Followers

Monday, July 13, 2015

Loving You... Again Chapter 23 - Nightmare's End




  














Chapter 23:
Nightmare's End














































Ren's POV



          Kasalukuyan akong nakipagtitigan sa kisame ng bahay ko at malalim na ang gabi. Hindi ako makatulog. Para maliwanagan kayo, wala akong problema sa pag-ibig. Hindi ito dahil doon kaya hindi ako makatulog. Ngayon, o bukas ata, Battle of the Bands na! Alam ko naman na hindi ako kasali sa mga tutugtog ng instrumento. Kaya lang, hindi ko maitago ang aking excitement sa magiging performance ng mga banda mamaya, o bukas. Nako! Hindi na nga ako sigurado kung ang araw na iyun ay ngayon, o bukas.



          Bumangon na lang ako at bumaba sa bahay saka binuksan ang kompyuter. Hindi talaga ako makatulog kaya magna-night battle ako!



Ren has entered the room...



Ren: YOOHOO~! May tao pa ba dito?

MarcoS: Andito pa ako at ako na lang ang natitira.

Ren: S, gising ka pa pala. Hindi ka makatulog?

MarcoS: Yeah. Hindi ako makatulog.

Ren: Laro tayo ngayon.

MarcoS: Tara! Duo tayo hanggang sa bumagsak tayo. Huwag ka nga lang bumagsak sa kalagitnaan ng laro natin.

Ren: Magandang ideya iyan! Tara! Laro!



          Kasama si S, naglaro kami magdamag at hindi na napansin na umaga na pala. Mabibilis ang mga laro namin. Maraming panalo, marami ding talo. Sa bawat laro namin, naiisip ko na ganito din ang buhay. Minsan, mananalo ka, minsan talaga, talo. Pero may ibang pagkakataon pa naman kaya go lang ng go.



MarcoS has entered the room...

Ren has entered the room...



Ren: Grabe! Hindi pa rin ako makatulog sa sobrang excitement. At ang sarap pala uminom ng tsokolate sa gabi.

MarcoS: Paano ka hindi makakatulog kung umiinom ka pala ng tsokolate?!

Ren: AY! AHH! Oo nga pala! Haha.



MarcoY has entered the room...

Yuuhi has entered the room...



Yuuhi: Wow! Gandang umaga guys. Ang aga natin ahh!

MarcoY: Morning Master S.

Yuuhi: You mean bait? Master bait?

Ren: Intentional pun?

Yuuhi: Hindi. Laging bait kasi si S sa clash noong isang araw na naglaro kami. Tapos, hindi pa namamatay kaya Master Bait.

MarcoS: Unless kung berde ang pag-iisip ng utak mo, may ibang meaning na iyung pinagsasasabi ni Yuuhi.

MarcoY: Master Bait! <3

Ren: Pwedeng huwag mo na iyang ulitin Y?

Yuuhi: For the record, hindi sa akin galing iyan.



MarcoH has entered the room...



Yuuhi: Ayan na pala ang pasimuno.

MarcoH: Hi guys! At pasimuno ng alin?

MarcoY: Master ****! <3

Ren: Salamat naman S at ginawa mo iyan.

Yuuhi: S, ano ang ginawa mo?

MarcoS: Tama na iyang mga pun na iyan! Blocked ko muna ang word.

MarcoY: Okay lang. Andyan pa naman ang word na masturbate.

MarcoS: ._.

Yuuhi: **********!

MarcoH: At may word na naman na na-block.

Ren: Good work S.

MarcoS: Behave please. Let's keep our group classy as possible. Lalo ka na Y. Nakarami ka na. Warning. Pati ikaw Yuuhi!

MarcoY: T_T

Yuuhi: Okay. Mananahimik na. Grabe. Ang KJ mo naman S.

Ren: Okay lang naman kasi kung si Yuuhi lang. Pero si Y, nahahawa na din ehh.

MarcoH: Basta ako, wala akong sinasabi. Nananahimik na ako dito.

Ren: Oras na para palitan na natin ang topic ngayon. Change topic!

MarcoH: Okay! And since kumpleto na naman tayo, group rank na tayo!

MarcoY: Okay! Tara!

Yuuhi: Game!

MarcoS: Ren, kaya mo pa?

Ren: Oo naman.

MarcoH: Teka, katatapos ko pa lang mag backread ng mga conversation sa group. Mukhang kanina pa kayo gising na dalawa ahh?

Yuuhi: Tinamaan na naman ata ng kaadikan ang dalawa.

Ren: Hindi kasi ako makatulog. Excited kasi ako para sa kung anong merong event ang mangyayari sa aming lugar.

MarcoH: At okay lang ba na patuloy pa kayong maglaro? May lakas pa ba kayo?

MarcoS: Hayaan mo na H. Lubus-lubusin na natin ang pagkakataon na online si Ren. Busy na nga siya nitong mga nakaraang araw.

Yuuhi: May point si S. Kaya maglaro na tayo at huwag na natin isipin ang mga kumplikadong bagay na iyan.

MarcoH: Pero isang game lang.

Ren: Game na nga! Tara na!



          Ilang minuto ang nakalipas, natapos na kami sa laro namin. Well, nanalo ang kapangyarihan ng pagkakaibigan naming lima!



          Sinuot ko ang aking asul na t-shirt para suportahan ang banda namin. Inayos ko lang ang sarili ko para sa Battle of the Bands. Just the way I really look. Apparently, idea ni Nicko na pinakinggan ko. Nalaman ko kasi na ang susuutin kasi ng mga taga-URS ay pula. Sayang! Paborito ko pa namang kulay ang dalawa.



          Nang okay na ako, pumunta na agad ako sa Music Room at naabutan sila na kumakain ng burger.



          Hi guys!" masiglang bati ko. May na-miss ba ako? Aside sa maisulat sa isang kwento?"



          Pinag-uusapan lang namin ang mga love life namin," sagot ni Joseph pagkatapos nguyain ang burger na kinakain nila. At welcome ulit sa singles club?" Nang-aasar na naman si Joseph.



          Ethan, ikaw ang mag-greet sa akin. Nasa Bitter Single club kasi itong si Joseph."



          Sapak? Gusto mo din?"



          Huwag niyo ng ganyanin si Joseph. Pagkatapos ng Battle of the Bands, malay niyo. Wala na iyan sa single club," sabat ni Paul.



          Ren, kain ka." Inabot sa akin ni Blue ang burger at kinuha ko.



          Siya nga pala Blue. Ayos na iyung cheering squad ng banda. Performance niyo na lang ang kulang."



          Okay guys! Galingan niyo ha!" saad ni Blue.



          Paano iyung mahal mong si Chris?" pang-aasar ni Joseph.



          Tiningnan ito ng masama ni Blue. May naisip akong bagong ritwal tuwing Battle of the Bands. Batukan nating lahat si Joseph."



          Magandang ideya iyan! Paul, hawakan mo na," nagliliwanag na saad ni Jonas.



          Hinawakan agad ito ni Paul ng mahigpit mula sa likod. Hoy guys! Seryoso kayo?!" saad niya habang nagpupumiglas.



          Guys, maawa naman kayo kay Joseph. Mercy naman para sa kaniya," pakiusap ko. Sa susunod na Battle of the Bands na lang para makapaghanda ang ulo niya."



          Mukhang magandang ideya iyan," pagsang-ayon ni Ethan. Pero mauna na akong babatok sa kaniya."



          Oi! Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ni Joseph.



          Well, long story short, masaya naming binatok-batukan si Joseph. Siyempre, hindi siya papayag na mabatukan lang at gumanti... at ako ang ginawang tribute.



          「Some days ago...



          Pumasok ako sa Music Room at agad na sinalubong ng yakap ni Jonas.



          Jonas, nagtataksil ka na kay Nicko?" nagtatakang tanong ni Paul.



          Okay ka lang ba?" tanong ni Jonas.



          Kapag ba sinagot ko ng oo iyang tanong mo Jonas, hindi ka ba maniniwala?" patanong na sagot ko.



          Ano ba ang nangyari? Hindi ko masundan ang mga nangyayari." tanong ni Joseph.



          Kinasal na si Kei at iyung fiancée niya na si Janice," sagot ni Jonas.



          Ano guys, pwede bang huwag na natin pag-usapan ang bagay na iyan? Umm... actually nga, na-witness ko pa ang kasal ng sarili kong mga mata," paliwanag ko habang papunta sa sofa ko at umupo.



          Harsh," kumento ni Ethan.



          Pero guys, I can handle it. No need for comforting. May gumawa na at okay na ako. At ang iniisip ko na lang ngayon, ang manalo sa tayo sa Battle of the Bands kaya galingan ninyo."



          Nanahimik sila ng ilang segundo at tiningnan lang nila ako.



          Inaantay niyo ba akong umiyak?" naiirita kong tanong.



          Mukhang masakit iyung nangyari sa iyo lalo na nung nagkwento ka na na-witness mo pa ang kasal. Baka nga, maya-maya, bigla kang umiyak," saad ni Blue.



          Yeah. I cried nonstop for 3 days and 3 nights and still alive kasi umiinom pa ako ng tubig para hindi ako ma-dehydrated. Pero tapos na iyun guys. Salamat na lang sa concern. And to be helpful, huwag niyo munang kantahin ang mga kanta ng Simple Plan."



          Tinipa ni Joseph ang ilang mga unang nota nung kinanta ni Kei. Tiningnan lang naman namin itong lahat.



          Bakit?" tanong ni Joseph.



          Okay guys. Tuloy niyo na iyung practice ninyo," utos ni Blue sa kanila.」



          Kasama si Harry, nakarating na kami sa venue ng Battle of the Bands. Ang daming tao.



          Ren, andito na pala sila Janice," saad ni Harry. Tinuro niya kung saan nakaupo sila Janice.



          Ren, Harry, dito!" Kinawayan kami ni Janice at tinuro ang upuan na malapit sa kanila na bakante.



          Parang mabigat ang bawat yapak na ginagawa ko habang papalapit sa kanila. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit pinakasalan niya si Janice. Gusto kong malaman. Gusto kong magtanong. Bawat gabi, kahit ngayon, inaantay ko na tumawag siya sa phone ko para lang ipaliwanag sa akin ang dahilan kaya pinakasalan niya si Janice. Kasalanan ko ba kaya wala na siyang magawa kung hindi pakasalan si Janice? Sabihin mo sa akin Kei kung anong dahilan. Please!



          Ren, sa tabi ka ni Kei maupo," untag ni Harry sa akin.



          Wala na lang akong magawa kung hindi ang umupo sa tabi niya. Tahimik lang ako. Hindi ako umimik dahil hindi ko pa kayang makipag-usap sa kaniya. Sure na natanggap ko na kasal na sila ni Janice. Pero... pero...



          Ren, kumusta ka na?" naitanong ni Kei.



          H-Ha? A-Ako? K-Kumusta na? Umm... Haha... Okay naman," pautal-utal na sagot ko.



          Bakit ka kinakabahan Ren?" tanong ni Harry.



          Wala naman Harry. Nahawa ata ako sa mga kabanda ko dahil sa kinakabahan talaga sila. Siyempre, pinili ko silang lahat, o iyung isa sa kanila. Basta! Kahit alam ko na hindi dapat ako kabahan dahil kay Joseph pa lang, taob na sila. What could possibly go wrong this time? Iyun ang iniisip ko," paliwanag ko.



          Walang mangyayaring masama Ren. Magiging okay din ang lahat," saad ni Kei.



          Nakuyom ko lang ang kamao ko dahil sa galit na nadarama. Iyan din ang sinabi niya sa akin parati. Magiging okay din daw ang lahat! Ha!



          Tumahimik na lang kami ng mga oras na iyun at nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita sa aming apat. Nagsimula naman ang Battle of the Bands at nag-perform na ang iba't ibang school. Naririnig ko lang ang hiyawan na ginagawa ni Janice. Ugh! Siguro talaga, hindi na dapat ako tumabi sa mga taong ito.



          Nang nag-perform na ang 'The Gravity', nagkaroon na ako ng rason para umalis. Wala sa beat ang drummer nila na si Brax. Mukhang may problema siya kaya masasabi ko na mananalo na ang school namin. Magdasal na lang sila na pumalya sila Jonas at Paul.



          Agad na tumayo ako.



          Saan ka pupunta? Hindi pa naman tapos ang performance ng banda ninyo ahh?" tanong ni Harry.



          Pasensya na guys. Aalis na ako. Masasabi kong mananalo na ang pambato ng school natin," paliwanag ko. Sige guys."



          Agad na naglakad na lang ako paalis bago pa sila makapagsalita. Hay nako! Ewan ko ngayon kung saan ako naiinis. Sa nangyari ngayon sa 'The Gravity' na magiging dahilan ng imminent naming pagkapanalo, o sa pagkumusta ni Kei sa kalagayan ko?



          Nakarating na ako sa motor ko. Inamoy ko muna ang hangin dahil mukhang uulan. Kailangan magmadali na akong pumunta sa bahay nila Blue. Doon daw kasi magaganap ang Victory Party, kung sakali kapag nanalo, o matalo ang banda. Pero panalo na kami ngayon pa lang.



          Pagkadating sa bahay nila Blue, nagtaka ang mama niya.



          Ohh? Ren? Nandito ka na agad? Panalo na ba ang banda ninyo?" nagtatakang tanong nito.



          Hindi pa po tapos. Pero sigurado na po ako na mananalo ang banda," sagot ko.



          Gaano ka ka-sigurado?"



          100% po," natatawa kong sagot. Sige po tita. Dito lang po muna ako sa labas para antayin sila."



          Sige. Maghahanda na pala ako kung mananalo talaga tayo."



          Iniwan ako ng mama ni Blue sa labas ng bahay. Nakarinig naman ako ng taong kumakatok sa gate nila. Si Allan. Papapasukin ko ba ang taong ito?



          Lumapit ako sa gate pero hindi ko ito binuksan. May record ka kay Blue."



          Yeah! May record! Pero hindi naman ibig sabihin noon ay bawal akong pumasok para kausapin ka," tugon ni Allan.



          Okay naman na mag-usap tayo ng ganito."



          Nakarinig kami parehas ng kulog.



          Ngayon? Okay na ba na mag-usap tayo ng ganito?" tanong ni Allan. Parehas tayong mababasa sa ulan."



          Anong parehas? Tatakbo lang ako dito sa loob ng bahay ni Blue at hindi ako mababasa sa ulan. Ikaw naman, malapit lang ang bahay mo. Kaya mag-usap na lang tayo ng ganito."



          Ren, sino ang kausap mo diyan?" tanong ng mama ni Blue na lumabas mula sa bahay.



          Umm... tita, ako po si Allan. Anak po ako ni Aida sa bahay na katapat po ninyo," pagpapakilala ni Allan sa sarili.



          May bad record po siya kay Blue at Aldred," dagdag ko.



          Hoy! Ren!"



          Anong klase namang bad record?" tanong uli ni mama ni Blue.



          Inaway po ni Allan silang dalawa," sagot ko.



          Pero po tita, magkaibigan po kami ni Ren," dagdag ni Allan.



          Hindi po totoo iyun," pagtanggi ko.



          Anong hindi totoo?! Tumigil ka!"



          Natawa na lang ang mama ni Blue habang lumapit sa gate. Ay nako! Mga kabataan talaga ngayon! Sa kakaibang paraan na naipapakita ang pagkakaibigan. Sha, sha, sha! Pumasok ka na Allan."



          Salamat po tita," natutuwang wika ni Allan habang pumapasok sa gate. Behave lang po ako dito sa labas kasama si Ren."



          Nag-text na pala sila Aldred at papunta na sila dito. Nanalo nga ang school niyo," balita ng mama ni Blue.



          Sabi ko na ehh!" kunot-noong saad ko.



          Wow! Congratulations pala sa inyo Ren!" bati ni Allan. Heh! Hindi ako natutuwa sa naging resulta ng laban.



          Ipagpatuloy ko lang ang paghahanda ko mga hijo." Bumalik naman sa loob ng bahay ang mama ni Blue.



          Bakit parang hindi ka masaya na nanalo ang school niyo?" tanong ni Allan habang naglalakad kami para umupo sa isang swinging chair.



          Walang challenge. Wala man lang thrill. Iyung tipong hindi mo alam kung sino ang mananalo," nayayamot kong paliwanag.



          Dahil ba sa walang thrill o dahil sa dahil katabi mo si Kei kanina?"



          Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Huh? Paano mo nalaman?" Ay bakit ko ba tinatanong! Siya si Mr. Lion.



          Actually, nanuod din ako kasama si Alexis kanina. Nakita ko din na katabi mo sila Kei. At nung pumalya na ang drummer ng 'The Gravity', nakita kitang tumayo. Ang nasa isip ko, marahil, gagamitin mo iyung dahilan para umalis na sa lugar na iyun dahil katabi mo si Kei. Kaya tumayo na rin ako at umalis para samahan kita dito," nakangiti niyang paliwanag.



          Oo. Ginamit ko nga iyung dahilan. Pero naisip ko, may lugar ba ako na magalit noong mga oras na iyun? Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit pinakasalan ni Kei si Janice. Kaya inaasahan ko na sasabihin niya sa akin. Pero wala pa rin siyang pinapaliwanag na bagay sa akin. Naisip ko na humahanap lang siya ng tiyempo. Naisip ko nga na iyung sitwasyon namin kanina ay isang magandang pagkakataon. Pwede kaming magkunyari na pupunta sa banyo o ganoon, pero hindi nangyari."



          Narinig namin ang tunog ng sasakyan sa labas ng gate. Kita na lang namin na lumabas ang mama ni Blue para pagbuksan ang kotse na service ng banda para makapasok sa loob ng bahay. Nang nakapasok na, niluwa nito sila Erica, Aldred, Nicko, Paul, Jonas, at Joseph. Huh? Asaan si Blue? At bakit naman parang hindi masaya si Paul sa nangyari?



          Dumiretso lang ito sa loob ng bahay ni Blue at nagsimula na ang kasiyahan.



          Bakit hindi ka sumali sa kanila?" tanong ni Allan.



          Magiging KJ lang ako kapag sumali ako. Walang kwenta iyung Battle of the Bands. Dapat ba akong magsaya?" sagot ko. Hay! Ewan! Ikaw Allan? Alam mo ba ang dahilan kung bakit pinakasalan ni Kei si Janice?"



          Ewan," kibit-balikat niyang sagot. Baka naman niloloko ka na talaga niya sa simula pa lang? Ewan ko lang ha pero ito ang perspective ko sa nangyari sa iyo. Ikaw ba? Ano ang masasabi mo?"



          Sa totoo lang, hindi ko din alam," kibit-balikat ko ding sagot. Pakiramdam ko kasi, naging totoo talaga siya sa akin. Pero ewan ko. Baka niloloko ako ng puso ko. Nabasa ko kasi na tumatanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig. Ewan ko kung totoo pero mukhang ako ang proof."



          Well, ganoon talaga. Ang magagawa mo na lang siguro, magpasalamat na nangyari ang bagay na ito kung kelan hindi malalim na malalim at matagal na matagal na kayong nagmamahalan. Umm... alam kong sa iba, hindi mahalaga kung gaano na katagal ang isang relasyon, meron naman taong pinapahalagahan iyun. Pero ang point ko kasi, kapag nagawa niya iyun sa oras na iyun, na nagmamahalan na talaga kayo at matagal na ang relasyon ninyo, mukhang magiging mas masakit at mas mahirap para sa iyo iyun Ren."



          Wala namang pinagkaiba iyun. Masasaktan ka din naman. At paano mo naman nalaman ang bagay na iyan? Nagmahal ka na ba ng matagal na matagal kaya nasasabi mo ang bagay na iyan?"



          Ha! Grabe kaya kapag nakisali pa ang mahabang panahon niyo ng pagsasama tapos mauuwi lang kayo sa isang hindi maayos na hiwalayan. At kung saan ko nalalaman ang bagay na iyan? Kailangan bang maramdaman ko iyan para masabi ang bagay na ito? Ang pag-ibig, parang katulad lang sa Math and Physics iyan. Siguro, alam mo na iyung Law of Gravity ni Isaac Newton at ang Free Fall Motion. Habang nag-iibigan kayo, hindi ba sinasabi niyo na para kayong nakalutang sa langit? Kunyare, literal na nasa langit kayo, umm... literal na nasa pinakababa pa lang kayo ng langit, at nung nagkahiwalay kayo, nahulog ka. Alam mo naman siguro na ang isang bagay na sakop ng gravity, may constant speed habang nahuhulog. At pabilis iyun ng pabilis dahil galing ito sa mataas na lugar. At kapag bumagsak, lata ka."



          Wow! Ang dami mo namang alam," gulat ko.



          Alam mo ba na may iba pang kasabihan tungkol sa pag-ibig?" tanong niya.



          Wala," sagot ko habang umiling.



          Ohh! So hindi mo pala din alam na ang pag-ibig, para rin iyang elevator at hagdan. Maraming gustong sumakay sa elevator. At kapag puno na, siyempre, aandar ito pataas. At iyung mga naiwan, maghihintay na lang na muli silang balikan. Pero alam naman nila na may hagdan para mapuntahan nila ang floor na kailangan puntahan. Ehh, ayaw nilang maghirap. Kaya nababalewala na iyung hagdan. Pahahalagahan na lang nila ito kapag may natural na sakuna o sunog na mangyari."



          May ganoon pala?"



          Siyemp- huh?" Tumayo si Allan. Ren, tara na sa loob. Uulan na."



          Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay ni Blue at sumunod ako. Bigla ngang umulan nang nakapasok na kami sa pintuan. Nararamdaman mo ang lamig dulot ng ulan sa balat ko. Dumungaw si Aldred sa pintuan.



          Si Blue kaya? Asaan na kaya siya?" tanong ni Aldred. Hindi na kaya siya sinauli ni Chris sa akin? Lagot talaga ang taong iyun kapag hindi niya ibinalik sa akin si Blue." Kinuyom ni Aldred ang mga kamao niya.



          Ohh? Nakausap pala siya ni Blue? Sinabihan kaya siya ni Blue na napakawalang kwentang performance ang ginawa nung banda niya?" tanong ko din.



          Ohh? Allan? Bakit ka nga pala naparito?" napaka-intimidating na tanong ni Aldred dito.



          Ahah! Pinapasok ako ni Ren dito," kinakabahang sagot ni Allan.



          Hindi ko ginawa iyun," agad na pagtanggi ko.



          Hoy! Nilalaglag mo ako ahh!"



          Iyung mama ni Blue ang nagpapasok sa kaniya. Sinabi ko nga din doon na may bad record sa inyo ang taong ito."



          Ganoon ba? Ahh! Mukhang nililigawan ka na niya matapos malaman na break na kayo ni Kei. Tama ba ako?" tanong muli ni Aldred. So totoo pala ang mga teyoryang ang mga taong homophobic ay mga patagong homosekswal."



          Nako Aldred. Naniniwala ako na si Allan ay hindi pasok sa teyoryang iyun," saad ko habang tinataas ang kamay ko, kasintaas ng baba ko, at kumaway ng napakahina.



          Dahil ba sa past experience iyan kaya nasabi mo ang bagay na iyan sa akin Aldred?" tanong ni Allan.



          Nag-unat ng katawan si Aldred. Ahh! Oo nga. Dahil sa past experience ko. Tandang-tanda ko pa noong una kaming pinaghiwalay. Pero hindi naman totally na pinaghiwalay kami. Nalaman ng papa ni Blue ang relasyon namin ni Blue. Siyempre, nagpaliwanag ako sa papa niya kung gaano ko siya kamahal. So, hindi na tumutol ang papa niya pero may isang kundisyon. Hindi ko na muna sabihin kay Blue at maghiwalay na muna kami pansamantala. Plano kasi ng papa niya na iregalo ako kay Blue pagdating ng kaarawan niya. Tapos iyun nga, naghiwalay na kami pansamantala. Pagkatapos, biglang umiksena si Chris. Aixt!" Sinabunutan saglit ni Aldred ang sarili. Iyun pa naman ang isa sa mga bagay na ayokong mangyari pero nangyari pa rin. Pero kasi, kailangan. Dahil doon, nalungkot pa lalo si Blue. Hindi na ako nakatiis. Wala na akong nagawa kung hindi sinabi na ang totoo kay Blue. Sira ang sumpresa ng papa niya."



          Sayang naman. Mukhang magiging maganda ang kalalabasan ng kwento nun kapag natuloy," kumento ni Allan. Siguro, balak ng papa ni Blue na pagdating ng gabi, kapag naibigay na ang lahat ng regalo, siyempre, mananatili na lang si Blue sa kwarto niya. Magpapasok si papa ng isang malaking box. Tapos lalabas si papa, then tutugtog ang musikang Birthday Sex. Tapos, lalabas ka mula sa box na nakahubad na may ribbon sa katawan, at nagsasayaw kasabay ng music. Magtatatalon sa tuwa si Blue at isang R18 scene ang kasunod. Imahinasyon sa parteng ito ay hindi na kailangan."



          Nagulat kami ni Aldred sa sinasabi ni Allan. Dream din kaya ni Allan iyun?



          Allan, hindi naman ganoon ang nasa plano na pinag-usapan ng daddy niya. Grabe ka naman. Ang wild mo pala," tugon ni Aldred. Ren, kung nanliligaw pala sa iyo itong si Allan, bastedin mo na. Ang wild ehh. Mukhang sex lang ang habol sa iyo. At tsaka, baka maalala mo naman ulit si Kei dahil sa taong ito? Take note, sinasabi ko sa iyo ang bagay na ito dahil concerned ako sa iyo."



          Umm... alam mo Aldred, para nga siyang isang lion," hindi ko siguradong saad.



          Mas malala. Bastedin mo na."



          Hoy, anong sinasabi mo na para akong lion?" naiiritang tanong ni Allan.



          Natigil ang pag-uusap namin nang may narinig na lang kaming motor at bumusina ito ng ilang beses.



          Ahh! Mukhang nandito na sila!" Pumunta si Aldred sa gate at binuksan ito.



          Mukhang nadagdagan na naman ang wost impression mo sa akin," wika ni Allan.



          Kasalanan mo iyun. Grabe ka talaga," nasabi ko na lang. At tsaka worst din naman ang first impression ko sa iyo kung hindi mo alam."



          Napakamot si Allan sa ulo niya. Ahh! Oo nga pala."



          Pumasok naman agad sila Aldred, Chris at Blue sa loob ng bahay at hindi kami napansin ng dalawa habang dumaan sila. Basang-basa ang dalawa pati si Aldred. Mukha namang nagpalit ang tatlo sa mga kwarto sa taas. Biglang nanahimik ang lahat saglit at itinuloy ulit nila ang kanilang kasiyahan maliban lang kay Joseph na hindi mapigilan tingnan si Chris. Ilang segundo ang nakalipas, nayayamot na hindi na niya ito tingnan at nakihalubilo na kila Paul. Nakarinig naman kami ngayon na may kumakatok sa gate ulit nila Blue.



          Lumapit sa amin iyung mama ni Blue at may hawak itong payong. Ahh! Mukhang andyan na si balae. Ren, Allan, o kahit sino man sa inyo, tulungan niyo akong kunin iyung mga pagkain na niluto ni balae."



          Ako na po para makabawi sa bad record na sinasabi ni Ren," pagprisinta ni Allan.



          Na totoo naman," dagdag ko.



          Dahil sa lakas ng ulan, ang mama ni Blue ay pinayungan si Allan habang si Allan ang gumagawa ng trabaho. Binuksan ni Allan ang maliit na gate at kinuha ang isang malaking lalagyan ng pagkain. Kitang-kita ko naman siya na nahihirapan dahil sa nag-usap pa ang magbalae. Nababasa-basa na kasi siya. Natawa ako ng bahagya sa nangyayari sa kaniya.



          Ilang minuto ang nakalipas, gumalaw na ang magbalae at pumasok na sa bahay. Nilagay lang ni Allan ang lalagyan sa mga nakahilerang pagkain sa kasiyahan. Ang iba naman ay nagsimula ng magsaya at nagkakakanta na ng We Are the Champion. Bumalik ulit si Allan sa tabi ko.



          Intindihin natin sila. Kaya ko naman ehh," paunang salita ni Allan habang naglalakad siya papunta sa akin habang may hawak songbook.



          Wala pa akong sinasabi," natatawa kong tugon.



          Yeah. Pero most likely na iyun ang magiging sagot ko. Hey, bakit hindi tayo mag-karaoke? Kanta tayong dalawa," yaya niya habang naglilipat ng pahina sa songbook.



          Honestly, hindi ako confident boses ko tapos kakanta pa ako."



          Hindi siya sumagot sa sinabi kong iyun at patuloy na naglipat ng mga pahina sa songbook. Lipat dito, lipat doon, hanggang sa napakamot sa kaniyang ulo ng ilang segundo at naghalungkat ulit.



          Nakakairita din pala ang mga songbook at ang mga nag-a-upload ng mga kanta sa karaoke. Namimili talaga ng mga famous na kanta at ayaw talaga doon sa mga magagandang kanta," naiirita niyang saad.



          Maya-maya, nakita ko na lang na bumaba na sila Aldred, Blue at Chris. Nakapagpalit na nga sila ng damit at mukhang suot ni Chris ang damit ni Blue. Lumapit ako sa kanila kasabay ng paglapit ng mga magulang ni Blue at Aldred sa kanila. Pero habang lumalapit ako, parang may lumalabas sa utak ko. Ang sakit ng ulo ko.



          Hey, Ren, okay ka lang?" usisa ni Allan sa akin.



          Hah! Agh!" ungol ko habang nasapo ko ang aking ulo.



          「Kasalukuyang kong hinahanap si Keifer, at tinatahak ang dinaanan niya sa lupon ng mga maraming taong ito. Sabi niya sa akin, ipapakilala niya ako sa pinakamamahal niyang papa. Tungkol naman sa mga lupon ng mga taong ito, isa itong pagtitipon. Hindi sinabi ni tatay kung anong klaseng pagtitipon pero may kinalaman daw ito sa trabaho ni tatay.



          Sa wakas ay nakita ko din si Kei na kasama ang isang medyo matandang lalaki na mukhang ka-edad ni tatay. Ito siguro marahil ang papa niya.



          Papa, papa, ipapakilala kita sa kaibigan ko," pagtawag ni Kei sa atensyon ng taong ito.



          Nakuha naman ni Kei ang atensyon ng papa niya at luminga-linga saglit. Saan anak? Sino ba?"



          Tinuro ako ni Kei. Siya po papa." Lumingon ang papa niya sa posisyon ko.



          Lumapit ako sa kanila. Magandang gabi po," bati ko.



          Ahh! Magandang gabi din hijo," nakangiting bati din ng papa ni Kei.



          Hindi naman ito nagsalita ng ilang segundo at parang masusi akong inuusisa. Nakatingin siya sa mga mukha ko na may parang gustong sabihin pero hindi nito masasabi-sabi.



          Hijo, pwede ko bang malaman ang pangalan ng papa mo? At ang pangalan mo na rin?" tanong nito sa akin.



          Ako po si Ren Villarica. Callisto Villarica naman po ang pangalan ng tatay ko," magalang na pagpapakilala ko sa sarili.



          Ohh! Anak ka pala ni Callisto."



          Magkakilala po ba kayo ng tatay ko?"



          Tatay pala ang tawag mo sa kaniya. Oo. Magkakilala kami ng tatay mo. Sa katunayan nga, matalik kaming magkaibigan."



          Tama ba iyung narinig ko pa? Magkaibigan kayo ng tatay ni Ren?" sabat ni Kei.



          Natawa ng payak ang papa ni Kei. Anak, hindi ka pa bingi kaya sigurado ako na narinig mo iyun ng mabuti."



          Ren, ay salamat naman!" rinig kong saad ni tatay.



          Napatalikod ako sa pinanggalingan ng boses ni tatay at masayang binuhat niya ako matapos makita ako sa party na iyun.



          Pasensya na po kung nakagulo ang-" Biglang naputol ang paghingi ng dispensa ni tatay nang makita niya ang papa ni Kei.



          Okay lang naman. Hindi naman siya nakagulo sa amin," tugon ng papa ni Kei. So kumusta ka na Callisto? Matagal na rin pala tayo na hindi nagkita. Ilang taon na ba ang nakalipas?"



          Ibinaba ako ni tatay. Hindi ko na natatandaan. Pasensya na."



          Tipid na tumawa ang papa ni Kei. Hay! Okay lang naman. Kamukhang-kamukha mo talaga ang anak mo noong bata ka pa."



          Ma, ma, ipapakilala ko siya sa inyo," saad naman ngayon ni Harry habang hila niya ang isang medyo matanda na ding babae. Ito siguro marahil ang mama ni Harry.



          Anak, huwag kang magmadali. Mahirap lumakad kapag ang gown ko ay halos matapak-tapakan-" maarteng paliwanag ng mama ni Harry ngunit naputol ito nang mukhang nagkatinginan ang mga magulang namin.



          Ma, siya po iyung kaibigan na nakilala ko. Si Re-"



          Kilala ko siya Harry," pagputol ng mama ni Harry sa sasabihin nito. Siya si Garen Villarica tama ba ako? Matagal na rin pala Callisto Villarica. Maalala ko. Kaya ba gusto mong tanggapin ang bakla sa pamilya natin dahil ganoon ka Calvin? Mukhang malalim nga talaga ang pinagsamahan ninyo ni Callisto."



          Hilda, tumigil ka na!" pagpapatigil ng papa ni Kei.



          Anak, halika na. Umalis na tayo," mukhang kinakabahang saad ni tatay.



          Hinila ako paalis ni tatay sa kasiyahang iyun pati si nanay kasama si kuya Lars nang makasalubong namin. Nagmamadali si tatay. Bakit kaya umalis kami sa kasiyahang iyon? 」



          Ren, umupo ka dito." Inalalayan ako ni Allan sa sofa at pinaupo.



          Anong problema Ren? Sumakit na naman ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Erika na lumapit na sa akin saka umupo sa sofa.



          Hi Erika. You look gorgeous everyday," bati ko. Ganda ng pulang dress mo na kumakampi ka kay Chris."



          Winagayway ni Erika ang buhok niya. Salamat. Alam ko na iyan Ren. May sasabihin ka pa ba?"



          Wala na. Sumakit lang ang ulo- Agh!"



          Teka? Anong gagawin natin? Ano ang gagawin ko?" nagpapanik na saad ni Allan.



          Hey, sino ka nga?" tanong ni Erika kay Allan.



          Umm... Allan. Allan Mercer," pagpapakilala ni Allan.



          Allan, pwede bang lumayas ka muna dito?" pakiusap ni Erika.



          Pero paano si Ren?"



          Hind ko na uulitin ang sinabi ko. Alis, tsupi, get out, lost, basta! Makihalubilo ka sa mga tao dito."



          Wala akong mga kaibigan sa mga taong iyun."



          Guys! Masakit pa rin ang ulo ko! Do something!" sabat ko.



          Bahala ka na sa buhay mo Allan. Make friends with them! Layas!" pagpapaalis dito ni Erika.



          Sinamaan ito ng tingin ni Erika dahilan para umalis si Allan at nakihalubilo doon sa mga tao. Agad na may hinalungkat si Erika sa bag niya at ibinigay sa akin.



          Heto. Paracetamol. Inumin mo na iyan." Nag-abot din siya sa akin ng tubig.



          Kinuha ko ang mga binigay ni Erika sa akin at ininom.



          Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Erika sa akin.



          Nakahinga ako ng maluwag. Oo. Okay na. Kahit hindi naman agad-agad na tumatalab ang gamot," sagot ko. Bakit ka nga pala may dalang Paracetamol?"



          Ahh! Iyan ba? Gorgeous kasi ako kaya dapat, lagi akong handa."



          Hindi ba girl scout dapat ang tamang salita para diyan? At bakit ang bait mo sa akin ngayon? Nagpapa-impress ka lang ata kay Chris ehh."



          Shut up! Ito ang gusto ko ehh! At malay mo naman. Ma-realize ni Chris na balikan ako dahil nakita niya kung gaano ako ka-caring na babae sa ibang tao!" simangot ni Erika.



          Hindi mo pala alam ang latest ngayon kay Chris?"



          Anong latest?"



          Wala."



          Teka nga? Ano nga? Iluwa mo nga iyang Paracetamol sa bibig mo!"



          Yuck! Kadiri ka Erika! Ininom ko na! Nasa tiyan ko na!"



          Tumahimik si Erika saglit at tiningnan ako. Oo nga pala. Hindi na kita nakumusta nitong mga nakaraang araw. Busy kasi ako at may mga literal na mga taong nakakasakit ng ulo. Hindi mo ba alam na alam na ni Joseph ang ginawa namin noon? Galit na galit talaga siya sa akin nang malaman niya. Pero naging okay naman ang lahat. At hindi ka na namin idinamay na alam mo ang sikreto namin. Habang ikaw naman ay hindi naging okay. Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.



          Mabagal pala ang balita kapag papunta sa iyo. Oo Erika. Okay naman ako. Masakit talaga, pero unti-unti ko ng natatanggap."



          So iyung Allan na iyun ang ipapalit mo?" Tinuro niya si Allan na kumakain na at nakatingin sa amin.



          Siguro? Hindi ko alam," kibit ko ng balikat.



          Eto ha! Dahil concern ako sa iyo, tututol ako kay Allan."



          Approve, wala. Tutol, dalawa," natatawa kong saad.



          Oo nga! Seryoso. Tutol ako kung magkakaroon kayo ng mas malalim pang relasyon. Hindi sa ayoko na magka-love life ka dahil alam kong tutol si tito diyan. Siyempre, kaka-break mo lang kay Kei, tapos may panibago ka na naman? Paano kung ganoon ang gawin na naman ni Allan sa iyo? Alam mo Ren, minsan, bigyan mo naman ang puso mo ng pahinga sa pag-ibig. Hanap ka nga ng hanap. Pero sa bawat tao na nahanap mo, iiwan ka lang pala at sasaktan. Nakakapagod sa puso iyun at nakakasakit ng utak. Sometimes, give your heart a break and not a heartbreak," mahabang paliwanag ni Erika.



          Marami ka rin palang alam sa pag-ibig kahit single ka pa lang," natatawa kong saad.



          Aba! Ang isang gorgeous na katulad ko ay dapat maging matalino sa mga bagay-bagay na hindi ngangailangan ng pag-aaral mula sa eskwelahan... except fashion. At tsaka, hindi naman ako katulad mo na tagakweba."



          Umakto ako na mas lalong sumakit pa ang ulo ko. Erika, mas lalo pang sumakit ang ulo ko."



          Tama lang iyan kaysa naman puso mo ang lagi masasaktan."



          Hindi na ako nagpanggap. Ang totoo, ayos na ang ulo ko. Hindi na masakit. Pero iyung mga ala-ala na naalala ko, malinaw na malinaw. Hilda, ang mama ni Harry. At Calvin, ang pangalan ng papa ni Kei.



          Aside from that, bakit mukha kang hindi ka nasisiyahan na nanalo ang banda? Nakita kita sa venue kanina. Umalis ka habang nagpe-perform ang 'The Gravity'," tanong ni Erika.



          Well, napanood mo naman siguro na hindi tayo binigyan ng magandang laban nila Chris. Ano ba naman iyun? Pumalpak iyung drummer nila. Ang galing-galing ng drummer nila tapos magiging ganoon lang ang performance nila? Hindi ko tanggap na ganoon lang tayo kadali na nanalo," reklamo ko.



          Oo nga napansin ko iyan. Wala ngang kwenta iyung laban. Pero kahit ganoon, dapat mag-celebrate pa rin tayo. Tandaan mo Ren. Idea ko kaya itong Music Club. At tsaka may dalawa pang Battle of the Bands na darating sa college life natin. Malay mo. Sa susunod na Battle of the Bands, gagalingan nila."



          Nakita na lang namin na lumalapit si Chris kasama sila Aldred at Blue sa kinauupuan namin ni Erika.



          Oh my gosh! Iyung buhok ko ba Ren, maayos? Maganda pa rin ba ako? Gorgeous pa rin ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Erika.



          Erika, kinausap lang kita. Mukha bang ginugulo ko ang buhay mo habang kausap kita kanina?" tugon ko.



          Ahh! Chris, siya naman iyung Vice President ng ng Music Club. Si Ren Castillo Severin," pagpapakilala sa akin ni Aldred.



          Kailangan ba talaga na full name ang pagpapakilala sa akin?" reklamo ko.



          Hi din Chris," bati ni Erika. Halata pa sa boses niya na inaakit si Chris.



          Hi din Erika," bati din ni Chris at tinaas ng konti nito ang kanyang kamay at tipid na ngumiti. Binaling nito ang tingin sa akin. Wait, parang kilala na kita? Nagkita na tayo dati right?"



          Yeah. Ako iyung nakipagsapakan doon sa drummer niyo na si Brax," pagkumpirma ko.



          Chris, baka naman kamag-anak mo iyan?" pang-aasar pa ni Aldred sa akin.



          Umakto itong nag-iisip. Ahh! Baka nga. Medyo gwapo nga siya ehh. Baka kamag-anak ko siya sa side ng papa ko. Ikaw iyung 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe right? Iyung pumunta sa school ko na nagtanong sa kaibigan ng guitarist ko tungkol sa banda namin."



          Nakikisakay ka lang sa biro ni Aldred hindi ba?" naiirita kong tanong.



          Ren, umamin ka na," sabat ni Paul na malayo sa amin.



          Nako guys! Huwag niyo ng biruin si Ren kung kamag-anak ba niya talaga si Chris o hindi. Basta kami ni Nicko, alam na namin na hindi kamag-anak ni Ren si Chris," natatawang saad ni Jonas. Inilapit naman nito si Nicko sa kaniya.



          Pero kung ako ang tatanungin niyo, mukhang kamag-anak ni Ren sila Chris," dagdag pa ni Blue.



          Blue, huwag ka nga makisakay sa pagbibiro ng boyfriend mo. Baka maniwala sila kapag ikaw na ang nagsabi," naiirita ko ulit na tugon dito.



          Sandali lang? Pwede bang sabihin niyo na talaga sa amin kung kamag-anak ba talaga ni Ren ang pamilya nila Chris o hindi? Mukhang alam niyo pero ayaw niyong sabihin sa amin?" reklamo ni Joseph na nakisali na din sa usapan. At umiinit na ang lahat. Sana naman, may tumulong sa akin ngayon! Tulong!



          Joseph, kakantahin ba natin ito hangga't nandito pa si..." Tinuro ni Allan si Chris. Nakuha naman niya ang atensyon ng mga tao. Good job Allan.



          Umm... sino naman siya?" tanong ni Chris.



          Hi. Allan Mercer. Nice to meet you," pagpapakilala ni Allan.



          Ahh... okay."



          Ano bang kanta iyan na ayaw niyong iparinig kay Chris? Patingin nga?" Lumapit si Paul kay Allan na tinuturo ang isang kanta sa songbook. Maganda iyan. Isalang na iyan." Lumapit ito sa karaoke at pinindot ang mga numero na kakantahin nila.



          Tara! Kantahin nating tatlo!" Lumapit si Joseph sa karaoke at kumuha ng mike.



          How are you today Chris? Aside sa resulta ng Battle of the Bands?" tanong naman ulit ni Erika.



          Okay lang naman Erika," tipid na tugon ni Chris.



          Nagsimulang tumugtog ang pinili na kanta nila Allan, Joseph, at Paul. Mukhang may sigawan ata na magaganap sa kakantahin nila.



Oh no, I just keep on falling.
(Back to the same old...)
And where's hope when misery comes crawling.
(Oh, my way, ay...)
With your faith, you'll trigger a landslide.
(Victory)
To kill off this common sense of mind.

It takes acquired minds, to taste, to taste, to taste this wine.
You can't down it with your eyes.
So we don't need the headlines.
We don't need your headlines.
We just want!

(We want the airwaves back, we want the airwaves back)

Everybody sing like it's the last song you will ever sing.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?
Everybody live like it's the last day you will ever see.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?

Right now you're the only reason.
(I'm not letting go, oh...)
And time out if everyone's worth pleasing.
(Well ha-ha!)
You'll trigger a landslide.
(Victory)
To kill of their finite state of mind.

It takes acquired minds, to taste, to taste, to taste this wine.
You can't down it with your eyes.
So we don't need the headlines.
We don't need your headlines.
We just want!

(We want the airwaves back, we want the airwaves back)

Everybody sing like it's the last song you will ever sing.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?
Everybody live like it's the last day you will ever see.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?

Alright, so you think you're ready?
Ok, then you say this with me.
Go!
We were born for this.
We were born for this.
Alright, so you think you're ready?
Ok, then you say this with me.
Go!
We were born for this.
We were born for this.
We were born for this.
We were born for this.

We were born for...
We were born for...

Everybody sing like it's the last song you will ever sing.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?
Everybody live like it's the last day you will ever see.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?
Everybody sing like it's the last song you will ever sing.
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?
Tell me, tell me, do you feel the pleasure now?

We were born for this.
We were born for this.
We were born for this.



          Pumalakpak kaming lahat sa performance ng tatlo. Feel na feel talaga nila ang kanilang kanta. Parang pinatatamaan talaga nila Joseph at Paul si Chris. Si Allan, nakipag-apir kila Joseph at Paul. Mukhang magkaibigan na silang tatlo.



          Nako! Bigla ko tuloy naalala si Edmund. Iyan yata iyung paborito niyang kantahin kapag masaya siya," saad ni Erika. Kumusta na kaya siya? Kelan kaya magigising ang master kong iyun sa karate? Balita ko, binabantayan, siya ng boyfriend niya na si Gerard! Isa pa naman si Edmund sa mga crush ko dati pero ayoko lang dahil hindi siya pasok sa age bracket ko."



          Sabi naman ng doktor, magdasal na lang tayo na magising siya. Malayo na siya sa kamatayan pero hindi pa rin siya magising-gising," wika ko.



          Sige guys. Aalis na ako. Alam ko naman na para sa mga kampyon lang ang party na ito," paalam ni Chris at naglakad na paalis kasama si Aldred.



          Bye Chris. Buti at alam mo," sakastikong saad ni Joseph.



          Tama. Buti alam mo!" gatong pa ni Paul.



          Habang hinahatid ni Aldred, lumingon pa ito pabalik sa amin at sinimangutan lang kami. Mukhang nagtitimpi lang si Chris sa mga pinaggagawa nung dalawa.



          Hay nako guys! Ang mean niyo talaga kay Chris," maarteng saad ni Erika.



          Dapat lang sa kaniya iyun," nayayamot na wika ni Joseph.



          Dahil wala na siya, ituloy na natin ang kasiyahan!" pasigaw na saad ni Paul.



          Sige Ren. Samahan ko lang sila sa kanilang kasiyahan. Mag-enjoy tayo okay?" saad ni Erika at tumungo na karaoke para kumanta.



          Hay nako! Sa wakas ay nakalapit na din ako!" saad ni Allan matapos ibagsak ang katawan sa sofa.



          Ang galing mo pala kumanta," bati ko. Buti naman at kumanta lang."



          Anong relasyon mo kay Erika? Magiging karibal ko ba siya?" tanong niya.



          Natawa ako ng payak. Grabe ka naman! Pero hindi nga? Bagay din ba kami ni Erika?"



          Nako Ren! Umasa ka pa. Hindi kayo bagay!"



          Weh? Kanino ako bagay aber?" tanong ko.



          Ano ba namang klaseng tanong iyan? Huwag na. Lumalabas lang ang pagiging narcissist ko sa mga tanong mong iyan," pagtanggi niya na sagutin ang tanong ko. Iyung tanong ko kanina kung ano ang relasyon mo kay Erika, biro ko lang iyun. Paano? Kung paalisin ako, para ba namang magiging balakit ako sa love story ninyo. At tsaka alam ko talaga ang relasyon ninyong dalawa." As expected kay Mr. Lion.



          Gusto lang naman niyang makipag-usap sa akin ng sarilinan. At tsaka binigyan niya ako ng gamot para mawala na ang sakit ng ulo ko."



          Ohh? Wala na pala iyang sakit ng ulo mo. Tara na at makisalo sa kasiyahan nila."



          Tumayo si Allan at pumunta na sa kasiyahan. Napapansin ko talaga ang mga aksyon na ginagawa niya sa akin. Hindi niya ginagawa ang mga bagay na magpapaalala kay Kei. Ang ingat niya.



          「Lumaki ang mata ni tita Mylene. Nganong lain na ang imong ngalan? Ang apelyido ug ang middle name mo, ngalan sa imong ginikanan. Imuhang ngalan bitaw kay Ren Villarica kung husto ang akong paghuna-huna. Ang ngalan ng nanay at tatay mo, Vernice ug Callisto." (Bakit iba na ang pangalan mo? Ang apelyido at ang middle name mo, pangalan ng magulang mo. Ang pangalan mo ay Ren Villarica kung tama ang pagkaalala ko. Ang pangalan naman ng nanay at tatay mo, Vernice at Callisto.")」



          Pero may bagay na mas lalong nakakagulo para sa akin. Bakit magkaiba ang pagkakakilala sa akin ni tita Mylene at ang mama ni Harry? At talaga bang namatay na ang kababatang hinahanap ng dalawa? Hindi ko maintindihan. Paano kung ako ang taong hinahanap ng dalawa? May tao kaya na kilala talaga ako kung sino ako at patuloy na pinoprotektahan? Si Mr. Lion kaya ang gumagawa ng paraan?



          「Kailangan bilisan ko pa. Bilisan ko pa. Tumunog na ang alarm hudyat na tapos na ang sampung minutong time limit. Nakatama ako. Nanalo ako! Humarap naman ako kay kuya Lars na pumapalakpak sa likod ko.



          Magaling Ren," pagpuri ni kuya Lars.



          Binaling ko naman ang tingin ko sa naka-maskara na si Mr. Lion.



          Natalo ako. Hindi ko ito inaasahan pero natalo ako," malungkot na saad ni Mr. Lion.



          Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko. Mr. Lion, ipakita mo na sa amin ang mukha mo? Nag-promise ka dito sa kapatid ko na huhubarin mo ang maskara mo kapag natalo ka."



          Siyempre naman po kuya Lars," pagsang-ayon ni Mr. Lion.



          Inilagay naman ni Mr. Lion ang mga kamay niya sa kanyang maskara. Nalaman ko na siya pala si Harry.



          Ikaw pala iyan Harry!" natutuwang saad ko.」



          Nagulat ako sa rebelasyon na aking nakita. Hindi maaari. Iyung Harry pala sa ala-ala ko si Mr. Lion. Pero si Allan. Asaan siya doon sa mga ala-ala ko? Hindi ko pa rin matandaan lahat. Saan siya doon?



          Halika na Ren dito! May kanta ako para diyan sa inis mo ngayon!" tawag ni Allan sa akin habang may hawak na songbook. Pinindot naman niya ang ilang buton sa karaoke.



          Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Anong kanta naman iyan?"



          Agad niyang pinili ang kanta para tumugtog. Iyan! Maganda iyan. Kantahin mo ng ubod ng inis. Ibuhos mo sa kantang iyan iyung inis na nararamdaman no."



          Sige ba. Tutal, alam ko naman, iyung lyrics ng kanta."



          Mukhang maganda ang kantang iyan. Sali ako," dagdag ni Joseph na kumuha din ng mikropono.



Well, she lives in a fairy tale,
Somewhere too far for us to find.
Forgotten the taste and smell,
Of the world that she's left behind.
It's all about the exposure the lens I told her.
The angles are all wrong now,
She's ripping wings off of butterflies.

Keep your feet on the ground.
When you head's in the clouds.
Well go get your shovel.
And we'll dig a deep hole.
To bury the castle, bury the castle.
Well go get your shovel.
And we'll dig a deep hole.
To bury the castle, bury the castle.

Ba da da ba da ba ba da

So one day he found her crying,
Coiled up on the dirty ground.
Her prince finally came to save her,
And the rest you can figure out.
But it was a trick,
And the clock struck twelve.
Well make sure to build your heart brick by boring brick.
Or the wolf's gonna blow it down.

Keep your feet on the ground.
When you head's in the clouds.
Well go get your shovel.
And we'll dig a deep hole.
To bury the castle, bury the castle.
Well go get your shovel.
And we'll dig a deep hole.
To bury the castle, bury the castle.

Oh whoa oh whoa oh whoa oh whoa

Well you built up a world of magic.
Because your real life is tragic.
Yeah you built up a world of magic.

If it's not real,
You can't hold it in your hand.
You can't feel it with your heart.
And I won't believe it.
But if it's true,
You can see it with your eyes.
Oh, even in the dark.
And that's where I want to be, yeah!



          Sige Ren. Bigay todo!" sigaw ni Allan.



          Go Joseph!" sigaw din ni Jonas.



Well go get your shovel.
And we'll dig a deep hole.
To bury the castle, bury the castle.
Well go get your shovel.
And we'll dig a deep hole.
To bury the castle, bury the castle.



          Sabay-sabay tayo guys!" sigaw ni Joseph.



Ba da da ba da ba ba da
Ba da da ba da ba ba da
Ba da da ba da ba ba da
Ba da da ba da ba ba da



          Woohoo! Galing din pala ni Ren kumanta," puri ni Blue. Okay. Sino next na kakanta?"



          Kami naman ni Nicko. Fireflies," saad ni Jonas.



          Woo! Grabe! Ang sarap ng pakiramdam ko," wika ni Joseph.



          Feel better?" tanong ni Allan.



          Yeah!" masaya kong sagot. Minsan pala, mas maganda na ikanta mo na lang ang feelings mo."



          Naman. Hindi lang naman puro pag-iyak lang ang kayang gawin ng tao para ilabas ang kanilang nararamdaman. Kaya mas maganda na ikanta mo na lang."



          Oo nga! Party party na tayo!"



          Yeah!" sigaw nila.



          Mag-uumaga na nang makabalik ako sa bahay. Magdamag na pala kaming nagsasaya sa bahay ni Blue. Pagkabalik sa bahay, may sasakyan na nakaparada. Kay Harry ang sasakyan na iyun. Ano ba iyung na naman kaya ang kailangan niya? At tamang-tama naman na may itatanong ako sa kaniya. Pero paano kung anak nga siya talaga ng taong iyun? Ano ang gagawin ko?



          Aga-aga at nandito ka sa bahay ko ahh?" Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang bagong password ng gate.



          May gusto akong sabihin sa iyo," tugon niya.



          Bakit? Ano naman iyun?"



          Bumaba ako sa motor at pinindot ang mga buton na passcode ng gate. Pagkapasok ko ay binuksan ko ang malaking gate para makapasok ang sasakyan niya.



          Pasok ka," yaya ko.



          Ipinasok nito ang kanyang sasakyan sa bahay ko. Nauna na akong dumiretso sa kusina ng bahay ko at naghanda ng mabilisan na agahan. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ng tsokolate saka nilagay sa microwave para painitan.



          Hindi mo pa rin ba aaminin sa akin?" tanong ni Harry mula sa likod ko. Nandyan na pala siya.



          Hinarap ko si Harry. Anong aaminin?"



          Na may lihim na relasyon kayo ni Kei."



          Tumaas ang kilay ko sa narinig. Paano mo nalaman?"



          Natawa si Harry ng bahagya. So wala pala siyang sinasabi sa iyo. Sinasabi ko na nga ba." Bumuntong-hininga siya. Ang rason kung bakit nagpakasal si Kei kay Janice ay dahil nalaman ni Janice ang relasyon niyo ni Kei. May nakita siyang litrato mo na natutulog at mukhang pagod na pagod galing sa isang mahirap na gawain. At sa pamilya namin, bawal ang relasyong ganoon. Kaya para isalba ang buhay mo, nagpakasal siya kay Janice."



          Nasapo ko na lang ang ulo ko sa narinig na paliwanag kay Harry. Kasalanan pala naming dalawa kaya naging ganito ang kinahinatnan ng aming relasyon. Hanggang sa huli, ako pa rin ang iniisip niyang isalba.



          Anong sinasabi mo?" maang ko pa rin.



          Kita ko na kinuyom ni Harry ang kanyang kamao at mukhang nagagalit. Grabe! Kahit nahuli na kita, nagmamaang-maangan ka pa rin! Ganoon mo ba talaga kamahal si Kei?! Magmamaang-maangan ka pa rin hanggang sa huli para mapagtakpan ang kasalanang ginawa niya?! Wala ka ng magagawa Ren! Kasal na sila Kei at Janice! Kung umamin ka na lang sana, magiging maayos sana ang lahat sa pagitan natin!"



          Tumunog ang microwave at nilabas ko ang tinapay na sinalang ko. So nananadya ka pala nitong mga nakaraang araw para saktan talaga ako? Great job Harry," sarkastikong saad ko. Fine. Aaminin ko. Yes, may lihim kaming relasyon ni Kei. Tinago namin ito sa lahat dahil sa gusto niya. Pero kahit ganoon, ang sarap niya magmahal. Ang swerte ko nga na dahil sa kaniya ko naranasan lahat. At salamat at pinaliwanag mo sa akin kung bakit pinakasalan ni Kei sa Janice. Iyung sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw dahil sa kaniya, parang naibsan. Ganoon pala niya talaga ako kamahal. Ako pa rin ang iniisip niya hanggang sa huli. Nakakaantig ng damdamin. Going back sa nananadya ka nitong mga nakaraang araw, nako naman! Ano ba plano mo? Kapag ba ginawa mo iyun sa akin ng paulit-ulit ay para maghanap ako ng taong mag-aalis ng sakit na iyun? Palagay ko Harry, nagkamali ka sa iniisip mo. Dahil doon sa nangyari, mas lalo ko pang pinahalagahan ang puso ko."



          Kelan? Kelan naging kayo?" tanong niya. Sumagot ka!"



          Huwag na huwag mo akong sisigawan sa sariling pamamahay ko!" pagbabanta ko.



          Talaga?" sarkastikong saad niya. So siguro, ako na lang ang sumagot sa sarili kong tanong ko. Huhulaan ko na lang." Umakto siya na nag-iisip. Palagay ko, nitong nakaraang summer break. Mukhang naging package ata ang summer break ninyo. Mukhang nag-date kayo, pagktapos, nag-sex, pagkatapos, kung ano-ano na lang ata. Sa bahay mo pa nga lang, marami ng kailangan gawin."



          Harry, pwede ka ng umalis?"



          Teka? Huwag mo muna akong paalisin. Alam mo, fine! Hindi mo talaga ako magugustuhan, fine! Nagising ako sa isang bangugot na binigay niyo sa akin ni Kei. Okay lang. Totoo. Gusto ko lang naman sabihin sa iyo na gago ka na ako ang ginago mo at tarantado ka Ren. Nagkamali ka ng taong ginago. Pero okay lang. Wala ka ng kaso sa akin. Bago lahat, may sasabihin lang ako sa iyong sikreto. Mukhang buhay pa ata iyung kababata na hinahanap ko na patay na daw. I guess, it's really a waste of time na habulin kita. Kaya swerte mo at ang kababata ko na lang ang aking hahabulin at hindi ikaw. Mamahalin ko siya at habang buhay na kaming magsasama pagdating ng panahon na makita ko siya."



          Habang nagsasalita siya ay sinusubo ko na ang aking agahan. Tumayo naman si Harry mula sa kinauupuan niya at naglakad palabas ng bahay matapos siyang magsalita. Kinagat ko na lang ang malaking parte ng tinapay at sinundan siya palabas para buksan ang gate nang sa ganoon ay umalis na siya.



          Nabalisa ako nang nakaalis na siya ng tuluyan at maya-maya'y bumuntong-hininga. Hindi na ako nagtanong at baka ako nga talaga ang hinahanap ni Harry. Ako ang kababata nila Kei at Harry. Pero sa impormante nila, sino ang impormante? May nagmamasid kaya sa akin kaya nalaman nila na buhay pa ako? O may maling impormasyon na naman na binigay sa kanila na kunyari buhay pa ako? Wala naman akong nararamdamang tao na nagmamasid sa mga kinililos ko dahil malalaman ko kung meron. Aside kay Pinoy Big Brother Mr. Lion. Kaya malamang, isa na namang maling impormasyon ang nakuha nila Harry na kagagawan ni Mr. Lion. Pero sana nga, maling impormasyon ang nakuha nila. Malakas talaga ang kutob ko na si Harry at Kei ay ang mga kababata ko na naghahanap sa akin na akala nila na patay na. Sana, manatili na lang na ganoon ang mga bagay na nalalaman nila sa akin. Na patay na ako.



          Sumunod na araw, tuluyan kong pinutol ang ugnayan ko kila Janice, Kei, at Harry. Mas maganda to para maging ayos na ang lahat sa pagitan namin at wala na akong dahilan para makipagkaibigan sa kanila. May mga kaibigan na din naman ako. Nalaman ko naman din na mula kay Harry, alam ni Janice ang sikreto naming relasyon ni Kei kaya isang factor iyun na naisip kong dahilan para tanggalin ang pakikipagkaibigan ko sa kanila. Salamat na lang sa mga araw na pinagsamahan namin pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang ang pakikipagkaibigan namin sa isa't isa.



          Ilang buwan na ang nakalipas, second semester na. Masaya akong pumasok sa Music Room at nakita ang isang bagong mukha ng eskwelahan namin. Well, hindi naman bago o ano pa man pero siya ang boyfriend ni Paul. Si Geo.



          Hi Ren," masiglang bati sa akin ni Geo.



          Hi din Geo," tugon ko sa bati niya. Si Paul? Dapat nandito siya sa Music Room." Lumakad kami papunta sa sofa at umupo.



          Si Paul ba? Nahiya! Alam mo na. Nasabi niya sa akin iyung mga sinabi mo sa kaniya. Nasa banyo siya actually."



          「“Nako kuya Paul. Huwag kang magsalita ng tapos. Sabihin na nating may girlfriend ka. Sa tingin mo ba ehh hindi darating ang araw na magkakaroon kayo ng problema sa inyong relasyon na magiging dahilan ng paghihiwalay niyo?" matapang kong saad. Tapos biglang malalaman na lang namin na may boyfriend ka na or may gusto ka sa isang lalaki. Good thing. Kinain mo ang mga sinasabi mo, may bonus pang ice cream."



          Hinawakan naman ako ni kuya Paul sa kwelyo ng aking uniform at inambahan. Pipigilan sana siya nila kuya Ethan at kuya Jonas kaya lang, sumenyas ako na okay lang. Teka, lasing na kaya ito si kuya Paul?



          I'm just stating the possible facts. Bakit ka nagagalit?" tanong ko rito.



          Ewan!" singhag nito saka ako binitawan. Lumayo naman ito sa akin.」



          Huh? Bakit ako mahihiya?" saad ni Paul na galing sa banyo.



          So Geo, did he-"



          Oo!" pagputol ni Geo sa sasabihin ko. Grabe! Magtatanong pa nga lang ako tapos sinagot na niya ako agad.



          Tumawa ako ng payak. Straight pala Paul ha?"



          Oo na! Talo na ako! Sige na! Ikaw na!" sunod-sunod na wika ni Paul. Siya nga pala Ren. Mukhang magkaklase kayo ni Geo sa taon na to. Pwede bang bantayan mo siya?"



          Aw! Paul, ang sweet mo! Aabalahin mo pa si Ren bilang tagapagbantay ko? Ganoon ba ako katindi lumandi?" wika ni Geo.



          Umm... pwede naman. Pero kailangan malaman ni Geo ang masakit na katotohanan," saad ko.



          May mas sasakit pa ba sa pagpasok ni Paul sa akin?"



          Ano?!"



          Geo, naipakilala ba sa iyo ni Joseph ang best friend niyang si Franz? Tigilan mo nga iyang dirty jokes mo," sabat ni Paul.



          Oo na po. Titigil na po," pagsang-ayon ni Geo. Well, ano ba ang masakit na katotohanan na iyan?"



          Hindi ako nagpapakopya dahil hindi ako ganoon kagaling?" sagot ko.



          Sus naman Ren! Iyun lang pala. Akala ko kung ano na! Gusto mo, ikaw pa ang komopya sa akin? Mataas ang grades ko sa kurso natin." Yeah right! Kokopya ako sa iyo.



          Well, great! Mukhang magiging maganda ang bagong semester ko dahil sa may bago na naman akong kaibigan."



          Yey! Excited na tuloy akong pumasok sa unang klase natin. Wait, banyo na nga muna ako." Mabilis na pumasok si Geo sa banyo.



          Ako din. Papasok ako sa banyo," pabirong saad ni Paul. Naglakad ito sa direksyon papunta sa banyo.



          Hoy! Tumigil ka Paul!" sigaw ko.



          Joke lang. Ano ka ba?" Naglakad naman siya papunta sa mahabang sofa na kinauupuan ko at umupo. Kumusta kayo ni Allan?"



          Nagulat ako sa tanong ni Paul. What? Anong meron? Magkaibigan lang kami," mabilis kong sagot. Kinukuha ko muna iyung advice ni Erika na give your heart a break and not a heartbreak."



          Ows? Talaga lang ha? Baka pagkatapos ng Christmas break, mabalitaan namin na kayo na ni Allan."



          Sabagay. Naging kayo ni Geo nitong semestral break. Sino kaya ang magkakaroon ng boyfriend ngayong christmas break? So okay. Sabi mo, ako. Tapos, maghihiwalay kami bago matapos ang semester na ito. Then summer break, si Joseph naman."



          Hay! Tumigil ka! Masyadong negatibo ka kung mag-isip!" Bumuntong-hininga si Paul. Hay nako! Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Geo. Ren, sampalin mo nga ako."



          Sinunod ko ang sinabi niya at sa hindi sinasadyang pagkakataon, matunog ito at mukhang masakit ang ginawa kong iyun.



          Aray! Ang sakit naman!" sigaw ni Paul na nagagalit. May galit ba iyung sampal na iyun?"



          Sinunod ko lang naman ang sinabi mo," pagdipensa ko. Narinig namin na bumukas ang pintuan at napalingon kami dito.



          Hi guys! The most gorgeous woman alive is here!" Wow! Ito pala ang grand entrance ni Erika tuwing darating ang bagong semester.



          Ikaw?" Si Geo na galing sa banyo.



          Tinaasan ni Erika ang kanyang kilay matapos makita si Erika. Aba?! Aba?! Aba?! Look whose here?"



          Ang bitter na labanos!"



          At ang kapal mo naman dahil suot-suot mo pa ang uniporme ng school namin."



          Wow!" namanghang sabat ni Paul. Mukhang magkakilala na pala kayo. At mukhang hindi kayo magkasundo."



          Aba? Hindi ko talaga makakalimutan ang taong iyan! Ang taong umagaw sa akin kay Chris!" mataray na tugon ni Erika at tinuturo pa si Geo.



          Natahimik na lang kaming tatlo sa sinasabi ni Erika.



          This is super awkward," nasabi ko na lang. Kinuha ko ang gamit ko saka ang kamay ni Geo. Geo, tara na. Narinig mo ba na tumunog na ang bell? Ikaw Paul? Narinig mo? Hindi? Bingi ka na. Ikaw Erika? Hindi din? Nabingi ka na. Tara na Geo. Kasi ako, narinig ko na tumunog na ang bell. Sila, hindi. Bye guys!"



          Nakalabas na kami ni Geo ng Music Room at sabay na naglakad papunta sa unang klase namin.



          Napabuntong-hininga ako. Hindi ko inaasahan iyun ahh. Magkaaway pala kayo ni Erika."



          Salamat Ren at umalis tayo doon," tugon ni Geo. Napaka-awkward naman kasi ng sinabi ni Erika. Haixt! Sa dami-dami pa naman ng sasabihin, iyun talaga ang nilabas ng bunganga niya."



          Huwag ka naman ganyan. Makakasalubong mo na ang taong iyun palagi. Pasensyahan mo na kung ano man ang ginawa niya sa iyo, at sana, pasensyahan ka niya sa mga nagawa mo sa kaniya."



          Nakahinga ng maluwag si Geo. Hay nako! Buti naman at may kakilala ako dito sa school maliban lang kila Blue. Tama nga ang sabi nila tungkol sa iyo. Gusto mong umiiwas sa mga gulo."



          Huh? Kinekwento ako sa iyo ni Blue? Masyado bang detalyado ang pagkakakwento niya?"



          Tipid siya na ngumiti. Huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin."



          Bumuntong-hininga ako at ngumiti din. Mabuti naman. Mukhang magkakasundo tayo nito Geo."



          Mga ilang lang metro mula sa posisyon namin ni Geo, nakita ko sila Janice at Kei na patungo sa direksyon namin habang kami ay patungo sa kanila. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa.



          Dineretso ko lang ang tingin ko at nilampasan sila. Habang nilalampasan sila ay nakikita ko ang mga masasayang ala-ala namin. Pero noon na iyun at hindi ngayon. Marahil, naging kaibigan ko sila. Pero kailangan kong tanggapin ang pagbabago sa relasyon naming tatlo para magkaroon ng kapayapaan ng loob.



          Mukhang gusto ka pa rin nung Kei na iyun," saad ni Geo.



          Huh? Paano mo nasabi?"



          Hmm... assumption ko lang naman iyun. Pero kung makatingin sa iyo, alam mo iyun. Iyung gusto ka niyang hawakan at kung ano pa man. Masasabi kong mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. Kaya lang, kasal na sila. Unless kung, alam mo na. Mawala ang isa. O magsawa iyung isa tapos magkakahiwalay sila. Basta."



          Alam ko naman iyun Geo na kahit ngayon, mahal pa rin niya ako. At kung magkahiwalay sila, sana nga. Pero hindi na bale. Tara na!"



          Nakarating na kami sa unang klase namin ni Geo. Pinaupo ko siya kung saan ako nakaupo dati na malapit sa bintana. Siyempre, as usual, katabi ko na naman si Allan sa kanan ko. Kailangan niya ba talagang kumopya sa akin?



          Inalam ko naman kung kaklase ko sila Gerard at Harry. Nandoon pa rin sa dating pwesto si Harry. Pero si Gerard, mukhang hindi pa papasok. Binabantayan talaga niya si Edmund. Siguro, sa isa sa mga araw na ito, bisitahin ko naman si Edmund at baka may ginagawang iregularidad si Gerard sa kaniya. Pero grabe ha! Wala pa ngang bagong taon, pero pakiramdam ko ay bagong taon na para sa akin.



Allan's POV



          Prrt!"



          Argh! Kasalukuyan nasa isang basketball game at nakikipaglaban sa Bourbon Brothers University. Natapos na ang 3rd quarter sa score na 85-59. By the way, kami iyung 59. Natatalo na kami. Ang may kasalanan, well, si Marcaux lang naman. Sinunod lang naman namin ang stratehiya niyang sa 4th quarter na lang namin ibubuhos ang lahat. Pero kailangan, mag-score din kami. Huwag ko daw silang pabagsakin. Bakit kasi? Pinapanood pa ako ni Ren tapos hindi ako makakapagpasikat? Ano ba ang iniisip ni Marcaux?



          Nagpahid ng pawis si Marcaux. Ano Allan? Handa ka na bang manalo?"



          Paano naman tayo mananalo? Ang gagaling ng mga kalaban natin?" simangot ko.



          Hindi mo ba napapansin kung paano maglaro ang kalaban natin?" tanong niya.



          Napapansin," tinatamad na tono kong sagot. Ewan ko kung bakit pero parang naghahabulan ng puntos ang mga kalaban natin. Teka? Kilala mo ba iyung isang player nila? Hindi ko siya kilala."



          Ahh! Iyan marahil iyung isa sa mga anak ng founder ng eskwelahan nila. Si Jin Bourbon."



          Kumunot lang ang noo ko. Gin at bourbon? Anong lasa nun?"



          Ano ka ba?! Hindi cocktails ang pinag-uusapan natin! Tao ang pinag-uusapan Allan! Huwag ka ngang magbiro ngayon?! Konti lang ang oras para pag-usapan ang plano natin! Naiintindihan mo ba iyun?!" nagagalit na saad ni Marcaux.



          Ehh?!"



          Captain, chill lang. Mauubos ang oras natin kapag pinagalitan mo si Allan," pagtatanggol sa akin ni Alexis.



          Prrt!"



          Ayan na nga ang sinasabi ko! Naubos na ang oras natin!" naiiritang saad ni Marcaux.



          Umm... magkakaroon pa po tayo ng isa pang sampung minutong break ngayon dahil sa ilang technical problems," saad ng announcer.



          Nakahinga ng maluwag si Alexis. Buti naman at may ekstra pang minuto na break para mapag-usapan pa ang ating plano captain.



          Nako! Hindi maganda ito," wika ni Marcaux.



          Bakit naman hindi maganda? Pag-usapan na natin ang plano," saad ko.



          Iyun na nga. May tsansa na hindi gumana ang plano natin dahil makakapagpahinga din ang kabilang kuponan," paliwanag ni Marcaux. Siguro naman team, napansin niyo na dalawa lang ang aktibo na naglalaro sa kabilang team. Iyung ace player nila na si Zafe, at iyung bago ko lang na nakitang player. Si Jin Bourbon. Hindi ko alam kung anong meron sa team nila, pero napapansin ko naman na ang dalawa ay nag-aagawan ng puntos at dapat gamitin natin iyun laban sa kanila. Wala tayong problema sa natitirang tatlong player nila dahil hindi naman gaano kagaling pumuntos ang mga iyun. At isa pa, mukhang may kinakampihan sila sa dalawang player. Pero naisip ko, mukhang susubukan din ng mga taong iyun na pumuntos dahil mukhang pagod na pagod na sila. Sa quarter na ito, subukan na nating ibigay ang lahat at pumuntos ng maraming beses nang sa ganoon ay tayo ang manalo ngayon sa liga. Huwag na natin ngayon silang hayaan na pumuntos at kunin ang bola mula sa atin. At isa pa, huwag niyong idadahilan sa akin na hindi natin magagawa ang plano ko dahil sa pagod na pagod kayo. Kami ni Allan ang bahala sa mga star player nila. Sa mga natitirang tatlo, maging agresibo na kayo maglaro. Okay guys?"



          Ilang minuto ang nakalipas, natapos na ang break namin. Tumayo na kami para pumunta sa court at bumawi. Nilingon ko naman ang direksyon kung saan nakaupo sila Keith at Ren saka kinawayan. Nagtse-cheer sila para sa amin. Nakakahiya naman kung matatalo pa kami sa game na ito. Hay! Kailangan manalo kami.



          Bumuntong-hininga ako. Grabe. Akala ko, iyung mga taga-URS lang na madudumi maglaro ang magiging problema natin. Pati pala itong Bourbon Brothers University," saad ko.



          Alam mo, magaling naman talaga ang mga player ng Bourbon Brothers University. Noon. Pero ngayon, si Zafe at si Ricky na lang ang magaling sa school nila. Ahh! Naalala ko. Last year, hindi umabot sa finals ang team ng Bourbon Brothers University dahil hindi nakapaglaro si Zafe. Ngayon naman, si Ricky ang wala. Baguhan pa lang sila pero magaling din maglaro. Kagaya mo," kwento ni Marcaux. Ikaw na ang magbantay kay Zafe at ako naman ang magbabantay doon sa Jin."



          Sige."



          Naghanda na kami na magsimula ang 4th quarter at minarkahan ko na agad si Zafe. Habang tinitingnan ang lalaki, napansin ko na medyo namamaga ang mukha ni Zafe. Nakangiti pa ito habang hinahabol ang kanyang hininga.



          Bro? Okay ka lang?" tanong ko dito.



          Okay lang bro," sagot nito. Kayo? Okay lang ba kayo? Mukhang matatalo kayo ngayon. Ang swerte ko naman. Dalawang laro ang mapapanalo ko sa isang araw. Araw ko talaga ngayon."



          Huh? May isa ka pa palang laro na nilalaro maliban lang sa basketball? Ano iyung isa?" naguguluhan kong tanong.



          None of your concern."



          Ganoon ba? Okay lang. Pero kung ako sa iyo, hindi ako magpapakasiguro na mananalo ka sa dalawang laro na nilalaro mo. Hindi ko alam kung anong mga laro iyan, pero mananalo kami sa basketball game na ito."



          Talaga lang? Sige nga? Ipakita niyo nga sa amin kung paano kayo maglaro?"



          Walang problema," nakangiti kong saad.



          Huling sampung segundo na lang ang natitira. Kami na ang leading sa score na 97 at 95. Gumana ang planong ginawa namin ni Marcaux. Binigay namin ang lahat sa quarter na ito.



          Dahil nasa amin na ang bola, agad na umatake si Marcaux papunta sa ring. Subalit, hinarangan agad siya nila Zafe at Jin na agad inagaw ang bola kay Marcaux. Nakuha ni Zafe ang bola pero pinipilit itong kunin ni Jin habang papunta sila sa kabilang court. Ano ba ang nangyayari sa mga taong ito at nag-aagawan?



          Mabilis kaming umatras para dipensahan ang court namin. Subalit nagulat na lang kami nang maagaw ni Alexis ang bola sa dalawang tao na nag-aaway para sa possession ng bola. Agad na pumunta ako sa court ng kalaban at pinasa sa akin ni Alexis ang bola. Magpasikat time na! Tingnan mo ako Ren.



          Huminto lang ako bago ako makapasok sa 3-point border at gumawa ng jump shot para maipasok ang bola. At pumasok nga ang bola.



          Prrt!" tunog ng pito ng referee na isang hudyat na tapos na ang laro.



          Nagsitayuan ang team namin at lumapit sa isa't isa at nagdiwang. Nanalo kami sa score na 100 to 95. Habang nagsasaya kami ay may nangyari naman na nakaagaw ng pansin. Sinuntok ni Zafe si Jin at agad na umalis si Zafe sa court kasunod ang ilang... tagasunod.



          Ano kaya ang nangyari sa mga taong iyun?" tanong ni Marcaux.



          Aba! Malay ko ba!" kibit ko agad ng balikat. Pwede naman natin isipin na kaya sinuntok ni Zafe si Jin ay dahil patalo iyung tao?"



          Nang nanalo na kami, ibinalita ng announcer kung sino ang MVP.



          At ang MVP natin ngayong taon ay si Allan Mercer!"



          Nanlaki ang mata ko dahi isa ito sa mga achievement ko sa buhay. Ang maging MVP. Woohoo!



          Nagkaroon ng victory party ng team namin sa bahay nila Marcaux at nagsasaya na naman kami.



          Ang yabang mo talaga kanina," nasabi ni Ren.



          Huh? Ako? Mayabang? Paano mo nasabing mayabang ako? Sige nga?" paghahamon ko.



          Grabe. Wala na ngang bantay sa court ng kalaban tapos nag-3-point shot ka pa. Hindi ka na lang dumiretso sa ring ng kalaban at dinakdak ang bola."



          Your thing? Slam dunk?" nakakaloko kong biro.



          Huh? May malalim ba na ibig sabihin iyun? Allan?" naiiritang tanong ni Ren.



          Natawa na lang ako ng payak. Wala. Siya nga pala. Itong MVP trophy na nakuha ko, dedicated for you." Binigay ko kay Ren ang trophy.



          Talaga? Salamat na lang. Ang yabang mo pala talaga at laging may malalim na ibig sabihin ang mga sinasabi mo," nayayamot na wika ni Ren.



          Habang nag-uusap kami ni Ren ay nakita ko si mama na papalapit sa amin.



          Anak, nandito ka pala. Congratulations sa iyo," saad ni mama at pagkatapos, niyakap ako.



          Gumanti ako ng yakap dito. Thanks ma."



          Kumalas kami ng yakap ni mama at binaling nito ang tingin kay Ren. Hi Ren. Umm... naikwento sa akin ni Allan iyung tungkol sa iyo. And I was thinking, pwede mo ba kaming saluhan ngayong pasko sa bahay namin?"



          Nagkatinginan kami ni Ren at nanlaki ang mata kong tinitingnan si mama. Mama? Seryoso?"



          Umm... pag-iisipan ko po iyan," sagot ni Ren. Pero bakit niyo po ako iniimbitahan?"



          Ah! Gaya ng sinasabi ko kanina, lagi ka kasing kinekwento sa akin nitong anak ko," paliwanag ni mama. May malalim ba kayong relasyon ng anak ko na hindi ko pa alam at nahihiya lang kayong sabihin sa akin? Okay lang naman para sa akin. Sa katunayan, walang kaso sa akin."



          Namula ang pisngi ni Ren. Ho? Ganoon po ba? Pero po kasi, hindi pa po kami umaabot sa ganoong antas ang relasyon namin ni Allan. Magkaibigan pa lang po kami sa ngayon."



          Ganoon ba? Sayang naman. Pero huwag ka lang mahiya Ren. Okay lang naman sa akin."



          Ma, aalis na po ba kayo?" sabat ko. Kinuha ko ang kamay ni mama at dahan-dahan na lumakad paalis. Ihahatid ko na po kayo palabas ng bahay ma. Tara na po. Ren, maghintay ka lang diyan."



          Iniwan namin si Ren at lumakad papalabas ng bahay.



          Grabe ka naman ma. Nagsinungaling ka pa kay Ren na lagi ko siyang kinekwento sa inyo. Hindi ko naman ginagawa iyun ahh? Gawain ba iyan ng mga magulang na magsinungaling?" tanong ko.



          Ano ka ba? Lagi namang ginagawa ng mga magulang iyun," sagot ni mama.



          Hue? Hindi nga? Siya nga pala. Si Larson ba ang nagsabi sa inyo na imbitahin si Ren para sa pasko?"



          Oo. Magkikita na rin sila sa wakas ngayong pasko."



          Talaga ma? Hay salamat! Matatapos na rin ang pagtatago ni Larson kay Ren."



          Pagkalabas namin ng bahay nagtawag ako ng taxi at pinasakay si mama. Binalikan ko naman si Ren na kausap si Keith.



          Ahh! Nandito na pala si Allan. Sige Ren. Sa susunod ulit," saad ni Keith at umalis.



          Ohh? Anong pinag-usapan niyo ni Keith?" tanong ko kay Ren.



          Boyfriend ba kita para malaman mo ang pinag-uusapan namin?" natatawang sagot ni Ren.



          Ganoon? Sige. Aalis na ako." Umakto ako na kunwari ay aalis papunta sa labas.



          Hinabol ako ni Ren. Ohh? Bakit ka aalis?"



          Babalik lang ako kapag naging boyfriend mo na ako. Ang tagal ko ng nanliligaw sa iyo."



          Hindi ba nga napag-usapan na natin iyan? Mag-aantay ka na lang ng dalawang taon Allan."



          Oo nga. Kaya nga kakausapin na lang kita kapag naging boyfriend mo na ako. Iyun ay kung mangyayari nga. Ayos kasi ang sagot mo ehh."



          Oo na. Sinasagot na nga kita," biglang nasabi niya.



          Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. So ano nga ang pinag-uusapan natin?"



          Pero Allan. Wala munang ganoon, ganito, ganyan, basta! Wala muna. Magkaibigan na level lang okay?"



          Well, fine by me kung iyun ang gusto mo. So ano nga iyung pinag-uusapan niyo ni Keith?"



          Kumunot ang noo ni Ren. Bakit parang hindi ka natutuwa na tayo na?"



          Bumuntong-hininga ako. Ren, hindi naman sa hindi talaga ako natutuwa. Pero itong magiging relasyon natin ay magiging effective pa 2 years later. Siguro, sa panahon na iyun ako magtatatalon sa tuwa, magsisisigaw na tayo na, at kung ano-ano pa. Pero iyun ay kung tayo pa rin sa panahon na iyun. Hindi sa hindi talaga kita mahal. Pero ganito lang talaga ako. This is me. Gusto ko na masabi mo na unique ako sa mga naging karelasyon mo kung sakaling magkahiwalay tayo dahil malay mo. Hindi natin alam ang hinaharap. Sabihin natin na magsaya ako ngayon. Pero sa darating pala na panahong iyun, wala na," mahabang paliwanag ko.



          Napaka-pessimistic mo naman Mr. Lion," tugon ni Ren.



          Rawr!" natatawa kong ungol. Hindi naman ako pessimistic. Masyado lang akong realistic. Deal with it!"



          Ngumiti na lang si Ren at umiling. Ewan."



          So, ano ang pinag-usapan ninyo ni Keith?" muli kong tanong.



          Well, may sinabi lang siyang mga ideas para sa issue ng school paper nila sa Enero. Itatampok iyung mga achievements ng iba't ibang club," sagot ni Ren. Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita. Bakit? May dumi ba sa ako sa mukha?"



          Wala. Iniisip ko na baka nagdududa ka sa mga paliwanag ko kanina. Baka iniisip mo na hindi kita mahal. Alam mo na. Aware lang ako na kakaiba talaga ako at baka hindi mo ma-appreciate."



          Problema mo na iyun."



          Yeah right. Ito na lang. Kakantahan kita ng konti. Umm..."



If I let you love me,
Be the one I adore.
Would you go all the way,
Be the one I'm looking for.



          Wow! Ang ganda ng kanta. Parang pamilyar nga lang sa akin na hindi ko alam," reaksyon ni Ren.



          Kung ganoon, naalala mo na ba?" tanong ko.



          Pasensya na. Pero parte lang," nanlulumong sagot ni Ren. Napahikab naman siya.



          Alam mo, dapat umuwi ka na at malalim na din ang gabi. Punta ka na sa motor mo at ako na ang magmamaneho. Magpapaalam lang ako sa kanila sa loob," wika ko.



Ren's POV



          Nakarating na din ako sa bahay ko. Kagagaling ko lang sa victory party ng team nila Allan. Pagkapasok ko sa bahay, nagpaalam na agad si Allan sa akin para balikan ang motor niya sa bahay nila Marcaux at para umuwi na rin papunta sa bahay nila. Swerte naman na nakahanap agad siya ng taxi palabas sa lugar ko.



          So yeah. May boyfriend... na naman... ako. Pero hindi talaga ganoon kasaya... si Allan. Pero sa bagay. Sa pagtatapos ko pa magiging official ang relasyon namin. At nagbigay naman siya ng eksplanasyon sa akin kung bakit hindi siya ganoon kasaya. May punto talaga siya. Pero iyung kinanta niya kanina. Pakiramdam ko, narinig ko na iyun. Haixt! Hindi ko pa naitanong kay Allan kung ano ang title ng kinanta niya. I-text ko nga siya para magtanong.



          Pagkatapos kong magbihis ng damit, agad akong bumaba at binuksan ko ka agad ang aking kompyuter. Sinalubong naman ako ng isang call notification ni ninong.



          Ninong, magandang gabi po," bati ko. Napatawag po kayo?"



          Ren, sa pasko ba, gusto mo bang sa bahay ka namin magpasko?" tanong ni ninong.



          Ho? Umm... pasensya na po ninong. Ano kasi... may isa akong kaibigan na inimbitahan po ako na sa kanila magpasko," pagdadahilan ko. Umm... Allan Mercer po ang pangalan ng kaibigan kong ito."



          Parang patay naman kung makatingin sa akin si ninong sa monitor. Hmm... ganoon ba? Siya nga pala. Hindi ko pa nakuha ang mga ang impormasyon tungkol sa kaibigan mong si Keifer Salvador. Ilang buwan na ang nakalipas pero wala." Nako! Oo nga pala!



          Ninong naman. Dapat inutusan niyo na lang si Edmund na kunin ang impormasyon na iyan." Bumuntong-hininga ako. Pero ninong, hindi na po kami magkaibigan ng taong iyun. Noong pinakilala niya ako sa mga magulang niya, nasabi ng mga magulang niya na bad influence daw ako kaya sinunod niya na lang ang sinasabi ng magulang niya. At iyun. Hindi na kami magkaibigan. Iniisip ko nga ninong na baka kagagawan niyo po iyun," nalulungkot kong paliwanag.



          Huh? Pinagbibintangan mo ba ako? Ano ka ba? Wala akong ginagawa diyan. Pero napaka-unfortunate naman ng dahilan. At ano? Bad influence ka doon sa tao?"



          Oo nga pala ninong. Meron na po akong ilang impormasyon kay Allan kung kukunin niyo po. Ipapadala ko na po." Pindot dito, pindot doon, and send.



          Hmm... o sige. So sa pamilya ka pala ng taong ito magpapasko. Pero Ren, dapat sa bagong taon, sa amin ka magdidiwang. Magbati na kayo ni Daryll para isa-isa ng matapos ang mga iniisip kong problema."



          Sige po ninong."



          At dapat, wala ng excuse kung bakit hindi ka makakapunta gaya ng pagpunta mo sa Cebu. At pagkatapos ng bagong taon, didiretso tayo agad doon dahil may aayusin akong business doon."



          Sige po ninong," masaya kong tugon.



          Mabuti. Okay. Gabi na dito. Matulog ka na Ren. Bye."



          Magandang gabi po ninong."



          Tinapos na ni ninong ang tawag at pinatay ko na ang kompyuter. Kinuha ko naman ang cellphone ko para i-text si Allan.



          Allan, ano ang title ng kanta na kinanta mo kanina?" saad ko sa text.



          Nang ipinadala ko na ang tex- teka? Hindi naipadala kay Allan ang mensahe ko. Wala na akong load. Buksan ko kaya ulit ang kompyuter ko para i-text si Allan? Aixt! Nakakatamad! Matutulog na ako. Bukas na lang.



          Ilang araw ang lumipas, pumunta ako sa ospital para tingnan ang kalagayan ni Edmund. Hindi pa rin siya nagigising. Nakabantay pa rin sa kaniya si Gerard. Tinanong ko naman ang doctor kung may anomalya sa kalagayan ni Edmund pero wala naman nakikita ang doktor at sabi niya na okay lang. Maganda naman ang ibinalita nito sa akin na baka magigising na daw si Edmund dahil sa gumaganda na ang kundisyon ng katawan niya.



          Ano ba iyan? Malapit na ang kaarawan mo tapos hindi ka pa nagigising. Bisperas na bukas," saad ko sa tulog pa rin na si Edmund.



          Kaarawan? Kelan?" tanong ni Gerard.



          Sa pagkakaalam ko kasi, sa araw daw ng pasko ang birthday ni Edmund," sagot ko.



          Ganoon ba? Sana magising na siya."



          Wala ka talagang ginagawa kay Gerard para hindi siya magising?"



          Bakit naman ako gagawa ng ganoong bagay? Mahal ko ang tao at hindi ko iyun gagawin," pag-iinsist pa rin niya.



          Ilang beses ko na bang narinig na sinasabi mo iyan? Hay nako! Makaalis na nga," nayayamot kong saad.



          Lumabas na lang ako at diretsong umuwi sa bahay. Nakakairita lang para sa akin ang mga sinasabi niya na mahal na mahal niya si Edmund. Kapag nagising siya, humanda talaga siya.



          Nai-text ko na si Allan tungkol sa kanta na kinanta niya sa akin. Adore pala ang title by Paramore.



          「Some days ago...



          Wow! Paborito mo talaga iyung bandang Paramore." reply ko sa text ni Allan matapos sabihin niya sa akin ang title ng kanta kagabi.



          Yeah. Favorite ko sila. Maganda kasi kanta nila. Dapat pakinggan mo iyung iba pa nilang kanta. Bigyan kita ng listahan ng mga magaganda din nilang kanta." tugon ni Allan.



          Sige. Salamat."」



          Pinakinggan ko ang bawat kanta ng Paramore na binigay sa akin ni Allan. Ang gaganda nga gaya ng sinasabi niya. Pero pinakamaganda ang Adore na kinanta niya para sa akin. Hindi ito maalis sa utak ko dahil parang pamilyar talaga. Alam siguro ito ni Allan kung bakit pero siya naman ang klase ng tao na hindi sasagutin ang ilang mga katanungan ko na may kinalaman sa nakaraan ko.



          Bigla na lang akong nagising sa gitna ng gabi dahil sa tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ito kung ano. Ipinakita sa akin ng phone ang CCTV footage ng gate. Napabangon ako sa kama ko at tiningnan mula sa phone ko ang iba pang mga CCTV sa bahay ko. May tao na nakapasok sa bahay ko at nakatayo sa entrada ng bahay. Tiningnan ko ng mabuti ang itim na silhouette ng taong ito at pamilyar siya sa akin. Hindi ito si Mr. Lion. Sino ang taong ito at paano siya nakapasok sa bahay ko?



          Dahan-dahan ako na bumaba papunta sa entrada ng bahay ko para komprontahin ang taong ito at nakikita ko na nakatayo siya sa entrada ng bahay. Pero tama ba ang gagawin kong ito?



          Harry, anong ginagawa mo sa bahay ko at paano ka nakapasok?" agad na tanong ko.



          Humarap naman ito sa akin. Hi Ren. Gabi na ahh. Dapat tulog ka pa," nakakaloko niyang saad.



          Paano ako makakatulog kung nandito ka sa bahay ko at nakapasok?!" muli kong tanong. Lumabas ka ngayon din sa bahay ko!"



          Ang ingay mo naman Ren. Gabi na. Makakabulahaw ka ng tao. Teka, sandali nga! Wala ka palang mga kapitbahay na mabubulahaw kahit na magsisisigaw ka dito sa bahay mo. Matulog ka na lang kaya."



          Kung hindi ka lalabas ng bahay ko, mapipilitan akong tumawag ng pulis at ipapahuli kita."



          Iyun ay kung makakatawag ka," may halong paghahamon niyang saad.



          Nag-isip muna ako kung ano ang gagawin ni Harry. Nasa bulsa lang ng suot kong shorts ang phone ko. May intensyon talaga si Harry na hindi ako patawagin sa mga pulis. Pero okay lang. May paraan naman para makatawag ako sa mga pulis.



          Nilagay ko lang ang kamay ko sa bulsa ko kung saan nakalagay ang phone ko at pumindot ng- hindi maaari! Sinugod agad ako ni Harry ng isang suntok pero nailagan ko ito. Alam na ni Harry ang gagawin ko? Pero paano?



          Ilag lang ako ng ilag at kinakabisado ang ginagawang pattern ni Harry kung paano siya umatake. Ang bilis niyang gumalaw lalo na't sinasamahan pa niya ito ng malakas niyang sipa. Dagdag pa rito na malaki ang kanyang pangangatawan. Hindi ko ito magawang salagin. Wala na akong magawa kung hindi ang antayin na makalapit ako sa kung anong bagay na magagamit ko laban sa kaniya.



          Nang makalapit ako sa upuan, agad na hinawakan ko agad ang upuan at ihahagis ko na sana ito kay Harry nang makita ko na may hawak na siyang baril.



          Sige. Itapon mo. Subukan mo lang. Hindi sana kita sasaktan pero kung aabot sa ganoon, wala akong magagawa," banta ni Harry.



          Harry, bakit mo ito ginagawa? Alam kong malaking panloloko ang ginawa ko pero bakit tayo aabot sa ganito?" tanong ko.



          Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa iyo. Ang ibig kong sabihin, ikaw. Wala akong pakialam... talaga... sa iyo," magulo niyang sagot. Ay ang gulo! Basta ganito na lang. Iyang upuan, bitawan mo na. Kung mabilis ang reaksyon ko kapag sumusuntok at sumisipa, paano pa kaya sa baril?"



          Harry, huwag mong gawin ito," pakiusap ko. Wala akong nagawa kung hindi bitawan ang hawak ko na upuan.



          Huwag kang mag-alala. Matatapos din ito."



          Sa isa pa niyang kamay, may inilabas siyang parang syringe. Lumapit siya sa akin habang nakatutok pa rin sa akin ang baril. Tinamaan ako ng matinding takot sa ginagawa niya. Hindi na ako halos makagalaw.



          Ano iyan?" naitanong ko na lang.



          Ito? Well, ito lang naman ang bagay na magtatapos ng lahat at magsisimula ng panibago. Lilinawin ko lang na hindi naman buhay ang iniisip kong magtatapos at magsisimula ulit. Pero may konti lang talaga na may kinalaman sa buhay," paliwanag ni Harry habang naglalakad siya sa likod ko.



          So hindi mo ako papatayin?"



          Iyung syringe, oo. Pero iyung baril kung may kalokohan kang gagawin, pwede."



          Naramdaman ko na lang na hinalikan ni Harry ang bandang leeg ko. Lalaban sana ako pero natatakot ako sa hawak niyang baril na nakatutok pa sa ulo ko.



          Good boy. Tama iyan Ren," bulong ni Harry sa tenga ko.



          Naramdaman ko na lang na tinusok na ni Harry sa leeg ko ang syringe. At maya-maya ay niyakap ako.



          Hindi na kita pakakawalan kahit kailan, Garen," huling salitang narinig ko kay Harry bago ako mawalan ng malay.



Harry's POV



          「4 months ago...



          Paalis na ako ng apartment para pumasok sa eskwelahan. Hindi ko kasabay si Kei ngayon dahil nauna na itong pumasok kasama si Gerard.



          Habang nagmamaneho paalis, bigla akong may naalala na dapat kong dalhin ngayon. Nagpasya ako na balikan na lang iyun dahil hindi pa naman ako... gaanong... nakakalayo. Talaga lang ha? Isang kilometro na mahigit kasi ang layo ko sa apartment at late na ako. Pero mas importante ang bagay na dapat makuha ko.



          Nagpasya ako na bumalik sa apartment at nagulat nang makita ko ang sasakyan ni mama na nakaparada sa bandang labas ng bahay. Nako hindi!



          Bumaba agad ako ng kotse at dali-daling tumakbo papunta sa apartment. Huli na ang lahat nang nakita ko na bukas na ang pintuan ng aking kwarto. Nakalagay pa doon ang board ni Ren.



          Pagkapasok ko sa kwarto, nadatnan ko na lang si mama na nakatingin sa litrato ni Ren at nakatulala.



          Mama, I can explain," natataranta kong saad.



          Anak, sino to?" agad na tinanong ni mama.



          Iyan po si Ren mama. M-May gusto po ako sa kaniya mama," sagot ko.



          Anak, hindi mo ba siya namumukhaan? Hindi mo ba siya kilala? Ito... Ito si Garen. Ang kababata mo."



          Nabuhayan ako ng loob at nagulat sa sinasabi ni mama. Sigurado ka ba diyan mama? Pero hindi niya ako nakikilala. Imposibleng siya si Garen... kahit na pakiramdam ko ay siya talaga iyan."



          Hindi mo siguro alam na may sakit na siya pagkapanganak pa lang. May sakit siya na kapag may isang bagay na hindi niya matatanggap, mag-a-activate ang defense mechanism ng utak niya na kalimutan ang lahat-lahat kahit ang sarili niya. Malamang, sa pagkawala ng mga magulang niya, na-trigger ang sakit niyang iyun."



          Pero hindi po ba ma, patay na daw si Garen. May mga pruweba pa nga na pinakita sa atin si Gerard."



          Hindi. Niloloko tayong lahat ni Gerard. Mukhang hindi talaga siya loyal sa atin. Hinding-hindi talaga ako magkakamali na ito si Garen. Baka sa simula pa lang, kilala na talaga ni Gerard si Garen. Mukhang may binabalak siya laban sa atin."



          Tumulo ang luha ko dahil sa saya na nadarama sa sinasabi ni mama. Pero naalala ko iyung ginawa niya.



          Agad na sinunggaban ko si mama. Pero ma, itutuloy niyo pa rin po ba ang binabalak ninyo?! Ngayon na nalaman natin na buhay na si Garen, ano ang gagawin ninyo?! Papatayin niyo ba siya?!" tanong ko na pasigaw.



          Anak, kumalma ka. Hindi ganoon ang plano ko. Sa katunayan nga, magiging kasapi na siya ng pamilya natin. Sasama na siya," paliwanag ni mama.



          Niloloko niyo ba ako mama? Paano kung maalala niya ang tungkol sa atin? Paano kung naalala na niya at nagkukunyari na siya? Paano ang mga bagay na iyun kapag naalala na niya?"



          Iyun ay kung maalala pa niya." Bumuntong-hininga si mama. Anak, gusto ko na ganito ang gawin mo muna sa ngayon. Magkunyari ka na hindi mo alam ang bagay na ito. Hahanap muna ako ng paraan para hindi na niya maalala ang mga masasakit na ala-alang iyun. Pakisamahan mo muna sila Kei at Gerard. Kapag sinabi ko na handa na ang lahat, gawin mo. Kunin mo siya. At kapag nalaman namin kung sino ang kumukupkop sa kaniya, kami na ang bahala doon."



          Mama, pwedeng hayaan niyo na lang ang pamilya na kumupkop sa kaniya? Pabayaan niyo na po sila. Wala po silang kinalaman dito," pakiusap ko.



          Pero anak, magiging problema sila. Gusto mo bang makasama si Garen hubang buhay? Kailangan din natin na iligpit ang mga taong kumupkop sa kaniya. Wala na tayong magagawa doon Harry," paliwanag ni mama. Kinuha ni mama ang kanyang gamit. Harry, aalis na ako. Basta umakto ka lang na hindi nangyari ito. Na wala kang alam kung sino talaga siya. Ako na ang bahala na makapagsama kayo ni Ren habang buhay."



          Ma, salamat po." Niyakap ko si mama habang tumutulo ang luha ko.



          Gumanti ng yakap si mama. Salamat anak. Para sa iyo anak. Magkakasama na kayo habang buhay."



          Pasensya na po kung sinisigawan ko po kayo tungkol sa ilang bagay. Pasensya na po. Hindi ko po alam." Kumalas ako ng yakap. Pero mama, paano si Kei? Hinahanap din niya si Garen?"



          Wala na tayong magagawa diyan anak," pailing na sagot ni mama. Kailangan din natin siyang iligpit pagdating ng panahon anak. Wala na tayong magagawa. Magiging balakit siya sa mga plano natin. Papatayin mo siya kung kinikailangan."



          Hindi ko magagawa iyun sa kaniya. Hinding-hindi ma. Matalik ko siyang kaibigan at pinsan. Hindi ko talaga magagawa iyun."



          Anak, magagawa mo. Imposibleng hindi niya nakikilala na itong taong ito ay si Garen. Baka nga matagal na tayong niloloko ni Kei. Sige na anak. Aalis na ako. Bye."



          Nagmadali na si mama na umalis ng kwarto habang ako ay naiwang nakatulala sa mga litrato ni Ren. Hindi Ren. Si Garen. Nasa harapan ko lang pala siya. Hindi ko lang alam. Garen, magkakasama din tayo habang buhay.」



          Binuhat ko lang si Ren palabas ng bahay niya sa likod ko at nilagay siya sa likod ng kotse. Mahimbing na siyang natutulog. Hindi patay.



          Papunta na ako sa driver's seat ko nang nakita ko ang isang anino na papunta sa amin. Nakikilala ko ang anino nang huminto na ito. Si Kei.



          Harry, ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni Kei.



          Kei, ang lalim na ng gabi. Bakit nandito ka sa bahay ni Ren?" pagbalik ko sa tanong niya.



          Ikaw ang tintanong ko. Bakit nandito ka? Ano ang ginagawa mo? Si Ren ba ang nakita ko na nilalagay mo sa likod ng iyung kotse?" tanong pa niya.



          Yeah. Siya nga," sagot ko. Kita ko na kinuyom nito ang kanyang kamayo. Sandali lang. May bigla lang akong naisip. Mukhang matagal mo na atang alam na si Ren at Garen ay iisa. Oo nga. Tama nga. Ikaw kasi iyung taong nagsasabi na si Ren at Garen ay hindi iisa gayong buhay pa naman siya. Kaya ba noong summer vacation natin, sinulot mo siya mula sa akin? Not bad."



          Hindi totoo iyan Harry. Pakawalan mo na si Ren." Lumapit si Kei sa akin.



          Ooops! Sandali lang." Pinahinto ko ito nang itinutok ko sa kaniya ang baril na dala-dala ko.



          Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Harry, huwag. Hindi maaari."



          Alam mo dati, sinabi ko kay mama na hindi ko magagawang gawin sa iyo ang bagay na ito. Mukhang nagbago na ata ang sitwasyon at kaya ko ng gawin sa iyo ito. Saan kaya kita babarilin? Sa ulo? Teka? Kapag ba nagse-sex kayo ni Ren, gumaganti ba siya ng halik sa katawan mo?"



          Hindi kami nagse-sex Harry," pagtanggi niya. Ibaba mo na iyang baril Harry at pag-usapan natin ito."



          Talaga? Hindi nga?" saad ko na aktong naniniwala sa mga sinasabi niya. Nagtago ka pa ng litrato niya sa ilalim ng kama mo. Nakahubad pa talaga doon si Garen. Ay hindi pala. Si Ren pala iyun. At bakit nasa ilalim ng kama mo? Nagdyadyakol ka ba habang nakatingin sa litratong iyun? Asaan na pala ang litratong iyun? Pwedeng akin na lang iyun? Magdyadyakol din ako sa litratong iyun. Ay nako! Nagbibiro lang. Iyung sa tunay na bagay ko na lang gagawin."



          Harry, si Ren at Garen ay hindi iisa! Namatay na si Garen! Huwag mong gawin ito na pagsisisihan mo habang buhay!" sigaw niya.



          Pagsisisihan habang buhay? Ikaw? Nagsisisi ka na ba na nagkaroon kayo ng lihim na relasyon ni Ren? Dahil kung wala sana kayong lihim na relasyon, malamang, hindi ko gagawin sa iyo ang bagay na ito."



          Harry-"



          Hindi na natuloy ni Kei ang sasabihin niya nang tinadtad ko siya ng bala sa katawan niya. Lumabas mula sa katawan niya ang kanyang sariling dugo at bumagsak na siya sa lupa. Sinubukan naman niyang gumapang papalapit sa akin.



          H-H-Harry. H-H-Huwag," nahihirapan na saad ni Kei. Marahil ay dahil sa malapit na siyang mamatay.



          Pasensya na pinsan. Kapos na ako sa oras at salita. Kung patay na si Garen, samahan mo na lang kaya." Ngumiti ako. Magsisimula kami ng panibagong buhay ni Ren. Mali. Ni Garen pala. Babawi ako sa mga ginawa mo sa akin. Kaya mamatay ka na diyan pinsan. Paalam sa iyo," masaya kong saad.



          Habang sinisikap niyang lumapit sa akin, binaril ko pa siya ng isang beses at tumama ito sa likod niya. Teka? Dapat sa ulo ko siya binaril para madaling matapos na ang kanyang paghihirap. Hindi bale na. Marami namang dugo ang lumalabas sa kaniya. Maghirap siya habang namamatay.



          Kinuha ko lang ang phone ko at may tinawagan. Hello. Pumunta ka sa address na ibibigay ko at iligpit mo na ang bangkay. Salamat."



Edmund's POV



          Minulat ko ang aking mga mata. Ang una kong inisip kung ano ba ang nangyari sa akin. Hindi ko matandaan.



          Ginala ko ang aking tingin at nahagip ng mga mata ko ang natutulog na si... Gerard. Bigla ko na lang naalala ang lahat kung bakit ako nandito, kung ano ang nangyari sa akin. Sinaksak niya ako dahil nalaman ko ang sikreto niya. Pero bakit nandito ako sa ospital at siya ang nagbabantay sa akin? Sandali nga? Anong petsa na ba? Anong araw na ba ng taon? Gusto kong magtanong pero wala akong mapagtanungan. Mahimbing na natutulog si Gerard. Si mama? Kumusta na kaya? Ang mga kapatid ko? Kumusta na?



          Narinig ko na umungol si Gerard at nagising. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata at tuluyang nagising. Una nitong ginawa ay tiningnan ako sa mata. Nagtagpo ang mga mata namin. Kitang-kita ko naman ang saya sa mata niya nang nakita na gising ako. Agad itong lumabas ng kwarto at naririnig ko na nagtatawag siya ng doktor. Ang mga tingin niya. Iba iyun sa nakita kong tingin habang ibinaon niya sa katawan ko ang kutsilyo na hawak niya. Naalala ko pa ang mga sinasabi niya tungkol sa pagmamahal niya sa akin.



          「Hinagkan niya ang mukha ko. Nope. I never told na mahal kita, pero sinabi ko ngang hindi kita mahal. I really mean na gusto kitang matikman. Pero kung kasama ka sa mga plano ko, hindi. You are such an unfortunate man."」



          Pero bago pa ako mawalan ng malay, may isang bagay pa siyang sinabi sa akin.



          「“Pasensya na. Magiging maayos din ang lahat," huling mga salitang narinig ko kay Gerard sa isang malungkot na tono.」



          Naguguluhan ako. Alin doon sa mga sinasabi niya ang totoo at alin ang hindi? Hindi ko makuha.



          Nang natapos ng magsagawa ng pagsusuri ang mga doktor sa akin, naghatid naman sila ng isang magandang balita kay Gerard na okay na ako.



          Umalis na ang mga doktor at naiwan kami ni Gerard. Walang nagsalita sa amin ng ilang segundo. Habang tinitingnan ko siya, nag-iba siya ng mukha at nag-poker face expression na siya.



          Lalabas na ako. Tatawagan ko lang ang magulang mo na okay ka na," saad niya habang paalis sa kwarto ko.



          Sandali," pagpapatigil ko dito.



          Tumigil naman siya. Edmund, wala na tayong dapat pag-usapan."



          Hindi. Mag-uusap tayo. Ngayon na!"



          Magpahinga ka na lang kaya muna. Tatawagan ko ang magulang mo para ihatid sa kanila ang magandang-"



          SINABI KONG MAG-UUSAP TAYO!" sigaw ko na ikinapitlag niya.



          Kahit magsisisigaw ka diyan Edmund, hindi mo ako mapipigilan na maglakad paalis."



          Sige. Umalis ka. Talikuran mo ako. Magtago ka na rin dahil babangon ako ngayon din dito at hahanapin kita para mag-usap tayo. Narinig mo naman siguro ako. May pag-uusapan pa tayo kaya umupo ka sa tabi ko at magpaliwanag."



          Hindi ko kailangan magpaliwanag."



          Gerard, mahal mo din ako hindi ba? Bakit ganito ang mangyayari sa atin? Sasaksakin mo ako tapos magsasalita ka sa akin sa isang malungkot na tono bago ako mawalan ng malay? Tapos nang magising ako, ikaw ang nadatnan ko na nagbabantay sa akin? Ipapakita mo pa sa akin ang masayang ekspresyon ng mukha mo nang nagising ako? Tapos aalis ka lang pagkatapos nang hindi magpapaliwanag sa akin? Asaan na ang sinabi mo na ako lang ang magpapasya kung maghihiwalay tayo o hindi? Iibahin mo na ba ngayon ang napag-usapan natin? Damn it Gerard! Pinatay mo na lang sana ako ng tuluyan!" Tumulo lang ang luha ko. Mahal kita Gerard! Kahit na mukhang mamamatay na ako nang sinaksak mo ako, parang okay lang sa akin. Baliw na ba ako? Nako! Mukha nga. Ganito pala ang sinasabi nila kapag nagmamahal na magpapakatanga ka dahil sa mahal mo ang taong iyun. Gerard, alam ko na mahal mo din ako. Pero bakit iisa lang naman pala ang nararamdaman natin, parang magkaiba ang direksyon na pinatutunguhan natin? Ano ang problema? Magpaliwanag ka."




          Ako ang problema Edmund. Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal dahil hindi ko na kilala ang sarili ko. Isa akong magaling na sinungaling. Ang mga sinasabi ko, mukhang totoo dahil ganoon ako kagaling magsinungaling." Hinarap ako ni Gerard at bumuntong-hininga. Isa akong klase ng tao na gagawin ang lahat para sa aking pinakamimithi. Kaya kong magsinungaling sa mga tao na nasa paligid para lang makuha lang iyun. Pero dahil sa pagsisinungaling ko, napepeke ko na din ang aking nararamdaman. Hindi ko na alam kung alin doon ang totoo at alin ang huwad. Iyung sinasabi mo na nagsasalita ako sa malungkot na tono, hindi ko alam kung totoo iyun. Iyung sinasabi mo naman na masaya ako nang magising ka na, hindi ko din alam kung totoo iyun."



          Pero bakit? Bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon?" tanong ko.



          Dahil iyun naman talaga dapat," sagot ni Gerard. Wala ka namang ginawang masama sa akin Edmund. Kaya bakit kita papatayin? Ano ang rason? Dahil trip ko lang? Nako! Malamang. Mukhang ganoon ata ang kaso sa akin."



          Gerard, pwede bang dito ka na lang? Huwag ka ng umalis. Dito ka lang. Okay lang sa akin na magsinungaling ng magsinungaling ka sa akin. Basta ang importante, nasa tabi kita," pakiusap ko habang umiiyak.



          Maya-maya, darating na dito ang mga pulis. Tatanungin ka nila kung ano ba talaga ang nangyari sa iyo. May statement na binigay ako sa kanila kung ano ba ang nangyari sa iyo. Kung magtutugma ang statement nating dalawa, mag-uusap tayo. Pero kung hindi magtutugma ang statement natin, hindi mo na ako makikita habang buhay."



          Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at niluwa nito ang mga pulis na kilala ko. Sila officer Geoffrey at officer Christian. Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos ang aking sarili.



          Officer Christian, officer Geoffrey, long time no see," bati ko.



          Kumusta na din Edmund. Welcome sa mundo ng mga buhay," bati ni officer Geoffrey.



          Hi din Edmund," bati ni officer Christian.



          Ahem! Bago ang lahat Edmund, naparito kami... na naman, dahil sa may krimen na nangyari sa iyo," saad ni officer Geoffrey. Magiging unsolved na naman kaya ito?"



          Natawa na lang ako ng payak. Baka nga. Hindi ko kasi alam kung sino ang bumugbug sa akin. Nakatakip kasi ang mukha nila ng bonnet. Pero wala talaga akong ideya kung sino iyung mga taong iyun. Baka mga grupo ng tao na ayaw... sa mga katulad natin... alam niyo na."



          Unsolved cases na naman," bulong ni officer Christian sa sarili.



          Ang sabi ni Ren, itong tao sa likod ko na nagngangalang Gerard ang may pakana ng lahat. Totoo ba ito?" tanong ni officer Geoffrey.



          Hindi niya pakana iyun," pagtanggi ko. Kung tama ang pagkakatanda ko, ginawang hostage si Gerard ng isa sa mga bumugbog sa akin. May nakatutok na baril sa kaniya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpabugbog. Pagkatapos, may taong kumuha ng kutsilyo at sinaksak ako."



          Kumunot ang noo na nagkatinginan ang magkapareha.



          Okay. Talaga? Wait, sinabi ko ba sa iyo na official statement mo iyung sinasabi mo kanina? Sabi kasi ni Ren na itong tao sa likod na si Gerard ang may kagagawan nun. Nabanggit din niya kasi iyung nangyari sa performance ng 'The Antagonist' ilang linggo bago ang Battle of the Bands," saad ni officer Christian.



          Yeah. Ginawa niya nga iyun. Pero napag-usapan na namin iyun ni Ren na ako ang bahala sa bagay na iyun. Alam niyo na. Iyung dapat gawin kapag pasaway Ang boyfriend mo hindi ba officer Geoffrey? If you know what I mean," pakumpas kong saad.



          Ang paluin siya sa puwet gamit ang sinturon?" tugon ni officer Geoffrey. Just joking. Alam ko ang ibig mong sabihin. Pero iyung paluin siya sa puwet gamit ang sinturon, I mean it though. Iyun ay habang... alam mo na. Sadistic kasi ako at masochistic naman si Christian. Huwag ka ng magtanong."



          Akala ko iyung ari mo ang pinangpapalo mo sa boyfriend mo," sabat ni Gerard.



          Grabe ka naman. Ginawa kong drill at isa lang naman ang ari ko. Hindi naman ako isang cerberus na may tatlong ulo... pero sa tingin ko, isa lang din iyung ulo nun sa baba niya."



          Okay. Tama na ang usapan na ito. Tigilan niyo iyan. Bawal pa akong bumangon dito," pagpapatigil ko sa usapan nila.



          Kita ko na namumula si officer Christian at bumuntong-hininga. Maraming salamat sa kooperasyon ninyo. Tara na Geoffrey. Alis na tayo dito."



          Sige. Salamat sa statement Edmund. Kami na ang bahala na ilagay ang kasong ito sa mga unsolved crimes," paalam ni officer Geoffrey.



          Naglakad naman paalis ang dalawa sa kwarto ko. Muli, nagkatagpo ang tingin namin ni Gerard.



          Maya-maya ay iniwas nito ang tingin niya. Paano mo nalaman ang statement na sasabihin mo?"



          Bago ko muna sagutin ang tanong mong iyan, umupo ka diyan sa tabi ko," utos ko.



          Wala siyang nagawa kung hindi ang lumapit sa akin at umupo sa gilid ko. Napaisip naman ako sa sinasabi ko kanina. Magkatugma ang statement naming dalawa. So walang mangyayari kay Gerard. Hindi ako makapaniwala.



          Hoy, paano mo nalaman ang mga dapat mong sabihin?" muli niyang tanong.



          Napakamot ako sa aking ulo. Sa totoo lang, hindi ko alam. Basta! Umm... lumabas kasi sa utak ko yung ideya na iyun. Parang narinig ko ata na nagtatalo kayo ni Ren sa labas at pinaliwanag mo sa kaniya kung ano ang nangyari sa akin."



          Mukhang nagkaroon ka ng out-of-the-body experience. Kadalasan na nararanasan ito ng mga taong malapit ng mamamatay."



          Huh? So malapit na talaga ako mamatay sa ginawa mo?" nagulat kong tanong.



          Ganoon na nga." Nag-iwas ulit siya ng tingin sa akin.



          Umm... okay. So malapit mo na akong mapatay sa oras na iyun. And binuhay mo pa ako dahil hindi dapat sa akin iyun. Ahh! Okay. Okay. So magtatanong pa ba ako kung ano ang talagang balak mo?" Hindi siya umimik. Hoy, tumingin ka naman sa akin."



          Nilingon naman niya ako. Ang tunay ko talagang plano ay-"



          Natigil ang pagsasalita niya nang tumunog ang phone niya. Kinuha niya muna ito at tiningnan.



          Sinasabi ko na nga ba," nasabi ni Gerard sa sarili niya.



          Bakit? Anong meron?" tanong ko.



          Pasensya na pero aalis na ako. Mawawala lang ako ng mga ilang araw," sagot niya at tumayo.



          Ha? Saan ka ba pupunta?"



          Huwag kang mag-alala. Babalikan kita Edmund. Hindi ako mawawala sa tabi mo kung iyan ang gusto mo. Magiging totoo ako sa iyo." Ngumiti siya sa akin na napakamaliwanag. I am really looking forward sa magiging takbo ng relasyon natin kasama ka. Antayin mo ako. Magiging totoo na ako kapag natapos na ito Edmund."



          Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Parang gusto kong bumangon para yakapin siya. Genuine ang pagkakasabi niya. Sigurado ako doon. Napakaliwanag ng moment namin iyun ni Gerard.



          Naglakad na siya palabas ng kwarto ko. Pagkabukas ay nakita ko si mama na masama kung makatingin kay Gerard. Bigla na lang nawala ang maliwanag na moment namin.



          Nang nakalabas na si Gerard, nakasimangot na nakatingin sa akin si mama. Nako! Nako! Nako! Kung tama ang pagkaalala ko, nakita ko ang mainit na sagutan ni mama at Gerard... sa panaginip ko ata. Totoo kaya iyun? Pero base naman sa mga tingin ni mama, parang nangyari nga talaga.



          Buti naman at nagising ka na," seryosong saad ni mama.



          Yeah. Nagising na ako ma," tugon ko. Umm... ayaw niyo po ba akong yakapin ma? Gising na po ako. Tada!" Pinilit kung ngumiti habang nagsasalita.



          Yayakapin lang kita kung hihiwalayan mo ang bakla mo. Hindi ka namin pinangaralan ng papa mo para umibig lang sa isang bakla." And I saw that coming.



          Teka nga lang ma. Anong petsa na po pala?" tanong ko para mag-iba ang usapan.



          December 23. Malapit na ang pasko," sagot ni mama.



          Nako! Malapit na pala ang pasko. Mama, para sa christmas gift ninyo, magkukunyari ako na hindi mo iyun sinabi kanina na hiwalayan ko si Gerard."



          Anak, alam mo naman na kasalanan sa Diyos ang magmahal ng kapwa lalaki. Kasalanan iyun anak. Kaya magsisi ka at hiwalayan mo ang lalaking iyun para malinis ka sa kasalanan. Anak, bakit ka nagkaganyan? Dati, isa kang mabait na mabait na bata noon. May takot sa Diyos. Alam mo ang mga dapat gawin at mali na hindi dapat gawin. Bakit ngayon, iba ka na? Alam mo ba na dahil sa mga baklang iyan, baka masunog na naman tayo gaya ng nangyari sa Sodom at Gomorah na sinasabi sa bibliya."



          Mama, alam mo ba ngayon na binabasa ko pa rin ang bibliya. At anong sinasabi mo na mangyayari sa atin ang nangyari sa Sodom at Gomorah dahil sa mga dumadaming bakla sa bansa natin? Nagbabasa po ba talaga kayo ng bibliya mabuti ma? Sinong nagsabi na may kimalaman ang mga bakla kaya sinunog ng Diyos ang Sodom at Gomorah? Sino nagsabi ma? Ang pastor ninyo? Great! Bigla kong naalala ang isang preaching ng pastor sa isang Sunday School noon. Marami siyang binanggit na kasalanan na naging dahilan para sunugin ng Diyos ang Sodom at Gomorah. Tapos sinama pa ang kabaklaan. Binasa ko iyung bible pero wala. Amen lang kayo ng amen na parang naiintindihan niyo talaga."



          So anong sinasabi mo? Na mali ang sinasabi ng mga pastor? Na mali ang mga hinirang ng Diyos na maghatid sa atin ng magandang balita?" tanong ni mama.



          Bumuntong-hininga ako. Hindi ko lalagyan ng mabulaklak na salita ang isasagot ko, oo. Nagkamali ang sinasabing mong mga tao na hinirang daw ng Diyos na maghatid sa atin ng magandang balita," sarkastikong sagot ko.



          Huwag kang magsalita ng ganyan sa mga pastor! Hinirang sila ng Diyos kaya hindi sila gagawa ng ganoong bagay sa atin."



          Hindi ako makapaniwalang tiningnan si mama. Ehh kung gusto ko ma. Bakit? Sino ba sila? Mga taong may hawak na bibliya at maalam pa sa nilalaman nito? Tapos dadagdagan lang ng kung ano-anong katarantaduhan ang bibliya gaya ng pangugutya sa mga bakla? A job well done para sa mga pastor na iniidolo mo ma."



          Lumuha si mama. Ano na kaya ang nangyari sa anak ko? Asaan na siya? Hindi na ikaw iyan Edmund. Ibang-iba ka na katulad ng dati. Mabait at may takot sa Diyos. Itong katauhan mo ngayon, hindi na. Sana patawarin ka ng Diyos sa mga pagkakasala mo at sana makita mo ang tamang daan. Mapupunta ka sa impyerno sa ginagawa mo. Simula ngayon, wala na akong anak na katulad mo. Wala na akong anak na bakla."



          Sakit naman mama," sarkastikong tugon ko. Iyan pa iyung mga bagay na sinasabi niyo pa rin sa akin? Alam niyo po, kung tutuusin, hindi dapat maging dahilan ang pagkakaiba ng paniniwala natin para magkahiwalay ng ganito. Minahal ko lang naman si Gerard. Pero fine then. Wala na rin akong mapagmahal na mama. Hindi po kayo kawalan. At kung tatanungin niyo po ako kung ano ang mas masakit? Ang mawalan ng magulang o mawala si Gerard sa akin? Palagay ko, ang isasagot ko ay ang mawala si Gerard sa akin. Marahil kayo ang nagluwal sa akin. Thank you. Pero malas niyo lang na hindi niyo napalaki ang anak niyo sa paraan na gusto niyo. Alam niyo, alagaan niyo na lang ang mga nakakabata kong kapatid. Turuan niyo rin po sila ng tamang asal at iyung tinuturo ng simbahan ninyo sa kanila. Turuan niyo silang ayawan ako dahil ako ang tanging anak mo na hindi na sumusunod sa iyo."



          Kita ko ang gigil sa mukha ni mama habang nagsasalita ako. Nang natapos na, lumabas na ito ng kwarto ko. Hay nako! Grabe naman si mama. Kami-kami na nga lang at ang mga kapatid ko ang mga natitirang mga kamag-anak na nagmamahalan, kami-kami pa iyung nag-aaway at nagtatakwil sa isa't isa. Well, bahala siya sa buhay niya. At tsaka hindi naman basehan para kay Gerard na kapag hindi mo mahal ang magulang mo, hindi ka marunong magmahal ng katipan mo. Hindi naman kawalan si mama. Pero as long as ginagawa ni mama ang pagiging nanay sa mga kapatid ko, hindi kami mag-uusap. Iyun ang mahalaga. Siguro, matulog na nga muna ako. Kailan kaya babalik si Gerard? Wala kasing mag-aalaga sa akin.



Allan's POV



          Habang nagbabasa ako ng libro sa sala namin, bumukas ang pintuan sa bahay at niluwa nito si Larson na galing sa trabaho.



          Magandang gabi mama. Magandang gabi Allan," bati sa amin ni Larson. Una muna nitong nilapitan si mama para halikan sa pisngi. Karir na karir ahh.



          Kumusta ang trabaho?" tanong ni mama.



          Ibinaba ni Larson ang kanyang gamit sa sofa. Okay lang naman po. Si Ren mama? Pumayag ba siya na dito magpapasko?"



          Ang sabi niya, pag-iisipan pa niya daw."



          Pumayag na siya mama," sabat ko.



          Great! Larson, may mga alam ka ba sa mga paborito niyang pagkain at ipaghahanda ko si Ren pagdating sa pasko," tanong ni mama.



          Ahh! Paborito niya ang tinola na maanghang," sagot ni Larson. Tumunog ang phone ni Larson at kinuha niya ito para tingnan.



          Naks! Magkikita na din sa wakas," sabat ko.



          Mama, aalis na muna ako. May emergency po sa trabaho," paalam ni Larson.



          Pero makakauwi ka ba para sa noche buena?" tanong ni mama.



          Kinuha ulit ni Larson ang kanyang mga gamit. Susubukan ko po. I-text niyo po ako kung nakarating na si Ren para sa noche buena at baka ganahan ako magtrabaho para makauwi agad. Alis ulit ako ma." Hinalikan ulit nito si mama sa pisngi.



          Ingat ka anak."



Edmund's POV



          Maggagabi na ata nang nagising ako sa katok sa pintuan ng kwarto ko.



          Pasok po."



          Bumukas ang pintuan at namutla ako kung sino ang pumasok. Si sir Simon pala na may bitbit ng basket ng mga prutas kasama si Erika na may hawak na bulaklak.



          Edmund, kumusta ka na?" tanong ni sir Simon saka inilapag ang hawak na basket sa maliit na table.



          Okay na po ako sir Simon. Baka sa susunod na linggo pa nga lang ako idi-discharge," sagot ko.



          Mabuti." Tiningnan ni sir Simon ang kabuuan ng silid. Teka? Bakit wala pa si Ren dito? Ang alam ko, nag-text na ang asawa ko sa kaniya na okay ka na?"



          Tito, baka naman busy lang siya," sabat ni Erika na nilalagay ang bulaklak sa isang lalagyan at inaayos na rin ito. Alam niyo naman po na pinalaki niyo siya sa kweba."



          Pero isa itong importanteng bagay Erika. Hindi ba matagal na niyang inaantay na magising si Edmund? Oo nga pala. Naibigay mo na ba ang statement sa mga pulis?"



          Kagabi ko pa po binigay," wika ko.



          Ganoon ba? Mabuti. Aalis na ako para bumalik sa bahay. Naghahanda na ang asawa ko para sa noche buena mamaya. Advance happy birthday nga pala sa iyo Edmund. Erika, Edmund, iiwan ko na kayo." Naglakad na paalis ng kwarto si sir Simon.



          Bye po tito," paalam ni Erika



          Ingat po kayo sir Simon."



          Edmund, bakit namutla ka kanina nang nakita kami?" tanong ni Erika saka umupo sa upuan.



          Ano ka ba? Kagigising ko lang at hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid habang tulog pa ako. Baka mamaya, nalaman na ni sir Simon ang lahat-lahat na mga kasinungalingan na sinasabi ko sa kaniya," paliwanag ko. Ikaw Erika? Kumusta na?"



          Well, heto pa rin. Gorgeous at single. Ang dami mong na-miss habang tulog ka. Buti na lang at nagising ka bago ang birthday mo."



          Na-miss? Pwede mo bang ikwento sa akin?"



          Pwede naman. Pero saang kwento ka interesante? Sa kwento ng magulo kong buhay o sa kwento ni Ren?"



          Siyempre kay Ren."



          I bet na sasabihin mo talaga iyan." Kumuha siya ng mansanas at sinimulan itong balatan. Well, simula noong natutulog ka, sumuway siya sa gusto ni ninong at pumunta ng Cebu. Hindi ba dapat, kasama siya papuntang Hong Kong? So iyun nga. Tumuloy siya sa Cebu para maalala iyung mga nawawala niyang memorya. Habang binabalik ni Ren ang mga ala-ala niya, nakita niya ang kasal ni Kei at ang fiance niya na si Janice."



          Hindi ako makapaniwala sa narinig. What? Kasal na si Keifer at Janice? At nakita pa iyun ni Ren?"



          Yeah. So devastated si Ren sa nangyari. Pero weeks later, okay na siya. Moved on na. At para patunayan iyun, tinigil na niya ang makipagkaibigan sa mga taong iyun. And months later, may bagong lalake ng pumoporma sa kaniya. Allan ang pangalan kung tama ang pagkaalala ko. By the way, nanalo ang school sa Battle of the Bands."



          Magandang balita ba itong Allan?"



          Hmm... para sa akin, hindi. Basta. Ayaw ni Joseph, ako, at si Aldred kay Allan para kay Ren. Dagdag ka para apat na."



          Kailangan, makilatis ko muna ang tao bago ako bumoto. May problema ba sa Allan na ito?"



          Long story short kung bakit no ako, no lang talaga. Heto na ang mansanas kumain ka na." Binigay sa akin ni Erika ang mga mansanas na hinati niya.



          Salamat Erika."



          Tumingin si Erika sa pintuan na parang may hinihintay. Asaan ang mama mo? Bakit wala siya? Oh? Alam mo ba na sinagot-sagot daw nung Gerard ang mama mo?"



          Sumubo ako ng isang stick ng mansanas. Nagkaroon kami ng mainit na argumento tungkol sa pag-ibig at relihiyon. As expected, hindi nga niya kayang tanggapin na mahal ko si Gerard. Dahil doon, tinakwil na niya ako."



          Harsh. Tungkol nga pala nangyari sa iyo? Si Gerard ba?" tanong ni Erika.



          Hindi siya ang gumawa," pailing na sagot ko. Kumusta na nga pala ang pagkakarate mo?"



          Nako Edmund! Ano ba ang inaasahan mo sa akin? Ang matalo? No way."



          Sumubo pa ako ng isang stick. Hmm... nakakapagtaka talaga na walang nakakakita sa iyo na ang sexy mo. Biruin mo, gorgeous, brainy, fighter. That is so sexy."



          Aixt! Ano ka ba Edmund? Para namang nakikipagkarate ako publicly sa school," natatawa niyang saad. Alam mo, tatawagan ko na nga itong si Ren para pumunta siya dito at alagaan ka. Wait lang. Kunin ko ang phone ko."



          Kinuha ni Erika ang phone niya at tinawagan si Ren. Ilang minuto lang na nakalagay ang cellphone ni Erika sa tenga niya.



          Hmm... parang hindi maganda ang pangitain ko sa bagay na iyan Erika," wika ko.



          Ang alin?"



          Ang matagal na pagsagot ni Ren sa phone niya."



          Ano ka ba? Malay mo. Busy lang talaga ang taong iyun."



          Ha! Sa tuwing matagal na hindi sinasagot ni Ren ang phone niya, may dalawang posiblidad. Mahimbing na natutulog o may nangyaring masama sa kaniya."



          Mahimbing na natutulog? Edmund, ilang oras na lang at pasko na. Ahh! Naalala ko na may sinabi si tito na si Ren ay magpapasko sa ibang bahay. Baka naiwan niya ang phone niya na magiging dahilan na hindi siya makapasok sa bahay niya." Hindi pa pala alam ni Erika ang override command ng gate.



          O baka may mangyaring masama sa kaniya."



          Ano ka ba Edmund. Tigilan mo na ang pag-aalala sa kaniya. What could possibly go wrong today? Bukas, pasko na. May gagawa pa ba ng masama sa kaniya?"



          Tandaan mo Erika na ang kasamaan, walang pinipiling oras. Kahit pasko pa iyan. Gagawa sila ng gagawa ng masama. Pwera lang ata kapag laban ni Pacquiao," natatawa kong saad.



          Pero para makasigurado, magsasabi ako mamaya kay tito para siya na mismo ang titingin sa kalagayan ni Ren."



          Mabuti nga iyan Erika. Salamat."



          Tumunog ulit ang phone ni Erika at tiningnann niya ito. Paano ba iyan Edmund? Pinapauwi na ako ni papa. Advanced happy birthday Edmund. Uuwi na ako. Get well soon," paalam ni Erika. Tumayo na siya at naghanda ng umalis.



          Sige. Salamat. Oo nga pala. Huwag mong kakalimutan na ipa-check kay sir Simon ang kalagayan ni Ren."



          Oo. Ipapa-check ko. Bye na."



          Naglakad na paalis sa kwarto ko si Erika. At nag-iisa na naman ako sa kwarto ko. Hay! Bakit kasi nakipag-argumento pa si mama tungkol sa ayaw ng Diyos sa mga third sex. Ayan tuloy! Pero hindi naman maiiwasan iyun. At kung nagkaroon nga ng ganoong batas si God, aba! Dapat iisang kasarian na lang ang nilagay niya sa mundo para wala ng magkasala.



          Humugot ulit ako ng buntong-hininga at ipinikit ang aking mga mata. Mukhang masaya ang mga tao sa paligid dahil sa araw ngayon ng pasko. Panahon para tayo ay magmahalan, magbigayan, magtawanan, magharutan, at magpatawaran. Pati utang. Kumain ng masasarap para tumaba. At pagdating ng bagong taon, kumain ulit para tumaba. Tapos sa mga araw ng enero, mag-eehersisyo para maganda ang pangangatawan dahil ang susunod na buwan ay pebrero. Araw ng pag-ibig.



          Asaan na kaya si Ren? Okay lang kaya siya? Siguro, tama din si Erika. Hindi dapat ako masyadong mag-alala. Marahil, may mga tao na pwedeng gawan siya ng masama. Pero hindi dapat iyun ang isipin ko. Isipin ko lang na nasa mabuti siyang kalagayan at ayos lang. Pero kaninong bahay ba siya magpapasko? Hindi sinabi sa akin ni Erika. Sabi naman niya, tinapos na ni Ren ang pakikipagkaibigan niya kila Keifer, Janice, at Harry. Imposible naman na doon siya pupunta para magkapatawaran sila. Pero ayos din. O baka naman doon sa bago niya na si Allan. Pero mas maganda kung sa mga kaibigan niya gaya kila Blue at Aldred, Joseph, Paul, at kila Jonas at Nicko.



          Hay nako! Sana, makalabas na ako sa ospital na ito. Gusto ko ng malaman ang mga masasayang pangyayari sa labas ng ospital. At si Gerard. Ano ba ang gagawin niya? May kinalaman ba ito kay Ren? Nako! Hindi ko siya natanong tungkol doon. Nadala ako sa napakamaliwanag naming moment kanina. Ang sarap tumayo para makaalis na sa lugar na ito. Pero sana, hindi siya gagawa ng isang hakbang na pagsisisihan niya habang buhay. Miss na miss ko na siya agad.



          Bigla na lang na may narinig akong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Sino kaya iyan?



          Pasok."



          Dinilat ko ang aking mata at itinuon ang atensyon sa pintuan. Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito ang aking nakakabatang kong kapatid na si Edwin. May dala pa ito na parang cake sa kamay at dahan-dahan na lumapit sa akin.



Happy birthday to you!

Happy birthday to you!

Happy birthday, happy birthday!

Happy birthday Edmund!



          Ahh! Teka, teka, mukhang gumagaling na ako," natatawa kong saad.



          Kuya! Happy birthday!" bati ulit ni Edwin.



          Salamat!"



          Make a wish na at hipan mo na ang kandila." Nilapit sa akin ni Edwin ang cake at ipinaihip sa akin ang kandila.



          Most of all, kapayapaan sa ating mga buhay-buhay. Except death kasi kapayapaan din iyun. Good health, good fortune, good day, basta kung anong good!" hiling ko. Hinipan ko naman ang kandila.



          Yey! Sana matupad ang wish mo kuya!" masayang saad ni Edwin. Nilagay niya ang cake sa katabing mesa.



          Kumusta na ang buhay mo Edwin?" tanong ko. Balita ko, maganda ang nakuha mong trabaho."



          Sobrang okay kuya," sagot niya. Tapos may chicks ako na nakilala. At heto pa kuya. Hindi siya basta chicks lang. Crush ko siya noong sa Schoneberg Academe pa kami nag-aaral. Iyung kinekwento ko sa iyo parati."



          Chicks ba iyan? Babae ba talaga iyan?" curious na tanong ko.



          Naman kuya! Babae talaga. Ipapakita ko pa ang piktyur namin." Kinuha ni Edwin ang phone niya at ipinakita sa akin ang litrato ng babaeng sinasabi niya. Legit! Confirmed na babae.



          Aba! Magaling." Tumango-tango pa ako.



          Kuya naman! Tigilan mo na nga iyan." Kinuha ni Edwin ang phone niya at naglabas ng mga container sa bag. May dala siyang masasarap na pagkain.



          Ohh? Dito ka magno-noche buena?"



          Oo kuya. Sasamahan kita. Biruin mo, birthday mo tapos pasko pa. Nag-iisa ka lang dito sa ospital. Marahil si mama, hindi ka niya mahal. Pero ako kuya, love na love kita bilang kapatid. Kuya kita ehh."



          Alam mo Edwin, pakitawagan nga ang doktor. Mukhang nagkaroon ako ng heart enlargement dahil sa mga sinasabi mo."



          Natawa na lang si Edwin ng payak. Ikaw talaga kuya. Gusto mo, subuan pa kita?"



          Umakto ako na sumasakit ang aking puso. Aray ko Edwin! Iyung puso ko. Mukhang lumalaki. Tumawag ka na ng doktor." Natawa na lang ako ng payak.



          Kuya talaga. Tara na at kumain na tayo."



          Oo nga. Ayusin mo ang pagsubo sa akin ha."



          Mukhang kaya mo naman ata subuan ang sarili mo ehh."



          Hindi. Hindi. Subuan mo ako."



          Iyung mga pagkain, wala bang bawal sa iyo diyan?"



          Hay salamat! Buti na lang hindi ako nag-iisa ngayong pasko at birthday ko. Ang hiling ko lang ngayong pasko, kapayapaan para sa lahat.



Allan's POV



          Noche buena na. Kasalukuyang naghihintay kami ni mama na dumating si Larson at Ren. Late na si Ren para sa noche buena. Saan kaya pumunta iyun? Naligaw kaya iyun papunta dito? Imposible iyun.



          Sinubukan ko naman tawagan ang phone niya at walang sumasagot. Baka naiwan. Imposible naman. Baka kapag kinain ko ang utak ni Ren, malalaman ko ang routine niya na hindi niya nakakalimutan dalhin ang phone niya. At bakit naman wala pa dito si Larson?



          Tumunog ang phone ko na hindi ko na tiningnan at sinagot agad ang tawag. Hello?"



          Hello. Buti naman Allan at sinagot mo," saad ng boses na si Larson.



          Oo nga ehh. Namumuti na ang mata namin ni mama dito kakaantay sa inyo," naiirita kong sabi.



          Kakaantay sa amin? Hindi ba dumating si Ren?" tanong ni Larson.



          Mukhang ganoon na nga," sagot ko. Asaan ka na ba? Uuwi ka pa ba?"



          Narinig ko na bumuntong-hininga siya. Mukhang hindi na ata ako makakauwi para sa noche buena. Kumain na kayo diyan ni mama. Pakisabi na pasensya na."



          Inikot ko ang aking mata at tiningnan si mama. Hindi daw siya makakauwi. Kumain na daw po tayo at pasensya na."



          Mapait na ngumiti si mama. Pakisabi na okay lang."



          Okay lang daw."



          Rinig ko na nakahinga na si Larson ng maluwag. Ganoon ba? Buti naman. Pasensya na talaga."



          Pinatunog ko ang aking dila. First time na nagmintis ka. Hindi magandang pangitain iyan. Baka masanay ka na niyan. Kung nakikita mo lang kung gaano kalungkot si mama."



          Hindi na nga mauulit. Pasensya na. Babawi talaga ako sa darating na bagong taon. Pramis!"



          Sige. Aasahan ko iyan. Ibababa ko na ang phone at kakain na kami. Bye at maligayang pasko," bati ko.



          Ganoon din sa'yo."



          Ibinaba ko na ang phone. Kumain na tayo ma."



          Sige," medyo malungkot na tugon ni mama.



          Hay nako! Parang sa ginawa ni Larson, mukhang nasira na ang pasko namin. Ang dami pa namang pagkain ang hinanda ni mama para sa kanilang dalawa. Sayang naman. Ayoko pa naman na nakikitang malungkot si mama. Sino ba naman ang matutuwa?



Mr. Schoneberg's POV



          Kriiing!"



          Bigla akong napabangon dahil sa tunog ng alarm clock na nasa mesa sa tabi ko. Inabot ko ito at pinatay ang alarm. Tiningnan ko na muna ang kung anong oras na sa analog clock. Pasado sampu na ng tanghali. Tumingin ako sa kaliwa ko para makita ang asawa ko na mahimbing na natutulog sa kama. Hinalikan ko ito sa noo nang hindi tinitingnan ang kanyang kasuotan. Baka ano na naman ang masabi ko sa ridiculous na pananamit ng asawa ko. Pero mahal ko iyan.



          Pagkatapos maghilamos, naalala ko ang sinabi ni Erika na tingnan ang status ni Ren ngayon. Bumaba muna ako sa kwarto at nakikita ko na naglilinis ang mga katulong dahil nagkaroon kami ng masayang party kanina. Sayang nga lang at wala si Ren.



          Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tinawagan si Ren. Ilang beses ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Naiwan na naman kaya niya ang phone niya sa bahay? Hindi bale na. Pupuntahan ko na lang ang bahay ng kaibigan niya kung saan siya nag-noche buena.




          Ilang minuto ang nakalipas, narating ko na ang address ni Allan Mercer sa isang sabdibisyon. Bumaba ako sa sasakyan at kumatok. Pinagbuksan naman ako ng isang babae na malapit lang sa edad ko. Ito marahil ang maybahay dahil sa ganda ng pananamit niya.



          Magandang tanghali ho," bati ko.



          Magandang umaga din ho. Ano ho ang kailangan nila?" tugon ng babae.



          Dito ho ba nakatira si Allan Mercer?" tanong ko.



          Oho. Ako ho ang mama niya," sagot nito.



          Ahh! Tamang-tama ho. Kayo ho ba ang nag-imbita sa inaanak ko para mag-noche buena ho dito? Umm... ako ho kasi ang guardian ng bata at nag-aalala ho ako sa kalagayan niya dahil hindi ho sinasagot ng bata ang phone niya. Baka ho naririto?"



          Ahh! Si Ren ho ba?"



          Oo. Siya nga."



          Pilit na ngumiti ang ginang pero halata ang lungkot sa mukha niya. Tama ho kayo. Ako ho ang nag-imbita sa kaniya. Pero hindi ho siya nakarating nang sumapit na ang noche buena. Nag-antay pa po kami ng ilang oras. Pero hindi po talaga siya nakarating."



          Bigla akong kinabahan sa sinasabi ng ginang. Sigurado ho ba kayo na hindi siya nakarating?"



          Siguradong-sigurado ho."



          S-Salamat ho. Aalis na ho ako."



          Agad na sumakay ako sa sasakyan at pinaharurot agad ang sasakyan paalis. Habang nasa biyahe ay sinusubukan ko pa rin na tawagan si Ren. Napuno ang pagkatao ko ng kaba para sa kaniya. Ano ang nangyari sa kaniya habang hindi ako nakatingin? Nahanap na kaya siya ng mga taong naghahanap sa kaniya?



          Nagulat ako nang biglang may sumagot sa tawag ko kay Ren. Hello? Ren? Ikaw ba iyan?"



          Wala po siya dito," magalang na sagot ng nasa kabilang linya. Hindi ko ma-distinguish kung lalake o babae ang naririnig kong boses dahil naguguluhan ako pagkarinig ko.



          Sino to?" tanong ko.



          Tagapagbantay din po ako ng inaanak ninyo. Nakapasok po ako sa bahay niya pero wala na akong nakita. Palagay ko ay dinukot na po siya ng mga taong kinatatakutan niyo na kukuha sa kaniya," paliwanag nito.



          Teka? Sino ito? Sagutin mo ako kung sino ito? At asaan si Ren? Alam mo ba?"



          Pasensya na po pero hindi ko po kailangan sabihin. Mas mabuting magdasal na lang po kayo na maging ayos ang inaanak ninyo. Ako po ang bahala sa kaniya."



          Nakarating na din ako sa bahay ni Ren at agad na bumaba ako. Kumatok ako dito ng maraming beses at tinawag ang pangalan niya. Walang sumasagot.



          Rinig ko na bumuntong-hininga ang kausap ko sa phone ni Ren. Bale wala po ang ginagawa ninyo dahil wala po siya diyan."



          Hey, sino ka ba ha?! Asaan na si Ren?! Sabihin mo sa akin kung nasaan siya at tutulong ako sa abot ng aking makakaya."



          Kasasabi ko lang po sa inyo kanina. Pasensya na po pero hindi ko po kailangan sabihin. Mas mabuting magdasal na lang po kayo na maging ayos ang inaanak ninyo. Ako po ang bahala sa kaniya. At pakiusap po. Huwag niyo po siyang subukang hanapin kasama ang mga pulis dahil mas lalala lang po ang sitwasyon."



          Please! Kung sino ka man, tulungan mo ang inaanak ko. Iuwi mo siya ng buhay! Isa lang siyang normal na bata na dapat mamuhay ng normal," pakiusap ko.



          Makakaasa po kayo. Antayin niyo na lang po ang susunod na tawag ko. Sisiguraduhin ko po na maibabalik ko po ang inaanak niyo ng ligtas. Paalam."



          Ibinaba na ng misteryosong tao ang phone ni Ren. Habang nagmamasid-masid sa paligid, may nakita akong parang tuyong dugo sa lupa. Diyos ko! Iligtas niyo po ang bata. Hindi niya deserve ang mga nangyayaring masamang bagay sa kaniya. Bigay niyo po kay Ren ang kakayahan niya. Huwag naman po sanang maging dahilan ito para bawiin niyo po siya sa amin at samahan ang kanyang mga magulang. Pakisaup po.



Ren's POV



          Nakamulat ang mata ko pero parang lumulutang ang pakiramdam ko. Wala akong nasusundan sa mga nangyayari maliban lang sa ilang bagay. Nakahigang nakadapa ako sa isang malamig na kwarto. Nakaposas ang aking mga kamay at paa. Walang damit ni saplot ang aking katawan. Ilang araw na ba ang lumipas na nakahiga ako sa kamang ito? Anong petsa na ba? Ang huling pagkakatanda ko, malapit ng sumapit ang pasko.



          Nakarinig ako na bumukas ang pinto. Hindi ko makita kung sino ang pumasok. Hindi ko alam hanggang sa naramdaman ko na lang na may katawan na pumatong sa akin at dinidilaan ang aking likuran papunta sa leeg ko. Niyakap pa ako nito habang hinahaplos ang aking tiyan papunta sa aking dibdib.



          Ang puti talaga ng balat mo Ren. Ang sarap-sarap pa. Gusto ko itong kagatin," pabulong na sabi ni Harry.



          Kinagat nga nito ang batok ko pero hindi ito masakit. Natatabunan ang sakit dahil sa nararamdaman ko na masarap ang ginagawa niya sa dibdib at sa bandang puwitan ko.



          Tama. Natatandaan ko na. Pumasok si Harry sa loob ng bahay ko. Mukhang nakita niya ako na ginamit ang override command ng gate. Kinompronta ko siya at nilabanan. Pero dahil sa tinutukan niya ako ng baril, wala na akong nagawa. Natakot ako para sa buhay ko. Hinayaan ko siya sa kung anong gagawin niya sa akin. May nilabas siyang syringe sa bulsa niya at itinusok niya sa akin iyun.



          Sumunod na nangyari, nakita ko na lang ang sarili ko na nakadapa sa kama. Ang lamig ng kwarto. Nakaposas ang aking kamay at paa. Pilit kong inaalis ang mga posas pero hindi ito maalis. Hindi naman siguro tanga ang gumawa sa akin nito para na posasan ako para makatakas.



          「4 days ago...



          Ren, Ren, don't go away. Let me come inside of you in another way," kanta ni Harry habang pumapasok sa kwarto. Wait, hindi pala Ren ang pangalan mo. Garen Villarica."



          Harry, bakit? Anong kailangan mo sa akin? Ano ang gagawin mo sa akin?" natatakot kong tanong.



          Relax. Ikaw lang naman ang kailangan ko sa simula pa lang hindi ba? Sinabi ko na iyan," sagot ni Harry.



          Naramdaman ko na hinaplos niya ang puwitan ko. Sinubukan kong gumalaw para iwasan sana ang gagawin niya pero hindi ko magawa.



          So ito pala ang balat mo kapag nakahubad ka. Ang puti at ang kinis. Napakaswerte naman ni Kei at siya ang unang... nakatikim sa iyo."



          Naramdaman na mukhang ipnasok ni Harry ang isa niyang daliri sa puwitan ko. Hindi ko masabi kung aling daliri ang ginagamit niya. Ayoko ng ginagawa niya. Ayoko.



          Tumulo na ang luha ko. Harry, please. Tigilan mo ito," naiiyak kong pakiusap.



          Tumigil? Ako? Bakit? Noong niloko niyo kami ni Janice, tumigil ba kayo na magsinungaling sa amin? Ahh! Maalala ko. Si Kei pala, nag-hello na sa kabilang buhay."



          A-Anong ibig mong sabihin?"



          Hindi mo ba gets? Si Kei. Nag-hello sa kabilang buhay. Alam mo iyun. Hello sa kabilang buhay. Kabilang buhay."



          Hindi ako makapaniwala sa narinig. Pinatay mo siya Harry?" hula ko. Kinuyom ko ang aking kamao.



          Tama ka! Tumpak!" masaya niyang pagkumpirma.



          Nagwala ako sa kama at ginalaw ang buo kong katawan. Nagagalit ako sa ginawa niya. Bakit umabot siya sa ganoon?



          Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Bakit mo siya pinatay? Kasal na sila ni Janice. Hindi ko na siya mahal."



          Ohh! Napakagandang balita pala iyan kung ganoon. Hindi mo nga siya mahal. Pero kasi, si Kei, mukhang may gusto pa rin siya sa iyo. Kaya para magiging smooth ang pagsasama natin, niligpit ko na siya. Hindi siya karapat-dapat mabuhay sa mundo nating dalawa Ren," masayang paliwanag ni Harry. Alam mo, ang boring mo pala sa ganitong scene. Hindi mo ako sinisigawan gaya ng hayop ka, demonyo ka, ang sama-sama mo at iba pa."



          Hindi ako mag-aaksaya ng lakas para sabihin iyan sa iyo Harry dahil ikaw mismo, alam mo na iyan," matapang kong saad.



          Hmm... mukhang may pinaplano ka. Ahh! Nag-iipon ka ba ng lakas para makatakas sa akin? Nako! Hindi mo magagawa iyan. Alam mo ba kung nasaan tayo? Alam mo ba kung saang dako tayo ng mundo napunta? Matalino din akong tao Ren. Pero kung ako sa iyo, ipunin mo na lang ang lakas mo para sa ibang bagay. Dahil tiyak ako na gamit na gamit ko iyan. Ngayon ko lang napansin, ang lamig pala ng kwarto. Ikaw siguro, nilalamig ka na din. Teka lang. Hubarin ko lang ang damit ko."



          Naramdaman ko na tinanggal ni Harry ang daliri sa puwitan ko. Nakuha ko na agad ang gagawin niya. Kailangan makatakas ako kahit hindi ko alam kung nasaang dako pa ako ng mundo napunta.



          Nilagay ko na lang lahat sa mga kamay at paa ang aking lakas at sinubukang kumawala sa posas na pumipigil sa akin. Pero hindi ko magawa. Kulang ang lakas ko.



          Hay nako! Sinabi ko naman sa iyo na bale wala iyan. Hindi ka makakawala. O baka naghahanda ka lang at kinakabisado mong kung paano gumalaw sa pusiyon na iyan? Mukhang maganda," natatawang saad ni Harry.



          Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na magwala. Malapit ng masira ang posas. Malapit na. Sigurado ako doon.



          Biglang bumigat at uminit ang aking likuran na mukhang dinaganan ako ng isang buhay na tao saka niyakap. Wala na akong lakas para magpumiglas. Hindi ko na kaya.



          Ang lamig ng kwarto Ren. Gusto mo bang magpainit tayo ng katawan? Gumawa ng sariling init na tayo lang ang makakagawa? Magkantutan?" sunod-sunod na tanong ni Harry.



          Hindi Harry. Ayoko!" madiin na pagtanggi ko.



          That's the spirit. Itanggi mo lang ng itanggi. Pero ang katawan mo, magsasabi sa akin ng totoo. Nilalamig ang katawan mo. Gusto mong magpainit ngayon. Kapag sinabi mo na gusto mo din magpainit, baka alisin ko ang posas sa kamay at paa mo."



          Alam ko ang iniisip niya. Kapag binigay ko ang gusto niya, aalisin nga ni Harry ang mga posas sa kamay ko. Pero kapag pumalag ako, may pag-asa ba akong manalo sa kaniya? Wala. Mas lalong lalala ang sitwasyon ko. Ayokong may mangyari sa amin ni Harry. Pero ano ang dapat kong gawin? Magkunyari na huwag niya muna ako galawin at umakto na gusto ko na siya ngayon? Pero wala ng tiwala sa akin si Harry. Imposibleng kumagat siya sa mga binabalak ko.



          Ang tagal mo namang sumagot. Hindi bale na. Aalisin ko ang mga posas sa kamay at paa mo."



          Inalis nga ni Harry ang posas sa kamay ko. Sunod naman niyang aalisin ang sa paa ko. Pagkakataon ko na ito.



          Bigla siyang tumigil. Sandali lang."



          Sinuntok ni Harry ang sikmura ko. Agh!" Ang sakit.



          Mas lalo pa akong nanghina sa ginawa ni Harry. Inalis nga niya ang posas sa mga paa ko. Susubukan ko sanang sumipa pero sinuntok niya ulit ako ng malakas sa sikmura ko.



          Tipid na tumawa si Harry. Alam kong matalino ka Ren. Kaya lang, I saw all your plans in a minute. Multiple choices to be exact. Pero wala ka ng magagawa. Patay na si Kei at... wait. Nalaman ko na si Gerard, kakampi din pala niya. At in case na hindi mo alam, magkakaibigan kaming tatlo. Si Kei, si Gerard, at ako."



          Ano?"



          Nalaman ko na nagdi-disguise din si Gerard bilang si Mr. Lion. At dahil doon, pinaligpit na namin siya. Sandali lang? Hindi mo ba alam iyun na magkakaibigan kaming tatlo?"



          Naguluhan ako sa mga sinasabi ni Harry. Si Gerard pala si Mr. Lion? Pero paano si Allan? Isa siyang impostor?



          Tumawa ulit si Harry. I see. Hindi mo pala talaga alam. At ito ang nakakatawang parte doon. Natanggap ko ang balita just now. Sakto sa noche buena." Nilagay ni Harry ang mga kamay sa bewang ko at dahan-dahan na tumutulay pa itaas. Kaya oras na para magbigayan ng regalo, kumain, kumain, kumain, sumipsip, at kung ano-ano pa."



          Inilapit ni Harry ang kanyang mukha sa utong ko at maganang sinipsip iyun. Nag-react mag-isa ang mga kamay ko at niyakap siya. Hindi. Hindi dapat ganito.



          Itinigil niya ang pagsipsip. Mukhang nagugustuhan mo ang ginagawa ko. Dapat pala, sanayin ko na ang katawan mo na maging puta ko. Habang buhay to be exact."



          H-Hindi mo ako maikukulong dito habang buhay."



          Hindi nga. Hindi naman kita ikukulong habang buhay. Gusto ko naman na makalabas ka dito sa bahay ko at makita mo kung gaano kita kamahal. For now, 5 days kitang pagsasawaan. Sex sa umaga, sex sa hapon, sex sa gabi. Gusto kong makabawi sa ginawa ni Kei sa iyo. Biruin mo, dalawang buwan ka din pala niyang sinolo. Hindi naman ako payag na hindi matumbasan iyun. Pero sa takbo ng mga pangyayari, mukhang mahihigitan ko iyun. Hanggang sa tumanda na tayo."



          Sa tingin mo ba, dahil sa mga ginagawa mo ngayon, hahayaan ko na manatili ako dito? Iisip at iisip din ako ng paraan para makatakas."



          Nginisihan niya ako. At sa tingin mo, hindi ko din naisip ang bagay na iyan? Well, okay lang. Mag-isip ka ng mga paraan para makatakas mula sa amin. Wala ka ng magagawa. Wala ka ng impostor na Mr. Lion na magliligtas sa iyo. Ako na lang ang natitirang Mr. Lion sa buhay mo Ren. Rawr!"



          Marahang kinagat ni Harry ang leeg ko at napaungol ako. Nararamdan ko pa na gumagalaw ang kamay niya sa katawan ko. Bakit ganoon? Nagugustuhan ito ng katawan ko.



          Tumigil ulit si Harry sa ginagawa. Iyang bibig mo kaya, nakantot kaya ni Kei iyan? Subukan ko nga?"



          Inayos ni Harry ang aking pusisyon at nilagay niya ang kanyang ari sa bibig ko. Gumalaw ng kusa ang bibig ko at mukhang binigay ang gusto niya.



          Shit Ren! Wala pa nga akong sinasabi, gumagalaw ka na. Keep it up!" puri ni Harry sa akin.



          Bakit ginagawa ito ng katawan ko? Bakit? Dahil wala na bang pag-asa na makaalis ako dito? Sila ninong kaya? Hinahanap ako? Sana hindi. Ayokong madamay sila ninong. Magiging okay ba ang lahat kung ibigay ko kay Harry ang gusto niya?」



          Mukhang sarap na sarap ka talaga sa ginagawa ko. Sabihin mo? Ganito din ba ang ginawang entrance ni Kei?" tanong niya habang inaalis ulit ni Harry ang mga posas.



          H-Harry! H-Hayop ka talaga."



          Hinubad ni Harry ang damit niya. Okay lang. Pero dagdagan mo naman. Gaya ng hayop na nag-iinit." Ibinukaka ni Harry ang paa ko at agad na pinasok ng ari niya ang puwitan ko. Na gusto laging magpalabas sa loob mo. Ahh! Ang sarap talaga pumasok. Ang sikip na naman. Ilang oras na lang at bagong taon na." Nagsimula na siyang gumalaw habang hinahawakan niya ang magkabilang braso ko.



          H-Harry. Ahh!" ungol ko.



          Tama. Iyan na ang pangalan na isisigaw mo."



          Nilapit ni Harry ang kanyang mukha sa leeg ko at kinagat ulit iyun gaya ng dati. Muli ay gumalaw na naman ang mga kamay at katawan ko para higpitan ang pagkakayakap ko kay Harry.



          Shit ka talaga Ren! Ang sarap sa loob mo. Ang sarap talaga ng pagkakayakap mo sa akin. Gusto mo bang bilisan ko ang pagkantot sa iyo?"



          Mas lalo pa nga siyang bumilis at hinayaan ko na lang siya. Narinig ko naman na nagsisigawan na ang mga tao at mukhang sampung segundo na lang bago magbago ng taon. 10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1... 0...



          Happy New Year Ren!"



          Naramdaman ko na mas lalong lumaki si Harry sa loob ko at nilabas nga niya sa loob ang nais niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. Hinahabol pa niya ang kanyang hininga habang nakapatong sa akin.



          Ilang minuto ang nakalipas, umalis si Harry sa pagkakapatong sa akin at may kinuha na syringe sa kanyang damit.



          Sa tingin ko, oras na para gamitin ko na sa iyo ito para ikaw ay magkaroon ng bagong taon na may bagong simula. Nakuha ko na ang gusto ko. Magiging ayos din ang lahat Ren," saad ni Harry.



          Kung ano man iyan Harry, sinusumpa kita. Gaganti ako sa ginawa mo," tugon ko.



          Okay lang. Sige. Sabihin mo lang iyan. Bago ko muna ibigay sa iyo ang gamot na ito? May mga mahahalaga ka bang bagay na natatandaan?"



          Natatandaan ko na mabuti tayong tatlo na magkakaibigan. Si Kei, ikaw, at ako. Maganda ang pagsasama nating tatlo. Natatandaan ko nga na ikaw ang nagdi-disguise na si Mr. Lion. Tuwang-tuwa ako noon. Kayo lang naman kasi ang mga kaibigan ko maliban lang kila kuya. Hanggang sa nagkita ang mga magulang natin. Iyung party na iyun ang nagsira sa pagkakaibigan natin dahil sumunod na araw ay umalis na kami sa lugar na iyun. Pansamantalang nanirahan kami dito sa Rizal at may pinapagawa palang bahay si tatay. Iyun ang bahay ma tinitirhan ko. Hanggang sa nagkaloko-loko na ang lahat."



          Pumalakpak siya. Very good! Natatandaan mo nga ang lahat. Oh well! Kaya pala hindi mo na kami nakikilala ni Kei. Dahil may bago ka ng pagkatao."



          Parang katulad ng mama mo?"



          Kumunot ang noo ni Harry. Anong ibig mong sabihin?"



          Hindi mo pala alam kung bakit hinahabol kami... ng pamilya mo. Lalong-lalo na si tita Hilda. Ang galing naman niya."



          「10 hours ago...



          Katatapos lang ni Harry na magparaos. Gising pa rin ang diwa ko at parang inaantay ko na ang aking kamatayan... kung dadating sana. Narinig ko na bumukas ulit ang pintuan. Si Harry na naman ba at gusto na naman niyang magparaos at lawayan ang katawan ko?




          Nalaman ko na hindi ito si Harry nang narinig ko na umupo ito sa upuan.



          Kawawa ka naman," saad ng boses. Kilala ko ang boses na ito. Si Hilda.



          Talaga po ba? Tita Hilda?" tugon ko.



          Ohh? Nalaman mo na ba? Sino ang nagsabi?"



          Sabi ni tatay. Hinahabol mo kami dahil may gusto kang makuha habang hindi nalalaman ng pamilyang ito ang tunay mong pagkatao. Gusto mong makuha ang pera ng parehong nag-aaway ng pamilya," paliwanag ko.



          Pumalakpak siya. Magaling. Mukhang marami ka ngang nalalaman gaya ng mga magulang mo. Ewan ko kung paano ang tatay mo nakapasok sa pamilya namin. Hindi naman kasi originally na Villarica na tatay mo. Inampon siya ni lolo. Hindi mo ba alam na pinag-iinitan naming magkakapatid iyang tatay mo? Since siya lang kasi ang nakakaalam kung saan nakatago ang kayamanan ng pamilya namin. Pero adamant ang tatay mo sa utos ni lolo. Huwag daw niya ibigay. Ilang beses na namin tinangkang patayin ang tatay mo. Pero mukhang pusa siya. Hanggang sa ginamit na pagkakataon ng pamilyang ito na patayin ang mga kapatid ko. Halos naubos kaming lahat. Ako na lang ang tanging Villarica na natitira... at ang tatay mo since dala-dala na niya ang apelyido," kwento ni Hilda.



          Natawa ako ng payak. Wow! So hindi pala kami tunay na Villarica. Parang nabunutan ako ng tinik sa kwento niyo po tita. At kaya naman pala laging sinasabi nila na ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundong ito dahil sa mga katulad ninyo na hinahabol ang ayaw ibigay ng lolo ninyo. Kawawang mga pera. Ni hindi nga nagsasalita tapos ginagamit silang instrumento para makagawa ng masama. Hindi ba pwedeng palitan ang kasabihan na ang tao ay ang ugat ng kasamaan sa mundong ito?"



          Iyun ang gusto nila. Ano ba ang magagawa mo? So, tatanungin kita? Saan tinago ng tatay mo ang ginto ng pamilya namin?" tanong niya.



          Malas mo lang tita Hilda. Namatay si tatay na hindi sinasabi sa akin iyun. Naghanap pa nga ako sa mga ala-ala ko kung may sinabi siya, pero walang ginto na binabanggit si tatay," paliwanag ko.



          Iyung bahay mo, gaano kaganda?"



          Magandang-maganda dahil iyun ang ipinamana sa akin ng tatay ko."



          Hmm... paano kaya nakalusot sa amin ang bagay na iyan? Siguro ay may kasabwat ang tatay mo."



          Napatikom ako ng bibig ng wala sa oras. Hindi maaari. Madadamay ang pamilya Schoneberg sa ginagawa ko. Mali ang sinagot kong iyun.



          Alam mo, nagkwento sa akin si Harry na pinag-aaral ka ng mga guardian mo. Sino ang guardian mo ngayon?" tanong ni tita Hilda.



          Hindi ko sasabihin," madiin na sagot.



          Hmm... okay. Napaka-adamant mo din gaya ng tatay mo. Malas mo lang at may mga kaibigan ka na kinekwento sa akin ni Harry. Ano-ano nga ang mga pangalan nila? Blue, Aldred, Jonas, Nicko, Paul, Geo, Joseph, Erika-"



          Huwag mo silang idadamay dito!" pagputol ko sa pagdadagdag niya ng mga pangalan.



          Hah? Bakit hindi? Naging kaibigan mo sila. Kaya idadamay ko sila."



          Kung idadamay mo sila, idadamay kita. Ako na lang ang natitirang pruweba na kamag-anak ka ng mga Villarica."



          Shit! Oo nga pala! Iyan ay ang huwag mong gagawin. Dahil kapag ginawa mo iyan, patay iyang mga kaibigan mo. Pero sa bagay. May ibang paraan naman. Siguro, papasukin namin ni Harry ang bahay mo pagkatapos ng bagong taon. Doon namin malalaman kung sino ang guardian mo."



          Bumangon na naman ang galit sa loob ko. Gusto kong sisihin ng sisihin ang sarili ko dahil sa mga nangyari. Tama si Mr. Lion. Nagpapasok nga ako ng demonyo sa bahay ko. Kung hindi ko lang sana naging kaibigan si Harry, hindi sana mangyayari to. Dapat nakinig ako sa mga sinasabi niya sa simula pa lang. Tinutulungan niya talaga ako.」



          Anong sinasabi mo tungkol sa mama ko?" tanong ni Harry.



          Ipinaliwanag ng mama mo sa akin. Ampon ang tatay ko sa pamilya Villarica. Hindi kami ang mga natitirang Villarica kung hindi ang mama mo. Isa siyang Villarica," pagsiwalat ng mga nalalaman ko. Ibig sabihin nito, ikaw Harry ay may dugong Villarica na nananalaytay sa ugat. Paano kaya kapag nalaman ng papa mo ang totoo? Ano kaya ang mangyayari sa pamilyang ito?"



          Tama na Ren! Hindi totoo iyan!" sigaw niya. Binigyan mo lang ako ng rason para patahimikin kita. Huwag lang mag-alala. Ililibing mo ang sikreto na iyan hanggang sa mamatay ka dahil hinding-hindi mo maisisiwalat sa papa ko ang katotohanang iyan."



          Tinusok niya ang syringe na hawak sa katawan ko at inubos ang laman. Maya-maya ay nakaramdam ako ng pananakit ng aking ulo. Ang sakit-sakit! Nakita kong lumingon si Harry sa pintuan. Nagmadali siyang nagbihis at umalis. Anong nangyayari sa akin?



Harry's POV



          Tiningnan ko lang si Ren na nananakit ang kanyang ulo. Ito na ba ang epekto ng gamot? Sana ay gumana.



          Biglang nakarinig ako ng mga putok ng baril sa labas at mga nagsisigawang tao. Ano ang nangyayari?



          Kinuha ko ang aking damit at nagbihis. Binuksan ko ang maliit na drawer sa lamesa para kumuha ng baril at lumabas. Dali-dali akong pumunta sa sala at nakita ang karumaldumal na pangyayari. Patay lahat ang mga tao sa sala. Patay na si mama, si papa, at ang ilang mga kamag-anak ko. Sino ang may gawa nito at bakit? Paano nakalusot ang mga may balak pumatay sa amin gayong may mga bantay sa labas ng bahay?



          Biglang may sumugod mula sa likuran ko na nagpatumba sa akin at may naitusok sa aking syringe. Agad na tinanggal ko ito at tinutukan ng baril ang sumugod sa akin. Hindi maaari. Paanong nangyari ito? Isang tao na may suit at tie at may maskarang leyon sa ulo. Si Mr. Lion. Sino ang tao sa likod ng maskarang iyan? Paano? Napatay ko na sila Kei at Gerard. Paano nangyari iyun?



          Harry, oras na para pagbayaran ang mga kasalanang ginawa ng mga pamilya mo," saad nito sa akin.



          Sino kang pangahas ka sa likod ng maskarang iyan?! Magpakilala ka?!" natatakot kong tanong.



          Ako lang naman si Mr. Lion. Wala ng iba. At hindi mo na kailangan malaman ang tao sa likod ng maskarang ito dahil hindi importante iyun," paliwanag ng taong ito.



          Hindi bale na. Papatayin na lang kita para malaman ko."



          Subukan mo."



          Binaril ko si Mr. Lion ng ilang beses pero nailagan nito. Maliksi itong kumilos. Kailangan gamitin kong hostage si Ren para dito.



          Dali-dali akong bumangon at tinakbo ang daan papunta sa kwarto ni Ren. Habang papunta ako sa kwarto ni Ren, humahabol pa siya sa akin. Pinaputukan ko naman ito para pabagalin siya. Wala siyang hawak na baril. Ayaw ba niyang akong patayin?



          Nang nakarating na ako sa kwarto ni Ren, nananakit pa rin ang ulo niya. Itinutok ko sa kaniya ang baril para maging hostage ko laban kay Mr. Lion. Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Mr. Lion.



          Lumapit ka pa at pasasabugin ko ng bungo niya!" banta ko.



          Nakakatakot. Kahit ang minamahal mo ay gagamitin mong hostage para lang matalo ako. Pero Harry, wala ka ng magagawa. Para saan pa si Ren kung wala na ang buong pamilya mo? Para saan pa ang lahat ng ito?"



          Huwag ka ng magsalita!" sigaw ko.



          Harry, talo ka na. Wala ka ng magagawa. Naibigay ko na ang karapat-dapat na parusa sa pamilya mo. Bibigyan pa kita ng pagkakataon para magbago. Ang kasalanan ng magulang ay kasalanan ng magulang. Ang kasalanan ng anak ay kasalanan ng anak. Hindi dapat dinadamay ang anak sa kasalanang ginawa ng magulang. Kaya sumuko ka na. Ibaba mo na ang baril mo at mabubuhay ka pa."



          Biglang nanghina ang katawan ko. Ano ba iyung ginawa niya sa akin kaya nanghina ako? Ahh! Ang syringe. Talo na nga ako. Wala na akong magagawa kung hindi iputok ang baril.



          Sinubukan kong itinutok kay Ren ang baril at kinalabit ang gatilyo. Pero hindi pumutok ang baril. Wala na palang bala ang baril ko. Hindi maaari. Natalo ako.



          Biglang dumilim ang paligid. At nagkaroon ng kapayapaan. Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba? Na-realize ko pa bigla ang mga masasamang ginawa ko kay Ren. Dapat hindi ko ginawa ang bagay na iyun. Ang pagpatay ko kay Kei at ang pambababoy ko kay Ren. Pasensya na. Patawarin niyo ako.



Ren's POV



          Patuloy pa rin ang pagsakit ng ulo ko. Nagulat na lang ako nang lumapit sa akin si Harry at itinutok niya ang baril sa akin. Nagulat ako nang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Mr. Lion. Paano? Hindi kaya si Allan ang nasa likod ng maskara? Paano?



          Biglang bumagsak si Harry at ganoon din ako. Ang ulo ko, parang binibiak. Ang sakit-sakit.



          Mr. Lion, patigilin mo ang sakit ng ulo ko," pakiusap ko. Ano ang nangyayari sa akin?"



          Okay lang iyan. Mawawala din ang sakit ng ulo mo. Ipikit mo lang ang mga mata mo at yakapin ang kadiliman na bumabalot sa iyo. Nang sa ganoon ay maibsan ang sakit," tugon niya.



          P-Pero pwede bang pagbigyan mo ang aking hiling?"



          Ano iyun?"



          Pwede ko bang malaman kung sino ang tao sa likod ng maskara? Sino ka ba talaga?"



          Mas lalong sumakit ang ulo ko na halos mapapikit ako sa sakit. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Ang sakit-sakit talaga. Dahan-dahan na inalis ni Mr. Lion ang maskara sa ulo niya. Hindi ko makapaniwala kung sino ang nakita ko. Sino nga ba siya? Teka? Bakit hindi ko na alam? Hindi ko masabi. Sino nga siya ulit? Ano ang pangalan niya?



          Ikaw pala iyan Theo," saad ko.



          Pagkatapos ng sinabi ko, nawala na ang sakit ng ulo ko. Naging payapa ang paligid sa perspektibo ko. Ipinikit ko na ang aking mata at niyakap ang kapayapaan.



          Magiging okay din ang lahat Ren. Magiging okay din," huling salita na narinig ko kay Aldred.



          Naramdaman pa na idinampi niya ang labi niya sa akin at may tumulo pang luha niya. Sana magkita ulit tayo Mr. Lion. Ay hindi nga pala. Jonas.



Mr. Schoneberg's POV



          Kasalukuyang nagsasaya kami sa mansyon dahil sa bagong taon na. Inimbita pa namin ang malapit na kaibigan ni Franz na karibal naman ng anak ko na si Daryll, si Joseph. Nag-aalala pa rin ako kung ano na ba talaga ang nangyari kay Ren. Patuloy ko pa rin inaantay ang tawag ng misteryosong tao pero limang araw na ang nakakalipas. Mukhang may masamang mangyayari sa pamilya ko sa pagpasok ng bagong taong ito. Huwag naman sana.



          Honey, ano ang iniisip mo?" untag ng asawa ko.



          Bumuntong-hininga ako. Maraming bagay asawa ko. Maraming bagay," sagot ko.



          Tungkol na naman ba sa business mo iyan? Hay nako! Tigilan mo muna ang pag-iisip tungkol sa mga business mo at magsaya tayo ngayong gabi. Bagong taon ngayon mahal. Magsayaw naman tayo." Kung alam mo lang ang nangyayari ngayon. Hindi ko pa kasi sinabi sa asawa ko na nawawala si Ren.



          Wala ako sa mood honey. Pasensya na talaga."



          Ito namang asawa ko. Napaka-KJ," nguso niya. Sandali nga? Hindi ba sabi mo na iimbitahin mo si Ren na dito mag-celebrate para sa bagong taon? Bakit hindi pa siya dumadating? Tinatawagan ko siya sa phone pero walang sumasagot."



          Umm... honey, pumunta kasi siya sa ibang lugar para mag-celebrate ng bagong taon. Tapos, naiwan pa ni Ren ang phone niya. Pinayagan ko naman siya na umalis. Kaya lang, nakakatampo dahil hindi na naman niya sinunod ang gusto ko. Tumawag naman siya sa akin at humingi ng dispensa."



          Ay! Oo nga. Ngayong nasabi mo iyan, nakakatampo si Ren. Hayaan mo. Sa susunod dito na siya magse-celebrate ng bagong taon."



          Sana nga mahal ko. Sana nga."



          Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog galing sa phone ko. Dali-dali kong kinuha ang phone dahil hindi ito alarm kung hindi isang tawag.



          Hello."



          Pumunta ka sa address na ibibigay ko sa iyo ngayon din," saad ng boses.



          Dali-dali akong nagbihis at tiningnan ang analog clock. 5 o'clock ng umaga. Bumaba na ako papunta sa garahe at pinaandar agad ang sasakyan saka pinuntahan ang address na binigay ng misteryosong tao.



          Sa isang bakanteng lote, may naaninag akong isa pang sasakyan. Bumaba ako sa kotse at lumapit sa sasakyan. May lumabas mula sa sasakyan na isang tao na naka-suit at mukhang may maskara sa ulo. Isang ulo ng leyon.



          Binuksan nito ang likuran ng sasakyan at may binuhat na parang katawan. Palapit ito sa akin at nalaman ko na si Ren na... walang malay ang binubuhat niya. Nakabalot pa ang katawan niya sa isang blanket.



          Buhay pa ba siya?" tanong ko.



          Huwag kang mag-alala. Buhay pa siya. Ligtas na ang buhay niya kapag nagising na siya. Wala ng panganib na naghihintay. Isang panibagong mundo para sa kaniya," sagot niya.



          Anong ibig mong sabihin na ligtas na siya? Ano ang ginawa mo?"



          Pinatay ko ang lahat ng mga taong nakakaalam at patuloy pa ring hinahanap siya. Wala akong itinira ni isa," paliwanag niya.



          May kapalit ba ang ginagawa mong ito?"



          Wala akong hinihinging kapalit. Ibinalik ko siya gaya ng ipinangako sa iyo. Pwede niyo ba siyang kunin dahil medyo mabigat siya?"



          Ahh! Pasensya na."



          Kinuha ko na si Ren mula sa lalaki. Nilagay ko siya sa likod ng sasakyan. Habang nilalagay siya ay aksidente kong naalis ang kumot na bumabalot sa kaniya. Hubad siya at maraming tsikinini sa katawan. Marami din siyang mga marka ng kagat.



          A-Anong nangyari sa kaniya? Bakit ang dami niyang... tsikinini at kagat sa katawan? Inabuso ba siya?" kinakabahan kong tanong.



          Ipagpaumanhin niyo pero iyun ang nangyari sa kaniya. Pasensya na kung hindi ko naagapan ang nangyari na iyun sa kaniya. May posibilidad na mag-trigger ang sakit niyang iyun sa utak. Pero manalangin tayo na sana hindi. Kaya lang, kapag hindi nag-trigger ang sakit niyang iyun, malaki ang magiging epekto nito sa emosyonal niyang aspeto."



          Katulad ba nito iyung nangyari kay Nicko?"



          Oo. Pero magkaiba iyun. Maraming gumamit kay Nicko habang siya ay... nakakasiguro ako na isa lang ang may gumawa niyan. Huwag na rin kayo mag-alala. Wala na din ang taong gumawa niyan sa kaniya. Hindi na niya makikita ang taong iyun kahit kailan," paliwanag ng misteryosong tao. May kinuha naman itong bagay sa bulsa niya at ibinigay sa akin. Ibinabalik ko na ang kanyang phone. Umuwi na kayo at tingnan ang kalagayan niya para makasigurado."



          Kinuha ko ang phone. Salamat sa iyo kung sino ka man."



          Mas magpapasalamat po ako kung hindi niyo po ipagsasabi ang nangyaring ito sa pagitan natin."



          Sumakay na ako sa sasakyan at nagmaneho pauwi ng mansyon. Iniisip ko pa rin kung sino ang taong iyun pero hindi ko matukoy dahil sa distorted ang lumalabas na boses. Dahil ba iyun sa kanyang maskara? Teka? Hindi kaya si Larson ang taong iyun? Alam kong may kakambal ang isa pang anak nila Callisto na si Lars. Pero wala na akong balita sa bata. Pinahanap ko pa siya pero wala akong nahanap. Si Larson kaya ang misteryosong taong iyun? Wala akong maisip kung sino ang taong iyun maliban lang kay Larson.



          Umaga na nang nakarating na ako sa mansyon. Binuhat ko si Ren papunta sa dating kwarto niya. Nadaanan ko naman ang mga anak ko, ang boyfriend ng anak ko na si Franz, ang bestfriend ni Franz na si Joseph, at ang pamangkin ko na si Erika, na nag-uusap sa sala.



          Mine, sino iyun?" rinig kong tanong ni Franz.



          Edmund, Edmund!" tawag ko.



          Lumabas ito mula sa kwarto niya. Bakit po? Ahh! Ren."



          Tumawag ka ngayon din ng doktor papunta dito. Sabihin mo na isa itong emergency. Pagkatapos, pumunta ka sa office ko," utos ko.



          Masusunod po." Kinuha ni Edmund ang phone at nagsimula ng tumawag.



          Ikaw (Joseph), ikaw (Daryll), ikaw (Franz), at ikaw (Jasper), sa office ko ngayon din!" Naglakad ulit ako papunta sa taas.



          Tito, hindi ako kasali?" tanong ni Erika.



          Wala na akong panahon para makipagbiruan Erika. Oo nga pala. Daryll, pahiramin mo si Ren ng damit mo!"



          Pero-"



          Wala munang pero ngayon!" pagputol ko. Gusto ko ngayong bagong taon, lahat ng sasabihin ko ay susundin at ang hindi sumunod, bibigyan ko ng kaukulang parusa! Naiintidihan niyo ba ako?!"



          Opo," saad nila Erika at Jasper.



          Pero- aray!"



          Siniko ni Jasper si Daryll. Opo din po sabi ni Daryll," saad ni Jasper.



          Bakit ba?" reklamo ni Daryll.



          Sumunod ka na lang."



          Bumukas ang pintuan ng kwarto namin ng asawa ko at niluwa siya. Honey kaaga-aga at nagsisisi- OH MY GOD! Akin na si Ren." Kinuha ng asawa ko si Ren at dinala sa dating kwarto niya.



          Kumuha ka na lang ng damit sa damitan ni Daryll okay?"



          Sir Simon, papunta na daw po dito ang doktor," report ni Edmund.



          Good. Ano pa ang hinihintay niyo? Sumunod na kayo sa akin?"



          Nauna na akong pumunta sa office ko. Kumuha muna ako ng alak at isang maliit na baso. Sinalinan ko ito ng alak at itinungga. Nang naalala ko ang mga marka sa katawan ni Ren, naitapon ko ang baso sa pintuan. Muntikan naman matamaan si Daryll pero naiwasan niya ito nang naisara niya ulit ang pinto.



          Dad, muntikan na ako!" reklamo ni Daryll.



          Pasensya na. Pumasok na kayo at umupo."



          Isa-isa silang pumasok at umupo sa mga upuan. Kasama naman nilang pumasok si Erika.



          Erika? Bakit ka andito?" tanong ko.



          Bakit tito? Hindi po ba ako dapat kasama sa usapan na ito? It's all about Ren right? Kaya dapat, kasama ako," paliwanag ni Erika.



          Actually nga po, sa akin po kayo nagtanong niyan. Bakit po ako kasama?" tanong ni Joseph.



          Since nandito ka na rin at nakita mo ako na binubuhat ang walang malay na si Ren, magpapaliwanag ako sa mga taong hindi nakakakilala sa kaniya ng lubusan," sagot ko. Ngayon, kailangan ko ang tulong na makukuha ko hanggang posible. His name is Ren Castillo Severin. Wala siyang mga magulang, kamag-anak, malayo man o malapit, at ako ang guardian niya."



          Wow. Akala ko, iyung Castillo sa middle name niya ang magiging dahilan para maasar ako sa kaniya. Dumagdag pa na pamilya din siya ng mga Schoneberg. 2-in-1 package pala siya," rinig kong bulong ni Joseph.



          Anong sabi mo Joseph?"



          Wala po. Magpatuloy po kayo," ngiti ni Joseph.



          Ako naman po? May connection ba siya kila Christian Castillo?" tanong ni Franz.



          Boba ka ba Franz? Kasasabi nga lang na wala na ngang kamag-anak at magulang. Paano naman siya mali-link sa mga gwapong Casti- pero mukhang may posibilidad," sagot ni Erika.



          Pwede bang tumigil na kayo sa pagbibiruan?" seryoso kong pakiusap.



          Last question. Bakit nandito na naman po ang bastardong iyun?" tanong ni Daryll.



          Because he is family son," sagot ko.



          Family? Talaga dad? Alam niyo, hindi pa malinaw sa akin kung kaano-ano niyo ba talaga si Ren. Anak niyo ba siya sa ibang babae na alam ni mama kaya hinayaan na lang ni mama dahil pinatawad niya ang babae ninyo?"



          Sandali? Namamasa-masa ata ang office mo dad. May tumira kayang pagong dito?" pang-aasar ni Jasper.



          May nakita ako. Clue, katabi ni Franz maliban sa akin," gatong ni Joseph.



          Bumuntong-hininga ako. Hay nako! At ngayon, nakikita ninyo ang epekto ng galit sa isang tao. Maraming beses ko na itong sinabi pero hindi pa rin na-gets."



          How can I get it dad kung hindi mo sa akin pinapaliwanag ng mabuti?" tanong pa ni Daryll.



          Malakas na tinapik ko ang mesa. Well nagpapaliwanag ako sa iyo ng mabuti pero pinakikinggan mo ba ako?! Hindi! Sinasarado mo ang puso at tenga mo sa akin kapag nagpapaliwanag ako tungkol kay Ren! Kasasabi ko lang. Wala siyang mga magulang, kamag-anak, malayo man o malapit, at ako ang guardian niya! Dahil ba ito sa pinapaboran namin siya kesa sa inyo ni Jasper?! Akala niyo ba na hindi namin kayo mahal dahil mukhang mas mahal namin si Ren?! Aba, pasensya na sa inyo! Kung nagkulang kami sa pagmamahal sa inyong dalawa, pasensya na! Wala ng magulang ang tao! Nag-iisa na lang sa pamilya niya! Patay na sila to be exact. Kaya ganito kami ng mama mo sa kaniya! Alam niyo, ang swerte ninyong dalawa! May mga magulang pa kayong dalawa! Si Ren, wala na. Kahit anong gawin namin sa kaniya, hindi na maaaalis ang katotohanan na wala na siyang mga magulang o kamag-anak. Alam niyo ba ang sakit na dinadanas niya habang nakatingin sa atin na masayang-masaya?! Naiingit siya! Kayo may magulang, siya wala! Pero hindi niya pinapahalata iyun! Nakangiti pa rin siya. Kaya sana, intindihin ninyo ang kalagayan ni Ren."



          Kung hindi mo iyun naiintindihan Daryll, ewan ko na lang," wika ni Jasper. Basta kami ni Ren, peace na."



          Hindi tumugon si Daryll at yumuko na lang.



          Ngayon, pwede bang ipagpatuloy na natin ang pag-uusap na ito bago pa magising si sleeping beauty? Okay. Moving on, sino ang nakakaalam sa ilang mga sikreto ni Ren?" tanong ko. Nag-iwas lahat ng tingin maliban lang kila Daryll at Franz. Edmund?!"



          Nako po sir Simon. Naalala ko nga pala na may niluluto pa po akong agahan. Baka nasunog na po iyun," kinakabahang saad ni Edmund.



          May nalalaman ka kaya dito ka lang. Pwede bang sabihin mo?"



          Nilaro ni Edmund ang mga daliri niya at bumuntong-hininga. Sir Simon, iyung sinaing ko po talaga."



          Sinamaan ko ito ng tingin at malakas ulit na tinapik ang mesa. Magsalita ka na! Iyung alam nila Joseph, Erika at Jasper."



          Biglang nag-antada si Erika. Hail Mary, full of grace, the Lord is with yo-"



          Tigilan mo iyang pagdadasal mo Erika."



          Pasensya na po tito. Oras ko na po para magdasal. Lalabas lang po ako. Tutal, hindi naman ako dapat kasali dito." Tumayo si Erika sa upuan niya at naglakad paalis.



          Hindi ka na din makakaalis dahil mukhang may nalalaman ka," ma-otoridad na saad ko para tumigil siya.



          Okay po." Bumalik si Erika sa kanyang kinauupuan.



          Kinatok ko lang ng paulit-ulit ang lamesa pero hindi pa rin nagsasalita si Edmund.



          Okay. Kung hindi ka magsasalita Edmund, ikaw naman Joseph."



          A-Ako? W-Wala akong alam," nagulat na pagtanggi ni Joseph.



          Magkasama kayo sa iisang club, wala kang alam?"



          Sandali, nasa iisang club sila ni Ren at Joseph? Sa Schoneberg Academe nag-aaral si Ren?" sabat ni Daryll.



          Ay! Mukhang may lawa ulit," pang-aasar ni Erika.



          Tara! Alis na tayo bago pa tayo paalisin ni Shrek sa swamp niya," gatong ni Joseph.



          Malakas na tinapik ko ulit ang mesa at tiningnan sila ng seryoso. Tumatakbo ang oras mga bata. Sagutin ninyo ang tanong ko."



          Napapitlag sila at napipi sa sinabi ko. Mukhang may sikreto talaga si Ren na alam ng limang taong ito?



          Biglang bumukas ang pintuan ng office ko at lumabas mula dito ang asawa ko.



          Honey, gising na si Ren," saad ng saad ko. Lumabas ulit siya sa office.



          Tumayo ako sa aking kinauupuan. Marahil hindi ako ang magulang ninyo. Pero hangga't hindi ninyo sinasabi sa akin kung ano ang sikretong ito, grounded kayo sa opisina ko naiintindihan niyo ba?"



          Ha?" reklamo nilang lahat.



          Lumabas ako sa opisina. Kinuha ko ang phone ko saka pinatawag ang mga personal na tauhan ko.



          Hello, pumunta kayo ngayon din sa bahay ko at bantayan ninyo ang palibot ng office ng bahay ko maliwanag ba?"



          Masusunod po. Kakalat na po kami ngayon din."



          Dumiretso ako sa kwarto ni Ren at nakita siya na nakadilat ang mata. Nag-antay lang kami ng ilang minuto ng asawa ko para marinig ang gagawin ni Ren... pero wala itong ginawa. Nakatingin lang ito sa amin pero wala siyang reaksyon. Ano ang nangyari sa kaniya?



ITUTULOY...




Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha... sa hulihan ng storya. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Kung nababasa niyo ang author's note na ito, niloko po kayo ni Ren. Last chapter na po ito... for now... at ito po talaga iyung ending sa ngayon. Bitin? Iyung nga ehh. Walang kwenta iyung ending... for now kasi bitin. Ni-reveal ko na si Gerard si Mr. Lion... pero siya nga ba? Hindi ko alam kung may nagbabasa pa nito pero baka suicide... joke. May family pa ako na nagmamahal sa akin. Just wanna say thank you po sa mga nagbabasa pa nito dahil bakit parang sa akin, medyo boring na ang story na to. Ewan. Next nga po pala ay iyung story ni Aulric. Huwag niyo ng abangan. Magandang araw.

13 comments:

  1. Hi seyren,,superb work..kinabahan ako ska nadala aq sa galit dhil sa gnwa ni harry but,nagmhal lng tlga sya..excited tlga ko sa mgiging ending nito..naappreciate ko tlga ng sobra tong xhapter nato..mwah mwah..galing.

    ReplyDelete
  2. tse binitin m nanaman kmi authour next chapter n pra mlaman nmin kng mgktuluyan b c kei at c ren or c allan at c ren authour T_T

    ReplyDelete
  3. Aa bat parang gumulo? Anyare? Haha pero nice one pero seriously last na ito? Your kidding right? Anyways will definitely wait sa next chapter..

    ReplyDelete
  4. Bitin sung kwento no ren at nakaka awa yung sinapit
    ni kei at ren.panu nakarecover si ren as nngyari as kanya at sea kanila no Allan

    Jharz

    ReplyDelete
  5. aisT.. huhu ending na talaga ituh?

    ReplyDelete
  6. Author walang ganyanan. Ive always waited for your update. I need to know everything what is happening in this story. You left us hanging. H'wag ganyan. Haha anyway, mas naging komplikado ang flow ng story but its awesome. Reveal mo na po kong anong mangyayari. Marami na akong katanungan na gusto ko pong mabigyang linaw. Salamat in advance author. Hope you update the next chapter very soon.

    Silent reader...

    ReplyDelete
  7. Maganda sana yung story. Kaya lang masyadong pang matalino. Nakakaloka. Yung mga di naman dapat sabihin sinasabe. Yung pangbabara ng mga characters di din nakakatawa pang higher IQ. Charot. Haha. Nito nalang nakakatawa nung nasa office no Mr. Schoneberg. Haha

    ReplyDelete
  8. Mr. Author want to trick us hahaha! It will have a second book perhaps to continue Ren's love story. If and only if wouldn't have a next chapter.

    My assumption about who is Mr. Lion, i think Mr. Lion is none other than Lars and he love Ren romantically, coz when Allan and Lars had a conversation regarding to Japanese anime. Lars said he love it and Allan was shocked coz that anime thingy has an incest thingy. He asked Lars about it why he related it most, but Lars refused to answer it. We all know too, that Ren and Lars are only left alive to their family after their parents being killed by Harry's family.

    Mr. Author your story is too cliche, nevertheless i really love the way your imagination run hahaha! Your story is really fascinating! Superb to your work! You really know how make drool your readers to next chapter or book you're going to publish if ever hahaha!

    ReplyDelete
  9. WAG PO GANUN Mr Author
    yung mga stories dito sa Msob na hindi natatspos kaya naiinis ako
    Sa na TAPUSIN mo to kasi maganda nanan ito to madaming twist .

    ReplyDelete
  10. Nagkaroon ng emotional trauma si Ren :(

    ReplyDelete
  11. bitin - yan ang mga sinasabi nila hehe. pero para sakin tapos na. parang sa movie, alam na ang kasunod kahit tapos na. patay na mga kontrabida, kaya tapos na kwento. Part 2 nlang ang intayin kung meron nga hehe, para malaman ba kung ano ang nangyari kay Ren, kung nasiraan ba sya ng bait o nagkaamnesya ulit. Salamat sa kwento, naaliw ako, promise!

    bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails