Followers

Saturday, December 5, 2015

Loving You... Again Chapter 38 - Shadow of Fortune




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! Late congratulations! :D

Ahem! Alam kong may parteng straight sa kwento na ito, and this and that. Pasensya na. Mauulit pa po iyan, ata haha. Well, nagpapakita na naman iyung dalawang pulis, at makikita niyo pa po sila sa mga susunod na chapter. Have fun po!











Chapter 38:
Shadow of Fortune




























































Zafe's POV



          “Kriiing! Kriiing! Kriiing!"



          Napagising ako sa tunog ng alarm clock na nasa gilid ng ulo ko. Agad na pinatay ito para hindi marinig ang nakakarinding tunog. Pagkatapos ay iginala ang mata sa paligid. Nasa Boracay pa rin kami at katatapos ko lang makaiskor kay Aulric. Hindi nga lang officially na kami, or whatever.



          Ngayon ay ang huling araw namin sa Boracay. Pagkatapos ng araw na ito ay babalik na kami sa Rizal upang ubusin ang natitirang araw ng tag-init. Ano kaya ang magandang gawin?



          “Maglaro kaya tayo ng volleyball sa labas?" tanong ko nang natapos na kaming kumain ng agahan.



          “Nang-iinis ka ba? Ni hindi nga ako makakilos ng maayos," nagagalit niyang sabi. Ay! Oo nga pala.



          “Ehh di, panoorin mo na lang ako," suhestyon ko.



          “Boring," singhag niya agad.



          “Ehh kung panoorin mo na lang ako habang nakikipaglaro ng basketball?"



          “Hmm! Magandang ideya," ibinulalas niya. “Iyun ba ang gusto mong marinig? Pasensya na. Boring na din iyun ngayon."



          “Ehh, anong magandang gawin?" tanong ko. “Huling araw na natin dito dahil babalik na tayo bukas. Sulitin kaya natin ang mga huling araw dito."



          “Ewan," kibit niya ng balikat. “Basta, gusto ko iyung masaya. Ikaw dapat ang mag-isip since ikaw iyung pabalik-balik sa lugar na ito. Hindi naman ako." Sa bagay. May punto siya.



          Nag-isip ako ng malalim kung ano ang masayang gawin. At may naisip na ako! Jetski. Pero...



          “Aulric, Zafe, magdye-jetski kayo?" masiglang tanong ni Sharina nang nakita niya kami habang kinakausap ko ang bantay sa aarkilahin naming jetski ni Aulric. Kasama pa niya si Jin.



          “Yeah. Sabi ni Zafe, masaya daw," sagot ni Aulric.



          Napatingin ako kay Jin dahil sa napansin ko ang malungkot niyang ekspresyon nang nakita si Aulric. Pero pilit pa rin siyang nakangiti.



          “Yeah. Masaya kayang mag-jetski," dagdag ni Jin. “Pero bago iyun, mag-banana boat tayong apat."



          “Banana boat tayong apat? Sige. Mukhang masaya iyun," dagdag ni Sharina.



          “Okay," pagpayag ni Aulric. “Ikaw Zafe? Anong masasabi mo?"



          Kinamot ko ang ulo ko. “Hmm, bahala ka. Mag-jetski muna o banana boat?"



          “So ayos lang pala sa'yo. Okay." Hindi okay sa akin kung tatanungin mo ako. Gusto kita masolo.



          Napabuntong-hininga na lang ako habang sumusunod sa kanila sa banana boat. Ayos lang iyan Zafe. May pagkakataon ka pa naman para masolo siya.



          Nang nasa banana boat na kami at pinatakbo na ito ng jetski, hindi ko alam pero nananadya si Aulric na mahulog dito dahil hindi isa, hindi dalawa, hindi tatlo, kung hindi apat na beses siyang nahulog. Buti na lang at may suot siyang life jacket. Nasa pinakalikuran kasi siya nakapwesto at kasunod niya ako kaya napapansin ko kapag nahuhulog siya dahil hindi siya sumisigaw.



          “Dito ka nga sa unahan. Nakakapansin na ako," naiinis na bulong ko habang nagpalit na kami ng posisyon.



          Ngiti lang ang sinagot niya at lihim atang natatawa. Akala niya, hindi ko mapapansin na halos sinasadya na niya?



          “Umm, guys, pwede bang kumain na tayo ng tanghalian?" tanong ni Sharina habang nakatingin sa pambisig na relo. Katatatapos lang namin sumakay sa banana boat.



          “Bakit Sharina? Aalis na ba tayo sabi nila papa at tito?" tanong ni Jin.



          “Yeah. May mga pumuntang pulis sa mansyon natin at kailangan nilang makausap ang mga papa natin. At tayo, kailangan na sumama," paliwanag pa ni Sharina. Yes! Aalis na sila.



          “Kung ganoon, pagbibigyan namin kayo," pagpayag ko. “Sayang naman at hindi tayo halos magkasabay. Mga hating-gabi pa kasi kami aalis ni Aulric."



          Habang kumakain, nagtiis lang ako ng mga ilang minuto dahil sa nakikipagdaldalan si Sharina kay Aulric ng mga random na bagay. Pansin ko naman na tahimik lang kami ni Jin. Ikaw ba naman ang hindi mapili.



          Pagkatapos ng kainan ay nagpaalam na sila. Napakasaya ko talaga ng mga oras na ito. Solong-solo ko na si Aulric at wala ng makakapigil sa aking kasiyahan.



          Abot-tenga ang aking ngiti habang naglalakad kami ni Aulric papunta sa jetski. Pero nawala bigla iyun nang may nakita kami ni Aulric sa arkelahan ng jetski. Isang babae na may suot na shades na pamilyar na pamilyar sa akin kahit suot niya pa iyun. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito.



          “Hi Zafe," bati ng babae sa akin. “Long time no see."



          “Kilala mo?" pabulong na tanong ni Aulric.



          Pilit akong ngumiti. “Colette. Hindi ko inaasahan na makita kita dito."



          Hinubad nito ang suot na shades. “Ako din. Hindi ko inaasahan na makita kita dito."



          “Sino kasama mo pala dito?"



          “Kasama ko ang magulang ko na magbakasyon dito." Tumingin siya kay Aulric. “A friend of yours?" tanong niya.



          “Umm, ano-"



          “A complicated friend of him to be exact," pagputol ni Aulric.



          “I-I don't understand," naguguluhan na sabi ni Colette.



          “You don't understand? That's because you are never meant to understand that. It's okay," paliwanag ni Aulric. “Anyway Zafe, gusto mo bang mag-isa na lang ako mag-jetski? I mean, sadyain ko kaya na mahulog sa gitna ng dagat?" baling pa niya sa akin.



          “Ahh, yeah. Tara na. Sige Colette. Sa uulitin."



          “Sana hindi," rinig kong sinabi ni Aulric nang lumakad na. Umm, narinig kaya iyun ni Colette?



          “Galit ka?" tanong ko nang sumakay na kami sa inarkelang jetski.



          “Hindi. Hindi ako nagagalit," sarkastikong sagot niya.



          “Okay," nasabi ko na lang.



          “Teka? Paano ba ito paganahin? Baka masira ko at mapabayad tayo ng malaki dahil nasira ko?"



          Nilagay ko ang kamay ko sa manibela. “Ganito."



          Pinaharurot ko ang jetski. Palayo sa isla. Rinig kong sigaw ng sigaw si Aulric pero hindi ko lang iyun pinansin. Natigil lang ako nang mapansin ko na nasa gitna na kami ng dagat. Malayo na pala kami sa isla. May gas pa kaya kami sa layo na ito?



          “Wow! Napakalayo na natin! Nasa Visayas Sea na ba tayo?" tanong ni Aulric.



          “Huwag kang exaggerated. Nasa Boracay pa rin tayo," tugon ko. Pero ang importante ay ang masolo kita.



          “Kung ito ang paraan mo para masolo ako, bumalik na tayo. Mas maganda pa doon sa tinutuluyan natin. Ang init kaya dito sa gitna ng dagat kahit na ang hangin," reklamo niya. “Masaya sana itong jetski kung hindi ko lang nakita iyung orihinal." Tinutukoy niya ay si Colette. Mukhang nagtatampo siya sa akin. Pero may karapatan ba siyang magtampo? Ang ibig kong sabihin, sa complicated na relasyon namin?



          “Look, that was really unexpected. Kung iniisip mo na pumunta ako dito sa Boracay para makita siya ulit, no. Wala iyun sa plano ko. At tsaka wala talaga akong balita sa mga nangyayari kay Colette. Kung alam ko lang na dito magbabakasyon iyung mga asungot mong mga complicated friends at si Colette, hindi na lang sana tayo tumuloy dito. Sumama na lang sana tayo sa Subic. Kaya lang, pangit doon. May mga asungot din," pakumpas na paliwanag ko.



          “Ay! Ewan! Wala akong pakialam sa mga bagay na iyan ngayon. Turuan mo na nga lang ako kung paano paandarin to at nang masiyahan ako. Kanina na nagsasabi ako na ako naman, hindi nakinig sa akin. Ang lapit na nga natin dito sa jetski, hindi talaga ako marinig? Bingi lang?"



          Nagkibit lang ako ng balikat. Sa tingin ko, hindi ko na lang isipin iyung cameo appearance ni Colette dito sa Boracay. Siguro, nagkataon lang iyun. Para namang mapipigilan ko ang mga tao na magbakasyon sa lugar na ito. Kahit siguro magkalat ako ng pekeng mensahe na may teroristang bobomba sa lugar na ito, pupunta pa rin sila. Hay nako!



          Humugot lang ako ng buntong-hininga at kinuha ang phone ko na nakalagay sa isang compressed na plastic na lagayan. Halos hindi na kasi namin kita ang isla ng Boracay dahil sa napakadaming isla na naming nakikita. Oh! Nasa likuran lang namin.



          Pagkabalik ng phone, tinuro ko na kay Aulric kung paano paganahin ang jetski. Ang bilis niyang natuto dahil napakasimpleng bagay lang naman kasi ang magpagana ng jetski. Ginamit ko din ang pagkakataon para ipwesto ang jetski pabalik sa Boracay. May pakiramdam kasi ako na baka gagayahin ni Aulric ang ginawa ko kanina. Buti na lang at naka-full tank ang jetski bago pinagamit sa amin.



          Agad akong humawak ng mahigpit sa bewang niya. “Larga!"



          Gaya ng inaasahan, pinaharurot nga ni Aulric ang jetski. Tuwang-tuwa siya habang tumatakbo sa pinakamabilis na bilis ng jetski. Hay! Sana naman ay alalahanin ni Aulric na napakadelikado ng ginagawa niya kapag pumunta kami sa mababaw na parte ng dagat.



          Maayos kaming nakarating ulit sa Boracay. Malas lang dahil nagmulta pa ako dahil lampas na sa oras. Pero ayos lang. Mukha ngang masaya na ulit si Aulric. At mabuti na lang, hindi na namin nakasalubong ulit si Colette.



          “Happy?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa aming tinutuluyan.



          “Siyempre. Lalo na kung nandito si nanay," sagot niya. Aw! Si nanay na naman. “Paano? Sa susunod na bakasyon ulit?"



          Napahinto ako sa paglalakad at nahinto din siya nang mapansin ako. Sa totoo lang, hindi ako sigurado sa isasagot ko dahil unang-una, kasama ko sana ang mga magulang ko ngayon dito. Hindi dapat si Aulric. Nagkataon lang na busy sila mama at papa, at si Aulric ang unang naisip ko na isama ko dahil nasa Subic si Ricky.



          Kita kong inikot ni Aulric ang tingin niya. “Okay lang. Hindi naman ako humihingi ng isa pa. Ayos na to. Basta maka-experience lang ako ng mabasa-basang tag-init."



          “O-Okay. Pero Aulric, gusto ko lang sabihin na napakasaya ng bakasyon na ito. Salamat at sumama ka."



          “Ha! Dapat lang. Binigay ko kaya ang sarili ko. At masakit pa rin," sarkastikong tugon niya. “Tara na. Umuwi na tayo."



          Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sana naman, may susunod pa sa bakasyon na ito. Ang saya kaya. Hindi ko pa nararamdaman ang kasiyahan na ito kahit na may mga asungot.



          Ilang araw na ang nakakaraan, nakabalik na din kami sa Rizal. Kasalukuyang nasa kwarto kami ni Ricky at naglalaro kami ng Yu-Gi-Oh.



          “Dark Hole," sabi ni Ricky habang pinapakita niya ang isang baraha sa side niya at habang pinapakita naman ang baraha sa kamay niya. Isang Level 4 monster card na hindi niyo iyun maiiintindihan pero sasabihin ko pa rin.



          Lihim na napamura ako. Natalo na din ako sa wakas ni Ricky.



          “Aba! Gumaling ka na ata," puri ko habang kinukuha ang mga baraha at binabalasa ulit. “Mukhang bumaliktad na ang mundo. Alam mo na kung paano laruin ang deck mo."



          “Ha? Hindi naman. Swerte lang. Kung hindi monster card ang nakuha ko at naunahan mo ako, talo na rin ako," tugon niya habang kinukuha din ang kanyang baraha at ibinalasa.



          “Oo nga pala. Kumusta ang bakasyon niyo sa Subic? Kasama si Shai?"



          “Umm, okay naman. Masaya," tipid na sagot niya. “Ikaw?"



          “Wow! Ang tipid ha? Mga apat na salita lang iyung pagkaka-describe mo tapos ako na agad? Ikikwento ko pa naman iyung tungkol sa akin na mas mahaba pa sa apat na salita." Ibinaba ko ang aking mga baraha. “Sige na. Magkwento ka naman na mas mahaba sa apat na salita. Gaya ng, anong ginawa niyo sa kama?"



          “Hay! Ayoko nga! Ano ba? Maglalaro pa ba tayo o ano?" naiinis niyang sabi habang patuloy pa rin niyang binabalasa ang baraha niya.



          “Ohh, easy lang pwede ba? Parang tinanong lang kung kumusta ang Subic, galit ka na? Huwag mong sabihin na habang nasa Subic kayo, nagkalabuan kayo ni Shai at nag-away hanggang sa pag-uwi?"



          “Hindi sa ganoon."



          “Huwag mo din sabihin na may kumplikado kayong relasyon gaya namin ni Aulric?"



          Tumigil na siya sa pagbalasa at ibinaba ang mga baraha. “Hindi din. Ano kasi, hindi ko lang talaga ma-explain ng mabuti. Pero masaya kami ni Shai at okay lang," pakumpas niyang paliwanag. “Basta. Ganito siguro kapag mahal mo talaga."



          “Weh? Talaga lang ha? Sigurado ka ba na hindi ka lang nagpapalusot?"



          “Oo. Hindi ako nagpapakusot. Ni hindi nga ako makapagkwento ng sexual experience naming dalawa dahil wala pang nangyayari sa amin. Sige nga. Ikaw? Kumusta ang bakasyon ninyo ni Aulric sa Boracay? Dapat worth it ang maririnig kong kwento dahil nagsinungaling ako sa papa mo na kasama kita," paghahamon niya.



          “Umm, masaya din. May mga asungot nga lang gaya nila Sharina at Jin, at si Colette," maikling paliwanag ko.



          “Niloloko mo ba ako Zafe? Kung sa akin ay tipid na sagot, sa iyo ay isang short story. Nag-e-expect pa naman ako na mas mahaba sa sinabi mo dahil ang galing-galing mong magsalita. Ngayon, pwede bang ulitin natin ang pag-uusap at ikwento mo ng mas mahaba iyung bakasyon niyo ni Aulric? Pero pakiusap. Huwag mo ng isama ang sex experience ninyong dalawa." Bigla siyang natigil. “At anong sabi mo? Nakita mo si Colette?"



          “Hindi lang nakita, nakausap ko pa. Nagkamustahan pa nga kami."



          Tahimik na nagkatinginan kami ni Ricky. Tila may ideya kami ni Ricky na parehas naming alam kahit hindi namin sabihin.



          Dali-dali kaming tumayo at umupo ako sa computer ko na kasalukuyang bukas dahil sa may dina-download ako. Binuksan ko agad ang browser para pumunta sa Facebook. Pagkatapos ay hinanap si Colette sa Facebook.



          “Hi Rizal. I'm back," basa ko sa status niya na naka-public kaya nababasa ko. Hindi ko na kasi siya friend sa Facebook. Kahit si Ricky, in-unfriend na.



          “Nako po! Mukhang madalas ata natin siyang makikita," sabi ko.



Aulric's POV



          Medyo madaming tao ngayon sa restaurant dahil sa dinadagsa ng mga tao ang halo-halo namin. Hindi tuloy ako makapagpahinga dahil sa marami ang tumatangkilik sa aming halo-halo. Kahit nga si Jin ay tumulong na rin sa paglilinis ng mga lamesa sa mga natapos ng kumain. Siguro, mainit talaga sa labas ngayon. Halos hindi na kasi lumalamig ang temperatura sa loob ng restaurant. Buti na lang at pinalinisan na ito agad ng aming amo.



          Habang nagse-serve, nakita ko naman ang mga barkada ni Shai na kaibigan ko din. Napakalawak ng mga ngiti nila sa labi dahil nakikita nila akong nahihirapan ngayon sa trabaho.



          “Pinag-iisipan mo ba kami ng masama?" tanong sa akin ni Shai nang nasa harapan ko na.



          “Wala. Wala pa akong iniisip na masama," sagot ko. “Okay guys. Doon ang pwesto niyo. Tapos na iyun linisin ni Jin."



          Hay! Kung may dagat siguro ng mga basura, siguro naman ay may mga dagat din ng basura na tao. Hay nako! Bakit ba ako nag-iisip ng mga basura ngayon? Wala naman koneksyon iyun sa kasalukuyang ginagawa ko.



          Kuha ng order, hatid, kuha ng order, hatid, natapilok, umikot, hay! Napaka-busy talaga ng araw na ito. Kailangan na natin ng bagong sakuna para mabawasan ang mga taong ito.



          “Ayos ka lang Aulric?" tanong sa akin ni Jin habang may hawak ng bote ng malamig na tubig. “Tubig. Inom ka."



          “Salamat." Kinuha ko ang bote saka binuksan ito at tinungga. “Buhay pa ako Jin. Hindi ko lang inaasahan na mas marami iyung dadagsa ngayong umaga para lang sa halo-halo. Hindi ba noong nakaraang taon, hindi naman ganito karami iyung mga tao na pumunta sa restaurant? Kapag nagpatuloy na dumami ang mga tao ngayon, hihingi ako ng increase kay boss," biro ko. “Ikaw? Ayos ka lang? Gusto mo, palit tayo ng posisyon? Ako iyung tagalinis, ikaw naman ang taga-serve?"



          “Ahh! Kaya ko pa. Anak ako ng papa ko kaya kakayanin ko ito," natatawang biro niya.



          “Sabi mo nga." Nakita kong may mga costumer ng tumayo. “Ayun. May umalis na. Larga na Jin."



          “Sige, sige, sige."



          Iniwan na ako ni Jin. Ininom ko naman ulit iyung tubig na bigay niya. Okay lang na hindi ka kumain ng isang taon basta't uminom ka ng tubig.



          Tumayo na ulit ako para magpapasok ng mga costumer. Napahinto lang ako nang makita ang nasa unahan ng pila. Si Kristel na may maayos na mukha at ang mommy niya. Iyung totoo, sumingit sila diyan sa harapan? At papasok na silang dalawa. Hay! Marahil ay kilala ng mga guard kaya pinapasok. Special treatment.



          “This way please," sabi ko para ituro sa kanila ang kanilang uupuan.



          Sumunod sila sa akin. Umupo sila sa tabi nila Shai. Habang nakatayo ay nakita ko si Shai na binubulungan ang mga kabarkada niya. Mukhang magkakilala sila ng taong ito.



          “May I take your order madams?" magalang kong tanong.



          “Madam?" pagalit na tanong ni Kristel. May angal siya.



          “I'm sorry. May I take your order ma'am?"



          “Easy lang anak," pagpapakalma sa kaniya ng mommy niya. “The usual please." At hindi ko alam iyun dahil first time ko kayong naging costumer. May order bang ganoon?



          “I'm sorry ma'am. I don't know what you are talking about since this is the first time that I'm serving you. I'll go back to the counter and ask who is your regular waiter there so please wait for a while." Paalis na sana ako pero pinigilan ako.



          “Ahh! Hindi na. Don't bother. I think this is the best time to know on what are our usual order here in this time of the day."



          “Okay. So may I take your order ma'am?"



          Tumawa pa muna ng bahagya ang mommy ni Kristel. “Two special halo-halo." Iyung lang naman pala.



          “Okay. Two special halo-halo coming up."



          Pagkatapos iyun maisulat sa papel, bumalik ako sa counter at idinikit sa isang hanger para makita ito ng mga naghahanda ng halo-halo. Nagpapasok pa ako ng iba pang costumer at kinuha ko ang mga order nila.



          Ilang minuto ang nakalipas, nakita kong nakahanda na ang order nila Kristel. Kinuha ko naman ito at inilagay sa kanilang table.



          “Teka mom, sinabi mo ba na walang sago dapat sa halo-halo ko, may allergy kasi ako sa sago," maarteng reklamo ni Kristel.



          “Teka? Sinabi ko iyun ahh?" Hmm, hindi ba dapat ay hindi mo makalimutan ang mga bagay na makaka-trigger ng allergy mo? At wala kang sinabi sa akin na may allergy sa sago iyang anak po ninyo. Oh well. Baka ulyanin na.



          “Umm, papapalitan na lang po namin ang halo-halo ninyo. Wait lang po," magalang kong sabi.



          Ibinalik ko na lang sa counter ang mga halo-halo nila at sinabihan ang gumagawa na gumawa ng panibago. Pagkatapos gawin ang halo-halo na walang sago dahil allergic daw si Kristel, whatever. Ibinigay ko ulit ito sa kanila.



          “Teka anak? Hindi ba sa mais ka talaga may allergy? Sigurado ka bang sago iyun?" tanong ng mommy niya.



          “Ay! Oo nga pala. Sa mais pala ako may allergy," sabi ni Kristel.



          Kita ko na tumayo si Sharina mula sa kinauupuan niya pero sumenyas ako na umupo na lang siya. Hindi lang kaya siya ang nakakahalata.



          “Naiintindihan ko po. Sandali lang at kukuha po ako ng halo-halo na walang mais, pati na rin sago para makasigurado," magalang ko pa ring tugon.



          Dali-dali akong bumalik sa counter at ibinalik ang halo-halo. Kita ko naman ang nagtatanong na tingin ni Jin at ni Amo na katabi niya lang.



          “Pangalawang beses na iyun Aulric. Bakit ka pabalik-balik? Nakuha mo ba ng tama ang mga order nila?" tanong ni Amo.



          “Yeah. Nakuha ko po ng tama. Kaya lang, biglang nagkaroon ng allergy iyung anak niya," paliwanag ko.



          “Allergy? Wala namang allergy iyung anak niyang iyun?" Natawa si Amo. “Baka pinag-iinitan ka ng mag-ina. Pagpasensyahan mo na lang."



          “Gusto mo Aulric, ako na ang magbigay sa kanila?" tanong ni Jin.



          “Para ano? Para biglang mawala iyung allergy ni Kristel?" sarkastikong tanong ko. “Hayaan mo na ako Jin. Kaya ko na ito. Naiintindihan ko naman kung bakit ako pinag-iinitan ng mag-ina. Iyun nga lang, huwag nila akong sagarin."



          Handa na naman ulit ang order nila Kristel. Nilagay ko lang ang dalawang halo-halo sa aking tray. Lumapit ako sa dalawa na masayang nag-uusap. Sisiguraduhin ko na magiging masaya kayo kapag sinagad ninyo ako.



          “Heto na po ang order ninyo," magalang kong sabi habang binibigay sa kaniya.



          “Alam mo-"



          “Ahh, ahh, ahh," pagputol ko kay Sharina. “Bago ninyo ituloy ang binabalak ninyo, gusto ko lang kayo paalahanan na hindi lang doon ang kaya ko. Kung alam niyo ang sinasabi ko. Kaya hanggat nasa hustong pag-iisip pa ang utak ko, ayoko pong ipadala kayo sa kabilang banda ng mundo. Subukan niyong gumawa ng eskandalo at sisiguraduhin ko na hindi ako magsisising ihampas sa mga ulo ninyo itong tray. Kahit na iniisip ninyo na may mga taong tatayo para pigilan ako, iyun ay kung mapipigilan nila ako. So ano? Gusto niyong bang subukan at mag-volunteer sa aking ekperimento kung mapipigilan ba ako ng mga tao na ito na patayin kayong dalawa? O hindi? Pakiusap lang. Huwag niyong sayangin iyung pagso-sorry ko. Mahirap iyung ibalik kaya sana, sulitin niyo na lang. Peace na lang tayo pwede?"



          Tiningnan ko sila ng masama habang nakangiti. Gumanti din sila ng parehas na intensidad habang kinukuyom ang kanilang mga kamay. Mukhang susubukan ata ako ng dalawa.



          “Ikaw naman. Hindi ka mabiro Aulric," natatawang sabi ni Kristel. “Ang gusto ko lang kasi sabihin ay alam mo, s-salamat sa pagsisilbi sa amin kahit na pabalik-balik ka, alam mo iyun. K-Kahanga-hanga ang pasensya mo na pagsilbihan kami."



          Pilit akong ngumiti. “Mabuti naman kung ganoon. Sana-endoyin niyo iyang halo-halo ninyo. Magandang hapon."



          “Oi, andito ka pala Kristel," wika ng isang boses na pamilyar sa akin. Hala? Andito na naman?



          Umupo ang babaeng ito sa tabi ni Kristel habang nagyayakapan. Huwag mong sabihin na best friends forever ang dalawang ito?



          “Colette. You're back. It's nice to meet you again," sabi ng mommy ni Kristel.



          Humiwalay ito sa pagkakayakap. “Opo Tita. I'm back now."



          “Nako! Akala ko, huling pagkikita natin sa Boracay. Buti naman at nagkita ulit tayo." Hindi mabuti para sa akin.



          “Hindi ahh? Gusto kitang makita ulit. Kasi noong huling nagkita tayo, may pasa ka sa mukha." Ako ang gumawa noon kung hindi mo alam.



          Tumikhim ako. “Excuse me ma'am. Would you like to order something? Juice, water, wine?" Nakakairita na kasi na naging poste ako dito sa tabi ng mga taong ito.



          Nilingon ako ni Colette na may ngiti. “Oh! It's you. Iyung kasama ni Zafe sa Boracay. Nagtatrabaho ka dito?"



          Inikot ko ang aking paningin. “Yeah. Ako iyun. Gusto mo ba ng halo-halo?" pag-iba ko sa usapan.



          “Ahh! Yes, please."



          “May allergy ka ba or something na ayaw mo sa halo-halo namin?"



          “W-Wala naman. Bakit mo naman naitanong?"



          “Reference. May mga tao kasi na may allergy sa sago o mais namin na nakalagay sa halo-halo. Alam mo na. Para tumaas ang reviews ng restaurant namin kapag binuksan ninyo ang inyong Facebook account."



          “Ahh! Ganoon ba? Okay. If I have time, I'll write a review about sa resto at sa inyong halo-halo na patok na patok ngayong summer."



          “Thank you ma'am. That would be great. And please wrote an honest review. Anyway, ipapagawa ko na ang halo-halo ninyo."



          Dali-dali akong umalis sa pagkaposte sa tabi nila. Agad na binawi ang ngiti sa aking labi. Ewan ko pero kapag nakikita ko talaga si Colette, naiinis ako. Tapos magkaibigan pa sila ni Kristel. Mukhang magkakaibigan na ata ang mga ayaw kong tao sa mundong ito. Ano bang bago? Magkakaibigan silang lahat.



          “Ayos ahh! Na-survive mo iyung nag-iinarteng ina?" tanong ni amo habang naglalabas ng halo-halo sa counter.



          “Opo. Killer smile. Lang po pala ang katapat nila," pagtatapat ko.



          “Si Colette. She's back. Siya iyung first love ni Zafe hindi ba?" tanong ni Jin habang nilalagay ang mga huhugasin sa counter.



          “First love? Hindi ko alam iyun ahh," maang ko.



          “Kanina, ang tagal niyo mag-usap ahh? Magkakilala na kayo?"



          “Hindi kami magkakilala. Minumungkahi ko lang sa kanila na magsulat ng review tungkol sa restaurant natin. Alam mo iyun. Para mas lalo pang dumami ang tao."



          Kahit sa iba ako nakatingin, nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Jin. Hindi niya ba alam na kapag nakaharap, ang sight range ko ay 210°? Baka naman dahil ito sa Boracay? Kausapin ko ba siya na tigilan ang ginagawa niya?



          “Umm, Aulric, oras na ng break natin. Pahinga na tayo at kumain," pagpapaalala ni Jin.



          Tahimik lang kami ni Jin habang kumakain. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa. Hay! Ayoko ng pakiramdam na ito. Mamaya, kumuha ng baril si Jin at pinatay ako. Iyung ganoong klaseng vibe. Bahala na nga!



          “Ang sarap talaga ng steak na ito. Isa sa mga dahilan kaya gusto kong magtrabaho dito. Ang makatikim ng mga mamahaling pagkain," pagtatapat ko sabay subo ng malaking parte ng steak. “Alam mo Jin, nagtataka lang ako. Bakit kapag karne ng baka, parang nalalasahan ko iyung gatas. Ang sarap kaya."



          “A-Ang totoo niyan, hindi ko alam na may lasang gatas ang karne ng baka," nahihiya niyang paliwanag. So ako lang pala ang nakakalasa ng gatas sa karne ng baka? Awkward.



          Pagkatapos ng pag-uusap at pagkain namin ay tahimik na naman kami. Nagpasya na lang ako na umidlip dahil inaantok na ako sa katahimikan. Pero kahit sa pag-idlip ko, ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin.



          Gabi na nang natapos na ang trabaho ko. Pagod na pagod ang katawan ko at nanghihina na. Sana naman ay may anghel na bumaba sa lupa at mag-anyong tao upang pasakayin ako sa kanyang sasakyan.



          “Aulric, sakay ka na," rinig kong boses ni Shai na nasa parking lot. Sabi ko, anghel. Hindi demonyo. Pero hindi bale na.



          “Shai, bakit nandito ka pa?" tanong ko habang lumalapit sa sasakyan.



          “Inaantay ka. Kwentuhan naman tayo."



          “Sige."



          Pagkasakay ko sa sasakyan ni Shai, nagkwento agad siya tungkol sa bakasyon nila sa Subic at kung gaano sila kasaya. Hay! Buti pa sila.



          “Kayo ni Zafe sa Boracay? Kumusta?" naitanong niya.



          “Ha? Hindi ako pumunta sa Boracay," nakakunot noo kong sabi. Paano niya nalaman?



          “Sus! Huwag ka ng magkaila. Tumawag kaya iyung mga magulang ni Zafe kay Ricky at pinapa-confirm kung kasama niya si Zafe. At tsaka may picture message pa ako dito mula sa iyo na kuha ni Zafe. Hindi mo ba nakita?"



          Humugot lang ako ng buntong-hininga at tiningnan ang phone ko na ang battery ay 65% sa pangatlong araw. Hindi ko kasi masyadong binubuksan.



          Pagkapunta sa sent messages, nakita ko ang mensahe na sinasabi ni Shai. Ano ba itong sharp Boracay, sharp love, sharp tamang panahon? May function ba ito at ginagamit ang sharp sa mga message?



          “Ayoko. Ayokong magkwento," simangot ko habang binabalik ang phone ko.



          “KJ mo talaga at alam mo iyun," tulak ni Shai.



          “Aray! Makatulak naman to. Ehh, ayoko nga. Hindi naman masyadong masaya, hindi naman masyadong nakakinis. Tama lang."



          “Pero huhulaan ko, nakaiskor si Zafe sa iyo ano?" kinikilig niyang tanong



          “Nakaiskor? Ano ako? Babae?"



          Dinampi ni Shai ang kamay niya sa balat ko. “Tsaka napapansin mo ba iyang balat mo? Ang kinis-kinis. Sabi daw nila, may health benefits sa tao iyung ganoon kapag inaraw-araw." Araw-araw? Napakasakit noon at araw-araw?



          “Alisin mo nga iyang kamay mo sa balat ko," hawi ko sa kamay niya. “Sige na. Andito na ako. Sa susunod na lang ulit."



          “Ewan sa iyo. Mag-ingat ang tao sa iyo," paalam ni Shai.



          “Sinabi mo pa."



          Huminto na ang sasakyan at lumabas na ako. Ilang lakad lang ang ginawa ko at nalarating na ako sa bahay. Hmm, napakatahimik ng labas ngayon. Wala iyung mga maiingay na kaibigan ni Randolf?



          Pagkabukas ng pintuan, nalaman ko na ang sagot sa tanong ko. Kaya pala wala ang mga maiingay na kaibigan ni Randolf dahil nasa loob sila ng bahay at kumakain. At si Zafe, narito.



          “Anak, halika. Kain," salubong sa akin ni nanay.



          “Anong ginagawa po ng mga taong ito dito?" walang amor kong tanong.



          “Ehh, kasi, anak, pinangako ko sa kanila na kapag nanalo sila sa pustahan, papakainin ko sila dito sa bahay," paliwanag ni nanay.



          “Nay, anong sinasabi niyo pong pustahan? Nagsugal po kayo?" nagulat kong tanong. “Nako po nay. Baka naman po drugs ang susunod niyan. Tandaan niyo po na diyan nag-umpisa na nasira si tatay."



          “Ehh, anak, basketball naman ang sinalihan kong sugal. Nanalo ako ng dalawang libo."



          “Nay, ang sugal po ay sugal. Masama po iyun."



          “Aulric, tita, may problema po ba?" tanong ni Zafe nang lumapit sa amin.



          “Ikaw may pasimuno nito ano?" agad na tanong ko.



          “Anak, kagustuhan ko iyun. Nagawa ko lang iyung para magkapondo pa ako sa gagawin kong negosyo," patuloy na paliwanag ni nanay.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at pinakalma ang sarili. Pambihira. Pagod na pagod na ako sa trabaho, tapos may mga asungot pa dito sa bahay.



          “Bahala nga po kayo diyan nay. Akyat lang po ako sa kwarto para magpahinga. Pagod na po ako," nasabi ko na lang.



          Dali-dali akong umakyat sa kwarto. Hindi ko naman namalayan na nakasunod sa akin si Zafe at agad na siniil ako ng halik pagkasara ng pinto. Hindi ako nakaganti at sa halip ay inilagay ko ang aking mga paa sa bewang ni Zafe at binuhat niya ako. Ang mga labi niya, sabik na sabik kaya hindi ko na maiwasang gantihan.



          Natigil kami saglit sa paghalik at nagkatinginan. Hinabol namin ang aming mga hininga at inaamoy ang hininga ng bawat isa. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan dahil wala siyang suot na pang-itaas. Baka hinubad niya dahil sa pawis na pawis siya kanina.



          “Ano to? Peace offering?" pagalit kong tanong.



          “Ehh ano itong nakasabit ka sa akin? Gustong-gusto mo?" tanong din niya.



          “Anong gustong-gusto ko? Sinusubukan kitang patigilin kung kaya ba ng katawan mo ang bigat ko."



          “Palusot," sabi niya na may hindi naniniwalang tingin.



          “Iyung ginagawa niyo sa nanay ko, pwedeng tumigil kayo. Masama ang kutob ko sa pagsusugal na iyan."



          “Umm, sige. Pero may kapalit."



          “Ay! Nasa posisyon ka ba para makipag-negotiate sa akin?"



          “Ano kasi, gawan mo nga ng paraan. Please?"



          May naramdaman naman akong may kung anong bagay na bumangga sa aking puwitan.



          “Hay! Deal!"



          Bumabad agad ako at isinandal siya sa pintuan ng aking kwarto. Ibinaba agad ang shorts niya at ang brief niya. Hindi ako nagdalawang-isip na ilagay ang pagkalalaki niya sa bibig ko. Tumingin ako sa itaas at nakita ko si Zafe na nagdedeliryo sa sarap habang nakalagay ang kaliwa niyang kamay sa buhok ko at ang isa ay tinutulak ang batok ko.



          “Malapit na ako Aulric," pabulong na sabi niya.



          Naramdaman kong pinatulak pa ni Zafe sa pagkalalaki niya ang ulo ko. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin iyun at pinapasok ang lumabas sa pagkalalaki niya para mapawi ang sakit.



          Sunod naman ay pinatayo niya ako at lumipat ng posisyon. Ako naman ang nakatayo at siya ang gumagawa sa pagkalalaki ko. Medyo mabilis kami sa ginagawa nang ako na at nakapagpalabas agad ako. Gaya sa ginawa ko, tinanggap din ng mainit na bibig niya ang lumabas sa pagkalalaki ko.



          Pagkatapos ng mainit na tagpong iyun, binato ko sa kaniya ang tuwalya ko para punasan ang pawisan niyang katawan. Nakisabay na rin ako habang hinuhubad ang aking mga damit sa trabaho. Habang nakatalikod ay nararamdaman kong humalik siya sa likuran ko habang pinapatulay ni Zafe ang kanyang mga kamay mula sa balikat pababa sa bewang ko hanggang sa yumakap na siya. Para saan iyun?



          “I love you," rinig kong bulong niya.



          “Oo. Alam ko," singhag ko. “Bumitaw ka na at pakiusapan si nanay. At pwede bang huwag kang dumalas sa bahay? Baka araw-arawin mo ako dahil sa ginagawa natin?"



          “Ehh kasi, tinuturuan ko iyung mga kaibigan ni Randolf. Alam mo na. Makipagpalitan ng mga bagay-bagay sa mga tao na kaparehas mo ng passion sa basketball." Pagkatapos magsalita ay humalik na naman siya sa likod ko. Kapag nakaharap ako sa kaniya, iyung kamay niya sa puwet ko. Kapag nakatalikod naman, iyung bibig niya sa likod ko.



          Kumalas ako sa pagkakahawak niya. “Hindi ka pa tapos? Baka mamaya, may hiling ka na naman?"



          “Wala na. Solve na ako. That reminds me. Noong unang pasok ko sa kwarto mo, sisipain mo ako para umalis. Ngayon, anong nangyari?"



          Itinaas ko ang aking paa para sipain siya.



          “Sige," paalam niya nang umalis na siya sa kwarto ko.



          Magsasalita pa sana ako pero nakaalis na siya. Sasabihin ko sana iyung bagay na nakita ko sa resto kanina. Iyung first love niyang si Colette na kaibigan pala ni Kristel? Pero hindi bale na nga.



          Pagkabalik ko sa baba, sakto naman na umalis na ang mga kaibigan ni Randolf pero naiwan si Zafe. Nakita ako ni nanay na bumaba at agad na naghain ng pagkain para sa akin.



          “Sige po Tita Ems. Una na po ako," paalam ni Zafe.



          “Ohh, sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi," paalam din ni nanay.



          “Tita Ems?" hindi ko makapaniwalang sabi. Natawa ako habang umuupo para kumain.



          “Anak, may problema ba? Hanggang sa palayaw ba naman na ibinigay sa akin ni Zafe, may reklamo ka?" tanong ni nanay.



          “Nay ha. Wala pa po akong sinasabi. Kita ng tumatawa ako, angal agad ang nasa isip," paliwanag ko. “Pero seryoso nay. Parang ang pangit pakinggan ng Tita Ems. Hindi na po kaya thirty. Forty na po kayo."



          “Aba naman anak. May karapatan naman ako na mag-feeling bata para sa ikasisiya ko." Nilagay na ni nanay ang mga pagkain ko sa mesa.



          “Sige na po nay. Basta po, huwag po iyung sugal. Paano na lang kung natalo po kayo? Sayang po iyung mga perang inipon niyo."



          “Hayaan mo anak. Hindi na ako ulit magsusugal pa," pangako ni nanay.



          “Sana naman po ay matupad niyo po iyang pangako ninyo."



          Habang kumakain nagkwento naman si nanay tungkol sa masaya niyang experience sa Puerto Prinsesa kung saan kasama niya si Sir Henry. Base sa kwento ni nanay, dinala siya sa mga magagandang tanawin na bantog doon. Napakaganda daw dahil first time niyang makapunta sa lugar na iyun. Sana nga lang daw ay kasama niya ako. Alam kong medyo ilang araw na iyun na nangyari ang sinasabi ni nanay pero ngayon lang namin napag-usapan. Pagkauwi kasi ay naging abala si nanay dahil gusto niya mabawi iyung mga perang nawala sa kaniya.



          Nang natapos na magkwento si nanay, nagkwento din ako tungkol sa Boracay. Lahat, kiniwento ko maliban lang sa mga bagay na hindi ko dapat ikwento. Siyempre, masaya si nanay na parehas ang aming iniisip. Na makasama ang isa't isa sa mga lugar kung saan kami pumupunta.



Geoffrey's POV



          “Bang! Bang! Bang!" sigaw ng baril habang inaasinta ko ang target.



          “Ayos. 8 out of 10. Malapit mo ng makuha ang ideal na 10 out of 10, " puri ni Luke habang nagsasanay ako na bumaril.



          “Hmm, sana nga ay mag-apply iyung score ko sa tunay na laban."



          “Geoffrey. Nandito ka lang pala," sabi ng boses ni Christian sa likod ko. “Oo nga pala Luke. Hinahanap ka rin pala ni Chief."



          Nilingon ko siya at nakita na may hawak siyang ilang papel.



          “Ako? Hinahanap? Bakit daw?" tanong ni Luke.



          ”Aba, malay ko," kibit-balikat ni Christian.



          “Sige. Mauna na ako Geoffrey," paalam ni Luke saka tinapik pa ang mga balikat namin ni Christian bago umalis.



          “Ayan na ba ang resulta?" tanong ko kay Christian nang inabot na niya sa akin ang hawak na papel. May lead na kasi kami sa kasalukuyang kaso na iniimbestigahan namin. May nakita kaming parang nakatagong insignia ng isang lobo o ulo ng hayop sa wallet nung walang pangalang bangkay na ang pangalan ay Kevin Mayhonan at pati na rin sa wallet na pagmamay-ari ni Ike Melville.



          “Yeah. Nakumpirma ko nga na insignia iyan nung isa kompanya na matagal ng tinayo sa lugar na ito. Harshebroocke Clamor Group of Companies. Pero dahil sa hindi natin malaman na pangyayari, na-bankrupt ang kompanya. At dahil diyan, lumiit ang mga posible nating suspek. Sila Simon Schoneberg, Louie Bourbon, Antoine Bourbon, Marcus Bourbon, Arthuro Reyes, Vincent Harris, at ang pamilya Fuentez ay hindi kasali sa mga board of directors kaya tanggal na sila sa listahan. At ang nasa listahan na lang ay si Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Ay! Ang haba ng pangalan. Si Herbert Dominguez, Mer Lyn, Zachary Neville, at Denny Rizal.



          “Good. Simulan na natin ang imbestigasyon. Tanungin na natin si Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor."



          Pinuntahan namin ang bahay ni Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor sa isang sabdibisyon. Pero nagulat kami nang nasa gate pa lang kami ng bahay niya. Sa gate pa lang, makikita mo ang kanyang yaman kahit na na-bankrupt ang kompanya niya. Saan niya kaya nakukuha ang yaman niya?



          Mga ilang minuto lang ang hinintay namin sa gate bago kami pinagbuksan ng katulong o caretaker, tauhan ng bahay, ewan. Kapag ba lalaki na naging katulong, ano ang uniporme niya?



          Anyway, pinakilala namin ang aming sarili at humingi ng pahintulot na pumasok sa bahay at makausap si Henry Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor. Wala kasi kaming search warrant para basta na lang pumasok at i-raid ang lugar dahil kakausapin lang namin siya.



          Humingi ng paumanhin ang tauhan ng bahay dahil pag-aantayin niya kami ng ilang minuto dahil hihingi pa siya ng pahintulot sa amo niya. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang tauhan ng bahay at pinahintulutan kaming pumasok. Pagkapasok, napa-wow ulit kami. Iginala ko ang tingin sa lahat ng sulok ng bahay. Mukhang may natitirang yaman pa ang taong ito.



          “Sir, andito na po sila," rinig kong sinabi ng tauhan ng bahay sabay umalis.



          “Gentleman, anong meron at binisita ninyo ako?" tanong ni Henry Blaine na nakadamit pambahay, habang pababa sa paikot na hagdan.



          “Hi. Ako po si Officer Christian, at ang kasama ko po na si Officer Geoffrey," pagpapakilala sa amin ni Christian. “Naparito po kami dahil gusto po namin magtanong ng ilang katanungan kung pwede?"



          “Ganoon ba? Sige. Upo kayo."



          “Maraming salamat po."



          Bumaba si Henry Blain at sinamahan kami sa sala. Pagkaupo ay ibinigay agad ni Christian ang hawak-hawak niyang papel na naglalaman ng mga ebidensyang nakalap namin. Sinagot niya lahat ang tanong namin lalong-lalo na sa insignia ng nasira nilang kompanya. Sinabi niyang ideya niya iyung insignia na iyun at siya ang orihinal na nagdisenyo.



          “Sandali? May problema ba sa insignia ko? Pwede ko bang malaman kung bakit?" naitanong ni Henry Blaine.



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Mr. Henry Blaine, hindi na po ako magpaligoy-ligoy pa. Ang insignia niyo po ay nakita namin na nakaukit sa isang wallet. At ang mga nagmamay-ari ng mga wallet ay pinaghihinalaan namin na isang drug pusher, o drug trafficker, hindi pa namin sigurado pero may kinalaman sa droga. Noong una, iniisip namin na coincidence lang iyun dahil baka gumagawa ang kompanya niyo ng mga wallet. Pero alam naman po natin na hindi pagawaan ng wallet ang focus ng kompanya ninyo kung hindi delivery service. Kaya po tatanungin po namin kayo. May kinalaman po ba kayo sa mga kumakalat na droga sa lugar natin?"



          Natahimik siya at nag-isip muna. Baka ang susunod na eksena ay palayasin kami at tatawag ng lawyer para sa gagawin niyang sagot. Well, lalabas siyang guilty kapag nangyari iyun.



          “Hindi. Wala akong kinalaman diyan," mahinahon na pagtanggi niya.



          “Sigurado po ba kayo?" paninigurado ko.



          “Oo. Sigurado ako."



          “Kung ganoon po, bakit kahit na bankrupt na po kayo, mukhang mayaman pa rin kayo? Hindi po halata sa bahay ninyo."



          Natawa siya. “Hijo, napakababaw ng tanong mo. Alam kong na-bankrupt na ang kompanya ko. Pero hindi dahil na-bankcrupt ako ay mawawala na din ang lahat ng aking mga yaman. Mayaman ako at ayokong bumalik sa hirap. Kaya gagawa ako ng mga paraan para hindi maghirap. Pero droga, hindi. Hinding-hindi ko gagawin iyun. Kung hindi niyo alam, nag-invest ako sa kumpanya ng asawa ni Simon Schoneberg, si Veronica Schoneberg. Kaya ang pera, patuloy pa rin pumapasok sa bahay ko. Ahh! Alam niyo, saktong-sakto at pina-file ko ang aking SALN ngayon. Pwede ko kayong bigyan ng kopya at bibigyan ko kayo ng pahintulot na imbestigahan ang aking yaman? Anong masasabi niyo?"



          “Sige po. Makakatulong po ng SALN ninyo para sa aming imbestigasyon at para luminis ang pangalan ninyo," ngiti ko.



          “Derek, pwede mo bang kunin ang pina-file kong SALN sa kwarto ko?" sigaw ni Henry Blaine sa likod niya. “Alam niyo, salamat sa pagpunta dito dahil ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito. Pangako, wala akong alam sa mga drogang kumakalat sa lugar natin. Matanda na ako at may pinakatandaan."



          “Siya nga po," natatawang tugon ni Christian.



          “Alam mo Officer Geoffrey, gusto kita. Mukhang matapang ka at babanggain mo talaga ang mga pader na haharang sa iyo. Mabuti na lang at ako ang nakausap mo dahil kung ibang tao iyun, pinalayas na kita."



          “Ginagawa ko lang po ang aming trabaho bilang tagapatupad ng batas. At tsaka naging biktima po ako ng mga pinagbabawal na gamot. Nasira po ang pamilya ko dahil diyan," seryoso kong sagot.



          Dumating ang tinatawag na Derek ni Henry Blaine na may hawak na papel at ibinigay ito sa kaniya. Mukhang kasing-edad ito ni Aulric at medyo matangkad.



          Walang pagdadalawang-isip na binigay ni Henry Blaine ang SALN niya. “Heto ang SALN ko. Sana naman, matulungan ako niyan na malinis ang pangalan ko."



          Kinuha ito ni Christian. “Salamat po sa inyong kooperasyon," magalang na sabi niya.



          “At kung sino man ang tao sa likod nito, pwede bang balitaan niyo ako? Malakas ang kutob ko na ang taong may pakana nito ay may galit sa akin. Siguro ay para maipit pa ako. Bibigyan ko kayo ng clue. Ang mga wallet na nakuha niyo ay isang limited-edition na aking pinagawa. Binigay ko ito sa aking mga pinagkakatiwalaan kong board members hanggang sa inahas nila ako." Napakasaklap. Ito kaya ang dahilan kaya na-bankrupt ang kompanya niya?



          “Wala pong problema. Gagawin namin ang lahat para mahuli ang taong ito sa likod nito," sabi ko. “Sabi nga nila, walang lihim ang hindi nabubunyag. Nakalagay po iyun sa bibliya."



          Natawa na naman si Henry Blaine. “Isa na namang mababaw na paniniwala."



          “Bakit niyo po nasabi?" nakakunot-noong tanong ko.



          “Hijo, totoo o hindi totoo na may lihim na hindi nabubunyag, wala na itong halaga kung malalaman mo ito sa mga pinakahuling sandali. Para itong kanin na kakaluto lang. Habang tumatagal, lumalamig. Ganoon din ang mga sikreto. Kaya habang mainit pa, alamin niyo na."



          “Pero may mga sikreto po na kahit gaano na katagal at nabunyag pa rin, sa isang kisap-mata lang, mahahabol nito ang kasalukuyan," sabi ko saka pinatunog ang aking daliri.



          Napatango ko si Henry Blaine. “Siyang tunay."



          “Sige po. Aalis na po kami," paalam ko.



          “Paalam din at mag-iingat kayo. Derek, ihatid mo sila sa labas."



          Lumabas na kami ni Christian at pumasok sa mobile. Pagkapasok ay pinaandar ko na ito paalis sa bahay na iyun.



          “Hindi pa ba nating buburahin sa mga posibleng suspek iyung taong iyun?" tanong ni Christian.



          “Hindi pwede," sagot ko



          “Bakit mo naman nasabi?"



          “Pakiramdam? Ikaw? Bakit gusto mong alisin siya sa mga posibleng suspek?"



          “Ako, dahil sa tinulungan niya tayo. Nagkaroon ang progress ng kaso dahil sa kaniya. At tsaka iyung tungkol sa wallet, napakatanga naman kung basta niya lang ibinigay ang wallet na iyun dahil siya ang ituturo ng ebidensya," paliwanag ni Christian.



          “H-Hindi ko masyadong masabi, pero pamilyar kasi sa akin ang pakiramdam sa tuwing kinakausap ko siya. Naalala kita noong tinatago mo ang nararamdaman mo sa akin."



          “Anong sinasabi mo? May gusto sa'yo iyung taong iyun?" nagulat niyang tanong.



          “Hindi ganoon iyun! Ano lang, basta. Hindi ko talaga maipaliwanag. Iyung masikreto ba? Kasi ikaw, naramdaman ko na ang vibe na iyun sa iyo," pilit kong naguguluhan na paliwanag. “Hay! Ewan ko. Basta. Iniisip ko nga din na baka kilala niya ang tao sa likod nito. Ngayon, iimbestigahan pa natin iyung mga board of directors nung dati niyang kompanya pagkatapos sa SALN niya. Teka? Sino-sino nga iyung board of directors ng kompanya niya?"



          “Umm, teka." Binuksan ni Christian ang isang kompartment ng mobile kung saan nakalagay ang mga papel niya. “Umm, Zachary Neville, Mer Lyn, Ivan Leonaire, Herbert Dominguez, Heidi Neilsen, at Vincent Harris."



          “Ang konti ahh? Sana naman, mag-cooperate ang anim na taong iyan para mapabilis ang imbestigasyon natin. Sana."



Aulric's POV



          Ini-lock ko ng mabuti ang aking bisekleta pagkapasok sa unibersidad. Humugot ako ng buntong-hininga at tumayo ng tuwid habang iginala ang tingin sa unibersidad. Nakikita ko ngayon sa malaking gate ng eskwelahan ang pagpasok ng mga bago at dating estudyante ng unibersidad. May nag-iisa, may grupo kung pumasok. May malungkot sa hindi ko malamang dahilan, may mga tuwang-tuwa. Pero ako, wala akong pakialam sa kanila dahil sarili ko ang iniisip ko. Sana naman, maging maayos ang pangalawang taon ko sa unibersidad na ito. At tsaka sana naman ay may babae na sumali sa Drama Club. Dalawang taon na lang, matatapos na ito.



          Nagsimula na akong maglakad mag-isa at ngumiti ng konti para sa mga taong dadaan na baka kakilala ko o hindi. Hinahanap kung saan ang pinakaunang room para sa klase namin. Pagkatapos, hahanapin sila Shai kapag sinipag ako. May usapan kasi kami na magkita sa cafeteria.



          “Aulric, kumusta ka?" rinig kong tanong ni Derek. Tinapik pa niya ako sa balikat.



          “Ikaw din Derek? Kumusta ka?" pagbalik ko sa tanong niya.



          “Well, okay naman. Kinukumusta ko lang ang aking future half-brother."



          “What?!" Napahinto ako at nanlaki ang mata nang tiningnan siya.



          “I mean stepbrother. Wait, what's the difference anyway."



          “Teka? Anong ibig mong sabihin sa pinapahiwatig mo na kinukumusta mo ang stepbrother o half-brother mo? Alam ko iyung narinig ko pero magpapakatanga ako para lang magbigay ka sa akin ng mas malalim na paliwanag?"



          “Well, sabi kasi ni papa na malapit na akong magkaroon ng kapatid. Kaya ikaw ang naiisip ko since si papa at ang nanay mo ay nagkakamabutihan."



          Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hmm, maging stepbrother si Derek?



          “May problema ba doon half-brother?" tanong pa niya. “Bakit? Ayaw mo ba?"



          “Ehh, hindi naman sa ganoon. Ano, paano ba. Naisip ko lang kung bakit napaka-convenient naman ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. Kahit na may taong panggulo. Naisip ko kasi na kapag nagpakasal na sila nanay, biglang yaman kami," magulong paliwanag ko. “Wow. Parang storya lang sa isang romantic na, ewan." Napailing ako.



          “Ahh! Ang ibig mong sabihin, kapag nagpakasal ang nanay mo at si papa, magiging convenient na ang buhay ninyo?"



          “Close to that. Baka kasi isipin mo na magmukha akong pera kapag nagkamali ako ng mga salitang ginamit. Mahirap na."



          “Siguro Aulric, may plano kang guminhawa ang buhay niyo in the future. Pero dahil bumalik ang papa ko para sa nanay mo." Natahimik siya. “Gusto mong ikaw ang maging dahilan sa pagginhawa ng buhay ninyo."



          Napabuntong-hininga ako. “Oo. Ganoon na nga. Noong una kasi, tutol ako na lumandi ang nanay ko doon sa papa mo dahil baka may asawa na. Ehh, dahil nitong araw ko lang nalaman na patay na pala ang mama mo, at naging malungkutin si nanay sa pagkamatay ni tatay, emotional domino, tinulak ko siya kay Sir Henry. Hindi ko naman akalain na babalik ang dati nilang pagmamahalan."



          “Mahal mo talaga ang nanay mo."



          “Siyempre. Siya na lang ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Wala ng iba."



          “Aulric, you should let it go na lang. Iyung mga plano mo para guminhawa ang buhay ninyo, let it go. Baka hindi para sa iyo na ikaw ang gumawa noon. Baka ang papa ko ang dapat gumawa noon, hindi natin alam. Baka iba ang dapat mong gawin. Hayaan mo na sila."



          “Hay! Ano pa ba ang magagawa ko? Anak lang naman ako."



          “Aulric, I'm telling you, let them. Hayaan mo na maging masaya sila sa piling ng isa't isa. Dahil kung magiging hadlang ka, I will not forgive you Aulric Blaine Lord-Melbone Harshebroocke Clamor."



          Napahinto kaming dalawa at nagkatinginan kami sa mata ni Derek. Ang mga sinabi niya kanina sa normal na tono pero nararamdaman kong may halo ito ng pagbabanta. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?



          “Ay! Ito naman. Dinikit agad sa pangalan ko iyung mahaba ninyong pangalan," pagbibiro ko para maiba ang usapan. “Tsaka bakit Aulric Blaine iyung first name ko? Pati ba naman iyun, papalitan?"



          “Umm, parang nakaugalian ng pamilya ni papa pagdating sa mga lalaking anak. May Blaine sa first name. Tsaka parang ang astig kaya," ngiti niya. “Oo nga pala. Aalis na ako. Magkikita pa kami ng mga classmate ko na classmate ko pa rin ngayon."



          “Sige. Ingat ka."



          Tipid na kumaway si Derek bago umalis. Mukhang nakahanap ako ng hindi karapat-dapat na katapat. Mag-aaway kami dahil sa kaligayahan ng mga magulang? Pero dapat ba akong humadlang?



          Nang makita ko na ang aking room, pumunta na agad ako sa cafeteria at nakita ang barkada ni Shai. Mukhang ako na lang pala ang hinihintay.



          Nagkaroon kami ng kaonting salo-salo. Sine-celebrate namin dahil buo pa rin kaming magkakaibigan at walang lumipat ng ibang school. Mga walang hiyang taong to. Dapat nga, ako ang mag-celebrate dahil libre akong nagkakapag-aral. Mayayaman kaya kayo.



          Pagkarinig ng bell, sabay-sabay na kaming pumunta sa aming mga classroom. Nagpaalam kami sa isa't isa at humiling na magsama-sama pa kami sa katapusan ng pasukan para sa semester na ito.



          “May problema ba Aulric?" tanong ni Isaac na kasabay ko dahil magkaklase kami. “Unang araw pa lang ng klase, mukha ka ng problemado tsaka kanina ko pa napapansin. Nakasulat iyun sa buong mukha mo."



          “Lagi naman ehh," sabi ko habang pinaikot ang aking mata. “Pero iyung problemang iniisip ko, inisipan ko na ng solusyon. Napakadali lang."



          “Okay. Basta kung may hindi ka kaya, magtanong ka lang sa amin. Susubukan naming tumulong."



          “Alam ko naman iyun," ngiti ko.



          Nakarating na din kami sa classroom ng unang klase namin. Dire-diretso na umupo ako sa isang upuan kahit saan pwedeng umupo. Unang araw pa lang naman kasi ng klase, hindi pa naman ipapatupad ang alphabetical order arrangement namin. Kaya okay lang kung saan-saan umupo sa ngayon.



          Naramdaman ko namang may kamay na nakalapat sa balikat ko. Kahit hindi na ako tumingin, alam ko na kung sino. Kabisado ko na kasi kung sino-sino ang mga taong gumagawa niyan sa akin ngayon. Si Zafe lang naman.



          Tiningnan ko siya saglit. Napakalawak ng ngiti. Masayang-masaya talaga siya na makita akong naaasar, o sa walang buhay kong tingin? Kahit iyung sinasabi nilang spark, wala siguro sa akin.



          Dumating na ang bagong prof namin. Kasabay naman niya dumating ang bagong babaeng nakakairita dahil kaibigan din niya iyung mga babaeng nakakairita din. Napatingin ako kay Zafe na nawala ang ngiti sa labi pagkakita niya dito. Binawi ang kamay niyang nakalagay sa balikat ko para ipahinga sa upuang nasa harapan niya at pinaglaro-laro ang kanyang mga daliri dito.



          Pagkatingin ko kay babae, nginitian niya ako at tipid na kumaway. Hindi ko siya pinansin dahil wala naman akong dahilan para pansinin siya. O baka naman kay Zafe siya nakatingin? Hay! Ewan!



          Nang mapansin niya ang prof na nagsusulat ng pangalan sa puting board, dali-dali ito pumunta sa isang upuan at umupo. Umupo siya sa likuran namin.



          Saktong pagkaupo niya ay pumasok din si babaeng nakakairita, number 2. Wala siyang pinansin at dire-diretso siyang umupo sa tangi niyang kakilala sa klase na ito na nasa likuran lang nung naunang babaeng nakakairita. Wow. Mukhang napakasaya nga ng semester na ito dahil narito si Colette, pati na rin si Sharina.



          Pakiramdam ko sa mga oras na ito, may naglalabang kaisipan sa paligid ko. Siguradong tinitingnan ng masama ni Sharina si Colette, si Colette ay nakatingin kay Zafe, at si Zafe ay, hindi ko alam.



          Mga ilang minuto sa klase ang nakalipas, oras na para umupo in alphabetical order. Siyempre, ang katabi ko ay si Isaac, at si Colette. At kasunod niya ay si Zafe. Ugh! Bakit ba kasi Neilsen ang apelyido ni Colette.



          Para hindi mainis ipinokus ko na lang ang aking kamalayan sa aming prof. Kapag sinusubukan akong kausapin ni Colette, hindi ko talaga siya pinapansin. Babae, nasa unibersidad tayo. Wala po tayo sa bangketa para makipagpalitan ng latest na chismis.



          Pagkarating ng lunch break, niligpit ko agad ang aking mga gamit at umalis. Pumunta ako sa pinakamalapit na CR para maghilamos ng konti. Ako, si Colette, at si Zafe na magkatabi? This is super awkward.



          Bigla namang may mabilis na hangin ang dumaan malapit sa akin at pumasok sa isang cubicle. Napakabilis ng taong pumasok kaya hindi ako sigurado, ahh! Lumabas na siya. Si Zafe lang pala.



          “Sabay tayong kumain," agad niyang sabi na para bang sigurado siya na papayag ako.



          “Ayoko," tanggi ko agad.



          “Sige na. Isama mo si Shai."



          “Ayoko nga," tanggi ko pa rin.



          Napabuntong-hininga siya. “Please Aulric, sabay tayong kumain," bulong na niya sa akin.



          Parang biglang naalipin ang sistema ko sa mga sinabi ni Zafe. Tumingin agad ako sa paligid kung may ibang tao ba. Wala naman.



          “Lumayo ka nga," marahan kong tulak sa kaniya. “Oo na. Sasama na ako. I-text ko muna kay Shai." Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa.



          “Mabuti naman at napakiusapan kita," ngiti niya.



          “Bakit ba kasi ako pa? Bakit hindi na lang iyung mga fans mo at iyung mga freshman na baliw na baliw sa'yo?" pagalit kong tanong habang nagpapadala ng text message kay Shai.



          “Kailangan pa bang itanong iyan? Ay nako! Alam mo na iyun."



          “Kahit na alam ko, bakit hindi mo sabihin para malaman ko talaga? Mamaya, iba pala ang nasa isip ko?" paghahamon ko habang ibinabalik ang phone sa bulsa. “Papunta na dito si Shai. Mga ilang segundo lang ang layo niya dito."



          “Si Colette, mukhang pinepeste ako. At ayoko siyang makausap."



          “Bakit hindi mo kasi prangkahin?"



          “Dahil ikaw ang magaling doon?"



          “Galing ahh? Ako ang gagawa ng mga maruruming gawain niyo?" sarkastikong wika ko. “Great. Just great."



          Naglakad na kami papunta sa cafeteria at nakasalubong namin si Shai sa daan. Pinaliwanag ko ang mga nangyari sa kaniya.



          “Well, hindi nakakagulat na dito siya mag-aaral. Nandito kasi ang karamihan ng mga kaibigan niya. Gaya ni, gaya ni Kristel," paliwanag ni Shai.



          Pagkarating sa cafeteria, nandoon na rin si Ricky at naghihintay. Umupo agad si Shai sa tabi niya. Ako naman ay wala ng nagawa kung hindi ang tumabi kay Zafe.



          Ilang minuto habang kumakain kami, lumapit sa amin si Colette kasama ang kanyang nakakairitang ngiti. Paano niya kaya nagagawa iyan? Alam ko naman na may ginawa siyang kalokohan kay Zafe at Kurt dati? Tapos nakangiti pa rin? Hindi ba nakakairita?



          “Hi Zafe, Ricky, Aulric, at sino siya?" turo niya kay Shai.



          “Hi din Colette," magalang na bati ni Ricky. “I would like you to meet my serious girlfriend, Shai. Shai, this is Colette."



          Balak sana ni Colette na kamayan si Shai pero parehas na kumakain na kamay lang ang ginagamit ng dalawa. Tanging gesture lang ang sinagot ng dalawa.



          “You know guys, bakit hindi kaya kayo lumipat sa pwesto namin? Napaka-fresh ng hangin at siguradong kasya tayong anim." Tinuro ni Colette ang isang pwesto kung saan nakaupo si Kristel.



          “No, and no thanks," pagtanggi ko. “Okay na kami dito. At tsaka nakakahiya sa mga pagkain namin na lumipat pa kami ng pwesto. At tsaka malapit ng tumunog ang bell. May mga pasok pa tayo remember?"



          “Umm, did you just say no, but no thanks?" tanong ni Colette na halatang hindi narinig ng mabuti ang mga simabi ko.



          “Bakit? Wrong grammar ba? Dapat bang yes, and yes thanks?"



          Nawala ng bahagya ang ngiti ni Colette sa sinabi ko. Baka iniisip na niya na ang sama ng ugali ko?



          “I guess, some other time na lang guys. Sige."



          Humugot siya ng buntong-hininga at pinuntahan si Kristel. Sisigaw pa sana ako ng wala ng first time pero hindi na lang. Siguro naman, nakuha na niya ang mensahe na nais kong ipahiwatig? Ayoko sa kaniya.



          “Aulric, pinapahiling pala ni sir Arthuro na maging judge sa gagawing audition sa Drama Club," sabi ni Jin nang makasalubong namin siya ni Zafe habang papunta kami sa susunod naming klase pagkatapos kumain.



          “Sige. Pupunta ako," pagpayag ko. “Kailan ba?"



          “Umm, ang totoo niyan, ngayong weekend. Pinapa-notify ko lang sa iyo ng maaga dahil baka may plano ka kasi sa weekend."



          “Ganoon ba? Hayaan mo. Wala na akong plano this weekend kaya pupunta ako. Gusto ko kasi na tumanggap na ng mga babae na kahit hindi magagaling. Basta magkaroon lang ng babae sa club. Siguro naman, walang tututol doon dahil ako ang judge. Sa desisyon nga ng referee, absolute ehh. Judge pa kaya?"



          “Aasahan namin iyan. Sige."



          Tumakbo na si Jin palayo at nagpatuloy kami ni Zafe maglakad. Hindi naman makapaniwala kung tumingin si Zafe sa akin.



          “Kinakausap ka pa rin niya?" tanong ni Zafe.



          “Bakit ba? Ano namang masama doon?" singhag ko.



          Hindi na lang siya umimik at tumingin saglit sa ibang direksyon. Humugot siya ng buntong-hininga pagkatapos at naglakad ulit. Yan. Ganyan. Hayaan mo ako.



          Papasok na sana kami ni Zafe sa classroom nang biglang garapalang humarang dito si Colette. Agad na nag-react ang utak ko na pumunta sa kabilang pintuan at pumasok dito. Kaya lang, si Zafe, hindi nagawa ang nagawa ko. Hayan! Stuck siya sa kanyang kinatatayuan at kinakausap si Colette.



          Sinubukan kong makinig sa usapan nila pero hindi ko marinig dahil sa ingay na nagmumula sa classroom. Bukod pa riyan, mukhang nag-uusap ang dalawa sa mababang tono. O hindi lang kasi ako interesado sa pag-uusapan nila.



          Pero maya-maya, umalis ang dalawa. Magkahawak pa ang kamay nila. At ako naman ay walang kamalay-malay sa pinag-uusapan ng dalawa? Pag-uusapan kaya nila ang kanilang nakaraan?



Zafe's POV



          “Zafe, pwede ba kitang makausap?" tanong ni Sharina nang hindi ko na siya naiwasan pa.



          “And why? Ano ba dapat ang ating pag-usapan?" mahinahon kong tanong.



          “Umm, please. Can we talk this privately?"



          Sasagot pa sana ako nang biglang hinawakan ni Colette ang aking mga kamay at umalis sa lugar na iyun. Nagpaubaya na lang ako para matapos na ang kalokohang ito.



          Nang nakahanap kami ng pribadong lugar, biglang siniil niya ako ng halik. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya kaya marahan ko siyang tinulak.



          “Whoah! Ito na ba ang bagong ibig sabihin ng pag-uusap ng pribado?" tanong ko na nakakunot ang noo.



          “Zafe, I just want-"



          “Ano na naman? What lie is this now?" pagputol ko.



          “I just wanna say sorry tungkol sa nangyari noon. I was very confused of my feelings dahil mahal ko din si Kurt. And since nakita ko naman na masaya na si Kurt sa girlfriend niya, bakit hindi na lang ikaw ang piliin ko?" Piliin? Ako?



          “Ito ba ang dahilan kaya nagbalik ka?"



          “Oo. Bumalik ako para sa iyo Zafe. Alam kong nasaktan kita pero pinagsisisihan ko na iyun. Zafe, ibalik natin iyung dati," pakiusap niya.



          Napahugot ako ng buntong-hininga. “Tama ka Colette. Pwede bang ibalik natin iyung mga panahong hanggang magkaibigan lang tayo?"



          “Zafe, we can be more than just friends." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.



          “Yeah. We can. But we cannot now. I'm sorry." Winaksi ko ang kamay niya at akmang aalis.



          “Bakit? May bago ka na ba?" naitanong niya.



          “Sabihin na lang natin na parang ganoon na nga."



          “Then hiwalayan mo kung sino man siya. I'm far more better than them," naiiyak na niyang sabi.



          Napalingon ako pabalik sa kaniya. May mga butil ng luha ang bumabaybay sa kanyang pisngi. Ay! Umiyak na. Pero matagal ko na itong napagdesisyunan hindi ba? Huwag Zafe. Huwag kang magpadala sa mga luha niya. Kapag ginawa mo ang bagay na iyun, wala lang akong pinagkaiba sa kaniya. Magiging bagay na talaga kayo ni Colette. At siya? Iiyak ba si Aulric. Hindi. Ayoko. Ayoko siyang makitang umiyak.



          Diniretso ko ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Huwag kang lilingon.



          Imbes na papasok pa sana ako, nagbago ang isip ko at nagpasya na pumunta sa library. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Kurt na papunta din sa library.



          “Good afternoon," bati niya.



          “M-Magandang hapon din," bati ko.



          Napaiwas ako ng tingin. Pero ibinalik ko din ang tingin sa kaniya nang pumasok na siya sa library. Nakausap na kaya ni Colette si Kurt?



          Pumasok din ako at pagkapasok ay kumuha ng libro na may kinalaman sa course ko. Para kunyari ay nag-aaral ako kahit na wala ako sa klase. Nang naghahanap ako ng puwesto, puno na ang mga mesa maliban lang sa mesa ni Kurt.



          “Dito ka na Zafe," rinig kong sabi ni Kurt.



          Napalingon ako sa kaniya. Magsasalita sana ako pero bigla akong napipi. Nakalimutan kong nasa library pala ako.



          Lumapit ako sa mesa niya at umupo sa tapat niya. Pagkatapos ay tinitingnan ang ginagawa niya. May hawak pala siyang pahayagan ng isang sikat na dyaryo kung saan nagsusulat din ang mga magulang niya. Napakasipag namang mag-aral ni Kurt.



          “Bakit ka pala nakatingin?" tanong ni Kurt na bumasag sa katahimikan naming dalawa.



          “Umm, naiilang ako," sagot ko. “Alam mo naman iyung nangyari last year hindi ba? Dito din ata kami nakaupo nila Ricky at Aulric. At napaka-awkward lang dahil..." Natahimik bigla ako. Oo nga pala. Si Colette ang dahilan.



          “Ahh! Iyung nangyari last year. Hay nako! Kalimutan mo na iyun. Hindi na iyun importante ngayon. Masaya na ako, masaya ka na, masaya na sila, everybody happy, masaya ang buhay, equals peace of mind."



          “Oo nga. Agree ako diyan."



          “Kayo ni Colette, kumusta? Kayo na?" tanong niya. “Bumalik siya kung saan mang lupalop ng mundo para lang, sa'yo."



          “Kami? Ni Colette? Umm, paano ko ba sasabihin ito. Ayoko na sa kaniya."



          Nanlaki ang mata ni Kurt. “Really? Ayaw mo na sa kaniya? Ehh, patay na patay ka nga sa kaniya hindi ba? Anong nangyari?"



          “Yeah. Ayoko na sa kaniya. Kung ikaw nga na patay na patay sa kaniya, hindi ka na nagkagusto sa kaniya ngayon dahil..." Hindi ko ulit tinuloy ang sasabihin ko at nagkunyaring binuksan mula sa gitna ang kinuha kong libro.



          “Bakit naman kasi ako magkakagusto pa sa kaniya ngayon? Yeah, patay na patay ako sa kaniya, noon. Ngayon, sa iba na ako patay na patay. In case na hindi mo alam, may girlfriend na ako ngayon at sa kaniya na ako patay na patay. Ay! Maalala ko. Dapat ipakilala din kita kay Hela. Fan ko iyun."



          “Nah! Huwag na. Mamaya niyan, magkagusto pa iyun sa akin at magtapat na mas gusto niya ako kesa sa'yo," natatawang biro ko.



          “Not funny," sabi niya pero natatawa. “Ano ba ang problema? Hindi mo na ba talaga gusto si Colette? Sa iba ka na naman ba patay na patay?"



          “Sabihin natin na ganoon na nga. At tsaka ni-reject ko na nga siya. Sabi ko nga sa kaniya, marahil ay gustong-gusto ko siya noon. Pero, let's face it. Hindi na ngayon."



          “Ohh! Okay, ituloy mo."



          “Kaya ang problema ko ngayon, ay siya mismo. Ang iniisip ko naman kasi ngayon, alam naman nating dalawa na makulit si Colette at gusto na nakukuha ang gusto niya. Ang ending, mangungulit at mangugulit si Colette. At paano gagawin ni Colette iyun? Siguro, alam mo naman na alphabetical ang seating arrangement ng unibersidad na ito. Tapos Neilsen siya, Neville ako. Wala pa kaming classmate na ang apelyido ay maghihiwalay sa Neilsen at Neville. Kaya naisip ko, magpalit ako ng section para lang makalayo sa kaniya. Ang point lang naman dito is gusto kong lumayo talaga sa kaniya. Kasi wala na talaga. Hindi ko na siya gusto. The end."



          “Well, patunayan mo. Patunayan mo sa kaniya na hindi mo na siya gusto. Ipakilala mo sa kaniya ang girlfriend mo. Saktan mo siya mentally para ayawan ka niya," payo niya. “Bahala na siya sa buhay niya. Unavailable ka na pala, hahabulin ka pa niya."



          Nagulat ako sa kanyang payo. “Makapagsalita naman to, parang hindi ka patay na patay kay Colette noon ahh?



          “Hindi ba naipaliwanag ko na sa iyo kanina? Past is past. Gawin mo iyung mga sinasabi ko kanina at siguradong masasaktan talaga siya. Mabalitaan mo na lang, may dala siyang maleta tapos aalis na ng bansa."



          Bumuntong-hininga ako at napasimangot ako. “Kaya lang, mukhang mahirap iyang sinasabi mo sa akin."



Aulric's POV



          “Guys, emergency meeting," basa ko sa mensahe ni Knoll sa phone habang nasa Drama Clubroom. May sinalihan pa ba akong isang club?



          “Ano kaya ang problema?" tanong ni Caleb na binabasa din ang parehas na mensahe.



          “Problema? Iyung mensahe?"



          “Well, matagal na kaming magkakaibigan. Noong sumabit si Isaac, ano, nagpatawag ng emergency meeting."



          “Noong sumabit si Isaac? Aba, napakainteresante. Pwede ko bang malaman?"



          “Ughh, hindi pwede," pagtanggi ni Caleb. Ay! Sayang! Hindi ko pa pala mapapasok ang mga puso ng mga taong ito.



          Humugot ako ng malalim na hininga. Iniisip iyung nangyari kanina kung bakit hindi pumasok si Zafe sa mga natitira naming klase namin. Pati na rin si Colette. Hindi siya pumasok sa mga natitirang klase namin, o baka wala talaga siya sa mga klase namin na iyun. Hay! Pakialam ko ba.



          Dumating na ang oras ng emergency meeting namin. Nagkita kami sa isang karaoke room. Nagtaka ako na wala sila Shai at Camilla.



          “Teka? Bakit kasama ka Aulric?" nagtatakang tanong ni Knoll.



          “Wow! You fail on hurting my feelings Knoll," retort ko. “Tineks mo din kaya ako. Gusto mo ng patunay?"



          “Hay! Kaibigan na natin si Aulric kaya ayos lang iyan. At tsaka baka kailangan natin ang lahat ng tulong kung kinakailangan," sabat ni Andrew.



          “Bakit? May katawan ba tayong ililigpit?" excited kong tanong.



          “Hindi. Wala tayong katawan na ililigpit," sabi ni Knoll. “Hay! Bahala na nga! Isali niyo dito si Aulric."



          “So? Ano? Ano ang problema? May sumabit na naman ba? Ako na naman ba?" tanong ni Isaac.



          “Umm, guys, ako ang may problema ngayon."



          Napatingin kaming lahat kay Knoll. Bigla namang naging tensyonado ang mga taong ito sa simpleng salita lang na sinabi niya.



          Humugot ng malalim na hininga si Knoll. “May nabuntis ako."



ITUTULOY...

2 comments:

  1. Hi Mr Author! Grabe napuyat talaga ako para lang mahabol yung takbo ng istorya.. Clap clap! Sana ma sundan ulet yung kiling moment nila ni Aulric kahit na may pagka dull sya. Lol

    ReplyDelete
  2. i really love this story.
    Thanks so much mr author
    -jomz r-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails