Followers

Wednesday, August 26, 2015

Trombonista ng buhay ko CHAPTER 4




Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 4


DISCLAIMER


The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved. 







SI KENT

     
       Sex? Sabi nila that sex ay dapat nangyayare sa dalawang taong nagmamahalan, but for me sex ay dapat ginagawa ng dalawang taong may pangangailangan. Hindi naman kailangan na mahal mo ang isang tao para magkaroon kayo ng sekswal na relasyon, sex is sex and love is love. Magkaiba sila pero iisa ang hatid na dulot na ligaya, doing sex is great but loving someone is a responsibility and I hate responsibility kaya I choose sex than love haha. Parehas lang naman silang masarap sa pakiramdam, Ito ako eh, sex over love and you can never change that.

       Rule: the first one who fall in love, lose.

       This is my game, play it and prepare to lose.

       “ Pano mo nalaman na naiihi na ko?” kunot ang noong tanong ni Mark habang naglalakad kami, sinindihan ko naman yung yosing hawak ko saka lumingon sa kanya.

       “ Instinct?”

       “ Talaga, Ang galing mo naman. So saan ako pwedeng mag-Cr?”

       “ Kahit saan.” ngiti ko, napansin ko naman yung batok niya, tang ina ang kinis! ang sarap siguro halikan nun habang tinitira ko sya sa likod. Mukha talaga syang inosente, sobrang amo ng mukha.

       “ Kala ko sasamahan mo ko sa CR?”

       “ Okay, lahat ng nakikita at natatanaw mo, pwede mong ihian lahat yan, depende nalang sa kapal ng mukha mo.” natatawang saad ko saka humithit ng sigarilyo, napansin ko naman na tinakpan niya yung ilong niya. “ Hindi ka nagyoyosi?” tanong ko marahan naman syang umiling. “ Gusto mo subukan?”

       “ Ayoko.”

       “ Tikman mo lang, masarap to.” lahad ko sa kanya ng yosi pero umiling lang sya.

       “ Ayoko.”

       “Okay, Ako? Gusto mo kong tikman?” ngiti ko umiba naman sya ng tingin na ikinatawa ko. “ Well mas masarap ako, para sayo available na yung promo ko, Freetaste.”

       “ Ano ba sinasabi mo Kent?” saad niya napansin ko naman yung pamumula ng pisngi niya.

       “ Namumula ka.”

       “ What?”

       “ Type mo ba ko?”

       “ Hindi.” Iling niya agad.

       “ Bakit namumula ka?” ngiti ko saka humithit ng yosi. Pakipot ang pota! alam ko naman na type niya ko haha.

       “ Hindi naman ah.” hawak niya sa pisngi niya, nagkibit naman ako ng balikat. “ Kitang kita eh, nagbublush ka.”

       “ Malamig lang ngayon.” iwas niya ng tingin, natawa naman ako ng payak.

       “ Malamig ba? Gusto mo yakapin kita?”

       “ No?” iling niya na hindi man lang ako tiningnan. “ Naiilang ka sakin, Nung fiesta di ba, sobrang close tayo?”

       “ Uhm yeah pero-”

       “ Alam mo nagagwapuhan ako sayo.” saad ko, napalingon naman sya sakin pero binigyan ko lang sya ng pinakamapang-akit kong ngiti, makukuha kita Mark. Sisiguraduhin ko yun.

       “ Talaga?”

       “ Oo naman, Ikaw nagagwapuhan ka ba sakin?” tanong ko na nakatitig sa mata niya, nanatili naman syang nakatingin sa mukha ko. “ So, nagagwapuhan ka sakin?” Marahan naman syang tumango saka tumingin sa kalsada.

       “ Ang straight forward mo noh?” pilit na ngiti niya. Nagkibit naman ako ng balikat saka huminto sa isang bakanteng lote.

       “ Naiihi ka na di ba? Pwede na jan.”

       “ Dito?’

       “ Yeah, di ka naman maarte siguro?”

       “ Uhm, Kasi.”

       “ Sige na, sabay tayo.” saad ko saka sya hinila.

       “ Wait Kent.” saad niya saka agad dumistansya sakin.

       “ Ano, iihi lang din ako?”

       “ S-sabay tayo?” maang niya, marahan naman akong tumango.

       “ Yeah, bilis di ba favorite mo yung twilight? Gusto mo pag-usapan natin?” ngiti ko natigilan lang sya. “ Hoy? Sabay na tayo umihi?”

       “ Pero dito talaga?”

       “ Bakit gusto mo ba yung mas private?”

       “ Oo sana?”

       “ Yung tayong dalawa lang?”

       “ Uhm yung ako lang.” Pilit na ngiti niya, ang cute niya talaga tang ina, ang puti ng mga ngipin niya at yung lips niya na hugis puso na sobrang nakakatunaw kapag ngumingiti, kung bigla ko kaya syang gahasain. Haha.

       “ Dali na? dito nalang wag ka ng maarte.” hila ko sa kanya saka humarap sa damuhan sa bakanteng lote at binuksan yung zipper ng jeans ko. Nang lingunin ko sya kita ko lang yung titig niya sa mukha ko. “ Hoy, may makakita sayo, sabahin bakla ka. Well kung gusto mo kong luhuran ngayon okay lang? Public sex is thrilling.” Kindat ko sa kanya, kita ko naman yung pagnganga niya. “ Biro lang! Lahat naman ata fantasy makipagsex in public.”

       “ Not me.” iling niya.

       “ So ano ang greatest fantasy mo?”

       “ Makasal?”

       “ Hindi yun? About sex?”

       “ Wala.”

       “ Di ako naniniwala.” ngiti ko. “ Umihi ka na, baka magkasakit ka pa sa bato.” kindat ko, narinig ko naman yung pagbuntong hininga niya.

       “ Fine.” iwas niya ng tingin saka binuksan din yung zipper ng pantalon niya, nilabas ko naman yung ari ko na sinadaya kong patigasin.

       “ Wow ang cute.” natatawang saad ko habang nakatingin sa ari niya habang umiihi sya.

       “ Shut up.” simangot niya.

       “ Gusto mo tingnan yung sakin?” ngiti ko sa kanya saka nginuso yung ari ko habang umiihi, shit mahirap talaga umihi kapag gising yung alaga mo . Kita ko naman na pasimple niya tong tiningnan. “ Malaki ba?”

       “ I’m done.” sara niya agad ng zipper niya saka tumalikod sakin, natawa naman ako. “ Do you have tissue?”

       “ Wala? Punas mo nalang sa damit mo.” saad ko saka sya inakbayan. “ Papunas huh.” saad ko saka pinunas sa damit niya yung daliri ko.

       “ You’re disgusting!” Inis na saad niya.

       “ And handsome?” Natatawang saad ko. “ And cute? Or pwede ring delicious?”

       “ Haixt balik na tayo dun, baka inaantay na ko ni kuya Harvey.”

       “ Matagal na ba kayo ng syota mo?” tanong ko sa kanya.

       “ Balik na tayo dun?”

       “ Gusto pa kita kausapin? Gusto kita makilala?” ngiti ko na ikinakunot ng noo niya. “ Uhm sabi mo kaibigan mo kami di ba? Syempre gusto ko din naman makilala yung kaibigan ko.”

       “ Okay ano gusto mo malaman?”

       “ Bakla ka ba?” Deretsong tanong ko.

       “ May girlfriend ako.”

       “ Hindi lahat ng may girlfriend, straight.”

       “ Mahal ko sya.”

       “ At hindi dahil may mahal ka na, hindi ka na malilibugan sa iba.”

       “ Wha are you trying to say Kent?”

       “ Nakita ko, malambot kanina yung titi mo pero nung sinulyapan mo yung alaga ko, wow nagising? Pwede palang alarm clock yung alaga ko noh?” kagat labing saad ko habang nakatitig sa mga mata niya. “ I love your eyes, Ang ganda. Alam mo ba kung ano naiimagine ko ngayon?” ngiti ko, shit iniimagine ko sya habang nakaluhod sakin habang nakatingala sya at nakatingin sa mga mata ko! What a beautiful scene haha

       “ What?”

       “ Nevermind.”

       “ Pwede ba, bakit ganyan ka tumingin?” saad niya saka tumalikod sakin.

       “ Ang ganda talaga ng pwet mo.” saad ko saka pinalo yung pwet niya saka sya nilampasan.

       “ Kent!” inis na saad niya lumingon naman ako saka sya nginitian.

       “ Ano?”

       “ Wala.” saad niya, haha napipikon na sya. konti pa bibigay na to sakin. “ My god.” iling  niya.

       “ Okay tara na, baka di ako makapagpigil.” saad ko saka naglakad, agad naman syang sumabay sakin.

       “ What do you mean?”

       “ Wala, naisip ko lang virgin ka pa ba?”

       “ It’s none of you business.”

       “ Baka magsisi ka kapag inalam ko?” ngiti ko sa kanya.

       “ Kent are you gay?”

       “ Tang ina mo, ako bakla? Kalokohan gago ka ba?”

       “ Eh bakit?”

       “ Hindi dahil nagagwapuhan ako sayo bakla na ko, hindi ba pwedeng gusto lang kita tirahin?” ngiti ko sa kanya agad naman syang umiwas ng tingin, kitang kita sa mukha niya yung pamumula. “ Eh ikaw bakit ka tinigasan nung nakita mo yung alaga ko? Type mo ko noh.”

       “ No, naisip ko lang si Sofhie, nung.. Nung tinanong mo kung ano yung fantasy ko.” simangot niya saka mabilis na naglakad natawa naman ako saka mabilis na sumunod sa kanya.

       “ Mark, gusto mo ba kami maging kaibigan?”

       “ Eh ang bastos mo eh?”

       “ Well ganito ako, at kung gusto mo ko maging kaibigan, dapat sakyan mo yun at wag mo imaginin na sinasakyan kita habang tinitira sa likod.” natawa naman sya ng payak saka tumigil sa paglalakad, pumunta naman ako sa unahan niya saka sya pinagmasdan.

       “ Ganyan ka ba talaga magsalita?” saad niya habang nakatitig sa mukha ko,

       “ Oo, Sarap diba?” kindat ko sa kanya. “ binibigyan lang kita ng pwedeng imaginin sa gabi habang magkasex tayo sa imagination mo.”

       “ Uhm Ethan ganun ba talaga sya?” saad niya habang nakatingin sa likod ko.

       “ Gago ka talaga Kent!” batok mula sa likod ko.

       “ Kupal ka naman tol eh!” simangot ko ng makita si Ethan.

       “ Mark, pasensya ka na huh. Ganyan lang talaga yan.”

       “ Uhm , talaga?”

       “ Oo, kahit sakin ganyan yan magsalita so kung di mo kayang tagalan yan di ka namin pwedeng maging kaibigan.” ngiti ni ethan dito. “ Kent pwede umayos ka naman.”

       “ Ethan, gusto ko lang malaman niya kung sino ako.”

       “ Gusto mong malaman ko kung sino ka?”

       “ Oo, Para ano.. Para.”

       “ Para saan Kent?” ngiti ni Ethan, umiwas naman ako ng tingin. Para saan nga ba? Haixt para maksex ko sya.

       “ Niyaya ka ba niya makipagsex?”

       “ Hindi pa tol, konti nalang kaso dumating ka eh.”

       “ Huwag kang maniwala sa kanya, nagbibiro lang sya kahit ako niyaya niyan ng sex pero biro lang yun, para sa kanya kasi ang sex ay biruan lang so wag mo nalang pansinin yung sinasabi niya.”

       “ Ethan.”

       “ Tang ina mo Kent shut up huh!”

       “ Edi shut up.”

       “ It’s okay, di lang siguro ako sanay na ganung pag-uusap?” pilit na ngiti ni Mark, shit ang sarap siguro halikan yung lips niya.

       “ Hinahanap ka na ng kuya mo.”

       “ Salamat Ethan huh.” natawa naman si ethan.

       “ Parang niligtas talaga kita sa pangrerape ni Kent huh, pasensya na talaga sige na nasa kotse na yung kuya mo, papunta raw ata yung syota mo.”

       “ Sige, salamat uli.” saad niya saka nauna ng naglakad.

       “ Mark, oo nga pala.” tawag dito ni Ethan, tumigil naman sya sa paglalakad saka lumingon samin.

       “ What?”

       “ I hope maging kaibigan ka namin.”

       “ Sure.” tipid na ngiti ni Mark saka muling naglakad, napabuntong hininga naman ako.

       “ Gago ka eh noh, sabi ko kakaibiganin natin yun eh.”
       “ Tinigasan sya sakin.”

       “ Sinilipan mo?”

       “ Tiningnan ko lang eh tiningnan niya rin yung akin, tang ina nagising ang alaga niya.”

       “ Gago , Alam mo Kent dapat pinipili mo rin yung kinakausap mo ng kababuyan, sakristan yun at hindi sya expose sa ganyang mga topic.”

       “ Sakristan, okay ganun ang masarap, inosente.”

       “ Saka sabi ko sayo, kaibigan?”

       “ Eh ganun din naman kita kausapin, di ka naman nagagalit sakin.”

       “ Eh sanay na ko, nung una nga sinapak kita di ba?” ngiti niya.

       “ Oo nga.”

       “ Take it easy tol, kung papayag makipagsex sayo si Mark, fine pero sana alamin mo muna yung story niya, pasukin mo hindi lang yung pwet niya pati buhay niya, tol siguro oras na rin para magkaroon ka ng taong magpapabago sayo.”

       “ Walang dapat baguhin sakin.”

       “ Meron.”

       “ Wala.”

       “ Meron Kent, alam kong alam mo na meron.”

       “ Okay, edi meron pero hindi si Mark yun tol.”

       “ Hindi mo malaman kung hindi mo susubukan.”

       “ Hindi sya yun at sigurado ako.”

       “ Papayag ako makipagsex ka sa kanya, hindi ako kokontra pero kilalanin mo sya, yung buhay niya, Yung totoong sya. Alam mo kasi hindi sya ang may kailangan sayo kasi ikaw ang may kailangan sa kanya.”

       “Ano ibig mong sabihin?”

       “ You’re damage.”

       “ what? Tagalog?”

       “ You’re broken, used? And you need someone na bubuo sayo.”

       “ tang ina mo!” malutong na mura ko sa kanya.

       “ I’m serious tol, May girlfriend na ko tapos ikaw wala?”

       “ Eh bakit kay Mark mo ko tinutulak?”

       “ Eh mas attracted ka sa bakla eh.”

       “ Tang ino mo uli.” simangot ko saka naglakad. Naramdaman ko naman yung pagsabay niya sa paglalakad ko. “ Tang ino mo tol huh, di ako bakla.” Madiin na saad ko.

       “ Sorry naoffend ata kita.” saad niya.

       “ Gusto mo ng sapak?” lingon ko sa kanya marahan naman syang umiling.

       “ Concern lang ako sayo tol.”

       “ Di ko kailangan ng concern mo.”

       “ Nag-aaway ba tayo tol?” pilit na ngiti niya.

       “ Hindi?”

       “ Eh bakit galit ka?”

       “ Gago kung galit ako, nagsapakan na tayo! Tol wag mo pakialaman yung gusto ko. Si Mark isang beses nalang, kapag napaamin ko sya na may gusto sya sakin, kakantutin ko sya pero kung di talaga, edi kakaibiganin ko na. Tingin ko talaga tol, front lang niyan yung syota niya.”

       “ Pano mo nasabi?”

       “ Alam ko lang, may ilan na kong nakasex na ganyan. Kunware may syota yun pala mas babae pa sa syota nila.”

       “ Kawawa naman kasi yung tao tol.”

       “ Ibibigay ko nga yung gusto niya, pano sya naging kawawa?”

       “ Fine.”iling niya saka ako inakbayan. “ Bahala ka na nga.”

       “ Di ka na mangengealam?”

       “ Di na, Pero kakaibiganin ko si Mark, kahit tirahin mo pa sya, kantutin mo man gusto ko parin sya kilalanin.”

       “ Bakit ba kasi?”

       “ Gusto ko lang malaman yung paniniwala niya, kung pano sya naging sakristan and everything. Basta tol, interested ako sa kanya.”

       “ May pagnanasa ka sa kanya?”

       “ Tang ina mo wala! Sayong sayo na yung pwet niya basta sakin yung bibig.” Natawa naman ako. “ Bakit?”

       “ Threesome?”

       “ Gago hindi, I mean tirahin mo sya tapos ako makikipagusap sa kanya about God, and what he believes in.” ngiti ni Ethan.

       “ Ibig sabihin habang tinitira ko sya nagkukwentuhan kayo? Edi makasali ka na din!”

       “ Ewan ko sayo, baboy mo talaga.” tawa niya. Hanggang matanaw namin si Mark habang kausap yung syota niya, Base sa itsura nito halatang nandidiri to sa kinakain ng kuya ni Mark.

       “ Ang arte.” lingon ko kay Ethan. Nagkibit naman sya ng balikat.



SI ETHAN



       Biyernes ng umaga, nakatayo ako nun sa harap ng gate ng bahay namin habang nakatungo. Ayoko talaga pumunta dito pero di ko talaga matiis si Mommy.

       Mag-iisang taon na simula nung umalis ako sa bahay na to na ang tanging dala ay yung sarili ko, walang mapuntahan, walang kahit magkano sa bulsa. Yun yung gabi na sinagot ko sa Daddy dahil sa ilang beses niyang pagsampal sakin at yun yung gabi na nalaman ko na anak ako ni Mommy sa ibang lalake, Sa kapatid ni Daddy.

       Nang mga oras na yun nasabi ko sa sarili ko na, Sa wakas alam ko na yung dahilan kung bakit galit na galit sakin si Daddy, kung bakit niya ko laging sinasaktan. Na sa wakas nalaman ko na yung totoo. Mula pagkabata nagtatanong na ko kay Mommy kung ano ba nagawa ko, kung bakit galit sakin si daddy ngunit katahimikan ang lagi niyang sagot.

       Yung apartment na tinutuluyan ko ay pagmamay-ari ng magulang ni Mommy at ng mamatay ang mga ito ay binigay nila ito kay mommy na ibinigay naman niya sakin para matuluyan ko. Kay mommy yun at may karapatan ako dun.

       Haixt.

       Nagsimula naman tumulo yung luha ko ng maalala lahat ng pananakit sakin ni Daddy sa bahay na to, sa bawat pag-iyak ko habang nasa harapan ng gate na to, sa bawat araw nakatingala ako sa mga bituwin dahil ayaw ako papasukin ni Daddy sa bahay. Sa bawat gabi na tiniis ko yung lamig na ang tanging kayakap ay sarili ko.

       Ayoko na maalala lahat yun, ayoko na.

       Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumalikod at nagsimulang humakbang.

       “ Adrian.” Rinig kong tawag sakin ni mommy, lumingon naman ako.

       “ Mom.” Umiiyak na saad ko.

       “ Kuya.” Saad ni Kenneth sa tabi nito. Naglakad naman papalapit sakin si Mommy saka ako niyakap. “ Kuya pasok ka na?”

       “ Anak, Namiss kita.”

       “ Mom, hindi ko kayang pumasok. I know birthday niyo pero Mommy di ko po talaga kaya.”

       “ Anak.”

       “ Mom, I’m sorry.”
       “ Adrian wala dyan yung daddy mo.”

       “ Wala naman jan talaga yung daddy ko eh.” punas ko ng luha ko. “ Mom, Ethan ang pangalan ko hindi Adrian, Matagal ko ng kinalimutan yung pangalan na yun.”

       “ I’m sorry anak.” Nakatungong saad ni Mommy.

       “ Happy birthday Mommy, I love you and I miss you so much.” ngiti ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. “ Papasok na po ako sa school.”

       “ Kuya pasok ka muna please, Sabay ka na samin magbreakfast?” saad ni Kenneth.

       “ Bunso, naiintindihan mo naman ako di ba?”

       “ Oo kuya, pero sobrang miss na namin ni mommy na makasabay ka kumain, kuya kahit ngayon lang? Wala naman si Daddy jan eh, maaga sya pumunta sa opisina.”

       “ Bunso?”

       “ Kuya please?” nguso niya, napabuntong hininga naman ako habang nakatitig sa mukha ni mommy.

       “ Please anak?”

       “ Kuya Please? Miss na miss ka na namin ni mommy? Kuya pumayag ka na kahit ngayon lang?”

       “ Please, kahit ito nalang yung gift mo for my birthday?”

       “ Sige po.” Saad ko saka kinuha yung maliit na box sa bulsa ko. “ Pero ito po yung totoong gift Mommy.” ngiti ko, napangiti naman to saka kinuha yung box at binuksan.

       “ Di ko naman to kailangan anak eh, Pagbigyan mo na kami ng kapatid mo na makasabay ka namin uli kumain?”

       “ Alright, sasabay ako para sayo Mom.”

       “ Yes kuya salamat.” yakap sakin ni Kenneth.

       “ Thank you anak.”

        Sabay sabay naman kaming pumasok sa gate, dito sa lugar na to naging impyerno yung buhay ko, Dito sa bahay na to.

       Pagpasok sa bahay na yun, nilibot ko lang yung tingin ko. Sa bawat sulok ata ng bahay na to umiyak ako, mula sa mga cabinet na pinagkulungan sakin ni Daddy hanggang sa ilalim na sofa na lagi kong pinagtataguan tuwing darating sya.

       Pinikit ko lang yung mata ko ng maramdaman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko.

       “ Wag sad memories ang alalahanin mo kuya, Yung good memories dapat. Kuya di ba dito mo ko tinuruan magchess?” ngiti ni Kenneth na tinuro yung center table na nasa pinakagitna ng sala. Dun din tumama yung mukha ko ng isang beses suntukin ako ni Daddy. “ Kuya look, dito tayo laging naghahabulan di ba? Natatandaan mo?” ngiti ni Kenneth marahan naman akong tumango. Dun din ako pinaluluhod ni Daddy kapag may nagawa akong maling bagay. “ Kuya happy memories? Nating tatlo nila mommy kapag wala si Daddy, Mommy naman kasi ngumiti ka? Natatawa si kuya kapag nakikita yung sungki mo sa ngipin di ba?” saad pa ni kenneth natawa naman ako.

       “ Bunso alam mo talaga kung pano ako patawanin.”

       “ Yan kuya, sobrang gwapo mo kaya kapag nakangiti ka.”

       “ Namiss ko yung ngiti mo anak.” Ngiti ni mommy, lalo naman akong natawa ng makita yung sungki sa ngipin niya.

       “ Buti talaga mommy di ko namana yang sungki niyo sa unahan.

       “ Kayong magkapatid itong ngipin ko nanaman napansin niyo.”

       “ Bakit kasi ayaw mo paayos yan mommy?” ngiti ko.

       “ Ayoko.” iling nito.

       “ Hay naku kuya, ilang beses ko na sya pinilit, ayaw parin.”

       “ Hindi pwede kenneth, edi hindi ko na makikitang nakangiti yang kuya mo kapag pinaayos ko to.” ngiti nito, napangiti naman ako habang nakatingin kay Mommy. “ Di ba anak?”

       “ Tama ka mommy.”

       “ Tara na kain na tayo.” akbay niya saming dalawa ni Kenneth saka tumuloy sa dinning Area. “ Namiss ko kasabay ang dalawa kong anak, parang pumayat ka nakakain ka ba ng maayos?”

       “ Wag kang mag-alala sakin Mom. Nakakain ko na lahat ng gusto ko kainin.” saad ko.

       “ Kuya siguro lagi ka na kumakain ng ice cream noh?”

       “ Oo naman bunso, lahat ng flavor natikman ko na.”

       “ Sa school lang ako pwede kumain nun, bawal dito sa bahay eh.”

       “ Kapag dinalaw mo uli ako bunso sa apartment, ibibili kita.”

       “ Talaga kuya?”

       “Oo naman, Happy Birthday uli Mom.” yakap ko kay mommy saka umupo sa mga upuan na andun.

       “ Salamat Adrian.”

       “ Mom it’s Ethan.”

       “ Sorry, Ethan na nga pala.” Ngiti nito saka ako hinainan sa harap ko. “ Favorite mo lahat yan anak.”

       “ Kayo may birthday di ba?”

       “ Pero ikaw ang pinakaimportanteng bisita ko ngayong araw.” ngiti nito, haixt she really loves me at kahit kailan hindi ko kukuwestyunin yun.

       “ Marami ba kayong bisita sa party niyo mamaya?”

       “ Maraming inimbita si Daddy kuya.”

       “ Eh ikaw bunso may inimbita ka?” ngiti ko napatingin naman dito si mommy.

       “ Kuya?”

       “ Kenneth may inimbita ka di ba? Yung sabi mo bestfriend mo?” tanong ni mommy marahan naman tong tumango. “ Bestfriend mo nga lang ba yun?”

       “ Tingin ko hindi.” ngiti ko.

       “ kuya!”

       “ Kenneth huh.”

       “ Mom bestfriend ko lang yun, kuya ang malisyoso mo?”

       “ Umayos ka Kenneth huh, Mom Oo nga pala, may girlfriend na nga po pala ako, Kate ang pangalan niya.”

       “ Kate?”

       “ Mom, nakita ko na sya ang ganda, mejo payat nga lang pero mom she’s beautiful, Mukhang mabait tapos simple lang.”

       “ Mahal mo ba?”

       “ Oo naman Mommy, mahal na mahal ko si Kate and I hope soon, makilala niyo sya.”

       “ Yeah sana nga anak.”

       “ Kuya kamusta si kuya Kent?”

       “ Okay naman sya, bakit mo natanong?”

       “ Wala lang kuya.” ngiti nito.

       “ Bunso huh!”

       “ Ikaw Kenneth tumigil ka.” ngiti ni Mommy dito.

       “ Oo na kuya, nagagwapuhan lang kasi ako kay Kuya Kent.”

       “ Ewan ko sayo, Mom kung sakaling si Kate na yung papakasalan ko hindi naman kayo tututol di ba?”

       “ Magpapakasal ka na?”

       “ Uhm, kung sakali lang mom, nakikita ko kasi si Kate na sya na magiging asawa ko. Mom I really love her kahit di sya mayaman or di sya nag-aaral sa school na pinapasukan ko, Mom mahal ko sya at yun naman ang importante di ba?”

       “ Magpapakasal ka?” Para naman akong naestatwa ng marinig yung malaking boses na yun mula sa likod ko.

       “ Ted?” gulat na saad ni Mommy.

       “ Bakit sya nandito?”

       “ Uhm Dad, ako nag-invite sa kanya.” saad ni kenneth saka agad tumayo at lumapit sakin.

       “ Pinayagan ba kita Kenneth!!!” sigaw nito. Halos manginig naman ako sa sigaw nito. “ Di ba sabi ko sasabihin niyo muna sakin kung sino ang papupuntahin niyo sa bahay ko!”

       “ Daddy birthday ni Mommy ngayon?”

       “ Wala akong paki! Bahay ko to at ako ang masusunod kung sino lang dapat pumunta dito!”

       “ Mom aalis nako.” saad ko saka tumayo.

       “ Tama yan, lumayas ka dito!”

       “ Ted ano ba?”

       “ Aalis ako, hindi mo ko kailangan ipagtabuyan!” madiin na saad ko.

       “ Dapat lang kasi wala kang lugar sa bahay na to naiintindihan mo! Wala!”

       “ Alam ko at wala akong paki.” saad ko, napapikit lang ako ng pagamba nito, pero ilang sandali ng hindi ko maramdaman yung palad nito sa mukha ko. Pagmulat ko nakita ko lang si Kenneth na nakaharang sakin.

       “ Dad aalis na sya, hindi mo sya kailangan saktan.”

       “ Umalis ka na!” sigaw nito.
\
       “ Alis na ko Mommy, Happy birthday po ulit, Kenneth salamat.” pilit na ngiti ko saka nagmamadaling lumabas ng bahay na yun.

        Holy shit!



SI MARK



       “ Mark, wake up!” rinig kong sigaw sa labas ng kwarto ko kasabay ng malakas na katok, nag-inat inat naman saka walang ganang tumayo at binuksan yung pinto.

       “ Kuya?”

       “ Laro tayo?”

       “ Ng alin?” tinaas naman niya yung hawak niyang dalawang raketa at tennis ball.

       “ Di ako marunong niyan kuya.” saad ko saka tumalikod hanggang mapagtanto ko na nakaboxer short lang ako at walang pang itaas. Shit!

       “ Sinubukan mo na bang mag-gym Mark?” saad ni kuya Harvey sa likod ko agad naman akong pumunta sa cabinet saka kumuha ng tshirt at sinuot. “ Natry mo na mag-gym? Tingin ko kailangan mo yun?”

       “Bakit?”

       “ Kasi masyado kang skinny, yung braso mo, yung legs parang sa babae. Although hindi ko sinasabing panget tingnan pero kung gusto mo lang naman na mas magmukha kang lalake.”saad niya saka umupo sa kama ko.

       “ Wala akong time kuya.”

       “ Gusto mo bumili ako ng equipement? May extra room naman dito di ba, So pwede natin ilagay dun lahat?”

       “ Pero?”

       “ Oorder nalang ako online para ideliver dito.”

       “ Pero kuya?’

       “ Hindi lang para sayo yun, kailangan ko din imentain tong abs ko.” ngiti niya saka tinaas yung sando na suot niya, napalunok naman ako. Oh god! “ Ano tingin mo, nice di ba kaya dapat magkaroon ka nito.”

       “ Hindi ko kaya yan?”

       “ Kaya mo yan, at ako magtetrain sayo.” ngiti niya. “ Magshoes ka na, sabi ni Yaya Glenda may tennis court daw dun malapit sa Park.”

       “ Yeah meron nga.”

       “ Let’s go?’

       “ Di ako marunong niyan kuya.”

       “ Tuturuan kita syempre, para maging fit ka naman.”

       “ Pero kuya Harvey?”

       “ Before lunch pa naman yung klase mo di ba? Magpapawis muna tayo?” ngiti niya. “ Bonding time? Papasok ka nanaman kasi sa school, tapos ako mag-isa lang dito? Nakakalungkot kaya, Feeling ko nasa UK parin ako kapag wala ka, Mag-isa, walang kausap? Kaya please bigyan mo naman ako ng time?” saad niya nagpuppy eyes pa.

       “ Kasi.”

       “ Please my handsome little brother?” ngiti niya.

       “ Fine.” kamot ko sa ulo saka kinuha yung rubber shoes ko, di na ko nagpalit ng damit dahil naiilang ako sa mga titig niya, Nagsuot nalang ako ng jersey short saka sinuot yung sapatos ko. “ Okay na to kuya, sa park lang naman eh.”

       “ Okay, Ang puti mo talaga Mark.” Saad niya napalingon naman ako. “ Yung skin color mo nakaka-ingit.”

       “ Di kasi ako lumalabas.”

       “ I see.”

       “ Saka siguro namana ko yung kutis ng mommy ko.”

       “ Para kang babae eh, kaya dapat pagtatrabahuhan natin yang katawan mo para mas masculine ka tingnan.”

       “ Di ko naman kailangan yun kuya, mahal ako ni Sofhie kahit ganito katawan ko, tara na.” saad ko saka naunang lumabas ng kwarto.

       “ Pero Mark.”

       “ Oo sige na nga, wag ka ng makulit Kuya? Inaantok pa ko eh.” simangot ko, natawa naman sya saka ako inakbayan. “ Kuya?” Reklamo ko.

       “ Paakbay lang, here ito yung raketa mo.” kinuha ko naman to.

       “ Ang bigat naman nito?”

       “ Magaan ka lang talaga.” ngiti niya. Naglakad lang kami nun papunta sa park kung saan may tennis court, haixt di naman talaga ko naglalaro ng tennis at first time ko makahawak ng raketa.

       Pagdating sa court ay pumwesto na kami sa magkabilang dulo.

       “ Kuya di mo man lang ako tuturuan kung pano hawakan to?”

       “ Kaya mo na yan.” tango niya sakin, napangiwi naman ako saka tiningnan yung hawak kong raketa, hanggang tumama sa ulo ko yung bola. Shit!

       “ Di pa ko ready eh!” sigaw ko sa kanya.

       “ Ang bagal mo kasi, Just think na yung hawak mo is your cock, dapat mahigpit!” sigaw din niya sa kabilang dulo. Natingnan ko naman yung raketang hawak ko, di naman ganito kalaki yung akin, Mula sa malayo naman tiniingnan ko yung bahagi ng katawan niyang yun, mejo bakat to sa suot niyang short.“ Game?” Saad niya.

       Fuck that!

       Kinuha ko naman yung bola saka pumuwesto, aktong titirahin ko na to ng mabitawan ko yung raketa.

       “ Kuya hindi ko talaga kaya!”

       “ Kaya mo yan.” saad niya, bagsak naman ang balikat na umupo ako. “ Mark kaya mo yan, let’s go?” Saad niya paglapit sakin.

       “ Di nga kasi ako marunong kuya?”

       “ Up, Here tuturuan kita.” tumayo naman ako.

       “ Kasi naman eh.”

       “ Mark, kailangan mo lumabas sa box mo. Explore mo yung mga bagay na akala mo di mo kaya? That’s one thing na tinuro sakin ni Daddy. Don’t give up, explore, discover and experience new things kasi dun ka matututo.” ngiti niya.

       “ Hindi naman kasi ako sporty na tao.”

       “ And I’m not a religious person but because of you, I want to know how it feels to be in the church. I Just want to know you mark, sana you want the same thing.” saad niya natahimik naman ako. “ Mark please you want the same thing right?”

       “ Nagtetennis ka ba talaga?”pilit na ngiti ko marahan naman syang tumango.

       “ This is the only sport I know.” natatawang saad niya.

       “ Really.”

       “ At gusto ko ituro sayo to, kasi alam mo kapag hawak ko tong raketa.” saad niya habang nakatingin sa hawak niya, Napagmasdan ko lang lalo yung mukha niya, kahit pinagpapawisan sya mukha parin syang malinis, haixt Mark kung ano man yang iniisip mo sa kuya mo, stop it please.

       “ Mark kapag hawak ko to at naglalaro ako ng tennis, Feeling ko lahat ng galit ko sa mundo nailalabas ko dito, sa bawat hataw ko sa bola, sa bawat hampas ko sa raketa pakiramdam ko lahat ng sakit nawawala.” Seryosong saad niya. “ Lahat Mark nawawala. Kahit gaano kasakit pa yun, basta mailabas mo. Gagaan yung pakiramdam mo.”

       “ Kuya.” umiwas naman ako ng tingin saka dinama yung haplos ng hangin sa mukha ko ng umagang yun.

       “ At gusto ko maramdaman mo rin yun, hindi maganda yung naging buhay mo Mark, Hindi ka naging masaya pero alam mo you’’ll never be happy if you don’t let go all the hatred in your heart.” Seryosong saad niya humugot naman ako ng malalim na hininga. “ I’m sorry Mark kung mag-isa kang lumaki, if he just told us about you baka naging magkalaro kayo ni Danny.” Tiningnan ko naman yung raketa na hawak ko. “ Mark let go, Please? Lahat ng pain, lahat ng hatred mo kay Dad o kahit sa mommy mo, let it go.” Tumungo lang ako ng magsimulang tumulo yung luha ko. “ I know you hate Dad.”

       “ I really do.”

       “ He loves you.”

       “ Bakit umalis uli sya? Ngayon ko lang sya nakita? One week? do you think it’s enough for me to know him, to know who he is? Kuya 18 Years? Nasaan sya nun? Kumpleto yung pamilya niyo habang ako mag-isa, habang ako nakikisama sa mga taong hindi ko naman kadugo. Mag-isa ako, Tell me kuya wala ba kong karapatan magalit. Kuya ngayon ko lang nalaman na anak ako sa labas, Ngayon lang.”

       “ Really?”

       “ Oo kuya, buong buhay ko pinaniwala ako ni Mommy na hanggang ngayon sila parin ni Daddy hanggang one day narealize ko na, that’s bullshit!”

       “ I’m sorry.”

       “ Ngayon si Daddy, nakita ko nga pero umalis agad? What’s that? Patikim? Paexperience ganun?” sarkastikong saad ko agad naman syang umiling.

       “ I’m sorry Mark, Babalik si Daddy don’t worry.”

       “ Kailan?Another 18 years of waiting?”

       “ No Mark, I actually ask him to leave.” saad niya napatingin naman ako sa mukha niya. “ I ask him na kilalanin muna kita, para pagbalik niya dito masasabi ko na sa kanya, kung ano gusto mo, kung ano hilig mo, Mark he promise that when he go back here gagawin niya lahat para mapatawad mo sya.”

        “ Babalik sya?”

       “ Yeah, One week sya dito pero hindi kayo nagkausap, kahit gusto niya lumapit sayo hindi niya magawa kasi di ka niya kilala, di niya alam kung sino ka, kung paano ka kakausapin. Mark sana bago sya bumalik ma-let go mo na lahat ng pain sa puso mo.”

       “ Di ko alam kung pano.”

       “ Kaya nandito ako eh, tuturuan kita.” ngiti niya, Ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa. “ Mark, mahal ka ni Daddy, Pero tuturuan muna kitang mahalin ako.”

       “ Natuturo ba yun?”

       “ Oo naman pero bago yun, tuturuan muna kita magtennis.” saad niya saka pumunta sa likod  ko at hinawakan yung kamay ko na may hawak na raketa.

       Ilang sandali naman akong natigilan sa gesture na yun. Fuck, hawak niya yung kamay ko. “ Tuturuan kita Mar, don’t worry.” bulong niya.

       Humarap lang kami sa pader na andun, damang dama ko yung katawan niya sa likod ko na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buong katawan ko, pinilit ko naman pakalmahin yung sarili, Mark, damn you!

       “ Mark see this ball? I’m gonna throw it, all you have to do is smash it as hard as you can, You understand?” marahan naman akong tumango. “ Here’s how you hold it. “ hawak niya sa kamay ko na nasa raketa, yung mga kamay ni Kuya Harvey lalakeng lalake, mahahaba yung daliri pero malinis yung mga kuko. “ Mark listen, from here.” Hawak niya sa braso ko dahilan para maramdaman ng malamig kong balat yung init na naggagaling sa palad niya. “ Dito magmumula yung power papunta sa raketa.” Saad niya di naman ako makalingon dahil ramdam na ramdam ko yung pisngi niya sa buhok ko, halos nakayakap na sya sakin shit! Awkward. “ You get it?”

       “ Uhm yeah.” pilit na ngiti ko.

       “ Ganito, bwelo then smash!” saad niya na nakahawak sa kamay ko yung kamay niya habang kunware may pinapalo.

       “ Ok kuya harvey.” saad ko humiwalay naman sya sakin saka kinuha yung bola, nakahinga naman ako ng maluwag, haixt.

       “ Ok I’m gonna throw it.” ngiti niya.

       “ Ok.”

       “ Smash it as hard as you can okay? Lahat ng bigat, lahat ng galit, lahat ng sakit ilagay mo sa raketa saka mo paluin yung bola, Timing Mark, right time.” Ngiti niya humugot lang ako ng malalim na hininga saka pumuwesto.

       “ Okay kuya.” saad ko, binato naman niya yung bola sa pader, bumanda lang to saka dumertso sa pwesto ko, kumuha lang ako ng tamang bwelo saka ubod lakas tong pinalo.

       Yung pakiramdam na yun.... Haixt parang lahat ng bigat na nararamdaman ko napunta lahat sa raketa at humampas dun sa bola.

       Napanganga lang ako ng makita yung pagbanda nito sa pader papunta kung saan, shit basta natamaan ko haha

       “ I did it!” di makapaniwalang saad ko. “ Kuya I did it! Kuya nagawa ko!!”

       “ Yeah you did it, pero yung bola.” pilit na ngiti niya saka lumingon at may tinuro sa likod ko. Natigilan naman ako, yung bola?

       Nakita ko lang dun si Ethan habang putikan yung uniform.

       “ Tumama sa putek yung bola, then boom.” ngiti ni kuya Harvey. “ You’re good Mark, pero ikaw na bahala sa kanya. May nakita pa kong bola dun, kukunin ko lang.”
       “ Aixt.” kamot ko sa ulo.

       Lumapit naman si Ethan habang hawak hawak yung putikang bola ng tennis.

       “ Good job!” sarkastikong ngiti ni Ethan.

       “ I’m sorry.” pilit na ngiti ko, nakita ko naman na umupo si kuya Harvey sa bench habang natatawang nakatingin samin. “ I’m sorry.”

       “ Friday, may exam ako pero tingnan mo yung uniform ko.”

       “ Eh bakit ka ba kasi nandun?”

       “ Pinanuod ko lang kayo sandali ng kuya mo, haixt kainis!” simangot niya saka hinubad yung uniform niya.

       “ Sa SA ka rin pala nag-aaral?” pilit na ngiti ko ng makita yung tatak ng uniform na suot niya na katulad nung sakin.

       “ SA ka rin ba?”

       “ Yeah.”

       “ Bakit hindi tayo nagkikita?”

       “ HRM student ako eh.”

       “ I see, layo ng HRM building at alam ko may sariling mundo mga tao dun kasama ng mga bote na piniflare nila.” ngiti niya natawa naman ako.

       “ Hindi lang naman pagpeflare ngbottle ginagawa namin? Ikaw anong course mo?”

       “ May kinalaman sa music, wag mo na alamin.”

       “ Teka taga dito ka ba sa subdivision namin?”

       “ Nope, may dinaanan lang ako.”

       “ Sa bahay niyo?” ngiti ko umiwas naman sya ng tingin.

       “ Unfortunately yes, ang aga ng kamalasan ko dinagdagan mo pa.”

       “ Sorry talaga, palalabahan ko nalang yang uniform mo.”

       “ It’s okay di nalang ako papasok.”

       “ So hindi ka papasok? You know how to play tennis?” Saad ni Kuya.

       “ A little bit, I used to pay tennis when I was a kid.” ngiti ni Ethan, napanganga naman ako, shit bakit di maabsurb ng utak ko na mayaman si Ethan haixt bakit kasi sya laging nasa kung saan saan.

       “ Really, Hindi kasi marunong si Mark, Let’s play?” ngiti ni Kuya Harvey.

       “ Sure why not.”

       “ Mark pahiram mo muna yung raketa mo.” ngumiti naman sakin si Ethan saka nilahad yung kamay niya inabot ko naman yung raketa sa kanya.

       “ Dahil pinutikan mo ko, hawakan mo tong gamit ko.” saad niya saka binigay sakin yung bag niya pati yung putikan niyang uniform.

       “ Fine.”

       “ And also this.” saad niya saka hinubad yung puting t-shirt niya natigilan naman ako saka agad iniwas yung tingin ko.

       “ Game! Are you ready to lose ?” ngiti ni Ethan saka puwesto sa kabilang dulo, shit! Ang ganda ng katawan niya, ang kinis! Damn it bakit ba ganito kalakas appeal nilang magkaibigan. Si Kent na ang gwapo at sobrang nakakaturn on magsalita, haixtt. Nang lingunin ko naman si Kuya Harvey ay wala na din tong suot na sando. Holy shit!

       “ Mark!” tawag sakin ni kuya Harvey ng aktong tatalikod ako.

       “ Why kuya?”

       “ You score us okay?”

       “ Me?”

       “ Yeah, watch and learn para next time tayong dalawa naman maglalaro.”

       “ Okay.” saad ko saka humugot ng malalim na hininga. Nagsimula naman silang maglaro, parehas silang seryoso na halos walang nagpapatalo sa kanilang dalawa, nang mga oras na yun parehas ng tagaktak yung pawis nila. Haixt, kagabi di ko mapigilan yung sarili kong pagpantasyahan si Kent haixt kainis, tapos itong si Ethan pa at idagdag pa yung ganda ng katawan ni kuya Harvey! Oh god!

       God, please ilayo niyo po ako sa tukso. Alam ko hindi niyo po ako pababayaan.

       “ Hey guys enough, I need to go home na may class pa ko.” sigaw ko sa kanilang dalawa.

       “ Just go home Mark, tatalunin ko lang tong kaibigan mo.” ngiti ni Kuya harvey ng lingunin ko si Ethan nagwave lang sya ng kamay sakin. Pawis na pawis sya shit! Nagsimula naman akong maglakad.

       “ Wait.” tawag sakin ni Ethan. “ Yung gamit ko di mo naman siguro iuuwi yan.” Saad niya paglapit sakin, palihim naman akong napalunok ng makita yung pawis na tumutulo sa hubad niyang katawan habang nakatayo sya sa harap ko. “ what?” Untag niya sakin dahilan para matauhan ako, bakit ganun kaganda yung katawan niya? Gwapo na nga ,malakas ang sex appeal pati ba naman katawan perfect parin? “ Hoy gamit ko?” gulat niya sakin.

       “ I’m sorry here.”

       “ Thanks.”

       “ Welcome.”

       “ Mark, About what happened nung Sunday?”

       “ Nung Sunday?”

       “ Yung sinabi ni Kent sayo, believe me it was a joke. Ganun lang talaga magsalita si Kent.”

       “ It’s okay, naalala ko nung fiesta ganun din sya magsalita, nung sunday lang siguro kami nagkausap ng mahaba haba.”

       “ You’re not gay right?”

       “ No, I’m not.” Tanggi ko aga.

       “ Good, may girlfriend ka so I’m sure mahal mo yun, kung kausapin ka uli ni Kent and ganun uli yung topic sakyan mo nalang.”

       “ Sure, salamat huh.”

       “ Ethan, let’s continue?” sigaw ni kuya Harvey. “ Mark take care okay.”

       “ Sure kuya, See you sa dinner?”

       “ What, why?”

       “ Dadaan ako sa church Later.”

       “ Magseserve ka?” tanong ni Ethan, marahan naman akong umiling.

       “ Magdadasal lang.” natawa naman sya ng payak.

       “ I see.”

       “ Okay sige ingat ka.”

       “ I’m sorry ulit sa nangyare sa uniform mo huh.”

       “ It’s nothing.” ngiti niya saka muling bumalik sa pwesto niya tumalikod naman ako saka nagsimulang maglakad, haixt.



SI KENT

     
      “ Kent sabihan mo si Ethan na may praktis tayo ngayong gabi huh.” saad ni Bibe sakin, di naman ako sumagot. Nanatili lang akong nakatunganga sa bote ng coke sa harap ko. Nasa isang kaininan kami nun ni Bibe sa harap ng simbahan. “ Hoy naririnig mo ba ko?”

       “ Oo naman tang ina mo, alam mo naman may built in speaker yang bibig mo so pano kita hindi maririnig.”

       “ Anong built in speaker?”

       “ Ay sorry nguso mo pala yan.” natatawang saad ko.

       “ Gago ka, May praktis mamaya.”

       “ Para san ba yang praktis?”

       “ May tutog tayo sa Patay.”

       “ Sinong patay?”

       “ Hindi ko kilala.”

       “ Ay kala ko ikaw tutugtugan namin, para sayo libre nalang.” ngiti ko.

       “ Fuck you, Alis na ko.” saad niya saka naglagay ng bente sa mesa. “ Bayad ko sa kinain ko.”

       “ Bakit bente lang?”

       “ May utang ka sakin, naalala mo?”

       “ Tang ina mo umalis ka na nga baka paduguin ko pa yang nguso mo.” sipa ko sa kanya, haixt ano ba iniisip ko? Naturn off kaya sakin si Mark? Tang ina di ko talaga sya titigilan hanggang di ko sya natitira sa pwet. Simula nung linggo di na kami nagkita, nakakainis pano ko sya matitira kung tuwing linggo ko lang sya nakikita sa simbahan “ Manang bayad po, magkano po lahat.”

       “ 100 lang.” humugot naman ako ng malalim na hininga saka humugot ng isang daan sa bulsa ko, buti nalang may tugtog kami, malamang problemado nanaman sa pera yung kupal na Ethan na yun.

       “ Bakit wala kasi kayong Cr dito?”

       “ Sa simbahan, May Cr Kent. Dami mong reklamo sa buhay.”

       “ Biyernes na kasi manang at wala akong nakasex simula nung lunes kaya mainit ulo ko ngayon, kung ako sa inyo distansya kayo baka kasi kahit kayo patulan ko.” sarkastiko kong ngiti.

       “ Tara dito sa loob.”

       “ Joke lang manang! Baka saksakin ako ng asawa niyo, alis na ko.” natatawa lang ako habang palabas ng kaininan na yun, well suki na kami dun ni Ethan, ang mura kasi haha. Alam ko nakalimang order ng kanin si Bibe pero isang daan lang binayaran ko putek may kinikita pa kaya sila haha.

       Naglakad lang ako papunta sa simbahan saka agad tinungo yung Cr sa likod nito. Biyernes ng hapon yun kaya kahit may misa hindi parin ganun kacrowded yung simbahan.

       Nagsisimula na ko umihi nun sa isang cubicle ng may pumasok dito, napangiti lang ako ng masilip kung sino yun. Nakita ko lang syang humarap sa salamin saka inayos yung buhok niya.

       “ Mark.” gulat ko sa kanya.

       “ Ay pusa!” sigaw niya na ikinalaki ng mata ko.

       “ Asan ang pusa?”

       “ Huh? Shit bakit ka nangugulat?” ngiwi niya.

       “ Tang ina mo, kala ko may pusa talaga.” simangot ko saka humarap din sa malaking salamin.

       “ Eh ano naman kung may pusa?”

       “ Wala.” iwas ko ng tingin.

       “ May tugtog ba kayo ngayon?”

       “ Wala, napadaan lang ako ikaw nagserve ka?”

       “ Hindi, nagdasal lang ako.” saad niya napangiti naman ako saka lumingon sa pinto ng Cr saka lumapit dito at sinara, haixt wala naman sigurong makakapansin. Nang lingunin ko si Mark nakita ko lang na hawak niya na yung cellphone niya.

       “ Mark.” saad ko lumingon naman sya sakin pero agad din syang umiwas ng tingin.

       “Why?” tanong niya, nagring naman yung phone niya. “ Sagutin ko lang.” aktong hahakbang sya ng hawakan ko yung braso niya. “ why?”

       “ Sagutin mo na dito?” ngiti ko. Tinapat naman niya sa tenga yung cellphone niya.

       “ Sofhie pauwi na din ako.” saad niya saka binaba yung cellphone. “ Bakit ba Kent?”

       “ May gusto ka ba sakin?”

       “ What?”

       “ Oh come on Mark, May gusto ka sakin di ba?”

       “ May girlfriend ako.”

       “ Pero may gusto ka sakin?”

       “ Uhm bakit ba?”

SI MARK


       “ May gusto ka ba sakin?” Saad ni Kent, Shit corner ako.

       “ What?”

       “ Oh come on Mark, May gusto ka sakin di ba?”

       “ May girlfriend ako.”

       “ Pero may gusto ka sakin?”

       “ Uhm bakit ba?”

       “ Di mo masagot, eh ito sasagutin mo kaya.” ngiti niya saka dahan dahang nilapit yung mukha ko sa kanya hanggang maglapat yung labi namin. Para naman ako naestatwa, Shit! Hinalikan niya ko? Nanatili lang akong nakatayo hanggang maramdaman ko na naging mapusok yung paghalik niya. Wake up Mark wake up! Oh god! Dahan dahan naman syang humiwalay saka nakangiti tumitig sa mata ko. “ Ngayon sabihin mong di mo ko gusto?”

       “ Bakit mo ko hinalikan?”

       “ Kasi gusto kita.” ngiti niya.

       “ Gusto mo ko?”

       “ Yeah, so gusto mo rin ako?”

       “ Hindi?” Iling ko.

       “ Ah ganun.” ngiti niya saka ako hinila papasok ng isang cubicle at tinulak sa loob, napaupo naman ako sa bowl pero agad din tumayo ng pumasok din sya at sinara yung pinto. Damn it!

       Aktong itutulak ko sya ng hawakan niya yung kamay ko.

       “ Hey, what are you doing?” Pagpupumiglas ko. “ Kent ano ba?”

       “ Bawal magsinungaling, nasa simabahan tayo, Pinagpapantasyahan mo ba ko sa gabi o hindi?” ngiti niya, napalunok naman ako. “ Ano, mark hahalikan kita at gagahasain kapag di ka umamin?”

       “ Kent what the fuck is this?”

       “ Sagutin mo nalang pwede?”

       “ Bitawan mo ko!”

       “ Okay, hahalikan kita.” saad niya saka aktong ilalapit yung mukha niya.

       “ Oo! Masaya ka na, I like you! Now let go of my arms please!” tarantang saad ko kita ko naman na napangiti sya.

       “ Gusto parin kita halikan.” saad niya saka ako muling hinalikan sa labi, shit! Pilit ko naman syang tinulak.

       “ Kent ano ba!”

       “ Gusto mo ko chupain?”

       “ Damn it! Bitawan mo nga ako.” tulak ko sa kanya saka agad lumabas ng cubicle.

       “ Oh Mark, sige na.” habol niya sakin.

       “ I like you, pero may syota ako.”

       “ So what?”

       “ Haixt, please wag mo ko tingnan ng ganyan.”

       “ Gusto mo ko, shit! Buti inamin mo na.”

       “ Haixt, forget it Kent.” Aktong hahakbang ako papunta sa pinto ng hawakan niya yung braso ko saka ako niyakap. Wala naman akong nagawa. “ Kent ano ba?”

       “ Number mo?” saad niya, halos magdikit na yung mukha namin ng mga oras na yun.

       “ Oo, ibibigay ko pero please bitawan mo na ko baka may pumasok.”

       “ Last question, Virgin ka pa ba?” ngiti niya, napalunok naman ako.


ITUTULOY


AUTHOR'S NOTE: love lots guys.. update ako after 2 to 3 days uli mwuahh mwuah

simula na ng pakawild yung next chapter.. so kung di niyo kaya.. di niyo gusto ..wag nalang basahin huh hehe.. wag na natin dagdagan yung problema ng ikonomiya hahha

Dont forget to comment please.

19 comments:

  1. Haha. Mapusok masyado si Kent. Sana wag masyadong pa-girl si Mark. Natuturn-off ako haha. Go Ethan.

    Xiantot

    ReplyDelete
  2. Hi author. Nice story so far, just have some issues with the character mark. 1. His religiousness is not believable kasi ang bilis niyang bumigay/umamin during his encounter with kent. I was hoping that he would fight off kent's advances more forcibly, but instead he just broke easily. 2. Its hard to empathize with mark, parang kulang kasi ang external and internal struggle niya between his beliefs versus his desires. Can i suggest that you flesh out his difficulty and guilt (if any) over this matter more? Thank you.
    -edward

    ReplyDelete
  3. Grabi ang wild ni kent!

    Mas gusto ko ung Eksena ni mark At ung kuya nia.. Parang ang sarap nun' 😃😃😃

    Update na pls' Tenku

    ReplyDelete
  4. nice!!!
    ang astig ng flow ng story author!!!
    salamat!!! ahahahah

    ReplyDelete
  5. Ano b yan mauuna pang makatikim si kent ky mark ...... Dapat ang mauna makatikim ky mark ay si ethan o harvey, kaasar si kent masyadong aggresibo talaga...... Exciting ang next update ni author kaso ndi parin nagbabago si author magalingg mgbitin sa climax.... Nice at awesome update auhtor....

    Jharz

    ReplyDelete
  6. #markethanloveteam

    ReplyDelete
  7. hahaha, ang cute ni kent at ni mark, at ang kulet... tbx sa update...

    ReplyDelete
  8. Serep.. 😂😂😂😂
    Kidding aside .. Hhmm magkakasundo kya tlga ung mgkapatid? Ano ba ung pinagdaanan ni kent? Sino kaya ung sa past nia.. And si ethan.. Great great! Kudos bluerose.. 👌🏻👌🏻👌🏻👌🏻

    ReplyDelete
  9. Ano ba yan si Kent. Napaka-libog nakakatawa. Haha. Isa pa tong si Mark nahawaan ng kalibugan lahat na naattract. Haha

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  10. Blue itaga mo sa bato babawiin mo lahat ng sinabi mo hahaha nakaka bitin parin tsaka pag iipunan ko na ung isang box ng tiwala at ng iba pa ahahaha bigay mo nalang sakin address mo padala ko nalang hahaha jk

    ReplyDelete
  11. Maka comment nga para pang energize ni author... Hehe...
    - gogz

    ReplyDelete
  12. Maka comment nga para sa ekonomiya... Este para energize ni author.... Ay ang tindi..
    Intense.. May pinaghuhugotan ang author. Peace.
    Wahaha..
    - gogz

    ReplyDelete
  13. You’re building more depth into the characters. They’re becoming more interesting. At bakit hindi pwedeng maging pa-girl si Mark, Xiantot? Ano ‘to, bawal magkaroon ng effem na bida? Contrary to what Edward said, I think Mark’s character’s internal conflict has been pretty much established from the start. This internal ambivalence is actually common in many religious people. Even religious conservatives, straight or gay, have sexual attractions and desires. They are humans after all. You can’t fight hormones and physiology with prayers. I think the internal conflict was laid out reasonably well in Mark’s character. I think we should read this story without laying our biases or stereotypes on the characters.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe, I don't think kailangan ko magexplain about my conment. Pero sige, it's not about him being effem. Matagal na rin ako nagbabasa ng stories sa blogsite na 'to, and as far as I know, this blog is intended for M2M love stories. Kung may problema ako sa nga effeminate characters, malamang tagal ko nang itinigil pagbabasa rito. I'm just referring for him being religious and straight-acting, yet ganun ang reactions kay Kent. Pakipot. Sorry kung negative yung paggamit ng term na "pa-girl". I LOVE the story and yung author na rin, haha, and never kong idedemand na magbago ng kahit anong parts ng story, yung flow at yung character.

      :( X

      Delete
  14. F! Ang ganda ng flow ng story. Comedy, romance na may halong...ayun. XD Nahihiwagaan ako sa mga mangyayari pa. At napapamura ako sa mga eksenang nangyayari. More power sa ating author. :) Sana mapabilis ang update.

    I love Kent, the way he is and the way he talks, napakastraight forward nyang magsalita although kabastusan. Parang nakikita ko lang sarili ko sa kanya. HAHA! Kaya approve ako sa kanya. Sana sya na lang ang naging bida. XD

    NEXT PLEASEEEEEE.....
    Susubaybayan ko to.
    By the way, sana mailagay to sa #wattpad. :) Thank you.

    - Rinx

    ReplyDelete
  15. Not late but late.

    Hahahha I have a feeling na denial lang itong si Kent.

    He's freaking gay. Does not mean gay ung pang parlor agad? Hahahha


    Great job as always kuya bluefish i mean kuya blueish hahahaha.


    Still looking forward for the incest scenes.

    Kung papaano i fvck ng kuya niya si Mark hahaha.

    ReplyDelete
  16. Sana umabot to ng chapter 100 <3

    ReplyDelete
  17. grabe klako yun nah un.. masyado akung na awa sa kalagayan ni ethan :-) :-(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails