Author's note...
Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
Sensya na pala guys at ngayon lang ako nakapag-update. Busy kasi ako sa tunay na mundo at tao din naman ako na may buhay haha. At isa pa po kasi, sino-solidify ko ang mga susunod na chapters na hindi ko forte kasi as we all know, BS talaga ang forte ko. Sa mga ayaw palang basahin ang gawa ko, pasensya na. Magpo-post ako. Tatapusin ko ang gawa kong ito. ULOL! Nakipag-away pa talaga ako. Pasensya na guys ha.
Sensya na pala guys at ngayon lang ako nakapag-update. Busy kasi ako sa tunay na mundo at tao din naman ako na may buhay haha. At isa pa po kasi, sino-solidify ko ang mga susunod na chapters na hindi ko forte kasi as we all know, BS talaga ang forte ko. Sa mga ayaw palang basahin ang gawa ko, pasensya na. Magpo-post ako. Tatapusin ko ang gawa kong ito. ULOL! Nakipag-away pa talaga ako. Pasensya na guys ha.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15
Chapter 16:
Golden Time
Marcaux's POV
"Bakit marunong ka noong una... natin?"
nahihiyang tanong ni Keith.
Kasalukuyan kaming nasa library ng mga oras na ito at as
usual, nag-aaral. Nagre-review na kami sa nalalapit na major exams ngayong
semestre. Ang style namin ng pagre-review ay magtatanong ako kay Keith tungkol
sa mga exam niya at sa susunod ay siya sa akin.
"Bakit mo biglang naitanong? Memorable ba iyun para sa
iyo?" sagot ko na patanong din.
"Ngayon ko lang kasi naisip. Ang galing-galing mo lalo
na nung... ginawa natin iyun... doon," namumula niyang paliwanag. Shit!
Ang cute! Gusto ko ng umuwi!
Napakamot ako sa ulo. Paano ko nga ba sasabihin? Aminado
naman ako na first time sex ko iyun at siya pa ang nabigyan ko. Sa totoo nga
ehh hindi ako makapaniwala sa kahalayang ginawa namin sa loob ng locker room na
iyun. And I lead it. Nahihiya naman akong sabihin sa kaniya kung paano ko iyun
nagawa. Para kang mag-eexplain kung ano ang sexual intercourse sa isang 15 year
old... na mukhang may alam na iyung iba.
"Magtatanong naman ako tungkol sa business
ethics." tangka kong pag-iiba sa usapan.
"Hoy. Iniiba mo ang usapan," nguso niya.
"Nahihiya akong sabihin kung paano."
"Sige na. Sabihin mo na," pagpipilit pa niya.
Ugh! Paano ko ba sasabihin? Nakakahiya talaga. Hindi ako
komportable na pag-usapan. Alam niyo iyun. May mga bagay na hindi madaling
i-explain. Kung madali lang gaya nang debut play ko as a basketball player dito
Schoneberg.
"Ang totoo niyan kasi Keith, umm... paano ko ba ito
sasabibin? Natuto lang ako dahil sa... mga... pinapanood kong... hentai."
Kumpisal ko sa kaniya habang kinakamot ang ulo.
"H-Hentai?" natatawa at gulat na reasyon niya.
"Sige. Tawa pa," banta ko.
"Hindi ba straight porn iyun?"
"Are we going to discriminate each other Choco? Ikaw,
saan ka natutong mag-oral sa akin?"
Natigil si Keith at namula. Hindi naman niya sinagot ang
tanong ko at nagkukunyaring nag-aaral ng lessons namin. Aha! Gusto kong malaman
kung saan niya iyun nalaman.
"Bakit napipi ka Choco? Sige na. Sabihin mo na kung
kanino mo iyun nalaman," pagpipilit ko na may pilyong tono.
"Umm... kasi..." pautal-utal na saad niya saka
tumingin sa relong pambisig. "Umm... Ferdinand, pasukan ko na sa susunod
na minuto. Tara na," biglang pag-iiba niya sa usapan. Ay! Sayang naman.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at tatayo sana nang
may nakita ako sa tinted na bintana ng library. May naghahalikan... na
lalake... at lalake... sa harap ng maraming tao? Aba't ang brave naman masyado
ng mga taong ito. Do these guys know the word discreet? Ohh wait, alam ko ang
salitang 'discreet'. Pero the moment na naging kami ni Keith, kumalat agad iyun
sa buong school dahil mukhang nakalimutan ko ang salitang discreet. Pero think
about it, kailangan bang maging discreet sa eskwelahang ito?
"Mukhang may naghahalikang lalaki sa labas ahh."
"Huh? Talaga?" lingon ni Keith sa likod niya.
Maya-maya'y naghiwalay ang dalawa at mukhang nagkakasakitan
ang mga taong ito. Hindi ko malinaw na makita ang dalawang lalake dahil ang isa
ay likod lang ang nakikita ko, at ang isa naman ay natabunan pero sigurado ako
na dalawang lalaki ang mga naghahalikan na iyun.
Nang iyung isang lalaki ay nakapunta sa likuran ng isa pa,
natigil ang dalawa. Maya-maya'y lumapit ang school librarian na kasama sa 'Book
of Pride' ng school. Si William Smite. Biglang parang linta na umangkla ang
isang lalaki doon sa isa pa at nag-uusap saglit.
"Tara Ferdinand. Male-leyt na ako," saad ni Keith
na halatang nagmamadali.
"Okay. Tara."
Nakasalubong namin si William pagkalabas namin at ang isa
pang lalaki. Teka? Pamilyar sa akin ang taong iyun. Iyun ang rumored boyfriend
ni William ahh?
Sa labas, nagulat ako sa aking nakita. Ito ang pinsan kong
pervert. Matagal na kaming hindi nagkikita ahh.
"Ohh. What do we have here pinsan? It's been a long
time," bati ni Edmund.
"Pinsan. Nagkita din tayo sa wakas. Sa totoo nga lang
ehh ayokong magkita tayo," sarkastikong wika ko.
Tiningnan ni Edmund si Keith. Nanlaki naman ang mata ni
Keith.
"Siya ba iyung pervert na pinsan mo na kinekwento mo
sa akin noong isang araw?" pabulong na tanong Keith.
"Yeah. Siya nga. Pero virgin pa iyan at walang
karanasan," sagot ko na binulong kay Keith. "So kumusta ka na Edmund?
Ang tagal nang wala kaming balita sa pamilya mo."
"Ayos lang naman. Since nakita mo na ako ehh finally,
may balita ka na mula sa pamilya ko... finally right? I'm itching to ask this
pero ito ba ang boyfriend mo?" masiglang wika ni Edmund.
"Yeah. Siya nga ang boyfriend ko," matapang na
sagot ko. Kailangan sindakin ko siya para hindi niya lapitan si Keith.
"Edmund, si Keith, boyfriend ko. Keith, si Edmund, ang nawawala kong
pinsan. At sana mawala na ng habang buhay," bulong ko.
"Umm... kinagagalak ko po kayong makilala," saad
ni Keith.
"Ako din," magiliw na sagot ni Edmund.
Tiningnan ko na lang ito ng masama matapos tingnan si Keith
mula ulo hanggang talampakan. Bigla ko na lang kinabig papalapit sa akin si
Keith. Uso pa naman ang trayduran ng mga magpinsan sa panahon natin ngayon.
"May problema ba Edmund?" medyo pagalit na tanong
ko.
"Chill lang pinsan. Hindi na ganoon ang mga tipo ko.
Tsaka purong biro lang naman iyung ginagawa ko sa mga pinsan natin. Ano ka
ba?" natatawang sagot niya.
"Kahit na. Hindi pa rin."
Bumukas naman ang pintuan ng library. Mula dito ay lumapit
ang isang lalaki kay Edmund. Agad na kinabig pa ni Edmund papalapit sa kanya
ang taong ito.
"Pinapakilala ko sa inyo ang boyfriend ko pala.
Gerard, si Marcaux, pinsan ko, si Keith, boyfriend niya. Marcaux at Keith, si
Gerard. Boyfriend ko," pagpapakilala ni Edmund sa amin.
"Kumusta kayo?" malamig na bati nung Gerard.
"Kumusta din," mukhang ninenerbyos na bati ni
Keith.
"Excuse us pinsan and his boyfriend. May importanteng
bagay lang kaming dapat pag-usapan nitong boyfriend ko," paalam ni Edmund.
"Uhmm... sure pinsan. Sige."
Nagpatuloy kaming naglakad si Keith papunta sa klase niya.
Gumugulo pa rin sa isipan ko kung paano ba siya natuto nung tinanong ko kanina?
Ang pagkaka-describe ko kasi, masarap, parang perpekto ang ginagawa niya dahil
hindi sumasabit ang ngipin niya, marunong siya. Teka? May say ba dapat ako doon
dahil first time ko din iyun... o baka dahil lagi na niyang ginagawa sa akin.
Pero hindi kaya may nauna nang boyfriend si Keith maliban
sa akin? Paano kung hindi ako ang una niya? At saka, sabi naman nila tito at
tita, ako lang naman ang unang karelasyon nila. Paano kung may hindi
pinapakilala si Keith na karelasyon? Doon kaya siya natuto?
Napa-iling na lang ako dahil sa kaiisiip. Ito ba ang epekto
ng pagbabasa ng mga hentai doujins? Tsaka may nangyayari ba na ganoong mga
bagay na nangyayari sa totoong buhay?
"Ferdinand, may problema ba?" biglang tanong ni
Keith.
"Iyung tanong ko kanina Choco. Hindi mo pa
nasasagot."
Hindi ulit siya nakasagot. So totoo kaya iyung inisiip ko?
Silence means... yes or no... para sa yes or no question.
Humugot na siya ng buntong-hininga. "May nagturo kasi
sa akin noon," sagot ni Keith.
Napahinto ako saglit sa isinagot niya at nagpatuloy din sa
paglalakad. May... nagturo... sa... kaniya. "Anong klaseng pagtuturo? May
actual demonstration ba ganoon?"
"A-Actual... demonstration."
"Sino ang nagturo sa iyo?"
Hindi na siya sumagot. Hindi na siya sumagot. Sino ba ang
nagturo sa kanya nun?
"Keith, nandito ka lang pala," tawag ng isang
boses sa harapan namin na si Katya at papalapit sa amin.
Natigil kami ni Keith at ako din sa tapat ng classroom niya
para sa susunod niyang klase. Palipat-lipat ang tingin ni Keith sa akin at
kay... Katya. Hindi kaya... si Katya ang taong... iyun?
"Keith, heto pala iyung mga bilin ko sa iyo para sa
susunod na linggo. Aabsent kasi ako sa susunod na linggo kaya ikaw ang magiging
president." Saka may inabot na papel na kinuha ni Keith.
"Okay. Sige Ferdinand, papasok na ako," paalam ni
Keith sa akin.
"Sige Choco. Kita na lang tayo mamaya," malamig
na paalam ko habang nakatingin pa rin kay Katya.
Dumiretso na lang si Keith sa loob ng classroom niya.
"Ohh? May problema ba kayo? Wala man lang kayong
goodbye kiss para sa isa't isa?" sunod-sunod na tanong ni Katya.
"Can I talk to you for some minutes Katya?"
"Umm... sure. Bakit ba?"
"Huwag tayo dito. Mag-usap. Doon tayo sa clubroom
ninyo," saad ko saka nagsimulang maglakad papunta sa Journalism Clubroom.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Keith. May
sikreto pala silang tinatago ni Katya. Bakit hindi niya sinabi sa akin iyun? I
need to sort these things now!
Pagkarating namin sa clubroom, iilang tao lang ang nadatnan
namin na may ginagawa. Busy para wala na silang gagawin bukas kung hindi ang
mag-aral para sa major exams ngayong semestre. Dumiretso na kami ni Katya sa
table niya. Umupo siya sa kanyang desk at ako sa kabila.
"So ano ang pag-uusapan natin ngayon at seryoso
ka?" unang tanong niya.
"Hanggang saan lang ang sexual relationship ninyo ni
Keith?" diretsong tanong ko.
Nagulat ito sa itinanong ko at sumandal sa upuan niya.
"Nako naungkat," rinig kong bulong niya.
"So totoo nga iyung hinala ko?"
"Yeah. Totoo," sagot ni Katya at nakagat ang
sariling labi.
Nasapo ko na lang ang ulo ko at humugot ng buntong-hininga.
Okay. So meron talaga silang sexual relationship ni Keith.
"Sex friends?" tanong ko.
"Sort of," diretsong sagot niya.
"Sort of?" gulat ko.
"Kasi hindi naman kami ganoon."
"Pero bakit sort of? Ano ba talaga?"
"Marcaux, kalma lang."
"Ohh how I can calm down? Matapos malaman na may
ganoong relasyon kayo ni Keith? Sa tingin mo ehh kakalma ako?"
"Kasi nga matagal na iyun."
"Gaano katagal?"
"8 months."
"Wow. Ang tagal ha. Iyung tipong noong kapanganakan ko
nagsimula ang kalokohan ninyo."
"Marcaux please."
"Alam mo Katya, parang bagay nga sa iyo iyang palayaw
mong iyan. Sayang lang at hindi Santos ang apelyido mo."
"Marcaux-"
"Tama na!" sigaw ng kung sinong tao na pumasok sa
clubroom. Si Alexa.
"Alexa, huwag dito tayo magsigawan please,"
pakiusap ni Martin saka lumabas kasama si Alexa.
"Alam mo, bago pa kita masigawan dito, lalabas na ako
sa clubroom na ito. Mainit ang ulo ko sa mga naririnig ko."
"Umm... tama. Magpalamig ka na muna ng ulo."
"Pakisabi na rin kay Keith na umuwi siyang mag-isa.
Ayoko na muna siyang makita."
Lumabas na ako ng kwartong iyun at masama ang loob ko. May
ganoon pala silang relasyon ni Katya? Hindi ako makapaniwala.
Keith's POV
May mga tao na walang sikretong tinatago. Totoo sila sa
ibang tao, pranka, matapang at ewan ko kung ganoon silang lahat. Baka
nagkakamali lang ako. Subalit konti lang ang mga taong ganoon. Meron namang mga
tao na may tinatagong sikreto. Kung bakit sila nagtatago ng sikreto ewan ko.
Baka para sa kabutihan o kabaligtaran. Or isa lang naman na walang kwentang
sikreto ang tintago nila.
Hindi ko iyun inaasahan. Hindi niya ako binigyan ng goodbye
kiss bago pumasok. Pumasok na lang ako sa loob ng classroom para sa susunod
kong klase. Iniwan ko lang si Katya at Marcaux.
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko sila na umalis sa
tapat ng classroom at pupunta sa kung saan. Tama ba iyung ginawa ko? Just now,
sinabi ko kay Marcaux ang pinakatatago kong sekreto. May natutunan akong ilang
bagay na sekswal mula sa best friend kong si... Katya. Nahihiya akong sabihin
kay Marcaux ang sikreto ko sa totoo lang. Baka kung ano ang isipin niya kapag
nalaman niya.
May balak naman akong sabihin sa kaniya ang totoo. Kaya
lang, natatakot talaga ako at nahihiya. Isang sensitibong bagay ito. Tapos
madadamay pa ang best friend ko na si Katya.
Nasa clubroom ako ng Journalism Club at naghahandang umuwi
ng bahay. Inaantay kong pumasok si Marcaux sa pintuan. Susunduin niya kaya ako?
"Sabay na tayo Keith," yaya sa akin ni Katya.
"Anong pinag-usapan ninyo Katya?" naitanong ko.
"Ang nakaraan natin," sagot niya.
"Nagalit ba siya?"
"Mukha nga. Sabi niya, umuwi ka muna mag-isa. Ayaw ka
na muna niyang makita. Kaya sumabay ka na sa akin."
"Sabihin mo nga Katya. Wala bang kapatawaran ang
ginawa natin... noon?" nalulungkot na tanong ko.
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Dipende siguro sa
understanding ng tao iyun. Ha! Kung tatanungin mo naman iyang sarili mo, sa
tingin mo, may kapatawaran ba?"
"H-Hindi ko alam."
"Pero sa totoo lang, hindi mo dapat tanungin ang
sarili mo niyan. Ako dapat ang magtanong sa sarili ko dahil ako ang bunga ng
kamaliang iyun. Wala kang kasalanan Keith."
"Pero best friend kita. Ayokong solohin mo ang
pagkakamali mo. Magkasama tayo-"
"Tigilan mo na iyan Keith," pagputol niya sa
sinasabi ko. "Minsan, kailangan mong solohin ang kasalanan mo. Okay lang
na ikaw lang lumabas na masama. Hindi ka na mandadamay para sa kabutihan ng
lahat. Pero mukhang hindi ko naagapan iyun Keith. Mukhang ako pa ang makakasira
sa relasyon niyo. Pasensya na."
"Wala na tayong magagawa diyan Katya. Tara na. Umuwi
na tayo."
Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas ng clubroom.
Nagulat na lang ako ng bumukas ito bago ko pa mahawakan ang doorknob. Si
Marcaux. Malungkot ang mata nito kung makatingin sa akin. Ano ang gagawin ko?
Ano ang sasabihin ko? Ano ang itatawag ko sa kaniya? Ferdinand ba o Marcaux?
May karapatan ba ako? Break na ba kami?
"Sasabay ka sa akin," malamig na wika niya saka
hinawakan ang aking kamay. "Mauna na kami Katya."
Nagsimula na kaming maglakad. Wala lang akong ginawa kung
hindi ang sumunod. Tahimik lang ako at hindi siya nagsasalita.
Nang makarating kami sa motor niya, binigay niya lang sa
akin ang helmet. Wala siyang sinabi. Ako naman ay walang imik ito na sinuot.
Sumakay ako sa motor niya at hindi pa rin siya nagsasalita.
Nakaramdam ako ng sakit at lungkot sa ginagawa niya. Nababahala ako. Dahil lang
sa sikretong nalaman niya masisira... ang relasyon namin.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Bumaba lang ako at
ibinigay sa kaniya ang helmet na pinasuot niya. Nakatayo lang ako doon ng ilang
segundo at palagay ko, nagpapakiramdaman kami kung sino muna ang magsasalita.
Sino na dapat? Ako o siya?
Hinubad ni Marcaux ang helmet niya. "Keith, ayoko
munang magkita tayo," biglang sinabi niya.
"Umm... bakit?"
"Dahil pa rin sa sinabi mo kanina. Pero hindi ibig
sabihin nun na hiwalay na tayo. Hindi rin ibig sabihin nito na hindi ako
galit... sa narinig ko mula sa iyo."
"Okay," nasabi ko na lang.
"Mag-iingat ka."
Ibinalik ni Marcaux ang suot niyang helmet at humarurot
paalis. Hindi ko alam kung matutuwa... o malulungkot ako sa sinabi niya.
Magiging okay lang ba kami nito?
Marcaux's POV
Gabi na at humiga na lang ako sa kama. Hindi ko pa rin
lubos maisip na may ganoong relasyon sila ni Katya. Sort of sex friends... huh?
Nagdadalawang-isip na naman ako kung dapat pagkatiwalaan ko si Katya. Katrina
Yam a. k. a. ... Katya huh? Don't judge the book by it's cover huh?
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at bumangon sa kama
ko. Umupo ako sa harap ng PC at binuksan ito. Maglalaro na nga lang ako ng
League of Legends.
MarcoH has entered the room...
Yuuhi: Evening.
MarcoS: Good evening din H.
MarcoH: Good evening...
erghhmm... si Ren?
MarcoS: Wala pa.
Yuuhi: Bumagsak na ata haha.
MarcoH: So tayo lang tatlo...
ang maglalaro?
MarcoS: Actually, apat... na
muna sa ngayon. I want to meet you ang bago nating miyembro. Si MarcoY.
MarcoY: Umm... hello po.
MarcoH: MarcoY... huh?
Yuuhi: Pfftt... Sabihin mo sa
akin S na ikaw ang nagpangalan sa kaniya?
MarcoY: Umm... ako lang po
talaga... ang nagpangalan.
MarcoH: Piniwersa ka ano?
MarcoS: Hoy, hindi ako ganoon.
Yuuhi: Sabihin mo na lang sa
akin S na may hidden meaning iyang mga pangalan ninyo ni H at Y.
MarcoH: Ako kasi, ganito
i-pronounce ang pangalan ko... as I said before.
MarcoS: Ako, si President.
MarcoY: Umm... ako naman...
silent... letter 'O' so... parang... Marky.
Yuuhi: Whatever. Kung
i-rearrange natin iyung mga pangalan niyo kasi, S, H, Y... SHY?
MarcoS: Anong topic natin
dito? Haha.
Yuuhi: So ano? Maglaro na
tayo. Wala nga lang si Ren. Bigyan niyo ako ng panalo ngayon.
MarcoH: Ako din.
MarcoY: Umm... normal game po
ba or ranked?
MarcoS: For now Y, normal muna
since wala pa si Ren para lima na tayo.
Yuuhi: So apat at isang random
stranger sa matchmaking. Ano role mo Y?
MarcoH: Parang hindi ako sanay
na Y ang tawag sa kaniya kasi may letter 'Y' ka sa pangalan Yuuhi.
Yuuhi: Well, masanay na tayo.
MarcoY: Umm... support.
MarcoH: ...
Yuuhi: ...
MarcoS: Guys, ano iyun?
Yuuhi: Are you sure?
MarcoY: Umm... naka-ilang
games na din po kami ni MarcoS... or S at... okay naman ako sa ginagawa kong
role... so far.
MarcoS: Nakaka-pressure naman
kayo guys. Enjoyin lang natin ang laro.
MarcoH: Hindi naman sa ganoon.
Yuuhi: Gusto ko lang manalo
ngayon that's all.
MarcoY: Sige po. Gagalingan ko
po.
MarcoH: Parang si Ren lang.
Pakitigil ang 'po'.
Yuuhi: Parang si Ren lang?
Ganyan ba si Ren noon H? Hindi ko matandaan.
MarcoS: Ako din.
MarcoH: Huwag na natin
pag-usapan iyan. Tara na at maglaro na tayo.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Muntikan na ako
doon ahh. Naalala ko kasi ang unang pagkikita namin ni Ren sa totoong buhay na
magalang. Iba kasi ang entrance ni Ren dito sa internet.
Ilang minuto ang nakalipas, natapos kami ng ilang games.
Lahat, talo! Wala ako sa sarili maglaro. Tsaka may problema ata itong si Yuuhi.
Si Y naman, parang... pinipilit... ang pagiging... support. Hindi maiwasan na
hindi ko siya maikumpara kay Ren dahil dito. Magaling na magaling si Ren sa
support role. Kahit na unang beses namin siyang niyaya maglaro ng League of
Legends, may talent talaga. Pero itong Y, wala. Hindi naman namin masisisi ang
isang tao sa team namin dahil ginawa nito ang lahat. Sa madaling salita, bad
game. Natambakan kami. Parang hindi kami iyung naglalaro. We are so distant.
Walang pagkaka-isa.
MarcoH has entered the room...
MarcoS has entered the room...
MarcoY has entered the room...
Yuuhi has entered the room...
Yuuhi: ...
MarcoH: ...
MarcoY: ...
MarcoS: Umm... not bad para
sa... first game natin?
Yuuhi: ... ayokong magsalita.
MarcoH: Ako din.
Yuuhi: I'm sorry. Ayokong
magsalita. Akala ko kapag naglaro ako ngayon ehh mawawala ang frustrations ko
sa real world. Akala ko lang talaga iyun. Na-stress lang ako. I should take
this problem of mine in real world. I'm sorry. Yuuhi out.
Yuuhi has left the room...
MarcoY: Umm... kasalanan ko
ba? Pasensya na.
MarcoS: Don't blame yourself.
Nagkataon lang na mainit ang ulo ni Yuuhi... ngayon. Sa Chinese, parang init
ata ang ibig sabihin ng Yuuhi.
MarcoH: Ako din. Pasensya na.
May problema lang ako ngayon. Gaya ni Yuuhi, ayoko din magsalita. Ngayon pa
lang, inaamin ko, mainit ang ulo ko. At kapag mainit ang ulo ko, hindi ako
makapag-isip ng maayos.
MarcoS: H, chill.
MarcoH: Hindi ko magawa.
MarcoS: May problema ba?
MarcoH: Hindi ba kasasabi ko
lang?
MarcoS: Halata... nga. Umm,
gusto mong pag-usapan natin iyan H?
MarcoY: Umm... pasensya... na
talaga.
MarcoH: Salamat na lang S.
Sige. MarcoH OUT!
MarcoH has left the room...
Pinatay ko na lang ang PC ko at tinapon ang sarili sa kama.
Hindi talaga ako makapaglaro ng maayos dahil sa iniisip ko pa rin si Keith.
Ugh! I might just give this day a rest already.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Pagkatapos ng mga
morning routines ko, binuksan ko ulit ang PC ko at pumasok sa chatroom naming
magkakaibigan.
MarcoH has entered the room...
Ren: H, welcome back. \(o.o)/
MarcoH: Morning. -.-
Ren: ... bad mood ba kayong
lahat? Sensya na at hindi ako nakalaro kagabi. Busy... sa ibang bagay.
Yuuhi: You guessed it right.
Bad mood kaming lahat.
Ren: Pwede ko bang malaman
kung bakit?
MarcoH: Umm... kasi Ren, iyung
bagong salta na pinakilala sa amin ni S, MarcoY pala ang pangalan niya,
hindi... kasinggaling... mo.
Ren: MarcoY... ohh. Bakit may
'Marco' iyung pangalan ng bago nating kaibigan?
Yuuhi: Bakit sinisisi mo naman
kay Y iyun H? Sisihin mo din kaya ang sarili mo? Wala ka sa sarili na naglaro
kagabi.
Ren: Calm down... guys?
MarcoH: Puro bad game kami
kagabi Ren kung alam mo lang how can we calm down?
Ren: Guys, laro lang iyun.
Huwag naman kayong... seryoso.
Yuuhi: Yup. Laro lang iyun
Ren. Ang kaso, iba ang definition namin ng laro. Iyung mag-eenjoy kami sa laro
ba. Iyung dikit ang laban na hindi mo malalaman kung sino ang mananalo. Pero
pucha, iyung recruit ni S, walang dating.
Ren: Grabe naman kayo. Huwag
naman kayong ganyan. Gagaling din iyun balang araw.
Yuuhi: Ang tanong nga lang ehh
kung kelan pa?
MarcoS has entered the room...
MarcoS: Good morning everyone.
Yuuhi: -.-
MarcoH: ._.
MarcoH has left the room...
Pinatay ko na agad ang PC dahil agad na na-bwisit ako nang
makita ang pangalan ni S. Mapagbabalingan ko lang siya ng sama ng loob ko sa
nangyari kagabi.
Pagkababa ay naabutan ko si mama na naghahanda ng agahan
namin.
"Andito pala kayo ma. Magandang umaga," walang
kabuhay-buhay kong bati.
"O anak, may problema ka ba?" tanong ni mama
habang nagluluto.
"Transparent ba ako kapag may problema?"
"Anak, nanay mo ako. Nararamdaman namin kung may
problema ka anak. O baka hindi ka lang masigla ngayon?"
Natawa na lang ako sa sinabi ni mama. "Oo na mama. May
problema nga ako."
"Anong klaseng problema ba iyan ha? May problema ba
kayo ni Keith?"
"Yeah."
"Anong klaseng problema?" sabay serve ng agahan
ko.
"Umm... may history pala si Keith at iyung best friend
niya."
"Uhuh? Anong klaseng history naman aber? Diretsuhin mo
na ako anak." Sabay upo ni mama sa isa sa mga upuan at sumipsip sa isang
tasa ng kape.
"Sex friends sila dati."
Nasamid si mama sa ininom na kape. "Nako! Ang init.
Tubig anak!"
Agad na tumayo ako at inabutan si mama ng isang basong
tubig saka ininom ni mama. "Okay ka lang ma?"
"Mukha ba?" sabay ubo pa ng ilang beses.
"Nako naman anak. Anong klaseng mga rebelasyon ang sinasabi sa akin? Totoo
ba iyan?"
Umupo na lang ako ulit. "Sana nga ehh hindi
totoo."
"Alam mo anak, kumain na muna tayo bago ka pa magsabi
ng mga problema mo. Mukhang... malalim."
"Mabuti pa nga."
Kasama si mama ay kumain kami ng agahan. Buti naman at
nandito si mama para pakinggan ang mga problema ko... o hindi ito magandang
ideya?
"So, ano ang problema anak?" tanong ni mama
habang naghuhugas ng pinagkainan namin.
"Teka, bakit po kayo ang naghuhugas ma? Wala po ba
iyung mga katulong?"
"Day off sila anak. So ano? Magkwento ka na? Hinay
hinay nga lang at baka mabasag ko ang mga plato dito."
"Iyun nga ma. Nalaman ko na may ganoong relasyon sila
ng best friend niya. Isang beses kasi, nagtanong si Keith tungkol sa..."
"Tungkol sa? Sandali nga lang anak at titigil na muna
ako sa paghuhugas at mukhang mababasag ko talaga ang plato sa sasabihin
mo," nasabi ni mama at tumigil nga sa paghuhugas saka umupo sa tapat ng
mesa.
"Tungkol sa unang beses na nag-ano kami..."
"Tungkol sa?"
"Unang... sex... namin," nahihiya kong saad.
"At ano ang problema doon?"
"Magaling siya... sa isang bagay."
"Sa isang bagay? My god anak! Marami nga kaming hindi
alam sa iyo. Sabihin mo na," kinikilig na wika ni mama.
Hindi na lang ako umimik at gumawa na lang ng hand gestures
sa ginawa ni Keith. Si mama naman ay sinusubukang pigilan ang pagtawa subalit
hindi nakapagpigil at tumawa na rin.
"Mama, this is not a laughing matter."
"Oo anak. Pero. Hahaha! Help. Tulong. Sana mapigilan
ko." Maya-maya'y natigil din si mama, sa wakas, sa pagtawa. "Nako
naman anak. Mga kabataan nga ngayon. Ang pupusok. May sex friends na term ng
nalalaman. So anak, kinumpirma ba ito ni Keith?"
"Hindi ma. Iyung best friend niya ang
nag-kumpirma."
"At bakit ka nagalit?"
"Kasi... hindi niya sinabi sa akin?"
"Anak, baka may balak siyang sabihin ang totoo sa iyo.
Ang kaso lang, itong sikretong tinatago niya, mabigat. Hindi iyun ganoon kadali
na, hey. Sex friends din kami nitong best friend ko."
"Nag-aalala din kasi ako na baka may feelings si
Katya... para kay Keith. Baka cover lang ang pagiging best friend niya kay
Keith tapos baka inaahas niya ako. Hindi lang masabi-sabi ni Katya na may
pagtingin siya kay Keith dahil nga kami na. Tapos parehas pa sila na nasa
Journalism Club."
"Ano ba ang gusto mo anak?"
Humugot ako ng buntong-hininga. "Gusto ko siyang ilayo
kay Katya. Ayoko na siya sa Journalism Club. Wala na akong tiwala kay
Katya."
"Anak, bakit hindi mo ito pag-isipan ng mabuti? Tingnan
mo. Magpipitong... buwan na kayo ni Keith. Masayang-masaya kayo sa pitong buwan
na iyun. Ngayon lang na nalaman mo na may ganoong relasyon sila nung best
friend niya. Baka naman may storya ang relasyon nilang iyan?"
"Storya ng relasyon nila?"
"Bakit at paano sila nagkaroon ng relasyong ganoon?
Alam mo ba?"
"Hindi ba obvious iyun ma? Para ma-fulfill ang
kanilang... sexual desires?"
"Ganoon ba lagi iyun?"
"Siyempre naman ma."
"Sigurado ka ba diyan?" Natahimik na lang ako.
"Natahimik ka. Alam mo, laging ganito ang perspective ng mga taong hindi
alam ang kwento kung bakit sila naging ganoon or nagkaroon ng ganoong relasyon.
Mahilig mag-judge."
"Pero hindi ako nag-judge."
"You just did anak."
"Saan naman doon?"
"Hindi ba nagtanong ako sa iyo kung bakit at paano
sila nagkaroon ng relasyong ganoon? Sinagot mo ako ng para ma-fulfill ang
kanilang sexual desires. Doon palang, nag-judge ka na ganoon si Keith."
Napailing na lang ako sa sinabi ni mama. "Haixt! Anak naman. Huwag ka
munang mag-overthink at baka mabaliw ka niyan sa ginagawa mo. Kung may
paliwanag si Keith, pakinggan mo muna siya. Sigurado akong hindi iyun
magsisinungaling sa iyo. Mahal ka nun ehh."
"Salamat sa advice ma. Gagawin ko iyan."
"Kelan?"
"Huh?"
"Kelan mo gagawin?" tanong pa ni mama saka
pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinagkainan namin.
"Umm... as soon as possible. Kaso, mukhang nasaktan ko
ata si Keith kaya hindi ko na muna siya kakausapin tungkol sa usapin na
ito."
"Tandaan mo anak. Ang oras ay ginto. Hindi mo na ito
maibabalik kapag nangyari na."
"Alam ko na po iyun mama. Babalik na po ako sa taas at
mag-aaral na muna para sa major exams."
"O sige anak. Good luck," ngiti ni mama.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Pagkatapos mag-usap
ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag-aral. Major exams na naman at may
dalawa akong problema. Si Keith at ang exam. Assumed na solved ko na kay Keith,
so exams na lang ang problema ko. Game.
Allan's POV
"Binigay mo?" biglang tanong sa akin ni Larson
matapos niya atang... maramdaman... ako. Kasalukuyan siyang nagluluto ng agahan
gaya ng dati. Gawain niya iyan.
"Yeah. Ginawa ko ang sinabi mo. Binigay ko,"
sagot ko habang bumababa at umupo sa mesa ng hapag-kainan.
"Great!" masayahin niyang tugon.
"Ang saya mo ahh. Pwede kong malaman kung ano ang
laman nun?"
"Regalo iyun. Malalaman mo sa pasukan kung anong
klaseng regalo iyun." Kumuha ito ng plato at nilagyan ng kanin saka
inilagay din ang ulam na hotdog na niluluto niya. Pagkatapos ay ihinain sa
harapan ko.
"Napaka-caring mo naman sa most hated mong kapatid in
the world. Niregaluhan mo pa. Baka sumabit ka pa diyan?"
"Well, hindi ako ang makikinabang kung hindi
ikaw."
Naguluhan ako sa sinabi niya. "Bakit ako?"
"Since ikaw ang nagbigay, sa iyo matutuwa."
"Sabihin mo naman sa akin kung ano ang laman ng sobre
na iyun na matutuwa siya sa akin. Ano iyun? May pera sa loob? Maraming pera si
Ren na hindi mangangailangan bigyan ng pera."
"Malalaman mo na lang iyun sa pasukan,"
mahiwagang wika niya saka umakyat sa kwarto.
Nahiwagaan ako sa bagay na pinagawa niya sa akin. Ano kaya
ang laman nun? Baka naman mag-backfire iyun sa akin dahil kung ganoon nga,
lagot talaga si Larson sa akin.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga at nagpatuloy kumain
saka nag-isip ng mga bagay na pwedeng gawin ngayong araw. Since si Ren na lang
ang bahala sa akin para sa major exams, maglalaro na lang ako ng League of
Legends buong araw.
Ren's POV
Naghahanda na ako ng agahan naming lahat. Diretso uwi kasi
ang mga ito dahil nga mag-aaral pa sila sa nalalapit nilang major exams. Unang
bumaba si Harry na humikab.
"Magandang umaga guys. Kumustaaa... ang gabi...
ninyooo?" tanong ni Harry sa amin ni Kei.
"Ayos lang naman," sagot ko.
"Anong ginawa niyo pala ni Kei kagabi? Parang hindi
kayo natulog ahh," tanong pa ni Harry habang kinukusot ang mata saka umupo
sa isa sa mga upuan sa mesa.
"Naglaro kami ng Ghost Squad magdamag," biglang
sagot ni Kei na gumising mula sa sofa saka umupo din katabi si Harry.
"Siguradong binuhat mo ito si Kei. Mabigat to ehh di
ba," mahiwagang saad ni Harry. Ano ba itong sinasabi ni Harry? Parang
innuendo.
"Tama na iyan. Kain na muna kayo ng agahan,"
pag-iiba ko sa usapan.
Pagkatapos ng ilang pag-uusap namin, nagising na din si
Janice at sabay-sabay na kaming kumain ng agahan. Maya-maya ay umalis na din
sila sa wakas. Haixt! Makakatulog na rin.
Para makasigurado, siniyasat ko ang mga CCTV ng bahay.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ayon sa CCTV, natulog lang si Harry magdamag.
Iyung sinabi niya kanina, purely coincidental lang na natatamaan ako. Haixt!
Umakyat na ako sa kwarto ko at nilabas ang kahon na
ini-regalo sa akin ni kuya Blue. Binuksan ko ang isang compartment ng mga note
na pinapadala ni Mr. Lion. Pagkatapos ay bumaba ako papunta sa sala at nilagay
ang kahon sa ilalim ng center table kasama ang mga libro ng phone directory.
Ayan! May lalagyan ka na rin sa wakas.
Umakyat ulit ako sa kwarto ko at naalala ang bagay na
binigay sa akin ni Allan. Hinanap ko ito sa bag at nakita ko ang sobre.
Binuksan ko ito at nagulat sa nakuha. Isang note na karaniwang binibigay ni Mr.
Lion para sa akin. Bakit meron si Allan nito? Hindi kaya si Allan si Mr. Lion?
Nako! Ano ang gagawin ko sa bagay na ito? Tatanungin ko kaya siya ng diretso?
Pero bakit ganito? Nagpapakilala na ba talaga si Mr. Lion sa akin na siya si
Allan? That doesn't make sense. Hindi nga siya nagpapakilala tapos ganito? O
baka naman si Allan ay isang emisaryo lang ni Mr. Lion? Pwede rin. Then kung
emisaryo nga siya, alam kaya niya kung sino si Mr. Lion?
Itinapon ko na lang ang sarili ko sa kama. Hindi pa nga
natatapos ang araw na ito at pagod na pagod ako.
Muli ay nanaginip na naman ako. Natagpuan ko na naman ang
sarili ko sa isang hallway ng bahay sa kung saan. Nakita ko si kuya na
naglalakad papunta sa kung saan. Sumunod ako at may nakitang dalawang tao na
naghihintay sa kaniya.
"Nay, tay," rinig kong tawag ni kuya sa mga ito.
Napahinto ako. Lumapit siya rito at niyakap. Sila ang mga
magulang ko? Hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila dahil malabo ang
nakikita ko. Hindi malinaw gaya ng pandinig ko.
Aktong lalapit ako nang tumalikod si kuya Lars at hinarap
ako.
"Huwag lang lalapit," saad ni kuya Lars.
Napatigil ako.
Gusto kong magsalita at tanungin siya kung bakit? Pero
hindi gaanong sumusunod ang mga labi ko sa gusto kong gawin. Mabagal ang
responde nito.
"Baaaaakiiiiit?" mabagal na pagsasalita ko.
Lumapit si kuya Lars kasabay ng mga haginit na naririnig ko
sa aking panaginip. Maya-maya ay may lumabas na kulay pula na paro-paro mula
kay kuya.
Itinaas ni kuya Lars ang kamay niya at inilagay sa buhok ko
saka ginulo ito. "Ipagpatuloy mo ang buhay na wala kami. Hindi ka kahit
kailan mag-iisa Ren. Kapag sinundan mo kami ngayon, hindi ka na makakabalik pa.
Hindi na kahit kailan bumabalik ang patay sa mundo ng buhay. Kaya dito ka lang.
Huwag ka ng magpatuloy pa. Bumalik ka."
Tumalikod ulit si kuya Lars at nagpatuloy na lumakad
papunta sa mga magulang ko. Gusto ko silang mayakap. Kahit ngayon lang. Pwede
ba? Miss ko na ang mga magulang ko. Pero bakit bawal? Sandali. Miss na miss ko
na kayo.
Dahan-dahan akong naglakad at tumakbo papunta sa kanila.
"Please... Sandali lang," pakiusap ko.
Dire-diretso na akong nakapagsalita.
Pero ang pagtakbo ko sa kanila, mabagal pa rin. Hindi ako
aabot sa kanila. Hindi na. Nanay, tatay, kuya Lars.
Bigla na lang ulit nagpakita ang nakakatakot na maitim na
babae na puno ng nga tattoo sa harapan ko kasabay ng pagbigat ng aking
pakiramdam. Sila nanay, tatay at kuya Lars, hindi ko na sila maaabutan nito.
Nadala ako ng takot dahil sa paglabas ng babae. Hindi ko na sila nasundan.
Dumilat ang mata ko at napa-bangon. Hinahabol ko ang aking
hininga at ang sakit ng ulo ko. Panaginip... na naman. Tungkol naman ngayon kay
nanay, tatay at kay kuya Lars. Siguro na-miss ko sila ngayong kaarawan ko. Pero
ano ba ito?! Hindi ako makakatulog nito kapag ganito na kapag matutulog ako ehh
may masama akong... panaginip.
Tumayo ako saka hinubad ang aking mga damit. Pumunta ako sa
banyo saka naligo sa bathtub. Bigla na naman akong inantok. Napaka-sarap talaga
ng feeling kapag naliligo dito sa bathtub. Dito kaya ako matulog?
Dahan-dahan na lang ako nagpadala sa antok ko at pinikit
ang aking mata.
Edmund's POV
Ngayon ay araw ng day-off ko. Tapos na kasi ang grocery day
namin ni Ren sa buwan na ito dahil nagawa na namin ni madam Veronica. Si madam
naman ay pumunta na sa Hong Kong para bisitahin sila Daryll at ang nobyo nitong
si Franz. Excited na ako para makipagkita ngayon kay Gerard sa Knockout Gym.
Handa na ako!
Palabas na ako ng mansyon nang makatanggap ako ng tawag
mula kay Gerard.
"Papunta ka na ba?" agad na tanong ko.
"Pasensya na pero hindi ako makakapunta."
"Huh? Bakit?"
"Alam mo kasi, sa pagitan mo at ng pag-aaral ko,
pag-aaral ang uunahin ko." Heh? Talaga? Uunahin niya ang pag-aaral bago
ako? Okay din.
"Talaga lang ha. Pag-aaral daw."
"Sa tingin ko, dapat alam mo ang priorities ko Edmund.
Teka nga, nakatapos ka ba ng pag-aaral?"
"Matagal na."
"Ganoon ba? Sa susunod na lang tayo magkita."
"Hoy, siguraduhin mo lang na hindi mo ako niloloko ha.
At nag-aaral talaga."
"Wow. May pakialam ka talaga kung niloloko kita o
hindi. Huwag kang mag-alala. Totoo ako sa mga sinasabi ko."
"Sabi mo ehh. Sige. Sa susunod na lang.
"Bye. Love you," paalam ko. Baka magsabi siya ng
love you to sa akin.
"Bye," malamig na tugon ni Gerard at ibinaba ang
telepono.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga dahil pagkadismaya.
Aktong babalik na ako sa loob ng mansyon nang nasalubong ko si Jasper.
"May lakad ka?" tanong ko.
"Oo. Kailangan ehh. Nililigawan ko iyung karibal ni
Daryll," sagot ni Jasper.
"Wow. Para makasigurado talaga? Good luck."
"Ikaw Edmund. Nakabihis ka ahh. Mukhang may pupuntahan
ka sana kaso naunsyami. May nililigawan ka na ano?"
Napa-upo na lang ako sa hagdan pababa ng mansyon.
"Yeah. Kaso napurnada. Pag-aaral daw muna bago ako."
Natawa ito ng payak. "Buti ka pa. Ang karibal mo pala
ngayon ehh pag-aaral."
"Hindi naman sa ganoon Jasper. Sa katunayan nga, ang
karibal ko ay itong mismong nililigawan ko."
"Ang mismong nililigawan mo ang karibal mo? Ano itong
nililigawan mo? May double personality?" natatawang tanong ni Jasper.
Napakamot na lang ako sa ulo. "Hindi naman pero parang
ganoon din. Hindi kasi ako mahal ng taong ito."
"Nako Edmund. Ang hirap naman niyan. Ehh di bale ikaw
lang ang nagmamahal?"
"Parang ganoon na nga. Ang kaso nga lang, ang taong
ito, parang hindi nakikita ang liwanag na bumabalot sa mundong ito. Puro
kadiliman lang ang nakikita niya. Iyun ang gusto kong malaman kung bakit ganoon
siya. Gusto kong ipakita sa kaniya ang liwanag. Maaga pa para sabihin ko ito
pero mahal na mahal ko na agad ang tao. Kaya gagawin ko ang lahat."
"Ang lalim at ang corny mo Edmund."
Natawa ako ng payak. "Ganoon talaga."
"So, lalaki ba ang pinag-uusapan natin o babae?"
"Lalaki."
"Wow. Congratulations! Magiging full member ka na ng
asusasyon," sabay apir sa akin.
"Wala pa ring sex life."
"Mukhang madami-dami ding ilalabas yang ano mo,"
natatawang wika ni Jasper.
"Tumigil ka na Jasper. Umalis ka na at ipagpapatuloy
ko na lang ang mga dapat kong gawin sa mansyon."
Umalis na si Jasper sa mansyon para gawin ang dapat nitong
gawin. Sayang naman ang porma ko ngayon at hindi matutuloy. Hindi bale na. May
susunod na araw pa naman.
Keifer's POV
Naghahanda na kami ni Harry na pumasok sa eskwelahan nang
bumukas ang pinto at niluwa nito si Gerard.
"Gerard, ano kailangan mo at napasugod ka?" agad
na tanong ko.
"Si Harry?"
"Bakit? Nandito ako," saad ni Harry na kalalabas
pa lang ng kwarto.
"Heto na ang request mo Harry. Bisitahin niyo na bukas
iyung mga taong nag-aruga kay Garen. Andito sa papel nakalagay iyung address ng
bahay nila at mga direkyson kung paano makapunta doon." May nilapag naman
si Gerard na mga papel sa lamesa ng sala.
Lumapit si Harry at tiningnan ang mga papel. "Sasama
ka ba bukas Kei?"
"Siyempre... naman."
"Sana makahanap kayo ng mga kasagutan sa gagawin
ninyo," wika ni Gerard saka umalis na. Ilang segundo ang lumipas at
bumalik siya ulit. "Guys, meron ba kayong brake fluid?"
"Umm... tingnan mo diyan sa likod ng pintuan. May
nakahilerang kung ano-ano diyan at baka isa sa mga iyan ay break fluid."
Pumasok si Gerard at tumingin sa likod ng pintuan at may
kinuha na ang break fluid na hinahanap nito saka umalis.
"Pwede bang itanong kung bakit mo ipinahanap ito kay
Gerard?"
"Para maniwala ako na patay na talaga si Garen. Para
magkaroon ng peace of mind sa utak ko. Baka sakaling mawala na siya sa mga
bangungot ko na parang buhay pa siya," walang emosyon niyang sagot.
Itinago ni Harry ang papel at pinasok sa loob ng bag niya.
Truth will set him free. Tama lang iyan.
Marcaux's POV
Agad na pinuntahan ko ang bahay ni Keith para sunduin...
sana siya. Imbes kasi si Keith ang makita ko sa bahay nila ay ang mama niya ang
naabutan ko.
Inalis ko ang helmet ko. "Magandang umaga tita. Si
Keith po?" tanong ko.
"Ay nako Marcaux. Huli ka na. Nauna na siyang
umalis," sagot ni tita. Sayang. Masyado namang maaga.
Nadismaya ako sa narinig. "Ganoon po ba tita?"
"May problema ba kayo anak?"
"Umm... meron po. Maliit na problema lang naman."
"Maliit nga lang ba na problema iyan hijo?"
"Yeah. Pero pinalaki ko po," nahihiya kong saad.
"Pero napatawad ko na po siya."
"Kelan pa?"
"Noong... isang... araw pa."
"Ohh. Pero bakit parang problemado pa rin ang anak ko?
Hindi mo ba tinext man lang na pinapatawad na kita?"
"I prefer po kasi na personal ko siyang masabihan na
napatawad ko siya kesa sa text lang. Wala po kasing feelings para sa akin sa
ganoong paraan. Baka isipin na hindi ako sincere sa sinasabi ko."
"May oras ka pa ba anak?"
Tumingin ako sa relong pambisig. "May oras pa naman po
ako tita."
"Alam mo ba na dati, nagkatampuhan kami nitong asawa
ko. Nangyari ito, hindi pa kami mag-asawa. Wala pa si Keith sa buhay namin.
Nagkakilala kami sa pamamagitan ng ads sa mga dyaryo. Wala pa kasi kaming
cellphone na iyan noong kapanahunan namin at ang mamahal pa ng presyo ng phone.
Alam mo iyung parang naghahanap ng penpal corner doon. And then laktawan natin
kung paano niya ako niligawan, nagkita kami ng personal, ganito ganyan kasi
hindi iyun importante."
Natawa na lang ako. "Sige po. Ituloy niyo po."
"Nag-set kami ng araw na magde-date dalawa sa isang
lugar. Then ito na. Pumunta na kami sa pinag-usapan namin na lugar. Akala ko,
okay na ang lahat. Naabutan ko siyang may kahalikan na babae. Sa lips pa. Hindi
na ako tumuloy at umuwi. Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng sulat na
galit na galit siya sa akin dahil hindi daw ako sumipot sa date namin. Aba,
sino ang sisipot sa date na ganoon na maabutan mong may kahalikan sa lips ang
asawa ko," nagagalit na kwento ni tita.
"Tapos po? Anong nangyari?"
"Aba siyempre, nagtampo ako sa ginawa ng asawa ko.
Nagalit ako. Patuloy siyang nagpadala ng mensahe sa akin. Kada linggo, may
sulat na darating para sa akin sa bahay. Ang ginawa ko, sinunog ko ang mga
sulat na pinapadala niya. Hindi ko sinagot. Nagpatuloy ito ng ilang buwan.
Isang araw, hindi na ako nag-abala at pinasunog ko na lang sa kapatid ko ang
mga sulat. Siyempre, pakialamera iyung kapatid ko, binasa. Hindi na ako
interesado doon sa laman ng sulat. Tapos dali-dali akong hinanap ng kapatid ko.
Sabi niya, ate, basahin mo na ang sulat. Nagmatigas ako. Ayokong basahin.
Hanggang sa sabihin ng kapatid ko na nagpaliwanag ang asawa ko kung sino ang
kahalikan niya noon sa lips."
"Umm... sino nga po ba?"
"Pinsan... niya pala iyun. Pero inisip ko muna,
magpinsan kayo, naghahalikan sa lips? Sinabi ng kapatid ko, anong masama doon?
Inisip ko na paano kung nagpapalusot lang sa akin itong asawa ko? Na pinsan
niya daw itong kahalikan niya? Pero kahit ganoon, pakiramdam ko ay nabunutan
ako ng tinik sa lalamunan ko. Sulat pa lang iyun sa kamay at hindi sa personal
na paraan sinabi dahil magkalayo kami ng lugar at busy siya sa kanyang trabaho.
Nagtiwala ako. Pinanghawakan ko na totoo iyung nakalagay sa sulat na pinsan
niya lang iyun. Sumulat ako na okay na kami. Pakiramdam ko, ang saya-saya ko.
Tapos may dumating na sulat na magkita ulit kami sa dating lugar. Nakita ko
siya at ang sinasabi niyang pinsan na humalik sa lips niya. Then umalis na
iyung pinsan niya, nag-usap kaming dalawa. Nagkwento siya tungkol sa mga
nangyayari sa buhay niya noong magkagalit kami. Ang nakakuha lang ng atensyon
ko ay iyung sinasabi niya na muntikan na may nangyaring masama sa kaniya sa kaiisip
niya sa akin. Noong natanggap niya daw ang sulat ko, mas lalo siya naging
focused... iyung ganoon at ginanahan siyang magtrabaho. Wala ng masamang bagay
na nangyayari sa kaniya. Ayaw na niya mangyari iyung mga bagay na ganoon.
Imagine, sulat pa lang iyun. Ngayon, may mga cellphone na kayo. Matatanggap
niyo na instantly ang mga mensahe na nais niyo iparating."
Napahawak ako sa cellphone ko pagkatapos ng kwento ni tita.
Gusto kong i-text si Keith na okay na kami at hahayaan ko siyang magpaliwanag.
"Ay nako hijo. Gawin mo na iyan bago pa mahuli ang
lahat. Sige. Ingat ka," wika ni tita saka pumasok sa loob.
Bakit naman bago mahuli ang lahat? Wala namang mangyayari
na masama kay Keith. Kasama niya iyung best friend niya. Kumpyansa ako na hindi
siya pababayaan ng best friend niya.
Bumuntong-hininga na lang ako at sinuot ang helmet saka
nagpatuloy na papunta sa academe.
Ren's POV
Papunta ako sa unang klase ko nang may tumawag sa akin.
"Ren," tawag ng boses ni Harry. "Sabay na
tayo."
Kasabay ko si Harry na lumakad. Bakas sa mukha niya ang
kagalakan.
"Masaya ka ata ngayon. May nangyari bang
maganda?" naitanong ko.
"Wala naman. Masaya lang ako."
"Ganoon ba? Mabuti naman at sisimulan mo ang araw na
nakangiti."
"Tama ka. Dahil malalaman ko na ang katotohanan na
hinahanap ko sa iyo," mahiwagang wika niya.
"Katotohanan na hinahanap mo sa akin? Anong ibig mong
sabihin?"
"Huh? Ganoon ba ang pagkakasabi ko? Ahh... wala iyun.
Kalimutan mo na."
Anong sinasabi ni Harry? Narinig ko iyun ehh. Ang sabi niya
ehh katotohanan na hinahanap niya sa akin?
Napahikab ako. Inaantok pa pala ako. Baka siguro mali ang
pagkakadinig ko.
"Kulang ka ba sa tulog? Mukhang inaantok ka pa
rin," usisa ni Harry.
"Wala to Harry. Kaya ko ang sarili ko."
Nakarating na kami sa unang klase namin. Naghiwalay na kami
ni Harry at pumunta sa kanya-kanyang upuan. Hindi nagtagal ay umupo na sa tabi
ko si Allan. Nginitian niya ako bago umupo at nakipag-usap na ito sa katabing
kaibigan nito na si Alexis. Si Allan ba ay si Mr. Lion o emisaryo lang? Paano
ko malalaman? Paano ko siya tatanungin? Pagkatapos kaya ng klase? Sana paalisin
niya agad iyang kaibigan niya na si Alexis.
Natapos na din sa wakas ang klase para sa araw na ito.
Nag-aayos ako ng gamit at dideretso na ako sa Music Room. Si Harry kasi ay
diretso uwi din para mag-aral. Kamote siya nitong mga nakaraang araw sa klase.
Bahala na kung hindi ko maitanong kay Allan kung siya nga ba talaga o emisaryo
lang.
"Mauna ka na Alexis," rinig kong sinabi ni Allan
sa kaibigan niya. Ayos!
Kita ko naman na tumayo ang kaibigan niya at umalis na sa
silid.
"Umm... Allan," tawag ko dito.
Nilingon niya ako matapos ko siyang tawagin.
"Bakit?" walang emosyon niyang tanong.
Binigyan niya lang ako ng isang poker face na ekspresyon.
Kinabahan ako bigla. Magtatanong ba ako o hindi?
"Umm..." Shit!
Kinakabahan talaga ako. Bakit ba ganito? Takot ba ako na
baka malaman ko na si Allan ay si Mr. Lion? Pero bigla kong naisip na imposible
na siya iyun dahil nga sa isa siyang walang utak na tao na umaasa ng sagot mula
sa akin pagdating sa mga exams and quizzes. Pero paano kung nagkukunyari lang
siya? Maaapektuhan kaya ang objectives niya sa akin kapag sinabi ko na alam ko
na siya si Mr. Lion?
"Umm... wala. Pasensya na," nasabi ko na lang.
Bigla siyang ngumiti ng maluwang at ginulo ang buhok ko.
"Okay lang iyan. Magiging ayos ang lahat... o hindi," nasabi ni
Allan.
Sa mga nasabi niya, na-imagine ko tuloy na nakasuot si
Allan ng Mr. Lion costume. Ang mga salitang sinasabi niya, nakikita ko talaga
si Mr. Lion sa kaniya. Sa wakas. Nakilala ko na rin si Mr. Lion. Siya si Allan.
Inalis ni Allan ang kamay niya sa buhok ko at dahan-dahan
ko itong nakikita na umalis sa silid. Matapos ang tagpong iyun, mas lalo pa
akong naguluhan dahil imbes na malinawan ako, maraming tanong ang lumutang sa
isip ko!
Allan's POV
Nagpa-praktis ako ngayon ng mag-isa ng shooting form ko sa
basketball gym. Maaga kasing pina-dismiss ni Marcaux iyung iba dahil sa major
exams... except for me kasi sa pagkaka-alam niya, matalino ako at hindi na
kailangan mag-aral. Ayaw niya lang kasi magkaroon ng problema ang ibang members
na baka bumagsak dahil kapag nagkaganoon, hindi sila papayagan na makapaglaro
sa paparating na liga. Well ako lang ay sapat na para sa liga pero kailangan
namin talaga na tuluyang madurog ang mga kalaban namin. Tuluyan dapat silang
durugin kahit anong mangyari. Iyan ang motto na sinusunod ko. For starters,
hindi iyan ang motto ng school namin kung hindi motto ko lang.
So kanina, may inutos sa akin si Larson na mga linyang
dapat kong sabihin kapag nagkita kami ni Ren. Ako naman si tanga, sumunod
naman. Wala na akong magagawa dahil may basbas pa ni mama ang mga bagay na
ipapagawa sa akin at mga ipapagawa pa ni Larson. Sabi ni mama, magtiwala lang
ako sa gagawin niya. Hindi naman daw ako ipapahamak ni Larson dahil nangako ito
kay mama. Kaya hayun! Wala akong palag kung hindi sumunod. Sa history pa naman
ni mama kay Larson, true to his words ito at hindi nagsisinungaling. Pero sa
akin, oo... ata.
Mula sa locker room ay lumabas si Marcaux. Ewan ko pero
bakas sa mukha niya ngayon ang isang determinadong mukha. Anong meron?
"Allan, ikaw na ang magsara ng clubroom kasi ikaw na
lang ang tao dito." Sabay hagis nito ng susi ng clubroom sa akin at nasalo
ko.
"Saan ka pupunta captain?"
"May kailangan lang akong ayusin bago mahuli ang
lahat."
"Anong bagay ang aayusin? Teka captain, may problema
kayo ni Keith ano?" nakakaloko kong hula.
"At kung meron, ano naman?"
"Wala lang," kibit-balikat ko. "Kung ano
mang pagsubok iyan captain, malalampasan niyo iyan."
"Great. Mga bagay na ayokong marinig mula sa
iyo," sarkastiko niyang saad.
"Bakit naman?"
"You are suspicious in every way you do Allan. Isa
kang hindi mapagkakatiwalaang tao para sa akin," wika ni Marcaux sa
prankang tono.
"But you do trust me with these clubroom keys? Iyan ba
ang may trust issues sa akin?"
"Ibang bagay naman iyan. I'm just being reasonable na
dapat ikaw ang magsara ng gym ngayon. Quick question, may gusto ka pa rin ba
kay Keith?"
Napatawa na lang ako ng gaya kay Santa Claus. Layo pa ng
Disyembre ahh. "Quick question or a trick question?" ngiwi ko.
"Huwag mo nga lang intindihin ang tanong ko,"
singhag niya.
"Sa tingin ko ehh dapat umalis na ako-" Hindi na
pinatapos ni Marcaux ang aking sasabihin at lumabas agad ng basketball gym.
Ren's POV
Nasa Music Room ako ngayon at as usual, tinutulungan si
Blue... kung may maitutulong ako.
"Okay guys. Tama na iyan. Mag-review na kayo para sa
major exams ninyo," pagpapatigil ni Blue sa kanila.
Natawa na lang ako ng mahina dahil magre-review pa talaga
sila para sa major exams. While ako ehh sitting pretty lang.
"Joseph, pwede bang magpa-tutor ako?" tanong ni
Paul.
"Sure."
"Ano ito Ren? Parang wala kang problema ahh? Gaya nung
last semester, major exams na at ikaw, naka-upo lang ng walang problema?"
pagpansin ni Jonas.
"Oo nga. Anong sikreto mo?" tanong ni Ethan.
"Stock knowledge."
"Wow ha? Stock knowledge. Kapag puro ka ganyan,
magmumukha kang walang ambisyon dahil umaasa ka lang sa stock knowledge
mo," reaksyon ni Joseph. Ganoon ba ako? Walang ambisyon?
"Ang mabuti pa Ren, samahan mo ako. Bili tayo ng
burger para hindi tayo masabihan ni Joseph na walang ambisyon. Siya na ang
matalino," wika ni Blue.
"Sabi nga ng mga kaibigan ko, kapag nangangarap ay
huwag gamitin ang salitang ambisyon. Pangarap o dream na salita lang ang
kailangan gamitin. Dahil delikado ang salitang ambisyon parang ganoon. Dream
betrays no one but ambition can betray everyone." Tiningnan lang nila ako.
May mali ba sa sinabi ko?
"O baka gumagawa ka lang ng dahilan para hindi
mag-aral?" tanong pa ni Joseph. Kung alam mo lang.
"Tama na iyan Ren. Tara na at samahan mo akong bumili
ng burger para sa mga taong ito," hila sa akin ni Blue mula sa pagkaka-upo
sa sofa.
Habang naglakad kami ni Blue may maalala akong isang bagay.
"Blue, hindi ba nagkaroon ka dati ng amnesia?"
tanong ko.
"Yeah. Bakit?" sagot ni Blue.
"Gaano katagal bumalik ang mga ala-ala mo nun?"
Napa-isip siya. "Sa pagkaka-alam ko, mabilis ko lang
naalala ulit. Tinulungan kasi ako nila mama at papa at ni Aldred na maka-alala
ulit." Wow. Mabilis talaga. "Bakit mo naman naitanong?"
"Umm... tanong lang."
"May amnesia ka rin ba Ren?"
"Parang meron. Ohh, hindi parang. Meron talaga. Kaya
lang, hindi ko mabilis na maalala muli ang lahat. Parte-parte lang."
"Parte-parte lang? Hindi kaya Ren na hindi ka tagarito?"
"Ganoon ba iyun?"
"Umm... sa tingin ko. Mga anim na buwan kasi ata iyun
nang itago ako ni Chris sa Tagaytay. Wala talaga akong maalala nun. Tapos nung
nakita ko si Aldred, umuwi ako dito sa lugar na ito, mabilis ko na lang naalala
ang lahat."
"Akala ko, kapangyarihan ng pag-ibig ang
nakapagpabalik ng mga ala-ala mo," natatawang remark ko.
"Pwedeng ganoon ang nangyari," ngiti niya.
"Matanong ko nga. Kumusta iyung kahon na binigay ko sa iyo?"
"Nagamit ko Blue. Useful na useful para sa akin."
"Ganoon na? Ano ba ang ginawa mo sa kahon?"
"Imahinasyon."
Natawa na lang kami ng payak. Pagkarating sa bilihan ng
burger, may isang pamilyar na tao akong nakita. Si Keith. Halata sa mukha nito
na nag-iisip at problemado.
"Keith," tawag ko.
Napapitlag si Keith at bumaling sa akin. "Ren. Ikaw
pala."
"Umm... Blue, si Keith pala. Vice President ng
Journalism Club. At boyfriend niya iyung Captain ng Basketball Club. Si
Marcaux. Keith, si Blue pala. President ng Music Club."
"Hi," bati ni Keith.
"Hi din," si Blue saka tumuloy para umorder ng
burger.
"Mukhang may problema ka ahh."
"Oo nga Ren. Pero kaya to," pagpipilit ni Keith
na ngumiti.
"Tungkol ba ito kay Marcaux?"
"Yeah. Mukhang ako ang makakasira ng relasyon
namin."
"Heh? Bakit naman?"
"Umm... nagkasala kasi ako. May bagay na hindi ako
nasabi sa kaniya at nagalit siya sa akin."
"Wow. Problema ba sa pag-ibig ang pinag-uusapan ninyo?
Anong hindi mo nasabi?" sabat ni Blue.
"Umm... tungkol kasi sa first sex kasi namin ni
Marcaux," nahihiyang sagot ni Keith.
"Kailangan ba na dito natin iyan pag-usapan sa
labas?" si Blue.
"Ano namang meron sa unang sex experience ninyo?"
"Umm... nag-aano ba kayo sa partner ninyo?
Umm..." Gumawa na lang ito ng hand gestures na na-gets namin ni Blue.
"Secret," agad na sagot ni Blue.
"Umm... ako, hindi pa. Ano naman doon?"
"Nagawa ko kasi ng tama kaya... dito nanggaling ang
problema."
"Dahil lang sa nagawa mo ng tama, nagkaroon na ng
problema? Anong klase iyun? Ako nga ehh si Aldred... pa ang nagturo sa
akin," si Blue.
"Ang problema kasi Blue, hindi ko sa kaniya natuto
iyun. Nalaman kasi niya na natutunan ko ito mula sa isang babae. Sa best friend
ko."
"Problema nga... ba iyan? Mukhang masyadong kumplikado
nga," hindi siguradong masabi ni Blue.
"Pasensya na pero hindi ako maka-relate sa sinasabi
ninyo."
"Tapos nagalit siya. Sabi niya na, ayaw na muna niya
akong makita. Pero hindi daw ibig sabihin nun na hiwalay na kami. Pero galit pa
rin siya sa nalaman niya."
"Aba, maganda iyan. He still cares for you. Ang
solusyon diyan ehh pag-usapan niyo lang iyan ng masinsinan at magiging okay
lang ang lahat Keith. Harapin mo siya," advice ni Blue.
"Paano kung hilingin niya na maghiwalay na kami dahil
lang doon?"
"Tumigil ka Keith at huwag mag-overthink. Hindi naman
ata siguro ganoon kalaki ang galit niya sa iyo na porke't nalaman mo lang
gumanoon mula sa isang babae ay makikipag-break na siya sa iyo. Ang babaw
naman."
"Umm... salamat sa advice Blue. Ohh, heto na pala
iyung inorder nating burger."
Kinuha naming tatlo ang mga burger. Paalis na kami sa lugar
na iyun.
"Sabay na tayo Keith," yaya ko.
"Umm... dito pa ako pupunta sa kabila ehh. May
bibilhin pa ako," pagtanggi niya.
"Ganoon ba? Sige."
"Nice meeting you nga pala," si Blue.
"Ikaw din Blue. Nice meeting you," kaway ni
Keith.
Naglakad-lakad kami ni Blue at naisip na tumawid sa
kabilang banketa. Nang tumawid kami at nasa bandang gitna na, bigla akong kinutuban.
Lumingon ako sa kaliwa namin at isang sasakyan ang mabilis na humarurot sa amin
sa hindi kalayuan. Kapag hindi ito bumagal, babangga ito sa amin.
"Blue!" sigaw ko.
Bigla akong nabingi sa pangyayaring iyun. Agad kong tinulak
si Blue papunta sa kabilang banketa para hindi kami mabangga. Naiwasan namin
ang sasakyan subalit natapon ang mga burger na pinamili namin dahil sa natumba
kami sa ginawa namin.
"Blue, ayos ka lang?" usisa ko.
"Oo. Ayos lang ako."
Lumingon ako sa kaliwa ko ngayon at nakita ang sasakyan na
bumangga sa amin na nakahinto. Mitsubishi Lancer LX ang model at
halatang-halata sa kulay asul na pintura nito na lumang-luma na. Agad kong
hinanap ang plate number pero wala itong nakakabit sa sasakyan. Maya-maya ay
umatras ito at lumiko pa kaliwa saka humarurot ng takbo. Nagimbal ako dahil sa
may nakahandusay na tao doon at may mga burger na natapon. Hindi maaari. Si
Keith iyun!
"Keith!" sigaw ko saka pinuntahan ang
nakahandusay na katawan niya.
ITUTULOY...
C gerard yun...feel ku lang,,, mr author ano ba ang relation ni gerard at ren
ReplyDeletemukhang babalik n ang lahat ng alala ni garen dhil s nngyari ke keith.
ReplyDeleteHala bakit kaya binangga si keith wala naman syang kasalanan ah or dapat si Ren talaga yun? Haha
ReplyDelete-44
Palagay ko si ren ang punterya nun. Kawawa naman si Kieth. Sana hindi grabe ang injuries nya.
ReplyDeleteMatatanggap kya ni ferdinand ung mgyayari ky choco? Anu kya plano ni lars para ky ren at si allan ang pinakikilala niyong mr lion? Nakaka abang abng talga itong lstorya na ito at nakaktakot nrin ang mga nangyayari sa buhay ni ren
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
DeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
Deletefeel ko mamatay si Keith. hoping for it.
ReplyDelete