If you stumbled upon this story just now, and you're wondering where the first part is or you want to get to the beginning of this, click the anchor text below. The chapters are short, about 7-10 pages long on MS Word. In an hour or so, you'd find yourself back here. Enjoy reading. Thanks for dropping by.
Enchanted: Broken 1-4
Thanks to all the readers, especially those who have continued to read the story and the fresh updates. To those who give feedback, thanks for spending some of your time. I appreciate every comment, and I encourage you to say something. I'll try as much as possible to respond to every comment.
Have a superb day or night! Love y'all!
-------------------------------------------------
Chapter 12
Yelo
Nakaupo ang isang lalaking naka-asul na long sleeves at slacks sa isang mesang may isang clear vase na may puting rosas. Sa tabi ng plorera ay may mamahaling alak na nakalagay sa isang mangkok na puno ng yelo.
Malinis tingnan ang lalaki. Halatang pinaghandaan nito ang gabi. Tumingin ito sa relos nito pagkatapos ay sa cellphone nito. Maya-maya pa ay umangat ang tingin nito sa dumating na dilag na nagpangiti nang husto sa kanya.
“May I take this seat?” Seryoso ang mukha ni Cindy.
“Babe!” Biglang napalitan ng sigla ang kanina’y buryong na mukha ng lalaki. Agad itong tumayo at inatras ang kabilang upuan upang makaupo ang babae.
Umirap ang babae. “Bryan, stop calling me babe. Break na tayo, right?”
Agad na binuksan nito ang wine bottle at binuhusan ang wine goblet ng babae at kanya.
“Bryan, what’s that?” tanong ng babaeng nakataas ang kilay sa kanyang baso.
“It’s red wine, Cindy,” sagot ni Bryan na pilit ngumiti.
“I don’t drink red wine, remember? Allergy?”
Biglang naaalala ni Bryan. Napahiya ito. “Oh! Oo nga pala.”
“Oo nga pala? Bryan, you know what, hindi ko alam kung ilang babae ba meron ka at nalilito ka na sa amin.” Nakataas ang isang kilay ni Cindy.
“Sorry, sorry.” Tinawag ni Bryan ang waiter na agad na lumapit. Nakita niyang nakatutok lang sa kanya si Cindy.
“Yes, sir, ma’am?”
Hindi pinansin ni Cindy ang waiter. Nakataas pa rin ang kanyang kilay sa lalaking kaharap. “Sino sa aming mga girls mo ang mahilig sa red wine ... babe?”
Nalito si Bryan kung sino ang sasagutin, si Cindy ba o ang waiter.
“Do you have mango puree? If wala, mango juice na lang. I don’t drink wine, sorry.”
“Right away, ma’am,” saad ng payat na waiter.
“And by the way, pwede pakibigay ng menu,” dagdag ni Cindy. Binaling nito ang tingin kay Bryan. “Don’t worry. We’ll split the bill.”
“No” -- muntik na masabi ni Bryan ang salitang ‘babe.
Agad na bumalik ang lalaking waiter kasama ang mango juice at ang menu books.
“Thanks,” saad ni Bryan. Tiningnan nito si Cindy. Kahit pinandilatan siya nito ay ngumiti pa rin si Bryan sa kanya. “Ako taya dito.”
“I’m a working girl. I can pay for my food. Alam mo if I weren’t hungry, hindi ako mananaliti dito.”
“Cindy naman. Bati na tayo please. Kahit friends na lang.” Nagsusumamo si Bryan. Alam niyang galit ang nobya. Kapag ganito ay mahirap amuhin ito. Bakit ba kasi nag-order siya ng red wine?
“Bryan, we’ve had this kind of conversation for like 4 or 5 times.”
“Patawarin mo na ako. Hindi na ako mambababae. Sige na.”
Natawa si Cindy. “Right! How many girls have you brought to this place? Tingin ko alam na ng mga serbidor dito kung ilang babae na dinala mo dito.”
“Ikaw lang. Ikaw lang.”
“Bullshit, Bryan!”
Napaigtad si Bryan sa pagtaas ni Cindy ng boses.
“Alam mo, ‘yan ang nakakabwisit sa iyo, eh. You make me look like a stupid woman. May pinag-aralan ako, and don’t you lie to me like I’m a moron.”
“Hindi, hindi... Hindi ganun, Cindy...” Umiling si Bryan. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. “Cindy, ‘wag ka naman magalit sa akin ng ganyan, o. Sige na magbabago na ako.”
“You know what, hindi ko alam kung kaya kong makipagkaibigan sa isang katulad mong nag-aamok tuwing lasing. Alam mo, ‘yung ginawa mo sa bar nung Sabado, that was the last straw, Bryan.”
“Promise hindi ko na uulitin ‘yun. Alam mo bang nakita ko sila kanina.”
“Sinong sila?”
“Yung mga inaway ko sa bar nung Sabado. Nag-usap kami, at pinatawad na nila ako. Okay na. ‘Di ko na talaga uulitin.”
“Yeah, right! You don’t run out of clever stories, do you?”
“Totoo ‘yun, Cindy. Maniwala ka.” Ngunit nakita lang ni Bryan na mas lalong kumunot ang noo ng kaharap at nagsalubong na nga ang mga magaganda sana nitong kilay.
“Alam mo, just shut up! I’m not interested to hear anything from you anymore. Okay? I just want to have my dinner, and after that, we are going home.”
“Cindy...” Nagmamakaawa si Bryan. “Maniwala ka naman.”
“Titigil ka ba o lilipat ako ng mesa?”
Nabigla si Bryan at pinili na lang na tumahimik.
“Ma’am, sir, may I have your order?” tanong ng babaeng serbidora.
Matapos umorder ng dalawa ay humingi si Cindy ng magazines sa waitress.
“Right away, ma’am,” saad ng babae. Pagkatapos ng isang minuto ay bumalik ito at binigay ang latest issues ng Cosmopolitan, Vogue, at Elle.
Panay ang sulyap ni Bryan sa dating nobya habang binubuklat nito ang mga pahina ng hawak na magazine. Hindi maitago sa ekspresyon ni Bryan ang panghihinayang sa pagkakataon. Pinagmasdan nito ang magandang mukha ng dalaga, ang mga pilikmata nitong mapupungay, ang maganda nitong ilong, ang manipis nitong mga labi, ang maikli nitong buhok na nahahawakan niya sa tuwing naghahalikan sila noon. Namimiss ni Bryan ang dating sila. Ngunit alam niyang galit pa ang dalaga sa kanya.
Tama naman siya. Marami nga siyang mga nakakasalamuhang babae, pero si Cindy lang ang inibig niya nang husto. Alam naman niyang mali ang gawain niya, pero minsan ay hindi niya mapigilan ang bugso ng damdamin at libog sa ibang babae. Ilang beses na niyang sinaktan si Cindy, at ilang beses na rin siyang pinatawad nito. Ngunit ngayon ay mukhang ayaw na talaga nito sa kanya. Magkahalong inis sa sarili, pagkadismaya, at panghihinayang ang naramdaman niya.
Dumating na ang kanilang order. Tahimik na kumain ang dalawa. Tila hindi sila magkakilala. Paminsan-minsan ay sumusulyap si Bryan sa kaharap, subalit hindi siya pinapansin nito. Sa halip ay umiiba ito ng tingin kapag napapansing nakatingin sa kanya ang binata. Tama nga naman si Bryan sa palagay niyang galit si Cindy sa kanya. Hindi lang galit ang nararamdaman ng babae, kundi pagkabwisit dahil sa tila pagsawalang bahala nito sa kanya. Hindi nga niya naalalang may allergy siya sa alak.
Pagkatapos kumain ay pumunta si Cindy sa restroom upang umihi. Tumayo lang ito bigla na hindi nagpaalam sa lalaking alam niyang napaangat ang tingin sa kanya nang tumayo siya. Kahit naaawa sa itsura ng dating nobyo ay namamayani ang inis sa kanya. Habang nasa loob ng toilet cubicle ay narinig nitong pumasok ang dalawang babaeng nag-uusap.
“Ang pogi nung lalaki!” saad ng isang babae sa kanyang masiglang boses.
“Yung nakablue na polo?” tanong ng pangalawang babae.
“Oo!”
“Tingin nang tingin sa akin kanina.”
“Kinikilig ka naman.”
“Syempre. Sino naman ang hindi kikiligin sa kanya?”
“Pero di ba may gf?”
“Yung kasama niya? Parang di naman sila nagpapansinan.”
“Baka may LQ lang. Ikaw naman nagpapacute ka. Baka kalbuhin ka nung girl.”
“Parang hindi LQ, eh.”
“Pa’no mo naman alam ‘yan?”
“Hula lang. Tsaka panay sulyap sa akin nung pogi. Mukhang nabighani sa ganda ko.”
“Assuming ka rin, ha. So kaya ka nagpapaganda ngayon?”
“Why not? Baka ayain akong magdate somewhere else.”
Natawa si Cindy sa narinig. Inikot na lamang nito ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Nang matapos itong umihi ay lumabas ito ng cubicle at tumabi sa mga babae. Nagulat ang mga ito at biglang tumahimik. Hindi sila pinansin ni Cindy. Nagpahid ito ng lipstick sa labi, inayos ang buhok, at nagretouch ng kanyang makeup at mascara. Pagkatapos ay lumabas ito ng banyo nang tahimik. Lumapit ito sa mesa nilang dalawa ni Bryan na may tinitext. Tinawag nito ang waiter upang ibigay sa kanila ang bill, ngunit sabi nito ay nabayaran na ni Bryan ang kanilang mga kinain. Mas lalong uminit ang ulo ng dalaga.
“You really wouldn’t change, would you?” Nakita ni Cindy ang gulat sa ekspresyon ng mukha ni Bryan.
“Babe...”
“Don’t babe me! Magmamaang-maangan ka na naman.” Numinipis ang mata ng dalaga. “This night is over. Thanks for the invitation.”
“Ihahatid na kita.” Agad na tumayo si Bryan.
“I know my way home.” Naglakad na patungo sa pintuan ng fine dining venue si Cindy. Narinig niyang nagsalita ito sa kanyang likuran ngunit hindi siya lumingon.
“Badtrip naman!”
Narinig ni Cindy na sinundan siya nito.
“Cindy, ihahatid na kita.”
“No.”
“Sige na please. Kahit hatid na lang. Kahit ito na ang huling hatid ko sa iyo.”
“Bakit ba ang kulit mo?” Nakakunot ang noo ni Cindy habang nakatutok ang dalawang mata sa binata. Nagtinginan sa kanila ang ibang papasok ng restaurant.
“Badtrip naman, oh! Ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?”
Natawa si Cindy sa narinig. “Ah, so badtrip na naman ako? Nung Sabado badtrip ako kasi panira ako sa anger management issues mo. Ngayon badtrip na naman ako.”
“No, hindi ikaw. Hindi ganun. Hindi mo naiintindihan -- ”
“Talagang hindi ko naiintindihan, Bryan! Hindi ko maintindihan kumbakit nagkarelasyon tayo, kumbakit pinagtiisan ko ang ugali mo at mga kawalang-hiyaan mo ng limang taon.” Pinandilatan ni Cindy ang dating nobyo. Galit na galit ito.
Sinapo ni Bryan ang mukha pagkatapos ay ginapang ang palad papunta sa kanyang buhok. Hindi nito alam ang sasabihin. “Cindy, please pag-usapan natin ito ng mahinahon.”
“Mahinahon?” Nakapamewang na ang dalaga. “Look who’s talking! Sa’yo pa talaga nanggaling ang salitang mahinahon.”
“Sige na, Cindy, kahit friendship na lang natin, oh. Sige na naman, oh.” Umiiyak na si Bryan. Halos lumuhod na ito sa harap ni Cindy.
“Stop this, Bryan! Nagmumukha akong maldita dito ngayon, eh!” Maluha-luha na rin si Cindy. “Alam mo, I came here... I accepted your invitation for two reasons. Una, para tumigil ka sa pangungulit sa akin. Pangalawa, to hear you out. Gusto pa rin kitang bigyan ng chance after all your failures, pero wala, eh. Looks like you’re not going to change, Bryan. You’re a hopeless case. Good luck to your next girlfriend. Bumalik ka na sa loob. I think she’s there!” Kita sa mukha ni Cindy ang galit. Hindi nito napansin na pumatak ang luha mula sa mga mata nitong nakadilat kay Bryan.
“Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?”
“Wala! Just leave me alone. Get a life, Bryan! Mayaman ka. You can get any girl you want.”
“The only girl I want is you.”
Napailing na lang ang dalaga. Subalit aminado siya na may bahagi sa kanyang buso na kumislot sa narinig. Pero ayaw niyang magpatinag. “This is going nowhere. Good night, Bryan!” Tumalikod na si Cindy at naglakad papalayo. Hindi na nito napigilan ang damdamin at umiyak ng lihim. Gusto nitong humagulhol habang kausap ang dating nobyo ngunit tinatagan nito ang loob. Ayaw nitong makita ni Bryan ang kahinaan niya ng loob.
Si Bryan ay naiwang umiiyak na parang batang lalaking inagawan ng laruan. Wala itong pakialam na pinagtitinginan siya ng mga dumadaang tao. Tumalikod na rin siya at akmang lalakad pabalik ng restaurant. Nakapark kasi sa loob ang sasakyan niya. Sa galit niya ay nasipa niya ang isa sa mga ilaw sa gilid ng pavement na papasok ng fine dining venue at napasigaw ito ng, “putang ina!” Namatay ang ilaw na ito. Mukhang nasira yata ito sa lakas ng pagkakasipa niya. Sa isip niya ay babayaran niya na lang.
Ngunit biglang napansin ni Bryan na madilim na madilim ang paligid. Bahagyang bumalik ang wisyo ng binata. “Brownout pa yata. Lintek! Pag minamalas ka nga naman.” Naalala nitong naglalakad nga pala ng mag-isa ang dating kasintahan. “Cindy,” bulong nito sa sarili. Kinuha niya ang smartphone sa bulsa, ngunit hindi ito gumagana. Narinig nito ang dalawang mag-inang nag-uusap sa di kalayuan.
“Mom, ayaw gumana ng cellphone ko, eh. Lowbat yata. Try mo ‘yung sa’yo.”
“My phone’s not working as well. Ano ba ‘tong nangyayaring ito?”
Nalito si Bryan. Kung simpleng blackout lang ito, bakit pati mga telepono nila di gumagana? Kinabahan si Bryan para sa dating nobya. Lumingon ito sa nilakaran ng dalaga. Wala siyang maaninag. Sumigaw ito. “Cindy! Cindy! Naririnig mo ba ako?”
Kinapa ni Bryan ang mga tanim sa gilid ng daan. “Aray, puta!” Tumama ang paa nito sa isa sa isang matigas na bagay na pakiwari niya ay isa sa mga ilaw sa gilid ng daan. Nangangapa ang binata sa dilim habang tinatawag ang dating nobya.
-------------------------------------------
Chapter 13
Text
“Sir, tuloy po ba ang practical exam sa Biyernes?” tanong ng isang estudyante.
“Oo naman. Bakit naman hindi?” sagot ni Erik sa mababa nitong boses. Kinuha niya ang kanyang class record at ang kanyang sports bag at tumungo sa maliit na faculty room. Nakita niya doon si Shanice ngunit kasama niya ang iba pang mga guro. Hindi na siya pumasok. Tumango lang siya kay Shanice na sumenyas sa kanya na sandali na lang sila doon. Nakita naman siya ng isang guro.
“Sir Erik, kamusta ang kumare ko?” tanong ng pakembot-kembot na guro.
“Okay lang siya, Sir Manny. Baka na-stress lang daw.”
Lumapit naman sa kanila si Shanice. “Tutuloy ba tayo kina Sir Errol, bhe?”
“Oo, bhe.” Inayos ni Erik ang pagkakasabit ng kanyang bag sa kanyang balikat. “Okay lang ba?”
“Nako yang amiga ko na yan ha,” singit ni Manny habang may binabasa sa telepono niya. “Sabi na nga kasi na ilipat kay Ma’am Gina ‘yung iba niyang subjects.”
“’Yan din nga sabi ko sa kanya dati.”
“Magbibihis ka ba?” tanong ni Shanice.
“Oo sana. Sa CR na lang.”
“Okay, sige.”
Tumango si Erik at tumuloy sa palikuran. Marami pa ring estudyanteng tambay sa labas, nagkukwentuhan, gumagawa ng assignments, o naghihintay sa iba nilang kasama. Pag dating niya sa restroom ay may tatlong beki na nagmemake-up. Nilapag lang ni Erik ang kanyang bag sa countertop ng palikuran. Napansin siya ng mga maiingay na bakla.
“Hi, sir!” Binati siya ng isa.
Tumango lang si Erik.
“Si sir hottie!” Napadilat ang beking nasa gitna nang mapansing kasama nila si Erik sa loob.
“Okay lang ba kung magbihis ako dito?” tanong ni Erik sa kanila.
“Okay na okay sir,” sagot ng naunang beki na nakatutok ang atensiyon kay Erik. “Girls, oh my god, magpapalit ng damit si Sir!”
Hinubad na ni Erik ang kanyang basang damit. Wala siyang pakialam na tinititigan siya ng mga baklang estudyante. Naghilamos din siya ng mukha at binasa ang buhok.
“Shet, sir, ang yummy mo talaga!” bulalas ng isa na naman sa mga beking nakatitig kay Erik.
“Sir, pwede papisil ng braso mo?” Bago pa man sumagot si Erik ay pinisil na nito ang kanyang matipunong braso.
“Shet, girls, ang abs ni sir, perfect!”
“Sir Erik, anakan mo ako please, nagmamakaawa ako.”
Ngumiti lang si Erik at hindi pinansin ang mga maingay na estudyante. Pumasok ito sa cubicle upang hubarin ang jogging pants nito at ang underwear na rin. Lumabas itong nakajeans at itim na t-shirt na may diagonal white stripes sa gitna. Wala na ang mga maingay na estudyante. Presko na siyang tingnan. Hindi halatang kani-kanina lang ay haggard siya at pawisan. Nilagay niya ang pawisang mga damit sa isang supot na nilagay naman siya sa sports bag niya. Lumabas na siya ng restroom at bumalik sa faculty room. Nadatnan niya si Shanice at Manny na naghuhuntahan. Napansin naman ng dalaga ang pagpasok ng kasintahan.
“Lakad na tayo, bhe?” nakangiting tanong ni Shanice.
Sumabat naman si Manny. “Nagpapogi ka pa, Sir Erik, ha.”
Ngumiti lang si Erik at tumango kay Shanice.
“Magtataxi ba kayo?” tanong ni Manny. “May gusto kasing sumama na mga students ni Sir Errol. So iiba kami ng taxi. Okay lang?”
“Oo naman. Alam mo ba ‘yung papunta kina Sir Errol,” sagot ni Erik.
“Ilang beses na akong nakapunta sa bahay nila. Hello!”
“Okay, let’s go,” saad ni Shanice sabay suot ng kanyang shoulder bag.
Nag-abang na ng taxi sina Erik at Shanice sa labas ng eskwelahan.
“Sino nga yung kasama ni Sir Errol kahapon, bhe?”
“Ivan. Ivan ang pangalan niya.” Umiba si Erik ng tingin.
“Sa’n daw sila nagkakilala?”
“Sa bar daw.”
“Nagbabar na siya?” Natawa ng bahagya si Shanice.
“Inaya daw siya ng pinsan niya.”
“O, ayan may taxi na.” Pinara ito ni Shanice. Pumasok ang dalawa sa likurang seats ng taxi.
Bago umandar ang taxi ay nakita nilang papalabas sina Manny at ang tatlong estudyante. Binaba ni Shanice ang bintana ng taxi at kumaway kina Manny. “Kita na lang tayo kina Sir Errol!” Tumango naman si Manny.
Tahimik sa loob ng taxi. Sumabay sa katahimikan ang pagbuga ng malamig na hangin mula sa air-conditioning system ng taxi. Binasag ni Shanice ang katahimikan. “Mukhang seryoso yata tayo ngayon.”
Napalingon si Erik.
“Ang lalim naman niyang iniisip mo. Baka malunod ka niyan.”
“Wala. Nagpapahinga lang.” Bumalik si Erik sa pagtingin sa labas na tila ay may malalim na iniisip.
“Nakakapagod ba maging PE instructor?”
“Sobra.”
“Tuloy ba ang plano mo na magresign after ng sem?”
“Di pa talaga sigurado. Pero mag-aapply ako abroad. Ikaw?”
“Masaya naman ako sa pagtuturo. Mahirap din maghanap ng ibang trabaho. Andito na ako, eh.”
“Bakit di ka maghanap ng mas malaking school?”
“Kelangan ko pa ang experience, bhe, di ba? Tsaka saka na yung university kapag may master’s na ako.”
“Gusto mo talaga magturo?”
“Um, oo. Alam mo naman yun, di ba?”
“Oo naman. Okay lang naman sa’yo kung mag-aabroad ako, di ba?”
Sandaling tumahimik si Shanice. “Okay lang. Kung ‘yun ang ikakasaya mo, bakit ako tututol?” Sumeryoso ang mukha ni Shanice.
Katahimikan.
Binasag ulit ni Shanice ang katahimikan. “Medyo malayo pala kina Sir Errol.”
“Hindi naman. Matrapik lang kasi.”
“Ah, sabagay.”
“Ano ba talaga nangyari sa kanya?”
“Nahilo daw siya sa loob ng CR ng restaurant na kinainan nila nung Ivan.”
“Bakit daw siya nahilo?”
“Di ko rin alam. Mukhang okay naman siya kagabi. Medyo maputla nga lang.”
“Oo nga. Mukhang okay naman siya nung makita ko siya kahapon sa school.”
“’Yun nga din ang pinagtatakhan ko.”
“Concerned friend ka talaga.”
“Ikaw ba di mo ba dadalawin si Ma’am Gina halimbawang magkasakit siya?”
“Dadalawin.”
“Yun naman pala.”
“Nagagalit agad?”
“Nagpapaliwanag lang.”
“Alam mo, bhe, may gusto ako sa iyong itanong pero...”
“Ano ‘yun?”
“Ah, kasi... Ah, wala. Kalimutan mo na lang.”
“Ano nga yun?” Napansin ni Erik na binaling ni Shanice ang tingin sa labas. Dumidilim na ang paligid. Nakasindi na rin ang mga ilaw sa mga poste.
“Bago naging tayo di ba close kayo ni Sir Errol?”
“High school pa lang best friends na kami, bhe.” Sinulyapan nito ang nobyang nakatingin sa labas na tila malalim ang iniisip. Ilang sandali pa ay lumingon ito sa kanya. “Bakit?”
“Ah, wala kalimutan mo na lang.”
“Okay.”
“I love you, Erik.”
“I love you, bhe.”
Tahimik lang ang dalawa hanggang makarating sa isang chicken and BBQ house malapit sa bahay nina Errol. Doon na huminto ang dalawa at nagpasyang bumili ng pagkain na dadalhin sa bahay ng kaibigan. Pagkatapos ay naglakad sila patungo sa bahay nina Errol. Nang makarating sila sa tapat ng bahay ng kaibigan ay tamang-tamang dumating din ang taxing sinasakyan nina Manny. Bumaba ito kasama ang dalawang babaeng estudyante.
“Oy, sabay pa tayo,” saad ni Manny na may dalang isang box ng pizza.
Binati ng mga estudyante ang magkasintahan.
“Tara na pumasok na tayo.” Lumapit si Erik sa maliit na gate. “Bukas pala. Tumuloy na tayo sa loob.”
“Teka, kumatok kaya tayo, bhe. Parang awkward naman kung papasok lang kami bigla.”
“Wait, ma’am, text ko si sir,” saad ni Manny. “Ayan nasend ko na.”
Nag-uusap ang mga estudyante ni Errol at si Sir Manny habang tahimik na naghintay sina Shanice at Erik nang biglang namatay lahat ng ilaw sa paligid.
“Nako, nalowbat ako. Wrong timing naman tong brownout na to,” saad ni Manny.
Pilit inaninag ni Erik ang mga kasama. Dinig niya ang pag-iingay ng mga estudyanteng kasama.
“Guys, ‘wag tayong maingay please.”
“Okay, Sir Erik.”
“Ang dilim, bhe. Mukhang citywide blackout ‘to.”
“Mukha nga eh,” sagot ni Erik kay Shanice.
“Sir Manny, lowbat din ako,” singit ng isa sa mga estudyante.
“Wow, gaya-gaya ka naman, Ella!”
“Teka, lowbat din ako, bhe.”
“Naloko na! ‘Yung cellphone ko di rin gumagana,” saad ni Erik habang pilit pinapaandar ang telepono. “Sir Manny, may lighter ka ba?”
“Teka,” saad ni Manny.
Dinig ni Erik na kinapa ng kasamang guro ang bulsa niya at ang pagpindot nito sa kanyang lighter. Ngunit hindi ito gumana.
“This is weird,” saad ni Manny. “Ayaw, o. Pati ba naman ito walang silbi.”
Halos walang maaninag si Erik sa dilim. Naramdaman niyang hinawakan ni Shanice ang kanyang kamay. Pinisil naman niya ang kamay ng nobya. Walang anu-ano’y bigla silang nakarinig ng pagkabasag sa loob ng bahay nina Errol at tila mga nagsisigawan. Biglang nakadama si Erik ng kaba. “Errol?” Hindi na ito nag-isip pa. Binitiwan niya ang kamay ng nobya at dali-daling tinulak ang gate at tumakbo papasok sa loob ng bakuran nina Errol. Di niya inalintana ang dilim at ang posibilidad na may tamaan siya sa dilim at matumba o masaktan siya. Narating nito ang pintuan ng bahay at kinalampag ito. Pagkatapos ay kinapa ang doorknob at inikot-ikot ito ngunit naka-lock ito.
Si Shanice naman ay naiwan sa labas na tulala. Hindi niya inasahang kakaripas nang takbo ang nobyo upang saklolohan ang kaibigan gayong siya rin naman ay nakakaramdam ng takot ng mga oras na iyon at gusto ring maramdaman ang proteksiyong nagmumula sa kanya. Subalit siguro nga mas matimbang ang pagkakaibigan nila ni Errol. Naghalo ang pagkaawa sa sarili at pagkainis kay Erik sa damdamin ng dalaga.
“Sir, Manny, ano kaya nangyayari sa loob?” tanong ng kasama nilang estudyante. “Si Sir Errol?” saad ng isang estudyante.
“Maghintay na lang tayo dito,” tugon ni Manny. “Wala naman tayong magawa, eh. Baka mapahamak pa tayo. Nako patay kami sa parents ninyo.”
Madilim na madilim ang paligid. Walang kailaw-ilaw. Ni kandilang sinindihan ay walang makita sina Shanice at Manny.
* * *
Lingid sa kanilang kaalaman ay nagpapanic ang mga tao sa hospital dahil tumigil lahat ng life support systems at mga makinang pinapagana ng kuryenteng biglang nawala. Nagpanic din sa mga malls ang mga tao dahil ilang minuto nang hindi bumabalik ang kuryente. Hindi gumagana ang generator sets ng mga ito. Walang komunikasyon. Patay lahat ng telepono. Ang mga flashlights ay hindi gumagana kahit bago ang mga baterya. Ang mga laptops at tablets na dala-dala ng mga tao ay kataka-takang bigla ring nangamatay. Nagpanic rin ang mga tao sa mga estasyon ng telebisyon at radyo. Madilim ang malaking bahagi ng Kamaynilaan.
Samantala naalarma ang pamahalaan ng Estados Unidos dahil biglang nawala ang komunikasyon nito sa kanilang embahada sa Pilipinas. “We just lost contact with Philippines. Manila is down. I repeat, Manila is down. Alert Homeland Security,” saad ng US Secretary of State sa kausap nito sa telepono.
Nagtrending kaagad sa Twitter ang hashtags na “ManilaGone,” “ManilaintheDark,” at “PrayforManila.” Sinisi ng maraming netizens ang Meralco. Walang opisyal na pahayag ang Meralco dahil maski ito ay apektado ng pagkawala ng kuryente.
Kumalat na sa internet ang mga pictures ng madilim na bahagi ng Metro Manila sa social media. Ang mga hindi naapektuhang residente ay nagmasid masid sa labas ng madilim na bahagi ng lungsod at nagtataka kung ano ang naganap. Maraming mga tao ang nagtataka kumbakit pagpasok nila sa madilim na bahagi ng siyudad ay namamatay ang anumang gadgets na dala nila.
Alerto na ang Department of National Defense sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nag-uusap-usap ang mga hepe ng militar at kapulisan. Hindi pa matukoy ang pagkawala ng komunikasyon sa Manila. Kumalat ang balitang inatake ng mga terorista ang lungsod. Agad na nagpadala ng police force ang mga karatig lungsod.
Sa kabilang dako, naging malaking issue na kaagad sa buong mundo ang nangyari sa Maynila. “We just received information that Manila, the capital of the Philippines, lost contact with the rest of the world. Information is still unclear as to what caused this event. The Philippine Ambassador says the Philippine Government is currently investigating on what may be a terrorist activity in the capital. We will be back with more updates. Stay tuned,” saad ng isang tagapagbalita sa pang-umagang programa sa telebisyon sa Estados Unidos.
Ano kaya ang nangyari? Ano ang dahilan ng malawakang pagkawala ng kuryente?
Abangan!
Join the discussion group.
Disclaimer: The image above is not mine. It belongs to its rightful owner. No copyright infringement is intended.
All Rights Reserved
©Peter Jones Dela Cruz
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Im waiting for the update boss 😀 Fan niyo po ako
ReplyDeletethank you! may chapter 14 na. :)
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteSa first chapters parang diskumpyado ako. Parang nakakalito. Pero habang lumalaon parang okay na. Iba yung style mo. Keep it up.
ReplyDelete-klarkie
Tarey c melchor kkgwan ng blackout.. d sta ngbyd ng kuryente sa meralco kya damay damay.. the more, the merrier... chos.. feeling ko cna bryan, ian errol at eric cla ung gabay ng kapangyariham
ReplyDelete