Followers

Tuesday, January 12, 2016

Dear Stranger (INTERLUDE! READ PLEASE!) - Love, Stranger Book 2

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusubaybay simula Book 1 (Love, Stranger) hanggang dito sa Book 2 (Dear Stranger).
May mga concern ang ibang readers na gusto kong i-address. Naisip kong dito ilagay kasi hindi naman ata binabalikan ng iba ang mga reply ko sa comments nila.

1. Bakit puro Ray at Rome lang ang POV? Or bakit majority ay kay Ray?
A: Simple. They’re both the narrator of the story. Story nila ito, hindi story ng ibang characters na kasama nila. At bakit majority kay Ray? I know some of you gustong malaman ang nangyayari kay Rome lalo na kung ano ang status nila ni Gel at ano ba talaga si Ray kay Rome, but here’s the thing... Kung malalaman niyo ang lahat wala ng story, wala ng mystery, at hindi na kayo mag-iisip. Masasagot lahat ng tanong niyo sa tamang panahon.

2. Bakit ang arte-arte / pakipot si Ray.
A: Ikaw ba naman saktan at maloko ng isang tao ng dalawang beses hindi ka mag-iinarte? Magtitiwala ka kaagad? Porket mahal mo at nagagwapuhan ka go na agad? Tanga ka ba? The thing is yung nagsasabi nito, hindi kasi kayo si Ray. Hindi kayo ako kaya hindi niyo naiintindihan. (joke! XD) Hahaha!
Seryoso na... Yung ibang readers ay nag-jujudge as it is base sa nangyayari, but let me tell you something – look beyond the words, look within the character. Kasi kahit kayo mismo, hindi niyo pa kilala si Ray (pati si Rome). They’re STRANGER (yan yung title di ba?) hindi lang sa isa’t-isa kundi pati sa inyong mga readers (OO PATI KAYONG MGA NAGBABASA STRANGER PA RIN SILA SA INYO!). Makikilala nila ang isa’t-isa at kayo rin makikilala niyo kung sino sila SOON. At pag sinabi kong soon, totoong malapit na.

3. Bitin... Maiksi...
A: Kung hindi bitin, eh di ibig sabihin hindi niyo na aabangan. Tapos na ang story. Hahaha! XD Maiksi? Oo siguro para sa blog or online readers maiksi siya. Pero since gagawin kong book ito, tama lang ang haba ng bawat chapter. Well may naisip na akong solution para dito at sa mga ma-rereklamo.
SA MSOB: I will update 2 chapters in one day. (4k-5k words combined) Fair enough?
SA WATTPAD: Since karamihan ang readers dito ay tama lang ang sa kanila ang isang chapter, mas mauuna kong i-update ang isang chapter ng isang araw habang finafinalize ko ang kasunod. The following day or day after tomorrow (sana kayanin ng sched) mag-uupdate ako sa MSOB ng sabay habang sa wattpad yung kasunod.
Example: 
WATTPAD: Chapter X1 (Wednesday / Thursday) , Chapter X2 (Friday)
MSOB: Chapter X1 & X2 (Friday)
As much as I want to update ng sabay, hindi ko kakayanin. May buhay din naman ako at hindi puro sulat lang. Since walang reklamo na maiksi sa wattpad, iuupdate ko na agad ang natapos ko doon. Then to follow yung isa, kasabay ng usual update sa MSOB para wala na ako marinig na maiksi. Nakakawalang gana lang eh sa totoo lang.
(KUNG MAY VIOLENT REACTION. GO! PUT YOUR NAME HERE AND WE’LL TALK OR ADD ME SA FACEBOOK. MABAIT AKO AT PAKIKIHARAPAN KO BILANG TAO. PARA RIN MAGKAINTINDIHAN TAYO AT MAGING FRIENDS. HAHAHA! XD )

4. Suggestions and feedback are all welcome?
A: Totoo ito. Welcome naman talaga. I’m pertaining to the quality and the story itself. Kung may gusto kayong i-suggest para mas maging maganda, why not? Kung may napansin kayong pwedeng iimprove sa way of writing ko, why not? Go lang. Mas gusto ko ‘yun at discussion na ganoon kesa nanghuhula ako sa kung ano ba ang dapat kong ayusin.

5. Anong saysay ng mga objects (Bracelet particularly) or topic na inintroduce mo noon sa Book 1 at early Book 2?
A: Hintay lang... Wala pa tayo sa 2nd half ng Book 2. Marami pa mangyayari. Oo mabagal ang phase ng Book 2, pero once pumasok tayo sa 2nd half (hint: after ng field trip nila), bibilis na ito. Dito niyo rin marerealize ang importance ng mga bagay-bagay. Lahat ng nababasa niyo noon at ngayon ay build-up o preparation kung baga sa mangyayari sa hinaharap. Para sa nagtatanong sa Bracelet, hindi ko ito nakakalimutan. Importante ito since it is the symbol of their love na hindi natuloy noon.

Gusto ko na tapusin sa totoo lang. Kasi excited akong makilala niyo ng buong-buo si Ray at Rome. Excited ako sa last few parts. At excited ako lalo na sa ending. Pero sabi ko nga, wala pa tayo sa 2nd half. And hindi pwede madaliin ang mga bagay (lalo na yung status ni Ray at Rome), lahat iyan may proseso, may build-up. Ni-hindi pa nga nila nakikilala isa't-isa eh gusto niyo na agad may mangyari (marami nagrerequest na sana nag-sex si Rome at Ray last chapter). Yung totoo? So patience please?
Salamat po sa pagbabasa, pagboto (sa wattpad) at sa pagbibigay ng comments. Kaming mga writers ginaganahan kaming magsulat pag maraming nagcocomment at naramdaman naming naaappreciate ang mga gawa namin.
Hopefully tomorrow matapos ko Chapter 11 at ma-post na. Nagreresearch kasi ako ngayon tungkol sa field trip nila. Gusto ko maayos pagkakasulat ko.
Have a good day! God Bless! ^_^

14 comments:

  1. Replies
    1. Sinagot ko lang para di ako paulit-ulit. Nagrereply naman kasi ako sa mga comments kaso di ata nababasa nung iba kaya dito na lang. :-)

      Delete
  2. AGREE ako sa lahat Sir Gab,kaso tinamaan ako sa mga nagsasabing maigsi yung update kasi isa ko sa kanila.Medyo nasanay kasi ako sa mahahbang update, particularly sa upd ni Sir Bluerose, Mike, Seyren at Peter, haha. Pero naappreciate ko po yung effort nyo, hehe. Kudos to you sir.

    -RavePriss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks and salamat sa pagbabasa. :-)

      Delete
  3. kelan po update author?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tomorrow sana (sa wattpad Chapter 11). Pero sa MSOB siguro Thursday or Friday Chapter 11 & 12.

      Delete
  4. OK po.
    Reader din ako sa watcomment
    Dito lang ako nag co- comment

    Red 08

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay po. Mamaya or bukas po may Chapter 11 na sa wattpad. Thanks for reading! :-)

      Delete
  5. Ahahahaha..
    Best statement ever!
    Ung iba kasi makikibasa lang demanding at judgmental pa.. hindi nalang mag thank you... nobody is forcing them to read in the first place. Hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alin dyan ang best statement ever? Hehe.
      Thanks for reading! :)

      Delete
    2. Lahat ng sinabi mo.. haha nakakatuwa. Ung mga ganyan magsalita at magisip ang masarap kasama. Straight forward...

      Delete
  6. Hi WhitePal. Interesting ang mga punto na binahagi mo. Magdadagdag lang ako kung hindi mo mamasamain.

    1.Sa tanong na bakit itong karakter lang na ito ang mas may exposure sa istorya, well, author’s/writer’s prerogative yun. Kasi yung mga istorya naman ay may tinatawag na pivotal character/s, at sa mga karakter na ito umiikot ang istorya.

    2.I think the readers should understand that characters have their own personalities that are independent of the readers’ biases. Bilang isang mambabasa hindi ka pwedeng magsalita na bakit ganito ang karakter na ito, dapat ganito siya na basta-basta lang. Hindi, kasi ang karakter na iyan ay may sariling buhay at sariling pananaw na hindi nakabase sa kung ano sa tingin mo ang akma para sa kanya. Sa real world, ganun naman talaga, iba-iba tayo ng personalidad. Siguro may mga kaibigan kayong hindi gumagawa ng mga pasya na naaayon sa kagustuhan ninyo dahil nga iba ang kanilang pananaw sa pananaw ninyo. Ganyan din ang mga fictional characters.

    3.Actually, walang standard na haba ang mga kabanata ng isang nobela. Para sa akin kapag naipahiwatig na ng isang kabanata ang nais nitong ipabatid ay kailangan na itong tapusin gaano man ito kahaba at kailangan nang magbukas ng panibagong kabanata. Ang haba ng mga kabanata ay base sa pagpapasya ng may akda. Ibig sabihin prerogative niya iyon. It doesn’t make sense to write long chapters for the sake of writing long chapters. If the scene is done in 400-500 words, it’s done.

    4.I hope the readers don’t mind if the writers also explain their side and defend their work.

    5.Iyong ganoong complaint ay valid lamang kung natapos na ang istorya. Siguro sa pagbibigay natin ng mga pananaw sa kwento ay mas maging thoughtful tayo. I’m both a reader and a writer, so naiintindihan ko yung sentimiento ng bawat panig. Pero as a reader, I have always respected the writer’s discretion kung ano ang gusto niyang mangyari sa istorya at kung ano ang gusto niyang gawin sa mga karakter sa kwento, especially in this case na nagbabasa lang tayo ng libre.

    Nonetheless, this is not to demean the critical readers at all. I think the writers value your feedback, hence the response.

    Happy weekend to you WhitePal and your readers! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! Nasabi mo ang mga ibang bagay na nakalimutan kong sabihin. Have a good day! ^_^

      Delete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails