Followers

Thursday, December 3, 2015

Loving You... Again Chapter 36 - Beat of My Cold Heart




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Well, may bagay dito na paulit-ulit, kaya pwede niyong laktawan. Okay lang.











Chapter 36:
Beat of My Cold Heart

























































Aulric's POV



          Napahikab ako habang nakasakay sa aking bike at papunta ako ngayon sa unibersidad. Napuyat kasi ako dahil niyaya ako nila Caleb, Camilla, Knoll, Isaac, at Andrew na mag-karaoke. Nagse-celebrate kasi kami sa pagkakaibigan o pagkakaibigan na muling nabuo sa pagitan nila Knoll at Camilla.



          Ilang linggo na rin ang nakalipas buhat nang maghiwalay kami ni Zafe, kahit na hindi naman naging kami. Hindi ko maitatanggi na hindi siya mawala sa isip ko dahilan para hindi umayos ang buhay ko. Mukhang hindi nakakatulong itong ginawa namin.



          Hindi ko naman namalayan na bumangga ako sa isang bagay at nawalan ako ng malay.



          Iminulat ko na ang aking mata. Kulay puti lang ang nakikita ko sa paligid. Langit na ba ito?



          “Nagising ka na pala," saad ng isang boses. Boses ito ni Officer Geoffrey.



          Tumingin naman ako sa gilid at nakita siya. Nakasuot siya ng puting t-shirt na medyo makapal at may nakaukit na nag-aapoy na fox sa gitna na manilaw-nilaw ang kulay. Nakasuot naman siya ng jeans sa ibaba niya at may suot pa siyang maitim na shades.



          Nanlaki ang mata ko. “Anong nangyari?" agad na tanong ko.



          “Bumangga ka sa pader ng unibersidad kung saan mo sana ipa-park ang bike mo at nawalan ka ng malay," paliwanag ni Officer Geoffrey. “Ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka ata nakakatulog ng maayos."



          “Yeah. Nag-aaral ako sa prestiyosong unibersidad na ito. Hindi din pala ako ligtas sa puyatan," natatawa kong tugon.



          “Ahh! Alam ko ang pakiramdam na iyan," natatawa din niyang saad. “Teka? Hindi ba mahal ang tuition dito? Paano ka nakapasok sa prestiyosong unibersidad na ito?" At andito na naman ang tanong na laging parehas ang sagot.



          “May benefactor ako," tipid na paliwanag ko.



          “Ahh! Benefactor. Sigurado ako na matalino ka kaya napansin ka ng benefactor na ito," saad niya na may tingin pang na nagsasabing alam ko ang ginawa mo noong huling taon.



          “Ang totoo niyan, hindi ko alam kung bakit. Basta may nagpadala na lang ng espesyal na imbitasyon sa bahay na nagsasabing pwede akong mag-aral dito at lahat ng babayaran ko, bayad na. Check mo kaya ang transcript of records ko. Puro line of 8 na hindi hihigit sa 85," paliwanag ko. “Pero sa tingin ko, hindi na nagsisisi ang taong iyun. Nasa Dean's List ako."



          “Congratulations pala sa iyo kung ganoon."



          “Oo nga pala. Anong ginagawa mo dito Officer Geoffrey?" tanong ko.



          “Please. Geoffrey na lang," pagko-correct niya.



          “Okay. So ano nga ang ginagawa mo dito Geoffrey?" muling tanong ko.



          “Confidential iyan."



          “May iniimbestigahan ka pala."



          “May kinalaman kasi ito sa tatay mo."



          “Umm, may kinalaman pa rin ba ito sa pagkamatay ng tatay ko?"



          “Hmm, depende? Hindi ko alam," saad niya at nagkibit-balikat. “Sasabihin ko sa iyo kung bakit basta hindi mo ipagkakalat."



          “Akala ko ba, confidential? Tapos sasabihin mo sa akin?" nakakunot-noo kong tanong.



          “At some point kasi, kailangan mong malaman. Siyempre, tatay mo iyun Aulric hindi ba?" wika niya na may matulis na tingin.



          Napailing na lang ako. Ipinapahiwatig talaga niya na alam ni Geoffrey ang ginawa ko. I know what you did last year.



          Pumasok ang school nurse. At nagkwento kung paano ako dinala ni Geoffrey dito. Pagkatapos ay pinayuhan niya ako na magpahinga muna at muli siyang bumalik sa kanyang lamesa marahil.



          “So sinabi ko na may kinalaman ang tatay mo dito. Hindi mo ba alam na iba ang ginagamit na pangalan ng tatay mo sa Driver's License niya? Erwin Ginobli ang pangalan niya. At hindi lang iyun. Iyung Driver's License niya, hindi peke. Tunay at lehitimo. Pero nag-check kami sa database namin, wala. Inisip namin, pinapahiwatig nito na magiging maingat ang tatay mo sa mga gagawin niya sa lansangan. Huwag siyang gumawa ng road crimes and violations dahil kapag siniyasat namin ang Driver's License niya, yari siya dahil wala kaming makikita. Ngayon, pinapahiwatig din nito na meron siyang isang mayaman na backer," paunang paliwanag ni Geoffrey.



          “Iyan din ang sabi-sabi ng mga kapitbahay kaya takot sila na galawin si tatay," sabat ko.



          “At dahil diyan, pinaghinalaan namin ang mga taong matutunog ang pangalan na mayayaman sa lugar natin na posibleng backer ng tatay mo. Nasa listahan sila Simon Schoneberg, Zachary Neville, Denny Rizal, ang magkakapatid na Louie Bourbon, Antoine Bourbon, Marcus Bourbon, ang misteryosong tao na may mahabang pangalan na si Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Yes! Nasabi ko din ang buo niyang pangalan na hindi mauutal. Ang pulitikong si Herbert Dominguez, Mer Lyn, Arthuro Reyes, Vincent Harris, and the list goes on and on and on and on. Pati ang mga Fuentez."



          “In short, lahat ng mga magulang ng kilala kong mayaman sa unibersidad na ito?"



          “Exactly. At pwede rin na ang backer ng tatay mo ay kilala ka. Baka hindi mo alam na baka ang anak nila ay kasama din. Nakikisalamuha sa iyo, kaaway mo, kaibigan mo, and the worst is syota mo kung meron."



          “Umm, wala akong syota," pagtanggi ko. “Ayokong bigyan si nanay ng maraming problema."



          “Ang mga mayayaman talaga. Hindi pa rin sila ligtas na gumawa ng masama. Minsan naiisip mo, paano kaya yumaman ang mga taong ito? Dahil ba talaga sa pagsisikap o dahil sa kanilang mga underground business? Siya nga pala. Sino pala ang benefactor mo? Anong pangalan niya?" sunod niyang tinanong.



          “H-Hindi ko kilala," iling ko. “Hindi pa siya nagpaparamdam sa akin o kung ano. Basta. Misteryosong tao pa rin para sa akin ang benefactor ko."



          “Kung ganoon, mag-ingat ka. Baka hindi mo alam, iyung benefactor mo pala ang backer ng tatay mo at bigla kayong singilin o kung ano. Mahirap na."



          “Sana naman, hindi. Ayokong gawin na naman iyung bagay na iyun kung sakali," makahulugang saad ko.



          “Sana nga hindi," natatawa niyang sabi. “Napakadelikado niyan Aulric. Kapag nasanay ka, baka hahanap-hanapin mo."



          “Maghahanap ng mga kaaway? Ayoko nga Geoffrey," natatawa ko ding sabi.



          “Paano Aulric. Kailangan ko ng umalis. Sa susunod ulit. Bye," paalam ni Geoffrey pagkatapos ay tumayo saka lumabas ng infirmary.



          “Ingat."



          Tinitigan ko ulit ang kisame ng kwarto. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kapayapaan sa mga puting kulay na nakikita ko sa kwarto. Parang gusto kong umidlip at nang gumanda ang pakiramdam ko kahit konti.



          Ipinikit ko ang aking mata. Napakalamig at napakatahimik ng paligid. Ilang oras na ba ang nakalipas simula nang ipinikit ko ang aking mata? Parang ang tagal na.



          Maya-maya ay naramdaman ko na may nakapatong sa labi ko. Ipinasok din ng taong ito ang dila niya. Hindi ko alam kung sino ang taong ito pero hindi ko sinagot ang halik na iyun.



          Iminulat ko ang aking mata para makita ang taong gumawa sa akin nun. Nakita ko lang si Derek na nakatayo sa gilid ko.



          “Derek?" gulat kong tawag. Siya ba ang humalik sa akin?



          “Aulric, pasensya na. Nagising ba kita?" tanong niya.



          “Anong ginagawa mo dito?"



          “Umm, inutusan ako ng prof namin na kumuha ng paracetamol dito sa infirmary. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"



          Nasapo ko ang ulo ko na kunyari ay nasasaktan at pumikit. “Ako naman, nabangga at nawalan ng malay. At okay na ako. Teka? Ikaw ba iyung humalik sa akin kanina?" diretso kong tanong.



          “Huh? Hinalikan kita? Paano mangyayari iyun kung kararating ko lang? Itanong mo pa sa nurse kung kararating ko pa lang," hindi makapaniwalang paliwanag niya. “Baka siguro, nagkaroon ka ng magandang panaginip."



          “Pinikit ko lang kasi ang mata ko nang maramdaman na may labing nakapatong sa labi ko. Gumising nga ako para makita ko kung sino."



          Natawa si Derek. “Nako! Baka nananaginip ka na ikaw si Sleeping Beauty o si Snow White? At ginising ka ng iyong prinsesa sa pamamagitan ng isang mahiwagang halik." Sumeryoso naman ang mukha niya. “Seryoso! Kararating ko lang at imposibleng ako ang humalik sa iyo!"



          Umiling na lang ako. Baka nga panaginip ko lang iyun at baka may masamang ugali itong si Derek at lumabas. Hindi naman siguro ako hahalikan ni Derek habang tulog.



          Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga. Nag-inat-inat pa ako pagkatapos ay umalis na ng infirmary. Nakakasiguro ako na okay na ako at handa ng harapin ang mundong ito!



          Tumingin ako sa oras ng phone ko. Ilang minuto na lang bago mag-eleven. May isa pang klase bago mag-lunch break.



          Nakatingin ako ngayon sa hallway ng eskwelahan ng umagang ito. Nakatingin ako sa isang bagay na hindi normal na nangyayari tuwing umaga. Nakikita ko ngayon si tatay na nakatayo sa gitna. Hindi ko mawari kung totoo siya o hindi dahil hindi ko nakikita na may tumatagos na tao sa kinatatayuan niya. Bakit naman siya nagmumulto ngayon sa eskwelahan? Wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya ahh. At tsaka doon siya sa Bloomingdale Subdivision pinatay. Hindi dito sa eskwelahan. Hindi kaya may kakambal si tatay? Hindi kaya ang napatay doon ay isang double lang ni tatay? Imposible. Walang kinikwento si nanay sa akin na may kakambal si tatay.



          Nagsimula na itong maglakad papunta sa kung saan. Na-curious ako kaya sinundan ko kung saan ito pupunta. Baka totoo iyung nakikita ko.



          Natagpuan ko naman ang sarili ko sa CR ng lalaki. Walang masyadong tao ngayon sa CR. Wala din ang janitor na naka-assign dito.



          Maya-maya ay nakaramdam ako ng panlalamig sa paligid. Nagsisimula na ding mag patay-sindi ang mga ilaw. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot. Hindi ito totoo. Imposible. Minumulto ako?



          “Aulric," saad ng isang boses na humawak sa balikat ko.



          Umikot ako at walang babala na sinuntok ang kung sinong tumawag sa akin.



          “Ahh!" sigaw ng nasuntok ko at bumagsak pa sa lupa.



          Mas lalo akong kinabahan matapos masuntok ang taong ito. Hindi ko akalain na siya lang pala ang taong tumapik sa akin.



          “Ay! Pasensya na Derek! Okay ka lang?" tanong ko at tinulungan ko siyang tumayo.



          “Hindi? Ang sakit ng pagkakasuntok mo sa akin! Ang lakas!" salaysay niya sa pag-experience ng suntok ko. “Intensyonal ba na sinuntok mo ako?"



          “Pasensya na ulit! Nagulat lang ako. May nagmumulto kasi sa akin kanina."



          Napakunot-noo siya. “Multo? Sa umaga?"



          “Aba! Malay ko! Hindi naman kasi Paranormal ang course na kinuha ko dito sa unibersidad. Teka nga? Bakit mo pala ako sinundan?"



          “Gusto ko lang kasi mag-sorry sa iyo kanina. Mukhang naging rude ata ako sa iyo," paliwanag ni Derek.



          “At ako din. Hihingi na ako ng tawad ngayon pa lang sa pagsapak ko sa iyo. Alam mo, tara na! Ilang minuto na lang at may klase pa tayo bago mag-lunch break. Tara na! Umalis na tayo. Baka kung anong multo pa ang makita natin," saad ko habang sinusubukang hilahin siya.



          “Multo ba anak?" saad ng boses ni tatay na biglang lumitaw sa aming harapan.



          Biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Nagulat naman ako nang malamang hindi ko hawak si Derek. Napansin ko pa na nawala na din ang mga tao sa paligid.



          Binilang ko naman ang aking mga daliri sa kamay. May sobrang isa sa mga daliri ko. Panaginip ito.



          “Magbabayad ka Aulric!" sigaw ni tatay na umalingawngaw sa tenga ako at paulit-ulit ko pa itong naririnig sa aking tenga.



          Nakakatakot ang anyo ni tatay dahil nakikita ko pa sa katawan niya kung saan siya binaril ata ng kanyang kaibigan doon sa Bloomingdale Subdivision. May dugo pang lumalabas dito.



          Napatakip ako ng tenga dahil sa ingay! Paulit-ulit akong nagsasabi ng tama na! Tumigil na siya! Patay na siya! Huwag na siyang manggulo pa!



          Idinilat ko ang aking mata. Agad na iginala ito para malaman kung nasaan ako. Nasa bahay pa pala ako.



          Kumuha ako ng pinakamalapit na bimpong makuha ko. Pinunasan ko ang aking sarili dahil naliligo ako sa sarili kong pawis. Walang oras na hindi ko hinahabol ang aking hininga habang nagpupunas ako. Nararamdaman ko din na masakit ang mata o ang ulo ko ngayon. Ang sama naman ng panaginip kong iyun. Ang haba na parang ang oras ay parehas na tumatakbo. At ang lamig din ng temperatura ng katawan ko.



          Binilang ko naman ang daliri ng aking mga kamay. Eksaktong lima bawat kamay. Hindi na ito panaginip sa loob ng isa pang panaginip.



          Bumaba agad ako. Naabutan ko naman si nanay na busy sa ginagawa.



          “Magandang umaga Aulric," bati niya matapos niya akong mapansin habang tuloy pa rin sa ginagawa.



          “Magandang umaga din po nay," bati ko.



          Pumunta ako sa maliit na kusina namin. Tiningnan ko ang lalagyan namin ng kape kung meron pa. Napamura naman ako sa aking sarili matapos makita na walang laman ang lalagyan namin. Bakit kapag kailangan ko ng kape, saka ito nawawala?



          “Nay, wala na naman po tayong kape," sabi ko.



          Hindi tumugon si nanay. Nang hindi tumugon, agad na binilang ko ang aking mga daliri sa kamay. Eksaktong lima pa rin ito. Baka umalis na si nanay ay nagpaalam sa akin pero hindi ko lang napansin.



          Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa mga nangyayari. Hindi pa nga tapos ang araw na ito, nasasabi ko ng napaka-weird ng araw na ito.



          Ipinagpatuloy ko na lang ang buhay ko kahit hindi ako makainom ng kape. Mabubuhay naman ako kahit hindi makainom ng kape hindi ba? Siguro, dadaragin ko na lang si Shai para makalibre ng kape na mula sa Starbucks. Ang sarap ng lasa. Sana makabili ako ng ganoon sa isa sa mga araw ng buhay ko.



          Napahikab ako habang nakasakay sa aking bike at papunta ako ngayon sa unibersidad. Napuyat kasi ako dahil niyaya ako nila Caleb, Camilla, Knoll, Isaac, at Andrew na mag-karaoke. Nagse-celebrate kasi kami sa pagkakaibigan o pagkakaibigan na muling nabuo sa pagitan nila Knoll at Camilla.



          Ilang linggo na rin ang nakalipas buhat nang maghiwalay kami ni Zafe, kahit na hindi naman naging kami. Hindi ko maitatanggi na hindi siya mawala sa isip ko dahilan para hindi umayos ang buhay ko. Mukhang hindi nakakatulong itong ginawa namin. Pero sandali lang? Nakakaramdam ako ng nostalgia sa oras na ito. Parang nangyari na ito sa akin. Deja vu? Teka? Ito iyung nasa panaginip ko kanina hindi ba?



          Hindi ko naman namalayan na bumangga ako sa isang bagay at nawalan ako ng malay.



          Iminulat ko na ang aking mata. Kulay puti lang ang nakikita ko sa paligid. Langit na ba ito?



          “Nagising ka na pala," saad ng isang boses. Boses ito ni Officer Geoffrey.



          Tumingin naman ako sa gilid at nakita siya. Nakasuot siya ng puting t-shirt na medyo makapal at may nakaukit na nag-aapoy na fox sa gitna na manilaw-nilaw ang kulay. Nakasuot naman siya ng jeans sa ibaba niya at may suot pa siyang maitim na shades.



          Napabangon ako bigla. Binilang ko ang aking mga daliri sa kamay at lima pa rin ito. Parang ito talaga iyung nangyari sa panaginip ko at baka panaginip na naman ito.



          “Oh? Teka? Huwag kang bumangon," saway ng nurse na nakakita sa akin. “Magpahinga ka muna. Excuse ka sa mga klase mo habang nagpapahinga ka."



          Sinunod ko ang sinabi ng nurse at humiga ulit. Nagkwento naman ang nurse kung paano ako dinala dito. Pagkatapos ay umalis. Nakumpirma ko naman na nasa infirmary ako ng Bourbon Brothers University dahil sa kulay gintong logo ng nurse na kulay ng logo ng unibersidad. Pero weird. Hindi ito ang nangyari sa panaginip ko kung tama ang pagkakaalala ko.



          “Nakakunot ang noo mo. May problema ba?" usisa ni Geoffrey.



          “W-Wala naman Geoffrey. Ang weird lang kasi ng mga nangyayari ngayon," tugon ko. Nanlaki naman ang mata ko. “Anong nangyari pala?" agad na tanong ko.



          “Bumangga ka sa pader ng unibersidad kung saan mo sana ipa-park ang bike mo at nawalan ka ng malay," paliwanag ni Geoffrey. “Ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka ata nakakatulog ng maayos."



          “Yeah. Nag-aaral ako sa prestiyosong unibersidad na ito. Hindi din pala ako ligtas sa puyatan," natatawa kong tugon. Ang weird. Parang ito iyung nangyari kanina pero iba lang iyung nangyari sa bandang nurse. Mabilang nga ang daliri ko?



          “Ahh! Alam ko ang pakiramdam na iyan. Teka? Hindi ba mahal ang tuition dito? Paano ka nakapasok sa prestiyosong unibersidad na ito? Teka? Okay ka lang ba talaga?" natatawa na niyang tanong. “Nakakunot na naman ang noo mo at binibilang mo ang mga daliri sa mga kamay mo?"



          Ibinaling ko ang tingin kay Geoffrey. “Huh? Ahh, ehh, wala naman. Baka kasi may gasgas ako sa aking mga kamay. Pero mukhang wala naman," paliwanag ko.



          “Sa kamay, wala. Sa braso, meron," turo niya. “Buti na lang at nawalan ka lang ng malay kanina. Wala ka pa namang suot na helmet."



          Tiningnan ko agad ang aking braso. May gasgas nga. Hay! Sana naman, mabilis lang ito gumaling para mawala na.



          “Tungkol pala sa million peso question mo, may benefactor ako," pagsagot ko sa nauna niyang tanong.



          “Ahh! Benefactor. Sigurado ako na matalino ka kaya napansin ka ng benefactor na ito," saad niya na may tingin pang na nagsasabing alam ko ang ginawa mo noong huling taon. Bakit para talagang ito iyung nangyari sa panaginip ko pero iba lang ang nangyari ngayon?



          “Ang totoo niyan, hindi ko alam kung bakit. Basta may nagpadala na lang ng espesyal na imbitasyon sa bahay na nagsasabing pwede akong mag-aral dito at lahat ng babayaran ko, bayad na. Check mo kaya ang transcript of records ko. Puro line of 8 na hindi hihigit sa 85," nakakunot-noong paliwanag ko. “Pero sa tingin ko, hindi na nagsisisi ang taong iyun. Nasa Dean's List ako."



          “Congratulations pala sa iyo kung ganoon."



          “Oo nga pala. Anong ginagawa mo dito Geoffrey?" tanong ko.



          Kitang-kita ko sa mukha ni Geoffrey ang gulat. Marahil ay hindi makapaniwala na wala iyung salitang officer sa pangalan niya.



          “Confidential iyan," sabi niya matapos natahimik ng ilang segundo.



          “May iniimbestigahan ka pala."



          “May kinalaman kasi ito sa tatay mo."



          “Umm, may kinalaman pa rin ba ito sa pagkamatay ng tatay ko?"



          “Hmm, depende? Hindi ko alam," saad niya at nagkibit-balikat. “Sasabihin ko sa iyo kung bakit basta hindi mo ipagkakalat."



          “Akala ko ba, confidential? Tapos sasabihin mo sa akin?" nakakunot-noo kong tanong.



          “At some point kasi, kailangan mong malaman. Siyempre, tatay mo iyun Aulric hindi ba?" wika niya na may matulis na tingin.



          Napatango ako habang nagsasalita siya. Oo nga. Ito iyung nangyari kanina. Ano nga ang mga pangalang binanggit niya kanina?



          “So sinabi ko na may kinalaman ang tatay mo dito. Hindi mo ba alam na iba ang ginagamit na pangalan ng tatay mo sa Driver's License niya? Erwin Ginobli ang pangalan niya. At hindi lang iyun. Iyung Driver's License niya, hindi peke. Tunay at lehitimo. Pero nag-check kami sa database namin, wala. Inisip namin, pinapahiwatig nito na maging maingat ang tatay mo sa mga gagawin niya sa lansangan. Huwag siyang gumawa ng road crimes and violations dahil kapag siniyasat namin ang Driver's License niya, yari siya dahil wala kaming makikita. Ngayon, pinapahiwatig din nito na meron siyang isang mayaman na backer," paunang paliwanag ni Geoffrey.



          “Iyan din ang sabi-sabi ng mga kapitbahay kaya takot sila na galawin si tatay," sabat ko.



          “At dahil diyan, pinaghinalaan namin ang mga taong matutunog ang pangalan na mayayaman sa lugar natin na posibleng backer ng tatay mo. Nasa listahan sila Simon Schoneberg-"



          “Zachary Neville, Denny Rizal, ang magkakapatid na Louie Bourbon, Antoine Bourbon, Marcus Bourbon, Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor, ang pulitikong si Herbert Dominguez, Mer Lyn, Arthuro Reyes, and the list goes on and on and on and on," pagpatuloy ko sa sinasabi niya ayon sa pagkakaalala ko.



          Hindi naman makapaniwalang tumingin sa akin si Geoffrey. Ginantihan ko rin siya ng parehas na tingin dahil hindi din ako makapaniwala sa aking sinasabi. So iyun talaga ang listahan ng mga mayayaman na posibleng backer ni tatay?



          “Okay Mr. Psychic. Paano mo nalaman iyun?" nagtataka niyang tanong. Sasabihin ko ba ang totoo? Hindi kasi kapani-paniwala ang isasagot ko.



          “Maniniwala ka ba kung sa panaginip ko nalaman?" hindi ko siguradong sagot. “Sa panaginip ko kasi, sinabi mo sa akin ang mga pangalang iyun at natandaan ko agad dahil karamihan doon ay nakakasalamuha ko ang mga anak nila. Pati na rin si Arthuro Reyes. Tapos habang nag-uusap tayo kanina, napaka-nostalgic. Parang deja vu."



          Muling natahimik si Geoffrey. Hindi talaga siya naniniwala sa sinabi ko?



          “O~kay! Weird," pagbasag niya sa katahimikan. “Alam mo, nakakaranas din ako ng ganyan. Napapanaginipan ko ang hinaharap pero hindi ko masabi. Pero higit sa lahat, kailangan mo ng matulog. Napaka-alarming ng nangyayari sa iyo. Siguro pagod na pagod ka. Hindi mo ba alam na kadalasan sa mga taong pagod na pagod, madalas makaranas ng lucid dreaming?"



          “Anong lucid dreaming?" tanong ko.



          “Lucid dreaming. Para siyang astral projection," hindi malinaw niyang paliwanag. “Alam mo ba iyun?"



          “Hindi. Pero gusto kong malaman."



          “Umm, hindi ko kasi kabisado iyun. Pero parang ganito ang nangyayari. Halimbawa, nakatulog ka. Tapos makikita mo ang sarili mo na nakatingin sa iyong sariling katawan in a form of a dream. Basta! Ganoon. Tapos sabi daw nila, delikado ka sa ganoong state. Dahil wala ka sa katawan mo, walang laman ang katawan mo. Walang kaluluwa kung baga. Bakit delikado? Baka kasi may pumasok na ibang kaluluwa sa katawan mo. At iyan ang napakadelikado. Sabi daw nila, hindi ka na makakabalik sa katawan mo kapag ganoon. At ang masamang parte, malas mo lang kapag masamang tao ang nakapasok sa katawan mo. Pwede nilang patayin ang mga mahal mo sa buhay. That's the worst case scenario. Kaya may mga cases nga sa ating mundo na mag-anak na pinatay daw ng isang mabait na tao. Kaya lang, may mga pulis na sa droga na lang isisisi kasi hindi talaga nila alam ang dahilan kung bakit nagkaroon ng out-of-character ang mga taong iyun. Iyun ang pagkakaalam ko."



          “Okay. Nakakatakot na iyan."



          “Kaya ako ay aalis na para makapagpahinga ka na. Ayokong malaman kung totoo ba talaga ang mga nasasabi o nababasa ko sa net. Mahirap na. Nakakatindig-balahibo kaya." Ipinakita ni Geoffrey ang nagtataasang balahibo sa braso niya. “At kung totoo man, patunay lang na napakadelikado talaga ng mundo ano man ang ginagawa mo."



          “Sige. Siguro, magpapahinga talaga ako. Ayokong makita na pinapatay ng ibang tao ang mga mahal ko sa buhay gamit ang katawan ko."



          “Mabuti pa nga. Sige. Alis na ako. Mag-ingat sila sa iyo," paalam ni Geoffrey matapos siyang tumayo at umalis ng infirmary.



          “Ikaw din," pahabol ko.



          Napahugot ako ng malalim na hininga at binilang ko ulit ang aking mga daliri. Lima pa rin ito. Hindi ako nananaginip. Napakahirap naman nito. May mga bagay palang ganoon na hindi alam ng karamihan. Lucid dreaming huh? Pero sana, hindi ako mabiktima ng ganoon.



          Ipinikit ko ang aking mata. Dinama ang dapat na katahimikan na para sa akin sa mga oras na ito. Dinama ko din ng mabuti ang malamig na temperatura ng kwarto. Nakakaantok. Kailangan kong alisin ang pag-aalala ko sa mga bagay-bagay para matiwasay akong makatulog. Kailangan kong matulog.



          Naramdaman ko na ulit ang paglapat ng isang bagay sa aking bibig habang natutulog. Hindi ko naman ito pinansin o sinagot. Idinantay pa ng taong ito ang kamay niya sa mukha ko hanggang sa aking leeg. Maya-maya ay nawala din ito. Sino kaya ang misteryosong taong iyun?



          Sa wakas ay iminulat ko na ang aking mga mata. Medyo masakit ang aking mata pagkadilat at naramdaman ko ding sumakit ang aking ulo.



          Tumingin ako higaan at baka ito na ang sinasabi ni Geoffrey na lucid dreaming. Natuwa ako nang malaman na katawan ko talaga ito.



          “Nagpapahinga ka pala dito," saad ng boses ni Derek sa likuran ko.



          “Yeah. May masama kasing nangyayari sa akin," lingon ko sa kaniya. “At okay na ako."



          “Talaga? Bakit anim iyang daliri mo?" saad naman ni tatay na nasa likod lang niya taglay pa rin ang tama ng baril sa kaniyang ulo.



          Napalunok ako pagkarinig sa boses ni tatay. Kung dati ay hindi ako takot, nag-uumapaw ngayon ang takot sa aking katawan.



          Sinunod ko ang sinasabi ni tatay. Binilang ko ang aking daliri. Labindalawa ang bilang ko. Panaginip na naman ito. Bakit? Bakit nagkakaganito ako? Madalas akong managinip?



          Pagkadilat ng aking mga mata, agad na hinabol ko ang aking hininga. Nagising ako sa infirmary ng unibersidad. Malamig ang nararamdaman ng balat ko sa kwarto na ito pero may lumalabas pa ring pawis mula sa aking katawan. Ang sakit ng ulo at mata ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko.



          Agad na binilang ko ang aking daliri. Sampu ang bilang ko. Baka panaginip na naman ito sa isang panaginip. Nakakabaliw ang nangyayaring ito sa akin. Parang ayoko ng ipikit ang mga mata ko dahil baka managinip na naman ako nang hindi ko nalalaman.



          “Nagpapahinga ka pala dito," saad na naman ng boses ni Derek na nakita kong hinawi ang puting kurtina na naghahati sa istasyon ng nurse at sa mga mapuputing kama ng infirmary.



          “Yeah. May masama kasing nangyayari sa akin. At mukhang hindi iyun natatapos ng hindi ko nalalaman," pinipilit kong sabihin sa kabila ng paghinga ko ng malalim.



          “Hey, inaatake ka ba o ano? Teka lang! Nurse, inaatake po si Aulric!" natatarantang sabi ni Derek.



Ricky's POV



          “Nice steal!" sigaw ni Zafe na tumatakbo sa kabilang court matapos kong manakaw ang bola kay James.



          Nakuha ng kakampi namin ang bola. Nagsitakbuhan na ang mga kakampi at kalaban namin papunta sa kabilang court. Agad na hinarangan ni James at nang isa pa niyang kasama si Zafe nang makalapit na ito sa charging zone. Ipinasa sa akin ng isa naming kakampi ang bola at mabilis kong ipapasa ang bola kay Zafe. Mabilis na gumalaw si Zafe papunta sa direksyon na pagpapasahan ko sa kaniya pero hindi pa rin siya nilubayan ni James at ng isa pa niyang kakampi na nagbabantay. Imbes ipapasa ko kay Zafe ang bola, binigay ko na lang ito sa taong libreng-libre. Si Isaac na nakatayo sa 3-point zone.



          Agad siyang tumalon at ni-release ang bola. Pumasok naman ito at nadagdagan ng 3 points ang puntos namin.



          “Nice pass Ricky. Nice shot Isaac!" puri ni Zafe habang sabay kaming tumatakbo pabalik sa basket namin. “Depensa, depensa."



          Ilang linggo ang nakakaraan noong nag-break daw sila ni Aulric. Hindi ko alam pero malaki ang epekto nito kay Zafe. Dati, hindi siya nakakaiskor sa tuwing titira, wala siyang kabuhay-buhay, hindi makapag-focus ng maayos, sa madaling salita, lagi kaming natatalo sa mga practice game namin. Tuwang-tuwa naman ang kupunan ni James dahil dito. Maya't maya kasi itong nagyayabang na natalo niya si Zafe. Bano daw at hindi hamak na mas magaling daw si James kesa kay Zafe. Nag-aalala naman ako kay Zafe dahil dito. Baka sumabog siya at pagsasapakin sila James dahilan para maalis siya sa club. Pero para kay Zafe, balewala lang iyun sa kaniya. Pero ngayong araw, mukhang may milagro na nangyari.



          Ngayong araw, mukhang maliwanag ang atmosphere ni Zafe. May sigla kang makikita sa kanyang mga mata. Hindi katulad ng dati na patay ito kung makatitig. Focused na siya sa laro namin at binabati ang aming kasamahan sa tuwing may maganda itong ginagawa. At hindi lang iyun. Tambak ang kalaban sa puntos namin ngayon. 78 sa 23. Hindi pa tapos ang 4th quarter niyan.



          “Mukhang inpirado ka ngayon," komento ko habang nagpapalit ng damit sa locker room.



          “Hmmp," ungol ni Zafe habang itinuloy ang pagpapalit ng damit. Mukhang galit pa rin siya sa akin.



          “Oi, galit ka pa rin sa akin? Galit ka pa rin ba dahil pinili ko si Shai kesa sa'yo?"



          “Hindi naman ako galit. Ayoko lang magsalita dahil sigurado na masiSira lang ang araw ko," sabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso pero nakangiti. “Tapos na ang nangyari. Nagluksa na ako. Wala ng silbi kung babalikan ko pa ang nakaraan."



          “Hindi ako naniniwala. May galit ka pa rin sa akin," hindi ko siguradong saad.



          “Zafe, Ricky, nakita niyo na ba si Aulric?" tanong ni Isaac na kakapasok lang at pumunta sa kanyang locker para siguro magpalit ng damit.



          “Oo. Nakita ko siya," sagot ni Zafe. “Maayos na ba ang pakiramdam niya?"



          “Bakit? Anong nangyari kay Aulric?" pagsabat ko.



          “Parang hindi pa siya natulog ng, ilang araw ata. May eye bags na ehh," paliwanag ni Isaac habang nagpapalit ng damit. “Lagi nga niyang binibilang ang kanyang daliri para lang makasiguro na hindi siya nananaginip. Minsan daw kasi, nananaginip siya ng gising nang hindi niya nalalaman."



          “Nagbibilang ng daliri?"



          “Paniniwala iyun Ricky," pagka-klaro ni Zafe. “Sabi nila, kapag lumampas sa sampu ang bilang mo sa iyong mga daliri sa kamay, ibig sabihin nun ay nananaginip ka. Pero may butas sa sign na iyun. Sa panaginip kasi, pwedeng sampu ang bilang mo sa iyong mga daliri." Dahil kaya ito sa naghiwalay sila ni Zafe kaya nagkakaganoon si Aulric?



          “Sinabihan nga namin si Aulric na umuwi na at magpahinga. Pero pasaway! Gusto pa rin ipagpatuloy ang buhay dito sa unibersidad. Tulog lang ang katapat ng kalagayan ni Aulric," naiiritang sabi ni Isaac matapos makapagbihis. “Mabuti lang at may personal siyang alalay. Si Derek." Parang magkakasakit na din si Isaac habang nagsasalita.



          Pagkalabas ni Isaac, naramdaman ko na biglang nag-iba ang ora ni Zafe. Kita ko na kinuyom niya ang kanyang kamao. Huwag niyang sabihin na nagseselos siya kay Derek dahil inaalalayan niya si Aulric? Huwag naman sana na pati si Derek ay ganoon din katulad kay Zafe? Hay! Ano ba ang drama ng mga taong ito? Buti na lang at wala na akong hinahanap dahil may Shai na ako. Ano kayang magandang movie ang gusto niyang panoorin ngayon?



Jin's POV



          Bumukas ang pintuan ng clubroom. Niluwa nito si Aulric at mukhang inaalalayan ni Derek.



          “Derek, hindi mo na ako kailangan alalayan. Kaya ko ang saliri ko," reklamo ni Aulric.



          “I insist. Kailangan mong magpahinga ngayon pero hindi mo sinunod ang sinasabi ng nurse. Tingnan mo nga ang mata mo. May eye bags ka na," turo ni Derek sa mata ni Aulric.



          Tiningnan ko ang mata ni Aulric. May eye bags nga ito. Nakakatulog pa kaya siya?



          “Okay lang ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kung kailangan ko ng tulong, hihingi agad ako. Kaya gawin mo na ang kailangan mong gawin. Pwede?"



          “Derek, ako na ang bahala dito," sabat ko sa pag-uusap nila matapos makalapit.



          Nakahinga ng maluwag si Derek matapos akong makita. “Jin, mabuti naman. Bantayan mo nga itong si Aulric at ang tigas ng ulo. Huwag sana siyang mapagod ngayon dahil inerekomenda ng nurse na magpahinga muna siya."



          “Hey! Huwag ka nga!" saway ni Aulric.



          “Okay lang Derek. Saka mukhang hindi naman mapapagod ngayon si Aulric." Ibinaling ko ang atensyon kay Aulric. “Nasaulo mo naman iyung script hindi ba? Pati iyung sa gagawin mo?"



          “Yeah. Nasaulo ko."



          “Kung ganoon, aalis na ako. May kailangan pa akong gawin. Please take care of yourselves people," ngiti sa amin ni Derek saka lumabas ng clubroom.



          Nakita ko naman na itinaas ni Aulric ang kamay niya at mukhang binibilang ang kanyang daliri. Bumuntong-hininga siya pagkatapos at lumakad papunta sa isang sulok. Anong meron sa pagbibilang niya ng kanyang daliri?



          Kasalukuyan kasing nagre-rehearse ang mga tao ngayon dahil dalawang linggo na lang at gagawin na namin ang palabas. Malungkot naman ako dahil hindi kami ni Aulric ang main characters sa palabas namin. Sa ngayon, iba namang lalaki ang nagkaroon ng role ng ilang babae. Pero babae pa rin ang role ni Aulric as best friend sa bida ng palabas. Napaka-unfair daw kasi sa iba at kay Aulric kapag inabuso ang pagiging muse niya.



          “Aulric," tawag ko sa kaniya nang makita kong nakatulugan na niya ang pagsasaulo sa scipt ng play namin sa isang sulok ng clubroom. Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi siya nagising. Paano naman siya nakakatulog sa clubroom kung may maririnig kang ingay mula sa iba't ibang parte ng silid?



          Lumapit ako at pinagmasdan siya ng mabuti. Ang cute niya kapag natutulog. Para siyang anghel sa ganitong estado. Pero kapag gising, para siyang anghel na bibigyan ka na ng advance na judgement. Si Aulric kasi iyan ehh. Siguro, hayaan ko na lang siya. Pero ano naman ang idadahilan ko kapag nakita siya ni Sir Arthuro?



          “Huwag!" sigaw ni Aulric na umalingawngaw sa buong kwarto.



          Medyo nagulat ako sa pagsigaw niya. Mukhang nagising ko ata si Aulric.



          Iginala ni Aulric ang tingin sa buong kwarto. Kahit hindi ako nakatingin, mukhang tumingin ang ibang tao sa amin. Pagkatapos ay nagpatuloy ang buhay nila dahil umingay ulit.



          “Aulric, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Caleb na lumapit sa amin.



          Napapikit si Aulric at tumango habang nasapo niya ang kanyang ulo. Iyan ba ang okay?



          Nagmadali si Aulric na kunin ang panyo sa kanyang bulsa. Pinunasan niya ang kanyang sarili na animo'y may pawis. Pero wala naman akong nakikitang pawis.



          “Hey, nag-aalala na talaga ako dito kay Aulric. Iuwi na kaya natin siya sa bahay nila?" nag-aalalang bulong ni Caleb sa akin. “Seryoso na ito. Nagpupunas na siya ng kanyang sarili kahit wala naman siya talagang pawis."



          Tiningnan ko lang si Aulric. Balisa na balisa siya at binibilang na naman ang kanyang daliri. Sandali nga? Baka pwede kong ibigay sa kaniya iyung pampatulog na iniinom ni Tito Marcus.



          “Aulric, umuwi ka na lang at magpahinga," bulong ko sa kaniya.



          “Okay naman ako. Medyo nawawala na nga lang sa reyalidad," pabulong na sagot ni Aulric.



          “Pero seryoso na ito. Nagpupunas ka ng iyong pawis sa katawan kahit wala naman. Sa madaling salita, nagha-hallucinate ka na. Kaya magpahinga ka na sa bahay niyo. Umuwi ka na."



          “Hay! Bakit ba ang dami niyong nag-aalala sa kalagayan ko? Hindi ba kayo masaya? Pinapahirapan ko ang mga buhay niyo. Dapat matuwa kayo na may sakit ako ngayon."



          “Stop that sarcasm Aulric! Hindi nakakatuwa! Tandaan mo! Mababatukan ka namin ngayon kung kelan mahina ka!" naiiritang banta ni Caleb.



          “Oo. Sige na nga. Uuwi na ako gamit iyung bike."



          “Hindi. Sa sasakyan ko na lang. Mas lalong mapapadali lang ang buhay mo," sabi ko. At tsaka hindi mo ako mabibigyan ng pagkakataon na mahalin kita.



          Pinagpaalam ni Caleb si Aulric kay Sir Arthuro. Ako naman ay inalalayan siya na sumakay sa aking sasakyan. Umalis na kami ng eskwelahan. Pero bago pumunta sa bahay nila Aulric, dumaan na muna ako sa bahay namin. Dumiretso ako sa medicine cabinet ng bahay para kunin ang iniinom na pampatulog ni Tito Marcus. May puti siyang lalagyan at ang pangalan ng gamot ay Vallum.



          Nang makuha ko na ang gamot, bumalik na ako sa sasakyan. Nakadilat lang ang mata ni Aulric at nakatingin sa labas ng kotse.



          “Aulric, pwede bang malaman kung bakit ayaw mo ng ipikit ang mata mo?" tanong ko matapos paandarin na ang sasakyan.



          “Masama na kasi ang mga napapanaginipan ko. Napapanaginipan ko na tuloy-tuloy ang oras ng buhay ko sa aking panaginip. Halimbawa na lang noong kanina. Sa panaginip ko, patuloy kong sinasaulo ang script ko. Hanggang sa may isang bagay na nagpagising sa akin. Hindi ko pala namalayan na nakatulog na ako." Tinaas ni Aulric ang mga daliri niya sa kamay. “Sabi daw nila, kapag lampas sa sampu ang bilang mo sa iyong daliri, nananaginip ka. Pero mukhang unreliable ang kasabihan na iyun. Kasi kahit sa panaginip, mukhang sampu pa rin ang bilang ko sa aking daliri. Ayoko ng matulog. Nakakatakot. Baka kahit ano ang gagawin ko, baka panaginip iyun."



          “Pero hindi pwede iyun Aulric. Kailangan mo pa ring matulog. Magpapatuloy lang iyang nangyayari sa iyo kapag hindi ka nakatulog. Alam mo, may ibibigay ako sa iyong gamot para makatulog ka. Para matapos iyang mga bangungot mo."



          “Talaga? Makakatulog ako niyan? Hindi ba lason ang ibibigay mo sa akin?" sarkastikong tanong ni Aulric sa akin nang nilingon niya ako.



          “Hay! Huwag ka naman ganyan! Magkaibigan na tayo! Ang tunay na magkaibigan, nagtutulungan. Ngayong nasa mahirap kang sitwasyon, kailangan magtulungan ang mga magkakaibigan. At tsaka nag-aalala na din kaya ang mga kaibigan mo. Sige ka. Malulungkot kami kapag nawala ka."



          “What-e-ver!"



          Nakarating na ako sa lugar kung saan ko siya dapat ibaba. Ipinark ko naman ang kotse sa pinakamalapit na parking lot sa lugar. Bumaba naman kami ni Aulric at naglakad papunta sa kanila.



          “Hindi mo na kailangan gawin ito!" reklamo ni Aulric.



          “Kailangan. Baka biglang bumagsak ka sa daan at managinip ka," pag-i-insist ko.



          Nang makarating na kami sa bahay niya, umakyat agad siya dahil nandoon ang kwarto niya. Ako naman ay dumiretso sa maliit nilang kusina at naghanap ng baso. Nilagyan ko ito ng tubig at umakyat sa kwarto ni Aulric. Napakaingay naman sa lugar nila. Hindi tulad sa amin na tahimik. Makakatulog kaya si Aulric sa ganitong kalagayan?



          “Inumin mo itong gamot. Siguradong makakatulog ka ng maayos," sabi ko nang ibinigay ko sa kaniya ang isang tableta ng pampatulog at isang basong tubig.



          Kinuha ni Aulric ang dala ko habang ako ay sinarado ang kanyang bintana at binuksan ang electric fan.



          “Sigurado ka ba na makakatulog ako nito kapag nainom ko?" tanong ni Aulric matapos inumin ang gamot at ang tubig.



          “Sleeping drug iyan. Siguradong makakatulog ka," tugon ko.



          Naghubad ng damit si Aulric. Nilihis ko lang ang aking paningin dahil nahihiya ako na makita ang kabuuan niya. Hinubad din niya ang kanyang pantalon para brief na lang ang natitira. Pero parehas kaming lalaki. Ano naman ang kaso doon kung titingnan ko siya? Siguro ay kailangan ko ng umalis.



          Aalis na sana ako nang naramdaman kong hinawakan ni Aulric ang kamay ko.



          “Bakit Aulric? May kailangan ka pa?" tanong ko.



          Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam pero mas lalo itong bumilis nang magtagpo ang paningin namin ni Aulric. Ako lang ba o papalapit ang mukha ni Aulric sa akin? Anong meron? Bakit ganito? Hindi ba pampatulog ang binigay ko? Dapat ay tulog na siya sa gamot na iyun.



          Nagulat ako nang sinakop ni Aulric ang labi ko at inalis ang aking salamin sa mata. Mapusok pa ang pagkakahalik niya at nag-apoy ang aking nadarama sa kaniya. Sinagot ko din ang halik niya sa parehas na intensidad. Pagkakataon ko na ba ito para maipadama ko sa kaniya ang tunay kong nadarama? Magkaparehas kaya ang nadarama namin ni Aulric? Hinalikan niya ako. Ano pa ba ang ibig sabihin nito?



          Habang humahalik, sinimulan kong hubarin ang aking sariling damit. Tinulungan naman niya ako na tuluyang hubarin ang uniporme ko at mas lalo siyang naging agresibo. Sinunod ko ang gusto ng kanyang kamay na humiga sa kaniyang kama at pinatungan ako. Ano kaya ang pinainom ko kay Aulric? Hindi kaya isang gayuma iyun?



          “Aulric, mahal kita," sabi ko nang magkatinginan ulit kami habang nakapatong siya sa akin.



          “Talaga?" nanghihinala niyang saad. “Kung ganoon, patunayan mo na mahal mo ako."



          Nagsimulang hubarin ni Aulric ang damit niya hanggang sa parehas na brief na lang ang natitira sa aming mga saplot. Mapusok ako na hinalikan ni Aulric sa labi. Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayaring ito. Nakatulog kaya ako at baka ako naman ngayon ang nananaginip?



          Mas lalo akong nagising sa aking pag-iisip nang bumaba ang kanyang paghalik. Bumaba ito papunta sa leeg, sa aking dibdib, hanggang sa bandang tiyan ko. Mas lalong nag-alab ang aking nadarama nang dinilaan niya ang tarugo kong nakatago sa tela ng aking saplot. Reyalidad ba talaga ito? Masyadong hindi totoo. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero hindi ito panaginip. Ito ay reyalidad.



          Napaliyad ako nang naramdaman kong nasa bibig na pala ni Aulric ang tarugo ko. Hinubad na pala niya ang aking brief.



          Hinabol ko ang aking hininga sa bawat pagtaas-baba ni Aulric. Napakainit at napakasarap ng kanyang ginagawa. Pinipiglan ko pa ang aking pag-ungol dahil rinig na rinig ko ang mga bata na naglalaro malapit sa bahay nila. Mas lalo pa akong nawala sa aking sarili nang maramdaman kong may pumapasok na daliri sa puwerta ko. Masakit iyun pero natatabunan ng sarap na ginagawa ni Aulric. Napakasarap. Gusto kong umungol pero hindi dapat.



          Hindi ko naman namalayan na nilabasan na ako. Nakita kong patuloy na sinisipsip ni Aulric ang katas na lumabas sa akin.



          “Napakabilis naman," nadismaya niyang sabi pagkatapos sumipsip. “Pero alam mo Jin, paano ako? Matagal akong labasan."



          Naguluhan ako sa sinasabi niya. “Ha? Anong ibig mong sabihin?"



          “Tumuwad ka."



          Wala sa isip kong sinunod ang sinabi niya dahil wala akong magagawa ngayong hindi ko suot ang aking salamin. Tumuwad ako. Saka ko lang na-realize ang gagawin niya. Teka? Papasukin niya ako? Hindi ba dapat ako ang pumasok?



          Matinding sakit ang aking nadarama nang naramdaman kong pumapasok na si Aulric. Gusto kong sumigaw pero nagpipigil pa rin ako. Baka makahalata ang mga tao sa makasalanang ginagawa namin.



          “Sinabi ko naman sa iyo kanina hindi ba? Patunayan mo na mahal mo ako. Tiisin mo ang sakit," bulong ni Aulric sa tenga ko.



          Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagpasok niya. Lihim na lang na napaiyak ako dahil sa sakit. Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga. Pero para ito kay Aulric. Para patunayan ko na mahal ko siya.



          Nagsimula na siyang gumalaw. Ako naman ay nadala sa kanyang ginagawa at gumalaw na din. Hindi maipaliwanag na sarap ang aking nadarama kahit na medyo masakit sa bawat galaw ko.



          “Ang sarap Jin. Bakit ba hindi ko naisip na gawin ko ito sa iyo? Ang sikip mo. Shit!" mura ni Aulric habang gumagalaw.



          “Virgin pa ako. Pasensya na," paghingi ko ng tawad.



          Tumigil sa paggalaw si Aulric at pinahiga ako. Hinayaan ko siyang igalaw ang aking katawan. Itinaas niya ang aking mga paa para ipatong sa kanyang balikat. Ipinasok niya ulit ang kanyang pagkalalaki.



          “Bakit hindi ka umungol Jin? Ayaw mo bang marinig tayo ng mga bata?" sensual na tanong niya.



          “Ayoko. Hindi ka nga umuungol. Ayokong may panggulo sa ating ginagawa," tugon ko.



          “Pero mas maganda kapag uungol ka. Sasagarin kita alam mo ba iyun?"



          Mas lalong naging marahas gumalaw si Aulric. Napapamura ako sa kaniyang ginagawa. Ang sarap. Gusto kong bilisan pa niya.



          Bumilis ang pagbayo ni Aulric. Inilapit din niya ang mukha sa akin at sinikap na halikan ang labi ko. Niyakap ko din siya para maramdaman ko talaga na iisa kami ngayon. Mahal ko siya at mahal niya ako. I love you Aulric.



          “Malapit na ako Jin. Dito na lang ako sa loob mo," sambit ni Aulric nang tumigil na sa paghalik.



          “Hah! Aulric, mahal kita," sambit ko nang maramdaman ang paglaki ng kanyang pagkalalaki sa loob ko.



          Naramdaman ko na lumabas na ang kanyang katas sa puwet ko. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. Natapos na din ang pagniniig namin. Hindi ko malilimutan ang hapon na ito. Ang hapon na ito na nagkaroon ako ng pagkakataon para maitulay ang aking tunay na nararamdaman sa kaniya.



          Tumayo na ako at nagbihis. Hinanap ko din ang aking salamin kung saan nilagay ni Aulric. Matapos kaming magniig, nakatulog na siya ng mahimbing. Baka napagod. Ano ba ito? Ang sakit ng puwitan ko. Parang bukas pa rin ito. Ganito pala kapag pinasukan. Pero sa susunod, siguradong ako na ang papasok.



          Binihisan ko din si Aulric. Baka umakyat ang nanay niya o kung sino man sa bahay at magtaka kung bakit nakahubad siya.



          Nang masigurong ayos na si Aulric, umalis na ako sa kwarto niya. Sinikap kong maglakad ng maayos sa kabila ng nararamdaman ko sa aking puwitan.



          Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng bahay nila habang nasa hagdanan pa ako. Niluwa nito ang isang medyo matandang babae. Marahil ay nanay ni Aulric.



          “S-Sino ka? M-Magnanakaw ka ba?" natatakot agad na tanong nito. “Teka? Uniporme iyan ng pinapasukan ng anak ko ahh? Magkaklase ba kayo?"



          “P-Pasensya na po. Hindi niyo pa siguro ako kilala. Ako nga po pala si Jin Bourbon. Isa sa mga anak ng may-ari po ng unibersidad," pagpapakilala ko.



          “Ahh? Ganoon ba?"



          “Aling Emma, sino po ba iyan?" tanong ng isang medyo maitim na lalaki na kasunod pumasok ng nanay ni Aulric. “Ay! M-May bisita po pala kayo."



          “Randolf, ilagay mo na ang mga bayong sa lamesa," utos nito na sinunod naman. Muling tumingin ito sa akin. “Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"



          “Umm, alam niyo po ba na hindi nakakatulog ng ilang araw si Aulric? Nagha-hallucinate na po kasi siya sa unibersidad kaya hinatid ko na po pauwi," paliwanag ko.



          Napalitan ng pag-aalala ang kaninang gulat na mukha ng nanay ni Aulric. Ang kasama naman nitong lalaki ay napatingin sa akin.



          “Pero huwag na po kayong mag-alala. Pinainom ko po siya ng gamot pampatulog para makatulog siya ng mahimbing. Tulog na tulog na po ngayon si Aulric," dagdag paliwanag ko.



          “Ay! Nakakainis naman! Bakit hindi ba iyun napansin? Nakakainis naman kasi itong si Aulric. May karamdaman pala, sige pa rin ng sige," distressed nitong sabi. “Salamat sa paghatid Jin. Pasensya na at nakaabala pa kami sa iyo."



          “Nako po! Wala po iyun. Nag-aalala din naman po kasi kaming mga kaibigan niya."



          Natawa ang kasama ni Aling Emma. Natigil lang siya nang sinamaan ito ng tingin ni Aling Emma.



          “Pasensya na Aling Emma. Bukas na lang po ulit," paghingi ng dispensa ng kasama niyang si Randolf at umalis ng bahay.



          “Umm, ako din po. Aalis na po ako. Baka hinahanap na po ako sa amin," paalam ko.



          “Sige hijo. Mag-ingat ka pauwi," sabi ng mama ni Aulric.



          Lumabas na ako ng bahay. Sinikap ko na makalakad ng maayos papunta sa kotse. Sa kotse naman, hindi ako maayos makapagmaneho. Hindi ako komportable sa aking nararamdaman sa aking ibaba. Teka? Paano kaya kung sa paupong posisyon ako? Si Aulric ang nakaupo at nakapatong ako sa kaniya. Nakapasok ang pagkalalaki niya sa puwitan ko. Masarap kaya? Hay! Ano ba ang iniisip ko? Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kanina. Masu-survive ko kaya ito sa natitirang araw? Hanggang sa pagtulog ko?



          Nakauwi na ako sa mansyon. Agad kong ibinalik sa medicine cabinet ang lalagyan ng gamot ni Tito Marcus. Magmamadali na sana akong pumunta sa kwarto ko nang mapansin ang papa ni Sharina, si Tito Marcus, na may hinahalungkat sa medicine cabinet. Buti naman at naibalik ko na.



          “Hay salamat naman. Buti at andito ang gamot. Hindi pa naman ito pampatulog," rinig kong sabi ni Tito Marcus.



          Nilingon ko siya at nakita na hawak-hawak ang lalagyan ng pampatulog niyang gamot. Anong ibig sabihin niya na hindi pampatulog?



          “Tito Marcus, anong sinasabi niyo po na hindi pampatulog ang gamot na nasa lalagyan na iyan?" tanong ko.



          “Ahh! Jin. Sabi kasi nung asawa ni Herbert, nagkamali siya ng binigay na gamot sa akin. Hindi daw kasi pampatulog ang gamot na iyun," paliwanag niya.



          “Ano naman pong klaseng gamot ang nandiyan?"



          “Hmm, hindi ko alam," iling niya. “Buti na lang at hindi ko nainom ang gamot at nasabi agad ng asawa ni Herbert na iba ang nalagyan niya ng gamot. Pano Jin. Aalis na ako para ipalit na itong gamot ko."



          “Sige po. Ingat po kayo."



          Bigla akong kinabahan sa nalaman ko. Pero nakatulog na ngayon si Aulric. Hindi kaya nagkamali lang iyung doktor ni Tito Marcus? At kung hindi naman iyun ang gamot ni Tito Marcus, anong klaseng gamot iyun?



          “Anong nangyayari sa iyo?" tanong sa akin ni Sharina nang papasok na sana ako sa aking kwarto.



          Katatapos lang kasi namin na kumain ng sabay. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto dahil sa nararamdaman ko sa aking puwitan. Hindi talaga ako komportableng umupo.



          “W-Wala. Wala naman," pagtanggi ko.



          “Wala daw?" hindi naniniwalang sabi ni Sharina.



          “Oo nga. Wala nga."



          “Talaga? Akala mo ba na hindi ko napapansin? Napakagalaw mo sa hapag-kainan. Hindi ka komportableng umupo. Imposible naman na walang nangyari sa iyo?"



          “Wala nga talaga. Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog. Bukas na lang tayo mag-usap," kunyaring naiinis kong sabi.



          “But wait. There's more. Nahuhuli kitang nakangiti, tapos maya-maya ay mawawala, then ngingiti ka ulit, and so on, direct to the point, nababaliw ka na ba?"



          “Alam mo, walang kwentang pag-uusap ito. Papasok na ako."



          “Nakita din kita na pinasok mo si Aulric sa sasakyan mo. Sasabihin mo pa rin ba na wala?" ngayo'y kinikilig na tanong niya.



          Napabuntong-hininga na lang ako. Walang kwenta kung itatago ko pa. Kailangan ng malaman ni Sharina.



          “Nang inuwi ko si Aulric sa kanila, biglang may nangyari sa amin. At habang may nangyayari sa aming ganoon, nagtapat ako," pagtatapat ko.



          Pinandilatan lang ako ng mata ni Sharina. Hindi ito makapaliwanag sa aking sinabi. Kumusta kaya ang pagkaka-process ng utak niya sa sinabi ko.



          “Dapat pala, mag-celebrate tayo. Kayo na ni Aulric finally. Congratulations," maligayang bati niya matapos manahimik. “Pero bakit hindi ka kumportable umupo? Huwag mong sabihin na ikaw ang-"



          “Huwag mo ng ituloy!" pagputol ko. “Ang sakit kaya. Parang ang laki din ng ari niya. Buti nga at nagkasya sa puwet ko."



          Mas lalong hindi makapaniwala si Sharina sa narinig. Sinampal naman niya ang sarili para nakasigurado na ito ang reyalidad ng buhay.



          “What?!" pasigaw na tanong ni Sharina na umalingawngaw ata sa buong mansyon.



          Agad na kinuha ko ang kamay ni Sharina at ipinasok siya sa aking kwarto. Nakakahiya kaya! Ayoko muna na malaman ito ng iba maliban sa amin.



          “Pwede ba? Huwag kang sumigaw?" saway ko.



          “Sinong hindi mapapasigaw? I can't believe this! Si Aulric ang, nasa ibabaw?" pakumpas niyang sabi. “Hindi pwede ito Jin. Dapat ikaw ang abusado. Hindi siya. Bawiin mo ang iyong dangal!"



          “But does it really matter? Mahal ko si Aulric. Kung ako ang nasa ibaba, well fine. I'm sure naman na hindi aabusuhin ni Aulric ang posisyun niya. Hindi mo pa kilala si Aulric. Pero ako, matagal na."



          “Well, sabi mo ehh. I'm sure naman na alam mo ang ginagawa mo. At masaya ako para sa inyo. Kailangan lang pala na may mangyari sa inyo para lang mapaamin ka. At sigurado na akong aalisin ko na sa posibleng kalaguyo ni Zafe si Aulric."



          Umupo ako sa aking kama. “Naghahanap ka pa rin? Paano kung wala naman talaga? At si Aulric at Zafe? Hindi ko maisip," iling ko.



          Tinabihan naman niya ako. “I need to be sure bago ako magpasya na pumunta sa ibang bansa."



          “Paano iyung mga kaibigan mo dito? Sila Isabela, iiwanan mo?"



          “Hmm, iyun nga ehh. Iniisip ko din iyan. Bakit kasi hindi ako pasensyoso? 4 years lang naman ang college hindi ba?"



          “Nakalimutan mo pa iyung masteral at doctorate."



          “Hay! Pati ba naman iyun?! Papatulan pa ni Zafe?" pagalit niyang sabi na sinusuntok pa ang aking kama.



          “Baka," kibit-balikat ko na lang.



          “Hmmpp, in love ako sa isang taong mahilig mag-aral. I didn't expect that. Pero ikaw pinsan, I'm really happy for you. At least, hindi mo na kailangan gumamit ng plan B."



          “Yeah. Hindi na nga kailangan," ngiti ko.



          Nagyakapan kami ni Sharina. Oo nga. Buti na lang at hindi ko na kailangan ang plan B. Ano nga ba ang plan B ko? Mukhang hindi niyo na iyun kailangan malaman.



Aulric's POV



          Minulat ko ang aking mata. May kaba agad ako na nadarama dahil sa baka ito'y isa na namang panaginip. Ilang oras na ba akong natutulog? Naging buhay ko na ba ang buhay ni Sleeping Beauty? Pero ayoko iyung isang parte kung saan ginagahasa pala si Sleeping Beauty habang natutulog at nagkaanak din habang natutulog.



          “Gising ka na pala," anang isang boses sa tabi ko. Si nanay. Katabi ko pala siya sa pagtulog?



          “Magandang umaga nanay," bati ko din.



          “Magandang umaga anak." Marahang hinalikan pa ako sa noo.



          “Umm, anong oras na po ba?" Kinusot-kusot ko ang aking mata.



          “Nueve na anak."



          Napadilat ako ng mata na wala sa oras. Agad na bumangon ako at binuksan ang bintana. Mas lalo pa akong naguluhan nang malamang alas nuebe na ng gabi ang ibig sabihin ni nanay. Wala ng masyadong mga bata na naglalaro. Ilang oras ba akong natulog?



          “Tatlong oras lang po ba ako natulog nay?" tanong ko pagkatapos isara ang bintana.



          “Mga isang buong araw na," sagot ni nanay.



          Nakahinga ako ng maluwag matapos malaman iyun kay nanay. Mga ilang araw pa pala bago mag-Valentine's Day.



          Bumangon si nanay. “Siguradong nagugutom ka na. Bababa na ako para makakain ka. Bumaba ka na din para makakain."



          Nang lumabas na si nanay, hinawakan ko ang parte ng kama kung saan siya humiga. Medyo mainit ito pahiwatig na buong magdamag siyang nagbabantay sa akin.



          Bababa na sana ako nang may mapansin na kakaiba sa sarili. Hindi ko alam pero parang may kung ano akong nakikita sa aking mata. Isang pangitain na may dalawang lalaki na, gumagawa ng himala. Grabe naman! Kagigising ko lang, may mga pangitain akong ganito? Ano bang klaseng pangitain iyun?



          Nagsawalang-bahala na lang ako at umiling. Mas maganda siguro kung bababa na ako at kumain. Baka siguro gutom lang ito.



          Pagkadating sa baba ay kumain na ako. Naghihinaing na talaga ang tiyan ko na kumain hanggang sa mabusog ako.



          “Nay, pasensya na at inabala ko kayo. Mukhang hindi talaga kayo umalis sa tabi ko at hindi kayo natulog," saad ko sa pagitan ng aking pagkain.



          “Okay lang iyun anak. Anak kita. At ayokong magising pagkatapos ay malalaman ko na wala ka na," malungkot na sabi ni nanay na nakaupo sa tapat ko.



          “Grabe nay. Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" biro ko para umiwas sa patayan na diskusyon.



          “Anak naman. Nanay mo ako. Anak kita. Ako ang klase ng magulang na masasaktan kapag nawala ka sa akin. Please lang talaga. Ingatan mo ang sarili mo Aulric."



          “Opo nay. Iingatan ko ang sarili ko. Nangangako po ako. Mahal na mahal ko po kayo," sambit ko na bukal sa aking kalooban.



          Nang mabusog na ako, ililigpit ko na sana ang aking mga pinagkainan nang inunahan ako ni nanay. Kokontra pa sana ako pero sinamaan na niya ako ng tingin. Hindi na talaga siya mapipigilan kapag ganyan.



          “Anak, habang natutulog ka pala, nag-iingay ang phone mo. Mukhang kinikumusta ka ng mga kaibigan mo. Hindi ko lang sinagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga kaibigan mo," pagpapaalala ni nanay nang nagsuot siya ng apron.



          Mabilis na tinungo ko ang aking kwarto. Agad na kinuha ko ang aking phone. Napakaraming missed calls at mensahe ang aking natanggap. Lahat ay galing sa mga taong palagi kong nakakasalamuha sa unibersidad. Lahat ay nag-aalala sa aking kalagayan.



          Bigla naman tumunog ang phone. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Shai na agad kong sinagot.



          “Hay nako! Salamat naman at sinagot mo!" sambit agad nito. “Ano? Buhay ka pa ba?"



          “Oo. Buhay pa ako," sagot ko habang hinuhubad ang aking damit. May isa namang pangitain akong nakita kung saan may lalaking naghuhubad. Ano ba ito? Hindi pa rin nawawala?



          “Alam mo, kailangan mo ng magpatingin sa doktor. Nag-research ako sa internet tungkol sa nangyayari sa iyo at may nakuha akong isang masamang resulta."



          Nagpatuloy akong maghubad dahil maliligo ako. “Hindi na kailangan. Okay na ako. At tsaka wala kaming pera para magpakunsulta sa doktor. Hindi nga nakapagbenta ngayon si nanay ehh."



          “Alam namin na sasabihin mo iyan. Kaya habang natutulog ka, nag-ambagan na kami nila Andrew para maipatingin ka na sa doktor. Nag-ambag na din na sila Zafe at Ricky para dito. Nag-aalala nga sila sa sinabi kong posibleng karamdaman mo."



          “Anong karamdaman iyan aber?"



          “Umm, ang pangalan ng posibleng karamdaman mo ay frontotemporal dementia. Isa itong karamdaman na kung saan lumiliit ang utak mo sa bandang harapan. Tapos sa parte ng utak na iyun, responsable ito sa paggawa mo ng desisyon, pag-uugali, emosyon, at pagsasalita mo. Iyung taong may ganito ding sakit, nagkakaroon ng mga hallucinations, panaginip sa loob ng isa pang panaginip, at pagiging makakalimutin," mahabang paliwanag niya.



          “Nako. Siguradong hindi iyan ang sakit ko. Okay naman ang aking mga paggawa ng desisyon, pag-uugali, emosyon, at pagsasalita ko. At hindi pa ako makakalimutin."



          “Anong okay? Nakikitaan ka naming lahat ng sintomas. Kaya pagkatapos ng lunch break, sumama ka sa akin at magpa-CT scan ka para makasigurado tayo."



          Sasagot pa sana ako nang ibinaba ni Shai ang phone. Naniguro talaga na hindi ako makatanggi. Hay! Ano pa ba ang magagawa ko?



          Kinabukasan, papasok na ako sa eskwelahan. Dahil sa naiwan ang aking bike sa unibersidad at walang nag-isip na ihatid ito sa bahay ko, magco-commute na lang ako.



          Sasakay na sana ako ng jeep papunta sa unibersidad nang mapansin ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparke. Kotse ito ni Jin.



          “Aulric, sakay ka na dito," masayang sabi ni Jin na kumaway-kaway pa. Nice. Makakatipid na ako nito sa pamasahe.



          Sumakay ako sa kotse ni Jin. Nagtaka naman ako nang siya mismo ang nag-aayos sa aking seatbelt. Hindi rin mawala sa mukha niya ang malapad na ngiti. Mukhang may magandang nangyari sa kaniya.



          “Jin, kumusta? May maganda bang nangyari habang tulog ako?" tanong ko.



          “Haa? Oo. Meron," sagot niya nang sinimulan na ni Jin paandarin ang kanyang kotse. “Sa sobrang ganda, mukhang nakalimutan mo na."



          Naguluhan ako. “Sa sobrang ganda, nakalimutan ko na? Bakit? May pinag-usapan ba tayo bago ako matulog?"



          Napansin ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. Nawala din ang sigla at ngiti sa mukha niya.



          “W-Wala ka talagang natatandaan?"



          “Magtatanong ba ako kung natatandaan ko?" pasarkastikong balik ko. “Ano ba iyun? Baka nga nakalimutan ko. Ikwento mo na lang ulit."



          “Ang totoo niyan Aulric, may nangyari sa amin ng sikreto kong minamahal. Hindi na ako virgin," kwento ni Jin.



          “Naks naman! Congratulations," bati ko. “So ano na ang susunod? Binuntis mo na ba? Magpapakasal na ba kayo? Ano? Sabihin mo."



          “G-Grabe ka naman. Buntis agad? Kasal na agad? H-Hindi ka naman siguro nagmamadali."



          Napansin ko na may luha ang bumagsak sa kaniyang mga mata. Biglang hininto ni Jin ang sasakyan.



          “Ohh? Bakit ka umiiyak?" usisa ko.



          “H-Hindi kasi ako m-makapaniwala Aulric. H-Hindi na ako virgin. H-Hindi talaga ako makapaniwala," papiyok-piyok niyang sabi habang hinahanap ata sa isa sa mga kompartment ng kanyang sasakyan ang kanyang tissue. “P-Pasensya na t-talaga. N-Napakalaking bagay kasi i-iyung pagkagkawala ng v-virginity ko. H-Hindi ko akalain na m-magagawa ko iyun." Napakasentimental naman itong si Jin. Pagkawala ng virginity niya, iniiyakan.



          “Tigilan mo na iyang pag-iyak mo. Tahan na. Baka ikwento mo pa kung paano mo bayuhin iyang minamahal mo. Hindi pa naman ako interesado."



          Tinulungan ko siyang hanapin ang kanyang tissue at nahanap ko ito. Agad na ibinigay ko ito sa kaniya na agad naman siyang kumuha ng maraming tissue.



          “Alam mo, alam kong nakikisakay lang ako Jin. Pero kung aabot ka ng isang oras sa pag-iyak diyan, mahuhuli na tayo sa unang klase," prangkang sabi ko. “Eitherway, masaya pa rin ako para sa iyo. Congratulations sa pagkawala ng iyung virginity.



          “O-Oo nga. S-Salamat. P-Pasensya na t-talaga."



          Tumigil sa pagpupunas ng luha si Jin. Sinumulan na niyang paandarin ang sasakyan pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Ano ba 'to? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyon na ito. Hindi ko din malaman kung ano ang dapat kong maramdaman. Matuwa ba o maawa? Hay! Ewan!



          Nang nakarating na kami sa unibersidad, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Parang ayoko naman siyang iwanan sa ganoong kalagayan. Para ring gusto kong lumabas sa sasakyan at iwan na lang siya gaya ng karaniwan kong ginagawa.



          “Jin, tumigil ka na sa pag-iyak. Kahit na sabihin mong tears of joy iyan, hindi na ako natutuwa. Umiyak ka sa akin kung may taong umaway sa iyo at ipapabugbog natin kila Andrew, Caleb, Isaac, at Knoll. Kaya tahan na. Hindi na talaga nakakatuwa," seryoso kong sabi.



          “Ang cold mo talaga. Pero Aulric, okay lang na umalis ka na. Magiging okay din ako," tugon niya.



          “Okay. Magandang araw sa iyo. Congratulations ulit."



          Lumabas na ako sa sasakyan. Napabuntong-hininga na lang ako habang papalayo ako sa kanyang sasakyan. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari sa kaniya. Pero siguro, titigil din siya. Hindi naman nakakalungkot ang nangyari.



          Nang hindi ko makita si Shai habang papunta ako sa una kong klase, dumiretso na ako sa classroom. Nakita ko sa loob si Zafe na medyo masaya pagkakita sa akin. Nakita ko din si Isaac na abot-tenga ang ngiti at binati agad ako pagkaupo ko sa aking upuan.



          “Magpa-checkup ka mamaya," matigas na pagkakasabi ni Zafe na kami lang ni Isaac ang nakakarinig. “Inaasahan naming lahat na tatanggi ka pero para makasigurado tayo, magpa-checkup ka. Binayaran na namin ang doktor na gagawa ng CT scan."



          “Oo nga Aulric," pagsang-ayon din ni Isaac. “Nakakatakot pa naman si Shai kung paano niya kiniwento ang posibleng sakit mo."



          Napailing na lang ako. Mukhang wala na talaga akong magagawa.



          “Heto ang notebook ko." Nagbigay si Zafe ng ilang notebook. “Malapit na ang midterms kaya pag-aralan mo ang mga na-miss mong mga aralin."



          “Zafe, isang araw lang akong nawala. Hindi isang buwan. Pero salamat sa notes."



          Tumango na lang si Zafe. “Sabi mo ehh."



          Parang mamumula ata ang pisngi ko sa asta niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Na-miss ko ata si Zafe. Ayokong aminin pero hindi talaga kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya makita. Hay nako! Tandaan mo Aulric! Problema iyang nararamdaman mo kay Zafe ngayon.



Jin's POV



          Matapos umalis si Aulric sa kotse, hindi pa rin ako umalis. Lumipas na ang isa, dalawa, tatlong klase ko ngayong araw pero hindi ako umalis. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Wala siyang natatandaan sa ginawa namin? Seryoso ba siya? Nag-confess na din ako sa kaniya, hindi rin niya natandaan iyun?



          Ilang beses kong sinabunutan ang aking sarili sa inis. Iniisip ko kung sino ba dapat ang aking sisihin sa nangyari. Ako ba, si Aulric, o ang gamot na ininom niya? Tama. Iyung gamot. Sabi ni Tito Marcus, hindi daw pampatulog ang nakalagay doon. Hindi kaya ecstasy ang gamot na nakalagay doon? Pero wala naman itong epekto na makakalimutan niya ang kanyang ginawa. Ang mukha ni Aulric habang nagtatanong sa akin kung ano ang nangyari, tunay.



          Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa kotse ko. Tiningnan ko kung sino at si Sharina lang pala ito. Pagkatapos kumatok ng ilang beses ay pumasok siya.



          “Anong nangyari? Hindi ka daw ma-contact ng mga kaklase mo at tinawagan na ako. Hindi ka daw pumasok sa mga klase mo," usisa niya.



          “Well, it turns out na hindi natatandaan ni Aulric iyung ginawa namin. Great! I'm back to step one," walang amor kong paliwanag habang pinupunasan ang aking salamin.



          Natahimik saglit si Sharina. “Ha? Paano nangyari iyun?"



          Sinuot ko ulit ang aking salamin. “Iyung gamot ng papa mo. Ang sabi ng papa mo, hindi daw pampatulog ang gamot na naibigay sa kaniya. Kaya... Ay! Nakakainis! Kung pwede ko lang suntukin itong sasakyan ko."



          “Bakit hindi ka magtapat sa kaniya? Sabihin mo ang totoo. Dapat panagutan ka ni Aulric sa ginawa niya."



          “Panagutan? Ano ako? Binuntis?"



          “Jin, feelings mo ang pinag-uusapan natin. Kahit hindi mo sabihin sa akin, nasasaktan ang kalooban mo. Alam ko ang pakiramdam na iyan dahil nanggaling na ako diyan. Ang pagkakaiba lang ay ang sa'yo'y nakalimutan at ang sa akin ay hindi naibalik. Kailangan niyang malaman ang nangyari sa pagitan ninyo."



          Napabuntong-hininga na lang ako. “Hindi ko alam kung kaya kong sabihin kay Aulric ang totoo. Paano kung ipaalala ko nga tapos lumayo lang siya sa akin? Sharina, magkaibigan na kami ni Aulric at iyung pagkakaibigan na iyun, napakahirap na makuha mula sa kaniya. Kung malaman niya ang nangyari at hindi niya iyun matanggap, siguradong lalayuan niya ako. Siguradong ganoon mag-isip si Aulric."



          Umalis na ako sa aking kotse at iniwan si Sharina. Wala na akong magagawa kung hindi harapin ang nangyari sa pagitan namin. Iniisip ko, pahamak naman ang gamot ni Tito Marcus. Kung hindi sana nakalimutan ni Aulric ang nangyari, tapos na siguro itong problema ko. Okay. Siguro, kailangan mag-ipon pa ako ng lakas ng loob.



          “Jin," tawag sa akin ni Aulric na nasa harapan ko lang.



          Nagulat ang sistema ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko lang pala si Aulric.



          “Okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo?" usisa niya.



          “Hmm, okay na ako," sagot ko na may ngiti. “Ikaw naman. Ginulat mo ako. Umagang-umaga."



          “Mukhang okay ka na nga. Nakangiti ka na. Maganda iyan. Siya nga pala Jin. Pwedeng ipagpaalam mo ako kay Sir Arthuro? Aalis kasi ako para magpa-CT scan."



          “CT scan? Ahh! Naiintindihan ko."



          “Aulric, tara na," tawag ni Shai kay Aulric habang naglalakad ito papunta sa parking lot.



          “Aulric, ipaalam mo din sa akin kung ano ang resulta. I love you Aulric," pabiro kong sabi.



          Natawa naman siya. “I love you din Jin," pabiro din niyang saad. “Hayaan mo. Ipapaalam ko talaga sa inyo kung malapit na akong mamatay."



Aulric's POV



          “Huwag ka naman ganyan Aulric. Marami din namang nagmamahal sa iyo kahit malamig iyang puso mo," malalim na hugot ni Jin.



          “Well, totoo. Hanggang ngayon nga, hindi ako makapaniwala na may nagmamahal pa sa akin kahit na malamig itong puso ko gaya ng sinasabi mo. O sige. Alis na ako," paalam ko.



          Naglakad na ako papunta sa parking lot kung saan ako pinapapunta ni Sharina.



          “I love you Aulric," anang aking guni-guni.



          Napahinto ako sa aking narinig. Parang narinig ko na ang mga salitang iyun sa isang tao maliban kay Jin. Si Zafe kaya? Hindi pa naman iyun nagsasabi ng ganoon ahh? Pero para talagang may nagsabi sa akin ng mga salitang iyun. Pero hindi bale na nga! Saka ko na iyun isipin.



          Nakarating na kami sa isang kwarto sa isang medical center na pinagdalhan sa akin ni Shai. Agad na kinausap ni Shai ang doktor na nadatnan namin. Sa kwartong ito, may isa pang malaking kwarto sa loob. Meron namang higaan dito na may kakaibang disenyo. Diyan ba natutulog ang doktor na namamahala sa kwartong ito?



          Maya-maya ay inutusan nila ako na magpalit ng damit. Aalma sana ako kaya lang inunahan na ako ng paliwanag ng doktor dahil kailangan daw iyun para maging malinaw ang makuha nilang resulta.



          Nang makapagbihis na ako, pinapasok na ako sa isang malaking kwarto. Pinahiga nila ako sa malaking higaan na may kakaibang disenyo. Sinabihan naman ako ng doktor na mag-relax lang daw ako at ipikit ang aking mata. Huwag daw ako gagalaw kahit konti. Kung pwede nga daw, matulog ako sa kabila ng maririnig kong ingay sa aking hihigaan.



          Ipinikit ko ang aking mata. Kung gusto pala nila ako matulog, ehh di matulog.



          “Bakit Aulric? May kailangan ka pa?"



          “Aulric, mahal kita."



          “Talaga? Kung ganoon, patunayan mo na mahal mo ako."



          “Ha? Anong ibig mong sabihin?"



          “Tumuwad ka."



          “Sinabi ko naman sa iyo kanina hindi ba? Patunayan mo na mahal mo ako. Tiisin mo ang sakit."



          “Virgin pa ako. Pasensya na."



          “Ayoko. Hindi ka nga umuungol. Ayokong may panggulo sa ating ginagawa."



          “Pero mas maganda kapag uungol ka. Sasagarin kita alam mo ba iyun?"



          “Hah! Aulric, mahal kita."



          “Aulric, pwede mo ng idilat ang mga mata mo," narinig kong saad ng doktor na nagpagising sa akin.



          Idinilat ko ang aking mga mata. Tinulungan ako ng isang doktor na bumangon at lumabas na kami ng kwartong iyun. Ano iyung mga boses na naririnig ko habang natutulog? Parang pamilyar sa akin kung sino ang mga boses na naririnig ko. Pero hindi malinaw. Ang malinaw lang sa akin, hindi ito normal na pag-uusap. Parang may ginagawa silang milagro. Ewan! At tsaka bakit nakakarinig ako ng ganitong pag-uusap?



          Nasa iisang kwarto kami ni Shai nang ipinaliwanag ng doktor sa kaniya ang nangyari sa akin. Medyo maraming beses na natatawa iyung doktor dahil sa ka-OAhan ni Shai. Stress daw kasi ang dahilan ng mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Marahil daw ay nagpapakita ako ng mga sintomas sa isang sakit na inaakala ni Shai pero stress lang daw ang dahilan. Okay daw lang iyun na hindi okay. Dapat daw, mag-relax ako paminsan-minsan at magpahinga para hindi na maulit itong nararamdaman ko.



          Pauwi na kami ni Shai sa lugar namin. Habang pauwi'y nagre-report siya sa mga kaibigan namin na okay lang ako. Ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana dahil sa pangyayaring hindi ko malinaw na nakikita habang tulog ako sa aparato sa hospital.



          “Hoy, ang lalim na naman ng iniisip mo," tapik sa akin ni Shai.



          Nilingon ko siya. “Bakit ba?" simangot ko.



          “Sabi ng doctor, huwag kang masyadong mai-stress. Mukha ka kasing nag-iisip ng mga bagay na out of this world. Share mo kaya ang iniisip mo para hindi ka mai-stress?"



          “Well ganito. Habang nakahiga sa aparatong iyun, may napanaginipan akong dalawang lalaki na gumagawa ng kalokohan pero hindi malinaw sa akin kung sino. Bakit naman ako nagkakaroon ng mga panaginip ng ganoon? Sabi naman ng isa kong kaibigan na si Geoffrey, minsan, napapanaginipan niya ang hinaharap."



          “Yuck! Kadiri! Nagwe-wet dreams habang sini-CT scan," disgusto niyang saad.



          Sinamaan ko siya ng tingin. Ito ang isa sa mga dahilan ko kaya ayokong i-share ang mga bagay-bagay sa ibang tao.



          “Kung ganoon pala Aulric, siguro ay makakapanood ka ng isang sex video na may kinalaman sa dalawang lalaking iyun. Hindi natin alam. O baka isa doon sa mga lalaki ay ikaw. At kung ikaw iyung isang lalaki, ipapanganak naman ang isang tanong. Sino iyung isa pang lalaki? Ha! Si Zafe?"



          “Okay! Isa na namang rason para layuan siya. Alam mo ba ang sinabi ni nanay, huwag daw ako mambuntis ng babae para wala akong responsibilidad."



          “Wow! Baka nakakalimutan mong lalaki si Zafe? Hindi siya mabubuntis dahil lalaki siya. At ikaw? Bubuntisin si Zafe?" Tiningnan ako ni Shai mula ulo hanggang talampakan. “Hindi kita bet na maging top."



          Sinamaan ko siya ulit ng tingin. “Change topic na nga. Naiinis ako kapag ang topic ay si Zafe ehh." Ibinaling ko ulit ang tingin sa labas ng bintana.



          “Ohh! Baka naman si Zafe ang dahilan kaya ka nagkakaganyan nitong mga nakaraang araw? Simula noong nag-break kayo, wala kang stress reliever. Tama. Si Zafe ang iyung stress reliever."



          “Hindi siya isang bagay, hindi siya isang stress reliever. Period."



          “Aulric, hindi ako 1 month old. Alam ko na kahit galit na galit ka sa kaniya, patay na patay ka sa kaniya."



          “Hey, do not push me on him na parang napakadali lang ng buhay," lingon ko. “Palibhasa kayo ni Ricky, parehas kayong mayaman. I really hate myself. Why of all people, galing siya sa mayamang pamilya? Akala ko naman dati, galing lang siya sa isang average ng pamilya. Pero what the fuck! Napaka-"



          “Do you think na porket mayaman kami parehas ay wala ng problema? Do you think hindi kami magkakaroon ng problema dahil mayaman kami?" pagputol ni Shai. “Mayaman man o mahirap Aulric, ang problema, hindi nawawala. Itong relasyon namin ni Ricky, hindi alam ng mga magulang ko. Hindi ko pa sinasabi sa kanila. Kasi, sigurado akong wala naman silang pakialam dahil may iba silang pinaplano," mangiyak-ngiyak niyang pagtatapat.



          “What problem?" mahinahon kong tanong.



          Pinunasan muna ni Shai ang mga maliliit niyang luha. “They will arrange me to someone. Gagawin nila akong business opportunity para lang lumaki ang business nila. Hindi daw nila gagamitin iyung mas matanda sa akin dahil precious sa kanila ang anak nilang iyun. Since ako naman ang pinakawalang kwenta, bakit hindi na lang ako ang ibigay? Gosh! Hindi talaga madali ang buhay kahit anong estado mo sa buhay."



          “I-I'm sorry," paghingi ko ng dispensa. “Hindi ko alam na may pinagdadaanan ka kahit na masayang-masaya ka kay Ricky."



          “Okay lang Aulric," mangiyak-ngiyak pa rin na pagputol niya. “At least kay Ricky, nakakalimutan ko na may problema ako. Pero sa tingin ko ay hindi ko hindi ko iyun matatakasan. Kailangan ko itong harapin."



          Niyapos ko si Shai. Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Oo nga. Walang tao ang nakakatakas ng tuluyan sa problema. Lahat pala talaga, hinahabol nito. Well, magandang bagay iyun. Para fair hindi ba?



Shai's POV



          Matapos ihatid si Aulric sa bahay nila, dumiretso na ang sasakyan papunta sa bahay namin. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang sasakyan ng magulang ko. Heto na sila.



          “Saan ka galing?" agad na tanong sa akin ni mama pagkapasok ko sa bahay.



          “Sinamahan ko lang po ang kaibigan ko sa isang sa Morong," sagot ko habang tinutumbok ang daan papunta sa kwarto ko. “Tama lang naman ang pagdating ko po hindi ba? Naaayon po sa schedule?"



          “Bueno anak, dalian mo. Nakabihis na si Emmie at ikaw na lang ang hinihintay," rinig kong sabi ni papa.



          Pagkapasok sa kwarto ko, pumasok din si mama at pumili ng damit na para sa akin. Hindi naman ako nangangamba na pipiliin ni mama ang damit na pinili para sa akin ni Ricky. Iyun kasi ang pinakamaganda sa lahat kaya itinago ko ito sa kung saang parte ng kwarto ko. Saan ko itinago? Sa Narnia.



          Pagkakuha ng mga damit ay pinapamadali akong magbihis. Nakakahiya daw kasi sa kikitian namin na ma-late kami. Mas inuna pa talaga iyun. Ni hindi talaga tinatanong ni mama kung kumusta ang araw ko ngayon sa unibersidad. But why would I expect that anyway? I may be their legit second daughter but they look like an illegitimate parents to me. You can't choose your parents neither parents can't choose their children. Hindi ka makakapili ng mga gusto mong katangian sa magulang mo at hindi din makakapili ang iyong magulang sa magiging katangian mo. Hay nako! Minsan, maiisip mo na napaka-unfair ng mundo. Pero sa ibang aspeto, mukhang fair naman talaga.



          Dumating na kami sa mamahaling restaurant kung saan ko makikita ang lalaking pakakasalan ko daw. Nakahinga ng maluwag ang mga magulang ko dahil sila ang nauna sa lugar. Kami ni Emmie ay tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap ng mga magulang namin.



          “Ohh! Nandito na pala sila," maligayang sabi ni mama nang makita marahil ang pamilyang kikitain namin sa restaurant. Hala? Pamilya pala niya ang kikitain namin?



          Nagbatian ang mga magulang namin at nagbolahan pa sa suot ng isa't isa. Lihim ko naman na ibinaling ang tingin sa iba para lang hindi magtama ang tingin ng taong irereto sa akin ng mga magulang ko.



          “Shai, tumayo ka. Tandaan mo. Ngumiti ka," bulong sa akin ni mama.



          Sinunod ko na lang ang sinabi ni mama. Tumayo ako na may mga pilit na ngiti sa labi. Medyo ngumisi pa ako para maging nakakatakot sa irereto sa akin.



          “Vangie, Ivan, meet my second daughter, Shai," pagpapakilala sa akin ni mama.



          “Wow! Napakaganda namang bata," agad na reaksyon ni Mrs. Vangie sa akin. Hindi ko alam kung mag-a-agree ba ako sa sinabi niya o kung ano basta matuloy lang ang fixed marriage na ito.



          “Mukhang bagay nga sila ng anak namin. Mer, Annie, my second son as well. Andrew," pagpapakilala ni Mr. Ivan kay Andrew. Oo nga. Mukhang bagay kami. Mukhang bagay kami mag-away.



          “Mom, dad, hindi niyo pala sinabi sa akin na anak nila Mr. and Mrs. Lyn ang irereto ninyo sa akin. Dapat pala, naghanda talaga ako ng mabuti," wika ni Andrew na may pilit na ngiti. Oo nga. Dapat naghanda ka talaga.



          “Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni papa.



          “Mom, I'm starving. Pwede bang kumain na tayo?" nayayamot na sabi ng kapatid ni Andrew, na mas bata pa sa kaniya, habang nakasimangot. Si Wendell. Mga ilang taon lang ang pagitan ng edad nila.



          “Son, watch your tongue," saway ng mommy niya.



          “But I'm really starving since you won't let me eat just to eat here! Don't make me angry or else I'll smash a chair on your faces!" matigas na balik nito na halatang hindi seryoso sa kanyang sinasabi.



          “Bueno, sa tingin ko ay umupo na tayo at saka na natin pag-usapan ang mga bagay-bagay at baka magalit pa ang inyong napaka-cute na anak," bola ni mama nang narinig ata ang sinasabi ni Wendell. “Have a seat everyone."



          “Thank you po," sabi ni Wendell na nagmistulang anghel pagkarinig sa sinasabi ni mama.



          Nagkibit-balikat na lang ang mga Leonaire sa inasal ni Wendell at umupo na rin kasabay namin. Sakto naman at pagkaupo namin ay inilagay na sa mesa ang mga pagkain na inorder na ni papa bago pa lang kami makarating sa restaurant.



          Habang kumakain ay imbes kami ni Andrew ang topic ng mga magulang, lumipad ito sa business nila. Habang sila ay nag-uusap, kami na mga anak ay hindi na lang umimik at pinagpatuloy ang pagkain. Pansin ko naman ang maya't maya na pagsulyap sa akin ni Andrew na mukhang natatakot na ata. Aba! Dapat lang! Gumawa siya ng kalokohan at malalagot siya sa akin.



          “So anak? Paano pala kayo naging magkakilala ng anak nila Mr. and Mrs. Lyn?" biglang tanong ng mommy niya habang may sinusubong pagkain.



          Napatigil si Andrew sa pagkain. “Umm, ang totoo po niyan ay magkaklase po kami sa Bourbon Brothers University. Iisa lang ang course na kinukuha namin, iyun ay BS Education. At sa hindi sinasadyang pagkakataon, magkatabi po kami ng upuan," pagtatapat niya at pinagpatuloy na ang kinakain.



          “Aba! Mukhang match made by heaven pala kayong dalawa. Biruin mo, magkatabi pala kayo sa klase?" namamangha kunyari na sabi ni mama. Like I said before, bagay kaming mag-away.



          “Anak, magsabi ka nga ng totoo. Sa mga exams ba, kumukopya ka sa kaniya?" tanong ni papa na may keyword na magsabi ng totoo. Well ang totooo, gusto niyang pabanguhin iyung pagkatao ni Andrew.



          Tumigil ako sa pagkain. “Sa totoo lang po, si Andrew, nangongopya sa akin," ngiti ko.



          Nagulat ang mga magulang namin sa sinasabi ko at napatigil sa pagkain. Siniko pa ako ni papa para itigil ang sinasabi ko. Si Andrew naman ay sinamaan ako ng tingin.



          “Ano nga iyun ulit Shai?" pagpapaulit ng daddy niya.



          “Si Andrew, nangongopya din po sa akin. At ako din po, kumokopya rin sa kaniya. May mga bagay kasi sa ilang subject namin na naintindihan talaga niya na hindi ko naiintindihan, at may mga bagay din ako na naintindihan sa ilang subject namin na hindi niya naiintindihan," confident na paliwanag ko. “Tama ba Andrew?" tingin ko dito. “Ate, ganoon naman talaga tayo sa school hindi ba? O ako lang?" tingin ko din kay Emmie.



          “Yes, totoo po iyun," tipid na sagot ni Emmie habang pinagpatuloy pa rin ang pagkain.



          “Teamwork," mahinang saad ni Andrew.



          “That's awesone. I can relate to that," sabat ni Wendell na medyo may laman pa ang bibig. “May mga bagay talaga sa ilang subject sa school na naiintindihan ng mga piling tao na hindi naman naiintindihan ng mga ilang piling tao. Kaya iyung mga taong hindi selfish, nagpapalitan ng mga naintindihan nila at hindi sa kanilang mga kaibigan. I like that kind of relationship."



          Napatawa ng mahina ang mga magulang namin. Pagkatapos ay nagpalitan ng kuro-kuro sa educational standards ng unibersidad dahil sa lagi itong nakakatanggap ng award mula sa mga Illuminati.



          “Mom, dad, Mr. and Mrs. Lyn, can I take her out here?" tanong ni Andrew matapos ubusin ang kinakain. “Gusto ko kasing makilala pa ang mapapangasawa ko. Kahit na magkatabi kami ng upuan, may mga bagay po akong hindi alam tungkol sa kaniya. Ano pong masasabi ninyo?"



          Nagulat ako at ang mga matatanda sa sinabi ni Andrew. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ayoko kaya siyang pakasalan. Si Ricky ang gusto kong pakasalan.



          “S-Sure. Gusto nga iyun ni Shai hindi ba?" baling sa akin ni papa. Anong gusto ko? Alam mo ba papa ang mga gusto at ayaw ko?



          Nginitian ko na lang si papa. Lumapit sa akin si Andrew at iniusog ang upuan para sa akin saka tumayo. Hinawakan ko ang kamay ni Andrew at lumabas kami ng restaurant. Mula sa labas ng reataurant ay nakikita ko na kinikilig ang mga magulang namin sa nangyari.



          Pagkapasok ni Andrew ay agad na pinaandar niya ang sasakyan at nag-drive palayo sa restaurant na iyun. Habang nagda-drive siya ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi kami nag-imikan. Tumigil naman kami pagdating sa convenience store ng isang gasolinahan.



          “Hay! Bwisit naman! Ayoko sa asul na kurbatang to!" nabibwisit na sabi ni Andrew na agad hinubad ang kurbata.



          “Oo nga ehh. Hindi bagay sa suit mo tapos blue pa iyung necktie mo," walang amor kong tugon habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan.



          Rinig kong bumuntong-hininga siya. “Saan mo pala gustong pumunta Shai?" tanong niya.



          “Bakit? Mukha bang pupunta ka sa gusto kong puntahan?" baling ko sa kaniya.



          “Sa bagay. May punto ka. Sa tingin ko, umuwi lang tayo ng maaga sa ating mga bahay. Ayokong magpakasal sa iyo."



          “The feeling is so mutual."



          “Good." Pinaandar na naman niya ang sasakyan. “Hindi mo ba alam na plano ito nila daddy? Sabi nila, pagkalabas daw natin, galawin na kita agad para wala na akong choice kung hindi pakasalan ka. Ayoko nga. Gusto kong pakasalan ang may malulusog na dibdib. Napaka-plastic talaga ng magulang ko at hindi nila iyun pinansin. O kailangan pa ba nila iyung mapansin?



          Galit na bumaling ako sa kaniya. “Andrew, ihinto mo ang sasakyan," utos ko.



          “Oops! Huwag mong gagawin iyan. Katotohanan ang sinasabi ko. Kapag sinapak mo ako, itutuloy ko ang pagpapakasal sa iyo," banta niya.



          “Much better para maging battered husband ka."



          “Grow up Shai! Ano ka ba? May boyfriend ka na kaya na tanggap ang lahat sa iyo," pagdadahilan pa niya.



          “Pero naiinis pa rin ako kapag may umaatake pa rin dito," turo ko sa dibdib ko.



          “Okay! Sorry na. Pasensya na. Binabawi ko na ang sinabi ko. Now? Pwede mo na ba akong huwag sapakin?"



          Hindi na ako umimik. Tahimik at umayos ulit ako sa pag-upo. Sa bagay. Tama naman si Andrew. May boyfriend na ako na tanggap pati ang dibdib ko. Ano ngayon?



          “Ano nga pala ang gagawin natin sa fixed marriage na ito?" naitanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya at baka may paraan siya kung paano mababalewala ang kalokohan na ito.



          “Ano pa ba sa tingin mo? Hindi umamin sa kanila?" sarkastikong sagot niya. “Nako naman kasi! Maraming beses ko na kayang sinasabi kay mommy na ayoko ng ganito. Pero sige pa rin."



          “Mahal ka ba ng magulang mo?"



          “Hindi ko tunay na mga magulang iyun. Kahit si Wendell, hindi ko tunay na kapatid, hindi niya din tunay na magulang ang mga iyun. Sa tanong na kung mahal ko ba ang magulang ko, oo. Napakabait nila sa amin kahit na hindi namin sila kadugo."



          Napadilat ang aking mata sa narinig. So totoo pala ang usap-usapan na walang lehitimong tagapagmana ang kompanya nila Mr. and Mrs. Leonaire.



          “So itong fixed marriage na ito, gusto mo pa ring bang ituloy?"



          “I think so. Ayokong biguin ang mga itinuring kong mga magulang," kibit-balikat niya. “Iyung mga magulang natin, matagal ng magkaibigan. Para patunayan ang pagkakaibigan ng magulang ko sa magulang ninyo, kailangan na ibigay ng magulang ko ang ilan sa mga shares nila sa magulang mo sa pamamagitan ng pagpapakasal ko sa iyo. Or so I thought. Iyun ang pagkakaintindi ko sa mga nangyayari. So kung may taong dapat sumira ng fixed marriage na ito, ikaw iyun."



          Bumalik ako sa pagtingin sa labas. “Ako, huh?"



          Napakadaling sabihin, pero para sa akin, napakahirap gawin. Kapag ginawa ko iyun, pwedeng itakwil ako ng mga magulang ko. Mawawala sa akin ang lahat maliban lang sa mga existing na bagay na akin talaga. Siyempre, iyung karangyaan, pagtira ko sa bahay, paghiga sa magandang kama, mawawala.



          Minsan talaga, ang magulang natin ang pinakamalaking balakit sa ating pangarap. Lalo na kapag mga sarado ang utak. Siyempre, dahil magulang sila, ang sarili nila ang sa tingin nilang tama. Na dapat mong sundin kahit anong mangyari. Well, kahit kailan, hindi ko sinuway ang gusto ng mga magulang ko. Ang tanong nga lang, may ginusto ba ang magulang ko para sa akin? Wala naman. Hanggang sa dumating ang fixed marriage na ito. Ito ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Pero iba ang gusto ko. Si Ricky.



          “Bakit umuwi ka? Anong nangyari?" medyo pagalit na tanong ni papa nang makauwi ako ng bahay. “May nangyari na ba sa inyo? Napakabilis naman ata."



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Pasensya na po papa. Hindi ko po alam ang sinasabi mo pero, si Andrew ang may gusto na umuwi kami. Hindi ko po alam na kailangan palang may mangyari sa aming dalawa."



          “Hmmff. Ganoon ba?" singhag niya.



          “Narinig ko po na hindi pa daw siya handa. Pero kung ako ang tatanungin, hindi din po ako handa."



          “Puwes, maghanda ka. Gusto ko na sa huling quarter ng taong ito, mabalitaan ko na buntis ka sa lalaking iyun para magpakasal na kayo. Hangga't maaari, ikaw na mismo ang manligaw para matapos na."



          Bumuntong-hininga ulit ako. Si papa naman ay tumalikod nang magsalita ako.



          “Papa, kung hindi po matutupad ang gusto ninyo na pakasalan ko si Andrew, anong mangyayari sa akin? I'm sure naman po, aware kayo siguro na hindi ko po gusto si Andrew para sa akin dahil sinabi ninyo."



          “Ehh, di mag-alsabalutan ka na," sabi ni papa nang humarap. “Lumayas ka din sa pamamahay na ito. Kakalimutan ko na may anak akong katulad mo na pasaway. Gusto mo ba iyun?"



          Napayuko ako. “Hindi po papa."



          “Good. Habang nasa pamamahay ko kayo, wala kayong magagawa kung hindi ang sundin lahat ang sinasabi ko. Sa tingin ko, naiintindihan mo naman iyun Shai."



          Yumuko na lang ako at sinensyasan na lang ang aking pamamaalam kay papa. Dumiretso ako sa kwarto ko. Pinipilit na hindi lumabas ni isang luha sa mata ko. Hindi sila worth ng luha ko. Dati, sinabi ko ang pampamilyang problema ko kay Camilla. Sabi ni Camilla, okay lang daw iyun at siguro, maiintindihan ko daw iyun kapag naging malaki na ako at may asawa. Nang sinabi iyun ni Camilla, kahit siya ay hindi sigurado sa kanyang mga sinasabi. Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Hindi niya rin alam ang pakiramdam ko pero pinipilit niya akong unawain. Palibhasa kasi, mabait ang mga magulang ni Camilla at mahal na mahal talaga siya.



          Hinubad ko na ang aking mga damit at nagpalit ng pambahay. Habang nagbibihis ay inaalala ko ang mga bagay-bagay kung bakit ganito ang trato ng magulang ko sa akin. Alam ko naman na dahil sa hindi nila ako binibigyan ng atensyon. Pero bakit? Maiintindihan ko sana kung sabihin nilang hindi ko sila mga tunay na magulang. Kahit ako, ayoko sila na maging tunay na magulang. Pero masakit pala talaga ang katotohanan. Magulang ko sila.



Aulric's POV



          Ilang linggo na ang lumipas, ilang linggo na lang, bakasyon na. Lumipas na ang Valentine's Day na wala akong valentine, pero masaya pa rin ako. Medyo tumigil na din ang mga hallucinations ko nang hindi na ako stressed. Kaming magkakaibigan ay magkaibigan pa rin. Kami ni Zafe na break na kahit hindi naging kami, break pa rin hanggang ngayon.



          Kasalukuyang nasa cafeteria kami ng unibersidad. Ang mga kaibigan ngayon ni Shai ay nagpapalitan ng kwento tungkol sa nangyari sa araw nila ngayon, at kahapon, at noong isang araw pa. Si Caleb nga, paulit-ulit na kinikwento iyung nangyari sa kaniya noong isang linggo pa.



          “Oo nga pala Aulric. Tumataya ka ba sa lotto?" tanong sa akin ni Knoll habang akbay-akbay si Camilla.



          “Hmm, hindi ako tumataya," iling ko. “Kahit na sa estado ng buhay namin ngayon, hindi ako naniniwala sa swerte."



          “Ay! Sayang naman," simangot ni Camilla. “Alam mo, sumali ka ngayon. May mangyayaring bunutan sa katapusan. Ang premyo, mananalo ng trip to Hawaii for 2 na may pocket money at kung ano-ano pa. Dapat subukan mo ang swerte mo sa lottery ngayon Aulric. Kami nga ni Knoll, sasali at baka swertehin."



          “Ahh! Napakagandang lugar ng Hawaii," saad ni Andrew na mukhang nanaginip na agad tungkol sa lugar.



          “Sino naman kaya ang isasama ni Aulric sa Hawaii?" mukhang nang-aasar na tanong ni Shai. “Si Zafe kaya?" Sabi ko na nga ba. Mang-aasar siya.



          “Si nanay. Si nanay ang isasama ko sa Hawaii," giit ko. “Bakit ko naman isasama si Zafe? Pamilya nga nun, mukhang ilang beses na pabalik-balik sa lugar na iyun. Tapos si nanay, hindi pa nakakapunta."



          “Ano bang meron at dinidikit mo si Aulric kay Zafe?" tanong ni Knoll kay Shai.



          “Wala naman," ngiti ni Shai.



          “Eitherway, sumali ka na. Malay mo. Swertehin ka at ikaw ang bunutin," dagdag pa ni Isaac.



          Mabilis akong napaisip. “Sa bagay. May punto ka Isaac. Teka nga? Saan ba o magkano ba ang ticket?"



          “Sa Journalism Club. One thousand ang presyo ng ticket," sagot ni Caleb.



          “Anak ng swerte," mahinang mura ko sa sarili. Journalism Clubroom? One thousand? Sigurado bang makukuha ko premyo kung ngayon pa lang ay minamalas na ako? Ayoko pa naman makita ang taong iyun sa buong buhay ko hangga't maaari. Tapos one thousand pa iyung ticket? Ilang araw na pagkain na rin iyun.



          “Bakit? Wala kang pera?" tanong ni Shai. “Kung ganoon, dating gawi. Ambagan-"



          “Tumigil kayo," pagputol ko. “May pera ako. Kaya lang ay nanghihinayang ako sa one thousand. Ilang araw na pagkain din kasi iyun para sa akin. Bakit kasi one thousand pa."



          “Well, ganoon talaga. After all, afford ng mga tao dito ang one thousand," rinig kong sabi ni Derek sa likod ko. Ay! Pinamukha pa sa akin.



          Hinarap ko siya. “Derek, napakasakit mo namang magsalita. Although totoo iyung sinabi mo. Ano nga pala ang atin?"



          Tumingin-tingin si Derek sa buong direksyon. “Ahh? Teka? Ano nga ba iyun? Nako! Nakalimutan ko na." Natawa pa ito. Disappointing.



          “Umalis ka kaya muna tapos bumalik ka kapag naalala mo na. Try mo iyun."



          “Hmm, sa tingin ko nga. Sige. Alis na muna ako," paalam ni Derek at umalis na sa lugar.



          Narinig naman naming lahat na tumunog ang bell. Hudyat na ito para umalis ang ilang sa amin at pumunta sa kanilang mga klase.



          Kami na lang ni Shai ang natira at kasalukuyan na naglalakad kami papunta sa Journalism Club. Para naman gustong umurong ng mga paa ko habang papalapit sa lugar.



          “Ano ba iyan Aulric? Nagpa-practice ka bang sumayaw ng cha cha para sa Physical Education class mo?" naiiritang tanong ni Shai na tumigil sa paglalakad nang umurong akong maglakad. Nasa bandang pintuan na kasi kami ng Journalism Clubroom.



          “To be honest, ayoko sa Presidente ng Journalism Club. May history kasi kami," pagdadahilan ko.



          “History noon, hindi naging tsismis ngayon. Weird. Ano namang klaseng history?"



          “Confidential," tipid na sagot ko. “Basta. Ayoko talaga."



          “Aulric, what a coincidence," rinig kong sabi ng boses ni Kurt na nasa likod ko. Ay! Huli na.



          Hinarap ko siya at pilit na ngumiti. “Kumusta Kurt? Magandang hapon," bati ko. Napansin ko naman ang kasama niyang babae na mahaba ang buhok at nakatali. Maganda din ang pilik-mata at katamtaman lang ang katawan.



          “Babe? Sino siya?" tanong nito.



          “Aulric, gusto kong ipakilala sa inyo ni Zafe na wala dito, ang bago kong kasintahan na si Hela. Hela, si Aulric. Kaibigan ko," pagpapakilala ni Kurt sa aming dalawa. Kaibigan? Sinungaling talaga.



          “Hello Hela. Nice to meet you," pilit na ngiti ko dito.



          “Hello din," bati ni Hela.



          “Ngayong magkakilala na kayo, bakit kayo napapunta ng kaibigan mo dito sa clubroom namin? Sasali ka ba sa lottery?" nakangising tanong ni Kurt. Nako! Mukhang masasabutahe ang ticket ko dahil sa taong ito.



          “Hmm, hindi," iling ko.



          “Yes," kasabay na sagot ni Shai.



          Nagkatinginan kami at sinamaan ko ng tingin si Shai. Nagkibit-balikat na lang siya bilang sagot sa tingin ko.



          “Umm, ano ba talaga?" tanong ni Kurt.



          “Okay. Bibili ako ng ticket," lingon ko. Pero nag-aalala talaga ako na baka may magic na mangyari sa lottery.



          Humugot ng buntong-hininga si Kurt. “Hay nako Aulric! Kung nag-aalala ka pa rin sa nangyari noon, I'm sorry but not sorry. Nakaraan na iyun. Mag-move on na tayo. Kita mo naman, may girlfriend na ako at mahal na mahal namin ang isa't isa. Hayaan mo. Hindi ko na guguluhin ang buhay mo. Magkaibigan na tayo ngayon hindi ba? Gusto mo bang maglaplapan kami ni Hela sa harapan mo para mapatunayan ang sinasabi ko?"



          “Babe, ano ba?" malanding palo ni Hela sa balikat ni Kurt. Nako! Mukhang gustong-gusto niya ang iniisip ni Kurt.



          “No need. Pero hindi pa rin ako nagtitiwala sa iyo," sabi ko.



          “Come on. Stop that Aulric. Baka naman natatakot ka lang na matalo sa lottery dahil sa akin? Baka kapag hindi nabunot ang pangalan mo, ako ang sisihin mo? Hindi ako ganoon Aulric," saad ni Kurt. “Tandaan mo Aulric. May ilang libo din ang sumali sa lottery. Kung nag-aaral ka ng statistics, matatanto mo na ang chances na mabunot ang ticket mo is 0.001%. Parang kasingdami ng germs matapos gamitan ng Safeguard."



          Bumuntong-hininga ako. “Okay. More reasons para hindi ako sumali. That was an overwhelming advice. Thank you. Shai, tara na."



          Naglakad na ako palayo sa lugar na iyun kasama si Shai. Tama siya. Masyasong mababa ang tsansa ko para manalo. Imagine, 0.001%. May tsansa ba talaga akong manalo? Ayoko ngang isugal ang one thousand ko para lang sa trip to Hawaii. Tapos si Kurt pa ang namamahala. Nakakainis.



          “Aulric, heto ohh," abot sa akin ni Jin ng isang kulay asul na pintura na nagpagising sa diwa ko. Iniisip ko pa rin iyung trip to Hawaii.



          Kasalukuyang nasa Drama Clubroom ako at may pinipinturahang ilang props para sa susunod naming palabas. May mga sariling task ang ibang tao pero hindi iyun importante ngayon.



          “Ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?" usisa pa niya habang pinipinturahan din ang props na naka-assign sa kaniya.



          “Yeah. Trip to Hawaii," sagot ko habang pinipinturahan na ang props na naka-assign sa akin.



          “Ahh! Iyung lottery ba? Bakit? Gusto mo bang manalo?"



          “Yeah. Kaya lang, hindi lang din ako ang may gusto ng premyo. Napakababa ng tsansa ko na mapanalunan iyun. 0.001% chance na manalo ako. Tapos one thousand pa para sa ticket? Mukhang sayang lang."



          “Bakit hindi mo pa rin subukan?"



          “Ayoko dahil may history kami nung namamahala. Baka kapag hindi ako nanalo, sisihin ko na lang siya. Tsaka 0.001% chance iyun. May mananalo ba sa tsansa na iyun?"



          “Siyempre Aulric. Meron dapat na manalo," sagot niya. “Alam mo, hindi lang ikaw ang may ganoong kaliit na tsansa na manalo. Iyung iba din siyempre. Ganoon din kababa ang tsansa na manalo sila. Pero sumali pa rin sila."



          “Well, one thousand iyun Jin. Alam mo kung ano ang worth ng ganoong halaga sa mga katulad namin? Ilang araw na pagkain."



          “Tanong ko lang? Magkano na rin kaya ang nagastos ng ibang taong katulad mo na umaasang mananalo sa sweepstakes?" seryoso na niyang tanong. “Bakit umaasa pa rin sila? Sa sweepstakes, mas lalong mababa ang tsansa na manalo. Siyempre, kailangan mong hulaan kung anong numero ang lalabas para manalo ka. Pero iyung mga tao, tumataya pa rin. Iyung iba, tumigil na."



          “Pasensya na Jin pero as long na hindi ko pera ang ginagastos ng mga taong iyun para lang makasali sila sa sweepstakes, wala akong pakialam. At salamat, kahit papaano ay pinalinaw mo ang isipan ko. Tama. Sa tsansang 0.001%, may kailangan manalo. At hindi lang ako ang may ganoong tsana. Pero nako naman. Bakit kailangan na one thousand ang presyo?"



          “Gusto mong ilibre-"



          “Huwag," pagputol ko kay Jin na aktong kukunin ang kanyang wallet. “Tigilan niyo na nga iyan. Basta! Hayaan niyo na ako. Hindi talaga ako tataya."



          “Paano kung sa pagkakataon na ito, manalo ka? Sayang naman."



          Napailing na ako. Wala na kasi akong rebuttal na maisasagot sa sinasabi ni Jin. Talo ako ngayon. Pero iyung trip to Hawaii talaga, kapag nanalo ako, mapapaligaya ko si nanay kahit isang araw lang iyun. Pero one thousand iyun. Arggh!



          “Maiba nga ako Aulric. Kumusta ka na pala? Hindi ka na ba nakaka-experience ng mga kakaibang pangitain? Hallucinations and likes?" biglang tanong ni Jin.



          “Thank you for the wonderful question. Yes. Okay naman ako," sagot ko. “Although, may mga weird akong pangitain na hindi malinaw."



          “Gaya ng?"



          “Hmm, may pinatungan daw akong lalaki?" Napailing ko. “Hay! Ewan. Hindi malinaw sa akin pero ganoon ang nakikita ko."



          “Napakaswerte naman ata ng pinatungan mo."



          “Anong sabi mo?" agad na lingon ko.



          “Hindi ko alam na into ka pala sa parehas na kabaro. Pero don't take the wrong side sa mga sinasabi ko. Ngayon ko kang alam."



          “Unfortunately Jin panaginip siya. It's not canon in real life. Ako? Papatong sa isang lalaki? Kaya ko ba iyun?" natatawa kong tanong.



          Napangiti na lang si Jin at umiling. Kahit ako, natatawa kapag naiisip ang panaginip na iyun. I mean, ang alam ko lang na may sexual desire para sa akin ay si Zafe lang. Masyado naman akong assuming. Tsaka hindi na ako pumupunta sa bahay ni Zafe o si Zafe sa bahay ko.



          “Talagang nag-aalala ka sa akin no? Kung tama ang pagkakatanda ko, halos araw-araw mong inuusisa ang kalagayan ko. Ang pinagkaiba nga lang ay mas malalim iyung pag-aalala mo ngayon," saad ko nang mapansin ang pag-aalala niya.



          “Siyempre Aulric. Kaibigan kita," ngiti niya habang inaabot sa akin ang isang kulay berde ng pinta. Wow! Wala pa nga akong sinasabi, alam na alam na ni Jin ang kailangan ko.



          “Yeah. Kaibigan kita. Pero hindi katulad sa mga kaibigan ko na isang beses lang nagtanong. Although wala akong pakialam kung ilang beses sila magtanong." Aside kay Zafe na halos araw-araw din kahit na hindi ko siya kaibigan.



          「1 month ago...



          “Kumusta ka na?" agad na tanong ni Zafe nang umupo ako sa aking upuan bago nagsimula ang klase.」



          「1 week ago...



          “Kumusta ka na?" agad na tanong ni Zafe nang akmang tatayo ako dahil tapos na ang klase.」



          「3 days ago...



          “Okay ka lang ba Aulric?" tanong ni Zafe nang magkasalubong kami sa hallway.」



          Thoughful. Pero nakakairita lalo na kapag iyung araw-araw na flashback.



          “Ikaw talaga iyan Aulric. Cold mo talaga," natatawang biro ni Jin.



          “Baka nga sa sobrang cold ko, kakanta ka ng Let It Go," biro ko din.



          “Ay! Nagawa ko na iyan. Pero hindi pwede. Hindi seasonal ang kantang iyan ngayon."



Because I'll never let this go.
But I can't find a word to tell you.



          Tumigil bigla si Jin sa pagkanta at napansin kong lumungkot ang mukha. Marahil ay may naalala na kung ano. Iyung girlfriend niya siguro.



          “Ikaw pala Jin? Kumusta ka na at ang iyung girlfriend? Okay lang ba ang long-distance relationship ninyo?" tanong ko.



          Ngumiti si Jin. “Okay lang. Nakakapag-date pa naman kami. Lalo na noong Valentine's Day, ang saya-saya ko. Pero na-miss ko na agad," paliwanag niya. Humugot siya ng buntong-hininga. “Bakit ba kasi sa isang sa isang tao na nasa malayo pa ako na-inlove? Totoo talaga na kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito."



          “Napakabobo naman ng puso mo. Hindi pa ba dinidikta ng puso mo na sundan na lang iyang kung sinong babae iyan? Come on Jin."



          Humawak si Jin sa puso niya. “Ang rinig kong sabi ng puso ko, stay daw."



          “Bobo nga iyang puso mo," singhag ko nang matapos ko na ang aking pinipinta.



          Habang nag-uusap kami, bumukas ang pintuan ng clubroom. Bigla lang akong nainis nang malaman na si Kurt ang pumasok. Pero hindi kasama ang girlfriend niya.



          Kinausap naman agad ito ni Sir Arthuro na lumapit sa kaniya, at itinuro ang pwesto ko. Ano naman kaya ang kailangan ng taong ito?



          “Aulric, we meet again," ngiti ni Kurt.



          “Jin, utusan mo nga ako ng kahit anong bagay basta makaalis lang ako sa lugar na ito," gigil na saad ko.



          “Hi din Jin Bourbon. Utusan mo pala si Aulric?"



          “Umm, hindi ko siya utusan," tanggi ni Jin.



          “Ano pa ba ang hinihintay mo Jin? Utusan mo na ako," sabi ko nang tumayo ako.



          “See. Siya pa nga ang nag-uutos na utusan ko siya."



          “Hay nako Aulric! For a minute, pwedeng mag-pretend ka na hindi ka galit sa akin?" pakiusap ni Kurt.



          “Hindi ako marunong mag-pretend. Hindi kasi ako plastic," diretso ko. “Ano ba ang kailangan mo?"



          “Pumunta lang ako dito para may ibigay," napailing na lang na tugon niya.



          May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya at ibinigay iyun sa akin. Teka? Ticket ito ahh? At ang dami naman. Sampu ang bilang ko dito.



          “Ticket iyan sa lottery. Mula kay Mr. Wolf na nagpadala ng pera sa account ko. At dahil sampu na ang ticket mo, may 0.01% chance ka na para manalo," paliwanag ni Kurt. “Swerte ah? Tapos na ang pasko, pero mukhang may Santa Claus pa rin ngayong summer."



          Bigla akong nairita. Napagdesisyunan ko kanina na bibili ako ng ticket tapos may uuna sa akin? At hindi lang isa ang binili. Sampu pa ang binili. Magpapasalamat ba ako kay Mr. Wolf dahil sa ginawa niya?



          “Aulric, ito din ba iyung taong nagregalo sa iyo ng phone noong pasko?" bulong ni Jin.



          Tumango na lang ako. Malinaw ang memorya ni Jin ahh?



          “Paano ba iyan. Siguro oras na para bumalik ako. Bye Aulric. Sa uulitin," paalam ni Kurt habang naglakad na paalis sa clubroom.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at itinago ang ticket sa aking bulsa. “Oo nga pala Jin. Gusto kong bumalik sa restaurant. Para in case na hindi kumagat ang sampung ticket na ito, trabaho na agad."



          Napahugot si Jin ng buntong-hininga. “H-Huwag ka naman maging negative. Magtiwala ka lang na mananalo iyang mga ticket mo. Malay mo, swertehin nga. Pero kung iyan ang gusto mo, sure."



          Swerte? Maniniwala ba ako doon? Hay! Ewan. Baka sa mga nobela lang mababasa na ang bida ay sobrang swerte. Marahil ay napakarami ngang ticket na ibinili sa akin ni Mr. Wolf. Pero marami pa rin ata ang sumali sa lottery. It's me against the university still.



          Ngayon ay huling araw na ng unibersidad. Natapos na kaming kumuha ng clearance at whatnots. Nakatanggap naman kami ni Zafe ng award dahil sa nasa Dean's List kami. Ngayon na din ang araw para malaman kung sino ang nanalo sa lottery. Pero sana, ako ang manalo talaga.



          Kasalukuyang nasa gymnasium kami ng unibersidad at nagtipon-tipon para malaman ang mga numerong lalabas sa lottery. Napakarami ngang mga mayayaman ang sumali sa lottery kahit na ang iba sa kanila ay mukhang nakapunta na ng maraming beses sa Hawaii. Ang dami kayang nagkikwentuhan tungkol sa premyo, kung saan daw maganda pumunta, at kung ano-ano pa. Pero sana naman ang mga mayayaman na ito, mamigay ng chance sa iba. Hay!



          Nagsimula ng bumunot ng mga numero si Kurt. Bigla akong nairita sa ngiti niya habang nakatingin sa mga estudyante. Kung alam niyo lang ang tunay na ugali ng taong iyan.



          Makalipas ang ilang minuto, nabunot na ang lahat ng numero. Napangiti na lang ako sa naging resulta ng lottery. Hindi nga talaga totoo ang swerte. Sampu na iyung ticket sa lagay na iyun pero hindi pa rin ako nanalo. Pero sayang naman. Gusto kong dalhin si nanay sa kung saang lugar na iyun basta sa labas ng Pilipinas.



          Hindi halata pero nalungkot ako sa nangyari. Tapos halo-halo pa ang emosyon na nadarama ko. Napalagay ang loob ko dahil hindi ako nagsayang ng one thousand, nalungkot ako dahil hindi ako nanalo. Siguro, ganito talaga ang buhay. May nanalo, may natatalo.



          Kasalukuyang naglalakad ako papunta sa restaurant nila Jin. Hindi ko ginamit ang bike ngayon dahil gusto kong maglakad ngayon. Naghanda kasi si nanay ng maraming pagkain kagabi dahil sa may achievement ako. Tumulong na nga ang mga kaibigan ni Randolf sa pagkain pero hindi pa rin namin naubos. In the end, kinain namin ulit ni nanay ang mga inihanda niya bilang agahan.



          Habang naglalakad ay napansin ko si Zafe na nakatayo sa labas ng kotse niya. May hawak siyang dalawang supot ng inumin marahil. Ako kaya ang hinihintay niya?



          “Gusto mo?" alok niya sa isa niyang supot.



          Agad ko itong kinuha. “Anong ginagawa mo dito?" pasuplado kong tanong at pagkatapos ay sumipsip sa inumin. Hmm, mountain dew pala ang inumin na ito.



          “May pupuntahan tayo," sagot ni Zafe habang nakangisi.



          “Hoy, hindi ako sasama sa iyo ngayon dahil may trabaho ako. At hindi ako pwede Zafe. Salamat na lang sa inumin," irap ko saka nilampasan na siya.



          “Okay. Sabi mo ehh."



          Biglang nanlaki ang mata ko nang may nalasahang iba sa mountain dew na ngayon ko lang napansin. Unti-unting dumilim ang aking paligid. Tarantadong Zafe to.



ITUTULOY...

2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails