Followers

Thursday, September 24, 2015

Loving You... Again Chapter 29 - Magic of Bourbon Brothers University




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Ang Magic ng Coffee Farm by sir Ponse. Talagang inaabangan ko ang update kahit na medyo matagal. Hindi pa tapos ang story pero ang ganda ng pagkaka-Supernaturalistic ng story. Lalo na si Lola haha. Wala na akong masyadong masabi kung hindi maganda din ang storya niya. >_<  











Chapter 29:
Magic of Bourbon Brothers University


















































Sharina's POV



          「1 month ago...



          Maraming wonders ang buhay. Gaya ng paano nagagawa ng mga magicians na magpalabas ng mga bagay-bagay mula sa buhok, sumbrero at maghati ng katawan. Ang sikreto diyan ay mabilis na kamay at gumaganang utak. May mga nag-reveal na ng mga sikretong ito at doon niyo na nga lang hanapin kung paano. Ayokong magsalita dahil iyun ang isa sa mga rules na pagiging mahikera.



          Bukod pa rito, paano umaayon sa atin ang tadhana? At bakit minsan ay hindi? Anong hiwaga ng buhay ang nagpapasang-ayon at hindi nagpapasang-ayon dito? Bakit kailangan mangyari ang mga bagay-bagay?



          I'm Sharina Bourbon. 19 years old pa lang ako nang matutong magsagawa ng magic tricks. Alam kong useless na sabihin ko pa ito pero iyun lang ang masasabi ko sa ngayon. Nasa kalagitnaan pa rin kasi ako ng discovery stage kaya wala akong masabi.



          Anong saya ko nang makuha ko na ang aking mga bagahe. Nakuwi na din ako sa wakas sa pinakamamahal kong Pilipinas. At least naman na ito lang ang mahal ko dahil dito ako ipinanganak. Siyempre, nalaman ko kasi na nag-aaral si Zafe sa eskwelahan na pag-aari ng aking mga tito.



          Nang lumabas ako ng airport at nag-aantay na sunduin ng mahal kong pinsan na si Jin, may nakita akong isang bata na cute na bitbit ng kanyang mama na katabi ko lang. Pero malungkot ang mukha nito at nakatingin pa sa akin. Hmm, mapakitaan nga. Medyo matagal pa naman ata ang sundo ko.



          Lumapit ako at pinakitaan ng isang mabilis na magic trick. Hinawi ko lang kanyang buhok at nagpalabas ng isang kendi ng flat tops sa aking kamay. Kita ko naman sa mata ng bata na namangha sa aking ginawa. Nakabukas pa ang bibig ng batang ito.



          “Here you go little kid," nakangiti kong saad habang binibigay sa kaniya ang kendi.



          “Salamat po," cute na pagpapasalamat ng bata. Ay! Isang malaking tsek sa batang ito. Magalang sa mga nakakatanda. Sana ay dalhin niya ang ugaling ganyan hanggang sa pagtanda.



          “Sharina!" ang tawag sa akin ng isang boses sa isang direksyon.



          Nilingon ko ito at kinawayan. “Jin, kumusta ka na?" bati ko din dito. “Pwede ba kitang sakalin?" nakangiti kong pakiusap habang lumalapit sa sasakyan nito.



          “Sakalin? Bakit naman?" tanong ni Jin nang lumabas na siya sa kanyang kotse at nilagay ang mga bagahe ko sa likod. “At bakit ba sakalan agad? Hindi ba pwedeng magsabi ka man lang na miss na miss mo ako? Kasi ako, miss na kita Sharina."



          “Yeah. Miss na miss kita Jin. Pero iyung naging late ka ng isang minuto sa pinag-usapan nating oras na darating ka, nawala ang pagka-miss ko sa iyo at napalitan ng inis."



          “Come on! Isang minuto lang naman iyun. Wala bang yakap diyan Sharina?! Miss na miss ka kaya namin." Nilahad ni Jin ang kanyang magkabilang braso.



          “Ohh! Ako din Jin. Miss na miss kita. Payakap nga?"



          Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa leeg niya at niyakap ng mahigpit ng mahigpit. Nagpupumiglas namang makaalis sa pagkakayakap ko si Jin.



          “Sh-Sharina, hindi yakap iyan! S-Sinasakal mo talaga ako!"



          “Ano ka ba? Ganito ako yumakap. May halong pagmamahal. Kaya nga mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap ko sa iyo ehh!"



          “Sh-Sharina, mauubusan na ako ng h-hangin!"



          Binitawan ko naman ito at tumawa ng payak. “Ano ba iyan? Sa sobrang pagmamahal ko, naubusan ka ng hangin?"



          Umubo ng ilang beses si Jin. “Hindi pagmamahal ang ginagawa mo! Parang gusto mo na talaga ako patayin!" naiinis na saad niya. “Tara na nga! Nag-aantay na ang daddy mo sa iyo."



          Humgot muna ako nang buntong-hininga at tiningnan muli ang NAIA. Hay! Marami na talagang nagbago sa lugar! Pati ang fashion sense ng mga tao, mukhang nagbago din. Pero sana naman sa ugali, magbago din!



          Sumakay na lang ako sa kotse ni Jin at sinimulan na niya itong imaneho. It's been 10 years nang hindi ako umuuwi sa Pilipinas. Wala akong panahon upang bisitahin ulit ang Pilipinas gaya ng pasko. Tuwing pasko kasi ay sa Canada kami nagse-celebrate. Halata naman sa maputing balat ko. Hmm, mangingitim kaya ako kapag dito ako naglagi sa Pilipinas ng mga apat na taon?



          “So kumusta ang school? Sa eskwelahan ka nila tito nag-aaral hindi ba?" tanong ko.



          “Masaya naman. May mga nakilala akong mga bagong tao at mga bagong kaibigan na din," sagot ko. “Siguradong magugustuhan mo mag-aral doon dahil doon din nag-aaral ang matagal mo ng crush na si Zafe."



          “Alam ko Jin. Huwag mo ng banggitin," kinikilig kong saad. “Since ito na ang tamang panahon para lumandi tayo, sisiguraduhin ko na hindi masasayang ang pagpunta ko dito sa eskwelahan. Mapapasaakin iyang si Zafe."



          “Paano kung bumalik iyung ex niyang si Colette?"



          “Nako! Ano naman ang magagawa niya kung ang laman lang ng utak ni Zafe ay ako lang? Alam ko na siya ang unang minahal. Pero sisiguraduhin ko makakalimutan niya ang kanyang first love dahil sa akin," confident kong wika. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa itaas na salamin ng kotse. “Ikaw Jin, kumusta ang love life mo? Nilasing mo na ba at pinaamin na gustong-gusto ka niya? At sino ang taong gusto mo? Gusto ko siyang makilala."



          “Pwede bang huwag muna Sharina? Hindi pa kasi ako sigurado dahil masyadong komplikado. Alam mo na. Torpe ako."



          “Nako naman Jin! Ang torpe mo! Kapamilya ba talaga kita? Ay! May aaminin pala ako sa iyo Jin. Ampon ka lang," biro ko.



          “Huwag mo nga akong lokohin diyan! Alam naman nating lahat na matagal ng napatunayan na anak talaga ako ng daddy ko. Babalik na naman ba tayo sa mga panahon na pinaghihinalaan niyo talaga ako na hindi niyo ako kadugo?"



          Marahan ko siyang hinampas. “Ano ka ba Jin! Binibiro ka lang talaga namin. Madali ka kasing napapaniwala dati na ampon ka lang. Lalo na iyung daddy mo na magaling talagang umarte, napaniwala ka na ampon ka lang."



          “Paano kasi. May kung ano-ano pang dokumento ang pinapakita ninyo sa akin noon. Akala ko talaga, totoo iyung mga sinasabi ninyo."



          “Ehh, kung totorpe-torpe ka talaga, baka nga hindi ka talaga namin kadugo. Tingnan mo ang mga daddy natin. Yumaman dahil hindi sila torpe! Naging successful sa businesses nila."



          “Stop talking shit Sharina! Magkaedad lang tayo at magkaiba ang problemang pag-ibig sa business," pagpapatigil niya sa akin. “Huwag ka ngang magsalita na animo'y para kang mature. Hindi bagay sa iyo."



          “Hindi mo lang ako naiintindihan Jin."



          Nang nakarating na kami sa aming malaking mansyon, nagkamustahan kami ng daddy ko at ng daddy niya. Nagkaroon ng maliit na pagtitipon dahil sa wakas ay nakauwi na din ako kung saan ako ipinanganak.



          Nang matapos nang magkamustahan, siyempre, dumiretso ako sa aking agenda kung bakit ako umuwi. Agad akong nagpa-enroll sa eskwelahan sa kursong Business Administration. Sakto naman at magsisimula pa lang ang second semester sa school year na ito.



          Kinabukasan nang magpahinga na ako mula sa aking jet lag, pumunta ako sa Mall of Asia para mamili ng ilang damit kasama si Jin. Pati rin pala ang Mall of Asia, marami ding nagbago. Ang hindi lang nagbago ay ang malaking globo, at ang mga taong pumupunta sa mall para mag-enjoy sa tanawin na makikita sa dalampasigan at ang hanging na umiihip mula dito.



          Balik sa paghahanap ko ng damit, wala pa rin akong napipili. Lahat naman ng mga damit sa mall na ito ay magaganda. Ang dahilan nga lang kaya hindi ako bumibili dahil mukhang meron na kasi akong kaparehas na damit sa damitan ko. Nakaramdam na tuloy ako ng pagkainip dahil sa ginagawa ko.



          “Jin, magkwento ka naman tungkol sa taong matagal mo ng nagugustuhan," out of the blue kong saad at humugot ng buntong-hininga habang nakaharap sa window glass ng isang stall at pagkatapos ay humarap sa kaniya.



          “Ayoko. Hindi naman kasi siya ganoon kainteresante para sa mga katulad ninyo," agad na pagtanggi ni Jin. Inayos pa niya ang kanyang salamin.



          “Well, kung ayaw mo ikwento, siguro naman ay hindi masama ang manghula. Hmm, babae kaya siya o lalaki?"



          Nang nabanggit ko ang salitang lalaki, napansin ko na nagulat ang kanyang sistema ng bahagya pero hindi niya ito pinapahalata. Bilang pinsan na nakakakilala sa kaniya, alam ko ang ibig sabihin kapag nagkakaganoon siya. Tama ang hula ko. Kapag tinanong mo naman siya at nagsinungaling siya, tanungin mo siya ulit at makikita mong magugulo ng saglit ang kanyang sistema. Siyempre, kami lang ang nakakaalam ng bagay na iyan sa kaniya. At isa pa, isang beses lang siya nagkakaganoon kaya dapat ay alisto ka kapag may bagay kang itinatanong sa kaniya.



          Balik sa panghuhula ko, hindi ako makapaniwalang lalake ang napupusuan ng pinsan kong ito. Inikot ko saglit ang aking paningin sa paligid. Sa pagkakaalam ko, open naman ang pamilya naming kung sa isang kapwa din kasarian nahulog ang isa sa amin. Kahit nga ako sinabihan na kung magkakagusto man ako sa isang babae din ay tatanggapin din ng pamilya. Ang problema nga lang ay ang aking sexual reference. Lalaki talaga ang gusto ko.



          “Lalaki ba talaga?" Bigla akong naalarma nang maalala ko na idol ng pinsan kong ito si Zafe. “Huwag mong sasabihin na si Zafe ang nagugustuhan mo?! Ako ang makakalaban mo pinsan kapag nagkataon," banta ko.



          “S-Si Zafe?! Nababaliw ka na ba ate?! Bakit si Zafe pa?! Idol ko lang iyun sa paglalaro niya ng basketball! Tsaka hindi ko naman siya gusto!" nahihiya niyang paliwanag na may pamumula pa sa pisngi.



          “Ipaliwanag mo nga sa akin ngayon kung bakit namumula ka habang nagpapaliwanag," seryoso kong saad.



          “Kasi naman Sharina, nalaman mo lang na may gusto ako sa isang lalaki, parang lahat ata ng kilala mong lalaki ay magugustuhan ko."



          “Gusto ko lang kasi maniguro. Wala pa naman akong patawad Jin. Kahit na ikaw pa ang karibal ko sa puso ni Zafe, hinding-hindi mo ako mapipigilan. Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ang pinapangarap kong lalaki. Tandaan mo Jin. Kahit pinsan pa kita, walang awa kitang dudurugin."



          “Hindi nga si Zafe ang nagugustuhan ko!" naiinis na saad niya.



          Habang patuloy pa rin kami sa paglilibot ni Jin, may nadaanan kaming babae na mukhang maraming pinamiling damit at kung ano-ano dahil sa marami itong dala. Mag-isa lang ang babaeng ito. Mukhang hirap na hirap ito sa kaniyang bitbit, mukha namang hindi, basta!



          Nakumpirma ko lang na nahihirapan na ang babae nang nabitawan niya ang isa sa mga bag. Dali-dali akong lumapit dito para tulungan ito.



          “Miss, okay ka lang ba?" tanong ko dito.



          “Ohh! Salamat," medyo hindi bukal sa puso niyang pagpapasalamat.



          Natingnan ko naman siya ng ilang segundo. Wow! Mukhang certified na fashionista ang babaeng ito. Ang ganda ng suot niyang kulay puting blouse na may design pang maliliit na sky blue na bulaklak. Naiingit ako sa suot niya at parang gusto ko itong tulungan. At hindi lang iyun ang dapat kong kainggitan. Mukhang malusog din ang kanyang boobs. Mas malaki pa sa akin.



          Lumakad papalapit si Jin. “Sharina talaga. Matulungin ka pa rin. Hindi ka pa pala talaga nagbabago."



          “Jin," tawag ng babaeng tinulungan ko. “Long time no see."



          “Isabela, ikaw din. Long time no see," tugon ni Jin. “Although nakikita kita sa school pero hindi ko nakakausap. Kumusta ka na? Mukhang mas lalo kang gumanda ngayon."



          “Ay! Kilala mo pa rin pala ako," shocked na wika ng babaeng si Isabela. “Of course naman. Matagal ko ng alam iyan na maganda talaga ako. At mabuti naman at hindi mo pa nakakalimutan ang isa sa mga pinakamasugid mong tagahanga."



          “Pinaka-memorable ang high school life hindi ba Isabela?"



          “I know right. Ikaw naman, mas lalong pumogi. Hmm, nagsisisi ka na ba na hindi mo ako pinansin noon?" mapang-akit na tanong niya. Umasa ka pa girl. Lalake nga ang napupusuan ng pinsan kong ito.



          “Ikaw talaga Isabela. Mapagbiro ka pa rin talaga," natatawang sagot ni Jin.



          “Siya nga pala. Mukhang nagiging awkward na tayo dito dahil hindi ko tinulungan ako ng babaeng ito at hindi ko man lang pinapansin. Kaano-ano mo Jin? Girlfriend? Kapatid? Pinsan? Anyway, salamat nga pala sa pagtulong sa akin," pagpapasalamat ni Isabela na mukhang bukal na sa loob niya ngayon.



          “Walang anuman. Anyway, Sharina Bourbon ang pangalan ko. Pinsan niya ako. Nice meeting you," pagpapakilala ko. Nilahad ko pa ang aking kamay.



          Nahirapan namang ilahad ni Isabela ang kanyang kamay. Sinensyasan ko naman si Jin na tulungan si Isabela na bitbitin ang mga dalahin ni babae. Kinuha naman ni Jin ang ilang sa mga hawak ni Isabela at nagpasalamat ito. Hinawakan naman ni babae ang kamay ko para makipagkamay.



          “Isabela Dominguez," pagpapakilala niya na may malawak na ngiti sa labi. “Nice meeting you Sharina."



          Nang naghiwalay na ang kamay namin ni Isabela, nagsagawa naman ako ng isang mabilis na magic trick. Nagulat si Isabela nang may hawak na pala siyang limang pisong barya sa kanyang kamay.



          “Wow! Ang galing! Paano mo nagawa iyun? Marunong ka pala mag-magic," namamanghang saad niya.



          “Secret. Hindi pwedeng sabihin kung paano ginagawa iyun," tugon ko.



          Ngumuso si Isabela. “Ay! Damot!"



          “Rules iyun ng mga katulad nila Isabela kaya hindi mo siya mapipilit na magsalita kung paano niya ginawa iyun," paliwanag ni Jin.



          “Isabela, gusto mo bang ihatid ka namin at nang magkakilala tayo ng lubusan?" yaya ko.



          “Sige. Mukhang kailangan ko na kasi ng tulong at nananakit na ang kamay ko," pagpayag niya.



          Ibinigay ni Isabela ang ilang hawak na bag kay Jin. Nagsimula naman kaming maglakad papunta sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan ni Isabela.



          “So Sharina, anong course mo ba? At tsaka doon ka ba sa eskwelahan ng pamilya mo nag-aaral?" tanong ni Isabela. “Parang hindi kita nakikita sa eskwelahan."



          “Ang totoo niyan Isabela, kakauwi ko lang galing Amerika. At hindi pa ako nag-aaral doon sa Boubon Brothers University. Mag-aaral pa lang," tugon ko.



          “Anong course?"



          “Business Administration."



          “Ay! Parehas pala tayo ng course!" natutuwang outburst niya.



          “Oh! So kaklase mo pala si Zafe Neville?" naitanong ko na din.



          Biglang lumungkot ang mukha niya. “Ay! Unfortunately, hindi kami magkaklase. May tig-dalawang sections kasi ang school kada course."



          Nalungkot na din ako. “Kung ganoon, hindi pala tayo magiging magkaklase. Kalungkot naman."



          “Huwag mong sabihin na may gusto ka kay Zafe? Nako girl! Kaya mo iyan! Tiyak na kapag nalaman iyan ng ibang babae, siguradong taob na sila sa kagandahan mo," pamumuri niya.



          Nagliwanag ang mukha ko sa pagpuri niya sa akin. “Ganoon ba? Ibig sabihin, single pa rin hanggang ngayon talaga si Zafe. Good news para sa akin iyan." Pero nalungkot ulit ako. “Pero hindi tayo magiging magkaklase niyan. Sayang naman."



          “Ipaayos mo kaya sa daddy mo na maging magkaklase kayo," pagsingit ni Jin.



          Nagliwanag ulit ang mukha ko sa mungkahi niya. “Oo nga. Magandang ideya iyan."



          “Ay! Ayoko," biglang pagtanggi ni Isabela. “Ayoko Sharina. Salamat na lang."



          Nalungkot na naman ulit ako sa sinabi niya. “Bakit? Ayaw mo bang maging magkaklase tayo?"



          “Ang totoo niyan kasi niyan, gustong-gusto ko. Kaya lang ayokong maglipat. Basta! Magiging komplikado lang para sa akin," paliwanag niya. “At tsaka kahit ganoon, magkaibigan naman tayo Sharina. Hindi naman kailangan na parehas tayo ng klase para maging magkaibigan. Ngayon na nga lang, magkaibigan na tayo ehh."



          “Anak kasi siya ng pulitiko sa lugar natin. Alam mo na," bulong ni Jin.



          “Oh! Hindi ko alam."



          “Ah! Nandito na pala ang sasakyan ko!"



          Nilagay na namin sa sasakyan niya ang kanyang mga pinamiling mga damit.



          “Sige Sharina. Nice meeting you. Kita na lang tayo sa school," sabi ni Sharina.



          “Ikaw din Isabela. Kita na lang tayo sa school." Kumaway ako habang papaalis ang kanyang sasakyan. “Hay! Hindi na ako makapaghintay na pasukin ang isa sa mga bangungot ng buhay ko."



          “Bangungot ng buhay mo?" nagtatakang tanong ni Jin.



          “Ang pumasok sa school. Ano ka ba Jin?! Bangungot ang eskwelahan para sa mga karamihan ng tao! Ngayon, ang kailangan ko na lang ay mag-antay. I will rock the school kapag natapos na ang semester break."」



Aulric's POV



          「1 month ago...



          Ang buhay ng tao ay isang seryosong usapin. Lalo na kung ang usapan ay bubuhayin mo ba o papatayin ang isang tao. Kapag pinatay mo kasi ang isang tao, hindi mo na pwedeng buhayin pa. Irreversible ang buhay. Hindi mo ulit mabubuhay ang isang tao gamit ng isang magic trick. Iyun ay kung may magic trick na makakapagpabuhay talaga ng tao. Pero hindi naman nag-e-exist ang ganoon sa panahon natin. Hindi pa nga napapatunayan ng mga dalubhasa kung paano ba talaga nabubuhay ang mga patay na. Marahil ay may mga balita na patay daw na nabuhay. Pero napapaliwanag naman ng mga dalubhasa kung bakit. May mga kaso na habang nilalamay ay biglang nabuhay ang patay. Iyun pala, dahil lang iyun sa mabagal na mabagal ang pagtibok ng puso nung tao kaya akala siguro ng mga doktor ay patay na.



          Maglilimang buwan na din simula nang mapatay ko ang pinaghahanap na holdaper sa lugar namin. Hindi ko pa rin nakakalimutan at hindi ko kahit kailan makakalimutan ang bagay na iyun. Kinitil ko ang isang buhay ng tao. Hindi ko alam kung para ba iyun sa kabutihan o hindi ko dapat ginawa iyun. Pero naisip ko lang naman iyun dahil pumasok sa isip ko ang aking nanay. Paano kung siya naman ang mabiktima? Paano kung imbes mangholdap lang iyung holdaper, kunin na din pati ang buhay ng nanay ko? Paano kung mangyari iyun?



          Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga pulis kung sino ang pumatay doon sa holdaper. Imbes na matapos na ang paghahanap ng mga pulis dahil sa namatay na ang holdaper, iyung pumatay naman ngayon, na ako ang gumawa, ang pinaghahanap ngayon ng mga pulis. Humuhingi naman daw kasi ngayon ng hustisya ang kamag-anak nung holdaper. Hindi daw makatarungan ang ginawa ko at dapat daw akong magbayad sa ginawa ko.



          Kasalukuyang nasa bahay ako ngayon dahil kasagsagan ngayon ng semestral break namin. Maggagabi na at nasa hapag-kainan kami ni Randolf. Sabay kami ngayong kumakain ng hapunan. Nag-aalala naman ako ngayon dito kay Randolf. Simula noong nakita niya akong pinatay iyung holdaper, palagi na siya dito kumakain ng gabihan. Hindi naman siya perwisyo kay nanay dahil sobra pa sa sapat ang budget namin sa pagkain. Pero nagtataka na nga si nanay kung bakit ba palagi na lang dito sa bahay namin kumakain si Randolf.



          “Dapat pala sinama kita sa fiesta doon sa isang barangay. Iyung Higantes Festival. Ang saya doon lalo na nung nagbabasaan na ang mga tao. Nagbato ako ng maraming water baloon kasama ang ilang mga kaibigan ko. Ang saya nga at ang sarap pa sa pakiramdam. Walang mga KJ at tuwang-tuwa naman sila na basain. Hindi nila alam na galit na galit ako sa kanila habang binabato ang mga water baloons sa kanila," kwento ko.



          Tumango-tango naman si Randolf. Pero ikinainis ko ang kanyang pagtango ngayon. Halata kasi na hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko. Mukhang malayo ata ang isip niya. Mukhang matatagpuan ko ang isip niya noong gabing pinatay ko iyung holdaper. Nako! Kung alam ko lang na hindi nakikinig ang taong ito, mas mabuti pang si Jin na lang ang kinausap ko tungkol sa fiesta.



          “Aulric, nakakatulog ka pa ba ng mahimbing sa gabi?" mahinang boses na tanong ni Randolf. Malapit lang kasi si nanay sa hapag-kainan dahil naghuhugas siya ng pinggan.



          “Oo. Nakakatulog pa naman ako," mahinang boses din na sagot ko. “Sa unang linggo na nangyari iyun, medyo nahirapan ako. Paulit-ulit na nagpe-play ang ginawa ko sa kawawang holdaper. Pero kinaya ko iyun. Ang trick ay huwag mong isipin ang nangyari. Takasan mo hangga't kaya mo. Ganoon naman lahat hindi ba? Kapag tumitingin pa nga ako sa madilim lugar, nakikita ko pa rin siya. Minumulto niya ako. Gusto niya din ata na mamatay ako. Sinusubukan pa nga niyang abutin ako para dalhin sa lugar na kung saan siya naroon. Matanong nga kita Randolf. Sa palagay mo, tama ba iyung ginawa ko noon?"



          Natahimik si Randolf. Pinag-iisipan niya marahil ang isasagot niya sa akin. Mahirap kasi timbangin ang nangyari noon. Hindi madali. Tinatananong pa rin niya marahil sa sarili kung tama ba iyun o mali ng paulit-ulit.



          Natapos na ang semestral break at araw na naman para pumasok. Magkasabay naman kaming pumasok ni Shai sa eslwelahan.



          “Aulric, magandang araw," masiglang bati ni babae. Ang sigla naman.



          “Magandang araw din babae," bati ko.



          “Siya nga pala Aulric. Nag-enjoy ka ba sa fiesta nitong huling linggo? Ang saya hindi ba?"



          Napangiti ako nang itinanong niya sa akin ang tungkol sa fiesta. “Oo naman Shai. Masayang-masaya ako. Unang beses ko kayang makapunta sa ganoong mga kasiyahan. Matagal ko ng alam iyung tradisyon na iyun. Napakasaya palang batuhin ng water balloon ang mga tao. Kahit alam kong bawal iyun. Sayang nga lang ay bawal maglagay ng mga bloke ng yelo sa loob. Tiyak na masasaktan talaga sila."



          Tumawa ng payak si Shai. “Grabe ka naman Aulric. Alam ko ang sinasabi mo. Mabuti naman at nasiyahan ka."



          “Mabuti nga at sinama mo pa iyung mga kaibigan mo. Mukhang gagawin ko na rin silang mga kaibigan. Ang saya pala nila kasama sa fiesta."



          Napatigil naman si Shai at nag-iba ang timpla ng mukha. “Hindi kaya isa ka ding bully na katulad nila Aulric?" Nagpatuloy naman siya sa paglalakad.



          “Katulad din nilang bully? Paano mo naman nasabi?" nagtataka kong tanong.



          “Alam kong hindi pa kita pinapakilala noon kahit na naging kaibigan pa tayo. Pero nung makita sila tapos gusto mo na sila na maging kaibigan mo, parang naiisip ko tuloy na kaya ka pala walang masyadong kaibigan dahil baka isa ka ding bully," paliwanag niya.



          “Hindi naman siguro sa ganoon. Nasiyahan lang kasi ako nang nalaman ko na parehas ang trip naming lima. Hindi naman siguro masama na makapalagayan ko sila ng loob kaagad. Ang saya-saya nga nila habang binabato ang mga tao ng water balloon. At tsaka Shai, huwag mong ikaila na hindi ka nasasayahan sa ginawa nating pamamato. Ikaw nga ata iyung may pinakamaraming naibato."



          “Nako! Hindi ahh!" pagtanggi niya.



          “Sa susunod nga, gawa tayo ng mas maraming water balloon. Tapos doon tayo sa mataas na lugar at ihagis natin pataas," mungkahi ko. “Bato bato sa langit, ang matamaan ay huwag mabasa."



          “Alam mo, dapat sinama mo na rin sila Zafe at Ricky sa fiesta. Mas madami, mas masaya," biglang pagsingit ni Shai sa mga pangalang hindi ko naririnig ng mga isang semester break.



          Biglang pumasok sa isip ko ang isang senaryo. Paano kung niyaya ko sila Zafe at Ricky na pumunta sa basaan? Malamang babatuhin ko si Zafe nang walang humpay hanggang sa mainis siya at maghubad ng damit dahil basang-basa na siya. Pero kahit ganoon, babatuhin ko pa rin siya ng walang humpay.



          Lumapit kami ni Shai sa isang bench at umupo muna para magpahinga at magpalilim sa sikat ng araw.



          “Hindi ko sila kaibigan," diretso kong wika.



          “Bakit iyung mga kaibigan ko?"



          “Kaibigan mo kasi iyun na magiging kaibigan ko na din. Sila Zafe at Ricky? Hindi ko pa rin sila mga kaibigan."



          “Ang harsh mo naman."



          “Pasensya na. Kailangan."



          Nanakit ng bahagya ang ulo ko. Kasabay nun ay ang paglabas ng parang multo nung holdaper na pinatay ko sa gitna ng mga papasok na estudyante sa paaralaan. Marami namang estudyante ang dumaan dito patunay na multo nga ang tinitingnan ko na ako lang ang nakakakita. Nako! Heto na naman. Nasa ulo mo lang ito Aulric. Hindi siya totoo.



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Shai, halimbawa. Kung naipit ka sa isang sitwasyon na kung saan mamamatay ka o kailangan mong pumatay, anong gagawin mo?" naitanong ko. Humupa na din ang sakit ng ulo ko at nawala na din ang multo na nakikita ko.



          “Ano namang klaseng sitwasyon?"



          “Halimbawa na lang, napasok ng mga magnanakaw ang bahay niyo. Tapos iyung mga magnanakaw, may mga hawak na baril. Ipalagay natin na dalawa ang magnanakaw. Naghiwalay ang mga magnanakaw. Ang isa, nasa kwarto mo, at ang isa ay nasa kwarto ng mga magulang mo. Dahil sa ngumiti sa iyo ang swerte, napatumba mo ang isang magnanakaw. Kinuha mo ang baril. Nang pumunta ka sa kwarto ng mga magulang mo, pinatay na ng isa ang mga ito. Huli na ang lahat. At ang susunod naman na mamamatay ay ikaw na. Nakatutok sa'yo ngayon ang baril at itinutok mo din ang baril sa magnanakaw. Ang tanong. Papatayin mo ba ang magnanakaw na iyun o hindi?"



          Gaya ni Randolf, natahimik si Shai sa itinanong ko. Ano ba namang mga taong ito? Para ba akong nagkikwento ng isang nakakatakot na istorya sa kanila? Pero sa bagay. Nakakatakot kapag ang pinag-uusapan ay buhay at kamatayan.



          Napakamot si Shai. “Nako Aulric. Grabe naman iyang tanong mo. Sa tingin ko, mukhang tatakbo na lang ako," sagot niya. “Ang totoo niyan Aulric, may phobia ako sa baril. Kaya iyung sitwasyon na kapag may isang magnanakaw na nakapasok sa kwarto ko na may hawak na baril, tiyak siguro na mamamatay ako."



          “Takot sa baril? Paano ka nagkaroon ng takot sa baril?" nagtataka kong tanong.



          “May nakakatandang pinsan kasi ako noon Aulric. Noong bata pa ako, binaril iyung pinsan ko at kasama niya ako noon. Nang tumumba na ang pinsan ko, ako naman daw ang susunod. Nakita ko kasi ang mukha nung bumaril sa kaniya kaya kailangan na akong patahimikin. Natakot ako nang itinutok nung lalaki ang baril sa akin. Pumikit na lang ako at umaasa na sana, may himalang mangyari. Basta mabuhay lang ako. Sa kabutihang palad naman, may himalang nangyari. Nailigtas ako. Kaya nga nakakausap mo pa nga ako ngayon," biro pa niya. “Pero kapag nakikita ko ang butas ng isang baril, kahit laruan pa ito, natatakot talaga ako. Bumabalik sa gunita ko ang nangyari sa pinsan ko." Ano ba iyan! Walang maayos na sagot akong makuha.



          “Kapag ba binigyan kita ng isang milyon para lang malampasan ang takot mo sa baril, tatanggapin mo ba?"



          “Ano ka ba naman Aulric? Alam ko na ang tunay na estado ng buhay mo kaya hindi mo ako mabibigyan ng isang milyon kung sakali," natatawa niyang saad. “Pero ewan ko ba. Gusto ko nga din malampasan ko ang takot sa mga baril. Paano nga pala kung dumating ang ganoong sitwasyon sa buhay ko?"



          “Mawawalaan ka ng pag-asa na maging kayo ni Ricky hanggang sa huli," diretso kong sagot.



          “Ang harsh mo talaga!"



          “Pero ito kaya. Naitanong mo na ba sa sarili mo kung para saan ka pa bumabangon? Para kanino ka nabubuhay? Bakit gusto mong mabuhay? Hindi maiiwasan na mangyayari ang ganoon sa buhay natin Shai. Kaya kung gusto natin talaga na mabuhay, dapat alisin natin ang ating takot sa isang bagay. Kailangan na lumaban para sa dahilan natin kung bakit gumigising ka sa araw-araw. Dahil kapag patay ka na, wala ka ng magagawa. Burado ka na sa mundong ito. Sa alaala ka na lang ng mga tao nabubuhay."



          Marahang hinampas ako ni Shai sa bisig ko. “Ikaw naman talaga Aulric. Napakaseryoso mo naman ng mga tanong mo."



          “Seryoso ang buhay Shai. Isang beses ka lang mabubuhay sa mundong ito. Unless lang kung totoo ang turo ng iba na ang mga tao ay nare-reincarnate. Kaya hindi maiiwasan na magseryoso tayo sa usaping buhay."



          “Kung makapagsalita ka naman. Bakit Aulric? Nakapatay ka na ba ng tao?" pabirong tanong ni Shai.



          “Oo. Nakapatay na ako," pabiro ko ding sagot. “Nakapatay na ako ng hopes and dreams ng mga tao."



          Parehas kaming natawa ng payak. Walang kaide-ideya ang babaeng ito na nagawa ko na iyun ng isang beses.



          Natigil ang kasiyahan namin nang may naramdaman kong may umakbay sa balikat ko.



          “Hoy, may pasok pa po tayo," pagpapaalala ni Zafe.



          “Hi Ricky. Hi Zafe," magiliw na bati ni Shai.



          “Magandang umaga sa inyo," tugon ni Ricky. “Sige guys. Una na ako. May pasok pa ako."



          Nagmamadaling tumayo si Shai. “Sabay na tayo Ricky. Dadaanan ko kasi ang classroom ng unang klase mo."



          Nagsabay naman ang dalawa na lumakad paalis. Ako naman ay tumayo na para pumunta sa una kong klase kasama si Zafe. Inilagay na naman ni Zafe ang bisig niya sa balikat ko. Naaamoy ko pa ang pabango niya sa kili-kili marahil.



          “Sinisimulan mo na naman ba ako?" naiinis kong tanong.



          “Ano ka ba Aulric? Normal lang sa mga kalalakihan na mag-akbayan."



          “Magkaibigan lang ang gumagawa noon. Hindi naman tayo magkaibigan," dipensa ko.



          “Pero magkaklase tayo. Tayo pa ang mag-partner sa reporting."



          “Balita kay Kurt? May ginagawa na naman ba siyang kalokohan?" pag-iba ko sa usapan.



          “Wala naman. Although medyo nagiging hostile siya sa akin nitong mga nakaraan araw, mukha naman wala siyang binabalak."



          “Paano kung may binabalak na pala siya at hindi lang siya nagsasalita?"



          Bumuntong-hininga si Zafe. “Sabi ni Ricky, siya na ang bahala doon. Oo nga pala Aulric. Pumunta ka naman sa bahay ko para manood ng mga pambatang anime," yaya niya.



          “Ayoko. Baka makasalubong ko na naman ang mga magulang mo," pagtanggi ko. “At tsaka baka ipanood mo sa akin iyung sequel nung pinapanood natin."



          Natawa si Zafe. “Hindi na. Hindi na sequel nung pinapanood natin. Iba naman kaya. Gaya ng... uhhmm... A Secret Foreign Love Affair?"



          “Ayoko. Gusto ko ako ang mamimili ng ipapanood natin."



          “Ano ang gusto mo? Iyung Avatar?" sigurado niyang hula.



          “Oo. Iyung Avatar. Medyo interesante. Lalo na iyung tubig, apoy, lupa, at hangin. Naeenganyo ako na panoorin iyun dahil lang doon. Kaya lang ay wala kaming telibisyon sa bahay kaya hindi ko napapanood."



          Napakamot siya ng ulo. “Pero kasi, maraming episodes iyun Aulric. Kulang ang tatlong oras para mapanood natin iyun lahat. Ahh! Alam ko na. Sa Disyembre. Kapag holiday, i-marathon natin. Wala ang mga magulang ko sa mga panahong iyun."



          Lumaki ang tenga ko nang sinabi niya na wala ang kanyang mga magulang sa mga oras na iyun. Natuwa ako at nabahala. Baka may binabalak siyang masama o baka bukal talaga sa loob niya na gusto niyang ipapanood sa akin ang Avatar.



          “Alam mo Zafe, may kung ano sa buhok mo. Baba ka nga," saad ko.



          Humarap siya sa akin at ibinaba ng konti ang kanyang mukha. Mas matangkad kaya siya sa akin.



          Hinawakan ko ang mukha niya at bahagyang hinaplos ito. Ang kinis. Sarap ipakabig papunta sa labi ko at halikan.



          Itinaas ko ang aking haplos papunta sa buhok niya at isinagawa ang aking magic trick. Naglabas ako ng condom at ipinakita ko iyun sa kaniya.



          “Paano mo nagawa iyun?" manghang tanong niya.



          “Pasensya na. Hindi ko pwedeng sabihin. Baka pumalya na kasi ako sa susunod. Teka. Iyung condom mo nga pala, ito iyung nakalagay sa bulsa mo." Isinampal ko naman sa kaniya ang condom na nakuha ko sa mukha niya. May binabalak nga talagang masama sa akin ang taong ito.



          “Aray!"



          Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay kinuha ang pakete ng condom na nakadikit sa pisngi niya. Mabilis naman na kinapa ni Zafe ang bulsa niya para makumpirma na iyung condom talaga sa bulsa niya ang ipinalabas ko sa ulo niya.



          “Teka! Magpapaliwanag ako," pahabol ni Zafe.



          “Hindi na kailangan."



          Natigil kami nang napansin na may napakaraming tao ang nakatayo sa bintana ng classroom namin kung saan ang unang klase namin ni Zafe. Karamihan sa mga nakatayo ay mga kalalakihan.



          “Anong meron?" tanong ko.



          Tanging kibit-balikat ang isinagot ni Zafe. Wala din siyang ideya sa mga nangyayari.



          Nang pumasok kami sa classroom, may isang babae pala na nakaupo sa pwesto ko. Napakaputi ng balat niya. Halatang nagbabad sa ito sa aircon para lang pumuti. Mahaba ang kanyang buhok at napakaganda ng mukha kahit walang mga nakalagay na kolorete. Masasabi mong purong natural ang kagandahan ng babaeng ito. Hindi ko pa siya nakikita sa eskwelahan na ito. Marahil ay isang bagong kaklase. Mukhang ililipat ata ako ng pwesto dahil baka ang apelyido niya ay nasa gitna ng letrang ME at NE. Iyun ay kung alam ng babae ang sitting arrangement ng klase? Baka hindi naman.



          Lumapit kami dito ni Zafe. Nang makita ata si Zafe, nagliwanag ang pagmumukha nito. Ito kaya si Colette? Pero sa reaksyon naman ng mukha ni Zafe, mukhang hindi niya ito kilala. O baka isa sa mga hardcore na fanatic ni Zafe?



          “Hi," bati ko. “Ang ganda mo. Pero pwesto ko po iyan."



          “Pwesto mo? Talaga? Bakit? May pangalan mo ba iyung upuan?" pilosopong sagot ng babae habang naghahanap ng ebidensya sa kaniyang sinasabi sa aking upuan.



          “Ano ba ang pangalan mo ate ganda?" tanong naman ni Zafe na may paggalang sa boses. Basta magaganda nga naman oo.



          Inilahad ng babae ang palad niya kay Zafe. “Sharina. Sharina Bourbon." Bourbon? Pinsan o kapatid kaya ito ni Jin?



          Tinanggap ni Zafe ang kamay ng babae. “Wow! Nice to meet you din ate ganda. Zafe pala. Zafe Neville," pagpapakilala niya. “Pwede ba kitang tawaging Sharina?"



          “Of course. Bakit naman hindi?" pagpayag ni Sharina.



          May kinuhang maliit na notebook si Zafe at tiningnan ito. “Kasi, may seating arrangement ang klase namin. At kailangan na in alphabetical order ang seating arrangement. Doon ka uupo sa pang-apat na upuan sa unahan dapat." Tinuro ni Zafe ang dapat upuan ni Sharina.



          “Wala akong pakialam sa seating arrangement ng klase. Anak naman ako ng isa sa mga may-ari ng eskwelahang ito. Kaya okay lang na dito ako maupo."



          “Alam ko. Kaso-"



          “Ipatupad ang batas Zafe," tipid na saad ko para putulin pa ang sasabihin ni Zafe.



          “Anong batas?" walang muwang na tanong ni Sharina.



          Habang nakaupo si Sharina sa upuan, binuhat ito ni Zafe at inilipat sa dapat kalagyan ni Sharina. Nagsisisigaw naman si Sharina habang ginagawa iyun ni Zafe at natatakot na baka mahulog siya. Hindi naman makapaniwala ang mga nanonood na ginawa iyun ni Zafe at kinaiinisan naman siya ngayon. Hindi ako.



          Kinuha naman ni Zafe ang inialis na upuan sa unahan para mailagay doon si Sharina at iyun ang ipinalit sa upuan ko. Matiwasay naman kaming umupo dalawa at humugot ng buntong-hininga.



          “Hindi ka naman siguro nagpapasikat sa akin nang binuhat mo pa siya mismo sa kanyang upuan. Dapat siya ang binuhat mo papunta sa dapat niyang upuan. Hindi mo na dapat isinama ang upuan niya," wika ko.



          “Mukhang hindi siya aalis sa upuan kaya isinama ko na. At hindi ako nagpapasikat sa'yo. Ikaw Aulric, gusto mo bang magpabuhat?" sensual na tanong niya.



          “Tigilan mo iyan," agad na pagtanggi ko.



          Sa mga hindi nakakaalam, class president si Zafe at ako ang Sergeant at Arms. Kahit na sinabi na namin sa klase na huwag kaming gawin na class officer, ginawa pa rin nila.



          “Buti naman at sa klase na ito ako naging isang officer at hindi din sa Basketballl Club. Nakakapagod maging presidente kung iyung Sergeant at Arms talaga iyung presidente," napapagod na tonong sabi ni Zafe.



          “Buti ka pa nga, isa lang. Ako, Muse din sa Drama Club."



          “Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya na natatawa. “Paano nangyari iyun? Bakit naging Muse ka? Babae ka ba?"



          “Wala kayang babae sa Drama Club. Graduated na daw iyung mga huling mga babae ng club. Kaya nag-volunteer na ako. At tsaka wala namang trabaho ang mga Muse. May katungkulan lang ako pero walang ginagawa kasi wala naman dapat akong gawin."



          “Excuse me! Bakit niyo ito ginagawa sa akin?!" matapang na tanong ni Sharina na lumapit na pala sa amin. “Anak ako ng isa sa may-ari ng eskwelahan na ito! Kaya kung saan ko gustong umupo, uupo ako doon!" Spoiled brat pala ang babaeng ito.



          Inikot ko na lang ang aking paningin. “Ipabasa ang batas," saad ko kay Zafe.



          May itinuro si Zafe sa itaas ng whiteboard. “Basahin mo iyung nakasulat doon Sharina nang malinawan ka."



          “So may parang polisiya pa ang room natin?" tanong ni Sharina na hindi lumingon sa itinuro ni Zafe. “Laws or policies don't apply to me. Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?! Anak ako ng isa sa may-ari ng eskwelahang ito!"



          “Napakainteresante pala ng babaeng ito Zafe. Hindi daw gumagana iyung mga batas sa kaniya," saad ko.



          “Kung ako sa iyo Sharina, sumunod ka na lang sa batas," magalang pa rin na payo ni Zafe. “Hindi mo gugustuhin na subukan ni Aulric ang sinasabi mong hindi gumagana ang mga batas sa iyo."



          “Bakit? Sino ba siya para itest sa akin ang mga batas?" pagmamatigas pa rin ni babae.



          “OKAY CLASS! SIT DOWN! I DON'T WANT TO SEE ANYONE WHO STANDS IN MY CLASS! IF YOU WANT TO GO OUT IN MY CLASS, CRAWL OUT!" nakakatakot na sigaw na naman ng prof namin habang pumapasok na nagpaupo sa buong klase. “IKAW DIYAN BABAE, HINDI MO BA NARINIG ANG SINABI KO?! I DON'T WANT TO SEE ANYONE WHO STANDS IN MY CLASS!" sita nito kay Sharina.



          “Anak ako ng may-ari ng school! Ako si Sharina Bourbon! Huwag mo akong sigawan!" sigaw din ni Sharina kay prof. Mukhang may pinaglalaban si babae.



          Lumapit si prof kay Sharina. Tiningnan niya muna ito mula ulo hanggang talampakan. Mukhang interesante ang bagay na ito. Hindi ko pa nakita na may taong tumuligsa sa kagustuhan ng prof namin.



          “UPO!" malakas na sigaw ni prof sa tenga ni Sharina.



          Halos mabingi ata kami nang narinig ang pagsigaw ni prof. Masyado talagang malakas. Si Sharina naman ay natinag at napaupo sa upuan sa harapan. Nako! Wala pala talagang pake ang eskwelahang ito kung anak ka pa ng isa sa mga may-ari ng eslwelahan.



          Tuloy naman ang buhay namin bilang mga estudyante. May nabawas sa klase namin, meron ding nadagdag, at meron ding lumipat. Baka kasi hindi para sa kanila ang course na ito.



          Habang nagkaklase, maya't maya si Sharina kung makatingin sa pwesto namin. May nase-sense ako sa babaeng ito. Mukhang gusto niyang makatabi si Zafe.



          “Zafe, may napapansin ka ba kay Sharina? Maya't maya kung makatingin dito. May gusto ata sa'yo," bulong ko sa kalagitnaan ng klase.



          “At tuwang-tuwa ka ba doon?" pabulong ng tanong niya.



          “Oo," sarkastiko na pabulong kong saad. “Kung gusto mo nga, tutulungan kita na maging kayo. At kapag naging kayo, ako pa ang pinakaunang tao na matutuwa."



          “Itigil mo nga iyan. Lalake ka ba talaga? Para kang babae kung makapagsalita. Sige ka. Kapag naging kami, siguradong magdurugo ang puso mo. Pero bakit mo nga pala ako tutulungan? Magkaibigan ba tayo Aulric? Baka naman isasabotahe mo kapag nanligaw ako."



          “Si Shai pala, anong tingin mo sa kaniya? Mabait siya hindi ba?" pag-iba ko sa usapan.



          “Ulol mo Aulric."



          “Anong tingin mo nga sa kaniya? Mabait siya hindi ba? Bagay ba kami?"



          “Hindi kayo bagay nun. Mas bagay tayo," maloko niyang saad.



          Nagsimula na namang maghurumentado ang puso ko. Ano ba itong pinaggagagawa ko? Kapag sinasabi niya na bagay kami, sana nga ay totohanin niya na bagay talaga kami. Pero ano na kasi itong ginagawa ko? Dine-deprive ang sarili na maging kami ni Zafe? I'm not sure pero mukhang maghihirap ata ako sa taong ito. Hindi nga ako sigurado kung mailalaban niya ba ako hanggang sa huli o mauuwi sa trahedya ang love story ko.



          Iniisip ko, may binabalak kaya itong si Zafe? Wala kasi siyang ginagawang galaw sa akin. Ni mangharas ay hindi na niya ginagawa. Lagi kaming kaswal na nag-uusap at nagbubulungan sa klase. Pansin ko nga na halos pagdating sa pag-aaral ang laging pinag-uusapan namin. Minsan lang na pag-usapan ang nararamdaman namin sa bawat isa. Pero kahit ganoon, kontento na ako. Masaya na ako. Alam kong hindi dapat ako makontento sa setup naming ito. Pero hanggang dito na muna ang gusto ko.



          “Paano mo nga pala naging kaibigan si Isaac?" pabulong na tanong ni Zafe. Ngumuso siya kay Isaac na taimtim na nakikinig sa lecture ng prof namin. Paano niya nalaman iyun?



          “Hindi kami magkaibigan," pabulong na tahasang pagsisinungaling ko.



          Kinuha ni Zafe ang phone niya at ipinakita sa akin ang isang litrato. Hindi pala isang litrato. Isang video.



          Pinindot ni Zafe ang play button ng video at tinanggal din niya ang sound para hindi makaistorbo sa klase. Habang pasimpleng nanonood sa naka-play na video, nahagip kaming magkakaibigan. Si Shai, Camilla Andrew, Isaac, Caleb, at Knoll na masayang nambabato ng mga water balloons sa mga tao. Sandali, hindi kamo nahagip ang tamang salita. Sa amin talaga naka-focus ang camera. Ay grabe! Best day ever ko talaga iyun kasama sila. Kaya lang, bawal kasi ang ginagawa namin. Medyo masakit kapag natamaan ka ng water balloon. Pero ano ba ang pakialam ko kung masaktan iyung mga tao? Mukhang nag-e-enjoy pa nga sila.



          “Ang galing mo naman mag-edit ng video," pamumuri ko sa kaniya.



          “Edit? Hindi iyan edit. Nakuha ko iyung video mula sa isang social media at naging viral na."



          “So sikat na ba ako ngayon?"



          Pinanlakihan lang ako ng mata ni Zafe. Maya-maya'y umiling. Nilagay ni Zafe ang kamay niya sa pisngi ko at marahang kinurot.



          “Cute mo. Makinig ka na nga lang tayo kay prof," gigil na saad ni Zafe.



          Naghurumentado na naman ang puso ko sa pagkurot niya. Pati ata iyung ibaba ko. Ewan ko. Kinukurot na niya ang pisngi ko. Ngayon lang niya ginawa iyun. Nanggigigil pa siya sa akin.



          Biglang humupa ang sistema ko nang maalala ang isang bagay na nangyari sa fiesta na pinuntahan ko. Nang mahiwalay ako sa mga kasama ko, may isang lalaki kasi na mukhang lasing at gigil na kinurot ang pisngi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkaasar sa lalaking iyun. Pero may bagay na maganda sa lalaking ito. Nakakahulog ng brief ang kagwapuhan ng lalake. Nakita ko kasi sa malapitan ang mukha niya at walang duda. Gwapo nga ito. Dagdag pa rito na malaki din ang kanyang katawan at mukhang suki ng mga gym. Nakasuot siya ng nakakatuwang uniporme at mukhang kasama ito sa isang banda na nakita naming dumaan. Basang-basa na din ang damit nito.



          Nang nag-usap na kami, nagtanong naman ito ng ilang bagay na prangka ko namang sinagot. Siyempre, dahil ito naman talaga ang totoong ako kahit lasing pa ang taong ito. Hindi ko pinagbibigyan.



          Bigla naman ito nagyaya kung gusto ko ba daw ng happy time. Napamura agad ang isip ko sa narinig ko. Mukhang alam ko iyung happy time na sinasabi niya.



          Ngumiti ako ng matamis at ubod lakas na sinipa siya sa kanyang pagkalalaki. Masayang sumigaw pa ako ng ‘Viva San Clemente' bago tumakbo paalis. Ang mga tao naman sa paligid ay nakita ang ginawa ko pero wala silang ginawa kung hindi ang tumawa lang din at makisigaw ng ‘Viva San Clemente'. Ang gwapong lalaki naman ay hawak-hawak ang kanyang pagkalalaki at palagay ko'y nasaktan ko siya ng lubusan physically at mentally. Dapat lang sa kaniya iyan. Tarantadong lalake iyun. Ibinigay ko nga sa kaniya ang gusto kong good time. Sayang. Gwapo pa naman at ang ganda ng katawan. Manwhore naman pala. Ayoko sa mga lalakeng ganoon. Ayokong-ayoko. Buti pa si Zafe. Patay na patay sa akin. Teka, napaka-overrated naman ang sinabi kong patay na patay siya sa akin.



          Nang natapos na ang lahat ng klase namin, pumunta agad ako sa Drama Club dahil may meeting kami. Si Zafe naman ay dumiretso na sa kaniyang club. Ano kaya ang nangyari sa taong iyun at nagkasakit nang kasagsagan ng liga? Talo tuloy ang school at nanalo ang Schoneberg Academe.



          Anyway, bakit nga ba ako sumali sa Drama Club? Alam kong walang magtatanong pero sasagutin ko na. Alam niyo kasi, pangarap ko din ang maging isang artista at makilala sa mga soap opera ng ating panahon. Ang gusto kong role ay kontrabida dahil ramdam na ramdam ko ang maging isang kontrabida. Gusto ko kasi iyung mga ginagawa ng mga kontrabida gaya ng paglublob ng mukha ng bida sa inidoro, pag-iisip ng masama, pagsuntok, at kung ano pang masasama na gawain.



          Papasok na ako ng Drama Clubroom nang lumabas si Jin sa pintuan.



          “Aulric, magandang hapon," nakangiting bati niya. “Buti naman at nakapunta ka."



          “Jin, perfect ang attendance ko sa club na may isang absent. Siyempre, pupunta ako," walang amor kong tugon.



          Sabay kaming pumasok sa clubroom. Nandito na ang ibang member at inaantay na lang namin si sir Arthuro, ang adviser ng club. Gaya ni Jin ay binati ako ng ibang mga members. Hindi nga lang gaya nung kanina kay Jin, binati ko din sila pabalik na may ngiti sa labi.



          “Siya nga pala. Kaano-ano mo si Sharina Bourbon?" tanong ko sa kaniya.



          “Pinsan ko," agad na sagot ni Jin.



          “Ang spoiled ha."



          “Spoiled? Teka? Hindi naman ganoon si Sharina," pagdipensa si Jin.



          “Anong hindi spoiled? Babaliin ba naman ang isa sa mga batas sa classroom? Tapos sinasabi pa niya palagi na siya ang anak ng isa sa may-ari ng school na ito na para bang may kapangyarihan ito kapag sinabi niya sa mga tao? Pati nga iyung prof, sinabihan. Hindi iyun spoiled?" litanya ko.



          “Ano ba kasi ang nangyari? Teka, hindi ba magkatabi kayo ng upuan ni Zafe? Hindi mo ba pinayagan na makatabi si Sharina sa kaniya?"



          “Siyempre, hindi. Dapat ay in alphabetical order. Since B ang simula ng Bourbon, doon siya sa unahan."



          “Kaya naman pala. Magkakaganoon talaga iyun kapag hindi nakuha ang gusto. Nawawala ang mga mabubuting ugali. Si Sharina kasi, laging binibigay ng magulang ang gusto niya. Pero sandali lang. Huwag mo siyang i-judge na ang spoiled niya. Hindi siya palaging may gustong kunin. Ewan ko ba bakit ganoon siya."



          “Isa siyang imperpektong tao."



          “Basta ganoon. Sinabi kasi sa akin ni Sharina na kaya dito na siya nag-aaral ngayon dahil nalaman niya na dito din si Zafe mag-aaral. Childhood crush niya kasi pero hindi niya inatake agad. Alam mo na. Bata pa sila," kwento ni Jin. Kaya pala.



          “May mga taong naging childhood crush pa ba si Zafe? Pumunta na sila sa school na ito," saad ko sa hangin.



          Dumating naman sa wakas si sir Athuro at nagsimula na ang club meeting namin. Pinag-usapan naman sa meeting ang gagawin naming palabas sa Disyembre. At ano ba ang meron sa Disyembre? Pasko!



          Musical drama daw ang gagawin namin. Ire-reenact namin ang mga Christmas songs at gagawa ng isang storya. Kasama naman sa kanta na ire-reenact namin ay ang kantang ‘I Saw My Mom Kissing Santa Claus’.



          Kinabahan agad ako nang malaman ko iyun. Dahil sa ako lang ang Muse ng club at wala kaming mga babae sa club, ako ang mom na iyun. Iniisip ko kung paanong halik ba ang gagawin sa palabas na iyun? Smack, torrid, sensual? At sino ang hahalik?



          Grabe naman kasi itong si sir Arthuro. Noong buwan kasi ng Agosto, ni-reenact namin iyung mga nangyari sa mga naging bayani ng Pilipinas. May parte pa nga doon na may suntukan na scene, nagkapasa talaga iyung akto na gumawa nun. Iyun kasi ang gusto ni sir Arthuro. Makatotohanan na performance. Side note, nag-perform ako bilang si Gabriela Silang. Pero wala akong masyadong ginawa. Naging cameo appearance tuloy ang aking kinalabasan dahil gahol na sa oras.



          “Jin, ikaw si Santa Claus," anunsyo ni sir Arthuro sa mga magiging tauhan sa gagawin naming palabas.



          Nagising ako nang narinig ko ang pangalan ni Jin na gaganap bilang Santa Claus. Mukhang magiging okay lang sa akin na mahalikan ni Jin.」



Sharina's POV



          「1 month ago...



          Halos mababasag na ang tiles ng mansyon sa bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa silid-aklatan. Hindi ako makakapayag na ginaganito ako ng mga taong iyun. Anak ako ng isa sa may-ari ng school. Walang tao o batas ang dapat humarang na mapasaakin si Zafe.



          “Tito o daddy, gusto ko po kayong makausap?" agad na wika ko pagkabukas pa lang ng pintuan ng library. Nadatnan ko naman si tito na nagbabasa ng libro.



          “Bakit Sharina? Anong meron?" tanong ni tito.



          “Tito, ano ba iyung mga batas sa pinapatupad sa eskwelahan na kailangan ay in alphabetical order ang formation ng mga upuan sa classroom?" tanong ko.



          “Sa SSG iyun. Sila ang may pakana ng batas na iyun na sinang-ayunan ko naman," sagot ni tito na patuloy sa pagbabasa ng libro.



          “Pwede po bang baguhin natin iyung batas na iyun? O pwede bang burahin na lang na parang hindi siya nag-exist sa simula pa lang?"



          Ibinaling na ni tito ang atensyon sa akin. “Ano ba talaga ang problema ang problema hija?"



          “Iyung batas o polisiya na pinapatupad niyo, nakakasagabal sa gusto ko. Nakakasagabal dahil ang apelyido ni Zafe ay Neville habang ako ay Bourbon. Masyado malayo ang N sa Z," reklamo ko.



          Ibinaling ulit ni tito ang atensyon sa binabasang libro. “Hija, masyado ka naman atang OA. Seating position lang iyan. Mga kabataan talaga oo. Tingnan mo nga kami ng tita mo. Iyang tita mo, nasa kabilang school pa iyan nang nililigawan ko pa noong college. Ngayon, mag-asawa na kami. Wala sa distansya ng punyetang upuan iyan. Sa huli, nasa effort pa rin iyan. Kaya ikaw Sharina, pakalmahin mo muna ang sarili mo pwede?"



          Dahil sa sinabi ni tito, sinimulan kong pakalmahin ang aking sistema. Inhale, exhale, inhale, exhale, inhale, exhale. Well, tama nga naman si tito. Seating position lang iyan. At tsaka bakit ba ako hindi magugustuhan ni Zafe? Mabait naman ako at maganda?




          Bigla naman akong natigilan nang mapakalma ko ang aking sarili. Nako! Naalala ko bigla ang pinaggagagawa ko kanina. Sinigawan ko si Zafe at nagmalaki pa ako na anak ako ng isa sa may-ari ng eskwelahan. Oh my god! Anong gagawin ko?



          Muling pinakalma ko ang aking sarili. Inhale, exhale, inhale, exhale, inhale, exhale. Kailangan kong kumalma dahil baka makagawa na naman ako ng bagay na hindi tama. Ito ang downside ko sa tuwing hindi nakukuha ang gusto ko. Nakakagawa ako ng mga maling desisyon.



          Hindi ko naman namalayan na bumukas ang pintuan at pumasok si Jin.



           “Magandang gabi dad," nakangiting bati ni Jin. Hinalikan pa nito ang pisngi ni tito.



          “Magandang gabi din anak," bati din ni tito na nagtataka sa ginawa ni Jin. “Magpapatawag na ba ako ng isang exorcist para sa iyo?"



          “Ito naman si dad. Minsan lang naman akong humalik sa pisngi ninyo."



          “Dalawa naman kasi iyun anak. Either gumawa ka ng isang mabigat na kasalanan, o may nangyaring maganda ngayon. Alin sa dalawa?" seryosong tanong ni tito.



          Ngiti lang ang isinagot ni Jin at naging magalaw kumilos. Maya't maya din ito kung ayusin ang kanyang salamin. Hindi siya mapakali. Parang may kasalanan na ginawa ang taong ito.



          “Wala lang naman dad," nakangiting sagot ni Jin.



          Saglit na nadulas ako sa aking kinatatayuan sa isinagot niya. Ngingiti-ngiti ka ng ganyan tapos wala lang pala?



          “Anak, hindi ako ipinanganak kahapon. Sige na. Sabihin mo na," pagpipilit pa ni tito.



          “Ayoko po," persistent na sagot ni Jin. “At tsaka dad, may mas mabigat po kayong problema kung sakaling iniisip niyo na may problema po ako."



          “Ano ba iyun?"



          Nakangiting tumingin sa akin si Jin. “Kanino pa po ba?"



          Natawa na lang ang mag-ama at nahiya naman ako. Grabe. Nakakahiya talaga iyung nangyari sa unang araw.



          “Paano dad. Nasa kwarto lang po ako," paalam ni Jin kay tito at naglakad na palabas ng library.



          “I'm sorry talaga tito," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin at lumabas na.



          Nang lumabas na kami ni Jin sa silid-aklatan, naririnig ko siya na humahaginit. Parang kanta para sa pasko ang hinahaginit niya. ‘I Saw My Mom Kissing Santa Claus' ang title nun. At masayang-masaya pa siya habang humahaginit.



          “Hindi ba masyado ka ng matanda para sa kanta na iyan? Alam mo ba na iyung Santa Claus sa kanta ay ang mismong daddy niya?" pagbasag ko sa kasiyahan niya.



          “Alam ko," mabilis na tugon niya sa gitna ng kanyang paghaginit.



          “Ewan ko lang kung anong meron. Magiging pranka ako. Hindi bagay na hinahaginit mo iyan. Mas maganda pa kung iyung ‘Magic ng Pasko' pa ang hinahaginit mo. Ay nako! Hindi bale na nga. May sarili pa pala akong problema na dapat asikasuhin."



          “Good luck na lang Sharina," wika ni Jin bago isara ang pintuan ng kanyang kwarto.



          Kinabukasan, humugot lang ako ng buntong-hininga bago pumasok sa eskwelahan. Okay. Kailangan ay maging perpekto ang araw na ito ngayon.



          “Sharina, magandang umaga," bati ni Isabela. Ay! Oo nga pala. Sa sobrang inis ko kasi kahapon, hindi na ako nakipagkamustahan sa kaniya bago umuwi.



          “Isabela. Nako! Pasensya na at hindi ako nakipagkamustahan sa iyo bago ako makauwi," paghingi ko ng dispensa. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at sumabay siya.



          “Okay lang. Hindi mo naman obligasyon ang makipagkamustahan sa akin palagi. Pwede naman na magkamustahan tayo the day after," paliwanag niya. “So, ano ba ang nangyari kahapon?"



          “Well, hindi ko alam na may polisiya pala ang eskwelahan na kailangan ay in alphabetical order ang seating arrangement. Dahil doon, magkalayo tuloy ang upuan namin ni Zafe sa isa't isa. And I was furious about that. At kapag nagkaganoon ako, sumasama ang ugali ko. Mula sa pagiging mabait, nagiging isa akong masamang babae."



          “Isang imperpektong katauhan."



          “Insulto ba iyan o papuri?" seryoso kong tanong.



          “Neither of the two," sagot ni Isabela. “Kung bibigyan kita ng rating mula 0 hanggang 10, marahil ay 9 ang rating ko sa iyo. Kung bibigyan ko naman ng rating ang sarili ko, baka 5. So, I assume na may binabalak ka na ngayon. Ano iyun?"



          “Well, balak ko humingi ng tawad sa ginawa ko. Ganoon naman dapat hindi ba?"



          “Mabait ka nga. Paano, punta na ako sa unang klase ko. Galingan mo Sharina. Bye," paalam ni Isabela.



          Pumunta na din ako sa unang klase at umupo sa unahan kung saan dapat akong umupo. Nadatnan ko naman si Zafe na kausap ang katabi niyang lalaki. Mukhang Aulric ang pangalan ng lalaki.



          Sa klase na ito, silang dalawa ang pinakamatalino. Lagi silang nag-aagawan para sa top spot. Pero mukhang wala naman pakialam ang dalawa sa top spot. Sa mga kaklase naman nila, nalaman ko na ginagawa silang entertainment. Nagpupustahan sila kung sino ang mangunguna sa dalawa ngayong semestre. Hay nako! Kung ako sana ang katabi ni Zafe na kausap niya. Siguro, kakausapin ko na lang siya pagdating ng lunch break.



          Nang dumating na ang lunch break, nadatnan ko naman siya na kasama pa rin na kumakain si Aulric sa cafeteria. Dagdag pa rito ang isang lalaki at ang isang babae.



          Humugot muna ako ng buntong-hininga at lumapit sa lamesa nila. Kakausapin ko na siya ngayon.



          “Hi. Pwede bang makausap ka Zafe?" tanong ko.



          Pabagsak ata na ibinaba ni Aulric ang kutsara. “Tara Shai. Doon tayo kila Knoll sumabay kumain. May kakausap kay Zafe."



          Tumayo ito agad kasabay nung babae na katabi niya at pumunta sa ibang lamesa.



          “Zafe, mukhang sasabay na lang ako sa kanila," anang isa pa niyang kasama na pumunta din sa lamesa na pinuntahan ni Aulric.



          “May nasabi ba akong masama kaya umalis sila?" tanong ko kay Zafe.



          “Wala naman," sagot ni Zafe. “Mukha kasing naamoy nila na gusto mo akong kausapin ng sarilinan."



          Inamoy ko ang aking sarili. “Naaamoy na ba ngayon ang intensyon? Ang totoo kasi, okay naman na makinig sila sa sasabihin ko sa iyo. At hindi ko naman hinihiling na makausap kita ng sarilinan." Umupo ako sa harapan niya.



          “Okay. Magsalita ka lang diyan. Makikinig ako."



          Bumuntong-hininga muna ako. “Unang-una, gusto kong humingi ng tawad sa iyo dahil sa pinagmamalaki ko pa kahapon na anak ako ng isa sa may-ari ng eskwelahang ito. Hindi pa naman ako aware na may polisiya palang ganoon ang eskwelahan kaya humihingi ako ng tawad."



          “Ganoon ba? Ako din. Hindi ko  alam na may ganitong polisiya ang eskwelahan noong una."



          “Kaya din kasi ako nagkakaganoon, ang totoo kasi niyan, may bagay kasi ako na hindi nakuha kaya sumama ang ugali ko. Hindi sa pagmamayabang, pero mabait naman talaga ako Zafe. Sumusunod talaga ako sa mga batas."



          “You're really an imperfect person like someone I know," natatawang remark niya.



          “Like someone you know?"



          “Katulad mo si Aulric. Iyung katabi ko palagi. Nakikita mo na nag-uusap kami. Akala mo magkaibigan kami, pero hindi."



          “Hindi? May ganoon?" nagugulat kong tanong.



          “Kami," natatawa niyang retort.



          “I see." Pero wala akong pakialam sa strange na relationship ninyo.



          “So pwede ko bang malaman kung ano iyung bagay na nag-trigger sa masama mong pagkatao?" tanong niya. “Mukha kasing ako ang naging dahilan kaya nagkaganoon. Dahil ba sa pinaalis kita doon sa gusto mong puwesto?"



          “Yeah. Dahil doon," sagot ko. “Ang dahilan kaya dito na ako nag-aaral ay..."



          Shit! Bigla akong napipi. Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin! Bumibilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako. Mukhang hindi talaga ako makakatakas sa rule na kabahan kapag nag-confess sa kaniya.



          “May gusto ka kay Aulric?" nanghihinala niyang pagtuloy sa sasabihin ko.



          “Ahh, ehh, hindi siya."



          “May gusto ka kay Isaac?" muling hula pa niya.



          “Hindi din. Sa iyo kasi ako may gusto," bigla kong naibulalas.



          Bigla kong natutop ang aking bibig. Teka? Iyung utak ko ba iyung nagsalita? Sinabi ko ba talaga iyun? Imagination ko lang ba iyun? Oh my god! Nakakahiya talaga kung nagkataon na nasabi ko talaga iyun.



          “Si Isaac ba?" muling tanong ni Zafe. So hindi niya narinig?



          “Dahil kailangan," palusot ko. “Sila daddy at tito kasi, at ng isa pang tito ko, gusto na dito kami mag-aral para magkasama-sama kami. Para kasing tradisyon iyun sa pamilya namin."



          “Ahh! Ganoon ba? Iniisip ko pa naman na baka ako ang dahilan kaya nag-aaral ka na dito," pagbibiro niya. “Alam mo, kumain na muna tayo. Nagugutom na ako. May practice pa ako mamaya sa Basketball Club. Alam mo naman mga basketbolista. Kailangan kumain ng marami para magkaroon ng lakas." Sinumulan na niyang kainin ang kanyang baon.



          Hay! Hindi pa rin ako handa! Ang kapal ko pa magsalita kay Jin na torpe siya at ako hindi. Mukhang pagtatawanan ako nun kapag nalaman niya ang pangyayaring ito.



          “Oo nga pala. Nalaman ko na hindi ka pala nakalaro nitong huling liga. Anong nangyari?" pag-iiba ko sa usapan.



          Lumunok muna si Zafe. “Nagkasakit ako. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kaya imbes na pumunta at lumaban, pinili ko na lang na magpagaling. Ayoko naman magdahilan na kaya natalo ako ay dahil sa may sakit ako," paliwanag ni Zafe.」



Zafe's POV



          「1 month ago...



          Hindi ako makapaniwalang sinabi iyun ni Sharina at hindi ako makapaniwalang umepekto ang sinabi ko na kunyari ay hindi ko narinig ang sinabi niya. Gumana iyun na parang magic. Ako iyung naging dahilan kaya dito nag-aaral ngayon si Sharina Bourbon. Kilala ko ang babae noong mga bata pa kami. Basta. Kinder pa lang kami, naging kaklase ko na ang mga Bourbon kasama na ang pinsan niyang si Jin. Pero hindi kami ganoon ka-close.



          Habang abala ako na kausapin si Sharina tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa akin at tungkol din sa kaniya, mukhang nasa isang mahirap akong sitwasyon. Ang babae naman ngayon ang lumalapit sa akin? Seryoso? Meron kayang ibang babae na lalapit sa akin at sasabihin na kaya sila nag-aral sa eskwelahang ito ay para maging syota ko? No way! Sabihin ko na lang kaya sa kaniya ng diretsahan na wala talaga akong gusto sa kaniya? Pero hindi pa naman niya alam officially na sinabi niya na may gusto siya sa akin.




          Biglang nahagip ng paningin ko si Aulric. May planong nabuo sa utak ko. Pero magiging epektibo kaya kapag ginawa ko iyun?



          “No, hindi, huwag, nein, iye, at kahit ano pang equivalent ng salitang HINDI sa iba't ibang wika," pagtutol ni Ricky sa plano ko. Kitang-kita ko sa mga mata ni Ricky ang pagtutol sa mga sinasabi ko. Nasa kalagitnaan kami ng practice sa club at nagpapahinga.

         

          “Pero bakit?"



          “Nag-iisip ka ba? Unless lang kung may alam siya. Pero delikadong move iyan Zafe. Paano kung ang gamot ay mas malala pa kesa sa sakit? Kanina, dinescribe mo iyung ugali ni Sharina. Paano kung iyung delikado niyang imperpektong katauhan ay pagbalingan ka pati si Aulric? Mag-isip ka nga?"



          “I can handle it."



          “Yup. You can handle it. Nasasabi mo lang iyan dahil wala pa tayo sa puntong iyun. Now Zafe, kapag umabot tayo sa sinasabi kong sitwasyon, tingnan natin kung masasabi mo pa ang mga salitang iyan. Ano ba naman kasi kayong dalawa? Nag-uusap pero hindi magkaibigan? Kalokohan. May setup pa talaga kayo na ganoon? Bakit hindi mo na lang siya kasi kinama habang nanonood kayo ng Boku no Pico? Dapat nga hindi Boku no Pico ang ipinanood mo. Marami pang iba diyan sa tingin ko."



          “Dahil iisipin na naman niya na baka niloloko ko lang siya. Na hindi ako sincere," pagdadahilan ko.



          “And you think na gagana itong pinapagawa mo sa akin?!" seryosong tanong ni Ricky.



          “Hindi ko alam," sagot ko. “Pero Ricky, kung mahal talaga ako ni Aulric, magiging epektibo talaga itong gagawin ko. Magre-react iyun sa mga makikita at maririnig."



          “Real talk Zafe, kahit ako ay hindi sigurado na may gusto si Aulric sa iyo. 50-50 kasi siya. 50% na may gusto siya sa iyo, at 50% na ayaw niya sa iyo. Pero sigurado ako na 100% na wala siyang pakialam sa dalawa niyang nararamdaman."



          “Saan galing ang 100?" kunot-noo kong tanong.



          “Hindi bale na nga. Hindi mo iyun maiintindihan."



          “So ano? Gagawin mo ba?" muli kong tanong.



          Hindi na umimik si Ricky at tumingin na lang sa team na naglalaro. Wala na akong maaasahan bukod sa kaniya.



          “Bahala ka sa buhay mo! Sige na nga. Pero binalaan na kita!" pagpayag din niya.



          Niyapos ko na lang si Ricky dahil sa pumayag siya sa binabalak ko.



          “Ano ba? Tigilan mo nga iyan?" pagpupumiglas niya.



Aulric's POV



          「1 month ago...



          Nagsimula na kaming magpraktis para sa palabas namin bago magsara ang klase ngayong taon na ito dahil sa mga holiday. Nasa part na kami ng kanta kung saan hahalikan ko si Jin nang hindi niya itinuloy.



          “Stop!" sigaw ni sir Arthuro. “Anong problema Jin?"



          “S-Sir, hindi ko m-magawa. Nahihiya po k-kasi ako," pautal-utal na sagot niya. “G-Gusto ko po kasi na ang first kiss ko ay galing sa taong g-gusto ko. A-Ayokong halikan si Aulric hangga't hindi ko po nahahalikan ang taong iyun."



          Nasapo ni sir Arthuro ang ulo niya. Medyo natawa pa ito sa narinig mula kay Jin.



          “Jin? Bakit ka sumali sa Drama Club? Para tumaas ang ibibigay na grade sa'yo?" seryosong tanong nito.



          “H-Hindi naman po sa ganoon," sagot ni Jin. “Gusto ko po kasi na kahit papaano, maipakita sa mommy ko na kaya kong gawin ang ginagawa niya mula sa langit. Sumali po ako sa Drama Club para rin matuto."



          “Jin, hindi mo pa ba napapanood ang mga pelikula na gawa ng mommy mo bago siya sumikat? I mean, iyung bago pa naging sila ng daddy mo?"



          “Hindi po."



          Tumayo si sir Arthuro at pumunta sa harapan. “Listen people. Hindi niyo ba alam na may ilang sikat na artista na kumuha ng mga maseselang roles? Kagaya na rito ang mommy ni Jin. Si Loius Bourbon. Nakipaghalikan siya sa kaparehas na babae noong kapanahunan namin. Dahil nga doon, nanalo siya ng award. Sa isang interview, may nagtanong kung nandiri ba siya sa ginawa niya. That was quite an offensive question no? Sinagot naman niya ito na ginagawa niya lang ang kanyang trabaho bilang isang artista. Nasundan pa iyun ng ilang mga kaparehas na roles. Well, ginawa niya pa rin. Tapos may kumakalat na usap-usapan na nagde-date na sila ni Louie Bourbon. Ngayon naman, tinanong din si Louie kung nandidiri ba siya na makahalikan si Louis dahil ang tingin talaga ng mga tao noon sa mga taong nakikipaghalikan sa kaparehas na kasarian, ay kadiri. Sinagit-"



          “Umm, sir," pagputol ni Jin sa lecture ni sir Athuro. “Alam ko na po ang point ninyo. Actually, okay lang naman po talaga sa akin na mahalikan si Aulric. Kaya lang, gusto ko na iyung first kiss ko ay sa taong gusto ko."



          “Ganoon ba? Well, hindi naman iyun ang punto ko talaga. May iba pa. Hindi lahat ng paghalik ay simbolo ng pagmamahal. Ang halik ay maraming interpretasyon sa taong hinalikan o sa humalik. May iba na ang halik ay para sa wala lang, para sa trabaho, at kung ano-ano pa. Para makipagplastikan, pwede din. Ngayon Jin, sinasabi mo na naka-reserve lang para sa minamahal mo ang first kiss mo. Tanong, sigurado kaya na makakasama mo ang taong ito ng habangbuhay dahil lang sa una mong halik? Paano kung nasa pangalawa, nasa pangatlo, o baka nasa pang-apat, o hindi natin alam na wala pala doon? Pero walang pakialam ang direktor mo kapag narinig iyang dahilan mo Jin. Kapag sinabi ng direktor na halikan mo ito sa scene na ito wala kang magagawa kung hindi ang halikan mo siya. Or else, mawawalan ka ng trabaho. Napaka-unprofessional mo naman kapag ganoon."



          “Sir Arthuro, I appreciate the words. Pero hindi ko naman po balak mag-artista kapag nakapagtapos ako. Pero tatandaan ko po iyang sinasabi ninyo."



          “Okay. Irerespeto ko iyang gusto mo na huwag muna halikan si Aulric pagdating sa mga practice natin. Kung sino man iyang taong nagpapatibok ng puso mo na pag-aalayan mo ng una mong halik, halikan mo na. Ipagpatuloy ang practice."



          Bumalik si sir Arthuro sa kinauupuan niya. Nagtataka naman ako kung sino ang taong nagpapatibok sa puso ni Jin. Hindi pala ako aware na nagkakagusto din pala ang taong ito. Nakalimutan kong lalaki ang taong ito.



          Pero ang mga sinasabi ni sir Arthuro, may laman. Parang minsan ay naging artista siya sa kanyang buhay. Isa kayang sikat na artista si sir at hindi ko lang alam?



          “Jin, sikat bang artista si sir at hindi ko lang alam?" tanong ko kay Jin nang matapos na ang practice namin.



          “Si sir Athuro? Hindi," sagot ni Jin. “Matagal na siyang nagtururo sa unibersidad. Pero hindi ko naririnig na isa siyang artista. Ang alam ko lang sa kaniya, nagkaroon siya ng asawa't anak, pero iniwan niya. At ilang taon ang nakalipas, nagkaroon na naman siya ng panibagong asawa. May anak na nga din siya dito."



          “Ganoon ba? Kaya pala. Baka nalaman niya na hindi na niya mahal ang kanyang asawa kaya nasabi niya ang bagay na iyun. Iyung tungkol sa halik."



          “Mahal ko ang dati kong asawa Aulric," pagsabat ni sir Arthuro na nasa likod lang pala namin.



          Halos napatalon kami ni Jin nang malaman na nakikinig pala sa usapan namin si sir. Tiningnan pa kami nito ng seryoso.



          “Pero bakit po hiniwalayan niyo siya?" matapang na tanong ko kahit nakakatakot ang tingin ni sir.



          Tumikhim si sir Arthuro. “Magandang tanong Aulric. Sa ngayon mga bata, hindi niyo lubusang maiintindihan kung bakit iniwan ko ang una kong asawa. Ang masasabi ko lang, iniwan ko ang aking unang asawa dahil mahal ko siya. Pero masyadong komplikado ang mga bagay-bagay sa pagitan naming dalawa kaya lumayo ako. Bueno mga bata, baka may mga pasok pa kayo. Pumasok na kayo sa susunod niyong klase."



          “Ay! Oo nga. May pasok pa ako! Sige Aulric. Mauna na ako," natatarantang saad ni Jin at umalis.



          “Sige po sir mauna na din po ako," paalam ko.



          Habang naglalakad papunta sa huli kong klase, iniisip ko kung mahal pala ni sir Arthuro ang kanyang asawa, bakit niya ito iniwan? Ano ang komplikadong bagay na iyun na naging dahilan ng paghihiwalay nila?



          Nang lumabas na ako ng Drama Club, madilim na. Nakita ko na naman ang multo nung holdaper sa hallway kung saan ako dadaan patungo sa huli kong klase. Walang takot na lumakad ako papunta sa ginagawang imahinasyon ng utak ko. Hindi dapat ako matakot sa patay. Nasa kabilang buhay na sila at wala silang kakayahan para hamakin ka.」



Zafe's POV



          「1 month ago...



          Pumasok na ako para sa huling klase namin sa araw na ito. Napansin ko naman si Aulric na nakahiga ang ulo niya sa arm chair.



          Hinawakan ko ang bandang lalamunan niya para malaman kung may sakit siya. Baka may lagnat si Aulric.



          “Okay ka lang?" medyo nag-aalalang tanong ko dito. Mukha namang normal ang init ng kanyang katawan.



          Inalis ni Aulric ang kamay ko. “Okay lang ako. Napapagod din ako Zafe gaya ng mga karaniwang tao sa mundo."



          “Talaga? Napapagod? Bakit? Ano ba ginagawa mo? Nagtataksil sa akin?" natatawang biro ko.



          “Pakiusap Zafe. Pagod lang ako. At hindi ko gawain ang magtaksil kung sakali. Huwag mo nga akong simulan," naiinis niyang saad.



          Pumasok na ang prof namin para sa huling subject. Bumangon na din si Aulric. Napansin ko naman na sinusuportahan ng isang kamay niya ang kanyang ulo. Nakapikit din ang kanyang mga mata pero palagay ko'y sinusubukan ibalanse ang mga pagtulog at pakikinig. Baka pinapakinggan pa rin niya ang lecture ni prof. Mukhang nagkakasakit din pala ang mga bato.



          “Hey, gusto mong ihatid kita pauwi sa inyo?" yaya ko. “Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo. May migraine ka ata. Magpahinga ka kaya."



          “Kaya ko ito. Tsaka magiging okay din ako. Pabigyan ko lang itong last subject natin. Huwag mo akong alalahanin."



          Natapos na ang klase namin sa araw na ito. Para namang gusto kong hindi na ituloy ang binabalak ko ngayong araw na ito dahil nag-aalala ako kay Aulric. Pero matapos siyang makita na diretso maglakad palabas, mukhang magiging okay lang siguro siya.



          Agad naman akong pumunta kay Sharina na nasa unahan at paalis na din.



          “Sharina, pauwi ka na ba?" tanong ko dito.



          “Pauwi na ako. Bakit?" nagtataka niyang tanong.



          “Gusto mong ihatid kita sa mansyon ninyo?" yaya ko.



          Natawa si Sharina. “Ano ka ba Zafe? Nakakatawa ka. May driver ako kaya hindi mo na ako kailangan ihatid."



          Napakamot ako sa aking ulo. “Ay! Oo nga pala. Nakalimutan kong anak ka pala ng isa sa may-ari ng eskwelahang ito," pagbibiro ko. “Sige. Aalis na ako."



          “Ay teka?! Sandali lang."



          Kinuha ni Sharina ang phone niya at tinawagan ang kanyang driver. Nagpaalam ito sa driver niya marahil, na hindi sasabay kay Jin na uuwi. Mukhang effective nga iyung naisip kong paraan para makausap ng sarilinan si Sharina.



          “Ayan! Pwede na," masayang saad ni Sharina.



          Habang nagmamaneho ako papunta sa mansyon nila, marami kaming napag-usapan. Nalaman ko na marunong siya magsagawa ng ilang mga magic trick. Nagtataka naman ako kung paano nila nagagawa iyun lalong-lalo na si Aulric na nagawang magpalabas ng condom mula sa bulsa ko. Bakit nga ba ako may condom sa bulsa? Huwag na kayong magtanong.



          Nang nasa tapat na kami ng mansyon, hininto ko ang sasakyan. Humugot muna ako ng buntong-huninga. Dito na magsisimula ang una kong plano.



          “Sharina, may bagay na ipagtatapat sa iyo," pag-amin ko nang hindi tumitingin sa kaniya. “Noong isang araw na nag-usap tayo kung ano ang dahilan mo at bakit dito ka ngayon nag-aaral, nadulas ka. Sinabi mong ako ang dahilan kaya dito ka nag-aaral."



          Nilingon ko siya at nakita na nakatingin siya ng diretso sa harapan. Bahagyang nakanganga din ang kanyang labi at mukhang hindi talaga siya makapaniwala na nag-confess na pala siya.



          “Pasensya na dahil nabigla ako. Kaya niloko kita at nagtanong ulit kung si Isaac ba ang dahilan. Dumagdag pa na anak ka pa ng may-ari ng eskwelahan. Aware naman ako na mayaman din kami pero hindi ganoon kayaman. Kung baga nasa langit tayo parehas pero hindi tulad mo na nasa ikapito habang kami ay nasa ikaapat? Lately, na-realize ko na may ilang similarities din tayo sa isa't isa Sharina. Yung habang nag-uusap tayo. At gusto sana kitang yayain na makipag-date sa akin bukas. Let's get to know each other even more?"



          Natahimik si Sharina. Na-realize niya din siguro na napaka-awkward ng nangyayaring ito dahil akala niya ay imahinasyon niya lang ang pagko-confess sa akin. Kailangan pumayag siya.



          “Wow! S-Sige. S-Sure," pautal-utal niyang sagot.



          Ngumiti ako ng matamis. “Great. So susunduin kita dito sa bahay niyo?"



          Ngumiti din siya. “Oh! Yup. That would be, great! Kita na lang tayo bukas. Bye Zafe," paalam niya.



          Nagmadali naman itong bumaba sa sasakyan. Marahil ay nagwawala na ang puso niya dahil sa acting ko. Pasensya na Sharina. Kailangan lang kitang gamitin saglit.」



Sharina's POV



          「1 month ago...



          Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit sa mansyon. Nilingon ko lang ulit ang gate kung saan nakita ko ng umalis si Zafe at humabol pa ng kaway. So nag-confess pala talaga ako sa kaniya! Oh my gosh! Oh my gosh! At dahil doon, niyaya ako ni Zafe na makipag-date sa kaniya! Oh my gosh! Oh my gosh!



          “AHHHHHHHH!" kinikilig kong sigaw sa labas ng mansyon.



          Grabe iyung ngiti niya talaga. Nakakabighani. Oh my gosh! Ano palang damit ang susuutin ko bukas? Ano ba ang paboritong kulay ni Zafe? Ano ba ang magandang blend ng kulay para sa maputi kong kutis? Oh my gosh! Ano kayang magic trick ang gagawin ko bukas? Pressure, pressure! Pressure intensifies. Baka mamaya, sumabog ako!



          “Sharina! Bakit hindi ka pa pumapasok?!" pasigaw na tawag sa akin ni daddy sa pintuan ng mansyon.



          “Dad," tawag ko din dito. Agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan sa pisngi. Hinawakan ko pa ang dalawang kamay ni daddy at nagsayaw. Ang saya-saya ko! Feels like magic!



          Mga ilang minuto naman kaming nagsayaw ni daddy. Napatigil ako nang napansin ko na hindi siya umiimik at nakangiti na lang din.



          “Dad, magsalita ka naman. Can't you see I'm happy?" pakiusap ko.



          “Ano naman ang sasabihin ko? Masaya lang naman ako na masaya ka anak. Ano pa ba ang kailangan mo?"



          “I need you dad to destroy this wonderful moment. Baka kasi panaginip lang."



          “Magsayaw na nga lang tayo." Hinawakan ulit ni daddy ang mga kamay ko at muling nagsayaw.



          “Daddy naman ehh. Sirain mo kasi ang moment," reklamo ko habang ipinagpatuloy ang aming pagsasayaw. “Please?"



          “Sige. Bakit masaya ang munting prinsesa ko?" tanong ni daddy.



          “Daddy naman. Tinawag pa talaga ako na munting prinsesa," nguso ko. “Pero this time is an exception since I ask for it. Okay dad. Niyaya akong makipag-date ng long-time crush ko. Si Zafe Neville."



          “That's great. Hindi ka na pala little princess. Ganap ka na palang prinsesa. At itong Zafe ang aspiring na prinsipe."



          “Prinsipe na dad. Huwag mo ng dagdagan ng word na aspiring."



          “Pero aspiring pa lang naman hija. Hindi pa naman kayo or anything hindi ba?"



          Nawalan na ako ng gana sumayaw. “Ayan. Sira na ang moment ko. Makapasok na nga sa mansyon," biglang pagmamaktol ko. Binuksan ko lang ang pintuan ng mansyon at pumasok.



          “Hija, kayo na ba nung Zafe?" tanong ni daddy.



          “Hindi pa naman po. Pero doon na din po iyun mapupunta," sagot ko nang hindi tumitingin kay daddy.



          “Gaano ka naman ka sigurado?"



          “Niyaya niya ako makipag-date bukas."



          “It's just a date hija."



          “But it mean a lot to me."



          “Sa kaniya hija? Does it mean a lot to him ang magiging date niyo bukas?"



          “Yeah. He is interested to me sabi pa nga niya. Ngumiti pa nga siya nang pumayag ako na makipag-date sa kaniya. It means na masaya din siya nang makuha ang matamis kong oo," masayang paliwanag ko kay daddy. “Kaya daddy, pakisabi na lang kila yaya na dalhin na lang ang hapunan ko sa kwarto. Mukhang marami akong susukatin na damit para sa date ko bukas."



          Bago ko isara ang pintuan, nakita kong umiling pa si daddy pero nakangiti. Binuksan ko na agad ang ang aking aparador na puno ng mga magaganda kong kasuotan. Sisiguraduhin ko na magiging best date ever ko iyun.」



Shai's POV



          「1 month ago...



          Nasa mall ako at gumagala lang ng walang rason. Nakakabagot kasi sa bahay. Si Aulric naman ay hindi sumama sa akin ngayon dahil sa masama daw ang pakiramdam niya. At hindi lang siya ang masama ang pakiramdam. Sila Knoll, Andrew, Caleb, Camilla, may mga sakit din. Nagtatampo na ako sa mga kaibigan ko.



          Habang naglalakad, nakita ko si Ricky. Tatawagin ko sana ito nang napagpasyahan ko na obserbahan ko muna si Ricky. Casual ang pananamit niya at may nakasabit sa kanyang mamahalin na camera. May hinihintay siyang date?



          “Ricky," tawag ko dito habang lumalapit. Nakuha ko naman ang atensyon niya.



          “Shai, nandito ka pala ngayon. Anong meron at napunta ka dito sa mall?" tanong niya.



          “Boredom," sagot ko. “Nakakabagot kasi sa bahay kaya lumabas ako ng bahay at pumunta sa mall. Para naman siguro sa lahat ang mall na ito hindi ba?"



          “Oo naman."



          “Ikaw? Bakit ka narito?"



          “Ahh, bored din."



          “So maliban sa pagiging isang magaling na basketball player, mahilig ka din ba sa photography? Naghahanap ka ba ng magandang kuha dito sa mall?"



          “Parang ganoon na nga. Alam mo Shai, bakit hindi tayo maglakad-lakad saglit?" yaya niya. “Gusto mo, ilibre na rin kita ng ice cream? Masarap kumain ng ice cream na may kasama."



          Nasiyahan ako sa alok niya. “Sure," pagpayag ko.



          “Okay. Tara."



          Habang naglalakad kami, napansin ko na kinuha ni Ricky ang phone niya at nakatingin siya sa akin habang pumipindot ng kung ano sa phone niya.



          “Ayos ah! Nakakapag-text ka kahit nakatingin ka sa akin," pamumuri ko.



          “Yeah. Isang kakayahan na hindi naman kapaki-pakinabang," natatawang tugon ni Ricky.



          “Hindi kapaki-pakinabang? Hindi ako naniniwala sa'yo. Kaya mo bang mag-text habang nasa likod mo lang ang phone mo?" paghahamon ko.



          Ipinakita sa akin ni Ricky ang isang blankong message composer. Nilagay naman ni Ricky sa likod niya ang phone at sinimulan na ang hamon ko. Maya-maya ay ipinakita na niya sa akin ang mensahe na binuo niya.



          “The quick brown fox jumps over the lazy dog," basa ko sa text. “Ang galing ha. Kaya mo pala. Hindi naman basura ang kakayahan mong iyan."



          “Really? Mukhang binobola mo ako," hindi naniniwalang saad niya.



          “Hindi ko ugali iyun. Kahit nga mga magulang ko, hindi ko binonola," pagbibiro ko.



          Natawa kaming dalawa. Bigla naman tumunog ang phone niya at tiningnan kung anong meron.



          “Shai, pwede bang dito ka muna saglit? May babalikan lang ako. Dito ka lang ha."



          Biglang kumaripas ng takbo si Ricky. Mukhang bumalik siya doon sa lugar na nakita ko siya.



          Hindi ko siya sinunod at sumunod sa kaniya. Nakita ko naman siya ulit sa lugar na iyun. May kinukuhaan siyang litrato.



          “Ayoko ngang maghintay doon," nayayamot kong saad kay Ricky.



          Biglang humarap si Ricky sa akin pati ang camera kaya hindi ako gumalaw. Kusa namang nag-react ang labi ko at ngumiti. Tama nga ang hinala ko nang nag-flash ang liwanag ng camera sa akin. Kahit na tapos na ang pagkuha niya ng litrato, hindi ako makagalaw. Parang may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin.



          “Wow! Ito na ata ang pinakamagandang kuha ko," saad ni Ricky habang nakatingin sa kaniyang camera.



          “Patingin."



          Ipinakita niya sa akin ang kuha ko. Nagtataka naman ako sa sinabi ni Ricky na ito daw ang pinakamaganda niyang kuha. Nakasuot ako ng kulay pink na blusa na hindi ko palaging sinusuot. Lagi kasi akong nakasuot ng panlalaking kasuotan kapag lumalabas ako. Nitong taon ko lang naisip magsuot ng blusa at ibang mga pambabae na damit. Noong una, hindi ako komportable. Pero nagagandahan na ako sa pagsusuot ng mga babaeng damit kalaunan. Pero naisip ko, baka ako lang ang nagagandahan. Wala kasi akong natatanggap na komplimento mula kila Aulric at sa iba. Pero bagong kaibigan ko pa si Aulric kaya hindi niya alam. Iyung iba, ewan ko lang.



          “Wala akong makitang kagandahan sa litrato ko," malungkot kong wika.



          “Bakit ka nagsasabi ng ganyan? Maganda ka Shai," puri ni Ricky.



          Wala akong masabi sa sinabi ni Ricky. Medyo natutuwa ko nang sinabi niyang maganda ako. Siya pa lang ata ang una na sinasabing maganda ako. Dati, iniisip ko na siguro, kapag nagkaroon ako ng malaking dibdib, magagandahan ang mga tao sa akin.



          “Mukhang binobola mo lang ako ehh."



          “Bahala ka nga diyan. Basta, maganda ang kuhang ito para sa akin," nayayamot na saad ni Ricky.



          Pipindutin ko sana ang ibang buton ng kanyang kamera pero bigla niyang inilayo ito sa akin.



          “Huwag!" nagulat niyang wika. “Ahh, kase, natatakot ako na masira mo ito. Ito pa naman ang pinakagusto kong kamera at hindi ko pinapahawak ito sa kung sino-sino."



          “P-Pasensya na."



          “A-Alam mo, ang mabuti pa ay lumakad na tayo at pumunta sa pagbibilhan natin ng ice cream. Gusto ko ng kumain ng ice cream."



          “Sige. Tara na."



          Nagpatuloy naman kami sa paglalakad ni Ricky. Gaya ng sinabi niya, nilibre niya ako ng ice cream. Nako! Nakakakilig. Para kaming nagde-date pero impormal. Pero ayos na rin iyun. At least, hindi niya nasasabi na boring akong kasama.



          Nag-usap lang kami ng nag-usap ni Ricky tungkol sa pakiramdam niya bilang isa sa mga magagaling na basketbolista sa lugar namin, pero hindi nanalo nitong nakaraang liga dahil wala si Zafe. Pinag-usapan din namin ang aming mga paboritong kanta at banda. Nakakagulat lang na halos may pagkakaparehas kami ng bandang gusto. Pero parang may nase-sense ako sa kaniya. May bagay siyang hindi sinasabi sa akin. Pero siguro, hindi niya kailangan sabihin sa akin iyun.



          “Alam mo Shai, parang pamilyar ka talaga sa akin. Hindi ko alam pero mukhang matagal na ata kitang nakita. Schoolmates ba tayo sa isang high school?" naitanong ni Ricky.



          “Oo. Schoolmates nga tayo," sagot ko.



          Tiningnan lang ako ni Ricky. Wala na siyang ibang sinasabi habang ako naman ay patuloy pa rin inuubos ang dinidilaan kong sorbetes. Gusto pa kaya niya ng ice cream kaya tinitingnan na lang niya ako?



          Biglang nagliwanag ang mukha ni Ricky. “Tama! Naalala ko na. Ikaw iyung nababalitaan kong kaaway ng mga bully sa high school noon tama ba?"



          Bigla akong tinamaan ng hiya at umiwas ng tingin. Hangga't maaari naman kasi, huwag ng ibalik iyun. Lalong-lalo na kapag nalaman ni Ricky.



          “Ako?" saad ko na may pagkakaila na tono. “Nako Ricky! Marami namang mga tao na ayaw sa mga bully. Sigurado ka ba na ako iyung nababalitaan mo?"



          “Oo naman. Dahil idinetalye ng mga bully sa school kung sino iyung kaaway nila. Isang babae daw na patag ang dibdib ang kaaway ng mga bully. Kaya malamang, ikaw iyun."



          Nangibabaw bigla ang inis sa pagkatao ko at biglang inubos ang ice cream na dinidilaan ko. Ganoon pala ang pagkaka-describe nila sa akin? Humanda sila!



          “Si Isaac? Hindi ba kaaway mo iyun dati? Sila Andrew, Caleb, at Knoll. Isa sila sa mga bully noon kung tama ang pagkakatanda ko hindi ba?" pag-aanalisa niya. “Ikaw iyun Shai. Huwag mo ng itanggi."



          “Y-Yeah. Ako nga iyun," nahihiyang pag-amin ko.



          “Ang galing naman. Hinahangaan ko ang mga katulad mo Shai."



          “Bakit mo naman ako hinahangaan?"



          “Hindi ko kasi magawa iyang ginagawa mo. Ang magtanggol ng mga taong nambu-bully. At isa pa, hindi ko kahit kailan naranasan na ma-bully. Wala kasing gustong mam-bully sa akin dahil takot sila sa mga kaibigan ko."



          “Hay nako! Lahat ng mga binu-bully ay gusto ang status mo. Ang hindi ma-bully."



          Nahagip naman ng paningin ko si Zafe na may kasamang babae. Si Sharina ba iyung babae na iyun?



          “Ricky, si Zafe ba iyun?" Tinuro ko pa ang direksyon kung saan nakita ko siya nakita.



          “Si Zafe? Saan?" Tumayo din siya at tumingin sa direksyong tinuturo ko. “Wala naman ah."



          “Puntahan natin. Sigurado akong nakita ko siya." Hinawakan ko ang kamay ni Ricky tsaka sinama siya na pumunta sa direksyon na nakita ko si Zafe.」



Zafe's POV



          「1 month ago...



          “Shai alis," basa ko sa text ni Ricky. Patay! Nandito si Shai?



          “Bakit Zafe? May problema ba?" tanong ni Sharina sa akin.



          “W-Wala naman Sharina," sagot ko. “Ihahatid na kita pauwi. Tara."



          Hinawakan ko ang kamay ni Sharina at lumakad papuntang parking lot. Mabilis ko siyang pinapasok saka pinaandar agad ang sasakyan nang nakarating na kami sa sasakyan. Habang umaandar ay nakita ko sila Ricky at Shai na mukhang hinahanap pa rin kami. Humugot ako ng buntong-hininga. Muntikan ng pumalya ang plano namin.



          “Si Ricky iyun hindi ba?" tanong ni Sharina habang nakatingin sa tinted na bintana ng kotse. “Halika. Puntahan natin."



          “Huwag na natin silang istorbohin," pagtutol ko. “May kasama siyang babae kaya malamang, nakikipag-date siya."



          “I see. Dine-date niya pala iyung kaibigan niyong patag ang dibdib," pagbibiro niya.



          “Kahit patag pa ang dibdib nun, mabait namang babae iyun. Siya ang tagapagtanggol ng mga taong binu-bully sa high school. Natatandaan ko na hinahangaan ni Ricky ang mga ganoong klaseng tao. Walang duda na ide-date niya si Shai." Pero nagde-date nga ba sila?



          Habang nagmamaneho, ina-assess ko ang naging date namin ni Sharina ngayon. Hindi ako gaanong nasisiyahan. Ewan ko ba. Parang ang utak ko ay nasa malayo. Iba ang gusto kong makasama. Paano kaya kung si Aulric ang ka-date ko? Masisiyahan kaya ako?



          Nakarating na kami sa mansyon nila Sharina.



          “Salamat sa date ngayon Zafe. Nag-enjoy ako," wika ni Sharina.



          “Ako din naman," tugon ko.



          Patingin-tingin sa akin si Sharina. Mukhang may gusto pa siyang mangyari. Ahh! Alam ko na.



          Lumabas ako sa sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Hinawakan ko pa ang kamay niya para makababa siya.



          “Zafe, magtapat ka nga sa akin. Hindi ka ba nag-enjoy sa date natin ngayon?" tanong niya. Mukhang nahalata ako ni Sharina.



          “Gusto ko sana. Kaya lang, ewan ko ba," pagtatapat ako. “Nag-a-adjust pa lang kasi ako Sharina. Alam mo na. Ikaw ang pangalawang babae na naka-date ko. May stigma pa kasi si Colette dito sa puso ko. At hindi basta-basta maalis ang stigma na iyun sa akin. Pasensya ka na Sharina."



          “O-Okay lang. Hindi kita pipilitin na alisin sa iyo agad ang bakas na naiwan ni Colette diyan sa puso mo. Sige Zafe. Papasok na ako. Ingat ka."



          Bumukas ang gate ng mansyon nila at pumasok na si Sharina. Muling humarap pa ito sa akin at kumaway. Hindi pa din naalis ang mga ngiti niya sa sinabi ko. Wari'y handa siya na palitan si Colette. Pero pasensya na Sharina. Si Aulric lang ang nilalaman ng puso ko.



          Dumiretso agad ako sa bahay at nadatnan si Ricky. Nakaupo siya sa sofa.



          “Ricky, nakuhaan mo ba?" pangungumusta ko agad sa plano namin.



          “Oo. Nakuhaan ko," pagkumpirma niya.



          Ibinigay agad sa akin ni Ricky ang litrato na agad niyang ipina-develop. Ito ang litrato na masaya kaming nagde-date ni Sharina kunyari.



          “Mabuti naman. Magandang kuha," pamumuri ko. “Ngayon, gawin na natin ang ikalawang plano."」



Aulric's POV



          「1 month ago...



          “Magbabayad ka. Magbabayad ka!" sigaw ng pinatay kong holdaper habang lumalapit sa akin.



          Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Magkaganoon pa man, hindi ako natatakot. Ilusyon ka lang. Wala ng nagagawa ang patay sa mga buhay.



          Nang makalapit na ito sa akin, agad akong sinakmal ng holdaper sa leeg. Hindi ako makahinga sa ginawa niyang iyun. Sandali, alam kong panaginip ko lang ito. Pero bakit parang totoo?



          Tumigil ka! Iyun ang mga salitang gusto kong sabihin. Pero hindi ko magawa. Hindi ako makapagsalita. Sinimulan ko ng manlaban. Halos nawawalan na ako ng hangin. Hindi pwede to. Ayoko pa mamatay!



          “Magbabayad ka. Magbabayad ka. Magbabayad ka!"



          “Splak!" Isang matunog na sampal ang ang dumampi sa pisngi ko.



          Biglang nawala ang lalaki. Nakakahinga na ako ulit. Natapos na ang aking bangungot at nakabalik na ako sa tunay na mundo. Naramdaman kong niyapos ako ni nanay at humihikbi siya habang ako naman ay hinahabol ang aking paghinga.



          “Aulric, huwag mo akong iiwan!" rinig kong sigaw ni nanay habang umiiyak.



          “Nay, nandito naman ako. Hindi ako aalis," tugon ko.



          “Hindi anak. Binabangungot ka kanina. Narinig kong sumisigaw ka at may taong pinapatigil. Pilit mong hinahabol ang hininga mo pero hindi mo magawa. Kaya sinampal kita sa mukha para magising ka. Ayoko anak! Ayokong mawala ka sa akin!"



          Hindi ako binitiwan ni nanay at gumanti din ng yakap. Oo nga pala. Ngayon ko lang naalala. Ngayong Disyembre ang death anniversary ng tatay ni nanay. Ang tatay ni nanay ay isang mabait na tao. Wala siyang kaaway sa lugar na ito. Malakas din ang pangangatawan niya kaya hindi mo aakalaing mamamatay siya sa kahit anong paraan. Pwera na lang kung sa katangahan.



          Subalit isang araw, nagulat ang lahat nang namatay siya. Namatay siya dahil sa bangungot. Devastated talaga sila nanay noong mga panahon na iyun. Iyung nanay naman ni nanay, sumunod na din. Ilang oras pagkatapos mamatay ng tatay ni nanay. Iyun naman kasi, malapit na sa kabaong.



          Magli-lima na ng umaga. Oras na ni nanay para umalis. Kailangan na niyang pumunta sa palengke para magbenta. Nakayapos pa rin siya sa akin. Nagsisimula na din umingay ang paligid dahil sa mga tao.



          “Nay, magbebenta pa po kayo. Okay na po ako," pagbasag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.



          “Sigurado ka ba anak? Okay ka lang ba?" tanong ni nanay na ayaw pa ring kumalas.



          “Nay, papasok pa po ako sa eskwelahan. Baka hanggang doon pa naman, yayapusin niyo pa rin ako. Hindi na po ako matutulog matapos magkaroon ng bangungot."



          Sa wakas ay kumalas na rin si nanay sa pagkakayakap. “Sige anak. Basta mag-iingat ka ha. Ikaw na lang ang natitira sa mga taong ayokong mawala. Ayokong mawala ka pa."



          “Opo nay. Hindi po ako mawawala."



          “Kung ganoon, bumangon ka na at maghanda para pumasok sa eskwela. Maghahanda na rin ako para umalis."



          “Kayo din po nay. Mag-ingat po kayo. Ayoko din po na mawala kayo," ngiti ko.



          Humalik si pisngi ko si nanay at ganoon din ako. Pagkatapos ay naghanda naman akong pumunta sa unibersidad. Habang kumakain ng agahan ay pumasok si Randolf. Naiilang na naman siya sa akin dahil sa nangyari.



          Dahil ayokong makatulog sa gitna ng klase, napagpasyahan kong magtimpla ng kape. Nang tiningnan ko ang lalagyan, naubos na pala ang kape. Hay!



          “Nay, ubos na po ang kape!" sigaw ko.



          “Salamat sa pagpapaalala anak! Bibili ako mamaya kapag dumaan ako sa grocery store!" sigaw din ni nanay sa kung saang lupalop ng bahay. “Siya nga pala anak. Mag-text ka sa akin kapag nakarating ka na sa eskwelahan!"



          “Opo nay!"



          Nang nasa eskwelahan na ako, hindi ko mapigilang mapahikab. Inaantok pa rin ako. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Shai.



          “Aulric, mukhang hindi ka masyadong nakatulog kagabi ahh," wika ni Shai.



          Tiningnan ko si Shai at may hawak siyang plastic cup. Mukhang bumili siya ng kape sa Starbucks.



          “Shai, pwede bang hingin ko iyang iniinom mo?" tanong ko.



          “Bakit hindi? Kunin mo na. Nahiya ka pa walang hiya." Binigay niya sa akin ang plastic cup.



          “Sinong walang hiya Shai? Ipaligo ko kaya sa iyo itong kape na binili mo?" naiirita kong saad.



          “Wala. Biro lang. Sige na. Inumin mo na. Huwag ka na mahiya walang hiya."



          “Narinig ko iyun."



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at inamoy ang kape. Ang bango. Mukhang nakakagising talaga kapag ininom. Ang mga mayayaman talaga.



          Walang pasabi na tinungga ko ang kape ni Shai. Ang sarap-sarap ng lasa. Ganito pala ang kape ng mga mayayaman. At ang init sa pakiramdam.



          Tiningnan ko naman si Shai at tiningnan lang ako nito na hindi makapaniwala. May ginawa ba ako?



          “May problema ba Shai?" tanong ko dito. “Ay! Pasensya na. Inubos ko ang kape mo. Babayaran ko na lang sa isang taon."



          “Nako! Huwag na," pagtutol ni Shai. “Kahit hindi mo na bayaran. Ano? Gising ka na ba?"



          Sinuri ko ang aking sarili saglit. Mukhang ayaw na nga sumara ng mata ko.



          “Gising na gising na ako Shai. Salamat sa kape."



          Tinapon ko ang kape sa pinakamalapit na basurahan na makita ko. Sa bag ni Zafe. Ang lapit lang pala niya sa amin.



          Binuksan ko ang pimakamalaking zipper ng bag at inilagay dito ang plastic cup ng kape na itinungga ko.



          “Oi, anong nilagay mo?" naiinis na tanong ni Zafe nang naramdaman niyang may nilagay ako sa bag niya at humarap sa akin.



          “Inayos ko lang ang bag mo. Bukas ang zipper ehh," palusot ko.



          Lumingon lang sa akin saglit si Zafe at nagpatuloy sa paglalakad. May lumapit namang babae sa kaniya sa hindi kalayuan. Si Sharina.



          “Alam mo, parang lumalabas ang dalawang iyun," wika ni Shai. “Nakita ko kasi sila sa mall kahapon. Kaya lang, biglang nawala sa paningin ko."



          “Speaking of mall, nabasa ko sa text mo na nakita mo si Ricky sa mall," pag-iiba ko sa usapan. “Anong nangyari sa informal date niyo?"



          “Naging okay naman," sagot niya.



          “Hindi kayo nag-kiss?" direkta kong tanong.



          “Ano ka ba?! Informal date iyun. Hindi naman kami talaga nagde-date. Bakit naman kami magki-kiss?" nahihiya niyang tugon.



          “Ewan. Ganoon kasi ang expectation ko sa pangyayaring iyun. Sige na. Papasok na ako sa klase."



          “Ay! Ako din! May babatukan lang ako," agitated na paalam ni Shai.



          Pumasok na din ako sa aming silid-aralan. Galit na galit na lumapit sa akin si Zafe hawak ang plastic cup na tinapon ko at inilagay sa basurahan.



          “Fuck you talaga iyung naglagay ng baso sa bag ko," mura pa nito saka bumalik sa upuan.



          Lihim akong natawa. Hindi niya alam na ako ang naglagay ng basong iyun.



          Umupo na ako sa tabi niya. Ahh! Naalala ko na kailangan ko nga palang mag-text kay nanay kapag nakarating na ako dito sa school.



          Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Nagtataka naman ako kung bakit hindi ko mabuksan ang phone ko. Anong nangyari?



          “Zafe, pwede ko bang hiramin ang phone mo?" tanong ko.



          “Oo pero may kapalit. Kiss mo ako dito," nakakalokong sagot niya. Nilabas ni Zafe ang phone niya saka tinuro ang leeg niya.



          Wala akong oras na makipagkulitan sa kaniya at wala rin akong oras para mag-alala sa akin si nanay. Mabilis na hinalikan ko ang leeg niya saka hinablot ang phone ni Zafe. Pagkatapos ay nilingon ko ang paligid. Buti naman at walang nakakita sa ginawa kong iyun.



          “Ano ba iyan. Wala man lang halong pagmamahal?" reklamo pa nito.



          “Hindi kita mahal kaya huwag kang magreklamo."



          Sinimulan ko naman kalikutin ang phone niya. Pero parang patay din ito gaya ng sa akin.



          “Mukhang patay din ang phone mo Zafe." Ibinalik ko sa kaniya ang basura niyang phone.



          Kinalikot din naman niya ito. “Huh? Imposible. Full charge pa ito kagabi. Wala na agad itong battery?" Nako! Ano ba iyan. Paano ako magte-text kay nanay niyan?



          Sakto naman at dumating si Isaac.



          “Isaac? Pwedeng pahiram ng phone mo? Ite-text ko lang ang nanay ko," paliwanag ko.



          Walang salita na ibinigay niya sa akin ang phone matapos niyang tanggalin ng lock.



          “Salamat," ngiti ko dito.



          Sinimulan ko naman na gumawa ng message para kay nanay. Nilagay ko pa ang pangalan ko para malaman niya na ako ang nagte-text. Habang pinapadala na ang message, bigla namang namatay ang phone ni Isaac. Malas na araw ko ba ngayon at ang lahat ng phone na mahawakan ko, namamatay?



          “Isaac, biglang namatay ang phone mo."



          “Huh? Imposible. Kapupuno ko lang ng battery nito," hindi makapaniwalang saad ni Isaac. “May lumabas bang notification na kahit ano na napindot mo?"



          “Wala. Nasa kalagitnaan ako ng pagse-send ng message sa nanay ko."



          ”Okay. Ang weird lang ha. Ayaw ng bumukas ng phone ko. Bakit kaya?" May kung anong bagay o buton na pinipindot si Isaac sa phone niya. Pero mukhang hindi na niya mabuksan ang phone niya.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Malaking problema ito. Baka kapag hindi ako tumawag, baka sumugod si nanay dito ng wala sa oras.



          Tumingin ako sa relo ni Zafe. Mga sampung minuto pa bago dumating si prof.



          Lumabas ako ng silid-aralan at pumunta sa pinakamalapit na payphone ng eskwelahan. Buti na lang at kabisado ko ang phone number ni nanay.



          Ilang ring lang ang ginawa ng phone niya at sinagot agad ito ni nanay.



          “Hello? Sino to?" saad ni nanay sa kabilang linya.



          “Nay. Si Aulric po ito," pagpapakilala ko.



          “Ay! Ikaw pala iyan anak."



          “Nandito na po ako sa school. Hindi po kasi ako makapag-text sa inyo kaya tumawag na lang po ako sa inyo."



          “Ganoon ba anak? Salamat naman. Sige na anak. Pumasok ka na sa klase mo at baka mahuli ka."



          “Sige po nay. I love-"



          Nagulat ako nang biglang naputol ang tawag. Kung tanga lang ako, iisipin ko na may nangyaring masama kay nanay. Pero wala iyun sigurado. Naririnig ko ang natural na ingay ng mga tao sa linya ni nanay habang tumatawag ako. Baka naman naputol lang ni nanay ng maaga ang tawag? Hindi bale na nga.」



Kurt's POV



          「1 month ago...



          Kasalukuyang namang abala ang mga club member ko sa Journalism Club. Kailangan kasi na makapaglabas na kami ng bagong issue ng school paper namin bago magsara ang klase dahil sa pasko. Apat na araw na lang bago magsara ang klase.



          Pino-proofread ko naman ang school paper. Maraming hindi maganda at magandang balita ang nababasa ko sa school paper. Nabasa ko din dito ang isang article tungkol kay Zafe na dine-date si Sharina. Malaking balita ba ito? Hindi bale na nga.



          “Sige. I-print na to," pagbibigay ko ng go signal sa mga members ko na okay na ang December issue ng school paper namin.



          Umupo naman ako sa pinakakomportable kong posisyon at bumuntong-hininga. Isa na namang job well done ngayong buwan na ito. Naging payapa ang loob ko hanggang sa makarinig ako ng isang club member ko na sumigaw.



          Tumayo agad ako at pumunta sa pinanggalingan ng sigaw. May mamatay ba?



          “Anong nangyari?" tanong ko agad.



          “President, iyung printer po. Walang pong pini-print mukhang nawalan po ng tinta. Pero kalalagay ko pa lang nito," sagot ng tagapamahala sa printing. Si Ross.



          Sinuri ko ang printing machine namin at nakumpirma na may tinta pa nga ito. Nako! Oo nga pala. Hindi pa pala sinabi ni Larson na inayos na niya ang virus na ginawa ng kapatid niya.



          Hindi ko na inaksaya na imbestigahan pa ang mga kompyuter dahil tiyak na nabura na ito ng virus. May internet din kasi ang mga kompyuter namin at pwede kang makapag-Facebook. Kailangan mag madali.



          “Asaan iyung pino-proofread ko kanina? Saan na napunta?" tanong ko.



          “Si Kian po ang may hawak," sagot ni Ross.



          “Kian, asaan ka na?" tawag ko sa kaniya.



          “President, bakit?" tanong nito na galing sa pintuan. May bitbit siyang ilang mga folder.



          “Kian, asaan na iyung pino-proofread kong original version nung school paper natin?"



          Binuksan ni Kian ang hawak niyang mga folder at tiningnan lahat. Alam ko na nagkaroon na ng problema nang natagalan na siya sa paghahanap at naririnig kong sinasabi niya na nandito lang daw ang original school paper.



          “Ahh! Alam ko na. Baka nasa babae na nabangga ko kanina," wika ni Kian.



          Nasapo ko na agad ang ulo ko. “Ano ang pagkakakilanlan sa babaeng nabangga mo?"



          Walang maisagot sa akin si Kian. Ano ba ang inaasahan ko? Alam kong hindi naman niya masasagot ang tanong ko dahil hindi siya magaling mag-describe. Pero may pag-asa pa.



          “Saan ka huling pumunta? Saan ka nabangga?" sunod-sunod kong tanong.



          “Sa Library," sagot niya sa wakas.



          “Okay. Pumunta nga kayo sa security room ng school at imbestigahan agad kung sino ang babaeng nabangga ni Kian sa library," utos ko sa isang member ko.



          “President, sira din po ang mga CCTV ngayon sa school. Hindi niyo po ba nabasa ang school board?" anang isang miyembro ko.



          Muling nasapo ko ang ulo ko. Ano pa ba ang hindi nasisira at masira na?



          “President, pwede pa naman pong ulitin ang pagpi-print dahil- hala. Bakit-" Nagulat ang miyembro kong ito nang nakita niya ang kompyuter.



          “Nawala? Alam kong nawala na ang mga pinaghirapan ninyo," pagputol ko sa sasabihin ng isa ko pang miyembro.



          Pumunta agad ako sa whiteboard at sinulat agad ang mga salitang Aulric, Melville, Zafe, Neville, Ricky, at Rizal. Nilagyan ko pa ng tatlong linya sa ilalim ang bawat salita para malagyan ng highlight ang mga sasabihin ko.



          “Listen up people," pagkuha ko sa atensyon ng mga miyembro ko at nakuha ko naman ang buong atensyon nila. “Apat na araw na lang at magsasara na ang klase. Hindi pa rin tayo nakakapagpa-print ng school paper para sa buwan na ito. Ngayon, nakikita niyo ang bawat salita sa board na ito? Huwag niyong gamitin ang mga salitang ito. Huwag na rin kayo magtanong kung bakit at sundin niyo na lang ang sinasabi ko. Kian, iyung balita tungkol kay Zafe at kay Sharina, ipapa-cancel ko. At iyung address ng school na may Rizal, huwag niyong lalagyan nung pinagbabawal na salita. Wala naman sigurong perfectionist na tao sa eskwelahan natin na kailangan ay itama ang address ng eskwelahan. Basta! Now start working guys! Kailangan may mailabas tayong issue kahit ano man ang mangyari. Go!"



          Nagsimula na namang magtrabaho ang mga miyembro ko pagkatapos kong magsalita. Bumalik naman ako sa aking upuan at umupo ulit sa pinakakomportable kong posisyon. Kinuha ko ang phone ko na mukhang sira na din at hindi na gumagana. Great! Natupad iyung isa kong wish.



          Binalingan ko ang aking kompyuter at pumasok sa isang private room namin sa shop na pinupuntahan ko. Baka sakaling online si Larson.



Kurtis Smith has entered the room...



Kurtis Smith: Larson, andyan ka ba?

Larsonist: Bakit?

Kurtis Smith: Kumusta na ang ginagawa mo? Malapit mo na bang maayos?

Larsonist: Hindi pa. Kakaayos ko pa lang sa mga phone.

Kurtis Smith: Pota...

Larsonist: Bakit? Nasira na ang phone mo?

Kurtis Smith: KAKAsira lang din.

Larsonist: Malas mo naman. Napaka-hostile pa naman ng virus sa mga phone kaya inuna ko muna ayusin ang virus sa phone.

Kurtis Smith: Good. How about sa ibang platform? Maaayos mo na ba?

Larsonist: Bigyan mo ako ng ilang araw. Hindi ito madali kung akala mo.

Kurtis Smith: Okay. Good luck.

Larsonist: Salamat Kurt. :)

MarcoS: Sweet. May smiley pa.

Larsonist: Manahimik ka diyan!」



Aulric's POV



          「1 month ago...



          Kasalukuyang nasa backstage kami at naghahanda na para sa palabas ng Drama Club. Nilalagyan naman ako ng makeup sa mukha ng kaibigan ni Shai na si Camilla. Kailangan daw ay magmukha talaga akong babae sa makeup ko pa lang. Kulang daw kasi ang magsuot ako ng kasuutan na pambabae at wig na kunyari ay mahaba ang aking buhok.



          “Wow! Hindi nila nilagay ang balitang iyun," wika ni Shai habang nagbabasa ng school paper sa likod ko. Kitang-kita ko siya sa malaking salamin.



          “Anong balita Shai?" tanong ni Camilla dito.



          “Mga tsismis na mabagal kumakalat sa eskwelahan?" sagot ni Shai habang naglilipat ng pahina sa binabasang pahayagan. “Kumusta na siya Camilla? Mukha na ba siya talagang babae?"



          “Malapit na."



          “Guys, ilang minutes na lang at magsisimula na ang palabas natin! Kung pwede, pakibilis-bilisan ang paghahanda niyo!" sigaw ni sir Arthuro habang pumapalakpak.



          “Siya nga pala Shai. May balita ka ba tungkol kay Kristel?" tanong ni Camilla.



          “Nah!" iling ni Shai na nagpapahiwatig na wala siyang balita. “Hangga't maaari kasi, iniiwasan ko ang babaeng iyun. Kaya wala akong alam sa kung anong nangyayari sa buhay niya. Ikaw ba, merong alam?"



          “Well, wala! Pero iyung kaibigan niyang si Jert, meron akong alam!" masayang sagot ni Camilla. “May pinatos na naman na lalaki iyung bakla sa school na ito! Iyung gwapong captain ng swimming club."



          “Camilla, ni hindi na nga balita iyun. Hindi na bago. Matagal ko ng alam iyun."



          “Paano mo alam girl? Bakit ako, hindi ko alam iyun?"



          “Ang tinutukoy ko kasi, bakla si Jert. Magugulat ako kapag may pinatos iyun na babae."



          “Ikaw Shai ha! Nag-upgrade ka na. From bully hater, to tsismosa ng school."



          “Hindi ko kasi maiwasan. Parang kailangan ko kasi at nagiging useful sa akin dipende sa nakukuha ko."



          “Ayan Aulric. Tapos na."



          Tumayo ako at tiningnan ang repleksyon ko sa malaking salamin. Mukha nga talaga akong babae ngayon. Nakasuot ako ng pambabaeng t-shirt na kulay sky blue na may printed na makulay na mistletoe. Sa dibdib ko naman ay may nakalagay na pekeng umbok. Medyo makapal. Nakasuot pa ako ng medyo maiksing palda na hanggang tuhod ang dulo. Ang mga paa ko naman ay tinggalan pa ng mga buhok at nilagyan din ng makeup para magmukha talaga akong babae. Ang sakit nung ginawa nila sa paa ko. Para lang sa palabas na ito. Sana sa susunod na pagtatanghal namin, ako iyung kontrabida.



          “Heto na ang heels na susuutin mo," nae-excite na saad ni Camilla.



          Umupo ulit ako at sinuot ang heels. Pagkasuot ay tumayo ako at naglakad ng konti. Medyo nasasanay na ako dahil ilang beses ko na itong inensayo. Sa una, masakit sa paa. Pero nawawala ito. Bukod pa riyan, ang naunang nagsuot ng heels ay mga lalaki.



          “Handa na ako umakto. Salamat Shai, Camilla," pagpapasalamat ko sa kanila. “Ngayon mundo, humanda na kayo. Heto na si Aulric."



          “At bago mo pa labanan ang mundo, kailangan ay may litrato!" masayang wika ni Shai.



          “Tara Shai! Oras na para mag-groufie tayo," gatong ni Camilla.



          Nilabas ni Shai ang phone niya at masayang kumuha ng litrato. Masaya kaming ngumiti sa camera. Pero hindi ako masaya! Hindi ako kontrabida sa palabas namin ngayon! Kahit kasi ako na lang si Antonio!



          Umalis na sila Shai at Camilla. Marahil ay para umupo na sa mga upuan ng stage. Lumapit na rin ako sa stage dahil magsisimula na kami.



          “Jin," tawag ko dito. Dahil siya si Santa Claus, nakasuot siya ngayon ng isang malaking pula na kasuotan na animo'y mataba talaga. Meron din siyang balbas na puti at suot pa rin niya ang kanyang mga salamin sa mata.



          Humarap siya sa akin. Hindi ko naman makita ang reaksyon ng mukha niya sa nakikita dahil natatabunan ito ng kanyang costume.



          “Ang ganda mo. Akala ko ba, walang babae sa Drama Club?" pagbibiro ni Jin marahil. Narinig ata ng mga kasamahan namin ang sinabi niya at natawa.



          “Mga bata, magsisimula na tayo! Asaan na sila Caleb, Jin at Aulric?! Sila ang magsisimula!" sigaw ni sir Arthuro.



          “Present po!" sigaw naming tatlo.



          “Caleb, galingan mo ang pagkanta. Nanonood ang mga kaibigan natin," saad ko para lumakas ang loob niya. “Good luck sa ating tatlo."



          “Good luck sa paghalik ni Jin," pang-aasar pa nito.



          “Tigilan mo na iyan Caleb," sabat ni Jin. “Handa na ako ngayon. Nahalikan ko na kasi ang taong gusto ko."



          “Sino iyun?" tanong naming dalawa.



          Ngiti lang ang sinagot ni Jin at sinuot ang kanyang Santa hat. Pumunta na kami sa aming pwesto. Dahil hahalikan ako ni Jin ayon sa kanta, pumwesto kami sa ilalim ng mistletoe. Si Caleb naman ay kunyari magtatago sa hagdan at mula doon, kakanta siya.



          “Sana naman, hindi ako pagselosan ng taong hinalikan mo. Dahil hindi naman ako kaselos-selos," wika ko.



          “Huwag kang mag-alala Aulric. Hinding-hindi siya magseselos," mga huling salita ni Jin bago bumukas ang kurtinang nagtatakip sa entablado.



          Kasabay ng pag-alis ng kurtina ay nagsimula na din tumugtog ang mga piyesa at ang palabas.

         

I saw Mommy kissing Santa Claus
Underneath the mistletoe last night.
She didn't see me creep
Down the stairs to have a peek
She thought I was tucked
Up in my bedroom fast asleep.



          Medyo nagtagal ang halik namin ni Jin sa parteng ito. Natapos ang halikan namin hanggang matapos ang unang verse ng kanta. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Akala ay saglit lang kami maghahalikan.



Then, I saw Mommy tickle Santa Claus
Underneath his beard so snowy white.
Oh, what a laugh it would have been,
If Daddy had only seen
Mommy kissing Santa Claus last night!



          Agad kong inintindi ang palabas namin at kiniliti si Jin gaya ng nakalagay sa kanta. Kahit natatabunan ng mga palamuti ang mukha niya, nai-imagine ko ang ngiti niya na malapad at mukhang tuwang-tuwa pa siya. Bakit ganoon? Parang may damdamin ang halik niya. Ang galing niya. Siguro ay namana niya ang galing na umarte mula sa mommy niya. Kaya akala ko, iyung mga halik ni Jin ay totoo. Baka ako lang ang nag-iisip na may ibig sabihin ang mga halik niya. Dahil alam ko sa sarili ko, wala. Wala iyung ibig sabihin. Palabas lang ito Aulric. Tandaan mo iyan.」



ITUTULOY...

6 comments:

  1. Done.


    When will aulric chnge? Kinda hypocrite siya.

    His thoughts are different sa ginawa ny.


    Sighhhhh

    ReplyDelete
  2. Super cool.
    Sarap magbasa lalo n hindi boring binabasa. Tnx so much s update author.
    GOD bless u. Mwahhh
    -jomz r-

    ReplyDelete
  3. Parang naruto lang ang peg neto
    Nakaraan ng nakaraan

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails