Here is chapter 5! Dito na magsisimula ang pag-ikot ng kwento. Hope you like it! :)
I'd appreciate some comments. :D
Happy reading!
--
Chapter 5
2
months later.
“Kyle!
Kyle!” sigaw ng isang boses na siyang dahilan para magising ako mula sa isang
mapait na bangungot at biglaang mapabangon na lamang. Una kong nadatnan ang
mukha ni Luke; banaag doon ang pag-aalala, lalo pa’t talagang nanlalaki ang mga
singkit nitong mata at gulong-gulo ang palaging maayos niyang buhok.
“Binabangungot
ka na naman...” naaalarma niyang pag-aamo sa akin habang hinahagod ang likod
ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko, ang tila pagkawala ng
kakayanan kong magsalita, hanggang sa tuluyan na akong humagulgol habang
nakayakap si Luke sa akin.
It’s been like that every night... every
night since nawala si Ethan.
Pero
pakiramdam ko ngayon ay tila ba iba, na mas matindi ang lahat ng emosyong
nararamdaman ko. Na tila ba mas lumakas pa ang pagsabog ng lahat ng mga
saloobin na matagal ko ng kinikimkim. It seemed like ang realidad ng pagkawala
niya finally sank in its fullest blow and here I am, feeling all the pain it
has caused.
The
thing is, the death of a loved one leaves a scar that can never be healed.
Masyadong malalim ang sugat ang nililikha nito, and you will forever be haunted
by the thought that there is no cure for the pain, unless you decide to cure
yourself on your own, which is not the easiest thing. Sabi nga ng professor namin
sa literature, if you want to describe something saddening to its fullest form,
“traumatized” ang dapat gamiting salita para ilarawan iyon, at ngayon, I
couldn’t help but agree with what he said. It leaves you at your weakest, way
beyond the point one can handle, at siguro ay maswerte ako dahil ngayon ay may
mga taong umaalalay pa rin sa akin matapos ang pagkawala ni Ethan.
Ngunit
kahit gaano ako magpakahirap ilarawan ang nararamdaman ko ngayon, walang mga
salita na sasapat upang pantayan at mailarawan ang tindi ng sakit na
nararamdaman ko ngayon.
Doon
ay bigla ko na naman naalala ang lahat ng mga nangyari: ang tawag ni Kuya Paolo
na nagsabing wala na daw si Ethan, ang pag-iyak ni Kuya Paolo nang hapong iyon
sa harap ko, at ang video ni Ethan na laman ng flash drive na bigay niya sa
akin kung saan niya sinabi kung gaano niya kamahal na araw-araw kong pinapanood.
Lahat ng mga ito ay lalo lamang nagpaigting sa tindi ng nararamdaman ko. Kasabay
noon ang tila pagputol ng pamilya niya ng kung anumang komunikasyon ang meron
sila sa akin.
At
hanggang ngayon, heto pa rin ako, hindi alam kung saan siya naroon, kung saan
siya inilagak. Hindi ko pa rin nakikita, hindi pa rin ako
nakakapagbigay-respeto, hindi ko pa rin siya nakakausap sa harap ng mga labi
niya.
“Shhh...
shhh...” patuloy pa ring pang-aalo sa akin ni Luke. Doon ko napansin na maging
si Luke ay nanginginig na rin hanggang sa maramdaman ko na tila nababasa ang
leeg ko na siyang dahilan para mapabalikwas ako at tingnan siya mata sa mata.
Nang madatnan ko ang mukha niya ay doon ko na kumpirma na tama nga ang hinala
ko.
Umiiyak na rin si Luke.
As
if realizing what I’ve just seen, agad itong tumalikod at dali-daling pinahiran
ang mukha niya. Seeing Luke cry is such a rare occasion. Bilang na bilang sa
daliri ng isang kamay ko ang mga pagkakataong nakita ko siyang umiyak, at
nangyayari lamang iyon kapag lubusan siyang nasasaktan... sa loob.
“Kyle,
don’t do this to yourself... sige ka, magagalit sa akin si Seb kapag hindi ka
pa tumahan. Ayokong multuhin niya ako,” pagbibiro nito, ngunit kitang-kita ko
pa rin sa kanya ang awa para sa akin, na malamang na dahilan kung bakit ito
umiiyak. Kahit natural na kay Luke ang pagiging cold sa iba, ay sa tagal ng
pinagsamahan namin ay nalaman kong sensitive siya lalo na sa mga taong mahalaga
sa kanya, which eased my emotions a bit more.
“I’m sorry, Lu... hehe matulog ka na.
Nahihirapan ka lang dahil sa akin...” pagdismiss ko dito.
Bumuntong-hininga ito.
“Look,
Kyle... don’t apologize, hindi ko man maintindihan gaano, pero alam kong
sobrang sakit pa rin ng nangyari sa’yo. And yes, 2 months pa lang... since
mamatay si Seb. At kahit abutin ka pa ng sampung taon, I would never blame you
if you still can’t get over him. Pero Kyle, dapat magpakatatag ka. Isipin mo na
lang ‘yung mga bagay na gusto mangyari ni Seb para sa’yo. The end of his life
doesn’t signify the end of yours, Kyle...
“Just
take it slow, but be sure to slowly let go, Kyle... You don’t have to unlove
Ethan, pero sana huwag mo rin kalimutan mahalin ang sarili mo. I don’t want to
see my bestfriend miserable for a long time kasi nasasaktan din ako...” masuyo
niyang pahayag sa akin which pulled on my heartstrings.
“And
wala kang dapat sabihin in reply... magpahinga na tayo. Start na naman ng
second sem in two days, dapat ready ka,” paalala nito sa akin.
Nginitian ko siya ng isang totoong ngiti, at
walang sabi-sabing inakap ito.
“Thank you, Lu. Hindi ko alam gagawin ko kung
wala ka,”
--
Kinabukasan.
“You
don’t have to do this, Kyle. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit kailangan mo
pang umalis sa amin,” protesta ni Luke for the nth time habang nag-eempake ako
ng mga gamit ko para bumalik na sa dorm ko. Only God knows if magiging
available pa ang room ko matapos ko iyon iwanan ng dalawang buwan. Gaya ng mga
nauna kong reaksyon ay hindi ko na lamang ito pinansin dahil baka maamin ko
lamang sa kanya na hindi ko talaga gustong umalis sa kanila. Ngunit alam ko sa
loob-loob ko na ito ang nararapat.
It’s
been a comfortable two months, living with Luke. To be honest, kung malapit
lamang ang bahay namin sa school ay mas pipiliin kong mag-uwian na lamang nang
hindi ako makaabala, at para naman magtigil si Luke sa kakatanong ng kalagayan
ko. Aaminin ko rin na kahit alam kong gusto ko pang magstay dahil totoo namang
pakiramdam ko ay mas okay akong kasama siya, ay may parte ng pagkatao ko na
nagsasabi sa akin na dapat bumukod na muna ako, dahil hindi na magiging healthy
kung masyado akong magiging dependent sa isang tao.
My
parents, together with my older brother, have already settled in Canada, at
kahit anong pilit nila sa akin na ipagpatuloy na lamang ang pag-aaral ko doon
ay hindi pa rin ako nagpatinag. Nang malaman nila ang nangyari kay Ethan ay
sinabihan ako ni mama na lilipad sila pabalik dito, ngunit pinigilan ko sila
dahil sa totoo lang... they might provide me with comfort by consoling me, pero
alam kong panandalian lamang iyon, kaya ano pang silbi noon? Magiging abala at
gastos lamang ako sa kanila, at ayoko ng mangyari iyon dahil they deserve
everything they have right now.
Maswerte
ako na tanggap ako ng pamilya ko. I came out to them shortly matapos kong
gumraduate ng High School. Alam kong mga open-minded na mga tao ang pamilya ko,
ngunit they took my revelation much better than how I anticipated them to. Ang
pinaka ikinakakaba ko ng lubos noon ay ang magiging reaksyon ni Kuya Ian sa totoong
sexuality ko. Hindi kami close na magkapatid kahit pareho kaming lalaki dahil
sa pagkakaiba ng mga personalidad namin. Ikinagulat ko na lamang na dahil sa
pagtatapat ko sa kanila pa ang magiging tulay para mapaglapit kaming
magkapatid. Ngayon ay mas protective ito sa akin at mas open na ang linya ng
komunikasyon sa pagitan namin na siyang lubusan kong ipinagpapasalamat.
All
in all, I’d say that I’m lucky to have people to rely on during this difficult
time. Idagdag pa si Janine at Benj sa listahan ng mga taong maaasahan ko. Pero
naisip kong... dalawang buwan na ang nakakalipas, at kung hindi ako
magsisimulang magmove on ngayon, kailan pa? I want to turn my life around kaya
aalis na ako sa bahay ni Luke.
At
isa pa, gagawin ko ‘to para sa sarili ko. Furthermore, naiisip kong masyado ko
ng inaabuso ang kabaitan ni Luke. Yes, granted that I consider him as my best
friend, alam kong may mga iba pa siyang bagay sa buhay niya dapat niyang
i-prioritize, at ayokong maging malaking abala lamang sa kanya.
“Ano
bang problema sa bahay namin? May sarili ka namang kwarto, libre pagkain,
electricity, rent, et cetera. May kulang pa ba? Ay gago, may problema ka ba sa
akin, Kyle?” nag-aalalang mga tanong niya. Agad ko namang pinabulaanan ang mga
iyon dahil alam kong madalas itong atakihin ng pagka-paranoid niya.
“No,
Luke. Walang problema dito,” pagsisimula ko. Umupo ako sa kama at hinarap siya.
Kasalukuyan itong nakatingin sa akin, at tila ba naghihintay ng isang matinong
explanation kung bakit ako nagdesisyong bumukod na. “And no, lalong wala akong
problema sa’yo, kaya huwag mong isipin ‘yan,” dagdag ko nang marealize kong
misleading ang naging unang statement ko.
“So bakit?” pagpipilit pa rin niya.
“Gusto
kong bumalik na sa normal ang buhay ko. I want to do things the way I used to,
that’s why,” simpleng paliwanag ko dito. Natahimik ito ng panandalian, at doon
ay alam kong pinag-iisipan niya ang naging sagot ko. Makaraan ang ilang segundo
ay tumango ito at nginitian ako ng matabang, “May magagawa pa ba ako? Hatid na lang
kita bukas,” ngiti nitong sagot sa akin na siya namang sinuklian ko ng isang
ngiti rin.
“Pakitanong
pala kay Tita Reg kung pwede ako kumanta for one last time sa bar niya?
Nakakahiya rin kasi na bigla na lang akong nawala,” utos ko kay Luke.
“Kyle,
naiintindihan naman ni Tita ‘yon. Nawalan ka. Hindi lang bagay ang nawala
sa’yo,” pagkontra ni Luke.
“No,
gusto ko rin. I’m dedicating my last set for him,” sagot ko na siyang tinanguan
na lamang niya bilang tugon.
--
“Hi,
everyone. I am so sorry dahil nawala ako these past few months. May mga naging
personal matters lang that I needed to attend to. But I am back, however, this
will be my last performance for the time being,” panimula ko sa audience ko
ngayong gabi. Nakarinig naman ako ng ilang protesta at tunog ng panghihinayang
mula sa crowd na siyang nagvalidate na kahit papaano ay meron din naman pala
akong napasaya sa mga awiting kinanta ko rito linggo-linggo noon.
“So
with that said, this night’s set is going to be about goodbyes. I carefully
chose songs that reflect its different dimenstions, from pain to something
positive. I do hope you will enjoy the songs I’ll be performing tonight,”
dagdag ko pa. “My first song is from probably my all-time favorite OPM band,
Hale. Elementary pa lamang ako noong i-release nila ito, and kahit pa wala pa
akong alam sa love o sa pain na naidudulot nito, talagang ito ‘yung kanta nila
na tumatak sa akin. It suggests that even after a relationship has ended, one
person will always be left standing, still hoping for another chance. This is
‘Kung wala ka,’” saad ko. Agad namang tinipa ni Sidney ang kanyang gitara
matapos ang aking introduction.
Nariyan ka pa ba?
Hindi ka na matanaw
Kung mayro'n bang daraanang
Pasulong, pasulong
Hindi ka na matanaw
Kung mayro'n bang daraanang
Pasulong, pasulong
Ohh, Hindi ko maisip
Kung wala ka
Ohh, sa buhay ko
Kung wala ka
Ohh, sa buhay ko
Sundan mo
Ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto
Sundan mo
Ang paghimig ko
Ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto
Sundan mo
Ang paghimig ko
Ohh, hindi ko maisip
Kung wala ka
Ohh, sa buhay ko
Kung wala ka
Ohh, sa buhay ko
“The next two
songs I’ll be performing is all about another kind of goodbye—a permanent one.
Kapag namatay ang isang taong mahal natin, it’s inevitable that a part of us
also dies. For me, both these songs reflect that feeling: the longing, the
agony, and the pain of making your last goodbye. This next song is from The
Corrs,” pahayag ko.
Tell me it's true, tell me
there's something more
Another time for love
One day I'll know, one day I'll
be there
Will you be waiting?
Oh where are you now?
Could I get there somehow?
It's time to say goodbye
Block out the sun and pack up the
sky
Don't let my tears start to make
you cry
Each time I try to say my goodbye
Try to stop asking why
Try to stop asking why... yeah...
“Itong
susunod na kanta ko, siguro ay isa na sa mga pinakamalungkot na kanta na alam
ko. It just gets me everytime. Sa tuwing pinapakinggan ko ‘to, hindi ko
maiwasang hindi malungkot. This is Avril Lavigne’s ‘When you’re gone’,”
I've never felt this way before
Everything that I do
Reminds me of you
And the clothes you left, they
lie on the floor
And they smell just like you
I love the things that you do
When you walk away
I count the steps that you take
Do you see how much I need you
right now?
When you're gone
The pieces of my heart are
missin' you
When you're gone
“Finally,
this last song is fairly new, and yet sobrang laki na ng naging impact niya sa
akin. These lyrics speak for themselves. When I first heard it, iba-iba ang mga
naging interpretations ko, but then that’s the beauty of it: it’s
multi-dimensional. This song is from Coldplay’s latest album. It’s about the
legacy of a goodbye, kung ano ba ‘yung impact na naidudulot sa’yo ng pag-alis
ng isang tao. There’s this light, this feeling, that despite that goodbye, may
iiwanan siya sa’yong buhay. This is ‘Everglow’,”
Like brothers in blood, sisters
who ride
and we swore on that night we’d
be friends til we die
but the changing of winds, and
the way waters flow
life as short as the falling of
snow
and now I’m gonna miss you I know
but when I’m cold, cold
in water rolled, salt
I know that you’re with me and
the way you will show
and you’re with me wherever I go
and you give me this feeling this
everglow
oh- I I I I
what I wouldn’t give for just a
moment to hold
yeah I live for this feeling this
everglow
so if you love someone, you
should let them know
oh the light that you left me
will everglow
I
tried so hard na hindi maiyak all throughout my set, which turned out to be a
fatal attempt. Sa buong panahon na nasa stage ako ay tanging si Ethan lamang
ang naiisip ko—ang sakit, ang mga pagkukulang ko, ang mga bagay na sana ay
nagawa pa namin. Alam kong halatang-halata ng audience ko kung gaano kalalim
ang kalungkutan na pinanghuhugtan ko ngayon. Bagamat ganoon ay thankful pa rin
ako dahil naabot ko pa rin naman ang mga nota na kailangan kong kantahin kahit
papaano.
“It’s
been wonderful singing here. Minahal ko na ang pagkanta, ang crowd, pati ‘tong
mga kasama kong si Ken at Sidney. I do wish all of you a wonderful night, and I
thank you for all the support you have given me. Thank you!” pagpapaalam ko na
siyang sinagot ng audience sa pamamagitan ng pagpalakpak.
--
Kinabukasan,
gaya ng napagkasunduan namin ni Luke ay inihatid niya ako sa dati kong dorm.
“Nako,
Kyle na-reserve na ‘yung slot mo para sa next sem. Ikaw kasi, hindi ka bumabalik,
at ‘yung mga account mo hindi mo naman na-settle matapos mong kunin ‘yung mga
gamit mo, kaya binigay ko na,” mahinahong paliwanag sa amin ng landlady namin
matapos kong itanong ang estado ng room ko doon. Wala naman akong naramdamang
pagka-inis dito, kahit pa totoo ang sinabi niyang hindi ko binayaran ang mga
dues ko ng dalawang buwan.
“Kasi
sa amin ka na lang tumira. Start na ng sem bukas, mahihirapan ka ng humanap ng
dorm,” pangaral sa akin ni Luke na siyang hindi ko pinansin.
“Wala na bang bakante, ate?” tanong ko sa
landlady namin.
“Meron
pa namang isa, kaso mas mahal kaysa doon sa dati mong kwarto kasi pandalawahan
lang tapos ‘yung may aircon pa. May sariling kusina at banyo ‘yun. May
naka-occupy ng isa, pero sabi naman niya kung may interesadong kumuha, sabihan
ko lang daw siya,” paliwanag nito.
“Magkano ba, ate?” tanong ko.
“Twelve thousand. Six thousand ang hati mo.
Kasama na kuryente, tubig,” sagot niya.
Napaisip
naman ako. Totoo ngang mas mahal ito ng dalawang libo kaysa sa dati kong
tinutuluyang kwarto kung saan may tatlo pa akong kasamang mga room mates. Alam
ko namang hindi iyon magiging problema masyado, pero nanghihinayang pa rin ako
sa magiging dagdag na gastos sa expenses ko.
“Mahal
‘yan, Kyle. Huwag mo ng kunin. Sa amin ka na lang tumira. For sure wala ng
bakanteng mga dorm sa paligid,” muling pagpipilit ni Luke.
“Sige po. Kukunin ko na,” sagot ko.
“Anong...” protesta ni Luke mula sa gilid ko.
“Oh
sige. Aayusin ko na, ha. Tatawagan ko lang ‘yung magiging roommate mo. Bukas pa
kasi siya magmo-move, kasabay ng pasukan. Sasabihin kong may makakasama na
siya,” sabi ng landlady namin.
“Thanks, ate,” pagpapasalamat ko dito.
“Ay,
ate... alam mo na, ha? ‘Yung parking ko dito, at saka walang curfew hehe.
Dating gawi,” pakiusap ko rito. Bumuntong-hininga naman ito at tumango. “Kung
hindi ko lang talaga kaibigan ‘yang nanay mo... basta magpakatino ka, ha. Oh,
iakyat mo na mga gamit mo. Second floor, pangatlong kwarto sa kanan,” sabi nito
sa akin bago iabot ang susi na siyang tinawanan ko na lamang bago ito tuluyang
umalis.
“Halika,
akyat na natin ‘tong gamit. Second floor lang naman, eh,” pagyaya ko rito, na
siyang tinugunan niya sa pamamagitan ng pagbuhat ng ilan kong mga gamit.
Nang
makapasok na kami sa magiging kwarto ko ay sinurvey namin ang paligid. Mukhang
mas malaki ang floor area, dahil siguro sa dalawa lamang ang kamang naroroon.
May dalawang study table, dalawang cabinet, aircon, electric fan, isang maliit
na kitchen at isang banyo. Para itong simpleng apartment, at mukhang komportable
naman ang lugar. Maganda at maayos ang kwarto.
Sana ay maayos ang makakasama ko sa kwarto.
“Ang
pangit ng kwarto mo, Kyle. Anim na libo para dito?” mapait na puna ni Luke
habang nakaupo sa isa sa mga kama. At dahil nga kanina ko pa napapansin ang mga
pasakali niya ay napagdesisyonan kong harapin na siya.
“Ang
lungkot mo talaga na aalis na ako sa inyo, noh?” nakangisi kong pang-aasar,
which I never did for a long time. Napansin ko namang nanigas ang katawan nito,
which is napaka-tipikal na para sa kanya sa tuwing inaasar ko ito, na siyang
mas ikinagulat niya pa lalo marahil dahil unang beses ko itong ginawa matapos
ang dalawang buwan. Gaya ng inaasahan ay kumunot ang noo nito at sinimangutan
ako.
“Hindi,
ah. Ang saya nga, eh! Masosolo ko na ulit ‘yung bahay,” depensa niya. Alam kong
ayaw lamang nitong aminin sa akin ng diretsahan na nalulungkot siyang mag-isa
sa kanila, pero dahil nga matalik ko ng kaibigan si Luke sa loob ng matagal na
panahon ay natutunan ko na rin siyang basahin kahit papaano.
“Okay,” kaswal kong tugon.
“Pero
seryoso, Kyle. Sa amin ka na lang,” pahayag nito kaya naman bumigay na ako at
natawa. Niyakap ko ito na siyang ikinagulat niya. Mabilis lamang ang naging
yakapan namin, at matapos noon ay hinarap ko siya. “And… paano ‘yung nangyayari sa’yo? ‘Yung
binabangungot ka gabi-gabi? Baka magpanic roommate mo,” pagpapatuloy niya.
Tinitigan ko na lamang siya.
“Look, Luke...” pagsisimula ko.
“Look
luke... haha funny. Ang sagwa pakinggan, parang luklok, dukdok, bukbok...”
pagputol niya sa akin, na tila wala sa sarili.
“Seryoso
kasi ako... Luke, I need this okay? Sana maintindihan mo. Gusto kong bumalik sa
normal ‘yung buhay ko. Gusto kong magawa ‘yung mga bagay na ginagawa ko dati
noong buhay pa si Ethan na parang walang nangyari. ‘Di ba sabi mo sa akin na
mahalin ko ang sarili ko? Well, this is my first step. I want to get out of my
comfort zone, Luke. Gusto kong matutunang ibalik sa dati ang sarili ko.
“I’m
grateful, sobra... dahil kahit noon pang mga bata tayo ay nandito ka para sa
akin, lalong-lalo na doon sa nangyari sa amin ni...” natigilan ako.
“Ni
Marco. M-a-r-c-o! Si Marco na isang gago. God, pangalan lang ng tao ‘di mo pa
masabi! Ang tagal na noon,” iritableng pagputol niya sa akin, na siyang pinili
kong hindi na pansinin even though it stirred up some familiar feelings I
thought I’ve forgotten.
“Yeah,
siya. And sana, with this decision, sana kasama pa rin kita. Alam ko namang
mahalaga ako sa’yo, and sobra kitang pinapahalagahan, Luke...”
Tiningnan niya ako ng seryoso matapos ko
ibuhos ang mga saloobin ko.
“I...
Is this the part where we kiss?” seryoso nitong tanong, at nang ma-realize ko
kung ano ang sinabi niya ay tinulak ko siya pahiga sa kama.
“Ulol ka! Nagseseryoso kasi ako!” sigaw ko sa
kanya.
“Hahaha!
Ang gara ng mukha mo! Nagbibiro lang naman ako,” humahagikgik niyang sagot sa
akin. “Ay, galit na siya! Halika na nga, libre na kita ng lunch para ‘di ka na
magalit,” pagsuyo niya sa akin na siyang tinanggap ko.
--
“Babe!”
sigaw ni Janine nang madatnan niya si Benj sa hallway papunta sa classroom
namin. Tumakbo siya, dinig na dinig ang tunog ng high heels niya sa sahig, at
sinalubong ang boyfriend niya ng isang yakap at isang halik sa pisngi.
Napangiti naman si Benj sa ginawa ni Janine. Nang matapos ang lambingan nila ay
magkahawak-kamay silang pumunta sa kinatatayuan namin ni Luke.
“Uy, Benj,” bati ko.
“Uy,” simpleng bati ni Luke.
“Kamusta?”
tanong niya sa aming dalawa, at doon ko napansin na mas matagal niya akong
tiningnan than necessary. Alam ko ang dahilan ng mga tingin na iyon ni Benj.
Inaalala niya pa rin ang kondisyon ko matapos ang pagkamatay ni Ethan, and to
be honest, ayoko munang balikan at pag-usapan ang tungkol doon dahil I’ve been
sober these past two days. Ayokong sirain na lamang ng biglaan ang progress ko,
at bumalik sa dating estado kung saan hindi ako makausap ng matino ng mga tao,
at sa dating ako na bigla na lamang uupo sa sahig ng kwarto ni Luke at iiyak
tuwing maalala ko si Ethan.
“Okay naman. Sana free cut, no?” pagsagot ni
Luke para sa akin.
“Uy, wait lang pala. Ilalagay ko
lang sa locker ko ‘tong mga gamit ko,” paalam ko nang maalala kong dapat ko
ilagay ang mga dala kong org documents. Hindi na rin kasi kasya sa bag ko.
“Kita mo ‘to, ang lapit-lapit ng dorm pero may locker sa school,” pang-aasar ni
Janine sa akin. “Walang basagan ng trip,” sagot ko rito na siyang dahilan para
ilabas niya ang dila niya.
Malapit lang naman ang locker ko sa
room namin kaya naman alam kong hindi ako maaatraso ng oras. Pagdating ko doon
ay nilabas ko ang susi ko at sinimulang ayusin ang mga org documents para hindi
na ako mahirapan ilabas iyon para sa GA namin mamaya.
“Kyle,” tawag ng isang malalim na
boses.
“Isaac,” bati ko naman rito.
Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis, gaya ng ngiting binibigay niya sa
lahat ng mga kaibigan niya. Masama man ay kahit noong kami pa ni Ethan ay
mayroon talagang epekto itong si Isaac sa akin, to the point na palagi kaming
nag-aaway ni Ethan tungkol sa kanya dahil sa selos niya rito. Hindi ko rin alam
kung ano, pero iyon ang pinaka-naging dahilan kung bakit ko siya—at malamang
halos lahat ng tao sa college namin—naging crush.
Never ko pa siya naging classmate
dahil obviously ay magkaiba kami ng major, pero dahil nagkasama kami sa council
ng org representatives ng college namin kung saan siya ang head ay masasabi
kong naging close rin naman kami kahit papaano. Third year na si Isaac at
kumukuha ng program na BS Pharmacy.
Napansin kong naka-PE uniform ito:
dri-fit na t-shirt at shorts. Doon ko nalamang softball pala ang PE na
inenrollan niya. Bagay na bagay naman sa kanya—kitang-kita ang magandang hubog
ng katawan niya sa t-shirt niya. Napansin ko rin na tila ba punong-puno ang gym
bag na dala niya. In fact, parang napakarami niya atang dala ngayon.
“Uy!” pagbabalik ni Isaac sa ulirat
ko.
“Kamusta projects ng council?” ang
tanging nasambit ko na lamang matapos kong mabilis na mag-isip ng topic para
pag-usapan para mawala ang pagkailang ko at para hindi na rin ako mapahiya
dahil sa natulala na naman ako sa kanya. Naisip ko na lamang na tanungin siya
tungkol sa student council.
“Heto, busy pa rin kahit first day
pa lang. May outreach kami sa 28th… so that is, uhm, 2 weeks from
now. Sana makasama ka,” ngiting pagpapaliwanag niya. “Subukan ko,” sagot ko, dahil
nahihiya akong i-reject ang imbitasyon niya dahil napakabait niya sa akin.
“Bakit parang ang dami mo atang dala?” puna ko.
“Ahh, ito ba? Lilipat na kasi ako.
Aalis na ako dun sa condo na tinitiran ko,” pagsagot niya na siyang ikinagulat
ko. “Hala, bakit? Di ba barkada mo kasama mo doon? Anong nangyari kila Jerome?”
tanong ko. Kahit pa ayaw ko sa tropa niya ay hindi ko mapigilang maging
concerned at magtaka pa rin kung bakit siya umalis sa tinitiran nila.
“Hay, let’s just say na hindi ko
talaga mga kaibigan ‘yung mga iyon. Mahirap paligiran ang sarili ng mga taong
makikitid ang utak,” walang ganang pagpapaliwanag niya na siyang tinanguan ko
na lamang kahit pa hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.
“Anyway, baka ma-late ka. Dalin ko
lang ‘to sa bago kong dorm. Ingat, Kyle!” paalam niya. Medyo nagtaka ako sa mga
sinabi niya ngunit hindi ko na lamang iyon binigyang-pansin at imbes ay tumuloy
na papasok sa room namin.
Pagpasok
ko ng room ay pinuntahan ko na ang pwesto nila Luke. Nang makapagsettle na
kaming lahat ay may ilang mga lumapit sa amin upang mangamusta, na siyang
inentertain namin kahit papaano. Mabuti na lamang dahil walang alam ang iba pa
naming kaklase tungkol sa nangyari kay Ethan. That has spared me of a lot of
awkward conversations and breakdowns. Ang tanging alam lamang ng ilan ay umalis
ito ng bansa, kaya naman wala na silang tinanong tungkol kay Ethan.
At isa pa, alam nilang wala na kami which is
probably why no one bothers me about it. Buti sana kung ganoon lang ang
nangyari.
Nagsisimula
pa lamang kaming magsettle down nang dumating ang professor namin na siyang
dahilan para lahat kami ay magmadaling umayos sa mga upuan namin. Luckily, ay
naka-secure kaming barkada ng mga upuan sa gitna ng classroom na siyang
pinakagusto naming spot tuwing maghahanap ng magandang pwesto.
Nagpakilala
ang magiging professor namin sa Statistics. May katandaan na ito, ngunit mukha
namang hindi strikto na siyang ipinagpapasalamat ko dahil ayokong-ayoko ng
subject na ituturo niya. Matapos niyang magpakilala ay umupo ito sa upuan sa
harap at nilabas ang isang piraso ng bond paper.
Panandalian
niya iyong kinilatis bago nagsalita. “Oh, mukhang maraming irregulars ngayon.
Maraming magre-retake.” pang-aasar niya sa klase. “Biro lang, just listen and
for sure papasa kayong lahat. Swerte niyo ako instructor niyo,” nakangiti
niyang pangbawi bago muling ibalik ang atensyon sa class roster na hawak niya.
Nagsimula ng magroll call na siyang hindi ko pinansin hanggang sa matawag ang
pangalan ko.
“Bermudez, Kyle Andrew.” pagtawag ni sir.
“Present.” kaswal kong sagot, enough for him
to hear it.
Matapos
noon ay nagpatuloy si Sir sa pagtatawag ng mga pangalan. Ni hindi pa nga ako
nakaka-dalawang hinga ay tinawag niya ang isang pangalang labis na nakakuha sa
atensyon ko.
“Carolino, Marco Antonio.”
Naramdaman
ko ang paninigas ng katawan ko, ang pagbilis ng tibok ng puso ko. All of a
sudden, naramdaman kong parang naninikip ang dibdib ko, na parang hirap akong
huminga. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng
malalim, at unti-unti kong nira-rationalize ang sitwasyon.
No,
imposible. Wala na si Marco sa bansa. Isa pa, kung dito siya nag-aaral, paano
siya napunta sa subject na ito na para lamang sa mga third year students? Hindi
maari. Baka kapangalan lamang niya iyon. Huwag
kang magpanic, Kyle. The least you can do is to stress yourself out. You’re
doing good with Ethan, huwag mong sirain ang nasimulan mo.
“Present,
sir.” sagot ng taong sinasabing si Marco na mukhang nanggagaling mula sa
pinakalikod ng classroom.
Nang
marinig ko ang malalim na boses niya, ay alam kong nalintikan na. Malalim man
ang boses na iyon ay hindi pa rin nakaligtas sa akin ang pagiging pamilyar ng
tono na iyon. For God’s sake, I was friends with the guy since grade one!
Imposibleng hindi ko makilala ang tono, ang punto, at ang paraan niya ng
pagsasalita kahit pa dalawang maiikling salita lamang ang sinambit nito.
Bakit hindi ko siya napansin nang pumasok ako
dito?
“Kyle...” alangang pagtawag ni Luke mula sa
tabi ko.
Tiningnan ko lamang ito, alam kong
kitang-kita sa mga mata ko ang pagka-nerbyos.
“Ayokong tumingin sa likod, Lu.” bulong ko
dito.
“It’s him, Kyle... Hindi ko maintindihan...”
si Luke.
“Ako rin... pero nagbalik na siya, Luke.”
Who is Marco?
ReplyDeleteEnter your comment...
ReplyDeleteI guess buhay si ethan.
pero di na sya maalala nito dahil nga naoperahan.
hehe
keep updating author.
maraming silent reader dito..
Sobrang nakakaexcite na yung next chapter. Madedevelop kaya si Luke k Kyle or mas tamang aamin na sya k Kyle? Tapos ka room mate pa nya yung crush nya na si Isaac at mukhang magiging bahagi ng Love square kasama si Luke at Marco, hahaha. Update ka na please author, sobrang hype na ko sa nxt update. THANKS :)
ReplyDelete-RavePriss
1 week na wla p rin update.
ReplyDelete#waiting
is it just me or kapampangan ka pala ata auths?
ReplyDelete