Hello, everyone!
I hope you've all had a wonderful holiday season! I come back with another series. I know, I know it's way overdue and frankly I don't know if the people who read my stories even remember me.
This is special to me, so I hope that you like and support this. :) Let me know what you think in the comments section.
Second chapter might be posted a week from now. :)
Here are my other stories:
1. Unexpected (36 chapters) - http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search/label/Unexpected
2. Untouchable (26 chapters)
- http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search/label/Untouchable
3. Latched (short story)
- http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search/label/Latched
Thank you very much and kudos to Kuya Mike again for letting me publish this.
Thank you!
- A
Chapter
1: Beautiful Disaster
“Alam ba ng
parents mo na ako kasama mo ngayon?” nag-aalala kong tanong kay Ethan. Napansin
ko naman na medyo nagitla ito sa tanong niya, na siyang hindi na nakapagtataka
dahil walang sabi-sabi ko na lamang inungkat ang isang sensitive subject. “Kyle,
alam mo naman ‘di ba...” pagsisimula niya, ngunit pinutol ko ang expected kong
mahabang salaysay mula sa kanya.
“Relax lang,
Ethan. Tinatanong ko lang...” depensa ko sa sarili ko. Napansin ko naman na
tuluyang nagbago ang tabas ng mukha niya dahil sa nangyari. “I know mahirap
para sa’yo, dahil hindi nila tayo tanggap. Mahirap na hindi nila ako tanggap
dahil ito ang buhay na pinili ko, pero lahat ng iyon, kahit malungkot ako,
balewala lang kasi masaya ako kapag kasama kita.” saad ni Ethan na siyang
nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
Kahit pa na
sinanay na niya ako sa pagiging open book niya sa akin, sa pagiging expressive
niya sa mga nararamdaman niya para sa akin, ay hindi ko pa rin maiwasang
makaramdam ng labis na saya sa bawat pagkakataong nagiging ganito si Ethan.
Everytime ay parang first time, parang bago palagi sa pandinig ko ang mga
matatamis na salitang lumalabas mula sa labi niya.
“In time,
alam ko namang matatanggap ka rin nila. Mahal ka nila. Kahit ano pa mang
mangyari, anak ka pa rin nila. Though nakakalungkot na nararanasan mo ‘yan,
because... you don’t deserve it.” at hindi ko na nga mapigilang itago ang
lungkot na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang realidad na hindi naman
mararanasan ni Ethan ang ganitong mga bagay kung hindi niya ako pinanindigan,
kung hindi niya pinaglaban ang pagmamahalan namin. As much as I admire him even
more because of that, hindi ko maalis sa sarili ko ang ma-guilty dahil sa mga
nangyayari sa buhay ni Ethan dulot ng pagdating ko sa buhay niya.
“Never.
Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo dahil sa nangyari, Kyle. Wala kang
kasalanan. Even more, ikaw nga ang nagpapasaya sa akin, eh... and I would never
hesitate to choose you over anything else. They will get by. Mature ang parents
ko. Never nila akong pinagbuhatan ng kamay, ni hindi nila ako binantaang
palayasin...”
“Pero ang
sinasabi kasi nila, phase lang ‘yan. Sinasabi nila na nalilito ka lang, na one
day, magigising ka na lang sa kahibangan mong iyan. Umaasa pa rin sila na
babalik ka sa dati. Kaya wala silang ginagawang hakbang na paghiwalayin tayo,
kasi confident sila na ikaw mismo ang gagawa sa akin noon...” hindi ko
mapigilang paglalabas ng sama ng loob. At nang ma-realize ko ang mga sinabi ko
ay agad kong pinabulaanan iyon.
“Hey, huwag
mong isipin ‘yan. That will never happen, Kyle. Magda-dalawang taon na nga tayo
next week, eh tapos ganyan pa iniisip mo. Tandaan mo, kahit ikaw pa ang
magpaalis sa akin, hinding-hindi kita iiwan. Promise.” sagot niya sa akin.
“Sorry, nadala lang ako. Hehe. so ano gusto mong gawin?” pilit kong pag-iiba sa
takbo ng usapan namin dahil nahihiya na ako dahil sa pagiging sensitive ko sa
mga bagay.
Nakita ko
naman na bigla siyang ngumisi na tila ba may isang pilyong ideya ang dumaan sa
isip niya. Agad ko naman siyang binato ng unan sa ulo dahil sa alam ko ang
bagay na gusto niyang ipahiwatig.
“Gago,
ang kati mo talaga.” pagkontra ko dito.
Bigla
ko namang napansin na natigilan siya, at sumunod ay napahawak sa sentido niya.
“Okay ka
lang, Ethan?” nagtataka kong tanong. Kumunot ng panandalian ang noo niya bago
niya inalog ang ulo niya. Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti. “Yup, masakit
lang ulo ko.” sagot niya. “Mukhang napapadalas na ‘yan, ah. Patingnan na natin
‘yan, Ethan.” suhestyon ko dahil totoo namang napapadalas na ang pagsakit ng
ulo niya sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
“Hindi, okay
lang ako. Kulang lang ako sa tulog. Alam ko naman ‘tong katawan ko. Alam ko
kung okay ako o hindi, and tolerable naman siya, kaya don’t worry about me.”
masuyo niyang sabi sa akin bago ako bigyan ng isang matamis, ngunit mabilis na
halik sa labi. I let the subject drop after that.
Ipinatong ni
Ethan ang ulo niya sa kanlungan ko at humiga sa sofa. Hinimas-himas ko ang ulo
niya dahil isa ito sa mga bagay na paborito ni Ethan na ginagawa ko sa kanya.
“I
love you, Kyle.”
“I
love you, too... to the moon and back.”
--
A
week later.
“Ayos na ba
‘yung lugar, Luke?” frantic kong tanong habang iniisa-isa ang mga maliliit na
detalye ng surpresa ko para kay Ethan. I know that it’s nothing much, pero
gusto ko na sa kahit simpleng—well, I’d rather not call this ‘simple’—paraan eh
maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako ka-thankful na dumating siya sa buhay
ko.
“Yeah, oo
okay na. Naka-set up na daw lahat doon. Kaya na ng mga tao namin ‘yan. Catering
ang business namin kaya huwag ka masyadong mag-alala.” wala sa loob at medyo
naiiritang tugon sa akin ni Luke habang nasa labas kami ng classroom matapos
ang unang klase. “Sorry kung nakukulitan ka na. Nagtatanong lang.” balik ko sa
kanya. Napailing na lamang ito at sinabing magpupunta muna sa banyo.
“Anong meron
doon? Bakit napapansin kong bad mood siya buong araw?” tanong ko sa dalawang
kaibigan kong si Janine at Benj na siya ring kasama naming naka-tambay sa labas
ng classroom. “Alam mo naman. Time of the month ni kuya. Nag-iinarte na naman.
Hindi mo ba napapansin na tuwing monthsary niyo parang sinasaniban si Luke?”
paglalahad ni Janine habang pinaglalaruan ang kamay ng boyfriend niya.
Napaisip
ako sa mga sinabi niya.
“Oo nga noh.
Ngayong sinabi mo ‘yan, may point ka. So what you’re saying is...?” hindi ko pa
rin makuha kung ano ang koneksyon ng sinabi ni Janine sa akin o sa kung anuman
ang gusto niyang iparating. “Babe, nago-overanalyze ka na naman.” paglalambing
ni Benj sa nobya na siyang tinugunan naman ng huli.
“Oo nga
naman, babe. Baka natatae lang pala siya kaya siya ganoon. Pwede nga ‘yun, kasi
dumiretso agad siya sa banyo.” komento ni Janine na siyang nakapagpatawa sa
amin ni Benj.
“Nga pala,
bakit hindi pumasok si Seb?” biglang tanong ni Benj. Tama siya, hindi nga
pumasok si Ethan sa araw ng anniversary namin, na siyang ikinalungkot ko.
Ngunit nang ipaliwanag niya sa akin ang rason sa likod ng pag-absent niya, ay
naintindihan ko naman agad siya. Tinext niya ako kaninang umaga na may
importanteng pinaasikaso sa kanya ang parents niya sa province." sagot ko.
“Nagka-emergency
daw sa mga lola niya, kaya kinailangan niyang pumunta. Pero nagpromise siya na
pupunta siya tonight. Sandali lang naman daw sila doon.” pagpapaliwanag ko.
Tumango naman ang dalawa.
“Sigurado
akong hindi niya ie-expect ‘yung surprise niya sa’yo. Ang sweet sweet talaga,
kinikilig ako.” saad ni Janine. Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
Hindi kasi ako ganoong klaseng tao na mahilig sa mga ganitong pakulo. But I
guess I want to do this to show how much I love him.
Cheesy,
tangina.
“Nakakatawa
nga kasi ngayon ikaw naman mangsu-surprise sa kanya. My God, buti nga hindi pa
napapagod si Seb i-surprise ka every month! Ikaw na talaga, ‘teh.” pang-aasar
ni Janine. Napangiti naman ako dahil sa narinig ko mula sa kanya. Totoong every
monthsary namin ay mag-iisip ng paraan si Ethan para surpresahin ako. Kahit sa
simpleng paraan man lang daw ay magawa niyang espesyal ang araw ko. I couldn’t
help but feel emotional just thinking about how much I love that boy.
“Oh, ano?
Tayo na ba?” biglang pagsingit ni Luke sa usapan namin. Napansin kong medyo
kalmado na at okay ang mood nito dahil nakangiti na siya sa aming apat. “Oo
naman. Ang tagal mo nga, eh. Ang arte-arte mo talaga.” tukso ni Janine dito.
Hindi na lamang pinansin ni Luke ang komento ni Janine, maging ako.
Luke and I
go from way back in High school. Siya ang isa sa mga taong maco-consider ko
bilang best friend. Kahit pa tahimik ito palagi at hindi gaano
nakikipagsocialize, ay totoong tao ito. Maraming nagsasabi—at nagkakagusto sa
kanya dahil dito— tungkol sa pagiging mysterious niya at hindi ko naman sila
masisisi dahil kung kikilalanin mo siya ay hindi siya mahirap magustuhan. Para
ko na siyang nakababatang kapatid, kaya naman masaya ako dahil hanggang college
ay magkasama kami. Kaya naman alam kong natural lamang sa kanya ang ganitong
mga mood swings niya, and each time he has one, alam ko ang pinakamagandang
gawin ay huwag muna siya pansinin hanggang siya na mismo ang mag-open up sa
akin.
Actually,
apat kaming magkakabarkada noong high school: ako, si Luke, at ang dalawa ko
pang kaklase noon na sila Lora at Marco, maging ang girlfriend nitong si
Alyssa.
But
I’d rather not talk about them.
Lumabas na
kami ng school at nagkanya-kanya na ng mga landas. Nang makasakay na ako sa
kotse ko ay nagmadali akong makabalik sa bahay dahil magbibihis pa ako para sa
surpresa ko kay Ethan mamayang gabi. I checked the clock sa dashboard ko at nakita
kong may isa’t-kalahating oras pa ako para makapaghanda at pumunta sa lugar
kung saan nandoon ang surpresa ko. Kaya naman nang makarating na ako sa dorm ay
agad-agad na akong naligo at nagbihis nang hindi ako magahol sa oras.
Alam na rin
ni Ethan ang lugar kung saan kami magkikita. Alam kong may kutob na siya sa mga
posibleng mangyari, ngunit hindi siya nagpahalata at umarte na lamang na parang
normal lamang ang lahat, na magkikita lamang kami somewhere para i-celebrate
ang dalawang taon ng relasyon namin.
Dalawang
taon!
Totoo, we
have come such a long way. Naalala ko pa noong unang araw ng klase, kung saan
ko siya unang nakasama. Sa totoo lang, hindi ko siya napansin during the first
week, sa kadahilanang tahimik lamang siya at palaging nakaupo sa pinakalikod or
somewhere na malapit sa bintana, whereas ako naman ay palaging nakaupo sa may
aisle o sa gitna at nakikipagsocialize o nagpapakabibo sa klase.
Kasama ko si
Luke, dahil nga matagal ko na siyang kaibigan at pareho kami ng program na
kinuha sa University na pinapasukan namin. Noong araw ding iyon ay nakilala
namin si Janine na siyang diretsahang sinabihan si Luke na crush niya ito na
siyang ikinahanga ko sa babae. Masasabi kong matapang siya, prangka, at walang
kaabog-abog sa mga sinasabi at kinikilos niya. Alam kong hindi gaano gusto ni
Luke ang pag-uugali ni Janine dahil sadyang ilang nga siya sa mga tao, ngunit
sa mga nakita ko, ay alam kong totoong tao si Janine kaya naman buong-puso ko
siyang winelcome sa maliit na ‘grupo’ namin ni Luke. Slowly, unti-unti rin
namang nasanay si Luke sa presensya ni Janine, kahit pa may mga moments na
naiilang at naiinis ito dahil sa pakikpagflirt ng babae sa kanya.
Second
semester na nang magsimulang maging close si Janine at Benj. Marahil ay
nahalata ni Janine na wala na siyang pag-asa sa malamig na si Luke, kaya naman
binigyan na niya ng chance ang kaklase naming matagal ng nanliligaw sa
kanya. Come to think of it, wala pa
akong naalalang may sinabi sa akin si Luke na nagkainteres siya sa isang tao.
Masasabi kong bagay silang dalawa, dahil they balance out each other’s
personalities. Medyo reserved si Benj, at halatang may manners (not that I’m
saying that Janine doesn’t), habang si Janine naman ay maingay at palabiro.
Naging saksi kami ni Luke sa unti-unting pagdevelop ng kwento nilang dalawa.
I’ve always
known about Ethan’s—but I knew and called him as “Seb” during the first
semester—existence, ngunit dahil nga tahimik ito at hindi kami close ay never
ko siya pinagtuunan ng masyadong pansin sa klase. He did talk to me a few
times, pero out of need iyon. Kung hindi tungkol sa academics ay never pa
siguro niya akong kinausap. Naging curious na lamang ako sa kanya nang i-bring
up siya ni Janine sa conversation namin isang hapon habang nagco-commute kaming
dalawa pauwi gawa na wala pa akong kotse noon at medyo magkalapit lamang ang
mga barangay kung saan kami nakatira.
--
Flashback.
“Sa class ba
wala ka pang nagiging crush?” tanong niya sa akin habang nakapila sa sakayan ng
FX pauwi. “Wala, eh. Ayoko muna sa mga ganyang mga bagay.” sagot ko sa kanya.
“Eh ikaw, ako iniintriga mo, ikaw nga ‘tong may manliligaw. Huwag ka na kasing
umasa kay Luke. Best friend ko ‘yon noong high school, at I’m telling you,
hindi ka niya type. Sagutin mo na kasi si Benj. Ano bang ayaw mo doon?” dagdag
kong salaysay.
“Eh,
masyadong pa-nerd ‘yon.” aniya. “Hala, hindi kaya. Ang cu—cool niya kaya.”
pagbawi ko. Bigla kong naalala na hindi pa pala niya alam ang orientation ko,
and I honestly didn’t want to tell anyone dahil sa totoo lang ay gusto kong
kumawala sa mga alaala ng nakaraan, at ayaw ko ng pag-usapan iyon.
Napansin
kong natigilan si Janine at tila ba may isang ideya ang pumasok sa utak niya.
“Si
Sebastian, cute ‘yon ah. Hindi mo ba siya crush?” casual na tanong niya. Hindi
ko maiwasang mamula dahil sa mga sinabi niya. “Huh? Bakit ko naman siya
magiging crush? Lalaki ‘yon.” depensa ko sa kanya. I tried my best to keep my
voice as composed as possible nang hindi siya makahalata. Ngunit as expected,
ay hindi niya kinagat ang paliwanag ko.
“Lokohin mo
lelang mo. Nako, sinasabi ko sa’yo, Kyle. Unang araw pa lang, amoy na amoy na
kita.” komento niya. “Ano? Hindi ko gets?” tanong ko. “’Yang lansa mo. Lakas
kaya ng gaydar ko. Dalawa kong lalaking bestfriends noong high school, kundi dahil
sa akin hindi magiging sila... pero okay lang naman ‘yan, you don’t have to be
ashamed, Kyle.” mahabang saad niya.
At
wala na nga akong nagawa.
“So, back to
the question. Bakit hindi mo crush si Seb?” tanong niya, clearly ay wala na
siyang pakialam sa fact na nasa pila kami ng FX at may ibang taong makakarinig.
Wala rin namang nakakakilala sa amin dito, eh. Might as well be honest and be
open about it. “Hmm, he’s not my type.” nahihiyang pagdadahilan ko.
“Eh ano ba
type mo? Ang gwapo kaya niya! Tahimik nga lang, and tingin ko medyo weird, pero
bawing-bawi, ‘teh! Tuwing PE ang ganda ng fit sa kanya ng uniform niya, kaya
sure panalo katawan noon.” dire-diretsong pahayag ni Janine. Talaga ngang
walang preno ang bibig niya, na siyang ikinatuwa ko.
“Ayoko ng
moreno. Gusto ko mukhang mabait... mukha siyang bad boy, eh, pero obviously
hindi siya ganoon. Hindi match... anyway, this conversation is getting awkward
for me.” nahihiyang tugon ko sa tanong niya.
“One time...
nakita ko siya. He’s totally checking you out noong turn mo na sa pagbat sa
softball. Parang gusto ka niyang kainin.”
“Ang
OA mo.” irita kong sagot sa kanya.
“Kyle,
trust me. May powers ako at malakas ang kutob ko sa mga ganyan.”
--
And
more importantly, sino bang mag-aakalang magkakatotoo ang hula ni Janine?
Apparently
ay pareho kami ni Janine na kumain sa mga sinabi namin patungkol kila Ethan at Benj.
Totoo nga siguro ang mga sinabi nila, there would come a time na kapag umibig
ka, pwedeng umibig ka sa isang taong hindi mo inaakalang magugustuhan mo.
Mawawala lahat ng standards mo, dahil hindi mo na iyon makikita o papahalagahan
dahil sa pagmamahal mo sa isang tao.
Eversince
that conversation with Janine, that’s when I started taking notice of Ethan in
the classroom. Mapapansin kong tama nga si Janine na talagang may hitsura siya,
at maganda ang katawan, ngunit malamang ay natatabunan iyon ng pagiging tahimik
niya sa klase. Kapag tinitingnan ko siya ay ang una kong mapapansin sa kanya ay
ang mga mata niya. They look so fucking gentle at kapag isama mo pa ang
makakapal niyang kilay ay siguradong mararamdaman mong parang natutunaw ka sa
ganda noon.
Hindi ko
namalayang nakarating na pala ako sa destinasyon ko. Kaya naman agad-agad akong
bumaba, pumasok sa building, at umakyat sa rooftop kung saan naroroon ang
surpresa ko para kay Ethan. Kinakabahan man, ay nilakasan ko ang loob ko dahil
kung tutuusin ay hindi pa sa sapat itong gagawin ko ngayong gabi kung
ikukumpara sa lahat ng mga pakulong ginawa ni Ethan eversince nagsimula ang
relasyon namin.
Pagkarating
ko sa rooftop ay agad naman akong namangha sa nakita ko. Tama nga si Luke,
magaling mag-ayos ang mga nagttrabaho para sa catering business nila dahil sa
set-up pa lamang ng lugar ay siguradong magugustuhan iyon ni Ethan. I
specifically instructed them na huwag masyadong gawing elegante ang lugar.
Pareho kami ni Ethan na gusto ang simplicity sa lahat ng mga bagay, kaya naman
tuwang-tuwa ako sa ayos ng lugar.
Sa isang
area ay may isang table na may dalawang magkaharap na upuan. Sa table nakapatong
ang mga pagkaing nakahanda na para sa dalawang tao. Walang bulaklak, kandila, o
kung anu-anong arte. Green at white ang mantel na nakatakip sa table na siyang
dalawang pinakapaboritong mga kulay ni Ethan.
Sa isang
banda naman ay naka-setup ang isang LCD TV, at ang Play Station ko, dahil
mahilig maglaro ng video games itong si Ethan. Sa harap noon ay isang malaking
kumot at mga unan kung saan pwede kaming humilata habang naglalaro.
Pinagigitnaan
ang lahat ng keyboard ko, because I know how much Ethan loves it when I sing
and play the keyboard. Marami na rin akong inaral na mga kanta, simply because
he requested me to do so. I thought that this will be a greater addition to an
already special night. I scanned my surroundings one more time at muli ay
natuwa na naman ako sa nakita ko.
Ngunit ang
pinaka-espesyal na sigurong bahagi ng surpresa ko para kay Ethan ay ang maliit
na fireworks display na magaganap pagsapit ng alas-dose. Napangiti akong muli
dahil sa iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ethan once makita niya
iyon mamaya.
Muli kong
chineck ang oras at nakita kong may labinlimang minuto pa bago ang inaasahan
kong pagdating ni Ethan.
--
Mahigit
isang oras na, ngunit wala pa ring Ethan na nagpaparamdam, at dahil doon ay
hindi ko maiwasang kabahan, ngunit mag-alala, most of all, sa kung ano na ang
nangyari kay Ethan. Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan ngunit ring lamang ng
ring ang dial tone at walang Ethan na sumasagot sa mga tawag ko.
Tinawagan ko
rin naman si Paolo, ang kuya niya, na siyang kasabwat ko rin sa planong ito
tungkol sa nangyayari. Sinabi naman siya sa akin na kanina pa nakaalis si
Ethan. Lalong umigting ang nararamdaman kong kaba at pag-aalala para kay Ethan
at hindi ko napigilang mag-isip ng kung anu-anong mga negatibong bagay ukol sa
mga posibleng nangyari sa kanya.
Nagdasal ako
panandalian at muling dinial ang numero ni Ethan sa cellphone ko para tawagan.
Nagring lamang muli iyon kagaya ng mga kanina pa nangyayari, ngunit laking
gulat ko nang biglang sinagot ni Ethan ang tawag sa ikalimang ring.
“Ethan!
Thank God! Nag-aalala na ako. Ano bang nangyari sa’yo?” saad ko.
Panandaliang
nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago niya ito simulang basagin.
“Kyle...
please stop calling me. Ayoko na. Tapusin na natin ‘to.” sagot niya na siyang
ikinabigla ko.
“Huh? Ano
bang pinagsasabi mo, Eth? Nagbibiro ka lang ‘di ba? Pakulo mo na naman ba ‘to?
Hindi ‘to nakakatuwa, Ethan.” taranta kong sabi sa kanya.
“Kyle, ba’t
naman ako magbibiro sa ganitong kabigat na bagay? Narinig mo ang sinabi ko,
we’re through. I don’t have time for this. I’m hanging up.” sabi niya bago
binaba ang telepono.
Nanigas ang
katawan ko, tulala lamang ako habang nakatapat pa rin sa tenga ko ang cellphone
ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga sinabi ni Ethan kani-kanina lang,
hanggang sa unti-unting nagsink in sa akin kung ano ang mga bagay na narinig
ko.
Gulat,
pagtataka, at sakit.
Tila ba
parang biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Ethan,
at alam kong... seryoso siya. Kahit pa siya ang taong mahilig magpakulo ay ni
minsan ay hindi pa niya ginawang biro ang mga bagay na may kinalaman sa
relasyon namin. Rinig na rinig ko sa boses niya ang kasiguraduhan ng mga sinabi
niya.
We’re
through.
Doon ko
unang naramdaman ang matinding sakit sa puso ko. Ang unang pumasok sa isipan ko
ay Bakit? May nagawa ba akong mali? At kung meron, ano? Hindi ko talaga
maintindihan. At iyon ang mas masakit... dahil wala akong alam. Wala akong
kaalam-alam sa kung anuman ang naging puno’t-dulo ng sakit na nararamdaman ko
ngayon.
Bigla kong
naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko, at biglaan ding bumalik sa akin ang
pag-asa na babawiin ni Ethan ang mga sinabi niya, na palabas lamang pala ang
lahat, na iyon ay parte lamang ng mga pakulo niya para sa anniversary namin.
“Hello,
Ethan?” kinakabahan kong sagot?
“Huh? Kyle,
okay ka lang ba? Bakit mo hinahanap si Ethan, eh magkasama kayo?” sagot ng nasa
kabilang linya.
“Luke...”
“I was going
to check how’s everything....” nang wala pa rin akong maging sagot ay bigla
niyang nasambit ang pangalan ko. “Kyle...” tanong niya, at this time, bakas na
sa boses niya ang pag-aalala.
“Anong
nangyari? Bakit wala pa si Ethan?” maingat na tanong nito.
Panandalian
akong natahimik hanggang sa naalala ko ang mga nangyari kanina.
“Wala
na kami ni Ethan, Luke.” nanginginig kong pag-amin dito.
Unti-unti ay
lalo kong nararamdaman ang pagbigat ng pakiramdam ko, na tila ba may isang may
hawak sa puso ko at unti-unti iyong dinudurog hanggang sa tuluyan ng mawasak
ito. Nararamdaman ko ang pagkawala ng hangin sa katawan ko kaya naman agad-agad
akong huminga ng malalim ng paulit-ulit upang ibalik sa normal na estado ang
katawan ko.
“Fuck! Kyle,
nagpa-panic attack ka ba?! Makinig ka, Kyle! Breathe! Inhale... exhale... huwag
ka masyadong mag-isip ng kung anu-ano, basta huminga ka ng maayos. Inhale...
exhale...” rinig ko na sa boses ni Luke ang pagpa-panic, habang I tried
miserably to restore my body into its normal condition. Huminga ako ng malalim
pa hanggang sa unti-unti ko ng nararamdaman ang pagluwag ng mga baga ko, ang
pagkawala ng pagkahilo ko. Patuloy pa rin si Luke sa pagpapakalma sa akin
hanggang sa patigilin ko na siya.
“Okay
na ako, Luke... salamat.”
“Susunduin
kita diyan. Give me 30 minutes, Kyle. Don’t do, or think of anything stupid!”
sagot niya bago tapusin ang tawag.
Ngayon ay
mag-isa na naman ako, at doon ay parang sirang plaka na naman na bumagabag sa
utak ko ang mga narinig ko mula kay Ethan.
We’re
through.
Habang
nagmumuni-muni ako ay biglang nagliwanag ang kalangitan. Unti-unti ng
nagsilabasan ang mga paputok na bahagi sana ng surpresa ko para kay Ethan.
Hindi ko naiwasang isipin kung nakita niya kaya ang mga paputok sa kalangitan.
At habang kumakawala ang mga paputok sa kalangitan, ay siya ring pagkawala ng
mga luhang kanina ko pa pinipigilan, kasama ng mga pangarap ko para sa amin ni
Ethan.
Alas
dose na, at doon lumipad na sa kalangitan na kailanman ay hindiing-hindi ko na
makakayang ibalik.
Happy Anniversary, mapait kong sabi sa sarili ko.
Im sure there's a valid reason why thisbis happening. Salamat sa story mo. Keep it up. Ingat.
ReplyDeleteI love this story 😭
ReplyDeleteEmegeeeered nagbalik siyaaaa
ReplyDeleteMay sakit c ethan kaya nia hiniwalayan c kyle kahit mahal na mahal nia to. And there is Luke. The savior. Pro along the way malalaman ni kyle ang reason.At babalik at aalgaan nia c ethan.
ReplyDeleteMay sakit si ethan! Gusto ni Luke c kyle. Tignan natin kung pano iikot tong kwento.
ReplyDelete-hardname-
I had to reread Unexpected and Untouchable for this! Awesome job as always, will definitely be hooked up on this one. 😁😁
ReplyDeleteMarvs
Mukhang my bago n nmn akong susubaybayan :) Keep it up sir. Kaylangan ko pa palang basahin yung previous stories mo, mukha kasing interesting :)
ReplyDelete-RavePriss