AUTHOR'S NOTE
Next update will be on Monday or Tuesday.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. I need to rest at puyat ako kagabi dahil sa Christmas, dami bisita. ^_^
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
"DEAR STRANGER" (BOOK 2)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER EIGHT
RAY:
Naramdaman ko ang paglapit niya ng kanyang bibig sa aking tenga, bahagyang dumikit ito sa aking balat. Nagdulot ito ng kuryente sa akin, gumapang ito sa aking katawan. Naramdaman ko ang mainit niyang hinga, hindi ako makagalaw, parang sa isang iglap lang pwedeng may mangyari na hindi ko alam kung gugustuhin ko o ano. Huminga ako ng malalim. Napatayo ang balahibo ko at nanginig ang aking kalamnan.
“Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.”
Malambing na sabi ng malaki niyang boses, I became petrified. Ang katawan kong akala ko’y walang buhay ay unti-unting nagkaroon ng emosyon. Naglaro ang bulong niyang iyon sa aking tenga, para itong musika na dulot ay pag-alis ng kaluluwa ko sa aking katawan. Para akong lumulutang. Nawala ako sa katinuan. Tanging ramdam ko lang ay ang init ng kanyang hinga at init ng kanyang balat na naka-balot sa akin. Pakiramdam ko’y naging isa ang awit ng aming mga puso.
Uminit ang noo ko, tinukod niya pala ang noo niya rito. Isang mainit na hinga ang bumalot sa aking mukha. Mula sa aking likod ay gumapang ang palad niya papunta sa aking leeg hanggang sa nakarating ito sa aking pisngi, nakakakuryente, nakakakilabot. Lalong bumigat ang paghinga ko.
“Aishiteru.” Bulong niya na musika sa aking pandinig. Lumulutang na ako sa alapaap, nawawala na ako sa katinuan, pakiramdam ko’y umiikot ang diwa ko. Naramdaman kong less than one inch na lang ang labi niya sa labi ko.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla kong naalala ang mga nangyari noon sa amin, isang napakalakas na hampas ng realidad. Malakas ko siyang tinulak palayo. Dumilat ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Mabilis kong tinumbok ang pinto ng kanyang kwarto at lumabas, agad akong pumasok sa katabing kwarto na siyang kwarto ko. Malakas kong binagsak ang brown na pintong gawa sa mahogany, tinukod ko ang likod ko rito. Ngayon ko lang napansin na napakabilis ng tibok ng puso ko. Inhale, exhale.
“Did he say Aishiteru? Sinabi niya bang kahit ganito na ako ay mahal niya pa rin ako? Na hindi niya ako susukuan?” pabulong kong sabi na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Malakas kong sinampal ang magkabila kong mukha.
“No! No! No! Hindi... Pinagtitripan ka lang niya Ray... Ayan ka na naman eh...” sigaw ko. Inakap ko ang aking sarili, it’s like my subconscious self is telling me to protect myself from him. Muling kong naalala ang mga sinabi niya kanina, paulit-ulit itong umeecho sa aking utak, napakalinaw.
Sinabi ba niyang mahal niya ako? Totoo ba ‘yun? Kung totoo ‘yun bakit may Gel pa siya? Ano ba si Gel? Ano ba ako? Putangina nalilito na ako.
“Shit!” sigaw ko na umalingawngaw sa aking kwarto.
Ilang saglit pa’y naalala ko ang sinabi ni Gel kanina – “Kahit ano pang sabihin mo, ako ang pipiliin niya. Babae ako, at lalaki si Rome!”
Tama naman siya, ano bang laban ko? Babae nga naman siya, at kaya niyang bigyan ng anak si Rome. Samantalang ako ay hindi. Ano nga bang laban ko ‘dun? Ngayong nahimasmasan ako’y unti-unti kong narerealize na may punto si Gel. Kahit balibaliktarin ang mundo, sa huli, ako ang talo. Even this bullshit society be on Gel’s side, nangyari na nga noon eh, nagawa niyang paikutin ang lahat at ipahiya ako.
Lumingon ako sa aking kaliwa, nakita ko ang isang lalaki sa salamin.
Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng maskara. Malakas siya, matatag, matigas. Pero kapansin-pansin ang mga piraso niyang pilit pinagdikit-dikit gawa ng dalawang pangyayari sa kanyang nakaraan na dumurog sa kanyang pagkatao. Hindi ko na makita ang nasa likod ng maskara, ang batang ako na tanging hiling ay isang taong tatanggap at magmamahal sa kanya ng buo. Bakit hindi ko makita? Tuluyan na ba siyang nawala?
Ang bigat ng dibdib ko. Gusto kong umiyak, pero wala na akong malabas pa. Naisip ko na naman siya. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya kanina, pero paano? Gusto ko ring ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya, pero paano ko gagawin ito kung napagod na ako sa pagmamahal sa kanya?
***
RAY:
“2am na hindi pa rin ako makatulog. Bwisit!” sigaw ko sabay baling sa kabilang parte ng kama. Yinakap ko ang puting unan na hinihigan ko. Dati ay kumakalma ako at mabilis makatulog pag ginagawa ko ito, pero walang bisa ang malambot na unan ngayon. Mainit na rin ito gawa ng apat na oras na akong nakahiga at hindi makatulog. Shit.
Nakita ko sa kadiliman ang mukha ni Rome. Muli kong naalala ang mga sinabi niya kanina.
“Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.” Paulit-ulit na umeecho sa utak ko. Bigla namang pumasok sa utak ko ang sinabi niya sa akin last year sa Hakone Cable Car sa Tokyo pagkatapos naming pagsaluhan ang isang halik. “I’m sorry, hindi pwede ito.”. Naalala ko rin ang sinabi niya na hindi niya ako kayang mahalin bilang isang kasintahan dahil sa lalaki siya.
“Bullshit!” sigaw ko. Kinusot ko ang mukha ko, parang mabubura ito dahil sa pagkakadiin ng kusot ko. Hindi ko magawang kiligin sa mga pinagsasabi niya kanina dahil mas lamang ang mga ginawa at sinabi niya noon. Paano niya ako ipaglalaban kung hindi niya tanggap sa sarili niya kung sino siya? Mahal niya ako pero lalaki raw siya? Pinaglololoko niya ba ako? Tangina lang. Pinaka-ayoko sa lahat ay makipaglaro ng mind games eh. I don’t want to over-think things! I don’t want to complicate things! I hate it!
ROME:
Lalaki ako, pero mahal ko kita eh. Pwede naman ‘yun ‘di ba? Ang pagmamahal naman ay walang pinipiling kasarian. Eh sa mahal kita eh, ano bang magagawa ko?
Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa likod ng aking ulo. Nakita ko ang maganda mong mukha sa kadiliman. Napangiti ako. Ilang saglit pa’y napawi ang ngiti ko, naalala ko ang mga nagawa ko sa iyo noon.
“Sana patawarin mo na ako. Sana ‘wag mo nang isipin ang nakaraan. Ayoko na rin namang gawing kumplikado ang lahat sa atin eh, I just want to move forward with my plans in life. At sana ay kasama kita ‘dun.”
RAY:
Nag-inat ako. Nahawakan ko ang pader sa aking ulunan. Naalala kong nasa kabilang kwarto lang si Rome at tanging ang pader na ito lang ang harang sa aming dalawa. Muli kong naalala ang kanyang kwarto, putragis magkatalikuran ang aming kama at literal na isang pader lang ang pagitan namin. Napansin ko na lang na hinaplos ko ang pader. Mula sa pagkakahiga ay dahan-dahan akong lumuhod. Nakahawak pa rin ang dalawa kong kamay sa pader habang linalapit ko ang aking ulo dito. Dinikit ko ang tenga sa dingding, putragis ano ba itong ginagawa ko? Muli ko na namang naalala ang mga sinabi niya kanina.
“Sana totoo lahat ng sinabi mo. At sana ganoon kadali ang lahat para sa atin. Kasi totoo lang Rome, gusto ko rin namang ipaglaban ka eh, pero paano naman ang sarili ko?” bulong ko sa pader na parang kinakausap ko siya.
ROME:
Nasabi sa akin ni Jess na nasa kabilang kwarto ka lang natutulog. Lumuhod ako sa aking kama, dahan-dahan kong inangat ang dalawa kong kamay at dinikit ito sa pader. Dinikit ko ang aking tenga sa pader. Pumikit ako. Pilit hinahanap ng tenga ko ang hilik mong parang barena, ngunit bigo ako. Siguro ay gising ka pa? Kung gising ka pa, naiisip mo ba ako? Kasi ako iniisip kita. Sana tumatak sa iyo ang mga sinabi ko kanina.
“Lahat ng sinabi ko sa’yo kanina ay totoo. At sana ganoon kadali ang lahat para sa atin. Kasi totoo lang Ray, kaya kitang ipaglaban eh, pero paano kita ipaglalaban kung hindi mo ibababa ang ego mo?” bulong ko sa pader na parang kausap kita.
RAY:
Nakiisa ang temperatura ng aking kwarto sa lamig na aking nararamdaman. Muli kong naramdaman ang pangungulila sa kanya. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa kanya, hindi ko maikakailang nalulungkot ako at gusto ko siyang makita.
Tinukod ko ang aking noo sa pader. Alam kong imposibleng marinig niya ang sasabihin ko pero gagawin ko pa rin. Bumulong ako.
“Aenakute samishii.” My voice was soft and light textured. It’s full of sincerity as if it was naked and transparent.
ROME:
Tinukod ko ang noo ko sa pader. Malamig man ang kwarto ko’y ramdam ko pa rin ang init ng pagmamahal na nagliliyab sa aking puso. Nakaramdam ako ng lungkot, gusto kitang hagkan, gusto kitang makita. Nabalot ng luha ang aking mga mata.
“I miss you.”
***
RAY:
“Teh na-miss kita!” sigaw sa akin ng kaibigan kong si Lyn sabay akap sa akin. Inakap ko rin siya.
“Para namang hindi tayo laging nag-uusap sa messenger.” Sabi ko sabay kalas at lakad, sumabay siya. Dumaan kami sa isang puno, nagbigay ito ng lilim sa amin mula sa araw.
“Eh ganun talaga. Anyway, saan ba dito yung office nung boss ko na jowa mo?” Rinecommend ko kasi siya, eh kakilala naman siya ni Rome since mag-schoolmate sila noong high school.
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya habang tinataas-taas pa ang kilay na parang nang-iinis. Putragis.
“Excuse me! Hindi ko siya jowa!” humalik ang malamig na hangin sa aking balat, kasing lamig ng nararamdaman ko sa taong tinutukoy niya. Malamig nga ba? Pero bakit pag naalala ko ang nangyari kahapon na ang dulot sa akin ay kilig? Tsk!
“Hindi raw... Pero kitang-kita ko dati sa school na lagi kayong magkasama, hindi kayo mapaghiwalay. Lagi ka pa nga niya binibigyan ng chocolate at biscuit eh, tapos kami hindi. Hmp! Kahit nung una pa lang sa Beijing, balita ko dikit na dikit kayo sa isa’t-isa. Kaya pinagselosan ka nung girlfriend eh. Haba ng hair mo teh!”
“Ewan ko sa iyo.”
“Kilig ka naman.”
“Che. Imbento ka. Oh eto na tayo.”
“Ang lapit lang pala!”
“Oo at manahimik ka na ha? At baka kung ano pa marinig niya mula sa iyo. Baka ano pa isipin nun.” Sabi ko sabay pasok sa isang building.
“Kahit nandyan siya, aasarin pa rin kita sa kanya.” Sabi niya sabay halakhak. Napailing ako. Bwisit. Sa totoo lang dapat ay kinikilig ako pero inis ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil ito sa sama ng loob ko sa taong ‘yun.
Umakyat kami ng ilang palapag at pagkatapos ay naglakad sa hallway. May isang pinto sa aking kaliwa, binuksan ko ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, what on earth is she doing here!?
“Huy Kim! Nandito ka!?” sigaw ko.
“Yes! Surprise!” sabi niya. Bumukas ang pinto sa likuran ni Kim, linuwa nito si Jess.
“Oh my gosh Jess!” si Lyn sabay takbo at akap kay Jess. “In fairness hindi ka na bamboo stick ngayon, pumpkin ka na!” sabay halakhak. Classmate ko kasi si Jess at Lyn noong high school. After college, naging kaklase ko rin sila sa Nihongo. Matalik talagang magkaibigan ang dalawa.
“Grabe, hindi naman ako katabaan para maging pumpkin. Si Ray dapat ang pumpkin.”
“Ulul. Malaman ako, hindi mataba. Average ang katawan ko nuh.” Sabi ko sabay cross-arm.
“Oo nga eh, bagay na bagay sa iyo.” Sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Humarap ako. Nakita ko siya kasama ang matamis niyang ngiti, bakat sa pisngi niya ang malalim na dimple. Gosh, nanlalambot na naman ako, ngayon ko na lang ulit ito nakita! Huminga ako ng malalim. Hindi pwede ito, galit ka sa kanya Ray ‘di ba?
“Sige na Ray, akapin mo na si Rome!” sigaw ni Lyn sabay tulak sa akin. Bumagsak ang katawan ko sa katawan ni Rome, sinalo niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Parang may invisible magnet ang dulot nito sa akin, hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Nakakatunaw. Biglang gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag. A sudden pang of electricity hit every nerve in my body. Nakakakilig.
“Ang sarap mo pa ring akapin.” He whispered in a clear, rich, light but manly tone.
Malakas ko siyang tinulak. Tumalikod ako. Nakita ko ang tatlong kaibigan kong nakangiti. Napangisi ako. Bwisit na mga ito.
“Ngapala, guys naalala niyo ba si Kim?” pag-divert ko ng attention ng lahat. “She was our schoolmate in high school, then naging classmate ko noong college.”
“Yeah.” Sagot ni Lyn.
“Wait guys naguguluhan ako... What are you two doing here?” tanong ko kay Kim and Jess.
“I asked Jess para tulungan ako sa I.T. ng office. Kahapon nalaman ko na nandito si Kim dahil sinamahan niya ang ilang VIP tourist niya na nagtotour ngayon sa Japan. I asked her kung pwede ba niya ako matulungan sa plan ko with Mr. Kyou since isa siya sa business partner nito. Pumayag naman siya, and gusto niya rin ulit mameet si Mr. Kyou.”
“Dude umalis siya papuntang US nung kamakalawa.”
“It’s fine. Hintayin ko pagbalik niya.”
Nasa ganoon kaming pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Agad na lumapit si Lyn at binuksan ito. Nakita ko ang isang lalaking may dalang boquet ng flowers, kinausap ito ni Lyn at ilang saglit pa’y umalis na ang lalaki.
“Kanino raw yan? Sa manliligaw mo ano?” sabi ko sabay ngiting nang-iinis. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
“Iie.” Sabi niya na ang ibig sabihin ay “No”. Ngumiti siya at inikot-ikot na naman ang mga mata na parang kinikilig. “Sa iyo ito Ray.”
“What!?” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Seryoso ba siya?
“Oo. Kaya lang hindi naman sinabi kung kanino galing. Wala ring nakalagay dito sa card.” Sabi niya habang tinitingnan ang card na may pangalan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Para akong naging estatwa sa narinig. Umikot ang mga mata ko, nakita kong nakatingin si Kim at Jess kay Stranger. Tinahak ng mga mata ko ang kinatatayuan ni Rome. Nagtama ang aming mata. Hindi ko ito mabasa pero bakas sa mata niya ang pagkagulat. Nakita kong tiningnan niya ang bulaklak.
Hindi ko maiwasang hindi isipin na sa kanya galing iyon. Kasi ba naman, bakit sa opisina niya pa ito idedeliver nung lalaki? Dumating din ang bulaklak pagkarating ko rito. I’m not expecting na galing ito sa kanya pero muli kong naalala ang mga sinabi niya kahapon.
“Aishiteru din Ray ko.” Paulit-ulit na boses niyang umeecho sa utak ko. Nakakakilig. Nakakatunaw. Nakakapanlambot.
Napansin kong muli niyang tinuon ang mga mata sa akin. Muli kong nakita ang mga bituin. Nabingi ako sa naalala kong sinabi niya kahapon – “Hindi kita susukuan... Kasi mahal na mahal kita.”.
ITUTULOY
Thanks for reading! ^_^
ReplyDeleteComments and suggestions / feedback are welcome.
Salamat sa update. Ingat.
ReplyDeleteThanks for reading! ^_^
Deleteomg ang ganda talaga ng story na ito sarap ulit ulitin...nakakapositive vibes lagi.....keep it up.....👏👏👏👏👏
ReplyDeleteThanks for reading! :-)
DeleteAng konti pero salamat sa update.
ReplyDeleteGOD BLESS!
If you buy a book makikita mo na hindi po ito konti o maiksi. Nasanay lang po kayo sa ibang story na ang isang chapter ay kasing haba ng isang buong pocketbook. Hehehe. :-)
DeleteKidding aside, thanks for reading. GOD BLESS! ^_^
Naiiyak ako sa update na to.....
ReplyDeleteBakit ka naiyak?
DeleteThanks for reading! :-)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng cute talaga nung mga scene na coincedental nila ginagawa halos sabay at nagsasagutan sila ng di nila alam, haha. THANKS po sa update.
ReplyDelete-RavePriss
Thanks for reading!
DeleteMasaya akong nagustuhan mo ang mga scenes na ganoon. May nakapagsabi sa akin na parang 'yun nga nagiging signature ni Ray and Rome eh which is para sa akin is a good thing. :-)