The
John Lloyd Diary
Chapter
IX
by:
Apple Green
facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Kung
friend tayo sa FB, o kung ni-Like ninyo ang Page ko, malalaman nyo kung bakit naging
busy ang inyong lingcod at matagal akong nag-update. Ang hirap pala maghanap ng
work, gurabe! Hahaha. Pasensya na po sa mga nag-aantay.
Maramaming
salamat kina Sir Marc Abellera, kay Eros (na talaga namang namiss ko from TLW
days), syempre kay Sir Kuya Alfred of TO, Kuya Shai (na atat na atat sa mga
mangyayari, hahaha), sa isang Anonymous na nagustuhan ang akdang ito (maraming
salamat!), lalo na kay Sir Leandro Roque (na mas nag-inspire pa sa aking
galingan pa ang ginagawa ko), kay Sir Robert Mendoza, at kay Harold.
Nga
pala, mga minamahal kong tiga subaybay. Ikinalulugod ko pong ipinakikilala sa
inyo ang KAYNE ng buhay ko, si EMRYS20, na syang nagbibigay ngiti sa aking mga
labi. Ang kaisa-isang tao na nagtuturo sa akin na “kahit walang FOREVER, at
least, may BIKO!” LOL. Babe, I know that you are still reading this, no matter how many time I tell you not to. This one is for you, and you always know how much
I love you. :)
Guys,
unti-unti na tayong kakawala sa mga pabebe’ng eksena, patungo sa mga mabibigat
at nakaka-AMAZING na mga tagpo. Kaya chillax lang. Sa ngayon, eto na muna ang
pinakamahabang chapter (so far) ng #TheJLDiary. Sana magustuhan nyo. To God be
the glory! :)
======================================================
Pebrero
na. Dalawang buwan na ang nakakalipas magmula nung eksena namin ni BM sa
opisina niya.
Dalawang
buwan na rin niya akong di kunukilit na. And I think that is good. Andami ko ng
problema, kay Kayne pa nga lang. Mas mabuti na yung di na sya dumadagdag.
Si
Kayne nga pala.
Tutok
na din yun sa nalalapit nyang Board Exans. Bibihira na kaming magkita nitong
mga nakalipas na mga linggo. Kung dati rati, tatlo o apat na beses sa isang
linggo naliligaw dito sa apartment, ngayon, isang beses sa dalawang linggo
nalang.
Naiintindihan
ko naman yun. Kahit miss na miss ko na sya, alam kong importante ang Board
Exams para sa kanya. And I can't be too selfish to ruin it for him.
Pero
minsan, nararamdaman ko yung pagtatampo kay Biko. Alam mo yung feeling na gusto
mong maging selfish, pero pinipigilan mo nalang? Ang hirap diba? Buti sana kung
di kinabukasan ng boyfriend mo ang nakataya. Pero eto yun eh. Haaay. Hirap.
Sa
loob ng apat na buwan ng relasyon namin, ganun pa rin naman ang siste ng lahat.
Sa tuwing nagkikita kami, dun at dun lang pa rin kami tumatambay sa apartment.
Di pa rin pwedeng lumabas sa takot niyang malaman ng tao ang totoong siya.
But
some of the things that I noticed about Kayne? Isa dun ang pagiging mas sweet
nya sa tuwing matagal-tagal kaming di nagkikita. Alam mo yung pakiramdam na mas
nagiging malambing siya sayo, at kinikilabutan ka nalang dahil hindi naman sya
ganun dati?
At
lalo nung umuwi ako sa probinsya nila Mama nung Christmas Break.
Minsan,
isang gabi, bigla siyang napatawag. Laking pagtataka ko naman kasi di naman
siya masyadong tumatawag o nagtetext sa akin eh.
Pero
pagkatapos ng tawag na 'yun? Nangisay lang naman ako sa kilig at excitement
kasi naglambing ang mokong na sana umuwi na daw ako kasi miss na niya ako. Ewan
ko lang kung ano nakain nun, basta todo palusot ako kay Mama nun para makauwi
na agad ng maaga para pagbigyan si Biko sa hiling niya.
I
don't know why. Jeffrey used to ask me the same thing before when I go home to
my Dad's place in Mindanao. At sa halip na kilig na kagaya nung naramdaman ko
kay Kayne, naiinis ako dati kay Jeffrey sa pagiging demanding at mapaghanap
nito.
Isa
pa yun. The things that happened with Jeffrey before, are the exact opposite
things that are now happening with Kayne. Kung dati ako ang spoiled kay
Jeffrey, ngayon si Kayne ang spoiled sa akin.
Karma
ko na din siguro to sa lahat ng nagawa ko kay Jeffrey dati. But you know what?
Masaya ako sa karma ko ngayon. Posible ba yun? Basta sa akin, yun yung
nangyayari.
Ayoko
naman talagang i-kompara sina Jeffrey at Levi, at minahal ko naman talaga si
Jeffrey, pero siguro mas mahal ko lang talaga ngayon si Kayne.
Mas
lalo kong na-appreciate ang kahalagahan ng koneksyon namin ng partner ko. I
guess this is what they mean when someone tells you, "Be patient, for
heaven is still preparing the right one for you."
The
stuffs that happened with Jeffrey before? It was heaven's way of preparing me,
not to find the right one, but to be the right one when that someone came
along. And the lessons and experience I've gained with Jeffrey before really
made me a better partner for Kayne.
At
iyon na nga ang nangyari.
Bossy,
demanding at suplado pa rin si Kayne, pero ngayon, mas naging open na siya sa
akin tungkol sa buhay niya, pwera sa mga detalye tungkol sa pamilya niya.
Kung
dati, napaka introvert niya, na parang ang hirap hirap makapasok sa buhay niya,
ngayon, nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko bilang partner niya. I got
him to talk about his problems, advice him, and give him words of
encouragement.
Lalo
na ngayon. Sa nalalapit niyang Board Exam. Alam kong ngayon niya ako mas
kailanganan. Mas kinakailangan niya ng suporta.
Nabanggit
niya kasi sa akin na hindi na niya nakakausap ang mga kaklase't mga kaibigan
niya. Nakapasa na kasi sa Board nung nagdaang September. Pakiramdam niya,
napag-iiwanan na siya, at wala na siyang karapatang makipagkaibigan sa mga
registered Medical Technologist niyang mga kaibigan.
Di
din niya mahingahan ng mga problema at pangamba ang pamilya niya. Sa halip na
comfort at peace of mind ang idinudulot ng mga ito sa kanya, mas lalo pa daw
siyang nape-pressure.
Sabagay,
kung may isang bagay man ang nalaman ko tungkol sa mga magulang at kuya niya,
yun ay ang pagiging matatalino ng mga ito. Kaya hindi ko mabe-blame si Biko
kung bakit pressured na pressured na siya sa bahay nila.
"Beep."
Tumunog ang phone ko. May text.
"Hey."
Si Kayne pala. Napangiti naman ako. Sa sobrang katipiran nito, bibihira lang
kasi itong magtext o magparamdam. Kaya masaya ako sa isa sa mga pinaka-unusual
na mga sandaling kagay nito.
"Hey
you. Kumusta Biko? How's your review going?" Reply ko sa kanya.
"I'm
tired. Nasa bahay ka lang ba?"
"Yes.
Why?"
"Good.
Malapit na ako."
Wala
pang ilang segundo ang lumipas ng biglang bumukas na ang pinto ng unit ko at
iniluwa nito ang humahangos na si Kayne.
"Hey!
Biglaan ang gala natin ah?" Nakita ko lang ang pagod sa itsura nito. His
eyes were so obvious. As usual, he had sleepless nights trying to read every
book that he has. Naawa tuloy ako sa partner ko.
"I'm
tired Lev." Sabay baba sa sofa ng dala-dala nitong sling bag at lumapit sa
akin sa kama at pabagsak na humiga.
"Hindi
ka na naman natulog? Reviews eh?" Tanging tango lang ang isinagot nito
habang nakapikit na ang mga mata na ang mga gilid ay nangingitim na sa sobrang
puyat.
Ganito
ba talaga kahirap ang Board Exam ng mga MedTech graduates? Jusko. Para ng
naglalakad ng walang kaluluwa ang boyfriend ko sa itsura niyang dinaig pa ang
mga call center agents na nasa graveyeard shift.
"Ako
nga tapatin mo, Biko. Ano ba gusto mo mangyari, ha? Mukhang hindi lang naman
pagpasa sa Board Exam mo ang gusto mong mangyari eh. You're aiming for the top,
yet again, right?" Ganun naman talaga si Kayne. Competetive ito, at talaga
namang matalino talaga. Siguro yun nga ang target nyang mangyari.
"Shhh."
Saway sa akin ni Kayne. "I'm trying to sleep Babe." Sabi niya, sabay
kuha ng mga kamay ko at iniligay niya sa kanyang likod. Alam na. "Yan.
Yang ang trabahuin mo. You know the drill Babe. Thanks."
Sabi
na nga ba. Haaay, Kayne. Bossy and demanding as usual. Nagpapahilot na naman sa
wagas niyang likod. Talaga naman, oo!
Pasalamat
ka talaga Kayne at mahal na mahal kita. Naku, sinasabi ko sayo!
"Wala
man lang please?" Tanong ko.
"Please."
Ano ba yan? Wala man lang lambing sa tono nito. Tsk.
"Wala
na bang mas malamnbing pa dun? Tsaka alam mo dapat ang ibabayad sa hilot na
yan." Nakita ko itong nagmulat ng mata, na pagbabanta ang mababasa sa mga
ito. Di ako nagpatinag. Tinuro ko ang aking mga labi. "Kiss."
"Ano
ba yan Levi? Ngayon nga lang ako hihingi ng pabor sayo, di mo pa maibigay.
Nakakatampo ka naman." Ayan! Dyan ka magaling Kayne.
Ayan
na naman po ang mga pakonsensya niyang mga banat. Lagi-lagi nalang. Pag di
nasusunod ang gusto, nagtatampo o di kaya'y nagagalit. Hahahaha.
Bahala
ka Kayne. Kung ayaw mong kumiss sa akin, eh di walang masahe. Solb ang
problema. Madali akong kausap.
"Kikiss
ka ba o ano?" Sinamaan nya lang ako ng tingin tsaka yumakap sa akin at
inilapit ang mukha sa mukha ko at hinalikan ako sa labi.
Akala
ko pasweet na kiss lang, pero lumalim pala. Pero di na din natuloy sa kung saan
man. Nang nagbawi siya ng labi, isang matamis na ngiti lang ang ibinigay nito
sa akin kasabay ang mas mahigpit pang yakap. Then he rested his head on my
chest.
"Anong
nakain mo?" Yep. Namiss niya nga ako. Ganito sya maglambing pag
matagal-tagal kaming di nagkikita. Ibang Kayne ang ipinapakita niya pag
namimiss niya ako. Ibang-iba sa karaniwan niyang trato sa akin.
Inilapit
na naman nito ang mukha sa akin. "Namiss kita." That's new. Ngayon ko
lang ata narinig yan simula nung naging kami. "And, I love you."
Awwwwe.
Natunaw naman ako sa huling sinabi nito. Gusto ko ng mangisay sa sobrang kilig
na dulot nung tatlong salitang yun. Kasi nga miminsan lang akong sabihan ni
Kayne nun. Pero sabi niya, ako pa lang daw ang nasasabihan niya nun. And when
he tells me that, he means it.
Madami
ang nagsasabi, tulad ng sa mga kaibigan ko, na kesyo ako lang daw ang
nag-eeffort para sa aming dalawa ni Kayne. Na kesyo isa lang daw iyong
one-sided love. Na ako lang daw ang nagmamahal, at di naman ako talagang mahal
ni Kayne.
Pero
hindi eh. Alam ko sa sarili ko na mahal ako ni Kayne. Hindi naman talaga
expressive na tao si Kayne. At nirerespreto ko iyon.
Malimit
lang akong sabihan ni Kayne nung mga salitang iyon, ngunit hindi naman siguro
nangangahulugan iyon na hindi ako nito mahal.
And
besides, can Love be measured on how many times you say "I love you"
to your partner?
Tsaka
yung mga taong nagsasabi ng di mabuting bagay sa amin ni Kayne? Wala naman
akong pakialam sa kanila eh. Di naman sila mismo ang nasa relasyon namin.
"It's so easy to suggest an idealistic solution to a problem
when you are not experiencing it personally. But if you are, reality is that
you will have a hard time finding a way around that problem."
"Levi.
Bakit ganun?" Napatingin naman ako sa nakadapang si Kayne. Hinihilot ko na
ang likod niya. "The board is almost here, but I want to give up."
Napangiti
ako. "Bakit naman babe? Ngayon pa? Sabi mo nga malapit na, konting tiis
pa." Napapangiti ako kasi eto na naman yung isa sa mga eksena kung san
nararamdaman kong pinapapasok na niya ako sa buhay niya.
"Ang
hirap na kasi ng mga pinagdadaanan ko Biko. Pressured na nga ako kina Mama at
Kuya. Yung mga kaibigan ko naman, kung di ako pine-pressure, di naman ako
binibigyan ng boost para kahit papano ma-motivate man lang ako."
Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot.
"Babe,
subukan mo ngang kausapin ang Mama at Kuya mo. Tell them how you really feel.
Baka sakaling mabawas-bawasan yang mga dinadalang mong bigat sa dibdib mo.
Siguro naman, kahit papano, pakikinggan ka nila."
"Levi,
you don't know what you are suggesting. Si Mama, alam mo namang di ako ganun ka
open sa kanila at ka expressive diba? Tas si Kuya. Pagtatawanan lang ako nun
kapag nalaman niyang naduduwag na ako. Dati, nung di ako naging Dean's List
Awardee nung first year college, ayun. Sinabihan nya ako na di na ako magiging
Latin Honor awardee pagdating ng fourth year."
Sa
totoo lang, naaawa ako kay Kayne. Sobra. Kasi alam ko ang pakiramdam kung
papano ang pakiramdam na pine-pressure at minamaliit ka ng sarili mong pamilya.
Ganun din kasi ako dati, kay Papa. Ang kaibihan nga lang namin ni Kayne, I
broke free from my Dad's chains and got away from him.
Yan
kasi ang hirap pag parehong matatalino kayo na magkakapatid. May kompetisyon
talaga. Dagdagan pang parang hindi ang mag-ina ang turingan ni Kayne at ng Mama
niya, kundi parang relasyon lang ng Boss at ng empleyado, na sya namang nalaman
ko sa mga kwento ni Kayne.
Mahirap
nga ang kalagayan niya ngayon. At kita naman yun sa ekspresyon ng aura ni
Kayne.
"Tas
yung mga kaibigan ko pang nauna na nung September na nag-take ng Board Exam,
wala na din sila. Parang iniwan na din nila ako. I'm all alone now Levi."
Niyakap ko ng mahigpit si Kayne nang makitang malapit na syang bumigay sa bigat
ng mga dinadala niya. At yun ang hindi ko makakayanang makita.
"Babe.
Come on. Cheer up." Takte. Gusto ko na ring maiyak sa nakikita kong
kalungkutan sa mga mata ni Kayne. "Babe, kaya nga ako nandito, diba?"
Pinilit kong ngumiti at iparamdam sa kanya na magiging okay ang lahat. Na kahit
iwan siya ng lahat sa isa sa mga pinakamadidilim na bahagi ng buhay niya, na
kahit nararamdaman niyang nag-iisa siya, nandito ako para sa kanya.
Tiningnan
niya ako sa mata at isang mapait at halatang pilit na ngiti ang isinagot niya.
"Hayaan
mo yang mga kaibigan mo. Iwan ka man nila, andito ako. At alam mo yun diba?
Kaya ka nga naririto ngayon eh." Ngiti ko sa kanya.
"Maraming
salamat Babe. Yan din ang na-realize ko eh. And I'm so thankful, for God had
sent me an angel to light my way. Dito at sayo lang ako nakakahinga ng maluwag
sa tanang buhay ko. And yes, that is why I'm here, to break free from
everything, atleast for a little time. Thanks Babe." Naks naman. Kinikilig
ako sa sinabi niyang yun.
"Babe,
you said before, that as long as there is someone who believes in you, you will
try your best to move mountains, diba? And I promise, whatever may happen
tomorrow, I'll be that one person who will always believe in you.
Fighting!" I clenched my fist in front of his chest and smiled at the
angel who's staring at me.
"Fighting!"
At tinanggap nito ang aking kamay. He locked his fingers in the spaces between
mine. Then another magical moment took place between us. And the rest was
history.
Fast
forward.
"Beep!
Beep! Beep!"
"Shhhh!"
Senyas sa akin ni Kayne nang sagutin nito ang nagri-ring niyang telepono.
"Hello, Good afternoon!" Napatingin naman ako sa kanya. "Yes
Miss. This is Mark Kayne Dela Rosa speaking."
"Sino
yan?" Bulong ko sa kanya. Pero sa halip na sagutin ako nito, inilagay lang
nito ang isang daliri sa labi nito, senyales na pinapatahimik ako nito.
Maya-maya ay lumabas na lang ito ng unit ko.
Napabuntong-hininga
naman ako. Ano kaya yun?
Teka.
Gutom na siguro yung boypren ko. Maghahanda muna ako ng meryenda. As usual, ang
paborito naming pancit canton at pandesal na may kasamang kape.
Habang
naghahanda ako ng makakain naming dalawa, bigla namang nag-ring ang telepono
ko. Nagtaka naman ako ng makitang hindi naka-rehistro ang numero na tumatawag
sa akin.
"Hello,
good afternoon. Who is this please?" Tanong ko nang masagot na ang
telepono ko.
"Good
afternoon Mr. Dela Rosa." Shit! Am I just imagining things? Or was it his
voice? Pisti. "This is Mark. I need you early tomorrow morning for a
business meeting. Naka-leave si Miss Palma, at wala akong magiging sekretarya
bukas. Can I count on you?"
"S-sir?"
"Don't
worry Mr. Hidalgo. This is plain work. I tried calling everyone, including Miss
Aileen, pero dahil Sunday bukas, they all refused. At busy din ang iba sa
hotel. Naiintindihan kong rest day nyo dapat ngayon. But you must also
understand Mr. Hidalgo, that I need to attend this meeting. Miss Aileen
personally recommended you, by the way."
"Pero
k-kasi Sir..." Tangina namang lalaki to o. Bakit ba kasi napakakulit nito?
"Wag
kang mag-alala Mr. Hidalgo. This will be the last time na hihingi ako sayo ng
pabor. I am just desperately in need of a secretary. Please. After this, I'll
cleared you all OJT's for your Intternship and I'll give you grades already.
Kahit hindi pa kayo tapos sa internship niyo. Just say yes."
Kung
ganito kataas na tao ang magmamakaawa sa iyo, di ka ba mape-pressure na
pagbigyan ito? Haaaay.
But
I'll take his words. This will be the last time.
"Sige
po Sir."
"Thank
you Mr. Hidalgo. I owe you one. I'll pick you up at 9AM. See you." Tss.
Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makapag-tanong tungkol sa detalye
ng lakad namin bukas.
Haaay.
"O,
bakit nakabusangot ka jan? What's for meryenda babe?" Tanong ni Kayne na
nakapasok na rin pala sa loob ng unit ko at nilipitan akong nasa may mini
kitchen ng apartment ko.
"Si
Boss babe. Sinasama ako sa business meeting bukas ng umaga."
"Teka,
OJT ka lang dun sa hotel diba? Bakit napaka-demanding naman ata ng boss
mo?" At niyakap ako nito sa bewang mula sa likod.
"Wow.
Maka-bintang ka naman, akala mo hindi ka demanding. Hahahaha!" Sinamaan
nya lang ako ng tingin. "Hayaan nalang natin. I said yes already. At
ngayon lang naman to eh." Hindi pa rin alam ni Kayne kung sang hotel ako
nagdu-duty, kasi nga gusto ko ring kahit papano, may mga bagay din syang di
nalalaman tungkol sa akin. Para kahot papano, patas kami. Hehehe.
"Anong
oras ba ang lakad nyo bukas?" Tanong niya.
"Alas
nwebe daw Babe eh. Dadaanan lang ako dito ni Boss."
"Ha?
Dito pa naman sana ako matutulog ngayon. Tsk." Irap niya.
"Eh,
sorry na babe. Pine-pressure nya kasi akong pumayag na samahan siya eh.
Nagleave kasi daw si Miss Palma, ang sekretarya niya, at wala namang pumayag na
sumama sa kanya bilang substitute secretary." Nakasimangot pa rin sya nang
umupo ito sa lamesa at hintayin ang hinahanda kong pagkain.
"Ano
ba yan? Nakakatampo ka naman Levi eh. Unahin mo muna ako. Diba nga may
kasabihang Happy Wife Happy Life? Wala namang Happy Boss Happy Life ah.
Tsk." Aysus. Nagtatampururot ang mahal ko. Ang cute!
"Babe.
Hayaan mo na. Ngayon lang to. Babawi ako sayo next week. Ha? Ginagawa ko lang
din naman to para sa future natin eh." Pang-aalo ko sa kanya nang lapitan
ko ito sa may mesa kasama ang mga pagkaing inihanda ko.
"Naku
Levi! Busy na ako next week. Malapit na ang Exam ko. I need to focus."
"Teka.
Kelan ba talaga yun?" Yan din pala. Yan din ang isang detalyeng hindi pa
niya sinasabi sa akin. Ang eksaktong petsa ng Board Exam niya.
"Basta.
Wag mo na alamin."
"Yan!
Dyan tayo magaling eh." Haaay. Naku! Yaan nalang. Pasasaan ba't malalaman
ko din yan next time. "Teka, sino pala yung tumawag sayo?"
"Uhmmm,
ano..."
"Spit
it out." Utos ko sa kanya.
"Babe,
kain na muna tayo. Gutom na ako eh." Palusot niya.
"Sabihin
mo muna."
"Wala
yun Lev. Wag mong intindihin yun. Sayang ang oras."
Kukuha
na sana ako ng pagkain sa mesa ng naisipang gumawa ng paraan para mapaamin ito.
Nagtataka lang kasi ako kung bakit kelangan nya pang lumabas para sagutin ang
tawag na yun. Padabog akong tumayo at humiga sa kama na nakatalikod sa kanya.
"Levi,
hindi na yan gagana sa akin yang mga patampo-tampo mo." Narinig kong sabi
ni Kayne.
"Yan!
Dyan ka talaga magaling. Whatever happened to the honesty that we agreed to
have, before?" Napangiti naman ako ng maramdamang lumapit ito sa akin at
humiga sa tabi ko at yumakap sa akin.
"Ano
kasi babe..."
"Ano?"
"May-ari
yun ng isang Laboratory sa Cebu. Eh, inooffer ako ng trabaho pag naipasa ko
yung Board Exam ko. And... I said yes." What?! Without even asking or
considering my opinion? Tas sa Cebu? Nanlumo ako sa narinig. This is not
happening.
Hinarap
ko siya at pilit na ngumiti. "A-ayos yan Babe. Tingnan mo, may job offer
ka na kahit hindi pa tapos ang B-Board Exam. That's g-good news."
"Levi,
wag ka na malungkot---"
"Bakit
naman ako malulungkot?" Teka, napaka-defensive naman ata ng tono ko. Tsk.
"Alam
ko. Kilala na kita. Eh, hindi pa naman sigurado na maipapasa ko ang Board Exam
eh. At tulad mo, na-pressure at na-overwhelm lang ako sa oportunidad na may job
offer na agad bago pa man matapos ang Board Exam."
"Okay
lang Babe. Nauunawaan ko." Kahit balulungkot pa rin ako, sige nalang. Wa
choice eh.
"Smile
ka na ha?"
At
ngumiti na nga lang ako para wala ng maraming issue. Pero sa pagdaan ng mga
oras, di mawala-wala sa isipan ko ang isang pangyayaring posibleng mangyari
ilang linggo simula ngayon.
Iiwan
na ako ni Kayne.
Magiging
isang long-distance relationship na ang lahat.
Haaaaay.
Ang
hirap nun. Wag naman sana.
Tsk.
Bahala na nga si Batman.
======================
Alas
sais ng umaga. Nagising ako sa tunog ng hilik ng estrangherong natutulog sa
tabi ng kama ko.
Napangiti
ako ng maalalang ang pinakamamahal na boyfriend ko pala ang katabi ko sa kama.
Napakapayapa
ng mukha nitong nakanganga pa habang natutulog na naghihilik. Ang cute cute
niya! Sa sobrang kapilyuhan ko, kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang
i-record ang paghihilik niya. Pagkatapos nun, di na ako nakontento at kinunan
ko pa sya ng picture gamit ang cellphone ko habang nakanganga pa rin sya at himbing
na himbing sa pagtulog.
Ang
cute talaga ng mahal ko.
Ginawaran
ko lang ito ng halik sa pisngi at tumayo na. Nagsipilyo, naghilamos, at
sinimulan ng magluto ng agahan namin.
Sunny
side-up eggs, corned beef, daing, at fried rice na paboritong-paborito ni Kayne
ang inihanda ko para sa agahan namin.
Tulog
pa si Kayne nang matapos akong magluto. Sa pagkakatanda ko, mas nauna akong
natulog sa kanya kasi nanunuod pa sya ng TV. Ganun kasi si Kayne. Matagal
matulog, kaya matagal ring nagigising. Hehehe.
Nang
maihanda ko na ang lamesa, nilapitan ko ito sa kama at pumatong ng dahan-dahan
sa nakatihayang mokong. Napa-ungol sya ng maramdaman ang bigat ko, pero tulog
pa rin sya.
Parehas
kaming walang suot na pang-itaas nang matulog kami at pareho ding naka-jersey
shorts lang.
Inilapit
ko ang mukha ko sa mukha niya, at pabiglang sinikop ng bibig ko ang kanya.
Bigla nyang iniwas sa akin ang mukha niya.
"Babe,
di pa ako nagto-toothbrush." Ungol niya. Ang sexy talaga ng boses nya
kapag ganitong bagong gising. Hehehe. Natuturn-on ako.
"Wala
akong paki. Basta gusto kong halikan ka." Pilyong ngiti ko.
"T-talaga?"
Mulat nya sa kanyang mata na may pilyong ngiti rin sa mga labi nito.
"Tama
na ang satsat. Laban na!"
Kahit
nalalasahan ko pa ang panis nyang laway, hindi na ako nagpaawat. Total, hindi
naman ang laway niya ang minahal ko eh. Hehehe.
Nagtuloy-tuloy
na nga sa kung saan man ang eksena naming iyon. Umagang-umaga pa, pero
umaatikabong laban na ang sinusuong namin. Medyo umaambon-ambon sa labas at
malamig ang panahon, pero tinutupok ng apoy ang aming mga katawan.
And
I won't tell you what happened next. All I can tell you was that he exploded
inside my mouth. And when I tried to kiss him, after the tension died down, he
softly slapped me.
"Magtoothbrush
ka muna ulit." Tawa niya.
"Bakit?
Sayo naman to ah? What, you're afraid now of tasting your own MEDICINE?"
Ngisi ko sa kanya, na ipinagdiinan ko pa ang huling salita.
"Baliw
ka! Hala. Toothbrush ka muna, tsaka tayo kumain. Bilis na. Sayang ang oras.
Gutom na ako!" Utos nya.
Tsk.
Sa kanya naman to eh. Ang arte arte! Hahaha.
Pagkatapos
ng agahan namin, sabay lang kaming naligo ni Kayne sa CR ng unit ko. Sa una'y
nagkaka-ilangan pa kami. Pero dahil pareho naming ginusto yun, ako na mismo ang
gumawa ng paraan para di sya mailang sa akin.
Sabon
dito. Sabon doon.
Hahahaha.
What? As if I haven't seen his naked body many times now. Bakit ngayon pa kami
mangingime sa isa't isa? Hehehe.
Pagkatapos
dun sa CR, pinauna ko na si Kayne na umuwi sa kanila. Hinihintay ko pa din
naman si BM eh, at maaga pa naman.
Eksaktong
alas nwebe ng umaga ng may bumusina sa gate ng apartment, at nung tinignan ko
sa bintana, kotse nga ni Sir Mark. Napabuntong-hininga pa ako, bago lumabas ng
bahay.
Ewan
ko kung ano dapat isusuot kasi di naman ako sinabihan ni BM ng mga detalye.
Pero para safe, eto ako ngayon at naka-formal attire, habang may sukbit na
sling bag sa balikat.
Paglabas
ko ng gate, nasa labas na rin ng sasakyan niya si BM at hinihintay ako. Ngumiti
ito sa akin na ikina-ilang kl naman.
"Good
morning Mr. Hidalgo. Thank you for granting me this request on such short
notice. Coffee?" Bati nito sabay abot ng kape na nasa plastic cup. Inabot
ko naman yun. Ma-kape kasi akong tao.
"Good
morning Sir BM. You're welcome. And thank you for the coffee." Pormal na
sagot ko. Sabi nga nya, trabaho lang ito. Kaya kelangan ko maging propesyonal.
"Napaka
formal naman ng Sir BM. Sir na nga, may
BM pa. Sir Mark nalang, Mr. Hidalgo. Sakay na." Ngiti nito.
Tumango
naman ako at sabay kaming nagbukas ng pinto ng sasakyan. Siya, sa may front
seat. At ako naman ay sa may pinto sa likod ng driver'seat.
"Mr.
Hidalgo naman. Gagawin mo ba akong driver? Sa harap ka sumakay." Ngisi
nito.
Haay!
Ang arte. Ang dami pang sinasabi. Ano bang masama kung sa likod ako sasakay? Eh
empleyado nya naman ako't mas lalong hindi kami close.
"Levi. Kalma. This is just plain work."
Wala
na nga akong magawa kundi ang tumalima sa gusto nito. Sayang ang oras kung
makikipag-diskusyon pa ako kay BM. Tsk.
Umaandar
na ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse. Nakakailang ang
atmospera sa loob. Grabe. Humihigop nalang ako ng kape para kahit papano ay
hindi matuon sa awkward na sandaling iyon ang isipan ko. Nang biglang...
"Mr
Hidalgo.." Humigop ulit ako ng kape para pakalmahin ang sarili ko upang
makasagot ng maayos sa boss ko. "... what is your stand about... same-sex
relationships?"
Napaso
na ako ng tuluyan nang naibuhos ko lahat ng kapeng iniinom sa bibig ko sa
sobrang pagkabigla sa tanong ni BM..
Pucha
naman Sir!
Sa
dinami-dami ba naman ng itatanong mo, iyan pa?
"Okay
ka lang ba Mr. Hidalgo?" Tanong sa akin ni BM nang mapansin nyang
natataranta na akong pakalmahin ang sarili mula sa pagkakapaso ng aking bibig
sa kape.
"Y-yes
Sir. Ano p-po ulit yung tanong n-nyo?"
Natawa
ito. "Well, I just wanted to hear your thoughts about Same-sex
Relationships."
Pakshet!
"Personal opinion po ba hinihinhingi niyo? Or are you asking for my
professional perception Sir?"
"Personal
opinion."
"Though
many Filipinos are still shackled by the beliefs of old, personally, I still
think that there is nothing wrong with Same-sex Relationship Sir. Bukas naman
po ako sa bagay na iyan, at tao din naman sila na dapat pa ring respetuhin. It's
their preference anyway, so who are we to judge and dictate them?" Hindi
mo lang alam Sir, pina-practice ko din ang konseptong yan. Hahaha.
"Okay."
Sa gilid ng mata ko, alam kong nangingiti si Sir Mark. I don't know why. May
aura kasi si Sir Mark na parang homophobe siya. Well siguro jina-judge ko lang
agad siya, pero para kasing posible din ang iniisip ko tungkol sa kanya eh.
"Bakit
nyo po natanong Sir?" Eh nagtanong na sya ng personal eh, so tatanungin ko
din sya. Kese hodang boss ko sya. Sya naman nagsimula ng pame-mersonal.
"Nothing.
You'll see when we get there." Nakita ko lang itong ngumiti at ibinalik na
lahat ng atensyon sa pagmamaneho.
Oh
my. Hindi naman kaya....
"Ayan! Assuming ka na naman eh. Tangina kang bata ka! Umayos
ka nga."
Oo
na! Wala na akong sinabi.
==================
Magkatabi
kami sa isang pang-apat na mesa ni Sir Mark na nag-aantay sa isang restaurant
sa ka-meeting namin.
Ayaw
namang magsalita ni Sir patungkol sa taong ime-meet namin ngayon. Pero sige na,
bahala na. Ang gusto ko'y matapos nalang itong lahat para makauwi na agad ako.
"There
he is." Kapagkuwan ay sabi ni Sir Mark habang tinatanaw ang isang lalaking
papalapit sa amin.
Ang
gwapo ng lalaki. Mataas ang naka-ponytail na buhok, matangkad, balingkinitan
ang katawan, magagandang pares ng mata na naka eyeglasses, at grabe, ang ngiti
sa labi nito na animo'y nang-aakit at parang nang-aanyayang ngumiti din ang
sinumang makakakita ng ngiting iyon.
Pero teka...
Chinese?
Korean?
Or
Japanese?
"Hey!
Tagal nating di nagkita Pare! Kumusta?" Sabi nung lalaki nang makalapit
ito sa amin ni Sir Mark.
"Uh
huh. Matagal-tagal na rin." Matapos mag-apir na parang mga high school
students, bumaling sa akin si Sir Mark. "By the way, this is my Secretary
of the day, Mr. Levi Hidalgo." Pagpapakilala sa akin ni Sir Mark sa
kaibigan niyang chinito. At humarap ulit sa kaibigan. "And Mr. Hidalgo,
this is Mr. Yukito Ramirez Fujiwara."
"Good
morning Sir." Tango ko dito at pormal na ngumiti sa tila may lahing
kaibigan at ka-meeting ni Sir Mark.
"Hello!
Kumusta ka? It's a pleasure meeting you, finally. In the flesh." Nagtaka
naman ako sa sinabi no Sir Yukito, pero mas nagtaka ako ng nakita kong siniko
sya ni Sir Mark.
"I'm
doing good Sir Fujiwara. And the honor is mine." So, hapon pala ang isang
ito. Pero halata namang di ito puro, kasi lumilitaw naman ang mga katangiang
Pinoy nito.
"Naku,
yan ang nakukuha mo sa Boss mo bro. Masyado ka ng pormal. Call me Yui."
Ngumiti sya. Tumango naman ako at ngumiti.
Ang
gwapo niya ngumiti. Pero isiniksik ko na sa utak ko na si Kayne na ang
pinakagwapong nilalang na nakita ko, kaya di na ako naaakit sa mga simpleng
bagay na iyon ng ibang tao.
"Don't
give too much regard about the guy beside you, Levi. Napaka-pormal at seryoso
nyang si Mark. Kaya lahat ng taong nakakatrabaho niya, nalilipat sa kanila ang
mga katangiang iyon." At natawa na si Sir Yukito. Palihim naman akong
natawa at natuwa sa magaan na pakikitungo sa akin ng kaibigan ni Sir Mark.
Kabaliktaran ni Sir Mark si Sir Yui. At kitang-kita naman iyon sa una palang
naming pagkikita.
"Wow!
Thanks for the compliments Pare. Napakabait mo pa ring kaibigan." At mas
natawa pa si Sir Yukito sa pagka-sarkastikong tono ni Sir Mark. "Anyway,
what are we meeting for? I've heard you're planning to have a surprise birthday
party and an engagement proposal."
"Mark
naman! Come on. Miminsan lang tayong magkita, trabaho pa agad-agad ang
pag-uusapan natin? Chill. Dadating din tayo jan."
"Sayang
ang oras, Yui." Wika ni Sir Mark.
Sayang
ang oras.
Naalala
ko tuloy si Kayne sa mga katagang iyon. Iyon kasi ang motto niya sa buhay.
Sayang ang oras.
Bumaling
naman sa akin si Sir Yukito. "Anyway Levi, buti naman at nakatagal ka sa
boss mong ito. Knowing Mark, he's the type of boss na napaka-perfectionist at
sobrang demanding. It's good to know that you actually endured, having Mark as
your boss."
"Teka
lang Pare ah. In case you forgot, I'm here. And I can hear what you are talking
about." Sabat ni Sir Mark. Nagkatawanan naman ang magkaibigan.
Here
they are, talking about stuffs, making me feel out of place. Sumasagot lang
kapag tinatanong. Nagkukumustahan lang ang magkaibigan, habang ako'y walang
imik na nakikinig lang sa kanilang dalawa.
But
I must say. Sir Yukito is really a breath of fresh air. Nagtataka nga ako kung
bakit sila naging magkaibigan nitong supladong si Sir Kayne.
Napaka-friendly
lang niya. Magaan at marunong makitungo sa ibang tao. At lalong-lalo na, ang
ngiti na nakita ko nung dumating sya ay di pa rin nawawala sa mga labi nito.
Ibang-iba
sa aura ni Sir Mark.
"So,
can we talk about what we really intend to plan today?" Tanong ni Sir Mark
kay Sir Yukito.
"Yun
na nga Mark. Am planning to surprise him sa birthday nya. And I really need
people to help me with the preparations." Napapakamot pa ulo si Sir
Yukito.
"Kasi
nga balak mo ng ituloy sa Engagement Proposal ang okasyon?" Sagot na
patanong rin ni Sir Mark. Pero, teka. Him? Ibig sabihin...?
Tinapunan
ako ng tingin na may kasamang nahihiyang ngiti, ni Sir Yukito. "I hope you
don't find it bothering Levi ha? But honestly, I'm gay. I'm in love with this
wonderful guy for five years now, and I'm planning to tie our hearts forever.
If such word exist." So kaya pala ako tinanong ni Sir Mark kanina sa daan
tungkol sa Same-sex Relationship.
"That's
wonderful Sir Yui. People nowadays are finding it hard to find their one true
love. I'm happy for you Sir. Congrats po!" Sa wakas. I found a connection
with Sir Yui, kaya nakakapagsalita na ako ngayon ng mas matino.
"Salamat
naman at nauunawaan mo ang sitwasyon namin ng boyfriend ko. Really. I
appreciate it Levi." Ngiti sa akin ni Sir Yui, na sinagot ko rin ng ngiti.
"So,
where is Jayden now?" Tanong ni Sir Mark. Ang soon-to-be fiancé siguro ni
Sir Yui ang tinutukoy nito.
"He's
on a Business Trip sa Davao. Isasama sana ako, kaso nagpalusot nalang ako kasi
nga I need to start preparing na. With your help, of course, Mark."
Pagkatapos
ng mahabang usapan at pagpa-plano ng dalawang event sa iisang okasyon,
napagdesisyunan naming bukas nalang ituloy sa opisina ang pagtalakay sa ibang
detalye ng party. Wala din daw kasi ang iba pa nilang kaibigan na tutulong sa
pagpa-plano ng event.
Sabay
kaming tatlo na lumabas ng restaurant. Habang palabas kami, abala pa rin sa
pag-uusap ang magkaibigang Sir Mark at Sir Yui.
Nasa
labas na kami ng restaurant na iyon ni Sir Mark dahil nauna na sa amin si Sir
Yui, nang makita ko sa kabilang parte ng kalsada si Jet. Nakita ako nito, at sa
ingay ng kalye at dahil sa layo namin, tanging kaway lang ang ginawa nito sa
akin. Kumaway din naman ako pabalik.
"Tayo
na Mr. Hidalgo. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ni Sir Mark na nasa tabi
ko na pala. Tumango naman ako sa boss ko, at tiningnan ulit si Jet para
senyasan na mauuna na ako.
Pero
nang ibinalik ko sa kanya ang tingin ko, nagtaka lang ako nang nakita ko ang
isang ngisi na rumehistro sa itsura nito. Sinabayan pa ng isang tango.
Weird
din pala tong si Jet. Ngumingisi ng walang dahilan. Nakakapagtaka.
Pero,
wala nga bang dahilan? Ewan ko. Di ko naman alam kung ano ang tinatakbo nitong
isipan ng boypren ni Aiko eh. Di bale na.
Masyado
lang siguro akong nahahawaan ng pagiging paranoid nitong si Kayne.
Tsaka
isa pang dapat isipin, si Sir Mark.
Kung
kaibigan lang pala niya ang ime-meet niya, bakit kelangan pa niya akong
bitbitin? Eh kung tutuusin, wala din naman akong masyadong naitulong sa meeting
na iyon?
O
baka naman talagang pinagti-tripan ako nitong boss ko?
Haaaay.
Ang
weird ng araw ko ngayon!
Ewan
ko nalang sa kambing na walang bangs!
- to be
continued -
Maganda ang story. Simple yet parang true to life.. Take care. Btw, minsan kasi nagkapalit ang mga pangalan. Medyo nakalito. Ingat Boss.
ReplyDeleteHehehehe nice to wait.. hndi nakakabored interesting story .. magkapatid ata si keyne at mark.. same last nem... hehehhe salamat pala otor sa kunting idea about ken hehehe di n masyado nakakasakit ng ulo at d masydo naka confidential...
ReplyDeleteShai
Naku, na-mention pa ohh. Ang galing ng kwento. Tama nga yata yung hula ko na magkapatid si BM at Kayne. Haha. Ano nang mangyayari sa susunod? Haha. Di ko ma-predict. Haha.
ReplyDeleteKUDOS mr. Author
nasan na ang chapter 10 nito? 1yr na akong nag.aantay. author pake kompleto naman po
ReplyDelete