Just For a Moment
By: Bluerose
CHAPTER 21
AUTHORS NOTE:
First thank you sa suporta sa story ko hehe.. Sa mga nakakaappreciate at sa nagmamahal, malaking hugs para sa inyo. Hehe.. Sa Mga admin ng group na sila SICHEM, RED, RHAFY and shemps si IAN KITOY maraming thanks sa suporta at sa pagmamahal sa group.
Sa tatlong super kulit sa group hahaha nangunguna lage BRYAN, PETER and SCHIFFERVERSE grabe ang kukulit niyo kausap haha napapataw niyo ko lage haha.. Kay JHUNNEL super thanks talaga sa suport mo sakin hehe kay JUNREY, LEI, MHARA, KEVIN ENRIQUEZ, JAYSON super thanks talaga hehe mwuah mwuah.. NESTEA salamat din sayo love love love lang hehe.. Kay MICKY CRUZ, NATHAN NATNAT, GINO SMITH, GOGZ, JAYJAY, EMMAN and JAPE, RENNARD super babait niyo guys so thanks talaga sa inyo mwuah
Kay 44 na di talaga nagsasawa sa pagsuporta sakin hehe.. Salamat ng super super .. Love ya! JM, VAL, KING, JANE GREGORIO, JUSTIN yan kahit di tayo bati di kita kinakalimutan haha.. Thank you kasi nakasupport ka sakin.KUYA JAPS im waiting sa sili mo haha. RIKZ, DAVID,SHAIBORD,RYL DEDICATORIA, RAYVER RAVE, JOSHUA BLUE, KIKO MERCADO, CHRISTIAN PAUL, VIC NISHIMI, JHARZ ELEMENTO, NINZ LOSA, IVAN MORRE salamat sa inyo guys hehe at sa lahat ng anonymous sa blog na nagsosomment super thanks din sa effort niyo magcomment mwuhugs hehe kay EDWARD salamat sa comment mo hehe Noted
Sa mga coRA ko hehe. SEYREN ng LOVING YOU.. AGAIN, VIENE ng STRING FROM THE HEART, Kay RYE ng LOVE IS, kay COKIE CUTTER ng GAPANGIN.. PRINCE JUSTIN ng ME & MY RULES at kay ROGUE ng WAY BACK INTO LOVE sequel..kay APPLE GREEN ng THE JOHN LLYOD DIARY Support natin lahat ng author hehhe..astig sila promise hehhe
SA MGA HINDI KO NABANGGIT Happy summer.
Sali kayo sa group.. Kwentuhan .. More pictures of the characters.. Close close tayo guys.. Bitterness oveload ang tema hahaha joke leng enjoy your weekend.
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose/
“We have freedom to love anyone, but the hardest part is we have no right to beg them to love us in return.”
SI JOSEPH
There is no perfect relationship but perfect love? There is.
Unconditional love. Isang uri ng pagmamahal na kayang isakripisyo kahit sariling kaligayahan. Na kahit gaano man kasakit pipiliting tanggapin para sa taong nasa puso natin, Na kahit mahirap maintindihan pipilitin parin unawain kasi mahal natin, seriously that kind of love, Unang pinakita at pinadama satin mga nanay natin, Mga nanay natin yung unang nagturo kung pano nga ba magmahal.
Kung pano tayo dapat magmahal at higit sa lahat kung pano natin dapat mahalin yung sarili natin. We can HAVE love if we know how to GIVE it.
“ Joseph I love you.”
“ Wala na si Joseph.. Wala na sya Chris.. Yung kaharap mo ngayon si Steven na.. Si Steven na unti unti ng kinakain ng galit.” bulong ko “ umalis ka na please.”
“ Siguro nga... Hindi ka na si Joseph.. Kasi alam mo yung kilala kong Joseph.. Nangako sya na di ako sasaktan.. Nangako sya na di ako iiwan.. Yung joseph na kilala ko nangako sya na habang buhay niya ko mamahalin.” saad niya kasabay ng mga luha.. Tumayo naman sya saka ako tinitigan hindi ko naman napigilan umiwas ng tingin, di ko kayang tingnan si chris sa mata. “ Yung joseph na kilala ko.. Hindi niya ko kayang saktan ng ganito. Hindi niya kaya.” tumungo lang ako.
“ Umalis ka na..Umalis ka na please.”
“ Tandaan mo to.. Hindi ako ang nang iwan.. Hindi ako ang sumira sa pangako at hindi ako yung tumigil magmahal.. Kasi ginusto mong iwan kita.. Ginusto mong saktan ako at ginusto mong mawala ako sa buhay mo! Steven Hindi ako ang pumili nito.. Ikaw!”gigil na saad niya.
“ Umalis ka na!” sigaw ko.
“ Kay Steven kaya kong Sumuko.. Pero kay Joseph Hindi..” Saad niya saka tumalikod. Nakakailang hakbang na sya nun nang tumigil sya.. Hinayaan ko lang yung luha ko pumatak. Hanggang makita ko yung pagpatak ng ulan sa labas.
“ Chris umalis ka na please?” Saad ko ng makitang huminto sya sa paghakbang. Nakita ko naman na nagpunas sya ng mukha. Huwag kang haharap Chris please.. Ayokong nang makita yung luha mo, ayoko makita na umiiyak ka dahil sakin... Mas lalo akong nadudurog mas lalo akong nasasaktan.. Please.. Please.. Wag ka nang haharap.
“ kala ko mahina ka.” bulong niya. “ kala ko hindi ka ganun katapang para iwan ako.” hikbi niya. “ Joseph bakit ganun? Gusto ko lang naman magmahal eh.. Gusto ko lang magmahal pero bakit lagi nalang akong nasasaktan... Ginawa ko lahat para maging perkpekto lang tong relasyon na to, kinain ko yung pride ko, pinilit kong wag matakot, I risk it all, my future, my life even my family. Maghahabol na nanaman ba ko ng taong hindi ako kayang mahalin habang buhay?” Saad niyang niyang di lumingon.
“ Chris.”
“ Joseph sobrang manhid ko na. Pero hindi dahil kaya kong tiisin yung sakit.. it doesn’t mean I deserve it.. ”
“ I’m sorry.” bulong ko humarap naman sya sakin saka pinilit ngumiti kahit may luha sa mga mata.
“ Aalis na ko.”
“ Chris.”
“ It’s ok.. I’m sorry sa mga sinabi ko, Joseph you know me hindi ako marunong magmove on kaya huwag kang umasa na susukuan kita, never, Well yun ata ang role ko sa mundo, maghabol ng maghabol sa taong mahal ko.. Yun sinabi mong di mo na ko mahal.. Alam ko sinabi mo yun para layuan na kita pero hindi ko gagawin yun kasi mahal kita.. Mahal na mahal.” saad niya kasabay ng mga luha.
“ Chris layuan mo nalang ako please.” Saad kong nakatitig sa mata niya kita ko lang yung patuloy na pagtulo ng luha sa mata niya.
“ Ayoko.. Joseph wag mo muna akong tingnan ngayon, Oo nasasaktan ako sa mga oras na to pero mas doble yung nakikita kong sakit sa mga mata mo eh at naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa,” saad niya saka tumungo di ko naman mapigilang humikbi. Gusto ko sya yakapin, gusto ko punasan yung mga luha sa mata niya pero di ko maihakbang yung mga paa ko. “ Don’t worry kahit di ko naiintindihan, pipilitin kong unawain, kahit sobrang sakit, titiisin ko joseph, pipilitin kong tiisin Para sayo.. Aalis nako.. Joseph I love you.. And I will always love you,” punas niya sa luha niya saka tumalikod at lumabas ng bahay.
“ I”m really sorry.. I’m really really sorry.” bulong ko.
Nang mga oras na yun parang unti unti akong nadudurog habang tinitingnan ko si chris sa tabi ng kotse niya habang sinasalo yung patak ng ulan. Gusto ko lumabas para pigilan siya pero hindi ko kaya. Hinayaan ko lang pumatak yung luha ko as I watch him leave.
Napaupo lang ako sa sahig saka tumungo hanggang marinig ko yung kotse niyang umalis. Bye Chris.. Bye.
Ilang sandali pa kong nandun ng may marinig akong sasakyan sa labas. Tumayo naman ako para tingnan kung sino yun. Isang Itim na kotse yung huminto sa tapat ng gate ko.
“ Shit!” bulong ko ng makitang hindi nakasara yung gate agad naman akong tumakbo papunta sa pinto para sana isara to pero di ako nakagalaw ng makita yung nakaitim na lalake sa tapat ko. “ who are you!” gigil na saad ko.
“ Gusto ka makausap ng boss ko.” seryosong saad nito saka nilahad sakin yung phone niya.
“ ayoko..”
“ gugustuhin mong makausap sya at wag mong hayaang saktan pa kita para lang makapagusap kayo.” gigil na saad nito saka hinawakan yung baril sa balakang niya. Nagbigay naman ako ng matalim na tingin saka kinuha yung cellphone sa kamay niya.
“ Hello.” saad ko.
“ Finally nakausap na rin kita. Steven Harris.” rinig kong saad sa kabilang linya.
“ who are you at anong kailangan mo sakin. Kung tauhan ka ni Mr. Vincent harris, utusan mo na tong lalakeng to na barilin ako ngayon na.!” gigil na saad ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. “ patayin niyo na ko..yun naman ang gusto niyo di ba.?”
“ masyadong mabilis Steven.. Let me introduce myself first.. I’m Aulric.”
“ Wala akong paki kung sino ka.. Anong kailangan mo sakin!”
“ Let me help you.. Let me help you pabagsakin si Vincent. Uhm I’m sorry I mean Let me kill him” sarkastikong saad nito. Natigilan naman ako.
“ Sino ka.?”
“ Hindi ako isang kakampi pero hindi rin kalaban.” saad niya kasunod ng payak na tawa. “kailangan mo ko, Steven Harris Hindi mo kaya si Vincent and I know you know that. Connections, money and power yun ang meron sya and in just snap of his finger.. Kaya ka niyang patayin.”
“ I know.. Wala akong laban sa kanya pero sakin lahat nang kung anong meron sya ngayon. Akin lahat yun at wala syang magagawa kundi ibigay kung ano ang dapat sakin!” gigil na saad ko natawa lang sya ng payak.
“ before.. Sayo lahat pero hindi na ngayon.”
“ What do you mean.?”
“ gusto mo malaman.?”
“ Fuck! Of course..!” gigil na saad ko. “ pinaghirapan yun ng magulang ako at hindi pwedeng mauwi lahat yun sa wala.!”
“ Really, wow concern ka pala sa Harris group of campanies I’m sorry hindi ko alam.. Well let’s meet.?”
“ Gusto ko lang bigyan ng justice yung pagkamatay ng daddy ko at lalo ng mama ko..at tingin mo ganun ako kabilis magtitiwala sayo huh.? Gago ka ba.?” sarkastikong saad ko. Natawa naman sya.
“ I’m sorry matalino ka nga pala. I just wonder kung pano ka napainom ng drugs last night. Parehas kayo ng syota mo makarinig lang ng salitang drugs nababaliw na.”
“ Wag mo idamay si chris! Wala na syang kinalaman sakin kaya layuan niyo sya!”
“ Damay na sya at wala kang magagawa.”
“ Subukan niyong galawin sya, Sisiguraduhin kong mararanasan niyo ang impyerno dito sa lupa!” gigil na saad ko.
“ Wow Is that a threat.?”
“ Hindi.. This just a warning at wag niyo sagarin yung pasensya ko kasi hindi ako nagbibiro! Kaya kong pumatay ng kahit sino sa oras na magalusan lang si Chris tandaan mo yan.” banta ko sa kanya.. Haixt kahit sino kaya kong kalabanin sa oras na masaktan si Chris. “ hindi ko kayo uurungan!”
“ Ok.. Do you know where I am right now.? I’m here sa building kung nasaan yung condo na tinitirahan niyo.” saad niya natigilan lang ako.. Fuck si chris?
“ Anong ginagawa mo jan huh!”
“ wait, finally lumabas din ng kotse yung syota mo.. Let me guess, nakipaghiwalay ka sa kanya.? Nice move Steven matalino ka talaga.”
“ Wag mo ko subukan Mr. Whoever you are! Wag mo idamay si chris dito!”
“ He’s really handsome. I can actually see the pain in his eyes right now.. Poor Christian Castillo.. Ang tao na wala na atang gagawin sa buhay niya kundi ang maghabol” Madiin na saad niya. “ Nice move pero pano mo nagawang saktan sya? Tsk tsk.”
“You son of a bitch!!”
“ Thank you.” saad niya kasunod ng payak na tawa. “Alam mo bang maraming beses ko na naranasan ang impyerno dito sa lupa.. Haixt kulang nalang makilala ko si satanas so hindi ako natatakot kahit sinong demonyo pa ang iharap sakin. Naiintindihan mo? kaya wag kang umasa na matatakot ako sayo.” saad niya gigil ko lang tiningnan yung assitant niya na nagbigay naman ng nakakalokong tingin. “ wag mong subukan kalabanin ako Steven Coz you don’t know what I’m capable of doing.”
“ tangina layuan mo si chris!” sigaw ko.
“ What if barilin ko si Chris ngayon.?”
“ Shit!!”
“ Oopss. He’s crying right now.. What did you do to him.? Holly crap nakakaawa sya tingnan,”
“ layuan mo sya pleasee..!! Please?” tarantang saad ko. “ please wga sya.. Ako nalang.”
“ Malayo ako sa kanya don’t worry pero nakatutok sa kanya yung baril ko ngayon you want me to pull the trigger.?” bigla ko naman narinig yung putok ng baril sa kabilang linya Damn it.!!
“You fucking asshole!!!” sigaw ko. “ damn it!!” hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko.
“ Oopps I’m sorry I missed the target. Wala ata ako sa mood makakita ng gwapong nakahandusay habang naliligo sa sarili niyang dugo, you know ang sarap ipaint ng scene na yun, what do you think?” natatawang saad niya.
“ What do you want!”
“ Wow I love his lips.. Parang ang sarap halikan.” Saad pa niya na lalong ikinakulo ng dugo ko.
“I said what do you want from me!!” sigaw ko rinig ko naman yung pagtawa niya.
“ Calm down? Hindi ako pumapatay ng taong walang kasalanan sakin.”
“ Sabihin mo kung ano kailangan mo!” gigil na saad ko ilang sandali naman akong walang narinig sa kabilang linya. “ Please ano kailangan mo.?”
“ I want you.” saad niya natigilan naman ako.
“ Mahal ko si Chris.. Patayin mo nalang ako kasi hinding hindi ko sya ipagpapalit sa iba.”
“So sweet.. Pero wag kang ambisyoso.. Ang gusto ko kunin mo lahat, lahat lahat ng kayamanan ng mga harris hanggang sa kahuli hulihang sentimo, hanggang sa kahuhulihang pera nila And I want you to do that for me.” mapait na saad niya.
“ Anong kapalit.?”
“ kaligtasan ni Chris.?”
“ Sino ka ba talaga.. Bakit gusto mong gawin ko yun huh!”
“ Sabihin nalang natin na I desperately want Vincent harris to suffer gusto ko maranasan niya yung kahayupan na ginawa niya sa pamilya ko at lalo na sakin!! Di niya alam na gumawa sya ng demonyo na mas demonyo pa sa kanya!” gigil na saad niya natawa naman ako ng payak.
“ Magkakampi nga tayo.”
“ No, Hindi ako kakampi.. Gagamitin lang kita para sa mga plano ko at susunod ka sakin kung ayaw mong masaktan si Chris naiintindihan mo? Now meet me here sa rooftop ng building niyo.”
“ pano kung sabihin kong ayoko.?”
“ Madali akong kausap? Gusto mo ba marinig yung tunog ng bala na tatama sa katawan ng mahal mo.?” madiin na saad niya. “ bibilang na ba ko.?”
“Damn it!”
“ be here in 5 minutes or else..”
“ Shut up!”
“ Wag mo ko paghintayin kasi baka sa lamay na tayo ni Chris magkita. Well gusto ko makakita ng lamay lalo na kung si vincent ang paglalamayan.”
“ Pupunta na ko.” gigil na saad ko saka pinatay yung cellphone.
“ Let’s go.?” saad nung assistant niya humugot naman ako ng malalim na hininga saka tumango.
“ This is war.” bulong pa nito pagsakay namin ng kotse haixt. Eh ano kung hiindi ko sya kakampi atleast hind ko sya kalaban, ang gusto ko ngayon mawala na sa landas ko si Vincent harris at di ko magagawa yun kung walang tutulong sakin. “Si Aulric lang makakatulong sayo Steven.” saad pa nito habang lulan kami ng kotse.
“ bakit galit sya kay Vincent.?”
“ I don’t know, Wala akong alam pero sagad sa buto ang galit niya sa Vincent na yun, so kung ano man yung ginawa ng matandang yun kay Aulric sigurado hindi lang basta basta.”
“ wala akong atraso sa kanya so papatayin ko sya kapag dinamay niya si Chris.”
“ Don’t worry Steven hindi niya gagawin yun, Alam mo bang sya ang bumili ng shares mo sa HGC pero hindi niya pinangalan sa kanya yun.”
“ kanino.”
“ Sayo.”
“ What.? Eh akin naman talaga yun ah.?”
“ yeah pero binenta ni Vincent, Aulric knows how to play the game, wala syang pakialam sa pera so wag kang magaalala kasi di niya aangkinin yung HGC dahil di sya katulad ni Vincent.” Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. Damn it.
Malapit na kami sa building nun nang makita ko si Chris na nakasandal sa kotse niya habang sinasalo ng palad niya yung patak ng ulan, tumungo naman ako hanggang dumaan yung kotse sa tapat niya at tuluyang syang lampasan.
“ I’m sorry Chris.” bulong ko.
Tumigil lang yung kotse sa tapat ng building. “ go ahead di na ko sasama sa taas.” saad nung assistant ng Aulric na yun saka inabot sakin yung payong.
“ Wag mo syang ituring na kakampi pero wag mo syang kakalabanin, sumunod ka lang sa gusto niya kasi di ka niya ipapahamak.” ngiti pa nito marahan naman ako tumango saka tumingin sa labas ng kotse.
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka lumabas, paglingon ko kay Chris nakita ko lang na humakbang sya papunta sa kalsada,
shit di ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko saka nagsimulang humakbang papalapit sa kanya. No Chris. Wag..
SI CHRIS
Nakasandal ako nun sa kotse ko habang sinasalo ng palad ko yung patak ng ulan, ramdam ko yung lamig na nunuot sa katawan ko, yung pagdaloy ng patak ng ulan sa balat ko at yung patuloy na pagtulo ng mga luha sa mga mata ko, akala ko pinatatag na ko ng lahat ng pinagdaanan ko pero bakit parang sobrang hina ko ngayon.
“ I’m sorry Joseph.” bulong ko saka wala sa sariling naglakad papunta sa kalsada kung saan rumaragasa yung mga sasakyan,
Love? Bakit ba ganito ako magmahal na tuwing nasasaktan ako parang lagi akong nauubos, para akong kandila na uunti unting nauupos.
Tumigil lang ako sa gilid ng kalsada saka wala sa sariling pinagmasdan yung mabibilis na sasakyan na dumadaan, Broken road.. Pinilit ako ng kalsadang yun na iwan sya at ngayon di ko nanaman alam kung saan ako pupunta.. Kung saang dereksyon yung tatahikin ko, Ilang kalsada pa ba ang kailangan kong daanan, siguro nga dapat yung sarili ko muna yung ayusin ko pero pano ko magagawa yun kung di ko alam kung saan ako dapat pumunta.
Pinikit ko lang yung mata ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko.
aktong hahakbang ako ng may humawak sa kamay ko, tuloy parin yung malakas na Ulan pero hindi ko na maramdaman yung buhos nito sa balat ko.
Unti unti lang akong lumingon,
“ Joseph.” bulong ko kasabay ng mga luha ko, kita ko lang yung luha sa mata niya habang may hawak na itim na payong.. “ Joseph.?” hagulgul ko.
“ Ano tingin mong gagawin mo huh!” gigil na saad niya tumungo naman ako. “ Chris gago ka ba huh!! Napakasama mo pano mo naisip na gawin sakin to huh! Magpapakamatay ka? How dare you!” nakagat ko lang yung labi ko hanggang maramdaman ko yung pagyakap niya. Tahimik lang akong umiyak sa balikat niya. “ Chris gago ka..! Napakagago mo!”
“ Joseph.”
“ Chris ginagawa ko to hindi para sakin kundi para sayo! Intindihin mo naman yun pease!”
“ Joseph di na ko ganun kalakas para tiisin yung sakit, Magisa nalang ako eh..” Ilang sandali pa syang nakayakap sakin habang tuloy yung mga luha ko.
humiwalay naman sya saka nilagay sa kamay ko yung payong
“ Pumunta ka sa LA, sa mommy mo.. Chris ginagawa ko to hindi dahil hindi na kita mahal,Oo nagsinungaling ako kasi Chris sobrang mahal kita, sobra sobra, Sobrang mahal kita kaya ginagawa ko to, Narinig mo ko? oo mahal kita kaya please wag mong gawin to.”
“ Joseph, Wag mo naman akong iwan please.”
“ kailangan Chris.” saad niyang deretsong nakatingin sa mga mata ko habang may luha sa mata. “ I love you, Mahal kita pero kailangan ko tong gawin.” Saad niya tumungo lang ako saka tumango. “ Chris please?”
“ Joseph Mahal kita.”
“Alam ko pero Chris kahit gano natin kamahal ang isat isa kung may taong hahadlang di tayo magiging masaya.. Tatapusin ko lang to.”
“ sasamahan kita harapin to.”
“ Ayoko.. Hindi kita idadamay dito, hindi.”
“ Joseph..”
“ pumasok ka na Chris.”
“ Joseph please.’
“ Sasapakin kita.. Pumasok ka na!” gigil na saad niya. “ isa.!”
“ di ko mantindihan bakit kailangan.”
“ dalawa!”
“ Joseph.”
“ papasok ka o magpapasagasa ako ngayon.?” gigil na saad niya tumungo naman ako. “Chris sumunod ka sakin parang awa mo na oh.? Papasok ka ba o hindi.?”
“ Papasok.”
“ good.” Saad niya saka ako hinila pabalik sa building, shit bakit ba hindi ko maintindihan, di niya ko kailangan iwan. Kaya ko syang samahan sa laban niya sa mga harris. Haixt! “ Subukan mo pang uling gawin yun, di kita mapapatawad.”
“ Joseph please.”
“ Shut up!”
“ I hate you!”
“ Better, now pasok.” Saad niya.
“Ikaw.?”
“may pupuntahan pa ko.” saad niya hanggang makarating kami sa tapat ng elevator pinindot niya lang to, di ko lang mapigilang pagmasdan yung mukha niya ng mga oras na yun. “ Wag mo ko titigan, sasapakin kita.”
“ Joseph.” inis na saad ko.
“ Chris wag matigas ang ulo, laban ko to at di ko hahayaang madamay ka naiintindihan mo, break na tayo tapos ang usapan.” hanggang bumukas yung elevator tinulak niya lang ako dito papasok. “ I love you.” saad pa niya hanggang sumara yung elevator napasandal naman ako.
Haixt I hate him!
SI JOSEPH
Lampas limang minuto na nun ng makarating ako sa rooftop ng building, agad ko naman hinanap ng tingin ko yung aulric na yun hanggang mahagip ng mata ko yung lalakeng nakapayong na itim habang nakatanaw sa baba ng building.
“ Aulric I’m here.” saad ko.
“ Ang sweet niyo huh.. Yakapan habang umuulan.. Seriously ang sarap niyong barilin habang magkayakap.”
“ turn around.. Gusto ko makita yung mukha mo!” sigaw ko sa kanya, binitawan naman niya yung payong na hawak niya saka dahan dahang humarap samin. Natigilan naman ako, shit familiar yung mukha niya.. Haixt.
“ Hi Steven.” saad niya na may malademonyong ngiti sa labi.
“ Aulric?”
“ At your service.” Binigyan ko lang sya ng sarkastikong ngiti.
“ I know you.. At alam kong hindi Aulric ang pangalan mo.” ngiti ko sa kanya kita ko naman yung pagbago ng expression ng mukha niya. “ tama ba ko.?”
“ Wala kang pakialam kung sino ako.. Dati..” mapait na saad niya.
“ Fine.. Pano mo ko tutulungan kasi gusto ko na matapos to.!”
“ Di tayo pwede sumugod ng hindi handa, So relax Steven kasi sisiguraduhin ko sa oras na magharap kami ni Vincent wala na sa kanya ang lahat.”
( Kung gusto niyo malaman ang story ni Aulric at kung sino sya talaga kindly read loving you.. Again ni Seyren.. Thank you guys mwuah.. Suportahan natin yung mga story sa msob.)
SI KRISTEL
“So it’s really Chris.?” saad ko habang nakaharap sa malaking salamin ng kwarto ko. Nagsusukat ako ng damit nun na pinamili ko sa mall ng araw na yun.
At nandito si Jert sa kwarto para tumambay, Yung seryoso di kami close pero dahil sa project snow white na yan naging malapit kami,take note “malapit” magkaiba yun sa pagiging close.. Char haha
“ Yap, Nasaan na yung imbestigador mo he deserves a reward.” ngiti ni Jert.
“malay ko? Pero ang imposible eh aixt nevermind na nga lang, Jert pwede ba bumaba ka jan sa kama ko baka mahawaan ako ng kabaklaan mo.?” irap ko sa kanya.
“ Edi umalis ka din jan sa salamin.. Nasusuka ako sa nakikita ko.. Buti di bumabaliktad sikmura mo sa nakikita mo jan sa salamin my god Ano ba nangyare sayo kristel ang alam ko kasi maganda ka naman talaga eh pero what happened?”
“Ang alam ko din lalake ka eh.. What happened?” lingon ko sa kanya.
“ I’m gay Kristel kaya nga ako pinalayas ni daddy eh.”
“ Whatever.. Alam mo Jert ang gwapo mo naman eh lalo na kapag may kaharap kang boylet na gwapo, pretend pretend na straight? Haixt yan ba trend ngayon mukhang lalake tapos bakla naman pala.”
“ Uso yun ngayon Kristel.. Pretend na straight para madami kang mabingwit at maniwala ka sakin effective, sa dami ba naman ng nakasex ko sa states eh.” ngiti niya, tumaas naman yung kilay ko.
“ Try mo kayang magpaHIV test.?”
“Di na kailangan kasi lahat ng pinapasok ko sa butas ko sinusuotan ko muna ng damit.” ngiti niya. YUCK! “ teka kumakain ka paba sobrang payat mo na? Mukha ka ng ipis girl?”
“ sexy ang tawag jan.. My god bakla ka hindi mo maappreciate yung ganda ko?”
“ Hindi talaga noh.. May anorexia ka na ata eh.. Haixt di kita matingnan ng maayos feeling ko hahanginin ka na.”
“ ewan ko sayo.. So ano plano niyo kay Chris.?”
“ Hinahanda na ni dad lahat ng papeles, pirma nalang ni Chris ang kailangan then I’m free to go with my 20 million cash.”
“ Aixt dapat sakin yun eh!”
“ Akin na yun.”
“ teka ganun nalang yun? Alam mo bang umalis si James kahapon.”
“ yung asawa mong di ka naman mahal.?san pumunta.?”
“ Sumama sa hayop na nanay ng Chris na yun.. Aixt kainis.. Sigurado ba kayong wala na kayong plano kay Chris.. I mean di niyo man lang gagawing miserable ang buhay niya.. Shit dapat may gawin kayo kasi i hate him!”
“ Plano..UHmm what do you think?”
“ So meron?”
“ Oo naman, Di ganun kadali yun sa pagangat ni daddy kasabay nun yung pagbagsak ni Chris.”
“ Holy shit you mean yung career niya.?”
“ bravo bravo.. Atleast may utak ka pa kala ko natunaw na nung pumayat ka.” ngiti niya.
“ Funny.. Magugunaw ang mundo ng bestfriend ko kapag bumagsak ang pulsar.”
“ kailangan mawala sa SBR si Chris at gagawin ni daddy lahat mawalan lang sya ng career.”
“ pero wow exciting yan..!!” ngiti ko.
“ Mas exciting kung hihingi ka ng advice kay Erika about fashion? Seriously girl nakakabother na yung taste mo sa damit.” saad niya habang sinisuri yung suot ko. Black na baloon dress.
“ who’s erika.?” taas ang kilay na saad ko.
“ Erika De Guzman. Alam mo bang gumagawa na sya ng pangalan sa fashion industry and I must say na magaling nga sya, may taste.”
“ Yung babaeng yun.?”
“ Yeah the very beautiful Erika De Guzman have you met her.?”
“ Si half breed of shit.? Geezz!! May alam sa fashion yun?”
“ Trulalu! Ay may pinagaralan yun girl kaya wag mong babangain yun about fashion baka pakainin ka lang ng alikabok nun.. Baka di mo lang alam sya ang nagdadamit sa Pulsar.”
“ Talaga.?”
“ talagang talaga!” ngiti niya. “ so I suggest kunin mo syang stylist mo di ko lang sure kung pati mga may anorexia dinadamitan niya.”
“ bakla ka talaga! Edi sya na magaling sa fashion pero sa make up I’m sure mas magaling ako sa kanya.”
“ make up.? Eh tinalo mo pa yung sumasali sa gay contest.?”
“ Gusto mo subukan ko sayo.?”
“ Nope.. Busy ako.” saad niya nagbigay naman ako ng sarkastikong ngiti. “ hoy kristel kung magpapamake up ako..hindi sayo noh baka masira pa tong feslak ko.”
“try me.” saad ko saka unti unting lumapit sa kanya.
“ waaahh wag mo kong hahawakan! Nooooo! ” pagwawala niya.
SI STEPHAN
Pabagsak akong umupo sa sofa nun. hanggang ngayon wala akong balita sa nangyare kala Joseph sa party ni Vincent harris. Dalawang araw na pero di ko parin nakikita yung kapatid ko.
“ Hindi mo ba talaga alam kung nasaan sya.?” tanong ko kay thomas paglabas niya ng kwarto habang may subo subong donnut binato ko naman yung Tshirt niya sa kanya.
“ Hindi ko alam.” ngiti niya saka sinuot yung Tshirt..
“ Sigurado ka?” seryosong saad ko humiga lang sya sa sofa habang nakaunan sya sa hita ko.
“ Fine may alam ako.”
“ Ano.?’
“ Nandun sya ngayon nagsstay sa bahay na binili niya sa mama niya.. Haixt sekreto lang dapat yun eh pero dahil kapatid ka naman niya. Fine.”
“ Is he okay.?”
“ tumawag sya kay paul kanina.. Okay naman daw sya.” saad niya saka kumagat sa donnut. “ Gusto kita ipakilala kay daddy.” ngiti niya natigilan naman ako.
“ Huh.?”
“ Papakilala kita kay Daddy.. Gusto mo.?”
“ bakit.?”
“ Wala lang, gusto ko lang pero kung ayaw mo okay.”
“ eh di ba magkagalit kayo ngayon ng daddy mo.?”
“ Oo pero syempre iniisip kita eh baka gusto mong makilala si daddy.”
“ mabait ba daddy mo.?”
“ minsan.” natatawang saad niya. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka kinuha yung donnut na hawak niya saka sinubo. “ hey akin yan eh? Last na kaya yan.”
“ Penge lang.. Donnut na nga lang pagdadamot mo pa hindi mo na nga ako kayang mahalin eh.” simangot ko natawa naman sya.
“ Alam mo bata palang talaga ko dream ko na makasal, nagsimula yun nung 5 years old ako nang makita ko si mommy at daddy na nagpakasal sa simabahan. Ring bearer ako.”
“ huh bakit late na nagpakasal daddy at mommy mo.?”
“ well sabi ni daddy nagpakasal na raw sila ni mommy bago ako nabuo pero hindi sa simabahan, eh dream din ni mommy makasal sa simabahan kaya yun tnupad ni daddy.. Haixt Can’t wait na maexperience ko yung ganun, yung hinihintay ko sa harap ng altar yung babaeng mahal ko habang naglalakad sa aisle” ngiti niya. “ di mo dream makasal.?”
“ Dati.?” iwas ko ng tingin.
“ eh ngayon.?”
“ Hinawaan mo na ko sa pagiging tanga eh kaya wala ng pagasa.. Iba gusto mo pakasalan eh.” simangot ko kinurot naman niya yung pisngi ko. “ aray.?”
“ Gusto mo maging bestman ko sa kasal ko.? Imagine magkatabi tayo habang hinihintayyung bride ko sa altar.”
“ asshole ka eh noh gusto mo bombahin ko pa yung papakasalan mo para di makarating sa altar para tayo nalang ang ikasal.?” inis na saad ko tumawa naman sya saka umupo.
“ gago ka wag mo gagawin yun.. Di talaga kita iimbitahin sa kasal ko.”
“ di talaga ko pupunta baka mapatay ko pa yung bride mo eh.”
“ ang gwapo mo kaya bakit di mo itry mag girlfriend.?” ngiti niya. “ pang prince charming nga yung mukha mo eh, pwede ka sa isang fairytale? Naexperience mo na ba makipagsex sa babae.?”
“ hindi pa.”
“ seriously.?”
“ Oo nga hindi pa.?”
“ gusto mo maexperience?”
“ ayoko.”
“ Oh come on.. Dapat maexperience mo yun kung ako naging dahilan kaya naging gay ka..then ako ang gagawa ng paraan para maging straight ka.? What do you think?” pacute na saad niya nilapit ko naman yung mukha ko sa kanya saka sya hinalikan sa labi, napangiti naman sya habang magkalapat yung labi namin saka ako marahan tinulak. “ hoy naintindihan mo ba yung sinabi ko?”
“ Ayoko.”
“ what do you mean ayaw mo?”
“ Sige, Ano mas masarap yung pakikipagsex sa babae or sa lalake?” tanong ko natigilan naman sya saka hinimas yung baba niya.
“ ano nga ba.? Kasi sa babae gentle ako eh.. Pero sayo uhm mejo wild ako.”
“ so?”
“ Uhm fine mas nagenjoy ako sa sex natin pero hindi kita mahal huh.? Di ko rin naman mahal yung mga nakasex kong babae dati eh.”
“ nakakatawa.” simangot ko.
“ wait ano favorite mong kiddie show.?”
“ bakit mo natanong.?”
“ curious lang.? Hulaan ko naman lang.. Sesame street.?”
“ Huh bakit naman yun?” ngumiti naman sya ng nakakaloko.
“ Kasi nandun si Big bird.” tawa niya,
“ kainis.” simangot ko.
“ Why?”
“ Wala.. Ang tanga ko kasi mahal kita.” saad ko saka tumayo.
“ teka san ka pupunta hindi ka man lang natawa sa joke ko.?”
“ sa labas kailangan ko ng hangin? Sumasakit dibdib ko eh.”
“ ikikiss nalang kita .. Ako magbibigay ng oxygen sayo.?”
“ No thanks mahalin mo muna ako.”
“ sige na nga labas ka na.” ngiti niya saka tumayo din.
“ Grabe.”
“ Oops joke lang.. Tara samahan kita sa labas” halik niya sa pisngi ko saka ako nilampasan.haixt “ ano tara na.. Gusto ko ng donnut bili tayo tara.?”
“ Hindi ka ba nagsasawa sa donnut.?”
“ masarap eh bakit ako magsasawa.? Parang ikaw.” kindat niya sakin saka binuksan yung pinto. Napakamot naman ako sa ulo saka sumunod sa kanya.
“ di ba you love donnut.?”
“ super.”
“ kasi masarap.”
“ yeah parang ikaw sobrang sarap.”
“ Edi ilove mo din ako.?” ngiti ko.
“ edi I love you.?”
“ Totoo.?”
“ Joke!” tawa niya saka tumakbo papunta sa elevator gigil naman akong umiwas ng tingin. Badtrip may gamot ba sa pagiging tanga.. Nakakainis na tong ginagawa ko eh makapunta nga sa botika baka may ritemed nun.!
SI CHRIS
Knock knock.
Napalingon lang ako sa pinto ng marinig yung katok na yun, kanina pa ko gising, ayoko lang talaga tumayo.. Pakiramdam ko wala akong lakas, pakiramdam ko hinang hina ako.
Walang gana naman akong tumayo saka binuksan yung pinto.
“ Christial Castillo may nakakalimutan ka ata..”
“ What ren.?”
“ We have Tv guesting today.?”
“ Wala ako sa mood at wala si Joseph di ba.?.”
“ Hoy Justin hayop ka di pa kita nasasapak dahil sa ginawa mo sa buhok ni kuya!” rinig ko sigaw sa labas.
“ he’s here.” ngiti ni ren agad ko naman syang hinawi hanggang magtama yung mata namin ni Joseph..
“ what.? May guesting tayo ngayon di ba bakit di ka pa nakabihis.?”
“ Joseph.” ngiti ko. “ babalik ka na dito.?” umiwas naman sya ng tingin.
“ Hoy Joseph kung iniisip mo na may relasyon kami ng kuya mo. Nagkakamali ka. Straight ako hindi niyo ko kagaya.” saad ni thomas paglabas niya ng kwarto.
“ Gago ka.. Gusto mo ng sapak?” sugod dito ni Joseph.
“ Oops.. Wag sa mukha huh.” harang ni Ren.
“ Oo hindi.” ngiti ni Joseph saka sinikmuraan si Thomas.
“ Fuck you ka Joseph..aaahh sakit.”
“ dapat lang sayo yan.”
“kasalanan ko ba kung patay na patay sakin yung kuya mo.?”
“ Wala ka kasing ginawa kundi mag pacute gago ka.. Kumbinsihin mo sya na kulayan yung buhok niya kung hindi buburahin kita sa mundo! Aixt kung alam mo lang kung gano kita kagusto patayin!”
“ Kukumbinsihin ko sya kung babalik ka na dito.. Namiss ka na ni chris.” lumingon naman si Joseph sakin.
“ Ano? Tutunganga ka lang ba jan. Malelate tayo sa interview.”
“ yeah.” tango ko saka pumasok sa kwarto.
“ ASA ka Justin di na ko babalik dito. Masaya na ko sa bahay ko.” naulinigan kong saad pa ni joseph sa labas Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumuloy sa cabinet.
Dalawang araw na yung nakalipas nun simula nung naghiwalay kami at simula nun di ko na alam kung ano yung plano niya kay Vincent.
Ilang sandali pa kong nakatulala dun ng di ko na namalayan yung pagtulo ng luha ko.. I really miss him, sa anim na buwan na relasyon namin ito yung pinakamatagal na hindi ko sya nakatabi sa kama.
Agad ko naman pinunasan yung mata ko nang bumukas yung pinto.
“may kukunin lang sana ako.. Aixt wag na nga.” saad ni joseph saka muling sinara yung pinto. Isnag buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumuloy sa Cr para maligo.
Alam ko kapag natapos yung problema niya kay Vincent, magiging kami uli at hindi ako mapapagod maghintay sa araw na yun.
Paglabas ko ng kwarto naabutan ko lang sya sa sofa habang hawak yung phone niya.
“ New phone.?” untag ko sa kanya marahan naman syang tumango.
“ I lost my phone nung tumugtog tayo nung Sunday.”
“ Joseph.. Ayusin naman natin to oh? Pwede naman kasing..” Saad ko tumayo naman sya saka ngumiti sakin at tumuloy sa kusina.
“ Atleast kinakausap ka.” saad ni ren. Napabuntong hininga naman ako.
“ As bandmate.?”
“ Atleast.”
“ Sino umubos nung palaman ko dito.?!”inis na sigaw ni Joseph napalingon naman ako kay ren.
“ Lagot ka.”
“ Why.?”
“ Ikaw yung umubos di ba.?” ngiti ko kay Ren.
“ Joseph kilala ko kung sino!! Si ren na may pagnanasa kay Chris.” sigaw ni Thomas. Nanlaki lang yung mata ko saka muling napalingon kay Ren.
“ What.?”
“ Wala.” kibit kong balikat.
“hoy Chris kung iniisip mo yung body shot na yun forget it.?”
“ did I say anything about it.?” Ngiti ko sa kanya marahan naman syang umiling, naglakad lang ako papunta sa kusina. Naabutan ko lang dun si joseph na nakasimangot habang nagpapalaman ng Cheeze.
“ Akin yun eh bakit hinayaan mong ibusin huh!”
“ Di ko alam na inubos ni Ren.”
“ Ewan.”
“ Kung tingin mo ganun ako kadaling sumuko .. Nagkakamali ka.” kinuha ko lang yung tinapay na pinalamanan niya.
“ magkabandmate nalang tayo ngayon at wala akong choice kundi kausapin ka as a bandmate.. Now ibalik mo yung pagkain ko.?”
“ Oopps nakagatan ko na eh.” ngiti ko sabay kagat sa tinapay.
“ Haixt.. Wag mo ko pikunin.”
“ Kahit ilang beses mo ko ipagtabuyan joseph Di kita iiwanan. Mahal mo ko di ba at gusto ko samahan kita harapin sila.”
“ Ewan.”
“ May nagtitimpla ba sayo ng tea sa gabi? Wala kang kasama sa bahay mo.?”
“ Tingin mo sakin baldado.. Pagtitimpla lang ng tea di ko pa kaya.?”
“ Joseph please.”
“ what.?”
“ Please.. Alam ko mahal mo ko.. Dalawang araw na eh feeling ko mamatay na ko.?”
“ whatever.. Late na tayo.” iwas niya ng tingin saka tumayo at tumuloy sa sala. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
Pinilit ko naman ngumiti saka bumalik sa sala,
“ Guys first interview niyo to after ng concert at vacation niyo, Joseph they ask me kung pwede sila magtanong about sa mama mo, I said yes okay lang naman sayo di ba.?”
“Okay lang.” saad ni Joseph.
“ Paul may picture kayo ni Geo sa maldives na lumabas sa mga soical media, itatanong yun so deny it please.?”
“ I know Ren.. Napagusapan na namin ni Geo yun.” saad ni paul.
“ At lastly Chris and Joseph Yung nangyare sa Las Vegas sa harap ng fountain ng bellagio, kahit nakamaskara kayo, marami parin nakakilala sa inyo, itatanong nila sa inyo yun, Just tell them na hindi kayo yun okay.. Na habang nangyayare yun nasa room lang kayo ni Chris at naglalaro ng kahit ano.. Basta ideny niyo okay.?”
“ Okay.” saad uli ni Joseph.
“ Chris.. Okay idedeny huh.?”
“ Yeah.”
“ Sakin wala bang Issue.?” ngiti ni thomas..
“ Meron.. May issue ako sayo lalo na kapag nagsasalita ka.. So shut up!” simangot ni Ren.
“ Aixt Wait si Stephan kasama ba sa Interview.?”
“ Dapat pero di ata sya makakapunta eh.”
“ bakit daw.. Asan si Kuya.? Justin si kuya?”
“ Uhm ewan ko.?” kibit ng baikat ni justin.
“ Sabi ni Mr. Sanchez na nagpabook ata ng flight pabalik ng Las vegas babalik din sya agad,” saad ni ren.
“ Bakit daw.?”
“ Malay ko.?”
“ Iaxt di man lang ba nagpaalam sayo Justin.?”
“ Oo na nagpaalam nga sya sakin kagabi,”
“ So ano gagawin niya sa Vegas.?”
“ May sasabihin daw sa kanya yung kaibigan ng papa niyo.. Basta yun sabi niya.”
“ Okay lang naman sya di ba.?”
“ Bakit may sakit ba yung kuya mo... Mukha naman syang okay eh.”
“ Haixt kapag talaga may nangyare dun justin. Paglalamayan ka ng buong pilipinas.”
“ It’s thomas.. Gago ka talaga Joseph hanggang sa paglalamay Justin ang pangalan ko eh kung ilubog kita sa basement ng building na to para malunod ka sa methane gas sa ilalim!”
“ aixt.”
“tawagan mo nalang Joseph.” saad ko umiwas naman syang tingin.
Pagdating namin sa dressing room agad na kami nilagyan ng konting make up para sa interview namin. Konting lagay ng powder, ayos ng damit at buhok, hindi ko naman mapigilan pagmasdan si Joseph sa gilid ko.
“ Jospeh bumalik ka na sa condo natin pwede.?” saad ni paul.
“ Ayoko nga.. Sayang naman yung bahay na binili ko kung hindi magagamit.”
“ Eh bakit di mo isama si Chris.?”
“ Edi nabaril din sya kapag pinaulanan ng bala yung bahay ko.. Mabuti ng ako nalang.” ngiti ni joseph napatingin naman kaming lahat dito.
“ Joseph, are you serious.?” ngiwi ni paul, “gusto mo ba kausapin ko si lolo para mabigyan ka ng proteksyon.?”
“ I’m fine.. Don’t worry about me.”
“ Joseph.” saad ko lumingon naman sya sakin.
“ what.?”
“ Subukan mong umiyak babasagin ko tong salamin sa mukha mo.” simangot niya sakin. “ Hiwalay na tayo kaya wala ka ng karapatang pakialaman yung buhay ko.”
“ Joseph.” saad ni paul.
“ What?”
“ Stop it, ako sasapak sayo.”
“ Fine.” saad niya.
“ Enough guys ready na kayo.” saad ni ren isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumayo at lumabas sa dressing room. Gusto ko makialam.. Haixt! Ano gusto niya hayaan ko nalang sya mamatay.. Nakakainis!
SI JOSEPH
“ Ano ginagawa mo Joseph.?” simangot sakin ni paul.
“ Oo nga bakit ginaganun mo si Chris.. Asan na yung caring na Joseph.?”
“ Shut up.. Tara na.” simangot ko saka tumayo at lumabas na din ng dressing room. Naabutan ko lang si chris na nasa back stage. “ ayoko kita kausap so shut up okay.?” ngiti ko sa kanya.
“ Fine.”
“ Are you okay Chris.?” akbay ni Justin dito.
“ Okay lang ako.” tangal ni Chris sa kamay ni Justin bwiset.
“ Lets all welcome PULSAR.!” pakilala samin nung host isa isa naman kaming lumabas mula sa back stage baon yung mga ngiting pilit namin nilalagay sa mga labi namin, mga ngiting kahit kailan hindi naging totoo.. Tuwing humaharap kami sa camera para kaming isang robot na kailangan kumilos ayon sa gusto ng mga manunuod.
Kumaway lang ako. Kasabay ng isang matamis na ngiti, nagsigawan naman yung mga audience na nasa loob ng studio.
“ magandang umaga guys.” ngiti ni Chris sa audience.
“ Ilang beses ko na kayong nainterview pero until now nasstarstruck parin ako kapag nakikita ko kayo.. My god lalo ata kayong gumagwapo habang tumatagal.”
“ ganun po talaga.” pacute na saad ni Justin.
“ Hi paul, ang napakatahimik na member ng Pulsar.”
“ Hindi po tahimik yan, umuurong lang talaga yung dila niya kapag nakaharap sa camera.” natatawang saad ni Justin.
“ Shut up thomas.” batok dito ni paul.
“ How’s maldives.. Did you enjoy it.?” ngiti nung host.
“ Of course We enjoyed it.”
“ WE.?”
“ yeah I’m with my.. Friend well the place was so mesmerizing so we really enjoy our vacation.”
“ Really.. What can you say about this picture.?” ngiti nung host, nagflash naman sa malaking LED screen yung picture ni paul and geo na nasa dagat habang naghahabulan. “ I’m sorry to ask this, usap usapan kasi ngayon na yung kasama mo is actually your boyfriend, is that true.?”
“ Nope, kaibigan po namin si Geo.” ngiti ni Justin.
“ Talaga ba paul.?”
“ Opo.” sagot ko na may ngiti sa labi, haixt alam ko mahihirapan magdeny si paul kaya tuwing tinatanong sya about kay geo kami lagi ni Justin ang sumasagot.
“ I see.. Well for a friend.. That is so sweet.”
“ Sweet po akong friend..” ngiti ni paul.
“ How I wish maging friend kita para isama mo din ako sa maldives.. Cool right.?”
“ yeah of course.” ngiti ni paul ilang minuto na kaming nakikipagkulitan sa host ng may mapansin akong pamilyar na mukha sa audience.. Damn it bakit nandito tong kristel na to.
“ More kulitan with Pulsar sa aming pagbabalik.” saad ng host para sa que for commercial.
“ Kristel is here.” kalabit sakin ni paul ng umalis yung host.
“ I know.”
“ Wheres erika para masupalpal na agad yang kristel na yan” ngiti ni justin.
“ I don’t know.. Chris.” untag ko sa kanya ngumiti naman sya sakin.
“ Why.?”
“ Ah wala.” ngiti ko sa kanya.
“ Plastik natin grabe.” natatawang saad ni Justin binatukan ko naman sya.” grabe ka sakin Joseph lagi ka nalang nambabatok.?”
“ Mahal mo ba yung kuya ko huh.?”
“ hindi.?”
“ Hindi.. Eh ano meron sa inyo.?”
“ wala?”
“ gago ka wag mo paasahin yung kuya ko.!”
“ Relax Joseph kung ano meron samin ni stephan.. Masaya na kami dun so pwede wag kang makialam?”
“kapatid ko yun gago.”
“ hey.. Que na.” kalabit samin ni paul bumalik naman sa upuan yung host saka ngumiti samin.
“ and we are back” saad nung host ng magsimulang gumiling yung camera, nang tingnan ko si Kristel sa pwesto niya nagbigay lang sya ng ngiti. Damn it anong plano niya. “ balita ko magkakaroon uli kayo ngalbum?”
“ Yes po nakapagrecord na kami ng ilang songs bago po yung concert so maybe this March lumabas na po yung album namin.” ngiti ni Chris.
“ Wow I’m sure magnunumber one nanaman yan. Or magnunumber one pa nga ba.?” ngiti nung host natigilan naman ako sa tono ng pagsasalita nito. Nang linguninko sikristel kinindatan niya lang ako.. fuck..
“ what do you mean.?” ngiti ni Chris.
“ Uhm nothing, Joseph sino si francisco balagtas sa buhay mo? We do some reasearch kasi eh and may nakapagsabi samin na very close daw kayo nang francisco na yun?”
“ He’s my bestfriend.”
“ Really bestfriend lang?” ngiti nito umiwas naman ako ng tingin.
“ Of course bestfriend lang po.. Magbabarakada po kami eh.” saad ni paul.
“ How about me.. Wala po ba kayong itatanong sakin.?” ngiti ni Justin
“ madaming fans ang natutuwa sayo Thomas kasi ikaw ang pinakaenergetic sa inyo at pinakamakulit, Di ba magkakasama kayo sa iisang condo unit. Kamusta yung tirahan nila.. I mean yung tirahan niyo.? Oh I mean yung bahay niyo.?” ngiti nito natawa naman ako ng payak. Gago tong babaeng to ah.. Sarap pasabugan ng atomic bomb sa bibig.. haixt.
Nang tingnan ko sa gilid ng stage si Ren kita ko lang yung sama ng tingin niya sa host habang may kinakausap na staff
“ Uhm Okay kami sa condo masaya sila kasama. Baka gusto niyo po bumista samin para maihanda ko po yung chainsaw.” Ngiti ni Justin
“ Wow nakakatawa yun.. I love your humor talaga thomas.”
“ yung sa inyo po hindi nakakatuwa.” ngiti pa ni Justin. “ di ba po kakanta pa po kami.? Para pong mas masaya kung kakanta na kami meron pa po kasi kaming recording after this eh.”
“ Ahh ok I’m sorry I doubt it kung may bibili pa ng album niyo.”
“ what.?” Inis na saad na ni paul.
“ Uhm wala lang.. I’m just kidding.”
“ can we sing now.?” saad ko.
“ yeah yeah.. Wait I have one last question for Chris.. Okay lang ba.?” napalingon naman ako kay chris. “ okay lang ba.?” marahan naman syang tumango.
“ Are you gay?” ngiti nung host kita ko naman na natigilan si Chris. “ well nagresearch kami at base sa information na nakuha namin dalawang beses ka na nakipagrelasyon sa kapwa lalake, nung high school at nung college tama ba ko?” Shet! Hayop ka talaga Kristel.
“ parang di naman tama na itanong niyo yun?” seryosong saad ni thomas.
“ bakit di ba kayang sagutin ni chris yun, Kilala si Chris sa buong school nila dahil sa pakikipagrelasyon niya sa isang Blue Sebastian right.? Oh I think di na kailangan sagutin ni chris yung tanong ko kasi sa reaction palang niya nakuha na namin ang sagot. Pero wow I admit pinagnasaaan ko si Chris pero sa nalaman ko today.. Oh my.”
“ He’s gay!” sigaw ni Kristel sa Audience. Damn it! Kung pwede lang makapatay sa tingin baka abo nalang tong bwiset na babaeng to. Rinig ko lang yung bulong bulungan sa audience.
“ Wow.. Ang vocalist ng Pulsar ay isang gay?” natatawang saad nung host. Kita ko naman yung pagtulo ng luha ni Chris.
“ let’s go.” gigil na saad ko saka tumayo.
“ wait kakanta pa kayo.?”
“ Really.. Ilang beses niyo na kami nainterview pero ngayon ko lang narealize na mukha palang kayong lalake.. And so what if he is gay wala kayong pakialam dun!” gigil na saad ko sa host.
“ Joseph kakanta pa tayo.” saad ni Chris saka tumayo.
“ Chris.” saad ni Thomas.
“ tapusin na natin to.” saad ni Chris saka lumapit sa mic. Tumayo naman si paul saka umupo sa harap ng drums niya.
“ Tandaan niyo ito na huling beses na tutugtog kami sa show niyo.” gigil na saad ko sa host saka kinuha yung guitara ko saka pumuwesto.
“ Last na talaga to.” rinig ko pang saad nung host.
“ Joseph papatayin ko yun.” simangot ni Thomas.. Nagsimula naman paluin ni Paul yung drums niya. Nang tingnan ko si Chris nakita ko lang na nakangiti sya sa audience.
Tinanguhan ko naman si Justin, sabay lang namin kinalabit yung guitara.
We'll be young forever
We'll be young forever
We can be like prisoners, yeah
And we can be alone
We can make a mess like no one knows
And risk it on our own
We'll be young forever
We can be like prisoners, yeah
And we can be alone
We can make a mess like no one knows
And risk it on our own
Kanta ni Chris.. Nang mga oras na yun yung tingin Ng mga audence kay Chris di na tulad ng dati na punong puno ng paghanga, ngayon ang nakikita ko sa mga mata ng nandun ay puro panghuhusga.
“ Bakla!” sigaw ni Kristel. “ Bakla si chris!!” hanggang nakita ko na may hawak syang kung ano saka binato kay chris. SHit!
Tumigil lang ako sa pagtipa sa guitara ko ng makita na tumama sa noo ni Chris..Egg? Damn it.. Ilang sandali pa ng muling may tumama kay chris.
“ Bakla nga sya!” rinig kong saad mula sa audience.
“ Oh my god I can’t belive this.. Christian Castillo is gay.” saad pa nung isa. Muli isa pang itlog yung binato kay chris. Sabay sabay naman sumigaw yung mga tao ng “bakla.”
Nang lingunin ko si chris nanatili lang syang nakatayo habang patuloy yung pagbato sa kanya ng itlog, di ko na alam kung saan nanggagaling yung mga pagbato.
Tumulo lang yung luha ko saka lumapit kay chris saka pinunasan yung mukha niya hanggang tinamaan na rin ako sa ulo ng itlog.
“ bakla bakla bakla!!” sigaw mula sa audience.
“ Ano wala man lang ba kayong gagawin!” sigaw ni Ren sa mga crew na andun. “ pigilan niyo sila!”Niyakap ko lang si Chris saka sinalo yung bawat itlog na binabato sa kanya. Walang pwedeng manakit sa kanya.. Wala.!
Hanggang mahagip ng mata ko si Kristel na palabas na ng studio, binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti pero agad tong sinugod ni Ren saka hinila yung buhok.
“ let’s go Chris.”
“ Joseph,”
“ Shhss.. I’m here.” ngiti ko sa kanya saka kinuha yung mic sa harapan.
“ And So what if he’s gay or if I’m gay or if we are gay kahit kailan po hindi kami nanapak ng tao, wala kaming ginawang masama at sa tuwing nagpeperform kami binibigay namin yung puso namin.. Kumakanta kami hindi dahil sa kung ano yung kasarian namin.. Kumankanta ang pulsar dahil we have talent and we sing from here.” turo ko sa dibdib ko. “ husgahan niyo kami.. Fine..Buhay namin to at wala kaming pakialam kung ano tingin niyo samin. Kung ang pagmamahal sa kapwa lalake ay pagiging bakla then fine.. Gay kami.. Gusto niyo ng show.?” gigil na saad ko sa camera na nakatutok samin. “ bibigyan ko kayo.” hinarap ko lang yung mukha ni Chris sakin saka sya mapusok na hinalikan sa labi, natahimik naman yung buong studio, tumigil din yung pagbato samin. Pinikit ko lang yung mata ko nang magsimula yung mga flash ng camera na tumatama samin.
Dahan dahan lang akong humiwalay kay Chris saka sya binigyan ng ngiti.
“ I got this.” saad ko saka tinaggal yung balat ng itlog na nasa buhok niya. “ gwapo ka parin kahit may itlog sa ulo.” ngiti ko sa kanya.
“ Joseph.” saad niya humarap lang uli ako sa audience na halos lahat nakanganga.
“ May relasyon kami at yes we are gay but we are happy.” sarkastikong saad ko saka hinila si Chris palabas ng studio na yun.
ITUTULOY
Nakakaawa si Chris pero nung huli na grabe nakakaiyak yung ginawa ni Joseph para sa kanya. Put/%+na talaga nitong Kristel nato ssarap patayin eh!!! Hayop ka gag*!!!
ReplyDeleteButi na lang nandyan si Joseph for him nakakakilig yung kiss nila jusko!!! Hahaha ano kayang mangyayare sa susunod na update! Na-eexcite nanaman ako as always hahaha
Kinikilig talaga ako kay Stephan at Thomas kahit wala silang masyadong do ngayon hahaha!!!
Thanks mr.author sa magandang update! Lagi naman eh hahaha.
-44
Yeah... Iyung PLOTLESS na LYA?
ReplyDeleteSobrang nakakatuwa at nakakikilig :)
ReplyDeleteBoholano blogger
So what if he’s gay or if I’m gay or if we are gay kahit kailan po hindi kami nanapak ng tao,... Like ko to.. Hehehe
ReplyDeleteNice story atsalamt author sa pagbahagi nitong obra mo... Silent reader ..
Kua syren anung chapter ung kay aulric sa loving you again..hehhr--Doom.Gunz--
Matagal pa. Sobrang tagal. 20 chapters pa ata.
DeleteLol xD
ReplyDelete- Ren
OMG!
ReplyDeleteNakakagigil si kristel a,,yari kay erika yun..hehehee...
ReplyDeleteThis is also one of the most beautiful chapter of jfam.. Speechless
ReplyDelete..mwahhhhh
Eldrienn fowler salonga
sa wakas hindi na sila mag tatago sila chris at joseph,,, ang funny nag pov ni kristel kahit maldita sha funny ang side nya tanga2x effect,,, ganda niyo mr author akala hiwalay na talaga sila chris at joseph bomawi diito yehey
ReplyDeletesa wakas hindi na sila mag tatago sila chris at joseph,,, ang funny nag pov ni kristel kahit maldita sha funny ang side nya tanga2x effect,,, ganda niyo mr author akala hiwalay na talaga sila chris at joseph bomawi diito yehey
ReplyDeleteohhh my ghad joseph kinikilig ako sa batuhan ng itlog na un.., pero napapahanga ako sa lakas ng loob ni joseph para aminin sa mga fans nila na may relasyon sila si chris.., salamat sa magandang kapa-kapanabik na istoryang eto..saludo ako sau blue..
ReplyDelete-Joey
Slow clap... galing. Atleast bumabalik na sa pagiging simple yung story. I love this chapter. Simple pero precise yung mga emotions (my personal taste). I hope mag stay ng ganun. Don't you love it when a story tells a simple yet clean story line? Goodjob, I'm a fan na ulit. Hehehehe
ReplyDeletenatwa tlaga ako sa maldita na kristel ..... but i like the most the last part...wew at magbblik ulit sila hayt..love ko tlga ang chris@joseph..... :) sana malaman na ni justin na may sakit sa puso si stephan para magamot nya ito :)
ReplyDelete-jane degamo-
The best scene of joseph and chris. Ibang iba ang love team at story nito.. Cant wait for the next chapter!! Ibang iba ang dala ng story nato ibang iba tlga hirap explain. Excellent job!!
ReplyDelete