Followers

Thursday, May 14, 2015

Love Game Final Chapter





Author’s Note

Hi guys! Susulitin ko na to haha! This will going to be my last author’s note, first of all maraming maraming salamat sir mike and sir allan sa opportunity na ibinigay nyo po sa akin

And lastly, maraming maraming maraming salamat sa patuloy na pagsuporta nyo sa akin mga readers hanggang kahuli hulihan. Though medyo bumaba ang comments nung last chapters haha pero salamat pa rin dahil sa inyo naimprove yung story ko. Hindi ko nah o kayo mapapasalamatan isa isa dahil hindi pa ho sapat yung pag mention ng names nyo para pasalamatan ko kayo, lubos po akong nagpapasalamat sa inyo sa pagsuporta at pagtangkilik ng aking story maraming maraming salamat po readers.


This will going to be my first and last story na gagawin sa MSOB because I’ll going to be busy on my academics dahil 4th year college na po ako kaya kailangan magsikap dahil graduating na ako. After a year babalik siguro ako pero sa ngayon after nito magiging silent reader po muna ako. Hope you understand.


Muli, nagpapasalamat po ako sa patuloy na pag suporta nyo sa akin. Btw, wag nyo na po ako iadd sa fb dahil idedeactivate ko na rin po sya. Silent reader nap o muna ako start from now


This last chapter will make youuuu… haha sige di koi spoil haha basahin nyo na lang thank you!!!! Maraming maraming salamat po talaga.













Chapter 20

The last Goodbye






Axel’s POV


This is it. Ngayon na naming ipeperform ang halos isang taon naming prinactice at nirehearse ditto sa Singapore, almost 1 year na pala kami nandito. Hindi ko masyadong napansin dahil sa sobrang busy ko na rin sa academics at sa pagiging theatre performer. I mean first and my last performance LOL. Napag isip ko na rin kasi na after nito, mag qquit na ako sa production, gusto ko ng magfocus sa studies ko.


Ng silipin ko ang venue, sobrang dami na ng taong nagsisidatingan, may mga sikat na artista na prudkto rin ng school na ito, at may mga kilalang tao na manunuod din sa production na gaganapin ng ilang minuto na lang.

“ okay guys, we only have few minutes to prepare, everything is set, all you need to do is to relax and enjoy the show, many people believe in you guys especially sa school natin dahil may live streaming din doon ngayon, so be the best okay?” saad ng floor manager namin.

Bigla naman akong napahinto ng marinig na may live streaming sa pilipinas, hindi ko alam pero bigla akong natakot at nangamba,

Paano kung hindi pa rin nila nakalimutan ang nangyari? Paano kung habang pinapanuod nila ako ay pinagtatawanan nila ako?

Paano kung dahil sa mga iniisip ko ay pumalpak ang performance ko?


Hindi. Kailangan kong ifocus ang sarili ko sa production. Wala munang negative vibes.

Kaya mo yan axel. Go!

Dumating na ang oras at mag peperform na kami.

This is it!






Dave’s POV





Together, together, together everyone
Together, together, c’mmon, let’s have some fun


Titig na titig ako sa live stream dito sa function hall ng school, sobrang dami rin ng nanunuod dahil ano pa nga ba? Papagawain lang naman ang mga freshie students ng reaction paper about sa play na mangyayari haha! Well anyways, sobrang ganda ng set, lahat ng props, simula sa mga light materials pati ang mga transition ng background. I must say na talagang pinaghandaan ng school ang production na nangyayari.


Halos lahat ng main casts eh nagsilabasan na, pero hindi ko pa rin Makita si Axel. Hanggang sa


“ C’mmon everybody!!! Let’s sing!” Labas nya mula sa backstage.

Halos huminto ang mundo ko ng Makita si Axel na ibang iba, medyo lumaki ang katawan at nagkalaman, kitang kita ko rin ang mga ngiti nyang halos ikatunaw ng buo kong pagkatao.

Para akong tuod na hindi makapaniwala sa nakikita ko, ibang iba si Axel noon sa ngayon at halos wala akong makitang sakit ng nakaraan,


Does it mean na nakamove on na siya?

Mahal pa rin nya kaya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya hanggang ngayon?

Ayokong mag isip ng masama pero maraming posibilidad, umaasa ako na pagbalik nya ditto sa ppilipins ay maibalik ko pa ang nasira naming pagsasama


Sabi nila sa buhay, kapag once na masira ang isang bagay, hinding hindi na ito maibabalik pa sa orihinal na ayos, parang baso, kapag nabasag, hindi na natin maibabalik pa ng maayos sa porma nito.

Pero hindi ako naniniwala somehow sa paniniwala na iyan, maaaring masir natin ang isang bagay pero kung handa tayong ayusin ang lahat ng ito, maaayos at maibabalik pa rin natin ito sa orihinal na anyo nito, gaya ng baso, mabasag man ito, ngunit nakikita pa rin natin ang mga piraso nito na nakakalat at kung magsisipag tayo at handing buuin muli ang nasirang baso, maaaring maibalik natin ito sa orihinal nitong hugis o anyo.

Maaaring hindi na magamit ngunit may pakinabang pa rin.

Sa buhay, hindi pwedeng sabihin natin na nagkamali nanaman tayo sa isang bagay ng hindi sinasadya, maaaring sa una oo, pero sa pangalawa? Desisyon mo nay un, desisyon mo ng gumawa ulit ng pagkakamali o itama ang pagkakamaling nagawa mo sa nakaraaan.


Alam kong mahirap ibalik at ipakita sa taong mahal ko kung gaano ko sya kamahal, pero ayokong pangunahan ang panahon para sa mga bagay na ito. I’ll let the time works for mmy future. My road to my forever happiness.


And road to my forever love. My love for Axel De Los Reyes.


Buong performance nila ay sa kanya lang ako nakatingin, sa bawat indak at pag arte nya, lalo akong napahanga, lalo akong namangha sa kung anong ipinapakita ni Axel sa harapan ng maraming tao.


“ nako girl, ang gwapo ni Axel no? ibang iba sya ngayon kumpara dati, grabe lang talaga yung pinagbago nya matapos ng nangyari sa kanya no? nganga nanaman malamang yung mga nang kutya sa kanya noon” saad ng isang babae na mukhang classmate ata ni Axel

“ Sinabi mo pa girl,we know axel, kahit ganyan yan, sobrang tibay at lakas ng loob ng taong yan. I must say na ang laki ng improvement nya lalo na sa physical features nya. Medyo nagging manly sya pero ang mukha! Girl panalo. Haha! Onting make up lang, wapak! Babaeng babae na si papa axel haha!” natawa naman ako sa sinabi ng isa pa nyang kaklase ata.

Totoo naman kasi, during the performance halos magmukhang babae si Axel dahil sa light make up na inapply sa kanya, nagmukha na nga syang tomboy dahil medyo built na yung katawan nya pero pag dating sa mukha, baby face pa rin.


Hayysss! Lalo akong nainlove mga pare! Ahaha!

“ oh, mata mo, baka matunaw yung lcd oh” pagsingit ni zandro

“ panira ka naman eh, wag ka nga!” ang pagsagot ko sa pang aalaska nya.

“ excited na akong Makita ulit sya, mygasss! Namimiss ko na ang bestfriend ko!”

“ eh ano pa ko? Miss na miss ko na ang taong mahal ko”

“ tumigil ka nga, mas matagal kaming nagsama no che!”

“ haha oo na!”


Hanggang sa matapos ang performance, kitang kita sa screen na nag standing ovation ang lahat ng naroroon, maski ang mga estudyante rito sa function hall ay nag sitayuan din dahil sa success ng production nila axel. Para silang mga professionals sa ginawa nila. At doon ako mas lalong nagging proud.

Ang sarap sanang sumigaw ng “ BOYFRIEND KO YAN WOOO!!!”

Kaso wala eh, hindi pa kami. Take note. HINDI PA.

Gagawin ko ang lahat maibalik at makuha ko lang ulit si Axel.







Axel’s POV




Grabe! I must say na success ang performance ng team wwoooo!!! Pagkababa ng kurtina sa stage, dumiretso lang kami sa backstage at nag sisisigaw.


“ nakita nyo yon?! Mygad! Andun yung 1D! o.m.g!!” sigaw ni tailor, ang bida sa play na ito.


Halos mapaiyak kami sa mga papuri at pagbati ng mga mas nakakataas sa amin at bilang pasasalamat daw, bibigyan nila kami ng tig iisang Samsung s6! Ow yas! SWERTE!

Pero ano naman gagawin ko dun, eh may iphone 6 na ako, hanggang sa mapagpasyahan kong ibigay ko na lang it okay zandro my one and only bestfriend/kapatid/katulong/alipin haha!


After ng performance nag yaya ang buong team na magparty, for sure inuman nanaman yan, pero tumanggi na ako dahil kelangan ko ring magprepare ng gamit ko dahil sa susunod na araw, babalik na rin kami sa pilipinas. Ow! How much I miss Philippines.

Hindi na ako sumama dahil pagod na rin ako, at salamat dahil pumayag na rin sila.

Pagpasok ko ng condo, nagtaka ako kung bakit madilim. Teka? Ang sabi ni Elijah, nandito na sya ah? Pero bakit nakapatay ang ilaw?

Agad ko lang hinanap ang switch at ng magtagumpay ako


“ BOOOM!”

Nagulat ako sa isang putok at biglang sabog ng mga palamuti sa ere, ng idilat ko ang mata ko, nakita ko lang ang mga nakalagay sa lamesa, ang daming pagkain at may banner pa ng congratulations na hawak ni Elijah.

“ congrats brothah! Ang galing mo kanina!” pambubungad nya

“ walanghiya ka, halos atakihin ako sa puso sa lintek na paputok nay an!” hindi na sya umimik at tinwanan lang ako.

“ anyways, samahan mo ako bukas ha, mamimili ako ng mga pasalubong sa mga kaibigan natin”

“ sige yun lang pala eh”

Hanggang sa nilantakan na namin ang mga nakalagay sa mesa. Ang sasarap friends! Haha!

I must say na sa halos isang taon na pagtira ko ditto sa Singapore, may mga pagbabagong nangyari sa akin lalong lalo na sa katawan ko, medyo nagkalaman ako at nag ka abs haha! Medyo lang naman. Yun nga lang, nawalan talaga ako ng connections sa mga magulang ko at kila zandro dahil lagging kinakain ng oras ko ang academics at pag eensayo. I’ll make sure na pagdating ko sa pilipinas, babawi ako sa kanila, if I know, tatalakan nanaman ako nun ni Zandro.


“ wawait, pasensya sa itatanong ko bunso ah,”

Bunso na ang tawag nya sa akin magmula nung mga unang buwan naming dito. Nung una nga Anak dapat eh, kasi sabi ni sir Garcia, sya daw yung tatay tapos si Elijah yung nanay at ako yung anak nila. Hahaha! Grabe, patay na patay si Sir Garcia kay Elijah. Pero tong si Elijah pakipot pa! eh may gusto rin naman sya don! Arti arti kala m priti. Haha!

Pero honestly nakaramdam ako ng kaba sa itatanong nya

“ ano yun?”

“ handa ka na bang umuwi sa pilipinas?”

Sus yun lang pala eh!

“ oo naman! Miss na miss ko na sila no”

“ no no, I mean, ready ka na bang makaharap syang muli”

Boom! Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni kuya.

Handa na nga ba ako? Natatakot ako sa mangyayari eh, pano kung magkita kami sa di inaasahang pangyayari na may karelasyon na sya?

Kakayanin ko kaya?

Paano kung kinalimutan na nya ako?

Kakayanin ko ba?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa sobrang kaba at takot.

“ hindi ko alam Elijah, natatakot ako sa mangyayari, natatakot akong nagmahal na syang muli samantalang ako umaaasang papanindigan nya ang sinabi nya”

Hindi tinugon ni Elijah ang sinabi ko bagkus niyakap nya ako ng mahigpit.

“ wag kang mag alala, nandito lang ako okay? Bubugbugin ko yun kapag may iba na sya, pero may naisip ako eh “ sabi nya ng may nakakalokong ngiti.

“ ano yan? Kinakabahan ako sa sasabihin mo ha!” sabay suntok ko ng pabiro sa kanya.

“ kung noon, ikaw ang pinaglaruan nya, bakit kaya hindi natin gawin ang ginawa nya sayo?” sabay ng nakakaloko nanaman nyang ngiti

“ nako, ayoko na, mamaya msaktan nanaman ako dyan.” Ang pagtutol ko

“ no, making ka, simple lang naman eh, pagdating natin sa pilipinas, magpapanggap tayong magkarelasyon, at kapag nararamdaman mong nag seselos sya, edi go na! o diba? At least napatunayan nating mahal ka pa rin nya”

Agad naman akong napaisip sa sinabi nya, kung kanina lang natatakot ako sa mangyayari dahil sa iniisip kong may mahal na si Dave pero hays. Bahala na nga!

“ sige payag na ako”


( FASTFORWARD)

Dumating na ang pinakaiintay naming araw, narito na kami sa airport, at ilang oras na lang, nasa pilipinas na rin kami. Buti na lang at nakasama si Elijah sa plane na sasakyan naming. At mabuti na lang na sya ang katabi ko.

Ewan ko pero kinakabahan ako sa gagawin naming ni Elijah, pero bahala na. gusto ko rin kasing malaman kung mahal pa ba talaga ako ni Dave, at para makaganti na rin kahit papaano haha!

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang bumabyahe at nagising na lang ako ng kurutin ni Elijah ng pino yung pisngi ko

Ang sakit non oh!

“ hoy bata gising na, laway mo oh!” sabay turo nya sa pisngi ko

Agad naman akong pinamulahan dahil sa hiya.
                                                  
“ joke lang haha. Tara na”






Dave’s POV



Ilang minuto na rin kaming nag aantay dito sa Airport, ngayon kasi ang dating nila axel. Di ako masyadong nag prepare dahil kinakabahan ako.

Sa sobrang kaba, may dala lang naman akong malaking teddy bear, bulaklak at chocolates na pinabili ko pa sa ibang bansa.

HINDI TALAGA AKO PREPARED PROMISE.

Sobrang kaba na ang nadarama ko dahil nakikita ko na sa screen na narito na sila, nakikita ko ang iba nilang kasama hanggang sa unti unti na silang nag sisilabasan, hinanap ng mata ko si Axel pero wala pa rin sya


“ ano na nasan na si best? Ba’t parang ang tagal naman nya lumabas?” untag sa akin ni Zandro

“ Hindi ko nga rin alam eh, kinakabahan ako”

Hanggang sa Makita ko si Elijah na papalabas

“ si Elijah ayan na! baka nandyan na si best!”

Lalo naman akong kinabahan hanggang sa unti unting lumabas siyang lumabas


Lumabas sila ni Elijah ng sabay at magkahloding hands pa.

Halos manlumo at manlambot ang tuhod ko sa nakita ko, namumuo na rin ang mga luha ko sa nangyari.

Ganito pala masaktan ng todo, akala ko masakit na noong una eh, pero mas masakit palang Makita mong may iba na sya. Sobrang sakit!

Agad ko lang nilisan ang airport at hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Zandro.





Axel’s POV


Ready na kaming lumabas, kita ko lang ang mga magulang at mga kaibigan ng iba kong kasama na nagsisikawayan at nagyayakapan sa mga kasama naming, nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Elijah ang kamay ko.


Nagulat man pero hindi na ako umalma, planado to eh

“ nasan na bas i Zandro? Sabi nya nandito na sya?” untag sa akin ni Elijah

“ oo nga eh, pero wala akong maamoy sa aura ni zandro”

1 message received

-         Best di na ako nakapunta, may emergency ditto sa bahay eh sorry-

Ang text sa akin ni zandro

“ nako Elijah, wag na tayong umasa na nandito sya, may emergency daw sa kanila kaya di sya makakapunta”

Tinungo lang namin ang sakayan ng taxi dhail parehas kaming walang sundo, busy sila mommy at ganun din ata ang sa kanya.

Hirap ng may busying pamilya no!

Habang naglalakad, nakita ko lang ang isang malaking teddy bear at isang boquet ng flowers with chocolates ang nalapag sa daanan

“ tignan mo Elijah oh, kawawa naman yung may ari nyan, siguro sawi yan tsk” pag turo ko sa direksyon kung saan nakalagay ang mga iyon

“ oo nga no? teka teka, hayan na yung taxi tara na”

Hanggang sa tuluyan na naming nilisan ang airport.


Pagdating sa bahay, hindi na ako nagtaka na tahimik ang bahay, ano pa nga bang aasahan ko, busy silang lahat, pati si kuya, may pamangkin na rin kasi ako. Infariness, ang ganda ni angel! Next year na rin sila magpapakasal ni ate Deanne.

“ manang?”

“ manang? Nandito na po ako!”

Pero nakailang beses na ako pero wala pa ring sumasagot

“ wala ka bang susi?”

“ ay oo nga pala meron”

Hanggang sa tuluyan ko ng binuksan ang pinto


“ welcome back axel!!! We miss you!!” sabay sabay nilang sabi

Halos maluha ako sa nakikita ko, si mommy, si daddy si kuya jeam, si baby, si ate Deanne, sila manang, at higit sa lahat, yung tropa.

Pilit kong pinipigilan ang luha ko pero masyadong malakas ang pwersa ng damdamin ko ngayon kaya napaiyak na ako ng todo. Niyakap lang ako nila mommy at daddy

“ namiss ka naming anak, ang galing galing mo ng umarte ah” ang sabi ni daddy

“ namiss ko rin po kayo daddy”

“oh teka teka, pasali ako dyan, namiss ko yung prinsesa natin sa bahay oh, hahaha!” ang pang aalaska ni kuya!

“ mommy oh! Si kuya!”

“ nako pagbigyan mo na ang kuya mo, namiss ka nyan sobra kung alam mo lang”

“ my tama na okay na” ang pagputol ni kuya kay mommy

“ ganito kasi ana…” hindi na pinatapos pa ni kuya si mommy dahil niyakap nya ako ng mahigpit at binuhat palayo kila mommy.

Ano kaya yun?


Hanggang sa magkamustahan kaming lahat, puro kami tawanan lalo na ang tropa. Pero napapansin kong parang iba yung kinikilos ni Zandro. Parang may mali?

“ zandro? Okay ka lang? okay na yung problema kila tita?”

Tinignan nya naman ako ng madiin. Kinabahan ako dahil minsan lang tumingin ng ganyan si zandro, at kapag tumingin sya ng ganyan, isa lang ang ibig nyang sabihin. May ginawa nanaman akong mali.

“ halika nga dito” sabay hila nya sa akin, at nagulat na lang ako ng pati si Elijah, ay hinila nya rin

“ now tell me, anong namamagitan sa inyong dalawa? Aber?!” ang pang bungad nya.

“ what? Anong samin?” ang pagsingit ko

“ anong anong samin? Nakita ko kayo sa airport ng magkaholding hands!” ang nang gigigil na sabi ni zandro

“ tek, teka, akala ko ba di ka pumunta ng airport?!” ang naiinis ko ring sabi. Nakakainis na. bakit ganyan sya umasta?!

“ hindi mo ba alam? Na halos dalawang oras kaming nagantay sa pagdating nyo, tapos ganoon yung makikita namin?”

“ namin? Sinong kasama mo?” ang pagsingit ni Elijah.

“ kasama ko lang naman si dave, buong taon kang hinintay ng tao tapos ganon lang pala ang mangyayari?”


Hanggang sa nalaman ko ang lahat.

Sa kanya pala yung teddy bear na malaki na nakahandusay sa daanan at yung flowers and chocolates na naroon, na para pala sa akin dapat. Nalaman ko ring lumipat sya ng course nya at nagging consistent deans lister, malaki daw ang pinagbago ni Dave para sa akin. Halos manlumo ako sa mga narinig ko, hindi ko naman binalak at ginusto na mangyari yun eh. At hindi ko namalayang umiiyak na pala ako


“ mygad! Ano ba kasing pumasok sa kokote nyo at naisipan nyo yang dalawa ha?! Diba nag huling sabi pa nga sya sayo axel na hihintayin ka nya?”

“ natakot lang kasi ako nab aka may iba na sya Zandro” ang umiiyak ko pa ring sabi

“ at ikaw Elijah?! Anong pumasok sa kokote mo at bakit mo naisipan yang pagpapanggap nyo ha?!” sabay pingot nya sa tenga ni Elijah.kitang kita ko lang ang pag aray ni Elijah sa tindi ng pingot sa kanya ni Zandro

“ nako, ayusin nyo yan, bago pa mahuli ang lahat, ayusin nyo yan ha! Sinasabihan ko na kayo”

“ teka teka, hindi mo k tutulungan?” ang pag untag ko sa kanya

“ mukha mo, pinasok mo yan kaya solusyunan mo, malaki ka na “ sabay walk out niya papaalis sa amin







Dave’s POV


Buong araw akong nagkulong sa kwarto, iniisip ang nakita, parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang nangyari. Kanina pa rin tawag ng tawag si Zandro pero hindi ko magawang sagutin. Sobra akong nasasaktan sa nangyayari. Akala ko sapat na ang isang taong pagdurusa ko at pilit na pagbabago ko para sa sarili ko mapatunayan ko lang kung gaano ko sya kamahal, kaso hindi pala. Siguro eto na ang karma ko sa lahat n nangyari.

Wala akong ganang kumilos, nakaka 8 bote ng alak na rin ako ng mapagpasyahan kong lumabas at sa labas uminom. Gusto kong makalimot panandalian, gusto kong makalimutan ang nangyari.


Muling tumawag si zandro and this time sinagot ko na sya

“ he-hello?”

“ hoy ulupong! Nasan ka?!”

“ okay lang a-ako, i-iinom lang ako sa labas”

Hanggang sa napagpasyahan nyang samahan muna ako.


Nandito kami ngayon sa isang bar sa quezon city, at order lang ako ng order ng maiinom, pota. Parang walang talab ang mga iniinom ko!


“ ganoon ba ako kasama zandro? Ganoon ba ako kasama para ilayo ng tadhana sa akin ang taong mahal ko ha?! Sabihin mo nga!” ang pagburst out ko kasabay ng mga luhang dumadaloy sa aking pisngi

“ ano kasi dave eh..”

“ ano?! Sasabihin mo sa aking nakamove on na si Axel?! Pano naman ako?! Isang taon ko syang hinintay tapos mawawala rin pala ng saysay ang lahat? Pinilit kong baguhin yung sarili ko para sa kanya, pero eto lang pala ang mapapala ko, ang masaktan ng ganito” at tuluyan na akong umiyak ng todo.

Naramdaman ko lang na hinahaplos nya ang likod ko at niyaya ng umuwi dahil na rin sa kalasingan.

Ng makauwi ako pilit kong kinakaimutan ang lahat pero wala pa rin. Alas kwatro pasado na rin ng madaling araw pero parang hindi ako dinadapuan ng antok dahil sa nangyari. Iniisip kong siguro ganito ang dinanas ni Axel nung saktan ko sya ng todo, kaya siguro pinaparanasrin sa akin ng tadhana ang nangyari sa kanya.


Nang magising ako ng alas dos pasado ng hapon, sobrang sakit ng ulo ko, halos hindi ako makagalaw sa sobrang sakit, ng biglang tumunog ang cellphone kong nasa gilid ng kama ko.

Agad ko lang inabot at tinignan kung sino ang tumatawag, si zandro lang pala

Pinilit ko pa ring sinagot ang tawag kahit masakit ang ulo ko.

“ he-hello arrghhh!”

“ oh anyare sayo? Inom pa more bh3! Natuwa ka eh. Nasan ka? Mag usap tayo”

“ next time na lang zandro, gusto ko munang mag isip, gusto ko munang mapag isa”

Hanggang sa pinatay ko na ang tawag. Pinikit ko lang ang aking mata para bumawi ng tulog at magpawala ng sakit ng ulo


Almost 9 pm na rin ng magising ako at salamat dahil hindi n masyadong kumikirot ang ulo ko. Agad ko lang tinungo and C.R at naligo.

Habang naliligo, pilit kong inisip ang nangyari kahapon, pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na panaginip lang ang lahat, n asana hindi totoo ang nakita ko. Kaso hindi, kailangan kong harapin ang realidad na si Elijah at Axel na.


Napagdesisyunan ko ring magpakalayo layo muna kahit ilang araw lang, napagdesisyunan kong pumunta ng bicol bukas para makapag unwind at makapag isip isip at mbisita ko na rin sila lola at lolo na matagal ko ng hindi nakikita


Matapos kong maligo, agad lang akong tumungo sa kusina par kumain at pagkatapos noon at umakyat na rin sa kwarto para magpahinga ulit.


Ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko, nakita ko lang ang isang unregistered number na tumatawag sa phone ko, hindi ko ugaling sagutin ang ganitong tawag pero may nag uudyok sa akin na sgutin pa rin ang tawag.


Hanggang sa napag desisyunan ko ng sagutin ang taong tumatawag sa kabilang linya


“ he-hello Dave?” shit! Kilala ko ang boses nay un. Pinipigilan ko lang ang luha ko na dumaloy dahil onti na lang ay bibigay na siya. Sobr kong namiss ang boses nya na masarap pakinggan na mala anghel ang tinig

“ hello?”

“ uhm, Dave kasi ano…”

“ not now axel, pasensya na kung umasa akong magkakabalikan tayo, buti ka pa naka move on na, ako kasi hindi eh, lalo kitang minahal. Pasensya na kung wala akong nagawa, pinilit ko kasing baguhin yung sarili ko para patunayan sa iba na karapatdapat na ako para sa iyo eh kaso hindi pala”

Hindi ko na sya inantay pang sumagot dahil sobra na ang buhos ng mga luha ko sa aking mata.


Kinabukasan, hinanda ko lang ang mga dadalhin ko, nagpaalam na rin ako kila mama at papa at buti na lang na kahit noong una ay tutol sila ay pumayag na rin sila kalaunan matapos malaman ang nangyari. Suportado ng pamilya ko ang pagmamahal ko para kay axel kaso mukhang huli na.

Pilit kong papasayahin ang sarili ko sandali at kakalimutan ang nangyari. Tinanggal ko lang ang sim ko dahil ayoko muna ng istorbo.

Tanging music lang ang gagamitin ko para sa pagbyhae ko at buti na lang rin at pumayag si papa na gamitin ko ang sasakyan nya. Kaso yun nga lang, kelangan pang sumama ni mang nando dahil hindi ko naman alam ang way papuntang bicol. HAHA!

Nakaready na ang lahat, 3 days lang naman akong mawawala, at sisiguraduhin kong sa 3 days nay un ay kahit papaano ay magiging okay na ako. Kahit papaano, hindi man totally pero sana kahit papaano man lang.







Axel’s POV   



“ ayan! Kita mo ng nangyari? Ang arte arte mo kasi, pumayag ka pa sa pagpapanggap nyo ng Elijah nay un ang sarap sapakin nakakainis!”

Matapos kong ikwento ang nangyari kagabi sa amin ni Dave, galit na galit si Zandro na nag sesesermon sa akin

“ sasabihin ko naman na dapat eh, kaso pinangunahan nya ako”

“ ay te? Gaga ka talaga, malamang! Nasaktan mo yung tao! Hello?! Isang taon nag tiis yun eh alam mo ba yon?ay nako, sana lang talaga hindi mauntog yang si Dave at baka pag yun ang nangyari nako, magulat ka na lang, hindi ka na pala mahal non nako talaga nako”

“ punyeta ka rin eh no, himbis na palakasin mo loob ko tinatakot mo pa ako” ang nainis kong sabi

“ aba, aba! Anong gusto mo? Matuwa ako sa nangyari? Axel naman, oo kaibigan mo ako at kapatid na rin ang turing, pero sana man lang kasi bago ka gumawa ng aksyon siguraduhin mong maayos yung pagkakaplano,”

Tama naman sya e, bakit pa kasi ako pumayag, edi sana masaya na kami ni Dave ngayon, edi sana nung nalaman kong mahal nya pa pala ako eh ipinararamdam ko na sa kanya ngayon kung gaano ko sya kamahal simula noon pa.

Sana lang talaga masolusyunan ko ang gulong pinasok ko.


2 Days na ang nakalipas pero wala pa rin akong balita kay Dave, sinubukan ko syang tawagan ng paulit ulit pero wala rin. Mukhang nakapatay ang sim. Sinubukan ko ring puntahan siya sa bahay ng mga magulang nya pero bigo akong malaman kung nasaan sya.

Natatakot na ako sa nangyayari, hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari pagkatapos ng lahat. Parehas na kaming nasaktan ng sobra at ayoko ng maulit pa ang lahat. Pag bigyan sana ako gn tadhana na maitama lahat ng pagkakamali naming dalawa at magsimula ulit.


“ tsk, alam mo ba nung wala ka? Pilit yang nagkwekwento sa akin na pagdating mo daw, aayain ka nan yang mag pakasal, nakausap na rin daw nya kasi sila tito at tita regarding this plan, sinermunan nga daw sya nung una pero hindi sya nagpatinag, kaya ayun hanggang sa huli, pumayag sila na ipaubaya ka na kay Dave, kasi ultimo sila, nakita ang pagbabago kay Dave, ikaw na lang talaga ang hinihintay para maisakatuparan ang lahat kaso mukhang nagkagulo gulo na ang nangyari” ang mahabang paliwanag ni zandro.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng malamang gusto akong pakasalan ni Dave, sya ang una kong minahal at alam kong sya lang rin ang huli kong mamahalin sa buhay, kung hindi man maging kami sa huli, magpapakatanda na lang siguro ako ng mag isa. Mas gugustuhin ko pang mabuhay mag isa kaysa pilitin ko ang sarili ko na mag mahal ng iba kahit si Dave at si Dave lang talaga ang isinisigaw nitong puso ko.





Dave’s POV


It’s been 2 days magmula ng lisanin ko ang manila, laking tuwa ko ng salubungin ako nila lolo at lola at ng iba ko pang pinsan ng maigpit na yakap. Sobra nila akong namiss at ganoon din naman ako. May konting salo salo at inuman, at ngayon kahit tanghaling tapat eh umiinom kami. Tama na rin siguro to, para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon


“ insan, matanong ko lang ah, bakit parang biglaan naman ata ang pagdating mo dito” ang biglang sabi ni kuya elvie.

“ wala, namimiss ko lang talaga sila lola at kayo” pagpapalusot ko.

Pero mukhang hindi uubra sa kanya yung palusot ko. Napapaligiran ata ako ng mga taong mind reader eh.

“ yung totoo sige na, at baka makatulong ako”

Hanggang sa naikwento ko na ang lahat, lahat lahat. Akala ko noon una hindi nya matatanggap na nagmahal ako ng isang lalaki pero nagkakamali ako. Tinanggap nya ako ng buo at ang hindi ko inaasahan ay lahat na pala sila ay nakikinig sa usapan naming ni kuya elive.

Masaya ako na tinanggap pa rin nila ako ng buo kahit na ito ang kaunaunahan pangyayari na magkakaroon ng isang tulad ko na umibig sa kapwa ko sa pamilya naming

“ alam mo Dave, ang pag ibig, hindi yan para lang sa lalaki at sa babae, kahit sino pwedeng makaramdam nito at higit sa lahat, kahit kanino, walang pinipili ang pag ibig, kapag alam mong sya na, wag mo ng pakawalan pa, kung lalaki man sya, tanggapin mo, hindi naman masamang magmahal sa kapwa mo eh, ang masama ay pilitin ang sarili mong mahalin ang iba dahil lang sa hindi tanggap ng nakararami ang pag iibigan nyo, wag mo silang intindihin, hindi ka nabuhay para iplease lahat ng tao. Sabi nga ng damit ni kuya Juno mo oh, You Only Live Once, kaya ienjoy mo lang lahat” ang mahabang pananaw ni lolo.

Yan ang lolo ko, lakas maka bagets haha.

Pero tama si lolo, pero ano nga ba ang ikinatatakot ko?

“ pero kasi po, nung nakita ko sya sa airport, may kaholding hands na eh, sobrang sakit po, lalo na’t isang taon akong nag antay sa pagbalik nya” ang mangiyak ngiyak kong sabi

“ halika buknoy” ang pagtawag sa akin ni kuya Elvie

“ kuya naman eh!” kabwisit. Ayoko ngang tinatawag ako sa palayaw ko eh

“ haha, de halika” sabay akbay sa akin

“ alam mo, hindi porke nakita mong magkaholding hands lang ang dalawang tao, eh may relasyon na, marami nga akong nakikita dyan na mag totropa sa labas na magkakahawak kamay eh pero magkakaibigan lang sila, alam mo ang maganda, alamin mo sa kanya mismo kung ano ba talaga ang nangyayari, masamang mag jump tayo sa isang konklusyon na hindi naman tayo sigurado. Tandaan mo, maraming namamatay sa maling akala. At yang pag alis mo? As lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon, paano kung mahal ka rin nya gaya ng pag mamahal mo sa kanya? Kung ako sayo, tawagan mo na sya ngayon na, go!” sabay tulak niya sa akin.


Kita ko lang ang pagtango nila sa akin tanda ng pagsang ayon nila sa suhestyon ni kuya elvie.

Kaya agad akong humugot ng lakas ng loob para isalpak ang sim ko, matapos mag loading, sunod sunod ang appear ng unregistered number na paniguradong si Axel ito, halos 59 missed calls ang natanggap ko sa kanya. Tatawag na sana ako ng biglang mag appear ang number ni Zandro. Tamang tama, kailangan ko ng tulong.


“ he-hell zandro?”

“ PUNYETA KA! SA WAKAS SINAGOT MO NA RING HINAYUPAK KA!”

“ oh bakit ka galit na galit!” ang pasigaw ko ring sabi

“ ANIMAL KA, ILANG ARAW KA NG KINOKONTAK TAPOS DI MO SINASAGOT HINAYUPAK KA! TAPOS MALALAMAN KONG NASA BICOL KA PALA! BTW PASALUBONG AH. ANYWAYS, YUN NGA! SI AXEL!”

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya

“ ano?! Anong nangyri kay axel? Anong lagay nya?! Okay ba sya?! Ano na?!!!!” ang pag aalala ko

“ kita mo tong tarntadong to, lalayo layo tapos kung makapag alala kala mo kung sinong namatayan pwe!”

“ ano nga! Puta naman oh!” ang naiinis ko ng sabi

“ o chill lang, okay lang naman sya, pero kasi nag aalala na sya sayo”

“ ha? Sa akin?”

“ oo gago ka, hindi ako dapat ang magsasabi nito eh pero puta ka, hindi mo sinasagot yung tawag nya eh kaya ako na magsasabi, ready ka na ba?”

“ oo”

“ ready ka na talaga?”

“ puta oo nga bubugbugin kita eh!”

“ sige gawin mo nga! Sumbong kita kay axel”

“ hindi joke lang, sige na ano yun?”

“ yung totoo kasi, hindi naman sila ni Elijah, nagpanggap lang sila dahil natatakot si Axel na baka mayroon ka ng iba. Tapos!”

“ seryoso?!!!”

Hindi ko na sya pinatapos pang magsalita dahil pinatay ko na agad ang call at dali daling pumasok sa bahay

“ mang nando! Ihanda nyo nap o ang sasakyan babalik na tayo ngayon sa manila!” ang sigaw ko

“ oh ang bilis naman apo?”

“ la, kukunin ko lang po ang naiwan ko sa manila, babalik rin po ako ditto pag nakuha ko na yung kalahati ng puso ko na hawak ng mahal ko”

“ yown! Nag drama si loko!”

“ sir aka talaga kuya elvie. Sige balik na lang ulit ako ditto”

“ ingat kayo”

At dali dali na nga kaming umalis ni mang nando patunong maynila.

Mahaba haba ring byahe ito kaya inerelax ko muna ang isip ko at nag isip kung paano ko iaapproach si axel. Hanggang sa hindi ko nalamalayang nakatulog na pala ako


Ng magising ako, narito na kami ngayon sa alabang at onti na lang at nasa edsa na kami biglang may mag overtake na truck sa amin sa di inaasahang pangyayari





Axel’s POV



Huli ko nang malamang nasa bicol pala si Dave, pupuntahan ko sana pero ang sabi ni Zandro ay baka papunta na rin siya ditto ngayon matapos malaman ang katotohanan, laking pasalamat k okay zandro dahil pinakinggan sya ni Dave at inaantay ko na lang ang pagdating nya


Narito ako ngayon sa sala nanunuod ng movie dahil wala akong magawa, bakasyon na rin kasi namin.


“ A-axel” Ang pag bungad ni zandro. Bakas sa mukha nya ang takot at pangamba kaya nakaramdam din ako ng takot

“ anong nangyari?” ang kinakabahan kong sabi

“ si Dave”

“ anong nangyari kay dave?!” ang maluha luha kong sabi

“ naaksidente sya at bumangga sa truck na nakabungguan nila”

Matapos malaman ang nangyari, napaluhod na lang ako sa nalaman ko, para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa nangyari. Kung hindi lang sana ako nag inarte pa ay sana maayos na ang lahat, na sana masaya na kami ni Dave ngayon. Pero mukhang panibagong unos nanaman ang kakaharapin naming dalawa.

“ nasaan sya?”

At agad din naming tinungo ang hospital kung saan dinala si Dave

Nakita ko lang sila tita na akap akap ni tito habang nakasubsob ang mukha marahil sa pag iyak sa nangyari kay Dave

“ ti-tito, ano na pong nangyari kay Dave?” ang kinakabahan kong sabi

“ anak, sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanila, na comatose si Dave, at wala ng kasiguraduhan pang didilat pa sya”

Matapos malaman ang kinalabasan ng pangyayari, hindi ko na namalayang grabe na ang buhos ng luha ko at dali daling tinungo ang kwarto ni Dave, agad ko syang nakita ng maraming nakakabit na aparato sa kanya. Sobrang sakit Makita na ang taong mahal mo ay walang malay at tanging mga aparato na lang ang bumubuhay sa kanya.

“ Da-dave? Gising ka diba? Gising na dave, ang daya mo naman eh, sabi mo mahal mo ko, sabi mo mag iintay ka eh, bakit natutulog ka lang dyan? Tayo na dave, please dave, gumising ka na, ang sakit na dave eh, ayoko ng masaktan pa, mahal na mahal kita daaaaveee!” ang umiiyak kong sabi.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na ibuhos lahat ng luha ko, kung kukunin lang din sya sa akin, kunin na lang din sana ako dahil wala na ring saysay pa ang buhay ko kung wala na ang taong minahal ko at mamahalin ko ng buong buhay ko.


Buong araw akong nagbantay kay Dave at kahit anong pilit nila tita, hindi ako pumapayag na umuwi, dahil isa lang ang gusto kong gawin, ang bantayan ang taong mahal ko at umaaasang gigising din sya.

“ anak magpahinga ka muna sige na” untag ni tita sa akin

“ tita please, hayaan nyo na po muna ako ditto, gusto ko pong bantayan si Dave, sapat nap o ang isang taon na magkahiwalay kami, gusto ko pong bumawi. Gigising po sya tita, kung hindi man para sa akin, para sa inyo po tita. Mahal na mahal kayo ni Dave.”

“ mahal na mahal ka rin nya anak, ibang iba ang ipinakita ni Dave sa amin ng dahil sayo,ng dahil sa iyo naibalik ang totoong dave na sobrang mapagmahal, bonus na lang na mas bumait pa sya ngayon, kaya maraming maraming salamat sa iyo anak, dahil sa’yo naipakita ni Dave ang totoong sya sa harapan ng maraming tao at lalong lalo na sa taong mahal nya, at ikaw yun axel”

Agad lang akong niyakap ni tita dahil kitang kita ko rin ang sakit sa mga mata nya.


Dumaan ang isang linggo at wala pa ring malay si Dave, hindi pa rin ako umuuwi sa amin dahil gusto kong ako ang magbabantay sa taong mahal ko. Dinadalhan na lang ako nila yaya ng damit pampait at ditto na rin ako naliligo dahil private room ang kinalalagyan ni Dave.

Ayokong umuwi dahil ayokong magkahiwalay pa kami ni Dave. Hindi pa ako handa na mawala sya sa akin at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.


“ anak umuwi ka muna, may problema sa bahay, si Angel mataas ang lagnat” ang pagtawag sa akin ni daddy sa cellphone.

Lalo naman akong kinabahan dahil hindi pa nga tapos ang problema ko may panibago nanamang darating.

“ tita, tito, kailangan kop o munang umuwi, may problema po sa bahay eh”

“ sige iho, mabuti na rin iyon at makapagpahinga ka na kahit papaano”

Pagkatapos kong mag ayos, tinungo ko lang ang sakayan at pumunta sa bahay, halos isang oras din ang itinagal ng byahe dahil malayo ang hospital na kinalalagyan ni Dave, sa bahay namin.


Ng makarating ako sa bahay, nagtaka man ay pumasok pa rin ako

“ mommy? Daddy?” nasaan sila? Bakit parang walang tao ditto?

“ yaya? Kuya? Ate Deanne?”

Napagpasyahan kong tawagan na lang sila

“ hello? My? Nasan kayo? Akala koba nasa bahay kayo? Eh wala naman kayo dito eh?”

“ anak, isinugod na naminsa ospital si Angel dahil lumalala ang lagnat nya, nandito kami sa ospital kung san naka confine din si Dave pasensya na anak, natotorete na kasi kami”

“ sige mommy naiintindihan ko, papunta na po ako dyan”

Pagkatapos kong makausap si Mommy, pumara agad ako ng taxi at buti na lang pumayag si manong kahit sobrang layo ng ruta ng dadaanan namin.

Habang nasa byahe, tumawag si mommy na okay na daw si Angel at medyo bumuti ang kalagayan, kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. Ang room pala nya ay katabi lang ng room ni Dave.

Habang nasa daan, pilit akong nag dadasal sa kalagayan ng taong mahal ko, na sana isang araw gumising na sya.

Ng makarating ako sa ospital, tinungo ko lang ang kwarto ng angel ng Makita nya ako ay tinawag nya ako

“ tata xel!” pero bakit ganoon? Bakit parang hindi naman sya ang kasakit?

Lalapit na sana ako ng biglang pumasok ang mommy ni Dave ng umiiyak

“ kumara, tulungan nyo ako, hindi na humihinga si Dave, nirerevive sya ngayon ng mga doctor” ang umiiyak na sabi ni tita

Biglang bumuhos ang mga luha ko sa sobrang takot. Ayokong mawala si Dave sa akin, hindi pa ako handa.

Ng Makita naming ang doctor, nakita ko lang syang umiling tanda ng hindi na nila nakayanan pang iligtas si Dave.

Halos gumuho na ang mundo ko ng makitang nakatakip na ng puting tela ang buong katawan ni dave, wala na ring mga aparato na nakadikit sa kanya tanda ng wala na syang hininga. Iyak ako ng iyak habang sila mommy ay pilit na pinapatahan si tita habang si tito ay hindi alam ang gagawin, lumapit lang ako sa taong mahal ko at niyakap ng pagkahigpit higpit

“ dave? Ang daya mo talaga, sabi mo hihintayin mo ako eh, sabi mo kahit anong mangyari mag iintay ka, pero bakit ngayon? Iniwan mo ako?paano na ako dave?”

Tinanggap ko lang ang takip nya sa mukha. Para lang syang mahimbing na natutulog. Napaka aliwalas ng kanyang mukha. Hanggang sa hinalikan ko sya sa labi nya

“ pasensya na dave kung hinalikan kita ah, first time ko kasing ginawa yun eh, di naman ako nag karoon ng chance na mahagkan ka kahit sandali, kaso eto na ata ang first and last kiss ko, paano na ako dave? Ikaw lang ang gusto kong mahalin sa buong buhay ko, bakit mo naman ako iniwan? Akala ko pa naman walang iwanan pero nauna ka na, ang daya daya mo na naman eh, Dave, hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino, hinding hindi. Pipilitin ko ang sarili kong buhay ka sa alala ko para kahit papaano masaya pa rin ako. Sabi mo gusto mokong pakasalan? Kinausap mo na nga rin daw sila mommy at daddy eh, ako rin dave, gusto kitang pakasalan, pero kinuha ka na agad sa akin. Hayaan mo, darating ang araw na magkakasama rin tayo. Iisipin ko na lang na ikakasal pa rin tayong dalawa”


Ilang minuto ko na ring syang yakap yakap habang umiiyak. Hanggang ditto na lang siguro ang love story ko, siguro nga eto ang nakatadhana para sa akin. Kung kailan dumating yung panahong mahal na nya rin ako saka naman nangyari ang lahat ng ito.

Akap akap ko lang sya habangg umiiyak ng biglang may magsalita









“ sigurado ka? Papakasal ka sa akin?”

Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na totoo ang naririnig koat hindi guni guni lang




“ oh? Akala ko ba, magpapakasal ka sa akin? Eh bakit nakayuko ka lang dyan?”


“ dave, bakit ganoon? Naririnig ko ang boses mo, sana gising ka at totoo ang mga naririnig ko” ang umiiyak kong sabi habang nakasubsob ang mukha ko sa kama habang akap akap sya

“ totoo naman naririnig mo eh, ayaw mo lang tumingin sa akin”

Bigla akong kinilabutan ng marinig ko kung sino ang nag sasalita

Ng idilat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanyang mukha


Laking gulat ko na nakadilat sya at nakangiti


Nakangit sa akin?


“ bu-buhay ka?” ang umiiyak ko pa ring sabi

Tanging tango lang ang ibinigay nyang sagot sa akin.

“ pero pa-paano… di-dibaaa..”

“ best sorry, hindi naman kasi talaga sya naaksidente, kinontsaba nya lang kami para gantihan ka, hindi totoong naaksidente sila, oo toto yung sa truck pero nakaiwas si mang nando, si mang nando pa? eh magaling na driver yun, kaya ayun, hehehe pasensya na ah?” ang pagsingit ni zandro

“ you mean..”

“ yes anak, planado lahat ng ito,” ang sabi ni mommy

At biglang nagsilabasan na nga ang pamilya ko at pamilya ni Dave, pati ang buong tropa at

At si Sir Garcia?!

“ Te-teka, so ako lang ang hindi nakakaalam nito?” ang nagtataka kong tanong

“ malamang te, kung alam mo edi sana walang ganito, shunga beks? “ ang sabi ni zandro at nagtawanan silang lahat

Ibinaling ko naman ang paningin ko kay Dave na tumatawa rin ng biglang kagatin ko ang braso nya at kitang kita kong napangiwi sya sa sakit.

“ aray naman mahal! Masakit yun ah!”

“ tama lang yan!”

“ teka teka, wala ng bawian ah? Sabi mo ikakasal ka na sa akin, wala ng bawian period no erase padlock tapon susi”

“ hmmmp!! Oo na! pasalamat ka mahal kita kahit hindi magandang biro to!! Kainis!”

At nag tawanan na silang lahat at wala na rin akong nagawa at nakitawa na lang rin.


Napakasarap mabuhay habang kasaa mo ang taong mahal mo, dumaan man ang unos pero handa kang harapin ito sa ngalan ng pagmamahal nyo para sa isa’t isa, magkaiba man kami ng hinarap na unos, pero isa lang ang destinasyon namin.

At iyon ang pagmamahalan naming wagas.

Hindi masamang sumubok, dahil minsan ang pag subok na ginagawa natin ang syang magmumulat sa atin sa reyalidad, reyalidad kung saan mapapatunayan mo at makikita mo kung sino at para kanino ka nabubuhay. Binigyan man kami ng pagsubok pero napagtagumpayan namin na harapin ito sa ngalan ng pag iibigan naming dalawa.

Matapos naming harapin ang mga unos na dumating sa amin, nanatili kaming malakas at matatag, at bukas gaganapin ang pag iisang dibdib naming dalawa.


Ako si Axel Delos Reyes na bukas ay magiging proud Axel Delos Reyes Sandoval, at salamat sa pakikisama at pakikibahagi ng aking buhay. Maraming salamat sa pakikinig at pagpapayo ninyo sa akin. Hindi masama ang umibig sa kapwa, ang masama ay magpanggap at ipilit ang sarili sa ibang bagay na hindi natin ikakasaya


Maraming maraming salamat. Hanggang sa muli! Paalam!










-   The End : Love Game 2015-

13 comments:

  1. Maganda ang story mo. Sana may kasunod na naman. Take care. Good luck and God bless.

    ReplyDelete
  2. grabe super ganda po nung story!!!! Naiyaj na ko dun sa part na pina-prank lang pala sya. Sobrang galing nyo po author and sana po hindi ito yung last na kwentong isusulat at isinulat nyo! Please continue to write stories cause you have the talent to write such great stories and sana i-share nyo pa po yang talent nyong yan sa iba sa pamamagitan ng pagsusulat! Thank you and God bless always 😂

    ReplyDelete
  3. mamiss ko ang kwento mo, sana di ka tumigil sa pagsusulat ng magandang kwento, CONGRATS KUYA, mwuah hugs...

    ReplyDelete
  4. Putcha!!!! Ang dami ko ng iyak eh tapos ganon pala yung ending!!!! Grabe hahahaha feel na feel ko pa maman yung moment hahaha bastos!!! Pero ang galing ni author dun akala ko talaga sad yung ending buti na lang talaga hindi kaso super lungkot ko paden dahil wala na tong kasunod gusto ko pa naman sana mabasa yung kinasal na sila tas nag do ulit sila hahaha yung mga ganon. Pero wala na :'( hayy haha


    goodluck na lang sa ating author na mag 4th yr na kaya mo yan konting push na lang okay? Aja!!


    -44

    ReplyDelete
  5. What a beautiful ending...
    Hopefully sa pagbabalik mo mr.author my sequel itong story or let say my pasabog kang storya na tyak na mamahalin nmin..take and goodluck sa studies mo..

    ReplyDelete
  6. What a beautiful ending...
    Hopefully sa pagbabalik mo mr.author my sequel itong story or let say my pasabog kang storya na tyak na mamahalin nmin..take and goodluck sa studies mo..

    ReplyDelete
  7. Two thumbs up---- devon

    ReplyDelete
  8. Salamat sa Laro................ Nagenjoy me talaga sobra........

    ReplyDelete
  9. Ganda ng ending hehehe at gudluck sa school..

    Shai

    ReplyDelete
  10. Dapat may Farewell chapter pa.

    ReplyDelete
  11. Akala ko po ba may love game book 2? Bakit nadete ata ang prologue nun?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails