry at inilagay niya ito sa kandungan
niya. Hinihimas-himas niya ito sa ulo at mukhang nagustuhan iyun ng pusa.
"Ahh. Oo nga po. Siya nga talaga iyan," malungkot
na saad ni Harry habang nakatingin sa pusa.
「8 years ago...
"Ang cute ng pusa," namamangha na saad ni Ren.
Kulay puti ito at halata sa laki nito na kapapanganak pa
lang. Hawak ito ni Ren sa kanyang mga kamay at hinihimas-himas.
"Oo nga. Ang cute nga," pagsang-ayon ni Harry.
"Kuya Lars, pwede ba nating siyang alagaan?"
tanong ni Ren.
"Ang cute nga niya. Kaya lang, hindi pwede. May
allergy ang tatay natin sa mga pusa," tugon ni kuya Lars.
"Kung ganoon, ako ang mag-aalaga sa kaniya."
"Hindi ba may allergy din sa pusa ang tatay mo
Kei?" pagpapaalala ni Harry.
"Oo nga pala."
"Kung ganoon, ako na lang. Wala namang mga allergy ang
nga magulang ko sa mga pusa," pagboluntaryo ni Harry.
Nagalak si Ren. "Talaga Harry? Sige. Sa iyo na lang
at... alagaan mo siya."
"Siyempre naman. Kapag bumisita ka na sa bahay namin,
malaki na siya."
"Promise iyan ha." Binigay ni Ren ang puting pusa
kay Harry.
"Hay nako Ren! Saan mo ba namana ang pagkagusto mo sa
mga pusa? Tatay mo ehh allergic tapos ikaw hindi? Pambihira naman ohh,"
reklamo ni kuya Lars.
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang ang mga pusa kuya?
Cute sila lalong-lalo na kapag puti ang kulay nila. Puting-puti at walang
bahid."」
Nakagat ko na lang ang labi ko sa naalala kong iyun. Iyun
ang huling moment naming tatlo na masaya na masaya.
Ginala ko na lang ang aking paningin at nakita ko ang mga
trophy at may nakasabit pang mga medal. 16 na trophies iyun at mga 28 na
medals. Nakalagay ito malapit sa TV stand nila. Wow! Nakakuha siya ng ganoon sa
loob ng pitong taon?
"Umm... kanino po ang mga trophy at medalya na
iyan?" tanong ko.
"Ahh! Kay Garen din iyan," sagot ni lola Amara na
may dalang cake at nilapag sa mesa.
"Lahat ng iyan?" gulat ni Harry.
"Oo hijo. Isa siyang matalinong bata na inalagaan ng
anak ko. Lagi siyang pinapasali ng mga guro siya sa mga patimpalak sa
eskwelahan. Kaya tuwing katapusan ng pasukan, marami siyang inuuwi na mga
medals at trophy. Ito din ang naging dahilan kaya nabigyan siya ng scholarship
para makapag-aral ng gusto niyang kurso."
Nilapitan ko ang ilang mga trophy para usisain. Mga
parangal ito mula sa ilang quiz bee. Nakakuha naman ng atensyon sa akin ang
pangalan na nakalagay. Garen Tirona.
"Umm... hindi po ba hindi niyo naman tunay na anak ng
anak ninyo itong si Garen? Tama ba? Paano po kayo nakakalusot sa mga
requirements niya sa eskwelahan?"
Lumaki ang mata ng matanda sa tanong ko at iniwasan kami ng
tingin ni Harry.
Bumuntong-hininga si lola Amara. "Pasensya na pero
hindi ko alam. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo. Pasensya na talaga."
"Naiintindihan ko po. Hindi na po kami
magtatanong," tugon ni Harry. "Alam niyo, ito na lang po. Pwede niyo
po bang i-kwento amin ang buhay niya bago po siya... pinatay." Bumalik ako
sa upuan para makinig.
"Nakikita niyo ba ang cake na iyan?" turo ni lola
sa mga chocolate cake. "Paboritong-paborito niya ang cake na iyan.
Humihingi siya ng ganyan kada buwan. Kapag hindi kasi siya nakakakain ng
chocolate cake ehh hindi siya ginaganahan sa mga bagay-bagay. Hindi siya
mahirap mahalin at alagaan. Hindi tulad ng mga karaniwang bata ngayon.
Mapagmahal siya, maraming kaibigan at kinagigiliwan ng mga tao dito sa lugar.
Subalit dahil doon kaya nagkaroon din siya ng mga kaaway lalong-lalo na sa
eskwelahan."
"Nahuli na po ba ang may kasalanan ng gumawa po nito
sa kaniya?" tanong ni Harry.
"Naipakulong na namin hijo," sagot ni lola Amara.
"Mabuti naman po... kung ganoon," malungkot na
saad ni Harry. Kinuyom pa nito ang kanyang mga kamay.
"Ako naman ang magtatanong sa inyo. Kaano-ano niyo nga
pala siya?"
"Gaya po ng nasabi namin kanina, siya po ay aming
matagal na nawawalang kababata base po sa mga impormasyon na nakalap
namin," tugon ko. "Malas lang at hindi na namin siya naabutan ng
buhay. Nakakalungkot po talaga."
"May mga pamilya pa ba siya o kamag-anak?"
"Umm... sa kasamaang-palad po, wala na. Bale po, kami
na lang ang natitira niyang pamilya."
"Ganoon ba? Wala na pala ang lahat sa kaniya kung
hindi kayo na lang. Nalulungkot din ako para sa inyo."
"Pwede po bang malaman kung sino po itong pumatay sa
kaniya?"
"Joshua Malachai ang pangalan niya. At umm..."
Bigla namang nahiya si lola Amara sa pagsasalita.
"May problema po ba?" tanong ni Harry.
"Oo hijo. Iyung taong iyun kasi ang minahal ni Garen.
Lalaki siya."
Mas lalong kinuyom pa ni Harry ang kamay niya. "Umm...
wala naman pong problema sa amin iyun." pilit na sinabi ni Harry na may
pilit na ngiti. "Wala naman pong pinipiling kasarian ang pag-ibig ayon sa
paniniwala namin. Ang problema lang ay bakit niya pinatay ang kababata naming
ito ehh mahal naman pala siya nito?"
"Alam kong matalinong tao si Garen. Pero gaya ng iba,
kapag usapang pag-ibig na ay nagiging tanga sila. Naging sila ni Joshua noong
mga 3rd year sila sa Parañaque National High School. Noong una, hindi kami
makapaniwala dahil alam niyo na. Umibig si Garen sa isang tao na kaparehas niya
ng kasarian. Pero pinatunayan ni Joshua na iniibig talaga niya si Ren kaya
kumpyansa kami na nasa maayos siyang mga kamay. Nagtagal ang relasyon nila ng
masaya. Subalit nalaman ni Garen na kasapi pala ito ng miyembro ng mga gangster
dito sa lugar namin. Si Garen kasi ay hindi maiwasan na mapagdiskitahan siya ng
mga grupo ng mga gangster sa lugar na ito. Iyung mga kaibigan ni Garen,
pinagtatanggol siya sa mga ito. Iyun nga, nalaman namin na kasapi pala ng mga
iyun si Joshua, binalaan namin si Garen tungkol sa nalaman namin pero hindi
siya nakinig. Nabulag na ng pag-ibig."
Habang nagki-kwento si lola Amara, pansin kong mas lalong
kinukuyom ni Harry ang kanyang mga kamay at itinatago niya ito para hindi
makita ng matanda.
"Ang panlabas na anyo nga naman ng tao ay nakakaloko.
Isang araw, nalaman na lang namin na sinunog si Garen ng kanyang nobyo."
Tumigil na sa pagsasalysay si lola Amara at lumuha.
Boluntaryo naman akong lumapit sa matanda at ginawa ang lahat para tumahan na
si lola Amara. Napakalupit ng ginawa nila kay Garen.
Pagkatapos mapatahan si lola Amara, nagpaalam na kami ni
Harry at nagpasya na kaming umalis. Tama na ang mga narinig ko. Kahit na hindi
ko narinig mula kay Gerard ang mga detalye, hindi na importante para sa akin
dahil ang puno't dulo ng eksplanasyon ni Gerard ay patay na si Garen.
Naglalakad kami palabas ng compound para sumakay sa kotse
ni Harry.
"Mga anong oras tayo makakarating ngayon papuntang
Bilibid?" biglang tanong ni Harry.
"Huh? Mga pitong oras lang naman mula dito,"
sagot ko.
Sabay na lang kaming dalawa na pumasok sa loob ng kotse
niya. Pagkasakay ay pinaandar niya agad ito. Bakit naman siya gustong pumunta
sa Bilibid?
"Bakit mo naman naitanong kung gaano kalayo ang
Bilibid mula dito sa Parañaque? Parang pupuntahan natin ahh." pagbibiro
ko.
"Oo. Pupunta tayo ng Bilibid." seryoso niyang
saad.
Napatingin ako kay Harry sa sinabi niya. Seryoso siya sa
kanyang sinasabi. Pupunta nga kami ng Bilibid Prison. Pero para saan? Ang nga
mata ni Harry. Bigla akong nakaramdam ng takot. Bakit ganito? Ano ang gagawin
namin doon?
Habang bumibyahe, napapansin ko na nagte-text si Harry sa
phone niya. Sino kaya ang ka-text niya? Si tito? Si tita? Sino kaya? Baka si
Ren?
Maya-maya ay tumunog ang phone ko. May tumatawag sa akin.
Galing ito kay... sa isang unregistered number. Sino kaya ito?
"Hello?" sagot ko.
"Ahh! Ikaw pala iyan Kei," tugon ng boses sa
kabilang linya. Si Allan.
"Saan mo nakuha ang number ko?"
"Huminto muna tayo saglit at mag-isip. Kanino ako
kukuha ng number mo aside sa iyo kasi ayaw mo sa akin?" nakakalokong
tanong niya.
"Kay Keith? Katya? Arielle? Alexa? Martin?"
naiinis kong pagsagot.
"Wow. Wala man lang tamang sagot. Okay lang. Try it
again." Argh! Nakaka-inis!
Nag-isip naman ako ulit at... sumagi sa isip ko si Ren.
Paano naman ibibigay ni Ren ang number ko kay Allan? At bakit naman niya
ibibigay iyun? Magkasundo ba ang dalawa?
"Alam kong nag-iisip ka pero pwede bang sagutin mo na
ang sarili mong tanong?" naiinip na saad ni Allan.
"Ren," wala sa sarili na pagsagot ko.
"Bingo!" natutuwa niyang saad. Bigla akong naasar
sa tono ng pagsagot niya. Nabibwisit ako sa taong ito noon pa man na nagkita
kami.
Kinalma ko muna ang sarili ko. "Ngayon, ano ang
kailangan mo?"
"Ngayon, gusto kong ipaalam sa iyo na nasa bahay ako
ngayon ni Ren at kami lang ang mga tao na nasa bahay." Teka? Hindi ba wala
naman talaga siyang gusto kay Ren dahil kay Keith lang siya? Hindi kaya
nag-move on na kaya si Allan at si Ren na ang gusto niya?
"Bakit mo naman sinasabi sa akin iyan ngayon?"
"Umm... kasi kaila-"
Agad na pinutol ko ang linya dahil parang alam ko na ang
sasabihin ni Allan. Kailangan ako ni Ren. Pero hindi dapat sabihin ni Allan sa
kasalukuyang linya na ginagamit ko. Nangangamba kasi ako na mukhang may
nakikinig sa usapan ng mga tawag sa numero ko kaya may isa pa akong sim card na
tinatago at hindi iyun nila alam. See. Ginagawa ko lahat ang mga safety
precautions, hindi lang nila malaman na may relasyon kami ni Ren.
"Sino iyun at mukhang naaasar ka kanina?" tanong
ni Harry habang nagmamaneho.
"Isang tao na kilala mo na kinaasaran ko," sagot
ko.
"Sinong tao na kinaaasaran ko? Si Allan?"
"Yeah."
"Bakit may numero siya sa iyo?"
"Iyun nga ehh. Tinanong ko kung paano niya nakuha ang
numero ko."
"At sino naman ang nagbigay?
"Isang kaibigan sa Journalism Club,"
pagsisinungaling ko.
"Ahh! Ganoon ba? Alam mo, nakakapagtaka ang
katalinuhan ng taong iyun. Laging perfect sa mga written exams namin si Allan.
Pero pagdating naman sa mga practical tests, bagsak. Nganga. Hindi ba
kahina-hinala iyun? Perfect siya sa mga written exams pero sa practical tests,
bagsak? Iyung parang natutunan mo perfectly pero hindi niya mai-apply sa course
na kinukuha niya. Sigurado na ako na mapapalitan sa trono si Allan ngayong
semester. Si Gerard kasi, magaling na nga sa written exams, magaling din si
practical exams. Kahit anong perfect ang gawin niya sa written exams, balewala
iyun kung doon lang siya magaling. Akala ko ba matalino siya? Bakit hindi na
lang niya gawin ng maayos ang kanyang mga practical exams?" Hindi mo ba
alam na si Ren ay isang matalinong tao at doon si Allan kumokopya ng mga sagot
sa written exams?
"Minsan Harry, hindi naman kailangan na basta-basta mo
ipapakita ang iyung mga kakayahan sa harap ng tao. Malay mo. Para lang sa
sarili niyang kasiyahan niya ginagamit ang kanyang katalinuhan?"
"Sa bagay. Can't argue with that."
Hmm... so baka nasa bahay ni Ren si Allan para pag-aralan
nito ang practical exam nila. Sana hindi magtagal ang taong iyun sa bahay ni
Ren. Pero tiwala naman ako kay Ren na hindi niya ako pagtataksilan. Ang
problema nga lang ay kung ano ang kailangan ni Ren sa akin? Pinatawag niya ba
ako kay Allan? Argh! Hindi ako pwedeng magpalit ng sim card sa harapan ni
Harry. Ayokong maghinala siya. At kung sana, diretso kaming umuwi sa apartment
namin, malamang ehh malalaman ko kung ano ang problema ni Ren. Tsaka ano ba
talaga ang gagawin namin sa Muntinlupa?
7pm na at nakarating kami sa kung saan sa Muntinlupa... at
tago ang lugar. Maya-maya ay may dumating na mobile ng mga pulis. May lumabas
na dalawang pulis at... isang naka-orange na damit. Nakapiring ang mata,
nakatakip ang bibig, at nakaposas pa ang taong ito. Teka? Isa itong preso?
Parehas naman kaming napalabas ni Harry sa sasakyan niya at
nilapitan ang mga ito.
"Sir, heto na po siya," saad ng isang pulis saka
binigay kay Harry ang preso.
"Magaling. Natanggap niyo na ang bayad hindi ba?"
tanong ni Harry. Tumango ang dalawang pulis. "Makakaalis na kayo."
Bumalik na ang mga pulis sa kanilang mobile. Si Harry naman
ay dinala ang preso at tinapon ito sa isang dumpster. Gumagalaw-galaw pa ito na
pinipilit pa ring kumawala kahit wala na siyang pag-asa.
"Harry, anong ginagawa mo at sino iyan?"
mahinahon na tanong ko.
Naglakad lang si Harry pabalik sa kotse at sinundan ko.
"Siya si Joshua Malachai. Ang pumatay sa kababata nating si Garen,"
sagot niya.
Binuksan naman ni Harry ang trunk ng sasakyan niya. May
kinuha siyang isang galong container. Naglakad ito pabalik sa dumpster at
binuhos ni Harry ang laman ng container doon. Amoy gas.
"A-Anong gagawin mo Harry?" muli ko na namang
tanong at kinakabahan ako.
"Ginagawa ko lang ang bagay na dapat sa kaniya. Siya
ang dahilan kaya hindi ko na makikita si Garen kahit kailan. Ipaghihiganti ko
siya. Alam ko naman na hindi na babalik si Garen kapag ginawa ko ito. Kaya
lang, ang taong ito ay dapat magbayad sa kasalanan na ginawa niya. Hindi lang
sa batas. Mata kung mata, ngipin kung ngipin, buto kung buto, buhay kung
buhay," saad ni Harry habang nakangiting parang demonyo.
"Harry, huwag mong gawin ito. Huwag mong gagawin
iyan," pagpigil ko.
"Hindi ka ba nagagalit sa ginawa niya Kei?"
"Nakakaramdam ako pero hindi dapat ganito! Huwag mong
papatayin ang taong iyan!"
"Ang ginagawa ko ay para matumbasan ng taong ito ang
ginawa niya kay Garen. Hindi na dapat siya kaawaan. Mawawala din ang sakit sa
puso ko kahit konti kapag ginawa ko ito. Ikaw Kei? Gusto mo ba akong masaktan
ng paulit-ulit sa ginawa ng taong ito kay Garen? Sa mga narinig ko mula kay
Gerard at lola Amara?"
"Ayoko pero dapat hindi ganito! Masama ang
pumatay!"
"Hindi maiiwasan iyun Kei. Kapag ako na ang magiging
pinuno ng pamilya natin, papatay din ako. Bakit pa ba ako maghihintay na maging
pinuno ako ng pamilya natin bago pa ako magkaroon ng karapatang pumatay?"
"Hindi kahit kailan naging karapatan ang pumatay sa
pamilya natin. Kasalanan iyun. So please! H-Huwag mong gawin ito,"
natatakot kong saad.
Tumingin ng diretso sa akin si Harry at ngumiti.
"Huwag kang mag-alala Kei. Magiging ayos din ang lahat... para sa kaniya.
Hindi naman siya magtatagal ehh. Ipapautos ko na lang sa mga tauhan ni papa na
ipapatay siya. Pero hindi naman pwedeng magsunog ng preso sa loob hindi ba?
Maraming maghihinala kung paano nangyari ang ganoon. May preso na sinunog sa
loob ng bilibid."
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita sa mga susunod
na nangyari. Hindi. Hindi dapat ganito. Dahan-dahan nilabas ni Harry ang
lighter na nakatago sa bulsa niya. Sinindihan niya ito at tinapon sa dumpster.
Hindi ko nakikita pero sigurado akong kinakain ng apoy ang katawan ng kawawang
preso. Magsisigaw pa sana ito pero hindi dahil sa nakatakip ang bibig nito. Si
Harry naman ay nakatingin lang sa dumpster at nakangiti. Mukhang tatawa pa sana
pero hindi nito ginawa. Hindi talaga ako makagalaw ni hindi ako makapagsalita.
Sa nakikita ko ngayon at sa mga nangyayari. Pumatay si Harry. Pinatay niya ang
taong pumatay kay Garen. Diyos ko! Patawarin niyo po sana si Harry sa ginagawa
niya ngayon... at ako dahil sa hindi ko siya nagawang pigilan.
Maghahating-gabi na nang makarating ako sa apartment namin
ni Harry. Dumiretso ako sa kwarto ko binagsak ang sarili sa kama. Mukhang
pumalpak ako. Ang mga mata ni Harry kanina, parang mga mata ni tita Hilda.
Natatakot pa rin pala ako sa kanila. Pumalpak pa ako sa dapat kong gawin?
Mukhang oo.
Nahagip naman ng utak ko ang tawag ni Allan kanina. May
problema daw si Ren. Agad kong pinalitan ang sim card ko at tinawagan si Ren.
"Umm... hello. Ren?"
"K-Kei? I-Ikaw pala? B-Bakit?" natataranta niyang
tugon.
"Bakit natataranta ka? Anong meron?"
"Umm... wala naman. Buti at napatawag ka,"
natutuwa niyang saad.
"Ganoon ba? Ano nga pala iyung tinatawag ni Allan na
problema? Okay ka na ba or hindi pa? Kumusta ka na?" sunod-sunod kong
tanong.
"Ang totoo, okay na. Salamat sa pagtawag Kei. I love
you," wika niya sa magiliw na tono. Palagay ko ehh ngumingiti siya sa
kabilang linya.
Napangiti din ako sa narinig. "Ako din Ren. Mahal na
mahal kita."
Ang bigat ng pakiramdam ko sa mga nangyari ngayon araw.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga nangyari para mailabas ito. Kaya lang, ang
isang ito ay talagang napakabigat. Mabigat na mabigat. Mas maganda na hindi ko
na lang sabihin.
"Hey Kei. Andyan ka pa ba?" untag ni Ren.
"Ahh! Yeah. Andito pa ako."
"Sa tingin ko, pagod na pagod ka na. Mahirap ba ang
exam ninyo kanina?"
"Ohh... hindi mo pala alam. May pinuntahan kaming
dalawa ni Harry kanina na isang importanteng bagay."
"Ganoon ba? At ano namang bagay iyan?"
"Umm... hindi ko pwedeng sabihin?"
"Ahh. Okay. Gaya nga ng sinabi ko kanina, mukhang
pagod na pagod ka na. Magpahinga ka na kaya?"
"Oo. Magpapahinga na ako Ren. Magandang gabi at I love
you."
"I love you too."
Binaba ko na ang phone at inalala iyung nangyari kanina.
Mukhang delikado na kami ni Ren ngayon kung malaman niya na may relasyon kami.
Ren's POV
Isang bagong umaga na naman ang dumating. Tama yata ang mga
sinabi sa akin ni Allan tungkol sa mga panaginip ko. Siguro itong utak ko,
kailangan ng ayusin. At sana naman, nakuha ni Allan ang mga pinag-aralan namin
para hindi kami mapahamak.... o baka gagawin niya iyun on purpose dahil siya si
Mr. Lion. Haixt!
Naglalakad ako papunta sa una kong klase kung saan
magaganap ang aming major exam sa araw na ito.
"Ren! Kumusta?" untag ni Harry sa akin at
nakangiti.
"Harry. Mukhang maganda ang gising natin ngayon
ahh," nakangiti ko ding tugon.
"Oo naman. May maganda kasing nangyari kahapon,"
saad pa niya habang inuunat ang katawan.
"Oo nga pala? Saan ka pumunta kahapon? Wala ka sa
unang araw ng major exam natin."
"Sa kung saan nanggaling ang ngiting ito." Turo
niya sa sarili na nakangiti pa rin. "Well, nagpaalam na ako sa mga prof
natin at bibigyan nila ako ng special exam. Mahirap ba ang exam natin?"
Sisiw lang para sa akin.
"Medyo mahirap nga Harry ehh," pagsisinungaling
ko. "Nakapag-aral ka na ba?"
"Yeah. Enough para makakuha ng passing grade."
Natawa kami ng payak saglit.
Nakarating na kami ni Harry sa classroom kung saan
gaganapin ang isa sa mga major exams. Naghiwalay na kami ni Harry at umupo sa
aming mga upuan. Nakangiti naman kung makatitig sa akin si Allan. Bakit ganoon
talaga? Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya. Nakakaramdam ako ng pagkailang
sa kaniya. Nakatanim pa rin kasi sa isipan ko na siya si Mr. Lion.
Ilang oras din ang lumipas, natapos na din ang mga minor
exams namin. Susunod na ang major naming exam at iyun ay ang practical exam sa
computer laboratory.
Pumasok sa loob ng classroom ang professor namin para sa
practical exam nila. "Mr. Gerard Faustiano, Mr. Allan Mercer, pumunta na
kayo sa Computer Room ngayon din."
"Good luck Allan. Kaya mo iyan," saad ni Alexis.
Tumayo silang dalawa at si Allan naman ay nginitian si
Alexis at kinindatan pa ako. Nag-iwas ako ng tingin. Naglakad naman paalis ang
mga pinatawag sa Computer Room. Hindi ako nag-aalala kung babagsak si Allan
dahil siya si Mr. Lion. Alam ko iyun na siya si Mr. Lion.
ITUTULOY...
Author so aulric b at so kiefer?
ReplyDeleteNakakatakot na so harry as mga kinikilos niya at inaasta
An additional mystery. He he. Thanks sa update. Take care. Take care.
ReplyDeletebitin
ReplyDelete