Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D
Happy New Year! Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! Heto na po ang Chapter 40.
Happy New Year! Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa! Heto na po ang Chapter 40.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39
Chapter 40:
Simple Schemers
Aulric's POV
Saludo ako sa mga taong sinasaktan ng pamilya nila pero
hindi lumalaban. Iyung mga taong epitome ng pagiging isang mabuting anak. Gaya
niya (Ethan), at niya (Shai), at ng iba pang taong ganoon. Saludo ako dahil
hindi ako ganoon. Natatandaan ko noong sampung taong gulang ako, sinasabihan na
lang ako ni nanay kapag pinapagalitan. Hindi niya ako pinapalo o kahit anong
klaseng pananakit. Dahil noong unang ginawa niya iyun, nasaktan ko siya.
Sinuntok ko siya agad sa sikmura nang pinalo niya ako ng mga ilang beses. Kaya
mula noon, hindi na niya ako pinapalo, o kahit si tatay.
Tanong? Proud ba akong ilahad ang pangyayaring ito? Na
nasuntok ko ang nanay ko dahil pinalo niya ako? At dahil doon, hindi na niya
ako pinalo kahit kailan? Hindi. Hindi ko pinagmamalaki ang ginawa kong iyun.
Ewan ko ba, basta! Kapag may tao kasing nananakit sa akin, hindi ko mapigilang
gumanti.
Noong labing-isang taong gulang pa lang ako, may batang mas
matanda pa sa akin na binatukan ako. Na-ospital siya dahil hindi ko napigilan
ang pambubugbog sa kaniya. Buti na lang at iyung mga matatanda, inawat ako.
Galit na galit pa naman ako sa mga taong ganoon. Kahit na trip niya lang iyun o
dahil wala siyang magawa, hindi pwede iyun sa akin. Kahit iyung mga mas
matatanda pa sa akin na gumagawa noon, hindi ko pinapalampas. Pinupukol ko ng
bato, o hampasin ko ng kahit anong maihahampas. Kaya ang siguro naging masama
ang aking reputasyon sa mga taong nasa paligid ko. Dagdag pa doon ang masamang
reputasyon ng tatay ko.
Umiiyak si nanay noon kapag nalalaman niyang may tao na
naman akong pinapadala sa ospital. Ang mga magulang naman ng mga bata ay
natatakot sa akin dahil binabantaan ko na gusto ba nilang sumunod sa anak nila?
Kaya siguro, hindi sila nagtatangka na ipabayad sa amin ang bill nila sa ospital.
Dinadahilan ko kasi, kasalanan iyan ng anak ninyo. Nagkamali siya ng taong
pinagtripan. Iyun ba ang dahilan kung bakit hindi ako nagkakaroon ng mga
kaibigan? Na hindi ako kinagigiliwan ng mga tao? Anak ng tagabenta ng rice
cooker huh?
Isang araw, pinagsabihan ako ni nanay na kontrolin ko daw
ang ginagawa ko. Alam kasi niyang hindi ko na ito napipigilan dahil habit ko na
ito. Kaya ang mainam na gawin ay kontrolin ito. Kontrolin.
「“Anak, kontrolin mo iyan.
Dapat, gawin mo ito para sa akin. Kapag sinaktan ka nila, saktan mo na lang
sila kung paano ka nila sinaktan. Walang labis, walang kulang. Ganoon. Kapag
natatakot na sila, takutin mo na lang. Pigilan mo ang sarili mo na magpadala ng
tao sa ospital. Gawin mo ito para kay nanay, okay?" sabi sa akin ni nanay
habang hawak-hawak ang dalawa kong mga kamay.」
Kaya mula noon, kinokontrol ko na ang habit ko. Kapag may
nanampal sa akin, sasampalin ko din ng isang beses. Tapos tatakutin ko na lang.
Kalag hindi nadala at sinampal ulit ako, gaganti ako pero may konting lakas na
para madala. Kapag sinabunutan naman ako, sinasakal ko. Pero iyung kay Kristel,
nainis talaga ako doon sa inasta ng babae. Pa-untouchable effect pa kasi siya.
“Buti pala ako, hindi mo sinasaktan kapag pumapasok ako sa
iyo," biro ni Zafe saka hinalikan ang hubad kong likuran. Kasalukuyan
akong nasa kwarto niya at katatapos lang namin magpainit ng katawan. Then
natulog na kami, at nagising. Pagkatapos, nag-uusap naman kami ngayon ng mga
kung ano-anong bagay. Kasama na iyung kanina ko pang sinasabi.
“Ikaw ba Zafe? Noong bata ka pa, pinapalo ka ba ng mga
magulang mo kapag may ginawa kang masama?”
“Hmm, teka.” Tumahimik siya saglit at marahil ay nag-isip.
“Mukhang hindi nga ako napalo ng mga magulang kahit isang beses.” Hmm, dahil
kaya sa social standigs namin kaya hindi pinapalo ni Zafe sa mga magulang niya?
Dahil kaya mayaman sila? Mga mahihirap na bata lang ba ang nakakaranas ng
pamamalo?
“Zafe, ako naman kaya ang papasok sa iyo para maranasan mo
kung gaano kasakit ang pasukan?" tanong ko.
“Huwag na. Mukhang sanay ka na nga kasing pasukan,"
tanggi ni Zafe.
“Maalala ko nga pala. Alam na ni Jin na meron tayong
komplikadong relasyon."
“Ha? Paano niya nalaman?"
“Inamin ko na. Magaling na kasing maghinala. At simula
noon, umiiwas na si Jin sa akin. Hindi ko na kasi nakikita sa Drama Club."
Humugot ako ng malalim na hininga. “Ine-expect ko na ito. So ikaw, expect hell
mula kay Sharina. Kung sinabi nga iyun ni Jin sa kaniya.”
“Hmm, hindi mo ba alam na nasa Basketball Club na si
Jin?" Naramdaman ko na naman ang paghalik ni Zafe sa aking likuran.
“What? Nasa Basketball Club na siya?”
“And guess kung saang team siya sa Basketball Club. Team
James.”
“James? Sino iyun?”
“Karibal ko sa club. Magaling din pero, nagiging mayabang
kapag nakikita ako. At humored boyfriend nung inaway mo na si Kristel. Pero,
hmm, mukhang sila na nga ehh.” Naramdaman ko ulit ang paghalik niya sa likuran
ko. Kotang-kota na siya ahh.
“Maalala ko nga pala. Lumipat na naman sa section mo iyung
ex mo.”
Humugot si Zafe ng malalim na hininga. “Oo nga ehh.
Hinahabol talaga niya ako. Sa tingin ko, oras na para makipaglaro ng
tagu-taguan sa kaniya.”
“Patulan mo na kasi para tumigil na,” simangot ko.
“Papatulan? Hindi ko na siya type. Ikaw na kaya ang type
ko.” Marahan naman niya ngayong kinagat ang likuran ko.
“Type mong kagatin? Tigilan mo nga iyan.” Ginalaw ko ang
aking braso para lumayo siya pero walang nangyari. “At tsaka ano ba ang status
natin? Hindi naman tayo mag-on. Ang relationship status natin ay it’s
complicated with benefits.”
“Hmm, ibang topic naman pag-usapan natin.”
Palagay ko, pangatlo pa lang ngayon ng hating-gabi. Marami
pa kaming napag-usapan na ibang bagay. Topic tungkol sa mga pag-aaral namin,
kung mataas pa rin ang mga grado namin, at kung ano-ano pa. Itinanong ko nga
din sa kaniya kung baka nabuntis niya si Isabela. Gaya naman ng inaasahan,
itinanggi niya iyun. At sa bawat pagbabago ng topic, kinakagat niya ako. Teka?
May flavor enhancer ba ang likuran ko at kinakagat-kagat niya ako? Ramdam ko
din ang matigas na bagay sa ibaba niya pero hindi siya gumagawa ng galaw. Ano
kaya ang binabalak ng taong ito?
“Religion naman. Naniniwala ka ba kay God?” naitanong na niya
sabay kumagat na naman sa likod ko. Ahh! Religion.
Humarap ako sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso.
Prangkahin ko kaya?
“Ohh? Bakit ka humarap? Talikod ka ulit? Ang sarap kaya ng
likod mo.”
“Seryoso ako sa isasagot kong ito kaya makinig ka ng
mabuti. At para naman maintindihan mo ang mga sasabihin ko. Mamaya, kagat ka ng
kagat sa likod ko pero hindi ka pala nakikinig sa mga sinasabi ko.”
“Okay. Game. Makikinig ako.” Hindi siya nagreklamo? Interesado
kaya siya sa isasagot ko?
“So sa tanong mo kung naniniwala ako kay God, siyempre,
oo,” sagot ko. “Pero, may mga bagay ako na hindi pinaniniwalaan tungkol kay
God. Gaya ng pagdarasal para matupad ang ating mga hinihiling.”
“Ano naman ang tungkol doon?”
“Umm, sa tingin ko, pinakikinggan lang tayo ni God. Pero
ang totoo, wala siyang gagawin na aksyon para matupad iyun o kahit ano. Kasi
kung ganoon na nga, magiging mayaman ang lahat ng sa mundong ibabaw. Alam mo
naman ang mga hiling ng mga taong katulad ko. Pera. Pera para makabili ng
bagong damit, bagong laruan kung meron, masasarap na pagkain, at kung ano-ano
pa. Pero hindi lahat ay nakukuha nila. Bakit kaya? Nagkulang si God ng perang
maibibigay sa kanila?” natatawang biro ko. “Ang totoo, wala. Wala naman talaga
siyang ginagawang kalokohan sa mundo natin. Ginawa lang niya ang universe, at
tapos na. Nagpapahinga na si God sa langit. At kung nakikialam nga siya sa
mundo natin, magiging isang napakalaking sinungaling ang buhay.”
“Then, paano mo ipapaliwanag iyung mga nangyayaring himala?
Gaya ng pag-iyak ng estatwa ng mga Birheng Maria sa bansa natin?” sunod-sunod
niyang tanong.
“Teka, isa-isa lang pwede? Umm, sa himala, siguro, may mga
bagay pa tayong hindi alam kaya nangyayari ang mga himala. Far beyond our
understanding na si God lang ang nakakaalam. At isa siyang napakalaking scumbag
kasi ayaw niyang i-share sa atin. Well, hindi naman siya scumbag. Pero maganda
nga iyun. Para magpursigi ang mga tao na tumuklas,” paliwanag ko. “At iyung mga
umiiyak na Birheng Maria, hmm, baka nga gimmick lang ang mga iyun na gawa tao
para dumayo ang mga tao sa simbahan at magbigay ng mga abuloy sa simbahan. Teka
nga, paano ba naging Santo o Santa si Mary?”
“Umm, ako nga din, hindi iyun alam. Pero baka dahil birhen
siya hanggang sa mamatay siya. Teka? Nabasa mo na ba iyung Bible?”
“Ahh! Nabasa ko iyun lahat hanggang sa pinakadulo. Iyung
librong sinisiraan si God. Imagine, siya na nga ang pinakamalakas na Diyos,
ginagawa pa siyang tanga nung author ng libro. And then sumikat, patay na.”
“Then, ipaliwanag mo nga? Naging batayan daw ng history
noon ang Bible.”
“Pwedeng palitan na natin ang topic? May sagot ako para
diyan pero sumasakit talaga ang ulo ko kapag nagiging topic ang Bible? Okay
lang ang religion ang topic, pero kapag Bible, sumasakit talaga ang ulo ko,”
naiirita kong sabi. Final resort para umiwas pa sa mga karagdagang tanong. Pero
totoo naman. Sumasakit talaga ang ulo ko kapag nagiging topic ang Bible.
Sumimangot si Zafe. “Aw! Interesado pa naman ako sa mga
isasagot mo. Dali na! Pag-usapan pa natin ang Bible.”
Pumaibabaw ako sa kaniya. “Mas mabuti pang mag-sex na lang
tayo kesa pag-usapan ang Bible.”
Kita kong nabuhayan si Zafe sa sinabi ko. “Ay! Sige! Tara!
Round 8!”
Hinampas ko sa kaniya ang unan ko. “Ulol!” sigaw ko matapos
ko siyang patamaan.
“Ahh! Ikaw ha!”
Bumangon siya at nag-wrestling kami. Sa kasamaang palad,
natalo ako dahil wala na akong lakas para labanan pa siya. Nanalo siya kaya
siguradong papatungan niya ako at paliliguan ng halik. Pero hindi niya iyun
ginawa. Bumalik kami sa dating posisyon kung saan nakatalikod ako sa kaniya
habang siya naman ay kinakagat ang likuran ko.
“Ano kaya kung ipakilala na kita sa mga magulang ko?” sabi
niya.
“Bakit mo naman naisip iyan?” tanong ko.
“Hmm, kasi, gusto kong maging opisyal na tayo na. Para
hindi na katulad sa kasalukuyang relasyon natin na it’s complicated with
benefits. Para hindi na ako habulin ni Colette, Sharina, para matapos na itong
lahat. Para kahit anong oras ay may authority na akong dalhin ka dito sa bahay,
at mag-sex tayo kahit buong araw, para matapos na ang taguang ito.” May punto
siya. Para matapos na ang taguang ito, kailangan na naming umamin. O siya lang
ba.
“Well, ikaw. Kung handa ka na sa mga consequences. Kung
handa ka na sa galit ni Sharina, gawin mo. Pero ako, hindi pa handa. Paano kung
targetin nung dalawa ng nanay ko?”
“Sa tingin ko naman, nasabi lang ni Sharina ang mga
salitang iyun tungkol sa pagganti niya dahil galit na galit siya sa akin noong
mga panahon na iyun. I guess, ang mainam na gawin ay kausapin natin siya
parehas. Siguro naman, maiintindihan niya. Lahi sila ng mga mababait kaya,
hindi niya gagawin iyung paghihiganti na sinasabi mo. Para ang problemamin na
lang ay ang mga magulang ko.”
Inikot ko na lang ang aking paningin. “Hay! Sana nga,
ganoon iyun.”
Tumunog ang alarm ng analog clock niya. Hudyat iyun na
syete na pala ng umaga. Napakabilis naman ng oras. Time sure flies when you are
having fun and not having fun.
Binuhat ako ni Zafe papunta sa bathtub at maaga kaming
naligo. Nagsabunan kami ng katawan pagdating sa loob para masigurong malinis na
malinis ang mga katawan namin. Sa hindi ko malamang dahilan, wala naman siyang
ginagawang kakaiba maliban lang sa pilit na pang-aakit niya habang sinasabon ko
ang katawan niya. Pilit dahil siguro ay iniisip pa rin niya ang bagay na
pinag-usapan namin kanina. Gusto ko man patulan, hindi ko na lang ginawa. Dapat
pag-isipan niya talaga ang mga mangyayari kapag umamin siya. Handa ba siya sa
mga posibleng mangyari?
Pagkatapos maligo, isinuot ko ulit ang damit niya na medyo
mas malaki sa akin. Pilit ko namang tinatago ang mga marka ni Zafe sa leeg ko
gamit ang damit niya pero hindi ko magawa. Napakadami. Paano kaya kapag nakita
ako ng guard sa labas kapag pauwi na ako?
Habang sabay kaming bumababa mula sa kwarto niya, bigla
akong nanlamig dahil sa taong nakita ko na nasa sala. Kahit si Zafe mismo ay
nagulat sa nakita. Pati na din iyung tao sa sala, nagulat. Hulaan niyo kung sino
ang tao sa sala? Si Sharina. Mukhang wala na akong takas ngayon. Kitang-kita pa
naman ang mga marka ko sa leeg.
“S-Sharina. N-Napadalaw ka?” kinakabahang tanong ni Zafe.
“Hi Zafe,” bati ni Sharina sa pasarkastikong tono na ata.
“Napadalaw ako dahil gusto sana kitang sumpresahin. Pero mukhang ikaw lang at
hindi lang ikaw ang nasumpresa sa pagdalaw ko. Pati pala ako. So ikaw pala ang
tinatagong kasintahan ni Zafe, Aulric?”
Matalim na tiningnan ako ni Sharina. Hindi naman ako
nagpatalo at tiningnan ko din si Sharina gamit ang aking mga patay na mata.
Hindi nga nagpatalo.
“Oo. Ako nga ang lihim na kasintahan ni Zafe,” pag-amin ko.
“Wait, lihim na kasintahan? Oh well! It's complicated with benefits pal-"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa simbuyo ng
damdamin ni Sharina. Isang malutong na sampal ang natanggap ng aking kaliwang
pisngi at mararamdaman mo talaga ang galit niya sa pamamagitan ng kanyang
sampal. Balak ko sanang sampalin din siya para ipakita na kung anong sakit ng
sampal niya, matatanggap din niya. Pero hindi na lang. Mukhang mapapalala ang
sitwasyon namin kapag nilabanan ko pa ang babaeng ito. Tutal, kasalanan naman
namin ito ni Zafe. Sa ngayon, tatanggapin ko muna ang lahat ng sampal, suntok,
o tadyak, mula sa babaeng ito. Huwag lang niya ako papatayin at baka maunahan
ko pa siya.
“At first, I can't believe it," sa wakas ay sambit ni
Sharina. “Pero ngayon, malinaw na malinaw na para sa akin. Kaya pala magkasama
kayo sa Boracay, kaya pala hindi mo masagot-sagot si Jin." Tumingin siya
kay Zafe. “At ikaw naman, pinagpalit mo pala ako para kay Aulric?!"
Magsasalita pa sana si Zafe. Kaya lang ay sinenyasan ko
siya na ako na lang ang makikipag-usap.
“Pagpasensyahan mo na si Zafe," paghingi ko ng
dispensa. “Ang totoo niyan, pinaglaruan niya ang nararamdaman mo sa kagustuhan
ko. Nagkaroon kasi kami ng pustahan kung mapapaibig ka ba niya, o hindi.
Nag-bet siya ng oo, ako naman sa hindi. At ang nangyari, nanalo nga siya."
“Pero hindi niya ako napaibig. Ni hindi nga naging
kami."
“Dahil nag-concede ako sa pustahan namin Sharina. Kasi ako
iyung mabait na boyfriend na ayaw na sa kalokohan ng boyfriend niya. Pero hindi
naman namin inaasahan na long-time crush mo pala si Zafe. Kaya ganito ang
nangyari. Naglalaro kami ng taguan sa inyo dahil sa sama ng ginawa namin.
Pasensya na talaga, Sharina."
Nagpapalit-palit siya ng tingin sa kasinungalingang sinabi
ko. Mukhang epiktibo naman dahil nagulo ko ang iniisip niya.
“Pagbabayaran niyo ito mga manloloko! Mga bullshit
kayo!" mura ni Sharina sabay lumabas ng bahay ni Zafe.
“Teka? Hindi totoo iyung mga sinabi mo hindi ba? Bakit ka
pa gumawa ng kwento?" tanong ni Zafe.
“Alam mo Zafe, kung nababasa lang ang kwento natin, 200
lang ang aktwal na maniniwala na nangyayari ito sa totoong buhay," sabi ko
habang naglalakad papunta sa sofa ng sala nila. “Ha? It's complicated with
benefits? Walang kakagat sa ganoon. Gawin na nating 5000 ang maniniwala. At isa
pa, kasalanan mo ito sa simula pa lang. Remember?"
“Right," nasabi na lang ni Zafe habang iniikot ang
mata at nagkibit ng balikat. “Problems aside, ano ang gusto mong kainin para sa
almusal? Magluluto ako."
“Kahit ano. Hindi naman ako mapili sa pagkain." Tumayo
ako para isaksak ang plug ng flatscreen TV saka bumalik sa sofa. Hindi pa pala
bukas.
“Paano kung ako?" nang-aakit niyang tanong.
“Sige. Sige. Lutuin mo ang sarili mo," sarkastikong
sabi ko. “Manonood ako ng TV ha?"
Rinig kung bumuntong-hininga siya. “Hay! Sige, sige. Manood
ka lang habang nagluluto ako.
Gamit ang remote, binuksan ko ang flatscreen TV. Nagtaka
naman ako kung bakit may ganitong channel ang TV ni Zafe gayong walang ganitong
channel sa TV namin. Parehas naman flatscreen. Hay! Hindi bale na nga! Teka?
Baka ito iyung sinasabi nilang cable channel?
Nakailang beses akong nagpapalit-palit ng channel hanggang
sa naagaw ang pansin ko sa isang channel. Nakita ko kasi sila Officer Geoffrey
at Officer Christian.
“Matagumpay na napasok ng mga pulis ang isang warehouse na
isa palang drug labaratory sa Angono, Rizal," basa ko sa nakasulat na
salita sa baba. Isang napakagandang balita. Sige, sugpuin niyo ang droga sa
lugar natin.
“Handa na ang pagkain," rinig kong sabi ni Zafe.
“Diyan na lang ba tayo sa sala kakain?"
“Sige. Tsaka ilipat mo nga ito sa channel kung saan may
maganda tayong panonoorin?”
“Sige. Ano ba ang gusto mong panoorin?” Nilagay niya sa
lamesa ang mga niluto niyang pagkain. Pagkatapos ay kinuha ang remote mula sa
akin.
“Nagbago na ang isip ko, Huwag na lang. Kumain na lang tayo
at pag-usapan sa mangyayari sa mga susunod na araw.” Kinuha ko na lang ang
remote mula sa kamay niya at pinatay ang TV.
Jin’s POV
Habang nagbabasa ng libro sa aking kwarto, bigla akong
nabulabog nang may narinig akong isang bagay na nabasag. Agad akong lumabas ng
kwarto at nalaman na sa kwarto ito ni Sharina nagmula ang ingay. At hindi lang
siya nagbabasag ng mga babasagin. Nagsisisigaw din siya. Kaya pumasok na ako sa
kanyang kwarto.
“Ate, anong problema?” agad na tanong ko pagkapasok sa
kwarto ni Sharina. “Bakit ka nagbabasag? Mamahalin ang mga iyan at baka magalit
ang papa mo?”
“Galit ako, galit ako!” sigaw niya. “Galit ako dahil ginawa
lang pala akong pampalipas-oras nung dalawang iyun!”
Kumunot ang aking noo. “P-Pampalipas-oras? Sino?”
“Aulric, and Zafe. Matagal ng may gusto si Aulric kay Zafe,
at si Zafe sa kaniya. Pinaglalaruan nila tayo Jin! Pinaglalaruan nila ang ating
mga damdamin! Alam mo, ngayong araw na ito, nalaman ko na pinagpupustahan pala
nila ang pagkagusto ko kay Zafe. Wow! Hindi ko alam na ganoon pala sila. Okay.”
Tumango-tango pa siya.
Naalarma ako sa pagtango niyang iyun. “Hey, anong iniisip
mo? Ate Sharina, kung ano ang binabalak mo, tigilan mo iyan.”
“Bakit? Sila lang ba ang may karapatan na maglaro ng mga
tao? Hindi ako makakapayag ng ganoon,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghabol
sa kaniyang hininga.
“Ate Sharina, kalma lang pwede ba?” pakiusap ko. “Mali
iyang gagawin mo. Mali ang maghiganti. Hayaan mo na sila.”
Tiningnan niya ako ng diretso. “Bakit Jin? Matapos iyung
ginawa nila sa akin, sa iyo?”
“Wala silang ginawa sa akin. I was just simply rejected.”
“You we’re just simply rejected?” irap niya.
“Yes. I was simply rejected by Aulric. Hindi naman siya
nagbigay ng gesture, o anong galaw para sabihin na may chance ako sa puso niya.
He just simply rejected me like everybody does. At okay na ako doon. Kung gusto
niya si Zafe, fine.”
Tumingin sa akin si Sharina ng seryoso. “Sandali lang.
Siguro, matagal mo na itong alam. Matagal mo ng alam na may gusto si Aulric kay
Zafe ano? Kailan pa?”
Napaiwas ako ng tingin. “Hindi ate. Ngayon ko lang
nalaman,” tahasang pagsisinungaling ko. Pinipigilan ko naman ang pagkurap ng
aking mga mata pero hindi ko magawa. Habit ko na talaga kapag nagsisinungaling
ako.
“You are lying.” Lumapit si Sharina sa akin at hinawakan
niya ang mukha ko at pinatingin ang mga mata ko sa kaniya. “Tingnan mo ako sa
mata Jin and sagutin mo ako. Matagal mo na bang alam ang relasyon nila Aulric
at Zafe?”
Wala akong nagawa kung hindi titigan siya. Napalunok na
lang ako. “Ngayon ko lang nalaman,” tahasan kong pagsisinungaling. Pero ngayon
ay kumurap ulit ang aking mata.
Binitiwan na ako ni Sharina. “Get out.”
“Ate, magpapaliwanag ako.”
“Get out!” sigaw niya.
“Ate, ple-“
Natigil ako sa pagsasalita nang kinuha niya ang isang medyo
malaking vase sa tabi niya at ibinato niya sa akin. Pero hindi ito tumama.
Nagulat ako. Habang tinitingnan si Sharina, nakikita ko ang matinding galit sa
mga mata niya. Natatakot na din ako sa tuwing tumitingin sa kaniya. Hindi
maganda ito. Ano ba ang maaari kong gawin? Kailangan kong balaan sila.
Aulric’s POV
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mabunyag kami ni
Sharina, hindi ko alam pero napakatahimik ng buhay namin ngayon. Despite sa sabi
ni Jin na mag-ingat daw kami kay Sharina dahil baka gawin niyang impyerno ang
buhay namin, parang wala naman siyang ginagawa. Nag-iisip pa kaya siya?
Napakatagal naman.
Sa ibang usapan naman, ngayon lang namin nalaman na legal
na kasal na pala si Shai at Ricky. Shai Rizal na pala ang buo niyang pangalan.
Sila Knoll, Isaac, at Andrew ay patuloy pa rin itinatago ang isang sikreto sa
mga babae na anak ni Knoll ang dinadala ni Isabela. Si Isabela naman, healthy
pa rin. Hindi pa rin nalalaglag ang bata sa kaniyang sinapupunan. Si Zafe,
patuloy pa rin akong pinipilit na ipakilala na ako bilang official boyfriend
niya. Obviously, hindi ako pumayag. Si Colette, walang katapusang kinukulit si
Zafe na balikan siya. Si Jin, kaibigan ko pa rin siya. Kahit na nasa Basketball
Club na siya ngayon. At magandang balita, gumagaling na din siya. At
napatunayan ko nga na hindi mula kay Jin na nalaman ni Sharina na may lihim na
relasyon pala kami ni Zafe. Nakita pala talaga kami ni Sharina dito sa
eskwelahan na dinadala ni Zafe papunta sa bahay niya. So asaan ang impyernong
sinasabi ni Sharina?
Impyerno. Ano nga ba ang impyerno? Dito ba tinatapon si
Satanas para maghirap siya magpakailanman? Iyung sinasabi daw nila na dagat ng
apoy at asupre na magpapakita sa mga huling araw ng buhay ng sanlibutan? Nako!
Kung totoo talaga iyung sinasabi nung Bibliya tungkol kay Satanas, baka
maisipan na lang niyang magtrabaho. Para makaiwas naman doon sa propesiya na
itatapon siya sa impyerno. Dahil kung ako din si Satanas, ganoon din ang gagawin
ko. Alam ko na ang mangyayari sa akin, tapos sige pa rin ako ng sige papunta sa
aking katapusan.
Ako naman. Ano ba ang impyerno para sa akin? Sa tingin ko,
ito iyung mga araw na naghihirap kami ni nanay sa mga kamay ni tatay, iyung
halos wala kaming makain, iyung kinaaayawan ako ng mga tao, iyung dating ako,
iyun ang depinisyon ko ng impyerno. Pero ngayon, hindi ko iyun maramdaman sa
sinasabi sa akin ni Jin na magdadala ng impyerno si Sharina. Hinahanap ko ba
ang impyerno? Hindi. Sa totoo lang, hinahamon ko ito. Dahil kapag nalampasan mo
ang impyerno, sabihin na lang natin an giginhawa ang buhay mo. Magiging maayos
na ang lahat. Gusto kong matapos na ang impyerno na dadalhin ni Sharina dahil
nararapat lang iyun para sa akin, at para na din sa lahat.
Habang naglalakad, hindi ko na naman ulit sinasadya na
mabangga ang isang tao na maraming dala-dalang mga syringe. Ang taong ito ay
may suot na mahabang puting damit na gaya ng nurse sa clinic, may suot din
siyang gloves, at may face mask. Siguro, napag-utusan ng professor sa
laboratory na kunin ang mga syringe na ito mula sa storage ng unibersidad.
Tinulungan ko ang taong ito na magpulot ng mabilis at
mahinahon. Mukha kasing ito din iyung taong nabangga ko noon.
“Susunod, parehas na siguro tayo na dapat mag-ingat,” sabi
ko sabay lumakad palayo doon sa tao. Mukhang lapitin siya ng disgrasya at
ayokong madamay.
Sa wakas ay narating ko na din ang pakay ko. Ngayong araw,
sasamahan kong kumain sila Andrew, Knoll, Camilla, Caleb, at Isaac. Hindi muna
ako sasabay kila Ricky at Shai dahil moment nila. Si Zafe naman ay may klase
ngayon. Kaya dito ako kakain kasama ng mga ito.
Binati naman nila akong lahat. Pagkatapos ay nagtanong kung
kumusta ang midterms namin. Siyempre, as usual, mahirap. Pero nairaos ko.
Ganoon din ang sagot nila nang itinanong ko.
“Guys, punta muna ako sa CR," paalam ni Camilla.
“Samahan na kita?" tanong ni Knoll.
“Hindi na. Parang CR lang. Saglit lang ako." Humalik
si Camilla sa pisngi ni Knoll.
“Sige," pagpayag ni Knoll sabay halik din sa pisngi ni
Camilla.
Nang umalis na si Camilla, nadaanan naman ng paningin ko si
Isabela na medyo malaki ang tiyan. Mukhang kahit anong oras ay pwede na itong
manganak. Tungkol sa problemang ito, hindi pa rin nila pinapaalam kay Camilla
na nabuntis niya si Isabela.
“Si Isabela ohh?" turo ko.
Lumingon naman sila sa tinuturo ko.
“Mukhang malapit ng manganak. Ano? May dala akong syringe
at gamot dito para ilaglag iyung bata. Huling pagkakataon niyo na siguro ngayong
araw," biro ko.
“Paano mo naman gagawin iyun?" tanong ni Caleb.
“Habang kumakain, maghahanap ng panulak iyan. Siyempre,
bibili iyan ng softdrinks. Tapos, palihim kong ilalagay ang gamot sa bote at.
At kapag nainom na niya, maya-maya ay solved na ang problema natin. Malalaglag
ang bata. Pero dapat Caleb, hindi ka na nagtanong. Kasi mukhang hindi naman ata
kaya kayo papayag. Hindi ba?"
Binuksan ko lang ang aking lalagyan na may Mountain Dew at
uminom ng konti. Dumaan na naman ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Teka?
Alam ba nila na nagbibiro ako?
“Huwag na Aulric. Huwag mo ng gawin iyun," pagtanggi
ni Knoll. “Masama iyang gagawin mo."
“Alam ko. Ano ba kayo? Nagbibiro lang ako kanina." Ang
babait niyo kasi.
“Pero boss, masasaktan talaga si Camilla kapag nalaman
niya. Ipalaglag na natin," pangungumbinsi ni Caleb.
“Caleb, tigilan mo nga iyan. Masama iyun," saway ni
Andrew.
“Anong pinag-uusapan ninyo?" rinig naming tanong ni
Camilla na kadarating lang.
“Ahh, mga kung ano-anong usapan," sagot ni Isaac.
“Hmm, guys, napag-usapan niyo na ba si Isabela? Iyung
nabuntis? Balita ko, baka si Ricky o si Zafe ang ama ng bata." Nakangiting
tiningnan ako ni Camilla.
“A-Ano naman ang tungkol sa kaniya? Huhulaan namin kung
sino ang tunay na ama nung dinadala niya?" sabi ni Knoll. Napaghahalataan.
“Oo nga. Ano ba ang magandang pag-usapan sa kaniya? Hulaan
kung sino ang ama ng bata?" pag-uulit ko.
“Umm, ano, para magkaalaman na. Baka naman isa sa inyo ang
ama nung dinadala niya?" natatawang biro ni Camilla. Nagbibiro ba siya o
may alam na siya?
“Baka nga isa sa amin?" pag-uulit ni Caleb. Napatingin
naman siya kay Knoll pero nag-iba siya ng tingin pagkatapos.
Naramdaman ko naman na tinatawag ako ng kalikasan. Walang
paalam na iniwan ko sila at baka biglang sumama ang sitwasyon sa magiging
usapan ng mga taong ito.
Habang papunta sa CR, nadaanan ko naman si Derek. Nginitian
ko na lang siya at nagmadali akong pumasok sa CR. Wala akong panahon
makipag-usap sa kaniya ngayon dahil mas importante ang mga dapat kong ilabas.
Hmm, iyung issue nila nanay at Tito Henry, hindi pa rin nareresolba. Hinahayaan
ko na lang si nanay pero mukhang may pumipigil sa kaniya para patulan si Tito
Henry. Ano kaya iyun? Huwag niyang sabihin ako dahil okay na ako sa issue na
iyun.
Nang bumalik ako kila Knoll, magkakaibigan pa rin sila.
Mukhang nilihis na nila ang issue tungkol sa pagbubuntis ni Sharina. Kailan
kaya nila balak sabihin ang katotohanan? Kapag nanganak na si Isabela?
Nang natapos na kami kumain at nagpunta na sa kani-kanilang
klase ang mga tao, pumunta ako sa library upang manaliksik ng mga bagay-bagay
kasama si Shai. Nasa klase na kasi si Ricky kaya ako na ang kasama niya.
“So ilang babae ang may balak na sabunutan ka ngayong
araw?" tanong ko habang naglilipat ng pahina sa binabasa kong libro.
“Hindi ko alam. Lahat sila?" natatawang sagot ni Shai
habang nakatuon sa binabasa. “Pakasalan ko ba naman instantly si Ricky Rizal
nang lumayas ako sa amin, sino ang hindi magagalit?"
Ibinaba ko ang hawak kong libro at tiningnan siya ng
diretso. “Kami na hindi naimbitahan sa kasal?"
“Ano ka ba? Nag-enjoy ka naman nung gabing ikinasal kami,
hindi ba?"
“Ngayong sinabi mo iyan, hindi ako nag-enjoy," iling
ko.
“Quality time with Zafe? Hindi ka enjoy doon?"
“Kasi pagkatapos noon ay nasa bahay pala si Sharina at
nabisto kami. At ngayon, iniisip ko kung ano kaya ang gagawin ng babaeng iyun
dahil sa nalaman niya. Na pinagpustahan daw namin siya ni Zafe. Na hindi naman
totoo."
“Baka kumalma na at ayaw na niyang ituloy dahil hindi naman
worth it na maghiganti sa inyo."
“Pasensya na Shai. Vengeance never gets old. Tandaan mo
iyan. Baka nga nagpaplano pa lang ang babaeng iyun."
Habang nag-uusap ay napansin ko ang mga tao sa labas ng
library. Nagtatakbuhan sila papunta sa isang direksyon. May nakita naman akong
isang lalaki na mukhang nagtatawag ng mga tao para saksihan ang mga nangyayari.
Baka may nagrarambulan?
Bumalik ako sa pagbabasa ng libro. “Shai, naitanong mo ba
minsan kay Ricky na baka siya ang ama ng dinadala ni Isabela?" pagbibiro
ko.
“Bored ka ano? Alam mo naman ang sagot doon. Hindi,"
paliwanag niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasang libro. “Ilang
beses mo na bang itinanong iyan?
Naagaw ulit ng bintana ang atensyon ko nang nakita si
Isabela na buhat-buhat ng isang hindi ko kilalang lalaki. Kasunod ng pagdaan ng
dalawa ay sumunod ang mga usisero at usiserang tao.
“Mukhang manganganak na si Isabela," kanta ko.
“Wala akong pakialam," kanta din ni Shai.
Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan namin ni Shai.
Iniisip ko naman ngayon kung sino ang misteryosong tao na nagpapadala nung mga
‘How To Get Away With Murder' moments ko. Meron na akong Mr. Wolf na
sino-solve, may isa naman ngayong dadagdag.
Ilang llinggo na ang nakakalipas, pero dalawa pa lang ang
pinapadalang litrato nung isa pang misteryosong tao. Si Mr. Wolf naman ay
luma-lie low dahil hindi na siya nagpapadala. Except kay Tito Henry na
nagbibigay sa akin ng snacks kapag nadadaanan ko siya. Baka naman naghirap?
Nang natapos na kami ni Shai sa library dahil dumating na
si Ricky, naalala ko naman na may pasok ako. Pero naalala ko na may dapat pala
akong kunin sa locker ko. Kaya nagpasya akong pumunta sa aking locker.
Pagkarating sa mga locker, may nakita akong lalaki na
nakatayo sa tapat ng aking locker, at mukhang may ipinapasok sa aking locker.
Sa likod pa lang, kilala ko na kung sino ito.
“Ano iyan Derek?" tawag ko dito.
Nabigla naman ito sa akin at mabilis na tumakbo palayo.
Kumunot ang aking noo at dali-dali kong binuksan ang aking locker para malaman
kung ano ang ipinasok niya. Ano kaya ang nangyari sa taong iyun?
Nang binuksan ko ang aking locker, may parisukat na bagay
akong nakita. Biglang kinabahan ako sa aking nakita. Si Derek kaya ang
nagpapadala ng mga litrato? Hala? Kung si Derek naman, ano ba ang binabalak
niya sa pagpapadala sa akin ng mga litrato? Para i-blackmail?
Nang kinuha ko ang parisukat na bagay sa locker ko, papel
lang pala ito. Hindi ito isang litrato. At may nakasulat sa papel. Ang mensahe
ay magkita daw kami ni Mr. Wolf sa isang restaurant. Si Derek kaya si Mr. Wolf?
O baka naman si Tito Henry?
“Kawawa naman si Isabela ano? Nalaglag iyung bata na
dinadala niya," rinig kong sinabi ng isang tao sa tabi ko. Wow! That's a
good news. Pero paano naman nalaglag? Sana naman ay dahil ka kapabayaan ni
Isabela.
Makalipas ang ilang oras, natapos na ang mga gawain ko sa
unibersidad. Tinungo ko naman ang restaurant kung saan kami magkikita ni Mr.
Wolf. At ang reataurant na ito ay sa lugar na kung saan ako pumapasok tuwing
summer. Nakita kong nagulat sila Amo dahil ako ngayon ang customer at sila ang
mga hampaslupang pagsisilbihan ako. Joke.
Nang sinabi ko ang pangalan ni Mr. Wolf sa taong nagtatanong
kung may reservation ako, pinaupo na nila ako sa isa sa mga lamesa. Sa wakas ay
magkakakilala na kami. Marami pa naman akong nakahandang tanong sa kaniya. Gaya
ng bakit tinutulungan niya ako o ano? Pero saka na iyun. Gusto kong malaman
kung si Derek, o si Tito Henry ba si Mr. Wolf.
Ilang minuto ang nakalipas, nakita ko si Derek na pumasok
sa restaurant. Napakapormal ang kanyang kasuotan, nakaayos ang buhok, at huwag
din niyang sabihin na may pag-ibig siyang nararamdaman para sa akin dahil isa
na naman itong mas malaking problema kung siya nga si Mr. Wolf, at may lihim na
intensyon siyang mapangasawa ang magiging kapatid niya. At dapat sinabi na lang
niya sa papel na magpormal din ako ng suot. Nakasuot kaya ako ng uniporme ng
uniberaidad.
Nang nagtama ang paningin namin, marahan lang akong kumaway
at ngumiti na hindi hihigit sa isang segundo. Kumaway din siya sa akin at
ngumiti habang naglalakad palapit sa akin. Heto na, magkakaalaman na kami.
“A-Aulric, b-buti naman at nakarating ka," kinakabahan
pero confident na sabi niya matapos umupo sa upuan sabay tumikhim. “Gutom ka na
ba? Ipapahanda ko na ba ang ating pagkain?" Siya ba talaga si Mr. Wolf?
Nakakapanibago ang pagbabago niya ng boses. May nanonood ba sa inyo ng Daddy
Long Legs?
“Of course. Nakakagutom kaya kapag marami kang ginawa sa
unibersidad," tugon ko.
“Sige. Kumain na muna tayo, at pagkatapos ay pag-usapan ang
dapat pag-usapan. Waiter?"
Nang dumating na ang mga pagkain, siyempre, kumain na muna
kami. Wala kayong maririnig na ingay sa pagitan namin maliban lang sa ingay ng
ibang tao sa restaurant. Pero ang mga mata ni Derek, nagnanakaw ng tingin. Sino
ba ang unang dapat magsalita sa pagkakataong ito? Ako ba o siya?
“So Aulric, kumusta ang iyung pag-aaral?" tanong ni
Derek.
Nanlaki lang ang mata ko sa itinanong niya. Seryoso ba
siya? Kahit nga hindi ko isagot ang tanong na iyan, alam naman niya ang sagot
doon hindi ba?
Uminom muna ako ng tubig. “Kagaya po ng dati, maayos ang
lahat. Pasok pa rin po ako sa Dean's List, unless kung gusto niyo pong kunin
ang mas mataas pa." At ginagalang ko pa talaga siya. Halos magkasingtanda
lang kami.
“Don't be silly Aulric. A-Ayos lang iyang nasa Dean's List
ka. At least, hindi ako nagkamali sa pagiging benefactor mo." Tumikhim
siyang muli. “Anyway, ibang bagay naman. Iyung mga regalo ko? Iyung bike, iyung
phone, nagustuhan mo ba?" Hindi ko alam kung anong meron dito sa mga
nakakatangang tanong ni Derek aka Mr. Wolf, pero sasakyan ko.
“Unm, okay pa naman po. Nasa maayos pa rin silang kalagayan.
Iyung bisekleta po, nakakatulong sa aking pang-araw-araw, iyung cellphone po ay
ginagamit naman ni nanay. Binigyan din po kasi ako ng mga kaibigan ko ng
parehang phone noon dahil sa isang misteryosong insidente na hanggang ngayon ay
misteryo pa rin," paliwanag ko. “Maraming salamat po sa mga regalo, Mr.
Wolf."
Napatikhim si Derek at mukhang natataranta siya base sa
galaw ng kanyang mga mata na kung saan-saan tumitingin. Tumitingin din siya sa
kanyang pambisig na relo. Natapos lang ito nang humugot siya ng
buntong-hininga. Baka gusto may schedule siya sa mga gagawin niya.
Nang tumingin naman ako sa kinakain namin, malapit na pala
kami matapos. So malapit na rin siyang magpaliwanag.
“Good to know that. Also, stop calling me that now since
kilala mo naman kung sino talaga ako ngayon." Kinuha niya ang napkin sa
tabi niya at ipinunas sa kanyang labi. “Say, bakit hindi na muna tayo
mag-dessert?"
“Sure," pagpayag ko.
Napakasarap ng kinakain kong chocolate cake ngayon. Parang
matutunaw ang aking dila kada subo ko dito. Pero hindi ang mata ko na seryoso
pa rin kung makatingin kay Derek. Panay pa rin siya sipat ng sipat sa kanyang
pambisig na relo. Buntong-hininga naman siya ng buntong-hininga. At mukhang
hindi niya alam ang dapat gawin dahil nagpa-panic siya.
“Okay. Tama na ito siguro Derek. Pwede mo na bang
ipaliwanag sa akin ang mga nangyayari ngayon?" medyo naiirita ko ng
tanong. Nahihiwagaan na kasi ako sa mga ginagawa niyang gestures.
Humugot ulit siya ng buntong-hininga. Sunod niyang ginawa ay
kinuha ang isang wine glass na may lamang tubig at itinungga niya ito lahat.
Mukha siyang magsasabi ng isang pinakamalaking sikreto sa kaniyang ginagawa.
Bumuntong-hininga siya ulit. “Una sa lahat, gusto kong
malaman mo na hindi ako iyung original na Mr. Wolf. Ang papa ko ay si Mr.
Wolf."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero nadismaya
ako sa sinabi niya.
“Okay. Pero bakit ikaw ang narito ngayon kung si Tito Henry
pala is Mr. Wolf?” tanong ko.
“Well, may mas importante siyang lakad na pinuntahan kaya
ako ngayon ang kausap mo dito. Actually, I’m stalling you since sabi niya na
pupunta daw siya. Pero mukhang hindi na siya darating. Sa totoo nga, gusto niya
na surprise mong malaman na siya talaga si Mr. Wolf kaya magpanggap daw muna
ako for the mean time to buy him some time para masumpresa ka. Pero mukhang
hindi na talaga siya darating. Ilang oras na siyang late at ang text na
nakukuha ko mula sa kaniya ay on the way na daw siya,” mabilis na paliwanag ni
Derek. Mahahalata mo pa sa mukha niya na inis na inis. Mukhang mahalaga ata kay
Derek ang oras. “Naiinip ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?”
“Alam mo, relax. Wala pa ngang isang oras nang kumain at
dumating tayo dito sa restaurant. At okay lang ako. Nakapagpaalam ako kanina
kay nanay na kikitain ko ang aking benefactor. Excited nga siyang malaman kung
sino,” sabi ko.
“Kasi Aulric, may lakad akong pupuntahan na sobrang
importante,” pakumpas na sabi ni Derek. “Pasensya na ha. Hindi sa hindi ako komportable
sa iyo o ano pa man. Pero kailangan ko na talagang umalis. Kaso, kapag umalis
naman ako, baka pagalitan ako ni papa dahil iniwan kita.”
“May date ka sana ngayon?”
“Yeah.”
“Then, ano pala ang tinatayo-tayo mo dito? Puntahan mo na
iyung date mo.”
“Paano si papa?”
“Ako na ang bahala. Hayaan mo. Sisiguraduhin ko na hindi ka
niya pagagalitan. At kapag pinagalitan ka, isumbong mo sa akin. Okay?”
Nag-thumbs up pa ako.
“Okay. Sigurado ka talaga Aulric? Okay ka lang talaga?”
“Ipapapalo na kita sa papa mo kapag hindi ka pa umalis,”
seryoso kong sabi.
“Sige Aulric. Salamat talaga sa pagtaboy sa akin ngayon.”
Agad na tumayo si Derek palabas ng restaurant. Naririnig ko
pa siya na nagpapasalamat sa ginawa ko. May sarili palang lakad, hindi na lang
nagsalita. Okay naman sa akin. Now, aantayin ko naman ngayon si Tito Henry.
Ilang minuto lang pagkalabas ni Derek sa restaurant, nakita
ko na si Tito Henry na pumasok sa restaurant. Naka-tuxedo siyang suot at
mukhang galing siya sa isang importanteng meeting.
“Ang anak ko?” tanong agad niya nang lumapit sa lamesa.
“Umalis na po,” nakangiti kong sagot.
“Ay! Ang batang iyun talaga?!” rinig kong bulong ni Tito
Henry.
“Upo po kayo Tito Henry,” yaya ko.
“Salamat.” Umupo si Tito Henry sa harap ko.
“Umm, oorder pa po ba tayo ng pagkain? Gutom po ba kayo
galing sa meeting po ninyo?” sunod-sunod kong tanong.
“Okay lang ako Aulric. Kumain na ako. Salamat,” nakangiti
niyang saad. “By the way, anong sinabi ng anak ko kung bakit umalis siya ng
maaga? Bakit ka niya iniwan dito?”
“Nainip po. Mukhang may date po siya. At pakiusap po, huwag
niyo po siyang pagalitan. Ako po mismo ang nag-udyok sa kaniya na umalis.”
Natawa si Tito Henry. “Nako! Ang batang iyun talaga.
Siguradong umuwi na iyun sa bahay. May papanoorin kasi siyang western series na
may bagong season kaya nagmamadaling umuwi iyun. Hindi totoo na may date iyun.”
Bahagya akong ngumiti. “Ohh! Ganoon po ba?”
“Anyway Aulric, gaya ng pagkakaalam mo, ako si Mr. Wolf.
Tadah!” Nilahad pa ni Tito Henry ang kanyang dalawang kamay. “So, any reactions
sa nalaman mo ngayong gabing ito?” Ang taong ito ay ang benefactor ko.
“Maraming salamat po,” sabi ko na bahagya pang yumuko.
“Salamat po sa pag-sponsor ng aking pag-aaral sa Bourbon Brothers University,
salamat din po sa mga regalo na binigay niyo sa akin. Salamat po talaga.
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng kabutihan na inyong ginawa.” Wow! May
parang genuine na masaya ako ngayon na nagpapasalamat sa kaniya. Iyung kaninang
pagpapasalamat ko kay Derek, parang peke at mukhang wala akong pakialam. Baka
dahil hindi naman talaga si Derek si Mr. Wolf.
“Walang anuman Aulric. At huwag ka ng yumuko.”
Nag-angat ako ng tingin. “Umm, sabi nga pala kanina ni Derek
na may ipapaliwanag po kayo kung tama ang pagkakaintindi ko. M-Meron po ba?
Bakit nga po pala kayo hindi nagpakilala agad na kayo si Mr. Wolf? Babawiin
niyo na po ba ang suporta ninyo ngayong kilala ko na kayo?”
Tumawa siya ng payak. “Ano ka ba? Tumigil ka nga. Hindi ko
na iyun babawiin. At iyung tungkol sa hindi ko pagpapakilala agad, may dahilan
ako Aulric.” Bahagyang lumungkot ang mukha ni Tito Henry. “Ang dahilan ay ang
nanay mo.”
“Bakit po?”
Humugot si Tito Henry ng buntong-hininga at kumuha siya ng
panyo mula sa bulsa saka pinahid sa mukha. Kwento na po Tito Henry.
“Iyung huling pagkikita kasi namin ng nanay mo, hindi
maganda. Siguro naman, naikwento na sa iyo ng nanay mo na may relasyon kami
noon.”
“Yeah. Naikwento niya po,” pagkumpirma ko. “Siya nga po
pala. Gaano po katagal ang relasyon niyo ni nanay noon?"
Napaisip si Tito Henry. “Hmm, wala pa ngang isang taon.
Noong 1st to 2nd year high school kasi kami, magkaibigan lang, noong 3rd year,
nagkadebelopan, noong unang parte ng 4th year, naging kami, at noong huling
parte, nasira ang relasyon namin. At hindi maganda ang dahilan kung bakit.”
“Si tatay po ba?” hula ko.
“Teka, okay lang ba na pag-usapan natin ito? Pwedeng
i-summarize ko na lang?” Sumenyas si Tito Henry sa waiter na bigyan siya ng
isang basong tubig.
“So si tatay nga po ba? May galit po ba kayo sa kaniya?”
muli kong tanong.
Natigilan siya. “Tama ka. Ang tatay mo ang dahilan. Teka
Aulric, magsasalita ako laban sa yumao mong tatay. Okay lang ba talaga na
pag-usapan natin ito?”
“Please po. Huwag po kayong magpigil. Hindi naman po ako
masasaktan sa kung anong maririnig ko.” Marahan akong ngumiti para makumbinsi
siya na okay lang sa akin na murahin niya si tatay.
Nang dumating ang tubig, ininom agad ni Tito Henry ang
kalahati. “Pinagpalit ako ng nanay mo sa tatay mo. Turns out na mas gusto ng
nanay mo ang tatay mo kesa sa akin,” natatawang remark niya. “Long-time crush
niya pala si Ike simula noong 1st year. At sa kasamaang palad, hindi ko iyun
nalampasan noong naging kami pa ni Emma. Pero sinagot niya ako nang niligawan
ko siya. Ano kaya iyun?”
Natawa ako sa pagsasalita ni Tito Henry. Kahit malayo ang
agwat ng edad namin, kung makipag-usap siya ay parang kaparehas lang niya ng
edad.
“Totoo nga talaga ang sinasabi nila na love is blind. Kahit
na mas macho ako, mas pogi, mas matalino, mas matangkad kesa kay Ike noong
kapanahunan namin. Pero mas maitim sa akin si Ike.” Natawa ulit siya ng payak.
“Pinili pa rin siya ni Emma. Ang masaklap pa doon, nag-break kami bago ang
pasko. Kaya kasama ako sa samahan na malalamig ang pasko. Pero kahit ganoon,
hindi ako sumuko. Ginawa ko ang buong makakaya ko para bumalik lang si Emma sa
akin. Pero wala pa rin. Parehas pa naman kaming mahirap noon. Dahil doon,
nagalit talaga ako. Bakit? Bakit hindi ako ang piliin ni Emma? Kaya kinausap ko
na talaga siya ng masinsinan. Nang natapos na ang ceremony ng graduation namin,
dinala ko siya sa isang tagong lugar ng eskwelahan. Siyempre, naisip ko na iyun
na siguro ang huli kong pagkakataon para makausap siya. At nagkausap kami. Kaya
lang, nag-insist pa rin siya na si Ike ang gusto niya at hindi ko. At ang
sumunod na nangyari, hindi na maganda. Nagdilim ang aking paningin at nabugbog
ko ang nanay mo.”
Nagulat ako sa pag-amin ni Tito Henry. Nagawa niya ba
talaga iyun kay nanay?
“At habang binubugbog ko siya, nakita kami ni Ike. Itinulak
niya ako palayo sa nanay mo na iyak ng iyak dahil sa ginawa ko. Saka lang ako
nagising sa aking kamalayan. At dahan-dahan na pumasok sa isip ko ang ginawa
ko. Buong-buo ko talagang naaalala na binugbog ko si Emma.” Nakita kong may
tumulong maliliit na butil ng luha sa mata ni Tito Henry. “Tumakbo agad ako
palayo. Natatakot ako sa maaaring sabihin sa akin ni Emma matapos ang ginawa
ko. Dahil doon sa nangyari, ang daming pogi points na nakuha ni Ike. Ginusto
kong humingi ng tawad sa nanay mo. Kaya lang, kahit sa sarili ko, alam ko na
hindi ako mapapatawad ni Emma sa ginawa ko. Kaya nagpakalayo-layo ako sa
kaniya. Years later, maraming nangyari sa buhay ko simula nang naghiwalay kami
ni Emma. Nagkaroon ng maraming ups and downs sa buhay ko. Yumaman ang pamilya
namin dahil sa business ng papa ko, nagkaroon ng asawa, ng anak, si Derek,
nakapagtapos ako sa kolehiyo, and unfortunately, nalugi ang business ko.
Kasunod ay isa-isang namatay ang pamilya ko, kasama na ang asawa ko. At isang
araw, nagkaroon ako ng balita tungkol kay Emma." Nagpunas muna ng mata si
Tito Henry. “Nabalitaan ko ang pagiging pabaya ni Ike sa pamilya ninyo.
Nabalitaan ko na katulad ko, nagkaroon din ng anak si Emma. Nabalitaan ko ang
paghihirap mo sa high school na pinasukan mo. Kahit na anak ka ni Ike, nakikita
kong mahal na mahal mo ang nanay mo. Kaya tinulungan kitang makapasok sa
kolehiyo dahil alam ko na hindi iyun kaya ng nanay mo. At naisilang si Mr. Wolf
sa buhay mo. Ang layunin ko, makuha ang kapatawaran ng nanay mo sa pamamagitan
ng pagtulong sa iyo. Pero hindi ko iyun nagawa."
“Hindi niyo po nagawa?" tanong ko.
“Oo Aulric. Hindi ko iyun nagawa. Dahil matagal na pala
niya akong napatawad. Noong unang pagkikita namin, at natin, nalaman ko na
napatawad na niya ako. At napakasaya ko."
Napangiti ako. “Masaya din po ako para sa inyo."
“Salamat Aulric."
Muli na naman dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Ang
dami ko ngayong nalaman tungkol sa kanilang dalawa ni nanay. Kung siya sana ang
pinili ni nanay noon. Pero teka? Mag-e-exist ba ako kapag siya ang napangasawa
ng nanay ko noon?
“Aulric, kumusta ang iyung pag-aaral?" biglang tanong
ni Tito Henry. Ngayon, mas banayad na ito at parang kinukumusta ka ng isang
naglalambing na magulang. Hindi gaya sa tono ng tanong ni Derek na, hindi bale
na nga.
“Umm, mabuti naman po. Sinisikap ko pong hindi sayangin ang
ibinigay sa akin ng aking benefactor," sagot ko. At kahit sa pagsagot,
masayang-masaya ako na para bang walang bad news akong ibabalita. Well, wala
naman talaga.
“Mabuti naman."
“Umm, siya nga pala. Sasabihin ko po ba kay nanay kung sino
po talaga kayo? Ang ibig kong sabihin, kung sino ang benefactor ko?"
“Hindi na kailangan hijo. Kakasabi ko lang kanina. Alam na
niya."
“Ahh? Ganoon po ba? Siya nga po pala. Kung nililigawan niyo
po si nanay ulit, hayaan niyo po. Hindi po ako haharang sa pagmamahalan ninyo.
At sana po, hindi niyo maulit ang pagkakamali niyo noon sa kaniya."
Lumawak ang ngiti ni Tito Henry. “Bata ka pa nga
Aulric."
“T-Teka? Hindi na po ako bata," nguso ko.
“Pasensya na Aulric. Pero hindi ko iyun maipapangako. Dahil
hindi na ako ganoong klaseng tao. Nananakit na lang ako sa mga kaaway ko sa
buhay," biro niya. “Siyempre naman. Nangangako ako dahil mahal ko ang
nanay mo." Sinipat ni Tito Henry ang pambisig niyang relo. “Hmm, malalim
na ang gabi Aulric. Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?"
“Sige po," pagpayag ko. “Basta maihatid niyo po ako
kasama ng bike ko."
Habang pasakay ako pauwi, nag-usap pa kami ni Tito Henry
tungkol sa mga bagay-bagay. Mga nakakahiyang kwento na tungkol kay nanay, mga
nakakahiyang kwento ni Derek, ng asawa niya, at ang kwento nila ni nanay noong
high school pa sila. Hindi ko alam kung gaano katagal kami nagkwentuhan ni Tito
Henry. Kahit kasi dumating na kami sa aking destinasyon ay hindi pa rin ako
bumababa. Masaya akong nakikipag-usap sa kaniya. Parang katulad kay nanay kapag
nakikipag-usap ako. So ganito pala kapag sa isang tatay nakipag-usap. Parang
parehas lang kay nanay pero, parang nabuo ako. Kung sana, siya na lang ang
tatay ko. O kung sana, ganito ang ugali ni tatay.
Nang pinauwi na ako ni Tito Henry, nadatnan ko naman si
nanay sa bahay. Kiniwento ko naman sa kaniya ang tungkol sa mga kwento ni Tito
Henry at kung gaano siya kabuti. Kiniwento ko din kay nanay na kung siya lang
ang tatay ko, ganito, ganyan. Ahh! Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag umuwi
ka sa bahay mo na masaya.
“Anak, gusto ko pang marinig ang mga kwento mo. Kaya lang,
may pasok ka pa bukas hindi ba?" pagpapaalala ni nanay. “Maaga ka pang
gigising bukas. Matulog ka na."
Bumuntong-hininga ako. “Ay! Ano ba iyan? Sige po nanay.
Matutulog na ako."
Bago pumasok sa kwarto, nasulyapan ko si nanay. Malawak ang
ngiti niya. Mas malawak kumpara sa dati. Hindi ko pa nakikita ang ngiting iyun
ni nanay. Masaya din kaya siya para sa akin? Sana, magkabalikan sila ni Tito
Henry at baka makita ko pa ang mga ngiting iyun ni nanay. Deserve ni nanay na
sumaya siya kaya hindi ako magiging hadlang sa kanila ni Tito Henry.
“Zafe," sabi ko na hindi ko namamalayan.
Humugot ulit ako ng buntong-hininga. Okay, tama kayo.
Naaalala ko na si Zafe kapag nagiging masaya ako. Paano kaya kung dumating ang
araw na saktan niya ako at alam niyang hindi ko siya mapapatawad? Lalayo ba
siya sa akin o hindi?
Sakit agad ng ulo ang sumalubong sa akin pagkagising. At
isang taong katok ng katok sa bahay ko. Hmm, sino kaya ito? Umagang-umaga, may
bisita ako? Masyado ba akong sociable lately at nagkakaroon na ako ng bisita?
“Sandali lang!" sigaw ko para kahit papaano ay tigilan
na ang pagkatok. Nakakarindi na ehh.
Tumigil naman ito gaya ng inaasahan ko. Agad na bumangon
ako at nagbihis, nag-ayos bago makipagkita sa aking mga bisita. Pagkatapos ay
maingat na bumaba ng hagdan. Magdahan-dahan daw kasi ako sabi ni nanay dahil
lumusot kasi si Randolf sa isa sa mga baitang ng hagdan paakyat sa kwarto ko.
Kailangan na nila itong ayusin.
Humugot ako ng buntong-hininga bago buksan ang bahay. Medyo
nagulat ako na mga pulis ang nakita ko. Dalawa sila. Pero hindi ito sila
Officer Geoffrey at Officer Christian.
“Magandang umaga po," bati ng isang pulis. “Kayo po ba
si Aulric Melville?" Hmm, tungkol kaya ito sa update na nangyari doon kay
tatay?
“Ako nga po," pagkumpirma ko. “Bakit po?"
“Aulric Melville, inaaresto ka namin sa salang
pagpatay."
“P-Pagpatay? Ako? N-Nakapatay?" maang ko. Alam kong
dalawang beses ko ng ginawa iyun at nairaos ang isa. Tungkol kaya ito doon sa
holdaper?
“Inaaresto ka namin sa pagpatay sa dinadalang bata ni
Isabela Dominguez. Infanticide ang kaso mo." May inilabas ang pulis na ito
na isang syringe na nakabalot sa isang selyadong plastic. “May ebidensya kami
na magpapatunay sa iyong ginawa. Ang syringe na ito ay nakita malapit sa
canteen ng Bourbon Brothers University kung saan bumibili ng inumin si Ms.
Isabela Dominguez. May nakita kaming substance ng pampalaglag sa syringe na
ito. At hindi lang iyun. May fingerprints ka dito kaya walang dudang ikaw ang gumawa
ng krimen." Wow! Good news na nga para sa akin ang pagkakalaglag sa anak
ni Knoll, pero hindi ko akalain na ako ang mahuhuli. Ni hindi nga ako ang
gumawa. Isa itong frame up.
“Aulric Melville, May karapatan kang manahimik-"
“Sandali," pagputol ko sa sasabihin nilang Miranda
Rights ko. “Pwede bang makita ang arrest warrant niyo sa akin? Wala pa akong
karapatang manahimik kaya magsasalita at magsasalita ako. Pwede niyong gamitin
ang mga sinasabi ko laban sa akin."
Nagkatinginan ang dalawang pulis. Nagkibit-balikat ang
isang pulis at naglabas naman ang isa ng isang papel at ibinigay iyun sa akin.
Tiningnan ko ang warrant kung totoo. Pero wala akong alam kung ano ba ang tunay
at pekeng arrest warrant. Anyway, bingo!
“Hindi niyo ako pwedeng arestuhin." Ipinakita ko sa
kanila ang aking arrest warrant at may itinuro sa papel. “Hindi ako si Aulric
Neville na nasa arrest warrant na ito. At kung huhulihin niyo ako ngayon, pwede
ko pa kayong kasuhan. Pwede pa ako magkaroon ng dagdag na pera sa tulong niyo."
Bakit Neville ang typo? Nakaka-offend ha. Pinakasal ba naman kamo ni Zafe sa
arrest warrant.
Hindi nakaimik ang dalawang pulis at nagkatinginan. Mukhang
nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
“Bueno, babalik kami sa istasyon para kumuha ng maayos na
arrest warrant. Magandang umaga po."
Dali-daling naglakad ang dalawang pulis pabalik sa mobile
nila. Ako naman ay dali-daling sinara ang pinto at agad na tinumbok ang aking
kwarto. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan agad si Tito Henry.
“Aulric, magandang umaga," masayang bati ni Tito
Henry. “Anong meron at napatawag ka? Gusto mo pa bang marinig ang mga kwento
ko?"
“Sure. Gusto ko pa po makinig. Kaya lang po, may problema.'
“A-Anong problema?"
“Kailangan ko po ng isang magaling na abogado."
Jin's POV
Ngayong gabi sa labas ng mansyon namin, nagpatuloy akong
magsanay sa pagba-basketball. Gusto kong kahit papaano ay matapatan si Zafe.
Gusto kong subukan na agawin sa kaniya ang tinatamasang kasikatan. Kahit alam
ko na sikat ako, gusto ko na sa ibang bagay naman ako sumikat. Sabi ni Coach,
medyo gumagaling na daw ako. Konting praktis pa daw para tapatan si Zafe.
Nang pumikit ako para mag-imagine kung paano gumalaw si
Zafe, narinig ko na may humahaginit. Dinilat ko ang aking mata at ibinaling ang
atensyon sa humahaginit. Nakita ko si Sharina na mukhang masayang-masaya habang
lumalabas mula sa sasakyan namin. At kumakandirit pa habang pumapasok sa
mansyon. Mukhang may magandang nangyari ngayon kay Sharina. Ano kaya iyun?
Umiling na lang ako at pumikit ulit. Ini-imagine ko si Zafe
sa harap ko na handang-handa na depensahan ang kanyang basket. Mabilis na
nag-drive ako sa kaliwa niya at nakasabay naman siya. Gaya ng inaasahan ko,
sinubukan kong ilipat ang bola sa kaliwa ko para mag-drive naman sa kanan niya.
Mabilis na umikot ako pakanan. Pero kinuha ni Ricky mula sa akin ang bola at
mabilis nitong ipinasok sa basket. Ahh! Hindi pala ito si Ricky. Si papa pala
ang umagaw ng bola. Nakasuot pa siya ng asul na checkered na polo at
nakapantalon. Marahil ay galing siya sa isang business appointment.
“Nahuli kita anak," sabi ni papa matapos kinuha ang
bola sa court at pinatalbog-talbog ito.
“Papa naman. Nag-e-ensayo po ako," nakasimangot kong
saad.
“Alam ko. Kaya inagaw ko nga sa iyo ang bola." Ipinasa
sa akin ni papa ang bola. “Bakit ka ba lumipat sa Basketball Club? Hindi ka ba
okay sa Drama Club?"
Humugot ako ng malalim na hininga at pinatalbog ang bola.
“M-May gusto po akong bawian kaya lumipat ako."
“Bawian? Bakit naman gusto mong bawian? May kinuha ba ang
taong itong sa iyo? Si Aulric ba ang nakuha ng taong ito mula sa iyo?"
Natigil ako sa sinabing iyun ni papa. Totoo naman kasi ang
sinasabi ni papa. Gusto kong bawian si Zafe dahil siya ang nagugustuhan ni
Aulric. Pero paano nagustuhan ni Aulric si Zafe? Sa pagkakaalam ko kasi, ayaw
na ayaw ni Aulric ng basketball. Pero naguguluhan ako.
“Iyun na lang kasi ang magagawa ko. Hindi naman niya kasi
ako gusto. Kaya siguro, sa ibang paraan ko na lang ilalabas itong sama ng loob
ko. Kesa naman magalit pa ako. Dahil imposible naman na mapupunta siya sa akin.
Akala ko, magiging kayo ng gusto mo dahil sa tagal ng samahan ninyo, gaano na
kayo katagal na magkakilala, kung ilang beses mo siya ginawan ng pabor, akala
ko, ganoon lang. Pero hindi pala ganoon kadali. Mahirap din pala ang magmahal
at mahalin ng taong gusto mo."
“Well, siguro ay iyun ang gusto ng tadhana. Ang pahirapan
ka," sabi ni papa sabay pulot ng bola na nakapirmi sa lupa at ipinasok ito
sa malapit na basket. “Alam mo, hindi sa lahat ng panahon, madali hanapin ang
taong para sa iyo. Hindi mo kasi alam kung nasa paligid mo lang ba siya, o baka
nasa ibang bansa at doon nagliliwaliw. Alam mo ba na iyung mommy mo na si
Louis, hindi ko nga akalain na mapapangasawa ko ang supladang iyun. Sa unang
pagkikita pa naman namin, sinampal ba naman ako sa mukha dahil akala niya ay
nakikipag-flirt ako sa kaniya. Ehh, nagpaka-gentleman lang naman ako noong mga
panahong iyun. Tapos, sasampalin niya ako? At ng sumunod na pagkikita namin,
nakatangap na naman ako ng sampal."
“Huh? Ganoon po ba talaga si mommy?" gulat ko. Hindi
ko pa kasi nakikita ang side niyang iyun. Malambing sa akin mommy hanggang sa
kunin siya sa amin. Iyun lang ang naaalala ko.
“Yeah. Hindi mo talaga aakalain na mommy mo iyun na
malambing. At hindi ko pa nililigawan iyun ha? Mas malala noong nililigawan ko
na siya. Noong mga panahong iyun, lagi niya akong nahuhuli na may babaeng
kasama, na nakasalamuha ko lang sa daan talaga, matagal ng kakilala at kung ano
pa, tapos sasabihin ng mommy mo na nambababae daw ako, at may mga sampal pa
iyun sa tuwing magsasalita pa siya. Kaya isang araw, nakipag-break ako sa kaniya.
Letse siya. Ang sakit kaya niyang manampal. Kaya kapag nanonood ako ng mga
pelikula niya na may sampalan, naaawa ako sa nasasampal niya. Kasi ang
sakit-sakit talaga sa pisngi. Pero isang araw, may nangyaring kakaiba nang
muling nagkita kami. Naging maayos na kami nagkakausap, nakikita ko na ang mga
hindi ko pa nakikitang side niya, mas malalim na kaming nagkakakilala, at hindi
na niya ako sinasampal. Ay nako! Kahit na napakasakit niyang manampal, inaamin
ko na hinahanap-hanap ko iyun. Kahit ngayon, hindi ko pa rin akalain na
napangasawa ko siya. Ewan ko kung bakit pero, mahal na mahal ko siya."
Nakita kong may tumulong luha mula kay papa. “Oh my God anak! Nami-miss ko ang
mommy mo. Bakit ba siya kinuha ng Diyos? Gusto ko pa naman na pagbayaran ni
Louis iyung mga sampal niya sa akin."
“Papa."
“Buti na lang na nasulit ko ang mga huling araw ng mommy mo
bago siya kinuha. Kaya ikaw anak, matuto kang mag-move on. Pagkatapos mo bawian
iyang umagaw sa iyo kay Aulric, tama na iyan. Isang parte lang si Aulric na
dumaan sa buhay mo. At malay mo naman. Baka hindi ngayon na mamahalin ka ni
Aulric. Baka bigla ka na lang niya habulin. At isa pa, marami pa diyan. Sumubok
ka naman sa iba. Tandaan mo na maraming flavors ang ice cream."
“Hayaan niyo po papa. Tatandaan ko po iyang sinasabi ninyo.
At tsaka salamat po at tanggap niyo po ako kahit gusto ko si Aulric. Kahit na
bakla, po ako."
“Anak, hindi bakla ang tawag sa mga katulad mo.
Lalaking-lalaki ka pa rin anak. Hinarap mo ako at umamin ka sa akin na gusto mo
si Aulric. Kaya hindi bakla ang tamang salita para sa iyo. Okay?" Tumunog
ang alarm ng phone ni papa. Kinuha niya ang phone at pinatay ito. “Sige anak.
Oras na para ako'y matulog. Tandaan mo palagi ang mga sinasabi ko sa iyo."
Kumuha pa siya ng panyo mula sa bulsa at ipinunas sa kaniyang mga mata.
“Opo papa. Tsaka sabay na po tayong pumasok sa mansyon. At
tsaka po, baka gusto niyo pong dalawin so mommy. Sasamahan ko po kayo."
“Sige anak. Magandang ideya iyan. Ilalagay ko iyan sa
schedule ko. Halika na anak."
Lumapit ako kay papa at umakbay sa kaniya. Inakbayan niya
din ako at naglakad papasok sa mansyon. Tama si papa. Tama ang mga sinasabi
niya.
Kasalukuyan naman akong nag-aaral sa aming silid-aklatan.
At hindi ako makapag-concentrate dahil sa paghaginit ni Sharina na kanina ko pa
naririnig. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong meron. Kaya lang ay baka
masira ko ang kasiyahan niya kapag nagtanong ako. Hindi bale na nga!
“Hey, napapansin ko na kanina ka pa masayang-masaya diyan
sa paghaginit mo. Anong meron?" tanong ko.
Natigil siya sa paghaginit at tumingin sa akin. “Wow.
Napakabagal ba ng balita at hindi nakarating sa iyo agad?"
“Anong balita naman iyan? Ang alam ko lang na balita ay
nalaglag ang dinadalang anak ni Isabela?"
“At kilala mo ba kung sino ang nagpalaglag ng bata?"
“H-Hindi pa. Iniimbestigahan pa kasi ng mga pulis. Iyun ang
huling narinig ko."
“Okay. Sige, ganito." Itinabi ni Sharina ang mga gamit
niya. “Hulaan mo kung sino. Clue, kilala mo siya."
Napaisip naman ako kung sino ang may kakayanan na gumawa ng
ganoong klaseng bagay. So far, wala naman akong naiisip. Kaya umiling na lang
ako.
“Seryoso? Wala?" pagulat na tanong ni Sharina.
“Siyempre naman. Kasalanan kaya ang maglaglag ng bata.
Tsaka may gagawa ba ng ganoong klaseng bagay sa mga kakilala ko?"
kibit-balikat ko.
“Kahit si Aulric?"
Nag-isip ulit ako. “I don't think na aabot sa ganoong bagay
si Aulric."
“Huh? Ehh, paano iyan? Siya ang pangunahing suspek ng mga
pulis? At nasa kulungan na siya ngayon!" masaya niyang balita.
Bigla akong naalarma sa inaasal ngayon ni Sharina. Nako po!
Huwag naman sana.
“Ate Sharina, huwag mong sabihin na may kinalaman ka dito.
Dahil kung malaman ko na may kinalaman ka sa nangyari kay Aulric at Isabela,
isusumbong kita kay Tito Marcus."
Nagseryoso siya ng tingin. “Pinagbibintangan mo ba ako na
ako ang may pasimuno sa nangyayari ngayon kay Aulric? At tsaka Jin, alam mo
naman siguro na may history sila Isabela at Aulric. Alam mo iyan"
“Yeah. Pero si Aulric na aabot sa ganoon, hindi ako
makapaniwala. May kinalaman ka ba dito ate?"
“Wala talaga. Ano ka ba Jin? Balak ko ding maghiganti pero
mukha hindi na kailangan. Ginawa ito ni Aulric sa sarili niya."
Napatayo ako at tiningnan siya ng seryoso. “Ate,
siguraduhin mo lang talaga na wala kang kinalaman sa nangyayari ngayon. Kapag
nakakuha ako ng ebidensya na may kinalaman kita, hindi ako magdadalawang-isip
na tumestigo na ikaw talaga ang gumawa nito."
“Well, go ahead. Maghanap ka ng ebidensya sa kwarto ko.
Sundan mo ako 24/7. Tingnan natin kung may mahahanap ka. At gaya ng sinasabi
ko, wala akong kinalaman sa mga nangyayari." Pagalit na kinuha ni Sharina
ang kanyang mga gamit. “Sa kwarto na nga lang ako mag-aaral. Akala ko, si
Aulric lang ang makakasira ng araw ko."
“Siguraduhin mo lang na wala," bulong ko sa sarili ko.
Ilang araw nang ikinulong si Aulric, binisita ko siya sa
kulungan. Pinaabot nila sa korte ang kaso dahil ginigiit ni Aulric na wala
siyang kinalaman sa pagkalaglag ng dinadala ni Sharina. At habang dinidinig ang
kaso niya, dito muna siya sa kulungan. Gusto ko sanang tulungan si Aulric sa
pamamagitan ng pag-refer sa kaniya sa isang magaling na abogado. Kaya lang ay
naunahan na ako ni Sir Henry. Kaya ang tanging magagagawa ko na lang ay
magbigay ng patunay na inosente siya. Pero wala pa akong nahahanap.
“Naparito ka?" walang kabuhay-buhay na tanong ni
Aulric matapos makita ako habang ipinapasok siya sa visiting area ng kulungan.
Umupo siya sa harapan ko.
“G-Gusto ko lang kumustahin ang lagay mo," sagot ko.
“At tsaka may dala akong ilang pagkain dito." Naglabas ako ng ilang
lagayan na naglalaman ng mga pagkain na pinaluto ko sa aming katulong.
“Hay! Salamat! Tinolang baka. Mga tunay na pagkain!"
masiglang wika ni Aulric. “Alam kong kumain na ako pero kakain pa ulit ako at
baka puro pagkain na lang sa kulungan ang kainin ko ng habang buhay. Salamat
Jin."
Naglabas ako ng plato at mga kobyertos mula sa supot para
makakain na siya. Agad niya itong nilantakan na parang hindi pa kumakain ng
isang araw. Natuwa ako. Dahil kahit papaano ay natulungan ko siya. Kahit na
hindi magiging kami ni Aulric, kahit hanggang pagkakaibigan na lang. Hanggang
doon lang.
“Nakangiti ka? Masaya kang nakakulong ako?" tanong ni
Aulric matapos ang ilang subo.
“Umm, hindi," iling ko. “Siya nga pala. Sila Zafe nga
pala? Binisita ka na ba?"
“Hindi pa. Busy iyun sa unibersidad. Tsaka hindi ko naman
pinapapunta iyun dito."
Humugot ako ng malalim na hininga. “Siya nga pala.
Humihingi ako sa iyo ng paumanhin dahil sa ginawa ng ate ko "
Natigil siya sa pagkain. “Pakana ni Sharina ang mga
pagkaing ito?"
“Oo. Teka, hindi. Ako lang ang nag-isip niyan. Ang sinasabi
ko kasing pakana niya, ay iyung i-frame up ka na ikaw ang naglaglag sa anak ni
Isabela. Huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang humanap ng ebidensya na
magpapatunay na inosente ka. Tetestigo pa ako kung makakatulong."
Natawa si Aulric sa sinabi ko.
“B-Bakit ka natatawa?"
“Kasi pakiramdam ko ay hindi si Sharina ang may kagagawam
nitong kasong ito. Alam mo Jin, hindi porke't siya iyung latest na kagalit ko
ngayon, doesn't mean na siya ang may kagagawan sa mga nangyayaring ito. At
tsaka, huwag mong basta-basta pagbintangan ang kapamilya mo. Mahirap iyan at
baka masira ang bonds ninyo dahil nagbibintangan kayo."
“Pero mali ang ginagawa niya. And I'm willing to severe
that bond for the greater good."
Napangiti siya. “At heto na naman ang Jin na kilala ko.
Pero Jin, handa ka ba kapag napatunayan mo na si Sharina ang may kagagawan
nito? Handa ka bang gawin iyan?"
Napaiwas ako ng tingin. Ang totoo niyan, nagdadalawang-isip
ako. Pero kailangan ay sa tama ako.
Ibinalik ko ang tingin kay Aulric. “Gagawin ko. Gagawin ko
dahil iyun ang tama. Hindi dahil sa nagustuhan kita, hindi dahil sa kaibigan
kita, dahil iyun ang tama Aulric. Ganoon ang hustisya hindi ba?"
Wala siyang itinugon sa akin. Tinapos na muna niya ang
pagkain bago nagsalita. At nagsabing...
“Okay. Salamat Jin sa pagkain, sa iyung statement, pero
sinasabi ko sa iyo Jin. Hindi si Sharina ang hinahabol ko. Hindi si Sharina ang
kaaway ko."
“Kung ganoon, sino?" tanong ko.
“Umm, sa totoo lang, hindi ko alam kung sino. Pero
mahahanap at mahahanap ko siya. Kaya ang bonds mo diyan kay Sharina, huwag mo
iyang sisirain. Dahil hindi talaga siya ang kaaway dito. Alam ko na sa mga oras
na ito ay nagtatatalon siya sa tuwa na nakulong ako, pero hindi iyun patunay na
pakana niya ang lahat ng ito, Jin." Hinimas-himas ni Aulric ang kanyang
tiyan. “Salamat sa pagkain. Sa uulitin na lang."
Hindi ko alam pero napansin ko na may nagbago kay Aulric.
Hindi na ito ang Aulric na kilala ko noong high school pa ako. Ibang-iba na
siya. Dahil ba ito kay Zafe?
Zafe's POV
Humugot lang ako ng buntong-hininga habang pumapasok sa
presinto kasama sila Shai at Ricky. May hawak naman akong mga supot ng pagkain
para kay Aulric. Baka hindi siya nakakakain ng masasarap na pagkain sa
kulungan.
Ilang araw na ang lumipas simula nang ikulong si Aulric
dahil daw sa salang infanticide. Ang kaso niya ay dinidinig pa rin sa korte at
mukhang matagal itong matapos. Lahat kasi ng mga ebidensya ay itinuturo si
Aulric. Kahit sa mga salaysay nila Knoll, Andrew, Caleb, at Isaac. Pero patuloy
pa rin lumalaban si Aulric. Hindi pa rin siya naghahain ng guily plea.
“Hindi ko ito inaasahan na bibisitahin niyo ako," wika
ni Aulric na nakaupo sa isang silya kung saan pwedeng magkita ang mga
dumadalaw.
Ibinaba ko agad ang aking dala at mahigpit siyang niyakap.
Hindi ako naniniwala na siya ang gumawa noon sa anak ni Isabela. Hindi ako
naniniwalang may kasalanan siya. Alam ko sa sarili ko na inosente siya.
“Ang higpit. At ang init Zafe," wika ni Aulric na
ginantihan ang aking pagyakap.
“Siyempre, matagal na kitang hindi nakikita. Tapos dito pa
sa presinto." Lumapit ako sa tenga niya. “Tigang na din kasi ako,"
bulong ko.
“At tsaka busy din kami sa unibersidad ngayon," dagdag
ni Shai.
Kumalas kami ni Aulric sa pagkakayakap. “Please. Maupo
tayo. Nakakangalay ang tumayo."
Umupo kami sa mga upuan. Kitang-kita ko kay Aulric nasa
maayos siyang kalagayan. Kaya lang, hindi ko maituturing na nasa maayos siyang
kalagayan kung nandito naman siya sa kulungan.
“Kumusta ka? Kumain ka na ba? Marami akong pagkain na dala
dito," sabi ko habang nilalabas ang dalawang plastic na lalagyan na may
lamang pagkain.
“Well, hanggang nasa loob ako ng kulungan na ito, mas
inaalala ko pa ang aking mga grades sa unibersidad," sagot niya.
“Oo nga. Mabigat na problema iyan. Habang nandito ka
nakakulong, bumababa ang grades mo sa unibersidad. Paano na iyan?"
problemadong tanong ni Shai.
“Humingi ka na ba ng petisyon para makapagpyansa?"
tanong ni Ricky.
“Yes Ricky. At kasalukuyan pa ring dinidinig. Sana nga ay
pagbigyan ako ng korte," wika ni Aulric. “At para mahanap ko din kung sino
ang gumawa sa akin nito."
“Napakahirap naman ng ma-frame up. Tsaka Aulric, pasensya
na at nilaglag ka nila Knoll sa korte. Pero gusto ko itong itanong. Bakit
nagkaroon kayo ng mga ganoong klaseng pag-uusap? Ano ba kasi ang pinag-uusapan
ninyo?" tanong naman ni Shai.
Natahimik si Aulric ng ilang segundo at umiling. Ayaw
niyang sabihin?
“Aulric, ano ba iyun? Sabihin mo sa akin?"
paglalambing ko habang hinihimas ang kanyang likod.
“Tigilan mo nga iyan," hawi niya sa kamay ko.
“Amin-amin na lang kasi iyun."
“Sige na Aulric. Sabihin mo na. Mamaya pala, makatulong
iyan para mapawalang-sala ka at itinatago mo lang," pangungumbinsi ni
Ricky.
“Nandito rin pala kayo?" sabi sa amin ng isang
pamilyar na boses sa lugar na iyun.
Nilingon namin ang pinanggalingan ng boses. Si Kurt. At may
hawak siyang mga papel?
“Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
“Ginagawan si Aulric ng pabor?" kibit-balikat na sagot
ni Kurt. Lumapit ito sa lamesa at umupo din. “Heto." Nilapag ni Kurt ang
mga papel na isa palang larawan sa harapan ni Aulric.
“Salamat." Kinuha ni Aulric ang mga litrato. “Guys,
pwedeng tumahimik na muna kayo. Titingnan ko lang kung nandito iyung taong
nakabangga ko kaya ako nagkaroon ng fingerprints sa hawak nilang ebidensya
laban sa akin. Hay! Ano ba itong nangyayaring ito na ikinapahamak ko."
Wala na kaming nagawa kung hindi tumahimik. Samantala
naman, nagtitinginan na lang kaming apat at nag-uusap sa pamamagitan ng aming
mga mata. Nakakainip. Gusto kong kausapin si Aulric pero siguradong hindi siya
makikipag-usap sa akin.
“So, ikaw na pala ngayon si Shai Rizal," wika ni Kurt
kay Shai.
“Umm, oo. Rizal na nga ang apelyido ko.
“Kilala mo na na ako hindi ba? Pangalawang beses na nating
pagkikita ito. Shai Rizal, Shai Rizal, Shai Rizal, Shai Rizal."
“Kurt, pwede bang tigilan mo iyang pag-uulit sa pangalan ni
Shai? Nawawala ako sa konsentrasyon," naiiritang sabi ni Aulric.
“Pasensya na. Parang narinig ko na kasi iyung pangalan niya
sa kung saang parte ng internet. Parang pangalan siya ng isang porn site?"
Galit na tumayo si Ricky. “Aba'y binabastos mo ang asawa ko
ahh?"
Tumayo na din si Shai. “Ricky, tama na. Huwag mo siyang
patulan dito."
“At huwag din kayong mag-away dahil nawawala na talaga ako
sa konsentrasyon. Baka hindi ako makalabas dahil sa ginagawa niyo," muli
na namang sabi ni Aulric.
“Umm, guys. Pakinggan niyo na si Aulric. Huwag kayong
maingay please," pakiusap ko.
“Alam kong may ulterior motive ka Zafe pero salamat na
din."
Kumunot ang noo ni Kurt. “Ulterior motive?"
“Shut up na lang Kurt pwede?" saway ni Aulric na
nakatingin pa rin sa mga litrato.
Makalipas ang ilang minuto, Tahimik pa rin kami at si
Aulric ay pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Hanggang sa ibaba na niya ito at
nasapo ang ulo. Mukhang base sa gesture niya ay hindi tagumpay ang kanyang
ginagawa.
“Hindi ko alam," singhag niya. “Bakit ba naman kasi
hindi ko masyadong maalala iyung mata nung nabangga ko? May face mask kasing
suot." Inilagay ni Aulric ang mga kamay niya sa mukha na parang tinatakpan
ito.
“So, mabubulok ka na ba sa bilangguan?" pang-aasar ni
Kurt.
“Salamat Kurt. Makakaalis ka na. Sa uulitin na lang."
“Okay. Bye guys," nakangiting paalam ni Kurt. Kinuha
ni Kurt ang mga litrato at umalis na sa presintong ito.
“So, iyung dahilan kung bakit ganoon ang pinag-uusapan
ninyo nila Knoll, ano iyung topic ninyo?" muling tanong ni Shai.
Inalis ni Aulric ang kamay niya sa mukha pero ibinalik niya
ulit iyun. Masasabi kong may tinatago siya ngayon sa amin.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko," sagot ni Aulric
nang inalis na naman ang kamay sa mukha.
“Anong ibig sabihin mo na hindi ako maniniwala? Nakita mo
sila Sam ang Dean ng Supernatural?"
Kumunot ang noo ni Aulric. “Sino si Sam and Dean?"
“Shai, hindi siya nanonood ng TV remember?" pagpapaalala
ko.
“At iyung sasabihin ko na hindi ka maniniwala, siyempre,
hindi ka talaga maniniwala."
“Ano ba iyun? Sabihin mo na," pang-aaburido ni Shai.
Humugot ng malalim na hininga si Aulric. “Si Isaac ang ama
ng dinadala ni Isabela."
Nanlaki ang mga mata namin. Hindi talaga kami makapaniwala
sa aming naririnig ngayon mula kay Aulric.
“Siyempre, iyung tao, ayaw ng responsibilidad. Ako naman,
maraming ideya para maialis sa kaniya iyun. Kaya nag-suggest ako na ipalaglag
na lang ang bata. Na tinanggihan naman nila."
“G-Ganoon ba? Well, mukhang hindi nga nakakatulong sa kaso
mo," sabi ni Shai.
“Wait, baka naman si Isaac ang nag-frame up sa iyo?"
hula ni Ricky.
“Imposible," iling ni Aulric. “Magkakasama sila sa
canteen. Ako lang ang umalis. At please Ricky, huwag kang mag-isip na
pinagkaisahan nila akong i-frame up. Nandoon din si Camilla. Hindi naman siguro
niya kukunsintihin iyung masama nilang ginagawa na ikakapahamak ko. Dahil kung
kinukunsinti niya, siguradong bababa ang langit para sa kaniya."
Napatingin si Shai sa phone niya. “Umm, oo nga pala Ricky.
May lakad pa pala tayo. We should give these two lovebirds some time."
“Hindi kami lovebirds Shai. We are more like, ako ang uwak
at siya ang kalapati."
“Whatever you say. Bye Aulric."
“Bye Zafe," paalam ni Ricky. Tumayo silang dalawa at
lumabas sa presintong ito.
“Mag-iingat kayo," pahabol ko. Tumayo naman ako at
lumipat sa harapan niya. “So kumusta ka na ulit?"
Kinuha ni Aulric ang isa sa mga lalagyan at binuksan ito.
“Narinig mo naman ang sinabi ko hindi ba? Okay naman ako. Swerte ko nga lang at
ako lang ang mag-isa sa kulungan. Hey, luto mo ba itong chop suey?"
“Umm, yeah. Sinisimulan ko ng mag-aral magluto starting
with the basics. Since ang dali gumawa ng chop suey, at paborito kong pagkain
iyan dahil napaka-healthy, puro pa siya gulay at may konting karne."
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya habang sinusubo ang
chop suey sa bibig niya. Hanggang sa umabot na ito sa bibig niya. Napalunok ako
sa una niyang pagsubo. Papasa kaya ang luto ko sa kaniya?
“Pasensya na Zafe. Hindi ko masasabi kung masarap o basura
ang luto mo sa pagkakataong ito dahil sa tingin ko ay mas basura iyung kinakain
ko dito sa kulungan," reaksyon niya. “Pero mukhang mauubos ko ito.
Salamat." Sumubo pa siya ng isa pa.
“Aulric naman. Nahiya ka pang aminin na masarap talaga ang
luto ko. Although hindi ko alam na basura pala ang pagkain mo dito sa kulungan
dahil hindi pa naman ako nakulong. Pero expect na magdadala pa ako sa iyo ng
pagkain para maibalik iyang taste buds mo."
“Uhh, thank you Zafe. Pero mukhang hindi mangyayari iyan.
Makakalabas din ako sa kulungang ito kapag inaprubahan na ang bail petition
ko."
“Well, paano kung hindi? Kahit na sabihin natin na si Tito
Henry ang magbabayad ng pyansa, paano kung hindi ka payagan ng korte? Tandaan
mo na may posisyon sa gobyerno ang kalaban mo."
Napailing na lang si Aulric at ibinaba ang mga kubyertos na
hawak niya. And nawalan siya ng gana sa mga sinasabi ko. Dapat pala ay hindi na
ako nagsalita.
“Alam mo, tama ka. Yeah. May posisyon sa gobyerno iyung
binangga ko ngayon. Ay, hindi ako. Iyung taong may pakana nitong lahat. Humanda
talaga sa akin ang taong iyun kapag nahanap ko siya. At dahil hindi na
available ang langit, impyerno na lang ang natitira. At dadalhin ko ang
impyerno sa kaniya." Kinuha niya ulit ang mga kobyertos at nagsimula ulit
na kumain. Buti naman at hindi siya nawalan ng gana.
“Do you think na si Sharina ang may gawa nito?"
Natigil siya sa pagsubo. “Zafe, huwag kang ganyan na
porke't si Sharina ay may galit sa akin, or sa atin, doesn't mean na siya ang
may pasimuno nitong lahat. At tsaka kaibigan niya si Isabela. Kaya ba niyang
gawing collateral damage ang kaibigan niya?"
“Sa bagay. May point ka."
“Ikaw pala? Kumusta? Nangangaliwa ka na ba?" Ano ba
naman klaseng pagtatanong iyan. Para siyang walang pakialam kung sasabihin ko
na oo, kinakaliwa kita.
“I am doing my best para malayo sa kaniya. And so far,
mukhang magaling pala ako doon," sagot ko na pinagmamalaki ko pa. “Alam
mo, kahit hindi ka naniniwala kay God, ipagdadasal ko na maaprubahan na iyung
bail petition mo. Para makalabas ka na, at kung ano-ano pa."
“Salamat," ngiti niya pero saglit lang iyun. “Alam mo,
napag-isipan ko iyung ipakilala mo ako sa mga magulang mo. Do you think any of
your parents will like me? Ang ibig kong sabihin, ginago ko sila sa unang
pagkikita pa lang."
“Kasalanan mo iyun. At tsaka huwag na muna natin problemahin
iyan. Ang problemahin natin ay paano maipapalabas ang katotohanan na inosente
ka."
“Hmm, tama ka. Hindi magandang impresyon sa mga magulang na
isang abortionist ang nagugustuhan ng anak nila."
Sinipat ko ang pambisig na relo ko. “Umm, oras ko na pala
para umalis. Kaya sa uulitin na lang."
“Yeah. Sa uulitin na lang."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
“Naniniwala ako sa iyo Aulric. Naniniwala ako na hindi mo ito kasalanan. At
huwag. Huwag kang mag-file ng guilty plea. Maaayos din ang lahat," bulong
ko.
“Alam ko Zafe. Alam ko."
Nang kumalas na ako sa kaniya, nagngitian kami. Gusto ko
siyang halikan sa harap mismo ng mga pulis dito, kaya lang ay baka hindi niya
iyun magustuhan.
Tumalikod na ako sa kaniya at lumabas sa lugar na iyun.
“I love you."
ITUTULOY...
Talaga, talaga? Nag ILoveyou si Aulric? Gusto ko na talaga yung pagbabago ni Aulric na maging showy na sa feelings nya, sana mgpatuloy. Si Collete kaya yung bagong kaaway ni Aulric? Hmm,. Thanks Sir Seyren sa early New Year update :)
ReplyDelete-RavePriss
hi rave... si aurlic ba talaga ung nag ilove you....? ei nya pa siguro yun masasabi..,
DeleteHaha, nireview ko yung last line, masyado kasi ako naexcite nung nabasa ko yun, parang Zafe ata ang nagsabi haha
Deleteboom!!!!! happy new year!!!
ReplyDeleteThanks so much sa update Author.
ReplyDeleteHave A blessed New Year.
-jomz r-
My God humanda sila sa pag labas ni aulric matitikman nila ang batas nang isang na frame up .. mag tago na kayo hehehe.. tnx sa update author
ReplyDeletesinong salarin medyo mabigat ito dahil nakakulong xa... haaang haaaarsh nmn kay aurlic ni author.., nagustuhan ko kasi si aurlic sa eksena nila chris at joseph..., remember xa gumawa ng paraan para makapag propose si joseph..., ahihi salamat author... next na..,
ReplyDeleteSya dn nmn dahilan kung bakit sila nag-away haha, JoChris Forever <3
DeleteAyan nahabol ko rin to kelan kaya ang next chapter?
ReplyDeleteLagot talaga kay Aulric ang may pakana neto.
wala pa rin yung next chapter. ang tagal. -___-
ReplyDeleteAng Tagal ng Next Chapter... -___-
ReplyDelete