Pasensiya na kung natagalan ako sa pag-update. Two reasons: una, I was waiting for comments; pangalawa, I was really busy.
At dahil matagal bago ako nag-update, bibigyan ko kayo ng apat na kabanata na 30 pages in all. I included 4 chapters this time kasi ang lahat ng events sa apat na chapters na ito ay nagaganap sa loob ng isang gabi para magkaroon ang mga ito ng sense of continuity.
Bale, dalawang updates na lang matatapos na ang Enchanted: Broken. Ang kasunod nito ay chapters 38-41. Then after that, the finale post for the first book. Sabi ko na mabilis lang ito eh. Sinunod ko lang ang standard na haba ng isang nobela na dapat ay nasa 80,000-90,000 words. Pero itong first book ay umabot ng higit kumulang 100,000 words. So hindi rin pala sinunod? Ayan na ang cognitive dissonance ko. Haha
Anyway, salamat kay jcorpz, thank you for the kind words. Importante talaga sa amin ang mga comments o feedback ninyo kasi kapag walang comment, ang dating sa akin ay hindi na kayo interesado. Noong nakita ko’ng isa o dalawa lang ang nagcomment, natanong ko sa sarili ko, gusto pa ba ng mga mambabasa ang istorya? Baka ayaw na nila dahil wala ng nagpapahayag ng kanilang saloobin tungkol sa istorya.
Pasensiya na rin kung naghintay kayo nang matagal. Pero sulit naman siguro ang paghihintay ninyo sa haba ng update na ito.
Maraming salamat!
Paalala lamang: May mga bahagi ang pahinang ito na hindi akma sa mga bata.
Please, guys, comment naman kayo. Pwede naman magcomment na anonymous.
Sa mga biglang napadpad sa bahaging ito ng kwento at nais mabasa ang una o mga naunang kabanata, punta lang po tayo sa Table of Contents at hanapin ang Enchanted. Sa mga nagbabasa on their mobile handsets, you can access the Table of Contents by clicking that bar (na may nakasulat na Home) below the webpage poster/header and above the title of this post.
Sumasainyo,
Peter
--------------------
Chapter 34
Puti
Napaatras si Errol matapos makita ang nilalang na nakatayo sa pintuan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, marahil dahil sa biglang pagkakaantala ng kanyang pagtulog at dahil na rin sa kakaibang panaginip, isang nakakahilakbot na panaginip na hindi naman unang beses niyang naranasan. Hindi niya maintindihan kung ano ang pakay nito. Bakit ba andito ito? Hindi niya ito inaasahan.
Nakatalikod ito na tila ay may hawak na hindi mabatid ni Errol kung ano. Gustong magsalita ni Errol ngunit hindi niya magawa dahil sa kaba na nadarama. Mas lalo siyang napaatras nang makita itong unti-unting umikot paharap sa kanya. Mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
“Hi sir.”
Nakita ni Errol ang pagngiti nito. Ang ayos ng kanyang porma, ang linis. Ayos na ayos ang kanyang buhok. Ang kanyang mukha ay mas matingkad, at mas lalo itong tumingkad sa ngiting pinakawalan nito. Ang mga mapupungay nitong mga mata ay tila nangungusap. Amoy ni Errol ang pabango niya na tila ay nagpaigting sa pagkabighani niya sa kaharap.
Nakatayo si Ivan sa pintuan na nakasuot ng maroon na polo na hapit. Nakabukas ang una nitong butones. Litaw na litaw ang kakisigan niya sa suot. Nagmamarka ang matipuno niyang dibdib sa kanyang suot at ang flat niyang tiyan. Nakaitim itong pantalon na hindi gaanong masikip, hindi rin maluwang. Ang sapatos nito ay matingkad. Pinaghandaan niya ang araw na ito. Ang gwapo at tikas ni Ivan ng gabing ito.
Manghang-mangha si Errol sa nakita. Si Ivan na yata ang nakita niyang lalaki na ang husay manamit. Alam niya kung ano ang dapat isuot. Alam niya kung ano ang magpapalabas ng kanyang kakisigan. Alam niya kung paano mag-ayos. Natulala si Errol sa nakita, pagkatulalang bunga na rin ng kaba at ng mga tumatakbo sa kanyang isipan.
“Ah, Ivan,” saad ni Errol na di malaman kung ano ang sunod na sasabihin dahil sa tensiyon. “Dumoble yata ang pagkagandang lalaki mo ngayon.” Sa wakas ay may nasabi rin siya maliban sa ‘ah’ o ‘eh.’ Nakita niya ang mga puting rosas na nakabalot sa pulang telang nakatali sa puting laso.
“Happy Valentine’s Day, Sir Errol.”
Tinutunaw si Errol ng mga ngiting iyon. Ang mga mapupungay na matang nakatingin sa kanya ay pinapako siya sa kanyang kinatatayuan. Sa sobrang kaba ay hindi na niya alam ang isasagot. Oo nga pala. Binati nga pala siya nito. “Happy Valentine’s Day din, Ivan.”
“Ikaw ha. Hindi mo man lang ako binati sa text. Hindi ka man lang nagrereply.”
“Ah, eh, kasi...”
“Kasi?”
Ang pilyong ngiting iyon. Ang ngiting laging nagpapatigil sa pagtibok ng kanyang puso. Ang ngiting nagpapahimlay sa kanyang diwa. Ang ngiting nagpapahiwatig na ang kabiguan ay niyakap na ng nakaraan. Ngunit, oo nga pala, hindi siya ang nagmamay-ari ng ngiting iyon. Malamang ang ngiting iyon ay para sa babaeng makakasama ng kaharap sa gabing ito.
“Kasi nawalan ng baterya ang cellphone ko,” saad ni Errol sa mahina at pumipiyok nitong boses. Lumunok ito upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan.
“Pumipiyok ka pa ha. Nagbibinata ka ba ulit, sir?”
Bakit ang lambing lambing ng boses niya? “Ivan, ang gwapo mo.” Hindi na rin nakatiis si Errol.
“I know.”
Ang kindat na iyon. Tila mahihilo si Errol sa nakikita. “I’m sure matutuwa ang girlfriend mo pag nakita ka niya.” Mahina ang boses ni Errol. Pinapahina ito ng mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Nakita niyang nanatili lang na nakangiti ang binata sa pintuan. Ano ba ito? Bakit siya nakangiti nang pagkatamis-tamis? “Ah, Ivan, bakit pumarito ka pa? Baka naghihintay na ang date mo.”
“Errol...” Humakbang ang bisitang nakagayak.
“Ah, Ivan, kasi matutulog pa ako. Ah, eh, kasi, eh... Kasi napagod ako sa klase kanina. Magpapahinga pa ako.”
“Sandali...”
“Sige na, Ivan. Malapit na kaya mag alas syete. Di ba mas mainam na mas maaga ka sa date mo? Espesyal na araw pa naman ngayon.”
“Errol... Kasi...” Muling humakbang si Ivan.
“Anong oras ba ang date ninyo?” Nakita ni Errol na nasa tapat niya na ang lalaki. Amoy na amoy niya ang bango nito.
Nilagay ni Ivan ang kaliwang kamay sa kanyang bulsa habang nakahawak ang kanan sa bouquet.
“Pero... Pero kung mamaya pa ang date mo, okay, sige, pwede ka namang dumito. Maupo ka na lang muna. Gusto mo ikuha kita ng maiinom?”
Lumapit si Ivan kay Errol. Inalis niya ang kanyang kamay sa bulsa at hinawakan ang kanang kamay ng binatang bagong gising. Pagkatapos ay...
Tila bumagal ang takbo ng mga segundo. Tila nakuryente si Errol nang hawakan ni Ivan ang kanyang kamay. Ang sumunod na nangyari ay nagpabilis sa tibok ng kanyang puso. Nilapit ni Ivan ang kumpol ng mga rosas kay Errol at pinatong ito sa kanyang kamay. Banayad na ginalaw ng makisig na binata ang kamay ng nakababatang kaibigan upang hawakan nito ang kumpol ng mga bulaklak. Marahan niyang tinulak ang kamay nito upang mahawakan nito nang husto ang mga bulaklak at mailapit ito sa kanyang dibdib.
“Ivan...” Nangingilid ang mga luha sa mata ni Errol habang nakatingin sa binatang hindi na nakangiti, ngunit nakatingin na nang diretso sa kanya. “Ivan?”
“Will you be my Valentine date?”
Tumigil sa pagtibok ang puso ni Errol. Tumigil ang takbo ng oras. Maging ang paghinga ni Errol ay pinahinto ng tanong na iyon na nagpaulit-ulit sa kanyang diwang tuluyan nang inaresto ng tagpong ito. Ngunit hinila ni Errol ang sariling wisyo pabalik, pabalik sa ngayon, pabalik sa katotohanan. Pabalik sa realidad. “Ivan... No, no.” Umiling si Errol. Maingat niyang minuwestra pabalik ang kumpol ng mga bulaklak sa maydala nito. “You’re joking. Nagbibiro ka lang, di ba?” Naluluha man ay pinilit ni Errol tumawa. “Palabiro ka talaga. Ginu-good time mo na naman ako ha.”
“Hindi ako nagbibiro,” mahina at malambing ang boses ni Ivan. Marahan nitong itinulak pabalik kay Errol ang bouquet.
“Ivan, sige na. Kunin mo na ulit. Baka kasi malamog ‘yung flowers. Sayang naman. Ang gaganda pa naman ng mga ito.”
“Errol,” mahinang saad ni Ivan. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. “Look at me.”
Nakatingin si Errol sa mga matang nakatingin din sa kanya. “Ivan, okay na. Okay na.” Pinilit ni Errol na tumawa. “I get your joke na.”
“No, you don’t.”
“Please, Ivan,” -- tumulo na ang mga luha ni Errol -- “You can stop now. Kung ito ang idea mo ng practical joke, okay na. Natatawa na ako.” Tumawa si Errol nang pilit kahit na umiiyak. Ngunit bakit may namumula din ang mga mata ng kausap? Teka, ano ‘to? Nakita ni Errol na nilalapit ni Ivan ang kanyang mukha sa mukha hanggang sa... Lumapat ang kanyang labi sa kanyang kanang pisngi.
“Gusto kita makitang nakangiti ngayong araw na ito. Pwede ko ba makitang ngumiti si Sir Errol ngayon?”
Ang mga tinging iyon... Bakit? Bakit nararamdaman ni Errol ang sinseridad ni Ivan sa mga tinging iyon? “Nakapambahay lang ako tapos haggard pa ako.”
“Eh di” -- marahang kinurot ni Ivan ang mga pisngi ni Errol -- “maligo ka at magbihis. Maghihintay ako.”
May mga agam-agam pa rin ang guro. Ngunit gaya ng sabi ng bisita ay naligo na nga ito, nagtoothbrush, nagbihis, at nag-ayos. Pagkatapos ng kalahating oras ay bumalik ito sa sala na nakaayos ang buhok, naka-t-shirt ito na gray na plain, cream pants na medyo fitting, at dark green na sapatos na walang sintas. Nakita nito na ang malapad na ngiti ng bisita. “Ayoko kasi talaga ng polo. Ayoko ng semi-formal na attire.”
“Ngayon lang kita nakitang ganyan ang ayos. Cute mo tingnan.”
Uminit ang pisngi ni Errol. Ano daw? Nakita niyang tumayo si Ivan. “Ibig sabihin...”
“Ano?”
“Sa’yo galing yung card na may rose?”
“Naibigay pala ni manong guard?”
“Oo,” sagot ni Errol na nakayuko. “Ivan...”
“Yes?”
Lumapit si Errol dito at niyakap ito. “Salamat.” Naramdaman niya ang mga bisig ni Ivan sa likod niya. “Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Pero salamat.” Bumitiw si Errol sa pagkakayakap kay Ivan at pinunasan ang kanyang mga pisngi.
“Iyakin ka talaga.” Ngumisi si Ivan. “Tara na.”
* * *
Dinala ni Ivan sa isang mamahaling dining venue si Errol. Nang dumating sila ay iilan na lang ang bakanteng mesa. Ngunit nagpareserve na ng table si Ivan isang araw na ang nakalipas. Nakita niya ang nakalagay na ‘Reserved for Ivan and Errol’ sa isang mesa na natatakpan ng pulang tela na makintab. Sa gitna nito ay may nakalagay na vase na may tatlong white roses na magkakaiba ang haba.
Inatras ni Ivan ang isang upuan at pinaupo dito si Errol. Pagkatapos umupo na ito sa kabilang silya. Dinig niya ang mga mahihinang boses ng mga magsing-irog, ang mahinang musika na mas nagpapaganda sa gabi, ang mahihinang tunog ng mga kutsarang tumatama sa mga pinggan ng mga kumakain, ang mga yapak ng mga papasok at papalabas sa lugar na iyon, at ang malalim na hingang binibitiwan ng kaharap. “Okay ka lang ba?”
Tumango si Errol. Ngayon niya lang itong nakitang nakagayak. May itsura ang binata. Hindi nga lang confident. Matalino ito pero parang hindi bilib sa sarili. Matatag pero hindi matapang. Narinig niya itong nagwika.
“Nakaka conscious naman dito. Ang pormal.”
“Ayaw mo ba? Gusto mo lumipat tayo?”
“Hindi, okay lang. Ang ganda ng lugar.”
Nakita ni Ivan na medyo balisa ang binatang ang buhok ay pinatingkad ng ilaw ilang talampakan mula sa kanilang mesa. Iniiwasan ng kaharap ang kanyang mga tingin. Kung sumulyap ito sa kanya ay panandalian lang at umiiwas agad. “Huy, okay ka lang ba talaga?”
“Ivan, kasi... Tayong dalawa lang ang lalaki at lalaki dito.”
“Nahihiya ka ba?”
“Ako, hindi. Ikaw ang iniisip ko.”
“Wag mo akong isipin.” Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Errol. “Gusto ko ngumiti ka.”
Ngumiti si Errol. Tila may gusto itong sabihin pero umiwas na ito ng tingin.
Lumapit ang lalaking waiter na nakasombrerong may disenyong puso at nilahad ang menu. Matapos umorder nina Ivan at Errol ay nagpatuloy sila sa pag-uusap. Maya-maya pa ay dumating ang wine at wine goblets nila.
“Ivan, bakit hindi ‘yung girlfriend mo ang kasama mo?”
“Wala nga akong girlfriend, di ba?”
“Sa dami mong kakilalang babae, wala kang dinate sa kanila?”
“Ikaw ang gusto kong makasama ngayon.”
“Bakit ako?”
“Alam ko kasi wala kang kasama ngayon. Kung hindi kita pinuntahan sa inyo, matutulog ka lang pala buong gabi nang mag-isa.”
“Okay lang naman. Sanay na rin ako. Pero, Ivan, salamat ha. First time ko ito.”
“First time na?”
“Na may Valentine date. Actually, first time na may formal date.”
Bakit kahit ngumingiti si Errol ay parang malamlam pa rin ang kanyang mga mata? “Ako pala ang una mong Valentino.” Nakita niyang pinamulahan ito. Alam naman ni Ivan na attracted sa kanya ang binata. Batid niya ito. Hindi man pareho ang kanyang nararamdaman dito ay nais niya itong maging masaya.
“Hindi ka ba talaga naiilang na... Na lalaki ang kasama mo ngayon?”
“Hindi. Hindi ka lang basta lalaki. Importante ka sa akin.” Nakita ni Ivan na natigilan si Errol, ngunit ngumiti rin ito.
“Ikaw, Ivan ha. Naninibago ako sa’yo ngayon. Parang ang serious mo.”
“Serious ba ako?”
“Oo. Nakakatakot nga, eh.”
“Bakit?”
“Kasi baka biglang may bumulagang camera tapos practical joke lang pala ito.”
“Loko ka ha.” Natawa si Ivan. “Pwera biro, Errol, gusto kita makitang masaya. Parang malungkot ka kasi.”
“Masaya naman ako.”
“Hindi ‘yan ang nakikita ko sa mga mata mo.”
“Hindi mo naman kailangan gawin ‘to, Ivan, para lang makita akong masaya.”
“Alam mo kahapon kinausap ko yung pinsan kong isang LGBT advocate. Nagtanong ako sa kanya tungkol sa kung pa’no ba ang same sex dates.”
“Talaga? Gay din pinsan mo?”
“Nope. Babae siya, straight na babae. Pero maypagka aktibista yun. Women’s rights at LGBT rights advocate yun. Maingay sa Facebook.”
“Wow!”
“Nagmeet kami kahapon dun sa... Ano nga bang pangalan nung cafe na yun? Nakalimutan ko.” Nakita ni Ivan na natawa ng payak si Errol. “Bakit?”
“Wala. May naalala lang ako.”
“Natatawa nga siya sa akin.”
“Bakit?”
“Kasi parang imposible daw na makipagdate ako sa isang gay guy.”
“Kahit nga ako di naniwala kanina nung pumanhik ka sa bahay. Akala ko dumaan ka lang para makita ko kung gaano ka kagwapo.”
“Sabi ko, hindi naman talaga parang romantic date. Parang casual date lang. Gusto lang kasi kita pasayahin.” Kinurot ni Ivan ang pisngi ni Errol. “Sabi niya dating a gay guy is just like dating a straight guy or girl. Wala naman daw difference. May pinabasa siyang article sa akin tungkol sa isang straight guy who asked his gay best friend na maging prom date niya.”
“Ang sweet naman ng lalaking ‘yun.”
“Kasing sweet ko ba?”
“Mas sweet ka. Kaya nga...”
“Kaya nga?” Nakita niyang umiwas ito ng tingin.
“Nakailang girlfriends ka na nga?”
Alam ni Ivan na sinadya ni Errol na ibahin ang usapan. “Tatlo.”
“Bakit wala sa tatlo ang nagtagal?”
“’Yung una kasi bata pa kami pareho. First year college pa yata ako that time. Pag ganun immature pa. Mga maliliit na bagay pinag-aawayan.”
“Gaya ng?”
“’Yung kapag hindi nagtetext. Kapag lumalabas na hindi ako kasama. Mga ganun.”
“Eh, ‘yung pangalawa?”
“Parang we just fell out of love after a year. Pinagsawaan niya lang kasi ang katawan ko.” Tumawa si Ivan. Nakita rin nitong natawa ang kaharap.
“Nangyayari pala talaga yan, ‘no?”
“Syempre. Karamihan yata sa mga naghihiwalay yan yung rason. Basta nawawala na lang ‘yung love. Tapos may nahahanap na iba.”
“Kelan yung huli mong relationship?”
“Two years ago.”
“Ba’t natapos?”
“She went to London para mag-aral ng fashion design. Pangarap niya kasi talaga. Bago siya umalis nakipagbreak siya sa akin.”
“Ang sakit naman.”
“Saklap nun. Ilang araw ko rin ‘yun iniyakan.”
“Ilang taon kayo non?”
“More than 2 years. Minahal ko ‘yun. Masakit lang kasi hindi ako part ng mga pangarap niya. Pero she motivated me to go back to school.”
“Lungkot naman niyan. Akala ko buhay ko lang ang malungkot.”
“Lahat naman tayo may sad stories, pero hindi lahat ng oras ay malungkot. Ngayon dapat happy lang.” Binuksan ni Ivan ang wine at nilagyan ang wine goblet ni Errol at ng kanya. “A toast to happiness?”
“Ivan,” saad ni Errol.
“Yup,” sagot ni Ivan.
“Ano’ng mga pangarap mo?”
“Honestly, di ko alam.”
“Pwede ba yun? Ano’ng mga plano mo sa buhay?”
“Hindi ako nagpaplano. I live by the day, kaya nga nagagalit sa akin mom and dad ko, kasi daw wala akong direksiyon.”
“Pero where do you see yourself in 5 or 10 years?”
“Siguro may family na at mas malaki na ang business.” Nakita niyang napayuko si Errol. Teka, mali yata ang nasabi niya. “Ikaw?”
Nakatingin si Errol sa alak na nasa basong kanyang inalog-alog. “Gusto ko magtrabaho sa laboratoryo. Gusto ko rin kumuha ng post-graduate studies. At siguro mangibang-bansa.” Sandaling tumigil si Errol sa pagsasalita habang nakatingin sa alak sa loob ng wine goblet. “’Yun kasi ang pangarap namin ni Erik nung nasa kolehiyo pa kami, mag-aabroad kami.”
“Kasama ba si Erik sa mga pangarap mo?”
Umiling si Errol. “Pa’no ko naman siya isasama? May iba na siyang gustong isama sa mga pangarap na binubuo na niya.”
“How about me?”
“Di ba nga magkakafamily ka? Kung ano ang magpapaligaya sa iyo, sa inyo, dun ako.” Ngumiti si Errol na sandaling sumulyap kay Ivan at pagkatapos ay bumalik sa pagsipat sa alak.
“Ayaw mo ba mag-asawa at magkapamilya?”
Umiling ulit si Errol. “Bakla nga ako, di ba?”
“Di ba may mga bakla naman na nag-aasawa?”
“I don’t think I can fall in love with a girl. So, imposible. Tsaka hindi ako tutulad sa ibang bakla na nag-aasawa para lang di tumandang mag-isa. Selfish naman nung ganun.”
“Okay lang sa’yo na tumanda ka mag-isa?” May pag-aalala sa boses ni Ivan.
“Okay lang. Ganun naman talaga. As if naman ako lang ang tatandang mag-isa.”
“Eh, di kung matanda ka na tapos malungkot ka, tawagan mo lang ako.”
“Magkaibigan pa kaya tayo sa panahong yun?”
“Oo naman. Bakit naman hindi?”
“Nagbabago ang tao. Walang permanente sa mundo. Kaya chini-cherish ko na lang kung ano ang meron ngayon.”
Natahimik si Ivan. Hindi niya alam ang isasagot.
“Ang ganda ng kanta!” saad ni Errol.
Biglang narinig ni Ivan na pinapatugtog ang Love Moves in Mysterious Ways ni Nina. “Ang ganda nga. Nakakainlove. Ano’ng favorite song mo?”
“Marami. Sa dami wala akong maalala.”
Natawa si Ivan sa narinig. “Loko-loko ka. May sense of humor ka rin pala.”
“Oo naman.”
“Errol,” seryosong saad ni Ivan.
“Ano yun?”
“Maliban kay Erik nainlove ka ba sa iba?”
Natigilan si Errol ngunit sumagot din. “Hindi ko alam eh.”
“Ano’ng hindi mo alam?”
“Hindi ko kasi alam kung love ba o kung ano, pero kung love man ‘yun ayoko siyang maramdaman.”
“Bakit?”
“Ayoko mainlove, eh.”
“Bakit?” Nakita ni Ivan na tumingin sa kawalan ang kausap.
“Ayoko masaktan.”
“Bakit ka naman masasaktan?”
“Magiging unrequited love lang din kasi. Ayoko na ng ganon. Minsan nga pinagdadasal ko kay Lord sana gawin niya na akong manhid. Ayoko na mainlove. Ayoko mainlove.”
Natigilan si Ivan na narinig.
“Kapag naiinlove ako, nalulungkot ako. Baliktad, ‘no? Di ba dapat masaya kapag in love? Pero ako hindi. Kasi wala rin namang mangyayari. Bubuksan ko lang ‘yung puso ko kapag may kumatok na. Pero kung wala naman, okay lang. Hinanda ko na ang sarili ko.”
Gustong sabihin ni Ivan na andito ito para sa kanya, pero bilang kaibigan o kapatid. Nakita niyang ngumiti ito ng payak. Ngunit ang mga lungkot sa mga mata niya. Kelan kaya mawawala ang lungkot na iyon? Hindi alam ni Ivan ang sasabihin.
“Ano ba yan? Ang senti. ‘Yang kanta na ‘yan, nakakasenti.”
Walang maisagot si Ivan. Tahimik itong nakatingin sa kausap. Ini-estima kung ano ba ang dapat sabihin.
“Pero,” saad ni Errol na nakatingin ng diretso kay Ivan, “sana pwede.” Ngumiti ito, yumuko, at umiba ng tingin. “Sana pwede akong mahalin.”
Natigilan si Ivan. Pwede ba niyang mahalin ang taong ito upang mapasaya siya? Pero lalaki siya. Hindi niya kayang ibigay ang mga pangangailangan nitong emosyonal. Maaaring kaya niyang ialay ang kanyang sarili mapasaya lang ito, pero hindi ang kanyang puso. Hindi nga ba?
Dumating na ang kanilang order. Tahimik na kumain ang dalawa. Tila nawala ang pagkamakulit ni Ivan. Hindi na nito makuhang kulitin ang kasama. Kung bakit ay hindi niya mawari. Minsan ay tinatanong niya kung masarap ba ang pagkain. Tumatango naman ang kasama. Napansin nitong hindi niya masyadong ginalaw ang kanyang wine. Hindi na siya nagtanong.
Nang matapos silang kumain ay pumunta si Errol sa restroom. Nang makabalik ito ay siya na naman ang nagrestroom. Pagkatapos niyang umihi ay matagal niyang tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin, tila sinusukat ang kanyang kapogian at kakisigan. Iniisip niya kung tama ba na nakipagdate siya. Nag-aalala siya na baka mas pinapahirapan niya ang loob ng kaibigan sa ginagawa. Nagulat siya nang paglabas niya ay may iilang couples ang nagsasayawan sa tabi ng kanilang mga mesa.
“Bakit may nagsasayawan?” tanong ni Ivan.
“May isang couple kasi, ‘yun, ‘yung andun sa unahan, na tumayo tapos sumayaw sa malumanay na tugtog. Ayun, ginaya nung iba,” sagot ni Errol.
Nilahad ni Ivan ang kamay kay Errol. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. “Can I ask my date to a dance?” Nakita niyang nagulat ito. Pero tinanggap niya ang kamay ni Ivan at tumayo. Nakita niyang sandali itong tumitig sa kanya, pagkatapos ay umiwas ng tingin. “Ang lamig ng mga kamay mo.”
“Sino ba naman ang di manlalamig?”
“Just relax. I got you.” Hindi alam ni Ivan kung ano ang nararamdaman ni Errol. Sana napapasaya niya ito. Sana kahit papaano ay maligaya ito ngayong espesyal na araw na ito. May isang parte sa utak ni Ivan na nagsasabing mali ito. Mali hindi dahil dalawa silang lalaki, kundi dahil maaaring hindi niya ito mapanindigan. Maaaring umasa ang nakababatang binata. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Aling Celia. Pero nangako siya. Nangako siya kay Erik na pasasayahin niya ang matalik nitong kaibigan, na gagawin niya ang hindi kayang gawin ng nauna. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita ni Ivan na nagyakapan ang mga magsing-irog. Niyakap na rin niya si Errol. Maaaring hindi niya kayang mahalin ang nakababatang kaibigan sa paraang inaasam nito, ngunit sinabi ni Ivan sa sarili na pasasayahin niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na sila sa pagkakaupo. Uminom si Ivan ng kaunting wine. “Bakit hindi mo inubos ang wine mo?” tanong niya kay Errol.
“Madali kasi akong malasing.”
[Optional Scene/Cut from the Edited Manuscript]
“Ah, ganun ba --” Biglang may lumapit sa kanila.
“Sirs, do you have a minute?”
“Yeah, why?” tanong din ni Ivan sa waiter.
“Our manager’s friend wants to have a short conversation with the two of you?”
“Really? Bakit daw?” tanong ni Ivan.
“Siya na lang po ang tanungin niyo.” Tinuro ng waiter ang lalaking nakatayo sa di kalayuan na naglakad papalapit sa kanila.
Nakita ni Ivan na medyo malambot itong maglakad. Humila ito ng isang silya at umupo sa tabi nila. Sa tantiya niya ay nasa 30s na ito.
“Hi, I’m Peter Cruz. I write for LGBT magazines and blogs. You are?” Nakipagkamay ito sa kanila.
“I’m Ivan.”
“I’m Errol.”
“Nice names! I’m here because kayo lang kasi ang same-sex couple na nagdate dito. Is it okay if I write an article about you. Maybe a bit of a story is nice. It would inspire a lot of our readers.”
Natigilan si Ivan.
“Ah, kasi, we’re not a couple. This is just a casual, friendly date. Nothing romantic,” sabat ni Errol.
“Oh, my bad! Sorry, I assumed. You look great together.”
Nagngitian si Ivan at Errol.
“But can I write about two guys who went out together on Valentine’s Day?”
Nagtinginan si Ivan at Errol. Tinatantiya ng huli ang isasagot ng nauna.
“Ah, eh...” Nautal si Errol.
“You don’t have to worry about your identities. We can change your names, and...”
“Sure!” Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Errol.
“Ivan?” Nagtatakang tanong ni Errol. “Sa akin okay lang. Pero ikaw?”
“Okay lang,” saad ni Ivan.
“We can change your names para...” saad ni Peter.
“No, you don’t have to,” singit ni Ivan.
“Sure ka?” tanong ni Errol.
“Yup!” Ngumiti si Ivan.
“Can I ask a few questions if it’s okay? Hindi pa naman siguro kayo inaantok.” Ngumiti ang writer sa kanila.
“Sure,” nakangiting saad ni Ivan.
“And is it okay if I record our conversation?”
“Sure, okay lang. Okay lang naman, Errol, right?”
“Yup, okay lang.”
Nakita ni Ivan na may pinindot si Peter sa kanyang smartphone at nilapag ito sa mesa.
“Matagal na ba kayo magkakilala?”
“One week pa lang,” sagot ni Ivan.
“Weeksary niyo pala ito."
“Oo nga, ‘no?” Nginitian ni Ivan si Errol.
“Pa’no kayo nagkakilala?”
“Nasa bar kasi ako nun may hinihintay na kasamang hindi dumating,” saad ni Errol. “Pero hindi talaga ako nagbabar. Napilitan lang. Tapos nung nagrestroom ako, napatingin ako sa isang lalaki na mainit ang ulo. Sinigawan niya ako ng ‘bakla!’ Siya” -- tinuro ni Errol si Ivan -- “yung nagtanggol sa akin.”
“Ang sweet naman,” saad ni Peter na nakangiti at nakapangalumbaba.
“Kasi hindi kasi siya lumaban. Nakayuko lang siya habang binubully siya nung lasing,” singit ni Ivan.
“So, doon nag-umpisa ang lahat. Paano kayo naging ... friends?”
“Paano nga ba?” tanong ni Errol kay Ivan.
“Kasi magaan ang loob ko sa kanya. He reminds me of my brother. Tapos mabait din kasi ‘to. Basta magaan ang loob ko sa kanya.”
“In just a short time naging close kaagad kayo ha. Interesting!”
“Hindi ko rin nga maintindihan bakit thoughtful si Ivan, pero nagpapasalamat ako dahil naging parang best friend at kuya ko na siya,” saad ni Errol.
“How far has your friendship gone?”
“What do you mean?” diretsong tanong ni Ivan.
Kinlaro ni Peter ang tanong. “Ano na ang pinakamemorable o pinakamaganda ninyong ginawa bilang magkaibigan?”
“Ah... Uhmmm... Ano nga ba?” May gustong sabihin si Errol ngunit baka mabigyan ng ibang kulay ng manunulat ito.
“Ah, siguro ito,” saad ni Ivan. “Itong date na ito. Special kasi ito sa kanya kasi first date niya ito.”
“Talaga?” nanlalaking matang tanong ng writer.
“Kasi never naman ako nagka boyfriend. Ito yata yung first formal date ko,” saad ni Errol. “Friendly date nga lang.”
“You’re gay?”
“Yup.” Tumango si Errol.
“You’re straight, I assume.”
Tumango si Ivan.
“Ilang taon ka na ba?” tanong ni Peter kay Errol.
“I’m 22.”
“Ikaw?”
“24 na.”
“Mabuti naman okay lang sa’yo na makadate ang isang lalaki.”
“Actually, I asked him out tonight.”
“Talaga? Wow! Bihira sa mga straight na lalaki ang ganyan.”
“Kaya nga ang swerte ko sa new friend kong yan.” Ngumiti si Errol.
“Ivan, why did you ask Errol out tonight?” tanong ni Peter.
“Kasi gusto ko siya makitang ngumiti.”
“Bakit naman?” tanong ni Peter.
“Kasi parang lagi siyang malungkot.” Seryosong nakatingin si Ivan kay Errol.
“Ang sweet naman.” Ngumiti si Peter sa kanila at humarap kay Ivan. “Bakit okay lang sa iyo na makipagdate sa isang gay guy?”
“He’s not just a gay guy. He’s my friend. At gusto ko maging memorable ang araw na ito para sa kanya.” Nakita ni Ivan na napayuko si Errol.
“Hindi ka ba kinikilig?” tanong ni Peter kay Errol.
“Kinikilig.”
Kita ni Ivan ang simpleng ngiti ng kaibigan. Batid niya kahit papano ang pakiramdam ni Errol. Hindi naman siya manhid. Alam niyang may epekto siya sa kanya.
“Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kanya?” dagdag ni Errol na nakatingin kay Ivan na nakatingin din sa kanya.
“Ako kinikilig ako sa inyong dalawa. Ang totoo niyan, kanina ko pa kayo tinitingnan kasi naiintriga ako sa inyo.”
“Bakit naman?” tanong ni Ivan kay Peter.
“Kasi bihira ako makakita ng dalawang lalaking nagdedate dito. Lagi ako dito kasi kaibigan ko ang may-ari nito. Anyway, I have a very personal question to ask if it’s okay.”
“What is it?”
“Do you, guys, consider being friends with benefits?”
Ngumiti si Ivan. Si Errol naman ay tahimik lang, hinihintay ang kasamang binata na sumagot.
Sumiryoso ang mukha ni Ivan. “Naalala mo yung sinabi ko sa iyo last Thursday?” tanong ni Ivan kay Errol. Tumango ang huli. Nakita ni Ivan ang pagkabahala sa mukha nito. Humarap si Ivan kay Peter. “Kasi, how do I say this?”
“Go on,” saad ni Peter.
“Nakakahiya” -- napakamot si Ivan sa ulo at natawa -- “Errol, okay lang ba?”
Tumango si Errol. “Okay lang, Ivan.”
“Ayoko kasi na baka kung sino lang yung ano,” nagdadalawang-isip na saad ni Ivan, “yung makaanuhan niya. Kaya sabi ko sa kanya, kung gusto niya at kung ready na siya, willing ako.” May lambing ang mababang boses ni Ivan sa puntong ito.
“Bakit ka naiiyak?” tanong ni Peter kay Errol.
“Kasi siya lang ang nagsabi sa akin ng ganun. Parang ang sweet kasi.”
“Alam mo, naiintindihan kita,” saad ni Peter kay Errol. Humarap ang nagtatanong kay Ivan. “Alam mo kasi, Ivan. Unlike sa inyong mga straight, bihira sa aming mga gay ang pinagtutuunan ng atensiyon na kagaya ng binibigay mo kay Errol. I’m so glad to know na may isang lalaking katulad mo. You are a rare breed.”
Tila ngayon lang napagtanto ni Ivan ang impact niya kay Errol. Ngumiti siya kay Peter. Wala na siyang maisagot sa manunulat na nakasalamin.
“Anyway, maybe I could use pseudonyms for you to protect your identities.”
“Pwede naman siguro kahit first names lang,” sagot ni Ivan. Tumango naman si Errol.
“Can I get a picture of you two? Dim photo lang, para hindi klaro ang mga mukha ninyo.”
“Okay,” sagot ni Ivan.
Kinuha ni Peter ang kanyang camera. “Can I have a request?”
Lumingon ang dalawa ngunit si Ivan ang sumagot. “Yes?”
“Can you hold each other’s hands and look at each other?”
“Sure,” saad ni Ivan.
Umatras si Peter at kumuha ng dalawang larawan. Pinakita niya ang mga ito kina Ivan at Errol.
“You take good pictures. Photographer ka rin ba?” tanong ni Ivan.
“Nope. Hobbyist lang. Anyway, I enjoyed our little chat. Madalas ba kayong magcheck ng emails at Facebook?”
Tumango ang dalawa.
“I’ll show you the draft of the article before posting it, kasi kailangan na okay kayo sa naisulat bago ko ito ilathala. If it’s not too much to ask, may I have either or both of your contact information? Here.” Binigyan sila ni Peter ng isang notepad at ballpen.
Sinulat naman nina Ivan at Errol ang kanilang phone numbers, email addresses, at Facebook names.
“Thank you so much! Can I hug both of you?” Lumapit si Peter sa dalawa at nakipag-group hug sa mga ito. “Your story inspired me. Sana tumagal ang friendship ninyo or maging more than friends pa kayo.” Kumindat si Peter kay Errol. “I’ll text you both when I’m done with the article. I will need your approval before I post it.”
Ngumiti si Ivan dito. “You’re welcome.” Nakita niyang tumango sa kanya ang manunulat at pagkatapos ay naglakad patungo sa counter at pumasok sa pinto doon. Humarap si Ivan kay Errol.
[End of Optional Scene]
“Sa’n tayo after nito?”
“Di ko alam, eh,” sagot ni Errol.
“Hindi ka nga pala lakwatsero, ‘no.” Nakita niyang tumango ang kasama at ngumiti nang bahagya. “Teka saan ba?”
“Wala akong maisip na magandang pasyalan, eh.”
“Ayaw mo rin ng bars, di ba?”
Tumango si Errol. “Pero kung gusto mo sasamahan kita.”
“This is your night. Gusto ko kung saan mo gusto.”
“Wala akong idea, eh. Kadalasan kasi nasa bahay lang ako pag ganitong oras.”
Nang lumabas sila ng restaurant ay dumiretso sila sa isang hotel.
“Ivan, bakit tayo andito?” tanong ni Errol.
“Dito tayo magha-honeymoon,” sagot ni Ivan na may pilyong ngiti. Kita niya ang pagtataka ng kasama. “Unfasten your seat belt.”
“Ivan, hahanapin na ako sa amin.”
“Don’t worry. Tinawagan ko si Tito Gary kanina. Ipinagpaalam na kita.”
“Ano? Bakit di ko alam? Kayo pinagplanuhan niyo pala ‘to ha.” Lumingon si Errol sa hotel.
“Kasi di ka makontak kaninang hapon. Pero ‘wag kang mag-alala alam na ng dad mo na di ka uuwi ngayon. May binilin lang siya sa akin.”
“Ano daw?”
Nilapit ni Ivan ang mukha sa tenga ni Errol at bumulong. “Pag nabuntis daw kita panagutan ko daw.” Nakita niyang pinamulahan ang binata at umiwas ng tingin. Bumaba na si Ivan at umikot at binuksan ang kabilang pinto ng kotse at nilahad ang kamay sa kasama.
“Grabe naman ‘to. Kaya ko na!” Tumingala si Errol. “Ivan, ang mahal dito.”
“Ikaw talaga.” Kinurot ni Ivan ang pisngi ni Errol. “Wag mo na problemahin.”
Agad namang hinimas ni Errol ang pisnging kinurot ng kasama. “Ivan, ang laki na ng ginastos mo tonight.”
“Don’t worry.”
“I know you!”
Napalingon sina Ivan at Errol sa pinanggalingan ng boses. Isa itong magandang babae na sintangkad ni Errol. Hanggang leeg ang kanyang buhok. Nakasuot ito ng sleeveless red dress na hanggang tuhod at red high heels. Kasama nito ang binatang pamilyar. Isang pambihirang pagkakataon na magkita ang apat sa iisang lugar. Hindi inaasahan.
“Right! Kayo yung nasa bar a week ago! Small world,” saad ng babae.
“Cindy?” tanong ni Errol.
“You can call me Ate Cindy.” Ngumiti si Cindy kay Errol.
“Pare, may date pala kayo ni short guy ha. Ikaw ha.” Nang-aasar ang ngiti ni Bryan kay Ivan.
Ngumisi si Ivan at inakbayan si Errol. “Masama ba, pare?”
Inangat ni Bryan ang kamay at umiling. “Di ako tutol diyan, pare. Di ako judgmental. Di ba, babe?”
“They look great together! Ano nga ulit ang pangalan ninyo? Wait, you’re ... Errol. Errol, right?” tanong ni Cindy.
“Yup, Ate Cindy. Ang ganda niyo,” saad ni Errol.
Umakbay naman si Bryan kay Cindy nang mahigpit. “Uy, pare, sabihan mo si li’l bro akin lang ang babe ko.”
Natawa naman si Ivan at ginalaw ang braso nitong nakaakbay kay Errol. “Uy, ako date mo, di ba?”
“Nag-aappreciate lang.” Ngumiti si Errol.
“Di ba, babe, sabi ko naman sa’yo okay na kami?” saad ni Bryan.
“Oo nga eh,” tugon ng babae na pagkuwa’y humarap kina Ivan at Errol. “Pasensiya na talaga kayo noong nakaraang Sabado ha.”
“Okay lang. Nagsorry na siya,” saad ni Ivan. “Pero kapag ginawa niya ‘yun ulit, bubugbugin ko ‘yang boypren mo.” Tumawa si Ivan.
“Pare, nakakalalake ka ha! Gusto mo magpalakihan tayo ng biceps?” Lumapit si Bryan kay Ivan at tinaas ang manggas ng kanyang brown polo.
“Babe!” Pinigilan ni Cindy ang nobyo.
Hinalikan naman agad ni Bryan ang pisngi ni Cindy. “Joke lang.” Tapos ay lumapit kina Ivan at -- “Sabi ko sa iyo eh bagay kayo.” Ngumiti ito kay Ivan. “Enjoy the night!” Ginulo nito ang buhok ni Errol at kumindat dito.
“Ano nga ulit name mo?” tanong ni Cindy kay Ivan.
“Ivan.”
“Okay, Ivan, ingatan mo si Errol ha.” Lumapit si Cindy kay Errol at niyakap niya ito. “I’m so glad I met you again. Bakit hindi ka man lang nagtext? I gave you my calling card.”
“Ah, eh...”
“Di bale. I’ll just get your number na lang.” Nilabas ni Cindy ang kanyang telepono at hinintay na bigkasin ni Errol ang kanyang numero.
Ngumiti si Errol habang binibigkas ang kanyang numero.
“I’ll text you! Enjoy the rest of the night, both of you,” saad ni Cindy kina Ivan at Errol bago pumasok sa kotse nila ni Bryan.
---------------------------
Chapter 35
Thong
Habang naglalakad patungo sa hotel room nila ni Ivan ay unti-unting sinakluban ng nerbyos si Errol. Maraming mga bagay ang sumasagi sa isipan niya, gaya ng ano ang gagawin nila sa loob ng silid. Matutulog lamang ba sila? Magkukuwentuhan? Ano pa ba ang hindi nila napag-uusapan? Mag-aano ba sila? Ano’ng mag-aano?
Mas lumakas ang tibok ng kanyang puso habang sandali siyang lumingon upang sulyapan si Ivan. Ang bango niya. Teka, bakit niya ba siya dadalhin sa silid na iyon? Ano ang gustong mangyari ni Ivan. Nangangatog si Errol. Ang bawat hakbang na kanyang ginagawa ay tila mas nagpapadagdag sa kanyang kaba. Biglang nakaramdam siya ng paghampas sa likod niya. “Hay, nako po.”
“Okay ka lang?” nakangiting tanong ni Ivan. “Dito na tayo.”
“O--” Lumunok si Errol upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Tumango siya. “O-okay lang ako.” Hindi niya maipaliwanag ang init na nararamdaman niya. Parang lalagnatin siya. Ang kanyang mga tuhod ay parang nagiging goma sa lambot. Ibayong kaba ang kanyang naramdaman nang ipihit ni Ivan ang susi at buksan ang pinto. Naramdaman niya ang marahang tulak sa kanya ni Ivan papasok.
“Come with me, my ... Valentino.” Malambing ang boses ni Ivan. Mababa sa karaniwang timbre.
Umakyat ang init sa leeg ni Errol habang ginagala ang tingin sa magarang silid, sa maladilaw na mga ilaw, sa malaking puting kama na iyon sa di kalayuan. Dito ba nila gagawin? Ramdam ni Errol ang pagtibok ng mga ugat sa leeg niya at sa sentido.
“Relax yourself. Manood ka ng tv.”
Halos hindi marinig ni Errol ang boses ni Ivan sa tindi ng kabang nararamdaman at sa pag-iinit ng buo niyang pagkatao. Halos hindi siya makagalaw, ngunit napilit niya ang sariling tumango sa kasama at bahagyang mapangiti. Dahan-dahan siyang tumungo sa kama at umupo sa gilid nito, kinukubli ang panginginig ng kanyang kalamnan.
“Okay ka lang?”
Dinig niya ang boses ng kasama, mas mahina ito sa kadalasang boses niya, hindi masigla ngunit malumanay na tila dinuduyan si Errol na labis ang kaba nang mga sandaling ito. Nang lingunin niya ito ay niluluwagan na nito ang kanyang polo. Agad niyang binawi ang sulyap. “O-Oo, okay lang.” Ang ngiti ni Ivan, ang ngiting iyon na gusto niyang lasapin sa paningin, ngunit di kayang tagalan ng kanyang diwa.
“Psst...”
Napalingon si Errol. Natigilan siya nang makitang nakasalawal na lang si Ivan.
“Maliligo muna ako.” Kumindat ito.
Napadiin ang hawak ni Errol sa kama habang tila ay sandaling tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Ngunit hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman.
“Ready ka na?”
Halos malagutan ng hininga si Errol sa marahang ihip ng hininga ni Ivan sa kanyang tenga. Nang lumingon siya upang sana ay sumagot ay nakatalikod na si Ivan patungo sa shower room. Nanghihina siya sa tindi ng kabang nararamdaman. Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tatanggi ba siya o hindi? Hinubad niya ang kanyang sapatos at humiga sa kama na nakahawak nang mahigpit ang isang kamay sa comforter, hinihintay na humupa ang nararamdaman niyang pagkabalisa.
* * *
Habang naliligo si Ivan ay iniisip nito ang mga pangyayari nitong mga huling araw. Isang linggo pa lang niyang nakikilala si Errol, ngunit malapit ang loob niya dito. Noong una ay inakala niyang dahil naalala niya lang ang kapatid dito, ngunit bakit tila may iba pang dahilan? Bigla siyang natigilan. Inisip niya ang nangyayari sa kanya. Alam niyang hindi siya bakla. Ngunit ano itong umuusbong na damdamin para sa bagong kakilala?
Nang makita niyang umiiyak ang binata dahil sa pagkabigla nang yayain niya itong samahan siya ngayong espesyal na gabing ito ay napagtanto niya ang pagkamaramdamin at maselan nito. Siya ang taong dapat ingatan dahil sensitibo ito. Naisip ni Ivan na baka awa nga lang ang nararamdaman niya para dito at hindi talaga pagmamahal. Gusto niya nga lang ito makitang masaya.
Habang umaagos ang tubig sa katawan ni Ivan at hinihigop ito ng drain ng shower room ay panandaliang napapawi ang agam-agam niya sa sariling pagkatao, sa kanyang sekswalidad. Ngayong gabi, paliligayahin niya ang binata. Nang matapos maligo ay pinahid ni Ivan ang twalya sa basang balat at nagsuot ng thong, isang kakarampot na saplot na sapat lang upang matakpan ang maselang bahagi ng katawan.
Litaw ang maumbok niyang puwet na nakaharap sa salamin at sinusuri ang kanyang kabuuan. Litaw na litaw ang kakisigan nito at ang kaakit-akit nitong kabuuan mula sa basa nitong buhok na may tumutulong tubig, sa presko nitong mukha na tila nagliwanag pagkatapos nitong maligo, sa mga malarosas nitong labi, sa maumbok nitong mga balikat, sa mga namumutok na braso at dibdib, sa mga malarosas na utong, sa mga pandesal nito sa tiyan, sa matitipuno nitong mga binti at hita, at sa umbok na iyon. Isa siyang bathalang kailangang sambahin.
Gumiling-giling si Ivan sa harap ng salamin at ngumiti nang pilyo. “Pwede na siguro ‘to,” bulong niya sa sarili, pagkatapos ay lumabas ng banyo. Bumungad dito ang napakagarang kwartong may mga pulang kurtina, ang mga mwebles na gawa sa makintab na kahoy, ang patay na telebisyon, at ang queen-sized bed na natatakpan ng puting comforter. Nakahiga si Errol sa gilid nito na nakatagilid. Pinatay ni Ivan ang ilaw. Naiwang nakabukas ang dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng malaking higaan.
Handa na si Ivan. Pinaghandaan niya ang gabing ito. Nagsaliksik siya kung ano ang ginagawa ng dalawang lalaki kapag nagtatalik. Nilapag niya sa side table ang isang condom at ang bote ng water-based lube. Handa na siyang angkinin ang binatang ito. Ngayong gabi kakalimutan niya muna ang mga agam-agam sa kanyang pagkatao upang mapaligaya ang isang binatang naghahangad ng pagmamahal.
Dahan dahan siyang pumatong sa kama at patagilid na humiga na nakaharap sa kasamang nakatalikod. Sinundot niya ang gilid nito. Wala itong reaksiyon. Marahan niyang hinawakan ang braso nito. Wala pa rin itong reaksiyon. Hinila niya ang braso nito. Doon niya lamang nalamang tulog na pala ito, marahil dahil na rin sa pagod sa trabaho. Oo nga pala, inabutan niya ito sa bahay nila na bagong gising.
Natawa si Ivan. Sayang naman ang paghahanda niya. Mapupunta lang pala sa wala. Napangiti ang makisig na bathala. Nilapit niya ang sarili sa tulog na si Errol at hinalikan ito sa pisngi at leeg.
Tumihaya si Ivan na nakapatong ang ulo sa dalawang kamay. Napaisip ito. Pa’no kung maging sila ni Errol? Pwede bang maging sila? Kaya ba niya? Mahal ba niya ito? Oo, tila ay mahal na niya ito. Anong klaseng pagmamahal? Tulad ba ito ng pag-ibig na naramdaman at inalay niya sa mga dating karelasyong babae? O mahal bilang isang kapatid? Naguguluhan si Ivan.
Kaya ba niyang pasayahin si Errol? Kaya niyang ialay ang kanyang sarili, pero kaya ba niyang ialay ang kanyang puso? Naalala niya ang sinabi nito sa kanya noong inaakit niya ito. Ayaw niyang inaakit siya. Gusto ni Errol na mahalin siya. Kaya ba siyang mahalin ni Ivan sa paraang hinahangad nito?
Lumingon si Ivan sa kasama sa kama. Ibang-iba ito sa mga kilala niyang bakla. Napagtanto niyang muli na magkaiba talaga sila ng kapatid niya. Mas maramdamin ito. Mas malalim. Hindi ito madaling akitin. Alam ni Ivan na naakit naman ito sa kanya pero grabe siya kung magpigil. Ano ba ang pumipigil sa kanya? Dapat pala naitanong niya ito kay Erik. Napagtanto ni Ivan na hindi niya pa nga lubusang kilala ang bagong kaibigan.
-------------------------
Chapter 36
Saplot
Dinig ni Erik ang mga halinghing ng nobya. Sinususo niya ang isang utong ni Shanice habang nilalamas ang kabila nitong dibdib. Ang kwarto ay napuno ng mga ungol ng babae. Maya-maya pa ay lumipat siya sa kabilang suso. Ramdam niya ang pagsabunot sa kanya ng kasintahan at rinig niya ang mga ungol nito at ang impit na tunog nito. Bumalik siya sa paghalik sa leeg ng babae na napapapikit sa sensasyong nadarama.
Nakapatong si Erik na walang pang-itaas sa nobya nitong nakalabas ang mga suso sa suot nitong blouse na nakabukas na. Mapusok na hinalikan ni Erik sa labi ang nobya. Hindi ito ang unang beses na ginawa nila ito, ngunit ngayong gabi tila mas hayok ang binata. Nilalaplap nito ang labi ng dalaga at nilalaro ang dila sa loob ng kanyang bibig. Maya-maya pa ay tumayo ito at inutusan ang nobya na maghubad. Agad na hinubad ni Shanice lahat ng kanyang saplot.
Nang makita ang nobyang wala ng saplot ay sinunggaban na ito ni Erik. Bumalik ito sa paglapirot sa mga utong nito habang bumaba ang mga halik nito sa kanyang puson. Dumako ito sa mabalahibong bahagi ng dalaga at doo’y nilabas niyang muli ang kanyang dila at pinagapang ito sa hiwa niya. Dinig niya ang napalakas na ungol at ang mga pigil na paghinga ng dalagang agad na sumabunot sa kanyang buhok. Tinuloy ni Erik ang ginagawang paglaplap sa kaselanan ng nobya. Binuka niya ang dalawang hita ni Shanice upang mas masibasib ang pagkababae nito na noon ay basang basa na.
Tumayo ulit si Erik at nagmamadaling hinubad ang kanyang pantalon at briefs. Tumambad ang tirik na tirik niyang sandata. Lumapit siyang muli kay Shanice at hinalikan ito nang mapusok. Pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang binti at pagkatapos ay dahan-dahang pinasok ang butas ng dalaga. Napakagat-labi ang babae. Dahan-dahang naglabas masok si Erik sa kaselanan ng nobya habang pumipikit ito at umuungol.
Biglang sumagi si Errol sa isip ni Erik at bumagal ang pagbayo nito. Iniisip niya ang matalik na kaibigan na malamang ay pinapaligaya na ngayon ni Ivan. May ibang naramdaman si Erik. Bigla itong nanggigil. Nilapit niya ang sarili sa katawan ng dalaga at sinibasib ito ng halik habang binilisan nito ang pagbayo. Sa bawat indayog ay dinig niya ang mas malakas na ungol ng nobyang nakagapos ang dalawang kamay sa kanyang leeg. Ramdam niya ang init ng lagusan nito. Ano kaya ang pakiramdam ng butas ni Errol? Natigilan ulit si Erik. Bakit sumasagi sa isipan niya ang kaibigan?
Lampas sampung minuto ng kumakadyot si Erik sa ibabaw ni Shanice na umuungol lang. Sa bawat paglitaw ni Errol sa kanyang diwa ay mas nanggigigil si Erik, mas napapalakas ang mga bayo nito, at mas mapusok ang mga halik nito. “Malapit na ako!” Wala siyang narinig na sagot mula sa kasintahan maliban sa mga halinghing nito. Agad na hinugot ni Erik ang kanyang ari mula sa lagusang iyon at nilaro ito sa harap ng nobya. Nakapikit si Erik habang mabilis na nagparoo’t-parito ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang matigas na alaga. Sumagi na naman sa isip niya ang kaibigan. Ano kaya ang itsura nito habang pinapaligaya? Ang mga imahe ng mukha ni Errol ang tumatakbo sa isipan ni Erik nang maramdaman niya ang rurok.
“Eh... Er...” Biglang naalala ni Erik na si Shanice pala ang kasama nito. “Aaaahhh...” Pumulandit ang masaganang katas sa puson ng kasintahan.
Nakatulog na si Shanice. Si Erik naman ay naiwang nag-iisip. Masaya kaya si Errol kay Ivan? Nag-eenjoy kaya sila ngayon? Pinaubaya na niya ang kaibigan sa taong nagsisimulang bigyan ng kulay ang kanyang buhay. Mahal ni Erik ang kaibigan, pero mahal niya rin si Shanice. Nalilito siya. Ang isang parte ng kanyang utak ay sumisigaw na tawagan niya si Ivan at itigil ang anumang ginagawa nito sa kaibigan. Ang isang parte naman nito ay nais na hayaan na lang si Errol na lumigaya.
Bakit ba hindi niya nagawang ipagtapat kay Errol na mahal niya ito? Oo nga pala. Naipagtapat niya ngunit ipinagkibit balikat ito ng kaibigang inakalang mahal niya ito bilang isang kaibigan. Nais niyang siya ang magpaligaya dito, ang magbigay tamis sa buhay nito. Ngunit malamang huli na. Nasaktan niya na ito.
Tiningnan ni Erik ang babaeng kasama. Mahal niya ito. Oo, mahal niya ito. Mahal niya nga ba talaga ito? Pero siya ang magiging kasama niya sa pagtupad sa kanyang mga pangarap. Magkakapamilya siya. Mamumuhay siya ng normal, isang lalaking may asawa at mga anak. Ganon naman talaga, hindi ba? Ano naman ang magiging kahihinatnan ng lahat kung maging sila ni Errol? Kukutyain lamang sila ng lipunan. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya?
Naging duwag si Erik. Hindi niya naipahayag ang kanyang damdamin sa kaibigang nilunod niya sa kabiguan, ang taong hindi na makuhang maging lubusang masaya dahil ang tanging lalaking minahal niya ay may mahal ng iba. Kung alam lang ni Errol ang tunay niyang nararamdaman, kung alam niya lang, kung pwede lang.
Pero pumasok na si Ivan sa buhay ng kaibigan, handang gawin ang hindi niya kayang gawin. Pero sa bawat pagdaan ng minuto ay tumitindi ang kirot sa dibdib ni Erik. Pagkatapos ng gabing ito ay pag-aari na ni Ivan ang kaibigan. Malamang magiging sila na. Mainam na siguro iyon. Hindi naman niya pwedeng hadlangan ang kasayahan ni Errol. Mahal niya ito, at gusto niya itong maging masaya. Gusto niya makita itong ngumiti, tumawa. Gusto niyang masilayang muli ang ningning sa mga mata nitong hindi na niya nakikita sa loob ng mahabang panahon.
Malamang ay ganito rin ang naramdaman ni Errol noon, noong lihim itong umiibig sa kanya, pag-ibig na hindi nasuklian, pag-ibig na sa kalaunan ay kinain ng lamig na nanuot sa pusong naiwang nag-iisa. Ngunit ngayon ay may nais na magbigay init dito.
Ano kaya ang ginagawa nila? Hinahalikan ba siya ni Ivan? Niyayakap? Nagtatalik ba sila? Siguro nagtatawanan sila ngayon, masaya. Masaya na rin si Erik kung ganoon nga. Iyon naman ang ninanais ng kaibigan, ang mahalin siya, ang masuklian ang kanyang pagmamahal.
Tumagilid si Erik patalikod kay Shanice. Dumaloy ang luha mula sa kanyang mata nang ipikit niya ito upang matulog.
---------------------------
Chapter 37
Cherry
“Please don’t think this is a Valentine date, my dear,” saad ni Sandy sa boses niyang mas pinaamo niya habang pinagapang ang kanyang hintuturo sa pisngi ng lalaking nakaupo sa tapat ng mesang naiilawan ng isang kandila. “What a sweet night this is.” Bumalik si Sandy sa kanyang upuan ngunit bago ito umupo ay kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at hinalikan ito.
“To what do I owe you this pleasure?” tanong ng lalaking tila ay nasa mga kwarenta. Medyo magulo ang buhok nito at may isang ngiping yari sa ginto.
“The question is,” saad ni Sandy sa pino nitong boses. Nilapag niya ang isang bisig sa mesa at pinatong ang baba sa isang kamay na ang siko ay nakatukod sa mesa. “To what will I owe you this pleasure?” Bahagya niyang pinasingkit ang kanyang mga mata, ginalaw ang kanyang balikat, at binaba nang kaunti ang kanyang mukha upang bigyan ng malisyosong titig ang kaharap.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Lucio will always be the great, old Lucio!” Ngumisi si Sandy. Litaw ang mapuputi niyang ngipin na mas pinatingkad ng maladugo nitong kulay sa mga labi. Ang kanyang mga tingin ay matalas.
“Alam kong may kailangan ka. What is it, dear Cassie?” nakangising tanong ni Lucio.
“Oh, no, no, Lucio, darling. Cassie is such an old, forgotten nickname. I prefer Sandy.”
“If you say so. But Cassie, Cassandra, or Sandy, it’s still you.”
Umiwas ng tingin ang babae. “Alam mo naman... Only you and my real father ever called me Cassie.” Naging seryoso ang mukha ni Sandy.
“Still mad about your father’s death?”
Matagal sumagot si Sandy. Nilaro nito ang hawak na baso. Pinaikot ang alak na laman nito at bahagyang ngumiti. “You know the story.”
“Yeah, your Papa Damian cuddled you and kept calling you Cassie the last time he was with you. So ‘Cassie’ has a sort of a sentimental value to you.” Kinuha ni Lucio ang bote ng wine at nagbuhos ng alak sa kanyang baso.
Tahimik lang ang dalaga at napatingin ito sa malayo. “Then he was gone. Ilang buwan namin siyang hinanap. Marami kaming nabalitaan.”
“Yeah, I’ve heard that.” Kumuha ng mga maliit na bloke ng yelo si Lucio mula sa mangkok at nilagay ang mga ito sa kanyang alak. “That you heard rumors that he was into weird things. Pero ang akala ninyo may ibang pamilya na siya.”
“Huli na noong malaman namin. At huli na rin noong ipinagtapat sa akin ng mama ang lahat.” Tumunga si Sandy ng alak. “Noong araw na pinagtapat ni mama ang ancestry ng papa ay ang araw rin na nawala siya sa amin.”
“And you found him fighting his older brother on a hill. You guys are weird.”
Tiningnan ni Sandy nang matalim ang kasama.
“No offense meant, my dear,” saad ni Lucio na ngumisi. “Cassandra is a fine name. Why don’t you just use it?”
Umiling si Sandy. “Alam ng mama at papa na hindi ko gusto ang pangalang Cassandra. Parang makaluma.”
“Astig pakinggan ang Cassandra, eh. Parang fierce mistress.”
“I don’t like it. My stepfather thought of the name Sandy for me. Simula nung naging sila ng nasira kong ina ay yun na ang tawag niya sa akin. Nasanay na rin ako.”
“‘Sandy’ sounds like an average bitch’s name.”
“Stop toying with my names, Lucio.”
“O-Okay.” Inangat ng lalaki ang mga kamay. “You know, your wish is my command. So, what is this dinner all about?”
“There’s no need to rush. There’s the rest of the night for my plans, which will eventually become our plans.” Kumindat si Sandy sa kausap.
“Sounds like old Cassandra is back.”
“She never left.” Ngumisi si Sandy tapos sumipsip ng wine.
“Good old days are back.”
“Kamusta na ang family mo? Matagal ko ng hindi nakikita si Nanette. Is she still fat and miserable?”
Tumawa si Lucio. “Hindi ka pa rin nagbabago. But, yeah, she’s still a whiner.”
“Hindi nga kita maintindihan kung bakit pinakasalan mo ang babaeng ‘yon.”
“Business reasons. Kilala mo naman si papa. But looks like he was right after all. Now, I have access to 5 billion dollars. Not bad.” Tumunga si Lucio ng alak.
“Poor bitch. What else can I say? Your dad must be proud of you.” Kinagat ni Sandy ang kanyang labi at malagkit na tiningnan si Lucio.
“Poor, old guy is up there already. Or down there?” Ngumisi si Lucio.
“You didn’t tell me he died.”
“Hindi mo naman kailangan malaman.”
“Oh, well, so is business good?”
“Which business?” Ngumisi si Lucio. “Business is fine. Kelan ka ba sasapi sa amin? Malaki ang pera dito.”
“Maybe in the near future. May mga inaasikaso pa ako.”
“Yang paluging business ng dad mo?”
“Step-dad.” Inikot ni Sandy ang buhok ni Lucio sa kanyang hintuturo.
“Bakit di mo pa iwan ‘yan?”
“Gusto ko, pero ayaw ni dad.”
Tumawa lang si Lucio. “Since when do you follow orders, stubborn Cassie? Este Sandy na pala.”
“Funny!” Umirap si Sandy. “The truth is, as much as I hate that company, I need it.”
“Looks like you’re brewing some scheme.”
“Not brewing. Doing,” saad ni Sandy sa mahina at nang-aakit na boses. “I’ve been stealing from my dad’s company since I moved in as CEO. The old guy doesn’t even know. I’m giving the accountants a very bad headache.” Tumawa nang payak ang babae.
“Bad girl! You deserve some spankin’.”
“Oh, please, Lucio, darling. We both know you’re not the one doing the spanking.” Ngumisi ang babae habang nakatingin nang malagkit sa kausap.
“The fierce headmistress in the bedroom, eh?”
“You know, I could be better.” Kagat-labing tiningnan ni Sandy nang pilyo si Lucio.
“Damn, better than my fat bitch at home.”
“You deserved better than that poor girl.”
“Kung pumayag ka lang sana noon.”
“Let’s not talk about the past now.” Uminom si Sandy ng wine. “Ang importante ang ngayon. Together, we can do wonders.”
“Wonders?” Malisyoso ang tingin ni Lucio kay Sandy.
“This?” Pinakita ni Sandy ang hintuturong pinaikutan ng itim na enerhiya. “You were the first person to see this. How long ago was it?”
“Twenty years ago?”
“Can’t remember.” Matalim ang titig ng nakangising babae.
“Naaalala ko pa kung ano’ng ginawa sa mga nambully sa iyo noong high school tayo.”
Napangiti si Sandy habang inalala kung paano niya muntik nang mapatay ang tatlong binatilyong kumutya at nang-api sa kanya. “Hindi ko naman sinadya yon.” Natawa ulit nang payak ang babae. “Hindi ko naman akalaing gagana pala ang inakala kong walang kwentang spell na yon.” Naglagay ng alak ang babae sa kanyang baso. “I never liked casting spells. It’s inconvenient. But spells come handy,” saad niya habang nagdadagdag ng yelo sa kanyang baso, “especially now.”
Ngumisi si Lucio. “Dark witch is back.”
“I told you she never left. I never left. I just prefer a different name now.”
“Something tells me...” Biglang tumigil si Lucio at ngumisi.
“Ituloy mo,” saad ni Sandy.
“That blackout last Tuesday. The strange lights over the building where your office is...” Ngumisi si Lucio.
“Investigators could find no clue.” Ang malademonyong ngisi ni Sandy...
“Kaya nga minsan naiinggit ako sa’yo. If I had your gifts, I could own this country.”
“You could own the world.”
“Looks like I’m getting a glimpse of your little evil ploy.”
“Don’t be too excited. Besides, now isn’t the right time to play dirty tricks.”
“Still in hiding?”
“Hindi naman. Nag-iingat lang.”
“Sino pa ba maliban sa akin ang nakakaalam ng iyong witchy, bitchy tricks?”
“My sister and an old man.”
“Oy, kamusta na nga pala si Diana?”
“Ayon, easy-go-lucky pa rin.” Umirap ang babae. “In short, walang silbi.”
“You’re too hard on your sister. She’ll come around.” Tumunga ulit ng wine si Lucio.
“I hope she does.”
Ginalaw ni Lucio ang bell upang tumunog ito. Lumapit ang katulong. May binulong si Lucio dito. Pagkatapos ay binaling nito ang atensiyon sa kausap.
“Bago ba itong bahay mo na ito?” tanong ni Sandy habang nakatingin sa brick walls sa gilid ng sliding doors na papasok mula sa kinaroroonan nilang veranda. Mula sa bahaging ito ng bahay ay tanaw ang maliwanag na mga ilaw sa di kalayuang lungsod sa ibaba.
“Three years. Dun nga pala tayo palagi naghahang out sa isa ko pang bahay sa Makati na malapit lang din sa inyo.”
“Rich guy.”
“Hindi naman. Maabilidad lang. Teka, sino naman yang matandang tinutukoy mo?”
“Somebody you will meet in the near future.”
“Sounds interesting. What are you cooking, my nasty mistress?”
“You will know if you help me,” sagot ni Sandy na nakangiti.
Bumalik ang katulong na may dalang dalawang platito ng chocolate cake na may cherry sa ibabaw at isa pang bote ng wine.
“Happy Valentine’s Day, darling,” saad ni Lucio na may pilyong ngiti.
“Chocolate cakes never fail.” Kinuha ni Sandy ang tinidor at tinikman ang cake. “Delectable.”
“Cut to the chase, darling. What brought you here?”
“I want to ask a favor of you.”
“Anything.”
“I need your resources.”
“For what?”
“May gusto akong ipahanap.”
“Sino?”
“’Yung matanda.”
“Hindi ba kaya ng iyong abrakadabra?” Ngumisi si Lucio habang ginagalaw ang mga kamay na kunwari ay salamangkero.
“Tuso ang matanda. May mga angking kaalaman din siya.”
“Challenging. Ano naman ang kailangan mo sa matandang yan?” Nilaro ni Lucio ang yelo sa kanyang bibig.
“Let’s just say he has something that I want.” Bumitiw si Sandy ng matalim na sulyap at ngumisi nang kaakit-akit.
Ngumisi din si Lucio at ginalaw-galaw ang basong may yelo at alak. “Ilang beses mo ng nabanggit ang baul na yan noon. Why don’t you just get it with your” -- ginalaw niya ulit ang mga daliri na parang isang salamangkero -- “witchy tricks.”
“Ginawa ko na yan noon, ngunit makapangyarihan ang salamangkang nilapat ng matanda dito. Nang hawakan ko ang baul ay parang hinihigop ako nito.”
“Looks like we’re in for big trouble.”
“Not really. I don’t think my uncle --”
Biglang sumabat si Lucio. “Uncle mo yung gusto mong ipahanap? You mean Melchor?”
Tumango si Sandy at uminom ng alak. “Nasa kanya na ulit ang mga bato. So I need to get to him to get to the gems, at mas mahirap nang kunin ang mga ito. Madaling nahaharangan ng matanda ang kapangyarihan ko. That’s why I need your help.”
“Looks like a tough job.”
“For me. Not for you and your men. Sa tingin ko hindi umuubra ang salamangkang proteksiyon ng matanda sa mga normal na tao.”
“How can you be so sure?”
“Nahawakan ng dalawang tauhan ko noon ang baul na laman ang mga bato. I lost them, but I learned something.”
“What is it?” kunot-noong tanong ng lalaki.
Nilapag ni Sandy ang baso ng alak sa mesa. Tumayo siya at naglakad patungo sa dulo ng beranda. Pinatong niya ang mga kamay sa dalaydayan at tumingin sa mailaw na lungsod sa malayo. “The enchantment that protects the stones is flawed.” Lumingon siya kay Lucio na sumunod sa kanya. “Mukhang ang salamangkang proteksiyon ng mga bato ay para lang sa mga nilalang na katulad ni papa o katulad ko.”
“Well,” tugon ni Lucio na nakapamulsa at tumungga ng alak, “there’s only one way to find out.”
“I need your best men.” Mapanukso ang sulyap na ginawad ng nang-aakit na salamangkera sa kausap. “His oversight is my advantage.”
“All the best for you, my cherie.” Pinisil ni Lucio ang baba ni Sandy.
Sandaling tiningnan ni Sandy ang kausap at binalik ang titig sa malayong lungsod. “I need them to distract him para makuha ko ang mga bato. I will try to reverse his protective spells on the stones.”
“Kailan mo kailangan?”
“I will tell you when. Pero malapit na.”
“Consider it done.”
“Maaasahan talaga kita.” Lumapit si Sandy kay Lucio at pinatong ang kanyang bisig sa balikat nito. “For that, you deserve a treat tonight.” Hinalikan niya ito sa labi at pinisil ang pundilyo ng pantalon nito.
----------------
Abangan (Chapter 42 Teaser)
Hilakbot ang nadama ni Errol. Nagmadali itong pumasok ng kubo at kinuha ang lampara at lumabas. “Lo, ano’ng nangyayari?”
“Natagpuan na tayo ng mga alagad ni Cassandra.”
“Sinong Cassandra? Hindi ko kayo maintindihan?” Naghalo ang inis at pagkabahala sa mukha ni Errol.
“Errol, tumakbo ka na. Tumakas ka na!”
“Ano?” Ngunit biglang narinig ni Errol ang pagkasa ng mga baril. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. “Lolo, ano ‘to?” Maya-maya pa ay napansin niya ang mga pulang linya ng ilaw mula sa kadiliman. Biglang nanlamig si Errol. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Naramdaman niya ang paghawak sa kanya ni Melchor, ang malamig na palad nito.
“Kadiliman ng kalawakan ako’y pakinggan, sa pagkakataong ito ako’y aasam...”
“Lo?”
“... Na ang inosenteng ito ngayong gabi
Sa masasamang nilalang iyong ikubli.”
“Lo, ano’ng pinagsasasabi ninyo?”
“Tumakas ka na! Ako ang pakay nila.”
----------------
No comments, no update. Kapag di umabot ng sampo ang comments, walang update. Hahaha :P
Happy Sunday!
excited na ko dun sa paunang part kaso nabitin ulet HAHAHA minuminuto ko binibisita ang site para sa update, please update poooo HAHAHA!
ReplyDeleteWorth the wait. - Frank
ReplyDeletethank you, frank!
Deleteauthor! para sa update, magcocomment na po ako HAHAHA araw araw/minuminuto ko inaabangan update nito. nagtampo pala ang bebe kaya hindi naguupdate. lagi mo na lang kami binitin sa part ni errol at ivan! pero okay lang, i like it that way. salamat. sana may dumating na ivan sa buhay ko. syempre magpapabebe din ako katulad ni errol HAHA
ReplyDeleteauthor! para sa update, magcocomment na po ako HAHAHA araw araw/minuminuto ko inaabangan update nito. nagtampo pala ang bebe kaya hindi naguupdate. lagi mo na lang kami binitin sa part ni errol at ivan! pero okay lang, i like it that way. salamat. sana may dumating na ivan sa buhay ko. syempre magpapabebe din ako katulad ni errol HAHA
ReplyDeletenagkaka anxiety attack si errol kapag nakakakita ng hubad na lalaki. hahaha. ayoko ng sex scene for the sake of sex scene. for errol, i want it to be a special moment. ibibigay ko yan sa tamang panahooooooooon, at gusto ko nakakainlove yung scene, hindi nakakalibog.
DeleteHi sir author! Salamat po sa pag update hehe
ReplyDeleteAlam mo nakakahalata na ko ah! Lagi mo nalang binibitin yung mga M2M sex scenes ah at laging natutuloy yung sex scene nung mga straight! Anu bang gusto mong palabasin? Hahahaha
Pero maganda tong chapter/s na to ah. Ngayon alam ko na at nasagot na ang tanong ko haha makakatulog na ko nang mahimbing. At muntik na kong maiyak habang nakikipag sex si erick tas iniisip nya si errol di ko alam kung bakit hahaha ang weird lang.
Salamat po ulit sa pag update! :)
Happy Fiesta! Viva Sto. Nino!
-jcorpz
Magkaka sex scene din si Errol sa tamang panahooooooon. hahaha. Kalma lang. Magsyota na kasi yung mga straight. Si Errol kasi di pa handa yung character niya. Pero gusto ko talaga special yung sex scene niya, made out of love, not out of libog. Tsaka nagkaka anxiety attack siya kapag nakakakita ng hubad na lalaki. haha
DeleteSo when uli next update?
ReplyDeletekung papalarin, sa linggo. kung hindi, next week, possibly wednesday. may major editing akong gagawin sa isang chapter kasi. at minsan mas mahirap mag-edit kesa magsulat ng first draft.
DeleteGandaa. Salamat po sa update
ReplyDelete-jm
Next please!
ReplyDeleteI emailed you my detailed comment because I wasn't sure the space here is enough! Haha
Anyways, great work!
Marvs
ha ha ha may ganun? enewiz thanks, sa update nabitin ako kina Ivan at Errol
ReplyDelete-Marlon
Excited na ako sa chapter 38-42....
ReplyDeleteExcited na ako sa chapter 38-42....
ReplyDeleteInteresting the last chapter
ReplyDeleteNice update Author!
ReplyDeleteTurns out na si Ivan ay nafafall na kay Errol and Mind you Author 'bout this interview thing kina Ivan and Errol na you do a good shot at the thoughts of dating with the gay guy.
Hopefully next update ulet!
Ps. di ko na na proof read yung comment ko lol
Nice one....
ReplyDeleteOkay naman basahin yung kwento kaso parang sabog eh. Patapos na pala pero parang walang malinaw na climax at denouement.
ReplyDeletedefine climax and denouement. haha. salamat sa kritisismo. i need that. i'm not sure if you notice, but the story doesn't follow the standard 3-act structure of a novel. you may find the ending anticlimactic, but that's the idea. supposing you get to finish book 1 and you feel disappointed in the flow of the story, then i shall ask for an apology for wasting your time. sana naman hindi kasi sa tingin ko napag-isipan ko nang maigi yung structure ng istorya. maaaring salungat ito sa gusto ninyong takbo, pero para sa akin yun ang akmang flow ng events. maraming salamat!
DeleteWow, ngayon na aano ka Erik! Tanga ka kase, hahaha! Sana mabilis pag update mo Peter :)
ReplyDeleteWow, ngayon na aano ka Erik! Tanga ka kase, hahaha! Sana mabilis pag update mo Peter :)
ReplyDeletethank you, jm, marvin, marlon, ryan de leon, at sa mga anon. i just want to point out that i value all your comments. mas gusto ko may criticism kesa wala, kasi kung walang criticism o kahit na anong feedback, ang dating sa akin ay hindi na kayo interesado sa istorya. of course, it's natural for me to defend my work on some occasions kasi kahit papaano pinaglaanan ko ito ng panahon at pinag-isipan. pero lagi ninyong tatandaan just because i disagree with your criticism on some points doesn't mean i do not value your response. lahat ng komento ay importante sa akin. salamat sa inyong lahat!
ReplyDeleteGrabe wala p rn talaga yung k Errol haha, pero sobrang nakakakilig yung effort ni Ivan at the same time nakakainis kasi parang tinetake for granted lng nya si Errol. O talagang nasa stage of confussion lng sya? Tapos yung kila Erik at Shanice, ughh yn lng masasabi ko, haha. Sa ngayon wala muna kong susuportahan between Erick and Ivan sarap kasi nila parehas sapakin haha. Thanks sa update Sir Pitah.
ReplyDelete-RavePriss
Abangan natin ang saloobin ni Ivan sa susunod na chapter. Thanks, Rave!
DeleteLate na lagi nakakapagbasa..
ReplyDeleteMay facebook ka ba author..
Sinasabi mo ba dun kapag nag-a-update ka?
Yup, Azrael. Hanapin mo lang peter jones dela cruz. Pwede mo rin ako iadd sa wattpad -- peterjdc.
DeleteYup, Azrael. Hanapin mo lang peter jones dela cruz. Pwede mo rin ako iadd sa wattpad -- peterjdc.
Delete