Followers
Saturday, July 4, 2015
Love Is... Imperfect
Love Is... (Imperfect)
James Silver
Fiction
Name: Patricia "Patrick" Zabala Danugrao
Age: 27
Award: Kinoronahan bilang reyna ng katangahan
Power: Magiging tanga ka rin pag sumang-ayon ka sa desisyon nya
Name: Mildred "Dred" Rondina Bautista
Age: 27
Award: Pinarangalan bilang outstanding kabet of the year
Power: Kalandiang wagas
(At syempre ako.)
Name: Jhonrick "Jon" Silvestre Gumabay
Age: 27
Award: Ahh Nga-nga "Waler"
Power: Magpapakamatay ka pag narinig mo ang talambuhay ko na sobrang boring
"Gago ka, edi sumama ka dun sa punyetang number two mong mukhang mangga. Sawang sawa na 'ko pinagbibigyan na nga kita sa gusto mo pero abuso ka talaga. Magbreak na tayong hayop ka." Sigaw ni Patrick sa telepono habang kausap ang babaero nyang boyfriend.
"Wow! Antapang na." puri ko kay Patrick
Isa, Dalawa, Tatlo "Wag na tayong magbreak, sorry na sa mga nasabi ko. Mainit lang ang ulo ko. Sorry ha, I Love You" Hanggang tatlo lang ang kailangan mo bilangin para magbago ang isip ni Patricia. Tanga nga!
"Yan talaga mapapala mo, napakahilig mo kasi sa gwapo eh." birada ko sa kanya kahit alam kong hindi nya ako iintindihin.
"Naku, baka hindi ka kasi magaling. Hmp! Nakakasawa naman yang usapan nyo. Ilang beses ba kayo magbreak sa loob ng isang buwan?" litanya ni Mildred
Ganyan naman talaga ang papel namin ni Mildred sa bestfriend namin. Magpahaging ng walang humpay kahit na alam naming hindi nya kami pakikinggan. Well, sino ba naman ang nakikinig sa opinyon ng iba pag nalulong ka sa drogang tinatawag na Love. Ewan kung love pa yung sa kanila. Palagi silang nag-aaway. At may monthly quota sila ng break-up.
Buti na lang ako wala pang lovelife. Ayoko nyan panggulo sa buhay. Para yang bagyo na darating sayo at iiwan ka pag wasak na wasak ka na. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit yung iba eh, parang hindi mabubuhay pag walang jowa. Kagaya na lang ng gagang 'to at ni Mildred. Samantalang ako simula nung maglandi ako sa lupain ng Pilipinas eh hindi pa ako nagkakajowa. Boyfriend man o girlfriend. Wala. Zero. Bokya. Betlog. Kamote.
"Mga besty, huhuhu break na kami." sabi ni Patricia habang pinipilit palabasin yung luha kahit wala naman.
"Anong gagawin natin?" tanong ko.
"Hindi ko na alam, ansakit sakit mga besty. Hindi ko na kaya" drama nya ulit.
"Anong bibilhin ko muriatic o blade?" Tanong ko.
"Gaga ka Jon, syempre para mas sosyal, isang kilong sleeping pills ang bilhin mo." gatong naman ni Mildred.
"Gago 'tong mga 'to. Eh kung sa inyo ko ipalak-lak yung muriatic at sleeping pills. Ito si Mildred kinakampihan pa si Jon, alam mo namang walang jowa yan kaya hindi yan makakaintindi." sabay irap nya sa amin.
"Ano, magjowa ako tapos magtanga-tangahan katulad mo? Wag na uy! Masarap maging single noh."
"Tama." Dugtong ni Mildred.
"Alam nyo ang hard nyo sakin! Kakainis kayo. Hindi nyo man lang iniintindi yung nararamdaman ko" irap ulit.
"Hala ka! Ilang taon na namin kayong iniintindi ni Liam. Ginawa nyo na nga kaming regular audience ng punyetang love story nyo eh. Lintek! Pag kakain, matutulog, iinom. Baka pati pag tae at pagihi kailangan nyong ipaalam sa isa't isa. Nakakarindi kaya, pag masaya kayo pinipilit mo kaming kiligin sa inyo. Para kang adik. Alam mo ang maganda mong gawin isak-sak mo sa puke mo yang cellphone mo para nage-enjoy ka pag nag-vibrate. Gagang 'to." sermon ko sa kanya.
"Alam mo ewan ko sayo. Tatanda ka ngang walang jowa dyan sa ugali mo. Sungit mo eh. Makauwi na nga lang, wala talaga akong mapalang matino sa inyo." sabay hablot nya ng bag nya.
"Oo, tama yan. Umuwi ka na lang at doon ka magmukmok. Pag naboring ka kausapin mo yung gagamba dun sa sulok ng kwarto mo. Napakatindi mo maglandi ni hindi ka nga makapaglinis ng kwarto mo. Pag nakita pa namin yung mga agiw sa kwarto mo bubuhusan ko yun ng gasulinang punyeta ka." mahabang litanya ni Mildred.
"Alam mo matindi ka pa sa nanay ko magsermong punyeta ka. Pagbalik ko dito paiinumin kita ng gasulinang hayop ka." sabay binato nya si Mildred ng tsinelas na nasa tabi ng pinto.
Ganyan talaga kami mag-usap. Hindi naman kami galit sa isa't isa. Ganyan talaga namin sya icomfort. Gaga eh. Para kahit papaano matauhan, may sense naman yung mga sinasabi namin sa kanya eh. Juice ko, yung kwarto nya sobrang kalat. Nakakatakot na kaya tambayan kasi baka may ahas na. Kababaeng tao napakaburara. Tinalo ko pa, lalake ako pero napakalinis ng kwarto ko.
Ano pala hindi pala ako masyadong lalake, pero hindi rin sagad yung pagkabading ko. Mga 50:50 lang ganun.
Pagka-alis ni Patrick ay biglang may tumawag kay Mildred.
"Hello bhe, saan tayo magkikita? Baka mahuli na naman tayo ng asawa mo."
"Alam mo Dred, isa ka pa. Lumayas ka na nga rin dito sa kwarto ko. Mga gaga kayo. Yung isa tanga. Ikaw naman kabet. Ewan ko sa inyong mga lintek kayo." sabi ko.
"Leche, palibhasa wala kang lovelife. Oh! Ayan! Ngat ngatin mo yang chinelas mong punyeta ka. Hmp! Bahala ka mag-isa mo dyan. May date pa ako."
At lumabas na si Mildred ng kwarto ko. Back to normal ang buhay.
Nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan. Hindi na ako nakakain, wala namang magyayaya saking kumain dahil mag-isa lang ako dito sa apartment ko. Yung mga magulang ko nandun sa Pangasinan. Nag-iisang anak lang ako. Hindi kami mayaman, pero hindi rin naman kami ganung kahirap, sakto lang. Ayaw kong idescribe yung sarili ko, mag-isip na lang kayo ng kahit anong mukha. Basta wag naman ganung kapanget. Teacher ako sa elementary, grade 4 ang tinuturuan ko. Ang buhay ko? Hindi naman ganung kalungkot sakto lang. Boring ganun.
Pagkagising ko ay agad akong tumayo para maghanda na sa pagpasok ko sa school. May exam ang mga estudyante ko kaya kailangan maaga ako kasi kailangan ko pa magpa-xerox ng mga test paper. Bwiset! kkiSarili kong gastos yun. Ayaw kasi mag-provide ng school ng mga makatotohanang test. Paulit-ulit lang. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nakakaperfect score sa test eh. My leakage kasi. Normal.
"Sir bakla ka po ba?" tanong ng isang estudyante. At nagtawanan ang buong klase. Musika sa tenga, para lang akong nakikinig ng rock. Heavy metal. Sarap mag-headbang.
Hindi ko sinagot yung estudyante. Dahil hindi ko naman alam kung papaano ko sasagutin yung ganung klase ng tanong.
"Hoy! Hindi bakla si sir. Kapit-bahay namin yan may girlfriend yan. Nakikita ko yun palagi sa bahay nya." sabi ng isang babaeng estudyante. Akala nya siguro girlfriend ko si Patricia at nanay ko si Mildred.
Abat! Napaka-chismosa netong batang 'to. Manang mana sa nanay. Hmp! Deadma ulit.
"Ok, class bilang maingay na kayo. Pass your papers, finish or not finish." Mga lintek kayong mga bata kayo ah.
Nagsitahimik ang mga bata. Ano kayo ngayon. At nagkumahog ang lahat na sagutan ng mabilis ang mga papel nila.
"Hala sige, hula" sabi ko sa isip ko.
Natapos ang klase ko ng ganun lang. Actually ok lang naman kahit na gumastos sa mga test paper. Wala naman kasi akong gagawin kundi ang maghintay na matapos silang sumagot.
Boring. Ganito lang ang buhay ko araw-araw pagkatapos sa school, uwi ng bahay. No night-outs, gimicks or anything. Pero ito na yun. Ito na yung enjoyment ko, ang matulog, kumain at makinig ng music. O kaya pupunta sa bahay ng mga bestfriend ko para sirain ang araw nila.
Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko si Migs. Napapamura ako sa utak ko sa tuwing makikita ko sya. Sobrang gwapo kasi eh. Sa bagay wala naman akong nakitang panget na crew sa greenwich eh. Palagi na lang nanghihina ang tuhod ko pag nasa harap ko sya. Ewan!
Kumaway sya sa akin. At nginitian ko naman sya. Wala lang. Pasok sa bahay. Sabay kilig ng konte.
Isinakasak ko sa tenga ko yung earbuds at binuksan ko yung MP3 na binili ko sa musliman.
I LOVE YOU GOODBYE-CELINE DION
"Wish I could be the one, the one who could give you love
The kind of love you really need
Wish I could say to you that I'll always stay with you
But baby, that's not me" umpisa ng kanta.
Umupo ako sa kama ko at naglungkot-lungkutan. Habang iniimaging ikinakasal si Migs sa isang napakagandang babae. Nakatanghod lang ako sa pintuan ng simbahan at panay ang hikbi habang hinihintay nya ang bride na lumapit sa kanya. Napatingin sa akin si Migs, nagzoom in sya sa imagination ko at nakita kong umiiyak sya habang nakatitig sa kinaroroonan ko.
"Patawarin mo ako, mahal kita pero hindi tayo pwede." narinig kong sinabi nya sa isip nya.
"I know I'd only hurt you
I know I'd only make you cry
I'm not the one you're needing
I love you, goodbye"
Nanikip na ng husto ang dibdib ko habang inuumpisahan na ng pari ang pagkakasal sa kanila.
"Paalam na. Mahal na mahal kita." sabi ko.
Hindi ko na namalayan na literal na pala akong umiiyak. Kumuha ako ng panyo at pinahid ko ang luha ko. At pagkatapos kong pahirin ang luha ko ay nakapag-move-on na kaagad ako after 2 minutes. Tapos, >next song<.
MULI - GARY V & REGINE V.
"Muling hinahanap
Ang dating paglingap na mula sayo
Muling umaasa
Sa dating nadaramang laan sayo
Mula ng magwakas, tapusin ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Pa'no kaya maibabalik
Ang hangaring dati"
Magkaharap kaming nakatayo ni Migs. Sa tagal nyang nawala ay sobrang hirap ng pinagdaanan ko. Pinilit ko syang kalimutan. Sabi nya noon ay ayaw nya na. Pero ngayon heto sya at humihiling ng pangalawang pagkakataon. Naguguluhan ako. Natatakot na baka iwan nya ako ulit. Baka hindi ko na kayanin. Tumulo ang luha ko at unti-unting nanghina ang katawan ko.
"Bakit mayron pang nadarama
Ngayong hindi na tayong dalawa" refrain ng kanta.
Hindi ko talaga kaya ang mga titig nya sa akin. Nauuto nya na naman ako.
"Nandito lang ako ( Bago lumayo sa piling mo)
Higit kang kailangan kailanman (Hanggang kailan kaya naman)
Mahal kita (Tila) Hanap ka (Sana) (tunay kaya ito)
Minsan pang bigyan ng daan ang pag-ibig na sayo nakalaan." sagutan nila gary at regine sa kanta.
"Mahala pa rin kita." sabi ni MIgs.
At dahil tanga-tangahan ako sa eksenang nasa utak ko ay pumayag akong maging kami ulit. Masayang masaya ang pakiramdam ko. Muli ay literal akong napaiyak sa tuwa.
Napansin ko lang bakit ansama ng image ng pag-iyak. Naiiyak tayo sa sobrang lungkot. Naiiyak din tayo sa sobrang tuwa. Parang hindi fair yun sa side ng tears of joy. Wala lang naitanong ko lang sa sarili ko.
Gusto ko pa sana umisa pa ng pag-eemote. Ang kaso biglang dumating si Patricia. Bwiset talaga 'tong babaeng 'to. Andun na eh. Iiyak na ulit ako eh. Pinatay ko ang MP3 ko at pinahid ang papatulo ko nang luha. Baka kasi isipin nya na me sayad ako.
"Besty! Besty!" Yung sigaw na yun. Alam ko na yun. Tsk! Nagkaayos na naman sila ni Liam.
"Ah, ewan ko sa inyong mga baliw kayo." sigaw ko sa kanya.
"Eh, kesa naman katulad mo na nag-iimagine ng love story. Sinong mas mukhang baliw sa atin. Besty, bati na kami ni Liam." sabi nya.
"Alam ko, nakita ko nga yung utak mo na tumalsik sa pituan eh, sa sobrang lakas ng sigaw mo." sabay ambang kukutusan ko sya.
"Ay sorry, kumalat ba?" ganti nya sa akin.
"Oo, at pakilinis, baka mahawaan ako ng katangahan mo."
"Alam mo napaka inggitero mo. Magjowa ka na kasi para hindi ka nag-iinasim dyan. Malala ka pa sa santol eh." sabay hagis sa kama ng mga chichang dala nya.
Kumuha ako ng isang balot at binuksan ko gamit ang ngipin ko, habang nakabusangot.
"Ano na namang nangyari sayo? Nagbreak kayo ni Miguel sa imagination mo no?" tanong nya.
"Kahit ba sa imagination kailangan ng tanga-tangahan? Tantanan mo nga ako Patrick. Hinding hindi ako magiging katulad mo noh. Sa katangahan mo malamang subordinate mo lang si Kris. Maganda pero shunga sa lalake. Dapat yun ang bestfriend mo eh." sagot ko sa kanya.
"Haynaku! Alam mo ampait mo. Ansarap hugutin ng utak mo tapos isabit dyan sa labas. Para magkaroon ng moral lesson yung mga matatalinong bitter. Akin na yan." sabay hablot nya ng chichiryang kinakain ko.
"Lamunin mo pati yung plastick nyan ah. Pag di mo naubos yan ipapalunok ko yan sayo ng buo." sabay irap ko.
"Besty, inuman tayo dali, itetext ko si Mildred." Yaya nya sa akin.
Hindi pa ako sumasagot ay itinext nya na kaagad si MIldred. At mga 30 minutes lang ang lumipas ay dumating na nga ang babaeng malande.
"Oh, asan na yung alak?" tanong ni Mildred.
"Ayoko nga! May pasok ako bukas." pagtanggi ko.
"Napaka mo. Tsk!" Sabay nilang pagsasalita at bigla silang lumabas.
Pagbalik ni Patricia at Mildred ay karay-karay na nila si Miguel.
"Ikaw nga magyaya dyan sa ampalaya na yan" utos nila kay Migs.
Napangiti lang si Migs na para bang batang nahihiya habang nagkakamot pa ng ulo. Ewan kung namalik mata lang ako pero parang nakita ko syang nagpa-beautiful eyes sa akin. Para akong natutunaw sa ngiti nya at panay panay ang malalakas na kabog ng dibdib ko. Ayaw kong ipahalata sa kanya na tinatablan ako sa ginagawa nya.
Tsk! Pag-ibig na ba kaagad yung nararamdaman ko? Hindi ko pa rin alam dahil wala pa nga akong experience sa pag-ibig na yan. Pero ilang taon ko na rin nararamdaman yung ganito kay Migs.
" Ayoko nga! May pasok nga ako mamaya, este bukas!" nahalata kaya nilang nawawala ako sa sarili?
"Sige pa Migs, konti na lang bibigay na yan." udyok ulit nila
Mga hayop talaga ang mga bestfriend ko. Sila ang mga tunay na kontrabida sa matahimik kong buhay.
"Jon, inuman tayo. Gusto kasi kita makasama sa inuman eh." si Migs habang nagpapahumble ng mukha.
"Putang ina ang puso ko pakipulot!" sabi ko sa isip ko. Pakiramdam ko ay nalag-lag ang puso ko sa sinabi nya at sa pagpapacute nya. "Shige ne nge!" Naiimagine ko yung sarili ko na kini-curl yung mahaba kong buhok habang binabanggit ko sa isip ko yung mga salitang 'yon. Yung parang me saltik na naghahanap kay Junjun.
"Tsk! Ang kulit nyo naman eh. Sige na nga." sabi ko sa kanila.
At dahil pumayag na nga ako ay para silang kidlat na nawala. At pagbalik nila ay may dala na silang emperador at tatlong pakete ng juice kasama na pati yelo. Inihanda na nila ang lahat. Sakto naman ang dalang chichirya ni Patricia. Hindi ko alam pero mukhang plinano nila 'to.
Habang nagkukwentuhan kami ay inopen ni Patricia ang usapan tungkol sa kanila ng boyfriend nya. At panay naman ang tanong netong si Migs.
"Icelebrate natin ang pagbabati namin ng babaero kong boyfriend." umpisa nya.
"Babaero yung boyfriend mo? Buti nakakatiis ka ng ganun?" Tanong naman ni Migs.
"Wag ka na magtaka. Sya na ang pinakatangang tao na makikilala mo sa buhay mo" sabi ni Mildred.
"Kesa naman kabet na katulad mo" ganti ni Patrick
"At least ako praktikal. Pag iniwan ako, may reserba pa. Eh ikaw? Yung jowa mo ang nagrereserba. Nagdadalawang isip ka ibreak, kasi alam mong hindi nya naman ikakalungkot yun." Si Mildred
"Ganun talaga pag mahal mo yung tao. Kailangan mo tanggapin kung ano sya. Hindi pa kami ganun na sya. At dahil nainlababo ang lola mo, kailangan ngumata ako ng konting katangahan. Mahal ko eh." sabi ng dyosa ng katangahan.
"Konte? Ang sabihin mo ginagawa mong agahan, tanghalian, miryenda, hapunan at midnight snack yang katangahan kaya ka ganyan." sabi ko sabay tagay.
"Malay mo ganun lang talaga sya magmahal. Iba iba naman ang trip ng tao sa pag-ibig eh. May nagmamahal na katulad nya, tanga-tangahan ang trip. Meron ding praktikal, yung tipong hindi basta basta nagpapa-under. May nagmamahal na gusto nya dominante sya. May nagmamahal din na gusto nya sunod-sunuran sya. Marami pang ibang klase ng pagmamahal. Depende na lang sa tao kung papaano nya yun dadalhin sa sarili nya. Kaya nga walang nakikinig sa payo ng iba pag dating dyan eh. Wala kasing sinusunod na opinyon ang puso. Tumitibok lang naman yan eh. Masasaktan ka lang pag nag-umpisa ka na mag-isip. Dominante kasi ang utak, lahat ng bahagi ng pagkatao mo sinasaklawan nyan." isplika ni Migs.
"Hahahaha. Ano kayo ngayon? May kakampi na ako." sabay tapik kay Migs.
"Eh diba dapat naman talaga na ginagamitan ng isip pag nagmamahal ka?" tanong ko.
"At some point, oo. Pero mas marami ang pagkakataong hindi na natin nagagamit ang isip. Kasi nakakaramdam tayo ng saya. At kapag dumating naman sa puntong nasasaktan na tayo eh parang ansarap damhin nung sakit. Parang ansarap idrama. Yung tipong magkukwento ka sa mga kaibigan mo tapos yung mga kaibigan mo naman makiki-emote sayo. Parang nakakaramdam ka ng fulfillment. Dahil nailalabas mo yung hinagpis mo sa pamamagitan ng pag-iyak. After that pakiramdam mo ok ka na ulit." Si Migs.
"Ikaw na love doctor" panira ni Mildred.
"Eh, ikaw? Anong klase naman ang pagmamahal mo?" Tanong ko kay Migs.
"Ako yung pagmamahal ko marunong maghintay. Matagal na kasi akong inlove eh. Kaso wala pa yatang balak mainlove yung taong mahal ko." sabi nya.
"Katorpehan ang tawag dyan" sabi ni Patrick
"Hindi ah, paggalang sa taong mahal ko yung akin. Kung alam kong nagpapaligaw sya bakit naman ako matotorpe?" sagot ni Migs
"Saan ka naiinlove? Sa physical o sa ugali?" tanong ni Patricia kay Migs.
Tumagay muna si Migs bago sumagot. Napangiti ako nung kumindat pa sya sa akin.
"May nabasa akong tungkol sa love. Ang sabi. Love knows, no reasons. Love knows, no lies. Love defies all reasons. Love has no eyes, but love is not blind, it sees, but it doesnt mind. More heart ako hindi masyado sa physical. Hahahaha ang corny ko." Sagot ni Migs.
"Wahahahaha! Tangina, oo ang corny mo nga. Eh ikaw Jon?" sabi ni Patricia.
"Huh? Ewan, ano namang alam ko dyan?" sagot ko.
"Ikaw na anga lang Dred, bwiset 'tong loveless na 'to eh" Patricia
"Basta may titing tumatayo ok na yun." sagot ni Mildred.
"Tangina mo talaga eh, noh. Ewan ko ba kung bakit bestfriend kita" Sabi ni Patrick
"Wala ka nang choice puta ka!" Ganti ni Mildred.
At punong puno na naman ng murahan ang apartment ko.
Magmamadaling araw na din kami natapos. Nagsiuwian na silang lahat. Sa pag-uusap namin ay naramdaman ko na may kulang sa akin. Nagtatanungan sila tungkol sa love. At lahat naman sila ay may sagot ako lang ang namumukod tanging walang alam. Naisip kong dapat ipursue ko ang nag-iisang bagay na kulang sa buhay ko. Dapat magkaroon na ako ng experience.
#FirstLoveTrial 1.0 "Sing your heart out"
Pinilit kong maging close kami ni Miguel. Hindi naman pala sya ganon kahirap makalapit dahil masayahin rin syang tao. Palagi ko syang niyayaya na sa bahay na lang kumain. Minsan naman ay dinadalahan ko sya ng ulam pag sumobra ang luto ko. Niyayaya nya rin ako uminom at kung minsan pa ay sa bahay na sya natutulog.
Isang araw. Nasa loob lang kami ng bahay, kasama ko ang dalawang kampon ni Medusa. Magkakatabi kaming nakahiga sa kama, ako ang nasa gitna. Nanonood kami ng walang kamatayang pelikula na Titanic. Pagdating sa pangangarap ng perfect love story na katulad ng kay Jack at Rose, ay nagkakasundo kaming tatlo. Habang nasa gitna kami ng panonood ay nabanggit ko sa kanila ang mga nararamdaman ko kay Migs.
"Puta! Inlove ka na bestfriend. Syet! Tao ka na." sabi ni Mildred.
"Pero bakit kay Migs? Babae na lang ang ligawan mo. Tsk, aagawan mo pa kami ni Mildred sa mga lalake eh." sabi ni Patricia.
"Eh, sa kanya tumibok ang puso ko eh. Anong magagawa mo?" sabi ko.
"Baka naman libog lang yan?" si Mildred.
"Wag mo nga ako igaya sa inyo, mga malalandi kayo eh!" sigaw ko sa kanilang pareho.
"Naku nagmalinis ang bakla. Patrick! Naaalala mo ba nung highschool tayo? Diba palagi tayong sabay pumapasok sa school? Tapos isang araw hindi sumabay sa atin 'tong baklang 'to. Iniwan nya tayo, ang OA ng pasok nya eh noh. 430 ng umaga. May nangyari nun kaya maaga sya pumasok." kwento ni Mildred kay Patricia.
"Oo, naalala ko 'yon. Ano bang nangyari nun?" tanong ni Patrick.
"Chinupa nya si Ronell sa C.R. kaya maaga sya pumasok."
Binatukan ko si Mildred sa sinabi nya.
"Gumagawa ka ng kwentong malandi ka." sabay hatak ko ng buhok nya.
"Aray bitawan mo nga ako. Isa! Dalawa!"
"Ano pa nangyari nun Dred, kwento ka pa." tanong ni Patrick na parang excited pa.
"Ayun. Naging regular na yun. Siguro Twice a week nagpapachupa si Ronell sa kanya." Si Mildred.
"Kita mo na, nagmamalinmis kang bakla ka. Malandi ka rin pala." Patrick.
"Nagpapaniwala ka dito sa demonyang 'to." sabi ko.
"Tigilan mo nga ako. May number kaya ako ni Ronell ngayon. Gusto mo tawagan ko tapos sya na lang ang pagkwentuhin ko?" Mildred.
Binatukan ko sya ulit at gumanti na sya. Habang nagbubugbugan kami ni Mildred ay panay naman ang pagpupumilit ni Patricia na pagkwentuhin pa si Mildred tungkol sa mga nakakahiya kong sikreto. At marami pang ibinunyag si Mildred kasama na pati yung pakikipaglap-lapan ko kay Angelica sa likod ng kurtina sa classroom. Hindi na kami nakapag-concentrate sa panonood dahil nagharutan na kami. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay ko at pinipilit nilang hubarin ang suot kong basketball shorts. Parang ginagahasa na nila ako. Mga hayop talaga. Laging ganyan ang trip nila sa tuwing maghaharutan kami.
Mas lalo kaming naging close ni Migs. Madalas na sya tumambay sa bahay sa tuwing wala syang pasok o kaya naman kapag maaga syang nakauwi. Mas lalo nang tumitindi ang nararamdaman ko. Hindi na ako makatulog sa kakaisip ko sa kanya. Tinatamad na rin akong kumain kapag hindi ko sya kasabay.
Habang lumalala na ang kalokohang nararamdaman ko ay bigla namang may nangyari. Nag-inuman kaming dalawa. Papapuntahin ko sana ang mga dragona kaso sabi ni Migs ay kami na lang daw dalawa. Hindi na ako tumanggi, pagkakataon na 'to no.
Pagkatapos naming mag-inuman ay sa bahay na rin sya natulog. Naghubad sya ng kanyang pangitaas. Para akong kinukuryente sa tuwing magdidikit ang aming mga katawan.
"Tubig! Ang-init dito!" sabi ko sa isip ko.
Hindi na ako mapakali sa pagkakahiga ko. Panay ang dagundong ng dibdib ko. Halos pigilin ko na ang hininga ko para hindi nya mahalata na, naloloka ako dahil sa katabi ko sya. Bigla ko na lang naramdaman na gumalaw sya at hinawakan nya ang braso ko.
"Oh! Syet." para akong sinisilihan sa ginawa nya.
Yumakap sya sa akin at nagsalita sya.
"Pwedeng payakap? Ansarap kasi pag may kalambingan sa kama eh" malambing nyang pagkakasabi.
(WARNING: Jon's heart is about to explode.)
Niyakap nya ako ng mahigpit at idinantay nya ang binti nya sa akin.
"Tulog na tayo Jon"
Ilang minuto lang after nya sabihin yun ay naghilik na sya.
"Puta! Wala na? Yun lang?" sabi ko sa isip ko.
Umaasa sana ako na may mangyayari nang kakaiba sa amin kaso mukhang consevative si gago. Anyway, kinilig pa rin naman ako.
Halos hindi ako nakatulog sa posisyon naming dalawa. Ayaw ko naman gumalaw dahil ayaw kong magising sya. Baka kasi magbago yung posisyon namin. Pagkagising namin kinabukasan. Sabado. Wala akong pasok. Hindi ko lang alam sa kumag na 'to. Babangon na sana ako pero bigla nya akong hinila.
"Mamaya ka na bumangon, ansarap mo kasi kayakap eh." sabi ni Migs.
(Ayyyiee! Inaatake na si Jon ng sobrang kilig to the epileptic level.)
Baka ito na nga ang hinihintay kong pag-ibig. Kailangan i-grab ko na kaagad baka mawala pa. Huminga ako ng malalim at pinalakas ko ng husto ang loob ko. Buo ang pag-asa kong hindi ako mabibigo sa unang experience ko. Kaya aamin na ako sa kanya.
"Migs! I Love You." sabi ko sa kanya na may mahinahong boses.
DUGUDUG! DUGUDUG! DUGUDUG! Parang napakalapit lang ng puso ko sa tenga ko dahil rinig na rinig ko ang pagtambol nito mula sa dibdib ko. Nasabi ko rin sa wakas. Hinihintay ko na lang ang sagot nya.
"Ano ka ba? Puro ka kalokohan eh. hahaha. Bawal ako mahalin ah." sabi nya.
(Umulan ng basag na bote sa mundo ni Jon, at lahat ng 'yon ay tumatama sa kanya.) "Putang ina ang sakit!"
Deadma lang ako kunyari sa sinabi nya.
"Nyahahaha! Binibiro lang naman kita eh, naniwala ka naman. Wag ka mag-alala pag inlove na ako sayo, ako na mismo ang iiwas." sabi ko kay Migs.
"Ah, ganun ba? Buti naman." nagsmile sya sa akin at muli nya akong niyakap.
(2 days later)
"Baka naman kasi minolestya mo kaagad. Akala baklang manyak ka." sabi ni Mildred.
"Baka hindi ka kasi naligo, at tsaka mabaho yung hininga mo. Kaya nadiri." Si Patricia.
"Ewan ko sa inyong mga punyeta kayo." sabi ko.
"Ay! Kawawang bakla. Minsan na nga lang mainlab naunsyame pa. Anong bibilhin namin? Blade o muriatic?" sabi ni Mildred.
"Gaga. Yung sleeping pills na lang. Dagdagan mo ng dosage gawin mong dalawang kilo." dugtong ni Patrick.
"Mga puta kayo, magsilayas nga kayo rito. Bwiset."sigaw ko.
"Ano ka ngayon? Naramdaman mo din kung paano mailab? Gaga ka kasi eh, tuwing mabobroken heart kami. Lagi mo kaming inaapi, pwes ikaw naman ngayon." Si Mildred.
"Ok lang yan besty, gusto mo kidnapin natin, tapos gapos natin dito sa kwarto mo, tsaka mo gahasain?" tanong ni Patrick
Pagkatapos nila akong basagin sa trip ko ay umupo sila sa tabi ko. Niyakap nila ako at umiyak lang ako ng umiyak sa kanila.
"Dapat kasi nagpapapansin ka, konting effort din sa sarili. Mag-ayos ka." si Mildred
#FirstLoveTrial 2.0 "Beautiful me"
"Oh, besty binilhan ka namin ng damit sa ukay-ukay. Mag-ayos ka para mainlab sa'yo si Migs. Yang porma mo kasi nakikita ko lang sa Noli Mi Tangere eh." sabi ni Patrick.
"Tangina nyo talaga." ako
"Isukat mo na para makita na natin kung bagay ba sayo. Mamaya na yang pag-iinaso mo." si Mildred.
Isinukat ko ang mga binili nila at bagay naman daw lahat sabi nila. Ewan! Wala akong masyadong alam sa fashion eh.
Nilabhan ko lahat ng mga binili nila at 'yung mga ganoong style na ang susuotin ko mula ngayon. Nagpagupit din ako at nagpa-facial. Nagpamasahe na rin para bawas stress.
"Uy! Ayos ah, ganda ng porma mo ah. May lakad ba?" si Migs nang makasalubong ko sya pauwi ng bahay.
"Ah. Hehehe. May pupuntahan lang kami nila Patrick." echos lang. Papansin mode lang talaga ako ngayon.
Mukhang effective yung pag-aayos ko ah. Hmm! ok go na ulit.
Kinagabihan.
"Migs, I Love You" sabi ko.
"Siraulo, hahahaha. Sige uwi nako, pagod eh. Shot tayo bukas ah, wala akong pasok." Migs.
Putang ina, sawi! Dramadramahan ulit. Nakinig na naman ako ng music at inimagine ko na naman si Migs. Nagemote ako ng nagemote hanggang sa makatulog na ako.
Ano bang problema sakin? Ano ba 'to. Baka kulang pa yung ginagawa ko kaya hindi sya naiinlab sa akin.
"Eh kung maglunolunuran ka tapos magpasagip ka kay Migs?" suggestion ni Patrick.
"Tanga ka talaga! Pag naglunod lunuran yan tapos dinedma ni Migs edi natuluyan pa yan. Hindi kaya yan marunong lumangoy." si Mildred.
"Yun na nga. Pag sinagip sya ni Migs ibig sabihin mahal sya ni Migs. Pag hindi sya sinagip, ibig sabihin hindi sya mahal nung tao. Ang simple lang, hindi na nya kailangan magpakamatay. Diretso na sya." si Patrick
"Pag sinagip mahal agad? Tanga ka talaga, ang wild mo rin mag-isip eh noh try kaya natin sayo. Halika dito lunurin kita dun sa timba." si Mildred.
Alam ko na. Si Patrick ang katangahan na nagkatawang tao, at dahil dun hindi sya nawawalan ng jowa. Kailangan ko rin maghanap ng katangahan.
"Besty! Kailangan maramdaman mo din na nag-eeffort sya sayo. Hindi lang ikaw." ang sinabi ni Patrick na biglang pumasok sa isip ko.
"TAMA!" sabi ko. At parang may bumbilyang lumiwanag sa kokote ko.
Paikot-ikot ako sa kwarto at naghanap ako ng katangahan. Hanggang sa mapadako ako sa drawer ko at nakita ko ang wallet ko. Uy! Bagong sweldo nga pala ako.
#FirstLoveTrial 3.0 "Love is sacrifice"
Binilhan ko si Migs ng sapatos mula sa sinweldo ko. Sira na kasi yung sapatos nya, kaya ito ang naisip ko.
"Oh! Para saan yan?" tanong ni Migs
"Para sayo. Suutin mo ah." sabay ngiti ko.
"hindi ko naman birthday ah."
"Basta tanggapin mo na lang. hehehe"
Tinanggap nya nga ang sapatos na binigay ko at nagpasalamat sya sa akin. Kinabukasan ay nakita ko syang suo-suot ang sapatos habang papauwi. Dumiretso sya ng bahay at may dala syang pizza.
"Wow! Shit. Nag-eeffort na sya. This is it. Go! Go! Go!"
Sa bahay ulit sya natulog ng gabing iyon. At katulad ng palaging nangyayari ay hindi na naman ako mapakali.
"Ipupush ko na 'to, pwede na siguro." sabi ko sa isip ko.
"Migs, I Love You."
"Tangina, konti na lang maniniwala na ako dyan sa trip mo ah. Hindi pwede pare."
(Isang libong Indian ang tumutugis kay Jon sa sarili nyang mundo. Pinapana sya. Umiilag sya ang kaso lang nakalimutan nyang bulls-eye nga pala pumana ang mga Indian.)
Ngawa na naman ang lolo mo.
Putanginang buhay 'to. Bakit sa iba parang madali lang bakit pag dating sakin sobrang hirap.
. . . .
Hindi ko alam kung bakit tahimik ang dalawang 'to. Naubusan na yata ng suggestion kung papaano magiging kami ni Migs.
"Anong nangyari sa inyo? Ako ang may problema dito diba? Bakit mas mukha pa kayong broken hearted kesa sakin?" tanong ko sa kanila.
"Nahuli kasi namin yung boyfriend ni Patrick na may kasex sa kwarto nya. Tinitigan namin habang binabayo ng boyfriend nya yung babae. Sarap na sarap yung babae. Ah sige pa! Sige pa! Ibaon mo pa! ganun yung sigaw ng babae." Si Mildred.
"Nag-effort ka pang ikwento sana vindeohan mo na lang. Kailangan detalyado talaga ang chismis?" sigaw ni Patrick
At sabay hagul-gol ni Patricia.
"Para maramdaman mo yung sakit! Ifeel mo ng bonggang-bongga para matauhan kang punyeta ka. Antanga tanga mo. Noon pa namin sinasabi sayong hiwalayan yun eh. Hindi mo ginagawa tapos iiyak-iyak ka dyan. Iuntog pa kita sa pader punyeta ka eh." sigaw ni Mildred.
Niyakap namin si Patrick. Kahit na sobrang tanga nya eh. Mahal na mahal namin sya.
"Ikaw? Sawi ka rin?" tanong ni Mildred sabay baling sa akin.
Tumango na lang ako na may malungkot na mukha.
"Tara! Laklakan tayo. Kalimutan muna natin ang mga putang-inang yan."
Maya-maya ay may nagtext kay Mildred. Natahimik sya at napatingin sa amin.
"Oh! Bakit?" si Patrick.
"Sige na kung jowa mo yan puntahan mo na. tsk! Bukas na lang tayo mag-inuman." ako
"Sorry guys ah. Ilang araw na kasi ako nangangati eh. Magpapakamot lang ako."
Pagkatapos sabihin iyon ni Mildred ay naghanda na sya para umuwi. Ganun din ang ginawa ni Patricia. Sabay silang lumabas sa bahay at ako naman ay naghanda na para matulog.
"Baka kulang pa yung katangahan ko. Kailangan pa dagdagan."
#FirstLoveTrial 4.0 "Unrequited"
"Ano ba! Wag kang makulit. Wag mong ipilit yung bagay na hindi pwede. Tsk!" sigaw ni Migs sa akin.
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay pumasok na sya sa loob ng bahay nya. Tinawag ko sya mula sa labas. Hindi sya sumasagot. Gusto ko talaga sya kaya lahat ay ginawa ko pero wala pa ring epekto. Tuloy tuloy lang ako sa pagiyak at paghikbi. Naghintay lang ako sa labas.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Naghintay lang ako sa labas ng bahay, umaasang pag nakita nya ako ay maaawa sya sa katangahang ginagawa ko. Naghintay, hanggang sa sumikat na ang araw. Nahiya na lang ako dahil marami na ang tao sa labas. Umuwi ako ng tuliro.
Hindi ako nakapasok. Hindi ako nakakain. Walang toothbrush. Walang hilamos. Nagmumukmok lang ako doon sa sulok ng kwarto ko. Nakatalungko ang mga tuhod ko at nakapatong roon ang baba ko.
"Wow! Congratulations. Tindi ng katangahan mo ibang level!" masayang banggit ni Mildred.
"Yes! Nabreak mo na ang record ko besty." si Patrick.
"Wag ka kasing assumera." si Mildred
Tinitigan ko sila ng masama. Pagkatapos ay humagul-gol ako ng napakalakas na parang bata. Sumigaw ako ng sumigaw haggang sa mawala ang boses ko. May mga kapit bahay na kumatok para itanong kung ano ang nangyari. Ang sabi na lang nila Mildred ay pinaputok lang daw nila yung pigsa ko sa pwet. Kahit wala naman.
Napagod din ako umiyak. Pinipilit ko na kalimutan ang sakit. Nakakainis yung ginawa ko. Para akong siraulo. Ok lang naman at least naexperience ko na magmahal. Masakit pala. Ang matindi pa dun, nakalimutan ko mahalin yung sarili ko.
Ok na ako. No more Migs.
Habang pauwi ako ay nakita ko yung tatlo. Si Migs, Mildred At Patricia. Papalapit sila sa akin. Parepareho silang nakangiti. At sabay inakay nila agad ako sa bahay ni Migs. Pagkapasok ko ay nakita ko yung banner na "Happy Birthday Jon" ang nakalagay. Akala ko ay walang makakaalala.
"Besty sorry ah" si Patricia
"Ako rin besty sorry." si Mildred
"Sorry din Jon, hindi ko sinasadya." si Migs
Nagataka ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung bakit sila nag-sosorry. Yun pala ay pinagtripan nila akong tatlo. Lahat ng dinanas ko ay kagagawan nila. Mga bwiset! Gusto daw nila iparanas sa akin kung papaano magmahal at masaktan. Para daw tigilan ko na ang pag-iinasim ko sa tuwing magrereklamo sila sa akin ng broken heart.
May girlfriend pala si Migs at ikakasal na pala sila. Dun lang ako natauhan na lalake pala talaga si Migs. Ang akala ko kasi eh, katulad ko sya. Ang naging problema ko lang naman kaya ako nahulog sa plano nila eh naga-assume kaagad ako ng kung ano-ano.
"Hanap ka pa rin ng lovelife, wag kang huminto. Hindi lang naman si Migs ang titi dito sa Pilipinas eh" si Mildred.
"Ok nako. At tsaka darating naman yan kung darating. Basta ako maghihintay na lang ako." sabi ko.
"Tanga! Matraffic sa EDSA at maraming pasikot-sikot dito sa QC. Eh kung maligaw yung lovelife mo at napunta sa iba edi nga nga ka."
Ah! Ewan, love is love bahala na. Basta ako masaya ulit bilang single. Kailangan mahalin ko muna ang sarili ko.
After a year. Nakilala ko si Romynick. Hindi gwapo at wala sa hinagap ko ang itsura. Pero napakabait at maalalahanin. In short naging kami. Ngayon mas sigurado na akong nagmamahal ako. Wala kasi akong makitang gusto ko sa kanya. Pero ayaw ko mahiwalay sa kanya sa kabila ng puro hindi magandang bagay na nakikita ko sa kanya. Totoo na 'to inlove nga ako. Doon ko nalaman na ang pagmamahal ay walang nakikitang mukha. Hindi nakikita ng pagmamahal ang itsura. Nakikita lang nya ang tamang tao para sayo. Kaya next time hindi na ako maiinlove sa mukhang artista.
Ganyan lang talaga. Masasaktan at iiyak ka. Pero pag nadapa ka, bangon ulit. Hanap ng iba hanggang sa makita mo ang tamang tao para sayo. Isipin mo na lang na naging training ground mo yung mga nauna para maging handa ka sa susunod. Wala naman talagang perpekto eh.
"Magpapakatanga ka rin ba sakin?" tanong ko.
"Hindi ah. Pero kung katangahan na lang ang natatanging paraan para maisalba ang relasyon natin. Magpapakatanga ako ng ilang ulit para sayo, wag ka lang mawala sa tabi ko." sabi ni Romynick
Nagkiss kami at pinatay nya na ang ilaw.
WAKAS...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment