Followers

Tuesday, December 8, 2015

Enchanted: Broken (Chapter 16-17)

Thank you all for reading and posting comments. I decided to post these two chapters because some of you weren’t satisfied with the length of chapter 15. That’s okay. I hope you enjoy reading.


Warning: Chapter 17 contains an explicit scene that is not appropriate for readers below 18. Reader discretion is advised.


Chapter 16
Alaala


Hindi maipaliwanag ni Erik ang naramdaman sa nasaksihan. Si Ivan ay hawak sa magkabilang braso ang kaibigang matalik na nakangiti habang hinahalikan ng nauna sa pisngi. Nakaramdam si Erik ng kirot sa dibdib, kirot na hindi niya maipaliwanag. Nagseselos nga ba siya? Subalit kaibigan lang naman ang turing niya kay Errol. Nakita naman niyang agad inilayo ni Ivan ang mukha kay Errol at tumingin sa kanya. Si Errol naman ay yumuko at tila nahihiya. Nasipat ni Erik na pinamulahan ito ng mukha.

“Pare, nakabalik ka na. Saluhan mo na kami,” saad ni Ivan.

Naisip ni Erik na nagiging masyado ng komportable si Ivan sa bahay na di naman kanya. “Ah, ang totoo, kailangan ko na ring umuwi.” Nakita ni Erik na napalingon si Errol.

“Uuwi ka na? Akala ko mananatili ka pa.” Dismayado ang ekspresyon sa mukha ni Errol.

“Nagtext kasi kapatid ko. Inatake na naman daw ng nerbyos si mama.” Binulsa ni Erik ang mga kamay.

“Ganun ba?”

“Oo, pasensiya na kayo.” Lumapit si Erik sa dalawa. “Rol, okay ka lang naman dito, di ba?” Pagkatapos ay tumingin ito kay Ivan. “Andito naman si Ivan.”

Tumango naman si Errol. “Oo, okay lang naman ako. Ikamusta mo na lang ako kay Tita Sol.”

“Sige ba.” Walang anu-ano’y niyakap ni Erik si Errol nang mahigpit. “Ingat ka, ha. Kita na lang tayo bukas sa school.”

Nagulat man si Errol sa di pangkaraniwang pagkayap ng kaibiga’t katrabaho ay napayakap na rin ito. “Ingat ka rin sa daan. Tsaka salamat.”

Pagkatapos bumitiw ni Erik sa pagkakayakap sa kaibigan ay tinapik nito ang isa pang binata. “Ivan, kaw na bahala ha.”

“Oo, pare. Safe na safe ‘tong si Errol. Di ko hahayaang mapahamak yan.” Ngumiti si Ivan.

“Sige, aalis na ako.”

“Ihahatid na kita.”

“’Wag na, Rol. Ok lang.”

“Sige.”

Kumaway na lang si Erik pagkatapos ay sinarado ang pintuan. Nakayuko itong naglalakad sa gilid ng daan na medyo puno ng mga taong naglabasan sa kanilang mga kabahayan at pinagkwentuhan ang nangyaring pagkawala ng kuryente. Di sila masyadong napansin ng binatang nakapamulsa habang seryosong nilakad ang kalye’t nakatuon ang tingin sa dinadaanan.

Nagsinungaling siya. Wala namang tinext ang kapatid niya sa kanya. Nag-isip lang siya ng alibi para makaalis sa lugar dahil... Teka, bakit nga ba nais niyang umalis na kaagad? Dahil ba sa nasaksihan niyang pagkakaigihan nina Ivan at ng matalik niyang kaibigan? Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman niya? Nagseselos ba siya? Bakit naman siya magseselos gayong maliban sa pagkakaibigan ay wala namang namamagitan sa kanila ng kaibigan?

Nagpatuloy lang si Erik sa paglalakad hanggang makarating sa kanto. Sa di kalayuan ay andoon pa rin ang kumpol ng mga tao na pinalibutan ang isang banggaang kani-kanina lang ay nadatnan nila nina Shanice at Manny. Di na ito binigyan pa ng pansin ng binatang naglakad papalayo. Dinukot nito ang kanyang panyo at pinunas sa kanyang mukha. Teka, umiiyak ba siya? Bakit may dumadaloy na luha sa kanyang mga mata?

Walang imik na sumakay si Erik sa isang jeep na agad na napuno. Mukhang malalim ang iniisip ng binata. Pinagtitinginan siya ng iilang pasahero dahil sa basa nitong mga mata. Ano nga ba naman ang pwedeng magpaiyak sa isang matipuno’t gwapong binatang ito? Hindi pinansin ni Erik ang mga pasahero. Bagkus ay patuloy ito sa pagpahid sa mga namumuo at tumutulong luha.

Umandar na ang jeep, ngunit hindi pa rin nakakaalpas ang binata sa lungkot na nadarama. Sinariwa nito ang kanilang pagkakaibigan ni Errol habang ang ilan sa mga pasahero ay pinag-uusapan ang kanina’y halos isang oras na pagkawala ng kuryente. Nadidinig ni Erik ang kanilang mga pag-uusap ngunit ang isip niya ay wala sa kung anumang kababalaghan o kakaibang nangyari.

Naalala ni Erik na madalas nitong itakbo ang kaibigan mula sa mga nang-aapi rito noong high school. Sinariwa ng binata ang alaala at napangiti.

“Sabi ko naman sa iyo wag ka na pumunta dun,” saad ng noon ay binatilyong si Erik sa mas maliit at patpating si Errol. Nakauniporme ang dalawa.

“May pinahatid kasi sa akin si Mrs. Santos,” sagot naman ni Errol na noo’y matining pa ang timbre ng boses.

“Errol, basta sa susunod mag-iingat ka. Buti na lang nakita kita.” Pinunasan ni Erik ang madungis na mukha ng kausap.

Biglang narinig nila ang hiyawan ng ilang kalalakihan. “Wooooo! Ang sweet! Er-Er love team!”

Nakita niyang napayuko si Errol. “’Wag mo na lang pansinin.” Naiinis man ay ayaw na niyang makipagbuno.

“Dun ka na kasi. Ayan, tinutukso ka na rin nila tuloy. Okay lang naman ako.”


Sinariwa din ni Erik ang mga alaala nila noong kolehiyo.

“Rol, hindi ako nakapagreview sa Chem.” Hinila ni Erik ang upuan sa harap ni Errol na nag-aaral sa canteen. “Pakopya ka, ha.”

“Sure!” Sumulyal si Errol sa kanya. “Sa’n na si Laura?”

“Ayun, finals na rin nila sa Oral Comm.”

“Ah, kayo na ba?” Nagpatuloy lang si Errol sa paggawa ng kanyang takdang aralin noon.

“Di pa ako sinasagot eh,” sagot ni Erik na sinipat ang reaksyon ng kausap. “Ikaw, bakit wala kang love life?”

“Mas gusto ko mag-aral ng mabuti.”

“Kahit fling lang. Gusto mo hanapan kita ng maliligawan?”

“Erik, di ba alam mo na naman na ano ako?”

Nilapit ni Erik ang mukha kay Errol. “Wala ka ba talagang nararamdaman sa mga babae?”

“Wala eh.”

“Crush meron ka?”

“Ano ba yang mga tanong na yan?” Bumuntong-hininga si Errol.

“Sige na sabihin mo na. Kakaibiganin ko.” Mababa na malumanay ang kanyang boses.

“Wala nga, eh.”

“Baka meron ha. Sabihin mo lang sa akin.”

“Ayoko nga.”

“Malay mo makatulong ako.”

“Wala, okay na ako na nandiyan ka. Tsaka di na ako umaasa sa mga ganyan.”

“Ayaw mo bang mainlove?”

“Eh, wala rin namang mangyayari kung mainlove ako.”

“Hindi mo naman kasi nililigawan yung mga crush mo.”

“Ngee, eh, di sinapak nila ako.”

“Eh, di sumbong mo sa akin.”

“Di ka naman nakikipag-away, eh.”

“Peace lover ako.”

Sandaling katahimikan. Pinagmamasdan ni Erik ang kaibigan habang nagrereview.

“Erik, ah... Eh...” Napahawak si Errol sa batok at sumulyap siya sa kanya.

“Ano ‘yun?”

“Kasi...”

“Ano nga?”

“Salamat ha.”

“Saan?”

“Sa friendship...”

“Senti mode, bestpren?” Ngumiti si Erik.

“Teka, punta muna ako ng library,” saad ni Errol na tumayo at dinampi ang panyo sa mga mata nito at suminghot.

“Umiiyak ka ba?”

“Hindi, napuwing lang. Kita tayo mamaya sa Chem.”

Noon ay hindi maintindihan ni Erik ang nangyayari sa kaibigan. Masayahin naman siya dati, pero nang nasa kolehiyo na sila ay hindi na siya magawang tingnan ni Errol ng diretso, at minsan ay tahimik ang dating masiglang kaibigan pag magkasama sila.


Napangiti si Erik nang maalala ang isang tagpo noong natanggap sila bilang mga guro sa paaralang inaplayan.

“Natanggap ka rin?” nakangiting tanong ni Errol noon sa kanya.

“Oo. Pareho na tayong instructors.”

“Mabuti naman kung ganon.”

“Ikaw talaga ang swerte ko, Rol.”

“Hindi naman. Pinaghirapan mo rin naman ang pag-aapply.”

“Hanep yung teaching demo mo ha. Maypa experiment ka pa.”

“Kelangan para maimpress sila. Chem at Bio kasi yung subjects.”

“Sabagay. Salamat talaga, Rol, ha,” saad ni Erik na hinawakan sa balikat si Errol. “Kelangan natin magcelebrate.”

“Ha? Ano namang celebration eh wala nga tayong pera?”

“Meron pa ako ditong dalawang daan.”

“Anong gagawin natin diyan?”

“As usual, street food party.”

Natawa si Errol. “Okay, sige. Ang hilig mo talaga sa fish balls!”

“Ikaw rin naman, eh.”


Wala pang tatlong buwan noong maging guro sila nang makilala niya si Shanice na kasama din nilang guro. Unang date iyon nilang dalawa. Masaya siya noong binanggit kay Errol ang tungkol sa date na iyon, ngunit nabigla siya sa reaksiyon ng kaibigan na noo’y tingin niya may ibang dinaramdam.

“Umiiyak ka ba?”

“Wala, Erik. Wala ‘to.”

“Anong problema?” tanong ni Erik na hinahaplos ang likod ni Errol.

“Wala, wala. Sige na. Hinihintay ka na ni Ma’am Shan.”

“Gusto mo pag-usapan natin ‘to?”

“Hindi, hindi. Okay lang ako. Sige na. Hinihintay ka na ni Ma’am Shanice.”

“Ano ba yan? Tungkol ba yan sa trabaho?”

“Hindi. Basta!”

“Punta na lang ako sa bahay niyo mamaya after ng first date namin ni Shanice.” Nakita ni Erik na mas yumuko si Errol at tumulo sa sahig ang mga luha nito.

“Okay lang ako. Sige na. Sige na.”

“Sige, sige, ha. First date kasi namin, eh.” Niyugyog lang ni Erik ang likod ng kaibigan. Alam niyang seryoso ito ngunit nagdadalawang-isip siya kung magpapakita ba siya ng concern o ano. Naaawa siya sa kaibigan at nais niya itong damayan subalit paano?

Nang papalabas na siya ng silid ay narinig niya ang mahinang bulong ng iniwan. “I love you...” Nilingon niya ito, ngunit hindi siya sigurado sa narinig. Nakaupong nakatalikod sa pinto si Errol noon. Pinapahiran nito ang mga mata. Tama ba ang narinig niya? Hindi maintindihan ni Erik ang naramdaman. Oo, mahal niya rin ang kaibigan, subalit...


Nang gabing iyon ay pumanhik si Erik sa bahay nina Errol pagkatapos ng date nila ni Shanice.

“O, naparito ka, Erik.” Binungad siya ni Aling Celia.

“Magandang gabi, po. Andiyan po ba si Errol?”

“Nako, maagang nakatulog yun, iho. May kailangan ka ba sa kanya?”

“Ah, wala po. May pag-uusapan po sana kami.”

“Nako, tulog na tulog na. Pero tuloy ka. Gusto mo ba ng maiinom?”

“Ay, wag na po. Nakakahiya. Pakisabi na lang po dumaan ako.”

“Sige, iho.”

“Di na ho ako magtatagal. Salamat po.”

“Ingat ka. Kaawaan ka ng Diyos, iho.”


Simula noong naging sila ni Shanice ay napansin na ni Erik na lumayo na sa kanya si Errol. Kadalasan ay umiiwas ito at pumupunta sa cafeteria o sa library. Minsan sinusuyo niya itong kumain sa labas pero madalas rin itong may alibi. Kapag naman dinadalaw niya ito sa bahay ay laging wala o tulog. Minsan iniisip ni Erik na baka iniiwasan lang talaga siya ng kaibigan. Nasaktan siya sa ginawang iyon ni Errol.

Namimiss niya ang dati nilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Ang hindi niya lang masigurado ay ang nararamdaman nila sa isa’t-isa. Alam niyang hindi siya bakla. Hindi siya nahuhumaling sa mga lalaki. Hindi naman pagkahumaling ang kanyang nararamdaman kay Errol, ngunit batid niyang mahal niya ito. Kung higit man sa pagkakaibigan ang pagmamahal na iyon ay hindi niya malaman. Ang naiintindihan niya lang ay nais niyang maging parte pa rin ng kanyang buhay. Kaya naman ay kahit papaano pinipilit pa rin niyang makipag-usap dito kahit umiiwas ito.

Subalit tila ay nag-iba ang ihip ng hangin nitong mga huli. Ang pagdating ni Ivan ay nagpabagabag sa damdamin ni Erik. Tila ba ay nagseselos siya. May hindi siya maipaliwanag na kirot sa dibdib na naramdaman noong unang beses niyang nakitang magkasama sina Ivan at Erik. Nang makita niyang nakaangkas sa motor ni Ivan ang kaibigan ay naalala nito ang mga masasaya nilang tagpo noon, noong siya lamang ang matalik na kaibigang lalaki nito, mga panahong siya lamang ang yumayaya sa kanyang mamasyal.

Malamang ay nakatagpo na nga si Errol ng bagong kaibigan, ng kapalit niya. Natatakot ba siyang mawala na ang pagkakaibigan nila ni Errol dahil kay Ivan? Natatakot ba siyang mukhang nagkakaigihan na ang dalawa at tila higit na sa magkaibigang normal ang turingan nila? Natatakot ba siyang kayang punan ni Ivan ang pagkukulang niya, na kayang gawin ni Ivan sa kaibigan ang di niya kaya?

Nang makita niyang niyayakap ni Ivan ang kaibigang umiiyak, gusto niya itong sunggaban at gawin ang noo’y hindi niya nagawa -- ang yakapin ang kaibigan nang mahigpit. Nang makita niyang hinalikan ni Ivan sa pisngi ang kaibigan, tila ay may pinunit sa kanyang dibdib. Ngunit hindi niya mabatid kung anong klaseng selos ba ito. Gusto niya ring iparamdam kay Errol na andito pa siya, na andito pa ang dati niyang karamay... na mahal niya ito.


Chapter 17
Kwarto


Pagbalik ng kuryente ay ginala ni Bryan ang tingin nito. Wala ang babae sa nilalakaran nito kani-kanina lang. Tinawag niya ito, ngunit walang sumagot. Naglakad lakad si Bryan na naging balisa na. Lumiko ito sa isang kalye at doon nakita ang babaeng nakatalikod. Tinawag niya ito. Dahan dahan namang lumingon ang dalaga. Nagtama ang tingin nina Bryan at Cindy. Tumakbo si Bryan papunta sa dating kasintahan ngunit napahinto at napatitig dito. Galit nga pala ito sa kanya.

Tinanong niya ito, “Okay ka lang ba?” Nakita naman ni Bryan ang panginginig ng babae at ang takot nito sa mukha. Tila ay napako ito sa kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. Bigla itong tumakbo papunta sa kanya at yumakap. Napayakap na rin si Bryan dito. “Okay ka lang ba, Cindy?”

Tumango si Cindy at bumulong, “Okay na ako.” Di tulad kanina ay mahinahon ito ngayon.

Hinaplos haplos naman ng binata ang buhok ng dalaga habang yakap yakap ito. “Samahan na kita mag-abang ng taxi.”

Bumitiw na si Cindy sa pagkakayakap sa kanya.

“Okay ka lang ba?”

Tumango lang ang dalaga.

“Magsalita ka naman.” Tila ay sinusuyo ni Bryan ang dating nobya.

“Takot na takot kasi ako kanina.”

Hinawakan ni Bryan ang mga kamay ng dating nobya. “Okay na. May ilaw na.”

Umangat naman ng tingin si Cindy at nagpakita ng ekspresyon na tila pagkahiya. Tumango ito kay Bryan.

“May taxi na.”

Nang mapara ang taxi, inalalayan na ni Bryan si Cindy papasok dito. Nang makapasok ang dalaga ay kumaway na lang siya dito at ngumiti. Nakita naman niya na tumango ito at tila ay mukhang seryoso. Nang umandar na ang taxi ay tumalikod na si Bryan at naglakad pabalik sa restaurant kung saan nakagarahe ang sasakyan niya. Nakakailang hakbang pa lang siya nang may yumakap mula sa likod niya. Lumingon naman ang binata. “Cindy!”

Nagulat na lang si Bryan nang bigla siyang halikan ng babae sa labi. Mainit ang halik na iyon. Sinagot na rin ng binata ang halik.


Iniluwa ng biglang bumukas na pinto ang naghahalikang sina Bryan at Cindy. Habang nakikipaghalikan sa dating nobya ay pinindot ni Bryan ang switch ng ilaw at agad nagliwanag ang kanyang kwarto. Mapusok ang mga halikan. Malakas ang mga halinghing. Maya-maya pa ay dahan-dahan ng tinanggal ni Cindy ang mga butones sa polo ni Bryan. Si Bryan naman ay dahan-dahan ding hinubad ang pang-itaas ni Cindy. Walang humpay ang kanilang halikan.

Tinanggal din ni Cindy ang mga butones ng polo ng dating nobyo, at ang huli nama’y tinanggal ang bra ng dating nobya. Mabilis ang tibok ng kanyang pusong tila may pananabik sa mangyayari. Nakita niya ang tinging iyon ng babae, tinging pamilyar sa kanya, mga tinging nagpapaalab ng kanyang damdamin at nagpapatindig sa kanyang pagkalalaki.

Agad na gumapang ang halik ni Bryan tungo sa leeg ng dalaga na noo’y napahawak ng mahigpit sa likod ng binata at napapapikit sa sensasyong nalalasap. Inihiga naman ng lalaki ang babae sa kama at doo’y malaya itong hinalikan sa leeg at dibdib. Dumako ang mga labi nito sa utong ng dalaga. Napaungol naman si Cindy at mas napahawak ng mahigpit sa binatang dahan-dahang binaba ang pang-ibabang suot ng dalaga. Lumitaw ang makinis na mga hita nito.

Habang sinususo ng binata ang kanang utong ng dalaga ay nilalaro naman nito ang kabilang dibdib sa kamay nito. Ang isang kamay naman ay gumapang sa maselang parte na iyon na natatakpan pa ng kakarampot ng saplot.

“Babe... Aaaah... Uhhhh...”

Nang marinig ang salitang “babe” mula kay Cindy ay mas uminit ang pakiramdam ni Bryan na panay pa rin ang sipsip sa magkabilang suso ng dating nobya. Tila uhaw na uhaw si Bryan. Maya-maya pa ay pinasok na niya ang mga daliri sa panty ng dalaga. Dama niyang basa na ang matambok at mabalahibong bahaging iyon. Naramdaman naman niyang napaigtad ang babae sa ginawa at dumiin ang hawak nito sa batok niya.

Ang mga reaksiyon ni Cindy at ng kanyang katawan sa ginagawa niya ay nagpaigting sa nadaramang libog ni Bryan. Ramdam niya ang pagngangalit ng bagay na iyon sa loob ng kanyang pantalon na kanina pa gustong kumawala. Ginapang na ng lalaki ang kanyang mga halik mula sa dibdib patungo sa tiyan ng dalagang napapaliyad. Dahan-dahan naman niyang binaba ang panty ng dating kasintahan at tumambad sa kanya ang kaselanan nito.

Parang isang batang hayok sa fried chicken na sinunggaban agad ito ng binata. Dinilaan nito ang parteng iyon at nilaro-laro ito sa dila at labi niya. Alam nitong nagdudulot ito ng ibayong sensasyong nagpaungol ng husto sa dating nobyang walang nagawa kundi sabunutan siya.

“Bryan... Bryan...”

Ang mga ungol ni Cindy ay parang musika sa pandinig ng binatang mas ginalingan pa ang paglalarong ginagawa sa maselang bahaging iyon. Pinasok ng binata ang dila sa tila masabaw na butas habang nilaro nito ang kanyang tinggil sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Ang mga balahibong kumikiliti sa ilong at mga labi niya ay nagpapaalab sa binatang mas lalong naging agresibo sa bawat igtad at liyad ng dalaga.

Maya-maya pa ay tumayo si Bryan at hinubad ang kanyang pantalon at salawal, at tumambad ang naghuhumindig nitong pagkalalaki. Pagkatapos ay inilapit nito ang katawan sa nakahigang dalaga at binigyan ito ng mainit na halik habang inaangat nito ang kanyang mga hita. Iginapos naman ni Cindy ang mga binti sa likod ni Bryan habang tinututok ng huli ang kanyang ari sa lagusan ng nauna.


“I missed this. I missed you,” masuyong saad ni Bryan kay Cindy.

“Kanina nung namatay ang ilaw sa labas ng restaurant, natakot talaga ako,” saad ni Cindy na umiba ng tingin.

“I’m sorry,” masuyong saad ulit ni Bryan na nagtataka pa rin sa ibig sabihin ng kanilang pagniig.

“I’m sorry, too,” saad ni Cindy na hinawakan ang kamay ng binata at hinalikan ito sa labi.

“Cindy, ano’ng ibig sabihin --”

“Babe...”

“Babe? Ibig sabihin...”

Tumango si Cindy at dinampi ang kanyang mga labi sa mga labi ng binata.


Itutuloy


Abangan ang pag-iyak ni Ivan sa susunod na kabanata. 


All Rights Reserved
©Peter Jones Dela Cruz

5 comments:

  1. Yun! Salamat sa pag update sir! Buo na araw ko makakatulog na ko nang mahimbing hahaha sana maipost agad bukas yung next chapter haha joke! Pero sana nga maupload agad iiyak pala si ivan eh hahaha

    -jcorpz

    ReplyDelete
  2. jcorpz, thank you. baka sa friday ko ipost ang chapter 18. medyo mahaba yun.

    ryan de leon, salamat. sorry kung nabitin ka. hehe

    miko, salamat sa pagsubaybay.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails