Followers

Sunday, December 14, 2014

Love Is... Chapter 23



AUTHOR’S NOTE: Happy 5th Mot Mot, Ryesters! :3

Unang-una sa lahat ang pagpapaumanhin ko sa matagal na update sa kwentong ito. I hope you’ll understand my situation.

Salamat pa rin kila Sir Mike at Sir Ponse sa hindi pagtanggal sa akin dito sa blog bilang Contributor/RA. Maraming salamat po sa consideration!

Sa mga ka-BTBBC ko. Miss na miss ko na kayo. XOXO! :D

Sa mga ka-BLUES ko. Lalong lalo na kay Pinunong Super Jun Jun Blue Ranger Noctis Lucis Caelum-sama dahil hindi pa ako nakakapagbasa from Chapter 13 up to the latest update. Hayst! Sana makapagbasa ako this vacay! :D

Sorry din kay Prince Justin, dahil ganoon din. From Chapter 9 up to the latest. Kahit nga noong nigreet mo ako noong birthday ko ay hindi ko pa rin nababasa. Pasensori!

Kay Vienne, din. From Chapter 5 up to the latest. Hayst! I need to catch up already! Nawawala na ako sa discussion e.

Sorry sorry sorry!

Sa mga kaibigan ko sa facebook at fbgroup, huwag kayong mahiya sa pagdrop ng messages and posts. I’ll try to comment back, like, and reply whenever I am available.

Salamat pa rin sa patuloy na nagaabalang magdrop ng comments nila sa last chapter. Well appreciated po. Special mention kila, Yelsna, Jharz 05, QueenKrista, Angel, at sa limang Anonymous. Maraming salamat!

I’m so sorry kung may naguluhan man sa pagkakasulat ng Chapter 22, maskin ako’y ganun din. Lol!

Pakiintindi na lang. Onegaishimasu! :D

Oh, well! Enjoy reading na lang guys!

PS: Pakiload na rin ang mga kantang ito sa youtube, if you want.

Broken Strings by James Morisson ft. Nelly Furtado
The Blower’s Daughter by Damien Rice
Me and My Jealousy by Lee DeWyze


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV | XVI | XVII
XVIII | XIX | XX | XXI | XXII


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Vienne Chase’s Beat Of My Heart (On-going)
Jace Page’s The Tree, The Leaf And The Wind (Completed)
Bluerose Claveria’s Geo – Mr. Assuming (On-going)
Prince Justin Dizon’s Playful Jokes (On-going)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXIII


Riel’s POV

What I saw was just another nightmare that continuously haunts me from the past.


Red’s POV

Earlier
July 23, 2021 – 8 AM (American Time)

“Anak handa ka na ba?” Tanong ni Mom.

“Yes, Mom.” Simpleng sagot ko.

It’s been a year nang iwan ko ang buhay ko sa Pilipinas. Sina Mom umuuwi, pero pinagbibilinan ko silang ‘wag magpapakita kay Riel.

“I mean… to face Riel again. Isang taon na anak since that accident… pero nagiguilty pa rin ako sa ginagawa natin sa kanya.” Aniya. Puno ng pag-aalala sa boses niya ang naramdaman ko.

“I know, Mom. Maskin ako ma’y ganoon din. You know that I’ve tried very hard to resist him, kahit miss na miss ko na siya.”

Yes. Baliw nga ako sabi ni Andrei. Mas pinili ko kasing lumayo nang wala namang karason-rason.

“Gagana ba talaga ‘yang plano mo, anak?” Tanong niyang muli.

“Yes, Mom. I’m sure it’ll work. Why?” Tugon ko naman.

Although may doubt ako, I still think positively for this. I want to be with him every single day. Ang planong ito ang magsisilbing tulay sa pangarap kong iyon.

“Hay naku, Jared! Sinasabi ko sa’yo, ha?! Kapag ‘di ito gumana, tatanda ka talagang binata. I will never accept anyone else for you.” Banta niya.

“I promise, Mom. Hindi na naman talaga ako iibig pa, if it’s not Riel.”

“Good! Bilisan mo na riyan! Ang dami pa nating aasikasuhin.” Pagbibilin niya.

Kung hindi nga si Riel. I better grow old single, tham trying to replace him inside this heart of mine.

Alas onse na ng umaga nang umalis sina Mom, Dad at Andrei para mamili raw ng mga pasalubong sa mga kamag-anak namin. Kahit kasi sa kanila’y hindi namin ipinaalam ang pag-alis namin ng biglaan.

At least, pinakinggan nila Mom ang pakiusap ko.
Why do I opt to leave Riel at once?
I don’t really get the reason…
Ang alam ko na lang ay, ikinasal na sina Brett at Iris dahil sa pagbubuntis ni nito.  4 months ago ay nanganak na rin naman siya. At ipinangalan nila iyon sunod sa pangalan nilang dalawa at kay Riel.

May konting galit ako kay Brett. Pinilit kong intindihan siya, pero… bumabalik pa rin sa alaala kong, hinalikan niya ang pinakamamahal ko.

Yeah. I’ve said it before, na it’s just a kiss. Pero… Argh!

Pasalamat na lang din kami ni Andrei kay Mom, dahil napakiusapan niya ang aming mga guro para makapag-aral kami online. Kaya, nakatapos parin ako ng high school. Si Andrei naman, enrolled na ngayong school year, late comer nga lamang siya dahil sa akin. Online based siya ng dalawang buwan. So… he can catch up.

Staying here in the US is fun. Although, may kulang sa pagkatao ko. Alam niyo na. Minsan nga’y natitempt akong i-contact siya thru facebook, pero pinipigilan ko lang. Madalang na rin naman siya kung mag-online. Lagi pang emo ang mga post niya.

Hayst! Devastating kaya iyon sa parte ko. His loneliness is my doing. Tinatatagan ko na lang kasi, uuwi naman talaga ako. I just want to plan things. Syempre, para paghandaan lahat.

Alam ko ang nangyayari sa kanya outside the web world, because of Eri. Siya lang kasi ang kilala kong marunong manahimik, kapag kailangang kailangan. At hindi ako nagkamali. She even visited us here.

Hinihintay ko lang ang isang kaibigan. Kasama namin siyang uuwi ng Pilipinas for a plan, that I have plotted. Pinag-isipan at pinaghandaan ko kaya iyon ng matagal.

“Jared! I’m here!”

And speaking of the devil. Haha!

“Kala ko, ayaw mo?” Natatawa kong saad sa kanya.

“Ewan ko sa’yo ‘no!” Aniya saka tumawa. “Hindi naman ako tumanggi, ‘di ba? Crush pa naman kita.” Seryosong sabi niya.

“Tss. Sumbong kaya kita kay Seb?” Seryosong balik ko sa kanya.

“Joke lang! Ano ka ba! Anyways, asan sina Tita?” Pag-iiba niya ng usapan.

Takot niya lang kay Seb e. Ayaw iwan.

“Gumala. May bibilhin daw e.” Sagot ko sa tanong niya.

“Oh!” Animo’y may lumabas na bombilya sa may taas ng kanyang ulo. “Okay! So… Mag-isa ka lang pala rito.” Nang-aakit niyang tono.

“Tss. Isang dial lang, kay Seb na ‘to diretso!” Banta ko sabay pagbabadya kong pagdial sa cell phone ko.

“Kainis ‘to!”

“Umayos ka kasi!”

“Oo na!” Umirap pa siya. “Pakirecap na nga lang ako ng gagawin! Ang boring mo naman! Amerika kaya ‘to! Uso ang hook-up!”

“I’m not a hooker, Dave. Tsaka, may mahal na po ako. MAHAL NA MAHAL KO SIYA. I don’t cheat. Matalino ako e.” Sabay tawa ko. “So, sinasabi mong nakikipag-asdfghjkl ka kahit kayo ni Seb? Filipino ka kaya. Isusumbong talaga kita sa kanya.”

“Tss. Whatever! Biro lang, hindi mo makuha? Matalino ka nga, gwapo ka nga, ang slow mo naman mag-pick-up ng biro!”

“I know you, Dave. Pinag-nanasahan mo kaya ako. Pero! I’m not letting you. Si Riel lang ang may permiso, no!”

“O siya! Pasalamat ka, sasama ako.”

“Thank you!” Sabay tawa ng malakas.

Isa si Dave sa anak ng mabuting kaibigan ni Mom na si Tita Jackie dito sa Amerika. Sila lang naman ang lagi naming nakakasalamuha dito. Usually, Filipinos lang din. As much as possible, pinipigilan ko kasing mainvolve sa mga amerikana. I don’t want to be unfaithful.

So I did a recap regarding our plans. Seb and Eri already know this. Ewan ko nga ba kung bakit nirecap ko naman sa isang ‘to. Sa bahay titira si Dave and Seb. Wala naman silang kamag-anak na nakatira sa Pinas e. So, Mom suggested that they’ll be living with us for the mean time.

Tumawag ako kanina kay Seb kung anong nangyari sa first day niya sa school ni Riel. Unfortunately, absent daw ito. So I asked Eri. A little later after, nakatanggap ako sa kanya ng sagot.

Bihira ko lang malamang umabsent si Riel sa pagpasok. All I know is, ako palagi ang dahilan ng pag-aabsent niya.

Hindi ko rin masisisi sina Tita Rina kung nasabi nila kay Riel ang ipinakiusap ko. Wala na naman akong magagawa roon e. After all, sila na lang ang pamilyang pwedeng masandalan ni Riel doon.

Malalaman ko na lang na pupunta ang barkada sa bahay ng mga Dela Rama, to at least comfort him. Na dapat… ako ‘yong gumagawa. I guess, I made a worst boyfriend to him, of my self.

Pero… matatapos na ang paghihirap ng pinakamamahal ko. Uuwi na ako e. I need to fix everything. Pero… kailangan ko muna siyang saktan for the success of this plan.

“So pwede kita i-kiss kapag kaharap natin siya?” Aniya.

Napailing na lang ako. Pinagnanasahan talaga ako nito.

“If that’s effective, then…” Napaisip pa ako, kung sasaang-ayon talaga ako sa gusto nito. “Do what you want. Hindi lang tayo lalampas doon. Tsaka ‘wag kang susobra, sisikmuraan talaga kita.” Tugon ko.

Well, it’s just a kiss. A kiss nga lang ba? Sana hindi ko ito pag-sisihan sa huli. Sabi ko nga kanina. Tss.

“Pwedeng pa-advance ngayon?”

“Nek nek mo ‘no! Pag-ka-ha-rap nga lang siya, ‘di ba?” Agad kong sagot. Napatayo na rin tuloy ako. Iba rin kasi ‘to, nanununggab agad.

“Sige na…” Aktong lalapit siya nang kunin ko ang cell phone ko.

“Remember…” Sabay wagayway ko nang cell phone ko sa harap niya. “Isang dial lang… it’s Seb, already.”

“KJ!”

“It’s not in our plan, Dave. Just drop it. Or, lagot ka sa boyfriend mo!”

“Oo na! Lagot ka sa akin pagkauwi natin. Ha! Matitikman din kita!” Banta niya.

“Let’s see.” Hamon ko naman.

Alas nuebe ang flight namin, kaya’t 6:30 PM pa lang ay pumunta na kami sa airport. Nakakausap ko lang si Seb thru facebook. Si Eri nama’y thru viber.

“Anong oras dating niyo? Uuwi rin pala sila Josh. Bukas din ang dating. Sa Naga City Airport din ang lapag. Oh my God! Baka magkita-kita na kayo niyan.” Pagkasagot ko ng tawag mula kay Eri.

Uuwi na rin pala sina Josh and Riley from their honeymoon. Nakakainggit… Oo, pero… makakamit din namin iyon ni Riel. Siya na talaga ang gusto kong makasama sa buhay. I just need to make this plan work. Sana this will turn-out just what I am expecting.

“Hmm. ‘Wag mo na lang kaming sunduin, tuloy. Kami na ang bahala.” Sagot ko.

“Okay. Mabuti na nga iyon. Baka magalit sa akin si Riri.”

“Okay. No worries. Hindi naman ‘to kung anong plano e.”

Yes. This ain’t any plan na alam niyo na. I can’t reveal it so soon. Kailangan ko pang makausap ang mga kakasabwatin ko. Kailangan ko pang magcatch-up sa kanila.

Kung makita man kami nila Josh. That would be fine. At least, sa madaling panahon, makuha ko agad sila bilang accomplices.

“I know. Ikaw na bahala sa mga susunod na mangyayari kung makikita niyo man siya sa Airport.” Aniya.

“Just tell Seb na papauwi na kami.”

“Yeah yeah. Pakisabihan nga si Dave na ang landi ng boyfriend niya! Unang pagkikita pa lang nila ni Riel, naging magulo na agad ang utak n’ong tao. Bahala ka sa plano mo ha! Kapag nain-love si Riel kay Seb. Wala na.”

“Kaya nga nabuo itong plano ‘di ba?”

“Ewan ko sa’yo no! Alam mo namang mahal na mahal ka n’ong tao e. Ikaw ba naman ang iyakan for almost a year, now? Hayst! Bahala ka na nga! Naaawa na tuloy ako kay Riel sa pwedeng mangyari. Although, maganda ang ending nito, may mga doubts lang talaga ako.”

“Don’t think too much, Eri. Ako na ang bahala.”

Maskin ako man ay may mga doubts… but I am keeping my faith that Riel can still accept me after this plan. Sana nga lang hindi mabaliktad ang lahat ng gusto kong mangyari.

If it does, I’ll take full responsibility.

Buong byahe ay iniisip ko ang gagawin if ever we turned out to face Josh and Riley sa airport pauwi ng Naga. Ilan kayang porsyento ng posibilidad na pwede kaming magsabay sa flight.

Alas siete na ng umaga kami nakarating sa Manila. Pagkababa ko pa lang sa eroplano ay nilasap ko agad ang simoy ng hangin.

“I’m back, Philippines!” Sigaw ko.

Syempre, biro lang.

“Wagas ang ngiti natin ah!” Ani Dave.

Pero hindi ako sumagot sa kanya. Nilasap ko na lang ulit ang hangin, kahit hindi ito kagaya ng malalanghap sa Naga.

“Tss. Bakit ba kasi nakasali pa ako sa plano mo, Kuya? Ang hirap kaya ng LDR. Buti na lang okay pa kami ngayon ni Reese.” Singit naman ni Andrei.

“Of course! Kinausap ko kaya si Reese. And I’m glad pumayag naman siya.” Tugon ko.

Umiling na lang ito matapos ko iyong sabihin.

Buti na lang naging mabuting kaibigan din ni Andrei ang mga anak ng family friends nina Mom doon sa Amerika. At sa tingin ko, na-enjoy niya naman ang stay namin doon.

Naisipan naming magpahinga muna sa isang malapit na hotel sa airport. Para agad kaming makapunta kapag oras na ng flight namin. Sina Mom, Dad at Dave ay sumaglit muna sa simbahan.  Ipapasyal din daw nila muna ito. Kaming dalawa ni Andrei naman ay piniling magpahinga na lang.

“Babe!”

Natulala na lang ako nang marinig ko ang tinig na iyon. Hindi ako nagkamali. It’s Josh and Riley. Kung minamalas ka nga naman! Pareho pa kami ng hotel na pinag-check-inan.

Buti na lang hindi pa ako tuluyang nakalabas noon sa kwartong tinutuluyan namin.

“Parang nakita ko kanina ‘yong mga magulang ni Red.” Ani Riley.

Patay!

“Talaga?!” Biglang sagot naman ni Josh.

“Yeah. Hindi ako, pwedeng magkamali.”

Nakagat ko na lang ang labi ko nang marinig ko iyon. Looks like, I have to deal with them this soon. Pero… sana, ‘wag muna. Nakaisip na rin naman ako ng paraan, but… it’s still vague.

“Tara nga sa Reception Area. Magtanong tayo.”

Kinabahan na lang ako bigla. Argh!

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ko back and forth, dahil sa bilis ng turn-out of events kanina. Mas lalo akong kinabahan dahil sa mga pagkatok sa pinto ng aming kwarto.

Nang sinilip ko ang peephole sa pinto namin ay nanlaki na lang ang mga mata ko.

“Jared Isaiah Ariola! I know you’re in there! Labas!” Sigaw ni Josh sa labas.

Argh! Wala na talaga akong magagawa. Andito na ‘to. I need to face them. Sana na lang umuuwi na agad sila Mom.

Dahan-dahan ko lang na binuksan ang pinto ng kwarto namin tsaka nagsuot ng pilit na ngiti sa mukha ko.

“Long time no see, Josh… Riley…” Sabi ko.

“Fuck you! What the hell, Red?! Bakit ngayon ka lang?! Alam mo bang naghihirap si Riel ngayon, dahil sa’yo! Damn you!” Asik niya.

“Babe! Kalma lang!” Ani Riley sa asawa.

Buti na lang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Riley. Baka bugbog sarado na ako sa kanya.

“E putangina naman kasi ‘tong isang ‘to e!” Aniya sabay turo sa akin.

“Pasok kami, ha? Nakakaiskandalo ata tayo.” Sabi ni Riley.

Umatras na lang ako para makapasok silang dalawa. Pilit pa ring kinakalma ni Riley ang asawa niya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganito siya kagalit ngayon sa akin. Best friend niya si Riel. At ako ang dahilan ng sitwasyon ngayon ng kaibigan niya.

“Babe! Kalma lang, okay? Buti na lang wala sina Tita rito.”

“Kaya nga ako ganito, e! Bwiset, Red! Ano bang pumasok sa kukote mo!”

“Sorry, Josh.” Nasagot ko na lang.

“Putangina talaga! Putangina!” Mura niyang muli.

“Babe! Ang bibig mo! At least hear him out muna. ‘Di ba?”

“Hay nako! Ewan ko talaga! Ewan ko na lang.”

Nang kumalma si Josh, saktong dumating na rin sina Mom, Dad at Dave. Katahimikan kasi ang bumalot sa amin sa mga oras na iyon. Riley needs to calm Josh first para makausap ko siya ng matino.

Buti na lang andyan siya. Hindi ko pa kasi talaga alam ang sasabihin sa kanya. Kung sasabihin ko rin sa kanya ang plano ko, ewan ko nga rin e.

“Oh!” Sabi ni Mom, nang makapasok siya.

Pareho ng reaksyon ko ang reaksyon ni Mom nang makita niya sa loob ng hotel room namin sina Josh and Riley. Wala na akong nasabi pa sa kanya tungkol sa pagkakabuking ko kay Josh. Alam na niya naman ang magiging consequence noon kapag pinaglihiman pa namin siya. So… might as well, sabihin na lang din sa kanya.

‘Yon nga, Mom told the important things to Josh. Syempre ang plano rin.

“I don’t really get it, Red. Bakit pa? To test him? Ikaw lang naman minamahal ni Riel, alam mo ‘yan. Mantakin mong isang taon kang iniyakan n’ong kaibigan ko.” Aniya.

“Calm down, Iho.” Saad sa kanya ni Mom.

“I can’t Tita. Bakit niyo po pinagbigyan ‘yang si Red. Nakita ko lahat ng epekto nang pagkawala niya sa buhay ni Riel. It seems like he’s alive physically, but dead emotionally. ‘Yong may kulang sa kanya.”

“Blame it all to me, Josh. Ako naman lahat may gawa nito e. But I promise to make it up to Riel soon. Just please understand and keep this as a secret from him. Mabilis lang ‘to. I just need to prepare the things I need.”

“Ewan ko sa’yo! Bahala ka na nga! Kung hindi ka lang mahal n’ong isang ‘yon, nako! Nabalatan na talaga kita ngayon. Patatas! Oras na. Quarter to nine na.” Padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya.

Nakikinig lang sila Dad, Andrei at Dave.

Dahil sa malandi ang kaibigan ko. Nakuha niya pang makipagkilala sa asawa ni Josh. Napailing na lang ako.

“Hi! I’m Dave! And you are?” Aniya.

Imbes na si Riley ang sumagot ay agad na sumagot sa kanya si Josh.

“Oh, Hi, Dave. He’s Riley. My partner.” May diin sa pagkakasabi niya roon sabay ngiti.

Nagkatitigan sila na parang ewan. Nasapo ko na lang ang noo ko. Si Dave kasi e! Baka tuloy mainis pa nang todo ‘tong si Josh.

“Babe. Let’s go?” Baling niya kay Riley. Agad namang umalis ang dalawa.

“Tss. Parang nakikipagkilala lang!” Ani Dave nang makalabas na ang dalawa.

“Tigilan mo nga ang paglalandi, Dave. Susumbong talaga kita kay Seb. Mag-asawa na ‘yong dalawang ‘yon.”

“I don’t care! Maghihiwalay pa ‘yong dalawang ‘yon ‘no!” Aniya. Nang mapagtanto niyang andito pala sina Mom ay naitakip niya ng kusa sa bibig niya ang mga kamay.

“Dave!” Tawag sa kanya ni Mom. “I don’t like that attitude.” Dagdag ni Mom.

Napayuko naman siya. “Sorry po, Tita.”

“Mali iyon. Kung sa’yo ‘yon mangyari. Anong gagawin mo? Seb is one of the best man, I have ever known. Bihira ang mga faithful.”

Buti nga sa kanya. Hahaha! Pero… I know he’s just missing Seb. Naglalandi lang naman ‘yan kapag malayo siya sa minamahal niya. Alteration ng pagkamiss niya, kumbaga. I hope so. Lol!


Present

Wala kaming imik nang makarating kami sa bahay. Naabutan lang namin si Seb na abala sa kusina para sa tanghalian. He’s a Chef already, buti na nga lang ay naadmit pa siya doon sa Chua Culinary School.

“Red, nasa plano ba ang nangyari kanina?” Tanong ni Mom.

Imbes na ako ang sumagot ay agad na sumingit si Dave.

“Yes, Tita.” Aniya.

Napatingin lang sa kanya si Mom ng madalian, pero ibinaling niya agad ang atensyon sa akin. She’s still waits for my answer. Sumagot na rin lang naman si Dave, edi hindi ko na itatanggi. Kaya tumango na lang ako sa kanya.

“We’ll talk later, Jared. Wala pa nga tayo sa kalahati, stress na stress na ako.”

“Why, Tita? What happened?” Tanong ni Seb na inaalis ang suot niyang apron.

Napailing lang si Mom sa tanong ni Seb.

“Just ask your boyfriend and friend, Seb.” Tugon niya. “Let’s eat? It’s past 12 already. Ang dami mo atang niluto, Seb?” Dagdag niya.

Clueless na napatango na lamang si Seb sa sinabi ni Mom.

After lunch, hindi na napaghiwalay pa ang magkasintahan.

Ako? Inaalala ang nakitang reaksyon ni Riel sa nangyari sa Airport. This is the catch guys, Me and Dave, didn’t actually kissed. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko. It seemed that way, dahil sa view. Pero hindi, sa cheeks niya lang ako nahalikan.

Naitalikod ko kasi agad ang sarili ko sa view na makikita ni Riel.

Pero… Josh texted me. Ani Eli sa kanya, hindi pa rin daw lumalabas ng kwarto ngayon si Riel. And it bothers me even more.

Takte kasi si Dave! Malay ko ba namang totohanin niya ang plano na ‘yon.

“Hoy, Red! Pagsabihan mo ‘yang kasabwat mo, ha! Kakalbuhin ko siya!” Nailayo ko agad ang cell phone ko sa tenga ko nang marinig iyon mula sa kabilang linya.

“Sorry for what happened, Josh. Maskin ako’y hindi ko iyon alam. Dave is completely into it. Intindihin niyo na lang. Ako naman ang may kasalanan nito e.” Tugon ko.

“Grrr! Ang landi! Bwiset! So… anong balak mo ngayon? Bumalik na naman si Riel sa pagkukulong niya sa kwarto. Hindi na rin mapasok ni Eli ngayon. May lock na raw sa loob.”

Anniversary pa naman sana namin ngayon. That night, under the stars and a crescent moon. I will never forget the happiest moment that ever happened in my life.

Kahit masaya ang ending nitong planong ito, ‘yong mga duda ko… parang… magkakatotoo pa…

“Mom. Please po… Pakirush na ang preparation for the finale.” Saad ko pagkabukas pa lang ng pinto sa kwarto nila.

Napangiti si Mom sa kanyang narinig and then pat my head.

“Mom… hindi na po ako bata.”

“I know. Namiss ko lang gawin ‘to sa’yo.”

Napangiti na rin lang ako.

“We’ll do our best para mapabilis ang preparation, Red. Just make sure not to hurt, Riel even more. Bahala ka! Tatanggihan ka na noon!” Banta na naman niya.

“Yeah. Yeah. No worries, Mom. Ako na ang bahala sa parteng ‘yon.” Tugon ko.

“August 25, ‘di ba?”

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.


Riel’s POV

This is my last set. Nasa Synthesia Bar ako ngayon. My first gig after a year. Ako lang mag-isa. Gusto ko munang mapag-isa.

It has been 4 days since the 25th of July.

Our anniversary…

No… Wala na palang gan’on ngayon.

He’s with someone else…

So…

It doesn’t really matter anymore…

2 days ago, nicontact ko si Iris. Nakiusap akong hindi na muna magkacomeback ang Fleet. Hindi ko pa rin kasi sila nakocontact. Alam na ito ni Eli, pero pinakiusapan ko siyang, akin muna itong gabing ito.

Pinakiusapan ko rin siyang, huwag ng manood ngayon. I just want to pour all the emotions I am feeling right now sa pagkanta. Masakit e. Ang sakit.

Ayoko ring makadagdag sa alalahanin sa bahay. June is worrying too much about me. Eri is worrying too. Sina Kuya Melvin and Ate Rose. At syempre si Kuya.

“Nag-ienjoy pa ba kayo?” Saad ko sa mikropono.

“Yes!”

“Never been like this before!”

Sigawan ng mga tao sa paligid ko.

Sina Brett at Iris ang kasama ko ngayong gabi. Buti nga raw at pinayagan sila ng Mommy ni Brett. Tulog na rin naman si Beegee nang iwan nila sa bahay ng mga Santillan.

Am still wondering if they already knew. Siguro naman. 4 days na ang nakalilipas e.

Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Bakit ko ba pinoproblema pa iyon?

“For the first song, on my last set... Broken Strings by James Morisson. May I request Mars, for Nelly Furtado’s part. Enjoy!”

Nakita ko na lang na itinuturo niya ang sarili niya. Tumango naman ako.

“Kainis ‘to! Hindi maganda ang boses ko!”

“Wushu! Humble pa more! Hindi mo ginagamit magandang boses mo? Benta mo na ‘yan! OLX.ph!” Biro ko.

“Baliw! Sige na nga!” Papayag din naman pala, magpapakipot pa. Tss. Napailing na lang ako tsaka tumipa sa gitara.

Let me hold you for the last time
It’s the last chance to feel again
But you broke me
Now I can’t feel anything

When I love you it’s so untrue
I can’t even convince myself
When I’m speaking
It’s the voice of someone else

Tama ba itong ginagawa ko ngayon? Not confirming things? Ang daming pwedeng rason, pero hindi ko man lang nagawang usisain ang mga nangyayari.

Pinangungunahan lang ba ako ng emosyon ko? Pero… anong magagawa ko? Nagseselos ako e. Ako dapat ang nandoon sa tabi niya. Ako dapat ‘yon.

Oh, it tears me up
I try to hold on
But it hurts too much
I try to forgive but it’s not enough
To make it all okay

You can’t play on broken strings
You can’t feel anything
That your heart don’t want to feel
I can’t tell something that ain’t real

Oh that truth hurts
And lies worse
How can I give anymore?
When I love you a little less than before

Nakapikit lang ako sa mga oras na iyon. It’s Iris’ turn kaya’t nakapagnilay-nilay ako sa nararamdaman ko.

Ito na nga siguro ang takbo ng buhay ko ngayon. Wala akong pamilya. I have friends, but I can’t demand for them to be with me at all times. May kanya-kanya rin naman silang buhay.

I can’t always make them rush whenever magdadrama na naman ako. I will try my best to conceal the pain I am feeling. ‘Yon na lang siguro ang last resort ko para hindi ko na sila maabala pa.

Love is a ruthless game; it is unless you’ve played it good and right.

I still can make it. Konting panahon lang ang kailangan ko. Siguro. Kasalanan ko naman kasi, I’m into deep. Too deep, that it is all Red, I see.

Let me hold you for the last time
It’s the last chance to feel again…

Palakpakan ng nasa loob ng Bar ang narinig ko. It seems like Iris enjoyed it as well. Pakipot pa kasi e. Hindi naman gan’on kasama ang boses niya. May ritmo at tono naman. Hindi nga lang ‘yong masasabi mong musically inclined.

Anyways, okay na ‘yon. Nairaos naman kahit papaano.

Sinundo lamang siya ng asawa niya sa harap ng stage matapos ko siyang pasalamatan. Namiss ko tuloy si Beegee. 4 days ko rin siyang hindi nakita.

Nagpahinga lamang ako ng konting minuto.

“The next song is requested by Mr. Chiu.” Naguluhan pa ako noon. Parang pamilyar kasi ‘yong apelyido. “Andito pa po ba si Mr. Chiu?” Tanong ko.

Nakompirma ko na lang ang nasa isip ko nang itaas niya ang kanyang kamay. Mag-isa lamang siyang nakaupo sa may counter ng Bar.

Tss! Bakit siya andito! Nakakalimutan ko tuloy na may problema pa ako ngayon. Lol! Biro lang! Stalker ba siya? How did he know? Or maimbestiga lang talaga akong tao.

“Oh!” Nasabi ko na lang. “Dedicated daw ito sa crush niya.” Natawa na lang ako. “Wow si Kuya! May pacrush-crush pang nalalaman e! Hahaha!” Nakitawa na rin sa akin ang mga taong naroroon.

Napakamot na lang siya ng kanyang batok.

Ugh!

That gesture!

“So…” Nagpatigil sa tawanan. Halata ba sa boses ko na mayroon akong dinadala ngayon? “The Blower’s Daughter by Damien Rice. Sa Crush ni Mr. Chiu. This is for you! Yiee!”

Nakisali na rin ang mga tao sa panunuya ko sa kanya. Magkaklase naman kami, might as well, kaibiganin ko na rin. I think he’s nice naman. FC nga these past few days. Hindi ko lang muna binibigyan ng masyadong atensyon dahil sa pag-iisip ko doon sa nangyari noong Sabado.

And so it is
Just like you said it would be
Life goes easy on me
Most of the time
And so it is
The shorter story
No love, no glory
No hero in her sky

Maskin anong pilit kong pagpapasaya sa sarili ko. Wearing a smile. Nasasapawan pa rin iyon ng nararamdaman ko sa loob. Madrama pa itong nirequest ni Mr. Chiu. Ay ewan! Kantahin na nga lang! Argh!

I can’t take my eyes off of you
I can’t take my eyes off you
I can’t take my eyes off of you
I can’t take my eyes off you
I can’t take my eyes off you
I can’t take my eyes...

Tumitingala na lang ako kapag may magbabadyang luha na papalabas sa mga mata ko. Shit! Nadadala ako ng kantang ito! Kapag pumipikit naman ako’y si Red ang nakikita ko. Ano na lang pala ang gagawin ko.

I hate this feeling. I realy hate it!

I can’t take my mind off of you
I can’t take my mind off you
I can’t take my mind off of you
I can’t take my mind off you
I can’t take my mind off you
I can’t take my mind...
My mind… My mind…
‘Til I find somebody new

Nagpaumanhin ako sa madla matapos kong kantahin ang huling salita. Hindi ko na kasi napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. I went back stage at humagulhol sa isang sulok doon.

“Pars…” Napatayo ako bigla nang tinawag ni Iris ang pangalan ko.

Akala ko nga siya lang ang naroroon. But, I saw Brett’s face like he did something wrong.

“Okay lang ako. Don’t worry about me. Napuwing lang ako. Hindi ko matanggal kaya naiyak ako.” Rason ko. I know it’s so lame. Pero, wala e. nasabi ko na.

Sino ba naman ang napuwing lang maiiyak na agad? Tss.

“You’re not, Best.” May diin sa pagkakasabi ni Brett noon.

Nakahawak sa kanya si Iris. Sinabihan ko kasi siyang kapag mapunta kami sa sitwasyong ito’y pakalmahin niya ang asawa niya. Ayoko nang marinig pa sa kanya ang paghingi ng tawad, dahil matagal ko na siyang napatawad.

“Calm down, Brett.” Aniya sa asawa.

“Balik na ako sa stage, ha? Huling kanta na rin naman ‘to.” Saad ko sa kanilang dalawa.

Si Iris naintindihan ako, si Brett, hindi. Kaya pinigilan niya na naman akong iwasan siya.

“Best… kung hindi mo na kaya, please naman. Just tell me. Best friend mo ako, ‘di ba?”

“Wag muna ngayon, Best. Please…” Pakiusap ko.

Agad niya naman akong binitawan saka na ako nagpatuloy sa paglalakad palabas sa pwesto ko. I have composed myself even more, para hindi nila mahalata ang nangyari sa akin. Conceal, don’t feel.

“Nag-ienjoy pa ba kayo, guys? So sad na huling song na natin ito. But we’ll see each other again on Saturday, right?”

Wednesday and Saturday lang ang kinuha kong schedule. Nag-aaral pa ako e. At may obligasyon din naman ako sa bahay. I can’t let my boarders do the chores. Kahit kasi sinasabi nilang okay lang naman sa kanila ang tumulong, iniinsist ko pa rin na kasama iyonsa binabayaran nila sa akin.

“Minsan sa isang relasyon, darating talaga ang panahon na magkakalabuan kayo ng minamahal mo. But, still, marami namang paraan to work things out again, ‘di ba?”

What the hell am I saying? Lol! Conceal don’t feel, Riel. Remember! Sinimulan ko na ring tipahin ang aking gitara.

“Kung kaya pang ayusin, gawan ng paraan. Kapag wala na talaga, the last resort you can do, is… let go…”

Tama ba, na iyon lang ang paraan kapag wala na talaga?

“Marami sa atin ang naghahangad ng forever. But… does forever really exist? Para kasi sa akin… it is not forever… it is for a lifetime.” Napapikit na lang ulit ako.

I'm thinking about him holding you
There's nothing much that I can do
The seconds into minutes
The minutes into hours
The future is his and the past is ours.

They tell me I should just move on
It's easier said than done
The only thing left keeping me company
Just me and my jealousy

Lying awake at night
You keep running through my mind
Jealous of the hand that you hold
The city in the winter never seems so cold
Nothing left of me
Just me and my jealousy
Just me and my jealousy

Nilasap ko ang bawat salita na lumabas sa bibig ko.

Selos lang ‘to.

Alam ko.

Nagseselos ako ng todo.

You said there really isn't much to say
But we'll be better off this way
So tell me is it better while you're lying in bed
I wonder if you ever think of me instead

Then I got nothing left to prove
When you got nothing, you got nothing lose
The only thing left keeping me company
Just me and me jealousy

Lying awake at night
You keep running through my mind
Jealous of the hand that you hold
Chicago in the winter never seemed this cold
Nothing left of me
Just me and my jeaously

I'm jealous of the pillow where you lay your head
The only thing you're lying with is my regret, my regret
And I'm jealous of the way he says your name
I should of held you tighter but I let you walk away

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang kompletong imahe ng mga kabanda ko. Sa sobrang gulat ko’y tanging pilit na ngiti na lang ang naigawad ko sa nag-aalalang facial expression nila.

Sa banda, malalaman mo ang nasasaloob ng kumakanta. It seems that, our soul is connected to the rhythm and tone of the song. Kaya nga mas gumagaling ang isang mang-aawit kapag naincorporate niya ang feelings niya sa pagkanta.

Ganoon ang nararamdaman ng mga kabanda ko ngayon. Reading them through their eyes concludes that they somewhat feel me.

Hindi ako nagpaalaman kanina kay Kuya kanina. Eri is still missing in action when I left, kaya, ipinagpasya kong ‘wag na lang magpaalam sa kanila. Tanging kay June lang. Alam naman nila kung saan ako hahanapin e.

I lie awake at night
You keep running through my mind

Days turn into nights
I can't get you off my mind
Jealous of the hand that you hold
Chicago in the winter never seemed this cold
Nothing left to me
Just me and my jealousy, my jealousy, my jealousy
Me and my jelousy

And I’m satisfied pouring my feelings through singing. At least, kahit emosyonal pa rin ako, gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. Isang oras na iyak ulit ito, and then, okay na ulit ako.



Itutuloy... 

12 comments:

  1. Grabe parang ang landi ng role ko dito.. Malayong malayo sa real life hahaha.. Pero gusto ko ha atleast dito man lang aggressive ako di ko kasi kaya in real life eh.. Hhahaha naaawa pa din ako kay rielšŸ˜­ -dave

    ReplyDelete
  2. Nice talaga next chapter na po ulit.,.,
    GalinG tlga ng autor.

    Breaille lance

    ReplyDelete
  3. tuloy m n nga yan mister author, paghwlayin m yang red at riel. sobrng nkakainis kasi, i dont care s mggng kwento ha. mgng si seb at riel n pleasr please.

    ReplyDelete
  4. Pde bawiin ung ncomment ko? Shetttttt proposal n pla yes yes. I love red and riel haha

    ReplyDelete
  5. Ang galing mo tlaga mr. Author! Kudos!

    Maiba po ako, ano po title ng last song ninyo dto sa chapter ninyo ngaun?

    Reagan hambog of ilocos sur

    ReplyDelete
  6. Ano ang purpose so Red bakit nya pinarusahan si Gab? Gab has bewn through a lot. Can Jar see that? Anyway, thanks for the update. Take care.

    ReplyDelete
  7. Hmm. Exciting naman itong story na to.

    Ang daming kuda ni Red ha!

    Next chapter na pleeeaaassssseee.!

    ReplyDelete
  8. Ano kayang plano netong ni Red? Nakaka intriga jusko. Feeling ko pagpapakasal din? Pero para saan bat nya tinetest si Riel? Muntanga si Red. Sarap kalbuhin. hahaha.

    Good job Kuyang author. haha Sana mabilis update. haha. Silent reader lang ako dito. haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  9. Sya nga pala, nagkainteres akong magsulat din pero hindi ko alam kung sino ang kokontakin para ma publish ko dito ang aking akda.

    Bisita lang po kayo sa http://mgakwentongpatola.blogspot.com/ para aking kauna unahang akda.. Ang MAPAGLARONG TADHANA.

    M2M Bromance na kwento po ito. Salamat po.

    ReplyDelete
  10. Umayos ka nga Red! Bakit pa bang kailangang masaktan si Riel? Author nakakainis naman kayo wag niyo paiyakin si Riel ng sobra, baka nga tanggihan niya si Red.

    ReplyDelete
  11. lalalala.. XD hehehe oh my gee .! pagende rin ng pegende to !:) kakaexcite !!!
    ty sa update and kuya Rye , ANG GALING MO PO TELEGE ! :)
    -yeLsnA

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails