Followers

Wednesday, December 2, 2015

Loving You... Again Chapter 35 - Him, And His Rules




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Chapter 35. Enjoy! :"D











Chapter 35:
Him, And His Rules
























































Aulric's POV



          3 months ago...



          Winaksi ni Shai ang kamay ni Zafe. “Teka lang Zafe. May pag-uusapan kami ni Aulric. Kaya mauna ka na."



          “Ganoon ba? Sige. Mauna na ako," paalam ni Zafe at umalis na sa lugar.



          “Ako din Aulric. Aalis na ako. May Christmas party pa akong pasasayahin," paalam ni Jin. “Merry Christmas Aulric."



          “Merry Christmas din Santa Claus," bati ko.



          Binigyan ko si Shai ng isang nagtatanong na tingin. Hindi ko kasi alam kung ano ang pag-uusapan namin.



          Tumingin-tingin muna siya sa paligid saka hinatak ako papunta sa library. Pumunta kami sa pinakatagong lugar ng library nang may inilabas siyang papel sa kanyang bag. Binigay niya sa akin ito.



          “Ano to?" tanong ko.



          “Basahin mo na lang," nasabi na lang niya.



          Tumingin ako sa papel. Napansin ko agad ang maraming tinta ng ballpen sa papel. Teka, hindi lang pala ito basta na papel. Isa itong draft para sa pahayagan ng Journalism Club. At nabasa ko ang isang balita tungkol sa relasyon nila Sharina at Zafe.



          “Ito ba ang dahilan kaya gusto mo akong kausapin ng sarilinan?" sarkastikong tanong ko.



          “Wow. Mukhang hindi ka affected," gulat niya.



          “Natural. Kami ba?" lingon ko sa kaniya. “Well, kung mas gusto niya si Sharina kesa sa akin, hindi ba mas maganda iyun? At least konti na lang ang aking poproblemahin."



          “But here's the catch. Hindi ito lumabas sa opisyal na pahayagan ng school."



          “Ano naman ang pinagkaiba nun? Kung gusto nila ang isa't isa, then ipagpatuloy nila. Kahit siguro isang pahayagan, hindi mapipigilan ang pagmamahalan nila hindi ba? Alam mo, tara na nga!"



          “Wala ka bang pakialam?" pahabol na tanong niya nang akma akong aalis.



          Napahinto ako at hinarap siya. “Iyung totoo, isang segundo, meron. Isang pang segundo, nasaktan ako. Sumunod na segundo, wala na akong pakialam. Pero kapag nagkaroon talaga ako ng pakialam, asahan mo na magagalit ako sa kaniya ng isang buong buwan."



          May sarili akong batas na sinusunod. Kasama na ang mga batas ng mga tao pero hindi ko naman lahat sinusunod.



          Si nanay above all else ang pinakamahalaga sa akin. Hangga't maaari nga, ayoko siyang magnegosyo noon dahil baka mapahamak siya. Alam niyo na. May mga taong pinapatay dahil sa negosyo. Kaya dati sana, hindi na ako magkokolehiyo at ako na lang ang magbabanat ng buto. Kaya lang, nagbago iyun matapos akong makatanggap ng espesyal na imbitasyon sa Bourbon Brother's University na medyo pinag-awayan pa namin. Ito din ang dahilan kaya pinatay ko din ang pinaghahanap na holdaper at si tatay sana na iba ang pumatay. Iyung pumatay sa kaniya ang napatay ko. Lahat iyun ay para kay nanay at hindi niya kailangan malaman iyun. Sa gawa ko na lang idadaan.



          Hangga't maaari, ayoko ng magsinungaling o ang isang tao ay magsinungaling sa akin. I mean kapag involved ako sa isang bagay at may nagsinungaling sa akin, ayoko ng ganoon. Sana nga, marunong ako na maka-detect ng mga tao na nagsisinungaling. Kaya lang, hindi ko kaya. Pero bahala na. Keep them coming! I'll deal with them as I can. Pero ang magtago ng sariling sikreto, ibang usapan na iyun. Hayaan ko na lang na ma-discover nila. At pagdating naman sa pagsisikreto sa mga nalaman ko mula sa iba, well, naguguluhan pa rin ako. Under construction pa kasi ang batas kong iyun. Kailangan ko pang pagtibayin dahil slowly, nagkakaroon na ako ng mga kaibigan. Hindi ko pa nga lang alam kung tunay sila dahil saka ko lang malalaman ang mga tunay kong kaibigan kapag nagkaroon na ng isang masamang adversary sa buhay ko.



          Medyo malalim na ang gabi pero nasa library pa rin kami at tinuturuan ko sila Jin at Derek. Si Sharina ay nakisali na din at pinapanood na lang kami. Si Zafe ay kanina pa na walang ginagawa.



          Habang nagtuturo, nararamdaman kong tinatawag ako ng kalikasan. Mga ilang oras na ata siguro matapos akong makapaglabas ng sama ng loob.



          “Guys, break na muna tayo saglit. Naiihi kasi ako," wika ko at tumayo.



          “Aulric, samahan na kita," pagprisinta ni Sharina na tumayo din.



          Umupo naman si Zafe sa pwesto ko para turuan sila Jin at Derek. Naunang umalis si Sharina na sinundan ko naman. Tahimik lang ako na naglalakad habang hihatid sa comfort room. Alam kong nakapunta na ako kanina sa restroom nila pero hindi ko kabisado ang daan at baka maligaw pa ako. At, ang bait pala ni Sharina. Nag-volunteer agad?



          Nang nakarating na restroom, dali-dali akong pumasok at naglabas ng sama ng loob. Sa kalagitnaan naman ng paglalabas ng sama ng loob ay bigla ulit naabsorb ng utak ko na kaarawan ko ngayon at alam na ito nila Zafe ay Jin. Kung tama ang iniisip ko, mag-iisip iyun ng impromptu na surprise party. Sana naman, mali ang iniisip ko. Pero si nanay, kailangan ko pa rin siyang sabihan. Siguradong nag-aantay iyun sa bahay dahil birthday ko ngayon.



          Kinuha ko agad ang aking phone at tinawagan si nanay. Naka ilang ring iyung phone ni nanay at sinagot niya agad ito.



          “Hello anak. Malapit ka na ba?" excited na tanong ni nanay.



          “P-Pasensya na po nay. Mukhang matatagalan po ako ng konti," paghingi ko ng dispensa. “Nalaman po kasi ng mga kaibigan ko na kaarawan ko ngayon. Sinabi ko naman po na wala akong pakialam kung kaarawan ko ngayon, pero mukhang pipilitin nila na i-celebrate ko ang birthday ko."



          “Hah? Ganoon ba? Paano naman nila nalaman na kaarawan mo?" nagulat na tanong ni nanay.



          “Nandito po kasi ako sa mansyon ng isa sa may-ari ng unibersidad na pinapasukan ko nay. Tapos nakaharap ko po iyung isa sa may-ari. Then habang nag-uusap po kami, binati niya ako. Hindi ko inaasahan na alam ng taong iyung ang kaarawan ko kahit na masyadong marami silang ginagawa," paliwanag ko.



          “Ganoon ba? Kung ganoon, mag-enjoy ka anak. Ngayon ka lang makakapag-celebrate ng kaarawan mo na may kasama ka."



          “Pero mas gusto ko po na dyan mag-celebrate kasama ninyo. Palagi na po nating ginagawa iyun. Ayoko naman po baliin ang tradisyon natin."



          “Okay lang anak. Hayaan mo! Pag-uwi mo, magse-celebrate ulit tayo."



          Humugot lang ako ng buntong-hininga. “Sige po nay. Sabi po ninyo ehh. Susunod po ako sa mga sinasabi ninyo."



          “Basta anak, mag-enjoy ka. Ingat ka."



          “Kayo din po. Ingat po kayo."



          Lumabas na ako ng CR. Nadatnan ko pa rin sa labas si Sharina na nag-aantay. Bigla ko naman naalala na nilabas ko ang masama kong ugali sa babaeng ito. Hindi ko alam kung sino sa amin ang mas masama ang ugali. Siya o ako? At sa tingin ko, ako.



          “Sharina, pagpasensyahan mo ang aking pinapakitang ugali sa iyo," pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa sa paghingi ko ng dispensa.



          “Huh? Okay lang. Sinabi pa sa akin noon ni Jin na ganyan talaga ang ugali mo. At sino naman ako para ipabago iyan. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa iyo. Iyung pagtatanong ko sa'yo tungkol kay Zafe," paliwanag ni Sharina.



          “Bakit nga pala hindi mo siya nilalapitan nitong nakaraang araw? Pansin ko na dati, lumalapit siya sa iyo. Anong nangyari?"



          “Well, to put it frankly, na studyzoned ako. Mas importante daw kay Zafe ang pag-aaral dahil sa nasisiyahan siya na makipagkompktensya siya sa iyo. Dati kasi, lumalabas kami para maging malapit sa isa't isa. Then noong akala ko na handa na siyang magmahal ulit, doon na ako na studyzoned."



          “Lumabas kayo? Ang ibig mong sabihin, parang date?"



          Humugot ng buntong-hininga si Sharina. “Hmm, parang ganoon na nga. Alam mo, nakapagtataka talaga na ginanoon ako ni Zafe. Baka nga may iba siyang nililigawan at ayaw niya lang sabihin. Iyun ang sinasabi ng intuition ko. At ako naman, nag-iisip na baka alam mo kung sino since magkaibigan kayo ayon sa pagkakaintindi ko. Ano ba iyan? Masyadong komplikado. Nag-uusap kayo pero hindi kayo magkaibigan?"



          “May trust issues ako. Hindi ko pinagkakatiwalaan si Zafe. Basta, ayoko lang. Alam mo, bakit hindi mo tanungin si Ricky? Baka makatulong siya sa iyo," suhestyon ko.



          “Nako! Hindi maaasahan ang mga ganoon. Mag-bestfriend sila at sigurado ako na magtutulungan ang dalawang iyun na magtago ng sikreto." Bumuntong-hininga ulit si Sharina. “Alam mo, ayoko sa mga taong sinungaling. Malaman ko lang kung sino talaga iyung nililigawan ni Zafe, pahihirapan ko siya hanggang sa kainin siya ng lupa pati ang buo niyang angkan. Ayaw na lang umamin si Zafe at nagsinungaling pa sa akin. Magiging considerate pa naman ako kung sabihin niya sa akin ng deretsahan na may iba na siya sa puso niya. Maiintindihan ko iyun. Aalis na lang ako ng bansang ito at maghahanap ng lalaki na mas higit pa sa kaniya. Nagkamali siya ng pinaasa," nanggigigil na saad niya.



          Napalunok ako sa sinasabi ng babaeng ito. Seryoso siya sa kanyang sinasabi. Meron nga pala siyang imperpektong katauhan. Dagdag pa nito ay lumabas pa sa isip ko si nanay. Hay nako! Bakit ba ang babaeng ito may gusto kay Zafe. May iba pa bang babae na may gusto kay Zafe? Ang gwapo kasi!



          Kung siguro umamin si Zafe na ako iyung gusto niya, titigil kaya ang babaeng ito? Baka ma-turnoff siya kay Zafe dahil mababa ang standards niya. Nakakainis! Napakakomplikado. At ngayon na nalaman ko na nagsinungaling sa akin si Zafe, hindi ko ito palalampasin. Nagagalit ako ngayon sa kaniya. Gusto ko siyang suntukin si sikmura kapag nakauwi na kami.



          Nang bumalik na kami sa library, pinagpatuloy na namin ang pag-aaral. Tumunog naman ang doorbell ng mansyon nila Jin.



          “Ako na," pagprisinta ni Zafe.



          Tumayo naman si Zafe at umalis ng library. Hindi ako umimik dahil tama nga ang hinala ko. Mukhang may hinandang sumpresa ang mga taong ito dahil bakit si Zafe ang sasalubong gayong bahay ito nila Jin?



          Maya-maya ay bumalik si Zafe. Subukan ko nga ang taong ito.



          “Zafe, ang tagal mo naman. Naligaw ka ba?" tanong ko habang patuloy na nakatingin sa ginagawa ni Derek.



          “Oo. Naligaw ako palabas ng mansyon," sagot ni Zafe. “Napalaki talaga ng mansyon niyo Jin."



          “Ano naman ang ginawa mo sa labas? At bakit ikaw ang tumitingin? Hindi ba bahay ito nila Jin?"



          “Baka magulang niya iyun na ine-expect niya at dumating nga? Pumupunta din kasi iyung pamilya ni Zafe dito sa mansyon," pagsagot ni Jin sa itinanong ko kay Zafe.



          “Oo. Ganoon na nga," pagsuporta ni Zafe sa sinasabi ni Jin.



          “Hmm, ganoon ba?" saad ko na patuloy pa ring naghihinala.



          “Ang mabuti pa Aulric, bilisan na natin ang pag-aaral. Malapit na akong umuwi sa amin," saad ni Derek.



          “Mabuti pa nga."



          Nang matapos na ang pag-aaral, may dumating na mga katulong para iligpit ang ilang kalat na ginawa namin sa library. Metikoloso daw kasi ang mga magulang nila Jin at Sharina kaya pinapanatili nilang malinis ang library. Paborito din kasi nila itong lugar para magpahinga habang nagbabasa ng mga libro.



          Habang naglalakad paalis, sinadya nilang dumaan sa kusina para sa sumpresa nila. Nagkunyari naman ako na nagulat kaya pinalaki ko ang aking mata saka umiling. Si Sharina naman ay nagulat na tiningnan ako dahil baka hindi niya alam na kaarawan ko.



          “Sinasabi ko na nga ba. Buti na lang at nakapagpaalam ako kay nanay na medyo mahuhuli ako na umuwi sa amin," saad ko. “Inaasahan ko na wala ng sumpresa gaya ng mga regalo pwede? Itong mga pagkain lang ha?"



          “Hayaan mo. Wala na," paniniguro Zafe.



          “Happy birthday pala Aulric. Hindi ko alam na kaarawan mo pala," bati ni Sharina.



          “Salamat Sharina. Pahamak kasi ang tito mo at binunyag na kaarawan ko ngayon."



          Lumapit naman si Derek sa lamesa at kinuha ang chocolate cake na may mga kandila.



          “Tama na ang daldal. Heto ang birthday cake mo Aulric," saad ni Derek habang lumalapit sa akin. “Make a wish tapos hipan mo na ang kandila."



          Napakamot ako sa aking ulo.“Ay nako! Ito pa naman ang parte na ayaw ko. Ang mag-wish. Ngayon, anong magandang i-wish? Hmm, taasan niyo ang grades niyo sa math at nang matuwa ako. Okay na iyun." Hinipan ko naman ang mga kandila. “Ayan! Nag-wish na ako na mag-improve kayo. Kapag hindi kayo nag-improve, uumbagan ko kayo!" banta ko pa.



          “Yey! Nag-wish na siya," masayang saad ni Zafe na pumapapalak kasabay ang iba.



          “Hayaan mo Aulric. Tataasan ko ang grades ko sa math para naman matuwa ka," wika ni Derek. “Paano ba ito guys? Kainan na!"



          Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing inorder nila. Hindi naman ako makatingin kay Zafe dahil galit na galit ako sa aking nalaman. Ayoko siyang sugurin ngayon. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.



          Maya-maya ay natapos na kaming kumain. Kinuha ko naman ang mga natirang pagkain para pagsaluhan namin ni nanay kahit na alam ko na may sariling handa si nanay sa amin. Para sa akin naman ang pagkain kaya bakit hindi ko kukunin?



          “Zafe, pwede mo ba akong ibaba doon sa karaniwan kong binababaan? Alam kong may regalo ka sa akin. Pero may regalo din ako sa iyo," nakangiting saad ko.



          “Sige ba. Walang problema."



          Hininto ni Zafe ang sasakyan kung saan niya ako karaniwang binababa.



          “Bumaba ka din para makuha mo ang regalo ko. At para makuha ko din ang regalo ko," saad ko.



          “T-Teka? Hindi pwede. Dito ko lang maibibigay ang regalo ko sa sasakyan sa ngayon. Bakit pa ba natin kailangan bumaba?" tanong ni Zafe.



          “Kung ganoon, regalo ko muna ang mauuna. Halika na. Bumaba na tayo."



          Bumaba naman kami sa sasakyan. Sumenyas naman ako na lumapit siya sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga at lumapit sa akin. Pagkalapit ay sinalubong ng tiyan ni Zafe ang aking kamao. Ito ang regalo ko sa kaniya.



          “Tarantado ka! Akala mo, hindi ko malalaman?!" nagagalit na tanong ko.



          Biglang sumama ang pakiramdam ni Zafe. Nagsimula naman niyang isuka ang mga kinain niya kanina sa gilid ng bangketa. Tinapik ko naman ang kanyang likuran pero may konting pwersa para maibsan ang galit na nadarama ko.



          Nang mahimasmasan si Zafe, hinabol niya ang kanyang hininga. Kumuha naman ako ng isang bote na may tubig mula sa kotse niya at ibinigay sa kaniya. Pagkakuha'y itinungga niya ito agad. Ang dami niyang isinuka. Nanghihina na siguro ang taong ito.



          “Paano mo nalaman?" tanong niya nang mag-angat si Zafe ng tingin at sumandal sa kanyang sasakyan para suportahan ang kanyang pagtayo.



          “Kanino pa sa tingin mo? Sa iyo?" sarkastikong sagot ko. “Nako naman! May mga rason pa naman ako para magustuhan ka, pero may negative points ka na naman! Alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin ni Sharina kapag nalaman niya na may kinikita ka daw na iba? Pahihirapan niya ang buhay ng taong iyun na halos lahat ng galit niya ay itutuon sa taong iyun. Napaka-ironic lang dahil mukhang ako iyung taong iyun. O meron bang iba? Sabihin mo nga Zafe, may iba pa ba?!"



          “Bakit hindi mo siya labanan gaya ng karaniwan mong ginagawa?"



          “Gaya ng ano? Bubugbugin siya? Putang ina Zafe. Iyung babaeng iyun, mukhang makikipagsabayan nga sa init ng ulo ko. At lamang na lamang siya sa ibang aspeto na walang-wala ako. Kahit nga pagsamahin pa natin ang yaman natin, hindi tayo makakaligtas sa galit ng babaeng iyun! Hindi palagi Zafe, idadaan ko na lang sa dahas. At napaka-unreasonable na dadaanin ko sa dahas si Sharina. Nagmahal nga lang kasi siya. Kaya lang, loka-loka siya. Alam mo, dapat diniretso mo na lang siya na ako pala ang dahilan kaya ayaw mo sa kaniya. Baka magbago pa ang isip noon at isipin ni Sharina na ang baba ng standards mo para hindi ka niya habulin. Alam mo ang pinakaayaw kong mangyari, kapag nadamay ang nanay ko dito sa pagmamahalan natin. I can't risk it Zafe. My mother comes first above all else."



          “I'm sorry," paghingi niya ng dispensa. “Iyun ang plano ko noong una. But I realize na mali iyun kaya tinigil ko na."



          Pinatunog ko ang aking dila habang umiiling. “Pasensya na Zafe. Mukhang hindi ko matatanggap ang sorry mo. Pero matatanggap ko na isa kang napakalaking sinungaling! Pag-aaral daw. Anong pag-aaral? Pag-aralan akong bumigay?! Birthday na birthday ko pa naman! Ay oo nga pala. Wala akong pakialam kung kaarawan ko ngayon. Diyan ka na nga!"



          Kinuha ko ang aking mga gamit at pagkain na aking dala saka lumakad pauwi sa amin. Binilisan ko ang aking paglakad para maiwanan siya. Baka kasi habulin niya ako at suntukin. Hindi ko talaga mapapalampas ang ginawa niya. May dine-date habang hindi kami? Anong ginagawa niya? Parang naghahanap ng trabaho na kailangan magpasa ng resume sa mga kumpanya at kapag nagkaroon ng interview, sasabihin na wala siyang ibang kumpanyang inaaplayan pero ang totoo, marami siyang inaaplayan? Naghihirap ba si Zafe na magkaroon ng sex life? Nakakainis! Nakakainis talaga! Kulang pa pala ang isang beses na sinuntok ko si Zafe. Gusto ko pa siyang suntukin.



          Nakarating na din sa wakas sa tapat ng aming bahay. Humugot muna ako ng malalim na malalim na malalim na malalim na malalim na hininga para maitago ang nararamdaman kong galit. Nag-audition naman ang aking labi sa pagngiti para sa paghaharap namin ni nanay. Ayokong makita ni nanay na naiinis ako. Kailangan ay hindi masyadong pilit, hindi din masyadong natural. Baka mahalata ako. Birthday ko pa man din.



          Pumasok na ako sa aming bahay. Nagulat naman ako matapos makita si sir Henry na nakaupo sa mesa. Nakasuot pa siya ng suit na masyadong hindi bagay sa bahay na ito. Mahirap lang kaya kami tapos may taong nakasuot ng suit.



          “Hi. Magandang gabi po," agad na bati ko.



          “Aulric. Nandito ka na pala. Magandang gabi din sa iyo at maligayang kaarawan," bati din ni sir Henry.



          “Anak, nandito ka na pala. Halika na't kumain na tayo. May dalang cake si Henry para sa iyo," masayang saad ni nanay.



          Napatingin ako sa mesa. May chocolate cake din na gaya ng binili nila Zafe pero ibang-iba ito. May icing naman ito at may nakaukit na salita para batiin ako ng isang maligayang kaarawan. Pero gusto kong maghinala kung bakit nakangiti si nanay. Naka-duster kasi siya na may magagandang bulaklak na disenyo. At lagi niya itong sinusuot tuwing kaarawan ko. Coincidence na naman? At anong sine-celebrate ninyo? Birthday ko ba o nagde-date itong dalawa?



          “Nako po sir Henry. Hindi niyo po ba alam na may chocolate cake na binili din po ang anak ninyo para sa akin kanina? Nakakahiya naman po," nahihiyang saad ko. Nahihiya talaga ako.



          “Well, walang kaso iyan. Kami ng nanay mo ang kakain ng cake. Siguro Emma, matagal ka ng hindi nakakakain ng paborito mong chocolate cake. Hindi ka siguro binibilhan ng yumao mong asawa," nagbibirong saad ni sir Henry.



          Biglang umiba ang mood sa paligid namin. Bigla ko naman din naalala si tatay at natumbok ko na ngayon kung bakit ayaw niya ng chocolate cake. So dahil sa chocolate cake, naaalala ni nanay si sir Henry. At bakit naman nagbibiro ng ganoon si sir Henry?



          “Pasensya na," paghingi ni sir Henry ng dispensa. “Hindi ko talaga maitago-tago itong worst behavior ko."



          “Okay lang Henry. Parang hindi naman ako nasanay," tugon ni nanay na may hilaw na ngiti sa labi. “Ang mabuti pa, kumain na tayo. Aulric, umupo ka na at kumain na tayo."



          “Paano po pala ang mga pagkaing dala ko? Medyo-" Pinutol ko naman ang aking pagsasalita matapos makaisip ng magandang ideya.



          “Nako! May dala pala si Aulric. Sayang naman kung hindi kakainin. Mapapanis lang iyan," wika ni sir Henry.



          “Sandali lang. May naisip po ako para hindi masayang ang mga pagkain na ito. Lalabas lang po muna ako at magbabalik makalipas ang ilang paalala," paalam ko sa kanila saka lumabas ng bahay.



          Pagkalabas ng bahay, nakita ko naman ang mga kaibigan ni Randolf na kaibigan din ata ni Zafe na nag-iinuman sa tinatambayan nilang tindahan sa tapat ng bahay namin. Humugot na lang ako ng malalim na hininga dahil kinakabahan ako sa gagawin ko. Ewan ko lang kung bebenta ito sa mga taong kakausapin ko. Sobrang bago talaga.



          Nagsimula na akong maglakad papunta sa mga taong ito. Bawat lakad na ginagawa ko ay bumibigat ang aking mga paa. Nagsimula na din akong mainis sa ginagawa ng aking mga paa at sa sarili ko. May babaliin na naman kasi akong ilang batas aa sarili ko. Pero hindi naman iyun mahalaga.



          “Mukhang masaya ang inuman natin ahh," approach ko sa kanila.



          Agad na nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ni Randolf na pawang nagtataka kung bakit ako lumalapit sa kanila. Medyo halo-halo pa ang kanilang reaksyon dahil ang dahilan sa galit nila sa akin ay nawala na.



          Pinakita ko sa kanila ang dala kong pagkain na nasa isang supot. “Wala na ba kayong pulutan? Sa inyo na lang to. Sayang naman kasi kung walang kakain. Galing sa-"



          “Galing sa akin iyan," pagputol ng boses ni Zafe.



          Agad na kinuha ng isang kasamahan ni Randolf ang hawak kong supot. Pagkabukas ay napa-wow ang mga ito sa barbecue at pansit dahil madadagdagan ang pulutan nila. Nakaramdam agad ako ng inis sa pagputol niya sa akin. Mang-aagaw ng moment ba naman? At bakit ba siya nandito?



          “Guys, batiin niyo si Aulric ng happy birthday. Siya nakaisip na ibigay sa inyo ang mga iyan kapag nakita niya kayo na nag-iinuman dito," wika ni Zafe.



          “Huh? Ngayong araw pala iyun?" nagulat na wika ni Randolf. “Happy birthday pala Aulric."



          “Happy birthday din Aulric. Salamat sa pulutan," bati din ng isa pa niyang kasamahan at nasundan pa hanggang sa nakabati na lahat.



          “Thank you. Paano? Pakabusog kayo," nakangiti kong sabi saka naglakad papunta ng bahay at nilampasan si Zafe.



          Hinawakan naman ni Zafe ang braso ko para pahintuin. Malakas ang pagkakakapit niya na ayaw niya talaga akong paalisin. Tinigil ko naman ang pagngiti dahil hindi na ako nakaharap sa mga kaibigan ni Zafe at Randolf.



          “Teka nga? Hindi ba dapat sa parte na ito, nasa bahay ka na at nagre-reflect sa iyung mga ginagawa?" naiinis na tanong ko habang nakaharap sa bahay namin. “At pwede ba? Huwag mo akong hawakan ng ganito sa labas ng bahay namin! Wala na dapat tayong pag-usapan."



          “Pag-uusapan natin ito ngayon. Ayoko ng ipagpabukas ito," pakiusap ni Zafe sa mahinang volume na tanging kami lang ang makakarinig habang nakaharap naman sa mga kaibigan niya at ni Randolf.



          “Kung ikaw, ayaw mo, puwes ako, gusto kong bukas-"



          “Anak, kumain na tayo," tawag sa akin ni nanay nang bumukas ang pintuan ng bahay namin.



          Winaksi ko agad ang kamay ni Zafe. “Susunod na po ako nay."



          “Anak, sino ba iyang katabi mo? Si Zafe ba iyan?" tanong niya. “Pasok kayo at kumain na. Maghahanda lang ako ng isa pang plato sa hapag."



          “Magandang ideya po iyan. Salamat po," nakangiting pagharap ni Zafe kay nanay na habang kinakausap ko ay nakita mo na nakasimangot.



          “Zafe, ano ka ba? Hindi ba aalis kayo ng pamilya mo ngayon? May family dinner kayo," nakangiting pagdadahilan ko para kay Zafe. Para umalis na siya.



          “Family dinner? Huwag ka ngang magpatawa diyan Aulric. Hindi mo ba alam na nasa ibang bansa ang mga magulang ko? Teka? Pinapaalis mo ba ako?" angal ni Zafe.



          “Oi, kayong dalawa, nag-aaway ba kayo?" tanong ni nanay. “Tigilan niyo nga iyang dalawa. Lalo na ikaw Aulric. Birthday mo pa naman din."



          “Iyung anak niyo po kasi, ayaw akong kausapin," gatong ni Zafe na nakanguso pa. “At hindi lang iyun ang ginawa niya. Sinuntok niya ako ng pagkalakas-lakas sa sikmura dahilan para maisuka ko ang lahat ng kinakin ko kanina sa hinanda naming pagkain para kay Aulric."



          Nahabag si nanay sa narinig. “Nako! Kaaway na naman ng anak ko ang dati niyang kaibigan. Alam mo, pumasok ka na dito Zafe para kumain."



          “Maraming salamat po tita," nakangiting saad ni Zafe habang naglalakad papasok ng bahay.



          Inikot ko na lang ang aking mata dahil ine-entertain pa ni nanay si Zafe kesa sa akin. Parang hindi ako ang may birthday ehh.



          Pagkapasok sa loob, nakita ko na nagtaka si sir Henry kung bakit narito sa bahay si Zafe. Pinaliwanag naman ni nanay ang dahilan kung bakit narito si Zafe.



          “Kaya ikaw Aulric, huwag kang manununtok sa bandang tiyan kapag alam mong busog na busog ang tao. Suntukin mo na lang sa mukha kung pwede. Pero kapag si Zafe, intindihin mo na lang," litanya ni nanay.



          Sabay naman kaming napatikhim ni sir Henry sa sinasabi ni nanay. Kapag gwapo talaga, bawal na suntukin sa mukha? Sa bandang ibaba kaya?



          “Pero anak, ano naman ang dahilan at sinuntok mo si Zafe?" tanong ni nanay.



          “Nay, hangga't maaari po, pwedeng kami na lang po ang nakakaalam sa problema namin," paliwanag ko. Napansin ko naman na kumukuha na ng pagkain si Zafe kahit na hindi pa kami nagsisimula na kumain. Pinalo ko agad ang kamay niya.



          “Aray!" Ibinalik ni Zafe ang kanyang kamay. “Opo. Kung hangga't maaari po, sa amin ma lang po ang problema namin. Hayaan niyo po at magkakasundo din po kami Aling Emma," paliwanag niya na palihim pa akong tiningnan ng masama.



          “Narinig mo ang mga bata Emma? Hayaan na natin sila dahil kaya na nila iyan. Tara na't magsimula na tayong kumain," wika ni sir Henry.



          Bumuntong-hininga si nanay. “Mabuti pa nga."



          Nagsimula na kaming kumain. Maya't maya naman kung mamuri si sir Henry ang pansit ni nanay kasama si Zafe. Ganito pala ang mga lalaking ito ha? Mambobola.



          Ilang minuto ang nakalipas, pumunta na ako sa kwarto ko. Sumunod naman si Zafe sa akin sa loob.



          “Hay nako! Alam kong pinapasok ka ng nanay ko sa loob ng bahay. Pero dito sa loob ng kwarto ko, hindi," sabi ko habang nagpapalit ng damit. Kainis naman kasi. Sumunod pa talaga siya sa akin.



          “Aulric, pag-usapan naman natin ito. Hindi ako makakatulog nito," pakiusap niya.



          “Mas maganda. Huwag kang matulog. Pag-isipan mo ang mga ginawa mo. Ngayon mamili ka. Sisipain kita palabas ng kwarto ko, o susuntukin na naman kita sa tiyan para sumuka ka?" Hinubad ko ang aking pantalon at isinuot ang aking pambahay na shorts.



          “Aulric, huwag ka nga pala magpalaki ng katawan. Okay na iyan para sa akin," saad ni Zafe habang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Sakto naman na sinusuot ko pa lang ang aking pambahay na shirt. And fuck! Ang init ng mga kamay niya na napakasarap para sa aking pakiramdam.



          “Pwede bang magseryoso na muna tayo Zafe?" pagtaboy ko sa kaniya. Nakawala ako sa pagkakahawak niya at lumayo. Nagkaharap kami saka seryosong nagtinginan.



          “Well, kung dito ako sa kwarto mo susuka, okay lang. Makausap lang kita. Tutal kwarto mo ito, ikaw ang maglilinis ng suka ko," confident niyang paliwanag na ngumingiti pa.



          Tinaas ko lang ang aking kaliwang paa. Bigla naman dumipensa si Zafe para saluin sana ang sipa ko pero hindi ko tinuloy. Tiningnan ko pa siya ng seryoso para mahalata niya na galit na galit pa rin ako sa ginawa niya.



          Bumuntong-hininga na lang siya saka lumabas ng kwarto. Inayos ko ang aking sarili at dumungaw sa bintana. Kitang-kita ko si Zafe na naglalakad paalis. Bwisit na scene to. Nag-replay lang kami kanina.



          Nakarinig naman ako ng tawanan sa bahay namin. Nagpasya akong makinig sa pintuan ko kahit konti. Tawa pala ni nanay ang naririnig ko at hindi ko pa ito naririnig sa buong buhay ko. Kausap pa rin niya si sir Henry na nakaupo pa rin sa mesa. Patuloy pa rin silang nagkikwentuhan. Mukhang hahaba ang gabi na ito para kay nanay. Siguro, iba talaga kapag ang nagpapasaya sa iyo ay ang pinakamamahal mo. Iba rin ba kapag nang-iinis?



Jin's POV



          “Bad trip ka?!" pasigaw na tanong ni Sharina sa kabilang court.



          Kasalukuyang naglalaro kaming dalawa ng tennis sa likuran ng mansyon namin. Nagpasya kami ni Sharina kanina na magpatunaw ng aming kinakain sa pamamamagitan ng paglalaro ng tennis.



          “Sinong hindi maba-bad trip?!" pasigaw ko ding sagot. “Okay na ako doon sa isa! Pero hindi ko talaga inaasahan na may dadagdag! Siguradong hindi ko na magagamit ang galaw na magpapaturo ako kay Aulric! Kailangan ko ng ibang plano!



          “Sa tingin mo ba, may gusto si Zafe kay Aulric?! O si Aulric kay Zafe?!"



          “Sa tingin ko naman, wala! Paano mo naman nasabi?!"



          “Dahil naging balakit si Zafe sa mga plano mo?!"



          “Nako! Baka nagkataon lang iyun Sharina! Hoy, baka isipin mo na si Aulric ang dahilan kaya hindi kayo natuloy ni Zafe?!"



          “Hindi siya! Mukhang hindi nga sila magkasundong-magkasundo! Baka kapag iyung dalawa ang nagkatuluyan, siguradong gyera ang kalalabasan!"



          Nang nilakasan ko ang pagpalo sa bola, napunta ito sa gilid ni Sharina. Hindi niya ito napalo kaya nakapuntos na ako ng isa. Nanalo ako.



          Parehas namin hinabol ang aming hininga. Pakiramdam ko, iyung kinain ko kanina, natunaw na lahat.



          “Si Aulric kaya? Nakakaramdam kaya siya ng romantic feelings para sa iyo?" tanong niya nang lumapit siya.



          “Paano naman siya makakaramdam ng romantic feelings sa akin? Ehh, wala pa akong ginagawa bukod sa ninanakawan ko siya ng halik," paliwanag ko. “Pero ngayong taon talaga. Aaminin ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya."



          “At kung tanggihan ka?"



          Lumawak ang aking pagngiti. “Hindi ako susuko. Hindi naman dahil tinanggihan ako ay tapos na. Kapag may Plan A, may Plan B."



Zafe's POV



          “Ano ba iyan?! Mintis ka na naman?!" pang-aasar sa akin ni James habang nagpa-practice kami sa court. Tumawa siya pati ang kanyang mga alipin. Hindi kasi pumasok ang bola sa basket. Nakakainis!



          Mag-iisang linggo na nang hindi ako pinapansin ni Aulric. Isang linggo niya akong hindi kinakausap, tinitingnan, sinasagi, nakakasabay sa CR, kahit iyung mga tingin niya na nang-uusig, wala din. Nagsisimula na akong mabaliw at hindi makapag-focus sa paglalaro ng basketball. Pakiramdam ko, nahati ang araw ng buhay ko kaya nagkakaganito. Wala na ang aking swerte kaya nagkandaleche-leche na rin ako sa paglalaro ng basketball.



          “Bwisit!" mura ko sa aking lucky card na hawak na kinuha ko mula sa aking bulsa. Nagpapahinga kasi ako sa bench dahil bwisit na bwisit ako. Alam ko naman na hindi ako nito mumurahin pabalik pero wala na kasi akong paglabasan ng sama ng loob.



          Umupo sa tabi ko si Ricky at rinig kong bumuntong-hininga siya. “Alam kong nasabi ko na sa iyo to ng ilang beses kang nagkakaganyan pero sasabihin ko pa rin ulit. I told you so."



          “At ilang beses ko na itong sinabi sa iyo ng maraming beses, tigilan mo na iyan!" napapagod ko ng saad. “Grabe! Parang brokenhearted ako kahit na hindi pa nga naging kami ni Aulric. Ang sakit dito sa puso!" turo ko sa dibdib ko.



          “Lalaki ka ba? OA mo naman Zafe. Hindi pa kayo! At kahit kailan, hindi naging kayo! Pera kami ni Shai, malapit ng maging kami!" pagmamayabang niya.



          “Huwag ka nga! Can we make the topic of this conversation all about me?"



          “Yey! Hindi na gumagaling si Zafe sa basketball. Si Aulric lang pala ang sikreto. At ngayong hindi na siya pinapansin, nawawala na din ang galing ni Zafe!" kanta ni Ricky.



          Kinuha ko ang pinakamalapit na bola na mahahawakan ko saka binato kay Ricky ng ubod ng lakas. Pero imbis na tumama, nasalo niya ito at nagtatatawa.



          “Alis ka na nga! Napakawalang kwenta mong best friend! Dapat, sa panig kita! Hindi sa panig ng kalaban!" tanong ko.



          “Ayoko muna kasi ng role na mabait na best friend. Gusto ko itong masamang best friend. Ang saya kaya," paliwanag niya. “Ito ang totoong ako Zafe at masayang-masaya ako."



          “Magbigay ka na lang kaya ng ideya sa akin kung paano niya ako mapapatawad!"



          “Wala iyung kapatawaran. Kung madadamay ang nanay ni Aulric sa pagmamahalan ninyo, wala ka ng magagawa Zafe. Ayoko ang magsabi ng worst case scenario, pero posible."



          Mas lalo akong nabaliw sa aking naririnig. Ayokong isipin na magkakaganoon kami sa huli.



          Isang araw, lihim na sinundan ko si Aulric. Napatago naman ako nang nakita ko si Derek at Jin na lumalapit sa kaniya. Bwisit! Kung mawawala naman ako, siguradong magiging masaya itong dalawang ulupong na ito! Mababawasan sila ng isang karibal! Pero paano kaya kung hayaan ko lang na may isa sa mga lalaki ito na makatuluyan ni Aulric? Tapos ako ang 3rd party na sisira sa kanilang relasyon? Hay! Hindi pwede. Ayoko! Gusto ko, ako ang 2nd at 3rd party at ako iyung secret admirer.



Jin's POV



          Kasalukuyang hinahanap ko ngayon si Aulric. Ipapagmalaki ko kasi sa kaniya ang resulta ng aking midterm sa Math.



          Habang tumatakbo, nakita ko siya na mag-isa kasama ang isa niyang kaibigang babae. Nakita ko din naman na papalapit sa kaniya si Derek.



          “Aulric," pag-agaw ko sa atensyon niya na nakuha ko. Huminto naman ako nang nakatapat na ako sa kaniya. Hinabol ko ang aking hininga.



          “Jin, bakit?" tanong ni Aulric.



          “Aulric," rinig kong tawag din ni Derek na katabi lang namin.



          “Ano bang nangyayari Aulric? Nilalapitan ka ng mga lalaking ito? May lalapit pa ba maliban sa kanilang dalawa?" pag-iinarteng tanong ni Shai.



          “Shh!" pagpapatahimik ni Aulric. “Sa tingin ko alam ko na kung bakit hinahanap niyo ako. Ano? Ipapakita niyo ba sa akin ang resulta ng test ninyo?"



          “Nakakuha ako ng 90." Ipinakita ko naman sa kaniya ang aking test paper.



          “Ako naman, 95." Ipinakita din naman ni Derek ang kanyang test paper. Ang laki ng score niya!



          “Mula 85 ang score ko." Ipinakita ko naman ang resulta ng finals ko last semester.



          “Ako, 90," Ipinakita din ni Derek ang resulta ng kanyang exam last semester. 90?! Tapos nagpapaturo ka pa rin kay Aulric? Ang yabang ng taong ito!



          “This is not the improvement I'm talking about. Matalino ka na pala Derek. Pero good job," pamumuri niya. “At ikaw naman Jin, tama na iyan. Hindi naman kailangan na makipagtaasan ka ng score dito kay Derek. Pero good job." Napakasaya ko naman. Pinuri niya ako.



          “Salamat sa pagtuturo mo talaga Aulric. Paano, aalis na ako. Salamat ulit," paalam ni Derek saka naglakad na paalis.



          “Hindi ko pa rin gets? 90 pala ang nakukuha niya sa exam tapos magpapaturo siya sa iyo?" nagtatakang tanong ni Shai. “Ako nga, 83 lang, tuwang-tuwa na ako."



          “Hayaan mo na Shai. Jin, kita na lang tayo mamaya. Good job sa improvement mo. Natutuwa talaga ako. Bye," paalam ni Aulric at umalis na kasabay ni Shai.



          Napangiti naman ako habang naglalakad siya paalis. Nararamdaman kong masaya siya sa nakuhang resulta ng kanyang pagtuturo.



          Pero mga ilang segundo ang nakalipas, napalitan ang saya ko ng pagkaasar. Kanino pa ba? Kay Derek.



          Mabilis na pumunta ako sa direksyon na tinungo niya. Nakita ko naman siya na kausap ang papa niya. Pagkatapos nilang nag-usap ay lumapit ako.



          “Hi Derek," tawag ko.



          “Hi din Jin," bati niya. “Bakit? May kailangan ka?"



          “Ahh! Yeah. May kailangan ako sa iyo. Gusto ko lang malaman ang katotohanan sa pakikipagkompetisyon sa akin."



          “Pakikipagkompetisyon? Ano at kanino?" maang niya.



          Natawa ako ng payak. “Huwag ka ng magpanggap. Alam mo naman kung kanino ka nakikipagkompetisyon."



          “Well, kanino ba? Sa'yo? Bakit? Parehas ba tayo ng magulang para makipagkompetisyon sa iyo kung sino ang mas mataas ang nakuhang puntos sa midterm exams?"



          “Hindi naman. Pero sa ibang bagay, nakikipagkompetisyon ka." Nagseryoso ako ng tingin. “Halimbawa na lang, kay Aulric. May gusto ka sa kaniya."



          May nakita akong reaksyon sa mga mata niya. Nagulat siya sa sinabi ko. So meron nga?



          Tumawa ng payak si Derek. “Ano? Ako? May gusto kay Aulric?" At patuloy na tumawa. “Ngayon? Ano naman sa iyo?" Sumeryoso siya sa akin ng tingin at hindi pa rin naaalis ang kanyang ngiti sa labi.



          Tiningnan ko din siya ng masama. Napagtanto ko naman ang aming pagkakaiba sa isa't isa. Matalino din si Derek. Nakakatakot ang kanyang bilog na mata na kung makatingin ng diretso'y parang kahit anong oras ay sasakmalin ka. Napaka-charming naman niya kapag ngumiti na nakakadali ng maraming kababaihan. At higit sa lahat, wala siyang suot na salamin kaya makikita mo ng buong-buo ang kagwapuhan ng kanyang mukha. Bakit kasi lumabo itong mata ko?



          “Wala nga ba, o meron?" tanong ko. “Sagutin mo ako."



          “Wala akong nararamdaman sa kaniya Jin," sagot niya. “Ang gusto ko kasi ay mapalapit sa anak ng kaibigan ni papa. Napaka-interesting niyang tao."



          Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Buti na lang at sarili ko lang ang kalaban ko ngayon. Ang tagal na itong feelings ko para kay Aulric, tapos malalaman ko na may ibang tao na may magkakagusto sa kaniya? At ano naman ang nagpapa-attractive kay Aulric? Sungitan ka nga lang, siguradong aayaw ka na sa kaniya. At sigurado naman ako na lamang ako pagdating sa pagkakakilala ko sa kaniya. Walang ibang nakakakilala kay Aulric bukod sa akin.



          “Teka? Mapalapit lang? Hmm, parang ayoko ng mapalapit lang. Parang gusto ko siyang mas makilala na mabuti. Hindi ko magagawa iyun kung hindi magiging kami," saad ni Derek na nagpaputol sa aking iniisip. “Pasensya na. Nagbago na ang aking plano. Gusto kong makuha ni Aulric ang buong atensyon niya."



          Tiningnan ko si Derek ng masama. Hindi ako naniniwala sa sinabi niyang iyun. Palagay ko, nang-iinis na lang ito.



          “Salamat sa pagtatapat Derek na wala ka talagang nararamdaman para kay Aulric. Kaya kung pwede sana, maging seryoso ka naman sa usaping pag-ibig. Ang damdamin mo para sa isang tao ay hindi parang switch ng ilaw na bubuksan mo lang kung kailangan. Ang damdamin ko para sa isang tao ay dapat parang araw na nagbibigay ng liwanag sa paligid kahit walang nangangailangan," walang emosyon kong paliwanag.



Zafe's POV



          Kita ko naman na napabahing si Aulric. Kasalukuyang nasa malayo pa rin ako at nakamasid sa kaniya. Si Shai kasi ay humiwalay na sa kaniya dahil mukhang may gagawin daw. Hindi ako makalapit. Natatakot ako na magkatotoo ang sinasabi ni Ricky sa akin.



          Hindi ko naman namalayan na biglang humarap sa direksyon ko si Aulric. Nakita niya akong nakamasid sa malayo.



          Lumakad naman siya papalapit sa akin. Ang paa ko naman ay biglang gumalaw palayo sa kaniya. Ayoko. Kung dati ay gustong-gusto ko siyang kausapin, ayoko na ngayon.



          Pumunta ako sa aking sasakyan na naka-park. Sigurado ako na iyun ang huling lugar na maiisip niyang puntahan para kausapin ako.



          Mga ilang minuto na akong nasa loob ng sasakyan ko. Nagmasid ako sa aking paligid kung nasa paligid si Aulric. Wala siya.



          Nang masiguro kong wala na si Aulric, nag-ayos ako at lumabas ng kotse.



          “Hail Hydra!" huling sigaw na narinig ko bago pa ako mawalan ng malay.



          Iminulat ko ang aking mga mata. Agad ko naman na nasapo ang ulo ko dahil sa may isang bagay na bumukol dito bago ako mawalan ng malay. Sino kayang gagong tao ang gumawa nito? Si Ricky?



          “Hail Hydra!" muling sigaw na naman na aking narinig na mas pamilyar na ang boses.



          Iginala ko ang aking tingin. Nasa kotse pa rin ako at nakaupo sa driver's seat. Ang nagsisigaw naman ng ‘Hail Hydra!' bago ako nahimatay at ngayon ay si Aulric lang pala. Kasalukuyan siyang nakaupo din sa harapan ng sasakyan ko.



          “Huhulaan ko. Winter Soldier?" agad na hula ko sa kabila ng masakit kong ulo.



          “Mali. Sa Agents of S. H. I. E. L. D. ko nakuha. May isang member sa drama club ang nonood ng palabas na iyun. Tapos ang pangalan pala ng kalaban nilang organisasyon ay Hydra. Siyempre ako, bet ko manalo iyung nga kontrabida kasi lagi namang nananalo ang mga mabubuti. Pero anyway, napaka-cool kasi ng kanilang catchphrase ng kalaban nilang organisasyon," natatawa niyang paliwanag.



          Tumahimik na lang ako kahit na nagsasalita siya. Diretso ang aking tingin sa harapan kahit na nakatingin siya sa akin.



          “Nakalimutan ko nga pala na naglalaro tayo ng hide-and-seek. Kung dati, ikaw ang taya, ngayon, ako," sarkastiko niyang saad.



          “Bakit? Sino bang may gusto ng larong ito?" tanong ko siya nang tiningnan ko siya ng seryoso.



          “Bakit? Sino bang nagsimula ng larong ito? Ako ba na ang nakipagrelasyon sa isang imperpektong babae?" Ang tingin niya ay nag-iba para labanan ang seryoso kong tingin.



          Napaiwas ako ng tingin at napailing. Si Aulric ang mananalo sa usapan na ito. Kahit anong rebuttal ko, babalik lang sa akin.



          “Alam mo bang matagal ko ng alam ito? Na may dating relasyon kayo ni Sharina?" pagbasag ni Aulric sa katahimikan. “Noong Disyembre, may ipinakitang parang prototype article sa akin si Shai. Nakuha niya daw iyun sa isa sa miyembro ni Kurt. Noong una, wala lang sa akin iyun. Kasi alam ko naman na hindi mo iyun itinuloy. Pero nang masaksihan ko ang ugali ni Sharina, nag-alangan na ako. Delikadong babae ito. Baka kapag nalaman niya na ako ang pinag-aaralan mong bumigay, baka bumagsak ang langit sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Hindi naman ata ako payag doon Zafe. Kaya heto ang relasyon natin ngayon. Naglalaro ng hide-and-seek. Alam kong gustong-gusto natin ang isa't isa. Pero may cargo ako Zafe. Hindi ko kayang pati ikaw ay makibuhat din sa cargo ko. Ayoko ng ganoon. Gusto ko na ang bubuhat sa cargo ko ay ako lang din. Ayokong iba ang bumubuhat ng cargo na iyun."



          “Got any bright ideas?" tanong ko. Napalunok lang ako habang hinihintay ang kanyang sagot.



          “Panindigan mo ang sinabi mo kay Sharina. Pag-aaral muna ang atupagin natin," sagot niya. “Hindi pwede na maging tayo ngayon. Kahit na alam kong mayaman ka din at mayaman si Sharina, masyado nang clichéd ang ganoong scenario. Kaya mabuti pang umiwas tayo sa gulo ngayon. Ewan ko kung tama ang sasabihin kong ito pero-"



          “Huwag!" pagputol ko. “Huwag mong ituloy!" Agad na tinakpan ko ang aking tenga.



          Pero huli na ang lahat. Hindi ko man marinig, nababasa ko iyun sa galaw ng kanyang labi. Maghiwalay na muna tayo pansamantala para sa kabutihan ng lahat. Iyun ang sinabi niya.



          Lumabas na ng kotse si Aulric. Kahit na hindi pa naging kami ni Aulric, bakit ang sakit sa dibdib? Iyun nga lang, mas masakit ito noong iniwan ako ni Colette. Kung siguro hindi ko na pinatulan si Sharina, hindi na siguro mangyayari ito. Sige Aulric. Tatanggapin ko ang kagustuhan mo. Pansamantala munang maghihiwalay tayo.



Shai's POV



          “Aba! Napakagwapo mo naman para bastedin si Zafe!" sarkastikong reaksyon ko matapos marinig ang kwento ni Aulric na hiwalay na daw sila, kahit na hindi pa sila.



          Kasalukuyang nasa library kami ng eskwelahan at tinatapos ang ilang assignments namin.



          “Ganoon talaga. Doon naman mapupunta ang relasyon namin kapag ipinagpatuloy ko. Tsaka may lakas ba si Zafe na makipag-break sa akin? Patay na patay sa akin iyun," paliwanag ni Aulric.



          “Aba! Ang gwapo talaga! Nako! Parehas lang kayong patay na patay sa isa't isa. Iyung sarili mo lang ang pumipigil sa inyong pagmamahalan."



          “Kayo ni Ricky, kumusta?" pag-iiba niya sa usapan.



          “Well, maayos naman. Going smoothly. Lalo na noong natumbok ko na ang daan sa puso niya ay ang problema niya kay Zafe."



          “Problema? Kay Zafe?" nakakunot-noo niyang tanong.



          “May tinatago siyang hinanakit kay Zafe. Si Zafe kasi ay mas-angat sa kaniya sa ilang aspeto kaya hindi siya napapansin ng mga tao. Ang ibig kong sabihin sa lebel na pagpansin sa kaniya ay iba. Iyung halimbawa, ako at ikaw ay iisa lang ang magulang natin. Sa ilang aspeto, mas angat ka sa akin. Halimbawa na lang ay mas matalino ka sa akin. Dahil sa mas matalino ka sa akin, palagi kang may honors, pinapatawag ang magulang mo sa mabuting dahilan para ipaalam na matalino ka, at kung ano-ano pa. Ako naman, dahil ako iyung hindi gaanong matalino, 80 lang ang grades ko, hindi ako halos napapansin ng mga magulang natin. At kapag halimbawa, kinausap ako ni Isaac. Pinupuri naman niya ako dahil magaling ako sa ganito, at ganyan. Tapos bigla niyang isisingit kung gaano ka naman katalino. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko sa sitwasyong iyun?"



          “Babatukan mo si Isaac dahil sa kabastusan," sagot ni Aulric.



          “Oo. Tama ka. Kaya lang, ako naman si hangal na kapatid, mananahimik na lang. Iyun ang unang problema kay Ricky. Iyung pangalawa naman, iyung mahanap ni Ricky ang tunay na siya. Iyung basketball kasi, impluwensya lang ni Zafe. Iyung lahat ng bagay na alam mong ginagawa ni Ricky, kay Zafe galing iyun."



          “Pati iyung ikakama ang isang babae? Kay Zafe din iyun?" nagulat niyang tanong.



          “Iba naman iyun. Sa kaniya na iyun. Para daw kahit papaano, may bagay sa kaniya na kaniya talaga galing."



          Biglang naging tahimik ang paligid namin. Wala ni isang nagsasalita. Ang mga ingay lang ng ibang estudyante na nagbubulungan sa library ang maririnig mo.



          “So malapit na bang matapos ang pagkakaibigan na ito?" biglang tanong ni Aulric.



          Napahinto ako sa aking ginagawa at tumingin sa kaniya ng diretso. Kinakausap ko siya sa pamamagitan ng aking tingin kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya. Hindi na ako nagsalita. Hindi kasi ako makapaniwalang after all these months na pinagsamahan namin, ibi-bring up niya ito.



          “Seryoso ako," tipid na saad niya nang tumingin siya sa akin at nagpatuloy na siya sa kanyang assignment.



          “I-I can't believe this Aulric. After all these months na pinagsamahan natin, ibi-bring up mo ito?" pag-uulit ko sa sinasabi ng isip ko. “Hindi mo ba alam kung gaano ako na-offend sa sinabi mo? Pinag-isipan mo ako ng masama. Iniisip mo na iyung mga araw at moment na masaya tayo, ilusyon lang para sa iyo? Oo, alam ko na sinabi kong para tayong friends with benefits sa setup natin pero hindi ito all about sex. Ito ay para mapalapit ako kay Ricky. Pwede bang batukan kita dito mismo sa library tapos sisigaw ka sa sakit?"



          Nawalan ako bigla ng gana na gawin ang assignment ko. Si Aulric naman ay mukhang hindi apektado sa sinasabi ko at ipinagpatuloy pa rin ang paggawa. Napakasakit naman kasi ng tanong niya kanina.



          “Ginagawa ko lang kung ano ang dapat ginagawa ko. I'm just making a reality check of my life. These past months Shai, I'm breaking some of my rules. I let some people into my life. And I still can't believe it na ginawa ko iyun," paliwanag ni Aulric.



          “Pero iyung paraan mo ng pag-deliver sa topic, nakakainis iyun."



          Napatigil naman siya sa ginagawa. “And there's more to this Shai. I don't want to wakeup na ang pakikipagkaibigan ko sa inyo ay ilusyon lang. This very instant if you said na oo, matatapos na din ang pagkakaibigan natin. Ngayon lang nag-sink in sa akin, nag-break kami ni Zafe kahit naman kami. At kahit hindi nga naging kami, bakit ganito? Bakit ang sakit sa dibdib ko? I felt like a part of me was taken. What a relationship we Zafe had, I thought na hindi iyun importante. Pero mali pala. Importante din sa akin ang relationship naming iyun. Gusto kong umiyak this very instant Shai. Gusto kong may balikat akong maiyakan, may makikinig sa mga sinasabi ko."



          “Then bakit nandito pa tayo sa library? Hindi ba dapat ay lumabas na tayo at sa sasakyan ko ikaw mag-iiyak?"



          Tiningnan ko siya sa mata. Kahit na napakatigas at mukhang hindi iiyak si Aulric, nararamdaman ko na kahit anong oras, bubuhos ang luha niya. Pero sa kabilang banda, iisipin mo na wala siyang pakiramdam at hindi totoo ang sinasabi niya kanina.



          “Because on the other hand Shai, hindi ko pa dapat ito iniiyakan. We are doing this for the sake of both sides."



          Nagkatinginan naman kami ni Aulric. Maya-maya ay kinuha niya ang dalawa kong kamay.



          “Shai, alam mo, salamat at naging isa kang mabuting kaibigan ka sa akin. Sana, hindi ito magbago hanggang sa huli. And thank you for keeping up my attitude. Ang saya pala na magkaroon ng kaibigan na katulad mo," bukal sa puso na saad ni Aulric.



          “Ang drama mo! Tigilan mo iyan! At pwede bang huwag ka nga makahawak sa akin? Mamaya, makita tayo ni Ricky tapos pagselosan ka! Baka isipin nun, may gusto ako sa iyo, masira pa ang relasyon namin!" tugon ko habang marahas na inaalis ang kanyang kamay sa kamay ko. “Sa totoo lang din, kailangan ko din magpasalamat sa iyo. Kung hindi din dahil sa iyo, nabuwag ang pakikipagkaibigan ng mga kabarkada ko sa isa't isa. Wala na sana kami nila Camilla, Knoll, Caleb, Isaac, at Andrew. Kung hindi dahil sa advice mo, nagkahiwalay-hiwalay na kaming lahat."



          Napangiti si Aulric. “Oo nga. Maghihiwalay kayo kung hindi ako nakialam. Alam mo ba na nag-e-enjoy ako tuwing nakakakita ng pagkakaibigan na nabuwag? Kung nangyari iyun sa mga kaibigan mo, baka natuwa ako. Pero mukhang hindi na ako matutuwa ngayon. Napagpasyahan ko kasi na gawing mahalaga ang mga bagay-bagay na minsan ko lang makuha sa buhay ko."



          “Talaga! Mahalaga na pahalagahan mo kami!" pagmamayabang ko. “Pero pabatok pa rin sa pagiging emotional mo kanina. Pwede?"



          “Ulol! Hindi ako papayag!"



          Napakasaya ng pag-uusap naming iyun ni Aulric. Well at least, naniniwala na siya na ang isang taong katulad niya ay hindi palaging mag-isa sa mundong ito. Marahil ay maaaring mabuhay ang isang tao na nag-iisa sa isla sa mahabang panahon. Pero darating ang panahon na may mga taong sasagip sa kaniya at tatanawin niya itong isang malaking na utang na loob habangbuhay.



          Habang masayang nag-uusap, tumunog ang aking phone na nasa lamesa. Agad na kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nahalata agad ni Aulric ang pamumula ng aking pisngi matapos akong tumingin sa kaniya at hinulaan na rin sa pamamagitan ng mga mata niya kung sino sa tingin niya ang tumatawag. Si Ricky.



          “You're excused," agad na sinabi ni Aulric habang tinutuloy na niya ang kanyang assignment.



          “Talaga! I'm excused. And, thank you," mataray kong tugon saka tumayo para lumayo sa kaniya.



          Nang lumayo ako kay Aulric, nahagip naman ng mga mata ko si Derek na mukhang iniwas ang tingin sa akin pagkatingin ko sa kaniya. Was that on purpose? O baka guni-guni ko lang iyun?



          “Hi Ricky. Good evening," agad na bati ko dito matapos sagutin ang phone.



          “Hi Shai," bati din niya. “Free ka ba mamayang gabi? Umm, nuod tayo ng movie dito sa bahay ko."



          “Movie na naman?" kunyaring sabi ko na nabo-bored na.



          “Umm, bakit? Ayaw mo ng manuod ng movie kasama ko?" tanong niya.



          “Gusto naman. Pero kasi, baka iyung katulad na naman ang movie na iyan sa Frozen? Alam kong favorite ko din iyun pero hindi healthy na laging ganoon ang panoorin natin. Hindi tayo mga cannibals," paliwanag ko.



          “Okay? Ganoon ba? Well, sigurado ako na magugustuhan mo ang susunod na movie na panonoorin natin. Ang title ay ‘The Boy Next Door'."



          “Ang huling nabasa ko na may title na ‘The Boy Next Door' ay tungkol sa isang romantic guy na..." Kailangan ko pa bang sabihin na ang lalaki next door ay isang makisig lalaki na may gusto sa kapit-bahay niyang lalaki? Siguro, huwag na lang.



          “Na?" tanong ni Ricky na naghihintay sa aking paliwanag.



          “Nako Ricky! Hindi ko na matandaan," palusot ko. “Pero sige. Mukha namang interesting ang title. Paalam lang ako sa magulang ko tapos pupunta na ako diyan."



          “And, hey! Nasa bahay din si papa. Gusto sana kitang ipakilala sa kaniya bilang..."



          Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti. “Bilang?" Ay! Shit! Lumilindol ba? Pakiramdam ko, lumilindol ngayon! Pero ako lang ata iyun.



          “Bilang ang aking future girlfriend. Shai, napagpasyahan ko na ligawan kita. You did so much for me. You opened my eyes para ipakita ang tamang daan na aking dapat daanan. You guide me that other's can't do for me. And I want to be in a relationship with you. You inspired me and revealed my hidden part of myself. At para mailayo din kita kay Aulric dahil nagseselos na ako."



          Kumunot bigla ang noo ko. “Bakit mo naman nasabi?"



          “Tumingin ka sa bintana."



          Tumingin naman ako sa bintana ng library. Nakita ko nga siya doon na nakatingin lang habang nakalagay sa tenga niya ang phone. Kumaway-kaway pa siya para mas lalo ko pa siyang makita.



          “Ayokong maunahan ni Aulric at ayokong pagbalingan ka ni Zafe ng galit kapag nagkataon dahil lang kang Aulric," paliwanag niya. Ay! Parehas kami ng iniisip.



          “Parehas pala ang iniisip natin. Akala ko, ako lang," biro ko. “Pero huwag kang mag-alala. Ang totoo, patay na patay si Aulric kay Zafe. Alam mo bang naghiwalay na daw sila?"



          “Umm, alam ko. Nakausap ko si Zafe kanina. So ano? Kita na lang tayo mamaya?"



          “Sure. Kita na lang tayo mamaya."



          Ibinaba ko na ang aking phone. Nakita ko naman si Ricky na ibinaba din ang kanyang phone at kumaway sa akin sabay umalis. Kilig na kilig ako sa mga oras na ito talaga. Kung pwede nga sumigaw sa library para isabog ang kilig na nadarama ko, ginawa ko na.



          Mahinahon lang ako na naglakad papunta kay Aulric. Binigyan naman niya ako ng nakapagtatakang tingin pagkakita sa akin.



          “I smell good news," saad ni Aulric. “Pwede ko bang malaman?"



          Hindi na lang ako umimik. Feeling ko kasi, mapapasigaw ako ng wala sa oras kapag ibinuka ko ang aking bibig. Pero dahil gustong malaman ni Aulric, kinuha ko ang aking phone at ipinakita sa kaniya ang litrato ni Ricky. Inayos ko naman ang aking kamay na kahugis ng kalahating puso at inilagay sa tabi ng aking phone. Pinagpalit ko naman ang pusisyon at pwesto ng aking kamay para mas lalo pang maintindihan ni Aulric.



          “Magiging kayo na?" tanong ni Aulric.



          “Liligawan na niya ako! Aaaaahhh!" kinikilig kong sigaw!



          Mabilis na tinakpan ko ang aking bibig matapos kong makuha ang atensyon ng mga tao sa library at nag-peace sign sa kanila. Nako! Iyung librarian pa naman, nakakatakot kung makatingin sa akin kaya kailangan kong mag-behave.



          Tahimik lang ako na umupo sa silya kung saan ang pwesto namin ni Aulric. Nagsisimula na naman umapaw ang kilig sa aking katawan.



          “Congratulations. Napatunayan mo na kahit flat-chested, magugustuhan ka pa rin ng isang Ricky Rizal," nang-aasar niyang pagbatin.



          Nawala bigla ang kilig at napasimangot ako. “Ano bang ibig mong sabihin doon? Nang-aasar ka na naman," pagmamaktol ko. “Wala na iyung kilig ko. Umalis na! Kainis naman!"



          “Okay na iyun kesa sumigaw ka pa ng isang beses sa kilig at pagalitan ka ng librarian. Ikaw din. Malaman ng librarian na may date ka kay Ricky, uutusan kang magbantay ng library hanggang sa umalis siya ng hating-gabi."



          “Ay! Kung sa bagay!"



          Nang umalis na kami ng library, nagkahiwalay kami ng landas ni Aulric. Ayaw niya kasing sumabay ngayon sa akin dahil gagamitin niya iyung bike na bigay sa kaniya ng kaniyang benefactor.



          Pasigaw-sigaw ako na pumupunta sa parking lot ng unibersidad nang madaanan ko ang isang pamilyar na tao. Si Jert.



          “Aba! Babaeng-babae ka ngayon kung makatili," bungad niya. “Hindi ba lalake ka? Tingnan mo nga dibdib mo, patag pa rin."



          “So what? Dibdib mo nga, patag din. Balak mo din bang magkaroon ng boobs? Pero wala pa rin akong pakialam sa nararamdaman mo ngayon. Itong taong may patag na dibdib, magkakaroon ng boyfriend," saad ko habang tinuturo ang sarili.



          “Wow. Sinong cheap kaya na lalaki iyan na magkakagusto sa iyong patag na dibdib? Napaka-cheap naman niya at pinatulan ka pa."



          “Whatever you say Jert. Ikaw nga din, napaka-cheap. Kung kani-kanino pinapapasok ang butas mo sa puwet. And for your information, wala kang maaasar sa akin ngayon because I feel good tonight. Get a life would you? Ay? Meron ka ba noon?" suplada saad ko habang lumapit sa aking sasakyan na ako na ngayon ang nagmamaneho.



          Agad na pinaharurot ko lang ang aking sasakyan at baka magtanong si Jert kung sino ang lalaking nagkakagusto sa akin. Mahirap na at baka sugurin ni Jert sa bahay at puntahan niya para yurakan ang pagkalalaki ni Ricky. Kilala ko si Jert. Makamandag siya at nagagawang pasunurin ang mga lalaki sa kamay niya. Hindi ko nga lang alam kung paano niya ginagawa iyun. Pero ayokong malaman kung paano. Tapos tinira pa ang dibdib ko. Makakasapak talaga ako ng tao kapag nagpaiwan ako sa labas kasama si Jert.



          Dumiretso na muna ako sa bahay ko. Nagbabalak kasi ako na suutin iyung kasuotan na nagugustuhan ni Ricky. Alam kong manonood lang kami ng movie pero ipapakilala niya ako sa papa niya. Kaya I need to dress to impress.



          Wala naman akong magulang na nadatnan pagkapasok ng bahay. Tanging kapatid ko lang na babae ang aking nadatnan. Si Emmie. Mas matanda sa akin.



          “Shai, nandito ka na pala," bungad niya.



          “Yeah. Nandito ako dahil dito ako nakatira," hindi halatang pasarkastikong pagkakasabi ko habang dumidiretso sa kwarto ko. “May kailangan ka?"



          “W-Wala naman. Masaya lang ako na nakauwi ka na," narinig kong wika niya sa labas ng kwarto ko nang makapasok ako.



          “Umm, ako din naman. Masaya ako na nakauwi na ako. Pero aalis ako para may puntahan." Tumingin ako sa aparador ko para kunin ang mga damit na isusuot ko.



          “Pwedeng pumasok?"



          “Bukas iyan."



          Pumasok si Emmie sa kwarto ko. Umupo naman siya sa kama ko habang ako ay abala na maghanap sa damit na gusto ni Ricky. At nakita ko iyun saka agad na naghubad.



          “May bagay akong gustong i-solved natin at pag-usapan," sabi ni Emmie na bumasag sa katahimikan naming dalawa.



          “Makakapaghintay pa ba iyan?" nasabi ko na lang habang nagbibihis na.



          “Well, hindi naman. Pero kung iso-solve naman natin, agad-agad."



          “Anong problema naman iyan?"



          “Galit ka pa rin ba sa akin?" diretso niyang tanong. “Alam ko na nakikita mo ako sa Bourbon Brothers University dahil doon din naman ako nag-aaral. Pero tuwing nagkakasalubong tayo, nagkikita, hindi mo ako pinapansin. Naging invisible ako sa buhay mo. Alam ko na kasalanan ko talaga iyung nangyari noon at humihingi talaga ako ng tawad sa ginawa kong iyun. Pero gusto kong malaman kung galit ka pa rin."



          “Galit? Hindi kaya. Tsaka napatawad na kita noon," sagot ko habang nakatingin sa malaking salamin at nagpo-pose. “Hindi galit ang tamang salita sa ginagawa ko. Wala lang talaga akong pakialam. Malaki ang pagkakaiba ng galit sa wala na akong pakialam. Dahil kung galit ako, nasapak na kita."



          “Pero hindi ko kaya na ganito ako sa buhay mo Shai. Invisible. Ate mo ako at nasasaktan ako sa ginagawa mo."



          Bumuntong-hininga ako at hinarap siya. “How come? Iniisip ko nga na hindi ka nararamdaman ng sakit? O sige. Ginawa kitang invisible sa buhay ko. Alam mo kung bakit? Bad vibes lang ang nakukuha ko sa iyo. At hanggang ngayon, pinag-aaralan ko pa rin na alisin sa buhay ko. Kaya ate, pwede bang chill ka na lang?"



          Wala akong nakuhang sagot mula kay ate. Yumuko na lang siya at palagay ko'y nag-iisip pa ng malalim. Baka gusto pa niyang laliman?



          Kumuha naman ako ng ilang mga makeup sa mukha mula sa aking drawer at inayos ang sarili.



          “Mukhang may kikitain ka. Alam ba ito nila mama at papa?" tanong muli ni ate Emmie.



          “Bakit? Kailangan ba?" pasarkastikong balik ko. “Tapos magbabalita ka na naman sa kanila? Tapos pagagalitan ako? Tapos magtatanong sila kung saan sila nagkulang sa pagpapangaral kahit na wala talaga silang pinapangaral dahil hindi naman nila talaga ako pinapansin? Alam mo ate, tigilan na natin to. Nakakasira ng ganda ko sa pupuntahan ko. Pero bahala ka kung magsumbong ka o ano."



          Basta na lang ako lumabas ng kwarto ko matapos kong maisuot ang aking bagong biling puting heels. Kailangan lumayo ako sa mga nagiging dahilan ng bad vibes sa buhay ko.



          Dumating na din ako sa wakas sa bahay ni Ricky. Bumukas naman ang pintuan ng kotse ko at nagulat si Ricky nang nakita ako.



          “Nakabihis ka?" gulat na tanong niya.



          “Pero ikaw, ang gwapo mo. Nakabihis ka kaya din," natatawang sabi ko. Nakasuot siya ng medyo makapal na kulay itim na t-shirt na bagong-bago at naka-jeans. Basa din ang kanyang buhok na masasabi mong kaliligo lang niya.



          “Umm, dapat ata, nag-tuxedo ako para terno tayo. Hindi ko kasi alam na isusuot mo pala ang damit na pinili ko para sa'yo. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ngayon. Kinakabahan ako."



          “Ako din. Manunuod lang naman tayo ng movie hindi ba? Magsasayaw pa ba tayo sa loob?" biro ko.



          “Well, tingnan natin. Halika na Shai."



          Inilahad ni Ricky ang kanyang kamay. Pagkakuha ko ay nagwala ang aking puso. Naglalakad kami papasok sa bahay niya at parang bumabagal ang oras sa pagitan namin. Ang saya-saya ko ba o pati siya? Hindi mawala sa labi ni Ricky ang matamis niyang ngiti.



          “At sino na naman ang babaeng ito?" nakakatakot na tanong ng isang boses. Ano ba iyan?! Panira ng moment!



          “Umm, papa. Si Shai po. Kaibigan ko pa lang po ngayon," pagpapakilala ni Ricky sa akin sa papa ko.



          Nginitian ko lang ang papa niya. Wala namang reaksyon ang papa niya at seryoso pa rin kung nakatingin. Maya-maya'y nakita ko na tiningnan niya ako mula ulo hanggang talampakan.



          “Bago ito anak ahh? Sa patag ka na ngayon pumapatol?" tanong ng papa ni Ricky.



          Hindi ko namalayan na hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Ricky. Tarantadong papa niya ito. Wala man lang pakialam sa pakiramdam ko kapag inaatake ang dibdib ko?



          “Papa, tigilan niyo po iyan. Piliin niyo naman po mga salita ninyo!" saway ni Ricky.



          “Huwag mo nga akong sawayin. Papa mo ako. Sinasabi ko lang kung ano ang totoo na nakikita ko." Binalingan niya ako ng tingin at nginitian ako. “Kumusta sa iyo Shai. Ako ang papa ng kaibigan mong ito at mukhang lagi na tayong makikita. Tawagin mo na lang akong Tito Denny imbes na, kung ano-ano pa ang tawag mo sa akin. Hindi ko alam kung paano mo naakit ang anak ko, pero congratulations. Sana magtagal kayo. Pumasok na kayo. Handa na ang pagkain natin."



          Halos madurog ko ang kamay ni Ricky sa mga pinagsasasabi ng papa niya. Kung hindi lang ito magulang ng minamahal ko, dinurog ko na ang pagkatao niya.



          “Alam mong nananapak ako hindi ba?" pabulong kong tanong kay Ricky habang naglalakad kami papasok ng bahay nila.



          “Yeah. Alam ko. Pero chill ka lang pwede? Konting pasensya lang. Alam mo naman siguro na maloko akong lalaki noon hindi ba? Nakakapanibago iyun para sa isang magulang," pabulong na paliwanag ni Ricky. Nahuli ko naman ang mata niya na nakatingin sa dibdib ko.



          “Nanonood ka ng Pokémon hindi ba? Alam mo ba na may move doon na ang tawag ay Ice Punch?"



          “Basta. Kaya mo iyan. Kung hindi mo na kaya, just be yourself. Narito naman ako para sa'yo." Nahuli ko na naman ang mata niya na nakatingin sa aking dibdib.



          “Okay. Pero tigilan mo nga iyang pagtitig sa dibdib ko pwede? Naiilang ako."



          Habang kumakain ng hapunan kasama sila Ricky, nagkwentuhan naman kami ni Tito Denny niya tungkol sa aming dalawa. Kiniwento ko lahat mula umpisa hanggang sa kasalukuyan namin. Napansin ko naman na nakikinig talaga sa akin ang papa niya at hindi ko nahuhuli ang tingin niya sa dibdib ko. Nakangiti lang siya na nakatingin sa akin ng diretso.



          “Aw? Hindi nga? Magaling ba talaga itong anak ko? Hindi si Zafe?" tanong ng Tito Denny. Aba't tarantado din itong si Tito Denny ahh? Anak namin ang pinag-uusapan tapos isisingit si Zafe?



          Tumunog naman ang phone ni Ricky.



          “Excuse me. Sasagutin ko lang." Tumayo si Ricky at lumayo sa amin.



          “So Shai, meron ka pa bang maikikwento?" tanong ni Tito Denny.



          “Umm, wala na po sa totoo lang," sagot ko.



          “Hmm, nakakadismaya naman. Gusto ko pa naman makarinig ng mga kwento. So Shai, sa tingin ko, alam mo na ata iyung mga dating kalokohan ng anak ko. At dahil sa iyo, natigil iyun. Ikaw ang unang babaeng hindi itinago ng anak ko para lang makapasok at makalabas sa bahay na ito."



          “Compliment po ba iyan?" natatawa kong tanong.



          “It is. Alam mo naman na busy akong tao. Hindi ako masyadong nakakapaglaan ng panahon sa anak ko. At noong sinabi ng anak ko na may dadalhin siyang babae dito sa bahay para ipakilala sa akin, nagulo ang mundo ko. Hindi ko akalain na ikakasal na siya. Buntis ka kaya kailangan ka niyang panagutan," naiiyak na salaysay ni Tito Denny. Kumuha na ito ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mata. Ang OA naman.



          “Tito Denny, hindi pa po ako buntis."



          Biglang umurong ang luha ni Tito Denny at tiningnan ako ng diretso. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. Iniisip ba ng taong ito na titigil sa kalokohan ang anak niya kapag nakabuntis na siya?



          “Umm, ahh, okay. So hindi ka buntis. Nako! Pasensya na. Dapat hindi pala kita pagsabihan ng masama. Matino ka palang babae."



          “Hindi ko pa po ba naikwento iyung pagtatanggol sa mga taong nabu-bully? Sinusuntok ko po sila sa tiyan ng malakas na malakas," pananakot ko sa kaniya.



          “Ang anak ko, sinuntok mo?"



          “Hindi pa naman po. Pero kapag may ginawa siyang kalokohan, I might be."



          Tumunog naman ngayon ang phone ni Tito Denny. Umasim ang mukha niya pagkakita pa lang sa kung anong meron sa phone niya.



          “At heto na. Mukhang kailangan ko ng umalis," sabi ni Tito Denny saka tumayo.



          Bumalik naman si Ricky. “Papa, aalis na po kayo?"



          “Yeah. Kailangan ko ng umalis. Sasamahan ko si Zachary sa pupuntahan niya. Siya nga pala. Sabi ni Zachary, hinahanap ka ni Zafe sa kanila. Napansin kasi ni kumpare na malungkot ang bata at baka gusto mong samahan. Siya iyung tumawag kanina tama?" tanong ni Tito Denny habang kinukuha ang mga papeles sa mesa sa sala at nilalagay niya iyun sa isang briefcase.



          Binaling ko naman ang tingin kay Ricky. Palipat-lipat siya ng tingin at mukhang magsasalita pero hindi niya itutuloy. Nag-iisip pa ata marahil.



          “Yeah. Si Zafe nga po iyung tumawag kanina," sagot ni Ricky. “Pero may papanoorin po kaming movie ni Shai. Kaya hindi pwede."



          “Well, have fun kids. Aalis na ako. Tsaka magsuot ka ng proteksyon para hindi ka magsisi Ricky," paalala ni Tito Denny saka umalis ng bahay.



          Dumating naman ang mga katulong sa bahay nila at niligpit ang pinagkainan namin. Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.



          “Tara Shai. Manood na tayo sa sala," yaya ni Ricky saka pumunta sa sala at hinanap ata ang bala ng papanoorin naming pelikula.



          “Si Zafe? Hindi mo ba siya pupuntahan?" tanong ko nang tumayo ako at umupo sa sofa sa sala.



          Napahinto si Ricky sa ginagawa at humarap sa akin. “Shai, let's not talk about other people right now. Alam mo naman kung bakit malungkot ngayon si Zafe. I want to think only you in this world right now. Please?"



          Tumango na lang ako sa mga sinabi niya. Pinagpatuloy niya ulit ang paghahanap ng bala. Maya-maya ay nag-open siya ng ibang topic para malihis ang atensyon namin. Na-appreciate ko ang ginawa ni Ricky ngayon. Ako ang inuna ni Ricky kesa kay Zafe. Ang tanong, magiging ganoon kaya si Ricky kapag naging kami? Ako pa rin ba ang liwanag niya sa maliwanag niyang mundo?



Aulric's POV



          Nakatingin ako ngayon sa hallway ng eskwelahan ng umagang ito. Nakatingin ako sa isang bagay na hindi normal na nangyayari tuwing umaga. Nakikita ko ngayon si tatay na nakatayo sa gitna. Hindi ko mawari kung totoo siya o hindi dahil hindi ko nakikita na may tumatagos na tao sa kinatatayuan niya. Bakit naman siya nagmumulto ngayon sa eskwelahan? Wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya ahh. At tsaka doon siya sa Bloomingdale Subdivision pinatay. Hindi dito sa eskwelahan. Hindi kaya may kakambal si tatay? Hindi kaya ang napatay doon ay isang double lang ni tatay? Imposoble. Walang kinikwento si nanay sa akin na may kakambal si tatay.



          Nagsimula na itong maglakad papunta sa kung saan. Na-curious ako kaya sinundan ko kung saan ito pupunta. Baka totoo iyung nakikita ko.



          Natagpuan ko naman ang sarili ko sa CR ng lalaki. Walang masyadong tao ngayon sa CR. Wala din ang janitor na naka-assign dito.



          Maya-maya ay nakaramdam ako ng panlalamig sa paligid. Nagsisimula na ding mag patay-sindi ang mga ilaw. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot. Hindi ito totoo. Imposible. Minumulto ako?



          “Aulric," saad ng isang boses na humawak sa balikat ko.



          Umikot ako at walang babala na sinuntok ang kung sinong tumawag sa akin.



ITUTULOY...

1 comment:

  1. One down, three to go, haha. Sino kaya yung sinuntok ni aulric, nxt chapter na para malaman, haha

    -ravePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails