The
John Lloyd Diary
Chapter
VIII
by:
Apple Green
facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Maraming
salamat at umakyat na sa 7 ang nagging comment sa nakaraang update! Woooh.
Nakaka-miss lang nung TLW-days ko pa, andaming nagbibigay ng reaksyon nun.
Ngayon, NGANGA na! Hahahaha. Pero anyway, nagpapasalamat pa rin ako’t kahit
papano ay may mga sumusuporta pa rin sa pangalawa kong akda. Salamat po!
Hayaan
nyo muna si Kayne. Adik lang talaga yan! Pero… Hahahaha! No further comment na.
Anyway, eto na po ang pangwalong kabanata ng #TheJLDiary. Binilisan ko talaga
ang update para makabawi. Hahahaha! Enjoy..
PS.
Mag-comment naman kayo. Maawa naman kayo. Hahahaha! Tamang pampa-motivate lang
sa inyong lingcod, plethhh? HAHAHA!
-
Jace
=========================
"You're late. At sino yung naghatid sayo?"
Malamig na tanong ni Kayne sa akin na noon ay nakapang-tulog na damit na at nakahigang
nagbabasa ng libro sa kama ko.
"Bakit mo tinatanong? Eh diba wala ka namang
pakialam sa akin? Nagawa mo nga akong wag itext at tumawag man lang, o kahit magpakita
sa loob ng limang araw eh?" Matabang kong sagot. Umupo ako sa may sofa at nagtanggal
ng sapatos.
Napansin kong tumayo ito mula sa kama at lumapit
sa akin sa may sofa.
Nakasimangot pa rin ako. Papanindigan ko ang pagtatampo
sa kanya. Akala niya ganun-ganun nalang ako kadaling paamuhin pagkatapos ng ginawa
niya? No way.
"I'm sorry." At niyakap niya ako.
Well this is new. I've never seen him this
mushy and apologetic before. Siguro nasanay lang ako masyado sa "high and
mighty" na imahe ni Kayne.
Hindi naman sa pagmamalinis, pero dati rati kasi
ako ang unang nagpapakumbaba sa kanya, para sa ikakapanatag ngbrelasyon namin.
Di ako nanunumbat o anupaman, pero naninibago lang ako sa inaakto ni Kayne.
Pahigpit na ng pahigpit ang yakap niya sa
akin. At nang medyo lumawag na ito, isang nakangiting sobrang tamis na mukha ni
Kayne ang sumalubong sa akin, habang nakapulupot pa rin ang kamay nito sa bewang
ko.
Kunot-noo at isang kilay na nakataas lang ang
isinagot ko sa nagpapa-cute niyang mukha. Weird. Sinapian ba siya? O baka hindi
si Mark Kayne Dela Rosa tong nasa harap ko?
"This is awkwardly weird." Mahinang
anas ko. Nakangiti pa rin si Kayne na nakatitig lang sa akin.
"Namiss kita Biko. Miss na miss."
At isinubsob pa nito ng madiin ang mukha sa dibdib ko at hinalikan ako sa labi
ng mabilis. Tas balik na naman ang mukha niya sa balikat ko. "I love you."
"Should I start being
bothered now? You are totally weird." Ano ba ang nagyayari kay Kayne? Di
naman siya ganito noon ah.
"Eeeeeh!" Pagdadabog
niya na parang bata. "Namiss kita. Kaya wag ka ng choosy jan. Manahimik ka
nalang kung wala ka namang ibang sasabihin." At humigpit na naman ang
yakap nito. "I'm so sorry Biko. Please, don't give up on me. At please,
wag ka ng magalit."
Di ko na napigilan ang sarili ko.
Tuluyan ng nalusaw ang pagtatampo ko, at napatawa na ako sa inaakto niya.
Grabe. This guy is amazing. Alam na alam nito kung papano ako amuhin. Tangina
Kayne, mahal na mahal nga kita. Without any doubt.
"Sus!" At pinisil niya
ang ilong ko. "Galit daw, pero tatawa lang din pala kapag ginamitan ko na
ng alas. Napaka-epiktibo pala ng paglalambing ano?" At natawa na din siya.
"Pasalamat ka Dela Rosa at
mahal na mahal kita. Kasi kung hindi, hindi na ako nagmadaling umuwi dito.
Bahala kang magkamatay sa kakahintay sa akin."
"Ayan tayo Hidalgo eh! Ang
hilig natin sa mga satsat, di naman ginagawa. At talagang nagmamadali ka pa nun
ah? Limang oras akong naghintay sa pagmamadali mo. Gurabe!"
"Busy po sa trabaho. Just so
you know. Tas napagtripan pa ako ni Boss." Ipinaliwanag ko sa kanya kung
bakit di ko agad nabasa ang mga text niya, at kung bakit ginabi na ako masyado
ng uwi.
"Di mo pa sinasabi sa akin
kung san ka nag-o-OJT. At sino bang Boss yan?" Wow. Akala mo naman kilala
mo talaga ang lahat ng tao dito sa syudad no? Nagbihis na ako ng pambahay at
sinimulan ng maghanda ng hapunan. Di pa nga kami pareho nagdi-dinner.
"Eh, papano ko nga sasabihin sayo kung
palagi mo nalang akong inaaway at iniignora? Tss." Saad ko ng sinimulan ko
na ang pagluluto ng ulam. May kanin pa naman mula kaninang lunch, ifa-fried
rice ko nalang din to, kesa naman masayang. "Boss? Eh ang tawag lang sa
kanya sa opisina ay BM eh. Branch Manager. Hindi ko din masyadong kilala yun.
Sa tatlong linggo ko sa hotel, ngayon ko pa lang siya naka-usap eh. Wala din
naman akong pakialam sa pangalan niya. Suplado kasi." Kwento ko habang
sabay na niluluto ang ulam at sinangag.
Napansin kong naging tahimik na si Kayne
habang nagluluto pa ako ng hapunan. Nakahiga lang siya sa sofa at nanunuod ng
telenovela na paborito niya. Two Wives. Hahahaha. Ayoko dun, madaming throwback
memories ang binibigay sa akin ng palabas na yun.
"Babe, okay ka lang?" Tanong ko sa
kanya. Nakatalikod kasi siya mula sa kinalalagyan kong espasyo na nagsisilbing
kusina ng unit ko. Hindi ko mabasa ang mukha nito. Weird talaga. Tanging tango
lang ang nakuha kong sagot sa kanya. "Halika na. Kakain na tayo.
Come."
Nang mapansin kong di pa siya tumatayo, nilapitan
ko ito. At nung mapansin kong nasa pangkaraniwang poker face mode niya na naman
siya, nilambing ko na din to. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinadtad ng
pinong mga halik ang buo niyang mukha. Lima, sampu, dalawampu. Hindi ko
mabiling kung ilang maliliit na halik ang nagawa ko sa mukha niya.
Nang tumigil ako, nakita kong itinuro ng
kanyang daliri ang labi nito. Pahiwatig na gusto nyang halikan ko siya sa labi.
And I did.
I missed this guy so much that resisting his
kind offer to take over his sweet pair of lips is never a choice. Romancing and
kissing this demigod, is one of those opportunities I never dreamed I would ever
have.
Ang pa-sweet na halikan sa una, ay naging mas
mapaghanap, hanggang sa tuluyan itong naging mas mapangahas. Nawawala na kami
sa katinuan namin. We are breaking free from the beliefs and inhibitions that
are imprisoning the love that we are so eager to express to each other.
And the next thing we knew was that we are
both tired. Him, on top of me. Me, sweating like a bottle of beer that was
taken out of the fridge. And the both of us, trying so desperately to catch our
breath after an adventurous encounter, that got us both naked.
"Biko. Kain na tayo. Kanina pa ako
gutom." Saad ni Kayne na hinihingal pa rin.
"5 minutes Babe. Pahinga muna
tayo." Napa-ungol siya sa pagrereklamo. "Ikaw naman kasi. Tinatawag
ka na nga kanina, tinulak mo pa ako para landiin ka pa." At sinapak niya
ako ng mahina na nauwi rin sa malutong naming tawanan. God, how I love this
guy.
Pagkatapos magpahinga, sabay na kaming
dumulog sa hapag para makapaghapunan na. Di pa rin nawawala ang kislap sa mga
mata ni Biko habang kumakain kami. Titig lang ako ng titig sa mga mata niyang ang
sarap lang pagmasdan buong magdamag.
Pagkatapos makakain, sabay naming iniligpit
ang mga kalat at namahinga muna sa sofa habang nanunuod ng TV. Kapagkuwan ay
binasag niya ang katahimikan sa aming dalawa.
"I've gone through her account."
That was out of the blue. Kanino? "Aiko's facebook account."
"What about it?" At talagang
ni-research nya talaga si Aiko ha? Napaka paranoid talaga nitong boyfriend ko.
Eh hindi naman kagaya ito kagaya ng mga taong iniisip ni Biko na madaldal at naninira
ng buhay ng may buhay eh. Ilang beses ko ng ipinaliwanag kay Kayne yun.
"Found out about something. Do you know
Jet Altamirano?" Tanong nito sa akin na blangko na naman ang mukha.
"Yes, I do. Boyfriend siya ni Aiko."
"Close din ba kayo?"
"No. Kilala ko lang siya dahil kay Aiko.
Tatlo o apat na beses lang siyang nakasama sa lakad naming magbabarkada. At di
naman siya kumikibo masyado. Sabi ni Aiko, mahiyain daw talaga si Jet. Teka
nga. We're talking about him because...?"
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya
bago nagsalita. "Because he is my cousin. 2nd degree nga lang, pero nonetheless,
kilala niya ako."
What a small world. "Oh tapos?"
"Anong O tapos ka jan? Levi. Kilala nya
ako. Sa oras na malaman niya kay Aiko ang tungkol sa ating dalawa, patay ako."
At least ngayon, di na sya masyadong naiirita, di gaya nung nakaraan.
"But it doesn't necessarily mean that
he'll croak about it to just everyone in your family. Come on Babe, you're just
being paranoid. Have a little faith." Pang-aalo ko sa kanya.
"Eh Biko. Close kasi kami nun simula pa nung
bata kami hanggang sa high school. College days, di kami masyadong nagkikita
na. Pero still..." Nakasimangot na sya.
"Then the more reason to never doubt
him. Kasi nga close kayo, at maiintindihan ka niya. Just be positive about
things. Asan na yung optimistic na DeckardCain na nakilala ko dati sa Planeta?"
"Biko naman eh---" Di ko na siya
pinatapos at agad ng sinakop ang labi niya bago pa man kami mag-away na naman.
Ang sarap sarap halikan ng mga labi ni Kayne, lalo na pag di ito naglalabas ng
kung anu-anong birada laban sa akin. Hahahaha.
"Tama na ang satsat. Laban na!"
Saad ko ng binitiwan ko muna ang labi niya, pero itinuloy ko naman ulit ang
paghalik sa kanya. Naramdaman kongntumatawa siya sa pagitan ng aming eksena.
Natigil naman ako sa ginagawa ko. "Bakit?"
"Wala." At suot-suot na naman niya
ang nakakabahala niyang ngiti. "Ang gwapo lang talaga ng boyfriend ko.
Parang si John Lloyd." Tss. Ayan na naman yang pangalang yan eh.
"Bola pa more. Tss." At hinalikan
na naman ako nito ng mabilis sa labi. Smack lang. "Wag mo nga akong
binibitin. You know so much that I don't appreciate being left hanging."
Tumawa pa siya. Pero natuloy din naman ang
naputol na eksena kanina, bago pa man siya tumawa.
Haay. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking
ito. Kahit paulit-ulit akong masasaktan sa ginagawa niya sa akin, isang SORRY
at konting lambing niya lang, nawawala agad ang lahat.
I've never felt so happy before. Mas kontento
ang pakiramdam ko sa maiksing panahon namin na mag-a-apat na buwan pa lamang,
kesa sa mahigit apat na taon namin ni Jeffrey dati. Right then and there, I
knew, that my love for Kayne was more powerful that what used to be my feelings
for Jeffrey before.
"Ayan. Ikinukumpara mo na naman ang
dalawa. Di maganda yan."
Oo, alam ko naman eh. Hindi ko lang talaga
mapigilan. Kasi naman... basta! Mahal ko lang talaga si Kayne, kaya kung
anu-ano ang pumapasok sa kokote ko. Mahal na mahal. It maybe sounds so cheesy and
overrated, but I just couldn't imagine life without him.
Siya na yung bumubuo ng salitang "happiness"
sa akin eh. Sa lahat ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako nagin masaya ng ganito.
Kayne might be so cruel at times, but what
can I do? I'm already stuck with him. Kasi nga mahal na mahal ko siya. At kahit
masakit, pinipili mo nalang maging masokista minsan kesa naman sa abandunahin
mo mismo ang taong nagpapasaya sayo.
"I love you so much Levi." Narinig
kong anas ni Kayne habang nasa kalagitnaan kami ng maiinit na tagpong tumutupok
sa buo naming katawan. "I love you so much. Akin ka lang."
Napangiti naman ako ng labis-labis sa sinabi
niyang iyon. "I love you so much more, Kayne. Iyong-iyo lang ako,
pangako."
=================================
Kinabukasan, dahil wala naman akong klase sa
buong araw, maaga akong nag-report sa hotel. Wala pa din kasing naha-hire na
bagong Receptionist. At ayoko namang biguin si Miss Aileen, kaya gagawin ko ng
maayos ang trabaho ko. And I wanted Babe to be proud of me, at the very least,
somehow.
"Nasa hotel na ako. Kakadating ko
lang." Sabi ko kay Maia na nasa kabilang linya ng telepono. "Kita
nalang tayo maya Beast. Gotta go, baka hinahanap na ako ni Maam Aileen."
At pinatay ko na ang tawag at dali-daling tinakbo ang entrance ng mga staff at
empleyado ng hotel.
Sa pagmamadali ko, kamuntikan ko ng mabangga
ang isang naka-suit na lalaki na papasok din sa pintong papasukan ko din. Buti
nalang at napansin ko agad siya at di
kami tuluyang nagkabanggaan. Pero, napalingon siya sa akin. Kasabay ang isang
ngiti sa labi niya, bigla naman akong nagulat sa mukha ng lalaki. Si BM pala.
"S-sorry Sir. I.. I.. I mean, g-good morning
Sir pala!" Tengene. Bakit ba ako kinakabahan sa presensya niya? Kagabi
naman, di naman ako nasindak sa kanya ah? Dun ko lang naalala ang tinanong niya
sa akin nung nakababa na ako sa kotse niya. Nababagabag tuloy ako kung bakit
gusto niyang imbitahan konpa siya sa loob ng apartment ko. Tss.
"Good morning Mr. Hidalgo. It's too early in the morning to
cram and all. Pero ang aga naman ata natin ngayon?" Ang totoo nyan, maaga
akong nagising kasi maagang umalis si Kayne, pauwi. At di naman ako pumapayag
na umalis siya ng bahay na hindi nakakakain.
"Wala po kasing tatao sa Front Desk Sir.
And since you and Maam Aileen have the utmost confidence in me, then I guess I
don't have the right to bring you down." Yes. Salamat naman at bumabalik na
ang pagiging pagka-palaban ko. Sinabayan na ako ni BM sa paglalakad papasok ng
hotel, nang maramdaman kong tinatapik na niya ako sa balikat.
"Yes. That's the attitude Mr. Hidalgo.
Dyan mo ako pinapahanga sayo eh. Keep up the good work." At ayan na naman
ang mga gestures niyang hindi ko talaga nagugustuhan. Mamaya may makakita sa
amin, mag-isip pa ng kung anu-ano. Baka isipin nilang nagpapa-sipsip ako.
O di kaya ay baka isipin ng iba na.. na..
na.. nilalandi ko si BM.
Wait, what?!
At bakit ko naman iisipin ang ganung bagay?
Tangina Levi. Focus!
"...Mr. Hidalgo?" Tawag sa akin ni
BM. Shit. Di ko napansing kanina pa pala siya nagsasalita at hindi ko narinig
sa sobrang pag-iisip ko. Nasa lobby na pala kami at nasa harapan na ng Elevator.
Wait, why am I here? Dapat sa may Employee's
Locker Room ako didiretso. Tangina naman Levi o. Gano na ako katagal nawala sa
sarili? Nakakahiya!
"Okay ka lang ba Mr. Hidalgo? Masama ba
ang pakiramdam mo? Namumutla ka." Saad ni BM na may ngisi sa labi na tila
nagsasabing may kakaiba siyang ideya sa isip niya. Tss. Para naman akong
nabuhusan ng malamig na tubig. Arrrgh.
"Yes Sir, everything is fine. I apologize
for spacing out. I'm sorry Sir." Awkward na paghingi ko ng dispensa sa
kawalan ko ng focus.
"It's okay Mr. Hidalgo. Tayo-tayo lang
naman. Sige na, aakyat na ako. Good luck with your shift. Have fun." Yun
lang at sinundan ko na siya ng tingin habang papasok na siya ng elevator. Bago
pa man nagsara ang elevator, nakita ko pa itong sumaludo sa akin na mala-John
Lloyd sa isang commercial. Dali-dali na din akong nagpunta sa may Locker Room
at nagbihis na ng uniporme.
Habang nagbibihis, hindi ko talaga malaman
ang dahilan ng pagkaka-blangko ko kanina. Nakakahiya. Buti nalang wala pa masyadong
tao sa Hotel Lobby maliban sa mga guest na kakatapos lang sigurong mag jogging
at pabalik na sa kani-kanilang mga suites.
Focus Levi! Focus.
Sa sumunod na mga oras, pasalamat naman ako
at nagsi-datingan na nga ang mga turista at guests na gustong magcheck-in sa
hotel. Bukas na kasi ang pinakamalaking event ng Festival.
Pati nga si Maia ay pinatulong na sa Front
Desk ni Maam Aileen eh. Masaya kasi, at least, may kasama ako. Pero kahit na
sobrang busy, at kahit hindi naman nagrereply ang mokong, nagnanakaw pa rin ako
ng text sa kanya. Hehehe. Ganun ako ka sweet. Ngiti lang ako ng ngiti habang
tinetext si Kayne, nang biglang tumunog ang telephone ng front desk na ang
linya ay ekslusibo lang sa loob ng hotel.
"Hotel De Vierra Front Desk, good
morning." Sagot ko sa telepono nang mapansing may ginagawa pa si Maia.
"Mr. Hidalgo. I need you at my office
now." Napaka-demanding naman ng awtoritobo na boses na yun. Si BM.
"Right away Sir." At binaba ko na
ang telepono. "Beast, pinapatawag ako ni BM eh. Kaw na muna bahala dito ah?"
Baling ko kay Maia na tinapunan lang ako ng mga nagtatanong na mata.
"Sige, maya ulit."
Umakyat na nga ako sa may Admin Office upang
puntahan si BM. Mag-aalas dose na, at sana naman ay mabilis lang ang ipapagawa
nito. Gutom na ako.
"Come in Mr. Hidalgo." Saad ng
baritong boses pagkatapos kong makakatok. Pumasok naman agad ako. "Have a
seat." Paanyaya nito sa akin.
"Good morning Sir. Thank you." At
umupo na nga ako sa isa sa mga visitorvs chair.
"How's your work at the Front Desk, Mr.
Hidalgo?"
"So far so good Sir. There were 34
guests who checked in this morning. And with the rest of the guests who
reserved their suites, and who will be coming this afternoon, the hotel will be
full in no time." Paghahatid ko ng status report sa boss ko.
"Napaka-workaholic mo naman Mr. Hidalgo.
And I appreciate it. But what I'm asking was, how are you at the Front Desk.? Are
you comfortable with your job?" There goes his sarcastic smile.
Nakakakilabot, kasi hindi ko alam kung ano talaga ang pakay nito sa akin. The
fear of the unknown.
"Yes sir. I'm comfortable with it. It's
tiring but the experience, the lessons, and the opportunity of having such a job
is making it worthwhile." Direchong sagot ko.
"Good." Tumayo ito mula sa swivel
chair nito at inayos ang suot nitong suit. "Join me for lunch."
What?! "Thank you for the offer Sir, but
I can't abandon my post. I still have work to do, and I did not notify Maam
Aileen and my ko-intern, Miss Suarez, that I'll be leaving for lunch. I apologize
Sir." Ayokong sumama dahil na nga sa rason na sinabi ko, at isa pa, lalong
hindi ako komportable sa Boss kong hindi ko naman talaga ang tunay na pakay sa
akin.
"So you are refusing me now, Mr. Hidalgo?"
May halong pagka-irita na na nakikita sa ekspresyon ng mukha niya, pero
tinitimpi nya lang ito para maging pormal pa rin ang dating ng usapan namin.
What're you expecting me to do? Pumayag sa
gusto mo? Eh hindi nga kita kilala. You're my boss, but that doesn't change the
fact that I am still in the middle of work. And especially, you are just asking
me out of the blue. Napaka-unprofessional ko naman siguro kung magpapalandi ako
sa boss ko.
"Teka. Landi? Big words, Mr. Hidalgo.
Landi agad? Napaka-judgemental mo naman. Di mo pa bga kilala yung tao. Feeler.
Hindi ka gusto nyan."
Eh di hindi! Pero bakit simula pa kahapon,
ako at ako lang ang pinagtitripan nito? Sabihin mo na John Lloyd na assuming
ako at kung ano pa ang gusto mo, basta hindi ako komportable sa boss kong to.
"You are refusing your boss'offer now,
Mr. Hidalgo?" Pag-uulit niya.
"With due respect Sir, yes. I am
refusing your offer. You have to understand, especially that you are my boss. I'm
still in the middle of my shift and I am needed at the Front Desk. I just can't
abandon my work that easily." Sagot ko na nais ko pa sanang idugtong ang
tanong na gusung-gusto kong ibato sa kanya. Bakit ako? Anong nakain niya't
inaya niya ako para samahan siyang kumain?
Nakita ko siyang tumalikod mula sa akin, at sa
tingin ko'y sinapo ng kaunti ang sarili nitong noo. "Okay then. You are
dismissed, Mr. Hidalgo."
"Thank you Sir." Boom, hiya!
Nakangiti lang akong tumalikod at tinungo na ang pintuan ng opisina. Nice one,
Levi. Tinalo at ipinahiya mo pa siya. Hahahaha.
Nang makabalik na ako sa Front Desk,
nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin sa akin ni Maia na wala pa namang
taong dumarating. Siguro mamayang hapon pa talaga ang datingan ng mga guest na
nakapagpa-reserve na.
"Mr. Hidalgo, Miss Suarez, take your
lunch na muna. Ako na muna ang tatao dito. But please be sure to come back as
soon as you finish your lunch ha?" Nakangiting saad ni Maam Aileen sa amin
ni Maia. Kapwa naman kami napatango. Inayos ang mga gamit, at pumunta na sa
Employee's Pantry.
"Beast. 6 o'clock." Sabi ni Maia
nang naglalakad na kami papunta sa Pantry para makapag-pananghalian na. Ang
tinutukoy nito ay ang direksyon na nasa likod namin. Military style kasi kami
mag-usap basta tungkol sa direksyon.
Nang pasimple kong nilingon ang likod namin,
nagulat ako. Si BM. Naglalakad din sa direksyong tinutungo namin. Akala ko ba
magla-lunch na siya, bakit siya sa Pantry sya pupunta gayong hindi naman daw
nito nakaugalian na doon kumain tuwing lunchbreak? Weird.
Nakatingin lang din siya sa akin nang
lumingon ako. Blangko ang mukha, subalit nakataas ang isang kilay nito na
maya-maya'y tumango sa akin.
"What the fuck." Mahina kong reklamo.
"Bakit?" Narinig pala ni Maia.
"Mamaya na." Napatango naman si
Maia, pumapayag sa pagpapaliban ko ng usapan.
Punyemas naman, Levi, oo! Hanggang sa pagpila
ba naman para bumili ng pagkain, susundan ako neto? Buti nalang at kahit
papano, nasa pagitan pa rin namin sa pila si Maia. Anak ng kwek kwek naman!
Bakit ba hindi nalang siya dumiretso sa
counter para makapag-order na agad ng pagkain? Total, siya naman ang boss dito
eh. Hindi na niya kailangang pumila! Wag ka na kasing pumila Ser!
Awkward.
Yun ang naramdaman ko ng bigla nalang kinausap
ni BM si Maia habang nasa pila pa rin kami. Pero nung may tinanong si Maia sa
akin habang magkausap pa sila ni BM, sa katangahan ko, napalingon ako sa may
bandang likuran ko. At nung ginawa ko yun, mga mata ni BM agad ang sumalubong
sa mata ko.
Shit! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari Ser?
Pisti naman tong boss ko, oo!
Awkward.
Yun din ang paraan ng pagkakasagot ko sa
tanong ni Maia. Napansin kong medyo napangiti si BM nang nabubulol kong sinagot
angbtanong ni Maia.
Di ko nalang pinansin at sinubukang suotin
ang Poker Face na mukha na ginagamit sa akin ni Kayne, at itinuon ang atensyon
sa harapan.
Pagkatapos ng ilang sandali, naka-upo na din
kami ni Maia sa isang pang-apat na mesa. Tigda-dalawang tao ang pwedeng umupo
sa dalawang gilid ng mesang iyon. At basta kami ni Maia ang magkasabay na
kumain, gusto naming magkatabi kami.
Akala ko'y makakahinga na ako sa matinding
kaba na dulot ng presensya ni BM, kasi maliban sa bakanteng dalawang posisyon
sa harapan ng mesa namin, isang mesa nalang din ang bakante. Nasa likuran namin
iyon, at sinadya ko talagang pumwesto sa pwesto ko para di ko makita ang
pakshet kong boss habang kumakain. Baka mawalan ako ng gana.
Pero nagkamali ako.
"Miss Suarez, can I share with your
table?" Parehas naman kaming napatingin sa gilid namin, sa may gilid ko
mismo at hindi sa tabi ni Maia, na pinanggagalingan ng baritonong boses na yun.
Kill me. Kill me now!
"Puno na kasi ang mga mesa eh. I hope
you guys don't mind." Ngumingiti sya sa amin, pero alam kong inaasar lang
ako nitong Branch Manager namin na saksakan ng pagka-hambog. Tss.
Tanga ka ba Ser? May bakante pa namang mesa jan
sa likuran namin ah? Di mo ba nakikita? Tss.
Sinasadya talaga akong inisin nitong anak ng
pakshet na to eh! Punyemas.
"A-ahhh.." Hindi malaman ni Maia
kung ano ang gagawin. Palipat-lipat lang ang tingin nito sa akin na nagsisimula
ng kumain at piniling ignorahin ang boss namin, at kay Sir Mark na nakangiti pa
rin sa amin, kuno. "S-sige po Sir. U-upo po kayo."
Tangina naman Maia o! Bakit mo pa pinayagang
umupo dito yang bwisit na yan?! Tss. Siniko ko sa ilalim ng mesa si Maia habang
papa-upo pa lang ang boss namin, partikular na sa harapan ko talaga mismo na
may kasamang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Napalingon naman sa akin si
Maia na tila humihingi ng dispensa sa nangyayari.
Ako? Wala naman. Gusto ko lang namang sabihin
sa kanila na nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa demonyong nakangiti sa harapan
ko, at magwalk-out at bumalik na lamang agad sa Front Desk.
Pero anak pa din kwek kwek, di ako makatayo
sa kina-uupuan ko. Pisti.
"Bakit ba apektado ka masyado dyan sa
boss mo?"
Nararamdaman mo naman diba? Wag mo sabihin sa
akin na naging manhid ka na sa pagiging John Lloyd mo?
"Nagiging obvious ka kasi. Kaya mas
lalong gusto niyang asarin ka. Wag kang magpatalo. Ipakita mo sa kanya na hindi
ka nababahala sa presensya niya."
Tama. Tama si John Lloyd. Okay, continue.
"Ilang buwan ba ang itatagal ng
Internship nyo, Miss Suarez?" Kompirmado. Ako nga ang tinatarget ng gagong
ito. Ayaw man lang i-acknowledge ang presensya ko. Bakit? Dahil tinanggihan ko
ang imbitasyon kanina? Okay fine.
"Mga t-tatlo o apat na b-buwan
Sir." Alam ni Maia, kahit di ko man sabihin, na naiilang ako sa paligid
naming tatlo na nakaupo sa mesang iyon.
"Ah ganun ba? Okay naman ba kayo dito sa
hotel? Tinatrato naman ba kayo ng mabuti ng mga empleyado dito?" Pakiramdam
ko, kahit sila ni Maia ang magkausap, nasa akin lang nakapako ang buo niyang
paningin at atensyon. Makatitig kasi siya minsan, imba din eh. Parang nakikita
niya ang hubad kong katawan sa ilalim ng mga telang suot-suot ko. Pakshet.
"Okay naman po S-sir. Wala naman hong p-problema.
Enjoy naman kami sa OJT namin dito." Ah bahala ka diyan Maia! Basta ako,
sa pagkain ang atensyon ko. Para makabalik na agad ako sa trabaho, at makaiwas
sa pakikipag-usap ni Boss sa akin. Tss.
"Good." Natahimik din siya sa
wakas. Akala ko tapos na siyang mang-usisa. "Ikaw, Mr. Hidalgo. Okay ka
lang ba dito?" Tinanong mo na ako nyan kanina Sir, at sa pagkakaalam ko,
sinagot ko na din ang katanungang iyan kanina. Nung tiningnan ko siya, halatang
ngisi sa halip na ngiti, ang dini-display ng mga labi niya. Tss
"Okay naman po Sir." Kelangan ko
ulit gumawa ng paraan para di lumaki ang ulo niya. And I've got a good idea.
"Mai, nagawa mo na ba ang project para sa Office System natin?"
Baling ko kay Maia. Sige lang Sir, makinig ka. Watch and learn. "Bukas na
kasi ang deadline nun."
"H-ha? A-anong project ba?" Nalilito
si Maia. Kasi alam nitong nagsisinungaling lang ako. Pero pasalamat na din
ako't sinasakyan ni Maia ang gusto kong mangyari.
"Yung pinapagawa sa ating 3 pages na
essay tungkol sa Work Ethics at Professionalism In The Work Place. Nakalimutan
mo na ba?" Mula sa pakikinig sa amin, nakita ko namang parang nabuhusan ng
malamig na tubig ang boss namin, na napatungo nalang sa pagkain nang marinig
ako.
Yes! I won. Hahahaha.
"Ah y-yon? O-oo nagawa ko na. Kahapon
pa." Buti nalang at sa pagkain niya nakatuon ang atensyon ni BM at hindi
niya nakita abg kalituhan ni Maia.
Hahahaha! Ako pa rin ang nagwagi.
Pagkatapos ang ilang minutong katahimikan sa
pagitan naming tatlo, sa wakas, natapos na din kami ni Maia.
"Sir, mauuna na po k-kami. Baka
hinahanap na kami ni Maam Aileen." Panghihingi ng permiso ni Maia.
"Sige Miss Suarez. Have a great shift."
Nakatalikod na kami ni Maia at aktong palabas na sana ng Pantry, nang tinawagbulit
kami nito. "Mr. Hidalgo, I need you at my office later at 5PM."
Takte! Ano naman ba ang gustong mangyari
nito? Naku, sinasabi ko sayo Sir Mark. Pasalamat ka at kelangan ko tong OJT na
to para makapagtapos sa Marso. Kasi kung hindi, hindi ko pagtitiisan yang kalokohan
mo.
"Yes Sir." Sagot ko nalang. No
choice. At bumalik na nga kami sa pwesto namin.
"What was that all about?" Tanong
sa akin ni Maia nang kami nalang ang nasa Front Desk, pagkatapos kaming iwan na
ni Maam Aileen. "Paki-explain mo nga sa akin Beast. What's with you and BM?"
"Don't start Mai. Ayoko munang pag-usapan."
"No. Pag-uusapan natin to ngayon, sa
ayaw o sa gusto mo. Mamamatay ako sayo eh. Hindi ko alam kung sino ang mas
ipa-priority ko. Ikaw ba na bestfriend ko, o siya na Boss natin? Levi naman.
Talk!" Utos sa akin ni Maia.
At wala na nga akong ibang nagawa kundi ang
sabihin sa kanya ang lahat-lahat ng engkwentro sa pagitan namin ni BM. Pati na
yung mga banat ni BM na sobrang nakaka-bother na.
"Yup. He definitely likes you."
Konklusyon niya nang natapos akong magkwento.
"Tss. Tae yan! Imposible." Kahit na
lumitaw din namannyang anggulong yan sa isip ko, pero napaka-imposible kasi.
Ano naman ang naging rason kung sakaling gusto niya nga ako? "Mukha bang
bakla o bisexual si Sir sayo?"
"You should know better, Lev. Si Jeffrey
nga, hindi naman nakikitaan ng pagka-bisexual yun ah. Ewan ko lang jan sa bago
mo. Di mo pa pinapakilala sa akin eh. Basta. Yun ang assessment ko, base sa
kwento mo." Pinal na desisyon ni Maya. Tama naman ang argumento niya eh.
"Ayoko na munang isipin yan. Toxic
masyado ang taong yun eh. At isa pa, may boyfriend na po ako. At mahal na mahal
ko yun." Yun din ang paninindigan ko. "Trabaho na muna tayo ha?"
Sarkastikong ngiti ko kay Maia.
===============================
Alas singko na ng hapon. Oras na ng pag-uwi
naming mga OJT.
Pero kung bakit ba kasi pinapatawag na naman
ako ni BM? Eh kagaya nung dati, walang kabuluhan na namang usapan ang pakay
niya, sana nakauwi na din ako kasama ang buong barkada.
Haaay.
Papasok na ako ng elevator papunta sa opisina
ni BM, nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
Si Jet. Ang boyfriend ni Aiko. Ang pinsan ni
Kayne.
Omaygas! Oo nga pala. Pinsan siya ni Kayne!
Pisti na.
Ay. Siguro di din niya alam ang tungkol sa
amin ni Biko. Sana di pa pumutak ang bibig niyang si Aiko at sinabi kay Jet ang
tungkol sa amin.
"Oy. Jet. Kumusta?" Sabi ko kay Jet
nang makalapit na kami sa isa't isa. Na-o-awkward ako kasi ngayon pa lang kami
magkakausap na kami lang, at isa pa, naiilang ako dahil nga alam kong pinsan
sya ng boyfriend ko, at napa-paranoid na din ako kung alam ba niya o ano.
"Okay naman Lev. N-nakita mo ba si Aiko?
Susunduin ko sana sya eh." Nagkakamot pa ng ulo si Jet. Mukhang kanina pa
niya inaantay ang nobya.
"Oo Jet, kaso kanina pa kasi sila nakaalis
eh. Di ka ba niya tinext?"
"Patay. Naiwan ko kasi ang cellphone ko
sa bahay eh. Di ko kasi namalayan ang oras. Alas singko na pala. Ikaw, bakit di
ka pa nakauwi?"
"Ah, p-pupunta pa kasi ako sa opisina ni
BM eh..." May idudugtong pa sana ako na kasiipinatawag ako ni Boss, pero
napansin kong napangisi si Jet. Nahiwagaan naman ako sa ngisi niyang iyon.
"B-bakit Jet?"
"Ikaw ha! Naglilihim na kayo sakin
ngayon." Pangangatyaw ni Jet na may kasamang mahinang siko pa sa tagiliran
ko. Nabigla naman ako sa sinabi nito. Wag mo sabihing...
"H-ha? A-ano ibig mong sabihin,
Pards?" Ngayon lang kami nagkausap nitong si Jet ng kami lang, pero may
kislap ang mga ngiti at mata nito na hindi ko naiintindihan.
Natawa naman si Jet. "Alam ko na kasi.
Nasabi ni Aiko sa akin. Pero wag kayong mag-alala ni Insan, lablyp nyo yan. At
kung san kayo masaya, nakasuporta lang ako." Shit! Alam nga nya! Tangina.
"Basta alagaan mo ang pinsan ko ha?"
Di ko alam ang mga salitang sasabihin. Tanging
tango nalang ang naging sagot ko nang nagpaalam na syang sundan nalang sa daan
si Aiko.
Arrrrgh! Papano ko ba sasabihin to kay Kayne
ngayon? Kahit binigay na ni Jet ang salita niyang di sya mag-iingay,
panigurado, susumpungin na naman ng paranoia ang boyfriend ko. Pero bahala na.
Karapatan naman niyang malaman. Pero sana, maintindihan niya ang sitwasyon.
Haaay.
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko
habang wala sa sariling naglalakad papunta sa opisina ni BM.
Gulat na gulat pa rin ako sa ibinunyag ni
Jet.
Biko, sana wag kang magalit ha? Sinabi nga ni
Aiko kay Jet, pero binigay naman ni Jet ang pangako niyang hindi siya
magsasalita eh. Sana naman pakinggan mo ako.
"Mr. Hidalgo, okay ka lang ba?" Bigla
akong bumalik sa reyalidad ng matantong nasa harapan ko na pala at nakaupo sa
swivel chair niya si BM. "You're overdoing yourself. Come, have a
seat." Paanyaya niya. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa harapan ng
mesa niya. Nang makabawi ako sa pagkakablangko na naman, nakita ko itong napangiti.
"Sir bakit nyo po ako pinapunta?" Direchahang
tanong ko. Ayoko ng magpaliguy-ligoy pa. Gusto ko ng umuwibat magpahinga.
"Nagmamadali ka atang umuwi Mr. Hidalgo.
May lakad ka pa ba?" Tangina naman oo! Bakit ba kasi tanong ito ng tanong
tungkol sa personal kong buhay? What do you want from me?!
"Wala naman po Sir."
"Good. Then let's have coffee muna bago
kita ihatid pauwi?" Ngisi niya.
This guy is unbelievable. Hindi ko alam kung
talagang matalino, disente, masungit at strikto nga ba ito na dati ko pang
naririnig sa ibang empleyado dito, o sadyang napaka-unprofessional nya lang
talaga para imbitahan ako sa mga bagay na hindi ko naman alam kung bakit niya
ginagawa.
"Mr. Hidalgo, I'm waiting for an answer."
Pormal pero puno ng superyoridad na saad nito.
"No Sir, I----"
"Are you gonna keep on refusing and
rejecting me over and over again, Mr. Hidalgo?" Ayan. Halatang may halong
pagka-irita na sa pinipilit na kontrolin na tono sa boses niya.
Gustung-gusto ko ng tanungin at ibato sa
kanya ang mga tanong na kahapon pa naglalaro sa utak ko.
What do you want from me Sir Mark? Why are
you doing this?
Bakit ako pa?
"Look Mr. Hidalgo. I just wanna be
friends with you. That's it. Why do you keep on pushing me away? I don't think
a friendship between a boss and his employee is bad, after all. So why are you
doing this?" Tila gumuguho na ang matigas na aura na laging suot-suot ni
BM sa sinabi niyang ikinagulat ko din.
Friendship nga lang ba ang habol mo sa akin BM?
"Ayan! Dyan tayo magaling. Assume pa
more."
Can you blame me? Kahit nga si Maia, yun din
ang nakikita niyang motibo eh. Tas ikaw kaya ang imbitahan sa kung anu-anong
mga bagay, eh hindi naman kayo masyadong close. Di ka pa rin ba magdududa?
I need to make a distance between the both of
us. Boss ko siya, at empleyado niya ako. At lalong hindi ako ganung klaseng tao
na nagpapaka-sipsip sa Boss niya para makakuha ng mataas na posisyon sa trabaho.
Ipagpalagay na nating pagkakaibigan nga lang
talaga ang gusto nito, pero ang katotohanang hindi ako komportable sa mga
ipinapakita niya ay sa tingin ko nama'y sapat na na dahilang upang tanggihan ko
siya.
Ayokong lumabas na bastos, ngunit kailangang
malaman niya ang saloobin ko.
"Sorry Sir. But I need to refuse your
offer. I'm not comfortable with it. And this is just plain work. So please Sir,
with due respect, stop it." Nakita ko siyang nadismaya nalang at napalingon
sa ibang direksyon, pero wala akong pakialam. "I need to go Sir.
Bye."
At dali-dali ko ng tinahak ang pinto at
sumakay ng elevator. Nilisan ko ang hotel na iyon na isang bagay lang ang nasa
isip.
May boyfriend ka na na mahal na mahal mo, at
kung anu't anuman ang talagang pakay nito, wag mong pansinin.
Kung sakaling pag-initan niya ako sa hotel
nang dahil sa ginawa ko, wala akong pakialam. Madami pa namang pwedeng
malipatan na mga hotel jan eh.
Bahala na si Batman.
- Itutuloy -
Konting hugot pa pero naeenjoy ko story mo.. More emotions pa pero its cool.. Hehe goodluck and keep it up.. 💐😄😜👍
ReplyDeleteNakaka bother si mr.fiftyshadesofgray ay si BM pala.
ReplyDeleteKunga sino sya, related ba sya ke kayne na nagtatago ahha,
kung matitibag nya ba walls ni Levi, kung kung kung ay hahaha
nga pala author, iba kasi yung atake mo sa TLW but it does not make you less as a great writer. Just keep on writing and make other hook on your story just like me :)
-eros
Salamat naman at faithful ka ke Kayne. Thanks sa update mo Mr Apple Green(a.k.a granny smith). Take care.
ReplyDeleteHmmmmf.. ☺☺☺ cool hehehe more rebelation pa siguro sa character ni kayne par may injoi hehehe masyadong nakahide..ehhhh
ReplyDeleteMasarap basahin kc ung TLW hehehe
Shai
Hi I just want to tell you na gustong gusto ko 'tong story mo. Thanks for updating! :)
ReplyDeleteIto ang unang comment ko para sa story na 'to. Nung nalaman ko kahapon na ang sumulat nito ay yung sumulat ng TLW, nagsimula na akong magbasa. At grabe. Walang kupas ka mr. Author. Ang ganda. Puro sampal ng realidad ang naranasan ko sa mga naunang chapter. HAha. Nakikita ko sarili ko kay Levi. Haha.
ReplyDeleteDi kaya magkapatid si kayne at si BM? Haha. Wala kasing apelyidong binanggit nung nagpakilala yung BM. haha. Nanghula lang naman :3
Now waiting for the next update. KUDOS mr. Author :)
Tagal nman ng Chapter 9..
ReplyDeleteTagal kuna nag'aantay.. Hehe
Miss kuna si Kayne
hmmm, is BM have a hidden agenda with Mr. Hidalgo? next update for clarification! he he he
ReplyDeleteAuthor? Asan kna? Update kna please.. :(
ReplyDelete#Harold
Well done Mr. Author! So proud of you. True to life po ba to? xd
ReplyDelete-Emrys20
pakyu ka Emrys! hahaha
Delete