AUTHOR'S NOTE:
First of all, I would like to thank everyone who read my story. I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo.
First of all, I would like to thank everyone who read my story. I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo.
You can add me on my facebook account, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my new FB page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Lastly, gusto ko lang po malaman niyo na FRIDAY - SUNDAY po ako mag-uupdate ng story. Once or twice a week. Depende po pag feeling ko kulang o bitin ang latest chapter. Hehehe.
Muli, MARAMING SALAMAT!
Heto na at makikilala niyo na sa chapter na ito ang makakasama ni Ray sa tour at sa story na ito. ^_^
Heto na at makikilala niyo na sa chapter na ito ang makakasama ni Ray sa tour at sa story na ito. ^_^
=====================================================================
Nagsalubong ang aming mga mata. Nangungusap ang mga ito. Para akong natutunaw sa mapanuksong titig ng kanyang mga mata. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso, parang may libo-libong kabayo ang tumatakbo rito. Hindi ko rin alam kung humihinga pa ako, nanginginig ako na parang natatae. Bakit naman kasi siya ganito? He's always like this. Alam ba niya ang nararamdaman ko? Kung alam nga niya'y pinaglalaruan ba niya ako? Ewan ko.
Matagal din kami sa ganoong titigan ngunit naputol ito nang bigla niyang pitikin ang mga mumo ng biscuit papunta sa aking mukha. Nalasahan ko ito; maalat, nakanganga pala ako.
"Pwe!" habang binubuga ko ang mga mumo ng biscuit na na-shoot sa aking bibig. Pinunasan ko rin ang mukha kong puno ng mumo. Malakas siyang tumawa.
Habang siya'y tumatawa ay mabilis akong gumanti; pinagpag ko ang wrapper ng biscuit na may kasamang mumo sa kanyang mukha't bibig. Kumakain kasi kami noon at may hawak na mga wrappers na aming pinagkainan.
Gumuhit ang inis sa kanyang mukha, bilang ganiti'y kiniliti niya ako sa tagiliran. Pilit ko itong pinigilan dahil malakas ang kiliti ko rito ngunit sadyang masmalakas siya sa akin. Hindi namin napigilang mag-ingay at magtawanan.
"Hoy! Ang gulo niyo!" sigaw ng isang kasama namin sa tour bus. Kakagaling lang namin noon sa forbidden city sa beijing, china. Tatlong oras mahigit din kami umikot roon, pagod ang lahat ngunit parang wala kaming kapaguran ng lalaking ito, patuloy ang kulitan at kwentuhan namin habang ang lahat ay pagod at natutulog sa loob ng malamig na bus. Parang amin ang mundo.
***
"Ano ba iyan Ray! Pati sa biscuit naaalala mo siya." sabi ko sa sarili ko sabay dahan-dahang kinagat ang biscuit. Ninamnam ko ito. Ingat na ingat rin akong hindi magkalat, nasa Japan ako at medyo mahigpit sila sa cleanliness. Kapansin-pansin din ito kahit sa loob ng tour bus na inuupuan ko ngayon dahil may kanya-kanyang plastic bag ang bawat upuan.
Habang ngumunguya ay napansin kong halos occoupied na ang lahat ng seats ng tour bus maliban sa tabi ko. Nasa pinaka-likuran ako ng bus kaya nakikita ko ang mga kasama ko sa tour. Pansin ko na lahat ay foreigner; may German, Belgian, American, at French; ako lang ang Pilipino. Pag sinuswerte nga naman oh. Loner ang peg ko sa loob ng isang buong araw, city tour pa man din. Hay.
Napabuntong hininga ako. Tinuon ko na lang ang aking mata sa labas ng bus. Pinanood ko ang pagdaan ng mga sasakyan at paglalakad ng mga tao sa kalsada. Ramdam ko rin ang mainit na sinag ni haring araw na tumatagos sa salamin ng bus papunta sa aking balat. Hindi ito kainitan dahil bukod sa maaga pa'y winter season ngayon sa Japan.
Seconds after, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Isang salita ang pumukaw sa aking atnesyon.
"Ay gago naman. Tsk." sambit ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nahulog ang isang biscuit sa kanyang kulay gray high-cut shoes. Pinulot niya ito pati ang mga mumong nagkalat at tinapon sa naka-ipit na puting plastic bag sa kanyang harap.
Tiningnan ko ang kanyang mukha, pakiramdam ko'y bumagal ang takbo ng lahat. Bumilis ang tibok ng aking puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata, his eyes is a deep-set almond brown eyes, napakaganda nito. Pakiramdam ko'y parang nakuryente ang aking katawan, hindi ako makagalaw. Weakness ko ang lalaking may napakagandang mata. Ginalaw ko ang aking mga mata papunta sa ibang parte ng kanyang mukha, he looks familiar. Parang siya 'yung nakita ko kahapon sa Shibuya sa tapat ng statue ni Hachikō, isa sa pinakasikat na aso sa buong mundo.
"Pilipino ka rin?" pagbasag ko sa aming titigan. Obvious namang pilipino siya ang tanga ng tanong ko, nawala ako sa aking sarili dahil sa napakaganda niyang mata.
Isang mabagal na tango ang sinagot niya. Kapansin-pansin ang pagliwanag ng kanyang mukha. Hindi na ito iritable kagaya kanina. Bahagya siyang nakangiti habang nakatingin pa rin ito sa akin, bakit kaya? Siguro ay natawa siya sa engot kong tanong. Nakakahiya. Crap.
"May dumi ba ako sa mukha dude?" pagdadahilan ko sabay taas ng aking kilay. Naramdaman ko naman ang pag-andar ng sinasakyan naming tour bus. Siya siguro ang hinihintay para kami'y makaalis.
"Ah wala naman. You look familiar bro. Magkakilala ba tayo?" tanong niya. Tinitigan ko siya, siya nga 'yung lalaki kahapon na nakatayo sa harap ng rebulto ni Hachikō sa Shibuya.
"I think I saw you yesterday sa Shibuya."
"Ah... Okay." mahinang tugon niya. Pansin kong napangiwi siya habang tinuon ang mga mata nito sa harap ng bus. He gave a deep sigh. Nawala ang liwanag sa kayang mukha. May nasabi ba akong masama? Napakamot ako ng ulo.
Tinuon ko ang aking mga mata sa biscuit sa aking kamay, pagkatapos ay napatingin ako sa nahulog niyang biscuit na nasa plastic bag. Parehas pala kami ng kinakaing bicuit. Napangiti ako. Naisip ko na lang na siguro kaya tinotoyo ang lalaking ito'y dahil nahulog ang pagkain niya.
"What if ibigay ko sa kanya kung ano ang meron ako? Baka magbago ang mood niya." sabi ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang biscuit sa aking kamay, kalahati na lang ito. Pero pwede pa di ba? Kinalabit ko siya. Lumingon siya sa akin.
"Gusto mo dude? Nakita ko kasi na nahulog ang pagkain mo eh. Pasensya ka na ha, kalahati na lang iyan, pero parehas naman iyan nung kinakain mo kanina eh." sabi ko sabay ngiti.
Tiningnan niya ako. Nagbitiw siya ng isang matamis na ngiti, napansin kong lumitaw ang malalim niyang dimples. Gosh, nanlambot ako.
"Thanks." kinuha niya ito at pagkatapos ay sinubo ng buo. Natawa ako sa itsura niya. Para siyang batang nawalan ng candy at ngayo'y binigyan ng bago at takam na takam na sinubo ito, sinuguradong hindi na ito matatapon pang muli.
"Matakaw." pabulong kong sabi sabay tuon ng aking mata sa labas ng bus.
"Ano 'yun?" naku narinig niya ata. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti ito. Nakakalusaw ang ngiti niya diyos ko.
"Wala." sagot kong medyo madiin ang pagkabigkas ng salita.
"Parang ikaw hindi matakaw ah. Ayan oh, ang dami mong naubos na biscuit." sabi nito sabay turo sa wrappers na nasa loob ng plastic bag sa harapan ko. Pasimple itong ngumiti. Is he mocking me?
"Whatever dude." sabi ko sabay tingin sa bintana, hindi ko napigilang ngumiti.
Ilang saglit pa'y naalala kong hindi ko pa natanong ang kanyang pangalan. Muli akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatingin pa rin ito sa akin.
"Nakatingin pa rin siya? Gosh, nakita ba niya yung sneaky smile ko? Crap. Baka kung ano isipin nito ah." sabi ko sa aking sarili.
Parang may magnet ang aming mga mata at nag-lock itong nakatingin sa isa't-isa. Ramdam kong bumilis ang tibok ng aking puso. According to my high standard, he's not super handsome. Sakto lang, pero bukod sa napakaganda niyang mga mata'y malakas ang dating ni loko. Why is he like this? Bakit ang lakas ng attraction na nararamdaman ko sa kanya? Bakit din ganito siya tumingin? Nakakalusaw.
Naramdaman ko na lang na nasubsob ang mukha ko sa upuan na nasa aking harapan. Lintik, biglang nagpreno ang bus. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa, hindi ko na rin napigilang matawa sa nangyari sa akin. Bigla kong naalala ang dapat kong gagawin sana kanina.
"I'm Ray." pagpapakilala ko sabay abot ng kanang kamay sa kanya. Natigilan siya, tinitigan niya ako.
"I'm... Rome." pautal-utal niyang pagpapakilala sabay abot sa aking kamay. Nagdulot ito ng kakaibang kiliti. Nakakapaso. Nakakakuryente. Nakakakilig.
ITUTULOY
(Next Chapter Click here)
(Next Chapter Click here)
Thanks for thr early update. Maganda pa rin basahin. Take care.
ReplyDeleteThanks for reading ulit. ^_^
Deletebasahin k rin to.. ty author
ReplyDeleteI hope magustuhan mo. Thanks in advance!
DeleteSuggestion lng po 😂 medyo habaan nyo papo, bitin eh
ReplyDeleteNoted. Thanks po sa suggestion at sa pagbabasa. ^_^
DeleteHave a nice day.
habaan nyo naman.....bitin eh...tanx
ReplyDeleteMahaba po ang Chapter 3 and some succeeding Chapters. Nasulat ko na po iyon. Thanks po for reading. Sana nagustuhan niyo. :-)
DeleteKuya author pwde pahabain mo ng konti young kwento nakakabitin eh
ReplyDeleteThanks
Thanks for reading. Sana nagustuhan mo. ^_^
Delete