Author’s Note
Hi guys! Naappreciate nyo
ba yung last chapter? Ang sakit no? Haha. Ako rin eh, nasaktan nung binasa ko
sya. Pero ganoon talaga ang story eh wala akong magawa haha!
Anyways salamat sir mike
and sir allan para sa opportunity na ipinagkaloob nyo sa akin at sa mga kapwa
RA’s ko. At sayo kuya jace, ng tthe JL diary, di ako ggss. Im just stating the fact. HAHAHAHAHAHA pwe! Bitin na bitin yuung update mo!
WALANG HUMPAY NA
PASASALAMAT NAMAN PARA SA MGA TAONG SUMUSUPORTA SA STORY KO MAPA FB MAN O MAPA
BLOG. Another achievement! Having 15 comments
para sa last chapter ng Love Game is not bad. Actually nakaka flattered
lol. Haha! Ang babaw ko ba? Sorry xD
Another reminder
After po nitong update
ko, medyo matatagalan ng susunod, yung laptop ko kasi may problema sa battery
and since cover pa sya ng warranty eh ipapagawa ko na, ang sabi sa akin 2 weeks
to 2 months daw bago maayos. At kailangan ireformat. Nandito pa naman ang story
ko. So kailangan kong ayusin lahat.
Inuunahan ko na po kayo,
pasensya kung matatagalan ng sobra ang update. Pero may laptop naman si pinsan
kaya i will try my best para makapag update pa rin dahil ilang chapters na lang
naman. So sana maintindihan nyo ako
Maraming maraming salamat
sa inyo. Mehel ke keyow, sena, mehel nyow rin ekow. Haha!
So here’s Chapter 18. Ang
huling pamamaalam.
Chapter 18
Dave’s
POV
Bakit panginoon? Bakit ko
sinapit ang ganitong sitwasyon? Kung kailan may dumating sa buhay ko na
nagpabago sa pananaw ko at nagpatibok ng puso ko? Saka nyo pa sya ilalayo sa
akin? Ganoon ho ba ako kasama para parusahan nyo ng ganito? Panginoon sa inyo
ko na ho ipapaubaya kung ano man ang magiging resulta ng lahat ng ito.
“ ano Dave? Susundan mo
sya? Hindi mo ba alam ng dahil sa kanya muntik ng masira yang pangalan mo!”
sigaw sa kin ni Jhen.
“ ano naman pakialam ko
dun ha?! Jhen?! Do you hear what you are trying to say?! Wala akong pakialam
kung masira man ang pangalan ko alang alang sa taong mahal ko!”
“ mahal mo? O dahil mas
magaling sya sa akin sa kama? Mygod dave! Ako ‘tong babae ako pa aayawan mo?
Ano bang mapapala mo dun ha?! Kinulam ka na ba non?!”
“ pathetic. Do you think
ng dahil nagtagumpay ka sa pag hihiwalay mo sa amin, baalikan kita? Jhen ayoko
mang sabihin to pero for you to know everything, oo naging badboy ako dati at
alam mo kung ano pinaka worst? Ginamit lang kita! Hindi kita minahal! Maaaring
sinamba ko ang katawan mo pero ni isang katiting ng pagmamahal wala akong
naramdaan sayo! Kaya kung pwede tigilan mo na kami!” nakita ko lang syang
umiiyak marahil sa aking mga sinabi.
Sa buhay kailangan maging
matapang ka, kailangan mong maging matapang na harapin ang mga bagay bagay na
alam mong makakapagpalaya sa’yo at sa ibang tao. Oo, hindi madali, pero
kailangan lang natin ng tibay at lakas ng loob para maipakita at maiparamdam
ang nais nating mangyari.
Wag tayong matakot na
magkamali, dahil tao lang tayo. Normal sa atin ang magkamali, pero kailangan
mong makasigurado na handa kang itama lahat ng pagkakamali mo ng nasa tamang
paraan. Dahil hindi mo maitatama ang isang mali ng isa pang pagkakamali.
“ ganoon na lang yun
Dave? Pagkatapos ng lahat? Buong pagkatao ko isinuko ko sa’yo! Tapos
gaganituhin mo ako? “
“ Jhen pasenysa na, oo
alam kong mali ako na gamitin ka, at biktima lang ako ng isang sirkumstansya,
maaaring nasaktan kita ng sobra, pero jhen alam kong hindi ako ang nararapat
sa’yo, patawad Jhen”
Nag aantay ako ng
response nya pero wala na akong nakuhang isang salita, nakita ko na lang syang
papalayo sa amin habang umiiyak.
Maaaring napakabarumbado
ko noon, at ngayong nagbago ako, binigyan naman ako ng panibagong problema,
naniniwala ako na magkakaayos din kami ni Axel.
Ang taong minahal ako at
ngayon mahal na mahal ko.
Agad ko lang syang
hinanap kung saan man sya pumunta, alam kong hindi pa ito ang tamang panahon
para magkausap kami pero handa akong harapin ang lahat ng ibabato nya sa aking
salita o kilos man. Handa akong patunayan kung ganoon ko sya kamahal.
Sana lang talaga na hindi
pa huli ang lahat.
Sana mag kaayos pa tayo
mahal kong Axel.
Zandro’s
POV
Ramdam na ramdam ko kung
gaano kabigat ang dinaramdam ng bestfriend ko ngayon, hindi ko alam ang gagawin
dahil hiniling nyang mapag isa muna, at yun ang pwede kong gawin ngayon.
Sinasabi ko na nga ba,
imposibleng sa isnag iglap magiging ganoon si Dave kay Axel, pero sino ba ako
para kumontra? After this day, si Axel at si Axel pa rin talaga ang mag
dedesisyon.
“ wow Ino, ang kapal
naman ng mukha mo para mag stay pa dito, ikaw nagpasimuno ng lahat diba?!”
biglang bulalas ni Say
Agad lang nagpantig ang
tenga ko matapos maalala at marinig ang pangalan ni Ino.
“ WOW?! Ang kapal naman
ng mukha mo para magapakita pa dito? Pagkatapos mong gaguhin yung bestfriend
ko?”
“ pero,,”
* PAAAAK!*
Isang malakas na sampal
ang inabot nya sa akin.
“ pero..”
*PAAAK!”
Isang malutong na sampal
nanaman ang inabot nya sa akin.
“ ano ba! Pagsalitain mo
muna ko pwede?!” ang bulyaw ni Ino sa akin
“ ano nagagalit ka ha?!
Ha?!” ang galit ko ring sabi
“ look, kaya ko lang
naman yun nagawa dahil, nakikita ko kung gaano kamahal ni Axel si Dave, at ang
totoo nyan, mahal ko rin siya noon pa”
“ what?! May gusto ka rin
kay Dave?!” ang gulat kong sabi
“ Gago! Kay Axel!”
“ eh bakit mo nagawa yun
ha?!”
“ akala ko lang naman
kasi kapag nasaktan na si Axel kay Dave, lalayuan niya na yun eh, kaso naging
kabaliktaran lahat ng nangyari”
“ oh ngayon? Alam mo na?
Wala kang pag asa sa bestfriend ko kaya tsupi”
Ang haba talaga ng buhok
ng bestfriend ko no? Pero honestly, naaawa ako sa kaniya, hindi ko alam kung
anong pwede kong itulong :(
Minsan sa buhay, kahit
gusto nating tumulong hindi natin magagawa lalo na kung yun ang kahilingan ng
taong pagbibigyan natin ng tulong. Minsan kailangan lang natin manahimik pero
iparamdam na nandito pa rin tayo sa kanila. Kilala ko ang bestfriend ko.
Kilalang kilala. Sangang dikit kami nyan, alam ko kung kailan ako manghihimasok
at kung kailan hindi.
Alam kong malalagpasan ni
Axel ang ganitong problemang kinakaharap nya to think na eto rin ang first time
nyang mainlove at masaktan ng todo. Pero alam ko one day, ngingitian na lang ng
bestfriend ko ang lahat ng ito
Elijah’s
POV
Hindi ko akalaing
magagawa ni Dave ang ganitong bagay pagkatapos ng lahat, sobrang askit isipin
na ang taong mahal mo ay kinukutya at pinagtataanan ng ibang tao ng hindi man
lang alam ang totoong dahilan o rason ng pangyayaring ito.
Wala akong magawa para sa
taong mahal ko, hindi ko alam kung papaano ko sya maipagtatanggol s lahat ng
pangyayaring ito. After this day, isa lang ang pwede kong gawin, ang manatili
sa tabi nya.
Shit! Wrong timing naman,
umulan pa. Nandito ako ngayon sa field nag lalakad habang umuulan, buti na lang
at may payong ako. Nakita ko lang ang isang imahe ng lalaki na nakaupo sa
damuhan at parang
Parang umiiyak?
Agad ko lang syang
tinungo ng bigla syang hinimatay kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Hanggang
sa mapagtanto kong ang taong ito ay ang taong mahal ko.
Walang iba kundi si Axel.
Alam kong sobrang bigat
ng pakiramdam nya ngayon dahil sa nangyari, himbis na sa clinic ko sya dalhin,
inilagay ko lang sya sa aking kotse at pupunta kami sa bahay ng mga magulang
ko, alam kong sstress na masyado si Axel sa lahat ng pangyayaring ito. At hindi
na ako papayag pang maulit at masaktan ng lubusan ang taong nagpatibok ng puso
ko.
The love game is over
Dave, I was once told you na kapag sinaktan mo si Axel, hindi ko na sya
ibibigay pa sa iyo,
Ng makarating kami sa
bahay nila mommy, nakita ko lang ang gulat sa mukha ni mommy ng makita nya kung
sino ang karga karga ko ng walang malay
“ Oh my god son? What
happened to him?” ang bulalas ni mommy
“ it’s a long story my,
kailangan nya munang magpahinga.”
Matapos ipahanda ni mommy
ang kwarto kung saan nagpapahinga si Axel, inaya nya ako sa kusina para pag
usapan ang nangyari
“ so tell me, who is he
at anong nangyari sa kanya” ang straightforward na sabi ni mommy
“ my, sya si Axel”
“ you mean...”
“ yes my,”
“ and what happened to
him?”
Ng maikwento ko ang lahat
lahat kay mommy, kita ko lang ang galit nya sa pangyayari. I know kahit sinong
makarinig ng nangyari ay magagalit talaga
“ how dare that stupid
guy na saktan ang taong walang kamuwang muwang sa ganyang bagay?! Anak! You
should make a move. Wag mo ng hayaan pang masaktan ulit sya” ang pag suporta ni
mommy
“ yes my, gagawin ko ang
lahat mapasaya ko lang sya, handa akong ialay ang buhay ko para sa taong mahal
ko”
“ yan ang anak ko, manang
mana sa tatay nya haha”
After namin magkwentuhan
ni mommy sa iba pang bagay, napapayag ko rin syang lumipat ako sa singapore
dahil may sister school ang SIU sa singapore, gusto kong habang nandun si Axel,
hindi nya mafefeel na nag iisa sya, na nandito ako para sa kanya.
“ thank you mommy sa
suporta, don’t worry kung ano man ang maging resulta ng gagawin kong ito,
tatanggapin ko ng buong buo, kung hindi talaga kami para sa isa’t isa, edi
hindi, hindi naman masama mag mahal sa malayuan eh. Ang masama, ay ipagpilitan
mo na mahalin ka ng taong mahal mo”
You know in life, you
cannot force someone to love you back just because you tell them that you love
him/her. Love is a life learning process, kung hanggang sa huli eh wala pa rng
pag babago, “MOVE ON” yan ang salitang pwede nating itapat sa lahat ng ito,
hindi masamang sumuko, ang masama ay ipaglaban at ipagsiksikan mo ang sarili mo
sa ibang tao para gustuhin ka nila, let them decide and feel na nag eexist ka
sa kanila, if you know na gumawa ka na ng move, try to wait until the right
time comes. Wag tayong mag madali, wag tayong magpilit sa mga bagay na alam
nating tayo rin ang masasaktan.
Kung hindi nya talaga
kayang mahalin ang isang tulad mo, then be friends, para kahit paano doon man
lang maiparamdam natin na nandito tayo para sa kanila.
And always think na may
darating at darating na tao na nakalaan sa atin.
There are billions of
people in this world, kaya imposibleng hindi natin mahanap ang The one para sa
atin.
Si Aling dionisia nga eh
may boyfriend, ikaw pa kaya?
Malay mo, tulad nya,
hindi pa ipinapanganak ang taong nakalaan para sa iyo. Love has no gender and
definitely love has no age, if both of you feel the mutual understanding na
nararamdaman nyo para sa isa’t isa, then so be it.
Sabi nga nila, wag mong
kakalabanin ang oras, hayaan mong ang oras ang mag gabay sayo patungo sa kung
saan ka dadalhin ng panahon, just wait for the right time na darating para sa
atin. At kapag naramdaman mong ito na yun, graab the opportunity, wag mo ng
pakawalan pa. Because we will never know what will happen next.
After the University
week, ilang days na lang ay lilipad na sila axel papuntang singapore to train
at maging professionals sa play na gaganapin sa iba’t ibang bansa.
Ayokong sabihin sa kanya
ang pagpunta ko sa singapore, gusto ko syang sorpresahin.
Dave’s
POV
Kanina pa ako hanap ng
hanap sa taong mahal ko, at ni isang bakas nya, wala akong makita. Kanina pa
rin ako basang bsa sa ulan pero wala akong pakialam. Gusto kong makausap at
humingi ng tawad sa taong mahal ko.
Handa akong isakripisyo
ang lahat para sa kanya, alam kong nakagawa ako ng kasalanan pero alam kong
hindi pa ito ang huli.
Alam kong sya na ang
nakalaan sa buhay ko at handa akong ipaglaban sya sa kahit anong problemang
haharapin namin.
Pero paano?
Paano ko ipaglalaban ang
mga bagay bagay kung dumating nag panahon na bitawan nya na ako?
Sabi nila, moving on is a
long process, sabi rin nila na kapag dumating ang panahon na makaramdam ka ng
kakaiba sa isang tao, wag mo ng pakawalan pa. Because definitely, he/she is the
one.
Love can feel by anyone,
wala sa edad, relihiyon at higit sa lahat, sa kasarian.
Oo aaminin kong naging
against ako sa ganitong pananaw, naniwala ako noon na ang lalaki ay para lamang
sa babae, at ang babae ay para lamang sa lalaki.
Pero sadyang mapaglaro
talaga ang tadhana eh, maiinlove na lang ako lahat lahat, sa kapwa ko pa
lalaki.
Pilit kong nilabanan ang
ganitong pakiramdam, pero sadyang malakas talaga si kupido pumana eh, kahit
anong laban ko, talo pa rin ako.
Sa Love, kapag lalo mong
iniiwasan, lalo kang mapapalapit, how ironic no? Pero kung hindi mo na talaga
kaya, adapt. Tanggapin na lang natin na kung sya nga, sya nga. We don’t know
what will happen next.
At ngayon? Gagawin ko
lahat makuha ko lang ulit ang taong mahal ko, ang taong nagbigay ng kakaibang
pakiramdam sa larangan ng pag ibig.
Ang taong nagpabago ng
pananaw ko, na wala sa kasarian ang pag ibig.
*after one week*
One week na ang nakalipas
pero wala pa rin akong balita kay Axel, nag try akong puntahan sya sa kanila
pero laging walang tao
Pero kahit gayun man,
hinding hindi ako mawawalan ng pag asa, alam kong isang araw, mapapasa akin pa
rin at at kapag nagkataon yun?
Hinding hindi ko na sya
papakawalan pa.
Hindi ako humingi ng tulong
sa mga kaibigan nya dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na mahahanap ko sya
gamit ang lakas at tibay ng loob ko,
Pero one week na ang
nakalipas, wala pa rin akong idea kung nasaan talaga sya.
Axel’s
POV
This is it! Ngayong araw
ang paglipad namin patungo sa singapore. At lahat kami excited, lahat kami
sabik na makakita ng ibang tanawin, dahil mostly sa amin ay ngayon lang
makakapunta ng singapore.
Laking pasasalamat ko
dahil simula ng mangyari ang hindi ko inaasahang pangyayari, nandyan palagi si
Elijah sa tabi ko,
And yes, i intentionally
not to call or make a hint kung nasaan man ako even zandro, ayoko syang mag
alala pa. Nung isang araw tinext ko sya na ayos lang ako at pagkatapos nun,
hindi na ako nakipag communicate pa
Nakiusap rin ako sa mga
magulang ni Elijah at sa kanya na rin na kung pwede ay dumito muna ako sa
kanila. Kahapon lang ako umuwi sa amin para mag impake at asikasuhin ang lahat
ng dapat asikasuhin.
For all this time, akala
ko magiging home base ang schooling namin, yun pala magiging transferee kami sa
sister school ng SIU. Buti na lang talaga at hindi nahalata ng mga magulang ko
ang nangyari sa akin, at wala rin akong balak na sabihin pa sa kanila, ayokong
mag alala sila sa akin ng dahil lang sa ganitong bagay. Malaki na ako at
kailangan ko ng tumayo sa sarili kong paa at manindigan para sa sarili ko.
Oo aaminin ko, sobra
akong nasaktan sa nangyari, sino bang hindi? Napakasakit isipin na ito yung
first time kong mainlove at ito rin yung first time kong maranasan ang ganitong
pang dedegrade sa katauhan ko. Pero sabi nila, if there’s a rain, there’s
always a rainbow after it.
Minahal ko sya at mahal
ko pa rin sya, pero anong magagawa ko? Tadhana na mismo ang kumilos para
iparamdam na hindi kami para sa isa’t isa. Na kahit kailan, hinding hindi
magiging kami.
Naging kami nga pero
isang laro lang pala ang lahat. Siguro nga ganoon ako katanga para magpaubaya
sa mga gusto nila kahit nasasaktan na ako.
Siguro nga ganoon ang
buhay no? Masyadong unfair, kung alin pa ang nagpapasaya sa’yo, yun din pala
ang mag bibigay at magdudulot ng sobrang sakit pabalik sa’yo.
Sana nung una pa lang
nakinig na ako sa kanila, pero wala eh. Umasa ako na makikita ni Dave na may
isang ako na nag eexist sa paningan nya, i never dreamed and definitely assumed
na magiging kami in the future, after this day, babae at babae pa rin ang hanap
nya. Isa lang naman ang gusto ko mangyari eh, ang makipagaibigan sa kanya.
Sabi kasi nila, if you
can’t win the love you want to have, try to be friends for fair. Kung alam mo
sa sarili mong hindi ka nya kayang mahalin, makipag kaibigan pwede naman na eh.
Pwede mo pa rin naman syang mahalin sa malayuan at sigurduhing handa sa sakit
na mararamdaman mo in the future.
Pero wala eh, mapaglaro
talaga ang tadhana, naging kami nga, pero isang laro lang pala, tinry ko ring
makipag kaibigan pero panahon na ang nagsasbai na hindi talaga pwede.
Sa buhay hindi natin
makukuha ang lahat ng gusto natin unless gagamit tayo ng mabuting paraan o
dahas.
Mahirap maging makasarili,
mahirap ipauna sa iba ang gusto mong mangyari, mahirap ipakita kung ano ang
nais mong ipakita lalo na kung marami ang tutol sa gagawin mong kilos.
Hindi masama ang sumuko,
patunay lang iyon na lumban ka pero hanggang doon na lang, para sa akin? Pinaka
matapang na tao sa mundo ang ipaglaban ang taong mahal mo at handang sumuko sa
kahit anong mangyari at kakalabasan ng ginagawa mo, hindi naman masama sumuko
eh, ang masama, ay magbulag bulagan ka sa mga bagay bagay.
Gaya ng ginawa ko.
Nagpabulag ako sa kung
anong Dave ang nakikita ko kapag kaharap ko,
Nabulag ako sa kung anong
pag aassume ang gusto kong mangyari at nangyari sa amin ni Dave.
Pero masisisi nyo ba ako?
Isa lang naman ang nagawa ko eh.
Ang mag mahal.
Ang magmahal na hindi
masuklian ng tama at sapat na pagmamahal.
Siguro nga hindi talaga
kami pwede mapa pag ibig man o mapakaibigan man lang,
Pero wala eh, etong puso
ko sya at sya pa rin ang isinisigaw.
Pero sabi ko nga, pwede
naman tayong magmahal ng malayuan at maging handa sa kung anong magiging
resulta ng desisyon nating ito.
At ngayon? Ngayon na
siguro yung tamang oras para magising ako sa kahibangan ko,
Tama na siguro ang ilang
buwan na pagpapakatang.
This time, kailangan ko
ng matutunang mahalin muna ang sarili ko bago magmahal muli.
At ngayon?
Isasarado ko na ang puso
ko para sa taong minahal ko pero sinaktan ako.
---
Papunta na kami sa
airport, nagtext na rin si Zandro na nadoon na rin daw ang buong tropa para
magpaalam sa akin, eto ang ayaw ko eh, ang malayo sa mga taong pinanghuhugutan
ko ng lakas.
Oo isang taon lang yun
pero hindi natin alam ang pwedeng mangyari.
Nabalitaan ko ring hindi
na sumama si Ino para sa gagawing production at may pumalit na sa kanya.
Masakit din isiping isa
sya sa may kagagawan ng lahat pero sino ba ako para magtanim ng galit? Malaki
rin ang naitulong sa akin ng taong yun.
Siguro oras na lang
talaga ang makakapag sabi kung kailan at saan kami dadalhin ng pangyayaring
ito.
Zandro’s
POV
Shit! Punyeta tong Dave
na’to! Ayaw sagutin yung cellphone!
“ try mo ulit tawagan,
nandyan na daw sila sa may entrance nako, baka di na nya maabutan. 10 ang
flight nila Axel, at 9 na oh?” biglang sabat ni Say
Agad ko lang dinial ulit
yung number ni Dave
Mygaddd!! Sagutin mo
dave!!!
“ he-he...”
“ mygad dave bakit ngayon
mo lang sinagot! Mag bihis ka at pumunta ka dito sa NAIA terminal 3! Dalian mo!
Si Axel! Lilipad na papuntang singapore at mananatili ng isa....”
Hindi ko na natapos pa
ang sasabihin ko dahil biglang namatay ang linya.
Bastos yun ah!
“ nako, sana makaabot
sya, saksi rin tayo sa laki ng pinagbago ni Dave, alam kong totoo na talaga ang
nararamdaman nya para kay Axel” ang muling sabat nanaman ni Say.
“ oo nga friend eh, pero
if God’s will, God’s will talaga, kung sila talaga ang para sa isa’t isa, gaano
man kalayo ang distansya nila, magiging masaya pa rin sya.”
“ grabe ano? Iba talaga
nagagawa ng love”
Habang nag iintay kay
Dave, nakita ko lang ang Van na sinasakyan ni Axel.
Hanggang sa nakita ko na
ang bestfriend kong bumaba.
Masakit mang sabihin pero
ramdam at kita ko ang epekto ng nangyari, medyo bumagsak ang katawan nya at may
bakas pa rin ng pamamaga ng mata.
“ Best!” sigaw nya sa
akin
Agad ko lang syang
niyakap at umiyak.
Umiyak dahil hindi ko
makikita ng isang taon ang taong itinuring ko ng kapatid ko.
Umiiyak dahil wala man
lang akong nagawa nung oras na kailangan nya ng taong masasandalan
“ best sorry ha, sorry
kung wala ako sa tabi mo nung panahong kailangan mo ako, sorry kung hindi ko
nagampanan na bantayan kita gaya ng pangako ko kila tito at tita, sorry best”
this time, mas tumodo ang luha ko.
For all of my life, si
Axel lang ang itinuring kong lubusang kaibigan ko dahil sya ang lubusang
nakakakilala sa akin. Masakit isiping mapapalayo sayo ang taong nag checheer
kapag may problema ka at nagpapaalala na ayos lang ang lahat.
“ ano ka ba best, diba
sabi ko sayo, kahit anong mangyari, andito pa rin ako para sa mga taong mahal
ko, kaya wag ka ng umiyak. Ha?”
Hindi rin nakaligtas sa
akin ang mga butil ng luha nyang nagsisibagsakan na
“ yan, umiiyak na rin
tuloy ako”
“ best mamimiss kita”
“ mas mamimiss kita best,
isang taon lang yun madali lang yun, hayaan mo pag uwi ko, marami akong
pasalubong sayo”
“ best kahit wag na,
makita lang ulit kitang masaya at masigla, yun na ang pinakamagandang
pasalubong mo sa akin”
“ sigurado ka?”
“ joke lang best, kahit
singaporian lang, tapos yummy okay na ako” ang pilyo kong sabi
“ sinasabi ko na nga ba
eh! Haha!”
“ joke lang best, pero
promise me kapag balik mo dito okay ka na ha? Wag mo kong kakalimutan at ang
buong tropa.
“ oo naman no, pero best
mahigpit daw kasi eh, once a month lang kami pwedeng kumontact sa pamilya at
kaibigan namin
“ eh? Tarantado pala yan
eh? Over ha!”
“ haha ikaw talaga, basta
tatawag ako sayo o kaya magtetext okay? Mamimiss kita sobra”
Isang mahigpit na yakapan
ang ginawa namin para sa isa’t isa
Nagpaalam na rin sya sa
iba naming tropa pero si Dave wala pa rin
“ ano na te? Asan na si
Dave?!” ang bulong ni Say
“ tsk, tatawagan ko ulit”
Bago ko sya tawagan
nakita ko lang na nag appear ang number nya sa phone ko
“ fuck ang tagal mo!
Nasan ka na ba!” siaw ko sa kanya
“ andito na ako papasok
ng NAIA!” halata ang kaba at takot sa kanya.
“ oh pano best? Tinatawag
na kami, pakabait ka ha? Ikaw muna magsilbing bunso nila mommy”
“ te-teka best”
“ bakit?”
Shit isip isip!
Ah tama!
“ na-nasan si Elijah?”
Yown! Wala kasi si elijah
dito
“ yun nga eh, di ko rin
alam kung nasan sya, kahapon pa wala, actually sa kanila ako nag stay ng one
week, pero kahapon sabi ni tita umalis daw, at pinapasabi sa akin na ingat na
lang daw ako doon, nakakatampo”
“ ah ganoon ba?”
“ oo, osya sige na
papagalitan na ako eh”
“ tek..”
“ bye na best labyu! Bye
tropa! See you again!”
Dave’s POV
Fuck! Shit na traffic to!
Bakit pa kasi ako nagpakalasing kahapon eh! Shit shit!
Hindi na ako nagabala
pang ayusin ang sarili ko matapos makausap si Zandro sa cellphone. Maski maligo
hindi ko na rin nagawa dahil sa pagmamadali.
Ng makababa ako ng taxi,
agad ko lang hinanap ang departure area kung saan papasok sila Axel. Shit!
Please axel, please
Hanap dito
Hanap doon
“DAVE!!”
Sigaw ng isang boses,
nakita ko lang si Zandro na kumakaway tila nagmamadali
Agad ko lang tinungo ang
lugar kung saan sya naroon
“ nasan na sya?!” ang pag
sigaw ko
“ nakita ko ang luha sa
mata nya habang nakatingin sa direksyon ni Axel na nakapasok na sa loob
Agad ko lang syang iniwan
at tinungo ang direksyon kung saan naglalakad si Axel
Hanggang sa hinarang na
ako ng mga guwardya
“ sorry sir, pero
hanggang dito lang po tayo”
“ pero sir kailangan kong
makausap yung taong yun!”
Pilit pa rin akong
kumakawala hanggang sa naramdaman kong hindi ko na talaga sya mahahabol pa
kahit natatanaw ko pa sya
Isip!
Agad lang akong nakaisip
ng paraan para maiparating ko kahit papaano ang gusto kong sabihin
“ AXEL!!!!!!! MAHAL NA
MAHAL KITA! MAG IINTAY AKO! IINTAYIN KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! WAG MO KONG
IIWAN! NANDITO LANG AKO MAG IINTAY SA PAG DATING MO! MAG IINGAT KA DOON! PAALAM
MAHAL KO!”
Ang pilit na pagsigaw ko
kasabay ng mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
Alam kong narinig nya ang
nais kong iparating dahil nakita ko syang huminto pero ilang sandali lang ay
nagpatuloy sa paglalakad.
Handa akong mag antay
axel, handa akong patunayan ang pag mamahal ko sa iyo, magkalayo man tayong
dalawa pero ipapangako ko na ikaw at ikaw lang ang taong iibigin ko. Magbabago
ako para maging karapat dapat na ako sa pagmamahal mo.
Iintayin kita
Paalam
Paalam mahal kong Axel.
Awwwwwwwwww!!! :( kawawa naman si Dave :'( nakakainis naman tong si Axel eh. Hayss. Maghihintay din ako ng next update na matatagalan daw pero sana gawan ng paraan ni author haha. Plsss!
ReplyDeleteHays sana sumunod si Dave kay Axel pls para wala na si Elijah hahaha
-44
Anu ba yan naalala ko yun eksena namin nang mahal ko noon paslis din ako nang pinas ..... Masakit pero kailangan ngunit nung nagbalik ako umiiyak pa din ako dahil tinupad niya ang kanyang sinabi naghintay at nagbago at now lalo kami tumatag---- devon
ReplyDeleteOHHMEGHED eto na nmn ang isang napaka ikling kabatana nakakainis nmn nakakabitin dami kasing churba muna ei... sana next time mahaba habang kabanata nmn para sulit ang mahaba-habang pag aantay...push na yan..salamat
ReplyDelete-joey:-)
pwedi namn ma on ang laptop kahit walang battery,..isaksak mo ung power supply na cord direct sa laptop,.tanggalin mo lang ung battery mo..
ReplyDeleteYieeeee Shet ka Dave ha!!!
ReplyDeleteBook 2 po author please
Ang ganda....nakakiyak pero may pag asa. Maraming salamat sa update. Take care.
ReplyDeleteHehehehe natatuwa tlaga ako story na evrytime na binabasa story with matching advise pa heheheh salamat otor
ReplyDeleteSs
Ahhhh sana bomalik si axel at mag uaap sila ni da e
ReplyDeleteNakaka iyak nmn ito update mo author....... kawawa nmn si dave..... magkabalikan sila
ReplyDeleteAwts..
ReplyDeleteSo sad. 😢😢😢
ReplyDelete-crazymofo
Your so mean author..how could u...but....there still hope.thanks author im so proud of u..isa k sa mga aurhor ng msob na hinahangaan ko..kudos!!!!
ReplyDeleteHabang tumatagal lalong nagiging interesting ang story, good job author!
ReplyDelete- marcus
Dear writer, i thought u already finished the story and u will just upload the succeeding chapter? Wat took u sooo long to upload it?
ReplyDeleteCant wait for the next chapter