Followers

Saturday, January 9, 2016

'Unconditional' - Chapter 2

Hi, everyone! As promised, here is the second chapter.


Let me know what you think in the comments section. I'd really appreciate your feedback.


Thank you! :)



Chapter 2


The next day ay wala ako sa sariling bumangon at naghanda para pumasok. Kahit pa labag sa loob kong pumunta ng school ay wala na rin akong nagawa dahil sa pinilit ako ni Luke, at kinonsensya tungkol sa magiging mga consequences ng pag-aabsent ko ngayon. Kesyo malapit na daw ang finals period and pwede ko naman daw gamitin ang absences ko sa ibang pagkakataon.

Matapos ang nangyari kagabi ay sinundo nga ako ni Luke at sinabihang sa bahay na lamang nila ako magpalipas ng gabi, at huwag na doon sa dorm ko kung saan mag-isa lamang ako. Hindi daw makakabuti para sa akin iyon, ika niya. Ngunit alam kong sa loob-loob ko’y gusto lamang nito ng makakasama bilang palaging wala ang kanyang mga magulang sa bahay.

Nang sunduin niya ako ay unang tingin ko pa lamang sa kanya ay kitang-kita na sa mga mata niya ang pag-aalala, which was something I still find amusing, given that si Luke ay isa sa mga tao na hindi transparent sa mga emosyon niya. I must’ve looked like a total wreck when he saw me, because I did nothing but cry my heart out matapos tapusin ni Ethan lahat ng namamagitan sa amin.

Totoo ngang napaka-unfair, na napaka-selfish ni Ethan dahil ni hindi man lamang niya ako binigyan ng maayos na paliwanag kung bakit bigla-bigla na lamang siyang bumitaw after two years. Alam ko namang may mga pagkukulang ako, pero alam ko rin sa sarili ko na kahit papaano ay deserving ako sa isang maayos na paliwanag tungkol sa bigla-biglang nangyari kagabi. Hindi niya dapat ginawa sa akin iyon sa pamamagitan ng isang tawag lamang.

“Kain na.” casual na bungad sa akin ni Luke nang pumasok siya sa kwarto niya na may dala-dalang isang bowl ng cereal. Dahil sa mga nangyari kagabi ay hindi ko na nagawang kumain pa ng hapunan, kaya naman nang makakita ako ng pagkain ay agad ko itong sinimulang kainin. Habang kumakain ako ay tahimik lamang akong pinapanood ni Luke. He didn’t say anything, kahit kagabi. All he did was hold me until I stopped crying. Hindi siya nakialam, and I am so thankful to him for that.

Matapos kong maubos ang bigay niyang cereal ay naghanda na akong pumasok sa school. Nagawa ko man ang lahat ng kinakailangan bago ako pumasok ay hindi ko pa rin alam kung gaano ako kahandang makita si Ethan mamaya sa school.

“O, ano ‘to?” gulat kong tanong nang makita ko itong nakaupo sa kanilang hapag-kainan. Napansin ko ring mayroon ng totoong agahan ang nakahanda para sa dalawang tao. “Agahan. Alam ko namang hindi ka nagigising kung hindi ka nagkakanin,” ngiti niyang turan sa akin. “Nag-abala ka pa,” komento ko. “O, kakain ka rin? Hindi ba mau-upset stomach mo niyan?” dagdag ko pa dahil alam kong hindi siya ang tipo ng taong nag-aagahan. Sabi niya ay nasisira lamang ang tiyan niya kapag kumakain siya sa umaga.

“Hindi na rin ako nakapagdinner kagabi, eh,” pagdadahilan nito. “And you’re doing your gig tonight, right?” tanong niya na siyang nakapagpatahimik rin sa akin. “Oo nga pala. Nakalimutan ko,” sabi ko, mostly to myself. “Wala ka pang setlist, no? Want me to call Tita Reg? Pagpapaalam kita; I think maiintindihan naman niya kung hindi ka makakakanta mamaya,” si Luke.

“Okay lang naman… I’ll think of something,” sagot ko.

“Okay. Kain ka na!” ngiting pag-anyaya nito, isang senyales that he dropped the subject already.

“Lakas ko talaga sa’yo. Salamat,” nakangiti kong pahayag bago ako umupo at tuluyang kumain. Isa lamang kindat ang naging tugon niya.

--

I remembered the time I came out to Luke. It was awkward as hell, pero mas nakakagulat ang naging reaksyon niya.

Flashback.

Matapos kong paliguan ang aso naming si Chico ay umakyat na ako papunta sa kwarto para ako naman ang makaligo. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat na lamang ako nang madatnan ko doon si Luke sa harap ng computer ko. Agad naman siyang napabalikwas at doon ko nadatnan ang galit, pagtataka, at pagkalungkot sa mukha nito.

“Luke, nandito ka pala,” pagbati ko kahit pa naguguluhan ako sa reaksyon niya.

Bumuntong-hininga lamang ito at doon ko napansin kung ano ang tinitingnan niya sa monitor ko. Doon nanlaki ang mata ko.

“Luke, magpapaliwanag ako…”

“No. I can’t believe this! Ikaw…” galit na saad nito ngunit pinutol ko kung ano pa man ang sasabihin niya.

“Luke, if you can’t accept my sexuality, then… I guess hindi pala kita kaibigan,” nanghihina kong pagputol sa kanya na siyang nakapagpakunot ng noo niya.

“Anong pinagsasasabi mo? Kahit pa makapatay ka ng tao, tatanggapin pa rin kita. Ang hindi ko matanggap, kinwento mo ‘to kay Lora, pero sa akin hindi?! What the--,” paglilitanya niya tungkol sa nakita niyang facebook conversation namin ni Lora na siyang ikinagulat ko.

“Teka, you’re not mad because I’m gay?!” pagkumpirma ko dito.

Muli itong bumuntong-hininga.

“Syempre naman! 5 years old pa lang, magkaibigan na tayo. Kaya lalo akong naiinis kasi hindi ako ‘yung taong pinagkatiwalaan mong kwentuhan! I trust you with everything, lahat kinukwento ko sa’yo…”

“Natakot lang ako. Sorry, Luke,” paghingi ko ng tawad.

“Okay… so… Marco, huh?” pang-aasar nito na siyang ikinailang ko. Doon ay alam kong okay na kaming dalawa na siyang ikinaluwag ng dibdib ko.

--

“Ano?! Pero that doesn’t make sense! I mean, mahal na mahal ka ni Ethan...” hindi makapaniwalang reaksyon ni Janine matapos ikwento ni Luke sa kanya ang nangyari. Pinilit kong si Luke na lamang ang magkwento dahil hindi ko pa alam kung kakayanin kong magkwento at balikan ang mga nangyari noong nakaraang gabi without breaking down or being too emotional about it.

“Bakit daw? Anong sinabi niya? I was actually expecting na sabay kayo dadating ngayon, given that magkasama kayo dapat kagabi,” tanong naman ni Benj na siyang mahahalatang nabigla rin sa nalaman niya. Kaya namin malayang napagkwekwentuhan ang issue na ito ay dahil sa walang Ethan na nagpakita ngayong araw. At dahil doon ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako, malulungkot, o mag-aalala.

“Sabi ni Kyle... hindi daw nagbigay si Seb ng kahit anong reason; sinabihan lang daw siya na tinatapos na niya ang relationship nila.” paliwanag ni Luke.

“Well, mahirap paniwalaan... siguro may mas malalim na dahilan.” sabi ni Janine, mostly sa kanyang sarili. Lahat naman kami ay napaisip sa mga sinabi nito. My mind went into overdrive. Halos lahat ng mga pinagdaanan namin nitong mga nakaraang araw ay binalikan ko, umaasang makakita ng kahit isang clue na magbibigay sa akin ng impormasyon sa totoong dahilan ng pakikipaghiwalay ni Ethan sa akin.

Isa lamang ang bagay na naisip ko.

“Hindi kaya... dahil sa parents niya?” wala ko sa sariling sabi sa mga kaibigan ko. Maging silang lahat ay natigilan dahil sa narinig mula sa akin. “I mean, alam niyo naman na hindi sila boto sa akin. Siguro pinagsabihan nila si Ethan? Kilala ko siya... the last people he wants to disappoint is his family... Oh God, bakit hindi ko naisip ‘yon ng mas maaga...” salaysay ko.

“Pero, Kyle... pinaglaban ka niya sa mga magulang niya, and one way or another na-disappoint na ni Seb ang parents niya, kaya naman that will not change anything.” puna ni Janine, habang tahimik lamang ang dalawa pang lalaki naming kasama, na halatang nakikinig, at nag-iisip din kagaya ko tungkol sa mga nangyari kagabi.

“Pero you’ll never know. Maybe may sinabi ‘yung mga magulang niya that cracked him... and he had no other choice.” pagsingit ni Luke sa usapan. I just sighed in frustration, and told myself that I should get to the bottom of this. Kailangan kong makausap si Ethan at makakuha ng isang matinong paliwanag mula sa kanya.

Bigla kong naalala ang setlist na ginawa ko kanina habang papunta kami sa school. I let Luke drive para naman mas makapag concentrate ako sa pagco-conceptualize ng mga kantang ipe-perform ko mamaya. I’ve been doing this for a semester already, twice a week, pero kahit pa medyo nakasanayan ko na ang routine na ito, tila ba iba ang hirap na dinudulot nito sa akin ngayon given what happened last night.

“Here’s my setlist nga pala… for later,” sabi ko habang pinapakita ko sa kanila ang screen ng cellphone ko kung saan ko tinype ang apat na kanta na gagawin ko mamaya.

“Oh my God,” reaksyon ni Janine. “Ang sad naman lahat niyan, friend,” dagdag pa nito. “Really? Should I change anything?” nag-aalala kong reaksyon.

“No, it’s perfect. I can see and understand the reason kung bakit ganyan ang setlist mo mamaya,” pakikisimpatya ni Luke.

“Manonood ba kayo mamaya?” tanong ko kay Janine at Benj.

“Rain check. Depende what time kami matapos. GA namin, eh,” sagot ni Benj.

“Same. Family dinner, kakabalik lang kasi ni dad from Saudi,” si Janine.

“I’ll be there,” pagsingit ni Luke.

“Hindi ka naman tinatanong,” pagbibiro ko dito na siyang tinawanan lamang niya.

--
Matapos ang klase ay agad akong dumiretso sa restobar ng tita ni Luke na si Tita Reg. I’ve never been a confident person and it took a lot of convincing from Luke and my family to do this thing as long as hindi ko daw papabayaan ang aking pag-aaral. It was about six months ago when I first started playing every Tuesday and Thursday nights at their bar. After my first gig, at matapos kong makita ang positibong pagtanggap sa akin ng audience, natutunan ko ng mahalin ito ng tuluyan.

“Uy Kyle! Kagabi pa kita tinetext, hindi mo naman sinend ‘yung setlist mo,” agad na bungad sa akin ni Ken, ang resident drummer ng restobar. “Ano ka ba naman, Ken. Anniversary nila ni Seb kagabi kaya malamang hindi na niya ‘yon maasikaso,” pagsingit naman ni Sidney, ang guitarista at back-up singer doon. Sila pareho ang accompaniment naming mga soloista sa bar ni Tita Reg.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang komento ni Reg, ngunit pinili ko na lamang wag iyon bigyang-pansin dahil wala naman itong alam at wala naman itong masamang intensyon.

“Sorry naman, pero sa tingin ko hindi naman problema ‘yon. All keyboards lang ako tonight. Heto set ko,” pahayag ko bago ko iabot kay Sidney ang cellphone ko. Si Ken naman ay sumilip din sa laman noon.

“Ay kuya ang sad naman nito. May pinagdadaanan?” biro ni Sidney.

“Wala naman. For a change lang,” pagdadahilan at pagsisinungaling ko.

“I like it. Siguradong papatok ‘yan sa mga broken-hearted,” komento ni Ken na siyang hindi ko na lamang pinansin.

--
“Good evening, everyone! I hope you’re all having a great time tonight,” pagbati ko sa crowd, na siyang mas marami kaysa sa usual na laman ng bar tuwing Martes.

“I will be dedicating this night for those broken-hearted peeps out there. Hashtag hugot, guys. I will be singing songs from three of my all-time favorite artists: Coldplay, The Script and Tiago Iorc. Let’s strip it down and take it slow as I’ll be performing solo tonight with my keyboard. Hope you like it, and if you have requests, you can approach me later after my set,” saad ko.

“My first song is probably one of the most popular Coldplay songs. Ito ‘yung kantang maririnig mo pa lang, malulungkot ka na, but despite of its sad nature, I think it’s one of their most beautifully-written singles. This is ‘The Scientist’,”

Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh let's go back to the start
Running in circles; coming up tails
Heads on a science apart

Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start

Nang matapos ako kumanta ay doon ko narealize na may mangilan-ngilan sa audience ang sumabay sa aking pagkanta na siyang ikinatuwa ko. I immediately started my second song.

You tell your friends, yea strangers too
Anyone who will throw an arm around you
Tarot cards, gems and stones
Believing all the shit's gonna heal your soul
Well it's not, whoa


You're only doing things out of desperation
You're going through six degrees of separation

First, you think the worst is a broken heart
What's gonna kill you is the second part
And the third, is when your world splits down the middle
And fourth, you're gonna think that you fixed yourself
Fifth, you see them out with someone else
And the sixth, is when you admit that you may have fucked
up a little


“Thank you! Really, isa iyon sa mga pinakapaborito kong songs ng The Script. Nahahalata niyo naman na lagi akong may song from them sa set ko almost every week,” ngiti kong pagsisimula matapos ang ikalawa kong kanta. “That song was about the stages of heartbreak after falling out from a relationship. Sana maraming naka-relate,” dugtong ko pa bago simulan ang intro ko para sa pangatlong kanta.


“The last two songs I’m gonna do is from someone who isn’t that popular, and frankly, I’d be surprised if someone inside this bar knows him. This next song is by Tiago Iorc, he’s a Brazilian-American singer who mostly does acoustic songs. This song is about being scared to face possibilities of what’s ahead once you sense that the end is near. I do hope you like this one. This song is called ‘Scared’”.

Everybody’s scared (4x)
Everybody’s scared sometimes (2x)

Every time I close my eyes
This pain is killing me
And I try to take it down
Put my feet back on the ground
Just to know you're still with me
Just remember girl
Although it's easier to say goodbye
Feels like a bullet in my heart
To know we're throwing away the good times, because

Everybody’s scared sometimes (2x)
Sometimes (3x)

“I’d like to end my set on a positive note. Sabi nga nila na may light daw sa end ng tunnel. Siguro that’s the same with life—something positive will happen after all the challenges we experience. In relationships, we often forget that its end does not signify the end of our life, and I think this song perfectly encapsulates that. This is ‘When All Hope is Gone,”.

Wait a minute, step back
Get a little closer
We're just a little off track trying to get it all done
I think I'll pour another glass
I'm feeling kind of sober
We're just a little off track trying to get it all done

On it goes
And still nobody knows
What we're all fighting for
Soon when all hope is gone
We'll find love

--

I spent another night at Luke’s matapos ang gig ko, dahil pinilit niya ako at sinabi rin niyang wala siyang kasama sa bahay ngayong gabi, at dahil wala namang problema sa akin ay napapayag niya rin akong sumama sa kanya. Maging si Janine at Benj ay inaya namin, ngunit they had other plans for tonight. Sabi ni Benj ay may org meeting siya, habang si Janine naman ay kailangang umattend sa isang family dinner.

Wala naman kaming ginawa masyado ni Luke kundi manood ng movies na malamang ay napanood na namin ng higit sa sampung beses, at magpakabusog sa junk food gaya ng mga tsitsirya, softdrinks, at ice cream. Magpaka-baboy daw kami para makalimutan ko ang lahat ng problema ko, according to him. Hanggang ngayon ay ni hindi pa rin niya binring-up ang tungkol sa nangyari kagabi, ngunit alam kong one way or another ay tatanungin na ako ni Luke tungkol dito ngayong gabi.

Habang nanonood ay napansin kong bigla akong tiningnan ni Luke, na tila ba sinusuri ang itsura ko ngayon. I saw from my peripheral vision na nag-iisip siya ng magandang sasabihin sa akin tungkol sa nangyari kay Ethan. Alam kong dapat ihanda ko na ang sarili ko na harapin ang mga takot ko sa bagay na ito.

“You handled your gig pretty well,” panimula nito.

“Really? Thanks,” sagot ko.

“Ky, do you want to talk about it?” maingat na tanong niya habang humihigop ng Coke mula sa baso niya. Alam kong bumibili lamang ito ng oras para hindi gaano magkaroon ng awkward silence habang nag-iisip ako ng magandang isasagot sa kanya.

“Hindi ko alam, Lu.” sagot ko dito. Ganito ang tawagan namin ni Luke sa tuwing nage-emo kaming dalawa; iyon ang tawag namin sa ginagawa namin sa tuwing may problema ang isa sa amin.

“He doesn’t have the right to do that to you, alam mo ‘yon...” buntong-hininga niya.

“Wala nga, pero nangyari na ang nangyari.” tugon ko.

Katahimikan.

“What if... pumasok na siya tomorrow? Handa ka na bang harapin siya?” tanong niya sa akin.

“Hindi ko alam, Lu... I don’t know.” nanghihina kong sagot sa kanya. “Kasi naman, napaka-unfair niya. Feeling ko tuloy niloko lang niya ako all this time; na ginamit lang niya ako. Ewan ko ba, ang daming posibleng dahilan ang pumapasok sa isipan ko, and everytime I try to rationalize things, everytime I try to give him the benefit of the doubt, at saka naman tumitindi ‘yung galit ko. As much as I want to believe that Ethan did this for my welfare, or anything else na may magandang rason... nasaktan kasi ako, Lu. Kaya inis na inis ako ngayon sa kanya. Kaya hindi ko siya kayang harapin, kasi alam kong kahit pagsalitaan ko siya, alam kong mas magagalit ako sa sarili ko, dahil kahit sinaktan niya ako... ayoko pa rin siyang saktan!

“Mahal ko, eh.” paglalabas ko ng sama ng loob.

--

Kinabukasan ay wala pa ring Ethan na nagpapakita. Maging ang mga ka-block namin ay hindi na rin maiwasang magtaka at mag-alala sa kung anuman ang nangyari sa kanya. As expected, dahil sa relasyon namin [noon] ay ako ang tinatanong nila sa kalagayan ni Ethan, at ako naman, ay nagbigay na lamang ng kung anong random na dahilan na naisip ko para matigil na sila sa kakatanong at ako sa kakaiwas at kakapaliwanag.

Habang nagnagle-lecture ang professor namin sa Literature ay siyang pagpasok ng Dean ng College namin na siyang ikinatigil ng lahat. Ang ilan sa amin ay kinabahan, ngunit halos lahat kami ay na-curious kung anong meron sa klase at binisita kami ng Dean namin.

“3rd Year Psych 1?” tanong nito sa professor namin, na siyang magalang na tumango kay Dean bilang tugon.

“I’m afraid to say that... one of your blockmates filed for a Leave of Absence. I can’t say the reason why, but Mr. Sebastian Arellano just wants all of you to know that he won’t be studying here anymore.... It’s such a shame, for he’s one of the best students of your batch...”

Katahimikan.

“Carry on with the lecture, Mr. Castro. Have a good day, everyone.” pagpapaalam ni Dean.

--

“Beh, dahan-dahan lang! Ayoko pang mamatay, friend!” protesta ni Janine habang pinapaharurot ko ang kotse ko sa daan patungo sa bahay ni Ethan. Ginusto ko sanang kay Luke magpasama, ngunit alam kong sa mga ganitong klaseng sitwasyon ay may mas maaasahan ako kay Janine, more than anybody else.

With what Dean said, I absolutely demand an explanation from him. This is getting way out of hand, at ang pinakahuling gusto kong mangyari ay iwanan na lamang ako ni Ethan sa ere ng walang malinaw na dahilan kung bakit niya tinapos ang dalawang taon naming relasyon.

“Calm down, Kyle. Kung maaksidente tayo, hindi mo na makakausap si Ethan, at hindi mo na malalaman ‘yung mga sagot sa mga tanong mo. Sige ka.” pagpilit sa akin ni Janine. Sa narinig kong iyon ay unti-unti kong niluwagan ang kapit ko sa manibela, at ang pag-apak ko sa gasolina, thus slowing down our speed.

“Ayan, that’s better. Friend, alam kong nabigla ka. Pucha, ako rin nabigla sa nalaman natin kanina, pero please... calm down lang, ha. Darating din tayo sa kanila.” pag-aamo niya sa akin. Bumuntong-hininga na lamang ako para mas lalo pang pakalmahin ang sarili ko. Naramdaman kong basang-basa na ang mga pisngi ko dahil sa kanina pa tumutulo ang luha mula sa mga mata ko dahil sa mga damdamin na kanina pa nagkukumiyog sa loob-loob ko.

Marahan kong tinahak ang pamilyar na daan tungo sa bahay nila Ethan, umaasa na habang papalapit kami sa destinasyon namin ni Janine, ay siya ring unti-unti kong paglapit sa mga kasagutang gusto ko ng makamit. Hindi ko na namalayang narating na rin namin ang tapat ng bahay nila Ethan, kaya naman nang patayin ko na ang makina ng kotse ay wala na na akong sinayang pang oras at bumaba na.

Sandali kong sinipat ang bahay niya, at doon ko napansin mula sa gate na wala sa malaking garahe nila ang kotse niya, maging ang kotse ng mga magulang niya. Tanging ang kotse lamang ng Kuya Paolo niya ang nadatnan ko doon. Gayunpaman, ay paulit-ulit kong marahas na kinatok ang gate nila.

“May tao ba diyan?! Ethan! Nandiyan ka ba?! Kausapin mo ako! Hoy, huwag kang nang-iiwan sa ere! Ethan! Eth—“ paulit-ulit kong mga sigaw hanggang sa matigilan ako nang bumukas ang pinto at mula roon ay lumabas ang Kuya Paolo niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat, ngunit ang mas ikinagulat ko ay kapansin-pansin dito ang pamumula ng mukha niya, ng mga mata niya, na tila ba kanina pa ito umiiyak at ni hindi pa nakakapagpahinga ng maayos.

“Kyle?” si Kuya Paolo, na nanatili lamang nakatayo na parang estatwa. Maging ako ay nagulat sa naging ayos niya, lalong-lalo na dahil sa nakita kong may dala itong mga maleta.

“Aalis ka, kuya?” hindi ko mapigilang maitanong dito.

“Umalis ka na, Kyle.” malamig nitong pagtataboy sa akin, ngunit hindi ako nagpatinag.

“Kuya... I need to talk to Ethan. Kailangan ko siyang makausap, Please...” pagmamakaawa ko sa kanya mula sa gate ng bahay nila. Naramdaman ko naman na nasa likod ko na si Janine, na tila ba nakahanda na sumuporta sa akin sa kahit anong oras na bumagsak ako sa harapan ng kapatid ni Ethan.

“Bakit niya ako iniwan na lang ng ganon, Kuya? Ano ba nagawa kong mali? Bakit sinayang niya ‘yung dalawang taon, Kuya? Wala akong alam... Gusto ko lang siya makausap para malinawan na ang lahat... kasi sa totoo lang, parang mababaliw na ako, Kuya Pao. Please, I need to talk to Ethan...” pagmamakaawa ko pa rin.

Nadatnan na lamang namin ang biglang paghagulgol ni Kuya Paolo na siyang ikinagulat at ikinaalala namin ni Janine.

“You don’t understand, Kyle...” umiiling na pahayag niya habang umiiyak siya.

“You better leave. Hindi ka dapat nandito, kapag nalaman nila mommy at ni Ethan na nandito ka, malilintikan ako.” Alam kong sa tono ng boses niya ay sinusubukan niya akong ipagtabuyan, ngunit for some reason ay hindi niya magawa.

“Bakit, kuya? Dahil pa rin ba ‘to sa mga magulang mo? Dahil hindi niya talaga kami matanggap? Dahil ba takot sila kaya pinaalis na nila si Ethan sa school? Kuya, please... kailangan ko siyang makita.” umiiyak kong saad sa kapatid niya.

Sa oras na iyon ay naglakad na si Kuya Paolo at binuksan ang gate. Tiningnan niya ako mata sa mata bago magsalita.

“Kyle, walang kinalaman sila mommy dito! At lalong-lalo na, hindi ginusto ni Ethan ang nangyari! Kaya please... huwag ka ng magtanong. Huwag mo na pahirapan si Ethan... Umalis ka na, Kyle.” pagtangis niya.

“Kuya, tangina naman! Huwag mo naman ako ganitohin! Ikaw na nga lang kakampi namin sa pamilya niyo, pati ba naman ikaw paglilihiman ako? Ano ba talagang nangyari?” pagpipilit ko.

“You won’t understand, Kyle...”

“Eh ‘di ipaintindi mo sa akin, Kuya!” bulyaw ko dito.

“My brother is dying! At wala na kaming magawa sa kondisyon niya!” pag-amin niya bago tuluyang mawala ang composure niya at magbreakdown sa harapan namin ni Janine.


6 comments:

  1. the case is solve kya pla nwla n s banda nla paul joseph c ethan dhil s ngkskit sya i think brain tumor

    ReplyDelete
  2. Ano banaman yan nakaka dalawa chapter palang tayo mamamatay na hahaha inpernes na iyak ako...



    Darkboy13

    ReplyDelete
  3. Hindi po sya yung Ethan ng The Antagonist. Yung Ethan po na dating kabanda nina Joseph ay nsa Trombonista ni Kuya Bluerose the great. :) :)

    Anyway, the story is cool. Nice update po. Keep it up. :) :)

    ReplyDelete
  4. .. very nice story..... so cool..... thank you author


    Fonite

    ReplyDelete
  5. Sad naman para Kay Ethan en also to Kyle

    "Jun cavite"

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails