Followers

Saturday, May 9, 2015

Love Game 19

Author’s Note


So im back guys! Haha! Matagal ba ? hindi naman ata, nag text kasi yung acer eh, okay na daw yung laptop ko. Kaya dirediretso na yung update! Haha! Yun nga lang nareformat, buti na lang at may back up ako sa usb ko. So swerte pa rin hehe.

So first of all I would like to thank sir allan and sir mike for the opportunity kahit out of boredom ko lang ito ginawa palibhasa summer kaya nag hanap ako ng mapaglilibangan.

Second, to my dearest readers mapa silent o loud man. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo dahil kung wala kayo, walang improvement ang story na’to. Kasi honestly, nung una pa lang, sobrang plain ng story ko ni walang twist, pero dahil sa mga opinions and suggestions nyo, feeling ko magiging successful ang first ever story na ginawa ko. Kaya sana suportahan nyo p rin ako hanggang sa huli.

And for those people na nakakausap ko sa fb, marming marming salamat po sa papuri nyo lalo na kay kin na nag post sa wall ko, sobra akong natouch sa sinabi mo to think na wala akong binatbat sa mga co RA’S ko ditto sa MSOB pero still sinuportahan nyo pa rin yung story ko kahit na lagi ko kayong binibitin.

Next, pasensya na kung lagi ko kayong binibitin, actually it’s not my intention ewan ko ba, hinahabaan ko naman pero lagi pa rin kayong nabibitin haha! Kakaazur. Pero anyways pag tyagaan nyo na lang dahil malapit na talaga matapos yung story 1 or 2 chapters na lang sya.


O baka pag hindi ko na kinya haha. Last chapter na yung next chapter haha!

So eto na po yung chapter na medyo plain at walang gaanong ganap. Pasensya na hihihi.








Chapter 19





Axel’s POV


“ AXEL!!!!!!! MAHAL NA MAHAL KITA! MAG IINTAY AKO! IINTAYIN KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! WAG MO KONG IIWAN! NANDITO LANG AKO MAG IINTAY SA PAG DATING MO! MAG IINGAT KA DOON! PAALAM MAHAL KO!”



“ AXEL!!!!!!! MAHAL NA MAHAL KITA! MAG IINTAY AKO! IINTAYIN KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! WAG MO KONG IIWAN! NANDITO LANG AKO MAG IINTAY SA PAG DATING MO! MAG IINGAT KA DOON! PAALAM MAHAL KO!”



Hindi ako pwedeng magkamali, si Dave ang sumigaw, ramdam na ramdam ko yung sakit habang sinasabi nya yun, aminin ko man o hindi, parang naglaho na parang bula yung galit ko sa kanya.

Haharap ba ako?

Konsensya 1: harapin mo axel, sabi nga nila, dibaleng harapin mo ang kahhit ano masaktan ka man, atleast youu’ve tried.

Konsensya 2: no Axel, if I were you you must go on, wag mo na muna syang kausapin, wag muna. Kausapin mo sya kapag ayos ka na , kapag ayos na kayong pareho.

And after the short discussion ng mga kunsensya ko, i decided na sundin ang sinabi ni konsensya 2, yes mahirap pero tama sya e, walang magandang mangyayari kung mag uusap kami ngayon at magkakapatawaran ng parang ganoon na lang, gusto kong makita nila ang pagbabago na hinahangad ko para sa sarili ko.
Gusto kong pag humarap ako sa kanila lalong lalo na sa kanya, eh yung feeling na hindi na ako maiilang at stand out na sa lahat ng nangyayari.


Kung dumating yung panahon na hindi pa rin nagbabago ang pag ibig ko sa kanya, at kung ganoon din sya, tatanggapin ko na.

Tatanggapin ko kung kami talaga ang para sa isa’t isa.

Siguro Dave hindi pa ito ang tamang panahon para makapag usap tayo.

May tamang oras at lugar kung saan maaayos nating lahat, kung kaibigan man o pag ibig na. And sana kung pag ibig na, sana this time ay totoo na.


Agad ko lang tinungo ang plane na sasakyan namin, kamalas malasan nga naman ng araw na’to, katabi ko si karl sa upuan.

Isa sa mga malakas humilik kapag tulog. Though hindi naman ganun kalayo ang singapore sa Philippines, pero duh? Ang gross kaya nito, minsan nag sleep talk pa, worst puro sex life ang ibinubuga haha!


Habang ako’y hindi makatulog, nagisip na lang ako ng mga bagay bagay


Simula nung pumasok ako sa school na’to, ano na nga ba ang mga nagawa ko na makabuluhang bagay,

I pursue my passion for dancing and i guess makauluhang bagay naman iyon since dahil sa talent ko sa pag sayaw makakapagperform na ako sa iabng bansa,

I guess i’ve been a very good student sa class while taking up my degree as a psychology major, yes mahirap pero sabi nga nila, walang mahirap sa taong nag tyatyaga at may tibat at lakas ng loob na harapin ang mga bagay bagay..

Sa mga kaibigan ko? Hindi ko naman masasabing loner ako at tanging si Zandro lang ang kaibigan ko, mayroon naman akng tropa na maituturing so I guess magandang sign yun na maganda ang relationship ko sa kanila kahit na dumating yung time na nawalan ako ng time para sa kanila but still nandyan pa rin sila sa akin to support sa lahat ng bagay na ginagawa ko.


Sa Lovelife?


Akala ko talaga nung unang pasok ko sa prestihiyosong university gaya ng SIU eh magkakaroon din ako ng panibagong buhay, kaso hindi pala, yes sinubukan kong mapalapit sa taong mahal ko pero rejected kaagad. Ang sakit no? Hindi ka pa nga nakakapagpakilala ng maayos ipinagtabuyan ka na?

Pero wala eh, mapaglaro ata talaga ang tadhana, sadyang pinaglapit kami, yun nga lang, hindi sa magandang pangyayari.

Ginawa akong laruan, itinurig akong hayop, itinuring na utusan at itinuring na parang hindi nag exist ang totoong Axel na nakikita ng iba.

Sobrang sakit na maisip na huli na pala ng marealize ko ang lahat ng ito, na hindi ko na pwedeng baguhin pa.


Na hindi ko na pwedeng ayusin pa ang sarili ko na nasira ng dahil lang sa kagagawan ng iba.

Sa buhay ng tao, napakadali nating manghusga, makakita lang tayo ng isang pulubi, iisipin na nating may modus silang ginagawa, makakita lang tayo ng di kaaya ayang itsura sa mga pampublikong transportasyon, iisipin na nating gagawan tayo nito ng masama.

Masyado tayong nagbabase sa pisikal na istraktura ng isang tao, tapos biglang late na lang natin marerealize na masyado na tayong nag oovergeneralization

Tama nga naman na nasa huli ang pag sisi, kasi hindi natin iyon pwedeng sabihin sa una palang dahil wala pa naman tayong ginagawang hakbang.

Sa mundong ito, iba’t iba ang kasarian ng tao, nandyan ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, pero iisa lang ang tawag sa kanila.


Tao.

Maaaring angat ka sa buhay, maaaring hindi sya katulad mo sa karangyaan, pero wala sa estado ng buhay yan eh, nasa kung paano ka makikisalamuha sa ibang tao. Yun ang mahalaga.


Ang gumawa ng aksyon ng hindi nakakatapak ng pagkatao ng iba.

Pero sabi nga nila, tao lang tayo. Nagkakamali rin.

Pero sa pagkakamaling yun, kailangan alam mo kung paano mo itatawa ang lahat ng pagkakamali mo sa maayos na paraan.

Hindi lang ito patungkol sa kung ano ang nangyari sa akin bagkus para sa mga taong tinatawag nating “ close minded people” , liberated na ang mundong kinabibilangan natin kaya sana maging bukas tayo sa lahat ng pagbabago.

ISULONG ANG LGBT! Lol.


Nag announce na yung stewardess na malapit na kaming bumaba, sinasabi ko sa inyo eh, grabe talaga tong si karl kung matulog. Nakanganga pa!


Eh ang hirap pa naman nitong gisingin, agad lang akong nakaisip ng pwedeng pang pagising sa kanila, alam kong bawal to pero haha bahala na

“ huy gising dali! Babagsak na tayo sa karagatan dali sasabog na yung eroplano!” madiin kong bulong sa kanya.

( ang korni ng joke mo, walang natawa belat baho mo! - author)

LUL

Nagtagumpay naman akong magising sya no. Haha kaso tama si author, wa epek nga. Parng normal lang eh haha. Sorry na. Si zandro lang kasi ang magaling magpatawa.

Shy type kashi ako taposh conshervative pa, eshush me guys. Hahaha!

This is it. Ng kapalapag ang eroplano

“ this time Axel, bawal negative vibes okay? Maikli lang ang isang taong para isipin ang mga negatibong yan. Good vibes lang ng goodvibes okay? Aja!”

Ang madiin kong sabi sa sarili ko.


Ngayong nandito na ako o kami sa singapore, kelangan positive vibes lang, bawal ang sad dapat happy.


Habang papalabas kami ng airport, ang sabi samin ni direk, may bus daw na nagiintay sa amin pero ng libutin ko ang paningin ko, nagulat ako ng may karatulang


“ WELCOME AXEL DE LOS REYES!”

Ayoko mang mag assume pero sino yun? Ako ba yun?

Hanggang sa maaninag ko kung sino ang may hawak ng kartong iyon.


Eh?

Si elijah?

Kaya ba wala sya nung paalis kami sa pilipinas?

Agad lang akong nagpaalam sa mga kasama ko at tinungo si Elijah na hindi maalis ang ngit sa labi, muntanga na sya na nakangiti dun oh? Haha.

“ huy! Ano ginagawa mo dito?”

“ sinundan ka “ ang pag ngiti nya.

“ eh? Ano meron?”

“ alam ko kasing devastated ka ngayon, kaya ayun, nandito ako par dmayan ka, “ ang pag ngiti pa rin nya.

Aminin ko man o hindi, nakaramdam ako ng saya matapos nyang sabihin ang lahat ng iyon, hindi pa rin pala talaga ko mag iisa sa bansang ito. May elijah na mag aalalay sa akin dito,


Swerte talaga ako na may isa akong elijah na kaibigang maaasahan kahit hindi mo hingian ng tulong.

“ nakausap ko na rin si Direk, dun din ako sa STU mag aaral, and di ka sa headquarters nyo titira, may condo ako dito kaya okay na lahat”

Straightforward nyang sabi.

“ eh? Wow ha? Haha. Sige na nga, as if naman na mananalo ko sayo ikaw pa ba?”

“ buti alam mo”

Kaya pala nung nagpaalam ako sa mga kasama ko eh parang wala lang, yun pala alam nila ang lahat, edi wow!

Masyado bang preoccupied yung utak ko sa mga bagay bagay kung kaya’t hindi ko na napapansin pa ang iba?


Siguro nga.

Well sabi ko nga, positive vibes lang kaya enjoy!


Matapos naming mapuntahan ang condo ni Elijah, halos malula ako sa floor kung saan kami ngayon, mga bh3

Pang 32nd floor kami mygas! Nalula ako nung tumingin sa bintana. Haha!

“ oh, alam kong nalulula ka, kumain ka muna, ako nagluto nito”

Ang pagsingit ni Elijah.

Minsan sa buhay, hindi natin kailangan ng maraming kaibigan, ang kailangan natin ay yung kaibigan na maaasahan. Sabi nga sa reader’s digest, you can only have atleast 2-3 persons na pwede mong pagkatiwalaan. Sabi nila the more the merrier? Hindi ako naniniwala dun, para sa akin, many is disaster, hindi natin alam kung totoo ba an gating mga kaibigan sa atin kapag tayo ay nakatalikod maaaring ganun pa rin sila, o posibleng sinisiraan na nila tayo.

In life you must always choose your pick. Life is a matter of choice not a matter of chance, choice natin kung gusto natin masaktan o hindi, choice nating sumaya at lumigaya. So what are you waiting for?

Tar na sa Jollibee dahil bida ang saya!


( konri talaga ng joke mo axel, pwede bang kay zandro na lang yang segment? Ang trying hard mo eh-otor)

Pwe! O sige na sige na sa kanya na.

Hayss, namimiss ko kaagad sila

Buti na lang may *** thousand ako sa atm ko, pocket money ko daw sabi nila mommy, kaya mabibili ko ng maayos na pasalubong ang tropa.

“ weh? Ikaw nagluto nito? In fairness ha, masarap”

“ ano ulit?”

“ mesherep”

“ ha?”

“ PUTA SINABING MASARAP TOL MASARAP!”

KAINIS HA, PINAGLOLOLOKO ATA KO NITONG BAKULAW NA TO EH!

“ hahaha! Chill ka lang, G na G ka eh.” Sige bababa muna ako, may kailangan lang akong asikasuhin”

“ ge, get lost!”

After kong kumain, inilibot ko lang ang aking paningin sa ituturing kong bagong tahanan ditto sa Singapore, I must say na magaling pumili si Elijah. Ang classy ng dating.

Ang swerte ng mamahalin ni Elijah pagnagkataon.

Konsensya 1: eh diba ikaw nga yun?


Alam kong hindi ko kaya ibigay ang pag ibig na hinahangad ni Elijah, pilit ko mang turuan yung puso ko pero hindi talaga eh, siguro masyadong napreoccupied yung utak ko sa lahat ng nangyayari kaya hindi masyadong nag pafunction ng maayos to ngayon. Maybe in time darating din tayo dyan. Gets?


Bigla ko naming naalala yung sinabi ni zandro na wala syang nagawa nung time na sobra akong nasaktan, hindi ko man nasabi sa kanya pero sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil alam kong nanatili sya sa akin hanggang huli,

Minsan kailangan lang natin ay yung taong makikinig sa drama at problema natin sa buhay, hindi man masolusyunan agad at least gumaan yung pakiramdam mo kesa nakapag share ka.

And im very thankful to zandro for that.

Aminin ko man sa hindi pero labis pa rin akong nasasaktan sa nangyari, kaso wala eh, nangyari na ang nangyari kaya wala na akong magagawa pa.

Matapos kong libutin ang bago kong tirahan, sinubukan ko lang itext si Elijah na gusto kong lumabas at magpahangin muna, pumayag din naman sya pero ang gusto nya ay kasama sya. Hindi na rin ako tumutol dahil hindi ko naman alam tong lugar na to.

Matapos naming sumakay ng sasakyan, pumunta lang kami sa universal studios at nagliwaliw.

Grabe pala ditto sa Singapore ano? Parang walang mahirap, parang lahat napaka light ng aure, parang mga walang problema. Tinungo din naming ang Madagascar world, leggo land at kumain din kami sa isang lugar kung saan maraming mga pinoy ang tumatambay, waang iba kundi ang Jollibee.

Nagulat nga ako na may ganito pala ditto, pero sabi ni Elijah, last 2 years pa daw ata yun nag bukas pero bakit hindi ko alam? Lagi naman akong nanunuod ng balita ah!

Anyways, I must admit, medyo iba yung lasa ng chicken nila kesa sa original chicken natin sa pinas pero masaram pa rin.

Pagkatapos naming mamahinga, pumunta din kami sa sentosa para tignan kung gaano kaganda ang lugar, I know it’s been late pero sabi nya, mas maganda daw pumunta sa merlion city lalo na pag gabi.

Ng marating naming ang merlion city, namangha ako sa ganda ng karagatan at sa lawak ng tanawin, maliit man ang Singapore pero boom na boom talaga sila sa industry.

“ o dali nga nga ka pipicturan kita” biglang singit ni Elijah

“ ha? Baliw k aba, nakakahiya no!”

“ bakit ka mahihiya? Tignan mo nga yung iba oh” sabay turo sa ibang ta0

Ng tignan ko yung mga tao, halos mauha luha ako sa kakatawa ng Makita ko silang nakanganga, ano yan mg ate? Ready to fight? Hahaha!

“ bakit sila naka nganga?” ang walang muwang kong tanong kay Elijah

“ kasi tignan mo yun ( sabay turo sa merlion na nagbubuga ng tubig na parang ihi kemerut) yan, creative shot ginagawa nila, parang sinasahod nila yung tubig, sabi nila, swerte daw yun kasi yung tubig yung nag rerepresent ng blessings tapos sasaluhin mo” ang mahaba nyang paliwanag.

“ ah ganun pala yun, pero parang ang baboy naman, parang umiihi yung merlion tapos sila nakanganga, parang ano, parang sa “

“ wag mo ng ituloy yan bubugbugin kita”

“ HAHAHAHAHA! SORRY XD, sige na picturan moko ng swertihin din ako”

Matapos nya akong picturan, nag groupie din kaming dalawa at background yung merlion na umiihi daw ng blessings hahaha!

“ 3,2,1 uploaded, o yan na upload ko na, natag na rin kita”

“ Elijah”

“ ow?”

“ salamat ha? Kasi kung wala ka ditto ngayon, baka maramdaman ko talaga yung lungkot, kaya maraming maraming salamat , tunay kang kaibigan”

“ kaibigan, axel may tanong ako”

Kinakabahan man ako dahil parang alam ko na ang next nyang sasabihin, go pa rin, bahala na si lord

“ sige ano yun”

“ hanggang kaibigan na lang ba talaga ako sayo, axel?”

Wala akong mabakas na galit o kahit anong pakiramdam, parang normal na anong lang ang ginagawa ni Elijah.

“ uhm, Elijah, tinry ko naman noon eh, kaso wala talaga. Kuya na kasi tingin ko sayo eh, at yung oven a hinahanap mo, hindi ko kayang ibigay, masyado sigurong tumatak sa isip ko na ikaw na yung tumayong pangalawang kuya ko, mahal naman kita eh kaso hindi yung mahal na hinahangad mo, so-sorry”

I must have to be straightforward ayokong paasahin yung tao sa wala dahil baka lumala pa

“ naiintindihan ko axel”

“ wag ka sanag malungkot Elijah, alam kong baling araw makakahanap ka rin ng taong mamahalin mo at mamahalin ka pabalik, maaaring hindi mo nahanap sa pilipinas, malay mo, nandito sa Singapore, don’t close the bigger opportunity ng dahil lang sa isang bagay na hindi mo makuha, kailangan mong buksan yung puso’t isipan mo sa pagbabago, dahil yun ang mapapalaya sa’yo”

Yes. At nakuha ko pa talagang mag advice. EDI WOW!

“ broken hearted k aba talaga? Haha, nakapag advice ka pa ha!”

“ ewan ko nga rin eh haha!”

“ so I guess, susuko na ako? So, friends forever?”

“ no, kuya and bunso forever”

Sabay yakapan naming dalawa.

I know someday mahahanap ni Elijah yung taong para sa kanya. Yung taong mamahalin sya at susuklian yung pagmamahal na hinahanap at ibinibigay ni Elijah.






Dave’s POV

Halos buong maghapon na akong tulala sa nangyari, sobrang sakit. Napaka sakit. Sana kahit man lang sa huli nakausap ko sya, pero wala eh, tadhana na ang nagsabi na hindi pa ito ang tamang oras.

May tamang oras pa ba? O siguro hanggang ditto na lang ang pagmamahal ko sa kanya?

Pero hindi. Ipaglalaban ko sya kahit anong mangyari sa kanya ko lang naramdaman kung paano mag mahal at kung paano mahalin kaya gagawin ko ang lahat maibalik ko lang si axel kung kanino sya nararapat, at yun ay sa akin lamang.


“ oh chill ka lang, babalik din yun, oo aminin nating lahat na lahat tayo malungkot sa pag alis nya lalo ka na, pero siguro tama rin yun para makapag isip sya dahil sa nangyari sa kanya, dave, kaya ikaw, umayos ka” ang panenermon ni zandro

“ zandro nakabuo na ako ng plano”

“ at ano nanaman yang binabalak mo aber?”

“ susundan ko sya sa Singapore?”

“ what?! Are you freaking out of your mind? Susundan mo sya for what? Sasabihin mo na bumalik ka na sa kanya? Na mahal mo sya? Ganon lang dave? Haharap ka sa kanya ng ganyan ang itsura mo? Dave! Mag isip ka nga, wag kang magpadalos dalos sa gagawin mo?”

“ pero,,,”

“ walang pero pero, if I were you, gamitin mo tong isang taong malayo kayo sa isa’t isa para magbago, mapa pisikal man o emosyonal, kailangan mong maging handa sa pag dating nya para Makita nya na talagang iba na ang dave na nakita nya noon sa magiging ngayon. Gets mo?”


Shit! Tama si zandro, kung pupuntahan ko si axel sa Singapore, baka wala ring mangyari, gagawin ko ang lahat para ma please sya ulit, gagawin ko ang lahat para Makita at madama nya na nagbago na ako.

Agad ko lang inopen ang fb ko dahil wala na rin naman akong ginagawa matapos sumuko sa pakikipag diskusyon kay zandro


- Axel De los Reyes was tagged in Eli jah’s photo-


FUCK?! SINASABI KO NA NGA BA EH!

“ zandro nakita…” bago ko matapos ang sasabihin ko, nakita ko ring niview nya yung photo na nakatagged si axel sa picture ni Elijah kung saan halos yapusin na ni Elijah si Axel.

Lalong nag init ang ulo ko matapos kong Makita ang hindi kanais nais na litrato

“ oh kalma, nag iinit ka nanaman eh, yan ang isa sa mga dapat mong baguhin, wag kang masyadong mainitin ang ulo, wag kang basagulero dave. Choice yan ni Elijah kaya wala tayong magagawa okay?”

Kalma dave. Kalma, kalma, kalma, kalma


PUTA KALMA NA NGA OH! PAULET ULET NAMAN!





Zandro’s POV

Mygasss!!! Nawindang ako ng Makita ko yung picture ni Elijah at ni Axel na kulang na lang magyakapan sa litrato, beshies, di ko kinaya bh3, akin lang si Elijah eh  hahaha!

Ng Makita kong open si axel minessage ko sya about sa picture

- Beks, explain to me the picture of yu and Elijah-

- Nako zandro, nagulat ako kanina pag dating sa airport, nandun sya nakaabang may karton pang dala na nakasula yung pangalan ko.

- Huh? You mean?

- Yes, ditto rin sya mag aaral

- Talagang sinundan ka nya dyan?

- Oo, kasi daw wala daw mag babantay sa akin para daw di ako makaramdam ng nag iisa

- Aw, sorry bes ah, kung mayaman lang din ako sinundan na rin kita dyan eh para madamayan ka

- Weh yun ba talaga?

- Syempre para makakita rin ng mga lalaki hahaha!

- Siraulo ka talaga, wala yun, alam o naming nandyan ka lang palagi sa akin eh

- Oo nemern.

- O sige na bes, napagd ako eh, naglakwatsa kami netong bakulaw nato

- Teka, di kaya sumunod sya dyan dahil

- Oo, pero tinapat ko na sya at naiintindihan naman nya. Kaya may pangalawa na akong kuya

- O so balato mo na sa aki si Elijah ha? Haha sige bes goodnight

- Goodnight labidabs muahugs.





Axel’s POV





Bukas, umpisa na ng panibagong buhay, kaya data tandaan na positive vibes lang okay?

Kung ano man ang mangyari sa lahat ng ito ay tatanggapin ko ng buo.

I must say na kahit nasaktan ako ng sobra at isinarado ko na ang puso ko para kay Dave, sinasabi pa rin nito na wag akong sumuko at patuloy na lumaban.

Pero paano kung sa isang taon nay un ay magbago ang lahat? Mapapatunayan ko pa ban a totoo yung sinasabi nyang mahal nya ako?

At kung sa loob ng isang taon eh sya pa rin ang itinitibok ng puso kong ito?

Kung ano man ang maging resulta, tatanggapin ko ng buong puso at walang ag alinlangan.

Bukas ang panibagong yugto ng buhay ko, kailangan kong matutong maging independent at maging matapang, kailangan pagbalik ko sa pilipinas, ibang axel na ang makikita nila pagkatapos durugin at apakan ang aking pagkatao.

Sisiguraduhin ko na hinding hindi na ako pwede pang saktan ng kahit sino man.



Kinabukasan maaga kaming nag prepare ni Elijah dahil ito ang una naming pasok bilang studyante ng school na’to. Well I might say na halos magkasing laki lang ang SIU at itong bago naming papasukan. Yun nga lang, halata mo talaga sa mga tao na angat sila sa buhay. I wonder kung may mahirap ba ditto sa Singapore, eh halos lahat ng tao ditto mauunlad mapapilipino man o hindi.

“ grabe naman ditto, parang mga artista yung nagsisipag aral. Parang di ko kakayanin” biglang sabat ni Elijah habang parehas naming tinitignan ang buong paligid.

“ bakit? Sino ba nag sabi sayo na dito ka mag aral? Ginusto mo yan kaya panindigan mo no!”

“ oo na oo na, pasalamat na lang talaga ako at magkaklase pa rin tayo. Haha galing ni mommy eh.”

And yes, kahit bago tong school na papasukan naming, magkaklase pa rin kami. Iba talaga nagagawa ng mayayaman no? tsk. Anyways, mas okay nay un para hindi ako mangapa sa room. Ako lang kasi sa mga kasama ko sa production and psychology major. Halos lahat engineering o kaya I.T

Matapos naming mahanap yung una naming room, hindi ko lang maipinta yung mukha ko ng Makita ang expression ng mga kaklase namin.

Para kaming mga endangered species kung titigan nila.

Ano bang bago?

Malamang, bagong mukha nakikita nila eh.


Agad lang kaming humanap ng upuan dahil ramdam na naming mag iistart na ang klase.

Ng makahanap na kami ng pwesto sa bandang likuran bigla naming sulpot ng professor namin.

Professor naming saksakan ng gwapo!

Omaygad, seryoso? Magiging prof ko sya ngayon sem?!

O.M.G

“ oh, mata mo, halos hubaran mo na si sir oh? Ahhaha” biglang epal netong Elijah.

“ che, tigilan mo’ko”

Hanggang sa tumayo na nga si sir pogi ahaha! At lahat kami nakatingin lang sa kanya.

“ okay class, today is your first day and I’m going to be your professor in statistics, so I believe that all of you knows something about this subject. Right?”

“ yes sir” sabay sabay naming sabi

Hanggang sa may binunot syang something sa bulsa nya to think na cellphone nya pala yun

“ okay class, before we start, the president told me that we have new students here, so would you mind to raise your hands?”

Kami ata yun eh?

“ uy, taas daw kamay!” bulong ni Elijah.

At parehas na nga kaming nag taas ng kamay. At naramdaman ko nanamang ang mga matang lawin ng mga kaklase naming.

Seriously?

Nakakatakot sila tumingin ha?! Jombagin ko kaya mga to.

“ okay, you, the one who’s wearing an eye glasess, please come forward and introduce your self”

“ huy axel, ikaw daw mauna haha. Galingan mo ha”

“ leche ka!”

Bwiset naman tong si sir, ni hindi ko nga alam ang sasbaihin ko eh.
Habang nag lalakad ako papuntang harapan, I must say na sobra akong naiilang hindi dahil sa mga kaklase ko, pero the way ng pagtingin sa akin ni sir.

Gad! Para akong tinutunaw!

“ okay, let’s start Mr.”

Humugot lang ako ng malalim na hininga bago magstart.

Lezz do diz.

“ so good morning to each and everyone, as what our professor said, im one of the new students here in this school, I’m Axel De Los Reyes a 16 years of age and taking BS Psychology as my major, actually I am studying in my country the Philippines before but when the organization that I joined requires us to join the audtion in the production that will be held in this school I was forced to join though it is a big pleasure for me and luckily I am one of them. I am part of the dance troupe and I guess? I guess that would be all?”

Punyemas. Hindi ko na alam sasabihin ko gaadd!!

“ so you’re a Filipino?”

Obvious ba sir? La? Tanga ata to eh.

“ ah eh yes sir”

“ so how’s the Philippines now, KABABAYAN” biglang diin nya sa kababayan na word.

You mean?

“ you mean sir? You’re”

“ oo, Pilipino rin ako.”

“ jusko naman sir! Pinahirapan nyo pako “ ang hindi ko na napigilan pang pag buburst out.

Nakakainis na nakakatawa animal nay an.

“ ofcourse, hindi lahat ng nandito maiintindihan kapag nag tagalog ka, anyway, you may take your seat”

At tuluyan na akong umupo sa upuan ko. Pero


Pero

Si sir.

Tingin ng tingin.

Nakakailang!

Hanggang sa matapos ang klase at kinailangan na naming pumunta sa next room naming

“ okay class, that’s all for today see you tomorrow, Mr. De los Reyes, stay.” Ang biglang sabi ni sir.

What?!

“ haha, type ka ata ni sir, so pano una na ako ha?” ang pang aalaska ni Elijah.

“ leche ka, iniiwan moko sa ere, susumbong kita kay zandro che. Umalis ka na nga!”

Hanggang sa nag sialisan na silang lahat at tanging ako at si sir na lang ang natitira.

Omaygad lord, virgin pa po ako please not now.

“ I know what you’re thinking, wag ka mag alala, di kita gagawan ng masama” sabay nakakalokong ngiti ni sir

Bigla naman akong nahiya sa sinabi nya. Di ako nainform, mind reader rin pala tong kumag na’to

“ I’ll be honest with you, you’re so interesting, can we be friends?”

What the eff. Straightforward ha!

“ uhm ye-yes sir, as long as we know the limits of each other”

“ don’t worry, kung iniisip mo na may plano ako, wala, kamukha mo kasi yung bestfriend ko na naiwan ko sa pilipinas eh. Ganyan na ganyan din sya gaya sa’yo”

Hanggang sa nakapagpalagayan na nga kami ng loob, hindi na rin ako nag atubiling pumasok sa next subject na dapat ngayong oraas na dahil nag text si Elijah na wala daw prof, kaya mas nakilala ko si sir Garcia.



Days are so fast, hindi ko akalaing 3 months na rin pala kaming nandito sa Singapore, honestly na hohome sick na ako, ni isang beses ko lang silang tawagan sa pinas dahil strikto yung production masydo sa amin.

Though okay naman yung studies ko dito with the help of Elijah and sir Garcia, pinagtapat ko kasi sa kanyang mahina talaga ako sa math eh, kaya willing syang turuan ako every vacant nya. So ginrab ko na yung opportunity. Saying din yun no.

Pero may napapansin ako eh, everytime na magkakasama kami nila sir Drin at Elijah, parang, parang may something sa kanila? Haha!

Grab the opportunity Elijah! Gwapo kaya ni sir mark! Hahaha!






Elijah’s POV




Magmula nung dineretso ako ni Axel na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya nya, tinanggap ko nan g buo. Sabi ko nga, kung ano man ang maging resulta ay tatanggapin ko ng buong buo.

Sa ngayon, masaya naman kaming pareho dahil naaalalayan ko sya at alam kong nahohome sick na sya, unlike me na nakakausap ko yung mga mahal ko sa buhay at yung tropa freely, sila kasi hindi. Masyadong mahigpit. Plus the fact na busy sila sa rehearsal, malapit na rin kasi yung major production ditto sa school kaya puspusan na ang ensayo nila.

1 message received


HI! Kain na - Drin

Bwiset. Magmula ng maging close sila ni axel, walang humpay na ‘to ng pangungulit sakin. Ni hindi ko na nga minsan ginagalang sa sobrang kulit. Pero wa epek eh, palaging nasa tabi namin ni Axel.

Pero in fairness mabait naman si sir, yun nga lang naiilang ako sa kanya pag lagi syang tumitingin sa akin kapag tinuturuan nya si Axel ng statistis, syempre nakikinig na rin ako. Saying din yun. Free tutorial.

Nakausap ko na rin si zandro at kinumusta ko ang lagay nila, okay lang naman daw sila lalong lalo na si Dave


FLASHBACK


“ oy! Kumusta?” pambungad kong batik ay zandro

“ papa Elijah ikaw bay an? Owemiji. Miss na kita!!! “

“ haha o ano okay lang kayo dyan?”

“ oo naman no, everything aws fine, though nahirpan akong mag adjust nung una kasi wala si Axel sa tabi ko, alam mo naman, ni hindi kami mapaghiwalay nun. Medyo naninibago lang”

“ ah, masasanay ka rin haha. Eh yung tropa?”

“ ayun miss na kayong dalawa, dapat pag uwi nyo ditto may grand reunion tayo ah, ako mag oorganize pero syempre pera nyo haha!”

“ oo naman, miss na nga naming kayo eh lalo na si axel, di kasi sya pwedeng tumawag ng basta basta lang eh, mahigpit yung production kaya ayun. Teka, si Dave kumusta na?”

“ nako eto na nga, mula nung umalis si Axel, ni hindi naming sya makausap nung first week, sobrang syang devastated, lagging umiinom, lagging nag wawala at hinahanap si axel, parati rin daw syang umiiyak, kinausap na nga nya sila tito na kung pwedeng pag dting na pagdating ni axel eh iuuwi nya na sa bibilhin nyang bahay eh. Doon ko talaga nakita na sobra ang pagmamahal nya kay axel, mabilis man pero ramdam na ramdam mo yung sinseridad nya, at ngayon? Lumipat sya ng course from I.T to business, gusto nya kasing sya na ang magpatakbo nung company ng parents nya in the future t para na rin daw maipakita nya kay Axel na deserving na sya para rito.”

“ grabe talaga nagagawa ng love no? don’t worry kamo, mahal na mahal pa rin siya ni Axel sabihin mo sa kanya”

“ ay nako, di ko sasabihin yun, magyayabang nanaman yun. Eh ngayon pa nga lang kampante ng sa kanya lang daw si axel eh, sarap bigwasan eh, basta dapat si Axel lang ang makagawa ng lahat. Sya naman yung mag dedesisyon nun eh”

“ o sya, tatawag na ang ulit ako. Medyo gabi na rin kasi, magluluto pa ako ng hapunan naming. See you soonest!”


END OF FLASHBACK

Sa ngayon mag pofocus muna kami sa studies dahil malapit na ang major exams at malapit na rin yung productions na gaganapin ditto na dadaluhan ng iba’t ibang sikat na mga tao mula sa iba’t ibang bansa.




Dave’s POV


It’s been 3 months, 3 months na kong walang balita kay axel, 3 months na rin akong nangungulila sa pagkalayo naming dalawa, everytime na mag oopen ako ng facebook, walang araw oras minute na binibisita ko yung profile nya, hindi rin siya active pero sa mga nakikita kong tagged photos nya, ganoon pa rin sya, very charming.

Kampante akong mapapasakin muli si Axel, kung hindi man?

PAPATAYIN KO SI KUPIDO.

Lahat gusto kong baguhin, even my course, I transfer in business as my major dahil nakausap ko si daddy at willing na akong tanggapin yung inaalok nya sa akin unlike before, gusto ko pag uwi ni axel , bagong dave ang makikita nya.

Pero hinding hindi mag babago ang pag ibig ko para sa kanya.


Ilang months na lang ang hihintayin ko at makikita ko na ang taong mahal ko.

At sa oras na magkalapit an gaming landas, hinding hindi ko na sya papakawalan pa.

Maraming umaaligid sa akin mapababae man o mapabinabae, pero lantaran kong ipinagkalat kung sino ang taong mahal ko at wala akong pakialam sa sasabihin nila.

Si Jhen?

Matapos ng mangyari, nag imbistiga ang school, nakausap ko na rin si jhen at nagkaayos na kami, tanggap na nyang hindi talaga kami para sa isa’t isa, at ngayon alam kong may nagpapatibok ng puso nya.

Kung ako lang ang tatanungin, kakalimutan ko na lang ang lahat ng nangyari, dahil kahit paaano babae pa rin siya, kaso wala eh, batas ng school ang may hawak ng lahat, kaya wala kaming nagawa nung nakick out si jhen dahil sa pangyayari.

Pero we still have good communications, at excited na rin akong maging ninong ng anak nya.

Yes, she’s 4 weeks pregrant sa boyfriend nyang taga ibang school.

Sana dumating rin ang araw na magkroon ako ng sarili kong pamilya na aalagaan naming ang anak naming ni Axel. Wala naming imposible eh. Sana pagbiyan pa ako ng pagkakataon na patunayan ang pagmamahal ko sa kanya.

Sa ngayon, ipagpapatuloy ko lang ang pagbabagong hinahangd ko simula pisikal kong pagkatao hanggang sa kaloob looban ko, gusto kong bgong Dave ang makikita ni Axel.

Dave na puno ng pagmamahal.

At Dave na pinatunayang sya lang ang iibgin magpakailan man.



5 comments:

  1. Book 2 please or story ni Elijiah at ni Zandro

    ReplyDelete
  2. Ganda lang ng update, bwalang gulo. Puro pagbabago ang dating. Thanks sa update. God bless you.

    ReplyDelete
  3. Sana humaba pa talaga to hahaha excited na ako sa mga pagabago nila at saka kung kelan sila magkikita ulet!! :))

    -44

    ReplyDelete
  4. 😊😊😊 salamat sa update hehehevwala jo masabi hehehe nice ng flow ng story di masyadong OA parang natural lang realestic kumbaga hehehhe... hnd masyading masakit sa damdamin pagnababasa at nakakainjoi...


    Shai

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails