Followers

Saturday, September 26, 2015

HOPIA 1


“HOPIA” - Slang term for Hope at sa mga taong umaasa at nasasaktan.


Yan ang masaklap na nadadanasan ngayon ng 37 yrs old na pamintang si Dr. Kenneth Suarez ngayong dis oras ng gabi habang walang patawad niyang pinaiiyak ang silindro ng kaniyang Honda Civic sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Halos manlabo na din ang kaniyang mga paningin dahil sa walang tigil niyang pagluha.
Kahit sino namang paminta ay maiiyak kapag nakipag break na sa kaniya ang kaniyang boyfriend for 3 yrs at higit pa doo'y sa mismong third year anniversary pa nila ito nagpasyang makipagbreak.



Hindi makapaniwala talaga kanina si Doc Kenneth na magtapat ang kaniyang ex-bf na mahigit na isang taon na siyang niloloko nito at ang hinding hindi niya matanggap ay ipinagpalit siya nito sa isang DOM na mayaman.
“How could he do that… May nagawa ba akong di maganda…” Ang iyak niya.
Hirap na hirap si Doc Kenneth na lunukin ang nangyari at ayaw niyang aminin na pinerahan lang siya habang unti-unting pumasok sa kaniyang ala-ala ang mga nagawa niya for his ex-bf like mapagtapos ng College and elementary ang dalawa nitong kapatid, mapalitan ang lahat ng bubong ng bahay nito, mabilihan sila ng washing  machine at sundin ang lahat ng luho nito sa katawan.
Alam niya na hindi siya magiging isang surgeon kung hindi siya matalino pero hindi niya mapakiwari na mangyayari iyon sa kaniya.
“Kala ko sa TV lang… Hindi pwede ito… May nagawa siguro akong masama…” ang dagdag pa niyang iyak.
Malinaw na malinaw naman na naHopia siya na 'Forever' sila ng Gold Digger niyang ex bf.
“tsk…” ang expression niya dahil naalala din niya ang kaniyang naging doubt na huwag pumatol sa napakabata sa kaniya.
“Hindi naman ako mukhang DOM or Sugar Daddy ah…” ang sambit niya sa kaniyang sarili sabay ng pagtingin ng Doctor sa rear view mirror para tignan ang hitsura niya. Kahit ganoon na ang situation niya ay hindi pa din niya mapigilan ang pagka vain sa sarili.
“FUUUUUUCK…..” ang sambulat ni Doc Kenneth nang bigla na lamang may sumulpot na tao sa binabagtas niyang highway.
SCREEEEEEEEEEEEEEEETCH
BLAG
BLAG
TOK
“Fuck! Fuck! Fuck!” Ang sunod sunod na sambulat niya nang makapagpreno siya.
“TANGINALUNGS!!!” Ang malakas na mura ng Doctor nang bumaba siya.
“Fuuuuuck…” ang nanlulumong sambulat ni Doc Kenneth nang makita niya ang nakahandusay at walang malay na katawan ng kaniyang nasagasaan.
Agad na nanlamig ang buong katawan ng Doctor Habang mabilis niyang nilingon ang paligid.
“Buti walang tao… wala ding mga cctv… sigurado akong walang cctv dito…” ang maingat na sambit niya habang mabilis niyang nilapitan ang kaniyang nasagasaan.
“Shiiiit…” Ang nasabi na lamang niya nang makita niyang naka uniporme ang lalaking nasagasaan niya. Kaagad na pinulsuhan niya ito at nang makasiguro siya na buhay pa ito ay agad na tumakbo ang mga idea sa stress na brain ng Doctor.
Nagdadalawang isip itong si Doc kung hihingi ba siya ng tulong or isasakay niya sa kaniyang kotse ang nasagsaan niya para madala ito sa St. Lukes Medical Center kung saan siya naka schedule na magduty.
“Wala namang nakakita eh…” ang nasambit nito sabay dukot sa mga bulsa ng lalaki at nang makuha na niya ang wallet ng lalaki ay agad niyang tinignan muli ang paligid.
“Ayun…” kaagad na pinulot niya ang tumalsik na back pack ng lalaki na sa tingin niya ay isang estudyante.
“Psensya na Pogi mas Tragedy ako ngayon…” Ang sambit lamang ng Doctor at pagkatapos ay mabilis na siyang sumakay sa kotse dala-dala ang mga personal belongings ni “Pogi” at pagkatapos ay humarurot na ito papalayo sa crime scene.
“I don’t need this… Tama na ang drama ko sa buhay…” Ang sambit sa sarili ng Doctor at pagkatapos ay ipinagpatuloy na nito ang pag-i-emo Habang nagdri drive papasok sa kaniyang Duty.
Alam ng Doctor na hindi naman malubha ang sinapit ng kaniyang nasagasaan at mapagkakamalan lamang ito nan a hold up since wala itong mga gamit kaya ligtas na siya sa nagawa niyang aksidente.

*******At St. Lukes Medical Center*******

Wala pang 30 mins na nag round itong si Doc Kenneth sa kaniyang mga pasyente at pagkatapos ay mabilis siyang pumunta sa kaniyang clinic upang makapag Emo ulit.
“What happened Doc Suarez?” Ang pansin sa kaniya ng isang Nurse ng makita nito ang mga mata ng Doctor.
“Allergies…” Ang reply lamang niya at talaga namang namumugto ang kaniyang mga mata.
“Magpapahinga lang ako dito sa office ko… Tawagin mo na lang ako kapag may emergency…” Ang habilin niya sa Nurse at pagkatapos ay kaagad siyang pumasok sa kaniyang office at nahiga sa sofa. Ipinagpatuloy kaagad ni Doc Kenneth ang pag-iyak hanggang sa makatulugan na niya ito.
Mas iniisip pa niya ang masaklap niyang naranasan sa kaniyang ex-bf kaysa sa nagawa niyang pagkakasagasa kay ‘Pogi’.

******After A Few Hours*******

“Wala bang naka Duty na MD or surgeon sa ER at inistorbo nyo pa ako!” Ang masungit na pagsermon ni Doc Suarez habang mabilis siyang naglalakad papuntang ER.
“Wala po eh… Di po siya makakadating atsaka sinabi naman po namin na nandito kayo…”
“Dapat sinabi ninyo na wala ako para mapilitang pumasok ang resident… Talaga naman kasi….” Ang mabagsik na sambit ni Doc Kenneth sa sumundo sa kaniyang Nurse dahil gawain din niya na tatawag muna sa Hospital at tatanungin kung may nakaduty bang resident or surgeon at kapag nalaman niya na may nakaDuty ay hindi na siya papasok.
“Ba't may Pulis?” Ang tanong ni Doc Kenneth nang makita niya na may nakatayong Pulis sa pintuan ng ER.
“Good Evening Doc… Nahold-up at nabugbog yung isang estudyante. Nakita naming nakahandusay sa highway at walang malay kaya dinala namin dito sa ER…” explain ng Police.
“Ako ng bahala…” Ang emotionless na reply ni Doc Kenneth at pagkatapos ay pumasok na ito sa ER.
“Anong vital signs ng pasyente?” Ang tanong niya agad sa mga ER Nurses nang malapitan niya ang kumpulan nito sa pasyenteng dinala ng Pulis.
“FUUUUCK!!!” ang nasambulat ng Doctor nang makita niya kung sino ang walang malay na pasyente.
“Bakit po Doc…” Ang gulat na tanong ng mga Nurse.
“Ahm… ahm… Kawawa naman kasi…” Ang utal-utal na sambit ni Doc Kenneth at pagkatapos ay kaagad siyang lumabas sa ER upang kausapin muli ang Pulis.
“May mga witness ba sir?”
“Wala po Doc.”
“May CCTV camera ba sa lugar kung saan ninyo siya nakita?”
“Wala din po Doc…”
“Good…” Ang sambit ni Doc Kenneth kasabay ng maluwag niyang paghinga.
“Ansabe niyo po Doc…”
“Ahm… I mean the patient is in good hands…” Ang Segway ni Doc na pinaniwalaan naman kaagad ng clueless na Pulis.
“Natawagan na po ba ninyo Sir ang pamilya…”
“Di po Doc… Di namin ma identify at baka tinagay ng holdaper ang mga gamit niya…” ang explain ng Pulis na ikinatuwa naman ng Doctor.
“Pirma na lang po kayo dito Doc sa report namin…” Ang next na sambit ng Pulis at pagkatapos pumirma ni Doc Kenneth ay kaagad na pumasok na ito sa ER upang asikasuhin na ang pasyente na kaniyang nasagasaan kanina.
Masusing tinignan ni Doc Kenneth ang vital signs na narecord ng mga ER nurses at kinapa-kapa niya ang pasyente to check kung may broken bones ba ito. Nagkunwari lang itong si Doc pero sa katoohana’y kanina pa niya ito ginawa sa pasyente bago niya ito iwan sa kalsada at takasan.
“Doc…” Ang pukaw na pansin ng isang Nurse nang mapatigil itong si Doc Kenneth.
Natameme itong si Doc nang mapansin niyang may kagwapuhan at mestizo ang walang malay nilang pasyente.
“Doc…”
“Ah… ah… ahm… the patient is stil unconscious… isalang ninyo siya sa MRI…” Ang utos ni Doc Kenneth.
“Sigurado po ba kayo? Baka walang ipambayad ang pasyente?”
“Mayaman yan…”
“Pano nyo po nasabi Doc…”
“Mukhang mayaman at aga UST eh…” Ang wala sa isip na answer ni Doc Kenneth nang maalala niya ang ID ni ‘Pogi’ nang tinignan niya ang loob ng bag nito kanina.
“Pano nyo po nalaman na taga UST…”
“Ha… Ah… Eh… Yung uniform niya…”
“Ha?”
“Ah… ganiyan ang uniporme ng UST… ganyan ang tela ng pantalon…  Doon dba ako nag-aral... Sige na I prep nyo na siya sa MRI!”
“Eh pano Doc kung wala silang ipambayad?”
“Wala ng marami pang tanong... Ipasok nyo siya sa Benefeciary ng Charity Ward natin… Tapos makipag coordinate kayo dun sa Pulis na nagdala sa patient para ma contact ang family ng patient para masingil…”
“Eh diba mahihirap lang ang nilalagay sa Charity Beneficiary… Eh sabi nyo Doc taga USTe kaya mayaman ito…”
“Pansamantala lang muna hangga’t di pa natin nakokoContact ang Family niya..” Madali kay Doc Kenneth na makapagdesisyon dahil isa siya sa mga humahawak at nagco coordinate ng Charity Beneficiary ng St. Lukes.
“ANO BA… SIGE NA… PREP NYO NA SIYA!” Ang masungit na utos ni Doc para hindi na tumagal ang usapan at plano niyang matulog ulit. Kaagad namang umalis ang mga ER Nurses upang sundin si Doc kaya nama’y naiwan sina Doc sa bedside ng walang malay pa din na pasyente.
“Sorry talaga… tatanga-tanga ka eh… Atsaka dis oras na ng gabi nasa galaan ka pa kaya yan ang npapala mo” Ang pabulong na sambit ni Doc at hindi niya namalayang hinahaplos-haplos na niya ang noo ng patient upang mahawi ang semi long hair nito na tumatakip sa mga mata nito.

"Ang haba pala ng pilikmata mo..." Ang unconscious na naibuling muli ni Doc.
Kaagad namang nahismasmasan itong si Doc Kenneth nang maramdaman niyang biglang nag init ang kaniyang dalawang pisngi kaya nama’y iniwas niyang bigla ang kaniyang mga paningin sa gwapo’t malumanay na mukha ng patient.
“Shit…” Ang mabilis na sambit ng Doctor sa kaniyang isipan nang biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan nang makita niya ang pink na nipples ng patient.
“Dalhin nyo na ito para ma MRI… ilagay nyo sa isang private room at bukas ko na lang titignan ang MRI niya…” Ang sunod sunod at natatarantang utos ni Doc Kenneth sa Staff habang itinataas niya ang kumot ng pasyente upang takpan ang naka expose na pink na nipples nito.
“Doc san ka punta…” Tanong ng isang nurse na hindi na sinagot pa ni Doc Kenneth.
Mabilis na umupo itong si Doc sa patients waiting area at huminga ng malalim. Di niya maipaliwanag kung bakit biglang nanlambot ang dalawa niyang tuhod dahil ba sa pagka konsensya or dahil ba sa tindi ng presence ng patient sa kaniya.
“Haaay…” Ang paghingang malalim ni Doc Kenneth upang humugot ng lakas at pagkatapos ay kaagd na siyang pumunta sa parking lot upang doo’y tignan ang mga gamit ng patient na kaniyang kinuha kanina sa crime scene upang ma  check ang info nito dahil bigla siyang na curious dito.
Gusto niyang matawagan na ang pamilya nito pero deep inside gusto lang niya malaman ang mga info nito…
Hindi na din namalayan ng Doctor na napa smile na siya habang excited siyang malaman kung sino ba talaga itong nasagasaan niya at wala din siyang kamalay-malay na nakalimutan na niya ang masaklap na nangyaring pakikipag break sa kaniya ng kaniyang ex-BF

******AfterTwo Day******

‘Ayoko na ng ganitong buhay…’
‘Pagod na pagod na ako…’
‘Gusto ko ng magbagong buhay…’
‘Wala na akong pag-asa…’
‘Lord… Patawarin nyo po ako…’
Ito ang paulit-ulit na narinig ni Kevin sa kaniyang panaginip hanggang sa mamulat ang kaniyang mga mata…
“Na saan ako…” ang gulat tanong ng binatang si Kevin habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa apat na sulok ng kuwartong kaniyang kinaroroonan.
“Araaay…” Ang atungal ng binata ng makaramdam siya ng matinding kirot mula sa kaniyang tagiliran nang sinubukan niyang tumayo. Now lang niyang napansin ang kaniyang isang paa ay nakabalot sa cast.
“Anyare…” Ang naguluhang tanong ng binata nang pilit niyang inalala ang nangyari sa kaniya.
“Nabuhay ako…” Ang upset na sambit ni Kevin nang maalala niya na nag suicide siya sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa isang humaharurot na kotse.
“AY!!! GISING KA NA PALA POGI!!!” Ang malakas na outburst ng isang Nurse nang pumasok ito sa room kung saan naka confine si Kevin.
“Ha?” Ang naguguluhang tanong ng Binata.
“Wait lang Pogi sabihin ko lang po sa mga Doctor…” Ang nagmamadaling sambit ng Nurse at pagkatapos ay kaagad na itong lumabas upang tumawag.
Matagal din na tinanong, sinuri at ininspection ng mga nakaduty na resident doctors itong si Kevin upang masuri kung may kakaiba sa kaniya.
“Maayos naman ang vital signs and ang fracture lang naman is yung right foot niya. The rest are minor cuts and bruises and inflammation ng karamihang muscles… So far so good ang condition ng patient and he’s out of danger…” Ang findings ng ma resident doctors.
“Teka lang Pogi… Ano bang nangyari sayo…” ang usal ng isang Doctor kay Kevin.
“Ano palang name mo… Walang information ang mga Police na nagdala sayo dito sa ER…”
“Ha…” Ang clueless na sambit ng Binata.
“Two days kang walang malay iho…” Ang info ng isang resident Doctor sa Binata.
“Anong nangyari sayo… Nahold up kaba…”
“Ah…” Ang nag-aalangang reply ng binata dahil di niya alam ang sasabihin. Medyo nagdadalawang isip itong si Kevin at nahiyang sabihin na nagsuicide siya.
“Baka shock pa itong si Pogi…” Ang sambit naman ng isang Nurse.
“Pogi kayo ng Pogi dyan kung tanungin nyo ang name ni Pogi…” Ang reply naman ng isang resident Doctor. Masyado kasing flirt ang mga Nurses kaya nama’y pinangalanan nilang ‘Pogi’ itong si Kevin habang comatose pa ito.
“What’s your name iho…”
“Ha…” Ang nasambit na lamang ng binata at talagang overwhelmed siya sa mga doctors and nurses na nakapalibot sa kaniya.
Hindi niya inaasahan ito…
Ang gusto lang niya ay mamatay na upang matakasan ang kaniyang buhay…
Ang kaniyang pagkatao…
“Anong pangalan mo iho…” Ang malumanay na ulit ng resident Doctor sa binata.
Natahimik itong si Kevin at huminga ng malalim…
Matagal na niyang gustong magbagong buhay ngunit dahil sa saklap ng realidad ay hinding-hindi niya ito magawa…
Ipinikit ng binata ang kaniyang mga mata…
Kasabay ng kaniyang paghinga ng malalim ay unti-unting nagliwanag ang pag-iisip niya…
Eto na siguro ang sagot sa kaniyang matagal ng ipinapanalangin na makapagbagong buhay na…
Hirap na hirap na siya sa kaniyang buhay…
Susunggaban na niya ang pagkakataong ito anuman ang mangyari sa kaniya…
“Anong pangalan mo iho…”
“Ah… Di ko ko po alam…” Ang piyok na sambit ng binata kasabay ng pagtulo ng matatabang luha sa mga malalamlam na mga mata nito.
“AY SYET!” Ang outburst ng isang Nurse.
“Anong nangyari sayo iho… May natatandaan ka ba kung bakit ka nandito sa ospital…” Ang sunod na tanong ng isang resident Doctor na tahimik lang na inilingan ni Kevin.
Natameme na lang ang lahat habang tahimik na pinagmamasdan nila ang humihikbing binata.
“Tawagan ninyo si Doctor Suarez at papuntahin nyo kaagad dito…” Ang malumanay na utos ng isa pang resident Doctor na kaagad namang sinunod ng mga Nurse.
“Okay lang yan Pogi… Huwag mo ng iStress ang sarili mo…” Ang pagpapakalma ng isang Nurse habang hinahagod-hagod nito ang likod ng Binata.
Nagkatinginan na lamang ang lahat at pagkatapos ay tinuon nila ang kanilang attention sa humihikbing binata. Tanging si Doc Kenneth lamang ang may expertise ng ganitong mga cases kaya nama’y hihintayin na lamang nila kung ano ang gagawin nito pagkadating.

*******

“WHAT!?” Ang masungit na usal ni Doc Kenneth nang saguti niya ang tawag from St Lukes sa kaniyang Samsung Grand 2 phone. Ngayon lang kasi siya nakapag Off at talaga namang pagod na pagod siya sa kaniyang trabaho from the past few days.
Pano naman kasi eh imbes na umuwi siya from duty ay personal niyang inaasikaso itong si ‘Pogi’ at ang tanging reason lang niya sa kaniyang sarili ay siya ang may kasalanan kung bakit ito nacomatose pero deep inside ay gusto lang niyang asikasuhin ito at narerelax siya kapag nakikita niya ang gwapong binata.
“Nagkamalay na po si ‘Pogi’ kanina…” Ang usal ng Nurse.
“TALAGA!!!” Ang malakas at surprise na sambit ng pamintang Doctor.
“Yes po Doc at pinapupunta po kayo dito kasi po sa tingin nila nagka Amn…”
“I’m on my way!” Ang mabilis pa sa alas kuwatrong tugon ni Doc Kenneth at hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ng Nurse at agad siyang nag end ng call. Excited lang itong si Doc kaya nama’y kahit na nakaligo na siya ay mabilis siyang naligo ulit upang paghandaan ang pagkikita nila ni ‘Pogi’.
Medyo natagalan itong si Doc sa pagpili ng kaniyang isusuot at pagtingin sa salamin at talaga namang ginawa niyang presentable ang sarili para makapagbigay siya ng good impression kay ‘Pogi’. Hindi niya alam kung bakit siya nae excite at nakakaramdam ng nerbyos ng mga sandaling iyon.
Pakiramdam lamang niya’y para siyang makikipag eyeball ng mga saglit nay un…
Mabilis na bumaba ng kaniyang unit itong si Doc at kaagad na tinungo ang parking area ng Condo at nang sumakay na siya sa kaniyang kotse ay naudlot ang kaniyang excitement nang makita niya sa passenger seat ang backpack ni Pogi na kaniyang kinuha from the crime scene. Dahil sa sobrang pagod ay hindi na niya nadala sa kaniyang unit upang itago ang mga gamit ni ‘Pogi’.

Wala siyang nakuhang info dahil nabasag ang phone nito sa loob ng bag dahil na din siguro sa tindi ng pagkakabanga ng kotse niya dito.
“Ano kaya ang Boses mo Irvine…” Ang nakangiting sambit ni Doc Kenneth habang tinitignan niya ang hawk niyang ID ni School ID ng kaniyang nasagasaang si ‘Pogi’.
Walang kamuwng-muwang itong si Doc na peke ang identity na nakalagay sa ID ni ‘Pogi' kaya wala din siyang makitang profile sa FB kapag sini search niya ang name na nakalagay sa ID nito. Kahit ang person to contact in case of emergency na nasa id ay fake din kaya hindi din ito mContact ni Doc.
“OMG… OMG… OMG…” Ang sunod sunod na sigaw ng puso ni Doc nang mailabas na niya sa parking lot ang kotse at mabilis niyang pinaharurot ulit ito upang tahakin na ang highway papuntang St. Lukes.
Habang mabilis ang pagbagtas ni Doc Kenneth sa highway ay unti unting lumakas ang kaniyang loob na ipagpatuloy ang kaniyang naisipang plano.Gagawin niyang isang malaking secret ang kaniyang pagkakasagasa kay ‘Pogi’ upang hindi siya mabisto at alam niyang tiyak na makukulong siya sa ginawa niyang Hit and Run.
“This is it!” Ang bulong ni Doc Kenneth habang pinaparada na niya ang kaniyang kotse sa parking lot ng St. Lukes. Nag inhale and exhale muna siya at pagkatapos ay mabilis niyang tinignan ang kaniyang reflection sa rear view mirror at nang masatisfied na siya ay kaagad siyang bumaba na.
Bawat hakbang ng Doctor papasok sa St. Luke ay sumasabay ang kaniyang kaba…
100% ay nakalimutan na niya ang masaklap niyang Break Up…
Ang tanging nasa sa isip niya ay kung papaano maiimpress at magpapakalalaki kapag nakaharap na niya si Pogi…
Magpapanggap siya't itatago hanggang hukay ang ginawa niyang pag hit and run dito…
Katulad ni Doc Kenneth sa mga sandaling iyon ay nag-iisip na itong Hustler ng mga Bading na si Kevin aka ‘Pogi’ kung paano ba magiging convincing ang kaniyang pagkukunwari na nagka Amnesia siya upang makapagbagong buhay na siya…
Walang kamuwang muwang ang dalawa na hahainan nila ang bawat isa ng napakalaking HOPIA sa kanilang pagpapanggap at pagsisinungaling.

Wala din silang kaalam-alam na matitikman nilang dalawa ang masaklap na lasa ng HOPIA na ibibigay nila sa bawat isa...





To Be Continued

15 comments:

  1. Promising. Sana po ituloy nyo ito. Aabangan ko po updates

    ReplyDelete
  2. dpat masundan na agad itong hopia! maganda to, 2 silang mabubuhay sa kasinungalingan at pagkukunwari, tapos sa bandang huli mahuhulog silang 2 sa bangin ng pagibig.

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mababaw lang yang story Bharu kaya masusundan agad ng Kuya Ponse mo :)

      Delete
  3. Ibat ibang klase rin kya ito ng hopya.maabangan nga.

    ReplyDelete
  4. Wow, ponse adik! New story, yeheey!!!

    How about ur coffee farm novel?

    Can't wait....

    Macky

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa totoo lang tapos na siya sa isip ko kaso nahihirapan akong itranslate eh. Gagawin ng Kuya mo eh itatapat niya sa Christmas ang Finale ng Ang MAGIC Sa Coffee Farm

      Delete
  5. Kuya ponse ang pagbabalik..haha..love you idol.yung MSCF nasan na karugtong andaya aii

    ReplyDelete
  6. wow! ganda ng simula! excited nko sa kasunod!

    ReplyDelete
  7. omg! @KuyaPonse kaw pala may gawa nitong kwento? astig!

    ReplyDelete
  8. I'm not so sure, but if this is the same author who wrote iPhone ... I can't help note na doctor ang protagonists in both stories. Hmmmm. Is it safe to think that the author is somewhat related sa field? Anyway. I enjoyed iPhone immensely. :-)

    ReplyDelete
  9. may konting comment lang ako sa mga nurses, not therapeutic yung approach nila sa kwento like "ok lang yan." and surgeon? expert sa amnesia? baka you mean neurologist or neurosurgeon. anyway nice story

    ReplyDelete
  10. Malamang pink yung Samsung Grand 2 ni doc

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails