Followers

Friday, December 4, 2015

Loving You... Again Chapter 37 - Love Game




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Enjoy! 4th time.











Chapter 37:
Love Game



























































Jin's POV



          1 week ago...



          “Napakabobo naman ng puso mo. Hindi pa ba dinidikta ng puso mo na sundan na lang iyang kung sinong babae iyan? Come on Jin," sabi ni Aulric habang nagpipinta.



          Napakabobo nga ba ng puso ko? Ayoko lang naman na lumayo siya sa akin sa malalaman niya. Takot ako na magsimula ulit.



          “Bakit hindi mo i-reevaluate ang nararamdaman mo kay Aulric?" tanong sa akin ni Dexter habang nag-uusap kami sa Skype.



          “Reevaluate?"



          “Alam mo, hindi ko talaga maintindihan iyung mga taong nagtatago ng tunay na nararamdaman nila sa isang tao. Kesyo sasabihin naman daw nila iyun sa tamang panahon, kesyo takot sila sa kung anong pwedeng hindi maganda na mangyari at kung ano-ano pa. Pero kailan ba talaga ang tamang panahon na iyun? Kapag huli na ang lahat? Kapag nakaipon ka na ng tamang lakas ng loob? At bakit naman sila takot sa kung anong hindi maganda ang mangyari kapag inilabas nila ang tunay nilang nararamdaman? Pero ang talagang tanong dito, mahal ba talaga nila ang tao?" litanya pa niya. “Jin, alam kong mahirap ang kaso mo dahil lalaki si Aulric, lalaki ka, hindi iyan tanggap ng ilang mga tao sa lipunan diyan, mahirap siya, mayaman ka, at kung ano-ano pa. Mukhang ngang alam ni Tito Louie na may gusto ka kay Aulric at nakasuporta pa nga siya sa iyo. Pero love is love. At alam mo kung kelan nagiging totoo ang pag-ibig, kapag naibalik ito sa iyo. Kaya nga, mahalagang malaman na agad ni Aulric ang nararamdaman mo sa kaniya. At kapag hindi ibinalik, maghanap ng iba. Ang risks, palaging nandiyan iyan. Hindi mo na ito maiaalis. May iba nga, ang ganda-ganda ng relasyon noong magkaibigan pa sila. Tapos nung nag-level up, bokya."



          “Pero kuya, sa kaniya lang talaga tumitibok ang puso ko. Gusto ko talaga siya."



          “Pero bakit hindi mo pa sabihin iyang tunay na nararamdaman mo para magkaalaman na?"



          “At kung hindi niya matanggap?"



          “Like I said nga, maghanap ng iba," nakukunsuming tugon niya. “Bakit kayong magpipinsan, iisang tao lang ang tinitibok ng puso ninyo? Si Sharina, kay Zafe. Ikaw, kay Aulric. Ang kaso naman, si Sharina, inayawan ni Zafe. Si Aulric naman, wala pang resulta. Alam niyo, sayang kayo. Hindi niyo sila kawalan. Sila ang mawawalan dahil ni-let go nila kayo. Iyang pagmamahal niyo, sayang lang. Walang nakikinabang. Wala talaga. Kung sa iba kayo tumingin, siguro magiging masaya ang taong iyun dahil grabe kayo magmahal. Kaya Jin, pakiusap lang. Sabihin mo na ang tunay mong nararamdaman sa kaniya. At kung wala, tanggapin. Kung gusto mo, iyakan mo pa ng konti, move on."



          “P-Pero kuya, may nangyari na sa amin," pag-amin ko.



          “And so? What? You are holding on to it? Na nag-sex kayo one time? Ano ka? Kung siguro babae ka na nabuntisan, pwede-"



          “No kuya. Hindi ganoon," pagputol ko. “May nangyari nga sa amin. Nagsabi ako ng I love you sa kaniya. At, iyun na nga ang nangyari. Naging masaya kaming dalawa sa tagpong iyun. Pero kinabukasan, nakalimutan niya. Nakalimutan nga niya na may nangyari sa amin."



          Humugot si Dexter ng buntong-hininga. “Nag-confess ka na pala ehh. Tapos ngayon, takot kang mag-confess sa pangalawang pagkakataon? Pero teka Jin. Paano kung hindi talaga si Aulric para sa iyo? Paano kung iyung pagkalimut niya sa nangyari ay isang blessing in disguise? Minsan Jin, akala talaga natin na iyung isang taong iyun, sa atin na talaga. Naalala mo ba iyung first love ko diyan? Patay na patay ako doon. Ginawa ko ang lahat. And then, naging kami. Ang saya-saya ko din talaga noon. Pero it turns out na hindi pala siya ang babaeng para sa akin. May lalaki siyang iba at pinagsasabay niya kaming dalawa. I was devastated. Akala ko, ganoon lang iyun kadali. Pero hindi pala. Madadapa ka talaga muna bago matuto. Siya talaga ang babaeng gustong-gusto ko. Kaya nga umalis ako sa bansang iyan para makapag-move on. And then, I found Natasha. Naging magkaibigan kami and na-realize ko na lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae, nasa kaniya na. At first, ganyan din ako Jin. Natatakot akong mag-confess sa kaniya. Baka mamaya, nasa kaniya din ang mga katangian ng first love kong two-timer. Pero kailangan harapin ko ang takot na iyun. At nag-confess ako. Boom! Kami na agad. Ang bilis. Then kinilala namin ang isa't isa, at kung ano-ano pa. At iyung relationship namin, it was perfect. Thanks to her. Nakalimutan ko na patay na patay ako sa first love ko. And now, sa kaniya na ako patay na patay. At ang magandang parte doon, nasuklian niya ang pagmamahal ko. Mahal din niya ako. Ngayon, malapit na kaming ikasal. That is true love. Hindi totoo Jin na kapag nagmahal ka, wala ka dapat hinihintay na kapalit. Ang totoo, dapat meron talaga. Dahil kapag walang naibalik, sinisira nito ang sarili mo. Kaya bago ka pa masira ng pag-ibig Jin, bukas na bukas, ilabas mo na iyan."



          Nag-logout na si kuya hudyat na tinatapos niya ang usapan namin. Siguro, tama si kuya Dexter. Mas matanda siya sa akin kaya dapat, sundin ko ang sasabihin niya. Hindi dapat ako matakot.



          Kasalukuyang naghihintay ako sa restaurant para ilabas ang aking tunay na nararamdaman kay Aulric. Maya't maya ako bumubuntong-hininga dahil sa kaba. Pero konti na lang ito. Kaya kailangan ay lakasan ko ang aking loob. Hindi pa naman ako sumama sa pupuntahan nila Sharina dahil sinabi kong susunod ako.



          Ilang oras ang nakakaraan, dalawang oras na late na si Aulric. Teka? Hindi kaya nagkasakit siya? Ano kayang nangyari sa kaniya? Hindi pa naman iyun nale-late kahit kailan.



          Sinubukan kong tawagan si Aulric pero hindi niya sinasagot ang kanyang telepono. Tatawagan ko sana siya sa pangalawang pagkakataon pero nakatanggap ako ng text mula sa kaniya.



          “Anong kailangan mo?" basa ko sa text niya. Sa wakas ay sumagot din siya. Pero bakit sa text?



          “Aulric, nakalimutan mo na ba na may trabaho ka ngayon sa restaurant? Dalawang oras ka na kayang late," reply ko sa kaniya.



          “Pasensya na. May kailangan akong puntahan. Matatagalan pa ako bago makauwi. Mga limang araw siguro. Basta!" Limang araw?



          “Umm, sige. Ipagpaalam na kita kay boss. Mag-iingat ka."



          Napabuntong-hininga ako. Siguro, hindi pa panahon para mag-confess ako dahil hindi makakarating si Aulric sa restaurant. Ano kaya ang nangyari sa kaniya at may kailangan puntahan? Limang araw? Siguro, dapat ko ng sundan sila Sharina sa Boracay. Doon daw sila maglalagi ng mga limang araw.



Zafe's POV



          Hindi na nag-reply si Jin. Sana naman ay hindi na siya magtanong kung saan kami pupunta.



          Kasalukuyang nagmamaneho ako ng sasakyan papunta sa lugar kung saan kami pupunta ni Aulric habang hawak-hawak ko ang phone niya. Pupunta kami sa isang lugar para makapag-relax. Si Aulric naman ay mahimbing na natutulog sa kabilang upuan. Nilagyan ko kasi ng pampatulog ang inumin niyang Mountain Dew kaya nawalan siya ng malay. Hmm, pwede na kaya akong maging pinuno ng fire nation sa ginagawa ko?



          Defenseless pa naman ngayon si Aulric at mukhang siyang anghel habang natutulog. Bahagyang nakabuka pa ang kanyang labi na masarap halikan. Kung pwede lang magmahal ng taong natutulog, ginawa ko na. Kaya lang, alam naman natin na kapag nagising si Aulric, magiging demonyo siya. Kaya nga may mga posas ang kamay at ang paa niya ngayon. Sigurado ako na pagkagising niya, magagalit agad siya sa ginawa ko.



          “Nasaan ako?" rinig kong tanong ni Aulric habang magmamaneho ako. “Ano to Zafe? Bakit nakaposas ako? Kidnapping ito!" Sinubukan pa niyang kumawala sa pagkakaposas.



          “Pupunta tayo sa isang lugar para makapag-relax. Nakita ko kasing malungkot ka noong hindi mo nakuha iyung premyo sa palabunutan."



          “Kaya pupunta tayo sa Hawaii?" hula ni Aulric. Iyun ba iyung inaasahan niya?



          “Hindi. Pupunta tayo sa Boracay," natatawang iling ko. “Gusto mo ba sa Hawaii? Hayaan mo next time. Doon tayo magbakasyon."



          “Kung ganoon, alisin mo na ang posas na ito at iuwi mo na ako sa amin. Sinong mag-aalaga kay nanay habang nasa bakasyon ako? Pakawalan mo ako kung hindi sasapakin kita!" Mas lalo pa siya naging bayolente habang sinusubukan niyang kumawala.



          Hindi na lang ako nakapagsalita. Oo nga pala. Mahal ni Aulric ang nanay niya higit pa sa lahat. Mga mabubuting anak talaga. Pero ako, mabuting anak din naman.



          Ihininto ko sa gilid ng daan ang kotse at hinanap ang susi ng posas na nasa bulsa ko lang. Aalisin ko na sana ang posas niya sa kamay nang nagpang-abot ang aming paningin. Ang sama ng tingin niya. Siguradong sasapakin talaga ako nito kapag inalis ko ang posas niya sa kamay.



          “Mukha bang may mag-aalis sa iyo ng posas kung ganyan kasama ang tingin mo sa akin?" tanong ko.



          “Sino ba kasing matinong tao ang magpapainom sa akin ng pampatulog tapos dinala ako sa malayong lugar?" rebut niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng kotse. “Nasa Rizal pa ba tayo? Mukhang ang layo na natin. Alisin mo na ang posas na ito nang masapak na kita."



          “Ay! Matulog ka na nga lang kaya ulit at baka alisin ko ang posas na iyan."



          Humarap siya ulit sa akin. “Ang oras, tumatakbo. Ako, literal na tumatakbo na may halong sapak. Mamili ka?"



          Napalunok ako. Ito talagang si Aulric. Ewan ko pero napapangiti ako kapag ganiyan siya umasta. Masohista na ata ako. Sasapakin niya kaya ako kapag pinakawalan ko siya?



          Pagkaalis ko sa posas na nasa kamay niya, agad na kinuha ni Aulric ang phone niya at mukhang may tinawagan. Tatawag ka ba ng pulis?



          “Hello nanay. Nandito po kasama si Zafe. Ano po? Huh? Talaga? Ganoon po ba? Sige. Have fun," rinig kong mga sinabi ni Aulric habang nakikipag-usap sa nanay niya sa phone. “Tara! Road trip!"



          Natuwa ako sa sinabi niya. Agad na pinaandar ko ang sasakyan. So tuloy pala ang lakad na ito. Pero sasapakin niya kaya ako mamaya?



          “Nakita mo pala si Sir Henry kanina?" tanong sa akin ni Aulric.



          2 hours ago...



          “Ikaw si Zafe hindi ba?" tanong sa akin ng isang boses sa likod ko habang ipinapasok ang walang malay na si Aulric sa kotse ko. “Anong nangyari kay Aulric?"



          Bigla akong nanginig nang malaman na nakita ako ng isa sa mga kakilala ni Aulric. Mukha kasing kidnapping ang ginagawa ko pero iyun naman talaga ang ginagawa ko ngayon. Paano ba ito? Ano ang idadahilan ko? Hindi pa naman ako handa kung sakaling may makahuli sa ginagawa ko.



          Hinarap ko kung sino ang may-ari ng boses. Si Sir Henry pala.



          “Kayo po pala Sir Henry. Umm, umaarte lang po iyan si Aulric. Kunyari, kinikidnap ko siya," pakumpas kong dahilan. “Anyway, pupunta kasi kami ni Aulric sa Boracay para mag-relax and such. Kumusta na po pala kayo?"



          Tumingin si Sir Henry sa loob ng kotse. “Ahh? Arte? Mukhang totoo. Magaling talaga siya."



          “Po?" kinakabahan kong tanong. Bigla ata akong nabobo.



          “Iyung pagtulug-tulugan ni Aulric. Napakagaling talaga," lingon niya sa akin. “Hindi mo ba ako nakikita tuwing may performance ang Drama Club nila? Nandoon ako palagi sa bandang harapan at nanonood. May future talaga siya. Anyway, napaka-unusual naman na pumayag siya na sumama sa iyo na wala ang kanyang nanay, iwanan ang kanyang nanay? Nagpaalam ba siya?"



          “Uhh, ehh, opo. Nagpaalam po siya. Pumayag nga po ang nanay niya dahil ako lang naman pala ang kasama. Hindi ng kung sinong taong maloko na gagawa ng kalokohan sa anak nila.”



          Napatango si Sir Henry. “Hmm, ganoon ba? Well mga bata, bakasyon ngayon. Please have fun."



          “Yeah. We will have fun, gagawa ng maraming memories, fun," parang baliw kong sabi. “Sige po. Aalis na po kami. Baka gabi na po kapag nakarating kami doon." Naglakad ako papunta sa pintuan ng driver's seat.



          “Ayaw niyo sa eroplano?"



          “Roro po kami. Para makalanghap kami ng sariwang hangin. Sige po," paalam ko.



          “Yeah," sagot ko sa tanong ni Aulric. “Bakit mo pala naitanong?"



          “Well, si nanay, sumama kay Sir Henry. Pumunta sila ngayon din sa Puerto Prinsesa para, mag-date ata," pakumpas na paliwanag niya.



          “Ohh! What a good timing."



          “Hoy, sa susunod nga, huwag mo akong kidnapin para pumunta sa isang lugar."



          “Kung nagtanong ba ako, papayag ka ba?"



          “Hindi."



          “Bakit pa ba ako nagtatanong? Alam ko na kaya ang sagot sa simula pa lang," pagmamaktol ko.



          “Bakit nga pala ako ang kasama mo ngayon? Asaan si Ricky?" tanong niya habang kumukuha ng ilang tsitsirya mula sa likod ng aking sasakyan na nakalagay sa plastic bag. Pagkatapos ay binuksan niya ito. Nakita niya iyun?



          “Alam mo na ang sagot. Iyung best friend ko, kasama ang best friend mo," sagot ko. “Kaya iyung mga iniwan na bestfriend, dapat magsama."



          “Hindi ko best friend si Shai. Si Camilla ang best friend nun."



          “Ohh! Ganoon ba? Pero, basta! Nakita kasi kitang nalungkot nang hindi mo ata nakuha ang premyo sa lottery. Sumali ka ata. Pahingi nga," abot ko sa tsitsiryang kinakain niya at nilamon ito agad.



          “Nakita mo akong malungkot?" nagtataka niyang tanong.



          “Not literally nakita pero naramdaman ko. Sumali din kaya ako sa lottery at natalo din. Balak ko sana na ikaw ang isama ko sa Hawaii kapag nakuha ko ang premyo. Pero ikaw, mukhang ang nanay mo ang gusto mong isama."



          “Tama iyung nanay ko nga ang isasama ko. Kaya lang iyung mga ticket, hindi mula sa akin. Galing kay Mr. Wolf."



          “Iyung nagregalo sa'yo ng phone?"



          “Yeah. Teka? Saan nga ulit tayo pupunta?"



          “Sa Boracay."



          “Wala bang makakakilala sa atin doon?"



          “Wala. Siyempre."



          “Kahit mga schoolmates natin sa unibersidad?"



          “Yeah. Hayaan mo. Kung meron man, hindi na nila tayo makikilala dahil may suot tayong sombrero at shades."



          “Hmm, tandaan mo na wala dapat makakita sa ating dalawa na sweet sa daan at kung ano pa. At wala ring dapat mangyari sa atin sa bakasyon."



          “Aw! Hindi pwede iyan? Kailangan, meron."



          Tumawa siya ng malakas. “Sigurado kang kailangan talaga na may mangyari sa atin? Tandaan mo. Galit pa rin ako sa'yo dahil sa itinago mong sikreto. Baka mamaya niyan, magpalit tayo ng nararapat na posisyon?"



          “Anong sinasabi mong nararapat na posisyon? Iyung ano ba, sa ano?"



          “Tama. Iyung ano, basta."



          “Paano mo naman nasabi? Kung ikukumpara mo ang lakas ng katawan ko sa katawan mo, siguradong luluhod ka. Huwag kang magpapasiguro at baka mapahiya ka lang."



          “Basta. Huwag ka din talaga magpapakasiguro. Baka ikaw ang mapahiya."



          Naging masaya ang road trip naming dalawa. Puro asaran, bantaan, at konting kantahan. Nung kinanta niya ang King For a Day, nalaman ko na piling mga rock artist ang gusto niya at napakabrutal naman nung kantang iyun. Sana magustuhan din niya ang mga kanta ng Avenged Sevenfold, My Chemical Romance, Franco at Urbandub. Hmm, ano kaya ang magandang theme song naming dalawa?



          Nang nasa roro na kami papuntang Mindoro, lumabas kami at niyaya ko siya na umakyat sa taas para makita niya ang dagat. Unang beses kasi ni Aulric na makapaglakbay sa dagat pero bigo pa rin ako na makita ang mukha niya na namamangha. Talaga ba na iyung malaking library ng pamilya Bourbon ang nakakamangha para sa kaniya?



          Nagmasid naman ako sa paligid kung may mga schoolmate kami sa unibersidad na makakakilala sa akin. Napaka-useful talaga ng suot naming shades at sumbrero para hindi mahalatang nagmamasid. At mukhang wala naman. Mukha kasing ibang bansa ang trip ng mga schoolmate namin. Siyempre, mayaman ehh.



          “May kilala ka?" tanong ko kay Aulric na kasamang nagmasid.



          “Mukha bang kaya kong tandaan lahat ang mukha ng mga schoolmate natin?" sarkastikong tugon niya. “Ikaw ba, natatandaan mo ba?"



          Napakamot ako sa ulo. “Umm, hindi." Hindi naman talaga.



          “Ano pa ba ang purpose nito kung hindi mo rin pala alam?" naiinis niyang sabi.



          “Ano kaya kung hubarin ko ang shades at sumbrero ko?"



          “Huwag na. Makakaagaw ka lang ng pansin. Unless kung iyun ang gusto mo."



          Napangiti ako. “Siyempre, gusto ko na ikaw lang ang makakapansin."



          “Mukha mo," mabilis niyang sabi sabay walkout.



          Inabot na kami ng kinabukasan nang nakarating na kami sa Boracay. Medyo inaantok na ako dahil buong magdamag kong binabantayan si Aulric. Baka kasi kung anong gawin niya na hindi ko inaasahan. Siyempre, ayoko ng ganoon. Pero si Aulric, nakakatulog ng maayos.



          Nasa parking lot ako ng tutuluyan namin ni Aulric at naghahanap ng espasyo. Wala akong mahanap maliban sa isang espasyo na hindi maayos ang pagkaka-park. Iyung tipong nasa gitna naka-park. May babaeng nakatayo dito na may kausap sa kanyang phone na marahil ay may-ari ng kotseng sinasabi ko. Mapakiusapan nga.



          Lumabas ako ng kotse at nilapitan ang babae na may medyo malaking sumbrero at may suot na shades.



          “Miss, pwede po bang ayusin niyo ang pagkaka-park ng kotse ninyo?" pakiusap ko.



          Hindi ako nito pinansin at tuloy-tuloy pa rin ito sa pakikigpag-usap sa kanyang phone.



          “Miss, pwede po bang ayusin niyo ang pagkaka-park ng kotse ninyo?" pakiusap ko ulit na hinawakan pa ang kanyang braso.



          Winaksi niya ang kamay ko. “Ano ba?! Pwede bang tigilan mo ako?! Hindi mo ba nakikitang may kausap ako sa telepono?!"



          “Miss, pwede po bang ayusin niyo ang pagkaka-park ng kotse ninyo?" muli kong pakiusap. “Wala na po kasi akong makitang parking space maliban lang po sa kotse ninyo na hindi maayos ang pagkakapark. Kaya pwede po bang makipag-cooperate kayo para naman lahat ay masaya?"



          “Ano ba ang pakialam ko sa kasiyahan ninyo?! At ano ba ang pakialam ko kung hindi mo mai-park ang kotse mo?! Anak ako ng may-ari ng resort na ito kaya ipapark ko ang kotse ko kung paano ko gusto!" pagtatalak ng babae.



          Sinubukan kong suyuin pa siya sa paghawak sa kanyang kamay. “Miss?"



          “Ano ba?!" Mabilis na iwinaksi ng babae ang aking kamay. “So mananakit ka na ngayon ng babae?! Bakla ka ba?! Umalis ka na nga kung ayaw mong tumawag ako ng guard para paalisin ka."



          Itinaas ko na lang ang aking kamay at paatras na pumunta sa aking kotse. Ano ba iyan? Ayoko nga ng gulo tapos may gulo naman. Inaantok na ako kaya wala akong maisip na sasabihin. Hay!



          Humugot ako ng buntong-hininga nang bumalik na ako sa kotse. Saan kaya ako ngayong magpa-park?



          “Anong nangyari?" tanong ni Aulric.



          “Well, hindi ko mapakiusapan. Nagbabanta kasi na tatawag ng guard. Alam mo na. Hindi maganda iyun," pakumpas kong paliwanag. “Siguro, maghahanap na lang ako ng ibang lugar."



          “Patunay lang iyan na hindi ka masyadong persuasive."



          “Kapag hinubad ko itong sumbrero at shades ko, siguradong magiging persuasive akong tao. Pero ayokong hubarin. Alam mo na."



          “Talaga lang ha? Ako na nga ang makikiusap."



          Lumabas si Aulric ng sasakyan at lumapit sa babae. Natawa na lang ako. Parang mapapakiusapan ni Aulric iyung babae? Kung ako nga, hindi kinaya. Siya pa kaya?



          Nagulat na lang ako nang humalik ang babae sa hood ng kanyang sasakyan. Ang kamay pa nito ay nakalagay sa kanyang likuran at parang binabali iyun ni Aulric. Nakalimutan ko palang si Aulric ang kasama ko.



          Dali-dali akong lumabas ng kotse at lumapit sa kanila. Baka baliin ni Aulric ang kamay ng babae kapag wala akong ginawa.



          “Hayop ka! Bitiwan mo ako! Anak ako ng may-ari ng resort na ito!" pagpupumiglas ng babae sa ginagawa ni Aulric.



          “Hey, tigilan mo na iyan. May-ari iyan ng tutuluyan natin," pagpapatigil ko sa kaniya.



          “Talaga? Hindi ba alam ng babaeng ito na may dalawang klase ng tao ang maaari niyang makasalubong sa kwento niya? Ang taong maniniwala sa kwento niya, at ang taong hindi naniniwala. Ako iyung sa parteng hindi naniniwala. May kasabihan nga na costumer is always right. Siguro naman, tinuruan ka ng magulang mo na magbigay ng daan sa inyong mga costumer para gumanda ang takbo ng negosyo ninyo. Maliban na lang kung hindi talaga ikaw ang anak ng may-ari ng resort na ito," paliwanag ni Aulric.



          “Pero hindi tama na nananakit ka ng babae! Kalalaki mong tao! Bakla ka ba?!" argumento ng babae.



          Mabilis na inangat ni Aulric ang mukha ng babae para hampasin ulit sa hood ng kotse. Wala akong nagawa dahil sa bilis niyang ginawa iyun. At may yupi na ang hood ng kotse sa kanyang ginawa. Nagsimula ng umiyak ang babae dahil sa sakit marahil. Iyan kasi. Ginalit mo si Aulric. At mukhang masakit iyun.



          “Bad news babae. Wala akong pakialam sa patakarang nakagisnan mo na kapag ang babae ay sinasaktan ng lalaki, bakla na iyung lalaki. Hindi ba pwedeng may rational reason ang lalaki para saktan ang babae dahil gaga siya? Subukan mong gamitin sa akin ang kinagisnan mong patakaran at iki-kiss mo ng mas malakas ang hood ng kotse mo. Ano? Aayusin mo na ba ang pagkakapark sa kotse mo?" tanong ni Aulric.



          “Tigilan mo na iyan. Tingnan mo, umiiyak na siya," pakiusap ko.



          “Oo! Aayusin ko na! Basta bitiwan mo na ako," mangiyak-ngiyak nitong pakiusap.



          “Good," ngiti ni Aulric.



          Binitiwan na ni Aulric ang babae at dali-dali itong pumasok sa kanyang kotse para ayusin ang pagkakapark ng kanyang kotse. Ako naman ay dali-daling bumalik sa kotse at nagpark agad nang may espasyo na. Baka mamaya niyan, biglang may sumulpot na kotse at magpark agad. Nasayang lang iyung efforts ni Aulric.



          Dali-daling umalis ang babae sa kotse niya habang nag-iiyak. Nabali kaya ang kanyang kamay sa ginawa ni Aulric?



          “Napaka-persuasive mo nga. Sinaktan mo kasi," sabi ko habang kinukuha ko na mga bagahe ko at mga pinamili kong damit para kay Aulric.



          “Pain is a great teacher. Kaya nga siguro, nakatatak na sa utak mo na huwag akong asarin hindi ba?" sabi ni Aulric habang walang ginawa at nakatingin lang sa akin.



          “Oo nga. Nasa utak ko na iyun."



          Naglakad kami papunta sa resort. Pagkarating sa reception ay pina-confirm ko ang aking reservation. Pagtapos ay pumunta na kami agad sa kwarto. Sa wakas. Nandito na kami. Inaantok na ako.



          “Bakit isa lang ang kama? Hindi ba dapat, dalawa ang kama?" reklamo ni Aulric pagkapasok. “Ikaw sa sahig o sa sofa. Ako sa kama."



          Napahikab ako habang ibinababa ang bagahe ko. “Asa! Sa kama tayo hihiga. Tsaka huwag ka na nga muna magreklamo. Inaantok na ako." Tumungo ako sa air conditioner at pinagana ito.



          “Mahiga kasama sa iisang kama? Ayoko nga!"



          “Huwag kang maarte diyan! Humiga ka na kaya sa kama ko dati. Pero wala pang nangyayari sa atin. Pero bago muna mahiga, maliligo na muna ako."



          Nagkibit-balikat na lang siya at may hinanap sa mga bagahe namin. Lumapit din ako sa kaniya para kumuha ng pamalit at tuwalya. Kinuha ko din ang aking paboritong sabon at shampoo.



          “Dala ko iyung laptop ko at iyung USB na may internet. Habang naghihintay ka, pwede kang mag-surf sa internet, o maghanap ng mga nakakahiyang bagay, o porn dito sa laptop ko. Bahala ka. At kung naiinip kang maghintay iiwan kong bukas ang banyo. Pwede tayong mag-quality time habang naliligo," bilin ko na kinindatan pa siya.



          Sarkastikong tumawa siya. “Oo. Parang tayo na ahh? Tayo na ba? Hindi ba binasted na kita?"



          “Ahh, basta. Maliligo na ako."



          Tumungo na ako sa banyo at sinadyang hindi isara ang pintuan. Hinubad ko na agad ang suot ko at naligo. Sigurado ako na hanggang pantasya lang ang iniisip ko na papasok siya sa pintuan at sasabay na maliligo sa akin. Tapos magiging malikot ang kamay ko na kung saan-saan hahawak sa hubad niyang katawan niya, at quality time.



          “Ahh," mahinang ungol ko.



          Hindi ko namalayan na nagpalabas na pala ako ng katas. Grabe talaga ang epekto ni Aulric sa akin. Nalilibugan ako. Pero hindi dapat libog ang pairalin ko. Pagmamahal sa kaniya. Iyun dapat.



          Nang natapos na akong nagpalit, lumabas na ako ng banyo. Nadatnan ko naman siya na hawak ang kanyang pamalit na damit at pumasok sa banyo.



          “Iwanan mo din kayang bukas ang pintuan. Willing akong maligo ulit para sa iyo," sabi ko.



          Nginitian lang ako ni Aulric. Sinara niya ang pintuan at narinig ko pa na ni-lock niya ito. Sayang. Kung hindi niya siguro ini-lock, papasukin ko talaga siya. Willing akong magpalabas ulit para sa kaniya.



          Pagkatapos magbihis ay inayos ko na ang kama at humiga dito. Hindi ko na hihintayin na matapos si Aulric at dahan-dahan na ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang segundo lang ang lumipas, nakuha ko ang aking pansamantalang kapayapaan ng isip at ng paligid. Mabuti naman at makalatulog na ako. Pagkadilat ko, humanda talaga sa akin ang mundo ni Aulric dahil yayanigin ko ito.



Shai's POV



          Kasalukuyang nasa isang resort kami sa Subic. Kararating pa lang namin at binababa ng mga lalaki ang mga bagahe namin.



          “Asaan pala si Aulric?" tanong ni Camilla.



          Kinuha ko ang aking phone. Nagpadala pala si Aulric ng isang picture message.



          “Going on a date with Zafe. Hashtag, Boracay, hashtag, love, hashtag, tamang panahon," basa ko sa mensahe niya.



          Kahina-hinala ang litratong ito. Natutulog si Aulric at si Zafe ang kumukuha ng litrato? Tsaka kelan pa gumagamit ng hashtag si Aulric? Ni hindi nga iyun masyadong nagbububukas ng Facebook o wala man lang iyun Twitter?



          “He's having fun kaya hindi siya kasama sa atin," sagot ko. Sinenyasan ko si Ricky na lumapit. Tumutulong kasi siya kila Andrew.



          “Bakit? May problema ba?" tanong niya.



          “Alam mo ito?" Ipinakita ko sa kaniya ang litrato.



          “Pota," pabulong na mura niya sa sarili at inikot ang paningin. “Nag-suggest ako. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya."



          “Hay nako. Tumuloy na nga tayo. Wala dapat tayong pakialam sa love life nila."



          Sumunod na eksena ay naglaro na kami sa buhanginan. Naligo sa dagat, at iniinis ang life saver sa pamamagitan ng paglangoy sa mas malalim na parte ng dagat. Kumanta sa karaoke at nag-e-enjoy na kumain ng halo-halo. Sa madaling salita, sinulit namin ang unang araw na masayang-masaya at magkakasama. Wala pa kaming ginawang activities maliban lang sa normal na gawain. Lalo na kami ni Ricky.



          “Shai, laro na muna kami ni Isaac ng volleyball ha," paalam ni Ricky.



          “Marunong ka?" nagbibiro kong tanong.



          “Oo naman. Hindi lang basketball ang bola na kaya kong laruin."



          Magsasalita sana ako nang umalis na siya. Ano ba iyung sinasabi niya?



          “Hindi mo pa sinasabi sa kaniya?" tanong ni Andrew nang tumabi siya sa akin na umupo sa buhanginan.



          “Bakit? Kailangan ba?" sarkastikong tanong ko.



          “Kailangan? Siyempre. Mahal mo iyung tao tapos saka niya malalaman kung kailan huli na ang lahat?" Uminom si Andrew sa hawak niyang bote ng soda.



          “Para namang huli na talaga ang lahat. Bakit? Bukas na ba ang kasalan?" Uminom na din ako sa hawak kong Pepsi. Naalala ko palang may bote pala akong iniinom.



          “So may problema ba?"



          “I wonder kung matutulungan ninyo ako kapag hindi ko itinuloy ang kasal."



          “What do you mean?"



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Kapag hindi ko itinuloy ang kasal na ito, itatakwil ako ng pamilya ko. Lahat ng mga luho ko sa buhay, mawawala, at lahat ng mga nakasanayan kong gawin. Kailangan kong mag-adjust para mabuhay. Ang iniisip ko lang, may tutulong ba sa akin?" Seryoso akong tumingin sa kaniya.



          Nag-iwas ng tingin si Andrew. Marahil ay nag-iisip ng isasagot.



          “Siyempre. Pero kahit anong sabihin mo, kailangan na malaman ni Ricky." Ibinaling ulit niya ang tingin sa akin. “Maganda na kapag ang unang taong sasalo sa iyong pagbagsak ay ang taong nagmamahal sa iyo. Ipaliwanag mo lahat. Pero Shai, piliin mo ang mga bagay na ipapaliwanag mo."



          Bumuntong-hininga ulit ako. Hay! Nag-aalangan pa rin ako kapag babagsak ako.



          “Hey, okay ka lang?" tanong ni Ricky na nagpagising sa diwa ko. “Hindi ka nakatingin sa akin habang naglalaro kami. May iniisip ka?"



          Nagulat ako saglit. “Ahh, yeah. May iniisip ako."



          “Sige dude. Iwanan ko muna kayo. Ako naman ang maglalaro," paalam ni Andrew at sumali na sa mga naglalaro.



          Umupo sa tabi ko si Ricky. “Alam mo, feeling ko na sa tuwing hindi ka nakatingin sa akin, may malalim kang iniisip o may problema. Alin sa dalawa?"



          Napabuntong-hininga ako kasabay ng pag-ihip ng hangin. Tumingin ako sa mga mata niya na nag-aabang ng aking sasabihin. Oo nga. Kailangan na niyang malaman ang problema.



          Bumuntong-hininga ulit ako. “Ricky, I'm engaged to someone else right now. Mga around 2 months or so," pagtatapat ko. “And unfortunately, that was Andrew."



          Biglang nag-iba ang tingin ng mga mata niya. Napalitan ito ng galit nang tumingin siya kay Andrew habang naglalaro ng volleyball.



          “Bakit sinasabi mo sa akin iyan ngayon? Gusto mong malaman ko na pinagsasabay mo kami? Anong dahilan mo?" medyo pagalit niyang tanong habang hindi nakatingin sa akin. Oh my god! Ayokong may magsuntukan ngayon. Kailangan ng konkretong paliwanag.



          “Hey, makinig ka sa akin. Tingnan mo ako." Nakuha ko ang buong atensyon niya. “Ang totoo niyan, iyun ang gusto ng mga magulang namin ni Andrew. Ang magpakasal kami. Kung tatanungin mo ako kung gusto ko iyun matuloy, ayoko. Ayokong magpakasal kay Andrew. Natural dahil ikaw ang gusto ko. Kahit si Andrew, ganoon din ang nararamdaman. Pero iba ang sitwasyon naming dalawa. Si Andrew, may malaking utang na loob sa pamilya niya kaya hindi niya magagawang suwayin ang mga sinasabi nito. Pipilitin pa nga niyang mahalin ako kung kinakailangan kapag natuloy ang aming pagpapakasal. Pero ako, kaya kong suwayin ang mga magulang ko para sa iyo Ricky. Pero may malaking kapalit. Mawawala ang lahat sa akin financially. Itatakwil nila ako bilang tunay nilang anak kapag hindi ako nagpakasal."



          Lihim na sumasakit ang dibdib ko. Sa tuwing naiisip ko na itatakwil ako ng mga magulang ko, nangyayari ito sa akin. Palagi ko pa ngang tinatanong ang aking sarili, bakit ganito? Bakit ganoon sila? Bakit ganoon ang iba? Dati talaga, binabalewala ko ang mga tanong na iyun. Sinasabi ko nga sa sarili ko na bahala na nga. Hangga't nabubuhay ako, kumakain ng maayos, nakakatulog ng mahimbing, okay lang. Pero nang umabot sa pagtatakwil sa akin, bumalik ulit ang mga tanong. Nasasaktan na ako. Mas masakit na kesa noon.



          Samantala naman, natahimik si Ricky. Ingay lang ng hangin ang naririnig ko sa pagitan namin. Ibinaling niya ang tingin sa dalampasigan at inilibot ang tingin dito. Magkahalong saya at tuwa ang aking mararamdaman dahil ang mga susunod na sasabihin ni Ricky ang magpapatunay ng mga bagay-bagay. Ano ba ang pagmamahal sa kaniya?



          Muling tumingin siya sa akin. “Okay. Sasaluin kita. Kung kailan mo balak hindi ituloy ang kasal, just tell me. Hihingin ko ang consent ni papa na sa amin ka titira kapag nangyari iyun. Magtatapos tayo ng pag-aaral at mabubuhay tayo ng maligaya. Hindi ko alam kung ano ang problema ng magulang mo sa'yo o ikaw sa magulang mo, basta kahit anong mangyari, ako ang sasalo sa'yo."



          Bigla niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit. Nasasaktan na nga ako pero ininda ko iyun. Sinagot ko din ang yakap niya. Mahal nga niya talaga ako. Ngayon, wala na akong takot na hindi ituloy ang kasalan. Ako dapat ang magdesisyon ngayon dahil hindi naman alam ng magulang ko kung ano ang nararapat sa akin. Sarili lang nila ang iniisip nila. Thank God! Nahulog ako sa tamang tao na sasaluin ako. Salamat po.



          “Bakit ka nga pala hindi umiiyak?" tanong sa akin ni Ricky habang nasa dalampasigan kami at nakatingin sa madilim na kalawakan. “Ang ibig kong sabihin, magulang mo iyun. Sa kanila ka nanggaling. Ang nanay mo ang nagluwal sa'yo, ang tatay ang bumuo sa'yo. Bakit ka hindi umiiyak kapag naiisip mong maghihiwalay na kayo ng tuluyan?"



          “Bakit hindi ako umiiyak? Kasi hindi sila sulit iyakan," paliwanag ko. “Hindi nga ako umiiyak, nasasaktan naman ako. Tsaka wala, o meron nga ba, na nagsasabing kapag nasasaktan ka, umiyak ka para mapawi ito. Tsaka nakakapagod na din. Ilang taon ko ng ginawa iyun. Pero wala namang function ang luha na mag-ayos ng mga bagay. At ang magulang ko, ni minsan ba ay minahal ako? Parang hindi naman. Ginawa nila akong opportunity para sa business nila. Ang ibig kong sabihin, mayaman na kami. Bakit gusto pa nilang yumaman?"



          Bumuntong-hininga siya. “Sa bagay. Tama ka. Ako naman, iniwan ni mama. Maraming luha ang niluha ko noon. Kahit nga ngayon, naiiyak ako," natatawa niyang wika habang pinunasan na agad ni Ricky ang kanyang mga mata. “Akala ko nga noon, si papa ang may kasalanan kaya nawala si mama sa amin. Sinisi ko siya ng maraming beses. Iyun pala, si mama ang nang-iwan. Siya iyung nangaliwa, hindi si papa." Pinunasan niya ulit ang kanyang mga mata. Wala pa namang luha na lumalabas ah?



          “Pero minahal ka ba ng mama mo?"



          “Ewan," kibit niya ng balikat. “Pagmamahal ba ang tawag doon? Iniwan niya kami ni papa para sa lalaki niya. Si papa, mahal na mahal siya pero balewala lang kay mama iyun. Alam mo Shai, pangarap ko na magkaroon ng masayang pamilya ang magiging anak ko. Ayokong maranasan ng anak ko ang nararanasan ko ngayon."



          “Ohh! Iyan din ang pangarap ko kung sakaling magkaroon ako ng anak. Iyung hindi nila maranasan ang bagay na nararanasan ko ngayon."



          “So parehas pala tayong broken in some ways then," ngiti niya. “Mukhang meant to be talaga tayo."



          “Hoy, tigilan mo nga iyan," hampas ko sa tagiliran niya. “Baka mamaya, bigla kang mag-propose sa akin ng kasal. Hindi pa ako handa."



          “Bakit? Anong masama? Kung mag-propose ba ako ngayon ng kasal, tatanggihan mo?"



          “Handa ka na ba? Handa na ba ako? Kasi ako, hindi pa."



          “Titira na kaya tayo sa iisang bahay. Siguradong hindi papayag si papa na hindi tayo kasal." Sa bagay. Maganda iyun kung ganoon. Bakit hindi?



          Humugot ako ng malalim ng hininga. “Hmm, sila Aulric kaya, kumusta na?"



          “Malamang, nagbubugbugan ang mga iyun."



          Nagtawanan kaming dalawa. Malamang ay parehas naming ini-imagine kung paano binubugbog ni Aulric si Zafe. Hanggang sa, hanggang sa, hanggang sa, ayoko na nga ituloy.



          Natigil ako sa kakatawa nang mapansin na nakatingin lang si Ricky sa akin. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Bigla naman siyang tumayo. May medyo matandang lalaki sa malapit na may hawak na gitara ang nilapitan ni Ricky. Nakita ko pa nga na may iniabot siyang pera habang nakikipag-usap. Ano ba ang gagawin niya?



          Maya-maya ay lumapit na silang dalawa sa aking harapan. Sinimulan nang patugtugin ng matanda ang hawak niyang gitara. Mukhang alam ko na ang mangyayari.



          “Shai, para sa iyo ang kantang ito. Sana magustuhan mo dahil bukal ito sa puso ko," wika ni Ricky.



There are times, when I just want to look at your face, with the stars in the night.
There are times, when I just want to feel your embrace, In the cold night.
I just can't believe that you are mine now.

You were just a dream that I once knew.
I never thought I would be right for you.
I just can't compare you with anything in this world.
You're all I need to be with forevermore.

All those years, I've longed to hold you in my arms, I've been dreaming of you.
Every night, I've been watching all the stars that fall down, wishing you would be mine
I just can't believe that you were mine now.

You were just a dream that I once knew.
I never thought I would be right for you.
I just can't compare you with anything in this world.
You're all I need to be with forevermore.

Time and again, there are these changes that we cannot end.
As sure as time keeps going on and on.
My love for you will be forevermore.

Wishing you would be mine.
I just can't believe that you were mine now.

You were just a dream that I once knew.
I never thought I would be right for you.
I just can't compare you with anything in this world.
As endless as forever.
Our love will stay together.
You're all I need to be with forever more.



          A-Ano? Ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito? Ewan ko pero nananakit din ang aking dibdib. Ang mga luha ko'y namumuo pero hindi ako malungkot. Luha ito ng kagalakan.



          “A-Ako din. Dati talaga, p-pangarap lang kita," pautal-utal kong wika. “Nakatingin lang ako sa iyo mula sa malayo. Ang taong gusto-gusto ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita. Hanggang sa nagkataon na nasa parehas tayo ng unibersidad nag-aaral, at, at..."



          Hindi ko naituloy ang aking sinasabi. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin. Umiyak na lang ako ng umiyak. Hanggang sa ang mga braso ni Ricky ay nakapulupot na sa aking katawan. Ang mukha ko ay nakalagay sa kanyang dibdib. Binubulungan niya ako na okay lang.



          Nakarinig din ako ng hiyawan ng mga tao sa paligid. May nanonood pala sa paligid na hindi ko alam. Nakakahiya ako. Nakakahiya talaga.



          Dali-dali akong kumawala sa pagkakayakap ni Ricky. Mabilis akong tumakbo para tumungo sa aming tinutuluyan at umupo sa kama saka sinubsob ang mukha ko sa aking palad. Letse. Bakit ko ba ginawa iyun? Nakakahiya talaga. May mga tao talagang humiyaw. At si Ricky, iniwan ko doon.



          “Bakit ka tumakbo?" tanong ni Ricky pagkapasok ng kwarto at lumapit sa akin.



          “Nakakahiya kaya iyung nangyari sa labas! Nagandahan ako sa kinanta mo kaya napaluha ako! Alam kong hindi ikaw ang the best kumanta lalong-lalo na ang boses mo, pero naiiyak talaga ako! Tapos may mga tao palang nakatingin, nakakahiya!" paliwanag ko habang humahagulgol. “Kapag ako talaga, inasar nila Andrew, humanda ka sa akin dahil pinahiya mo ako doon kanina."



          Biglang naramdaman ko ulit ang braso ni Ricky na nakapulupot sa aking katawan. Pagkatapos ay tinapik ang aking likod at bumulong na okay lang na ituloy ang aking pag-iyak. Sinagot ko din ang yakap niya. Ano ba itong pinagsasasabi ko sa kaniya? Hindi iyun ang dapat kong sabihin.



          “Ricky, ikaw din. Ikaw ang gusto kong makasama ng habang panahon. Pangatawanan mo iyang sinasabi mo. Kung hindi, makakatikim ka talaga sa akin!" patuloy kong sinasabi habang umiiyak pa rin.



          “Ikaw sin Shai. Ikaw din ang gusto kong makasama ng habang panahon. Papangatawanan ko ang sinasabi ko. At hindi ko lang pangangatawan. Gagawin ko," tugon ni Ricky.



          Kumalas si Ricky sa pagkakayakap at naglapat ang aming mga labi. Ang mga sinasabi niya talaga, nakakaantig. Kulang na lang ay ang makasal kami. Ang puso ko kanina, napakabilis ng pagtibok nito. At dahan-dahan itong bumabalik sa normal nitong pagtibok. Ang luha ko naman, dahan-dahan na humupa sa pag-agos. Napakapayapa ng aking pakiramdam.



          “Nakita mo si Shai kanina na umiiyak? Sayang at hindi ko nabidyuhan," natatawang sabi ni Isaac habang pumapasok sa kwarto.



          Biglang naghiwalay kami ni Ricky. Hindi namin namalayan na bumukas ang kwarto. Pangmaramihan kasi na kwarto ang inupahan namin.



          Napahinto si Isaac nang nagtapo ang aming mga tingin. Kausap pala niya si Caleb na natatawa din sa nangyari kanina. Sinamaan ko sila ng tingin. Ang ganda ng moment namin ni Ricky tapos bigla silang susulpot para asarin ako.



          “W-Wala kaming nakita, wala kayong narinig. Panaginip lang ang lahat ng ito. Paalam sa inyo," mabagal na pagkakasabi ni Caleb habang kinukumpas ang kanyang kamay na animo'y gumagawa ng isang mahika. Naglakad silang dalawa paatras at sinara ang pintuan.



          “Hoy! Bumalik kayo dito! Humanda kayo sa akin!" sigaw ko saka tumayo at hinabol silang dalawa.



Zafe's POV



          Minulat ko na ang aking mata na hindi sigurado kung anong oras na ako nagising. Natulog kasi ako para bumalik ang aking lakas at pakiramdam ko naman ay bumalik iyun. Okay! Time to rock!



          Iginala ko ang aking paningin matapos makita si Aulric na nasa kama din siya at natutulog. Amoy ko naman ang ginamit niyang sabon at shampoo na dinala ko. Ang bango niya. Hindi lang siya basta anghel ngayon. Isa siyang mabangong anghel. Pero may nakakaamoy na ba ng totoong anghel? Wala pa naman siguro. Pero hindi na bale. Lumabas kaya siya kanina kaya nakatulog? Ano kaya ang nangyari sa kaniya habang natutulog ako?



          Hindi na lang ako nag-isip sa halip ay nag-isip na lang ako ng nakakalokong gawin. Wala akong suot na pang-itaas at ganoon din si Aulric. Napakalamig ng kwarto at balot na balot kami sa kumot. Buti na lang at ugali din ni Aulric na mag-alis ng pang-itaas kapag natutulog.



          Dahan-dahan na inilapit ko ang aming mga katawan. Nang makalapit na ako, ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang katawan at mas inilapit pa sa akin. Umusog pa ako pataas at si Aulric pababa para ang ulo niya ay dumikit sa dibdib ko. Ang bango-bango talaga ni Aulric lalo na ang buhok niya. Sana ay tumagal ang moment naming ito ng mga isang araw pa.



          “Aray ko!" sigaw ko matapos maramdaman na may kumagat sa dibdib ko. Mukhang si Aulric ang kumakagat na iyun.



          “Sabi ng mga schoolmate natin, napakasarap daw ng dibdib mo. Dibdib mo pa lang, ulam na. Pero hindi naman masarap," nguso ni Aulric na mukhang kanina pa gising.



          “Bakit ba literal ang pagkakaintindi ko doon?! Nananadya ka lang ehh!" sigaw ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinimas-himas ang parteng kinagat ni Aulric. Ang sakit naman. Buti sana kung dinilaan na lang niya at sinipsip.



          Humugot na lang ako ng malalim na hininga at umalis sa kama. Tumingin ako sa oras ng analog clock na nasa side table. 2300? Anong klaseng oras ito? Hindi ba hanggang 12 nga lang ang nakalagay sa mga orasan? Date kaya ito? Pero kakapasok pa lang ng March at 23 na agad? Teka? Baka military time. Alas onse na pala ng gabi.



          “Zafe, gutom na ako. May makakain ba tayo diyan maliban sa mga tsitsirya na binili natin?" tanong ni Aulric pagkatapos mapahikab. Kapag ba iyung ano ang isasagot ko, literal niya ba na kakainin iyun? Malamang.



          “Kung ganoon, magbihis ka na. Isuot mo na rin ang sumbrero at shades mo. Lalabas tayo at makiki-party," tugon ko habang pasayaw-sayaw.



          “Teka? Shades sa gabi?" nakakunot-noong tanong ni Aulric.



          Kasalukuyang nasa lugar na kami ni Aulric kung saan maraming bar ang nakatayo. Ang mga tao ay nakatingin pa sa amin at nangangantyaw. Mataas daw ang araw, bakit kami naka-shades ngayong gabi, at kung ano-ano pa. Well, dahil sa talino ng mga tao ay nakagawa sila ng shades na pwede rin gamitin sa gabi. Ang linaw kaya ng nakikita namin. Kahit iyung magsyota na naghahalikan sa kanilang tinted na sasakyan, nakikita ko. Teka? Naghuhubad na sila!



          “A-Ayos ba iyung shades?" tanong ko kay Aulric para ibahin ang aking atensyon.



          “Oo nga. Napakagaling ng shades na ito. Kahit nga iyung magsyota na nagsisimula ng magtirahan, nakikita ko," turo niya sa sasakyan na tinitingnan ko kanina.



          “Hay! Tara na nga! Pumunta na tayo sa kainan na iyun."



          Hinawakan ko ang kamay ni Aulric at hinatak siya papunta sa kainan. Swerte at may nahanap agad kaming upuan para makakain agad.



          Lumapit ang waiter sa amin at kinuha ang order namin. Pinili ko ang mga pagkain na masasarap para sa aming dalawa. Nang umalis na ang waiter, nagsimula ng tumugtog ang banda na nagpe-perform sa kainan na iyun. Hindi ko naman inalis ang tingin kay Aulric kahit na sa kung saan-saan siya tumitingin.



          Dumating na ang mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Nang biglang nagsigawan ang mga tao sa hindi ko malamang dahilan.



          “Huwag kayong gagalaw! Holdap to!" sigaw ng tao sa likod ko.



          Napabalikwas ako ng takbo sa tabi ni Aulric. Nasa likod ko lang pala ang holdaper at may hawak-hawak pang baril. Baka mamaya, ako, o si Aulric, ang gawing hostage ng taong ito. Hindi ako papayag.



          “Dumapa kayo! Dapa!" sigaw ng lalaki habang nakatutok sa amin ang baril.



          “Sumunod na lang tayo. Magiging okay din ang lahat," bulong ko kay Aulric.



          Sinunod namin ni Aulric ang sinabi niya at dumapa. Pero biglang kinuha ni Aulric ang bote ng beer na inorder namin at malakas na hinampas ang lalaki sa ulo dahilan para mawalan ito ng malay. Sa sobrang lakas ng pagpalo ay nabasag ang bote. Natahimik ang lahat sa nangyari. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.



          Pumasok naman ang guard sa loob at pinosasan ang lalaking holdaper. Nagpalakpakan ang mga tao sa ginawa ni Aulric at binati siya sa kanyang ginawa. Nginitian lang ito ni Aulric at bumalik siya sa upuan at pinagpatuloy ang pagkain. Bumalik na din ako sa aking upuan matapos humupa na ang batian.



          “A-Ang galing mo naman. M-Mukhang ikaw ang m-magtatanggol sa akin im-imbes na ako," nauutal kong sabi dahil hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin. Hindi siya natatakot sa sitwasyon na iyun?



          “Okay. Ikaw naman, duwag. Pwede mo namang gawin iyun imbes na ako," itinugon niya.



          “H-Ha? Ako? G-Gagawa ng g-ganoong k-kadelikado na b-bagay? May hawak kayang baril iyung tao."



          “Pero hindi naman nakatutok sa iyo."



          “Kahit na kaya. Ang tao, iisa lang ang buhay. Kapag humarap sa atin iyun at pinutukan tayo ng baril at namatay na tayo, patay na tayo. Wala na tayong magagawa kapag patay na tayo."



          “So iisa lang din ang sa holdaper. Ano sa tingin mo ang buhay niya? Dalawa? May hawak lang siyang baril. Hindi na porke't may baril na siya ay may dalawa, o tatlo pa siyang buhay."



          “K-Kahit na. Nag-aalala talaga ako sa ginawa mo. Paano na lang kung nakalingon siya sa iyo at nabaril ka? Paano na lang kapag mamamatay ka? Paano na lang ako? Isipin mo nga iyun? Hindi maganda sa isang love story ang makita na mamatay ang mahal mo sa harapan mo."



          “Pero hindi ako namatay."



          “Sir, kakausapin po kayo ng may-ari," sabi sa amin ng waiter na lumapit sa amin.



          “Sandali lang. Mamaya na siya," lingon ko sa waiter. Tiningnan ko naman si Aulric. “Sige. Hindi ka nga namatay ngayon. Pero paano kung sa susunod ay mangyari ulit ito? Aulric, hindi ka isang superhero. Nagpapakatanga ka."



          “Sir, kakausapin po kayo-"



          “Narinig mo ba ang sinabi niya na mamaya na siya," pagputol ni Aulric sa sasabihin ng waiter. Tiningnan niya ulit ako. “Aware naman ako na hindi ako isang superhero. Pero hindi ako nagpakatanga sa ginawa ko kanina. Alam mo ba ang ginawa ko? I'm exploiting the opportunity habang hindi siya aware na may taong uuna sa kaniya. Alam mo kung ano ang napakatangang ginawa ko? Kung hindi ko ginamit ang opportunity na iyun para patulugin iyung holdaper. Ang hirap kasi sa inyong mga tao, makakita lang ng baril ay matatakot na. Guns don't kill people not unless he or she pulled the trigger on you and there's a bullet loaded inside of it. Ngayon ay kung hindi ko ginawa iyun, ano sa tingin mo ang mangyayari? Lahat ng mga pera ng nasa kainan na ito ay makukuha."



          “Alam ko iyun pero ano ang magandang maidudulot nung nangyari sa iyo?" tanong ko.



          “Umm, libre na daw po iyang mga pagkain na inorder niyo sabi ng may-ari," sabat ng waiter.



          Ibinaba ni Aulric ang mga kobyertos. “Nawalan na ako ng gana kumain. Babalik na ako sa tinutuluyan natin."



          Tumayo agad si Aulric at umalis na ng kainan na iyun. Wala naman akong nagawa dahil sa bilis ng mga pangyayari. Nasapo ko lang ang ulo ko nang mapagtanto na umalis na si Aulric at nagalit siya sa akin. Ano ba itong ginagawa ko? Nawalan na din ako ng gana kumain. Kailangan ko siyang habulin. Kailangan naming pag-usapan ito at magbati.



          “Umm, sir, pwede niyo pong i-takeout ang mga pagkain na inorder ninyo," suhestyon ng waiter. “Pwede po naming dagdagan ang pagkain kung gusto ninyo. Pasasalamat po iyun ng may-ari namin sa kagandahang-loob na ginawa ng kasama ninyo."



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. “Please, pakibilisan lang," pakiusap ko habang kumukuha ng tissue at pinunas sa aking labi.



Jin's POV



          “Teka? Si Zafe ba iyun?" turo ni Sharina sa isang lalaking naka-shades at tumatakbo papunta sa isang direksyon. “Zafe!" tawag pa ni Sharina pero hindi ito lumingon.



          “Baka napagkamalan mo lang. Hindi ka nga nilingon," wika ko.



          “Tara na mga bata. Pasok na tayo," utos sa amin ni papa na pumasok sa isang kainan.



          Sumunod kami at pagkapasok ay may nakita akong pwesto na nililinisan ng waiter sa lugar. Mukhang kaaalis lang ng mga tao na nakaupo doon. Swerte.



          “Louie, Marcus, napabisita kayo," bati ng isang lalaki na mukhang may-ari ng kainan.



          “Kumusta din pare," bati ng mga papa namin ni Sharina dito at nagyakapan pa sila.



          “Heto. Muntik ng maholdap ang kainan kanina. Buti na lang at may lalaking nang-hampas ng bote sa ulo ng holdaper."



          “Napakaswerte naman at hindi natuloy ang holdapan. Kung natuloy siguro iyun, saan na kami kakain?" biro ni Tito Marcus.



          “Aba'y sa plato tayo kakain Marcus," biro din ni papa na nagpatawa sa tatlo.



          “Aba'y ano pa ba ang hinihintay ninyo? Umupo na kayo. Patapos na rin maglinis ang waiter namin sa puwesto nung pumigil sa holdaper kanina," paanyaya nito.



          Isa-isa naman kaming umupo sa sinasabing puwesto ng may-ari.



          “Bakit umalis sila agad? Gusto pa namin silang makilala," sabi ni Tito Marcus.



          “Nagkainitan sila ng kasama niya kaya umalis agad. Hindi ko nga nakausap para pasalamatan. Hindi nga rin sila makausap ng waiter namin ng maayos. Pero nagpa-takeout na lang sila at pinadagdagan ko pa bilang pasasalamat," paliwanag niya.



          Habang nakaupo ay may napansin akong phone sa ilalim ng mesa. Medyo madilim sa lugar kaya siguro, hindi napansin ng waiter.



          “Papa, may phone po dito," wika ko habang pinapakita sa kanila ang phone.



          Biglang nagulat si Sharina. “Ay! Pamilyar sa akin ang phone na iyan. I will bet all my monthly allowance sa taong ito na kay Zafe ang phone na iyan." Hindi halatang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi.



          “Louie, hindi ba sa atin nag-aaral ang Zafe na sinasabi ni Sharina?" tanong ni Tito Marcus. “Iyun ba iyung dating napupusuan mo anak?"



          “Papa, please," namumulang pakiusap ni Sharina.



          “Oo. Sikat na basketbolista iyun sa unibersidad natin," sagot ni papa.



          “Mga estudyante sa unibersidad ninyo ang mga tao na iyun? May fighting class kayo sa school niyo?" pabirong tanong ng kaibigan nila papa.



          Pinahawak ko kay Sharina ang phone niya at tumingin ako sa gallery. May litrato ako ni Zafe sa phone ko.



          “Ito po iyung litrato na sa tingin namin ay ang may-ari ng phone." Ipinakita ko sa may-ari ang litrato ni Zafe. “Siya po ba iyan?"



          Tumingin ang may-ari sa phone. “Nako hijo. Pasensya na. Hindi ko makilala dahil naka-shades at sumbrero sila. Mas mukha pa nga silang kahina-hinalang tao kesa doon sa holdaper."



          “Ahh, ganoon po ba? Salamat po sa sagot ninyo." Nilingon ko si Sharina. “Sigurado ka bang kay Zafe ang phone na iyan?"



          “Oo naman. Palagi ko ito nakikita, noon." Bigla na lang nanlumo ang mukha niya habang ibinalik ang phone daw ni Zafe. Marahil ay naaalala ang nakaraan niya ni Zafe.



          Pinindot ko ang lock button ng phone. Ngayon, sigurado ako na si Zafe ito dahil siya mismo ang nasa screensaver ng phone. Hmm, saan kaya nakatuloy si Zafe sa Boracay? Kailangan masauli ko ito.



          Habang tinitingnan ng mabuti ang phone, bigla kong naalala si Aulric. Naalala ko na may parehong kulay ng phone at model si Aulric. Ito iyung niregalo sa kaniya ni Zafe.



          Hindi ko naman ito nilagyan ng kulay dahil marami kaming nagbigay ng phone kay Aulric noong pasko. Baka namili siya sa kung anong kulay ang gusto niya.



          “Oo nga pala pare. Pwede bang mag-extend ka ng lamesa at mga upuan dito? May bisita pa kaming hinihintay," request ni papa.



          “Sige, sige. Magdadagdag ako," ngiti ng may-ari.



          Naglagay na ng extend na lamesa ang may-ari. Sakto na dumating ang hinihintay naming bisita. Si Sir Arthuro at ang kanyang bunsong anak na lalaki. Si Boyet. Mga dalawang taon ang pagitan sa edad namin ni Sharina. Kaklase ko siya at parehas na course ang kinukuha namin. Para sa karagdagang imposmasyon, ang ginagawa namin ngayon ay for the boys only na lakad. Exception lang si Sharina dahil she's a self-proclaimed one of the boys.



          “Kumpare, nakarating ka din," bati ni papa saka nag-brohug ang mga ito.



          “Kumpare, matagal-tagal na rin," natatawang tugon ni Sir Arthuro.



          “Boyet, buti naman at kasama ka!" bati ko din at nagyakapan.



          “Wala akong magawa sa hotel. Ayoko naman kasing ma-stuck kasama ng mama ni Sharina, mama ko, at si ate Kristel," tugon niya pagkakalas.



          “Ayaw mo rin bang ma-stuck sa akin ngayon dito?" nakangiting tanong ni Sharina na nakaupo pa rin sa kanyang upuan.



          “Oi. Andyan ka pala Sharina. Hindi kita napansin. Hi," bati ni Boyet dito.



          “I'm sure, gutom na kayo. Kaya umupo na tayo at umorder ng mga pagkain," sabi ni papa.



          Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. May sariling pag-uusap ang mga matatanda, may sarili ring pag-uusap sila Sharina at Boyet. Hindi kasi ako sumasali sa mga pag-uusap dahil mas gusto ko lang ang makinig. Pero ang pakikinig ay may perks din pala.




          “Speaking of masakit, may nangyari pala kay ate Kristel dito sa Boracay," panimulang kwento ni Boyet. “Habang nagpapark siya sa kotse, may isang lalaki daw na lumapit sa kaniya at sinaktan siya. Hindi ko alam ang buong nangyari pero muntikan ng mabali iyung kamay niya sa ginawa ng lalaki. At may pasa pa siya sa kanyang mukha. Ihampas ba naman ang mukha mo sa hood ng kotse."



          Biglang nagising ang aking interes nang marinig ang sinabi ni Boyet tungkol sa nangyari sa nakakatanda niyang kapatid na si Kristel. Biglang naalala ko ulit si Aulric. Speaking of Aulric, ayon sa namamahala sa restaurant namin ay hindi siya pumasok. Hindi naman ito nagpasabi kung anong nangyari sa kaniya maliban lang sa isang mensahe sa phone na mawawala daw siya ng ilang araw. Iniisip ko kung ano kaya talaga ang nangyari sa kaniya? Baka nagbabakasyon?



          “Hmm, napakasama naman nung ginawa ng lalaki. Dapat hinanap niyo at turuan niyo ng leksyon," gigil na sabi ni Sharina. “Matanong ko lang Boyet. Just in case, nakita mo ba si Zafe dito sa Boracay? I'm sure kilala mo iyun dahil parehas kayo na nasa Basketball Club."



          “Umm, hindi pa," iling niya. “Paano niyo naman nasabi na pupunta dito si Zafe? Hindi niyo ba alam na ito iyung lugar kung saan sila unang nagkita nung ex niya na si Colette? Sinumpa niya kaya ang lugar na ito na hindi na siya kahit kailan pupunta."



          “Ha? Paano mo nalaman?" tanong ko.



          “Matagal na kaya kaming magkaibigan ni Zafe kaya alam ko."



          Ipinakita ko sa kaniya ang phone ni Zafe. “Pero kasi, nakita ko ang phone na ito at sinabi ni Sharina na ang phone na ito ay sa kaniya." Pinindot ko ang lock button para makita ang screensaver. “Pero hulaan mo kung sino ang nasa screensaver. Siya mismo."




          Tiningnan ito ng mabuti ni Boyet. “No way. Kung ganoon pala, naka-get over na siya kay Colette. Sino kayang maswerteng babae ang kinikita ngayon ni Zafe?"



          Galit na napatayo si Sharina. “What?! May bago siyang babae na kinikita?! No way! Hindi ako papayag!"



          Napatingin na lang kaming lahat na nasa mesa sa inasal ni Sharina. Baka nagalit dahil sa sabi nga daw ni Zafe, pag-aaral ang uunahin nito.



          “Anak, calm down. Huwag kang gumawa ng eskandalo dito," pagpapakalma sa kaniya ni Tito Marcus. “Maging civilized ka dito."



          “I'm sorry papa," paghingi niya ng dispensa at umupo. Bumalik naman kami sa dating setup.



          “O baka naka-get over na si Zafe kay Colette at masayang nagbabakasyon sa lugar na ito kasama ang best friend niya na si Ricky," ispekulasyon ni Boyet sa mahinang boses. “Anyway, hula ko lang iyun Sharina. Don't take it seriously na babaliin niya ang mga sinasabi niya kung may ipinangako siya o sinabi sa iyo. Zafe is a man of his words. Kung ano ang sinasabi o ipinangako niya, mangyayari iyun."



          Napabuntong-hininga si Sharina. “I hope so. Sana nga, totoo iyang sinasabi mo."



Zafe's POV



          Nakahinga ako ng maluwag matapos makita si Aulric sa tinutuluyan namin. Malapit siya sa bintana at nakatingin sa madilim na dalampasigan. Akala ko pa naman, naligaw siya o kung ano. Pero teka, siguradong nagtatampo ito sa akin. Ano kaya ang pwede kong gawin?



          “Natatandaan mo ba nang sinabi ko na may mga bagay kang hindi mo alam sa akin? Isa rito ay iyung ginawa ko kanina," panimula niya habang nakatingin pa rin sa labas. “Kapag may nakita akong chance na gumawa ng kalokohan, gagawin ko."



          Umiling na lang ako. “Alam mo, huwag na muna tayong nagsermonan. Kumain na muna tayo. Isipin na lang natin na wala kasing laman ang tiyan natin kaya magkagalit tayo ngayon-"



          “No. Kailangan nating pag-usapan," pagputol ni Aulric na ibinaling na sa akin ang tingin. “If there was a similar situation again, I swear to you. Gagawin ko ulit."



          “Kung ganoon, ako na ang nagsasabi sa iyo na tigilan mo na ang magpakabayani."



          Galit na inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “I'm not doing any heroic things. Hindi ako isang bayani. I'm just me using my brain cells."



          Nagulat ako na halos magdikit ang mga mukha namin. Kinuha niya agad mula sa kamay ko ang plastic na dala-dala ko saka inilagay sa maliit na lamesa na naroon. Mas matangkad ako sa kaniya pero mukhang tumangkad siya kapag nagagalit.



          Napalunok ako pagkatapos hubarin ang shades at sumbrero ko. “Pero napakadelikado pa rin ang ginawa mo. Paano kung may kasama pa pala siya na hindi mo alam? Paano kung may isang kapatid iyun na nasa loob din ng restaurant at may dala siyang baril? At dahil sa ginawa mo, nagalit siya at pinagbabaril ka?"



          “Tapatin mo nga ako. Gusto mo ba akong mamatay sa mga makeup scenario mo?"



          “Hindi. Ako dapat ang magtanong sa iyo niyan! Gusto mo rin ba akong mamatay sa mga makeup scenario ko?! Kung mawawala ka ngayon sa buhay ko, isusumpa ko na naman ba itong lugar na to?! Hindi mo ba alam na ang lugar na ito ay sinusumpa ko?! Ito ang lugar kung saan unang nagkita kami ni Colette! At alam mo na kung ano ang nangyari pagkatapos."



          Napahinto si Aulric sa pagkain. “Pasensya na. Hindi ko alam. Pero kahit anong sabihin mo, gagawin at gagawin ko iyun. At bago pa mapunta sa mas malalim na usapan ito, huwag natin pag-usapan iyung memories niyo ni Colette dito. Kumain na nga lang tayo."



          Natigil din ako dahil sa aking mga sinabi. Bakit ko ba siya sinigawan? Tama ba iyung ginawa ko? Tapos binulgar ko pa iyung sikreto ko na sinumpa ko ang lugar na ito. Oo, sinumpa ko ang lugar na ito dahil ito ang lugar kung saan nga kami unang nagkita ni Colette. Girl meets boy their first encounter is here in Boracay, girl and boy becomes together, girl confesses that she doesn't really love the boy, boy curses everything that made him remember about that girl.



          Anyway, bakit nga ba ang lugar na ito ang pinili ko gayong sinusumpa ko ito? At tsaka maraming magagandang beaches sa bansa na pwede kong puntahan. Nandyan ang Puerto Princesa, Subic, Batanes, Cebu, bakit dito pa? Siyempre, para harapin ang bangungot ng nakaraan sa lugar na ito. At dahil gusto nga na magbakasyon ni Aulric.



          Humugot ako ng malalim na hininga. “Pasensya na. Nakakalimutan ko talaga na ikaw ang kasama ko. You are really a complete opposite of Colette. Well, there was-"



          “Hindi ba sinabi ko na huwag kang magkwento?" pagputol niya. “Kumain na lang tayo. Gutom ka, gutom ako, ako, kakain na, baka kapag ikaw ang hindi kumain, ako ang kainin mo?"



          “Magandang bagay naman iyun hindi ba?" sabi ko na may nakakalokong ngiti.



          “I'm talking about cannibalism."



          Natawa na lang ako. Okay, ang galing niya magsalita. Pero dahil ayaw niya ikwento, dito na lang. There was a similar situation sa amin ni Colette sa isa sa mga kainan na naroon. Madali siyang nagtago agad sa likod ko at takot na takot. Kaya nga nasabi kong kabaligtaran siya ni Aulric dahil nasa harap siya at gumawa ng paraan.



          Habang kumakain kami ni Aulric sa kwartong iyun, halos buong kainan, nakatingin ako sa kaniya. Baka kasi tumalab sa kaniya ang aking mga tingin.



          Kinuha niya ang isang bote ng beer at tumingin siya sa akin ng masama. Ngiti lang ang sinukli ko sa ginawa niya habang binubuksan ang bote ng beer. Pagkatapos ay nilagay na sa bibig niya ang bibig ng bote pero ibinuhos niya iyun sa sahig. Aw! Sayang nung beer. Ano kaya ang iniisip niya sa at ginawa niya iyun?



          “Alam mo bang naghalungkat talaga ako sa bag mo nang natulog ka na? Hulaan mo kung anong nakita ko?" tanong niya.



          “Sige nga. Ano ang nakita mo?" tanong ko din.



          “May ilang drugs pa akong nakita sa bag mo. At mukhang hindi iyun nalaman nung mga sekyu ng roro na tumingin sa bag mo dahil napakatamad nilang maghanap. Mukhang may balak ka pang gamitin iyun sa akin. So naisip ko, baka nilagay mo sa beer," pag-aanalisa niya.



          Natawa ako. “Bakit sa beer ako maglalagay? Na-paranoid ka ba dahil sa ginawa ko iyun sa iyo kanina? Hindi ko malalagyan iyang beer mo dahil saradong-sarado. Baka naman nilagay ko sa pagkain na parehas nating kinain? Iniisip mo ba na gusto kong may mangyari sa atin habang wala ka sa sarili mo? Hindi kaya magandang ideya iyun. Hoy Aulric, hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi mo sa akin kahapon na ikaw ang nasa itaas. Gusto ko, nasa sarili ka at gising habang ginagawa natin iyun. Para naman maipamukha sa iyo na kahit ganyan ka katigas, sa akin ka bibigay."



          “Hmmpphh! Huwag kang umasa Zafe. Kung hindi kita kilala, the feeling is so mutual. Hindi mo din ako kilala." Tumingin siya sa akin ng seryoso. “Game on!"



          “Well, ngayong ayos na tayo at malinaw na sa akin ang lahat, matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas. Siguradong mag-e-enjoy ka dito sa Boracay pagdating ng umaga."



          Pagkatapos kumain ay nilinis namin agad ang kwarto. Napansin ko naman si Aulric na parang may hinahanap sa buong kwarto. Pumunta siya sa banyo, naghanap sa ilalim ng kama, sa mga drawer, sa bag kung saan nakalagay ang mga damit at gamit ko, at kung saan-saan pa. Ano kaya ang hinahanap niya? Nandito lang naman ako.



          “Anong hinahanap mo?" tanong ko.



          “Nawawala ang phone ko. Nakita mo ba?" tanong niya habang naghahanap pa rin.



          “Iyun bang phone mo, iyung katulad sa akin na model at kulay?"



          “Oo. Nakita mo ba? Mukhang nahulog kasi sa bulsa ko."



          Nag-isip ako kung saan niya nawala iyun. “Baka nandoon sa kainan na pinuntahan natin kanina?"



          “Tara! Lumabas tayo at balikan natin sa kainan."



          Akmang tatayo siya nang pinigil ko. “Huwag na. Matulog ka na lang. Ako na ang magtatanong kung may nakita sila. Dito ka na lang at kakailanganin mo ng maraming energy para ma-enjoy mo ang lugar na ito."



          “Sigurado kang kaya mong lumabas ngayon ng mag-isa ka lang at may suot na shades?" tanong niya.



          “Oo. Sigurado. Matulog ka na. Babalik din ako agad."



          Sinuot ko na ang sumbrero at shades ko. Pagkatapos ay patakbong umalis sa tinutuluyan namin patungo sa kainan na pinuntahan namin. Sana naman, nandoon pa ang phone ni Aulric. Iyung halos katulad kaya sa akin ang pinili niya sa apat na nagbigay sa kaniya ng phone. Napaka-assuming ko na ba? Bahala na.



          Nang nakarating na ako sa kainan, marami pa ring tao at tuloy pa rin ang saya. Hinanap ko naman iyung nag-serve sa amin na waiter. Pagkakita ko ay agad kong itinanong kung nay nakita ba silang phone sa inuupuan namin.



          “Ahh! Oo! Napakaswerte mo at nakita pa iyun ng mga kaibigan ni boss," sagot ng waiter.



          “Kung ganoon, nasa boss niyo ba iyung phone?" tanong ko.



          “Ewan. Hindi ko naitanong. Tapos, umuwi na din si boss ehh," kibit niya ng balikat. “Ay! Teka, naalala ko na may binigay na room number iyung mga kaibigan ni boss kung sakaling hinahanap mo ang phone mo. Sandali lang. Isusulat ko sa papel."



          Nakahinga ako ng maluwag matapos makuha iyung room number at iyung building ng tinutuluyan nung kaibigan ng boss nila. Medyo malayo ito sa tinutuluyan namin ni Aulric. Pero ayos lang. Para kay Aulric, isasauli ko ang pinakamamahal niyang phone.



          Nakita ko din sa wakas ang kwarto. Kumatok lang ako ng ilang beses at nagulat ako sa kung sino ang lumabas sa pinto para batiin ako. Nandito siya?



          “Hi Zafe," nakangiting bati ni Sharina. Tumingin siya sa kabuuan ko. “May shades ka pa at sumbrero. Kung hindi lang kita kilala, baka kung anong masama ang nagawa ko sa iyo. Mukha ka kayang taong gagawa ng masama sa suot mong iyan."



          “Hi Sharina," nagulat na bati ko. “Nandito ka rin pala sa Boracay. What a coincidence. And I'm sorry kung ganito ang suot ko. Mahina ang sense of fashion ko na hindi naman kailangan sa mga katulad kong lalaki."



          “Umm, nag-decide kasi sila mama, papa, Tito Louie, at kung sino-sino pa na dito magbakasyon sa Boracay," pakumpas niyang paliwanag. “Ikaw pala. Bakit ka naparito?" So nandito din siguro ang buong pamilya nila. What a great coincidence.



          “Umm, siguro, hindi mo alam na dito iyung lugar kung saan unang nagkita kami ni Colette. At alam mo naman kung ano ang nangyari sa amin ni Colette. Kaya sinumpa ko ang lugar na ito na hindi pupunta. Pero ngayon, nandito ako. Hinaharap ang dapat harapin," kwento ko.



          “I see. May kasama ka ba para harapin ang dapat mong harapin dito sa Boracay?" tanong pa niya.



          “Kasama? Meron. Kaso, surprise na lang iyun kapag nakita niyo ako. Baka mamaya, magkaroon ng misunderstanding sa pagitan nating dalawa kapag sinabi ko kung sino ang kasama ko," straightforward kung sagot. “Moving on, nandito pala ako para sa phone ko. Nabalitaan ko doon sa waiter ng kainan na kayo ang nakakuha. Gusto kong makuha ang phone ko dahil importante iyun sa akin. Ang ibig kong sabihin, tatawag sa akin ang parents ko ng mga ganitong oras para kumustahin ako." Tama kaya? Alam kaya niya na kay Aulric ang phone na hinahanap ko?



          Nanatili lang akong kalmado sa kabilang ng lahat. Hindi ko alam kung may alam na sila o wala, pero kailangan ko pa ring mag-ingat. Sana nga, hindi pa nila alam na phone ni Aulric ang hinahanap ko. Unless kung iba ang screensaver nung phone niya. Teka? Ano nga pala ang screensaver ng phone niya? Last time na nag-check ako, ako iyung nasa screensaver na naka-selfie. May pagkakakilanlan kaya ang phone ni Aulric sa phone ko?



          “Ohh! Sabi ko na nga ba. Phone mo nga iyung nakita namin. Sandali lang. Kukunin ko," tugon ni Sharina na isinara ulit ang pinto.



          Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Hindi pa niya alam na kay Aulric iyung phone. Mabuti naman. Save.



          Pagkabukas ng pintuan, binigay sa akin ni Sharina ang phone ni Aulric. Nakangiti lang siya sa akin habang binibigay sa akin ang phone. Iyan ba ang ngiting alam ko na nagsisinungaling ka sa akin, o ngiting wala akong alam sa mga nangyayari? Pero hindi bale na. Lahat naman siguro ng lihim, mabubunyag. Ang magagawa ko na lang siguro kung sasabog siya ngayon dito ay harapin siya.



          “Alam mo, dapat may spare phone ka. Paano na lang kung hindi kami ang nakahanap ng phone mo? Mamahalin pa naman ang phone mong iyan," payo niya.



          “Well Sharina, mayaman naman ang pamilya ko at kaya pa naming bumili ng kahit isang trak pa nito," natatawang biro ko. “Salamat sa payo. Hayaan mo. Iingatan ko ang phone ko."



          Naramdaman ko namang gumalaw ang phone na nasa bulsa ko. Patay! Tumatawag sila mama at papa. Buti na lang at walang tunog sa unang limang segundo kaya hindi pa alam ni Sharina na nagsisinungaling ako.



          Pasimple ko namang ni-reject ang tawag nila mama, o ni papa, o kung sino mang istorbo ang tumawag sa akin, sa pamamagitan ng pagsayaw ng ilang dance moves. Kumunot ang mukha ni Sharina sa ginawa ko. Baka natu-turnoff siya.



          “Dance moves na nakita ko habang naglalakad ako," pagdadahilan ko. “Bye Sharina. Hanggang sa muli."



          Naglakad na ako paalis. Baka kasi tumawag na naman ulit sila mama, o papa, kung sila nga iyung tumatawag, o iyung pangatlong posibilidad na baka makulit, na magpapasinungaling sa mga bagay na sinabi ko kay Sharina. Hay nako! Anong gagawin ko? Itutuloy ko pa rin ba ang bakasyon naming ito ni Aulric at pumunta na lang agad sa ibang lugar? Baka hanapin ako ni Sharina at nung pinsan niyang si Jin. Pero baka maghinala sila na hindi ako makita dito mamaya dahil baka may itinatago ako. Sasabihin ko ba ito kay Aulric? Baka magalit siya. Ano kaya ang gagawin niya sa tagpong ito?



          Nang nakarating sa tinutuluyan namin, sinigurado ko kung may sumusunod sa akin. Mahirap na at baka may sumusunod talaga sa akin.



          Nang masiguro ko na wala, pumasok na ako. Nadatnan ko naman si Aulric na gising at nakaupo malapit sa lamesa.



          “Nahanap mo ba?" agad na tanong niya.



          Binigay ko kay Aulric ang phone niya habang lumapit. “Iyung pamilya nila Jin, nandito," agad na sabi ko. “Nandito rin sila para magbakasyon. Sila pala iyung nakakita sa phone mo at inakalang phone ko iyan. Buti na lang at iyung gwapo kong selfie ang screensaver mo. Sinabi ko din sa kanila na may kasama ako dito sa Boracay dahil sinabi ko ang kwento ko kung bakit narito ako, at kung ano-ano pa. Ano ang gagawin natin?"



          “Wala. Gawin na lang natin ang lahat ng pag-iingat," agad niyang isinagot. “Nandito na rin lang tayo, bakit pa tayo aalis? Hindi naman siguro ito ika-cancel dahil lang nandito sila. Let's have fun. At kung mabuko tayo, ano ang gagawin mo? Tandaan mo Zafe. Kasalanan mo ito sa simula pa lang. Ikaw, itutuloy pa ba natin ito?"



          “Kung iyan ang gusto mo, siyempre, itutuloy natin," nakangiting tugon ko. “Game on."



          “Oo nga pala. May nakita akong spare phone sa bag mo na nakalimutan mong gamitin. Kung ako na lang kaya ang gagamit since ang alam nila ay phone mo iyung hinahanap mo?" Dali-daling hinalungkat ni Aulric ang bag ko.



          “Okay. Sige. Pero palitan mo iyung screensaver ng phone. Buti na lang at iyung gwapo kong selfie ang screensaver ng phone mo. Naisip tuloy nila na akin iyung phone," kindat ko sa kaniya.



          “Okay. May iba ka pa bang sinabi sa kanila na hindi ko alam?" tanong niya. Wala man lang bang violent reactions sa sinabi o inasta ko? O admittance iyun na gwapo talaga ako para sa iyo?



          “Sinabi kong surprise para sa kanila kung sino ang kasama ko ngayon dito sa Boracay."



          “Okay. Sumpresa naman talaga ako para sa kanila kapag nalaman nila na ako ang kasama mo."



          Ilang minuto ang lumipas, natapos ng ilagay ni Aulric ang sim niya sa spare phone ko. Nahiga na kami sa kama at pinatay ang ilaw. Ilang minuto na ang lumipas pero mukhang hindi pa kami dinadalaw ng antok ni Aulric.



          “Bakit nga pala gusto mong ituloy ang bakasyon natin? Baka hindi natin ito magawa ng tama bukas," nag-aalala kong tanong sa kaniya.



          “Umm, medyo kalokohan na itong isasagot ko kaya makinig ka ng mabuti." Humugot siya ng malalim na hininga. “Alam mo kasi, lagi kong napapanaginipan na nakapatong ako sa isang lalaki at pinapasukan ng alam mo na. Napakasarap ng feeling kahit sa panaginip pa lang. Naisip ko na pangitain iyun ng mangyayari sa iyo. At mukhang matutuwa ako kapag nangyari iyun. At isa pa, baka naman tactical retreat ang gagawin mo para ulitin ang gagawin mo sana sa akin. Ang gamitan ako ng betsin."



          Natawa na lang ako. “Napaka-weird naman ng panaginip mo. At tsaka sinabi ko naman sa iyo hindi ba. Gusto kong gawin ang bagay na iyun na gising ka at matatandaan iyun lahat ng mabuti. Kung paano ako gumalaw, kung paano ako humalik, at kung ano-ano pa. Importante ang mga ganoon memories sa inyong unang tikim. At iyung panaginip mo, siguradong hindi iyun mangyayari. Mangyayari lang iyun kapag nagpabaya ako. Ngayong alam ko na, hindi na ako magpapabaya."



          “Ganoo ka naman sigurado?"



          Agad na pumatong ako sa kaniya. “Dahil ngayon na ako aatake."



          Siniil ko siya agad ng halik sa labi at pinigil ang kanyang mga kamay at paa na makagalaw. Noong una, hindi siya sumasagot sa mga halik ko. Pero maya-maya ay gumanti na siya at umuungol pa.



          Naghiwalay na ang labi namin at nagkatinginan. Kapwa hinahabol namin ang aming hininga. Sabi ko sa kaniya, hindi mangyayari ang panaginip niya.



          “Madaya ka. Huwag mong pigilan ang kamay at paa ko," reklamo niya.



          “Naninigurado lang ako. Baka suntukin mo ako o sipain."



          “Hayaan mo. Hindi ko gagawin iyun."



          “Talaga?" Tinigil ko ang pagpigil sa kanyang kamay at paa. “Ngayon, ano ang gagawin mo?"



          Biglang nag-iba naman ang posisyon naming dalawa. Siya na ngayon ang nasa taas at ako na ngayon ang nasa ilalim. Siniil niya agad ng halik ang aking labi at gumanti ako. Iginapang ko naman ang aking kamay sa kaniyang puwitan. Dahil para sa akin, napakasarap hawakan ng parte niyang iyun.



          “Tara Aulric. Gawin na natin ito," pakiusap ko nang naghiwalay na ang labi namin. “Tinitigasan na ako. Ilang buwan na rin ako nagpipigil."



          “Talagang napakalaki ng respeto mo sa akin," sarkastiko niyang sabi. “Pero ang hindi ko pa feel na gawin natin iyun ngayon. Kaya sa pagsasarili ka na lang muna."



          Humalik pa siya sa akin at umayos uling humiga. Natawa na lang ako sa aking sarili. Hay! Siguro kapag sinabi niya na wala siya sa mood, wala talaga siya sa mood.



          Pupunta na sana ako sa banyo para magpalabas nang tumunog ang phone ko. Pagkatingin dito, nanlambot na lang ako dahil tumatawag sa akin si papa. Sa sobrang pagmamadali ko na makabalik ay hindi ko na natingnan ang aking call history. Baka nga si papa iyung tumatawag sa akin kanina.



          Sinagot ko naman ito at pumunta ng banyo. “Hello papa?"



          “Hay anak! Buti naman at nasagot mo na rin sa wakas ang phone mo. Akala ko, may nangyari na sa iyo." Narinig kong bumuntong-hininga si papa sa kabilang linya.



          “Okay lang naman po ako. Nag-e-enjoy dito sa Boracay kasama si Ricky. Tsaka pasensya na po at ni-reject ko ang tawag ninyo. Nasa kalagitnaan po kasi ako ng kasiyahan kanina habang tumatawag kayo kaya ni-reject ko po," pagdadahilan ko. Ang totoo, gusto kong sabihin na nandito po ako sa Boracay kasama ang aking minamahal na si Aulric. Pero hindi naman pwede iyun.



          “Well, that's good to hear anak. Akala ko nagalit ka na sa amin dahil hindi kami nakasama diyan ngayon." Well actually po papa, masayang-masaya po ako dahil kami lang dalawa ni Aulric ang nasa iisang kwarto.



          “No papa. Not at all. Okay lang naman po ako. Marami pa naman pong next time hindi ba?"



          “Yeah. Pero babawi kami sa iyo anak. Bye."



          Ibinaba na ni papa ang tawag. Humugot lang ako ng buntong-hininga at bumalik na sa kama. Mahimbing ng natutulog si Aulric dahil mukha na siyang anghel. Hay! Napakagaling ko pa naman magsinungaling sa mga tao sa paligid. Pero at least, iyung pagmamahal ko sa taong ito ay totoo. Siguro nga, hindi dapat mahalin ang mga taong magaling magsinungaling dahil baka isang araw, malaman mo lang na ang relasyon ninyo ay isa lang malaking kasinungalingan. Hindi din. Sisiguraduhin ko na ang pagmamahal ko sa kaniya ay totoo.



          Itinaas ko lang ang kumot na nakatakip sa kaniya at humiga sa tabi niya. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang katawan. Totoo ako. Totoo ako magmahal.



          Kinabukasan, pumunta na kami sa beach. Maraming tao ang makikita ngayon dito dahil alam naman natin na pumupunta dito ang mga tao na nagmula sa iba't ibang parte ng mundo. May pula, may puti, may itim, may berde, may asul, may kayumanggi, mga kulay pala ng buhok ang tinutukoy ko. At seryoso. May nakita talaga akong buhok na kulay asul at berde. Ano ito? Mundo ng animé? Baka naman wig.



          Mula sa kinatutuluyan namin ay nagtakbuhan kami ni Aulric papunta sa asul na dagat. Pero habang nagtatakbo ay nadapa si Aulric sa buhanginan. Mabilis na tumayo siya at tumakbo ulit papunta sa dagat.



          “Zafe! Tu, brr, LUNGAN! Brr, MO AKO! Brr," sigaw ni Aulric matapos umabot na sa medyo malalim na parte ng dagat. Hindi pala siya marunong lumangoy?! Tapos nauna pa siya sa akin?!



          Agad na sinaklolohan ko ang nalulunod na si Aulric. May lifesaver din na lumangoy mula sa dalampasigan pero ano ba ang maitutulong niyo kung alam ko naman ang gagawin sa sitwasyon na ito?



          Gaya ng inaasahan, nasagip ko si Aulric. Ibinalik ko siya sa dalampasigan para ihiga. Mukhang nahimatay siya.



          “CPR! Kailangan niya ng CPR!" sigaw ng lifesaver.



          Tinangka niya sanang unahan ako mag-CPR pero pinigilan ko ang lifesaver dahil sinabi ko na marunong ako mag-CPR. Eeksena pa sa eksena ko ehh.



          Agad na isinagawa ko ang CPR kay Aulric at maya-maya'y nagkamalay na. Habang bumabangon ay lumuwa siya ng ilang tubig. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid matapos masaksihan ang madamdaming pangyayari na iyun. Baka kasi ikamatay iyun ni Aulric ang nangyari. At isusumpa ko na naman ata ang Boracay kapag nagkataon.



          “Okay na po. May malay na po siya. Pwede na po kayong umalis at ipagpatuloy ang buhay. Salamat po sa panonood," sabi ko sa mga tao para umalis na.



          Nang umalis na ang mga tao, umupo ako sa tabi ni Aulric na hinahabol pa rin ang kanyang hininga. Muntikan na siya kanina.



          “Akala ko, ganoon lang iyun kadali. Ang hirap pala," pakumpas na sabi ni Aulric.



          “Hindi ka pala marunong lumangoy tapos pumunta ka pa sa medyo malalim na parte ng dagat. Tapos nauna ka pa sa akin," kalmado pero pagalit kong sabi. Sabi nga nila, makakapag-isip ka ng maayos kapag kalmado ka.



          “Pasensya na. Pinag-alala na naman kita kanina," paghingi niya ng dispensa.



          “Okay lang. Nasagip naman kita agad ehh. Ako din pala ang gumawa ng CPR sa iyo."



          Tumingin siya sa akin ng diretso. “Salamat Zafe. Utang ko sa iyo ang buhay ko."



          Habang nagkatinginan kami, hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata ni Aulric na natatakot siya. Ahh! Marahil ay iniisip niya kanina, paano kaya ang mga maiiwan kapag nawala na siya? Paano ang mama niya? Marahil ay nakita niya si kamatayan habang nalulunod.



          “Umm, gusto kong bayaran mo na agad ang utang mo sa akin. Since ako naman ang nagligtas sa buhay mo, akin ka na. Sa iyo na rin ito sa akin. Fair trade. Basta alagaan mo ang puso ko, aalagaan ko din ang sa iyo. Balik na tayo sa tinutuluyan natin. Ituloy natin iyung ginawa natin kagabi," mabilis kong sabi.



          Kung gaano kabilis na sinabi ko ang mga salitang iyun, ganoon din siya kabilis itago ang mukha sa kanyang mga palad. Natatawa siya sa aking mga sinabi. Maya-maya ay tumawa na rin ako. Saka ko na-realize na pangkasal na linya ang mga pinagsasasabi ko. Nagbibiro lang naman sana ako. Pero kung sasabihin ko iyun kapag kinakasal kami, sasabihin ko talaga iyun. Teka? Sasabihin ko bang nagbibiro ako sa mga sinasabi ko kanina? Mukha kasing ngumiti na siya ulit.



          “Tumigil ka. Makapagsalita ka naman, parang ikakasal tayo," natatawa niyang sabi habang diretso na nakatingin sa akin. Pero napapansin ko sa galaw ng mukha niya na iiwas siya.



          “Namula ka ba kanina habang tinatago mo ang mukha mo sa mga kamay mo?" pang-aasar ko. “Namula ka ehh. Aie! Kinilig ka! Umamin kang kinilig ka!"



          Galit na tumayo siya sa kinauupuan at sinuntok ang braso ko. Napaigik naman ako sa sakit at nasapo ko ang parteng sinuntok niya. Baka kinilig talaga siya at ayaw niya lang umamin na kinikilig siya sa mga sinabi ko. Para na lang akong tanga na tumatawa sa buhanginan.



          Nang natapos na akong tumawa, nakita ko na naman si Aulric na pumupunta sa palalim na parte ng dagat. Tumayo na agad ako at hinabol siya.



          “Hoy! Anong ginagawa mo? Hindi ka marunong lumangoy!" sigaw ko.



          “Aulric, ikaw ba iyan?!" sigaw ng kung sinong lalaki na nasa likuran ko lang. Kahit hindi lumingon, kilala ko na kung kanino ang boses na iyun. Kay Jin. Ugh! Mga panira.



          Nahinto naman ako at pati na rin si Aulric. Nilingon niya ang nasa likod ko at dahan-dahan na lumapit pabalik.



          “Jin, Sharina, it was nice to see you guys here," bati ni Aulric. “And oo nga pala Jin. I'm sorry na hindi ako nakapunta sa trabaho. May tao kasing nagyaya sa akin na pumunta dito sa Boracay. Kaya sinamahan ko. Kawawa kasi. Wala siyang friends na kasama niyang pumunta dito."



          “Ohh! So ikaw pala ang sumpresang kasama na sinasabi ni Zafe," rinig kong halos pasarkastikong wika ni Sharina. Pero hindi ako sigurado kung pasarkastiko niyang sinabi. Marahil ay dahil sa paraan niya ng pananalita na ngayon ko lang narinig. At isa pa, nakatalikod pa rin ako sa kanila.



          “Ahh! Kaya pala. Naiintindihan ko naman Aulric," rinig kong tugon ni Jin. “Teka? Ikaw ba iyung dinudumog ng mga tao kanina? I-Iyung nalunod daw? Okay ka na ba?"



          “Yeah. Ako iyun Jin," sagot ni Aulric. “Hmm, unfortunately, as you can see, nakakausap mo pa nga ako. Buti na lang, nailigtas ako ni Zafe. Nakalimutan kong hindi pala ako marunong lumangoy at pumunta pa ako sa malalim na parte ng dagat. At buti na lang, tinawag niyo ako. Magpapakamatay na naman sana ako ehh."



          Habang humarap sa kanila ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa pag-uusap na ito. Hindi ko alam pero mukhang ako lang ang tensyonado.



          “Oi! By the way Zafe, may basketball tournament dito sa Boracay. 3-on-3 daw ang labanan. Sumali kaya kayo ni Jin?" yaya ni Sharina.



          “Teka lang Ate Sharina? Ano bang pinagsasasabi mo?" nahihiyang sabi ni Jin na biglang namula. Naglalaro pala siya ng basketball?



          “Wow! Hindi halata Jin! Dati, idol mo lang si Zafe. Ngayon, gusto mong sundan ang yapak niya," nagulat na saad ni Aulric. Nakakahiya naman na nagmula pa iyan sa bibig mo.



          “H-Hindi! Hindi ako naglalaro ng basketball," pagtanggi ni Jin na namumula pa rin.



          “Ano ka ba Jin?! Huwag mo ngang habangbuhay itago iyang talent mo sa basketball. Kahit papaano, ilabas mo naman iyan!" pangungumbinsi ni Sharina na maglaro siya.



          Tiningnan ko ang kabuuang katawan ni Jin. Tamang-tama lang ang katawan niya pero hindi pang-atleta. Pero sa tingin ko naman, makakapaglaro siya kung ibibigay niya ang best niya. Totoo ang sinasabi ko. Medyo magiging hadlang lang ang kanyang suot na salamin pero pwede naman iyun masolusyunan sa pagsusuot ng contacts o iyung parehas na salamin na parang katulad sa mga sinusuot ng mga diver. At siguro naman, mataas ang stamina niya. Kaya nga niyang tumakbo papaalis at paparito kapag si Aulric ang pupuntahan.




          “Kung ako sa iyo, subukan mo. Hindi natin alam na magaling ka sa pagda-drama, magaling ka din pala sa paglalaro ng basketball," komento ko.



          Tiningnan naman nila ako na may kunot sa noo. Ano ba naman ang mga taong ito?! Hindi naniniwala sa mga sinasabi ko?



          “Thank you Zafe for your inspiring message that inspires a particular person. Pero Jin, subukan mo na," lingon ni Aulric dito.



          Tiningnan kaming lahat ni Jin. “Sa tingin niyo, kaya ko?"



          “Of course." Lumapit sa kaniya si Aulric at tinapik ang kanyang balikat. “Pero dapat ay maniwala ka muna sa sarili mo na kaya mo."



          “Oo nga Jin. Tama ang sinasabi ni Aulric," gatong ni Sharina.



          “Well, sige. M-Maglalaro ako," pagpayag ni Jin.



          “Great! One problem down, ang problema na lang ay ang maghanap ng pangatlong miyembro," wika ko. “Oo nga pala. Kailan iyung laro?"



          Nag-isip si Sharina. “Hmm, last time I checked sa nakita ko sa poster, sa makalawa pa."



          “Ohh! May isang araw pa para maghanap ng pangatlong, at isang araw para magpraktis."



          “At isang araw pa para turuan niyo akong lumangoy," sabat ni Aulric. “Jin, turuan mo akong lumangoy."



          “H-Huh? B-Bakit hindi na lang si Zafe?" pautal-utal na tanong ni Jin.



          “Frankly speaking, nakakasawa ng kasama si Zafe dito sa Boracay. Alangan naman na kumuha ako ng mga hindi ko kilala na tao para turuan lang ako lumangoy." Napakasakit naman niyang magsalita.



          Kita ko na nabuhayan ang mukha ni Jin. “Ahh! Okay. Sige. Walang problema."



          Masayang lumapit si Jin kay Aulric. Muli ay pumunta sila ulit sa medyo malalim na parte ng dagat para sa lessons ni Aulric. Nakakainggit naman. Dapat kasi, ako ang magtuturo sa kaniya. Pero hayaan ko na nga lang.



          “Inaamin ko. Nagulat ako nang malaman na si Aulric ang kasama mo," rinig kong sabi ni Sharina habang nakasunod ang tingin ko kila Aulric.



          “Ako din. Nagulat din ako," sabi ko na medyo nagugulat nang lumingon ako sa kaniya. “Aulric is a little, or really a frank unfriedly human. Pero ayos naman siya kapag mas lalo mo siyang nakilala. Masasanay ka na lang sa ugali niya. Pero hindi din nakakatuwa na masanay sa ugali niya."



          Natawa kami parehas sa sinasabi ko. Ewan ko kung ano ang nakakatawa sa mga sinasabi ko pero alam ko namang wala.



          “Umm, Zafe, may tanong lang ako. Bagay ba sila Aulric at Jin?" tanong niya.



          Natawa na lang ako sa kanyang tanong. Ang totoo, para maitago ang aking pagkainis kay Jin. Sinasabi ko na nga ba. Karibal ko itong si Jin.



          “May gusto si Jin kay Aulric?" natatawang tanong ko.



          “Bakit natatawa ka?" nakakunot-noong tanong niya.



          “Hindi ko kasi ma-imagine na magkakaroon siya ng girlfriend. Boyfriend pa kaya?"



          “Kahit ako din naman. Hindi ko talaga ma-imagine. Pero at least, pinayagan siya ni Tito."



          Napawi ang aking kasiyahan sa narinig. “Huh? Ang ibig mong sabihin, iyung papa niya? Payag siya sa relasyon nila ni Aulric kung sakali?"



          “Yeah."



          “Zafe, Ate Sharina, marunong ng lumangoy si Aulric!" sigaw ni Jin.



          Napaharap kami ni Sharina at sumali sa kanila. Dine-demonstrate kasi ni Aulric na marunong na siyang lumangoy. Pumunta pa sila sa mas malalim na parte ng dagat. Habang lumalangoy ay na lang ako sa mga posibleng mangyari sa aking nalaman. Malaki ang advantage ni Jin kapag nagpahayag siya ng nararamdaman at mahal din siya ni Aulric. Payag ang papa niya, okay lang din sa mga kamag-anak niya, ano pa kaya ang mga advantage niya na hindi ko alam?



          Pagkatapos ng tagpong iyun, nagyaya si Sharina na gumala sa buong Boracay kasama kami. Pumayag kami ni Aulric at nagkasundo na magkita sa building kung saan sila tumutuloy dahil gagamitin namin ang kotse ni Jin. At sunod-sunod na ang kamalasan ko sa buhay.



          Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na kami sa building kung saan kami dapat magkita. Pagdating doon ay isa na namang kamalasan ang nangyari.



          “That was you!" sigaw nung babae na may pamilyar na boses. Ito iyung boses ng babaeng binalian ng buto at sinaktan ni Aulric sa parking lot. May benda pa nga sa kamay at may maga sa kanyang ulo. Patay!



          Napalingon kaming lahat kay Aulric.



          Nasapo ko na lang ang aking ulo matapos maalala kung sino ba talaga ang pamilyar na babae. Siya pala si Kristel Mae Reyes na anak ng adviser nila Aulric sa Drama Club, si Arthuro Reyes. Bakit ko ba ngayon lang naalala?



          "Sino anak?" pagalit na tanong naman ng isang medyo matandang babae. Mukhang ito iyung asawa ni Sir Arthuro.



          "Siya po mom! Siya!" malakas na sigaw pa ni Kristel habang tinuturo si Aulric. Baka kahit nasa beach ako nakatayo, maririnig ko ang sigaw niya.



          "Kristel, narinig kitang sumigaw. Ano ba ang problema?" tanong naman ni Sir Arthuro na kararating lang sa lugar.



          "Pa, iyan pong lalaking iyan ang dahilan kung bakit halos nabalian ako ng kamay! Iyan pong hayop na lalaking iyan ang dahilan kaya nagkaganito ang akinh mukha!" muling sigaw ni Kristel habang tinuturo si Aulric.



          Napalingon ang mga magulang ni Kristel sa kanyang tinuturo. Si Aulric naman ay binigyan lang sila ng balewalang tingin na akala sa nangyayari ay normal lang. Pero maya-maya'y ngumiti.



          "Oh! Hi po Sir Arthuro," nakangiting bati ni Aulric. "Nandito rin po pala kayo sa Boracay. Kasama niyo po ba ang family niyo? I mean, ang tunay niyo pong pamilya."



          "Magkakilala kayo Arthuro?" pagalit na tanong ng asawa nito.



          "Aulric, k-kumusta. Yeah. Kasama ko ang pamilya ko ngayon at nagbabakasyon kami dito sa Boracay," sagot ni Sir Arthuro. "Teka, totoo ba itong sinabi ng anak ko? Ikaw ba ang nanakit sa anak ko?"



          "Yeah. Totoo po iyun. Sinaktan ko po ang kamay ng anak ninyo. Pati iyung mukha," diretsong pagtatapat ni Aulric na hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi.



          "See papa! Inamin niya! Sinaktan niya ako!" sigaw pa ni Kristel.



          "Hoy lalake, hindi mo dapat sinasaktan ang anak ko! How dare you?! Ka-lalake mong tao, nananakit ka ng babae?!" sigaw ng mama ni Kristel.



          "How dare you din po!" natatawang sagot ni Aulric. "So your name is Kristel. Bakit hindi mo kaya sabihin sa kanila ang totoo kung bakit ko halos binali iyang braso mo? Care to tell them? And, ohh! Sir Arthuro, may pinagkakakitaan, o pag-aari po ba kayo dito sa Boracay? Narinig ko po sa anak ninyo na may pagmamay-ari po kayo dito sa Boracay at may karapatan siyang maging isang asshole sa parking lot?! By the way, pasensya na po at hindi ko alam na anak niyo po iyan Sir Arthuro. Pero that doesn't stop me na lagyan siya ng block eye sa mukha. Kung siguro nadaan siya sa pakiusap na umayos siyang mag-park sa parking lot, baka hindi po mangyayari sa kaniya iyan. Unfortunately, sinagad niya ako."



          Biglang natahimik si Kristel nang nilingon siya ng papa niya na may nagtatanong na tingin. Agad naman nitong niyakap ang mommy niya.



          "Anak, totoo ba itong sinasabi ni Aulric?" tanong ni Sir Arthuro kay Kristel.



          "Pero hindi pa rin tama ang ginagawa mo sa anak ko!" depensa pa ng mommy nito. " At ikaw naman Arthuro, anong nangyayari sa iyo? Dapat depensahan mo ang anak mo. Siya dito ang nasaktan. Depensahan mo naman ang anak mo."



          "Alam mo, nakita ko na ito talaga kay Kristel. Masasaktan talaga ito dahil sa sama ng ugali. Kaya hindi ako magtataka kung may makatapat siya. Kaya next time Kristel, trabahuin mo iyang ugali mo at nang hindi na maulit ang nangyaring ito sa iyo," kalmadong sermon ni Sir Arthuro. "Naintindihan mo?"



          Napaiyak na lang si Kristel at tumango habang inaalo siya ng mommy niya. Ang mommy naman siya ay seryoso na lang tiningnan si Sir Arthuro at pumasok na lang sa tinutuluyan nila. Naiwan si Sir Arthuro na napabuntong-hininga sa nangyari.



          Lumapit naman si Aulric sa akin. "Tara na nga. Mag-walkout na tayo," bulong niya.



          "Paano iyung gala natin?" tanong ko.



          "Ayaw mo? Alis na nga ako."



          Naglakad na paalis si Aulric. Hindi ko alam ang gagawin dahil nga sa paano ang lakad namin nila Jin. Pero gusto ko bang sumama sa gala nila Jin? Ayaw.



          Sumunod na lang ako kay Aulric. Hindi lumingon kahit na tinatawag nila kami.



          Pasado nuebe na ng gabi nang nakabalik na kami sa tinutuluyan namin. Hanggang sa huli, natuloy pa rin ang lakad namin. Sumunod kasi sila Sharina at Jin sa amin kaya natuloy. Gamit ang kotse ko, ginala namin ang halos buong isla Boracay. At habang naggagala naman, nahanap namin ang pangatlong miyembro para sa torneyo. Oo nga pala. Nakita ko si Boyet dito sa Boracay. Pero ayaw niyang sumali dahil gusto niyang makipag-bonding pa sa mga magulang niya. Totoo kaya ang rason niya? O ayaw niya lang talaga kay Aulric?



          “Iyung nahanap niyo bang pangatlong miyembro, iyun iyung waiter sa pinagkainan natin kagabi hindi ba?" tanong ni Aulric na katatapos lang maligo.



          “Yeah. Siya nga iyun," sagot ko.



          Tumayo ako mula sa aking paghiga sa kama at pumunta sa cabinet para maghanap ng pamalit na damit. Sakto na lumapit sa akin si Aulric para may ilagay sa cabinet din. Naamoy ko ang kanyang ginagamit na sabon na sabon ko, at shampoo na shampoo ko. Nag-iinit na naman ako.



          Nang matapos na siya sa pag-aayos ay nagtagpo ang tingin namin.



          “Kaya niyo iyan. Basta ibigay niyo ang lahat. Mananalo kayo," sabi ni Aulric na may ngiti sa labi.



          Natuwa ako sa sinabi niya at ngumiti din ng malawak. “Ahh! Salamat. Ngayon, positibo na ako na mananalo kami. Regardless kung sino ang mga kalaban namin. Huwag lang kami makalaban ng mga artista."



          Natawa si Aulric ng payak. “Hindi! Ibasura niyo silang lahat! Ganoon dapat. Pakainin niyo sila ng buhangin!"



          “Ikaw nga talaga iyan Aulric. Sige. Maliligo na ako." Ngumisi akong nakatingin sa kaniya habang papunta sa banyo. “At gaya ng dati, iiwanan ko lang na bukas ang pintuan ng banyo. Pwede kang pumasok para maligo ulit."



          “Hindi ba bawal iyun sa inyo?" nakakunot-noong tanong niya. “May nabasa ako na bawal kayo gumawa ng ganoon bago ang isang laban."



          Napakamot na lang ako sa ulo. “Ay! Oo nga pala. Bakit pa kasi ako sumali sa torneyo. Hindi tuloy kita pwedeng harasin."



          Humikab si Aulric. “Tsaka pagod na ako Zafe. Sa susunod na iyang iniisip mo." Humiga ka siya sa kama. “Iyung magkapatid na iyun, napakadaming energy para igala ako sa buong Boracay. Magandang gabi."



          Tumuloy na ako sa banyo pero hindi ko pa rin sinasarado ang pintuan. Umaasa pa rin kasi ako kahit na malayong-malayo na mangyari ang iniisip ko.



          Nagsimula ng bumuhos ang malamig na tubig sa aking katawan. Ipinikit ko at pinalakbay ang aking isipan sa mga nangyari ngayon. Lumabas sa isipan ko ang nakangiting si Aulric.



Jin's POV



          “What a crazy guy. Ginawa niya talaga iyun kay Kristel?" hindi makapaniwalang tanong ni Sharina nang makabalik na kami sa aming tinutuluyan mula sa gala namin.



          “Walang duda. Siya talaga iyun," iling ko. “Na-witness ko na iyun ng mga ilang beses na. At ginagawa niya iyun talaga kapag reasonable naman siya." Binagsak ko ang aking katawan sa kama at humiga.



          “Pero nakita mo naman iyung nangyari sa mukha ni Kristel? Oh my God! Tapos iyan pa ang gusto mong lalaki? Baka bugbugin ka niya sa buong relationship ninyo?"



          “Don't judge him. Kapag mabait ka sa kaniya, mabait din siya sa iyo. Napaka-friendly kaya niya sa Drama Club. Halos lahat ng members, kasundo niya. Tapos kapag nakangiti siya, kumakanta ang mga anghel sa langit." Hay! Sana makita ko pa ng maraming beses ang ngiti niya.



          Humugot si Sharina ng buntong-hininga habang umupo. “Hay! In love ka na talaga sa kaniya. Siya nga pala, bakit hindi ka nakapag-confess ngayon?"



          Napabangon ako sa kama. “Hmmppff! Ang malas ko kasi. Naghahanap talaga ako ng pagkakataon para masolo siya. Pero laging may umeeksena."



          “Pero saka na iyan. May naisip akong magandang paraan kung paano ka makakapag-confess. Ipanalo niyo iyung torneyo."



          “Ano? Ipanalo ang torneyo? Ang hirap naman nun. At saka hindi ako sigurado kung papasa talaga ang kakayahan ko na maglaro ng basketball. Baka maging pabigat lang ako sa kupunan ni Zafe."



          “Basta! Manalo, o matalo, kailangan mo ng mag-confess sa kaniya. At nandito tayo sa Boracay. Kung gusto mo nga, habang papalubog ang araw, mag-confess ka. Hindi ba napaka-romantic nun?" sabi niya habang ini-imagine ang eksena na nasa isip niya.



          “Teka? Pangarap ko ba ito o pangarap mo na naudlot dahil binasted ka ni Zafe?" biro ko.



          Galit na kinuha ni Sharina ang unan sa kanyang inuupuan at ibinato sa akin. Habang tumatawa ay tumama ito sa akin. Pero hindi nahinto ang aking pagtawa. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Dream niya kasi na mag-confess si Zafe habang nakatayo sila sa dalampasigan at lumulubog ang araw.



          “Bahala ka! Kung hindi man matupad ang pangarap ko, at least naman sa pinsan ko, matupad."



          “Salamat Ate Sharina," ngiti ko. Pero sana nga, matupad iyang iniisip mo. Na malaman ko na gusto din niya ako.



Aulric's POV



          Ilang araw na ang nakalipas, araw na ng torneyo na sinasalihan nila Zafe. Kabadong-kabado si Jin dahil ngayon pa lang niya susubukan ang kakayahan sa basketball.



          “Baka naman kasi marunong lang ako mag-basketball at hindi pero hindi ako magaling," kinakabahang saad ni Jin. At pinapawisan na siya agad. Kung siguro suot niya ang kanyang salamin, baka lagi niya iyung punasan. Pero ngayon ay nakasuot siya ng eye contacts.



          “Ano ka ba?! Kaya mo iyan Jin! Kanina pa namin sinasabi sa iyo na maniwala ka sa sarili mo. Mananalo ka!" sabi ni Sharina para naman lumakas ang loob ni Jin.



          “Normal lang iyan Jin. Ganyan din ako noong unang sabak ko. Umaapaw ang kaba sa aking katawan," dagdag ni Zafe. “Ganito na lang. Isipin mo na lang na naglalaro tayo para sa ating kasiyahan. Okay?"



          “O-Okay. S-Susubukan ko," tugon ni Jin.



          “Tinatawag po ang kupunan nila Zafe Neville, Jin Bourbon-" sabi ng announcer.



          “Ohh! Tawag na kayo! Itse-cheer na lang namin kayo." Lumingon ako sa pangatlong miyembro nila. “Good luck din po kuyang waiter," sabi ko. Baka magtampo si kuya at ipatalo ang laban dahil hindi namin siya pinapansin.



          Pumunta na sila sa court para maglaro at kami sa bleachers. Si Sharina naman ay tili ng tili para lang makapag-cheer. Bakit ko nga ba sinabi sa kanila na itse-cheer ko sila Zafe at Jin? Ehh hindi pa naman ako magaling sa ganoong bagay?



          Inabot na ng kinabukasan ng hapon nang matapos na ang torneyo. Ang mga kasaling manlalaro sa torneyo ay magagaling. Meron ding mga kilalang artista na sumali. Pero sa kabila nun, nanalo sila. Nagbunga ang pagtse-cheer namin ni Sharina at ang pag-eensayo ni Jin dahil sa nangyari. Kaming lahat ay tuwang-tuwa pati ang papa niya na nanonood din. Pero ang totoo, nadala sila ni Zafe. Ang galing din kasi niyang magbigay ng instructions sa mga kasama niya kaya nanalo sila.



          “Aulric, pwede ba kitang makausap ng sarilinan?" tanong ni Jin. Huh? Anong meron kaya sa taong ito at gusto ako makausap ng sarilinan?



          “S-Sige," sagot ko.



          “Anak, bumalik kayo sa hotel pagkatapos niyan. Magse-celebrate tayo sa pagkapanalo ninyo," bilin ng papa niya.



          “Sige po. Susunod po ako papa," tugon ni Jin.



          “Zafe, alis muna ako. May pag-uusapan lang kami ni Jin," paalam ko naman sa kaniya.



          “Ganoon ba? Sige. Alam mo naman kung saan iyung kwarto nila sa hotel hindi ba?"



          “Oo. Alam ko." Bigla kong naalala si Kristel at ang pamilya niya. “Siya nga po pala. Kasama din po iyung pamilya ni Sir Arthuro na magse-celebrate?" tanong ko sa papa ni Jin. Nanood din kasi sila ng laban at nalaman ko na magkaibigan ang pamilya nila. Nauna naman silang umalis nang matapos ang laro.



          “Umm, hijo, magpatawaran na kayo. Kaibigan ko sila at hindi ko sila pwedeng paalisin sa selebrasyon," sagot ng papa ni Jin.



          “Umm, no. Hindi po sa ganoon. Hindi pa po ako humihiling na palayasin niyo po sila sa kasiyahan," natatawang biro ko. “Ang totoo po niyan, siguro ay antayin ko na lang po ang party sa tinutuluyan namin ni Zafe. Nirerespeto ko po iyung pagkakaibigan ng pamilya ninyo at dapat lang na ako ang magparaya. Sa katunayan nga po, naisip ko po na nasa mali ako dahil sumobra ako sa paglabas ng aking galit kay Kristel. Please relay my apologies to the family and to her as well. Kung naging mas malamig lang po sana ang ulo ko noon."



          “Such a humble statement. Don't worry Aulric. I will."



          “Salamat po." Bahagyang akong yumuko para umaapaw ang sinseridad sa aking mga sinasabi. “Aalis na po kami ni Jin."



          Marahang tumango ang papa ni Jin. Pagkatapos ay naglakad na kami ni Jin papunta sa lugar kung saan niya gustong pumunta. Hindi ko na inusisa ang mukha nila Zafe at Sharina na nagulat sa aking ginawa. Teka? Saan ba kami pupunta ni Jin? Base sa direksyon na tinatahak namin, parang papunta ito sa dalampasigan.



          “T-Totoo ba iyung mga sinabi mo kanina?" naitanong ni Jin nang medyo malayo na kami.



          “Sa totoo lang, hindi ko alam," walang amor kong sagot.



          “Huh? Hindi mo alam?"



          “Conflicted kaya ako. Gusto kong patawarin si Kristel, para ring hindi. Kaya mas maganda na iabot ko na lang ang paghingi ko ng sorry sa papa mo. Baka sakaling gumana. Iniisip ko kasi na kapag sa pamilya mismo ni Kristel ako nagsalita, baka hindi sila maniwala. Lalo na iyung mommy niya na sarado ang utak, ewan ko kung maniniwala iyun. Baka paluhurin pa ako ng asin na magiging dahilan ng panibagong away," paliwanag ko. “Teka? Tumono ba akong sarkastiko sa mga salitang binitiwan ko kanina?"



          “Ahh! Hindi naman. Akala ko pa nga, sinsero ka sa mga sinasabi mo." Ano kaya ang ibig sabihin ng sinasabi niya? Bakit medyo nainis ako?



          “Oo nga pala. Ano nga pala ang pag-uusapan natin at dapat pa tayong mag-usap sa dalampasigan?"



          “Basta."



          Mga ilang minuto kaming naglalakad sa dalampasigan. At pagdating sa dalampasigan ay naglakad pa rin kami ng ilang mga minuto. Napapansin ko na palaging siyang bumubuntong-hininga. Nasa likod lang kasi ako at siya iyung nasa unahan. Kailan ba matatapos ang paglalakad na ito para lang sabihin niya sa akin ang gusto niyang sabihin? Subukan ko kayang gawin ang aking disappearing act at baka mapunta na kami sa dulo ng mundo? Ay! Hindi pwede iyan Aulric. Pagbigyan mo pa siya ng ilang segundo ng buhay mo.



          Habang naghihintay sa sasabihin ni Jin, napansin ko ang papalubog ng araw sa kanluran. Napakaliwanag pa rin nito kahit papalubog na pero hindi mo mararamdaman ang init dahil sa malakas na hangin na humahampas sa aking balat. Nakakatulong din ang lamig ng dagat sa aking mga paa na sinusubukan pa rin nitong abutin ang parte ng lupa na hindi pa rin niya naaalunan. Maghintay ka ng tsunami at siguradong maaalunan mo ang buong kalupaan.



          Lumingon naman ako sa kabila. Ngayon ko lang napansin na may ilang magkakapareha ang nakaupo sa buhanginan. Pinapanuod nila ang paglubog ng araw habang nakikipag-usap. May iba naman na nakita kong naghahalikan. Teka Jin? Sigurado ka ba na sa lugar na ito dapat tayo mag-usap ng sarilinan?



          Nagulat naman ako nang biglang humarap si Jin na may determinadong mukha. Narinig niya kaya ang sinasabi ng isip ko at magpapalit na kami ng lugar kung saan kami dapat mag-usap?



          “Aulric, may ipagtatapat ako," pagbasag niya sa kanyang katahimikan.



          “Ano iyun?" nadismaya kong tanong. Akala ko, lilipat na kami ng lugar kung saan kami dapat mag-usap.



          “Gusto kita!"



          Bingi na ba ako? Bakit niya ba ako kailangan sigawan para sabihin ang bagay na iyun? Gusto niya ako? Wow. Hindi ko akalain na gusto ako ni Jin. Teka? Gusto? Katulad ba ito sa mahal kita ni Zafe?



          “Gusto mo ako? Bakit? Wait? Iyung word mo ba na gusto is gusto kitang maging boyfriend or something? Pakisabi sa akin para malinawan ako. Baka magkaroon tayo ng misunderstanding." walang amor kong tanong.



          “Uhh? Oo. Gusto kita. Paano ko ba ito sasabihin?" Kung saan-saan naman siya nakatingin bago ako tingnan ng diretso. “Noong una, akala ko, may problema ako sa aking puso. Sa high school, hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Hindi nga kumpleto dahil ayaw mo laging makita ako ng mga tao na kasama ka. Kaya nalulungkot ako dahil gusto kitang makisama. Iniisip ko, ano kayang mga bagay ang gusto mo? Ano ang paborito mong pagkain, paboritong tugtugin, paboritong lugar, at kung ano-ano pa. Kaya nang malaman ko na sa eskwelahan ka namin mag-aaral, natuwa ako dahil sa wakas. Araw-araw na kitang makikita sa eskwelahan. Kahit na hindi magkapareho na course ang kinukuha natin, nasa iisang club naman tayo. At, at, natutuwa talaga ako. Nakikita kitang ngumiti na hindi mo ginagawa noon, mas lalo ko pang nakilala kung ano talaga ang ugali mo. At masasabi kong gusto kita. At oo. Gusto kitang maging boyfriend."



          Natawa ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero natatawa ako sa mga sinasabi niya. Iyun lang pala ang sasabihin niya. Hindi ko napaghandaan iyun.



          “Pasensya na. Pasensya na. Natatawa talaga ako. Ewan ko pero humaba ata ang buhok ko. Ay hindi. Ulo ko pala iyun na lumaki," pilit kong sinabi sa kabila ng aking malakas ng pagtawa."



          “A-Aulric, seryoso ako sa mga sinasabi ko. Gusto kita," pag-uulit niya.



          “Yeah. Narinig kita. Malinaw na malinaw." Humugot ako ng buntong-hininga pagkatapos ng aking pagtawa. “Pero hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Jin. I don't feel the same on what you feel about me right now. I'm sorry," seryosong wika ko.



          Nag-iwas siya ng tingin at tumungo. “G-Ganoon ba?"



          “Muli, I'm sorry. Sayang pa naman itong magandang paglubog ng araw dito sa Boracay, ang lamig pa ng hangin na humahampas sa balat ko, low tide, at higit sa lahat, napaka-romantic ng spot natin," sabi ko habang lumilingon sa lugar. “Jin, you are a good friend for me. At sa tingin ko, isa sa mga tao sa mundong ang taong nararapat sa iyo. Pasensya na ulit, hindi ako iyun. Pero salamat at nag-fill in ka sa mga taong nag-confess sa akin. Akala ko, wala na talaga. Sa ugali ko ba namang ito, may tao bang gustong mag-confess sa akin?"



          Natawa siya ng mahina at inangat ang tingin. “Y-Yeah. A-Alam ko ang sinasabi mo. P-Pero ni-reject mo ako."



          “Yeah. Ni-reject kita dahil iyun ang dapat. Hindi dahil sa hindi ako pumapatol sa, wait, it's not a point. It's a stupid point." Humugot ulit ako ng malalim na hininga. “Alangan naman paasahin kita at sabihin kong may chance tayong dalawa Jin, hihingi ako sa iyo ng malaking sum ng pera, at etcetera. Hindi ako ganoon Jin. Alam mo iyan. Napaka-straightforward ko hindi ba? Sinasabi ko palagi ang nasa isip ko? Kung may gusto talaga ako sa iyo, sasabihin ko talaga. Pero hindi. I'm sorry ulit Jin."



          “O-Okay. Okay. Tama na iyang pagso-sorry mo. K-Kasalanan ko naman ehh na nagkagusto ako sa iyo." Napabuntong-hininga si Jin.



          “Ohh! No, no, no, no. You don't say it that way. Come on! Hindi naman ata kasalanan ang mahulog sa isang tao na kapag guilty ka ay ikukulong ka. But, yeah. Alam ko. Wala akong kasalanan."



          Awkward. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa sitwasyon na ito. Hindi ko alam dahil hindi ko ito inaasahan. Kaya pala medyo nararamdaman ko na may gustong ipahiwatig si Jin sa mga ginagawa niya. Gusto niya ako. Kaya lang, nasayang iyun lahat dahil sa pagtanggi ko. Bakit ba? Kung gusto ko na si Zafe lang, si Zafe lang. Hmm, ano kaya kung magtapat ako sa kaniya na may napupusuan na ako kaya ni-reject ko siya? Ipagtapat ko ang magulong relationship namin ni Zafe? Magtanong na siya para matapos na ito.



          “Sige Aulric. Babalik na ako sa tinutuluyan namin," paalam niya. Naglakad na siya pagkatapos. Ay! Sayang! Akala ko magtatanong siya.



          “Mag-ingat ka sa pagbalik mo," mahinang sabi ko kahit na alam ko na hindi niya ako maririnig.



          Napabuntong-hininga ulit ako. Sa tingin ko naman, matatapos na ang pagkagusto ni Jin sa akin. Dahil kung hindi pa, problema na naman ito. Dahil hangga't maaari, tatanggalin ko ang koneksyon ko sa kaniya. Pero hindi naman siya nagpumilit na gustuhin ko siya hindi ba? Sayang naman kasi. Ang katulad niyang mabait na bata, mapupunta sa akin? Huwag na.



          Bumalik na ako sa tinutuluyan namin ni Zafe. Wala akong nadatnan pagbalik. Baka nagpa-party pa rin si Zafe kila Jin. Hay! Okay lang. Sanay pa rin naman ako na mag-isa. Kung sakaling masira ang relasyon ko sa mga kaibigan ko at kay Zafe, okay lang. Ang kailangan ko lang sa buhay ko, ang nanay ko. Bonus o consolation na lang sila sa college life ko. That is kung ganoon talaga sila sa buhay ko.



          “Aulric, gising na," sabi ni Zafe sa malambing na tono.



          Minulat ko ang aking mata. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip.



          “Anong oras na?" tanong ko sa kaniya habang bumabangon sa kama.



          “Oras na para mag-party!" masiglang sagot ni Zafe. “Bangon na! May dala akong pagkain at ilang beer!" Tumayo si Zafe at inayos ang mesa.



          Bumangon naman ako at kinusot ang aking mga mata. Napahikab ako at tumingin sa analog clock na nasa side table. 2100? Teka nga? Bakit ganito iyung oras? May lalampas pa ba sa 12? Ay! Hindi bale na nga! Ang sakit sa utak.



          Tumungo na ako sa lamesa at umupo. May nakalagay na pansit, lechon, at beer. Ang bibigat naman nito sa tiyan. Medyo madami kaya.



          “Kain lang. Tutunawin natin iyan lahat," makahulugang biro niya habang tumutungga ng beer.



          Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na akong kumain. Napakasarap. Mauubos ko itong lahat kung ganito kasarap ang pagkain.



          Ilang minuto ang nakalipas, naubos ko na ang mga pagkain na dinala ni Zafe. Tahimik lang kaming dalawa at inuubos ang beer na iniinom. Yey! Ito talaga iyung sinasabi kong dadalhin ni Zafe ang party. Dinala niya din pati ang katahimikan.



          “Ano iyung pinag-usapan ninyo ni Jin?" tanong ni Zafe na nagpabasag ng katahimikan sa kwarto.



          “Mga bagay-bagay. Gaya ng may gusto pala siya sa akin," sagot ko na hindi iniisip ang mararamdaman sa aking sasabihin.



          “Ha! Sabi ko naman sa'yo, may gusto iyun sa iyo ehh!"



          “Aba! Pasensya na. Masyado akong distracted sa katotohanang gusto kita!"



          “Oo. Alam ko na iyan! Gusto mo ako!" Natawa ng payak si Zafe. “Sabihin mo nga sa akin. Anong dahilan at ako ang nagustuhan mo?"



          “Oi, ako muna ang magtatanong! Ano ang dahilan at gusto mo ako?" pagbalik ko sa tanong niya.



          “Umm, unang-una, iyang ugali mo ang nagustuhan ko sa iyo. Totoo ka. Sinasabi mo kung ano ang nasa isip mo. At iyang mga mata mo na kung makatingin ay patay na lahat ng mga tao sa paligid, isa pa iyan. Gusto kong lumiwanag iyan na ako ang dahilan. Na kahit gaano kadilim o kaliwanag ang mundo sa iyo, gusto kong malaman mo na nandito ako para sa iyo. Magulo man itong relasyon natin na tayo pero hindi tayo, nandito lang ako para sa iyo," mahabang paliwanag niya. “Ikaw naman! Sabihin mo kung bakit mo ako nagustuhan!"



          “Ako? Hmm, hindi ko alam. Baka dahil basketbolista ka?" tipid na sagot ko.



          “Talaga? Hindi dahil sa looks ko?" Nagpagwapings pa siya. “Hindi ba dahil sa pang-atleta itong katawan ko? Hindi ba dahil sa mapula ang mga labi ko?"



          “I'm glad to disappoint you na none of the above! Gwapo din kaya sila Andrew, Isaac, Knoll, Ricky, at Caleb. Iyang katawan mo, meron din iyan sa football club ata. Iyung lips mo, pula din naman kay Andrew at Ricky. Pero ang dahilan kung bakit gusto kita? Hindi ko pa rin talaga alam."



          “Hmm! Okay. Maganda iyan. Huwag ka ng maghanap mas lalo mo pa akong hanapin kung bakit iyang puso mo, baliw na baliw sa akin."



          Pinakinggan ko kunyari ang tibok ng puso ko. “Baliw si Zafe, baliw si Zafe, baliw si Zafe. Iyun pala ang sinasabi ng puso ko."



          Natawa kaming dalawa. Baliw naman talaga siya. Tapos napaka-assuming na tumitibok daw ang puso ko para sa kaniya. Hindi naman.



          Natigil sa pagtawa si Zafe. “Oi, naririnig ko na iyang mga iniisip mo. Ako, assuming? Hindi. I'm just stating the facts. Naalala mo noong isang araw na pinatungan mo ako? Bumilis ang tibok ng puso mo."



          “Bumilis ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako," pagdadahilan ko.



          “Sa akin? Kinakabahan? Iyun pala ang mukha mo kapag kinakabahan? Kinakabisado ang aking pagmumukha?" Tumawa si Zafe ng malakas. “Hay nako! Lasing ka na siguro Aulric. Marami-rami na rin ang nainom mong beer kaya kung ano-ano na ang pinagsasasabi mo."



          “Hindi pa ako lasing."



          “Karaniwang linya ng mga lasing, tsek!"



          “Ehh ikaw? Lasing ka na din."



          “Sa tingin ko. Dahil dalawang Aulric na ang nakikita ko. Mukhang pwede na ako makipag-threesome kung papayag iyung isa."



          Napailing na lang ako sa usapan namin habang tumawa ulit si Zafe. Lasing na nga kami pareho. Ano nga ba ang sinasabi ng mga tao tungkol sa mga nalalasing? May mga bagay na hindi maalala? Pero mukhang maaalala ko ito bukas.



          Sinubukan kong tumayo kahit medyo nahihilo na ako. Lumakad ako papunta sa kama at umupo. Hinubad ko ang aking t-shirt habang nakaharap sa kaniya at binigyan siya ng nang-aakit na tingin.



          “Halika dito Zafe. Gawin na natin iyung bagay na gusto mong gawin," sabi ko sa malanding tono.



          Lalong tumawa ng malakas si Zafe. “Seryoso? Iyan na iyung malandi mong boses?! Dapat pala ni-record ko para may souvenir ako kung paano mo sinabi iyan. Pero pasensya na. Ayokong gawin ngayon," pagtanggi niya. “Hindi ko maaalala kinabukasan kung ano ang nangyari kapag nakainom ako."



          “Nakakairita ka naman. Sisiping na nga lang, ang dami pang requirements," simangot ko. “May DOSA ba ang bansa natin? Department of Sexual Affairs? Or Department of Siping Affairs?"



          “Nagsalita iyung taong tagapamahala ng DOSA. Sino kaya sa atin ang taong maraming requirements para sipingan siya?" sarkastiko niyang sabi.



          “Bahala ka! Matutulog na ako!" simangot ko.



          Itinago ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at ipinikit ang mata. Kunyari ay nagtutulug-tulugan ako. Humilik pa ako para mas maging makatotohanan. Maya-maya ay nararamdaman ko ang paggalaw ng sahig. At pagkatapos, inalis ni Zafe ang kumot.



          “Ano ba? Natutulog ang tao!" kunyaring pagmamaktol ko.



          Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangisi at wala na din ang kanyang pang-itaas. Teka nga? Ilusyon lang ba ang nakikita ko?



          Habang nakatingin sa kaniya, hindi ko namalayan na kung saan-saan niya nilagay ang nga kamay niya. Napapikit ako para maramdaman at matukoy kung saan niya nilagay ang kanyang mga kamay. Napakainit nito sa balat ko. Parang mapapaso ako.



          Pero ang pumaso sa akin ay kinikiliti niya ako. Nataranta ako at lumaban pero hindi ako makaganti ng maayos. Lagi iyung na bubulilyaso sa tuwing sinusubukan ko.



          Natigil naman siya sa pagkiliti at nagkatinginan kami. Nakangisi na naman siya na parang may gagawin pang kalokohan.



          “Sabihin mo nga. Ano iyung pinag-usapan ninyo ni Jin?" tanong niya.



          “Huh? Bakit ka interesado?" simangot ko. “Tsaka sinagot ko na iyan kanina hindi ba?"



          “Siyempre. Si boy, may gusto kay senpai pero hindi halata. Na-notice naman siya ni senpai pero matigas pala itong si boy. Nakilala ni senpai ng mas mabuti si boy at lalo siyang nagkagusto kay boy. Isang araw, may isa pang boy ang kumausap sa boy ni senpai. Si senpai, alam niya na iyung boy na iyun, may gusto din sa boy niya. Ngayon, gustong malaman ni senpai kasi senpai cares," kwento niya. Hindi ko maintindihan.



          “Ano iyung senpai?" naguguluhan kong tanong.



          “Forget it. I-summarize ko na lang," bigla niyang sabi. “Siyempre, gusto kong malaman kung ako pa rin ba, o siya."



          “Siya. Kaya wala ako dito ngayon," sarkastikong sagot ko.



          Biglang sinugod niya ang kanyang labi sa labi ko. Napakainit at napakapusok ng pagkakahalik niya. Ipinikit ko ang aking mata para lang maramdaman iyun ng mabuti.



          Ibinaba na niya ang paghalik. Hindi na ako nakagalaw dahil sa sarap ng aking nadarama. Ito ba iyung pinapangarap ko dati? Ang totoong plano ko talaga dati ay kaibiganin lang si Zafe. Wala akong balak ng mas hihigit pa doon. Oo, alam kong gusto ko siya. Pero nagbago lahat ang mga plano kong iyun dahil mas nauna siyang sumugod.



          Itinulak ko siya papalayo sa akin at ibinuka ang aking mga mata. Baka panaginip lang ito at baka magising din ako mamaya.



          Nagtaka siya sa ginawa ko at nakatingin lang din siya sa akin. Pagkatapos, idinampi ko ang aking kamay sa kanyang mukha. Paano? Bakit ko nga ba siya gusto? Hindi ko maintindihan. Ganito ba talaga ang magmahal?



          Kinuha ni Zafe ang kamay ko at hinalikan iyun habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata. “Anong problema? Bakit ka ganyan makatingin?"



          “A-Anong sinasabi mo? Bakit? Paano ako ba ako tumingin?"



          Inilapit ni Zafe ang kanyang mata sa akin. “Ay nako! Baka kung ano-ano na ang nakikita ko dahil lasing na lasing ako." Humugot siya ng malalim na hininga pagkatapos inilayo ang mukha. “Oo nga pala. Pasensya na talaga doon sa bagay na may kinalaman si Sharina. Alam kong dapat, o hindi ba nga dapat? Teka? Dapat, o hindi dapat? Ay! Di bale na lang! Basta!"



          “Forgiven."



          “Ang bilis naman! Magpakipot ka kaya."



          “Umm, straight kasi ako. Lalo na iyung pag-iisip ko," biro ko.



          “Ulul! Walang maniniwala sa iyo. Lalo na ako. Kasi ngayon, hindi ka straight at iyang pag-iisip mo. Lasing ka kaya. Ay! Tama na nga ang usapan na ito. Gusto kong i-claim ang reward ko."



          Ipinagpatuloy ulit niya ang paghalik. Mas lalo akong nag-init habang nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Halos kapareha nito sa puso ko.



          Umikot kami at nagpalit ng posisyon. Ibinaba ko ang paghalik ko sa leeg, sa tenga, papunta sa medyo mataba niyang dibdib na konting taba pa ay magmumukhang suso na ng babae. Teka? Tama ba ang pagkakalarawan ko sa dibdib niya? Baka dahil sa lasing na ako.




          Ungol siya ng ungol habang ginagawa ko iyun. Nararamdaman ko naman ang kanyang kamay na naglalaro sa aking likuran. Pataas-baba ito banggang sa maramdaman ko ang paghawak niya sa pwet ko.



          Tumigil ako. Nagkatinginan kami at tiningnan ko siya ng seryoso. Bakit iyung paghawak niya sa pwet ko, may pakiramdam ako na dapat ko siyang sapakin?



          “Bakit? Ang lambot kaya," nakakaloko niyang sagot. “Huwag mo na iyang pansinin. Ipagpatuloy mo na lang ang ginagawa mo. Hindi ko alam kung may guide ka ba para dito na sinusunod, pero ituloy mo lang." Kung hindi ko siya pwedeng suntukin, siguro, kagatin ko na lang siya.



          Binuka ko ang aking bibig at marahang kinagat ang kanyang dibdib.



          “Ahh, shit! Bampira ka ba Aulric?" sensual na ungol ni Zafe.



          Ipinagpatuloy ko pa ang pagkagat sa iba pang parte ng katawan niya. Hindi ko mawari kung nasasaktan ba siya o nasisiyahan sa ginagawa ko. Kaya kagat lang ng kagat ang ginawa ko. Hanggang sa mapunta ako sa ibaba niya. May kung anong bagay doon sa shorts niya na malaki. Kinagat ko din ito ng marahan at napaungol talaga si Zafe.



          “Huwag mo naman sana totohanan ang kagat mo pagdating diyan," rinig kong sinabi ni Zafe.



          Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ito gagawin. Ano ba ang gagawin ko sa parteng ito?



          Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at pinakiramdaman ang dapat kong gawin ngayon.



          “Gusto mong turuan kita?" rinig kong tanong ni Zafe.



          “Shut up! Hayaan mo muna ako."



          Dumilat ako at ibinaba ang boxer shorts niya at nakita ang malaking bagay na iyun na tumama sa mukha ko. Hinawakan ko iyun at itinaas-baba ang aking kamay. Ungol naman siya ng ungol si Zafe habang ginagawa ko iyun. Teka? Bakit napakalaki nito kumpara sa akin? Ang laki-laki pala.



          Dinilaan ko muna ang pinakaulo para masigurado kung ano ang lasa nito pagdating sa bibig ko. Alam niyo na, dito nanggagaling ang ihi tapos ilalagay ko ito sa bibig ko?



          Wala akong nalasahan na nakakadiri sa aking ginawa. Ang lasa ay para lang itong sinisipsip ang iyong sariling balat. Hindi naman pala nakakadiri. Tapos may mga babae pa akong nakikita na kung maka-yuck kapag napag-uusapan ang ganitong bagay, hay! Ewan!



          Ipinasok ko ito sa bibig at marahang sinipsip. Iniisip ko kasi na baka sumobra ako ng pagsipsip, may ihi na lumabas. Iyun ang nakakadiri. Pero iba ang sinasabi ng instinct ko sa bagay na ito. Huwag pigilan ang sarili.



          Sinubukan kong ipasok ang kabuuan nito pero hindi ito kasya. Napakainit nito sa aking bibig. Si Zafe naman ay ungol ng ungol at minumura pa ako sa ginawa ko. Nararamdaman ko din ang paghawak ng kamay niya sa buhok ko.



          Pasulyap ko siyang tiningnan at nakita na nakatingin siya sa kisame. At ang isang kamay niya ay hinahawakan ang sarili.



          Ipinagpatuloy ko lang ang ginawa ko hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya na ulo ko na pilit pinapalunok sa akin ng buo ang pagkalalaki niya. Pilit ko itong nilabanan pero napakalakas niya. Napakarahas ng ginawa niya na halos masuka ako.



          “Malapit na ako! Lunukin mo Aulric!" sigaw ni Zafe.



          Nasa ganoon akong kalagayan nang naramdaman ko na may bagay na lumabas mula sa pagkalalaki niya. Sinunod ko lang ang sinabi niya at nilunok ang bagay na iyun. Hindi ko ito nalasahan dahil sa kamay ni Zafe na nakatulak sa pagkalalaki niya.



          Sa wakas, at naramdaman ko na hindi na niya itinutulak ang ulo ko sa pagkalalaki niya. Pinatungan ko ulit siya at niyakap ni Zafe.



          “Matanong ko lang Aulric. Ako ba ang first time mo?" tanong niya. “Ako, ikaw ang first time ko. Sa buong buhay ko."



          “Paano mo nasabi? At tsaka ako? Gagawa ng ganitong bagay sa ibang tao na hindi ko mahal? Ayoko nga," paliwanag ko.



          “Wow! So mahal mo ako?"



          Nag-iwas ako ng tingin. “Mukhang ako lang naman. Ikaw ba? Mahal mo ba ako?"



          “Oo naman. Mahal kita," sagot niya. “At tsaka humarap ka kaya sa akin. Baka namumula ka at gusto ko iyan makita."



          Humarap ako sa kaniya. Tama siya. Namumula ang mukha ko sa mga sinasabi niya. Mahal niya daw ako.



          Muling naglapat ang labi namin at dahan-dahan na nagpalit na naman ng posisyon. Ako sa ibaba, siya naman sa ibabaw.



          Ibinaba niya ang paghalik. Kung ako ay marahan siyang kinagat pababa hanggang sa umabot sa parteng iyun, siya naman ay sinipsip niya na parang may bagay siyang nakukuha sa ginagawa. Ungol ako ng ungol sa sarap na nadarama at nagpaliyad-liyad. So ito pala ang nararamdaman niya sa ginawa ko kanina.



          “Kung first time mo ito bakit parang napakagaling mo sa iyong mga ginagawa?" tanong ko.



          “Nakalimutan mo ata ai Ricky," natatawa niyang sagot. “Lagi siyang nagkikwento at dine-describe niya, na ini-imagine ko, at iyun. Heto na ang product." Oo nga pala.



          Pero imbes na sa pagkalalaki ko siya tumuloy, tumuloy siya sa aking pwetan. At habang may ginagawa siya, nararamdaman ko ang kamay niya sa pag-aari ko na pataas-baba. Teka? Hindi ba mas kadiri iyung ginagawa ni Zafe dahil, hindi bale na nga. Pero napakasarap din ng ginagawa ni Zafe sa totoo lang.



          Ilang minuto ang nakalipas, pumatong ulit si Zafe sa akin at humalik habang ang isang kamay niya ay nararamdaman ko pa rin sa aking puwitan.



          “Ipapasok ko na ba?" tanong niya sa gitna ng aming mga halikan.



          “Bahala ka sa gusto mong gawin," sagot ko.



          “Bahala ka. Sabi kasi ni Ricky, pagdating daw sa lalaki ay masakit ito."



          “Okay lang. Sanay na akong masaktan at manakit ng mga tao sa paligid ko."



          “Anong klaseng sakit? Pero sigurado akong wala ito sa sakit na nararamdaman mo."



          Itinaas ni Zafe ang aking mga paa at ipinatong sa balikat niya. Pagkatapos noon ay naramdaman ko na ang pagpasok ng pag-aari niya sa puwitan ko. Habang pumapasok siya ay matinding sakit ang nadarama ko. Sakit na hindi ko pa naranasan kahit kailan. So ito pala ang sakit na sinasabi ni Zafe. Parang mahahati ang kaluluwa ko. May dugo kaya na lumalabas?



          “Ay nako Aulric. Pasensya na," paghingi niya ng dispensa. “May tumulong dugo mula sa puwitan mo."



          “Kailangan mo pa bang sabihin iyan? Nararamdaman ko kaya iyan," naiinis kong sabi. “Ano ba iyan! Dapat kasi, ako ang nasa itaas para ikaw ang masaktan ng ganito. Bakit ba ginagawa ito ng mga tao ehh ang sakit?"



          “Teka? Tiisin mo muna. Paano nga ba ginagawa ito?"



          Hinayaan ko na lang si Zafe sa mga gagawin niya. Sinubukan ni Zafe gumalaw. Ang sakit-sakit kapag gumagalaw siya. Pero buti na lang at dahan-dahan siya. Kung hindi, babangon ako at sasapakin siya.



          Maya-maya ay nararamdaman kong bumibilis na siya. Medyo masakit pa rin pero may kakaibang sensasyon akong nadarama. Parang gusto ko pang bumilis si Zafe. Napapaungol ako sa sarap.



          “Ayos ka lang ba?" tanong niya. “Parang uminit ka Aulric. Nararamdaman ko kasi sa pagkalalaki ko. O baka ako lang iyun."



          “Tumigil ka na nga lang sa pagbibiro," walang amor kong sabi.



          “Pasensya na. Sandali lang. Gumilid tayo."



          Nagpalit kami ng posisyon. Patagilid kaming humiga ni Zafe habang nasa loob ko pa rin siya. Inangat ko ang isa kong paa dahil mas komportable ako sa posisyon na iyun. Nagsimula na naman siya ulit na gumalaw. Napakasarap na ng aking pakiramdam. Nakayakap kasi siya sa akin mula sa likod at hinahalikan ni Zafe ang aking leeg. Naririnig ko pa mula sa bibig niya na minumura ako pero may halong pagmamahal.



          “Aulric, malapit na ako," rinig kong sinabi niya.



          Mas lalo pa siyang bumilis at humigpit ang pagkakahawak sa akin. Iyung tipong akala ni Zafe na tatakas ako. Ako din, may nararamdamang may lalabas sa pagkalalaki ko. Mukhang malapit na din ako.



          Biglang tumigil na si Zafe sa paggalaw pero nakahawak pa rin siya ng mahigpit sa akin.  Nararamdaman ko ang kung anong likido sa puwitan ko. May lumabas namang puting likido sa ari ko. Kahanga-hanga. Ni hindi ko nga hinahawakan.



          “Oi, paano iyun?" turo niya sa ari ko.



          “Hindi ko alam!" asik ko. “Ano? Masaya ka na? May nangyari na sa atin."



          “Siyempre naman. Mukha ngang matagumpay ang unang subok ko," bulong niya sa tenga ko. Pagkatapos ay humalik dito hanggang sa leeg.



           Humarap ako ng higa kay Zafe. “That sounds like an indirect isa pa."



          “Well, kung gusto mo pa ng isa pa, ehh di, isa pa. Umm, susunod ako sa gusto mo. Just tell me."



          Humikab ako. “Sa tingin ko, matulog na tayo. Inaantok ako."



          “Okay. Halika dito sa dibdib ko at nang makatulog ka na ng mahimbing," nanlalambing niyang alok.



          Patay ko siyang tiningnan ng ilang segundo bago lumapit sa kaniya. At pagkalapit ko ay ipinulupot ni Zafe ang braso niya sa likuran ko habang marahang humihimas. Napakainit ng mga katawan namin. Natalo na siguro namin ang lamig na binibigay ng aircon.



          “I love you Aulric. Okay lang kung hindi mo pa sasabihin sa akin ang mga salitang iyun. Pero isipin ko lang na sabihin mo iyun, kinikilig na ako," rinig kong sinabi ni Zafe habang natutulog na ako. Ganoon ba? Pero hindi pa ngayon na kailangan kong sabihin iyan. Magiging masakit para sa akin kapag...



ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails