Followers

Tuesday, July 28, 2015

Trombonista ng buhay ko TEASER

Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
TEASER

DISCLAIMER


The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved. 


SI MARK


.       Our life isn’t perfect but his love for us is beyond perfection. Minsan may bagay na nangyayare sa buhay natin na di natin kontrolado. Mga bagay na di natin gusto mangyare pero nangyayare. Mga nararamdaman na ayaw natin pero wala tayong magagawa kung yun ang gusto maramdaman ng puso natin. Mga bagay na nagiging dahilan ng pagkabuo ng bawat himbla ng pagkatao natin. Mga bagay na ginamit ng diyos para hubugin kung sino man tayo ngayon.

        Faith? Yes I believe in him. No questions, no doubts just faith. Certified believer.

       I’m a Mark Salazar, From A to Z kaya kong sabihin kung sino ako at sino ka at higit sa lahat sino ang diyos sa buhay natin. Kung gano ka niya kamahal, Kung gaano sya nagmamalasakit sayo. Ipapakilala ko sya sayo at sisiguraduhin kong kakatok sya dyan deretso sa puso mo.

       Nakatayo ako nun sa pinto ng simbahan habang nakatanghod sa sentro na nasa harapan kung saan nakalagay yung imahe ni Jesus habang nakapako sa krus.

       Nang mga oras na yun pakiramdam ko napakagaan ko, para akong nakalutang habang nakatingin sa imahe na yun.

       “ Ilang minuto ba titigan yan? Di naman yan aalis ah.” saad ng tao sa gilid ko. Paglingon ko para akong biglang naestatwa. Si Kent?

       “ Anong ginagawa mo dito?”

       “ Napadaan lang, Ang weird mo kasi kanina ka pa nakatayo jan.”

       “ Uhm gusto ko lang magisip.” iwas ko ng tingin.

       “ Magisip ng alin?” tanong niya, ngumiti naman ako saka umiling.

       “ Gusto ko lang huminga kaya nandito ako, Si God lang ang pwede makinig sakin ngayon eh.”

       “ Really.” Sarkastikong saad niya.

       “ Oo nga pala,Nakita mo ba yung friend ko? Si Ethan?”

       “ Hindi eh.”

       “ Okay alis na ko.” kindat niya sakin saka ako tinapik sa balikat. Ilang sandali ko naman tiningnan yung baikat ko na tinapik niya parang may bolta bolataheng kuryente yung dumaloy sa katawan ko sa ginawa niya. Aixt! 

       Pumikit lang ako saka humugot ng malalim na hininga.

       “ God, please tell me wala lang to.” bulong ko.



SI KENT

       
       May mga bagay na nangyayare dahil nakaukit na to sa ating tadhana, mga bagay na magdadala satin kung saan tayo nararapat, mga daan na tatahakin at mga hakbang na dapat hakbangin, may dahilan ang lahat, tulad ng dahilan natin kung bakit tayo kumakain mula umaga hanggang sa pagsapit ng gabi, dahilan kung bakit tayo umiinom ng tubig at humihinga gamit ang hangin. May dahilan ang lahat at yan ang sigurado ako.

       Diyos? Religion? Bullshit! I have myself and that’s enough.

       Hindi ako naniniwala sa diyos pero naniniwala ako that there’s a creator. Creator na gumawa ng lahat ng ito,mula sa layo natin sa araw hanggang sa layo ng araw mula sa atin, mula sa pagsilang mo hanggang sa pagakamatay. Creator.. at hindi sya yung sinasabi mong diyos. Creator who made perfect creation and who ever he is I know he wants me to live my life the way I wanted.

       I’m Andre Kent Lee hindi ko man pinaniniwalaan ang diyos na sinasamba mo pero sisiguraduhin kong pag naghubad ako sa harap mo, makakalimutan mo ang kahit sinong santo na kilala mo, kasi hindi mo lang ako basta sasambahin, luluhuran mo pa ko.

       Nang mga oras na yun  hindi ko mapigilan yung sarili ko titigan si Ethan. Tang ina kaibigan ko sya pero bakit ganito nararamdaman ko. Napalunok lang ako ng makita yung pagtulong pawis mula sa noo niya hanggang tumuloy to hanggang sa baba niya. Agad niya naman tong pinunasan gamit yung tshirt niya dahilan para mahantad yung sikmura niya na tila inukit sa ganda.

       “ Ano nga uli sinasabi mo Kent?” tanong niya agad naman akong umiwas ng tingin saka palihim na napalunok.

       “ Bro Napaamin ko sya, May gusto sya sakin.” ngiti ko sa kanya katatapos lang ng band rehearsal nun, nagaayos na kami ng mga upuan na ginamit namin sa praktis.

       “ Sino?”

       “ Si Mark.” ngiti ko. “ Sabi ko naman sayo front lang nun yung syota niya eh, may gusto sakin yun tol.”

       “ Gago ka Kent kailan ka pa natutong manira ng relasyon?” simangot niya natawa naman ako ng payak.

       “ Tol gawain ko yun, Wala ng bago dun.”

       “ Kala ko ba mga bakla lang ang porte mo?”

       “ Bakla si Mark?”

       “ I mean yung may karelasyon na lalake? Babae yung karelasyon nun, Tol gago ka kawawa naman yung syota nun.”

       “ Si Sofhie? Yung selosang maarteng akala mo napakaganda? Si Sofhie?” simangot ko natawa naman sya. “ Mas kawawa si Mark dun, Eh sa katawan ko palang sigurado na kong magiging maligaya sya sakin eh.” Natawa lang sya ng payak.

       “ Sigurado ka bang inamin niya na may gusto sya sayo.?”

       “ Oo tol, He likes me daw! Putek english! muntik ngang di ko maintindihan eh.” natatawang saad ko.

       “ Eh gusto mo ba?”

       “ Gusto kong tikman.” ngiti ko.

       “ Gago ka, mahal mo ba?”

       “ Gago hindi! Titiknan ko lang yun, Imaginin mo bro, ang kinis ng mukha at balat, ang linis linis tapos yung ngiti niya tol! Ang inosente, ganun yung masarap dumihan at ganun ang masarap kasex, sarap turuan.”

       “ Pano kung mahulog sya sayo?”

       “ Edi mahulog sya, Basta ako? sex lang habol ko sa kanya at syempre pera, mayaman yun tol..”

       “ Gago ka.” amba niya sakin, natawa naman ako.

       “ Ikaw lang mahal ko tol, kaya wag kang seloso.”

       “ Gago!” suntok niya sakin, agad ko naman syang ginantihan ng suntok sa balikat habang tumatawa. “ Kung paglalaruan mo lang yun tigilan mo na, kawawa naman.”

       “ Tol, magpapalaro din naman ako sa kanya eh, papaikutin ko sya habang pinagsasawaaan niya yung katawan ko. Walang talo samin, Alam mo ang mga bakla tol, Sex lang masaya na yan kahit di mo sila mahal basta nakikipagsex ka sa kanila kuntento na sila. Try mo kasi yung trabaho ko marami kang matutunan sa kanila, maniwala ka sex lang ang tanging nagpapasaya sa mga ganun. Nabibigay ko yun, nagkakapera pa ko.”

       “ Eh kung patayin kita huh? Bakla yung kapatid ko at hindi ganyan tingin ko sa kanya, kaya walang nagmamahal sayo hindi ka kasi marunong rumespeto.”

       “ Nirerespeto naman kita ah bakit di mo ko magawang mahalin?” ngiti ko sa kanya.

       “ Eh tang ina ka! Gulpihin nalang noh?” natatawang saad niya kasabay ng suntok. Agad namna akong umilag saka sya sinakal gamit yung braso ko. Alihim ko naman syang inamoy. “ Bitawan mo ko gago!”

       “ Titikman ko lang si Mark pero sayo parin ako.” bulong ko 

       “Mukha mo!” tulak niya sakin. Natawa lang ako. “ Kay Kate mo sabihin yan, sigurado itutusok ka nun sa stick saka ilalagay sa ihawan nila.” Simangot niya na ang tinutukoy ay yung girlfriend niya. Ngumiti lang ako.

       “ Edi ikaw na may Girlfriend.” saad ko saka kinuha yung isang upuansaka binato sa kanya.


SI ETHAN


       We are all different, mula sa dulo ng hibla ng buhok natin hanggang sa pinakadulo ng kuko sa ating mga paa. We are all different, magkakaiba ng pagkatao, ugali, at paniniwala. Magkakaiba ng pinagdaanan, iba’t ibang uri ng pagsubok ang nalampasan, magkakaiba tayo mula sa pagkasilang hanggang sa pagkamatay. Iba’t ibang storya ng pagkatalo at saya ng pagkapanalo.

       We are all different but there is only one finish line, magkakaiba tayo pero iisa ang dulo ng ating paglalakbay. Iisa ng hahantungan, Magkakaiba tayo tulad ng mga bituin sa kalawakan, magkakaiba tayo tulad ng iba’t ibang uri ng hayop sa dagat, Magkakaiba tayo tulad mo at tulad ko pero iisa ang dulo na ating tinatahak.

       I’m Adrian Ethan Zarate, Certified non believer.

       From A to Z kaya kong sabihin kung sino ka at sino ako, purihin o laitin kung ano man ang pinaniniwalaan mo. I’m Ethan at kaya kong sabihin ng taas noo at punong puno ng kumpiyansa na walang Diyos at yan ang pinaniniwalaan ko.

       Hawak hawak ko ng gabing yun yung cellphone ko habang naglalakad “ 1 am na, Sigurado ka bang ihahatid mo ko?” tanong ng kasabay ko maglakad pero binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

       “ Sino naman nagsabi na ihahatid kita?”

       “ What?”

       “ Joke lang!” natatawang saad ko. “ Ihahatid kita, Wala ka ng ngang kasama sa bahay mo, pati ba naman sa pag uwi mag isa ka parin, Ang sad ng buhay mo noh?”  ngiti ko.

       “ Kasama ko si God, All the time.”   

       “ Seriously Nasaan sya?” tawa ko na tumingin pa sa palibot niya. “ Asan sya? Pakilala mo naman ako sa imaginary friend mo?”

       “ Nandito sya Ethan.” turo niya sa dibdib niya, Lalo naman akong natawa. “ Seryoso ako.”

       “ Ano sya nagtransform bilang dugo? Or ugat? Or what? Kung hindi mo lang naman napagaralan sa science, Dugo po at napakaraming ugat ang nasa puso natin, Pano nangyare na anjan si God?” natawa naman sya ng payak.

       “ Athiest.” Sarkastikong ngiti niya.

       “ Yeah, At ang kaharap ko ngayon ay isang tanga na naniniwala sa isang tao na binuo niya lang utak niya.”

       “ Well I have my faith, Gusto mo ishare ko sayo.”

       “ Faith? Yang faith mo ba na yan sang ayon sa pagtitig mo sa lips ko?” saad kong nakatingin sa kalsada, Palihim lang akong napangiti ng umiba sya ng tingin.. “ Yang faith mo ba sang ayon sa gusto mo?”

       “ Anong gusto ko?”

       “ Gusto mo ko halikan.”

       “ Absurd.” iling ko.  “ Sino naman nagsabi na gusto kita halikan?”

       “ Yang Faith mo ba sang ayon sa iniisip mo habang nakatingin ka sakin, Sang ayon ba yan sa mga titig mo na para akong hinuhubaran?”

       “ Ano ba sinasabi mo?”

       “ Wala, Wag mo kasi ako tittigan baka magalit yang imaginary friend mo, kasalanan yan sabi niya.” ngiti ko sa kanya, napailing naman sya.

       “ Ethan ano ba? Pinagtititripan mo ba ko? ”

       “ What?”

       “ May girlfriend ako.”

       “ May syota din ako.” ngiti niya. “ And hopefully maging asawa ko na sya soon.”

       “ I’m not gay.”

       “ Ooopps, Liar, Kasalanan yan.” lingon ko sa kanya. “ Nakita ko kayo ni Kent.” natigilan naman sya sa sinabi ko. “ Kawawa naman yung girlfriend mo kasi di sya pwede pumasok sa male CR.”

       “ Nakita mo kami ni....”

       “ Ni Kent.”

       “ Damn! Sya yung-”

       “ Shut up maay syota pala huh, liar at mapupunta ka sa hell tulad ng nakasulat sa fiction book na sinasamba mo.” ngiti ko saka tumigil sa tapat ng gate ng bahay nila. Ilang sandali ko naman tinitigan yung mukha niya. Tinatanya yung pagkatao nito. “ Pasok ka na.”

       “ Let me explain.”

       “ No need, Hindi ako seloso.” 

       “ Shit, ano bang gusto mo sakin?”

       “ Gusto ko sayo? Uhm Tulad ng pagkagusto mo kay Kent at tulad ng pagkagusto ni Kent sakin.” Ngiti ko sa kanya. “ Mamili ka, Aagawin ko sya sayo o aagawin kita sa kanya?”

       “ Are you out of your mind?”

       “ Hindi ka gusto ni Kent, Kasi ako ang gusto niya.”

       “ Hindi kita gusto kasi si Kent ang gusto ko. Naiitindihan mo ba? Si Kent.” Asik ko sa kanya dahilan para matawa sya. 

       “ Presto! So totoo nga? May gusto ka nga sa kanya?” tawa niya. “ Wala naman akong nakita sa Cr so ibig sabihin may ginawa kayo dun? Sakristan ka pa naman tapos ginawa niyo yun sa simbahan? Kasama mo si God all the time di ba? So nasaksihan niya yun?” ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.

       “ Wala kaming ginawa ni Kent, hinalikan niya lang ako.”

       “ Nagpahalik ka naman, well anyway I have to go.” saad niya saka sya nilampasan agad naman akong lumingon sa kanya.

       “ Ethan!” tawag niya sakin lumingon naman ako. “ Gusto mo ko? Si Kent ang gusto ko at hindi ikaw.” Nagkibit naman ako ng balikat.

       “ Sabihin mo yan sa syota mo, I’m sure mag asawang sampal ang dadapo diyan sa napakacute mong pisngi.” ngiti ko.

       “ Shit.”

       “ Magkaiba tayo ng pinaniniwalaan pero sisiguraduhin ko na parehas tayo ng nararamdaman, Bye Mark.” ngiti ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad.

        Totoo nga bang natuturuan ang puso mahalin ang isang tao o ang puso ang magtuturo kung sino ang mamahalin nito. Posible nga bang mabuo ang naiibang pagmamahalan sa isang napakasagradong lugar o posible nga bang ang dalawang magkaibang paniniwala ay pagbukludin ng tadhana at gawing isa.

13 comments:

  1. AWESOME! I can't wait for the first chapter.

    ReplyDelete
  2. Welcome back sir..na miss kita..xyempre d ko n nmn tatantanan yang sinusulat mo..goodluck ha,.silent observer mo nko hanggang chapter 3 ha..then after that ska ako mag cocomment

    Hehe..keep it up

    ReplyDelete
  3. Eto na bagong istoryang aabangan natin...... at bagong manunulat din.., goodluck sayo at maraming salamat

    Jharz

    ReplyDelete
  4. Omgggg kuya blueishhhh.

    Excited nà ako grabe hahahah.

    Na aawkward nga lang ako sa visual ni Kent sa cover haha.

    ReplyDelete
  5. Ito yung literal meaning ng IT'S COMPLICATED. :)

    ReplyDelete
  6. Ito yung literal meaning ng IT'S COMPLICATED! :)

    ReplyDelete
  7. Silent reader lang ako sa mga story mo... Can't wait for this story again to read... More power... God Bless you..

    ReplyDelete
  8. Welcome back! Thank God! Ang daming natapos na story ngayong July. Ang patay patay ng MSOB. Haha. Buti nalang you're back. Ay arte ko daw. Hahaha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  9. c mark ay si aulric

    ReplyDelete
  10. epic tol...nice entrance for sure aabangan na naman to ng marami.....

    ReplyDelete
  11. OMY YOU'RE SO BACK BLUE!

    Umpisa pa lang panalo na kaagad eh. Namiss namin yung mga

    "sabi ko natawa naman siya"

    hahahahaha

    ReplyDelete
  12. Ethan♡Mark
    Mark♡Kent
    Kent♡Ethan
    Takte. Love Loops ang nangyayari

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails