Followers

Monday, December 7, 2015

Enchanted: Broken (Chapter 15)

Thank you to everyone who has stuck around and continued to read this. The genre might have put off some of you. I figured not everyone is willing to read something weird on a mostly gay romance site. That's perfectly fine. It's all a matter of preference.

I'm really glad that some of you are very much willing to share your opinion and feedback. Even though the story is done and I really can't change the plot and pace anymore, at least I have a few things to take note of for my next stories. So thanks for all the inputs. Don't even think that I don't value your opinion. Like I said on my first post on this site, I am encouraging feedback and criticism.

Yesterday I scribbled notes for the third book/volume of Enchanted. Looks like the scenes in the third book will be sad. I'm still wondering whether to write it in Tagalog or shift to English, because honestly, writing in Tagalog gave me a hard time. Kami man gung mga Bisdak, it's either mu-inglis mi o mubisaya. Hahaha

If you're wondering how my English fiction writing of some sort looks like, you can check out the link below.

The Mind Bender

I have planned stories in the paranormal genre. They surely will keep me busy in the coming years.

Anyway, I'm already rambling. Thank you for coming over.

Shoutout to Anton Tonie Jay for persistently asking me to post updates!

Seyren, honey, I'll try my best not to break your streak. Hahaha!

Sir Mike, as always, thank you so much for allowing me to post my little contribution here.

Don Caloy, you are awesome! You know that. Magko-comment sana ako sa TNBK 16, pero I was having my emo moment kagabi. Next time na lang. Baka dumaldal na naman ako ng kung anu-ano. Hahaha

Have great day, you all!

--------------------------------------------------------------------------------------


Chapter 15
Larawan


Pagbalik ng ilaw ay agad na nabuksan ni Erik ang pintuan sa bahay nina Errol matapos ilang beses itong itulak at marahas na ikut-ikutin ang doorknob. Tumambad sa kanya ang tila balisang kaibigan na yakap-yakap ng walang pang-itaas na si Ivan. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman sa nakita.

“Ivan, ano yan? Bitiwan mo si Errol,” saad ng gulat na si Erik matapos makita ang walang pang-itaas na si Ivan habang nakayakap sa humihikbing si Errol. Inilapag nito ang biniling pagkain sa mesa sa sala at lumapit sa dalawa.

“Pare, easy ka lang,” saad ni Ivan.

“Errol, napa’no ka?” Mabilis na tinungo ni Erik ang kinaroroonan ng dalawa. “Bakit ka umiiyak? Ivan, ano’ng ginawa mo?”

Hindi nakaimik si Errol.

“Nagpanic kasi siya nung mawala ang kuryente,” saad ni Ivan na binaling kay Errol ang tingin. “Tahan na. Okay na. May kuryente na.” Niluwagan na ni Ivan ang pagkakayakap sa binata hanggang sa bitiwan niya na ito.

Nakatitig si Erik sa kaibigang balisa. Hindi niya alam kung yayakapin ba ito o ano. Nahahabag siya rito. Gusto niya rin ipakita rito na nasa tabi siya nito kung kailangan niya ng karamay, ngunit bukod sa ayaw niyang mabigyan ito ng ibang kulay ng kaibigan, ayaw niya ring maging sanhi ito ng pagdududa sa kanila ni Shanice. Kahit hindi mabigkas ni Erik kahit kanino ay alam nito sa sarili na malalim ang ugnayan nila ni Errol. Ngunit ayaw niya itong bigyan ng anumang kahulugan. Ang alam niya ay isa siyang matalik na kaibigan. Ayaw niyang magkaroon ulit ng malisya ang anumang namamagitan sa kanila.

“Errol, okay ka na ba?” tanong ulit ni Erik.

Tumango lang ang kausap. “Pwede ba magbanyo muna ako?” saad nito sa garalgal na boses.

Nang makaalis si Errol ay inusisa ni Erik si Ivan. “Ano ba’ng nangyari?”

“’Yun nga, pare. Nung namatay ang ilaw natakot siya. May phobia ba siya sa dilim?”

“Parang wala naman.”

“Ah, ganun ba? Kasi parang takot na takot siya kanina.”

“Pare, wala talaga akong maalala na may phobia si Errol.”

“Teka linisin ko na muna tong mga nabasag.” Yumuko si Ivan at hinakot ang mga basag na piraso ng salamin sa sahig.

“Tulungan na kita.” Yumuko na rin si Erik at nakihakot ng mga basag na di alintana na maari silang masugatan. “Teka, kunin ko muna yung trashcan sa gilid.” Nang makabalik ay nakita niyang hawak ni Ivan ang isang litrato.

“Nagpanic kasi siya kanina tapos natabig yata ‘yung vase at itong picture frame.”

“Old family picture ng nanay ni Errol,” saad ni Erik na napangiti.

“Malamang mom ni Errol ‘tong nasa gitna.”

Tumango naman si Erik. “’Yang nasa gilid sa kanan lolo ni Errol.”

“Tatay ni Aling Celia?”

“Yup. Matagal nang hindi nila nakikita yan.”

“Ano’ng nangyari sa kanya?”

“Mahabang kwento. Basta nung iniluwal si Errol hindi na nila nakita ang lolo niya.” Kinuha ni Erik ang picture frame at nilapag sa pwesto nito sa estante.

“Matagal na talaga kayong magkakilala?”

“High school kami ng naging matalik kaming magkaibigan.”

“Talaga?”

“Hindi naman mahirap kaibiganin ‘yun. Mabait. Tas matalino pa.”

“Mukha nga.”

“Sa kanya ako nangongopya dati.” Nakita ni Erik na napangiti si Ivan.

“Pare, okay lang ba kaibiganin ko rin siya?”

“Okay naman. Di ko naman siya pag-aari.”

“Kasi parang magaan talaga ang loob ko sa kanya.”

“Kahit ako magaan din ang loob ko sa kanya.”

“Pare, wala ba talaga siyang love life?”

Sandaling natigilan si Erik. Sinisipat nito ang nagtatanong. Napagpasyahan nitong ibalik ang trash bin sa dati nitong lalagyan pagkatapos ay bumalik sa kausap na nakatayo na at pinapagpag ang mga kamay. “Mahiyain ‘yan si Errol. Hindi yan nanliligaw ng babae.” Nagtaka naman si Erik nang makitang napangiti si Ivan.

“Pare, alam ko na kung ano siya.”

“Anong alam mo na?”

“Gay siya, pare.”

Nabigla si Erik. “Teka, pa’no...”

“Sinabi niya sa akin. ‘Wag kang mag-alala. Okay lang sa akin. Teka, pare, ‘wag mong sabihing hindi mo alam.”

Umiba ng tingin si Erik. Sandali itong hindi nakaimik. “Matagal ko ng alam.”

“Talaga? Buti hindi kayo nagkakailangan.”

“Hindi, kasi mah... Kasi matagal na kaming matalik na magkaibigan at matagal ko na ring alam.”

“Ah, pero, okay lang naman siguro kung minsan yayain ko siya kumain sa labas o mamasyal.”

“Oo naman.” Gustong itanong ni Erik kung bakit hindi magiging okay ‘yun, eh, lumalabas na nga sila. Narinig naman niya ang mga yapak sa labasan at napalingon.

“Pumasok na kami. Pasensiya na,” saad ni Shanice na nakangiti.

“Oh my God!” Nanlaki ang mga mata ni Manny.

Napalingon naman si Shanice dito. “Sir Manny, pigilan mo ‘yan.”

“Shet, ma’am, ulam.”

Natawa si Erik sa narinig at umiling. Binaling niya ang tingin mula kay Manny patungo kay Ivan na ngumisi. Kumaway si Shanice sa kanya. Lumapit siya sa mga ito. Narinig niya namang nagsalita si Ivan sa likuran niya.

“T-shirt muna ako.”

“’Wag ka na magbihis please,” bulong ni Manny.

“Kay Sir Errol na ‘yan,” bulong ni Shanice sa kasama tapos ay lumingon ulit kay Erik. “Si Sir Errol?”

“Nagbibihis yata.”

“Sir Manny, ang gwapo niya,” saad din ng isang estudyante na kinikilig.

“Hala, nahawa na rin kayo sa kalandian nitong ser ninyo ha,” saad ni Shanice sa estudyante.

“Okay lang ba kayo?” tanong ni Erik sa kanila.

“Okay lang kami,” walang kaemo-emosyong sagot ni Shanice.

“Okay lang, sir. Gumagana na ulit mga cellphones namin.”

“Ma’am, grabe pala. Trending ang blackout worldwide.”

“Talaga? Patingin nga.” Kinuha ni Shanice ang inabot na smartphone ni Manny at tiningnan ang trending tweets. “Hala! Baka raw may terror attack sa Manila.”

“Masama ito,” saad ni Erik sa kalmado nitong boses. “Kaya pala parang di pangkaraniwan ‘yung blackout kanina.”

“Parang naglabasan nga ang mga tao,” saad ni Manny na nakatingin sa labas.

““Teka, ano nga pala’ng nangyari kay Sir Errol?” tanong ni Shanice.

“Nagpanic daw nung nawala ang ilaw.”

“Takot pala sa dilim si sir,” natatawang saad ni Manny.

“Medyo naiiyak kanina nung nadatnan ko eh.” Pinasok ni Erik ang mga kamay sa bulsa habang nakangising tiningnan sina Manny at ang dalawang estudyante na sa tingin niya ay nahuhumaling kay Ivan.

“Okay lang ba siya?” tanong ulit ni Shanice.

Bumalik na si Errol sa sala na maaliwalas ang mukha. Lumapit si Ivan sa kanya. “Okay ka na ba?”

Lumingon si Erik kina Ivan at nakita niyang tumango si Errol kay Ivan at lumingon sa kanila at ngumiti. Ngumiti sina Shanice at Manny sa kanya. Lumapit siya sa kanila na nasa sala. Medyo nahimasmasan na siya mula sa takot at pagkatuliro.

“Sir Errol, okay lang ba? Pumasok na kami,” saad ni Shanice.

“Okay lang, Ma’am. Salamat nga pala sa pagdalaw.”

“Sir, ipakilala mo naman kami sa new friend mo.” Malisyoso ang ngiting binitiwan ni Manny at nahalata ito ni Errol.

Pinandilatan ni Errol si Manny nang makita ang pilyong ngiti nito. Ipapakilala na sana niya ang bagong kaibigan nang tumungo ito sa mga bisita at nakipagkamay sa kanila.

“Ivan nga pala.” Ngumiti si Ivan. Ang mga mata ay mapupungay.

“Shanice.”

“Manny.”

Pinadilatan lang ni Errol si Manny nang makita itong ngumiti ng todo kay Ivan at dumako ang tingin sa kanya at binigyan siya ng nakakalokong ngisi.

Nakipagkamay din si Ivan sa dalawang babaeng students. “Pasensya na kayo, amoy adobo yata ang kamay ko.”

“Okay lang ‘yan,” sagot ni Manny na abot tenga ang ngiti. “Masarap ang adobo.”

Natawa si Errol nang makitang kinurot ni Shanice si Manny sa tagiliran at pagkatapos ay iniripan ng huli ang una.

“Siya nga pala. Nagluto ako ng adobo. Tingin ko kakasya ‘yun sa atin.”

“Nako hindi na,” saad ni Shanice na ginalaw ang isang palad tanda ng pagtutol. “Nakakahiya. Pumanhik lang kami para dalawin si Sir Errol.”

Biglang napalingon si Manny sa babae. “Tumigil ka nga, Ma’am Shan. Ako, gusto kong kumain ng adobo.”

Napayuko si Errol at napangisi sa inasal ng kaibigang guro. Nakita niyang napangisi rin si Erik na umiiling.

“Ihahatid pa natin yang dalawang students na yan,” sabat ni Shanice.

“Oo nga pala. Bakit pa kasi kayo sumama dito?” iritang tanong ni Manny na binalingan ang dalawang babaeng mag-aaral na panay ang sulyap kay Ivan.

“Eh, kasi namimiss namin si Sir Errol,” saad ng isang estudyante.

“Oy, Ella, Joan, salamat sa pagpunta niyo ha,” singit ni Errol. “Bukas papasok na ako.”

“’Wag kang magpapaquiz, sir, ha.”

“Nako ‘tong mga ‘to. Gusto awra awra lang,” sabat ni Manny. “Ano’ng tingin niyo sa school, modeling agency?”

Natawa naman silang lahat.

“Teka, maghahain na muna ako,” saad ni Ivan. “Errol, tulungan mo ako please.”

“Sige.” Pero bago pumunta ng kusina ay sinabihan niya ang mga bisita na umupo muna. Nakita niyang nag-uusap ang tatlong kasamang guro. Maya-maya pa ay lumapit si Erik sa kanya.

“Errol...”

“Ano ‘yun, Sir Erik?” tanong ni Errol.

“Napakapormal naman...”

“Ah, eh, ano ‘yun?”

“Kasi uuwi na sina Ma’am Shanice.”

Sumingit naman si Ivan. “Talaga? Sayang naman.”

“Oo kasi kailangan niyang makauwi na sa bahay nila, eh. Tapos ‘yung dalawang estudyante kailangan din maihatid.”

“Ah, ganun ba. Sige,” sagot ni Errol.

“Ihahatid ko lang sila sa kanto.”

“Di ka ba sasama sa kanila sa pag-uwi?”

“Hindi muna. Kararating nga lang kasi namin.”

Bumaling naman si Errol kay Ivan. “Ivan, sandali lang ha.”

Tinungo nina Erik at Errol ang sala kung saan nakaupo ang mga kasama ng nauna.

“Ma’am, uuwi na daw kayo?”

“Oo, Sir Errol. Worried kasi ako sa kapatid ko. Tapos itong dalawang students kelangan din ihatid. Kargo namin ‘tong mga ‘to.”

“Okay sige. Salamat talaga, Ma’am Shan, sa pagdalaw.” Niyakap na lang ni Errol si Shanice ganun na din si Manny.

“Ang ganda mo ha. Magkwento ka sa amin bukas,” saad ni Manny na nakasimangot.

“Sige. Teka, galit ka ba?” tanong ni Errol sa kanya.

“Eh, kasi gusto ko pa manatili dito.” Nagmamaktol si Manny na parang bata.

“Tumigil ka nga diyan,” asik sa kanya ni Shanice pagkatapos ay ngumiti kay Errol. “Sige, sir, ingat ka.”

Kumaway na lang sina Shanice at Manny kay Ivan na kumaway na rin sa kanila at ngumiti.

“Balik din ako pag nakasakay na sila,” saad ni Erik kay Errol. “Siya nga pala, ‘yung dala namin.” Tinuro ni Erik ang binili nilang manok at BBQ.

“Nag-abala pa kayo. Pero salamat,” sagot ni Errol.

Nakalabas na sina Erik ng gate nila at naiwang muli silang dalawa ni Ivan. Dinala ni Errol sa kusina ang dalang pagkain nina Erik.

“Ang dami na nating ulam. Mauubos kaya natin lahat ito?”

“Ire-ref na lang ang matira,” sagot ni Errol.

“Sabagay. Teka, babalik pa ba si Erik?”

“Babalik pa daw, eh.”

“Concerned din siya sa’yo, ‘no.” Ngumiti si Ivan.

“Matagal na kasi kaming magkakilala nun.”

“Oo nga daw, eh.”

“Nag-usap kayo?”

“Oo, kanina habang nililinis namin ‘yung nabasag.”

“Pasensiya ka na, Ivan, ha. Nadadamay ka pa sa problema ko.”

“Wala ‘yun! Ano ka ba? Kaibigan mo na ako.”

“Salamat talaga.”

“Sus! Teka, ano ba nangyari kanina?”

“Natakot lang kasi ako.”

“Sabi naman ni Erik wala naman daw siyang alam na takot ka sa dilim.”

“Hindi ko rin maintindihan, eh.”

“Buti na lang pala andito ako.”

“Oo nga, eh.”

Ngumiti si Ivan. Tumunog ang cellphone nito. “Teka sagutin ko lang ‘tong tawag sa cellphone ko ha.”

“Sige.” Naiwang mag-isa sa kusina si Errol habang sinasariwa ang pangyayari kani-kanina lang. Nababalisa siya tuwing naaalala niya ang nangyari sa kanya sa loob ng palikuran sa restaurant noong nakaraang gabi. Hindi niya rin maipaliwanag ang mga nagaganap. Ngunit sa kabilang banda ay nagpapasalamat siya na andito ang kanyang tagapagligtas. Naalala niya kung paano siya niyakap at inalalayan ng binatang sa ngayon ay nakatalikod sa kanya habang may kausap sa telepono. Kinikilig man ay may isang nagpabagabag sa kalooban niya, ang sinabi sa kanya ni Ivan habang yakap siya nito. “Andito na si kuya...”

Ibig bang sabihin ay kapatid lang ang tingin nito sa kanya? Subalit bakit nga ba nag-iisip si Errol ng ganito? Alam naman niya ang hangganan ng kanilang pagkakaibigan ni Ivan. Hanggang doon na lang iyon. Sinisiksik ni Errol sa sarili na walang tyansang maging mas higit pa sa kaibigan ang turing sa kanya ng binata. Ayaw na ni Errol na umasa at baka magkamali na naman siya at masaktan.

Napansin ni Errol na pabalik na sa mesa si Ivan. “Hinahanap ka na sa inyo?”

“Sa convenience store. Tumawag ang assistant ko doon. May emergency daw.” Binulsa ni Ivan ang telepono.

“Ano daw nangyari?”

“Naaksidente daw kapatid niya. Kailangan daw puntahan.”

“Baka kelangan mo na bumalik sa store mo.”

“Di ah. Wala kang kasama dito.”

Hindi talaga maipaliwanag ni Errol kung bakit ganito ka-concerned sa kanya itong si Ivan. “Okay lang ako dito. Hindi mo naman ako pwedeng bantayan 24/7. Tsaka maya-maya dadating na rin sina nanay.”

“Kakain pa tayo ng adobo.”

“Uy, Ivan, okay lang talaga. Baka nakakaabala na itong pagbabantay mo sa akin. Hindi mo naman ako kargo.”

“Okay lang. Gusto ko naman din manatili dito muna. Ikaw ha pinapaalis mo na ako. Porke’t andito na yung best friend mo.” Hinila ni Ivan ang upuan sa tapat ni Errol at umupo.

“Uy, hindi naman ganon.”

“Nakakatampo ka.”

“Grabe, tampo kaagad? Pa’no ang store mo?”

“Sinabihan ko na siya na magsara nang maaga. Mukhang nagkakagulo yata ang mga tao pagkatapos ng blackout.” Sumandok si Ivan ng kanin.

“Oo nga, eh. Ikaw ba hindi ka worried sa family mo?”

“Wala na sila.” Sumeryoso ang mukha ni Ivan.

“Mom mo?”

“Nasa states si mama, di ba?”

“Ay, oo nga pala.”

“Ibig sabihin pala mag-isa ka lang talaga sa bahay ninyo?”

“Parang ganun na nga. Kasama ang dalawang maids.”

“Buti hindi ka pinagnanasaan ng maids mo,” natatawang saad ni Errol. Teka, bakit niya natanong iyon?

Natawa naman si Ivan sa narinig. “’Yung isa parang nanay ko na yun. May asawa’t anak. ‘Yung isa naman may boyfriend pero napapansin ko panay ang titig sa akin kapag nakikita niya akong walang pang-itaas.”

“Ah, ganun ba?”

“Bakit? Ako ba ‘yung tipo na pagnanasaan?” pilyong tanong ni Ivan habang binigyan si Errol ng nakakaakit na tingin sabay basa sa mga labi nito.

“Ayan ka na naman ha. Pinagtitripan mo na naman ako.” Umiwas si Errol ng tingin.

Nilapit naman ni Ivan ang mukha nito sa kausap. “Bakit di ka makatingin sa akin ng diretso, Sir Errol?” Bahagyang tumayo si Ivan sa pagkakaupo at hinawakan ang baba ni Errol.

Naramdaman ni Errol na gustong igiya ni Ivan ang mukha niya pataas. “Ano ba, Ivan?” Inalis ni Errol ang kamay ni Ivan. “Nakakainis ka naman, eh.”

“Uyyy, si sir di na naman makatitig sa akin.”

“Hay, nakakainis ka naman,” aktong tatayo sa kinauupuan si Errol nang tumayo din si Ivan at tinungo siya. Hinawakan siya nito sa mga braso.

“Dare! Titigan mo ako ng ten seconds.”

“Pa’no pag di ko nagawa?” Sumulyap si Errol at agad na binawi ang tingin.

“Hahalikan kita.”

“Ano?”

“Sa cheek lang. Ito naman.”

Sa pisngi lang naman pala. “Ano ba yang trip mo, Ivan? Umuwi ka na nga lang.” Ngunit sa kaloob-looban ni Errol ay ibayong kilig na ang nadarama niya.

“Ah, so ayaw mo sa cheek. Sige sa’n mo gusto?”

“Ivan, ‘wag na nga.” Aalisin sana ni Errol ang mga kamay ni Ivan sa mga braso niya, ngunit hinigpitan ng huli ang hawak sa kanya.

“Okay, dare, na. Pag di ka tumitig ng ten seconds hahalikan kita sa pisngi.”

“Okay, sige na nga.” Wala nang nagawa si Errol kundi makipagtitigan sa kasama.

Bumilang si Ivan. “1, 2...”

Nasilayan ni Errol ang mga mata ng makisig na binata na tila nanunuyo.

“3, 4...”

Ang mga pilikmata nito ay nakadagdag sa pagkabighani ni Errol sa mga titig na iyon.

“5, 6...”

Sa pakiwari ni Errol ay nangungusap ang mga matang iyon. At hindi na niya kinaya ang tumitig pa dito na walang nararamdamang pagkislot ng kanyang mga kalamnan. Umiwas na nga siya ng tingin.

“Hindi ka umabot ng 10 seconds! Natalo ka, Sir Errol.”

“Ang bagal mo kasing magbilang. Madaya ka!”

“Oy, ibig sabihin...” Agad ngumuso si Ivan at inilapit ang nguso kay Errol.

Nilayo naman ni Errol ang kanyang pisngi. “Uy, seryoso ka talaga?”

“Ay, naiilang...”

Kahit anong pagpipigil ni Errol ay mas malakas talaga si Ivan. Kaya naman ay naidampi nito ang nguso sa pisngi ng nakababatang binata. Ramdam niya ang pagdampi ng malambot na mga labi sa kanyang pisngi. Hindi maipaliwanag ni Errol ang nararamdaman. Tila ay bumagal na naman ang takbo ng oras at kinakalkal na naman ang kanyang kalamnan. Isa itong masarap na pakiramdam na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya. Hawak siya ni Ivan sa magkabilang braso, at nakanguso itong hinalikan ang kanyang pisngi.

Biglang bumukas ang pinto.


Itutuloy...


All Rights Reserved
©Peter Jones Dela Cruz

12 comments:

  1. waaahhhh!!! nakakabitin 😢😢😢

    ReplyDelete
  2. Update please chapter 16

    ReplyDelete
  3. Nakakabitin sir ang ikli. Pero okay lang kinilig nman ako e hihi XD

    -jcorpz

    ReplyDelete
  4. Hahahaha 1st comment

    ReplyDelete
  5. Kaabang abang ang eksena.
    Lately na lang ako nagbabasa dito sa Michael Shades of Blue.

    Silent Reader here before.

    First Time ko magcomment. Pagkabasa ko ng 1st Chapter. Interesado na akong basahin ito.

    Salamat po PeterJDC sa Napakagandang Kuwento. Lagi ko na ito inaabangan.

    Waiting for Next Chapter

    ReplyDelete
  6. Thank you sa inyong lahat. RJ, jcorpz, at sa dalawang anon, salamat. Thank you, Gerry! Nag-uupdate ako every 2-3 days. I'll post chapters 16 and 17 tomorrow.

    ReplyDelete
  7. Wow excited na akong basahin ang 16 and 17... love it...

    ReplyDelete
  8. Wow excited na akong basahin ang 16 and 17... love it...

    ReplyDelete
  9. Wow excited na akong basahin ang 16 and 17... love it...

    ReplyDelete
  10. Wow excited na akong basahin ang 16 and 17... love it...

    ReplyDelete
  11. Im a fan of your work po. Nakakakilig and maganda po concept mo boss. Love story and fantasy 😀

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails