AUTHOR'S NOTE
Sorry sa delay, as some of you know na-operahan po ako and right now under recovery pa rin ako at masakit pa tahi ko kaya pasensya na sa delay.
BTW, may isang flashback dito from "Love, Stranger" na hindi ko naisama dati pero included po siya sa eBook version na mabibili niyo soon sa BUQO, may mga dinagdag akong extra parts doon eh. I hope magustuhan niyo ang isang pahapyaw rito.
Next time na lang po ang mga ibang bagay kailangan ko na po magpahinga.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
"DEAR STRANGER" (BOOK 2)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER SIX
RAY:
"Nagkasama lang kayo sa Beijing for four days friend na agad? Ang sabihin mo patay na patay ka sa kanya! At dahil 'di mo mapigilan ang kalandian mo, sinubukan mong mang-agaw ng pagmamay-ari na ng iba, malandi ka!" sigaw ni Gel sa akin. Isang malakas na sampal ang bumagsak sa mukha ko, nasundan ito ng isa pa, at isa pa, at isa pa, hindi ko na mabilang. Lumapit ang mga kasama niya at pinagtulungan ako, hindi ko mabilang kung ilan ang sumabunot, sumuntok, at sumipa sa akin ng oras na iyon.
Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking bibig. Napakasakit ng buong katawan ko. Lumapit si Jerome, inawat niya si Gel. He tried to reason with her, but it's not enough. In the end dineny ako ng matalik kong kaibigan.
"Stop it Gel! He's... He's just a stranger!" sigaw ni Jerome na pumatay sa akin.
Dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang puting kisame, sa mga kanto nito ay may maliliit na puting kwadradong ilaw na nagbibigay liwanag sa kwarto. I think nasa clinic ako ng Hotel.
"How are you feeling?" isang boses ang narinig ko mula sa aking tabi. Tiningnan ko siya, nakita ko si Bae. Hindi ako makapagsalita. Napakabigat pa rin ng pakiramdam ko, lalo na ang puso't utak ko. Hindi ko alam isasagot ko, hindi ko maramdaman ang estado ko.
Kinuha niya ang baso sa tabi ko at pinainom ako ng tubig, ininom ko ito. Umayos ako ng higa.
"Mr. Kyou is worried about you. He's here a while ago. He already know what happened." He said in a soft voice. Kasing kalmado ng atmosphere ng kwarto ng clinic na hinihigan ko ngayon.
"How did he know?" mahina kong tanong.
"He asked me, and then I told him. And base sa sinabi mo kanina, it's about that guy from Beijing again right?"
Hindi ako sumagot. Muling tumatak sa utak ko ang imahe ni Rome at Gel na naghahalikan. Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Gusto ko silang wasakin ng buhay. Gusto kong durugin ang kaligayahan nila. Gusto kong burahin sila sa paningin at utak ko. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga.
"I want to go to my room. I want to rest."
Bakas sa mapungay niyang mata ang pag-aalala, gayun pa man ay pumayag siya sa kagustuhan ko. This day is too much. Gusto ko na lang matapos ang araw na ito.
***
RAY:
It's past midnight pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ramdam ng balat ko ang malamig na hanging umiikot sa madilim kong kwarto. Mula sa pagkakadapa ay tumayo ako sa hinihigan kong twin-size bed, tinumbok ko ang aparador, kinuha ko ang itim na jacket mula rito at sinuot ito. Bahagya kong hinawi ang bangs ko at pagkatapos ay tinumbok ang dark-brown na pintong gawa sa mahogany. Pinihit ko ang doorknob, binuksan ko ito at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Muling pumasok sa isip ko ang masasayang sandali na kasama ko si Rome sa Tokyo. Tanging bigat lang sa dibdib ang nararamdaman ko, walang kahit na anong sakit o lungkot, hindi ko rin alam kung bakit. Ilang saglit pa'y isang ala-ala mula sa Beijing ang aking nakita.
"Ang ganda nila nuh?" sabay bitiw ng malalim na hinga. Puno ng mga bituin ang langit, napakaganda. Ang mga simpleng bagay na ito ay nagbibigay saya sa malungkot kong buhay. "Alam mo ba, pag nalulungkot ako, tumitingala lang ako at tinitingnan ko sila. Pagkatapos noon, okay na ako, hindi na ako gaano nalulungkot. Minsan nga kinakausap ko sila na sana ay tuparin nila ang mga hiling nito." Sabay turo sa puso ko.
Tumingin ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata. Napakaganda ng mata niya.
"Sinagot na ba nila hiling mo?" he asked in a straight tone. Siguro ay nawi-weirdohan na siya akin, pero okay lang, walang basagan ng trip.
"Hindi pa... Pero alam ko, balang araw matutupad lahat iyon." Sabi ko sabay ngiti. Tumango siya at pagkatapos ay ngumiti.
Isang mainit na luha ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Napansin ko na lang na nakaupo ako sa isang bench sa park. Nasa ilalim ako ng isang punong walang dahon, kagaya ba ito ng mga hiling at pangarap ko? Patay na? Sana hindi. Bumigat ang dibdib ko. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo galing sa aking mata. Tumingala ako, kagaya sa Beijing ay puno ng bituin ang langit. Naalala ko ang isang gabi sa Tokyo kung saan nakahiga kami sa snow at pinagmamasdan ang ganda ng langit.
"May nakapagsabi sa akin noon na tumitingin siya 'dyan kapag nalulungkot siya. Sinasabi niya rin 'dyan ang mga hiling niya." Sambit niya. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong tutok na tutok ang mga mata niya sa langit. Para bang nagdududa ito sa sinabi ng kung sino man iyon.
"Parehas kami!" masaya kong sabi. Lumingon siya sa akin, nagtama ang aming mga mata, tinitigan ko ito. Weird man pero nakita ko ang pagkinang nito, parang mga bituin sa langit.
"Nagkatotoo na ba hiling mo?" tanong niya.
"Yung iba. Pero yung pinakahinihiling ko... hindi pa." Pabulong kong sabi.
"Ano ba ang pinakahinihiling nito?" sabay turo sa dibdib ko.
Ngumiti ako. "Secret."
"Ray." Isang boses ang gumising sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita kong nakatayo ang isang lalaki. Ang lalaking ito ay nakasama ko sa Beijing, ang unang taong pumatay sa akin. Nakita ko rin sa kanya ang lalaking minahal ko ng sobra sa Tokyo, kagaya nung isa, pinatay niya rin ako.
Muling bumalik sa utak ko ang imahe nila ni Gel na naghahalikan. At dahil naalala ko ang babaeng iyon, naalala ko rin ang lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin. Hindi ko na kaya. Hindi ko sila kayang harapin.
"It's getting late. I have to go." Sabi ko sabay tayo at nag-umpisang maglakad, linagpasan ko siya. Kasing lamig ng hinga ng winter ngayong gabi ang pagtrato ko sa kanya. Nabalot ng katahimikan ang buong park, tanging paghalik ng swelas ng aking sapatos lang ang aking naririnig. Dinaanan ko ang isang poste na may dilaw na ilaw, tinamaan ng liwanag nito ang aking mukha.
"Ray, let's talk." Sigaw niya. Kahit nasa likod ko siya'y ramdam kong humarap siya sa akin.
"Wala tayong dapat pag-usapan." Sabi ko habang patuloy na naglalakad. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Mabilis ko itong sinanggi. Lalong tumatak sa utak ko ang nasaksihan ko kanina.
"Lumayo ka sa akin! Amoy na amoy ko sa bibig mo ang laway ng demonyong iyon!" Matigas kong sabi. Hindi ko siya tiningnan, patuloy akong naglakad.
Muli kaming nabalot ng katahimikan. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Masakit na naalala ko ang nakita ko, pero masmasakit na manggaling sa sarili kong bibig na isigaw ang ginawa nila. Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Nahirapan akong huminga.
Wala na akong narinig mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya ngayon o ano nararamdaman niya, wala na akong pakielam. Kasabay ng paglisan ko sa lugar na iyon ay siya ring pagkawala ng nararamdaman ko para sa kanya. Tumingala ako, muli kong nakita ang mga butuin, hindi ko na magawang maappreciate ito gaya dati, hindi ko na mahanap sa puso ko ang ganda ng mga bagay na dati'y nakikita ko. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin. Naglakad ako sa kawalan, sa kadilimang maihahalintulad sa kamatayan, kinain ako nito at naging isa sa kanya. Hinayaan kong dumaloy ang luha mula sa aking mata hanggang sa maubos ito at wala nang mailabas pa. Isa na akong patay na humihinga. Wala na akong maramdaman.
***
RAY
"Thank you for giving this to me. Kailangan ko ito para gawing busy ang sarili ko." Rinequest ko sa kanya kahapon na since mawawala siya for few weeks ay gusto kong gawing busy ang sarili ko. Isa na rito ang pagbalik ko sa pagtuturo.
Ngiti lang ang sagot ni Chichi.
Inatasan ako ni Chichi na turuan ng Nihongo and Japanese culture ang isang potential partner niya, sobra kasi siyang na-impress sa proposal nito kaya gusto niyang bigyan ng chance na makapagsalita ng hapon at maka-adopt sa kultura dito sa Japan, lalo na at partnership ng negosyo ang posibleng mapagkasunduan nila kaya kailangan talaga na marunong ang taong ito.
Patuloy kaming naglakad papasok ng restaurant. Dinaanan namin ang ilang cream couch at lamesa, napansin kong nagbago ang set-up ng restaurant na ito, dati ay usual lang pero ngayon ay mayroong bulaklak at kandila sa gitna ng lamesa, romantic ng dating. Weird man pero hindi ko na ito pinansin pa.
Ilang saglit pa'y nakita kong naka-upo ang isang lalaki, nakatalikod ito sa amin. Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito, nakita kong nagmessage si Bae.
"Let's have lunch?"
"Sure. Sunud ka rito, kakaiba yung atmosphere ng restaurant, ewan ko ba kung ano meron." sagot ko. Napansin kong tumigil sa paglalakad si Chichi, ganoon din ako.
"Ray Sensei, meet your student." Sabi ni Chichi. Inangat ko ang ulo ko at laking gulat ko sa lalaking nasa harap ko.
"Ikaw!?" sabay naming sigaw.
"Siya po ang magtururo sa akin?"
"Yes. He's a great teacher Mr. Parrilla. And I believe you two will have a great time together."
"Otousan... I mean Mr. Kyou nagkakamali..." hindi ako natapos magsalita dahil kinut niya ako.
"I booked a lunch for both of you. I like to join but I really have to go, I have a flight going to US tonight. So, I'll see you in few weeks?" nakangiti niyang sabi sa amin at umalis na ito agad. As in mabilis itong nawala, daig pa ang parang isang bula.
Kinain kami ng katahimikan. Tinuon ko ang mata ko sa lalaki sa harap ko, bakas sa mukha niya ang gulat. So it means I have to work with this person? Putangina.
"You know what Rome? You can decline his offer para hindi tayo parehas nahihirapan."
"I can't."
"So talagang nananadya ka?" matigas kong sabi.
"I can't decline his offer Ray, business ng pamilya ko nakasalalay rito."
"Eh paano naman ako!?" medyo lumakas ang boses ko.
"'Wag ka ngang selfish. This is not about you, this is not about us."
"So ako na naman ang may kasalanan? Putangina lang." Tumiklop ang kamao ko, gusto kong magwala shit.
"Ray, be professional, business lang ito at hindi ko ginustong makatrabaho ka."
"Eh ano ito? Just decline his fucking offer!" nanggigigil kong sabi.
"Alam kong galit ka sa akin at alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, but please, can we set aside our issues here? Trabaho lang Ray. Alam ko hindi mo rin bibiguin si Mr. Kyou kasi sa nakikita ko malaki ang utang na loob mo sa kanya."
Parang bumagsak sa akin ang malaking chandelier na nakasabit sa kisame ng restaurant at bumaon ang mga diamonds nito sa ulo ko sa narinig ko. Tama si Rome, malaki ang utang na loob ko kay Chichi, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko mararating ang kinatatayuan ko ngayon kaya hindi ko pwedeng biguin ang taong iyon.
Nagbitiw ako ng malalim na hinga, napansin kong nakatingin si Rome sa likuran ko, sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatayo si Bae. Bakas sa mukha niya ang gulat. Mukhang narinig niya ang lahat ng napag-usapan namin ni Rome.
"Bae..."
"You don't have to explain, Narinig ko lahat."
"I'm sorry." Sabi ko sabay yuko.
"Don't worry. So, let's have lunch?"
"Pare, binook kami ni Mr. Kyou ng lunch." Bakas sa mukha ni Rome ang inis.
"Hindi naman bawal na samahan ko siya 'di ba?" sabi ni Bae sabay ngiti.
Tahimik. Ilang segundo ang lumipas at isang boses ng babae ang narinig ko mula sa aming likuran.
"Sorry I'm late."
Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang nakapulang dress na si Gel. Biglang bumigat ang dibdib ko, ramdam ko ang pag-init ng ulo ko at pagpintig ng pulso ko sa nakita ko. What on earth is she doing here?
"Hi Babe." Sabi niya sabay lapit kay Rome at nagbeso. "May lunch kasi kami ng Babe ko eh, so I guess you should take the other seat?" sabay ngiti at taas ng kilay.
"Naka-book sa amin ang slot dito. And I think kabastusan naman sa taong nag-set nito kung kami pa ang aalis." Sabi ko sabay ngiting sarcastic.
"Wait, why don't we eat on the same table? Hindi naman siguro bawal 'yun." si Bae.
Tahimik, rinig ko ang soft-music mula sa piano at violin na nagpe-play sa background, nakakakalma ang tugtog pero gayunpaman ay hindi ko magawang kumalma, nakakastress. Nagtinginan kaming lahat. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilabutan ako, thinking na makakasama ko sila sa isang lunch.
"So I guess it's a double date?" nakangiting sabi ni Gel sabay pulupot ng braso niya kay Rome. Tumingin siya sa akin, may bahid ng pang-iinis ang matulis niyang tingin.
Ngumiti ako, hindi ko pinahalatang gusto kong dunggulin ang mukha ng demonyo sa harap ko. Isang mainit na braso ang lumapat sa likod ko, naramdaman ko ang isang palad sa bewang ko, alam kong si Bae ito. Tumingin ako sa kanya, nagbitiw siya ng isang ngiti. I know, he wants me to be okay and stay calm. Binalik ko ang tingin ko sa harap ko, nakita kong nakatingin si Rome sa kamay ni Bae na nasa bewang ko, nakita kong napansin ito ni Gel, nakasimangot siya. Napangisi ako.
"Exciting! Mukhang maganda ang mangyayari rito." bulong ko sa sarili ko.
***
RAY
Sinubo ko ang crema de fruta gamit ang stainless na tinidor. Dahil sa tamang tamis at texture nito ay napakasarap talagang nguyain at namnamin, heavenly kung baga pero hindi heavenly ang kinauupuan ko ngayon lalo na’t kaharap ko si Rome at Gel. Naramdaman kong may naiwan na icing sa labi ko, bahagya ko itong dinilaan sabay tingin kay Rome. Kitang-kita kong nakatingin siya, lalo kong ginandahan and pagdila ko na para bang nang-aakit sabay tingin ng malandi at malagkit sa kanya. Ewan ko kung bakit ko nagawa iyon, siguro ay dahil kanina pa niya ako tinititigan kaya ko naisip na makipaglaro sa kanya. Kinuha ni Rome ang baso na naglalaman ng nagyeyelong tubig at ininom ito, narinig ko ang tunog ng paghigop niya, medyo naparami ang inom niya ng tubig.
"I hope na-eenjoy niyo ang food." Sabi ko sabay ngiti.
"Oo naman, pero mas-enjoy ito kung naka-focus ka sa date mo." nakangiting sarcastic na sabi ni Gel. Siguro ay nakita niya ang ginawa ko, pero wala akong pakielam. Ano bang problema niya? kanya na nga si Rome eh, bakit pa siya nag-iinarte?
"Sa akin naman ang focus ng Ray ko ah." sabat ni Bae sabay kuha ng table napkin at pinunas ito sa labi ko.
"Thanks." sabi ko sabay ngiti. "Ang sweet ni Bae 'di ba?" sabay akbay sa balikat niya.
"Mas sweet 'dyan si Rome." sabay tingin kay Rome. Wala pang isang segundo ay hinalikan ni Rome si Gel sa pisngi, pagkatapos at inakbayan ito. Hindi ako nakakibo. Naalala ko kung paano niya ako inaakbayan noong nasa Beijing at Tokyo kami. Bakit ganoon? Mabigat ang nararamdaman ko pero wala akong maramdamang sakit gaya kahapon? Talaga bang namanhid na ako?
"You know what, there's this guy that Ray met last year in Tokyo. He was super sweet and protective." butt-in ni Bae. Napatingin ako sa kanya, putcha! Hindi niya alam na si Rome ang lalaking iyon, tumingin ako kay Rome, bakas sa mukha niya ang gulat. "I’m kinda jealous with that guy, kasi nakasama niya sa tour si Ray, and Ray is really fun to be with kaya alam kong nag-enjoy sila. Magkatabi pa nga silang natulog for two-nights eh, mabilis nagkagaanan loob nila kaya ganon and I’m sure sobrang saya ng bonding nila." dugtong pa niya.
Parang naging estatwa si Rome sa kinauupuan niya, siguro ay hindi niya inexpect na ikukwento ko siya sa iba.
Hinawakan ko ang braso ni Bae at pinisil ko ito.
"What? I'm just sharing it to them. Gusto ko malaman nila that you're a wonderful person, and that people love to be with you."
Tumingin ako kay Rome, nakita kong nakatingin siya sa akin ng diretso, si Gel naman ay nakatingin kay Rome, nakapinta sa mukha niya na naguguluhan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong naiihi at natatae, ano kayang naiisip niya? Baka mag-feeling ito ah, kala niya napakagwapo niya. Hmp!
"Kinukwento mo pala ang magagandang ala-ala natin sa iba." malumanay na sabi ni Rome. Nakasalubong ng mata ko ang mapungay niyang mata, kitang-kita ko ang pagkislap dito na dati ko na nakikita.
"So you're that guy? Ikaw rin ‘yun!?" bakas sa boses ni Bae ang pagkagulat.
"Interesting. Tingnan mo nga naman, hanggang Tokyo nakasunod ka sa Boyfriend ko." si Gel. Tumingin ako sa kanya. Naka-straight face ang mukha niya. Nag-init ang tenga ko sa narinig, hindi ko napigilang itaas ang kanang kilay ko.
"Correction, mag-isa akong nagpunta sa tour. Nagkita kami dun kasi tinabihan niya ako sa bus, then after that hindi na niya ako linubayan. In fact hindi ko siya namukaan, nakilala ko na lang siya noong last day ng tour."
Kinain kami ng katahimikan. Napaka-relaxing ng ambiance ng restaurant at ng soft music na naglalaro sa aming tenga, pero ramdam na ramdam ko ang tensyon sa amin. Ilang saglit pa'y binasag ni Gel ang katahimikan.
"Nakasama mo sa Beijing dati tapos hindi mo maalala? First love mo tapos hindi mo maalala? I wonder why... ilang lalaki na ba ang hinabol at linan... Oh never mind." sabay ikot ng mata.
Napatiklop ang kamao ko sa narinig. Gusto kong hablutin ang buhok niya at isubsob ang mukha niya sa maliliit na kandila na nasa lamesa namin, o ‘di kaya ay iumpog sa katabi naming higanteng salamin at bumaon ang mga bubog nito sa mukha niya. Huminga ako ng malalim, pilit pinakalma ang sarili. Inhale, exhale. Bigla kong naalala ang dahilan ng break-up nila ni Rome. Ngumiti ako, ngiting parang kontrabida.
"Gel, diretsuhin mo na nahiya ka pa, linandi? Tama ba? Well, honestly wala pa akong linalandi kasi sila ang lumalandi sa akin." sabi ko sabay pandidilat kay Rome. Wala akong pakielam kung ano isipin niya kasi malandi naman talaga siya. "Besides, ako dapat ang magtanong sa iyo 'nyan, ikaw, ilang lalaki na nga ba?" Hindi ko diniretso, I don't want to stoop down to her level, may class ako.
Hindi siya kumibo. Matulis pa rin siyang nakatingin sa akin habang kinuha ang tinidor at madiin niyang tinusok ang prutas na nasa plato niya, hindi ko alam kung anong prutas ‘yun dahil wala akong pakielam, nakikipagtikisan ang demonyong ito ng tingin sa akin eh, hindi ako papatinag. Kinain niya ang prutas.
“Ano ba itong prutas niyo rito sa hotel, maasim na nga mapait pa.” Sabi niya habang ngumunguya.
Kinuha ko ang tinidor, tinusok ko ang prutas sa plato ko at kinain ito, I showed her how to do it right with class.
“Matamis naman ah, baka pangit lang talaga ang taste mo.” Sabi ko sabay ngisi.
“Kung pangit ang taste ko, eh ‘di pangit rin ang taste mo kasi type mo ang boyfriend ko ‘di ba?”
Tumingin ako kay Rome. Nagtama ang aming mga mata. Inirapan ko siya at binalik ang tingin kay Gel.
“Hindi na, pangit na at kaya lang naging pangit kasi naging type mo. Ang tanong ngayon, type ka rin ba niya?” sabi ko sabay ngiti na nang-iinis.
Kinain kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ‘yun, siguro ay dahil kahit alam kong sila ni Rome ngayon ay dahil hindi ako convince o hindi ko makita ang dating sila? Ewan... Lumabas ang talas ng dila ko.
Pilit mang itago ni Gel ang inis ay basang-basa ko sa kanyang mga mata ang galit sa akin. Kitang-kita ko rin ang bahagyang paggalaw ng panga niya na parang nanggigigil at gusto akong upakan, pero wala akong pakielam. Ginusto niya sumawsaw dito eh. Baka nakalimutan niya ang ginawa niya sa akin noon. Pinahiya, binugbog, sinabunutan, sinampal, sinipa, at minura-mura niya ako. Inapakan niya ang pagkatao ko. Kahit kaunting respeto at awa ay wala siyang tinira sa akin dahil lang sa maling akala at pagseselos niyang wala sa lugar. Kaya kung may dapat magalit, ako ‘yun.
“Excuse me, I have to go. I'm a very busy person.” sabay tayo. Tumayo rin si Bae. Tumingin ako kay Rome na noo’y nakatutok ang mga mata sa akin. Nagtama ang aming mata. “Mr. Parrilla, see you tomorrow.”
ITUTULOY
Comments and feedback are welcome! Lalo na kung maiimprove ang story. Thanks for reading! ^_^
ReplyDeletePart 7 na agad
ReplyDeleteFriday-Sunday ang Chapter 7. Thanks for reading!
DeleteI love the park scene especially the part na naglakad si Ray sa kadiliman. Simple pero napakalalim ng pinapahayag. Nakakakilabot. It’s like he embrace the darkness and we all saw this on the next scenes. Ibang Ray ang humarap sa kanila. Kung hindi lang siya bida baka maniwala akong siya ang kontrabida sa kwento.
ReplyDeleteIsa lang masasabi ko sa lunch scene. INTENSE! Parang anumang oras magsasabunutan na si Ray at Gel.
Matagal man ang update pero worth it ang paghihintay. Cheers!
- Zefyr
Very observant reader ever since. I'm glad you noticed the symbolical thing here about Ray and the "kadiliman" and how he embrace it. Literally and figuratively, consciously and subconsciously. Mas gagandahan ko ang mga ganyang parts sa eBook version since masmahaba ang oras ko roon at may bayad 'yun. Hahaha!
DeleteThanks for reading! ^_^
Grabe ang asaran at tense sa double date na ito, sana sa susunod na pagkikita wala na yung dalwa ng extr na si gel at bae panggulo at pang sakit sa ulo
DeleteThanks for reading! :-)
DeleteMarami kang backup Ray upakan mo na si Gel!!!! bwisit na bruhang yan epal-epal kapal ng mukha siya pa ang galit siya naman nanakit kay Ray.... nanlalamig kamay ko nakakagigil ikot ang puwet ko saradong-sarado na. nakakadala.
ReplyDeleteKalma. Hahaha!
DeleteThanks for reading! :-)
un na un eh hindi lang nakapagusap happy na sana sila. naguguluhan ako kay rome at gel ano ba sila?. subrang tapang ni ray!!!!
ReplyDeleteThanks for reading! :-)
Deletehe he he nice confrontation act, parang sa pelekula ah, nice one author. be sure na magpagaling ka muna, baka mabinat ka mr. author! anyway tnx for the update.
ReplyDeleteThanks sa concern. Sana patuloy niyong basain ang story ko. Salamat!
Delete*basahin
DeleteGustong-gusto ko yung double date scene, kung san nakikipagpalitan ng maanghang na salita yung bida sa kontrabida. Isa yun sa mga nakakadagdag flavor sa story. Kudos to you sir White_pal
ReplyDelete-RavePriss
Sure kang kontrabida si Gel dito? Hindi ba antihero lang? Hehe. Abangan ang totoong Kontrabida, SOON.
Delete