Followers

Sunday, July 5, 2015

Loving You... Again Chapter 22 - Smile




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Pasensya na talaga kung hindi ako mahilig magsulat ng Author's Note. Wala kasi akong maisip na magandang sabihin haha. Anyway guys, nalulungkot ako dahil sila kuya Bluerose, patapos na samantalang ako, hindi. Naiiwan nila ako. Well have fun guys. Chapter 22 is here.











Chapter 22:
Smile













































Keifer's POV



          Minsan, naiisip ko na ilang pangako na kaya na sinabi ang mga tao? Ilan doon ang natupad, ilan doon ang hindi? May nabasa ako sa isang dyaryo, jokes are better because it's half-true rather than promises that is half-lie. Hindi ba marunong sa math iyung nagsabi niyan? Ano iyung natitirang 50% ng bawat isa? Void? Aba, malamang, iyung kabaligtaran. So promises and jokes are half-true and half-lie. They are equal and no one is better than the other.



          Pero sa totoo lang, jokes are better than promises. And here I am contradicting iyung statement ko kanina. Ang ibig kong sabihin, kapag hindi totoo o natupad ang promise mo sa isang tao, dipende sa kung sino ba ang nagsabi pero gawin nating example ang katipan nating lahat. Sasabihin mo lang na 'Okay lang', pero ang totoo, sa loob mo, hindi. Because you are really looking forward for it. Iyung tipong hindi ka makatulog dahil excited kang pumunta sa field trip. Kapag joke naman, wala lang. Hindi naman nakakasakit, napapatawa naman tayo. Unless kung mababaw ka talaga at aawayin mo iyung nag-joke kasi hindi mo na-gets o natatamaan ka. Chill. Joke lang iyun.



          Pero paano kung ang promise mo is a big thing to the other? Tapos, sa isang saglit, mawawala. Hindi na matutupad kahit kailan.



          Kagagaling ko lang sa grocery nang pumasok ako sa apartment namin. "Nandito na ako!“ masigla kong saad.



          Naabutan ko lang sila Harry at Janice na magkayakap. Umiiyak si Janice. Pinakita naman sa akin ni Harry ang litrato ni Ren na natutulog. Ito iyung litrato noong unang beses kaming nagniig. Shit!



          Nakapa ko lang ang sarili ko at napagtanto na wala pala iyung susi sa kwarto ko. Kita ko lang ito na hawak ni Janice habang nakayakap kay Harry.



          "Umm... Janice, magpapaliwag ako.“



          Kumalas ng yakap si Janice kay Harry at lumabas ng apartment. Hahabol sana ako pero napagtanto ko na kailangan kong magpapaliwanag sa isa pang tao na may gusto kay Ren.



          "Sa akin? Hindi ka ba magpapaliwanag?“ sarkastikong tanong ni Harry.



          "Bakit? Ano ba ang kailangan kong ipaliwanag sa iyo?“ matapang kong tanong.



          "Hah! Grabe! Ang tapang. Ikaw na ang nahuli, ikaw pa ang matapang. Bakit ginawa mo sa akin ito? Bakit mo inagaw sa akin si Ren?“



          "Ako? Inagaw siya? Nagbibiro ka ba?“



          Ipinakita ulit ni Harry ang litrato ni Ren. "Sabihin mo. Naging kayo ba ni Ren? Base kasi sa litratong ito, mukhang malalim na ata ang relasyon ninyo.“ Talaga. Malalim na malalim.



          "Ano ang masama sa pagkuha ng litratong ng isang taong natutulog?“



          "At ano naman ang pinagkaiba ng bagay na iyan sa ginagawa ko noon? Ikaw ang nagsabi na tigilan ko iyun. Tinigil ko nga. Pagkatapos ay nilapitan ko siya. At aba, tinanggihan niya ako. And then ganito at ganyan na ang nangyari, tapos malalaman ko na may malalim na pala kayong relasyon? Kaya din ba nagtatanong ka sa akin kung ano na ang status ng relasyon namin ni Ren dahil binabantayan mo kung nagtataksil siya sa iyo?“ Hindi ako tumugon. "Sagutin mo ako! Aminin mo sa akin na may relasyon kayo ni Ren!“



          Nag-angat ako ng tingin. "Wala. Wala kaming relasyon ni Ren maliban lang sa mabuting magkaibigan,“ tahasang pagtanggi ko.



          Lumabas ako ng apartment at pumunta sa apartment nila Janice. Naabutan ko lang na nakaupo siya sa sofa at umiiyak.



          "Bakit Kei? Bakit?“ tangis niya. "Sa dami-dami ba naman ng babae, ang ibig kong sabihin, lalake, bakit si Ren pa? Bakit si Ren pa na close na close ko?“



          "Janice, magpapaliwanag ako.“



          "Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Iyung litrato, ang daming sinasabi. Mukhang malalim talaga ang relasyon ninyong dalawa. Base pa lang doon sa litrato, mukhang kakatapos niyo lang mag-sex. Sarap na sarap ba si Ren? Nag-iisip ako ngayon. Nagagawa niyo pa ba ang mga bagay na iniisip ko sa harap namin ni Harry? Wait, naalala ko bigla na may gusto pala si Harry kay Ren. Kaya ba ayaw makipagrelasyon ni Ren kay Harry dahil ikaw ang kanyang secret guardian na ayaw siyang magkaroon ng syota? Pero ang bottom line ng usapin na ito, bakit nagawa niyo sa amin to? Alam kong puwersahan ang magiging kasal natin pero sa ilang buwan na pagsasama natin, sinikap ko na magustuhan ka Kei kasi alam ko na magsasama tayo ng habang buhay balang araw.“



          "Pero bakit ako pa rin ang hinahabol mo? Bakit ako? Ano ang dahilan at ako talaga ang hinahabol mo? Maraming ibang tao diyan lalong-lalo na't nag-aaral ka sa Schoneberg Academe.“



          "So hindi mo talaga ako mahal Kei? Siguro, kailangan ko na sa iyo itanong to habang maaga pa. Ako, o si Ren? Mamili ka. Oo nga pala. Ipapaalala ko sa iyo na kapag pinili mo si Ren, siguro, alam mo na ang mangyayari sa kaniya kung sakali. Alam kong naging close kami. Pero kapag nagtanong ang tito at tita mo sa akin, mag-iimbestiga at mag-iimbestiga sila hanggang sa malaman nila na si Ren ang dahilan ng pagtataksil mo sa akin. Magdasal ka na din na hindi din magsumbong si Harry. That is kung mahal pa rin niya si Ren. Kaya Kei, mamili ka na.“



          Pinunasan lang ni Janice ang luha niya at bumalik sa kwarto niya. Hindi. Nasira na ang plano ko. Dapat hindi pa nila ngayon malalaman na may relasyon kami ni Ren. Hindi. Sira na talaga ang plano ko. Wala na akong magagawa. Hindi ko napaghandaan ang sandaling ito. Bakit ba kinuhaan ko pa ng litrato si Ren at nilagay sa ilalim ng unan ko? Kasalanan ko to. Kasalanan ko.



          Kinuha ko lang ang phone sa bulsa ko at tinawag ang telephone number ni tito.



          "Hello tito? Napagpasyahan na po namin kung kelan kami magpapakasal ni Janice,“ masayahin kong saad.



          "T-Talaga? Kelan?“ masayahing tanong ni tito.



          "Kung maaari po, sa susunod na po ng linggo. Mas maaga po, mas maganda.“



          "Sige Kei. Ihahanda ko na. Doon ko kayo ipapakasal sa Cebu. Sa simbahan ng Our Lady of Peace and Good Voyage. Gusto mo doon hindi ba?“



          "Sige po. Bye.“



          Totoo talaga na sa isang simpleng mali sa plano ko, masisira na ito lahat. Wala na akong magagawa. There's no turning back.



          Sumunod na araw, pumunta na agad kami sa Cebu. Agad na nakahanda ang paghahanda sa kasal namin ni Janice. Alam ko na pakana ito ni tita Hilda. Gusto niya kasi makasigurado na si Harry ang susunod na magiging lider ng pamilya namin. May batas kasi sa pamilya namin na kapag hindi kasal na ang isang kandidato ng pamilya bago ang pagpili, madidiskwalipikado ang taong ito at hindi na maaaring sumali. Ewan ko kung anong klaseng batas iyun at ano ang kinalaman noon sa lahat pero nakakairita.



          Naglakad-lakad naman ako sa isang maliit ng parke sa tulay ni Marcelo Fernan. Pagkasalpak ng isa ko pang sim card, agad kong tinawagan si Ren na sinagot agad nito.



          "Kei, bakit?“ agad na tanong ni Ren.



          "Hi... Ren. Okay ka na ba?“ tanong ko.



          "Huh? Tinanong mo na sa akin ang bagay na iyan noong isang araw ahh! Ehh, iyung saksak mo sa likod, okay na ba?“



          Natawa ako ng payak. "Okay lang naman ako! Ikaw naman. Ganoon ka din. Oo nga pala. Nabalitaan ko na pupunta ang banda ninyo sa Hong Kong.“



          "Ang totoo niyan Kei, pupunta ako sa lugar na pinagmulan... ko daw.“



          "Ha? Talaga? Alam mo na kung saan ka talaga nagmula? Saan namang lugar?“



          "Umm... Pusok. Teka? Ito ba ang root word ng salitang mapusok? Wild ba ang mga tao dito? Bakit may mga lugar na ganito ang pangalan?“



          "Ang lapit.“



          "Huh? Anong ibig mong sabihin?“



          "Ahh! Wala. Ano ka ba? Dati, noong narinig ko ang bansang Virginia, akala ko, extended siya ng root word na virgin at baka, alam mo na. Virgin lahat ang mga tao doon. Iyun pala, hindi,“ biro ko. Natawa kami parehas. "Pero ayos iyan na mapupuntahan mo na din sa wakas ang pinagmulan mo. Pumayag ba ang ninong mo?“



          "Ang totoo niyan, hindi siya pumayag,“ pagtatapat niya.



          "Huh? Pero pupunta ka?“



          "Hindi naman sa hindi siya talaga pumayag na hindi ako pumunta. Nangako nga siya sa akin na pupunta kami sa katapusan. Pero hindi na talaga ako makapaghintay.“



          "Ren, huwag ka ng magsinungaling sa ninong mo. Sundin mo na lang ang mga sinasabi niya. Nangako pala siya sa iyo. Antayin mo dumating ang katapusan ng taon para lahat, happy. Tama na ang pagsisinungaling mo tungkol sa relasyon natin. Maging matapat ka naman sa kaniya. Sige ka. Baka mawalan ng tiwala sa iyo ang ninong mo at hindi ka na pagkatiwalaan sa mga sinasabi mo. Mahirap na mahirap makuha ang tiwala ng isang tao. Pero madali mo itong masisira kapag nagsinungaling ka. At kung gusto mo makuha ang tiwala ng taong ito ulit, mas lalo kang mahihirapan dahil sa nasira mo na ang unang tiwala na binigay ng taong ito sa uyo. Unless kung tanga iyung tao na iyun at binigyan ka pa rin ng tiwala,“ paliwanag ko.



          "Ganoon ba kaimportante ang tiwala sa iyo?“



          "Hindi ba, nangako ako sa iyo na balang araw, darating ang araw na maipagsisigawan na natin sa buong mundo ang relasyon natin sa lahat ng tao. Nang walang tinatagong sikreto sa ibang tao?“



          "Bakit taliwas ka na naman sa akin kung gusto ko malaman ang nakaraan ko? Taliwas ka din sa akin noong bakasyon tapos pati ngayon?“



          "Sinasabi ko lang naman ang tama para sa ikabubuti mo. Hindi para sa akin kung hindi para sa iyo. Ano ba ang pakinabang ng nakaraan mo sa akin? Well, unless kung malaman ko, sasabihin ko talaga sa iyo iyun. Pero, ikaw. Pag-isipan mo iyan kung gusto mong sirain ang tiwala ng ninong mo o antayin siya. Choice mo iyan.“



          "Kei, kaya ko lang nasasabi na gusto ko ng pumunta doon, dahil sa mga nangyayari nitong nakaraan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong makuha sa akin ni Gerard dahil mukhang trip na trip niya ako. Ngayon, malalaman ko ang lahat kapag nagising si Edmund at sabihin sa amin ang mga nalalaman niya. May kutob kasi akong kagagawan na naman ni Gerard iyung nangyari kay Edmund.“



          "Alam mo, huwag na nga natin pag-usapan ang mga bagay na iyan. Pag-usapan natin ang tungkol sa hinaharap natin kung sakali. Ilang anak ang gusto mo?“



          Natahimik siya saglit. "Pero imposibleng magkaanak ang isang lalake hindi ba? Trick question ba ito Kei?“



          "Ano ka ba? Pwede tayong mag-ampon. Pero mukhang hindi mo naman gusto iyun. Sige. Pwede naman nating subukan ng paulit-ulit?“ pabiro ko.



          "Hoy, pwede bang hinay-hinay lang sa imahinasyon mo? Scientifically impossible ang mga iniisip mo.“



          "Ganoon ba? Pero subukan pa rin natin. Malay mo. Scientifically incorrect pala ang mga sinasabi ng mga siyentista. Pwede palang mabuntis ang isang lalaki.“



          "Kei, alam kong matagal na nating hindi ginagawa iyun. Pero, sigurado ka bang ayos ka lang? Baka mamaya niyan, kapag nakita mo ako sa school, gagahasain mo ako,“ nag-aalalang saad ni Ren.



          Natawa na naman ako. "Baka nga. Kaya magtago-tago ka na. Tsaka nga pala, sa CR ka magtago. Doon sa dati. Huwag ka na rin magsuot ng brief para madali.“



          "Magtigil ka nga sa sinasabi mo. Maghunos-dili ka.“



          "Biro lang!“ natatawa kong saad.



          "Alam ko. Pero kapag ganyan ka magsalita, hindi ko alam kung alin doon ang tunay at ang biro!“



          "Oo nga pala. Kapag nakapagtapos ka na sa Schoneberg Academe, ano ang gagawin mo?“



          Bumuntong-hininga si Ren. "Ang totoo niyan Kei, wala pa akong naiisip. Pero sigurado ako na maghahanap na agad ako ng trabaho. Nangako kasi ako kay ninong na tigilan na niya ang pinansyal na suporta ko mula sa kaniya kapag nakapagtapos ako. Masyado na kasi akong abusado sa suporta ni ninong.“



          "Kung ganoon, tutulungan kita. Magtatrabaho din ako para sa atin.“



          "Magandang ideya iyan. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyun,“ excited niyang saad. "Kei, ano iyang naririnig ko na tunog ng alon at malakas na ihip ng hangin? Nasa tabing-dagat ka ba?“



          Naglakad naman ako palayo sa dagat. "Ha? Nasa tabing-dagat? Ahh! Iyun ba? Background sound lang na pine-play kong video sa YouTube. Sabi nila, nakaka-relax kapag nakikinig ka ng tunog ng alon at ihip ng hangin. So far, effective naman para sa akin,“ pagsisinungaling ko. Napabuntong-hininga ako. "Alam mo Ren, gusto ko pa sana na mas matagal pa kitang kausapin. Kaya lang, hindi na muna kita matatawagan ng ilang linggo. Wala na kasi akong load sa sim na ito.“



          "Ganoon din naman ako.“ Mukhang masaya siya. "Sa bagay. Pero sayang naman. Hindi pa naman ako inaantok. Sige na nga. I love you Kei.“



          "I love you din Ren. Good bye,“ wika ko.



          Ibinaba na ni Ren ang phone niya at tinapos na ang tawag. Pasensya na Ren. Para sa kaligtasan mo, kailangan kong pakasalan si Janice. Iyun na marahil ang huling mga matatamis na salitang maririnig mo sa akin. Pasensya na. Pasensya na.



          「Some days ago...



          "Iyun lang ang tanging paraan para makawala ka sa kamay ng mga tito at tita mo,“ nasabi sa akin ni Gerard habang nasa veranda kami ng apartment namin at umiinom parehas ng kape.



          "Anong sabi mo?“ gulat ko. "Pero ano ang makukuha ng pamilya ni Janice sa akin? Hindi na nga Villaflores ang apelyido ko?“



          "Wala kang magagawa. Ikaw ang gusto ni Janice. At saka kaya lang naman pumayag ang tita at tito mo ay sa kadahilanang may gusto silang makuha dito. Simple as that. Isa na rito ay para mapatunayan na wala ka ng interes na maging susunod na pinuno ng pamilya natin. Nasa tradisyon kasi natin na kapag may asawa na ang isang kandidato na maging head ng pamilya natin bago ang pagpili, awtomatikong tatanggalin na ang taong ito. Ang dami namang cheche bureche ng pamilyang ito. Ano pa nga kaya ang mga ridiculous nilang tradisyon? Dito lang matatahimik ang tito at tita mo na hindi ka na hahabol. Mali. Ang tita mo lang pala,“ paliwanag niya.



          "At kapag hindi ko pinakasalan si Janice?“



          "Hahabulin ka ng tita Hilda mo. Gagalaw siya kahit hindi alam ng asawa niya. At ipapapatay ka.“



          "Gagawin niya talaga?“



          Napainom naman ng konti si Gerard ng kape. "Oo. Iyan ang prediksyon ko sa mga... takbo ng pangyayari. Pero ewan ko kung hindi ka na nila hahabulin kapag pinakasalan mo na si Janice... o baka... hahabulin ka pa rin. Pero sa tingin ko, hangga't kasal kayo ni Janice at hindi naghihiwalay, hindi marahil gagalaw ang tita mo para ipapatay ka.“



          "Wala na bang ibang paraan? Hindi ba pwedeng... sabihin na natin ito kay tito?“



          "Kung isa iyan sa mga possible other options, marahil ay nasabi ko na iyan kanina pa. Ang kaso nga lang ay hindi ko nabanggit. So, alam na. Hindi pwede ang option na iyan. Wala na tayong magagawa.“」



Ren's POV



          Kinabukasan, naghanda na kami ni Antonio na lumakad. Sa labas agad ng bahay, may nakita na akong parang isang pangitain. Sinundan ko ito at sumunod naman si Antonio. Mga ilang minuto kaming naglalakad, napahinto kami sa isang pader.



          "Teka? Walang ng daanan dito?“



          "Daanan? Dito? Ahh! Wala na. Nilagyan na ng pader. Kung dumadaan pala kayo kasama ang kuya mo, malamang, papasok kayo sa Base,“ paliwanag ni Antonio.



          "Base?“



          "Isang military base kasi ang lugar sa kabilang pader. Pwede pa namang pumasok pero hindi dito ang daan. Sumunod ka sa akin.“



          Sumunod ako kay Antonio. Sa tulong niya, nakapasok ako sa base ng walang kahirap-hirap. May kaibigan siyang bantay kaya nakapasok kami.



          Sa loob, bumabaha ang nararamdaman kong nostalgia. Nakikita ko ang sarili ko na naglalaro sa mga damuhan sa isang parte ng base. Pero ngayon, wala na ito at may building na nakatayo. Nakatulong talaga sa akin ang pag-uwi ko sa lugar na ito.



          Nagpatuloy ako sa isang lugar at nakita ko na ang sarili ko sa isang bakanteng lote.



          "Dati itong palaruan ng mga bata,“ salaysay ni Antonio.



          "Yeah! Natatandaan ko. Dito kami madalas maglaro ni kuya tuwing libre siya. Dito kaya muna tayo ng ilang saglit para may matandaan pa ako?“



          "Oi, sakto! Katabi pala nito iyung simbahan ng Our Lady of Peace and Good Voyage. Punta muna tayo doon saka balik tayo dito at baka aapaw ang ala-ala mo,“ yaya ni Antonio.



          "Sige. Punta muna tayo,“ pagpayag ko.



          Habang naglalakad kami papunta sa simbahan, nakarinig kami ng isang musika na may pangkasal. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bakit parang kinakabahan ako?



          Biglang gumuho ang mundo ko nang nasa papasok pa lang kami ng simbahan. Hindi maaari. Sigurado ako. Siguradong-sigurado ako kung sino ang dalawang tao na ikakasal. Hindi. Sila Kei at Janice, ikakasal.



          "You may now kiss the bride,“ saad ng pari.



          Naghalikan ang dalawa. Mag-asawa na sila. Kaya ba ayaw niya akong papuntahin dito dahil ayaw niyang malaman ko na ikakasal sila ni Janice? Bakit? Paano? Akala ko na, gumagawa siya ng paraan? Bakit?



          Humarap naman ang dalawa sa madla na nagpapalakpakan. Nagkasalubong ang aming mga tingin. Sinira mo ang iyong pangako Kei. Bakit?



          Tuluyan na lang tumulo ang luha ko at tumakbo na lang ako paalis sa lugar na iyun. Iniwan ko si Antonio habang bumabaha sa luha ang mata ko. Akala ko, gumagawa siya ng paraan. Ito ba ang paraan niya? Ang sakit! Bakit?



          Mabilis na nakabalik ako sa bahay ni tita Mylene dala ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Dumiretso lang ako sa kwarto ni Antonio. Swerte lang na wala pang tao sa bahay kaya walang nakakita sa akin na umiiyak. Parang noong isang gabi lang, pinag-uusapan namin ni Kei ang mga pangarap namin. Tapos, sa isang iglap, nawala lahat dahil sa nagpakasal na siya kay Janice.



          Habang patuloy ako sa pag-iyak, bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa nito si Antonio. Agad na niyakap niya ako. Pero kahit ganoon, hindi talaga naibsan ang sakit na nadarama ko sa nakita ko kanina. Paulit-ulit ko pang nakikita sa mga mata ko ang sinasabi ng pari sa kanilang dalawa.



          "Iyun ba ang boyfriend mo na kinakasal?“ tanong ni Antonio.



          Hindi pa rin ako makapagsalita at tumango na lang. Patuloy namang hinahagod ni Antonio ang likod ko. Nakakahiya ako. Umiiyak sa kakakakilala ko pa lang. Hindi ko kasi talaga matanggap. Makakaya ko kayang mabuhay pa? Makakaya ko kayang matingnan siya sa mata kung bawat sulyap lang namin sa isa't isa'y maaalala ko ang pagmamahalan namin? Magiging katulad ba ako ni Christian Castillo?



          Ilang minuto ang nakalipas, nakahiga na lang ako sa kama ni Antonio. Umalis naman si Antonio matapos makasigurado na hindi na ako umiiyak. Totoo naman. Hindi na ako umiiyak. Pero habang nag-iisa ako sa kwarto niya, bumabalik sa akin ang mga ala-ala ng aming nakaraan. Kahit saan ako tumingin sa sulok ng kwarto ni Antonio, nakikita at nakikita ko pa rin ng paulit-ulit. Kahit nakapikit. Kapag hinawakan ko naman ang aking sariling ulo, naaalala ko ang mga ginagawa ni Kei kung paano niya ako hawakan.



          Nang handa na ang pagkain at kumakain na kami kasama ng pamilya ni Antonio, naaalala ko naman ang mga oras na nagluluto ng pagkain para sa akin si Kei. Hindi ko lang napigilan na mapaluha ulit.



          "Naunsa ka Ren? Unsay nahitabo sa imoha ug ngano man na naghilak ka?“ ("Anong nangyari sa iyo Ren? Anong nangyari sa iyo kung bakit umiiyak ka?“) tanong ni tita Mylene.



          Umiling na lang ako habang pinupunasan ang luha ko. "Wala po tita. Umm... siguro po, tapusin ko lang po itong pagkain na ito. Naalala ko na naman po kasi iyung magulang ko sa lakad namin ni Antonio,“ pagsisinungaling ko.



          Tinapos ko na lang agad ang aking pagkain ang bumalik sa kwarto ni Antonio! Shit talaga! Ganito ba kapag unang araw na nalaman mo na wala na talaga kayo ng minamahal mo? Sa totoo lang, hindi na ako umaasa na bukas, makalawa, makikita ko si Kei sa harap ng pintuan ko at magsasabi niya na ako talaga ang mahal niya. Wow! Ano ito? Nag-change job lang ako katulad sa mga online games? From being an official boyfriend into a 3rd party?



          Natigil lang ang aking pagmumuni-muni nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang taong naka-tuxedo. Napansin ko agad ang insignia sa bandang kwelyo ng mama na simbolo na ginagamit sa uniporme ng Schoneberg Academe.



          "Sir Ren, pinapauwi na po kayo ngayon din ni sir Simon sa bahay ninyo. Sumunod daw po kayo sa gusto niya. Kung hindi naman po kayo susunod, binigyan kami ng pahintulot ni sir Simon para kaladkarin po namin kayo kung kinakailangan,“ matapang na saad ng tauhan ni ninong.



          Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinasabi ng tauhan ni ninong. Nagpaalam naman ako kila Antonio, tita Mylene at sa asawa niya. Hindi ako nangako sa kanila na baka makakabalik pa ako. Hindi ko alam kung matapos ang puwersahang pagpapauwi sa akin ni ninong ay makakabalik pa ako sa lugar na ito. Sinuway ko ang gusto niya.



          Nakabalik na ako sa bahay ko. Umalis naman ang mga tauhan ni ninong at naiwan akong mag-isa sa bahay. Sabi nila, grounded daw akong lumabas ng bahay hangga't hindi pa nakakauwi sila Blue mula sa Hong Kong. Akala ko naman, magiging okay na ang lahat kapag nakauwi na ako sa bahay. Hindi pala. Mas lalo lang lumala. Marami kaming ala-ala ni Kei sa bahay ko. Noong una, ako iyung halos malapit ng i-let go ang sikretong relasyon namin. Iyun pala, siya ang mauuna. Gumawa ba talaga siya ng paraan para makaalis sa pamilya niya? O baka isa lang siyang bata na nag-aasam na makawala siya sa pamilya niya na walang iniisip na plano? Pero ang puno't dulo nito, hindi siya tumupad sa pangako niya.



          Pagkatapos ng ilang oras na pagpapahinga at pag-iisip, hindi ko na lang napansin na alas-onse na pala ng gabi. Hindi pa pala ako nakakain ng gabihan. Tinatamad naman akong magluto ng pagkain ko. Pero naalala ko na wala pala si Edmund kaya kailangan na magsikap akong mabuhay habang wala siya.



          Habang naghahanda ng makakain, naalala ko na naman si Kei na nakatayo sa kinatatayuan ko, nakangiti habang mabilis na hinihiwa ang mga gulay, karne, at iba pa. Ako naman ay manghang-mangha na nakaupo sa lamesa habang inaantay siyang matapos. Ina-admire na sana, magawa namin ito sa mga susunod na araw. Pero ngayon, wala na. Hindi na mangyayari iyun kahit kailan!



          Itinabi ko na muna ang mga hinanda kong sangkap para sana sa iniisip kong pagkain at kumuha na lang ng ilang pakete ng noodles. Wala namang ala-ala na nag-flash sa utak ko na may kinalaman sa ala-ala ni Kei. Mabuti naman. Nagpasya naman ako na kumain na lang muna ng noodles hanggang sa katapusan ng mundo. Mukhang hindi ko na ata kakayanin na maghanda ng pagkain para sa sarili ko dahil sa mga ala-ala ni Kei.



          I still can't believe it. Dapat naman, sinabihan na niya ako. Sinabihan niya ako na hindi na niya magagawa ang plano niya at makipaghiwalay na siya sa akin tapos magpapakasal na siya kay Janice. Para naman mapaghandaan ko iyun dahil hindi ko ine-expect na magiging ganito ang mangyayari. Pero hindi ganoon nga ang nangyari. Nakita ko na lang na kinasal na siya. Ngayon, mukhang akong sira sa pamamahay ko. Ilang segundo ang lilipas, iiyak na naman ako. Tapos titigil. Tapos, iiyak ulit. And then titigil ulit, and it goes on and on and on and on. I'm broken now!



          Kapag maliligo ako sa pool o sa banyo ko, iiyak ako dahil sa naaalala ko na naman kung paano kami maligo ng sabay ni Kei. Kapag uupo naman ako sa sofa, maaalala ko na naman ang mga moment na masaya kaming nanonood ng ilang movie. Kapag pumunta naman ako sa game room, naaalala ko na naman ang mga oras na masaya kaming naglalaro ng Time Crisis. Kapag naupo naman ako sa sahig ng sala, ganoon din. Pero MTG ang nilalaro namin. Kapag umupo naman ako sa harap ng kompyuter, naaalala ko naman na nakakandong ako at nakayakap siya sa akin habang naglalaro ako. Kapag kumakain ako ng paborito kong chocolate cake, naaalala ko ang mga moment na pinagsaluhan namin ito. At kapag matutulog na lang ako sa higaan, naaalala ko ang mga gabi na niyayakap niya ako, at kung ano-ano pa. Peste! Napuno na ata ng luha ko ang buong bahay. Magmumulto ba ako dito kapag namatay ako?



          "Ren, nakikinig ka ba?!“ pasigaw na tanong ni ninong. Nagising naman ako sa aking malalim na iniisip.



          Tumawag si ninong ngayon via Skype para pagsabihan ako tungkol sa pagsuway ko sa utos niya. Hindi ko kasi masyadong binibigyan ng pansin ang litanya ni ninong dahil lumilipad ang isip ko.



          "Naiintindihan mo ba Ren?!“ isa na namang pasigaw na tanong ni ninong.



          "Opo ninong,“ sagot ko. "Pasensya na po talaga. Hindi lang po kasi ako makapaghintay.“



          Kumunot ang noo ni ninong. "Anong nangyari diyan sa mata mo at namumugto? Umiyak ka ba magdamag?“



          "Umm... opo,“ pagsisinungaling ko. "Hindi naman po kasi nasayang ang pagpunta ko po doon. Umm... nakita ko po kasi sa wakas ang mukha nila nanay at tatay, naibalik ang ilang mga ala-ala ko, at kung gaano kabuti ang mga magulang ko. Iyun lang po.“



          "Ren, dapat nga, hindi kita pinapagalitan ngayon. Pero kasi, hindi ka naghintay sa akin. Sasamahan naman kita papunta doon. Pero bakit hindi ka naghintay? Tumutupad ako sa pinapangako ko lalong-lalo na sa mga mahal ko,“ paliwanag ni ninong.



          "So are you mad at me ninong?“



          "Ohh! Kung sa mga anak ko nga, nagagalit ako, sa iyo pa kaya?“ Bumuntong-hininga si ninong. "Pag-usapan na lang natin ito sa ibang araw Ren. May mga kailangan pa akong tapusin dito. Sige na Ren.“



Mr. Lion's POV



          Malalim na ang gabi. Kalahati lang ang nagliliwanag na buwan. Siyempre, saan ba naman ako sa oras na ito kapag malalim ang gabi. Ano ba? Sasabihin ko pa ba? At isa pa, malamang, kilala niyo na ako. Fine. Ako na si Gerard, and whatever.



          Habang naglalakad na naman ako sa bahay ni Ren, malayo pa lang ay naririnig ko ang tila iyak ng isang nagmumultong tao sa bahay niya. Nagmumukha na tuloy haunted house ang bahay niya tuwing gabi dahil sa maririnig mong pag-iyak niya.



          Tumuloy na ako sa kwarto niya at nakita niya agad ako. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.



          "Tahan na. Tahan na.“ Hinagod ko ang likod niya ng ilang beses. "Tara. Bumaba tayo sa kusina.“



          Pinunasan ni Ren ang mga luha sa mata niya at sinamahan siyang bumaba papunta sa kusina. Pinaupo ko siya habang tinimplahan ko naman siya ng gatas.



          "Hulaan ko, hindi mo maaalala si Kei habang nagtitimpla ako ng gatas.“ Matapos kong haluin ang gatas, ibinigay ko ito sa kanya.



          "Hindi naman kasi ako tinitimplahan ni Kei ng gatas dahil nakakatulog ako ng maayos,“ saad ni Ren.



          Bumuntong-hininga ako. "Ayokong itanong ang tanong na ito dahil obvious naman pero itatanong ko pa rin. Kumusta ka na?“



          "Mababaliw na? Matapos makita na nagpakasal na ang secret boyfriend ko sa fiancée niya nang hindi man lang nagpaalam sa akin, mukhang mababaliw na ata ako,“ sagot niya habang umiinom ng gatas. "Alam mo, naisip ko, plano mo ba ito? Hindi ko kasi lubos maisip na sa araw ding iyun, ikakasal pala sila Janice at Kei. Paano kung sinunod ko si ninong at hindi ikaw? Masasaktan pa ba ako ng ganito?“



          "Unang-una, hindi ko naman alam na sa parehas na araw na iyun ay magpapakasal silang dalawa. Tandaan mo. Pinapili kita at hindi kita pinewersa na puntahan mo agad ang lugar na iyun para mabawi ang ala-ala mo. Hinayaan ko na ikaw ang magpasya. Pangalawa, hindi ba, mas mabuti kung nalaman mo na agad? Isipin mo. Sa mga susunod na araw, pupunta sila Janice dito. At sasabihin sa iyo na kasal na siya kay Kei. Isipin mo na sa araw na iyun, saka ka pa lang nag-iiiyak dito sa bahay. Mabuti nga iyun. Mauubos na ang luha na tutulo diyan sa mata mo,“ paliwanag ko.



          "Imposibleng maubos ang luha kong ito. Hangga't umiinom pa ako ng tubig, may mga luha pa akong ilalabas,“ wika ni Ren habang umiiling.



          "Pero magiging okay ka din. Fresh na fresh pa lang kasi ang sakit kaya natural na magkaganyan ka. Gusto mo, ikumpara kita sa mga taong nasa paligid mo? Tingnan mo si Joseph. Matapos piliin ni Franz si Daryll, naging okay naman siya ilang araw din ang nakalipas.“



          "Nag-usap kami ni ninong kanina. Tinangka na naman niyang agawin si Franz mula kay Daryll.“ Okay. Hindi magandang example.



          Nag-isip ulit ako. "Okay. Sa totoo lang, walang magandang example sa paligid mo. Teka? Si Jasper. Ngayon nga lang, mukhang nagtatago siya para hindi makita ni Nicko.“



          "Kapag bigla ko namang tinaboy sila Janice, baka bigla siyang manghinala na may sikretong relasyon kami ni Kei.“ Uminom ulit siya sa baso ng gatas at inubos na ang laman.



          "Oo nga pala. Walang mga magagandang example sa paligid mo.“



          "Umm... Mr. Lion, paano kung maghanap ako ng iba para punan iyung pagkawala ni Kei?“



          "Huwag mong gagawin iyan,“ pagtutol ko. "Hindi siya isang pangunahing pangangailangan na kapag nawala, maghahanap ka kaagad ng kapalit. Hindi rin naman makakatulong ang maghanap kaagad ng kapalit dahil lalabas na magiging panakip-butas lang ang papalitan mo. Masisira lang ang relasyon mo sa taong iyun. Marahil, hindi na aasa ang papalitan mo na hindi mo pipiliin si Kei dahil sa kasal na, assuming na kilala niya na si Kei ang dating minamahal mo. Pero ikaw ang makakasira ng relasyon niyo dahil tinuturing mo na isang pangangailangan ang magkaroon ng katipan. Paano kung hindi mahigitan ng taong iyun ang ginawa ni Kei? May kasabihan nga, first love never dies. Hindi mo basta-basta makakalimutan o mabubura ang lihim na relasyon niyo ni Kei. Iyang nangyayari sa iyo, normal lang iyan. Halos lahat ng tao, pinagdaanan din iyan. Ako na ang nagsasabi sa iyo, magiging okay din ang lahat.“



          "Magiging katulad ba ako ni Christian Castillo?“



          "Oo. Kapag laging tinatanong mo iyan sa sarili mo, magiging isang kopya ka ni Christian Castillo,“ naiirita kong saad. "Halika na. Umakyat ka na at subukan mong matulog.“



          Tumayo si Ren sa kanyang kinauupuan. Sabay naman kaming umakyat papunta sa kwarto niya. Pinahiga ko siya sa kanyang kama at kinumutan. Inilapit ko pa sa kanya ang malaking stuffed toy na binigay ko.



          "Mr. Lion, bakit hindi mo na lang ako bigyan ng isang karate chop sa batok ko para makatulog na ako?“ naitanong niya.



          "Ayoko,“ pagtutol ko. "Kailangan, matulog ka sa natural na paraan. Kapag nakasanayan mo ang isang bagay, baka ma-adik ka at kalimutan na ng katawan mo ang mga natural na paraan. Hindi mo ba alam? Kadalasan sa mga taong inom ng inom ng mga pampatulog para makatulog lang, hindi na nakakatulog ng maayos kapag hindi sila nakakainom. Hayaan mo lang iyang mga ala-ala niyo ni Kei na mag-flash sa utak mo. Hindi kalaunan, masasanay ka din. Makakatulog ka din ng mahimbing.“



          Humikab si Ren. "Pero-“



          "Shh... Ayan na. Inaantok ka na. Pagpahingahin mo muna iyang katawan mo para hindi mo masabi na ayaw mo ng mabuhay.“



          Hinaplos ko lang ang ulo niya ng paulit-ulit. Diretso naman na nakatingin si Ren sa mga mata ko. Maya-maya ay papikit na ng papikit ang mata niya at tuluyan na siyang natulog. Kung tama ang pagbibilang ko, dalawang araw na siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaiyak.



          "Huwag kang mag-aalala. Hindi na magtatagal ang paghihirap mong iyan. Matatapos din ito gaya ng isang bagyo.“



Ren's POV



          Idinilat ko ang aking mata at gumising. Medyo masakit ang ulo ko. Ilang oras ba akong nakatulog? At anong oras na ba?



          Pagkatingin ko sa analog clock sa tabi ko, nagulat ako dahil 6pm na. May pasok ako ngayon at umabsent ako. Ano ba iyan?



          Bumaba na lang ako papuntang kusina dahil sa matinding gutom na nadarama. Hindi sa ayokong magutom pero tinatamad akong magluto. Iyun ay kung magluluto ako. May nakahanda ng pagkain sa kusina. Nilutuan na pala ako ni Mr. Lion.



          Umupo ako sa hapag-kainan at inubos ang pagkaing nakahanda. Ngayong 6pm na at punong-puno ako ng enerhiya, ano kaya ang magandang gawin bago matulog? Siguro, maglalaro na lang ako ng ilang online games.



          Kinabukasan, maaga akong pumasok papunta sa una kong klase. In the end, para na naman akong bata na hindi mapakali dahil pupunta ako sa isang field trip.



          Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin. "Hey, balita ko, available ka na?“ tanong ni Allan.



          Winaksi ko ang kamay niya. "Anong sinasabi mong available? Hindi ako kahit kailan naging available. Kailangan matapos na muna ako sa kolehiyo bago maging available. At saka, bakit ka ba sumasabay sa akin?“



          "Wala lang,“ kibit-balikat niya. "Alam ko namang available ka na dahil kasal na sila Janice at Kei, paano ba nangyari iyun? Teka, nag-break na ba talaga kayo ng tuluyan? Anyway, wala na akong pakialam diyan. Ang sinasabi kong available ka, iyung manood ka sa darating na basketball game namin. Sinasabi ko na sumama ka kila Keith na manood.“



          "Sure. Manonood ako,“ pagpayag ko habang nakangiti.



          "Hey, alam kong hindi ka pa okay pero makakaya mo iyan.“



          "Hah! Ako pa!“



          "Or maghanap ka ng iba diyan? Malay mo. Nasa malapit lang ang tunay na tinitibok ng puso mo.“



          "Fine Allan. Pero para fair, balik sa dating rule. Antayin mo akong makapagtapos.“



          "Payag ako then. Tsaka, dalawang taon na lang ang aantayin ko. Tama na iyun para magkakilala tayo ng mabuti. Pero iyung pagkakaibigan ninyo nila Janice, Kei, at Harry? Paano iyun?“



          "Andyan na iyan. Live with it,“ kibit-balikat ko.



          Yes. Live with it. Pero hindi kay Kei dapat umiikot ang mundo ko. Sa network ko, marami dapat akong pagtuunan ng pansin. Marami akong kaibigan sa paligid ko. Move on na dapat ako.



Allan's POV



          Malapit ng matapos ang klase namin ni Ren. Maya-maya ay tumunog ng phone niya. Tiningnan niya kung ano ito. Base sa nakikita ko, mukhang isa itong text.



          Pasimple ko itong binasa mula sa kinauupuan ko. Janice, bahay, hangout, mamaya, great! Sa ilang salita na iyan, mukhang alam ko na ang mangyayari nito mamaya.



          As usual, natapos na ang klase sa araw na ito.



          "Alexis, mauna ka na sa court,“ pagpapaauna ko dito.



          "Bakit? Hindi ka na muna sasali sa practice ngayon?“ tanong ni Alexis.



          "Sa tingin mo Alexis, sa pagitan nating dalawa, sino ang higit na kailangan mag-praktis?“



          "Umm... ako.“



          "Then, huwag ka ng magtanong at mauna ka na. May kailangan pa akong gawin.“



          Nang handa na si Alexis para umalis, tinulak ko siya palabas ng classroom at pinaalis na siya.



          "Anong ginagawa mo at pinapaalis mo si Alexis? Magkaibigan ba talaga kayo ng taong iyun?“ tanong ni Ren pagbalik ko sa upuan ko.



          "Wala lang. May bago akong plano ngayon. Gusto kong sumama sa iyo,“ saad ko habang nakangiti.



          "Aba! Sumama? Saan naman?“



          "Sa bahay mo. Nabasa ko kasi na si Janice, bahay, hangout, at mamaya. So parang si Janice, sa bahay mo, o sa bahay niya, may kasiyahan, mamaya. Sigurado naman ako na hindi bukas iyun.“



          "Wait Allan, hindi ko naman sinabi na pumapayag ako,“ maang ni Ren.



          "Ulol mo! Papayag ka.“



          Nagkatinginan na lang kami ng ilang segundo ni Ren. 1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... at nag-iwas na siya ng tingin at namula pa. Natawa ako sa ginawa niya.



          "Sige na. Huwag ka ng tumawa-tawa diyan. Sumama ka na sa akin. Basta magpakabait ka lang,“ namumulang saad niya.



          "Sige ba. Kung good boys pala ang gusto mo, fine!“



          Nag-text na lang siya para ipaalam, marahil, na pumapayag na siyang pumunta sila Janice sa bahay niya. Sa kalayuan naman, nakikita ko ang matalim na tingin ni Harry sa akin. Mukhang magiging masaya ito.



          "Ayan! Na-text ko na sila na pumapayag ako,“ wika ni Ren.



          "Great!“ masayang saad ko. "Alam mo, bakit hindi na tayo agad pumunta sa bahay? Paghandaan natin ang pagdating ng bagong kasal nating bisita. Magluto tayo para sa kanila.“



          "Ikaw? Magluluto?“



          "Ano ka ba?! Tayo ang magluluto! Tara na!“



          Hinatak ko na lang siya papunta sa parking lot. Hindi naman siya pumalag habang hinahatak ko siya maliban lang sa matalim na tingin na sumusunod sa amin. Pagdating namin sa parking lot, siya na ang nagmaneho ng motor pauwi.



          Pagdating sa bahay niya, dumiretso ako sa kusina at naghalungkat ng mga sangkap. Nakita ko lang na nakatayo lang siya at nakatulalang tinitingnan ako.



          "Hoy! Tayo ang magluluto!“ untag ko para magising ang diwa ni Ren.



          Tumalima si Ren at tumulong sa paghahanap ng mga sangkap. Sabay namin pinaghandaan ni Ren ang gagawin naming putahe. Nagagawa naman niya ang mga pinapagawa ko ng tama at walang mintis. Akala ko, wala siyang kakayahan sa mga pinapagawa ko. Hindi ko siya hinahayaan na umupo o magpahinga man lang dahil sa pansin ko, naaalala niya si Kei kapag nagpapahinga siya.



          Oo nga pala. Saan ko ba nakuha ang kakayahan kong magluto? Nakuha ko iyun kila Larson at mama. Minsan, kapag pakiramdam ko ay gusto kong gumawa ng kabutihan sa mga taong nasa paligid ko, tinutulungan ko silang maghanda ng aming pagkain at natututunan ko ang mga ginagawa nila.



          Makalipas ang ilang minuto, natapos na kami sa aming nilulutong pansit bihon na may maraming gulay. Nakapaghanda na din ako ng inumin para pumares sa pagkain. Bakit pansit? Para ba pampahaba ng buhay? Hindi. Para pampahaba ng pagsasama nila Janice at Kei. Siyempre ako, magsasaya din. Kasal na ang isang karibal ko at ang natitira na lang ay ang isang possessive-na-hindi-naman-sila tao na si Harry. Wish them the best!



          Teka? Nagulat ba kayo? Akala niyo ba, hindi ako seryoso na hindi ko gusto si Ren? Well, sabihin na lang natin na seryoso talaga ako.



          Malapit ng gumabi at parehas naman namin narinig ang busina ng kotse. Nandito na pala ang mga inaantay naming bisita.



          "Nandito na sila. Ano Ren? Handa ka na?“ tanong ko kay Ren.



          "Oo naman. Kelan pa hindi?“ pasagot na tanong niya sa akin.



          "Noong hindi mo akalain na may gusto din ako sa iyo?“



          "Tara na nga lang at sunduin na natin sila.“



          Nauna na akong lumabas ng bahay niya at pinagbuksan ng gate ang mga bisita. Pumasok sila sa bahay at kita ko naman sa mga mata ng dalawang lalaki na nagulat sa aking ginawa. Marahil ay nagtatanong kung bakit ba ako nandito? Lumabas naman sa kotse ang mga bisita.



          "Janice, Kei, or should I say, Mr. and Mrs. Salvador?“ nakangiting opening remarks ni Ren. Wow! Hindi ba masakit sa loob niya ang mga sinasabi ni Ren kasi ang dapat ay Mr. and Mr. Salvador?



          "Hi Ren!“ bati ni Janice. Palapit ito kay Ren at niyakap.



          "Congratulations pala sa iyo Janice!“ bati ni Ren. "Hindi ko alam na kinasal na pala kayo ni Kei. So, magkakaroon na ba kayo ng anak sa ilang buwan lang?“ Hoy, hoy, hoy. Bakit parang ako nasasaktan sa mga sinasabi ni Ren imbes siya? Okay lang ba na hayaan ko siyang magtanong ng ganoong bagay?



          "Ano ka ba Ren? Hindi porke't kasal na kami ay agad-agad na kaming gagawa ng anak ni Kei.“ Lumapit ito sa tenga ni Ren at mukhang bumulong. "Safe sex lang naman ang ginawa namin.“ Okay lang ba talaga na ganito lang ang conversation ng mga taong ito?



          Naghiwalay naman silang dalawa at nagtawanan ng payak. Sino kaya ang unang mababaliw sa usapang ito? Ako, o si Ren?



          Bumaling naman ng tingin si Ren kay Kei at inabot ang kanyang kamay. "Congratulations Kei,“ masayang bati dito ni Ren.



          Sumagot si Kei na may malawak na ngiti. "Thank you Ren.“ Kinuha ni Kei ang kamay ni Ren at kinamayan siya. Okay! Mauuna na akong mababaliw sa mga nangyayaring ito!



          "Umm... guys, bakit hindi na muna tayo pumasok sa loob ng bahay at kainin natin ang inihanda naming pagkain ni Ren?“ sabat ko habang nilagay ang kamay ko sa balikat niya. Nag-react na naman ang apat na mata ng mga lalaking kaharap namin.



          "Wow! Para sa amin?“ manghang saad ni Janice.



          "Umm... yes. Pasok na kayo at tikman niyo ang hinanda naming pagkain para sa inyo ni Kei na kakakasal pa lang. At huwag kayong mag-alala. Walang lason ang mga pagkain. Sisiguraduhin namin na hahaba ang masayang relasyon niyo ni Kei,“ dagdag ni Ren. Bakit pa ba sinusubukan ni Ren na magbiro gamit ang lason at ang magiging mahabang masayang relasyon nila Kei at Janice?



          Nauna kami ni Ren na pumasok sa bahay niya. Siyempre, habang nakaakbay pa ako sa kaniya. Kahit nakatalikod ako sa dalawa, ramdam ko ang matalim na tingin ng dalawa sa likod ko.



          "Ren, hinay-hinay lang sa flow ng conversation ninyong dalawa ni Janice. Mukhang ako ang mababaliw sa flow ng conversation ninyo,“ bulong ko. "Siguradong okay ka lang ba? Iyung mga binibitawan ninyong salita, mukhang ako ang nasasaktan at hindi ikaw.“



          "It's gonna be fine. Trust me,“ sagot ni Ren. Nako! Ang mga salitang ganyan. Trust me.



          Kumalas ako kay Ren at inihanda ang mga pagkain sa hapag-kainan. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa nagkwento si Janice tungkol sa mga nangyari sa kasal niya kay Kei. Si Ren naman ay nakikinig talaga habang nakangiti sa kausap. Habang ang natitirang dalawang lalaki ay tahimik lang at lihim na sinasaksak ako sa mga utak nila. This night is the craziest night for me ever! Nakakabaliw talaga! Biruin mo, kinakausap mo ang asawa ng taong minamahal mo, na patago though, and then patuloy ka pa ring nakikinig habang nakangiti? May balak kayang patayin ni Ren si Janice? Well, hindi ko naman masisisi si Janice. Mukha kasing hindi niya alam ang lihim na relasyon ng dalawa, or is it?



          Naunang naubos ni Janice ang pansit. "Wow! Ang sarap ng pansit na ginawa niyo Ren at Allan,“ bati nito.



          "Salamat naman at nagustuhan ninyo. Para sa inyo talaga iyan,“ tugon ni Ren.



          Napaisip si Janice. "Ano kaya Kei? Magtayo ng isang negosyo kapag nakapagtapos tayo? Magpatayo tayo ng isang klinika?“



          "Ha? Ahh! Oo. Mukhang magandang ideya nga iyan. Tutal, malapit na tayo makapagtapos,“ sagot ni Kei. Okay. Mababaliw na talaga ako sa usapan ng mga taong ito.



          "Guys, kuha lang kami ng panghimagas ni Ren,“ sabat ko sa pag-uusap nila Ren at Janice.



          "Pwedeng kami na lang ni Ren ang kumuha?“ sabat ni Harry. Nagsisimula na palang gumalaw ang karibal ko.



          "Hindi. Ako na,“ dagdag pa ni Kei. Hoy! May asawa ka na kaya huwag ka ng sumali.



          "Guys, salamat at okay lang. Kaya na namin ito ni Allan. At tsaka, bisita namin kayo. Huwag na kayong mag-abala,“ wika ni Ren. "Allan. Tulungan mo ako.“



          Tumayo kami ni Ren at kinuha ang mga panghimagas mula sa ref saka inihain na sa mga bisita. Akala ko, wala talagang alam si Janice sa lihim na relasyon nila Kei at Ren. Pero para sa akin, mukhang alam na niya. Habang kumakain kasi kami ng panghimagas, nagkwento na naman si Janice tungkol sa wedding cake nila Kei at kung gaano ito kalaki. Nananadya ba ang babaeng ito ano? Kahit anong gawin sa hapag-kainan ay kinekwento talaga iyung tungkol sa kasal nila Kei. Pwede bang hindi na lang tungkol sa taong kakakasal lang ang pagtitipon naming ito?



          Sa gitna ng pag-uusap nila tungkol sa mga wedding cakes, tumunog ang phone ko. Mukhang may tumatawag. Yes! Isang lehitimong paraan para umiwas sa mga nakakabaliw na kombersasyon ng mga taong ito.



          "Excuse me lang guys. May tumatawag sa akin,“ paalam ko at tumayo mula sa kinauupuan at lumayo sa kanila. Lumabas ako papunta sa likod ng bahay ni Ren.



          "Hello Allan. Asaan ka at bakit hindi ka pa umuuwi? Nag-aalala na ang mama mo sa iyo dito,“ nag-aalalang tanong ni Larson. Nako! Patay! Hindi pa pala ako nakapagpaalam.



          "Oo nga pala. Ipagpaalam mo pala ako kay mama. Nandito kasi ako ngayon sa bahay ng kapatid mo.“



          "Sa bahay na naman ni Ren? Ano na naman ang ginagawa mo diyan?“



          "Basta. Salamat sa pagtawag. Ibababa ko na ang phone.“



          "Teka, sandali-“



          Ibinaba ko na agad ang phone. Ano kaya iyung sasabihin pa ni Larson? Sa bagay. Mukhang pagbabanta na naman na huwag ibunyag ang sikreto niya kay Ren. Pakialam ko ba doon.



          Pabalik na ako sa bahay nang nakasalubong ko si Harry na may titulong possessive-na-hindi-naman-sila. Ang sama talaga ng tingin niya sa akin at mukhang makakapatay siya sa pagtingin niya.



          Binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti. "Hi Harry. Sinusundan mo ba ako para suntukin ulit? Gusto mo ba, may part 2 ang ginawa mo sa akin noon? Ngayon na ba iyun sa lugar na ito?“



          "Ikaw? Alam mo ba ang lihim na relasyon ni Kei at Ren?“ agad na tanong niya.



          "Huh? May lihim na relasyon sila Ren at Kei?“ maang ko na pagulat. "Hindi ko alam! Ikaw ba Harry, alam mo?“



          "Tama na ang pagpapanggap mo Allan. Siguro, natutuwa ka dahil tayong dalawa na lang ang natitira.“



          "Tayong dalawa? Sino iyung isa maliban sa akin? Ikaw?“



          Nainis si Harry at hinawakan ang kuwelyo ng uniform ko. "Nang-iinis ka ba? Gusto mo talagang masaktan ka? Tandaan mo Allan. Nag-eexist pa ako. At bubugbugin kita para lang mapatunayan ko na nag-eexist ako.“



          "Sige lang. Patunayan mo ang existence mo. Bugbugin mo ako sa loob ng bahay ni Ren. Hindi naman kasi makikita ni Ren ang gagawin mo sa akin. Tumingin ka kaya sa paligid,“ matapang na saad ko. Tumingin naman siya sa paligid. "May mga CCTV ang bahay na ito. Kung may maling aksyon ka na gagawin, mag-isip-isip ka muna ng mabuti.“ Winaksi ko ang mga kamay niya. "Excuse me lang. May kailangan pa akong gawin!“



          Umalis ako sa harapan niya at pumasok sa loob. Inayos ko naman ang aking sarili para naman hindi malagot kay Ren si Harry. Nakakaawa naman. Mukha kasi siyang hindi talaga nag-eexist para sa akin. Walang duda na hindi talaga siya nagustuhan ni Ren. Kawawa naman talaga.



          Nang bumalik na ako sa hapag-kainan, na-realize ko na mas kawawa pa pala si Ren kesa kay Harry. Nakikinig talaga siya sa mga sinasabi ni Janice at sa magiging hinaharap nila Kei habang nakangiti. Palagay ko, maraming beses ko na itong sinasabi. Mababaliw talaga ako sa kakakinig sa babaeng ito.



          Ilang oras na ang nakalipas, oras na para umuwi sila. Hinatid namin ang mga bisita sa labas.



          "Allan, bakit hindi ka na lang sumabay sa amin pauwi?“ yaya ni Harry.



          "Pasensya na,“ pagtanggi ko. "Sasabay na sana ako pero may kailangan pa akong gawin dito sa bahay ni Ren. Ililigpit ko pa ang mga hugasin namin. Sabay kasi naming ginawa ang pansit na iyun. Kaya dapat, sabay naming hugasan ang mga hugasin.“



          "Hindi ba, Chef's code iyun? Hindi naman Hotel and Restaurant Management ang course mo Allan di ba?“ tanong ni Janice.



          "Hindi naman kailangan na nag-aaral ako ng Hotel and Reataurant para i-apply sa buhay ko ang Chef's Code. Iyung iba nga diyan, hindi nag-aaral ng Fine Arts pero magaling gumuhit ng larawan,“ paliwanag ko. At masama naman kung makatingin ang dalawang lalaki sa akin. Iyung totoo Kei, may asawa ka na tapos galit ka pa rin sa akin? Ibalato mo na lang kaya si Ren sa akin?



          "Sige Kei, Janice, Harry. Mag-ingat kayo sa inyong pag-uwi,“ paalam ni Ren.



          Binuksan ko lang ang gate at umalis na sila. Bumalik naman kami ni Ren sa loob pagkasara ng gate at hinugasan ang pinagkainan ng aming mga bisita. Una ko muna siya pinatapos sa kaniyang ginagawa dahil mukhang kanina pa siya wala sa sarili at mukhang marami na sanang mababasag na mga pinggan sa ginagawa niya kung hindi lang ako sumasalo. Wala siyang nagawa kung hindi umupo sa sala.



          Natapos ko na din ang ginagawa ko at sinundan na siya sa sala.



          "Oi, okay ka lang ba?“ tanong ko.



          "Hindi,“ sagot ni Ren. "Madali lang pala itong ginagawa ko. Pero mahirap sa kalooban ko. Akala ko, makakaya ko iyung mga sinasabi ni Janice tungkol sa hinaharap nila Kei. Hinayaan ko pa siya na magsalita lang ng magsalita. Tapos, sa mga sinasabi niya, nasasabi ko sa sarili ko, ako dapat iyun at hindi siya. Ako dapat iyun. Pero ano ba ang magagawa ko? Kasal na sila.“



          Tumulo agad ang luha sa mukha niya at niyakap ko ito agad. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyari.



          "Alam mo, hindi mo ba naisip na kaya nakasal siya kay Janice ay dahil hindi siya talaga para sa iyo? Ayokong sabihin ito pero malay mo, may ibang tao pa na mas bagay pa sa iyo. At ayoko naman sabihin kung sino ang taong mas bagay sa iyo dahil sigurado ako na ituturo ko ang sarili ko,“ paliwanag ko.



          "Sabihin mo nga Allan. Kapag ba naging tayo, mahihigitan mo ba ang pagmamahal ni Kei sa akin?“ tanong ni Ren habang umiiyak.



          "Hindi,“ sagot ko. "Pero, wow ha! Kapag naging tayo talaga. Okay lang. Pero Ren, hindi kahit kailan nahihigitan ng isang tao ang klase ng pagmamahal ng isa pang tao. Ni hindi mo nga dapat sabihin na nasusukat mo ang pagmamahal ng isang tao. Wala kang masusukat kapag wala kang real values. At tsaka, iba-iba kung paano ipinapakita ng isang tao ang kanyang pagmamahal. Marahil, masasabi ng isang tao na mababaw, may iba din na malalaliman sa klase ng pagmamahal ng isang tao. Incomparable dapat ang mga tao dahil unique na pinanganak sila sa mundong ito. Tandaan mo. First love never dies. Hinding-hindi mo masasabi na ang pagmamahal ko, ay mahihigitan ang pagmamahal ni Kei.“



          "P-Pero, ang sakit pa rin ng puso ko! Gusto ko ng mawala ang sakit na ito! Parang gusto ko na rin mamatay kung mawawala lang din ang sakit na ito! Ayoko na!“



Smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.
Got nowhere to go, we could be here for a while.
But the future is forgiven, so smile.

We're trying so hard to get it all right.
But only feel lonely at the end of the night.
And I wanna be somewhere away from this place.
Yeah, somewhere just a little closer to grace.

I'll smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.
Got nowhere to go, we could be here for a while.
But the future is forgiven, so smile.
Smile.

Well, call me loser, call me thief.
Tell me I'm special when you spit at me.
'Cause I don't wanna be lonely, I wanna be loved.
And I want you to hold me like I'm the only one.

I'll smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.
Got nowhere to go, we could be here for a while.
But the future is forgiven, so smile.
Smile.

And time will eventually knock on my door.
And tell me I'm not needed around anymore.
But he'll hold me so close at the end of the day.
When I'm quiet I can nearly hear him say.

Smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.
Got nowhere to turn, and we've got nothing but time.
But the future is forever, the future is forever, so smile.

Smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.



          Hindi ko na lang namalayan na nakahiga na ako sa sofa at ginawa akong unan ni Ren. For the record, kung ang imahinasyon ninyo ay kung saan-saan na napunta matapos mabasa ang nauna kong sinabi, wala pa pong nangyari sa amin, sexually. Kung iniisip ninyo na may mangyayari sa pagitan naming dalawa ngayong gabi, itigil niyo na po iyan. Hindi iyan mangyayari. Sure na magagawa ko ang bagay na iyun kay Ren pero itong problema niya ngayon, hindi na ako dadagdag. Pero kung sa utak lang ninyo, okay lang. Mag-isip kayo na nagpapakasasa ako sa makamundong sarap kapag ako at si Ren ay naging isa.



          Nakatulog na pala siya habang nakayakap sa katawan ko. Kumanta lang ako ng isang kanta at nakatulog na agad siya? At oo nga pala! Nako! Yari ako nito kay mama at hindi ako makakauwi ng ganito. Sa tingin ko, wala na akong magagawa kung hindi ang matulog na din.



          Ilang oras ang nakalipas, nagising na ako. Pero hindi siya! Mahimbing pa rin siyang natutulog. Walang inaalalang problema, tahimik, payapa, and blissful. Tapos nakayakap pa sa akin ng mahigpit na isa sa mga rason kung bakit hindi ako makaalis! Itutulak ko siya kapag nainis ako!



          Narinig ko na lang na bigla siyang humikab at kinukuskos ni Ren ang kanyang mga mata. May telepathy powers kaya si Ren at nalalaman niya ang iniisip ko?



          "Ahh! Magandang umaga Allan,“ malumanay na bati niya habang nakangiti.



          Nagkatinginan na lang kami ng ilang minuto pagkatapos niya akong batiin. Matagal ba ang processor ng utak ni Ren? Ang tagal naman mag-load kasi.



          Sa wakas ay napansin niya na nakapatong siya sa akin at dali-daling umalis sa ibabaw ko.



          "Nako! Pasensya na Allan. Mukhang hindi ka nakauwi dahil sa akin,“ natatarantang saad ni Ren habang naglalakad papunta sa kusina.



          "Okay lang. Nakatulog ka kasi at ayoko naman istorbohin ka kaya nakitulog na din ako.“ Tumayo naman ako tsaka nag-unat ng katawan. Sinundan ko naman siya sa kusina at umupo na lang sa upuan ng hapag-kainan.



          "Gusto mo, dito ka na rin mag-agahan? Magluluto ako ng tapa para sa agahan ko,“ yaya niya. Binuksan naman niya ang isang rice cooker. "Ay nako! May malamig akong kanin dito.“



          Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Tamang-tama. Pwede nating isangag iyan. Magluto ka na rin ng itlog para may tapsilog tayo.“ Kinuha ko ang hawak niyang kaldero. "Ang dami namang kanin ito. Ganito ka ba kadami na kumain?“



          "Kanin ko sana iyan o natin kahapon. Kaya lang, nakialam ka at pinakain na lang ng pansit sila Janice,“ sagot niya habang pumupunta sa ref para kumuha ng kakailanganin naming agahan.



          "Kaya ko din kainin ang ganitong kadami na kanin. At buti naman na may attribute tayo na parehas. Kaya lang, kapag nagsama tayo, malaki ng pera natin ang mapupunta sa kanin.“ Naghalungkat din ako sa ref ng mga kakailanganin kong sahog para sangagin ang kanin at nagsimula na din akong maghiwa.



          Naglagay si Ren ng ilang mantika para sa lulutuin niyang tapa. "Allan, okay lang ba na hindi na muna ako mag-look forward sa relaayon natin 10 years from now? At pwedeng huwag mo muna pag-usapan ang future ng relasyon natin kung sakali?“



          "Sorry,“ paghingi ko ng dispensa. "Gusto ko lang kasi na may pag-usapan kesa naman manahimik tayong dalawa at... biglang lumala ang sitwasyon ko dito. Hindi naman siguro ito mangyayari kung tinulak kita para makauwi na ako sa amin. Swerte nga at weekend ngayon at wala tayong pasok kinabukasan nang nangyari iyung kagabi. At, hey! Paborito kong agahan ang tapsilog. Hindi ko palalampasin ang opportunity na makakain ng tapsilog.“ Natapos na akong maghanda ng sahog at hinayaan si Ren na maunang gamitin ang kawali. Umupo na lang ulit ako.



          Umingay na ang kawali dahil sa nilagay na ni Ren ang itlog dito. "Pero may practice ang Basketball Club ngayon hindi ba? Malapit na iyung liga.“



          Nag-isip ako saglit. "Riiight! Meron pala kaming practice ngayon. Yari ako nito kay Marcaux.“



          Isinalang na ni Ren ang tapa. "Kay Edmund pala? Alam mo na ba iyung tungkol sa kaniya? May balita ka ba sa kaniya? Nagising na ba siya?“



          "Oo nga pala. Si Edmund nga pala, hindi pa rin nagigising pero ayos pa rin naman siya. Patuloy pa ring nakabantay sa kaniya si Gerard sa ospital. Alam mo, nagkaroon ng mainit na pagtatalo si Gerard at iyung mama ni Edmund. Isang araw habang sinasamahan ko si Marcaux na bisitahin ang pinsan niya, naabutan namin si Gerard at ang mama niya na nag-aaway. Hindi matanggap ng mama ni Edmund na boyfriend ni Edmund si Gerard. Homophobic din pala si mama. Tapos, habang pinapalayas niya si Gerard, lumaban si Gerard.“



          「Some days ago...



          "Lumayas ka! Hindi bakla ang anak ko! Layas!“ sigaw ng mama ni Edmund kay Gerard. Hinawakan nito ang braso ni Gerard at pinipilit na pinapaalis.



          Buong lakas na winaksi ito ni Gerard dahilan para matumba ang mama ni Edmund. "Huh? Sino nga po kayo ulit? Sino po kayo sa inaakala ninyo?“



          "Hoy Gerard, huwag mong ganyanin ang mama ni Edmund!“ saad ko.



          Tinulungan ni Marcaux makatayo ang mama ni Edmund. "Ang bastos mo ahh! Magulang ako ng taong inakit mo! Ginagalang mo dapat ako at hindi mo dapat sinasaktan!“



          Hindi makapaniwalang tiningnan ito ni Gerard. "Ginagalang ka dapat at hindi sinasaktan? Talaga? Bakit naman? Anong dahilan? Marahil, ikaw ang ina ng taong minamahal ko. Marahil, ikaw ang nagluwal kay Edmund. Pero wala akong pakialam doon dahil ang minamahal ko ay si Edmund at hindi po kayo. May mga tao na kapag kasal na, dapat mo ding mahalin ang magulang ng asawa mo. Pero paano naman kung binabastos at sinasaktan naman ng magulang ang asawa ng minamahal nila? Galangin pa rin? Para sa akin, hindi na. Kaya kayo po, kung gusto niyo pa po akong paalisin sa tabi ng anak ninyo dahil hindi ninyo matanggap na dahil sa akin kaya naging bakla ang anak ninyo at gusto niyo pa po ako saktan, umalis na lang po kayo. Hindi po ako magdadalawang-isip na saktan kayo dahil sa kapangahasan ninyo na ilayo ako kay Edmund. At kung kayong dalawa naman ay sasali, sumali kayo. Hindi din ako magdadalawang-isip na bugbugin ko kayo dito. Tutal, nandito na rin tayo sa ospital.“



          Hindi kami makagalaw dahil sa mga pagbabanta sa amin ng tao. Talong-talo kami sa kaniya dahil mukhang eksperto na sa sapakan si tanda. Galit na umalis na lang ng kwarto ang mama ni Edmund.



          Sumunod na lumabas si Gerard at yumuko. "Maraming salamat po sa pagdalo. Bumalik po ulit kayo dito kapag nirerespeto niyo na po ako.“」



          "G-Ginawa niya iyun?“ hindi makapaniwalang tanong ni Ren habang kinakain ang tapsilog na niluto namin.



          "Oo,“ sagot ko. "Ang lupit niya! Grabe! Inaantay ko nga na sampalin ng mama ni Edmund si Gerard kung totohanin niya ang banta iyung sinasabi niya. Pero sa tingin ko, gagawin niya talaga iyun. Mararamdaman mo kasi ang galit ni Gerard sa mga salitang binibitawan niya.“



          Sa kalagitnaan ng pagkain, tumunog ang phone ni Ren. Tiningnan niya kung ano ito.



          "Si Harry. Nasa labas,“ saad ni Ren. Tiningnan niya lang ito ng ilang segundo. Si possessive-na-hindi-naman-sila na si Harry, nandito sa ganitong oras ng umaga? Ano naman ang gagawin niya?



          "Ohh? Bakit? Pagbuksan ko?“ tanong ko.



          "Sige,“ pagpayag ni Ren.



          Tinigil ko muna ang pagkain at pinagbuksan si Harry ng gate. Sa tingin ko, ihahanda ko na naman ang sarili ko sa mga gagawin ni Harry na pagbabanta sa akin. 1-on-1 na ang labanan. Pero parehas naman nating alam kung sino ang dehado.



          "Magandang umaga Harry. Ang aga natin ahh!“ bati ko.



          "Parang ikaw, hindi ahh!“ tugon niya sa akin.



          "Pasensya naman. Dito na kasi ako natulog. Halika! Pumasok ka!“



          Sabay kaming naglakad papasok ng bahay ni Ren at dumiretso sa hapag-kainan.



          "Gusto mong kumain? Kain ka. Tapsilog ang agahan namin ngayon,“ yaya ko. "Ay teka nga pala? Hindi pala ako ang may-ari ng bahay na ito.“ Umupo na lang ako sa hapag-kainan.



          "Nag-aksaya ka pa ng ilang segundo para sabihin ang bagay na iyun Allan,“ naiiritang saad ni Ren. "Harry? Naparito ka?“ Sumubo si Ren sa kanyang kinakain.



          "Ahh! Gusto ko sanang magpatulong sa assignment natin ngayon,“ wika ni Harry.



          Napatigil si Ren sa pagkain. "May... assignment... tayo?“ hindi siguradong saad ni Ren.



          "Lumilipad pa pala ang isip mo sa klase kahapon?!“



          "Mukhang maganda-“ Tumunog ulit ang phone ni Ren at tiningnan niya ito. "Nako! Kailangan ako ni Blue ngayon. Baka bukas ko na magagawa ang assignment na iyan.“ Aha! Salamat pagkakataon!



          "Ganoon ba? Sige. Babalik na lang ako bukas. Uwi na ako,“ paalam ni Harry.



          Naglakad na naman ulit si Harry palabas. Ako naman ay tinigil ang pagkain saka tumayo ulit para pagbuksan si Harry ng gate nang sa ganoon ay makaalis siya. Pumasok siya sa kotse at lumabas ulit. Sa hindi ko malamang dahilan, naisipan ni Harry na bumalik sa loob. Sumunod naman ako. Ano kaya ang problema ng taong ito?



          "Siya nga pala Ren. Souvenir mula sa kasal nila Kei at Janice. Nakalimutan nilang ibigay sa iyo to kahapon,“ saad ni Harry saka ibinigay dito ang isang pigura ng taong kinakasal na may pangalan nila Kei at Janice. May nakasulat pa sigurong kung ano sa papel nito na binabati ang mga dumalo sa kasal. Ang taong ito.



          Kinuha ito ni Ren at ngumiti. "Maraming salamat Harry. Saan ko kaya ito ilalagay?“



          Tinigil ni Ren ang pagkain saka tumayo at naglakad papunta sa sala. Mukhang nilagay niya sa maliit na lamesa ang souvenir na binigay ni Harry.



          "Sige. Aalis na ako,“ paalam ulit ni Harry. Naglakad ulit ito paalis.



          Muli ay sumunod na naman ako at may naisip na namang posibilidad na gawin ng taong ito. Baka maisipan na naman nitong bumalik sa loob at inisin ako dahil mukhang napansin niya na humihinto ako sa pagkain ko dahil sa ginagawa ko.



          Binuksan ko na ang gate at hindi na umaasa na umalis siya. Pero, pinaandar niya ang sasakyan at tuluyan ng umalis. Mabuti! Paalam taong possessive-na-hindi-naman-sila!



          Bumalik na ako sa loob at naabutan na tinitingnan niya ang pigura na ibinigay ni Harry. Nagulat na lang ako nang kinuha niya ito at ibinato sa pader. Lumapit pa siya dito at nilinis pagkatapos. Umm... maganda iyung ginagawa niyang iyun. Pero nakakatakot iyung ginawa niya.



          Nang paalis na kami pagkatapos kumain, kinuha ko agad ang susi para ako ang magmaneho.



          "Ohh? Bakit mo na naman kinuha?“ reklamo niya.



          "Huwag ka ng magreklamo. Nakita ko kung paano mo binato iyung souvenir sa kasal nila Janice at Kei. Indikasyon iyun na nagagalit ka at hindi magandang senyales iyan sa mga nagmamaneho ng sasakyan. Naniniguro lang ako at baka ibangga mo ang motor habang nasa byahe tayo. Gusto ko pang mabuhay Ren,“ paliwanag ko.



          "Hindi naman ako galit. Nadulas lang naman iyun sa palad ko kaya mukhang nabato ko pero hindi ko naman binato. Nagsisisi nga ako kung bakit nadulas iyun sa kamay ko. Hindi ko iyun sinasadya,“ maang ni Ren.



          "Nadulas daw sa palad! Tumigil ka! Huwag ka ng magreklamo at umalis na tayo!“



          Binuksan na lang ni Ren ang gate para makalabas ang motor niya at siya na rin ang nagsara. Nang isinuot niya ang helmet, umangkas na agad siya sa motor.



          "Umm... Allan, pwede bang kantahin mo iyung kinanta mo kagabi? Iyung sa patapos na stanza?“ request ni Ren.



          Pinaandar ko na ang motor papunta sa eskwelahan habang kumakanta.



And time will eventually knock on my door.
And tell me I'm not needed around anymore.
But he'll hold me so close at the end of the day.
When I'm quiet I can nearly hear him say.

Smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.
Got nowhere to turn, and we've got nothing but time.
But the future is forever, the future is forever, so smile.

Smile, the worst is yet to come.
We'll be lucky if we ever see the sun.



          Ang buhay ay puno ng mga hindi inaasahang sumpresa. May sarap, at may paghihirap. Gaya ng sinasabi ng kanta, ngumiti ka lang dahil imposibleng walang paghihirap na darating sa atin. Merong at meron pa ring darating pagdating ng panahon. Sa buhay ni Ren, ang bagay na iyun ay iyung nagpakasal na sila Kei at Janice. May darating pa kaya? Aba malay ko.



          Sinilip ko si Ren sa side mirror ng motor niya habang nagnamaneho. Nakangiti na siya. Tama iyan. Ngumiti ka lang. Hindi mo alam kung kelan mawawala ang ngiti mong iyan.



ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails