Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D
Merry Christmas po sa inyong lahat! And I'm sorry kung hindi po ganoon ka-romantic ang storya ni Aulric. Kasi hindi naman talaga. Have fun po, chapter 39. Muli, Merry Christmas!
Merry Christmas po sa inyong lahat! And I'm sorry kung hindi po ganoon ka-romantic ang storya ni Aulric. Kasi hindi naman talaga. Have fun po, chapter 39. Muli, Merry Christmas!
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38
Chapter 39:
Family
Knoll's POV
「6 months ago...
“Tagay pa pre!" utos ko kay Isaac habang nagsasalin
siya ng beer sa baso ko.
“Hay nako pre! Siguradong yari ako nito sa mga magulang ko
dahil hindi ako makakauwi sa amin," reklamo ni Isaac.
“Uminom ka na rin lang, lubus-lubusin mo na. Hindi ba
boss?" sabi ni Caleb
“Matanong ko lang guys, lasing na ba kayo?" tanong ni
Andrew.
“Hindi pa," natatawang sagot naming tatlo ni Isaac, at
Caleb.
“Mga sinungaling!" asik ni Andrew.
Tumawa kami ng malakas dahil sa pagsisinungaling namin.
Umiikot na ang aking paningin, hindi makalakad ng maayos, definitely, lasing na
nga kami.
“Alam niyo, tigilan na natin ito. Umupa na tayo ng kwarto
malapit sa dito at magpalipas ng gabi," suhestyon ni Isaac. “Ayos ba iyun
sa inyo?"
“Oo. Ayos iyun kung nakakalakad kami," natatawang
sabat ni Caleb. Lasing na nga talaga ang taong ito.
“Tama si Caleb. Ako nga, hindi na makalakad ng
maayos," dagdag ko. “Andrew, Isaac, kaya niyo ba kaming alalayan?"
“Aba, siyempre! Kaya ko pa naman," wika ni Andrew.
“Okay. Tara na."
Tumayo na sila Isaac at Andrew para alalayan kami ni Caleb
sa pinakamalapit na kwarto na maupahan namin. Ilang metro lang ang nilakad
namin at nakarating na din kami.
“Anim na kama please. Para po sa mga lasing na lasing
naming kasama," halos pataas na boses na sabi ni Isaac sa receptionist.
Pagkatapos bayaran ang mga kwarto, ibinigay na kay Isaac
ang mga susi. Bah! Umiikot na talaga ang paningin ko. May nakikita ako pero
medyo malabo na.
Bigla naman akong bumagsak sa hallway.
“Aray! Ang sakit!" sigaw ko. “Andrew, ano ba ang
ginagawa mo? Binagsak mo ako!"
“Pasensya na pare. Halos hindi ko na kaya," rinig kong
wika ni Andrew.
“Hay! Ako na ang bahala sa inyo pagkatapos ni Caleb,"
rinig kong sabi ni Isaac. “Diyan lang kayo at huwag kayong gumawa ng
gulo."
Sinubukan kong humiga sa aking pagkakadapa sa sahig.
“Bilisan mo Isaac. Gusto ko ng matulog."
Maya-maya, may pigurang bumuhat sa akin at dinala ako sa
isang kwarto. Ang bango-bango ng taong bumuhat sa akin. Teka? Hindi ito si
Isaac. Hindi naman iyun gumagamit ng pabango dahil may allergy siya.
“Sino ka?" tanong ko.
“Sino ka din?" pasarkastikong tanong din ng bumuhat sa
akin na may pamilyar na boses. Teka? Kilala ko ang boses na ito.
“Uy! Nandito ka pala babe."
“Uhh! Yeah, nandito talaga ako."
Naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa labi ko.
Napakainit talaga gaya ng karaniwan naming ginagawa. Buti na lang at nandito
siya ngayon sa kwarto ko at sinasamahan ako sa aking mainit at masayang gabi.
Tuwang-tuwa talaga ako nang malaman na approve na approve ang parents niya sa
akin. Kahit na naungkat ang nakaraan namin ni Camilla na lagi ko siyang
binu-bully.
“I love you," sabi ko sa pagitan ng halikan namin.
“I love you too," tugon niya.
Halos nagliparan na ang aming mga damit sa bilis naming
maghubad. Ni hindi ko nga siya tinulungan na maghubad. At ang wild pa ni
Camilla. Ganito ba talaga siya dati pa? Tandang-tanda ko pa, masyado siyang
mahiyain kapag ginagawa namin ito. Kahit na alam kong maraming beses na iyun,
hindi pa rin nawawala sa kaniya ang hiya. Ang cute niya kaya. Pero ngayon, mas
higit pa siya sa cute. She is so damn sexy for me.
“Ipasok mo na please," pakiusap niya.
Ito na siguro ang pinakaminit naming gabi. Nakakapaso ang
mga halikan namin tanda na mahal na mahal namin ang isa't isa. Iniisip ko,
magmamarka ba iyun sa mga katawan namin? Ang tanda ng aming pagmamahalan. Hindi
ko alam kung nakailang rounds kami. Kung may suot ba akong condom o wala.
Basta, bahala na kung may mabuo. Tutal, mahal ko naman siya. Pananagutan ko ang
bata, makasama ka lang habangbuhay.
Isang nakakasilaw at mainit na liwanag ang nagpagising sa
aking diwa. Hindi ko pa lubusang maimulat ang aking mata sa sobrang sakit na
nadarama sa aking ulo. That was one hell of a night for me and Camilla.
“Good morning Camilla," bati ko sa kaniya nang namulat
ako.
Pero ang nadatnan ko lang ay ang isang pigura ng babae na
umalis. At masasabi ko na napaka-sexy naman manamit ni Camilla ngayon. Siguro,
nag-research siya kung anong mga babae ang tipo ng iba't ibang lalaki sa mundo
na ito. Hay nako! Siya lang, okay na ako. Pero hindi ko lubusang makita na si
Camilla ang umalis pero sigurado ako. Dahil kung hindi, sino kaya iyung kasama
ko na nakikipagsiping sa akin kagabi? Isang prostitute?
Nag-ingay ang aking phone. Narinig ko ang ingay nito na
nasa sahig ng kwarto. Bumangon ako para hanapin ito sa sahig. Pagkakuha ay
natawa ako. Si Camilla ang tumatawag sa akin, ehh kaaalis lang niya?
“Hoy, asaan ka na Knoll?!" sigaw ni Camilla. “Nandito
ako sa bahay mo pero wala ka dito!"
Nanlambot ako bigla. Ibinaba ko agad ang phone at napaupo
ako sa kama. Lagot ako nito. Sino ba iyung kasiping ko dito sa kama kanina?
Aulric's POV
“Guys, emergency meeting," basa ko sa mensahe ni Knoll
sa phone habang nasa Drama Clubroom. May sinalihan pa ba akong isang club?
“Ano kaya ang problema?" tanong ni Caleb na binabasa
din ang parehas na mensahe.
“Problema? Iyung mensahe?"
“Well, matagal na kaming magkakaibigan. Noong sumabit si
Isaac, ano, nagpatawag ng emergency meeting."
“Noong sumabit si Isaac? Aba, napakainteresante. Pwede ko
bang malaman?"
“Ughh, hindi pwede," pagtanggi ni Caleb. Ay! Sayang!
Hindi ko pa pala mapapasok ang mga puso ng mga taong ito.
Humugot ako ng malalim na hininga. Iniisip iyung nangyari
kanina kung bakit hindi pumasok si Zafe sa mga natitirang naming klase namin.
Pati na rin si Colette. Hindi siya pumasok sa mga natitirang klase namin, o
baka wala talaga siya sa mga klase namin na iyun. Hay! Pakialam ko ba.
Dumating na ang oras ng emergency meeting namin. Nagkita
kami sa isang Karaoke room. Nagtaka ako na wala si Shai at Camilla.
“Teka? Bakit kasama ka Aulric?" nagtatakang tanong ni
Knoll.
“Wow! You fail on hurting my feelings Knoll," retort
ko. “Tineks mo din kaya ako. Gusto mo patunay?"
“Hay! Kaibigan na natin si Aulric kaya ayos lang iyan. At
tsaka baka kailangan natin ang lahat ng tulong kung kinakailangan," sabat
ni Andrew.
“Bakit? May katawan ba tayong ililigpit?" excited kong
tanong.
“Hindi. Wala tayong katawan na ililigpit," sabi ni
Knoll. “Hay! Bahala na nga! Isali niyo dito si Aulric."
“So? Ano? Ano ang problema? May sumabit na naman ba? Ako na
naman ba?" tanong ni Isaac.
“Umm, guys, ako ang may problema ngayon."
Napatingin kaming lahat kay Knoll. Bigla namang naging
tensyonado ang mga taong ito sa simpleng salita lang na sinabi niya.
Humugot ng malalim na hininga si Knoll. “May nabuntis
ako."
“Congratulations!" bati ko. “Si Camilla ba iyan?"
“Ayun nga ang problema. Hindi iyun si Camilla."
“Ohh, hindi, hindi, hindi," paulit-ulit na sabi ni
Isaac. “Huwag mong sabihin na iyung binuntis mo ay si Isabela Dominguez?"
Nasapo ko ang aking ulo matapos marinig ang pangalan ng
nakakairitang babaeng iyun. Hindi ako makapaniwalang pinatulan iyun ni Knoll.
How unfortunate!
“Wait, kailan ito nangyari? Noong mga bandang Enero? Mga
bandang bagong taon?" tanong ni Andrew.
“Noong nagalit sa inyo si Camilla?" dagdag ko.
“Oo. Sa mga oras na iyun," nahihiyang pagtatapat ni
Knoll.
Napailing na lang ako. “How unfortunate! It's either bulag
ka or lasing ka noong pinatulan mo ang babaeng iyun."
“Umm, yeah. Lasing ako ng mga gabing iyun kaya nangyari
iyun.” Kiniwento ni Knoll ang buong pangyayari noong araw na nagalit sa kanila
si Camilla. Ooops! Isa talaga itong problema.
“So kaya kailangan mo ang tulong ng lahat? Anong tulong
naman?”
“Suggestions, comments, ano ang dapat kong gawin? Ayokong
malaman ito ni Camilla at baka masaktan siya? Ayokong mangyari iyun.”
Nag-isip lahat at napatahimik. Hay nako! Kung nagmamadali
lang ako at walang pakialam, nagsalita na dapat ako. Pero baka naman imbes si
Camilla ang masaktan, mauna pang masaktan ang mga taong ito.
“You know what guys, ito ang bagay na hindi na dapat
pag-isipan pa dahil iisa lang naman ang kahahantungan nito. Malalaman din naman
nito ni Camilla at masasaktan pa rin siya. Buying us time won’t help,” pranka
kong sabi. “Worst case scenario, mag-ipon na kayo ngayon ng lakas ng loob at
sabihin ngayon kay Camilla ang totoo bago pa kayo pagbubugbugin ni Shai.”
“No Aulric. May ibang paraan pa naman siguro na hindi kami
mabubugbog ni Shai,” wika ni Isaac.
“Ilang months na ba sa tingin mo ang tiyan ni Isabela?”
tanong ni Caleb kay Knoll.
“Around 6 months na siguro,” sagot niya. Hmm,
nakakapagtaka. Hindi ba dapat, halatang-halata na ang tiyan ni Isabela sa mga
tao lalo na sa mga magulang niya? Ito iyung mga oras na magtatakwilan ang mga
tao dahil buntis ang pinakamamahal nilang careless na anak hindi ba?
Nakakapagtaka. O baka hindi lang ganoon ang pamilya ni Isabela. Media control
kaya?
“Tayo pa lang ba ang nakakaalam nito? Si Isabela kaya, alam
ba niya na ikaw ang ama ng dinadala niya?” tanong ko sa naka-hotseat.
“No. Not yet. But I’m sure na sa akin ang dinadala niya.”
Biglang nakahanap ako ng butas sa mga sinabi niya. Ang sipag. Gusto talagang
akuin ang bata.
“Teka? Bakit mo naman aakuin ang bata na nasa sinapupunan
niya? Bakit mo naman sinasabi na siguradong-sigurado ka na sa iyo talaga ang
dinadala niya? Hindi ba pwedeng, baka iba ang ama nung bata na dinadala niya?”
tanong ni Andrew. May point siya.
“Paano naman natin malalaman iyan?” tanong ni Isaac.
“Tanungin siya directly?” suhestyon ni Caleb.
“Sino naman ang magtatanong? Ako?” sabi ni Knoll.
“No. Hindi ikaw dapat ang magtanong. Mahirap na. Baka
sabihin niya na ikaw talaga iyung ama ng bata kahit hindi naman,” sabi ko.
“Oo nga. Baka hindi talaga ikaw ang ama ng bata Knoll?
Balita ko, maraming nakakasiping iyung Isabela na iyun. Baka ibang lalaki ang
may-ari ng bata. Baka hindi ikaw,” wika ni Caleb.
“Guys, anong ginagawa niyo dito?” tanong ng isang pamilyar
na boses mula sa pintuan ng kwarto. Si Camilla kasama si Shai.
“Hi babe! Umm, nag-o-audition kami dito sa Karaoke room
para sa papalapit na birthday mo,” pagdadahilan ni Knoll.
“Oo. Tama. Audition para sa kung sino ang kakanta sa
birthday party mo, or debut ba iyun? Malapit na iyun hindi ba?” pag-suporta ni
Isaac. Wow! Ang mga taong ito, handa na sa mga palusot nila.
“Nandito ka rin Aulric?” tanong ni Shai pagkakita sa akin.
“Yeah. Nandito ako. May lihim kasi kaming pinag-uusapan,”
pasarkastiko kong sabi. Tumingin naman ang lahat sa akin. Pinapahiwatig nila na
hindi ko sabihin ang talagang pinag-uusapan naming kanina. Napansin naman ito
ng dalawang babae na tumingin na din sa akin.
“Aulric, ano talaga ang pinag-uusapan ninyo?” tanong ni
Shai.
Humugot ako ng buntong-hininga. “Siyempre, ano pa ba? Kung
sino ang kakanta sa debut ni Camilla. Nag-text kasi sila sa akin na pumunta,”
tahasang pagsisinungaling ko. Nakahinga naman ng maluwag ang iba sa isinagot
ko.
“At dapat sana, surprise ito babe. Ayokong ipagtabuyan ka
ngayon kaya lang, pwedeng umalis na kayo? Mauna ka ng umuwi babe. Babawi na
lang ako sa iyo next time.” Pinaghalik ni Knoll ang kanyang palad habang
nakikiusap.
“Oh! Yeah! Naiintindihan ko. Pasensya na. Na-curious lang
ako dahil kasama niyo si Aulric dito,” wika ni Camilla. Aw! Ganoon ba?
“Have fun guys. Alis na kami,” paalam nila Shai. “Bye.”
Umalis na ang dalawa. Nakahinga ulit ng maluwag ang mga
lalaking ito. Nahalata kaya ni Shai na nagsisinungaling ako?
“And back to our main conversation, siguro, kailangan
nating imbestigahan kung si Knoll ba talaga ang ama ng dinadala ni Isabela o
hindi,” suhestyon ko. “Dapat ay makasigurado tayo. Mamaya, salita tayo ng
salita na sa atin iyung bata, iyun naman pala ay hindi.”
“Yeah. May punto si Aulric,” pagsang-ayon ni Isaac. “Okay
ba iyun sa iyo Knoll?”
Humugot ng malalim na hininga si Knoll. “Sige. Sang-ayon
ako. Pero teka? Paano itong inimbentong alibi natin? Kakanta ba talaga kayo sa
debut ni Camilla?”
“Ano pa ba? Kailangan nating panindigan,” sabi ni Knoll.
Natapos na ang meeting naming iyun. Nagkanya-kanya na sila
habang ako naman ay bumalik sa eskwelahan para kunin ang aking bisekleta.
Tatanggalin ko na sana ang kadena ng aking bisekleta nang may naalala ako na
dapat gawin. May dapat akong gawin sa aking bagong rentang locker.
Sisiguraduhin ko na malinis ito bago ako magpasok ng mga bagay-bagay.
Medyo madilim na ang paligid at ang mga estudayante ay nagsisimula
ng magsialisan. Nang pumunta ako sa aking locker, may napansin akong silhouette
ng tao na nakatayo. Naglakad naman ito paalis nang nakalapit ako. Hindi ko
naman malaman kung kilala ko ba ang taong nakita o hindi. May sira kasi iyung
ilaw kaya hindi ko nalaman kung sino. Pero ano bang pakialam ko?
Pagkabukas ng locker ko, medyo nagulat ako nang may maliit
na papel na nahulog mula dito. Kinuha ko ang papel. Dahil sa tinatamad ako na
alamin kung ano ito, nilagay ko na lang ito sa bulsa ko. May flashlight naman
ang phone ko at ginamit ko na lang ito para malaman kung malinis ba ang locker
ko.
Nang masiguro ko na malinis ang aking locker, lumabas na
ako at bumalik doon sa parking lot kung saan nakalagay ang aking bisekleta.
Naalala ko naman ang parang papel na napulot ko sa aking locker. Maliwanag na
maliwanag dito kaya makikita ko na ito ng malinaw.
Nanlamig ang aking pakiramdam nang makita kung anong meron
sa papel. Hindi pala ito isang papel. Isa itong litrato. Litrato namin ni
Randolf. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito iyung mga panahon na pinatay ko
iyung holdaper sa dilim.
Tumingin ako sa likod ng litrato kung may nakasulat na
mensahe o kung anong pangalan para malaman ko kung sino ang nagpadala. Walang
nakalagay. Inaasahan ko pa naman na baka si Mr. Wolf ang nagpadala. Pero
mukhang hindi siya. Marahil ay iyung taong nakita ko sa locker ko ang naglagay
nito. Sino kaya ang taong iyun? At ano ang nais ipahiwatig ng litratong ito sa
akin? Bina-blackmail ba ako ng taong nagpadala ng litratong ito?
“Aulric,” tawag sa akin ng boses ni Zafe.
Pagkarinig ng boses niya ay agad na itinago ang ko larawan.
Nag-angat ako ng tingin at nakita siya na papalapit pa lang sa aking
kinatatayuan.
Humugot muna ako ng malalim na hininga. “Zafe, nandito ka
pa pala. Akala ko, umuwi ka na sa inyo,” sabi ko.
“Yeah. Nandito pa rin ako sa eskwelahan.” Tumigil siya sa
aking harapan at tiningnan ako.
Hindi ko naman maiwasan na tumingin sa mga mata niya.
Iniisip ko kung ano na naman kaya ang kailangan ng taong ito? Pero iyung tingin
niya sa akin ngayon, walang nagbago. Ganoon pa rin. Magtatanong ba ako kung
anong nangyari sa pag-uusap nila ni Colette?
“Ano pala ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Colette?”
“Wala,” iling niya. “Pinag-usapan lang naman namin ang
tungkol sa nakaraan. Ano, naparito ako para yayain ka na sumabay sa akin na
umuwi.”
“Ha? Ayoko!” agad na pagtanggi ko. Hindi na naman siguro
sinamahan ni Ricky.
“Sige na. Samahan mo na ako pauwi. Wala si Ricky ehh.
Sumabay kay Shai.”
“Ahh? Ganoon ba? Kung ganoon, manigas ka. Ayokong sumabay.”
“Please? Sumabay ka na please?” pakiusap pa niya.
“Paano itong bike ko? Saang parte ba ng sasakyan mo
mailalagay ito? Ano? Maiiwan na naman ang bike ko? Gagastos na naman ako para
makapunta dito sa unibersidad?”
Napangiti siya habang nagsasalita ako. Nang-iinis ba ang
taong ito? Huwag kang ngumiti. Nakakapanghina ang mga ngiti niya.
“Sige. Sa susunod na lang. Hayaan mo. Next time, pwede mo
ng isama ang bike mo para makasabay ka sa akin. Sige Aulric. Mag-iingat sana
ang mga tao sa iyo,” paalam niya saka naglakad na papunta sa sasakyan niya
marahil.
Habang sinusundan siya ng tingin, medyo nadismaya ako dahil
hindi pa niya ako kinulit na sumakay sa sasakyan niya. Sumisigaw kasi ang
likuran ng utak ko na mag-inarte pa. Hay! Ewan. Ang totoo, may problema pa
dapat akong harapin.
Sumunod na araw, nabalitaan ko na lang na lumipat ng
section si Zafe. Hmm, iniiwasan niya si Colette? How inconvenient. Lagi na
tuloy akong magdadasal nito na hindi maging kagrupo si Colette sa mga group
activity namin. Kung maaari, ihihiling ko talaga na mag-solo na lang ako.
Tutal, kaya ko naman. Ayokong-ayoko talaga sa babaeng ito.
Sa araw ding ito, nagpatuloy naman ang pag-iimbestiga namin
kung talagang si Knoll ang ama ng batang dinadala ni Isabela. Nakita ko ulit si
Isabela at ngayo’y makikita mo na may dinadala talaga siyang bata.
“Spying on someone?” tanong ni Kurt na nasa likuran ko.
Nagulat ako at hinarap siya. Aba! Wala iyung girlfriend
niya.
“Hi Kurt. Magandang hapon,” bati ko.
“Magandang hapon din Aulric,” bati din niya. Tumingin siya
sa aking likuran. “You are spying on Isabela tama ba?”
“Ha?” Tumingin ulit ako sa aking likod at humarap sa
kaniya. “Ahh? Si Isabela? No. Hindi ko ginagawa ang bagay na iyun. Schoolmate
ko kasi siya dati at nabalitaan ko na buntis daw siya. Gusto kong makita ng
dalawang mata ko kung totoo.”
Napatango siya. “Ganoon ba?” Teka? Baka may alam ang
lalaking ito.
“Sino nga pala ang ama ng dinadala?” agad na tanong ko.
“Iyan ang hindi ko alam,” iling niya. “Hindi naman kami
close ng babaeng iyan para malaman ko kung sino. Marami nga ang nanghuhula kung
sino. At marami ding pangalan ang naglulutangan. Hindi mo ba alam na isa doon
ay si Zafe? Siya daw ang nakabuntis kay Isabela.” Natawa siya.
Kumunot ang aking noo. “Bakit ka naman natawa? Posible kaya
iyun.” Nagtaksil na siya sa akin before. Baka magtaksil siya ulit. Malay ko ba.
“Hmm, sa tingin ko naman ay hindi. Hindi ko alam pero may
isang tao ata dito sa eskwelahan na patay na patay si Zafe. Ewan ko ba. At
tsaka marunong bang makipag-sex iyun? May experience ba siya? Ay! Sa bagay,
kaibigan niya si Ricky.”
“Ahh! Ang galing-galing kaya niya,” pamumuri ko. Nasarapan
kaya ako kahit medyo masakit iyun. Teka? Nako! Bakit ko ba sinabi iyun?!
Kumunot ang noo ni Kurt. “Anong sabi mo?”
“Baka napakagaling ni Zafe sa bagay na iyun. Kung
makapagkwento nga si Ricky tungkol sa mga experience niya, naa-absorb iyun
lahat ni Zafe.”
“Hmm, at maalala ko. Lumutang din ang pangalan ni Ricky sa
mga taong posibleng nakabuntis kay Isabela.”
“Magdagdag ka pa ng pangalan at masasabi kong malandi
siyang babae,” banta ko.
“Malandi talaga siya,” pagsang-ayon din niya. “Teka, baka
may alam ka kung sino talaga ang nakabuntis sa kaniya?”
“Ako? May alam? Wala kaya,” pagtanggi ko. “Kaya nga pumunta
ako dito para malaman kung sino. Pero teka? Alam ba ng mga magulang niya na
buntis siya? Kasi kung ako ang ama niya, malamang ay tinaktwil ko na siya sa
aking pamamahay. Napakalandi kasi niya.”
“Alam na siguro. Pero wala silang pakialam. Mukha kasing
ganito na ngayon ang nangyayari. Ano naman kung hindi magpakilala iyung ama
nung bata? Kaya naman nilang buhayin iyung bata ng siya lang ang mag-isa.”
“May punto ka diyan.”
“Paano Aulric? Aalis na ako. May mga bagay pa akong dapat
gawin. Bye,” paalam niya.
“Layas.”
Nginitian na lang niya ako at naglakad paalis. Kinuha ko
naman ang aking phone at nag-group message para mag-meeting kaming mga
kalalakihan tungkol sa aking mga nalaman ngayon.
Nang buburahin ko na ang mga mensaheng pinadala ko, nagulat
ako nang aksidente kong naipadala ito doon kila Camilla.
“Wrong send. Hindi pala kayo kasaling dalawa dahil surprise
ito,” text ko sa dalawa. Hay nako! Buti na lang at hindi ako nagpadala ng mga
mensaheng madetalye.
Lumipas ang maraming oras, nagkita na naman kami sa Karaoke
room. Sinabi ko sa kanila ang aking mga nalaman tungkol kay Isabela.
“Ano? Wala silang pakialam kung buntis man ang anak nila at
walang ama na umako dito dahil kaya naman nilang palakihin ang bata mag-isa?”
nagtatakang tanong ni Andrew.
“Good news isn’t it?” Tiningnan ko si Knoll na mukhang
distressed pa rin. “Anong problema Knoll? Problemado ka pa rin sa mga nalaman
mo? Malandi iyung tao kaya posibleng hindi ikaw ang ama ng batang dinadala
niya.”
“Kasi Aulric, kung ako talaga ang ama ng batang iyun, handa
ko iyun panindigan. Handang-handa talaga ako,” sabi ni Knoll.
Nasapo ko ang aking ulo. “Ano ba ang aim natin kaya pribado
natin itong pinag-uusapan? Para hindi masaktan si Camilla tama? Ngayon, gusto
mong akuin ang bata? Ehh paano kung hindi naman talaga ikaw ang ama Knoll.
Narinig mo ba ang mga sinabi ko kanina? Malandi siyang babae at malamang,
marami pa siyang ibang lalake na naka-sex at hindi lang ikaw. Isipin mo naman
ang nararamdaman ni Camilla kapag nakita niya ang anak mo daw kay Isabela.”
“Naguguluhan na kasi ako ngayon. Ano ba ang dapat kong
gawin? Paano kung ako iyung ama?”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?! Malamang, hindi
ikaw! Sa dami ng naka-sex nun.”
“Kasi Aulric, malinaw ko ng natatandaan ngayon. Wala akong
suot na condom habang nakikipag-sex sa kaniya. Paano na lang kung lumabas na
ang bata at maging kamukha ko ito kapag lumaki? Mas masakit kapag nalaman ito
ni Camilla.”
“Ohh! May bago akong suhestyon. Bakit hindi na lang kaya
natin patayin si Isabela?”
Nanlaki ang mga mata nila sa suhestyon ko at agad na
humindi. Kailangan ng maraming lakas ng loob para mag-suggest na patayin na
lang. Sayang naman.
“May technology ba tayo ngayon para malaman kung sino ang
mga magulang nung bata sa loob ng sinapupunan ng isang babae?” tanong ni
Andrew.
“Wala pa,” sagot ni Isaac. “Dahil kung meron, malaman ay
nag-suggest na tayo ng ganoon.”
“How about lihim na painumin ng pampalaglag si Isabela nang
sa ganoon ay mamatay ang bata sa sinapupunan niya?” muling suhestyon ko.
“No!” agad nilang pagtanggi.
Humugot na lang ako ulit ng buntong-hininga. Gusto ko ng
umuwi.
“Alam niyo guys, sa tingin ko ay umuwi na tayo,” suhestyon
ni Caleb.
“Right. At antayin na lang lumabas iyung bata sa
sinapupunan ni Isabela para malaman na natin kung sino ang ama ng bata,”
pasarkastiko kong sabi. “Bye guys.”
Nauna na akong umalis sa Karaoke Room na iyun. Hay! May
naitulong ba ako sa mga taong iyun o wala? Palagay ko, wala. Hay nako!
Nang dumating na ako sa parking lot, para namang may
inaantay ako habang inaalis ang lock ng aking bike. Wala si Zafe ngayon para
kulitin ako? O baka nakauwi na. Hay! Hindi ko siya ngayon nakita sa unibersidad
kaya hindi ko masasabi kung pumasok ba siya ngayon o hindi. Hindi din ako
nakakatanggap ng text na sabay kaming kumain nila Shai at Ricky. Hmm, matanong
nga si Ricky kapag may oras ako.
Bigla naman akong may naisip nang napatingin ako sa
unibersidad. Oo nga pala. Iyung nangyari kagabi. Makikita ko kaya iyung taong
iyun ngayong gabi? Iyung naglagay ng litrato namin ni Randolf sa locker ko.
Ini-lock ko ulit ang aking bike at pumunta sa locker ko.
Gaya ng inaasahan, may silhoutte nga ako ng tao na nakita. At hindi pa rin
naaayos ang ilaw malapit sa locker ko.
Tumakbo ako papunta sa locker ko pero tumakbo din ang taong
ito papalayo. Hindi na ako nagsayang ng panahon para habulin ang taong ito at
agad binuksan ang aking locker. Mukhang may bago na naman siyang litrato na
nilagay.
Kinuha ko ang aking phone at binuksan ang flashlight nito.
Hindi nga ako nagkamali. May bago na naman siyang litrato. Ngayon ay noong
pinatay ko ang pumatay sa tatay ko. Tch! May nakakita pala talaga sa akin? Sino
kaya ang taong nagpadala nito? Ano ang balak niya sa pagpapadala sa akin ng mga
litratong ito?
Nakahinga naman ako ng maluwag matapos makapili ng mga
bagong miyembro ang pinakamamahal kong Drama Club. Sa wakas ay may babae na sa
club namin. Kasama ang nakakairitang babae na si Colette. Hindi ko maharang!
Napakagaling niyang umarte at humanga din si Sir Arthuro sa performance niya.
Hay!
“Sige Aulric. Mauna na ako,” paalam ni Jin.
Akmang aalis siya nang hinawakan ko ang braso niya.
“Sandali,” pagpapatigil ko.
Tiningnan niya ako. “Bakit?”
“Mag-usap tayo ng tayong dalawa lang. Pwede?”
Wala akong nakuhang sagot maliban sa pagtango niya. Kinuha
ko ang aking gamit at dinala siya papunta sa isang classroom na walang tao.
Pinaupo ko siya sa isang upuan habang ako ay nanatiling nakatayo.
“Ano ba ang pag-uusapan natin?” naitanong niya. At
nanginginig pa ang kanyang boses. May nalalaman siya.
“Alam mo, nitong nakaraang araw ko lang ito nalaman,”
panimula ko. “Kaya lang, nagpipigil ako dahil sa inaalala ko ang mangyayari sa
iyo kapag nalaman mo na alam ko ang mga bagay-bagay. Hanggang ngayon kasi,
kaibigan pa rin kita. Ngayon, kailangan mong magpaliwanag sa akin. Alam mo
naman siguro na may kinikwento ka sa aking kasintahan mo daw until nag-confess
ka sa akin sa Boracay na gusto mo ako. Tanong, ang pekeng kasintahang ba iyun
ay ako?”
Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. “Alam mo na pala.”
Dumaan ang kalahating minutong katahimikan sa pagitan
naming dalawa. Hinihintay ko pa rin siyang magsalita at magpaliwanag ng ilang
bagay.
“Oo. Ikaw sana iyun,” sagot ni Jin na nag-angat ng tingin.
“Iyung pekeng kasintahan iyun, ikaw iyun kung tayo sana. Pero hindi ehh.”
“Ipinagkalat mo ba ang pekeng kasintahan mong ito sa iba?”
“Hindi. Sa akin lang. Wala akong sinabihan maliban sa pinsan
ko. At ang pinsan ko, tahimik lang siya. Hindi mo naman siguro nabalitaan mula
sa kaniya ang mga bagay na ito hindi ba?”
“Hindi. Late ko lang na-realize na ako iyung pekeng
kasintahan mo. Pati din ba doon sa parteng may nangyari sa inyo?”
Nag-iwas ulit siya ng tingin. Hindi maaari. May nangyari
talagang ganoon sa pagitan namin?
Humugot siya ng malalim na hininga at nag-angat ng tingin.
“Yes. May nangyari sa atin.”
“Bakit wala akong maalalang ganoon? Anong ginawa mo sa
akin?”
“Iyun iyung mga panahon na nagha-hallucinate ka. Umm, gusto
ko sanang tulungan ka sa pamamagitan ng pagpapainom sa iyo ng isang gamot
pampatulog. Vallum ang tawag sa gamot na iyun. Iniinom iyun ni Tito Marcus
tuwing hindi siya nakakatulog. Naisip ko na baka umepekto sa iyo dahil
kailangan mo ng tulog sa panahon na iyun. Kaya lang, nang ininom mo ang gamot,
bigla mo akong hinalikan. At naghubaran tayo ng damit, may nangyari sa atin.
Noong mga panahon na iyun, nag-confess ako ng nararamdaman ko sa iyo. Sinabi
kong mahal kita. Kaya lang, kinabukasan…” Hindi niya naituloy ang sasabihin at
kumumpas. “Nakalimutan mo na may nangyari sa atin.” Iyun siguro ang araw na
umiyak siya.
Napaupo ako sa lamesa na nasa harapan. Iniisip kung ano ba
ang dapat kong gawin sa mga bagay na ganito. Siya ang unang naka-sex ko at
hindi ko man lang naalala iyun.
“Ako iyung nasa ibabaw mo?” tanong ko ulit.
Muling nag-iwas siya ng tingin. “Yeah. Ikaw iyun.”
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Nakita ko kasing
malapit na naman siyang umiyak dahil sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero mukhang
masakit ang ginagawa ko sa kaniya. Bumubulong ako na pagpasensyahan niya ako.
“Aulric, pwede bang bigyan mo ako ng chance?” rinig kong
bulong niya sa tenga ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap at pinaupo ulit siya sa upuan.
“Jin, sinabi ko naman sa iyo hindi ba. Ang pagmamahal mo sa
akin, masasayang lang. Hindi ko nga deserve ang pagmamahal mo.”
“Aulric, you deserve it. In fact, everybody should love
you. Na-witness ko ang mga paghihirap mo dahil schoolmates tayo. Kaya nasabi ko
sa sarili ko, pagdating ng panahon, mamahalin ko ang taong ito. But then, you
said na hindi mo deserve ang pagmamahal ko. You rejected me. What is really the
issue here kaya ayaw mo akong mahalin?”
“It’s complicated.”
“Then sabihin mo kung ano iyung bagay na iyun na
napakakomplikado except sa antas ng buhay natin, dahil parehas tayong lalaki,
at kung ano pa. Aulric, tanggap ka ng papa ko. Tanggap ka ng mga kamag-anak ko.
Iyung mga tao sa eskwelahan na ito, pwede nating palayasin kung ayaw nila sa
relasyon natin. Tutal, kami naman ang may-ari. O baka dahil kayo na ni Zafe?”
Natameme ako sa sinabi niya. Teka, dapat tuloy-tuloy lang
ako magsalita. Pero paano niya nalaman?
“Ano ba ang pinagsasasabi mo? Sa tingin mo, kami ni Zafe ay
may ganoon kalalim na relasyon?” diretso kong tanong. Kailangan hindi niya
mahalata.
“Aulric, noon pa man, sinusundan na kita kung saan ka
magpunta. Lagi akong nasa malayo, nakatingin sa iyo kung ano ang ginagawa mo sa
araw-araw. Bago umuwi sa inyo, pumupunta ka muna sa isang basketball court para
lang manood ng mga naglalaro. Nandoon din si Zafe. At ngayon na magkaklase
kayo, hindi ko alam. Pero nagkakaroon ako ng ganoong pakiramdam kapag nakikita
kayong dalawa,” paliwanag niya.
“May nakalimutan ka atang isang bagay Jin. Si Sharina,
galit na galit sa taong kinahuhumalingan ni Zafe kung meron man. At narinig
mismo ng dalawa kong tenga ang mga posible niyang gawin sa taong iyun kung
sakaling malaman niya kung sino. Sa tingin mo, papatulan ko talaga si Zafe?
Kilala mo naman ako Jin hindi ba? Hangga’t maaari, ayoko ng gulo. Ayoko
magkaroon ng gulo sa pagitan namin ni Sharina dahil ayoko.”
“Then prove it to me Aulric. Ipakita mo nga sa akin ang
phone mo.”
Humugot na lang ako ng malalim na hininga at iniwas ang
kanyang tingin. Wala akong maisip na tamang paraan ngayon. Sa totoo lang,
nakakapagod ng itago ang sikreto namin ni Zafe. Lalo na sa mga taong nasa
paligid niya at lalong-lalo na kay Jin na umaasa sa pag-ibig ko daw. Hay!
Siguro, oras na para aminin sa kaniya ang bagay na iyun.
“Hindi na kailangan iyun,” nasabi ko na lang at tiningnan
siya ng diretso. “Tama ka. Dahil kay Zafe. Matagal ko na kasi siyang gusto.
Noong una, hindi ako umaasang magkakaroon kami ng relasyon. And then this thing
happened, nakapag-aral ako sa unibersidad na ito. At oo. Medyo matagal na
simula nang nagkaroon kami ng relasyon ni Zafe. Ngayon, ako naman ang
magtatanong. Anong makukuha mo sa akin sa pag-amin ko? Isusumbong mo ako sa ate
mo? Ibubulgar mo ang nalalaman mo sa lahat ng tao? O baka gusto mong isumbat sa
akin na pinaasa kita?”
Siya na ngayon ang nag-iwas ng tingin. Nanahimik siya ng
ilang minuto at kinuha ang kanyang mga gamit. Lumakad siya paalis ng classroom.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nasira na ba ang pagkakaibigan namin ngayon?
Kung nasira na nga, hindi ako masaya gaya ng karaniwan kong nararamdaman sa
tuwing nakakakita ako ng mga taong naghihiwalay. Pero sana, maging kaibigan ko
pa rin siya. Well, that depends kung ano ang gagawin ni Jin sa mga nalalaman
niya.
Lumabas na din ako ng classroom na iyun dala ang aking
gamit nang nakita ko si Isabela na dumaan. Kapwa nagulat kami dahil muntikan na
kaming nagkabanggaan. Mabuti na lang at nakahinto kaming dalawa.
“Aulric, hi,” bati niya na akala mo’y kasundo ko.
“Isabela, what a great surprise?” kunyari’y nagulat kong
sabi.
Tiningnan niya ang kabuuan ko. “Yeah. This is a great
surprise. Hindi ka pa rin nagbabago.”
Tumingin ako saglit sa tiyan niya na parang may nakatabon
na bola. “Yeah. Pero ikaw, buntis na.”
“Yeah. Oo nga. Buntis nga ako,” natatawa niyang sabi.
Loka-loka ba ang babaeng ito at tinatawanan ang aking sinabi? Well, never mind.
Sa tingin ko, pagkakataon ko na ito para malaman kung sino sa tingin niya ang
ama ng kanyang dinadala.
“Sino ang ama?” diretso kong tanong.
Tumigil siya sa kakatawa at tiningnan lang ako ng mga ilang
segundo. Pagkatapos ay tumawa ulit. Okay. Itatanong ko na ito. Loka-loka na ba
ang babaeng ito?
“I’m sorry at tinawanan ko ang tanong mo,” paghingi niya ng
dispensa nang tumigil na siya. “Well bakit mo naman naitanong? Hindi ko kaya
alam. Hindi naman kasi importante para sa amin kung sino ang ama ng bata.
Pinapalagay na lang ng pamilya namin na ito ay blessing mula sa taas.” Ewan ko
lang kung ang babae na ito ang loka-loka o ang buong pamilya.
Pilit lang akong ngumiti para sabayan ang kabaliwan ng
babaeng ito. “Aakuin ko pa naman iyan.”
“Hindi nga?” gulat niyang tanong.
“Biro lang,” bawi ko agad.
Natawa na lang kaming dalawa. Tama ba itong ginagawa ko?
Sinasabayan ang kabaliwan ng babaeng ito?
“Well, since matagal na kitang kilala na nagpahirap sa
buhay ko noong high school ako, okay. In fact, kilala ko kung sino ang ama ng
bata.”
“Alam mo, medyo lagyan kaya natin ng suspense itong
sasabihin mo sa akin kung sino ba ang ama ng dinadala mo.”
“What a good idea. Bakit Aulric? Halos kilala mo ba ang
lahat ng lalaki sa unibersidad natin?”
“Umm, well, hindi,” iling ko. “Pero subukan mo ako. Malay
mo, kilala ko. Sa tingin mo, kilala ko ba ito?”
“Tigilan mo na nga iyan. Malamang hindi mo iyun kilala.
Siguro naman, alam mo na marami ring lalaki akong nakasama. Baka nga dalawa
lang ang doon ang kilala mo.”
“Okay.” Humugot ako ng buntong-hininga. “Let’s skip the
questioning and gusto ko ng malaman kung sino ang ama ng batang iyan. Excited
kasi ako. Although alam ko naman na hindi dapat ako ma-excite but I just can’t
help it.”
Biglang umingay sa paligid. Nagsimula na kasing maglabasan
ang mga estudyante na may pasok ngayong weekend.
Tumingin siya sa likuran ko saglit. “Alam mo, ang swerte ng
taong ito dahil tandang-tanda ko pa na hindi siya nagsuot ng condom sa
pagtatalik namin. Sabi pa nga niya, pananagutan niya ang bata kung mabuntis
ako. Pero wala ako, o ang pamilya ko, pakialam doon. Malamang, hindi niya alam
na siya ang ama ng dinadala ko. Pero ako, alam ko na siya ang ama. Hayun siya
ohh! Iyung may nakadikit na babae sa kanyang braso.” Tinuro niya ang mga taong
naglalabasan sa likod ko.
Napalingon ako sa likod kung sino iyun. Hindi ako
makapaniwala. Si Knoll ang una kong nakita at bukod-tanging lalaki na may
nakadikit na babae sa kanyang braso. Sino iyung babae? Walang iba kung hindi si
Camilla. Confirmed!
Hinarap ko ulit si Isabela at tumawa ng mapait. “Wow! Hindi
pala siya bulag,” nasabi ko na lang.
“I know right. Ano ba sa tingin mo?” natatawa niyang balik.
“Umm, maalala ko. Noong huling araw sa high school natin,
nangako ka ba na babawian mo ako?” pag-iba ko sa usapan.
“Ha? Babawian kita? Hmm, teka.” Umakto siyang nag-iisip.
“Ahh! Naalala ko na. Pero kailangan pa ba iyun? Nako Aulric. Parang hindi na
kailangang bawian ka pa. Payapa na nga ang paligid ko nang hindi na kita nakakasalubong
dito sa unibersidad. Naghahanap ka ba ng gulo?”
“Well, that’s a good thing to hear. Ako din naman. Payapa
na din ang buhay ko whether nakasalubong kita o hindi. I think it’s just the
same.”
“Good. Sa tingin ko, pwede na ba tayong maging magkaibigan?”
“No,” agad kong pagtanggi.
“Hay! Ano ba itong iniisip ko?” Hinawi ni Isabela ang
kanyang buhok. “Sige na. Oras na para ako’y umuwi. Magpapahinga na ako. Baka
malaglag pa itong batang dala ko,” natatawa niyang biro.
Nagpatuloy na siya maglakad papunta sa direksyon palabas ng
unibersidad. Hindi maganda ito. May dala akong masamang balita para sa lahat.
Madali kong kinuha ang aking phone at nag-group message
kila Knoll. Kailangan malaman na nila ito agad. Huwag ng patagalin pa.
“Congratulations! Ikaw talaga ang ama,” anunsyo ko kay
Knoll. Kasalukuyang nasa Karaoke Room na naman kami.
Hinalikan ni Knoll ang kanyang palad at nag-iisip.
Siguradong masasaktan itong si Camilla kapag nalaman niya ang balitang ito. May
anak sa iba ang kanyang pinakamamahal na boyfriend.
“Paano iyan?” naitanong ni Isaac na hinalikan din ang
kanyang palad sa narinig.
“So, ipagpapatuloy na ba natin ang idea ko na ipalaglag ang
bata?” tanong ko.
“Hindi pwede,” pagtanggi nila.
“So pananagutan mo ba talaga ang bata Knoll? Talaga? Wala
nga daw pakialam ang pamilya ng babaeng iyun kung ikaw ang nagdala. Pero paano
kung malaman ito ni Camilla? Maawa ka naman sa bata na siguradong masasaktan ni
Camilla habang nakikita iyung anak niyo ni Isabela.”
“Pero hindi ganoong klaseng tao si Camilla,” pagdipensa ni
Knoll. “At tsaka Aulric, masama iyang iniisip mo. Ipalaglag ang bata? Hindi
kami mamamatay-tao. Lalong-lalo na iyung si Camilla. Siguradong hindi niya iyan
gagawin doon sa bata pagdating ng panahon.”
“Talaga? Gaano ka ka-sigurado? Alam niyo ba na ang sakit,
isang mahalagang sangkap sa pagbabago ng isang tao. At good news. Hindi natin
alam kung mabuti ba o masama ang pagbabagong iyun sa isang tao. We will never
know hanggang sa gumawa na lang iyan ng kakaiba. Then magsisisi kayo kung bakit
hindi niyo ginawa ang ganito, ganyan,” paliwanag ko. “Knoll, alam ko na kung si
Camilla lang talaga ang nabuntis mo noong panahon na iyun, pananagutan mo
talaga ang bata. Dahil mahal na mahal mo siya. Pero hindi ganoon ang nangyari.
Si Isabela ang nabuntis mo. Kaya minumungkahi ko na ipalaglag niyo ang bata. O
masaktan ang mga taong involve kapag nakikita ang bata at baka magkasala sila.”
Katahimikan. Iyun ang bumalot sa Karaoke Room na iyun ng
mga limang minuto. Hindi na ako nakatiis at naglakad na lang palabas. Palagay
ko, against talaga sila sa minumungkahi ko. Ayaw nilang ipalaglag ang bata.
Pero who cares. Oo, kaibigan ko sila. Pero may limit ang pagiging concern ko sa
kanila.
Sharina’s POV
Naglalakad ako sa corridor ng unibersidad nang makasalubong
ang babaeng ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa kaniya, pero ayaw ko
talaga sa kaniya.
“Hi,” malumanay nitong bati sa akin.
Humugot lang ako ng buntong-hininga at aktong lalampasan si
babae nang hinawakan nito ang braso ko. Nakuha nun ang atensyon ko at
napalingon sa kaniya.
“Bakit?” tanong ko.
Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking kamay. “Ikaw si
Sharina Bourbon tama?”
“Yeah.” Hinawi ko ang aking buhok. “Why?”
“Matanong ko lang. Kayo pa rin ba ni Zafe?” tanong niya.
Ay! Napakasakit namang tanong iyan.
“Unfortunately, hindi na kami,” sagot ko.
Aktong magpapatuloy na ako sa paglalakad nang hinawakan na
naman niya ulit ang braso ko. Ano ba? Wala na dapat kaming pag-usapan.
Binitawan niya ulit ang pagkakahawak sa kamay ko. “Wait, I
don’t believe you.” Gosh! Hindi siya naniniwala?
Humarap ulit ako sa kaniya. “Wow. I don’t believe you?
Paano mo naman nasabi? May hashtag lie ka bang nakikita kapag nagsasalita ako?”
“Hindi ako naniniwala sa iyo dahil umiiwas ka sa akin. Ikaw
ang former, or current girlfriend ni Zafe?”
“For your information kung hindi mo pa alam, yes. Naging
kami nga ni Zafe pero isang buwan lang iyun nagtagal. Noong pasko pa kami
nag-break. Kaya ang sagot diyan sa tanong mo, former,” paliwanag ko. “Ngayon,
pwede na ba akong umuwi? Pagod na pagod ako. Baka gusto mo pang ipakwento sa
akin ang naging love story namin?”
“Then, ipaliwanag mo nga sa akin. Bakit parang ayaw na niya
sa akin? Dati, patay na patay siya sa akin. Pero ngayon, wala. Parang hindi na
siya iyung Zafe na dating kilala ko. May nagpabago sa kaniya. Sino kaya?
Malamang, iyung girlfriend niya.”
“Nako Inday. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong mo. Kung
hindi na patay na patay sa iyo si Zafe, ibig sabihin lang nun ay nawala na
iyung sparks sa pagitan niyong dalawa,” naiirita kong sabi. “Alam mo, sa maling
tao ka nagtanong. Tanungin mo si Ricky, iyung best friend niya. Or, tanungin mo
din iyung sinasabi niyang pag-aaral? Ewan ko ba.”
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tinangka naman niyang
hawakan ulit ang braso ko pero bayolente ko itong pinagalaw para hindi na
magtangka. Nakakairita na. Gawin ba naman akong tanungan porke’t ako iyung
kaka-break pa lang? Huh! Ang sakit pa rin kaya kung hindi niya alam.
Pagdating sa mansyon, nagbihis muna ako ng pambahay ng
damit. Pagkatapos, dinala ko ang aking mga gamit para pumunta sa silid-aklatan.
Dito, nadatnan ko si Jin na nag-aaral. Napansin ko naman ang binabasa niyang
children’s book?
“Jin, nag-aaral ka?” tanong ko.
“Ahh!” Nagulat siya at tumingin sa akin. “Oo.” Kumurap ang
mata niya ng isang beses hudyat na nagsisinungaling siya.
“Talaga? Anong pinag-aaralan niyo sa isang children’s
book?” pagdidiin ko.
Ibinalik na lang niya ang tingin sa kanyang pinag-aaralan
daw na children’s book at umiling. Isinara niya ang libro at naghanap sa mga
libro niya na nakalagya sa gilid. Nagpatuloy naman ako sa malaking lamesa at
inilagay ang mga gamit ko.
“Hay! Alam mo Jin, napaka-stressful para sa akin ang
unibersidad. Dapat nga, binabayaran ko na lang ang mga prof namin para
automatic na makapasa ako. Kung hindi naman kaya, valedictorian,” nakukunsumi
kong kwento. “Kaya lang, alam kong magagalit sila papa at tito kapag ginawa ko
iyun.”
Walang akong narinig na reaksyon kay Jin ng mga isang
minuto. Tiningnan ko naman siya ulit na nakatulala na habang nakatingin sa mga
libro sa gilid.
“Jin,” untag ko.
Nagulat ulit siya ng sobra na naging dahilan kaya nahulog
ang kanyang salamin sa sahig. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago
pinulot iyun at iniabot sa kaniya.
“Salamat,” tugon niya saka isinuot ito ulit.
“May problema ka ba?” muli kong tanong. “Mas mabigat ba ang
problema mong ito kesa nakasalubong ko si Colette sa unibersidad?”
Napakunot ng noo si Jin. “Huh? Umm, paano mo naman nasabi
na mas mabigat sa problema mo?”
Umupo ako. “Well, ikikwento ko sana. Kaya lang, malayo ang
iniisip mo kaya hindi na lang ako mag-aaksaya ng panahon para magkwento ulit.
Hindi ka kasi nakikinig.
“M-Makikinig ako. Sige na. Sabihin mo na,” pag-udyok niya.
Bumuntong-hininga ako. “Okay. Habang pauwi ako,
nakasalubong ko si Colette sa corridor ng unibersidad. Then nalaman niya na
nagkaroon kami ng past relationship ni Zafe, at nagalit siya sa akin. Ewan ko.
Nagalit siya sa akin kung bakit ba hindi na siya pinapatulan ni Zafe. Like,
kasalanan ko ba kung bakit hindi na siya gusto ni Zafe? Gayong ang ginawa lang
namin ni Zafe sa buong relasyon namin, nag-date, nag-usap ng mga casual na
bagay, ni hindi nga namin pinag-uusapan ang tungkol sa usaping pag-ibig.”
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga kamay habang nakatingin kay
Jin. Nakikinig ba talaga siya?
“Ohh!” nasabi na lang niya.
“Alam mo, ang kapal ng mukha ng babaeng iyun. Iyung dati
palang kaibigan ni Zafe, si Kurt ng Journalism Club, iyun iyung first love
niya. Ayon naman sa mga nakalap kong usap-usapan, nasira ang pagkakaibigan nila
nang pinatulan naman nitong Colette si Zafe. And then suddenly, nakipag-break
daw si Colette kay Zafe, o si Zafe kay Colette, magulo. Pero sa tingin ko, si
Colette ang nakipag-break. And then ngayon, babalik siya tapos magagalit sa mga
naging ex ni Zafe? Nako! Tigilan niya ako.” Kumuha na ako ng isang libro sa
gamit ko para magsimula ng mag-aral. “Ikaw naman, ano ang problema mo?”
Humugot siya ng buntong-hininga. “Just now, nalaman na ni
Aulric na may nangyari na sa amin noon,” kwento niya.
Napatingin ako sa kaniya. “Pagkatapos? Nagalit ba siya sa
iyo?”
“Sort of, pero hindi naman ganoon,” magulo niyang sagot.
“Alam mo ate, pagkatapos kaya ng semester na ito, pumunta kaya tayo sa ibang
bansa.”
“Sigurado ka diyan? Ano ba ang dahilan? Dahil nabasted ni
Aulric?”
“Parang.” Inikot ni Jin ang kanyang paningin. “May nalaman
kasi ako kaya gusto kong lumayo.”
“Anong nalaman mo?”
“Amin na lang iyun.”
“Huwag mong sabihin na ikaw ang ama ng dinadala ni
Isabela?” hula ko.
“Teka? No! Hindi ako ang ama nung dinadala niya,” pagtanggi
niya agad.
“Then ano?”
“Umm, iyung dating friendship namin? Parang hindi na
maibabalik.”
Nag-isip ako ng aking sasabihin. Pero ilang minuto ang
nakalipas, na-stuck ito at hindi makalabas sa dulo ng dila ko. Kailangan ba na
ako ang magsabi nun sa kaniya?
Hinilot ng dalawang kamay ko ang aking ulo. “Umm, alam mo,
bakit hindi mo konsultahin si Kuya Dexter sa problema mong iyan? I’m sure, may
masasabi siya tungkol diyan.”
Bumuntong-hininga ulit siya. “I don’t think na makakatulong
sa sitwasyon ko ngayon si Kuya Dexter.” Sinimulan na niyang iligpit ang kanyang
mga gamit. “Mauuna na ako Sharina. Kailangan ko ng magpahinga.”
“Umm, sige. Magandang gabi.”
“Magandang gabi din.” Hmm, ano kaya ang problema ng taong
iyun?
Aulric's POV
Isang normal na naman na araw sa eskwelahan nang nabalitaan
ko na nagpalit ng section si Colette. Magtataka pa ba ako kung saang section
siya lumipat? Ehh saan pa? Sa section ni Zafe.
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad
papunta sa mesa ni Shai. Mag-isa lang kasi siya ngayon kumakain dahil may klase
pa si Ricky. Isa pa, nag-text siya sa akin na samahan ko siya.
Pagkaupo ko sa harapan niya, nagtaka agad ako sa
pinaggagagawa ng babaeng ito. May hawak siyang lock na natatanggal sa pamamagitan
ng pagpindot ng mga tamang numero.
“Anong ginagawa mo?" tanong ko agad.
“Ginagawa iyung rare kong hobby. Iyung hulaan ang password
sa lock na ito," sagot ni Shai.
“Rare nga."
“You know, dapat sabayan mo itong kabaliwan ko sa
pagde-decode ng mga lock."
“Decoding? Sa lock? Gising ka ba Shai?" sarkastikong
tanong ko.
Napatingin si Shai sa akin. Marahil ay napagtanto niya na
mali ang pinaggagagawa ng babaeng ito.
“Oh my!" Binatukan ni Shai ang sariling ulo. “Tama ka
Aulric. Hindi ka nagde-decode sa lock na ito dahil wala namang code para
i-decode."
“Dapat, bumili ka ng mga crossword puzzles, or mag-aral ka
ng Computer Science at i-discover mo kung ano ang functions ng mga code, morse
code, at marami pang iba."
“Dully noted." Itinabi niya ang hawak na lock at
nilagay sa bag.
“Oo nga pala. Ano na ang balita tungkol sa gagawin mong
pakikipaghiwalay sa iyong mga magulang?" pag-iba ko sa usapan.
“Ohh! About that, baka mamaya. Oo nga pala. Are you a fan
ng mga batang humihiwalay sa kanilang mga magulang?"
Humugot ako ng buntong-hininga. “I'm not a fan of children
separating from the parents. Fan lang ako ng mga magkakaibigang naghihiwalay.
You see Shai, family is your final line of defense from falling to the abyss of
despair. Friends, lovers, pwede silang mawala. Ang pamilya, hindi. Unless lang
kung mamatay sila. Kaya kung mawawala ang pamilya mo, sino ang masasandalan mo?
Sarili mo? Ang tanong naman ngayon, kaya mo ba na ikaw lang ang mag-isa?”
“Pero nakakatawa lang Aulric. Baliktad ang sitwasyon ko
dahil wala na sa mga dipensa ko ang aking pamilya. Kayo na lang mga kaibigan ko
at si Ricky na lang ang natitira.”
“Well, I hope na maging kasing tibay kami katulad ng isang
pamilya. Parang isang pitik ka na lang pala Shai at matutumba ka na.”
“How unfortunate of me. Ikaw Aulric? Kaya ka ba nakatagal
ay dahil sa magulang mo?” tanong niya.
“Yeah. Iyun ang sikreto ko kaya nabubuhay pa ako sa mundong
ito,” sabi ko habang inuunat ang aking leeg.
“Pero kung patay na sila noon? Saan na kaya ako sa tingin mo?”
“Aba! Malay ko! Ano ako? Manghuhula?” asik niya.
“To me, yes.”
Marahan akong sinuntok ni Shai sa braso ko. “Ikaw talaga!
Anyway, asaan ang regalo ko?”
Tiningnan ko lang siya ng deretso. “You talked to the wrong
person Shai. Ikaw nga diyan, walang binigay sa akin nung birthday ko.”
“Baka hindi ka nagse-celebrate ng birthday sa bahay ninyo?
At hindi kaya namin alam.”
“Well, unlike sa mga birthday ninyo, piniwersa lang akong
i-celebrate iyung sa akin.”
Habang kumakain, nagpatuloy pa rin kami sa pag-uusap, at sa
pag-aasaran. I can sense na sinusulit na niya ang araw na ito. Umaabot na kasi
sa tenga ang kanyang mga ngiti. Dahil bukas, o mamaya, mangyayari na ang bagay
na ayaw niyang gawin. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Bakit siya na lang ang
gagawa ng paraan para makaalis sa engangement nila ni Andrew? Hindi ba pwedeng
silang dalawa ang gumawa ng bagay na iyun?
Noong isang araw, naikwento ito sa akin ni Shai. Ang
engagement niya kay Andrew. Noong nalaman ko na siya ang gagawa ng paraan para
mabalewala ito, nagtanong ako. Bakit siya pa? Bakit hindi si Andrew? Doon ko
nalaman na adopted pala siya. Na ayaw niyang suwayin ang mga sinasabi nito. At
nalaman ko din kay Shai na may hawak na alas ang mga magulang niya laban sa mga
magulang ni Andrew. Ang alas na iyun ang magiging dahilan sa pagbagsak ng
kompanya ng magulang ni Andrew. Kaya napagpasyahan ni Shai na siya ang gagawa
ng paraan. Hindi ko maintindihan. Bakit ganoon sila mag-isip?
“Tapos ka na bang kumain?” tanong ni Shai. “Tara. Alis na
tayo dito. Punta tayo ng library. Nandoon si Ricky at si Zafe ngayon."
Parang gumalaw ata ang tenga ko nang binanggit na ni Shai
si Zafe. Ano bang pakiramdam ito? Excited ba ako na makita si Zafe ulit? Hay!
Ewan. Malamang ganoon nga. Matagal na kasing hindi siya nagpaparamdam sa akin
nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba. Baka malapit ng masira ang relasyon
namin.
Hindi na lang ako umimik at umiling. Tumayo na kami ni Shai
at pumunta sa direksyon papunta sa library. Sa sobrang pag-iisip ko sa aking
nararamdaman, hindi ko namalayan na bumilis ang aking paglalakad. Hanggang sa
bumangga ako sa isang tao na naka-labcoat at may face mask. At may dala-dala
itong mga gamit.
“Ay! Pasensya na,” paghingi ko agad ng dispensa.
Wala akong oras na sinayang at pinulot agad ang mga
nagkalat na isang malaking syringe, band-aid, tape, at kung ano-ano pa. Si Shai
naman ay hindi na tumulong at nagpatuloy sa paglalakad dahilan para maiwan ako.
Sige. Mauna ka na babae.
“Salamat,” sabi ng tao na nabangga ko.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hinabol si Shai.
Pagkapasok sa library, lumingon-lingon agad ako para hanapin si Zafe. Hindi nga
ako nadismaya nang makita siya kasama si Ricky na nag-aaral.
Nang nakita niya ako, ngumiti siya ng matamis at kumaway.
Napakaway na rin ako ng hindi ko namamalayan at parang lumulutang ang aking
pakiramdam. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Teka? Bakit ba ako
nagkakaganito?!
Kinuyom ko ang aking kamao para mapigil ang bugso ng aking
damdamin. Gusto ko siyang lapitan at mahalikan sa labi, mahawakan ang mga parte
ng katawan niya na ako pa lang ang nakakahawak, pero ngayon, hindi dapat ganoon
ang isipin ko. Gusto ko siyang sapakin!
“Kumusta ka na?” bulong niya sa akin nang nakaupo na kami
ni Shai sa isang mesa sa library. Katabi naman ni Shai si Ricky na sabay
nag-aaral.
Nakaramdam agad ako ng kakaibang sensasyon sa aking
sistema. Nag-init ang aking mukha at nag-assume ang utak ko na gagawa siya ng
kabalbalanan ngayon. Na halikan ang leeg ko. Pero kinuyom ko lang ulit ang
kamao ko.
“Okay lang. Ayos lang naman ang lahat.” Maliban lang sa
isang misteryosong tao na nakita ko sa locker ko na nagpapadala ng mga litrato
sa mga ginawa kong exciting moments. Iyun nga lang ay hindi na ito nagpapadala
sa akin ng mga ilang araw na.
“Alam mo, wala ang mga magulang ko mamaya sa bahay.”
“At ano naman ang gusto mong iparating?”
“Punta tayo sa bahay. Mag-quality time tayo. Manood ng mga
bagay-bagay, at magpalipas ng oras."
“Hmm, pag-iisipan ko pa." Umakto akong nag-iisip.
“Hindi."
Shai's POV
“Heto ohh," untag ni Aulric na may hawak na ballpen.
Kasalukuyang nasa isang kainan kami at nagse-celebrate para sa kaarawan ko.
Magkasunod kasi ang birthday namin ni Camilla.
Kinuha ko ang bigay niya. “Ano ito? Ballpen na may
kalendaryo sa loob? Regalo mo?" Nilavas ko ang maliit na kalendaryo mula
sa ballpen.
“May reklamo ka?" agad niyang reklamo. “Pasalamat ka
nga at may naibigay ako kahit papaano. Hindi ko pa rin kaya kayang bumili ng
binili niyo sa akin na mamahaling cellphone.
Umiling ako. “Hindi bale na. Salamat sa regalo. At least
binigyan mo ako. Kesa doon sa apat na mga lalaking ngayon pa lang ako
nakilala." Kunyaring tiningnan ko sila Knoll, Andrew, Isaac, at Caleb ng
masama at ibinalik ang tingin kay Aulric.
“I doubt na wala silang binigay na regalo sa iyo. Meron
kaya. Pero baka mga ilang years pa iyun bago mo makuha."
“Grabe namang regalo iyan. Napakalayo ba kaya aabutin pa ng
taon? Saan iyun galing? Sa planetang Mars? At ano naman ang regalong yun?"
Sumubo ako ng isang kutsara ng halo-halo.
“Many years later, kapag magkakaibigan pa rin tayo, pwede
mo ng palitan ang mga magulang mo. Pwedeng kami na lang ang pamilya mo."
“Sana nga," kibit ko ng balikat. “At least, sa
pamilyang ito, pwede kong batukan ang kung sino kapag naaasar ako." Tumawa
kami parehas.
“Nako! Tigilan mo na iyan!"
“Shai, oras na," sabi ni Andrew nang lumapit na sa
amin.
Tumango lang ako. Nagsilapitan naman silang lahat sa akin
at niyakap ako. Bumulong din sila sa akin ng good luck. Hindi ko alam pero
parang may kung anong pwersa ang nagpapalakas ng loob ko dahil sa mga sinabi
nila.
“Ako na ang bahala pagdating sa inyo," bulong ni Ricky
sa akin.
Tumunog ang phone ko. Pagkakita ko ay isa itong mensahe
mula kay mama. Ang kauna-unahang mensahe na natanggap ko sa kanila simula nang
nagkaroon ako ng phone. Hay! Lugar pa kung saan magaganap ang sariling version
ko ng last dinner with the family kasama ang family ni Andrew.
Tanging pinggan lang ng mga kubyertos at bibig ng mga
magulang namin ni Andrew ang maririnig sa lugar na ito. Tahimik lang kami ni
Andrew at lihim kong inaabangan na gumalaw mag-isa ang aking phone. Gusto ko
kasi na handa ang lahat pag-alis ko. Ayoko na. Ayoko na. Tanggap ko na ang
mangyayari sa akin sa oras na ginawa ko ito.
Sa wakas, naramdaman kong gumalaw na ang aking phone.
Tiningnan ko ito at siniguradong si Ricky ang nag-text.
“Andito na ako sa labas," basa ko sa text.
Tumingin ako sa labas para makumpirma ito. Nakita ko nga
siya doon. Kinawayan pa niya ako. Saka ko na lang napansin na nagsimula ng
tumulo ang aking luha. Bakit ba kailangan umabot sa ganito? Kung iba lang sana
sila.
“Hija, okay ka lang?" tanong sa akin ni Mrs. Vangie.
Katapat ko kasi siya sa mesang inuupuan ko.
“Umm, no and yes po," magulong sagot ko habang
pinupunasan ang luha ko.
“Anak, umayos ka nga. Tigilan mo iyan," bulong sa akin
ni mama na nasa gilid ko.
Pagkatapos lumuha, humugot ako ng malalim na hininga. Huli
na ang pagluha kong iyun para sa pamilya ko. Tatapusin ko na ang paghihirap
kong ito.
“By the way po, may gusto po akong sabihin sa inyong
lahat," sabi ko kasabay ng aking pagtayo para makuha ng buo ang atensyon
nila. “Dahil birthday ko po, magsasalita po ako. Hindi po ba mama, papa?"
Hinawakan ni papa ang kamay ko. “Anak, tigilan mo iyan.
Hindi porke't birthday mo ay magsasalita ka ng kahit ano-ano. Umupo ka,"
nang-uutos niyang sabi.
Iwinaksi ko ang kamay ni papa at itinaas ito sabay
ikinuyom. Gumaya na rin kasi si mama na hawakan ang kamay ko.
“Gusto ko pong sabihin na wala pong kasalan na magaganap.
Wala po akong gusto kay Andrew," anunsyo ko.
Nagulat silang lahat sa inanunsyo ko.
“Nako! Pagpasensyahan niyo na ang anak ko. Mapagbiro talaga
ito," sabi ni papa na may pekeng ngiti sa mukha. Gaya ko, tumayo din siya.
“Anak, umupo ka ulit. Umupo ka ulit!" Pabulong niyang utos iyun habang
nakalagay ang mga kamay niya sa aking balikat at pilit akong pinapaupo.
Hindi ako nagpadala sa pwersa ni papa at iwinaksi ang mga
kamay niya sa aking balikat. “Tama po ang narinig niyo. Hindi po ako nagbibiro.
Ako po mismo ay umuurong sa fixed marriage na ito. Hindi po ako deserve ni
Andrew at lalong hindi niya ako deserve. Si Andrew ang pinakapangit na lalaki
na aking nakilala sa buong buhay ko. Alam ko na gaya sa mga karaniwang lalaki,
makisig po siya at may katawan na maibubuga, pero in the end, mukha pa rin siyang
pangit sa paningin ko. Pasensya na po."
Pagkatapos mag-bow, kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad
na palabas.
“Nako! Pasensya na po. Mukhang large-scale ang pagbibiro ng
anak ko. Teka lang po ha?" rinig kong sinabi ni mama.
Nasa labas na ako ng restaurant at nakita ko ang van ng
pamilya ni Zafe na hiniram ni Ricky dahil hindi ginagamit. Napakalapit ko ng
makuha ang aking kalayaan mula sa mga magulang ko.
“Shai, stop right here!" sigaw ni papa. Hinawakan pa
niya ang braso ko ng mahigpit para hindi ako makaalis.
Hinarap ko siya. “Bakit po? Papa?" sarkastikong sabi
ko na may diin sa huli kong sinabi.
“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam kung ano ang
mangyayari sa iyo kapag sinaway mo kaming mga magulang mo?!"
“Opo. Alam ko po. Itatakwil niyo po ako bilang tunay na
anak. Bakit po? May iba pa ba?"
“Mabuti naman at alam mo iyun. At hindi lang iyun. Lahat ng
mga luho mo, lahat, lahat iyun Shai, aalisin ko iyun sa iyo. Kaya bumalik ka
doon at bawiin mo ang mga sinabi mo." Tinuro pa niya ang restaurant para
i-emphasize ang kanyang mga sinasabi.
Napangiti ako. Hindi ko alam pero kung dati ay masakit ang
pangyayaring ito sa akin gaya ng iniisip ko, ngayon, nawala na ito. Hindi na
masakit. Tanggap ko naman kasi. Hindi magiging maganda ang trato sa akin ng mga
magulang ko. Kahit nga siguro mamatay ako.
Winaksi ko ang kamay ni papa. May sinisigaw pa siya sa akin
pero biglang nabingi na ako. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Pero sigurado
akong sinisigaw ni papa na bumalik ako sa restaurant at bawiin ang mga sinabi
ko patungkol kay Andrew. Huling salita, kailangan ko pa bang sabihin iyun kay
papa? Bakit ba? Tutal sa huli, idi-disown naman niya ako.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad papunta doon sa van. Sa
bawat pagtatangka ni papa na hawakan ang braso ko, winawaksi ko ito agad. At
nang nakawala na ako, tumakbo na ako. Pumasok agad ako sa van na humarurot agad
pagkapasok ko.
Ipinikit ko ang mata ko pagkatapos. Inalala ko ang mga
walang kwentang alaala ko simula noong bata pa ako at hanggang sa tumanda ako
kasama ang mga hindi ko alam kung magulang ko ba talaga sila.
Pagkadilat ng aking mata, tiningnan ko ang nagda-drive ng
van. Pero nagulat ako nang nakita si Ricky na may maskara ng isang Oni na kulay
pula. Sa isang segundong nakita ko siya, nagdalawang-isip ako kung tama bang
sasakyan ang pinasukan ko? Baka kinidnap ko ang sarili ko? Si Ricky din ba kaya
ang nagmamaneho?
“Ricky, ikaw ba iyan?"
“Hmm, bakit mo naitanong?" tugon niya na patanong din.
Hinubad naman niya ang maskara.
“Wala naman. Nag-isip tuloy ako na ipinakidnap ko ang
sarili ko. At tsaka alam mo naman na nakakatakot iyang maskara mo."
“Umm, hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang na ma-divert ang
atensyon mo sa reyalidad na nangyayari ngayon."
Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa labas ng
kotse. “Hiwalay na kami ng mga magulang ko. Ako lang ba kaya ang gumawa ng
ganito?"
“Hindi naman. May ibang magulang nga diyan na iniiwanan na
nila agad. Kaya nga nagkakaroon ng mga taong palaboy-laboy."
Naramdaman kong may ibinibigay sa akin si Ricky. Paglingon
ko ay panyo pala ito.
“Salamat," sabi ko saka ibinalik ang paningin sa labas
ng sasakyan at habang pinupunasan ang aking mukha.
Saka ko lang napansin na tumutulo na naman ang masaganang
luha ko sa mata. Humagulhol na din ako. Teka? Akala ko ba, huli na iyung
kanina? Hindi na ako iiyak kahit kailan hindi ba?
Tinigil ni Ricky ang kotse sa isang bangketa. Inalis niya
ang kanyang seatbelt at niyakap ako. “Tahan na. Tahan na," pag-aalo niya.
“Ang sakit talaga Ricky!" sigaw ko habang gumagaralgal
ang boses. “Minahal ko naman sila. Pero napakasakit talaga sa tuwing nakikita
ko ang mga tingin nila na hindi nila ako gusto. I'm, their real, legal,
daughter! Why can't they love me? May ginawa ba akong mali noong bata pa ako?!
May napatay ba ako o ano kaya hindi nila ako mahal?! Kung ganoon, bakit hindi
na lang nila sabihin?! Tapos, gagawin pa nila akong bagay para sa kanilang
business opportunity?!"
“Stop crying Shai. Alam mo, I thanked them na ginawa ka
nila. I thanked them dahil kung wala sila, wala ka, walang tayo. Hindi ba nga,
sabi ko sa iyo noon, if they can't love you, I will. Hindi man ako ang magulang
mo pero mamahalin kita. Pupunan ko, at ni papa, ang pagmamahal na hinahanap mo.
You deserve to be loved Shai. Kaya huwag ka ng malungkot."
Kumalas siya ng yakap at may kinuhang isang maliit na kahon
mula sa isang compartment ng sasakyan niya. Hala? Ang bilis naman!
“You need family to lean on. And I, we, us, will give it to
you. Those lonely days of yours is over from hereon." Binuksan ni Ricky
ang maliit na box. “Will you marry me, Shai?"
My tears didn't stop. Mas lalo pa itong tumulo katulad sa
isang ilog na umaagos. Pero ngayon, luha na ito ng kagalakan. I said yes and,
niyakap ko siya. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. Finally,
magiging isang Shai Rizal na ako. At may bago na akong pamilya. I hope that
this doesn't end. I hope that our love lasts, forevermore.
Aulric's POV
Sakit agad ng ulo ang sumalubong sa akin pagkagising. At
isang taong katok ng katok sa bahay ko. Hmm, sino kaya ito? Ang umagang-umaga,
may bisita ako? Masyado ba akong sociable lately at nagkakaroon na ako ng
bisita?
“Sandali lang!" sigaw ko para kahit papaano ay tigilan
na ang pagkatok. Nakakarindi na ehh.
Tumigil naman ito gaya ng inaasahan ko. Agad na bumangon
ako at nagbihis, nag-ayos bago makipagkita sa aking mga bisita. Pagkatapos ay
maingat na bumaba ng hagdan. Magdahan-dahan daw kasi ako sabi ni nanay dahil
lumusot kasi si Randolf sa isa sa mga baitang ng hagdan paakyat sa kwarto ko.
Kailangan na nila itong ayusin.
Humugot ako ng buntong-hininga bago buksan ang bahay. Medyo
nagulat ako na mga pulis ang nakita ko. Dalawa sila. Pero hindi ito sila
Officer Geoffrey at Officer Christian.
“Magandang umaga po," bati ng isang pulis. “Kayo po ba
si Aulric Melville?" Hmm, tungkol kaya ito sa update na nangyari doon kay
tatay?
“Ako nga po," pagkumpirma ko. “Bakit po?"
“Aulric Melville, inaaresto ka namin sa salang
pagpatay."
ITUTULOY...
Thanks author sa update!
ReplyDeleteNako baka ito na yung umpisa ng pagiging creepy ni Aulric, nakaka excite na sana ma sundan pa muli.
bat ba kasi lagi nag pipigil so aurlic....,pwede nmn nyang sabihin zafe masakit uli ko pwede mo bang gawan ng paraan... haha lahat sasaya pag ginawa nya yun... eh yun lang arestado ka.., achi
ReplyDeleteOh no.
ReplyDeleteAyun oh, atlast nagpapakita n rn si Aulric ng affection towards Zafe,. Gusto ko.pa sanang sabihing magpatuloy yung pagkamiss ni Aulric k Zafe kaso mukhang arestado na, haha. Thanks sa Update Sir Seyren
ReplyDelete-RavePriss