Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 19
DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
Sumabay ako sa hangin tulad ng isang buhangin na sumasama sa bawat hampas ng alon sa dagat, naglakbay kasama ng mga ulap, lumipad na tila may pakpak ng isang ibon, Nakinig sa bawat pagaspas ng mga dahon na tila ungol ng isang pusong nangungulila. Nakipaglaban sa bawat sakit na dala ng panahon, nakipagtagisan sa hagulghol ng pagsubok.
Humakbang dahil kailangan kong umusad, pero may isang bagay ang nais kong maranasan.
Hindi ko pa naranasan maging masaya, hindi ko pa naranasan maging totoong masaya pero hindi ibig sabihin nun ay di ko na yun mararanasan, patuloy akong naglalakbay, patuloy na nabubuhay, patuloy na humihinga dahil alam ko na darating yung araw may taong darating, taong magmamahal, taong magbibigay ng ngiti, taong sasama at hahawak sa kamay ko sa bawat hakbang na gagawin ko at kapag dumating yung taong yun?
Hahawakan ko sya ng mahigpit, dadamhin yung init mula sa palad niya, pagmamasdan yung bawat kurap at kislap sa mga mata niya, ibibigay yung ngiti na sya mismo ang may gawa. Mamahalin at sabay namin pagmamasdan yung ganda ng mundo. Mamahalin at magkahawak ang kamay na maglalakbay, mamahalin at pahahalagan ang bawat sandaling ibibigay ng pagkakataon. Mamahalin at magiging masaya sa piling niya at wala ng iba pa.
Darating sya, maghihintay ako.
----
“ Mark Magiinom kami.” bungad sakin ni Kuya pagpasok niya sa kusina, kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinggan nun. “ Bukas mo nalang gawin yan?” saad pa niya pero marahan lang akong umiling.
“ Maglilinis nalang ako Kuya.”
“ Ayaw mo uminom?” muli pag iling lang yung naging sagot ko. “ May nangyare ba?”
“ Wala kuya.”
“ Mark?”
“ I’m fine.” saad ko na pinilit naglagay ng ngiti sa labi saka lumingon sa kanya, isang buntong hininga naman yung narinig ko sa kanya. “ Kuya yung kanina, I’m sorry.”
“ You didn’t mean it naman right, Mark okay.” Saad niya, iniwas ko lang yung tingin ko. “ Mark, Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka, Kaya sana wag mo hayaan saktan ka niya.”
“ Kuya, I’m sorry pero kaya ko naman yung sarili ko.”
“ Hindi na ko mangengealam, pero kapag nakita kitang umiiyak dahil sa kanya? Mark I’m sorry hindi ko sya mapapatawad, hindi ko alam kung ano gagawin ko sa kanya pero sigurado ako hindi niya yun magugustuhan.”
“ Kuya naman?”
“ Basta hindi na ko makikialam, mahal kita Mark just remember that okay, kahit anong mangyare, kapatid mo ko and I’m always here for you, always Mark.” ngiti niya.
“ Merry christmas kuya.” ngiti ko sinuklian naman niya to ng yakap. “ Wait kuya basa yung kamay ko.”
“ Mahal kita Mark kaya walang pwedeng manakit sayo.”
“ Kuya basa yung kamay ko.” ngiti ko saka sya marahang tinulak.
“ Sabihin mo lang huh, sasapakin ko yang si Kent. Wag kang matakot kasi nandito ako.”
“ Yes kuya.”
“ Aixt, sige na? Hindi ka pa ata kumakain.”
“ Tapusin ko lang to, kakain na din ako.”
“ Are you sure?”
“ Oo naman kuya.” ngiti ko. Humugot lang sya ng malalim na hininga saka tumango.
“ Ayaw mo ba talaga uminom?”
“ Ayoko.”
“ Okay, ako ng bahala sa kanila.” saad niya marahan lang akong tumango. “ Balik na ko dun, nagsisimula na sila eh.” ngiti niya saka lumabas ng kusina, nanatili naman akong nakatingin sa kawalan.
Dati mag-isa lang ako pero ngayon meron na kong kuya, yung kuya na handa akong protektahan, masarap pala sa pakiramdam kapag may taong nagmamalasakit sayo, may taong ayaw kang masaktan, ayaw kang umiiyak, taong handa kang protektahan.
Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko.
Dati si Russel yung tagapagtanggol ko kapag may mga nangbubully sakin, sya yung taong nakikipagaway para sakin. Oo, may mga maling bagay akong nasabi sa kanya pero kahit kailan hindi ko ginustong mawala yung kaibigan ko, yung kaibigan ko na kasama ko nung panahon magisa ako, Mahal ko si Russel at kung may alam ko lang na gagawin niya yun, ako yung unang unang pipigil sa kanya.
Pinunasan ko lang yung luhang tumulo sa mata ko saka nagpakawala ng isang malalim na hininga. Dumistansya ako sa kanya nun, hindi dahil galit ako sa kanya, dumistansya ako kasi galit ako sa sarili ko, kung bakit nakakaramdam ako ng selos, galit ako sa sarili ko nun dahil hindi ko mapigilang isipin na iiwan niya din ako. Oo, attracted ako kay Kent nun pero kahit kailan hindi ko inisip na agawin sya kay Russel.
Kung ano man iniisip ni Calix, mali sya.
Wala akong inagaw, ginusto ko lang sumaya.
Pagkatapos maglinis ng kusina ay nagbukas ng ko ng ref pero tunog ng cellphone ko yung pumukaw sa atensyon ko. Nang tingnan ko yung screen nakita ko lang yung pangalan ni Sofhie. Hinayaan ko lang to hanggang tumigil.
“ Bakit di mo sinagot?”
“ Damn, Ginulat mo ko?” pilit na ngiti ko. Umiwas naman sya ng tingin saka ako hinawi sa ref. “ Ano kailangan mo Kent?”
“ Kailangan ko? Tigilan mo ko?” sarkastikong saad niya.
“ Kent.”
“ Biro lang, tubig.” taas niya ng pitsel saka tuloy tuloy na lumabas ng kusina. Haixt ano pa ba kulang sakin para di niya magustuhan? Ginagawa ko naman lahat eh, binibigay ko lahat pero bakit?
Sobrang sakit nung mga sinabi niya sakin, pero bakit parang hindi ko maramdaman, bakit hindi ko magawang umiyak, bakit hindi ko magawang wag na syang mahalin?
Ganun na ba ko kamanhid o sadyang sanay na ko masaktan?
Muli namang tumunog yung cellphone ko, nang tingnan ko, Si Sofhie parin yung tumatawag. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sinagot yung telepono ko..
Paano ba ko makikipaghiwalay sa kanya, Haixt kilala ko si Sofhie tatalakan nanaman niya ko pero kailangan ko ng gawin eh.
“ Merry Christmas babe.” rinig kong saad ni Sofhie sa kabilang linya. Ilang sandali naman akong hindi nagsalita. “ Mark sabi ko merry christmas?” Ulit niya.
“ Merry Christmas din.” saad ko, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka nagsimulang ayusin yung mga pagkain sa ref. “ Sofhie, I’m sorry kung..”
“ Mark, Do you still love me ba?” putol niya sa sasabihin ko.
“ Sofhie?”
“ Just answer it? May nagawa ba ko? Nagkulang ba ko? Bakit biglang nagbago ka? Mark deretsuhin mo nalang ako kesa ganito tayo, di ko alam kung iniiwasan mo ko o ano ba?”
“ Wala kang ginawa.”
“ Eh ano?”
“ Uhm.”
“ Hoy wag mo ko babanatan ng its not you, its me huh! Lumang luma na yan line na yan.” natatawang saad niya, hindi ko naman mapigilang mapangiti. “ Alam mo Mark, naiintindihan ko naman eh, hindi ako manhid.”
“ You mean.”
“ Yeah, ramdam ko naman na may iba ka ng gusto eh. Lalake di ba?” saad niya napalunok lang ako saka nakagat yung labi. “ Mark, tanggap naman kita eh at tanggap ko rin na ganyan ka. Ginawa ko naman lahat para maging straight ka eh, naghubad na ko sa harapan mo, narape na kita pero hay.. Walang power yung ganda ko kung lalake naman talaga hanap mo.” saad niya kasunod ng isang buntong hininga. “ Mark, Maiintindihan ko pero sana wag mo naman akong pagmukhaing tanga?”
“ Sorry, Sofhie.”
“ Ang hirap tanggapin, gusto kita sampalin, gusto kita sakalin, gusto kita isumpa pero hayy, pero pati yun ang hirap. Sobrang bait mo kasi eh.” Saad niya, ialng sandali namang namayani yung katahimikan sa pagitan naming dalawa. “ Mark, naiintindihan ko kung hanggang dito nalang tayo, we’ve been together for two years, sobrang haba pero.. Ganun talaga eh.”
“ Sa dalawang taon na relasyon natin minahal mo ba talaga ko Sofhie?”
“ Hoy Mark akala mo ba hindi ako nasasaktan ngayon, ang sakit kaya pero okay lang, hinanda ko yung sarili ko para sa tagpong to, ang tanga ko naman kasi bakit nagpabulag ako sa itsura mo.”
“ Minahal mo ba ko?”
“ Oo, Sobrang minahal kita pero.. Matagal ko na ding tinanggap na darating yung araw na tatangapin mo sa sarili mo kung ano ka talaga, Mark minahal kita pero..”
“ Sofhie I’m sorry.”
“ Mark, I want you to be happy. Nakita ko kung gaano ka kalungkot, nakita ko kung gaano mo kailangan ng taong magmamahal sayo kaya nga sobrang hirap sakin na iwan ka kahit alam ko kung ano ka talaga, Mark nakita ko kung ano yung tingin mo sa mundo kaya gusto ko yung mamahalin mo, yung totoong mamahalin mo ang magpapakita na mali ka, na magpaparealize sayo na mali yung tingin mo sa mundo, yung tingin mo sa salitang love, sa salitang happiness.”
“ Mahirap ba ko mahalin Sofhie?”
“ Sobrang hirap.” saad niya, tumulo lang yung luha ko pero agad ko tong pinunasan. “ Sobrang hirap mo mahalin Mark, Sobra kasi ang tingin mo sa ibang tao, iiwan ka lang din, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo tinanong sakin kung kailan kita iiwan, Mark magmahal ka, magmahal ka ng walang kundisyon, magmahal ka at hayaang mo yung sariili mong maging masaya.” saad niya, hindi naman ako nagsalita. “ Mark, Minahal kita pero wala naman akong magagawa kung hindi ako yung kailangan mo, Mark mahal mo ko pero hindi sa paraan na alam ko at gusto ko.”
“ Sofhie.”
“ Mark, live your life.”
“ How?”
“ Tanggapin mo kung ano at sino ka talaga? I’m letting you go Mark, spread your wings and fly ganun!” natatawang saad niya. “ Pinapalaya na kita, pero ihanda mo na yung sarili mo sampal ko kapag nagkita tayo.”
“ Bakit pinapalaya mo na ko Sofhie?” tanong ko.
“ Uhm kasi, nung tinangihan mo ko nung birthday ko dun ko na realize na we’re not meant to be? Na ginamit lang natin yung isa’t isa para maghilom, para may makasama at higit sa lahat para maranasang magmahal.”
“ I’m sorry.”
“ Naiintindihan ko talaga, Saka Mark I think.. I’m inlove.” saad niya, natigilan naman ako saka tumaas ang kilay.
“ What?”
“ Uhm I’m inlove?”
“ Kanino?”
“ Di na sayo syempre.”
“ Sofhie?”
“ Mark wag na tayo maglokohan, we can be friends naman eh, besides wala namang nangyare satin di ba so okay lang yan and I really want you to be my friend.”
“ Pero.”
“ Wait first of all, it’s official wala na tayo okay.”
“ Seryoso ka ba talaga?”
“ Oo naman, and magcoconfess narin ako sayo.”
“ Ng alin??”
“ Hindi na ko virgin!” excited na saad niya, napanganga naman ako. “Alam ko naman na di ka interested dun pero my god Mark! Finally. Wait teka baka marinig ako sa labas, pero Mark!”
“ Are you crazy?”
“ I know right haha, anyway hindi mo ba ko icocogratulate?”
“ For what?”
“ Eh kasi nga di na ko virgin.”
“ Sofhie naman eh?”
“ Mark, let’s be friends nalang wag ka ng magpretend na nahurt ka! Alam ko naman na hindi mo masikmurang kasex ako.”
“ Kanino?”
“ Uhm anak ng bussiness partner ni Daddy pero wag mo na isipin yun basta okay na tayo.”
“ Pero.”
“ Mark I know minahal mo ko, naramdaman ko naman yun.”
“ Sofhie.”
“ Inunahan na kita para di ka na mahirapan magbigay ng excuse.”
“ Alam mo ng makikipaghiwalay ako?”
“ Wag kang magalit sa kuya mo huh, kinausap niya din kasi ako.”
“ Ni Kuya?”
“ Yeah, nasaktan ako syempre nung una pero narealize ko na hindi ka talaga para sakin kaya tinanggap ko na agad agad para di na ko makunsensya kasi may nanliligaw na sakin.” natatawang saad niya. “ Hoy pero alam mo naman na hindi ako tumanggap ng suitors nung tayo di ba kaya wag mo ko aakusahan na niloko kita.”
“ Hindi.” pilit na ngiti ko.
“ Anyway, lalake yung gusto mo di ba?”
“ Uhm?”
“ Lalake? Uhm in case na may mangyare sa inyo, share mo sakin?”
“ Huh?”
“ To naman, kahit kailan talaga pavirgin ka. Alam mo Mark nung nakipagsex ako? It’s like floating with the clouds, syempre clouds na yumuyugyug.” saad niya natawa naman ako. “ Seriously Mark, masarap.”
“ Sofhie?”
“ Oo na bastos na yung bibig ko pero Mark, masarap talaga kaya I can’t wait na maranasan mo yun.”
“ Uhm di na rin ako-”
“ Holy cow????!!!” excited na saad niya, nakagat ko naman yung labi ko. “ You mean?!!”
“ Yeah, Nagugutom na ko Sofhie.”
“ Wait wait!”
“ Merry Christmas.” saad ko saka pinatay yung cellphone. Muli lang tong nagring pero hindi ko na sinagot, Haixt buti sana kung si Kent yung nakavirgin sakin kaso hindi eh, pero okay lang atleast nung nangyare samin ni Ethan yun naramdaman ko na minahal niya ko, kahit kunware lang.
Napangiti lang ako ng mabasa yung pinadalang text ni Sofhie, hanggang muli tong magring.
“ Nakakainis ka talaga Mark gusto mo pa talaga tinatakot ka eh! Sasabihin ko talaga kay Mommy na buntis ako at ikaw ang ama kala mo ba!”
“ Eh kasi.”
“ Seriously hindi ka na virgin? Sa lalake ba?”
“ Oo nga.” saad ko.
“ Woww!”
“ I’ll hang up na, nagugutom na talaga ko.”
“ Wait promise mo muna na ikwekwento mo sakin kung sino yan kung hindi, Oh mark kilala mo ko and what I’m capable of doing.”
“ Eh di ba hiwalay na tayo?”
“ Hello mark ang ex ay ex! Vinavalue kaya dapat yun?”
“ Seriously?”
“ Oo! Basta kapag nagkita tayo ikwekwento mo yan huh, ikwekwento ko rin yung sakin at kung gaano kalaki.”
“ Ang alin?”
“ Yung alaga nung super gwapong nakasex ko.” natatawang saad niya, napangiwi naman ako.
“ ok ok.”
“ I’m so happy, sige sige na, wala ka talagang kwenta kausap. Merry christmas ulit.”
“ Ewan ko sayo.” natatawang saad ko saka binaba yung cellphone ko. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko haixt dalawang taon din kami ni Sofhie, mejo magulo yung naging relasyon namin, Hindi naman girlfriend ang naging papel niya sa buhay ko kasi mas naging bestfriend ko sya, mas naging kaibigan sya para sakin, Selosa pero alam kong mahal niya ko.
Para akong nabunutan ng tinik ng mga oras na yun, buti over the phone lang kasi kung hindi malamang namamaga na mukha ko dahil sa sampal niya, I know her. Haha.
SI ETHAN
“ Hoy gago, nakakaapat na tagay ka na.” lingon sakin ni Kent kumunot naman yung noo ko.
“ Eh ano naman?”
“ Gago ka ba, Alam mo naman na mabilis ka malasing di ba? Gago umayos ka nga? Limang tagay lang nagdadrama ka na eh.” simangot niya natawa naman ako.”
“ Hindi ah.”
“ Kilala kita gago.” Saad niya saka inabot yung baso kay Calix, nahuli ko naman syang nakatingin sakin kaya tinanguhan ko lang sya.
“ Alam mo super popular ka sa school.” saad ni Calix natawa lang akong payak.
“ Wala lang yun, mas gusto ko yung buhay ko sa labas ng school na yun, tagay mo na yan para makarami tayo.” ngiti ko, nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung hilo, damn bakit ba ganito ako kabilis malasing haixt.
“ Wala ka bang plan magtrabaho Kent?” tanong ni Harvey.
“ No need na! I’m here naman eh babayaran ko bawat oras mo Kent.” natatawang saad ni Jillian, napangiti naman ako.
“ Jetro shut up.”
“ Grabe ka sakin Coz! It’s Jillian nga di ba can you just forget kung sino ako dati? Tanggapin mo na yung new me.”
“ Ewan ko sa inyong dalawa, Plan na magtrabaho? Maybe soon.” Saad ni Kent saka kinuha yung baso at sinalinan at binigay kay Jillian, Nang mga oras na yun parang umiikot na yung tingin ko sa baso.
“ Ikaw Ethan?” saad ni harvey, nag angat lang ako ng tingin saka nagbigay ng ngiti. “ Ano plano mo?”
“ Wala, music? Sa banda, yun yung buhay ko kaya okay na ko dun, besisde parang trabaho narin yun kasi may nakukuha kaming pera bukod sa scholarship.” saad ko, nang muli kong tingnan si Calix kita ko lang yung kakaibang tingin niya sakin, nang mapansin niya ko ay kinuha niya yung baso kay Jillian saka inabot sakin.
“ Tagay.” saad niya.
“ Sure.” kuha ko sa baso saka agad tinunga, napangiwi lang ako ng malasahan yung alak sa lalamunan ko hanggang tila gumuhit to sa hanggang sa sikmura.
“ Tangina mo si Jillian muna di ba?” agaw ni Kent sa baso.
“ Ay sorry, kala ko si Ethan na eh.” ngiti nito.
“ Ay friend, wag mo sabihin type mo sya.” ngiti ni Jillian kay Calix.
“ Tangina niyo huh, wag niyo na subukan.” simangot ni Kent.
“ Si Mark?” siko kay kent habang naglalagay sya ng alak sa tagayan.
“ Nandun bakit?” nguso niya papuntang kusina.
“ Wala lang.”
“ Tangina tol, ako nalang tatagay sayo namumula ka na eh.” saad niya pero sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko saka kinuha yung baso sa kamay niya. “ Tol gago.”
“ Bakit mabilis ba malasing si Ethan?”
“ Sobra! Hanggang limang tagay lang yan bangenge na yan.” natatawang saad ni Kent.
“ Gago.”
“ Talaga mabilis kang tamaan?” saad ni Calix saka muling sinalinan yung baso ko. “ Ganyan masarap lasingin!”
“ Hoy gago kang bakla, kaibigan ko yan.”
“ Okay lang, minsan lang naman eh.” ngiti ko saka muli tong tinungga.”
“ Okay ka pa ba Ethan?” tanong ni Harvey, marahan naman akong tumango saka sumandal sa upuan.
“ Tangina tol, papakalasing ka ba ngayon?” bulong ni Kent.
“ Hindi ah?”
“ Eh bakit?”
“ Basta, baka mawala lang kasi tong nararamdaman ko, hayop eh.” natatawang saad ko saka muling nagsalin sa baso.
“ Ay day sya! Kalma lang, gusto din namin maginom.” natatawang saad ni jillian, natawa lang ako saka inabot sa kanya yung baso.
“ Oh edi ikaw na.” ngiti ko.
“ Ethan, dahan dahan lang.” saad ni Harvey, ngumiti lang ako sa kanya saka tumango.
“ Tangina mo Ethan huh, umayos ka nga? Ano ba nangyayare sayo?” bulong ni Kent.
“ Tangina mo sinaktan mo kasi si Mark.” inis na bulong ko.
“ Ano? Lasing ka na gago.” natatawang saad niya. “ Isang bote palang gago.”
“ Tangina mo naman kasi sino ba kasi nagsuggest na maginom? Usapan kakain lang di ba?” simangot ko.
“ Me?” ngiti ni Jillian. “ Pasensya naman masarap kasi mag inom, you know naman christmas?”
“ Tangina kaya ayoko papainumin to eh.” saad ni kent, aktong sasalinan ni Calix yung baso ng pigilan to ni Kent. “ Kung may plano ka kay Ethan, tangina mo tigilan mo okay? Hindi lang bugbog abot mo, papatayin pa kita gago.” banta dito ni Kent, natawa naman ako saka sya binatukan.
“ Gago, sya may plano sakin? Wala di ba?” ngiti ko kay Calix.
“ Tangina tol lasing ka na eh.”
“ Hindi ako lasing gago, matino ako.”
“ Okay pa ba si Ethan?” tanong ni Harvey, natawa lang ako saka nagthumbs up sa kanya.
“ I’m fine don’t worry.”
“ Ang cute niya malasing infairnes.” natatawang saad ni Jillian.
“ Sumandal ka nga gago, wag ka na tumagay.” hila sakin ni Kent para sumandal sa sofa.
“ Okay pa nga ako gago, mejo nahihilo lang pero okay ako.”
“ Okay tuloy na yang tagay, wag niyo nalang pansinin, lasing na.” saad ni Kent pumikit lang ako saka nasapo yung mukha ko, damn lasing na ba ko, haixt.
“ Painumin mo pa para mas masaya.” rinig kong saad ni Calix.
“ Gago, gusto mo basagin ko yung bote sa ulo mo?”
“ Joke lang.” Ilang sandali pa yung lumipas na nanatili akong nakapikit pero rinig na rinig ko parin yung kwnetuhan nila, hanggang maramdaman ko na tumayo si Kent kaya dumilat ako, nang lumingon ako ay wala na sya sa tabi ko pero nandun parin yung tatlo.
“ San pumunta si Kent?”
“ Umihi lang?”
“ Saan?”
“ Sa garden.” natatawang saad ni jillian, isang payak lang na ngiti yung pinakawalan ko saka hinawakan yung bote ng alak at nagsalin.
“ Tangina kasi si Kent ayaw na ko patagayin eh, tagay ko na huh.” ngiti ko saka agad tinungga yung baso. Mukhang effective tong tanginang alak na to, hindi ko naiisip si mark oh shit! Si Mark? Bullshit naisip ko nanaman tuloy kainis!
Aktong magsasalin ako ng alak ng tumabi sakin si Calix sa upuan saka humawak sa hita ko.
“ Jillian.” saad ni harvey, nang lumingon ako kay Jillian kita ko lang yung kakaibang ngiti niya.
“ Go, tagay ka uli.” ngiti ni Calix sakin, marahan naman akong tumango saka muling tinungga yung baso.
“ Shit.”
“ Calix, umalis ka jan.” rinig kong saad ni Harvey pero ngumiti lang ako.
“ Okay lang yan, wala akong katabi eh.” saad ko.
“ Tatayo ka jan o ililibing kita ng buhay?” rinig kong saad ni Kent, natawa lang ako. Aktong magsasalin uli ako ng alak ng kunin yung bote sa kamay ko.
“ Tatayo na.” natatawang saad ni Calix saka tumayo at bumalik sa upuan niya.
“ Tangina niyo, bastusin niyo na ko wag lang yung kaibigan ko, magkakasubukan talaga tayo.”
“ Yung kaibigan mo Jetro pwede ba?” saad ni Harvey.
“ Okay okay, move on.” ngiti ni Jillian, nang tingnan ko si Calix kinindatan niya lang ako, haixt.
“ Tangina mo pakalasing ka pa, para marape kita.” bulong ni Kent sa tenga ko, natawa lang ako saka sya tinulak. “ Tangina mo seryoso ako, kesa isa sa kanila mangrape sayo edi ako nalang.”
“ Ay may bulungan na nagaganap, Sali niyo naman kami.” tawa ni Jillian.
“ Gago kasi tong si kent, patagay na nga lang.”
“ Wawasakin ko yung pwet mo mamaya gago.” bulong pa niya.
“ Wait wait, wala na tayong ice.” saad ni Jillian saka inangat yung pitsel.
“ Ethan pwede ikaw na kumuha sa kusina?” saad ni Harvey.
“ Huh bakit ako? Bahay ko ba to?”
“ Oo nga bakit sya?” saad ni Kent.
“ Uhm nahihilo ako eh.”
“ Fine.” saad ko saka kinuha yung pitsel.
“ Kaya mo ba gago?”
“ Oo naman, wait kukuha lang ako ng ice. Tatagay pa ko huh.” ngiti ko, aktong lalagpasan ko si Calix ng bigla niyang dakutin yung harap ko, natawa lang ako saka hinawi yung kamay niya.
“ Nanggagago ka ba talaga huh?!” banta dito ni Kent.
“ Tangina kent, kalma lang, hawak lang eh Kuha na ko ng ice.” ngiti ko saka naglakad papunta sa kusina.
“ Tangina mo Ethan gago ka!” habol pa ni Kent, natawa lang ako. Shit nahihilo talaga ko, bakit ba ganito nararamdaman ko, haixt hindi talaga ko masanay sanay sa pag iinom, malapit na ko sa kusina nun ng maramdaman ko na maduduwal ako, oh shit! Tangina naman hindi ko bahay to, hindi ako pwedeng sumuka.
SI MARK
Ilang sandali ko lang tinitigan yung pagkain na nasa harapan ko ng maalala yung mga sinabi ni Kent, Haixt Isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
Magisa lang akong kumakain sa Dining area nun, rirnig na rinig ko yung tawanan nila Kent sa sala habang nagiinuman kasama si Kuya Harvey, di niya ko mamahalin? Damn. Para yung paulit ulit na nageecho sa tenga ko.
Tinuon ko lang yung atensyon ko sa pagkain ng makita si Ethan habang may hawak na pitsel. Nakailang bote na sila ng alak, hindi ko naman kayang sumabay sa kanila dahil hindi ko pa naranasan makipaginuman. Pinipilit nila ko pero tumanggi ako, hinayaan naman ako ni Kuya kaya pumunta nalang ako sa kusina para maglinis at mag ayos ng mga gamit.
“ Ice?” Tanong niya, tinuro ko naman yung kusina saka sumubo ng pagkain. Ilang sandali pa ng bumalik sya saka tumigil sa harap ko.
“ Hoy okay ka lang, sali ka samin.”
“ No Thanks, hindi ako umiinom eh.”
“ Hindi ako naniniwala.” saad niya.
“ lasing ka na ata?”
“ Mamatay ka man hindi ka umiinom?”
“ Umiinom ako pero iba, yung iniinom niyo kasi.”
“ Pang kanto? Ah okay naiintindihan ko na, mga wine lang ba iniinom mo?”
“ Yeah.”
“ Ano may nangyare na ba sa inyo ni Kent?” tanong niya, nag angat naman ako ng tingin dahilan para magtama yung mata naming dalawa. “ Meron na?”
“ Wala pa.”
“ Saklap!” natatawang saad niya saka umupo sa tabi ko at hinimas yung likod ko. “ Okay lang yan, mas gwapo naman ako kay kent eh atleast ako natikman mo di ba.” ngiti niya, napalunok lang ako ng mapagmasdan yung mga mata niya na namumungay na.
“ Balik ka na dun.”
“ Masakit magsalita yun si Kent kaya malamang yung mga sinabi niya sayo, sobrang sakit.. Wag mo nalang pansinin, ganun lang talaga yun.”
“ Yeah sure.” pilit an ngiti ko, nagkbit naman sya ng balikat saka tumungo sa mesa pero sakin parin nakatutok yung tingin niya. Tila namagnet naman yung mata ko sa mukha niya, bakit ba ganito sya kagwapo.
“ Malakas sex appeal ni Kent pero mas gwapo ako, mas maganda katawan niya pero mas malaki naman yung alaga ko, hindi ko naman siguro kokontra di ba?” ngiti niya, nag init naman yung mukha ko kaya tumungo ako hanggang marinig ko yung mahinang tawa niya habang nakatingin sakin.
“ Ang cute mo talaga, saka yang lips mo.” saad niya saka inabot yung labi ko, hinayaan ko lang sya ng dumikit yung daliri niya. “ Ilang araw akong hindi pinatulog ng punyetang labing yan.”
“ Ethan you’re drunk.”
“ I know.”
“ Balik ka na dun.”
“ Di ko alam kung bakit ayaw sayo ni Kent, hindi ko alam kung bakit hindi ka niya gusto, bakit ako..gusto kita?” ngiti niya, napalunok lang ako. “ Bakit kasi hindi nalang ako?”
“ Huh?”
“ Ah wala, matutunaw yung ice.” ngiti niya saka tumayo, nakakailang hakbang na sya ng muli syang lumingon saka nagbigay ng isang matamis na ngiti.
“ Ethan lasing ka na.”
“ Oo nga eh.”
“ Uhm..kailangan mo na atang magpahinga?” pilit na ngiti ko pero muli lang syang humakbang papalapit sakin, hindi naman ako lumingon habang nakatayo sya sa gilid ko.
“ Mark?”
“ Uhm?”
“ Lasing na ako.” saad niya dahilan para tumingala ako, nakita ko lang na nakatingin sya sa pader at hindi sakin. “ Baka marape ako ng isa sa mga bakla dun, ayoko? pwede ba ikaw nalang gumahasa sakin?” saad nya, napanganga lang ako ng magbigay sya ng isang matamis na ngiti. “ Please?”
“ What?”
“ Tangina lasing na ko.” iling niya saka nasapo yung mukha niya. “ Ano ba tong sinasabi ko.”
“ Matutunaw na yung ice mo, lasing na ba si Kuya?”
“ Ewan. Bakit kasi ako inutusan ng kuya mo sa ice na to eh, Haixt balik na nga ako dun.” simangot niya pero di sya humakbang.
“ Lasing ka lang.” saad ko saka tumayo at sinimulan iligpit yung pinggan na kinainan ko.
“ Oo lasing ako, pero.”
“ Alam mo shut up Ethan, konti nalang mapapatawa mo na ko.” irap ko sa kanya.
“ Huh?”
“ Wala sabi ko bumalik ka na dun, matutunaw na yang ice.” saad ko saka tumalikod at dumertso sa sink. Sinimulan ko lang hugasan yung kinainan ko saka nilagay sa lagayan, nang humarap ako nakita ko lang syang nakatayo parin sa kinatatayuan niya habang nakatingin sakin.
“ Alam mo Mark, ewan ko sayo.” iling niya.
“ Why?”
“ Wala, balik na nga ako dun.”
“ Uhm teka, gusto mo pa ba uminom?”
“ Uhm gusto pa, ang sarap maginom kapag tangina yung nararamdaman mo eh, sali ka na kasi?” ngiti niya, halatang halata sa mukha niya nun yung tama ng alak pero bakit hindi man lang nabawasan yung kagwapuhan niya.
“ Uhm can we take a walk?”
“ Ngayon?”
“ Yeah, Gusto ko lang sana ng kausap at tingin ko ikaw yung masarap kausap ngayon.” ngiti ko sa kanya.
“ bakit naman?”
“ Kasi lasing ka.” saad ko saka lumapit sa kanya at kinuha yung hawak niyang pitsel at nilagay sa mesa. “ Tara?” hila ko sa kanya papunta sa isang pinto sa gilid kung saan pwede dumaan palabas ng bahay ng di napapansin sa sala.
“ Hoy san mo ko dadalhin, tangina dahan dahan nahihilo ako eh.”
“ Gusto ko lang huminga.”
“ Hangin ba ko?”
“ Eh kasi alam ko hindi ako sasamahan ni Kent eh kaya ikaw nalang.”. Saad ko, nagkibit naman sya ng balikat. Napangiti lang ako ng makalabas kami ng gate ng hindi napapansin ng mga tao sa loob. Alas tres na nun ng madaling araw kaya wala ka ng makikitang tao sa kalsada.
“ Saan ba tayo pupunta?” tanong niya ng magsimula akong maglakad. “ Nahihilo ako seryoso.” saad niya. Natawa lang ako ng pagmasdan sya habang hawak yung noo niya. “ Tangina wag kang tumawa nahihilo talaga ko.”
“ Si Kent, ano kaya itsura niya kapag sobrang lasing?” ngiti ko, nagkibit lang sya ng balikat. “ Hindi mo pa sya nakitang lasing?”
“ Mas nauuna akong nalalasing sa kanya, minsan naabutan ko nalang syang tulog.” saad niya. “ San ba kasi tayo pupunta?”
“ Maghahanap ng tricycle.” lingon ko sa kanya.
“ Eh san ba tayo pupunta?”
“ Magjo-jogging?”
“ What?”
“ Nakashoes ka naman eh saka.”
“ Mukha ba kong nakajogging outfit?”
“ Uhm hindi pero basta sumunod ka nalang.” ngiti ko. “ Please sana may tricycle.” bulong ko, nang tingnan ko si Ethan kita ko lang yung pagtataka sa mukha niya.
“ Ang sakit ng ulo ko, ang alam ko dahil sayo to eh.” saad niya.
“ What?”
“ Wala! Ano nga uli hinihintay natin?”
“ Tricycle.” ngiti ko.
“ Yun oh?” turo niya sa isang tricycle na papunta sa dereksyon namin. “ Nahihilo ako tangina, san ba tayo pupunta?”
“ Yes!”saad ko saka humarang sa gitna ng kalsada.
“ Baliw ka ba?” ngiwi niya.
“ Hindi ah, kung di lang ako duwag baka di kita sinama kaya shut up nalang Ethan pwede?”
“ Ewan.” npapakamot na saad niya, hanggang huminto yung tricycle, agad ko naman syang hinila pasakay sa loob nito. “ San ba kasi?”
“ Manong sa lugar po kung saan nagkikita ang buwan at ang araw.” saad ko, napanganga naman si ethan, yung driver naman napatingin sakin habang nagkukuskos ng mga mata niya.
“ San yun iho?”
“ Just kidding manong, drive lang po kayo , ituturo ko po yung daan.” ngiti ko saka sumandal sa upuan, nang tingnan ko si Ethan nakita ko lang yung titig niya sakin. “ What?”
“ Uhm, nawawala pagkalasing ko dahil sayo tangina..”
“ Nawawala na?”
“ Uhm pero nahihilo parin ako.” ngiti niya natawa naman ako saka tinuon yung tingin sa kalsada. Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung pagsandal ng ulo niya sa balikat ko. “ Pasandal lang.”
“ Di ko maimagine na gagawin yan ni Kent? Pero sana one day magkaroon din kami ng ganitong moment.” bulong ko.
“ What?”
SI ETHAN
Ramdam ko yung hilo ng mga oras na yun dahil sa espiritu ng alak na nasa katawan ko pero tila nawala yung epekto nito dahil kay Mark, tangina bakit ba kami magkasama ngayon?
Nakangiti lang sya habang umaandar yung tricycle na sinasakyan namin, alam ko pinatikim sya ni Kent, hindi ng katawan kundi ng mga masasakit na salita, haixt kilala ko si Kent kapag sinabi nung ayaw niya, sandamukal na mura matataanggap mo sa kanya. Kasalanan ko kung bakit sya nasaktan ngayon, kung hindi ko sana pinilit si Kent na pumunta sa kwarto niya baka mas naging okay yung gabi niya.
“ Yes, we’re here.” ngiti niya saka ako tinulak para bumaba. Kung nasaktan sya ni Kent kanina pano niya nagagawang ngumiti? Pano niya nagagawang tumawa? Ganun ba sya kagaling magtago ng nararamdaman? Abnormal.
“ Dahan dahan naman.” Simangot ko pagbaba. “ Lasing kaya ako?”
“ Sorry, Bayad ka na.”
“ What?”
“ Wala akong dalang pera.”
“ Mark nababaliw ka na ba?”
“ Basta magbayad ka na.” ngiti niya saka tumalikod, napatingin naman ako sa driver na halata na yung inis sa mukha.
“ Manong may pangbayad ako.” saad ko saka dumukot sa bulsa ko ng bente. “ Okay na po ba yan?”
“ Oo okay na.”
“ Okay po.” saad ko, pinaandar naman nito yung tricycle. Haixt nasaan ba ko? Nilibot ko lang yung tingin ko sa paligid nakapadilim ng lugar pero dahil sa mga poste ng ilaw ay makikita mo parin yung daan.. “ Aakyat ba tayo ng bundok?”
“ Yeah, tara na?” ngiti niya sakin.
“ Nang ganitong oras?” ngiwi ko.
“ Yeah, tara na.” hila niya sa kamay ko saka nagsimulang maglakad paakyat sa matarik na kalsadang yun, hindi ko naman mapigilan pagmasdan yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko, damn bakit ganito kabilis yung tibog ng puso ko, parang gusto nitong kumawala ng mga oras na yun. “ Gulo gulo na yung buhok mo Ethan, pero gwapo ka parin huh.” saad niya saka binitawan yung kamay ko, nahawakan ko naman yung buhok ko.
Bakit parang ayoko na bitawan niya yung kamay ko? damn nagmamahal na ba talaga ko?
Shit eh bakit sya?
Halos nabibilang ko palang yung hakbang ko ng maramdaman ko na yung hingal at higit sa lahat yung kakaibang ikot sa sikmura ko, shit.
“ Okay ka lang.”
“ Nasusuka ako.”pilit na ngiti ko.
“ Sa gilid?” turo niya sa gilid ng kalsada pero naibuga ko na yung laman ng bibig ko. Agad naman syang lumapit sakin saka hinimas yung likod ko.
“ Tangina naman kasi, lasing ako tapos-”
“ Shut up, sumuka ka lang.” saad niya.
Nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung init ng palad niya sa likod ko, damn damn! Bakit ba ganito yung epekto sa katawan ko ng init na nagmumula sa kanya, tila hinahalukay yung kalamanan ko. “ Okay na?” saad niya, lumingon lang ako sa kanya na may ngiti sa labi saka marahang tumango.
Pagkatapos sumuka ay naglakad na ko paakyat, haixt sobrang pait ng panlasa ko ng mga oras na yun, sing pait ng nararamdaman ko sa hayop na Mark na to!
“ Kaya pa?” ngiti ni Mark.
“ Tangina hindi mo naman sinabi na ganito kataas yung aakyatin natin?” saad ko saka umupo sa kalsada.
“ Ano ba yan, stand up? Malayo pa aakyatin natin?”
“ Seriously?”
“ Yeah, tara na.” hila niya sakin, humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod sa kanya.
“ Nawala na yung alak sa katawan ko, nailabas na sa pamamagitan ng pawis at suka.” saad ko natawa naman sya sabay lingon sakin, ilang sandali naman akong natigilan ng mapagmasdan yung mukha niya. Pawisan na rin sya, halos may tumutulo naring pawis sa mukha niya pero kahit konti hindi yun nakabawas sa itsura niya, tingin ko mas lalo pa syang gumawapo sa paningin ko, naguyuma kaya ako ng hayop na to? O nasarapan lang talaga ko sa kanya? haixt.
“ Kaya pa?” untag niya sakin.
“ Yeah.” saad ko saka binilisan yung paghakbang hanggang malampasan ko sya. “ Bilisan mo.”
“ Teka?” habol niya sakin, pano niya ba nagagawang ngumiti na parang walang nangyare? Haixt tao ba sya?
Ilang minuto na kaming naglalakad paakyat nun ng huminto ako saka humiga sa kalsada sa tapat ng isang poste ng ilaw. Natatawa namang umupo si mark sa gilid ko. “ 2 years ago nung huli akong umakyat dito.”
“ Talaga?”
“ Yeah, hindi ko alam kung may nagbago ba sa daan o talagang mas mabilis na ko mapagod ngayon.”
“ Wala man lang kasi tayo stretching, warm up? Shit nanginginig na yung tuhod ko oh.” saad ko saka umupo at pinakita sa kanya yung tuhod ko. “ Tangina naman kasi sabi ko gahasain mo ko hindi ko naman sinabi na pagurin mo ko.”
“ Whatever Ethan, hindi ka naman serious sa sinabi mo kanina di ba?”
“ Anong sinabi ko?”
“ Na gusto mo ko?” saad niyang hindi nakatingin sakin, napalunok lang ako saka tumayo at pinagmasdan yung lugar. Nasabi ko ba na gusto ko sya, parang hindi naman? Teka? Nasabi ko? Ako sasabihin yun? Pero parang? Ay shit!
“ Shit!” manghang saad ko ng mapansin ko yung ganda ng tanawin, kitang kita yung mga ilaw sa baba, kahit malayo ka maririnig mo parin yung mga sasakyan na dumadaan sa highway. “ Ang ganda?” kunwaring nganga ko, haha shit sinabi ko ba talagang gusto ko sya? Tangina mo Ethan, kay kent sya di ba? Haixt bwiset.
“ Wala pa yan, tara na akyat na tayo.” ngiti ni Mark saka tumalikod at muling humakbang paakyat, ilang sandali ko naman syang pinagmasdan habang nakatalikod at naglalakad. “ Ngayon ka lang ba nakapunta dito?” lingon niya.
“ Yeah.” saad ko saka sumunod sa kanya.
Tantya ko halos inabot din kami ng isang oras sa paglalakad, kasama na yung bawat pagtigil ko at paghiga sa kalsada. Haha, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na to.
Ngayon lang.
Ilang sandali pa ng may matanaw akong isang pabilog na estraktura at sa tuktok nito ay isang puno.
“ What’s that?”
“ Duhat tree.” ngiti niya saka tumakbo papunta dito. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya hanggang makita ko syang umakyat sa hagdan. Tumingala naman ako para mapagmasdan yung lugar na yun, may ganitong lugar pala sa bayan na to?
“ Ethan tara na?” tawag niya sakin.
“ Hindi ba bawal umakyat jan?” sigaw ko sa kanya.
“ Hindi, tara?” sigaw din niya, napabuntong hininga lang ako saka nagsimulang umakyat, bawat hakbang na ginagawa ko hindi ko mapigilang tumanaw sa paligid, napakaganda ng lugar na yun, yung city lights, yung lawa na karugtong ng laguna de bay, yung malawak na bukirin sa bayan na yun, yung mga ilaw ng building na matatanaw mula sa lungsod. Tila ito isang paraiso na ginawa sa lupa,
Parang nasa tuktok ka ng mundo at matatanaw mo lahat ng gusto mo makita.
Nang makarating ako sa tuktok ng estrakturang yun nakita ko lang si Mark na nakadipa habang nakatingala sa langit, nang sundan ko yung tingin niya lalo lang akong napanganga ng mapagmasdan yung mga butuin na tila naging kisame namin ng mga oras na yun, nilibot ko lang yung tingin ko sa kalangitan at pinagmasdan yung di mabilang na butuin na tila hindi nauubusan ng kislap ng mga oras na yun, yung bilog na bilog na buwan na tila nagsilbing ilaw sa lugar na yun.
Kaming dalawa sa ilalim ng napakagandang kalangitan.
Parang biglang tumigil yung oras ng matuon yung tingin ko kay Mark, nakapikit na sya pero may ngiti sa labi, basang basa ng pawis yung sout niyang tshirt dahilan para makita ko yung hulma ng katawan niya.
May lugar bang ganito? Or should I say may mundo bang ganito? Bakit ng mga oras na yun para kaming nasa ibang mundo ni Mark, Mundo na para saming dalawa lang.
“ Sabi nila magical daw itong place na to.” lingon niya sakin habang may ngiti sa labi, hindi ko naman mapigilan yung sarili kong pagmasdan sya. “ Sa lugar na to kasi, titigil daw ang mundo kapag yung taong mahal mo ang kaharap mo, mas makislap ang tingin mo sa mga stars, hindi mo mararamdaman yung paligid, Dun lang sa taong yun nakatuon yung paningin mo.” saad niya.
Tila natuon lahat ng atensyon ko nun sa bawat buka ng bibig niya, yung boses niya na tila naging napakagandang musika sa pandinig ko.
“ Parang sa mga movie? iikot yung camera, dahan dahan, Nakafocus lang sa inyong dalawa yung scene, macacapture sa camera yung mag stars na saksi sa tagpong yun, makikita sa mata mo yung repleksyon ng ganda ng langit habang nakatingin ka sa taong mahal mo, taong laman ng puso mo, magiiwan ng pangako, pangako na sa bawat araw na darating magiging masaya ang isa’t isa.” ngiti niya.
Oh shit, pano niya nahulaan yung pakiramdam ko ngayon? Maligno ba sya?
“ Alam mo Ethan pangarap ko madala dito si Kent.” saad niya na nagpabalik sa ulirat ko.
Kent, tangina Kent uli! Haixt. Parang movie? Tangina movie na biglang may umekstrang epal. Haixt bakit ba puro Kent nalang sya! Haixt! Bwiset bwiset, tumalikod lang ako saka sumimangot.
“ Ang ganda di ba?” rinig kong saad niya.
Napakamot lang ako sa ulo saka tumanaw sa paligid.
Panira ng moment tong hayop na to eh, mahal ko na sya! Damn mahal ko na si Mark? Tangina!
“ Lasing ka pa ba?”
“ Konti nalang.” iwas ko ng tingin.
“ Ganun, ang ganda dito noh?”
“ Yeah, Sobra.” saad ko, nang lumingon ako sa kanya kita ko lang yung ngiti niya. “ Alam mo ba na dinala ko dito yung first love ko?”
“ First love?”
“ Yeah.”
“ Si Sofhie?”
“ Nope, Si Nicko.” saad niya habang nakatanaw sa paligid.
“ Nicko? Lalake?”
“ Yeah, saklap noh pero alam mo Ethan minahal ko yun pero iba yung mahal eh.”
“ Saklap nga.” sarkastikong saad ko. Sing saklap ng sitwasyon ko, teka mahal ko na ba sya? Haixt ewan! “ Nasaan na yung nickong yun ngayon?”
“ Kasama na yung mahal niya.”
“ I see.”
“ Gusto mo malaman dream ko?”
“ Dream? Makasex si Kent?” payak na saad ko, kita ko naman na namula sya. “ Opps joke lang.”
“ Uhmm haixt dream ko? Mahalikan yung taong mahal ko sa lugar na to.”
“ Ayaw mo yung taong mahal ka?”
“ Huh?”
“Ah okay yung taong mahal mo, kiss dito? Under the stars? Wow that’s so sweet.” plastic na ngiti ko, natawa lang sya.
“ Lasing ka pa ata eh?”
“ Hindi na, bakit mo ba ko sinama dito?”
“ Uhm natatakot kasi ako pumunta magisa ng ganitong oras eh.” ngiti niya saka umupo sa gilid habang nakaharap sa puno na nasa sentro ng lugar na yun, umupo naman ako ilang dipa ang distansya sa kanya saka sumandal sa pader at pinagmasdan din yung puno.
“ Mukhang patay na yung puno.” saad ko.
“ Nope, tingin ko may magic din yang punong yan.”
“ Bakit naman?” lingon niya.
“ Kasi may panahon na punong puno sya ng dahon, may panahon na kahit isa wala kang makikita, sabi nila yung punong yan, inaabsord lahat ng nararamdaman ng mga taong pumupunta dito, kung mas marami yung masayang pumupunta dito, makikita mo yung hitik na mga dahon at bunga pero kapag mas marami yung malungkot, aakalain mong patay na puno sya.”
“ May ganun?”
“ Yeah, simula bata pa ko nanjan na yang puno na yan at kahit nasa tuktok sya at napakadami ng bagyo yung dumaan kahit isang beses di sya natumba.”
“ tatag?”
“ Sobra, kaya nga sobrang positive ako kasi itong punong to nasa taas sya pero magisa, magisa pero hindi sumusuko, patuloy na nabubuhay, patuloy na naghihintay.”
“ Naghihintay ng alin?”
“ Muling tumubo yung mga dahon at umusbong yung panibagong bulaklak na magiging hitik na mga bunga.” saad niya, nang lumingon ako sa kanya kita ko lang yung ngiti niya sa labi. “ Naghihintay, maghihintay.” seryosong saad niya.
“ Dami mo alam.” natatawang saad ko saka tumingala at pumikit. “Si Kent, kailan ka susuko sa kanya.” saad ko.
“ Di ko alam.”
“ Di mo alam na alin?”
“ Kung susuko ba ko, mahal ko si Kent eh.”
“ Kahit sinasaktan ka na niya.”
“ Hindi ko alam kung.. Gunoon na ba ko kamanhid o sadyang sanay na ko masaktan.” mapait na saad niya, dahan dahan ko naman dinilat yung mata ko. “ Kailan kaya ako sasaya, kailan kaya ako mamahalin ng taong gusto ko?” saad pa niya dahan dahan lang akong lumingon sa kanya. “ Mahal ko talaga sya Ethan eh.” lingon niya dahilan para magtama yung mata naming dalawa. “ Ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko, ngayon lang.”
“ Ako rin.” bulong ko pero alam ko na hindi niya yun narinig, muli lang akong pumikit at tumingala dahil alam ko na nagsisimula na mamuo yung luha sa mata ko.
“ Tinatanggap ko na sa sarili ko na bakla talaga ko, hiwalay na rin kami ni Sofhie.” saad pa niya, agad ko lang pinunasan yung luhang tumulo sa gilid ng mata ko. “ Kaya ngayon hindi ko na alam..”
“ Di mo alam na alin?”
“ Kung kaya ko bang sumuko, kung kaya ko bang tanggapin na baka nga si Kent hindi ako kayang mahalin, sinugal ko yung relasyon namin ni Sofhie for him kaya hindi ako basta basta susuko.” saad niya. “ Sobrang unfair ng mundo noh?”
“ Sobra.” mapait na saad ko.
“ Gusto mo lang naman maging masaya, pero bakit napakahirap.”
“ Kasi hindi naman lahat ng gusto mo, makukuha.”
“ Wala naman akong ibang gusto, just want to be happy. Ako at sya?” rinig kong saad niya, nakagat ko lang yung labi ko.
Eh pano yung ako at sya? Yung ako para sa kanya? Yung sya na gusto ko ng maging akin?
SI KENT
Natawa lang ako ng makita si Calix habang mahimbing ng natutulog, si Jillian naman ay tuloy parin sa pagtagay habang walang tigil sa kakakwento at pagtawa, halata na yung pagkalasing niya, aixt para syang si Russel.
“ Hoy hindi ka nagkukwento?” untag niya sakin sabay abot ng tagay.
“ Wala naman akong ikwekwento, Si Harvey hindi na bumalik?”
“ Baka tulog na yun, eh yung kaibigan mo?”
“ Baka umuwi na, ganun yun eh ninja.”
“ Ninja?”
“ Biglang nawawala kapag lasing na.” ngiti ko saka sumandal sa upuan. “ Lasing na yung kaibigan mo.”
“ Mabilis naman malasing yan eh.” ngiti niya. “ Ayoko na, suko na ko.”
“ Bakit?”
“ Hindi ka pa ba lasing? Ay day hilong hilo na ko pano pa kita marerape kung parang hindi ka naman tinatamaan?”
“ Gago, lasing na ko pero hindi ako yung tipong narerape kapag lasing.” sarkastikong saad ko. Natawa lang ako ng tumayo sya saka pabagsak na nahiga sa tabi ni Calix.
“ Ayoko na, matutulog na talaga ko.” Saad pa niya, Napagmasdan ko naman yung itsura niya, tangina hawig nga sya ni Russel, may lahi sigurong bakla yung gagong yun.
“ Tulog na sila?” rinig kong saad ni Harvey.
“ Bagsak na eh.” saad kong di lumingon sa kanya, muli lang akong nagsalin ng alak saka muling tumagay. “ Gusto mo pa tumagay?”
“ Ayoko na, bubuhatin ba natin yang dalawang yan o dadalhan ko nalang ng kumot?” natawa lang ako ng payak.
“ Silaban mo gago.”
“ Fuck you.” natatawang saad niya saka muling umakyat sa hagdan, ilang sandali pa ng marinig ko yung tunog ng isang cellphone, di ko na sana papansinin pero gumalaw si Calix saka kinuha yung cellphone sa maliit na bag niya saka to sinagot.
“ Pauwi na ko kuya dale.” saad niya habang nakapikit, natigilan naman ako.
Dale?
Tumayo lang ako saka kinuha yung cellphone sa kamay niya at tinapat sa tenga ko.
“ Calix, sabing umuwi ka na eh, anong oras na ah!” inis na saad sa kabilang linya.
“ Kamusta Dale.” saad ko. Ilang sandali na wala akong narinig sa kabilang linya. “ Kasama ko si Calix ngayon, enjoying each other.”
“ Who are you?”
“ Nakalimutan mo na agad?”
“ Sino ka nga?”
“ It’s me, Andrei.” saad ko.
“ Andrei? Okay, ah okay. Susunduin ko si Calix nasaan kayo?”
“ Nageenjoy kami bakit mo sya susunduin eh.” sarkastikong saad ko.
“ Damn it! Nasaan kayo?” gigil na saad niya, natawa lang ako ng payak. “ Andrei wag si Calix.”
“ Anong wag si Calix?”
“ Damn, patay na si Russel di ba?”
“ Ngayon mo lang ba nalaman? Seryoso?”
“ Wala silang sinabi samin na wala na si Russel, damn kung gaganti ka sakin, sakin nalang wag kay Calix.”
“ Sinong nagsabing gaganti ako? Pinapaligaya ko nga si Calix eh.”
“ Shit!” gigil na saad niya, Napailing lang ako.
“ Masyado kang mainit Dale, wag kang magalala hindi ako katulad mo. Nandito sya kala Mark, naginuman lang kami.” natatawang saad ko. “ Bakit naman ako sa kanya gaganti, dalawang taon na yun at kinalimutan ko na yun, paranoid ka lang gago ka.” payak na saad ko saka pinatay yung cellphone at binato kay Calix. Tangina niya, gaganti ako pero hindi ngayon.
Muli lang akong nagsalin ng alak saka agad tong tinunga.
“ Sino yung kausap mo sa phone?” saad ni harvey saka kinumutan yung dalawa.
“ Demonyo.” sarkastikong saad ko saka tumayo at tinungo yung daan palabas.
“ San ka pupunta?”
“Uuwi na.”
“ Teka.”
“ Bakit?”
“ Wala si Mark?”
“ Eh paki ko, baka nagpakamatay na!” saad ko saka lumabas ng pinto at tumuloy palabas ng gate, Igaganti ko si Russel, igaganti ko sya at gagawin ko lahat wag lang madamay si Mark.
Nagsimula lang akong maglakad, ramdam ko yung hilo pero hindi nito apektado yung kilos ko.
Ilang metro na yung nalalakad ko ng may pasalubong na kotse akong nakita hanggang tumigil to sa gilid ko.
“ Nasaan si Calix?” natawa lang ako ng payak ng mapagmasdan si Dale, Dalawang taon? Dalawang taon na simula nung kinuha si Russel dahil sa kanya.” Nasaan si Calix?”
“ Sa bahay ni Mark.”
“ Bakit sya nanduon?”
“ Malay ko?”
“ Andrei kung may balak kang masama wag mo na ituloy, pader yung babanggain mo kaya wag mo na subukan.” Seryosong saad niya, Pader? Pader na sabik sa titi. Tangina niya!
“ Really.” sarkastikong ngiti ko.
“ Please?”
“ Di ba sabi mo excited ka na sa susunod natin sexcapades? Excited din ako dun.” ngiti ko, kita ko naman yung titig niya sa mukha na tila binabasa kung ano yung iniisip ko. “ kung iniisip mo si Russel, tangina isa lang yun sa mga bakla ko at wala akong pakialam kung namatay sya, atleast naranasan niya makantot di ba.”
“ Pero di ba?”
“ Isa lang sya pinerahan ko, actually kinantot ko sya at yung perang binigay mo sa kanya? Yun yung binigay niya sakin.” ngiti ko. “ Paano mo naisip na gaganti ako? SI Russel? Damn wala akong paki sa kanya.” saad ko saka umiwas ng tingin. “ Una na ko.”
“ Wait?” saad niya kaya tumigil ako sa paghakbang. “ Are you serious?”
“ Saan?”
“ Sa sexcapade?”
“ Oo naman, masarap kumantot kapag tama yung presyo.”
“ I see, can I have your number?”
“ Kita nalang tayo sa simbahan, every sunday tumutugtog kami ni Ethan, una na ko sobrang antok.” ngiti ko saka naglakad, isang payak na ngiti lang yung pinakawalan ko habang naglalakad, wawasakin ko yung pwet niyang tangina sya.
Ipaparanasan ko sa kanya kung paano ang babuyin.
SI ETHAN
Naalipungatan lang ako ng maramdaman yung kung anong kumakagat sa paa ko kaya agad akong napatayo.
“ Shit! Langgam!” inis na saad ko saka hinubad yung sapatos ko at pinagpag. Natigilan lang ako ng mapansin yung tinatapakan ko, teka? Nasaan ako? Nang ilibot ko yung tingin ko nakita ko lang si Mark na mahimbing din na natutulog sa gilid habang nakasandal sa pader.
“ Mark.” tawag ko sa kanya. Napakamot lang ako, oo nga pala magkasama kami kanina, Nawala na yung pagkalasing ko dahil sa pagakyat namin sa letseng bundok na to.
Napabuntong hininga lang ako saka nilibot yung tingin ko sa buong lugar.
Unti unti nang kinakain ng liwanag yung kalangitan.
Lugar kung saan nagkikita ang buwan at ang araw?
Tumingala lang ako saka hinahap yung bilog na buwan na kanina ay sobrang liwanag ang dala, hanggang mahagip to ng mata ko.
Wow
“ Mark wake up!” saad ko pero wala pa din sagot mula sa kanya. “ Aixt I said wake up?”
Nang lumingon ako ay mahimbing parin syang natutulog.
Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng mapansin yung unti unting pagsilip ng araw sa kanluran, oh shit.
“ Mark wake up, you need to see this.” saad ko. “ Shit hindi ka ba talaga magigising?” napapakamot na saad ko saka lumapit sa kanya saka lumuhod sa gilid niya.
Aktong hahawakan ko sya ng matigilan ako ng mapagmasdan yung mukha niya ng ganung kalapit, nang ganun kaliwanag, nang ganun kalinaw, yung makinis niyang mukha, yung mapupulang labi. Yung mahabang pilik mata.
Tanging paglunok lang yung nagawa ko ng mga oras na yun, oh shit ang pangit parin ng panlasa ko haixt!
Gusto ko sya hawakan pero bakit parang,, damn! Hindi ko na maintindihan sarili ko.
“ Mark.” bulong ko, napalingon lang ako ng tumama na sa mukha ko yung sikat ng araw. “ Ang hirap mo talaga gisingin noh?” saad ko saka dahan dahan dinala yung palad ko sa mukha niya saka to masuyong hinaplos.
Ilang segundo ang lumipas pero nanatili akong nalaluhod sa gilid niya, pinagmamasdan ko lang sya pero parang ayoko na umalis sa pwestong yun. Di ko ramdam yung ngalay, di ko ramdam yung palligid, parang pagmasdan ko lang yung napakaaamo niyang mukha sapat na.
Mark oh Mark ano bang ginawa mo sakin?
Unti unti parang may nagtutulak sakin para ilapit ko yung mukha ko sa kanya, hanggang magtapat yung mukha namin, nanatili akong nakadilat pero nang magdikit yung labi namin parang may sariling buhay yung mga mata kong sabay na pumikit.
Dinama yung labi niya.
Sana panaginip lang to, panaginip ka lang Mark.
Sa panaginip nalang kita mamahalin, kasi dun akin ka.
Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung kamay niya sa batok ko kasabay nun ay yung pagsagot niya sa halik na yun.
ITUTULOY
AUTHORS NOTE: Guys thanks sa lahat ng prayer and sa support of course! Hehe may pwersang pumipigil sakin sa update kailangan ko na ata ng tulong ni goku! Chos lang hehe. Ayoko na mangako pero hopefully makapagupdate na ko ng super regular, sa mga nagcocomment oh my god guys! Di niyo alam kung gaano kalaking tulong ginagawa niya para ganahan akong magsulat kaya salamat.. Comment lang hehe mwuah mwuah.
Thanks sa new update mr author.
ReplyDeleteGanda talaga ng story.
Worth syang inaabangan.
Keepsafe.
-jomz r-
Yehey Mark and Ethan!!
ReplyDeleteLove you Nicko! Next plss
Marvs
Pagaling at magpalakas k p mr author.
ReplyDeleteThanks so much.
-jomz r-
Namiss ko ung duhat tree.. Galing mo talaga..sana sila mark at Ethan na lang.. Good job.idol.
ReplyDeleteAno ba yan, ang hina nmn dumiskarte ni Ethan, nagpapakatorpe p kasi. Sana lng hindi inaakala ni mark na sivKent yung humahalik sa kanya kaya nya sinagot yung halik. Thanks po sa update
ReplyDelete-RavePriss
iyun lang..., hehehe pero parang kent and mark... napansin moba yung sana lang wag madamay si mark...
DeleteGrabe na ito sana magkatuluyan na si Ethan at Mark!!! Hahaha nakakakilig yung last scene
ReplyDelete-44
Ang saklap talaga kapag yung taong mahal mo ay mahal namang iba. Napakasaklap.
ReplyDeleteHehehe sino nga pala yung Nicko na binanggit ni Mark dito sya rin ba yung nasa past stories mo author?
Pakipaalala naman sakin nagka-amnesia na ata ako na kahit ilang minuto ko ng iniisip kung sino si Nicko ay hindi ko maisip o hindi ako sure kung tama b yung naiisip kong Nicko.
Mark c ethan nalng.. Totoo mag mahal
ReplyDeleteGaling talaga ni bluerose! Nice update... sana si ethan na hahaha. Thank you
ReplyDeleteLove the flow of the story
ReplyDelete-Marlon
im miss the duaht tree.. hahaha.. nice one.. thanks sa update.. ganda talaga nang mga stories mo IDOL
ReplyDelete-Gab
thanks sa update.. ;)
ReplyDeletesana si mark at si ethan nalang ang mag kakatuluyan.. haha.. mas kinikilig ako sa kanilang dalawa eh.. hehe..
nice story Idol.. Love it..
P.S(next chapter please)
Nabitin ako dun ahh..Hehehehe grabe paganda ng paganda ang Kwento. .Nung Mag Comment ako sa Chapter 18 sabi ko sana Dalhin din ni Mark si Ethan sa Duhat tree. .At ito nga Nasa Duhat tree na sila..Sana Patikim din ni Mark kay Ethan yung Heaven at Hell Hehehehe. .Grabe sa Kilig ang Tambalang Ethan at Mark mas Bagay Talaga sila. Isang lihim na Umiibig at Isang Nangangarap Mahalin. hayysss Iba talaga ang Kilig pag Si Ethan at Mark ang Magka Eksena at Magkausap.Sana Sila nalang Talaga.. Author thanks po sa Napakagandang Story nyo. Maraming Salamat po Talaga.
ReplyDeleteYeheeyyyy..thanks for the update po....team Ethan na ako.....hahhhahaaa...sarap basahin....:)
ReplyDeletewow ,, so so so so love how the story goes on!!!, KUDOS po!
ReplyDeletehope na regular na yung update,, ito lang kasi binabasa ko pag avail time ko dito sa work hehehe :)
#GODBLESS
Torpe nman ni ethan!
ReplyDeleteNmiss ko tuloy si
KEITH ANTHONY CLEMENTE.
HaAaay
#LSDee
Sobrang ganda ng update. Sana mark + ethan nalng magkatuluyan :)
ReplyDeleteTnx sa update.
ReplyDeleteKeepsafe n GOD BLESS
nice update...., may chance pa yan si mark at kent..., pero iyun talaga umagaw ng pansin sa akin.., may balak kayang isama ni kent si mark sa sexscapade na may halong revenge...? tas magagalit si ethan....,
ReplyDeleteSa panaginip nalang kita mamahalin, kasi dun akin ka.~ Ito nag dala sa kwenyo hays
ReplyDelete