AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )
CHAPTER GUIDE:
=====================================================
CHAPTER NINE
Kinulong niya ako sa kanyang braso. Hinawakan niya ang aking pisngi, tinapat niya ito sa kanyang mukha. Dinikit niya ang kanyang noo sa noo ko. Dahan-dahang hinaplos ng kanyang hintuturo ang aking labi. Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Mapupungay ito. Para akong nalulusaw. Pumikit siya, ganoon din ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ng labi ko ang malambot at mainit niyang labi.
“Hoy!” sigaw niyang gumising sa aking windang na utak.
“Ha? May sinasabi ka?” tumingin ako sa kanya. Lutang pa rin ako. Para bang nasa ikapitong alapaap ako dahil sa saya at kilig na nararamdaman. Para akong lumilipad, tumatalon, sumasayaw, na hindi ko na malaman. Para na akong baliw. Hehe.
“Sabi ko, bakit ka ngumingiti na parang gago ‘dyan?” bakas sa mukha niya ang pagtataka.
Napansin kong abot tenga ang mga ngiti ko. Ang sakit ng panga at cheekbones ko dahil sa ngiting hindi mabura sa aking mukha. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang magkabila kong pisngi at madiin kong minasahe ito.
“Ano nga?” naiirita niyang tanong.
“Nakakatawa ka kasi kagabi, naalala ko lang. Napaka-drama mo, todo iyak ka pa na parang katapusan na ng mundo.”
Nagkamot siya ng ulo. Bigla siyang bumaluktot at yumuko sabay takip ng mukha na parang batang nahihiya.
“Ngayon ka pa nahiya! Ikaw na ngayon si drama king!”
“Ano pa nangyari sige ikwento mo. Para alam ko kung ano mga kalokohan ko kagabi.” sabi niya habang nakatakip pa rin ang mukha at nakabaluktot ang katawan.
Bigla kong naalala ang paghalik niya sa akin. ‘Di ko napigilang mapangiti at kiligin. Paulit-ulit na pumasok sa aking utak ang nangyari kagabi. Naalala ko rin ang pagyakap niya sa akin habang mahimbing siyang natutulog. Parang ngayon nag-sink in ang lahat ng buong-buo. Hay. Napakasarap sa feeling.
Humarap ako sa kabilang side sa tapat ng bintana. Nagtakip ng mukha. At linabas ang ngiti na pilit kong tinatago kanina pa. Muling sumakit ang panga, pisngi at cheekbones ko.
“Hoy tinatanong kita!” sabay pitik sa tenga ko.
Umayos ako ng upo. Sabay harap sa kanya na nakangiti pa rin.
“Wala.”
“Ano nga?”
“Manyak ka.”
“Ako manyak!?” lumakas ang kanyang boses.
Tumingin ako sa kanya.
“Oo manyak ka. Nanghahalik ka na lang basta-basta.”
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bumagsak ang kanyang panga. Hindi maipinta ang itsura niya. ‘Di ko napigilang humalakhak.
“Gago seryoso?”
“Oo nga! You kissed a stranger last night.”
“Ah... Kala ko ikaw. Gago ka.”
“Asa. Gusto mo ano?” sabi ko sabay ngiting nakakaloko.
“Ulul. Teka, sinong babae ang hinalikan ko? Ano sabi? Nagalit ba?” sunud-sunod at nagpapanic niyang tanong.
“Babae ka ‘dyan, lalaki ang hinalikan mo dude.”
‘Di maipinta ang kanyang mukha. Parang may sumabog na bomba dito.
“Putangina! Hindi nga!? Tangina!” sigaw niya na hindi mapakali. Para siyang baliw na kailangan na dalhin sa mental.
“You kissed a gay hostess last night. Kung hindi pa kita pinigilan baka ‘di ka pa tumigil at kung saan pa mapunta.” Tumawa ako ng malakas. Inakbayan ko siya.
“Tangina! Putanginga! Putangina talaga!” pagsisigaw niya.
“Hoy napakaingay mo! Mahiya ka sa driver dude.”
“Eh ikaw kaya manghalik ng di kilala tapos ano pa.”
“Okay lang ‘yan mukha namang babae yung bading eh.”
“Kahit na. Tangina talaga.” Sabi niya sabay kamot ng mukha, gulo ng buhok, at panginginig ng katawan na parang diring-diri siya sa mga pinagagagawa niya.
“Okay lang ‘yan. Secret lang natin.” sabay tawa ko na nakakagago.
“Dapat lang. Tangina talaga.”
“Ayan kasi, iinom-inom ka eh hindi mo naman pala kaya.”
Nabalot kami ng katahimikan. Tiningnan ko siya. Tulala pa rin ito at malalim ang iniisip. Naaawa man ako sa itsura niya, gusto ko sabihin ang totoo, pero hindi pwede. Kasi hindi niya pwedeng malaman na ako ang hinalikan niya.
Ilang saglit pa’y dahan-dahan siyang lumingon. Nagtama ang aming mga mata.
Bigla niyang hinawakan ng madiin ang aking balikat. Hinarap niya ang mukha niya sa akin. Diretso siyang tumingin sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya. Naiilang ako. Oo nakakakilig ito, sobra, kasi crush ko siya, no, mahal ko siya at magkaharap ang aming mga mukha. Deep inside ay ngiting aso ako na para bang gusto kong maglululundag sa saya. Kumunot ang aking noo, isa ito sa paraan ko para itago ang nararamdaman ko.
“What?” nauutal-utal kong sabi.
“Tell me...” mahina niyang sabi. Malalim pa rin ang kanyang boses, lalaking-lalaki.
“Ano?” pabulong kong sabi. Para akong kinabahan na hindi ko malaman. Hindi ko siya mabasa.
“I kissed a stranger last night ‘di ba? And magkatabi rin tayo nakatulog. So Ray, please tell me, did I kiss you last night?”
Hindi ako nakaimik. Para akong naging bato. Hindi ko mailabas ang boses ko sa aking bibig.
“I kissed you right!?” sigaw niya sabay alog sa akin. Sa pag-alog niya’y bumalik ang katinuan at kontrol ko sa aking katawan.
“No. Mabilis akong nakatulog kagabi.” pagsisinungaling ko. ‘Di ko siya magawang tingnan sa mga mata niya. Baka mahuli niya ang pagsisinungaling ko. Agad tinuon ng aking mga mata ang leather crossbody bag ko. Binuksan ko ito at kinuha ang puting earphones. Sinuksok ko ito sa kanang tenga. Kinabit ko ito sa aking cellphone.
“Makinig na lang tayo ng music. Paranoid ka eh. Wala ka namang magagawa.” sabay abot ng isang side ng earphone sa kanya. Tinanggap niya ito, linagay niya ito sa kaliwang tenga.
Pinindot ko ang play button. Nag-umpisang tumugtog ang isang kanta. Nanlaki ang mga mata ko sa intro ng kanta. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Parang may kung anong kuryente at kilig ang dulot ng musika na iyon sa akin. Pasimple akong tumingin sa kanya, napansin kong unti-unti rin siyang tumingin sa akin.
“Ang ganda naman ng kanta.” sabi niya sabay ngiti.
*Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo
Ninamnam ko ang pagdaan ng bawat salita at bawat instrumentong nakakabit sa kantang ito. Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit pero ang hirap huminga. Inhale, exhale. Bago mag-chorus ay dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakita kong dahan-dahan din siyang tumingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
*Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
Sayo Lang ang Puso ko'
“Ang ganda ‘di ba.” sabi ko na lang.
Matamis siyang ngumiti. Lalo niyang tinitigan ang aking mga mata, parang hinuhukay niya ito gamit ang kanyang tingin, hinukay niya ito hanggang maabot ang aking kaluluwa.
“Oo. Ang ganda.” mahina at malambing niyang sabi.
*Walang ibang Tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
kung tunay nga ang pag ibig mo
Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'
Magkahalong kirot at kilig ang nararamdaman ko ngayon. Napakaganda ng kanta, pero hindi lang ito basta kanta ng isang in love, kanta ito ng isang taong umaasa na siya’y mamahalin din ng taong mahal niya. Napapikit ako. Hinawakan ng kaliwa kong kamay ang aking dibdib. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Ilang saglit pa’y narinig kong sumabay siya sa kanta.
*Kailangan ba kitang iwasan
sa twing lalapit may paalam
ibang anyo sa karamihan
iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang
Tuming ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata. Sinabayan ko ang siya at ang kanta. Nagsagutan ang aming mga boses.
*Tumingin Sa’king Mata
Magtapat ng Nadarama
‘di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung Maging Tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'
--------------------------------------
*Sa’yo. Silent Sanctuary
--------------------------------------
Pumikit ako. Lumingon ako sa labas ng bintana. Parang guhit sa aking paningin ang mga gusali, puno, at mga sasakyan. Napakabilis ng andar namin. Parang pananatili ko dito sa Japan. Dalawang araw na lang ay uuwi na ako. Pumikit ako. Bumulong ako sa aking utak.
“Sana hindi na matapos ito. Sana dito na lang kami habang buhay.”
***
“Welcome to... Disneyland!” sigaw ko sabay talon at wagayway ng dalawang kamay pataas.
“Parang bata.” sabi niya sabay ngiti.
“Yeah, I’m a kid.” sabi ko sabay ngiting nakakaloko. Dinuldul ko pa ang mukha ko sa mukha niya.
“Hoy mahalikan mo pa ako.”
“Sira. Gusto mo talaga eh ano?”
“Ulul.”
“Tara na. Ang bagal mo. Ano pang saysay ng fast lane ticket natin kung babagal-bagal ka rin pala?” inakbayan ko siya. Naglakad kami palapit sa entrance ng Disneyland. 9am ang bukas nito, 8:58am pa lang. Naiinip na ako.
Sa ‘di kalayuan ay dumaan ang isang train. Kulay puti ang itaas na kalahit nito habang kulay purple naman ang ibabang kalahit nito. Ang tawag dito ay Disneyland Monorail.
“Ganda!” sambit ko.
Patuloy kaming naglakad. Nadaanan namin ang isang giant flower na ang shape ay ulo ni mickeymouse. Binati kami ng isang gusali, may mga arc ito na nagsisilbing entrance sa disneyland. Sa loob ay punung-puno ng mga tindahan. World Bazaar ang tawag dito, may restaurants and mga shopping area dito.
Napansin kong ako na lang naglalakad mag-isa. Lumingon ako sa aking likod. Nakita kong nakatayo si Rome, nakatingin ito sa entrance, naglalakbay ang kanyang mata. Lumapit ako.
“Naaalala mo pa rin siya nuh?”
Tumango siya.
“Huwag mo na siyang isipin. Kalimutan mo na ang nangyari noon. Papalitan natin ng magagandang ala-ala ang Disneyland.” sabi ko sabay ngiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay hatak.
Tumingin siya sa akin. Nagbitiw siya ng isang ngiti.
“Salamat.”
Hawak-kamay kaming pumasok sa lugar kung saan may happily ever after.
***
Sumarado ang elevator. Napangiti ako. Pasimple akong tumingin sa kanya. Nakita kong nakabusangot ang mukha nito.
“Oh bakit?”
“Ang dami-daming pwedeng unahin sa Disneyland, dito mo pa naisipang pumunta sa castle. Nang-iinis ka talaga?”
“Bakit? Anong masama?”
“Boring.”
“Boring.” pag gaya ko sa kanya habang nakatingin sa taas at ang mukha ay nang-iinis.
Bumukas ang pinto ng elevator. Sumalubong sa aming tenga ang isang tugtog na ginagamit sa mga royal occassions. Binati kami ng isang Royal Attendant.
“Ohayou Gozaimasu!”
“Ohayou!” sagot ko. Lumingon ako sa kanan at kaliwa, nakita ko ang parang story board ng Cinderella na para bang isang story book na ang kaibahan lang ay nakadrawing at nakasulat ang kwento sa dingding. Napangiti ako.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Dinaanan namin ang ilan sa mga artworks, paintings, dioramas na para bang sinusundan namin ang fairytale story ni Cinderella. Ilang saglit pa’y narating namin ang throne room. Tumingin ako sa paligid, wala pa masyadong tao. Tiningnan ko si Rome. Nakita kong iniikot-ikot niya ang mga mata. Tumingala ako. Nakita ko ang isang magandang chandelier.
Pumikit ako. I envision myself in a middle of a spotlight, alone in this throne room. Nakangiti, masaya, walang problema, at wala ang lahat ng sakit mula sa aking nakaraan. Naisip ko ang lalaking lagi kong iniisip sa tuwing ako’y hihiga ng kama upang matulog. Naiisip ko rin ang lalaking ito sa tuwing ako’y gigising sa umaga. I created a faceless man in my mind. Lagi ko lang iniisip na ang lalaking ito ang happy ending ko. Sa aking utak ay unti-unting lumapit ang lalaking ito mula sa kadiliman. Pagtapat niya sa akin ay tinamaan ng spotlight ang kanyang mukha. Nagulat ako sa aking nakita! Kinilabutan. Bumilis ang tibok ng aking puso. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng mukha ang lalaking ito. Si Rome.
“Hoy!” sigaw ng isang boses sa akin. Bumalik ako sa katinuan.
“Ano?!” sigaw ko sabay kamot ng aking ulo.
“Anong ginagawa mo?”
“What?”
“Nakatayo ka ‘dyan, nakapikit, at ngumingiti-ngiti na parang gago. Ano feeling mo ikaw si Cinderella? Baka gusto mong isuot na rin ang sapatos na iyon.” sabi niya sabay turo sa naka-display na glass slipper sa ‘di kalayuan.
“Gago! Iniisip ko na makukuha ko rin ang happily ever after ko! Pero heto ikaw, nagpapaka-nega na naman. ‘Di ba kaya nga dinala mo ang Ex mo rito dahil naniniwala kang mayroong ganoon?”
“’Di totoo ‘yun.”
“Totoo. Patutunayan ko sa iyo makikita mo.” confident kong sabi. Hala! San ko hinugot ‘yun? At bakit ko sinabi iyon?
Nagkamot siya ng ulo.
“Lakas! Ibang klase ang lakas ng belief mo sa bagay na iyan.”
“Syempre. Dude, lahat ng bagay posible. Ang problema lang sa mga tao ay mabilis silang sumuko. Kaunting sakit lang suko na, kaunting pagsubok lang suko na. Alam mo bang pag sinukuan mo ang isang bagay, ibig sabihin ay pinatunayan mo lang na hindi ka karapat-dapat dito?”
“So sinasabi mong dapat kong balikan ang Ex kong may anak na ngayon?”
“Bakit palagay mo ba worth it pang balikan ang isang cheater na kagaya niya?” sabi ko sabay cross-arm.
Natameme siya. Tiningnan ko siya. Walang reaction ang kanyang mukha. Ilang saglit pa’y ngumiti ito.
“Tama ka. She doesn’t deserve me. Tara na sa labas, maraming rides doon na pwede nating i-enjoy na magkasama.” Sabi niya sabay akbay at naglakad kami papuntang exit ng Fairytale Hall.
***
“Ang dilim nakakatakot! Woooooooooohhh!” sigaw ko habang pumapasok ang sasakyan namin sa loob ng isang madilim na tunnel. Nasa Space Mountain Ride kami ngayon.
“Napakaingay mo naman!”
“Gusto mo sabihin ko ‘yun in Japanese?”
“’Wag na. Manahimik ka ‘dyan.”
Nakita ko ang pagkurap-kurap ng kulay dilaw na ilaw, dinaanan namin ito. Sinalubong naman kami ng mga kumukurap-kurap na neon blue lights na hugis rectangle. Ilang saglit pa'y kinain kami ng kadiliman. Mga puting tuldok lang ang aking nakikita, parang kalawakan. ‘Di nagtagal ay naramdaman ko ang pagharurot ng aming sinasakyan. Naramdaman ko rin ang malamig na hampas ng hangin sa aking mukha at kamay.
“Putanginaaaa ang bilis!” sigaw ko sabay hawak safety na bakal na nasa aking harapan.
Lalong bumilis ang sasakyan namin. Naramdaman ko ang pag-angat at biglang pagbaba ng sasakyan namin, para akong tinatapon sa kawalan. Ni-hindi ko alam kung mamamatay na ba ako o makakalbas pa ako ng buhay dito. Wala akong makita kundi kadiliman at mga bituin sa paligid.
“Tanginaaaaa Roooome!” sigaw ko sabay akap sa kanya. Sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang braso. Naramdaman ko ang paghawak ng kanyang kamay sa aking kamay. Nagdulot ito ng kuryente sa buo kong katawan. Napangiti ako. Oo masaya ang ride, pero mas masayang sumakay na katabi mo ang taong mahal mo.
“Tingnan mo ang mga stars ang gaganda oh. Sayang naman ang sakay natin.”
Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Sinunod ko siya. Napangiti ako. Ilang saglit pa’y sinalubong ako ng liwanag.
“Hoy tapos na. Kung makaakap ito!”
“Pasensya naman.” sabi ko sabay kalas sa kanyang braso. Napakamot ako ng ulo. Napakaarte nito! Hinalikan mo nga ako kagabi eh, pumalag ba ako? Tapos akap lang ayaw mo. Hmp!
***
“Sarap kumain forever!” masaya kong sabi habang nginunguya ang huling piraso ng hotdog. Bigla akong nagutom dahil sa ride na sinakyan namin ni Rome. Nakakastress pero ang saya!
“Takaw mo talaga. Pumunta tayo ng Disneyland para lang kumain? 11am pa lang bro.”
“Uy... Nag-eenjoy siya.” sabi ko sabay ngiting nakakaloko.
“Oo na. At kunin mo na itong ice cream mo kanina pa ako nangangalay.” sabi niya sabay dila sa chocolate ice cream niya sa kanang kamay. Kinuha ko ang vanilla ice cream ko mula sa kaliwa niyang kamay. Dinilaan ko ito.
“Heaven.” sabi ko sabay pikit.
“Yeah.”
“Ikaw rin eh. Matakaw.”
Tawanan. Tiningnan ko siya. Nakita kong nakatingin ito sa malayo habang patuloy sa pagkain ng ice cream. Napangiti ako. Nakakatuwa siyang panooring kumain. Parang bata lang. Binuksan ko ang bag ko, kinuha ang isang notebook at ballpen. Sinulat ko sa isang buong page ng notebook ko ang salitang “愛してる”. Ngumiti ako. ‘Di ko rin alam kung bakit ko sinulat ito, siguro ay dahil sa taong kasama ko ngayon. Hay.
“Ano yan?” tanong niyang gumising sa utak kong lutang.
“It's a... Uhm... Written in Japanese writing.”
“I know pero ano meaning niyan?”
Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
“Itong salitang ito siguro ang pinakamagandang salita na pwede mong sabihin sa isang tao. Ito rin siguro ang pinakamagandang maririnig mo mula sa kanya.”
Nakatingin pa rin ako sa sinulat ko.
“Sabi nila, dumarating daw ito, sa tamang panahon, at sa tamang tao... As in bigla mo lang daw ito mararamdaman. Para itong kamatayan na hindi mo alam ay dadalihin ka na pala. Para itong isang pakpak na dadalhin ka sa itaas at tuktok ng daigdig, pero pag binawi ay para kang naiwan sa ere at hinulog sa kawalan. Para itong regalo, isang di pangkaraniwang regalo dahil walang ano mang bagay ang pupwedeng makatumbas dito.
“Lalim. Ano ba kasi yan?”
Tumingin ako sa kanya. Dahan-dahan. Nagtama ang aming mga mata.
“I love you.”
Binaling ko ang mata ko sa sinulat ko.
“Ang ganda di ba? Pero ang hirap-hirap isulat. Parang ang salitang ito, hindi kailanman ito magiging madali. Sabi nila, nakakatakot daw ito... Pero ako? Hindi na ako natatakot. Kung tatanggapin ng ibang tao ang pagmamahal ko, edi okay, Salamat. Kung tatanggapin at iaappreciate nila ito, edi sobrang salamat. Kung tatanggapin, iaappreciate at, susuklian niya ito, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero kung hindi, okay lang. Tatanggapin ko kahit masakit. Kasi ang totoong pagmamahal, hindi naghihintay ng kapalit. Sa huli, ang mahalaga ay nagmahal ka. Sinuklian man o hindi, hindi na mahalaga iyon dahil ang mahalaga ay nagmahal ka. Panalo pa rin ako. Because love always wins.” ngumiti ako. Napansin kong nabalot ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ramdam ko na parang may kung anong bagay ang sumasabog mula sa aking puso. Ito siguro ang isa sa paraan ko para iparating sa kanya ang gusto tunay kong nararamdaman.
Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Ilang saglit pa’y pinahid niya ang kanyang chocolate ice cream sa aking mukha.
“What the!” sigaw ko.
Humalakhak siya. Pinahid ko naman ang vanilla ice cream ko sa kanyang mukha.
“Putek!” sigaw niya.
Tawanan. Para kaming mga gusgusing bata.
“Anong problema mo?” sabi ko sabay dila sa natitirang kong ice cream.
“Ikaw. Napakadrama mo.” Sabi niya. Muli niyang pinahiran ng ice cream ang aking mukha. Tumayo siya at tumakbo palayo.
“Wow! Wala pa ring tatalo sa kadramahan mo kagabi. Manyak!” sigaw ko. Mabilis ko siyang hinabol. Napahiran ko ng ice cream ang kanyang leeg. Gumanti siya, ngunit nakaiwas ako. Tumakbo siya sa tabi ng isang bush, sa ilalim ng isang puno. Sinundan ko siya. Tinamaan ng sinag ng araw ang kanyang mukha. Bakas sa mukha niya ang saya. Ngumiti ako.
“Manyak ka ‘dyan. Gusto mo ikaw naman ngayon ang halikan ko ha?” sabi niya sabay ppahid ng ice cream sa aking ilong. Gumanti ako.
“Para na tayong si Mickey Mouse.” sabi niya.
Tawanan. Para kaming mga batang nakalaya mula sa aming kulungan. Ang kulungan na ito ay ang mapait at masakit naming nakaraan. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging masaya na walang halong pagkukunwari. Saya na sa panaginip ko lang naramdaman. Saya na sa utak ko lang ginawa. Everything is perfect.
***
"Ang ganda 'di ba? Parang paradise." sabi ko habang iniikot ang mga mata. Napapaligiran kami ng mga bundok, puno, at mga kulay orange na lupa na para bang valley na ewan ko. Haha. Para kaming nasa isang set ng movie habang binabaybay ng boat namin ang Splash Mountain. Ilang saglit pa’y pumasok kami sa isang tunnel. May mga cartoon characters na nandito na gumagalaw-galaw, maganda ang animatronics ng ride na ito. Ang ilang parte ng kweba ay may mga screen at pineplay ang mga video na parang kuha sa pelikula.
“Bro. Ang boring dito.”
“Nagreklamo ka pa.”
“Na-miss ko na ang pagsigaw mo. Nakakatawa ka kanina. Napakaingay mo. Mas nag-enjoy pa ako roon kaysa rito.” sabi niya sabay tawa.
“Whatever.”
Ilang saglit pa’y nasilaw kami sa liwanag sa dulo ng tunnel.
“Ray.” Biglang nagbago ang tono ng kanyang boses.
“Ano?”
“Nasa itaas ba tayo ng bundok? Waterfalls ba ito?”
Parang may kung anong bagay ang humampas sa aking ulo. Naisip ko lang, tama siya dahil kanina pa kami umaandar at paakyat ng paakyat ang bangka namin gamit ang elevated rails. Tumingin ako sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mukha. Naalala ko ang pagpapanic niya sa Tokyo Tower. May aerophobia ngapala siya!
“Rome... Look at me.” Hinawakan ng dalawang kamay ko ang kanyang mukha, tinapat ito sa akin.
“Tangina.” bakas sa boses niya ang panginginig.
“Rome. Inhale, exhale. Pumikit ka na lang dude. Mabilis lang ito, don’t think.”
“Tangina Ray, bumaba na tayo!”
“Sira! Umayos ka. Ganito, mag-isip ka ng magagandang bagay na nangyari sa buhay mo. ‘Yun lang isipin mo.”
“How?” sigaw niya na nagpapanic na.
“Look at me.” sabi kong nakahawak pa rin ang mga kamay sa kanyang mukha. Nagtama ang aming mga mata.
“Mag-isip ka Rome. Ano ang nagpapasaya sa iyo ngayon?”
Pumikit siya. Ilang saglit pa’y naramdaman ko ang mabilis na pagbagsak ng sinasakyan naming boat mula sa itaas ng bundok.
***
“Okay ka na?”
“Medyo.” sabay lagok ng tubig. “Tangina, sa susunod nga magtanong muna tayo kung may mga ganoon! Mamamatay ako nito eh!”
Natawa ako. Namumutla pa rin si gago. Pero mas kalmado siya ngayon ng kaunti kumpara noong sa Tokyo Tower.
“Tara, may alam akong ride na pupwede tayong magpatuyo, ang lamig eh.” sabi ko sabay lakad. Nabasa kasi kami pagdating sa ibaba ng waterfalls ng Splash Mountain.
Hindi pa man kami nakakalayo ay naramdaman kong may umapak sa kanang sapatos ko. Dahil dito, nasubsob ako sa semento. Naramdaman ko ang pagtama ng dalawang kamay ko sa bato.
“Sorry!” sigaw niya. Tinulungan niya akong tumayo.
“Ang sakit dude!” sabay tingin sa kamay. Namumula ito.
“Sorry. Nahihilo pa kasi ako.”
Tiningnan ko ang sapatos na naapakan niya. Nakita kong nalatlat ang swelas nito.
“Putangina! Anong nangyari!?” sigaw ko. Tinaas ko ang kanang paa ko para tingnan ang nasirang sapatos.
“Sorry.”
Napailing ako. Agad akong nagtanong sa isang staff ng Disneyland na malapit sa kinatatayuan namin.
Bumalik ako kay Rome.
“Ano sabi.” bakas sa itsura at boses niya ang hiya.
“Bumalik daw tayong front entrance.” sabay ayos ng crossbody bag.
“Sorry.”
“Okay na. Naka-apat na sorry ka na. Samahan mo na lang ako.”
Paika-ika akong naglakad. Iniingat-ingatan kong hindi tuluyang matanggal ang swelas ng aking sapatos. Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Winter ngayon sa Japan, kaya napakalamig talaga, dagdag pa na basang-basa ang mga damit ko gawa ng pagbagsak ng aming bangka sa waterfalls ng Splash Mountain.
Ilang saglit pa’y naramdaman kong inakbayan niya ako. Pasimple akong ngumiti.
“Saang mo ba kasi nabili ang pekeng sapatos na iyan?”
“Hoy, hindi peke ito! Bago ito at mahal! Ang ganda pa naman. Kainis.”
“Sus. Pero isang apak lang nasira na.”
“Aba! Ikaw na nga nakasira ikaw pa ang gumaganyan. Eh kung ipukpok ko kaya ito sa mukha mo? Sipain kita eh.”
Bigla siyang humalakhak. ‘Di ko siya napansin. Bad trip. Basang-basa na nga ako, ang lamig-lamig na, tapos sinira pa niya ang sapatos ko. Lintik.
“Bakit kaya ganoon magsalita mga Japanese? Parang may laman sa bibig.”
Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nakakagago.
“Pintasero.”
“Galit pa rin? Smile ka naman ‘dyan.”
Nagbitiw ako ng isang pilit na ngiti.
“Ngiting plastic. Gusto ko totoong smile.
Muli akong ngumiti. Pilit pa rin.
“Gusto ko labas dimples mo.”
Ngumiti akong labas ang dimples.
“’Di lang iyan. Gusto ko galing sa puso.”
“Ay ang kulit bahala ka ‘dyan!” sigaw ko. Kairita. Nangungulit lang eh.
“Kasi. ‘Wag ka na magalit.” may lambing sa kanyang boses.
“Hindi ako galit. Naiinis lang ako.”
“Sa akin? Eh, naman eh...” sabi niya na parang bata. “Buhatin kita gusto mo? Para hindi ka na mahirapan.”
“Tumigil ka.”
“Ray...”
“Okay na Rome. ‘Wag ka na makulit. Giniginaw na kasi ako. Wala na ako sa mood.” sabi ko. Kinuha ko ang earphones ko sa aking bag. Sinuksok ko ito sa aking tenga. Nakasaksak pa rin ito sa aking cellphone na nasa loob ng bag. Isa ito sa paraan ko para maalis ang pagkabwisit ko.
“Tingin ka sa akin.”
Tumingin ako sa kanya. Mula sa seryosong mukha ay ngumiti ito.
“Para kang gago.” sabi ko sabay tawa. Pinindot ko ang play button sa earphones.
“Umakbay ka sa akin.”
Sinunod ko siya. Wala pang isang segundo ay nag-umpisa ang intro ng isang pamilyar na kanta. Kinilabutan ako. Parang bawat bagsak ng nota ng piano ay ang paglundag ng puso ko. Alam kong naririnig niya ang tugtog dahil magkalapit ang aming mukha. Bigla niyang kinuha ang isang earphone sa mula sa aking tenga at sinuksok ito sa kanya. Napatingin ako sa kanya. Naisip ko lang, bakit niya kinuha ang earphones ko? Bakit gusto niya marinig ang kanta? Nagustuhan din ba niya ito? ‘Di ko tuloy napigilang mapangiti.
*Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo
Pasimple akong nagnakaw ng tingin sa kanya. Napansin kong dahan-dahan siyang tumingin. Inalis ko ang tingin ko. Ramdam kong tinititigan niya ako, para akong malulusaw, para akong napapraning. Bago mag-chorus ay ‘di ko napigilang tumingin sa kanya. Nagsalubong ang aming mga mata.
*Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'
Sumabit ang sapatos ko ko sa isang bato. Naramdaman ko ang unti-unti kong pagbagsak. Sinapo ng braso niya ang katawan ko. Napatingin ako sa kanya. Muling nagtama ang aming mga mata. Para akong linulusaw. Ngayon ko lang nakita ang tingin niyang ito sa akin. Iba ito dati, iba ito kanina, ibang-iba. Naging irregular ang paghinga ko. Mabilis akong tumayo. Linayo ko ang mga mata ko sa kanya. Tinuon ito sa malayo.
*Walang ibang Tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
kung tunay nga ang pag ibig mo
Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
Sa'yo Lang ang Puso ko'
Parang may makapangyarihang mahika o pwersa ang musika na tumutunog sa aming tenga. Para akong na-hypnotize. Habang naglalakad ay napapikit ako. Dinama ang bawat salita at instrumento. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Tumingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. Bakit ganito siya tumingin? Naguguluhan ako? Unti-unting pumasok sa utak ko ang lahat ng mga ginawa niya para sa akin, bakit siya ganito? Bakit ginugulo niya ang utak ko? Bakit ganito? Kinikilig ako na hindi ko maintindihan na para akong natatae. Hirap na hirap akong itago ang kilig na nararamdaman ko. Gusto kong ngumiti, sumigaw, magwala. Napansin ko na lang na nakangiti na pala ako. Ngumiti rin siya. Nauwi ito sa tawanang walang dahilan. Parang may kung anong in-built wifi kaming dalawa na kahit hindi mag-usap ay nagkakaintindihan. Ngayon ko lang naramdaman ito.
*Kailangan ba kitang iwasan
sa twing lalapit may paalam
ibang anyo sa karamihan
iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang
*Tumingin Sa’king Mata
Magtapat ng Nadarama
‘di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung maging tayo
(Kung maging tayo)
Kung Maging Tayo
'Sa'yo Lang ang Puso ko'
--------------------------------------
*Sa’yo. Silent Sanctuary
--------------------------------------
Sabi nila ang mata raw ang bintana ng kaluluwa ng isang tao. Hindi ko alam kung ano ang nasa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ito ba ang tinatawag na pagmamahal? Ewan ko, basta ang alam ko lang ay masaya siya. Ibang-iba sa Rome na nakilala ko, sa Rome na umiyak kagabi, at sa Rome na hindi naniniwala sa positivity at love.
***
ROME:
Bumitiw siya sa pagkakaakbay namin. Nakita kong kinuha niya ang glue mula sa information center. Umupo siya, pilit niyang inabot ang nasira niyang sapatos. Hirap na hirap siyang abutin ito dahil sa jacket na suot niya.
Bumitiw siya sa pagkakaakbay namin. Nakita kong kinuha niya ang glue mula sa information center. Umupo siya, pilit niyang inabot ang nasira niyang sapatos. Hirap na hirap siyang abutin ito dahil sa jacket na suot niya.
Napailing ako. Bahagya akong natawa.
“Ako na.” Sabi ko sabay kuha ng glue mula sa
kanya. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nasira ang sapatos niya.
Lumuhod ako sa harap niya. Pumasok sa aking utak ang lahat ng nangyari sa amin simula kahapon. Alam kong lalaki ako, nagkaroon nga ako ng girlfriend at muntik ko nang pakasalan ito, pero ano itong nararamdaman ko kay Ray? Bakit sa tuwing nakikita ko siya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko? Bakit pag nakikita ko ang mga ngiti niya, nawawala ang lahat ng takot ko? Lahat ng doubts ko? Bakit lahat ng sakit sa nakaraan ko ay nalilimutan ko? Bakit ganito? Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang sagot, pero isa lang sigurado ko, iba ito, ibang-iba itong nararamdaman ko kumpara sa ibang tao, ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko.
Lumuhod ako sa harap niya. Pumasok sa aking utak ang lahat ng nangyari sa amin simula kahapon. Alam kong lalaki ako, nagkaroon nga ako ng girlfriend at muntik ko nang pakasalan ito, pero ano itong nararamdaman ko kay Ray? Bakit sa tuwing nakikita ko siya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko? Bakit pag nakikita ko ang mga ngiti niya, nawawala ang lahat ng takot ko? Lahat ng doubts ko? Bakit lahat ng sakit sa nakaraan ko ay nalilimutan ko? Bakit ganito? Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang sagot, pero isa lang sigurado ko, iba ito, ibang-iba itong nararamdaman ko kumpara sa ibang tao, ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko.
RAY:
Lumuhod si Rome sa harap ko. Sa paningin ko'y naging slow motion ang lahat. Parang naglaho ang lahat at kami lang ang tao sa mundo. Parang napanood ko na ito sa pelikula kung saan nagpopropose ang bidang lalaki sa bidang babae. Hinawakan niya ang sapatos ko, naalala ko ang eksena sa Cinderella kung saan hinawakan ng Prinsipe ang paa nito upang isuot ang sapatos.
Nanginginig ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang tumigil ang paghinga ko. Ilang saglit pa'y tumingala siya.
ROME:
Tumingala ako.
Ray and Rome:
"Nagtama ang aming mga mata."
"Nagtama ang aming mga mata."
ITUTULOY
Napaluha aq tlga author sa pagmamahal at kilig ng dalawang character mo...... Umamin n sila sa isat isa next update pls".......
ReplyDeleteJharz
Aw... Ako naiyak sa speech ni Ray dun sa lunch scene nila (nasabi ko ito sa wall ko, relate ako). Hehe. Maraming salamat!
DeleteThanks for reading! ^_^
ReplyDeleteSiguro naman sa haba ng chapter na ito pwede akong 'di mag-update this weekend? Hahaha. Joke! :-)
Please leave some comments para kahit paaano ay alam ko ang thoughts niyo. Thanks po ulit! Ingat!
Aayusin ko na nga dito yung POV. Hahahaha. :D Thanks ng marami sa feedback. Sa mga babasa pa lang, huwag po kayong mahiya magcomment. Maraming salamat! ^_^
DeleteHahahahha.... hahhahaha...
ReplyDeleteHay nako, ano na naman yan? Ikaw talaga hanggang dito nagkakalat ka ng lagim. :-)))))
DeleteHay thank u Mr. Author. After a week. I hope mapadalas ung page a-update mo pra hndi mawala ung momentum ng mga readers sa story mo. Well sa story side nmn i sont know if ako lang or what (for sure its just me haaha) na mabagal ung pace ng story,but i want to commend u still for making us kilig, and Im liking it na because my POV nadin so Rome, i know you are doing ur best to give us an exceptional story,and I appreciate u for that,thank u I'm enjoying ur story. Keep it up.
ReplyDeleteAz
Paano pong madalas? Everyday? Every other day? 'Di po kaya matapos agad ito pag ganun? Hehehe.
Delete2 days pa lng po silang magkasama and kaka-break lang yung ice sa River Cruise (Chapter 6).
Thanksfor reading! ^_^
Whaaaaa bitin akoooo huhuhu next na plsss.......
ReplyDeleteNgek! Bitin pa rin? Hahaha. Muntik ko na nga po hatiin sa 2 chapter ito kasi parang 'di tama na ganito kahaba ito eh, parang isang story na sa haba. Hahaha.
DeleteAnyway, thanks po for reading. ^_^
Whaaaaa na bitin akooo next na plsssss.....
ReplyDeleteNgek! Bitin pa rin? Hahaha. Muntik ko na nga po hatiin sa 2 chapter ito kasi parang 'di tama na ganito kahaba ito eh, parang isang story na sa haba. Hahaha.
DeleteAnyway, thanks po for reading. ^_^
Kilig na kilig. Kaya lang bitin. Thanks Mr author for a very nice story. Dili sum-ol. Ingat ka. Update agad?? Pls.
ReplyDeleteFriday po. :-)
DeleteMaraming salamat!
medyo naguluhan lang ako ng kaunti dun sa pag separate ng pov nung dalawa (ayun kung tama ako na may sarili silang pov) ahahahah
ReplyDeletepati yubg transition ng kada eksena sa loob ng Disneyland, medyo mabilis (nakakabitib nga eh)
pero okay naman sya author, ang kewl promise!!! ahahha
worth it paghihintay kaya next chapter agad ahaha joke lang..
kala ko may mangyayare na naman sa bus eh (ay meron pala) ahahahah salamat author!!!
yan di na ko silent reader sabe mo mag comment ako eh...
-ethan.santos
Hahaha. Pwede mo naman i-PM dude. Gusto ko kasi mabasa insights ng mga readers para po pagdating sa ebook/book version nito na-correct na yung mga flaws (of course kasama na anga typo's, etc.).
DeleteMabilis pa rin transition!?!?!? Ang haba na rin nito ah O_O
Anyway, thanks for reading at sa feedback. ^_^
medyo naguluhan lang ako ng kaunti dun sa pag separate ng pov nung dalawa (ayun kung tama ako na may sarili silang pov) ahahahah
ReplyDeletepati yubg transition ng kada eksena sa loob ng Disneyland, medyo mabilis (nakakabitib nga eh)
pero okay naman sya author, ang kewl promise!!! ahahha
worth it paghihintay kaya next chapter agad ahaha joke lang..
kala ko may mangyayare na naman sa bus eh (ay meron pala) ahahahah salamat author!!!
yan di na ko silent reader sabe mo mag comment ako eh...
-ethan.santos
Hahaha. Pwede mo naman i-PM dude. Gusto ko kasi mabasa insights ng mga readers para po pagdating sa ebook/book version nito na-correct na yung mga flaws (of course kasama na anga typo's, etc.).
DeleteMabilis pa rin transition!?!?!? Ang haba na rin nito ah O_O
Anyway, thanks for reading at sa feedback. ^_^
Hands down sa nag-iisang si White_Pal! Kahit walang dialogue ay nagkakaintindihan sila. Mararamdaman mo ang totoo sa kanila. May sincerity. Mahirap ipaliwanag ang ginawa mo dito Gab pero ibang klase dahil pinahatid mo ang kilig, love, at feels na kailangan without overusing dialogue. Kung sa Love Me Like I Am hugot at verbal, dito ang signature ng story ni Ray at Rome ay ang tinginan at actions nilang ramdam mong totoo at may pinapahatid na hindi pangkaraniwan. Parang hollywood movie!
ReplyDeleteWala kang kupas idol Gab!
- Zefyr
Thanks po. ^_^
DeleteHave a nice day. Take care.
Nice! Kaso ang gulo lang ng p.o.v.. nakakakilig.:)
ReplyDeleteSa next chapter may masmahabang ganyan na 2 POV's, masmaayos na po doon, I hope maintindihan niyo na. :-)
DeleteSa Book version nito aayusin ko itong Chapter 9, isa ito sa mga iimprove ko.
Have a nice day and thanks po ng marami sa feedback. ^_^
Aayusin ko na nga dito yung POV. Hahahaha. :D Thanks ng marami sa feedback. Sa mga babasa pa lang, huwag po kayong mahiya magcomment. Maraming salamat! ^_^
ReplyDelete