Followers

Wednesday, June 3, 2015

Love Is... Chapter 35



AUTHOR’S NOTE: Hello! Sorry sa delay ng isang araw!

Special mention na lang kay FRANZ at sa mga KAIBIGAN niyang naghihintay sa update ko na ito. Pati na rin kay NINZ na nakikiisa sa pagiging demanding ni Franz. Heto na! Kayo ha! Hahahahaha!

Kay Sir MIKE, at Sir PONSE, salamat po ulit! :D

Sa mga RYESTERS, ka-BLUE ko, BTBBC pipz, MSOBians, K-FED Family, mga friends ko sa FACEBOOK, mga READERS, COMMENTATORS, at sa mga hindi ko pa nabanggit, Kaway-kaway na lang! Kumusta kayo?

No further ado, guys! Basa mode na lang kayo! Enjoy!


#LoveIsChapter35 is up!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos, and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V
VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV
XVI | XVII | XVIII | XIX | XX
XXI | XXII | XXIII | XXIV | XXV


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Axel De Los Reyes’ Love Game (Completed)
Ponse’s Ang MAGIC sa Coffee Farm (On-going)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXXV


Red’s POV

“Base on the result… may tumor na nakita sa utak niya.” Ani Doc.

Batid ko ang pagkadismaya ni Riel sa nalaman. Maskin ako’y ganoon din.

Malaking bagay iyon kapag sinabing may problema ka sa iyong utak. Syempre, utak ‘yon e. It is rather okay na malamang ibang sakit iyon, kesa malamang nasa utak iyon.

At least, with other diseases, you can remember everything. Tendecies like losing some of your memories is really a big deal. Hindi lang sa side ng pasyente, pati na rin sa side ng mga taong kilala at nagmamahal sa kanya.

“Alam kong nagtataka kayo kung paano, maskin ako’y ganoon din.” Dagdag pa niya. “Although, it’s just a low-grade glioma, we can’t just take it like that. Mas mabuti nang maagang lumabas iyong mga sintomas, at least, you can rid of it as early as possible.”

“Surgery? Surgery po ulit, Doc? Baka hindi na po ako magising niyan.” Nauutal na tanong ni Riel.

Napatingin sa akin si Doc. Tumango lang ako sa kanya. Mas mabuti nang malaman namin ang pwedeng mangyari kaysa wala kaming kaalam-alam sa mga iyon.

“There are possibilities…” Tugon ni Doc sa sinabi ni Riel. “Pero depende naman iyon sa mga doktor na mag-oopera sa ‘yo at syempre sa ‘yo and your will to live. ”

“How about my memories, Doc? Ayoko ko pong makalimot…” Desperadong tanong niya.

Ang nagawa ko na lamang ay ang hawakan ang nanginginig nitong kamay. Humawak naman ito pabalik pero, na kay Doc pa rin ang buong atensyon niya.

“Well…” Ani Doc sabay clear ng kanyang lalamunan. “You don’t need to worry Mr. Gabriel. Ang importante ay maalis ang tumor diyan sa utak mo. I can refer you to my friend. Nasa St. Lukes siya, at marami na siyang nagamot na may case na gaya mo.”

Napatungo lang sa kanya si Riel.

“Everything will be fine, Mr. Gabriel. You have your partner to support you, and I know, maraming magpapaniwala sa ‘yong magiging okay ang lahat ng ito. Have faith.”

“Salamat po, Doc.” Tugon ko kay Doc Romero bago kami umalis.  


Riel’s POV

Nasa may bay walk kami ngayon ni Red. Wala pa rin akong imik magmula noong umalis kami sa ospital. Oo, hindi naman iyon gano’n kalala pero, nasa utak ko ‘yong pinag-uusapang sakit ko.

Kahit anong pilit kong taboy noon sa utak ko’y hindi ko magawa. Naiisip ko lagi ‘yong nangyari noon a year ago. ‘Yong baka, paggising ko ay wala na naman sa tabi ko si Red.

Paano kung mawalan ako ng alaala? Ayoko! Kakasimula pa lang nga namin ni Red ulit tapos mangyayari ‘yon? I can’t imagine! Argh!

And the worst thing that comes into my mind is… paano kung hindi na ako magising?

Gano’n mostly napapanood ko sa telebisyon ngayon e. Konting opera lang sa utak magkakaroon na ng problema sa alaala o kaya nama’y hindi na gigising pa. Ewan ko nga ba! Totoo pa namang nangyayari ‘yon sa panahon ngayon.

“Paano kung mawalan ako ng alaala?” Tanong ko sa kanya.

Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng boses. Ayoko kasing umiyak sa harap niya dahil sa sakit kong ito.

“E di ipapaalala ko sa ‘yo lahat ng mga nakalimutan mo.” Aniya.

Nagkatinginan kaming dalawa ngunit siya lamang ang may ngiting nakapinta sa kanyang mukha. Hindi ko gusto ang ideyang ganoon ang mangyayari sa akin.

Kung gano’n nga, bakit pa ako nagtatanong?

I can’t imagine my self asking who this man beside me is, or… even those individuals who are truly dear to me. Ayokong makalimutan lahat ng mga alaalang iniingatan ko sa loob ng utak ko.

If it happens, sana ‘yong masasamang alaala na lang sana ang mawala.

“Ngiti naman diyan!” Aniya saka pinisil ang pisngi ko.

Lalo lang akong sumimangot sa ginawa niya. Namomroblema ako’t natatakot sa pwede kong sapitin pagkatapos kong magpaopera, tapos siya nama’y panay ang pa-cute at lambing.

“Paano kung maging baldado ako?” Tanong ko ulit.

“E di ako lahat ang gagawa sa bahay, at mag-aalaga sa ‘yo. Maglilinis, magluluto, maglalaba, lahat! Asawa mo na kaya ako!” Aniya. Taas noo niya pa itong sinabi.

“Tss. Prito lang naman kayang mong gawin e.” Sumimangot lalo ako.

“E di mag-aaral ako.” Sagot niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko maimagine na ginagawa niyang mag-isa ang gusto ko ring gawin para sa kanya. Ano pa ang silbi ng pagiging mag-asawa namin kung siya lang naman ang gagawa noon?

Argh! Nagpakasal lang pala kami sa wala! Saka paano na ang sex life ko? Hay! Ano ba ‘tong iniisip ko!

“Paano kung matagalan ang pagkakaroon ko ng malay, or worst—.”

“Blueberry…” Aniya sa malambing na boses. “You can’t afford to lose hope. I want you to conquer this… para… para may rason pa akong magpatuloy sa buhay.”

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang ‘yon.

“I have this feeling na inihahalintulad mo ito sa nangyari noong nakaraang taon, I can’t blame you. Pero… ‘di ba? Nangako na akong hinding-hindi na ‘yon mauulit pa? Whatever happens, mananatili ako sa tabi mo.” Aniya.

Napatungo na lang ako’t nag-iwas ng tingin sa seryosong mukha niya. Nasapol niya ang pinupunto ko. I don’t want to be left alone again. Yes, I have my friends, pero iba kung siya ang kasama ko.

But I am not blaming him about this. I just can’t accept that all the happiness I am experiencing right now will just go to waste. Ngayon pang lahat ng gusto ko kasama siya ay naaabot ko na?

“Maskin ako’y takot din sa pwedeng mangyari. It’s inevitable. Pero, kailangan kong magpakatatag at maniwalang kakayanin mo ‘to. Gano’n ka rin dapat. Let’s face this together, okay?” Dagdag pa niya.

“Ayoko ring iwan ka. Not now. Ngayon pang masaya na ulit ako. Ayoko, Red.” Hindi ko na napigilang umiyak.

Isinandal niya sa kanyang balikat ang ulo ko’t niyakap ako mula sa tagiliran.

“Ayoko rin. Kapag iniwan mo ako, siguradong susundan kita kahit saan ka man magpunta. There’s no more running away now. Kahit multo ka na, mumultuhin din kita.” Aniya.

Kahit umiiyak ako’y napatawa ako sa sinabi niya. It’s not as bad as it truly means. Pwede rin pala iyong maging joke. Well, siguro’y para sa amin lang.

This is the life I want to live. With him and the people who never gave up on me. Kahit panay ang drama ko sa buhay.

Hindi naman ako ganito e. Kasalan ‘to ng mokong na ‘to! Pero masaya akong nakasakay ko siya sa byahe ng buhay kong ito.

Teka! Teka! Hindi ito pamamaalam! Pagsisimula pa lang ito.

“Andito lang ako, palaging nakasuporta sa ‘yo. Mahal na mahal kita. Ngayon pa ba kita iiwan, bibitawan? E akin  ka na ngang talaga?” Napangiti na lang ako ng todo.

“Kami rin!”

“Asahan mo kami!”

“What friends are for?”

“May kapatid ka pa kaya!”

Agad akong napatingin sa likuran ko at laking gulat kong andito ang barkada. Napatingin ako kay Red para makakuha ng sagot sa pagtataka ko.

“Tinawagan ko sila. Kanina ka pa sobrang down dahil sa nalaman mo, I thought, they can help me cheer you up again.” Pagpapaliwanag niya.

“Come on, Riel! Sakit lang ‘yan! May lunas na ngayon sa mga ganyan! Dapat nga riyan, tawanan lang, kasi ‘di ba, laughter is the best medicine?” Ani Yuki.

Salamat naman at kahit pabiro ang pagkakasabi niya noon ay may sense na rin naman. Not bad. Good job, Yuki. Tamang paghahanda na iyan sa pag-aasawa mo.

“Whatever happens, andito lang kami. Mahina pala ‘tong asawa mo e, hindi ka kayang pasayahin.” Ani Eli saka nipat ang aking ulo.

That warmth on his palm. Pang Kuya’ng image talaga ang makikita mo sa kanya. I’m glad I have him. ‘Yong lalaking hinding-hindi ka iiwan kahit pagmamay-ari ka na ng iba.

“Kuya!” Pagsaway ko sa kanya. Bitter pa rin ba siya? Lol! “Sino ba naman kasi ang sasaya agad kapag nalaman mong gano’n ang sakit mo, ‘di ba?” Dagdag ko pa.

“Pinagtatanggol mo na. Ah! Nakalimutan kong asawa mo na pala siya.” Anito saka tumawa.

“Naman! Tss.” Inirapan ko na lang siya! Gusto ko sanang bawiin ‘yong compliment ko sa kanya, pero ‘wag na lang. It suits him, even he’s too playful.

“Ako rin, Riri! At your service! Yes!” Ani Eri na may gesture pang kasama.

“Tsaka, wala ka na bang planong ituloy itayo ‘yong Resto/Café natin after graduation? Kainis ka!” Ani June. Nagpout pa ito to show his disappointment.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Oo nga pala. Naipangako ko na iyon sa kanya. Bwesit lang itong sakit ko e, wrong timing sa mga plano ko sa buhay.

“Sorry, June.” Pagbawi ko na lang sa kanya.

“Magiging Ninong ka pa ng mga anak namin!” Singit naman ni Ate Xynth.

“Ay may balak ka pa palang mag-asawa, Ate?” Ani Yuki.

“Naman! May mga manliligaw kaya ako! Sinusuri ko lang nang mabuti kung sino ang karapatdapat. ‘Di dapat padalos-dalos!” Tugon naman ni Ate Xynthia.

Talaga? Hindi namin ‘yon alam ah? Kita ko sa mga kaibigan ko ang pagtataka sa rebelasyong sinabi ni Ate. It is really unusual for year to say things like that. ‘Yong mga patungkol sa mga manliligaw. Si Yuki kaya alam niya? Malamang, best friend siya e.

“Ba’t ‘di ko alam ‘yan, ha? Best friend mo ba talaga ako or what? Nakakatampo ka na talaga ‘te, ha!” Ay! Hindi pala. Nagtawanan na lang ang lahat dahil doon.

At ‘yon naglambingan na lang ang magbest friend.

Napangiti na lang ako sa sinabi ng mga kaibigan ko. Magkaakbay lamang sina Brett at Iris na nakangiti sa akin. Isa ‘to sa mga rason kung bakit gusto ko pang mabuhay ng matagal e.

Ayoko mang sabihin ‘to pero… sana mas matagal ‘yong life span ko kesa sa mga magulang ko’t sa kapatid ko. Iniisip ko lagi kong may sumpa ba ang pamilya ko sa ganyang bagay. Pero, ipinagdadasal ko lagi ‘yan sa Panginoon na ‘wag naman. At sana’y hindi ako bisitahin ng mga yumao kong pamilya.

“Let’s just do our ‘alone time’ tomorrow? Let us put a smile again to that face, and here.” Bulong sa akin ni Red at turo sa aking dibdib kung saan nakaposisyon ang puso.

“Okay lang naman sa akin kahit ikaw lang e.” Pilyong bulong ko sa kanya.

Sorry, guys! Hindi naman sa ayaw ko kayong makasama. I just want to cuddle with him all day long.

“Naughty!” Aniya sabay pisil ng ilong ko.

Nagtawanan na lang kaming dalawa. Tapos ‘yon hindi namin napansin na nasa amin na pala ang buong atensyon ng barkada. PDA na naman kasi kami. Lol!

Okay na ulit ako. Kailangan ko lang talagang ihanda ang sarili ko sa mga mangyayari.

“Wushu! Tama na ang landian kapag andito ang barkada.” Pasaring na naman ni Yuki.

Nagkatawanan na lang ang lahat dahil doon. Mas mabuti na muna ‘to kesa naman maghapon akong magmukmmok dahil sa sakit ko.

Life is short, I know. But that doesn’t mean we will be living this life with no sense at all. Binigay ito ng Panginoon sa atin para maranasan lahat habang tayo’y nabubuhay, habang binibigyan pa tayo ng pagkakataon.

Lahat ng problema ay may solusyon, basta’t naniniwala tayong gano’n. At tayo mismo ang gumagawa ng paraan para maresolba iyon. Nariyan lamang ang Panginoon para tayo’y gabayan.

Hindi na natuloy pa ang plano namin dapat ni Red sa maghapon. And it is me whom to blame. Well! Okay! Okay! Ako naman talaga e! But scratch that! Andito na rin lang naman ang barkada kaya’t iba na lang ang pinagkaabalahan namin.

Mabuti na lamang at hawak namin kung anong mga gagawin namin ngayong araw. There’s no need for apologies and such para sa pagcancel ng mga bagay.

Nilibot namin ang bayan sa paghahanap ng kung anu-anong pwedeng maipampasalubong sa mga nasa Naga. Picture dito, picture doon. Walang sawang selfies at groupies. Agad nga nila itong inaupload sa Facebook at mara-marami na rin ang nagsasabing naiinggit sila sa ginagawa namin.

Sabi nga, i-enjoy na ng todo habang andito pa. Habang hindi pa umuuwi, kasi everything will be back to normal kapag nasa Naga na ulit kami. But not with me and Red. Kasi, pag-uwi namin doon ay iba na ang lahat.

Nasisiyahan ako sa ideyang mag-asawa na nga kami at gagawin na ang lahat ng magkasama.

“Anong iniisip mo?” Tila may dumaloy na kuryente mula sa paa ko papunta sa ulo ko nang bumulong siya sa tenga ko.

“Cheesecake, ang lapit mo.” Saad ko sa kanya. Nakakahiya sa mga taong nakakakita sa amin.

“Bakit? I can do this all the time. Asawa na kaya kita!” Aniya.

“I know, pero nasa public place kaya tayo.” Bulong ko pabalik.

“I don’t care! Mag-asawa na naman tayo ‘di ba? I can even tell them that! Tsaka dati pa naman tayo pumi-PDA ‘di ba? ‘Di ba?” Napalakas na rin ang pagkakasabi niya no’n.

“Yes, but that’s only with our friends.”

“Hmpf!”

Nagalit ko ata. Lol! Hila-hila na niya ako papunta sa direksyon ng barkada.

“Asawa ko po siya. Ang gwapo ‘no? Pero syempre mas gwapo ako!” Aniya sa isang grupo ng mga estudyanteng kanina pa nakatingin sa amin.

Buti na lamang at nahuhuli kami sa barkada. Kanina pa sana kami napagdiskitahan ng mga ‘yon.

“Red!” Bulong ko sa kanya sabay. Ngayon ako naman ang humihila sa kanya para masundan ang barkada.

“Asawa ko po!” Aniya sa lahat ng makakasalubong namin. “Mahal na mahal ko po ‘to! Sobra!” Kahit nasisiyahan ako sa sinasabi niya ay hindi ko rin maiwasan ang mahiya.

Dinala ko na lang siya sa hindi mataong lugar, kita ko pa naman kung saan namimili ang mga kasama namin e.

“Aray! Ba’t mo ginawa ‘yon?!” Gigil na tanong niya. “Ah! Fvck! Ang sakit no’n Blueberry ha! May parusa ka na naman mamayang gabi—.”

Tinakpan ko na lang ang bibig niyang makasalanan. Lol!

“Ang pilyo mo kasi, hindi ka na naman bata!” Pinanlakihan ko na lang ng mata.

“Hmmm. Hmmm. Hmmm.” Aniya. Nakatakip pa rin kasi sa kanya ang kamay ko. Nabitawan ko lang siya ng dilaan niya ‘yon.

“Kadiri!” Sigaw ko sa kanya.

Pero nagbelat lamang ito sa akin. Lintik na ‘to! Isip-bata pala ‘tong napangasawa ko e! Argh!

“Pasalamat ka talaga’t mahal kita!” Saad ko sabay irap sa hangin.

“Salamat!” Aniya saka tumawa. Niyakap niya ako mula sa likuran. Sa kahihiyan ko’y napatungo na lang ako.

“Ba’t ka nahihiya? Walang magagawa ang mundo sa pagmamahalan natin. It is either they’ll accept us or not. At hindi sila ang magdidesisyon para sa atin.” Aniya.

“Tsaka okay lang ‘to ‘no! Hindi naman nila tayo kilala.” Dagdag pa niya saka tumawa.

Napailing na lang ako. Sabagay tama naman siya. It is something we can be proud of. At kahit marami mang tumututol, wala naman silang magagawa. Hindi nila iyon buhay para pakealaman.

Lahat tayo ay may kapintasan, ang magagawa na lang natin ay tanggapin iyon at respetuhin ang sa iba.

“Ang lalim.” Pagbabalik ko sa reyalidad.

Napaisip na naman ako ng matagal.

“Ta-Tara na-na nga!” Bwesit!

Wala ng hiya-hiya kung gano’n! Uuwi na rin naman kami sa makalawa e. Kaya’t hinawakan ko na lang ang kamay niya’t hinila siya ng marahan papunta sa mga kaibigan naming masayang namimili sa isang souvenir store doon.


Eli’s POV

Abala ako sa paghahanap ng pwedeng maibigay doon sa masungit kong kaklase. Para naman lumamig ‘yong ulo no’n sa akin. Well, hindi ko alam kung bakit gano’n ang pakikitungo niya sa akin.

Ni hindi ko nga alam na kaklase ko siya e! Argh! Bakit ko nga pala iniisip ang bubuyog na ‘yon! Tss! At bakit ko bibilhan ng peace offering ‘yon gayung wala naman akong kasalanan sa kanya!

“Anong ginagawa mo rito?!” Malakas na sigaw ang narinig ko.

Napalingon-lingon ako sa paligid at laking gulat ko nang nasa akin lahat ng atensyon ng mga taong naroroon. Huh? May dumi ba ako sa mukha? Alam kong gwapo ako. At lalo namang wala akong ginagawang masama rito.

Namimili lang naman ako ng souvenir dito ah?

“Hoy, Martinez! Anong ginagawa mo rito?!” Huh? Martinez? Apelyido namin ‘yon ah?

Hinanap ko sa dagat ng tao si Eri pero hindi ko siya mahagilap, so… hindi siya ‘yon. Then that means…

Pagkaharap ko sa likuran ko’y nakumpirma ko ang aking naisip.

“Ikaw?!” Turo ko sa kanya. Iniisip ko palang ‘tong bubuyog na ‘to, andito na agad?!

“What the hell are you doing here?!” Asik pa rin nito.

Agad ko na lang hinawakan ang isang kamay niya’t hinila siya patungo sa isang sulok. Isinandal ko siya sa pader at hinarap sa akin.

“Would you please calm down?! You’re making a scene! Damn it!” Bulong ko sa kanya.

Kita mo sa kanyang mukha ang pamumula. What on earth is happening to him? Palagi ba siyang magagalit kapag nakikita ako?

“W-W-What are y-y-you d-d-d-doing here?!” Kahit utal-utal lahat ng sinabi niya, nasabi niya pa rin ito ng pagalit.

Ang suplado naman ng isang ito! Saka ano bang pakialam niya kung andito ako ngayon sa Palawan?

“Bawal ba akong magbakasyon dito sa Palawan? Sa pamilya niyo rin ba ‘tong Palawan? Gano’n?” Tugon ko.

Nag-iwas lamang ito ng tingin sa akin.

It’s a long dead-air after that. Panginginig lamang sa kanyang katawan ang nakikita ko. Nakayuko na lang ito sa akin.

“Bitawan mo ako.” Utos niya.

“Then what? Gagawa ka na naman ng eksena?”

Umiling lang siya.

“Please… bitawan mo na ako.” Mahina niyang pakiusap ulit.

Napaawang ang bibig ko sa malambing niyang boses. May ikakalma pa naman pala ang boses nito, bakit lagi na lamang niya akong sinisigawan kapag nagkikita kami sa school? Dahan-dahan ko namang binitawan ang kamay niya.

“Sorry.” Pagpaumanhin ko nang makita kong pulang-pula na ‘yong wrist niya. Napahigpit ata ‘yong hawak ko sa kanya.

Kasalanan niya naman e! Nacarried away lang ako.

Napailing lang ito sa akin saka umalis.

“Manhid ka talaga, Martinez…”

“Anong sabi—.”

Hindi ko na naituloy pa ang tanong ko nang mawala siya bigla sa paningin ko. Hindi ko masyadong narinig ‘yong sinabi niya e. Argh! Kakausapin ko na lang nga pagbalik namin sa Naga, so bibili nga ako ng peace offering kahit hindi ko naman alam ang kasalanan ko sa kanya.

Nagugulo ang utak ko dahil sa bubuyog na ‘yon e! Argh!



Riel’s POV

“Thanks for today, Red.” Pasasalamat ko sa kanya.

Nakatingin lamang kami sa papalayong speed boat sakay ang barkada namin pauwi sa resthouse. Nasa bay walk ulit kami at hihintayin pa namin ang pagbabalik noon para makabalik kami sa Amanpulo.

Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin kahit nasa papalubog na araw ako nakatingin.

“Anything to cheer you up.” Aniya.

“Alam na ba nina Mama?” Napatingin na rin ako sa kanya. Ngiti sa kanyang mukha ang sumalubong sa akin. Nagreflect din sa kanyang mga mata ang kulay kahel na kulay ng kalangitan na gawa ng papalubog na araw.

“I’ve asked Brett to tell them. Expect a call from them later.” Aniya.

Tumango na lang ako. Hindi ko pa rin maiwasan na malungkot, pero, that’s life. Hindi naman maaalis ‘yong tumor sa utak ko kung magmumukmok at iiyak lang ako sa tabi. Better accept the reality and be positive that everything will be fine.

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya’t pinagmasdam ang papalubog na araw.

I don’t have any reason to be afraid. After all, he’s here to support me.


Red’s POV

Sha la la la
Sha la la la

Let's go out, get lit, get loose tonight - yeah
Sing a song, get wrong, make it feel alright
Drinks on ice
Stars in our eyes
Ain't got a lot of money
But you're a dime

“Gising na.” Bulong ko sa tenga ng katabi ko.

Mahimbing pa rin itong natutulog. We had a long night again. Napagod siguro.

Natawa na lang ako sa naisip ko. Naalala ko na naman kasi ‘yong mga daing niya kagabi. It was music to my ears. Magaling talaga siyang kumanta. Lol!

Hey, hey
All I need is a whole, whole lotta you
Everyday-day's
A holiday ain't nothing we can't do
Now all I need baby
Is a little time
And a whole lotta you

“Gising na po, mahal ko.” Bulong kong muli sa kanya.

“Hmmm.” Anito.

Pero hindi pa rin siya nagmumulat ng kanyang mga mata.

“Hey! Wake up, Blueberry!” Inalog-alog ko na siya para magising na.

“Hmmm. Antok pa ako e! ‘Wag ka ngang maingay!” Reklamo nito.

Sha la la la
Sha la la la
A whole lotta you
Sha la la la
Sha la la la

Get me buzzed on your love
Let me steal a kiss - muah!
Bubblegum on your tongue
No I can't resist
Gotta leave all your worries at the door
Cause' life ain't nothin but a big dance floor

Napailing na lang ako sa asta niya. Napagod nga siguro kagabi. Lol! Kaya’t mag-isa na lang akong umalis sa kama at nagtungo sa kusina. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng t-shirt. Kami lang namang dalawa ang nandito.

Nagluto na lang ako ng mga kaya kong lutuin. Gusto ko sanang siya ang gumawa ng alamusal namin ngayon e, well, it can’t be help. Ako naman may kasalanan kung bakit puyat siya.

Napailing na lang ako’t napangiti sa naisip.

Masaya kong binabantayan ang niluluto kong omelet nang may pumatong sa balikat ko. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang magdikit ang dibdib niya at likod ko nang yakapin niya ako. Si Riel pala iyon. Sino pa ng aba ang kasama ko rito?

“Hey. Ginulat mo naman ako. I thought you’re still sleepy?” Tanong ko.

Oo nga’t nakatayo na siya’t nakapatong ang ulo sa aking balikat ay nakapikit pa rin ito.

“Gusto ko sanang ipagluto ka ngayon e. Pero, parang may mga kamay na humihila sa akin pabalik ng higaan.” Tamad niyang saad saka natawa. “Wag ka na lang magluto, let’s just cuddle all day.” Dagdag pa niya.

Natawa ako sa huling sinabi niya. Hindi pa ba siya napagod sa ginawa namin kagabi? Gusto niya pa ngayong umaga? Teka! Teka! Cuddle lang pala! Lol! Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.

“We can’t, Blueberry. Last day na natin ‘to rito sa Palawan. Tsaka, may plano tayo ngayon. Gaya nga ng sabi sa ‘yo ni Mom kagabi over the phone, magpapaschedule ka pa ng operation mo sa Manila bukas.”

“Pwede bang i-resched na lang natin ‘yong ticket?”

“Then, ask Mom.”

Nakita ko na lang ang pagpout niya. Hindi niya kasi magawang tumanggi sa mga bilin ni Mom. And besides, para sa kanya naman ‘yon e.

“Fine!” Aniya. Tanda ng pagsuko. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin saka naghanap ng mailuluto sa mga nadala namin dito.

“Mamalengke tayo?” Pag-alok niya sa akin.

“Para sa’n?” Tanong ko agad.

“Pambaon.” Aniya na may hawak hawak ng papel at ball pen.

Marahan siyang umupo saka malalim na nag-isip.

“Ano bang gusto mong kainin?” Malambing niyang tanong. I can’t resist that side of him.

“Adobo.” Sagot ko.

“Na naman? ‘Di ka ba nagsasawa sa adobo?” Ngiwi niya.

“Hindi.” Diretsong sagot ko. “Paborito ko kaya ‘yon! Tsaka kapag luto mo, hindi ko talaga pagsasawaan!”

Nakita ko na lang na napangiti siya kahit nagsusulat siya ng kung anu-ano sa papel. Well, it’s true. Kahit ano pang lutuin niya, kakainin ko. Mukhang mapapasubo ako para matutong maluto. Gusto ko rin naman siyang pagsilbihan once in a while.

“Anong oras na ba?” Tanong niya.

“Alas sais.”

“Tara?”

“Maaga pa. Kumain muna tayo.” Saad ko.

Inilapag ko na rin sa mesa ‘yong niluto kong omelet. Kinuha ko na rin ‘yong wheat bread at cheese na dala namin.

“Ito na muna. Ikaw kasi e, siniseduce mo ako kanina, hindi tuloy ako makaconcentrate.”

“Wushu! Ang sabihin mo, ‘yan lang naman talaga ang kaya mong lutuin.” Aniya saka umiling.

Nang magkatinginan kami’y sabay na lang kaming tumawa.

“Serry nemen.” Pagpapaumanhin ko.

“Mahal naman kita e, kaya okay na ‘yan! Tingnan ko lang nga ‘yang katawan mo, busog na ako.” Pasimple niya.

“Wag na lang tayong mamalengke.” Agad kong suggest sa kanya. Sabay taas taas pa ng dalawa kong kilay.

Napailing siya’t tumawa.

“This relationship isn’t just about sex, Cheesecake.” Aniya.

“Well… ‘yon din naman ang gusto mong gawin kanina ‘di ba?” Nakita ko na lang na kinagat niya ang kanyang labi. “I know you want it too…”

“Hindi!” Aniya saka hinampas ang mesa. “Pigilan mo muna ang pagnanasa sa akin okay? Alam mo bang kanina pa ako nagpipigil? Baka pagalitan tayo ni Mama nito!” Akala ko naman kung ano. Hahahaha!

“Ikaw din.”

“Red!” Pinamumulahan na siya ng pisngi pati na rin ‘yong kanyang mga tenga.

“Okay! Okay! Marami pa naman tayong oras para do’n.” Tugon ko sabay kindat sa kanya. Inirapan lang ako nito’t dumiretso sa kwarto.

“Magbihis ka na rin!” Sigaw niya.

“Coffee or Milk?”

“Coffee.”

“With creamer?”

“Yes, please.”

Nang makakain kami’y agad na rin kaming umalis. Mabuti na lamang at mabilis makarating si Manong George dito sa Amanpulo para sa pagbyahe namin. Okay lang naman iyon kila Mom, kasi alam naman nila ang plano namin.

“Mamalengke muna po tayo, Manong George. Ano pong gusto niyong kainin mamaya?” Ani Riel nang makasakay na kami sa speed boat.

“Kahit ano po, Sir Riel. Ikaw naman po ang magluluto e. Paniguradong masarap po iyon.” Tugon naman sa kanya ni Manong.

Siya ang caretaker ng resthouse simula noong nabili nina Mom iyon last month. Nagkataon din na marunong siyang magmaneho nito, kaya’t siya na ang pinapakiusapan namin.

Pagkarating namin sa bayan ay agad na namili ng mga kakailanganin niya si Riel. Ang nagawa ko na lamang ay ang sundan siya’t dalhin ‘yong mga napamili niya. Paminsan-minsan ay kinukunan ko siya ng larawan. Buti na lang at dala ko ang cell phone ko.

Nakikita kong masaya siya sa kanyang ginagawa, and with that, nasisiyahan na rin naman akong kahit papaano’y nakakalimutan niya pansamantala ang tungkol sa sakit niya.

Alas otso na nang makabalik kami sa villa. Agad niya ring sinimulan ang pagluluto.

“Anong maitutulong ko, mahal ko?” Paglalambing ko sa kanya. Niyakap ko na rin siya mula sa likuran.

“Behave ka lang. ‘Yon! Wala akong matatapos kapag ginagawa mo ‘yan.” Aniya saka tumawa.

So ‘yon, behave raw. Behave!

Umupo na lang ako sa may mesa at pinagmamasdan ang ginagawa niya. Ang galing niyang magmince and dice ng bawang at sibuyas! Namamangha ako ng todo! Lol!

“Anong lulutuin mo?” Tanong ko.

Sinimulan na niya ring balatan ang patatas at pagkatapos ay inilalagay niya ito sa bowl na may tubig.

“Chicken Adobo.” Maikling tugon niya.

“Talaga?”

Nagkibit-balikat lamang ito saka ngumiti sa akin.

“I love you!” Masaya kong saad.

“I love you too!” Tugon niya.

“Can I have a kiss?” Pangtitease ko sa kanya.

Behave nga raw, Jared! Behave! But I can’t! Hahahaha!

Nabigla naman ako ng isinalok niya ang mga kamay niya sa mukha ko’t itiningala ito saka ako hinalikan.

“That’s enough. We need to hurry.” Aniya.

Marahan na lang akong tumango sa kanya. Wooh! Ang hirap palang makaget-over sa gano’n!

10 PM nang matapos sa pagluluto si Riel.

Amoy pa lang ng mga niluto niya ay masarap na. Maskin nga si Manong George ay napansin iyon.

Dumaong kami mostly sa mga islang maraming turista ang nagbababad sa init at inienjoy ang tubig sa dagat. Ang iba ay may white sand, may pink sand, at ang iba na may ‘yong ordinaryong buhangin.

Nang malapit nang magtanghali ay sinabihan ko si Manong George na pumunta kami sa islang hindi masyadong matao para makapagtanghalian na rin kami. At syempre masolo ko naman ‘tong asawa ko. Ayaw niyang medyo pi-PDA kami e.

Maraming alam si Manong George dito, kaya’t dinala niya kami sa islang wala ni isang turista. Puting puti ang buhangin nito’t may sapat na punong kahoy para mapagliliman sa ganitong oras.

Puno ng pagkamangha sa mukha ang nakita ko kay Riel. Agad nga itong nagselfie. Tinawag niya naman ako’t agad nagpakuha ng larawan kay Manong George.

“Ang ganda rito!” Masaya niyang anunsiyo sa amin. “Mukhang hindi pa ito masyadong nararating Manong George!”

“Siguro nga. Pangalawang punta ko pa lang din naman dito e.”

Tumango lamang sa kanya si Riel na patuloy pa rin sa pagkuha ng mga larawan ng view dito sa isla.

Isa-isa ko namang inilalapag sa buhanginan ‘yong mga pagkaing dala namin.

“Red! Dito na lang tayo, ha? Ang ganda rito! Ang puti pa ng buhangin!” Masayang pakiusap niya.

“Sure! If that’s what you want. Pasalamat ka kay Manong George at dinala niya tayo rito.” Tugon ko.

“Salamat, Manong!” Aniya.

“Wala pong anuman.” Tugon naman ni Manong.

Masaya naming pinagsaluhan ‘yong mga pagkaing dala-dala namin.

Nang mabusog kami’y agad nagpaalam si Manong para pumunta doon sa kabilang parte ng isla, para magpahinga at bigyan kami ng privacy. It is our ‘alone time’ anyway. Hahaha! Maraming salamat, Manong!

“Parang paraiso, ‘no?” Aniya.

Nakaupo siya’t nakasandal sa isang bato habang ako naman ay nakahiga sa kanyang binti.

“Yeah. Balik tayo rito?” Tugon ko.

“Sure!”

“I’m happy that you’re happy, Riel.”

“Andito ka sa tabi ko e. ‘Yong nagagawa ulit natin ‘tong mga ganito. ‘Yong asawa na kita. ‘Yong akin ka na talaga.” Aniya saka ngumiti sa akin. Sinabi ko rin ‘yon ah?

“That’s good to know. Alam kong mahal na mahal mo ako, but you rarely speaks what’s on your mind. Kaya minsan hindi ko alam ang gagawin ko.”

“You never fail to surprise me. ‘Yon ‘yong pinaka nagustuhan ko sa ‘yo. Aside from the good looks, ikaw kasi ‘yong taong kahit kinaiinisan ko noon, ay ‘yong unang lalaking nagpatibok ng puso ko.”

“But I heard, crush mo Brett.” Pasimple ko.

Gusto kong malaman kung bakit niya nagustuhan si Brett. Well, magaganda naman talaga ang lahi namin, but knowing Riel, hindi naman lang iyon ang tinitingnan niya sa isang tao.

“Nagustuhan ko si Brett kasi na turned-off ako sa ‘yo noon. Inilibing ko nga rin ‘yong nararamdaman ko sa ‘yo dahil sa pambubully mo sa akin.” Aniya saka natawa.

“Brett is really a nice guy at hinding-hindi ka magsasawa kapag kasama siya. Palagi pa akong nililibre do’n sa Café.” Aniya saka tumawa. “Maaasahan sa lahat ng oras. Oh! Hindi pala kasi, laging sinusundo noon ni Iris. Pag-ibig nga naman ‘no?” Dagdag pa niya.

“Bakit hindi mo sinabi kay Brett na may gusto ko sa kanya? I mean, you have all the time to do that. Knowing that Brett also likes you.”

Umiling siya sa akin.

“Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang manira ng mga relasyon. Tsaka hindi ko naman alam na gusto niya rin ako.” I thank his parents for that at si Brett, magpinsan nga kami dahil pareho kaming torpe.

‘Yong mga magagandang katangian na kahit ayaw mong pumatay, basta lang makuha mo ay gagawin mo na rin. Ang swerte ko lang dahil mutual ang nararamdaman namin para sa isa’t isa.

“Sasabihin ko na sana noon, then, nalaman ko na engage na pala siya. Kaya pinilit ko na lang na itago at paunti-unting inaalis sa puso ko.” Napatango na lang ako sa nalaman.

“Alam mo na ang ibang detalye pagkatapos noon kaya’t ‘wag ka ng magtanong.” Aniya saka tumawa. “Tara na nga’t magswimming! Hindi tayo naririto para mag-usap lang.” Tinapik na niya ang balikat ko para tumayo.

Nagulat ako ng halikan niya ako matapos kong makatayo.

“Sabi ko nga, ang importante ay ‘yong tayo. What’s in the past will always stays in the past. We may have done wrong, but it doesn’t mean it will just stays like that. Nagkakamali tayo para itama iyon pag nagkaroon tayo ng pagkakataon, o kaya naman ay may leksyon tayong babalikan para hindi na magkamaling muli.”

Tinapik niya na lang ako sa noo’t nagmadaling tumakbo papuntang dalampasigan.

“Magdi-daydream ka na lang ba riyan or what?” Sigaw niya.

Punong-puno ng ngiti ang nasa kilos niya bago sumuong sa dagat.

I can’t afford losing him again. I swear to God and to his deceased loved-ones that I will always be with him and never let his hands slip into mine again.

Kahit saan siya, doon din ako.

Nang magbalik ako galing sa pag-iisip ay hinanap agad ng mga mata ko ang asawa ko. And my heart beat so fast dahil hindi ko agad siya makita.

Nagmadali akong pumunta sa dalampasigan para hanapin siya ng malapitan pero hindi ko pa rin siya makita.

“Riel!” Sigaw ko.

Pero wala akong marinig na sagot niya.

“Riel!” Sigaw ko ulit.

“Blueberry! ‘Wag mo akong pinag-aalala!” Sigaw ko ulit.

“Ano pong nangyayari, Sir Red?” Tanong ng hingal na hingal na si Manong George.

“Nawawala po si Riel.” Agad na tugon ko.

“Sir.” Anito saka binigay sa akin ang sandong suot-suot ni Riel kanina.

Agad kong hinubad ang t-shirt ko’t sumuong sa dagat dahil sa pag-aalala. Shit! Riel! Asan ka na? Kasalanan ko ‘to e! Bakit nagdi-daydream ako ngayong alam kong kahit anong oras ay pwede siyang atakehin ng mga sintomas ng sakit niya.

Fuck!

My heart is beating so fast!

Nalusaw ang puso ko nang makita ko ang papalubong niyang katawan.

Fuck! Fuck! Fuck!

Nangako ako, pero hinayaan kong mapako ulit iyon.



Itutuloy…

7 comments:

  1. super ganda ng story... ang sweet nila... salamat author sa update....

    ReplyDelete
  2. Ano ano pang hinihintay mo? Lusob na, sagipin si Riel. Sino kaya si bubuyog sa buhay ni Eli? Paki explain. Take care . Sana update soon

    ReplyDelete
  3. OMG anong nangyare kay Riel wag naman sana!!? Hindi ko kaya haha!!

    -44

    ReplyDelete
  4. Nice update Kuya Rye at nakaka overwhelem naman yung support ng bardaka at ni red my riel..... Pedro nakaka shock yung nangyari my riel nalunod into as kapabayan ni red

    Hindi natapos any pagsubok as kanilang dalwa

    Jharz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails