Followers

Friday, October 9, 2015

Loving You... Again Chapter 32 - I'll Crawl and Hurt You




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Saktan Mo Ako, Gapangin Mo Ako na akda ni CookieCutter. Kwento ng pag-ibig, paghahanap sa sarili, pasakit, paghihiganti, mga kasinungalingan, at kung ano-ano pang paghihirap ni Angelo na tatawaging PM balang araw. Maganda ang pagkakagawa sa kwento at nagugustuhan ko iyung mga group rape ni Gio at Dimitri. Pero hindi ko nagustuhan ang ending kaya may ginawa akong alternate reality ng kwento sa isang group. Shh, this is me speaking. Pero naka-get over na ako. Okay na ako. Kapag nabasa niyo ang storya at natapos niyo ng malaman kung sino talaga si Angelo, ang tanong sa huli ay kung sino ba ang makakatuluyan niya? Ang ex-boyfriend niya bang si Dimitri na nanakit din sa kaniya, ang best friend niyang si Gio na sinaktan din siya, ang medyo wala lang na si Gab, ang sumagip ng buhay niya na si Arthur? At pagkatapos kaya ng gawa ni CookieCutter, ano ang susunod? >_<

So guys, remember Officer Christian at Officer Geoffrey again? Sila iyung mga pulis para tulungan si Ren sa mga kaso na nangyari sa kaniya. Heto po ang side story nila. Heto na po ang Chapter 32. 











Chapter 32:
I'll Crawl and Hurt You





















































Geoffrey's POV



          「2 weeks ago...



          “Sunog! Sunog! Sunog!" sigaw ng isang lalaki.



          Dali-dali akong nagising at hinablot ang mga bagay na maaabot ng kamay ko. Nagmamadali ako dahil gusto kong mabuhay. Ayokong mamatay ng maaga.



          Sumunod ay tinungo ko ang kwarto ng mga nakababatang kapatid ko at ginising sila. Katulad ko ay gumising sila at nagmamadaling kunin ang mga bagay na naabot ng kamay nila.



          Nang lumabas na kami ng bahay, nakita namin ang napakalaking apoy na malapit lang sa bahay namin. Kasalukuyan ng tinutupok ang kwarto ko. Hindu nagbibiro ang sumisigaw at buti na lang ay nagising ako.



          Bigla na lang akong nakarinig ng putok ng baril at may bumagsak sa tabi ko. Nilingon ko kung sino sa mga kapatid ko ang bumagsak. Si Glenn ang bumagsak at may tama siya sa ulo.



          Biglang lumabas ang luha mula sa mga mata ko pati na rin sa iba kong kapatid na nakakita sa mga nangyari. Ang kapatid ko, patay na siya sigurado.



          Nilingon ko kung sino ang responsable sa pagkamatay ng kapatid ko. Hindi ako makapaniwalang na ang gumawa ay ang sarili kong ama. Nasobrahan na naman sigurado ito sa alak at nagwawala. Pero itong ginagawa niya ngayon, walang kapatawaran.



          “Tara na! Umalis na tayo dito!" sigaw ko sa mga kapatid ko.



          Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar. Ang mga tao na nakikita ko ay nagtatakbuhan na din palayo sa amin.



          Natigil naman ako nang madapa ang isa ko pang kapatid. Pinatakbo ko na lang ang mga kapatid ko na kasama kong tumakbo habang ako ay bumalik para alalayan ang kapatid ko.



          “Takbo, takbo, takbo!" nababaliw na sigaw ng tatay ko.



          Sa tuwing nakakarami siya ng inom ng alak, nagwawala siya katulad ngayon. Ginagamit pa niya ngayon ang hindi lisensyadong baril. Kinamumuhian ko ang ama ko. Ang sama-sama niya. Pinatay niya ang kapatid ko. Sana, mamatay na siya. Pero paano ko siya papatayin? Babarilin ko ba siya?



          Kasama kong kinuha sa pag-alis ko sa bahay ang baril ng ama ko. Isa siyang pulis at ang baril na dala ko ang ginagamit niya sa tuwing may duty siya. Hindi ko lang alam kung saan nanggaling ang isa pang baril na ginagamit niya. Pero ito ang gagamitin ko para barilin siya.



          Dali-dali kong kinuha ang baril na hawak ko saka ikinasa ito. Itinutok ko ito sa ama ko. Pero bago ko pa iputok, pinaputukan na ako ni papa. Tumama ang bala sa ulo ko kaya namatay ako.



          “Gising!" sigaw na narinig ko kasabay ng isang malutong na sampal sa pisngi.



          Iminulat ko ang aking mga mata at hinabol ang aking hininga. Panaginip lang pala. Panaginip na tungkol sa nakaraan.



          “Ang lakas ng sampal na iyun ahh. Hindi ba kinantot kita ng kinantot kagabi?" tanong ko sa katabi ko sa kama habang nasapo ang aking mata dahil sa sakit. “Dapat, wala ka ng lakas sumampal."



          “Iyung puwet ko ang ginamit. Hindi ang kamay ko," sagot ni Christian. “Gumising ka na dahil may kaso pa tayo na aasikasuhin."



          “Ano ba iyan?! May kaso agad?! Pwedeng magpahinga na muna ako?! Wala pa akong lakas."



          “Sex kasi tayo ng sex kagabi. Gawin ba namang ritwal iyun para salubungin ang taon."



          “Bawal kasi magpaputok. Gusto ko kasi salubungin ang bagong taon na may putukan."



          “Kaya ipinutok mo ang ari mo sa bibig ko at sa puwet ko ng maraming beses. Galing mo din Geoffrey."



          “Wala naman kasing kaso iyun. Boyfriend kita. Tsaka nagustuhan mo naman ang ginawa ko kagabi. Sumisigaw ka pa nga na bilisan ko pa ang pagbayo."



          “Oo na. Oo na. Salamat sa pagpapaligaya sa akin kagabi dahil nakarami tayo. Pero may trabaho pa tayo ngayon at hindi holiday para sa ating pulis ang araw na ito. Kaya gising na diyan Geoffrey dahil kailangan tayo sa isang crime scene. Sabay na tayo maligo."



          “Mauna ka na. Susunod na lang ako."



          Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Christian. Ipinikit ko lang ang aking mata at nagpahinga. Medyo matagal naman maligo si Christian kaya ayos lang akong umidlip saglit hindi ba?



          Naramdaman ko naman na may humahalik pababa sa tiyan ko. Malamang, si Christian ang humahalik sa tiyan ko dahil wala naman akong ibang kasama sa apartment namin. Bukod pa roon ay parehas kaming nakahubad at wala pang saplot sa katawan.



          Dahil sa ginawa ni Christian, gumising ang ari sa ibaba ko. Naramdaman ko na ang kamay niya na gumagalaw sa ari ko habang humahalik malapit dito. Napaigtad ako sa sarap nang maramdaman ang bibig niya na sumisipsip sa ari ko para palabasin ang bagay na lumalabas dito.



          “Galing mo talaga Christian! Sige pa," ungol ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.



          Kahit nakapikit ay napahawak ako sa ulo ni Christian at sinabunutan ang kanyang buhok. Maya-maya'y bumilis ang kanyang paggalaw. Ang sarap-sarap talaga ng ginawa niya na parang uminom ako ng ecstasy.



          Nararamdaman kong malapit na akong labasan. Pero naurong ang paglabas ng gata sa ari ko nang maramdaman kong hinawakan niya ito ng mahigpit.



          Dumilat ako at tiningnan siya kung bakit niya ako binibitin. Napakalapit na ehh.



          “Bakit ka tumigil?! Ang lapit ko na!" nabibwisit kong sigaw.



          “Kasi mas lalo kang mawawalan ng lakas kapag hinayaan kitang labasan. Kaya bumangon ka na at sabay na tayo maligo! May pasok pa tayo!" reklamo ni Christian saka tumayo at umalis sa kwarto.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at tumayo para sundan si Christian. Wala akong magagawa ngayong kung hindi simulan ang araw ko.



          Ako nga pala si Geoffrey Alden. 27 years old, pulis ang trabaho ko. Iyung lalaking nambitin sa akin, siya ang boyfriend ko. Si Christian Castiel. 26 years old. 3 years na kami na nagsasama ng lalaking ito. Hindi naman alam ng mga kasamahan namin na baliko kami dahil ang alam nila ay mag-partner kami sa trabaho. Hindi nila alam na literal kaming mag-partner. Well, hindi sa duwag ako na ipakita sa mga kasamahan namin kung sino talaga kami. Ayoko lang na ipagmalaki ang mga hindi naman mahahalagang bagay. Ang mahalaga, mahal namin ni Christian ang isa't isa.



          “Andito na tayo!" untag ni Christian sa akin.



          Idinilat ko lang ang aking mata. Medyo nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa araw. Gusto ko pang matulog.



          Narinig kong bumukas na ang pintuan ng mobile. Nauna na siguro si Christian sa crime scene. Handang-handa siya ahh? Pero ako, hindi. Gusto ko pang matulog.



          “Gising!" untag na naman ni Christian sa akin. “Geoffrey naman. Kakapasok lang ng bagong taon. Gumising ka na diyan at pumunta ka na sa crime scene!" Mukhang nakaidlip na naman ako.



          Idinilat ko na ang aking mga mata at nag-unat-unat. Sige na nga. Kailangan ko ng magtrabaho.



          Lumabas na ako ng mobile at naramdaman ang napakainit na sinag ng araw. Ginala ko ang aking paningin sa lugar. Medyo madumi ang paligid dahil sa mga paputok na pinaputok ng mga tao marahil.



          Nagsimula na akong lumakad papasok sa bahay na sadya namin ni Christian. Nakikita ko naman sa paligid ang forensics na nangangalap ng mga bagay para malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa lugar na ito. Pagpasok sa bahay ay may tauhan naman kami na kumukuha ng litrato. At ang amoy, shabu ba 'to? Muruatic? Ang baho!



          “So anong nangyari?" tanong ko na medyo inaantok pa rin.



          “Nasagot na ni Christian ang tanong mong iyan kanina kung kanina ka pa nandito," sagot ng katropa kong pulis. Si Luke.



          Maingat na naglakad ako papunta sa isang pamilyar na bangkay na nakahandusay malapit sa lamesa. “Kung ganoon, paki-explain ulit sa akin. Kasi ang isang patay dito ay ang pinaghahanap na magnanakaw. Si Ike Melville."



          “Huh? Ike Neville ang pangalan niya?" nagtatakang tanong ni Luke. “Hindi nga? Iyan iyung Ike Melville na hinahanap mo?"



          “Bakit? Hindi ba?" Nagsuot naman ako ng gloves sa aking mga kamay.



          Tumawa ng payak si Luke. “Tingnan mo ang wallet niya para malaman mo. Tingnan mo sa isa sa mga wallet niya."



          Kinapa-kapa ko naman ang bulsa ng bangkay ni Ike Melville. Nang makapa ko na ang bulsa, binuksan ko ito at tiningnan ang kanyang driver's license. So gumagamit nga ng pekeng pangalan ang taong ito. Erwin Ginobli daw ang pangalan niya. Ginobli pa talaga ang apelyido.



          “Peke ang pangalan na nakalagay sa driver's license niya," deklara ko. “Para makasigurado, hanapin niyo sa police database ang pangalang Ike Melville at Erwin Ginobli. Siguradong walang resulta na lalabas para sa Erwin Ginobli."



          “Okay. Ipapahanap ko." Umalis sa bahay si Luke at gumawa ng tawag para hanapin ang mga nasabing pangalan.



          Kinuha naman ni Christian ang hawak kong wallet at nakitingin din.



          “Wow! Parang tunay ang driver's license ng taong ito," saad niya.



          “Anong parang? Tunay talaga iyan."



          “Paano naman siya magkakaroon ng driver's license kung hindi tunay na pangalan ang ginagamit niya?"



          “Lagay," tipid na sagot ko. “Iyung isang biktima, ano ang pangalan?"



          “Walang pagkakakilanlan ang isa nating biktima. Tingnan mo at baka kilala mo."



          Pinuntahan ko naman ang isang bangkay na malapit sa kusina at tiningnan ang mukha. Hindi ko kilala ang taong ito.



          “Walang Erwin Ginobli sa database natin. Pero merong Ike Melville," anunsyo ni Luke pagkapasok. “So siya pala ang hinahanap mong magnanakaw."



          “Wala ng iba," saad ko saka umiling. “At balik tayo sa tanong ko kanina. Ano ang nangyari dito Christian?"



          “Okay. Itong mga sasabihin ko, hindi pa ito kumpirmado ha. Suspetya ko pa lang to," saad ni Christian. “Itong si walang pangalang bangkay at si Ike Melville, magkakilala siguro. Tiningnan namin ang mga posibleng forced entry point nitong si walang pangalang bangkay sa bahay na ito pero wala kaming nakita kaya masasabi kong magkakilala sila. Sumunod na nangyari, pumunta si Ike sa kabilang mesa nang bumunot ng baril itong si walang pangalang bangkay at binaril siya ng limang beses sa katawan na naging dahilan ng kamatayan ni Ike. Iyung ingay naman ng baril ay hindi maririnig ng mga kapitbahay dahil baka binaril siya habang nagpuputukan ng mga paputok ang tao. Bubunot sana itong si Ike ng baril base sa posisyon ng kamay niya. Kaya lang ay naunahan siya. Ibig sabihin, alam ni Ike na papatayin siya ni walang pangalang bangkay."



          “Napakamalas naman niya. Kaya nga dapat ay kilalanin mo ng mabuti ang mga kaibigan mo. Baka bigla ka na lang nila barilin sa likod," kumento ko.



          “Pagkatapos ng barilan, tumawag itong si walang pangalang bangkay sa isang ospital malapit dito at inutusan sila na magpadala ng ambulansya. At nang matapos na ang lahat, kumuha siya ng baso at uminom mula sa pitsel na nasa mesa. Ito ang plot twist. May halong muruatic acid ang tubig na nasa pitsel. Sinikap ni walang pangalang bangkay na pumunta sa kusina para maghanap ng gatas pero huli na ang lahat. Kaya imbes na malapit siya sa lamesa namatay, namatay siyang umaasa na mabubuhay pa siya sa ininom na muruatic acid."



          “Okay. Na bi-visualize ko. Pero ang tanong, sino ang naglagay ng muruatic acid?"



          “At heto na naman tayo sa tanong na maraming posibleng kasagutan," sabat ni Luke. “Iyung muruatic acid pala na hinalo sa tubig, nanggaling sa muruatic acid na nasa loob ng banyo. Ano ang naiisip mo Christian?"



          “Ang hula ko, si Ike Melville ang naglagay ng muruatic acid sa tubig," sagot ni Christian.



          “Pero masyado namang delikado ang gagawin niya. Matapang ang amoy ng muruatic acid kaya maaamoy siguro ni walang pangalang bangkay ang tubig at malalamang may halong muruatic acid iyun. At ang resulta, hindi niya iinumin ang tubig," paliwanag ko.



          “May posibilidad na itong si walang pangalang bangkay ay magpapakamatay talaga," paliwanag ni Luke.



          “Pero paano mo maipapaliwanag na namatay siya dito sa sala?" tanong ni Christian.



          “Baka arte lang. Para maging kapani-paniwala na gusto pa niyang mabuhay. Alam niyo iyun. Iyung mga assassin na papatayin ang sarili matapos ang isang kontrata."



          “O baka may isa pa silang kasama na tao na hindi nila alam?" sabat ko.



          “Posible."



          “Wala ba tayong mga eyewitness sa krimen na ito?"



          “Wala."



          “Wala ding mga CCTV sa paligid maliban lang sa entrance ng subdivision," saad ni Christian.



          “Fingerprints?"



          “Tinatrabaho pa."



          Napakamot ako sa ulo. “Ang hirap naman."



          “Pero ang sigurado ay gustong patayin ni walang pangalang bangkay si Ike. Wala ng ibang anggulo. Iyung mga pera pala ni Ike, nandoon lahat sa box na iyun." Tinuro ni Christian ang kahon na nasa mesa. “Nakita namin iyan sa aparador ng bahay. Hindi nagalaw kaya tanggal na ang anggulo ng pagnanakaw."



          Natawa ng payak si Luke. “Baka nanakawan sana ni walang pangalang bangkay si Ike. Kaya lang, namatay na siya kaya hindi natuloy."



          Binuksan ko ang kahon na nasa mesa. Pagbukas ay nakita ko ang bulto-bultong perang papel ni Ike. Hindi ko mabilang kaya bulto-bultong pera ang paglalarawan ko. Pero malamang ay hindi hihigit ito sa isang milyon.



          “Hindi ko alam kung itong pera na narito ay nakaw o galing sa droga. Eitherway, pakibilang ito Luke. At huwag kang mag-isip na kumuha kahit isang kusing," utos ko dito. “At kung tapos na kayong mag-imbestiga sa lugar na ito, pakilinis na ang lugar na ito. Ang baho-baho! Christian, sumama ka sa akin. Puntahan natin iyung opisina ng Bloomingdale Subdivision na ito para mag-imbestiga pa."



          “Okay! Sulusyunan na natin ang pinakaunang krimen sa taon nating ito!" excited na saad ni Christian.



          Paalis na sana ako nang may nakitang iPhone na nakalatag kasama ang ibang mga ebidensya. Kinuha ko ito at siniyasat at baka may kung ano akong makita dito.



          “Kaninong iPhone ito?" tanong ko.



          “Kay Ike Melville," sagot ni Luke habang may iniimbestigahan sa pintuan ng CR.



          Hindi naka-lock ang iPhone kaya dumiretso ako sa contacts ng phone. Nakita ko ang mga pangalang Aulric, Randolf, at kung sino-sino pa na hindi ko kilala. Oo nga pala. May GPS features ang phone na ito hindi ba?



          Tiningnan ko ang GPS ng phone. Nagtaka naman ako na nakaayos na pala ito. At dahil doon, may mga panibagong tanong na namn sa utak ko. Sino kaya ang nag-ayos? Si Ike? Nakaw din kaya ang phone na ito?



          Lumabas na kami ni Christian sa crime scene at pumunta sa opisina ng Bloomingdale Subdivision. Dumiretso ako sa opisina ng mga sekyu habang si Christian ay iniimbestigahan pa kung sino ang may-ari ng lupa na nakatirik sa bahay daw ng biktima.



          Habang nakatingin sa recorded na CCTV footage ng Bloomingdale Subdivision, may nakita akong naka-bike na may suot na itim na jacket. Ibinalik ko ng ilang segundo ang footage at tiningnan ito ng mabuti. Sumunod na ginawa ko ay inilapit ko. Kilala ko ang lalaki. Ito yung anak ni Emma Melville. Si Aulric.



          Tiningnan ko kung anong oras ang footage. Mga bandang alas nwebe ng gabi. Hindi kaya si Aulric ang pangatlong tao namin?



          「“Kung pwedeng hindi ang isagot, hindi ang isasagot. Kaso ano ang magagawa namin. Tatay ko iyun," sarkastikong saad ni Aulric.」



          「“Kulang kasi ang kinain ng mga kapitbahay namin kagabi. Kaya nagkulang din sila ng nutrisyon sa utak at pinagtuturo na lang kami. Wala kasi silang masisisi sa katangahan nila. Noong isang taon, ninakawan din sila ng tatay ko. Galit na galit pa nga sila sa ginawa ng tatay ko at ibinaling ang galit sa akin. Ngayon na lumapit sa kanila si tatay na may ngiti sa labi, hindi talaga sila nadala. Alam ng magnanakaw iyung tatay ko, pinapasok pa talaga. Hay nako! Gawain talaga ng mga taong kulang ang nutrisyon sa utak," nakukunsuming saad ni Aulric.



          “Hmm, may punto ka nga," tugon ko habang sinusulat ang pag-uusap namin. “May alam po ba kayong lugar na pwedeng pagtaguan ng asawa ninyo? Mga leads kung asaan ang suspek?"



          “Ang totoo po niyan, masasagot namin iyan kung nahanap na namin si tatay ng isang beses. Ang problema, hindi na namin siya hinanap ni nanay. Wala siyang kwenta. Bakit pa hahanapin?" pagsagot ni Aulric tanong.」



          Nagising ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Luke.



          “Luke, balita?" tanong ko.



          “May resulta na sa mga fingerprints na nakita namin sa crime scene. Dalawa na magkakaibang fingerprints ang nakita ng forensic. Iyung isa kay Ike Melville. At iyung isa, sa isang Kevin Mayhonan. And here's the catch. Kasalukuyan ding pinaghahanap ng pamilya itong si Kevin Mayhonan. Napaulat siya na nawawala noong isang taon dahil daw sa trabaho. Ang trabaho pala ng taong ito dati, isa sa mga sekyu ni Mayor."



          “Isa sa mga sekyu ni Mayor? Lagot. Idinadawit pa naman ng ibang mga opisyal natin na si Mayor ang utak sa mga drogang nagkalat sa lugar natin. May iba ka pa bang sasabihin?"



          “Umm, may tanong lang ako," nag-aalangang saad ni Luke.



          “Ano iyun?"



          “Kayo ba ni Christian?"



          Medyo nagulat ako sa tanong. “Anong ibig sabihin mo doon?"



          “Kayo! As in, mag-boyfriend?"



          “Hindi. Partner ko lang siya. Bakit mo naman naitanong?"



          “Natatandaan mo nitong Disyembre? Pumunta ako sa apartment ninyo. Sa labas ng apartment, nakarinig ako ng mga sensual na ungol ni Christian. Umuungol siya na bilisan mo daw ang pagbayo sa kaniya."



          Nasapo ko lang ang aking ulo. “Gago talaga iyung taong iyun. Ganoon talaga si Christian. Loko-loko. Kung ano-ano ang inuungol noon. Kaya aakalain niyo na may ginagawa kaming kalokohan."



          “Pero hindi naman malayo sa katotohanan itong naiisip ko. Wala pa kaya kayong girlfriend parehas. Baka kaya wala kayong girlfriend dahil kayo pala ang magsyota."



          “Sige na Luke. Ikaw na ang may syota. Ikaw na ang ikakasal sa susunod na buwan," pang-aalaska ko.



          “Salamat pare. Pero hindi nga? Bakit ayaw niyo pang magkaroon ng syota? May magagandang kapatid ang aking mapapangasawa. Baka gusto mong ireto ko kayo sa mga magagandang kapatid niya."



          “Pass," pagtanggi ko. “Well, may personal reasons ako kung bakit ayokong magkasyota. Si Christian ang tanungin mo. Baka pumayag."



          “Sige. Sabi mo ehh."



          “Ibababa ko na ang phone. Tawagan mo na lang ulit ako kung may update ka sa kaso."



          “Teka, meron pa pala. Huwag mo muna ibaba."



          “Ano iyun maliban sa pagmamayabang mo na ikakasal ka na?" sarkastikong tanong ko.



          “May nakausap ako sa isa sa mga kapitbahay na nakakita sa dalawa nating patay. Bago tuluyang pumasok sa bahay ay nakipag-inuman pa ang dalawa sa kanilang kapitbahay. Nagtagal sila hanggang sa nagpalit na ng taon at pumasok na ng bahay. Mukhang binaril talaga si Ike Melville habang nagpuputukan ang mga paputok. Kaya hindi maririnig ng mga kapitbahay ang putok ng baril," paliwanag ni Luke. “Classic trick. Makakasuhan natin iyung Kevin ng premeditated murder kung nabubuhay siya."



          “Kung nabubuhay pa siya," pag-uulit ko. “Sige na. Ibababa ko na ang phone. Balitaan mo ako kung may bagong update sa kaso."



          Ibinaba ko na ang phone at humugot ng buntong-hininga. Buti na lang at hindi nabulgar. Ito naman kasi si Christian, sisigaw pa na bilisan ko pa ang pagbayo. Buti at hindi ako sumasagot o umaangal sa mga sinasabi niya at binilisan ko na lang ang pagbayo sa kaniya. Hay nako!



          Inisip ko naman ang tanong ni Luke kanina. Bakit ayaw namin ni Christian magkaroon ng syota? Well technically, ako lang daw ang mahal ni Christian. Erghmm, paano nagsimula ang love story namin?



          3 years ago, naging kapartner ko si Christian. Ayoko pa naman magkaroon ng partner dahil gusto ko ay solo ako sa aking mga trabaho. Pangarap ko kasi na matulad sa mga pelikula ni FPJ. Mag-isa lang. Pero ano ba ang magagawa ko? Ang sumunod na lang sa utos.



          Dahil sa mag-partner kami ni Christian, obviously, kasama ko siya kahit saan sa oras ng trabaho namin. Sabay kaming kumakain sa isang tapsihan, rumeresolba ng mga kaso at kung ano pa. Si Christian ay isang magaling na imbestigador. Madali naming natatapos ang mga kaso dahil sa kaniya. Dagdag pa ang katalinuhan ni Luke, pero ibang storya na iyun.



          Isang gabi habang nag-iinuman kaming dalawa, nag-usap kami ng masinsinan.」



          「4 years ago...



          “Alam mo pare, 23 ka na pero wala ka pa ring syota. Ayaw mo ba magkaroon ng syota?" tanong ni Christian.



          “Bakit ikaw? 21 ka na pero wala ka pa ring syota?" pagbalik ko sa tanong niya.



          “Ay nako Geoffrey. Huwag ka naman ganyan. Ikaw ang topic, ipapasa mo sa akin ang hot seat."



          “Bakit kasi ako ang nasa hot seat?"



          “Para magkakilala pa tayo ng mabuti. Ayaw mo ba?"



          Nilagok ko ang iniinom na beer. “Waiter, dalawa pa nga!" tawag ko. “Ayoko. Family background ko na nga lang, nakakahiya na."



          “Paano mo nasabi?" muling tanong ni Christian saka nilagok ang iniinom niyang beer.



          “Huwag ka ng magtanong. Hindi mo gugustuhing malaman ang kwento ko."



          “Gusto ko kaya. Sige na. Makikinig ako," pamimilit pa niya.



          Nang dumating na ang dalawa pang beer namin, uminom na muna ako ng konti at nag-isip-isip kung sasabihin ko ang nakakahiya kong family background. Nanahimik ako ng ilang segundo at bumuntong-hininga.



          “Pero sabihin mo din ang sa'yo," pagbasag ko ng katahimikan namin.



          “Game," agad na saad ni Christian. “So ako si Christian Castiel. Nabuhay ako na buo ang pamilya namin. May dalawa akong nakababatang kapatid, isang babae at isang lalake. Ang trabaho ng tatay ko, Deputy General Manager sa isang opisina. Habang ang nanay ko ay nagpapatakbo ng isang maliit na grocery store malapit sa lugar namin. Minsan ay nag-aaway ang nanay at tatay ko pero mabilis naman nilang naaayos ang lahat dahil mahal nila ang isa't isa. Ikaw naman."



          Napainom ako sa aking beer. “Masyado namang perpekto ang pamilya mo."



          “Perpekto na ba iyun para sa iyo? Mukhang hindi naman," pa-humble niyang saad.



          “Mas lalo tuloy akong nahiya na sabihin sa akin. Huwag na. Umuwi na tayo."



          “Teka? Ang daya mo naman. Sinabi ko na nga iyung sa akin, dapat sabihin mo din iyung sa'yo."



          “Ayoko. Nahiya na ako."



          “Ehh, di tanggalin mo ang hiya mo."



          “Hindi iyun ganoon kadali."



          Biglang naghiyawan ang mga tao sa bar. Nagpalit naman ang background music ng isang sensual na musika. Napatingin naman kami ni Christian sa stage ng bar. Sa stage ng bar, may isang babae na halos kitang-kita ang kanyang kahubaran dahil sa konti lang ang saplot na suot ng kanyang katawan. Nagsasayaw siya sa stage at halatang inaakit ang mga tao na i-table siya. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa bar sa kada bayong ginagawa ng katawan niya.



          “Tanggalin mo ang hiya mo," sambit ni Christian. ”Parang katulad sa dancer na iyan. Halos wala ng damit pero nagsasayaw pa rin. Well, trabaho kasi nila iyan. Pero siguro naman noong una, nahihiya siya na magsayaw sa stage na iyan. At nang tinanggal niya ang hiya sa katawan, ayan ang resulta."



          “Pero tingnan mo ang babae. Ang kinis ng katawan at ang puti pa. Walang kang kapintasan na makikita sa babae. Maliban lang sa isa siyang pokpok pero ibang storya na iyun. Ang pagkikwento ko sa'yo tungkol sa pamilya ko ay parang naghuhubad ng isang parte ng damit. Makikita mo ang isang parte ng katawan ko. Pero sa parteng hinubad ko pala ay marami kang makikitang peklat. Siyempre, ayoko naman ipakita ang mga peklat kong iyun sa ibang tao."



          “Sa tingin mo ba, wala akong peklat na ipinakita sa'yo?"



          “Wala. Perpekto kasi ang pamilya mo."



          Napailing si Christian. “Nagkakamali ka. May ipinakita ako sa'yo. Sinabi ko kanina na minsan ay nag-aaway ang nanay at tatay ko. Isang maliit na peklat iyun sa katawan. Peklat pa rin iyun kahit ano pa ang sabihin mo. Pero sinabi ko pa rin sa'yo. Dahil hindi ako nahihiya na ipakita iyun. Proud ako na may peklat pa rin ang katawan ko. Lahat ng tao Geoffrey ay may peklat sa katawan na sinasabi mo. May iba na itinatago, may iba na ipinapakita dahil nagtitiwala sila sa pinapakitaan nila."



          “Puwes, ako iyung sa kategoryang nagtatago."



          “Sige na. Ipakita mo na. Gusto kong malaman na pinagkakatiwalaan mo ako sa pagsasabi ng mga sikreto mo," nagtatampong saad ni Christian. “Pero kung ayaw mo, 'di wag. Bahala ka. Siguro, sasabihin mo iyan balang araw."



          “Ibabaon ko ang sikreto ko sa hukay."



          Hindi na lang sumagot si Christian at nakangiti na lang siyang nakatingin sa akin. Napagtanto ko na napaka-unfair ko naman. Siya, walang hiyang sinabi niya ang kanyang family background. Ako, nahiya pa. Pero kailangan bang suklian ko ang pagkawalanghiya niya ng isang walanghiya din? Ayoko nga! Hindi ko sasabihin.



          Bumuntong-hininga ako. “Ako si Geoffrey Alden. Nabuhay ako na hindi buo ang pamilya namin. May lima akong nakababatang kapatid, tatlong babae at dalawang lalake. Sa kasamaang palad, patay na sila dahil pinatay sila ng sarili kong papa. Ang trabaho ng papa ko dati ay pulis din dito sa lugar natin. Habang ang mama ko naman ay nagtitinda ng mga basahan para ibenta sa mga jeepney driver sa kalsada. Palaging nag-aaway ang mama at papa ko dahil gusto ni papa na gastusin ang pera namin sa ABSCBN. Alak, bar, sigarilyo, cabaret, bar, at nightclub. Isang araw, lasing na lasing ang papa namin pag-uwi. Sinalubong siya ni mama na galit na galit dahil lasing na naman siya. Then napuno si papa. Nagwala sa bahay namin. Binunot niya ang kanyang baril at pinagbababaril ang mga kapatid ko. Namatay iyung mga kapatid ko sa pangyayaring iyun at balik na naman ako sa pagiging nag-iisang anak. Napuno naman si mama dahil hindi niya nakayanan ang mga nangyari. Nakipag-agawan siya ng baril kay papa at naagaw niya. Pagkatapos, pinatay niya si papa. But wait, there's more. Nagalit iyung mga magulang ni papa dahil sa ginawa ni mama. Pinagbintangan nila na si mama ang pumatay sa mga kapatid ko pati si papa. Nagsampa sila ng kaso kay mama ng ilang counts ng murder sa korte. Ako naman, pilit kong pinagtatanggol si mama dahil hindi naman totoo ang mga binibintang nila. Si papa ang pumatay sa mga kapatid ko. Pero hindi tinanggap ng korte ang statement ko. Kasi bata pa ako. Alam mo na. Then hinatulan na si mama ng habangbuhay na pagkabilanggo. At habang nasa kulungan naman siya, nagkaroon ng riot sa kulungan at pinatay siya."



          Pagkatapos kong magkwento, nilagok ko ang natitirang beer na nasa bote. Blankong ekpresyon ang nakikita ko sa mukha ni Christian. Ingay lang ng mga tao sa paligid ang naririnig ko ngayon at kahit sino sa amin ay hindi na nagsasalita. Maya-maya ay bahagyang ngumiti si Christian at ininom din ang kanyang beer.



          “At bakit ayaw mong magkaroon ng syota?" tanong ni Christian.



          “Kasi meron akong bagay na pinaniniwalaan na mula sa aral ng mama ko. Sabi ni mama, kung ano ang ginawa mo sa mga magulang mo noong bata ka pa, mangyayari sa iyo kapag tumanda ka. Kaya ayoko. Noong naging magsyota sila mama at papa, 24 sila. Kaya kung mauulit iyung masalimuot na pangyayari noong bata pa ako, ewan ko lang. Hindi ko na makakaya. Ayoko ngang mapatay ng sarili mong asawa."



          “Ganoon ba? Waiter, dalawa pa nga!" tawag ni Christian.



          “Iinom pa tayo? Hindi ka pa ba lasing?" tanong ko.



          “Hindi pa. Sulitin na natin ang gabing ito."



          “Okay."



          Marami pa kaming bagay na pinag-usapan ni Christian. Kahit nasa taxi na kami pauwi sa apartment ko, patuloy pa rin kaming nag-uusap.



          “Bakit hindi natin ibahin ang magiging takbo ng paniniwala mo?" tanong sa akin ni Christian.



          “Ibahin ang magiging takbo ng paniniwala ko?"



          “Hindi ba, ayaw mo mangyari sa'yo ang nangyari noong bata ka pa? Paano kung magkaroon ka ng kasama sa buhay na hindi magkakaanak? Paano kung isang lalaki?"



          “Isang lalaki? Hindi ko iniisip ang ganoon posibilidad."



          “Geoffrey, may sasabihin ako sa'yo."



          “Ano iyun?"



          Napalunok si Christian at inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. May ibinulong siya sa akin. Sabi niya, may gusto daw siya sa akin. Tama ba ang pagkakarinig ko? Parehas na siguro kaming lasing kaya kung ano-ano na ang naririnig at mga sinasabi namin.



          “Ano ka ba?! Joke lang iyun!" Marahang sinuntok pa ako ni Christian sa braso.



          “Kung gusto mo pala ako, bakit hindi mo simulan na paligayahin ako?" pagbibiro ko din.



          Napatawa kami ng mahina sa mga pinagsasasabi ko. Mukhang lasing na talaga ako. Nagsisimula na kasing umikot ang aking pakiramdam. Maya-maya'y dahan-dahan na nandidilim ang aking paningin at mukhang nakatulog ako.



          Hindi ko na masyadong maalala ang mga sumunod na nangyari. Ang naaalala ko lang ay mukhang binibitbit na ako ni Christian papunta sa kwarto ko. Naririnig ko pa ang mga reklamo niya na mabigat daw ako at dapat ay hindi ko na daw pinatulan ang sinasabi niya na mag-inuman pa.



          Maya-maya ay naramdaman ko na bumagsak ako pahiga sa aking kama. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napatungan ko ata siya. Siyempre, ako na lasing, wala ng pakialam. Basta makahiga lang ako.



          Habang nakapatong ay nararamdaman ko ang kanyang ilong sa aking leeg. Maya-maya naman ay nararamdaman ko ang kanyang labi ata. Hindi ako sigurado. Mukhang inaamoy at hinahalik-halikan niya ang leeg ko. Pero ang sarap ng ginagawa niya.



          Mukhang umungol ata ako sa ginawa niyang iyun at itinigil ni Christian ang kasalukuyang ginagawa. Nagkaroon naman siya ng lakas na itulak ako at itinihaya. Hindi ko na alam ang sununod na nangyari sa akin. Pakiramdam ko naman na medyo lumamig ang aking pakiramdam. Napakabait naman itong si Christian. Mukhang inaasikaso niya talaga ako. Naaalala ko tuloy si mama sa kaniya. Ilang taon na ba nang nawalay ako kay mama? Hindi ko na matandaan. Sana, maibalik ko ang mga oras na iyun. Iyung mga oras na katuwang ko si mama sa pag-aalaga sa mga kapatid ko.



          “Mama, mahal na mahal kita. Sana, bumalik ka na," saad ko habang nakapikit.



          Kinabukasan, nagising ako nang may isang maingay na motor ang dumaan sa apartment. Minulat ko ang aking mata at bumangon. Ang sakit-sakit agad ng ulo ko pagkagising. Dahil siguro ito sa nangyari kagabi.



          Nakarinig naman ako ng ingay sa kusina at mukhang may nagluluto. Pinasok kaya ako ng magnanakaw?



          Kinuha ko ang aking baril na nasa maliit na aparador sa gilid ng kama ko. Dahan-dahan na bumangon ako sa kama at lumabas ako ng kwarto. Sumunod ay tinungo ko na ang kusina. May naabutan naman akong lalaking nagluluto. Teka? Christian?



          Biglang humarap si Christian. “Gising ka na pa- BAKIT NAKATUTOK SA AKIN ANG BARIL MO?!"



          Ibinaba ko naman ang baril. “Pasensya na. Akala ko, may magnanakaw na nagluluto sa bahay ko."



          Bumuntong-hininga si Christian. “Magnanakaw na nagluluto sa bahay mo? Nakakasakit naman ng damdamin," medyo pagalit niyang saad. Inilagay naman niya sa mesa ang nilutong sinangag.



          “Nako! Hindi ka na dapat nag-abalang ipagluto ako ng agahan. Kaya ko naman bumili sa labas!" sigaw ko habang bumabalik sa kwarto at ibinalik ko ang baril sa maliit na aparador na nasa gilid ng kama. Bumalik naman agad ako sa kusina.



          “Huwag kang mag-alala. Kaya ko naman. At tsaka sayang kasi ang kanin na nadatnan ko. Mukhang mapapanis na kaya sinangag ko na." Pumunta siya ulit sa kawali at mukhang may lulutuin pa siya. “Alam mo dati, akala ko na iyung baon mo sa trabaho ay mga luto mo. Iyun pala, iyung karinderya sa gilid ang nagluluto noon."



          “Pasensya na. Hindi kasi ako marunong magluto. Wala kasi akong magulang na nagtuturo sa akin magluto," sarkastikong saad ko. Umupo naman ako sa mesa.



          Natawa ng payak si Christian. “Ako, hindi magulang ko ang nagturo sa akin. Sa mga karindirya at sa mga yaya namin ako natutong magluto. Ang mga magulang ko kasi, hindi marurunong."



          “May ganoon? Nakakatawa."



          “For the record, ito pa lang ang unang beses ko na magluto. So far, mukhang ayos naman ang pagkakaluto ko ng mga pagkain. Anong masasabi mo?"



          Tumingin ako sa mesa. Napatingin ako sa sinangag at mukhang masarap iyun. Napalunok ako at natatakam. Gusto ko ng kumain pero nakakahiya sa bisita ko. Dapat, makisabay ako.



          “Wala akong masabi sa totoo lang," iling ko. “Basta ang gusto ko, kumain na."



          “Okay. Sandali na lang itong itlog."



          Maya-maya'y inilagay na ni Christian sa mesa ang niluto. Pati ang itlog niya, mukhang masarap. Nakakaenganyo din kainin dahil sa mga rekado nito na parang pizza.



          “Kainan na!" excited kong saad.



          Agad na kinuha ko ang aking plato at pinuno ng sinangag. Hinati ko din ang scrambled egg at inilagay sa plato ko. Sinimulan ko namang isubo ang kanin sa bibig ko. Wala akong masabi. Napakasarap ng pagkain. Ang sarap ng luto ni mama.



          Napatigil ako sa pagkain nang maalala si mama. Oo nga pala. Wala na pala siya at hindi naman si mama ang nagluto ng mga pagkaing ito kung hindi si Christian.



          “Napatigil ka Geoffrey? Okay ka lang?" untag ni Christian habang may sinusubong pagkain.



          “W-Wala naman," pautal-utal kong sagot. “Bigla ko lang kasi naalala si mama habang kumakain."



          “Talaga? Naalala mo sa luto ko ang mama mo? Sus! Huwag mo nga akong bolahin. Hindi ko kukunin iyan bilang papuri."



          “Walang biro. Naaalala ko si mama habang kumakain. At akala ko nga, si mama ang nagluto. Na mi-miss ko na siya Christian."



          Ngumiti si Christian at nag-iwas ng tingin. “O-Okay. So hindi pala ako ganoon kasama magluto. Salamat sa papuri."



          Pinagpatuloy ko naman ang pagkain. Saka ko lang napansin na ang daming sinangag na nasa plato ko habang ang konti ng kay Christian.



          “Ay! Pasensya na. Mukhang naparami ang kinuha kong sinangag. Ibibigay ko na lang iyung iba sa iyo."



          “Hindi na," pagtanggi niya. “Ayos na ako sa kanin ko. At tsaka, ang saya na nakikita kang maganang kumain. Parang tumataba ang puso ko dahil pasado pala ang kakayahan ko sa pagluluto."



          “Okay. Bahala ka. Seryoso ako na uubusin ko ito."



          Tumayo siya. “Alam mo, may kulang dito. Ahh! Ipagtitimpla kita ng kape. Tingnan ko kung pasado din ang kakayahan ko bilang tagatimpla ng kape."



          “Sige lang. Timpla lang."



          Ipinagpatuloy ko ang pagkain gaya ng sinabi niya. Maya-maya ay nabitin naman ako nang naubos ko na ang sinangag. Ano ba iyan?! Kung marami sigurong tutong na kanin, hindi mangyayari ang ganito.



          Ininom ko na lang ang kapeng tinimpla ni Christian. Sakto ang timpla sa aking panlasa. Nakakainis. Naaalala ko na naman si mama. Hindi ko kasi magaya-gaya ang timpla ni mama sa kape ko noon. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawa. Ewan. Basta. Gusto ko kasi ang timpla ni mama.



          Nagising na lang ako sa pag-iisip nang napagtanto ko na nililinis na ni Christian ang apartment ko. May hawak pa siyang balde at basang basahan. Ilang minuto na ba akong nag-iisip?



          “Hoy, hoy, hoy, anong ginagawa mo?" tanong ko.



          “Naglilinis ng bahay?" hindi sigurado niyang sagot.



          “Ha! Bahay mo?" sarkastikong tanong ko.



          “Hindi. Pero ayokong nakikitang madumi ang bahay."



          “Tigilan mo na nga iyan! Hinayaan na nga kita kanina na maghugas ng pinggan," saad ko habang tumayo at lumakad papalapit sa kaniya.



          Kinuha ko ang hawak niyang basahan at balde at sinimulang linisin ang bahay. Nakalimutan ko. Ito pala ang araw na maghuhugas ako. Natapos na pala siya magwalis.



          “Ano na ang gagawin ko?" tanong sa akin ni Christian.



          “Ipagpatuloy mo na ang buhay. Umuwi ka na. Salamat sa pagkain at pag-aasikaso sa akin kagabi."



          “Sige. Kita na lang tayo bukas sa trabaho," nakangiting saad niya.



          Kinuha ni Christian ang mga gamit niya at lumabas ng bahay. Bago lumabas ay nakita ko ang ngiti niya na mapait. Bakit kaya?



          Natapos ko ng linisin ang bahay. Hindi ko namalayan na malapit ng gumabi. Pagod na pagod ako.



          “Christian, tubig nga!" wala sa sarili kong saad.



          Kumunot ang noo ko. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi dito nakatira si Christian. Parang tanga itong si Geoffrey.



          Nakabalik na din ako sa aking apartment. Bumili kasi ako ng pagkain sa ibaba ng apartment. May karindirya sa baba at suki ako dahil araw-araw akong bumibili ng pagkain.



          Sinimulan ko ng kainin mag-isa ang aking pagkain. Hindi ko alam pero wala akong gana kumain ngayon. Malayong-malayo sa maganang tao kaninang umaga.



          Kinabukasan, kasama si Christian, rumoronda kami ngayon sa isang lugar dahil sa kaso na iniimbestigahan namin. May hinahanap kasi kaming tao na basta na lang lalapit sa amin at papasok sa mobile. Ang magti-tip sa amin kung saan ang hinahanap namin.



          Habang nagmamaneho, bumabalik ang alaala ko sa nangyari noong gabing nag-inuman kami. Bumulong sa akin si Christian na may gusto siya sa akin. Tapos sinabi niyang joke lang daw. At sinagot ko siya na kung gusto niya pala ako, bakit hindi niya ako simulan na paligayahin. At bago ng pag-uusap na iyun, pinag-usapan namin kung pwedeng ibahin ko ang dapat mangyari sa akin na pinaniniwalaan ko kung sa lalaki ako papatol.



          “Hoy! Nakikinig ka ba?" untag ni Christian.



          “Ha? Anong sabi mo?" tanong ko.



          “Ayun! Hindi ka nga nakikinig."



          “Pasensya na. Malalim lang kasi ang iniisip ko," paghingi ko ng dispensa. “Christian, nakatira ka ba sa mga magulang mo?"



          “Oo. Nakatira ako sa mga magulang ko."



          “Ano kaya kung tumira ka sa bahay ko?"



          “Makitira ako sa bahay mo?" naguguluhan niyang saad.



          “Kasi, alam mo iyun. Hinahanap ko kasi ang luto mo. Hindi ko maintindihan. Gusto kong kumain ng mga pagkaing niluluto mo. Gaya nung sinangag na niluto mo sa akin. Pati iyung kape."



          Nag-iwas siya ng tingin saglit at ibinalik din ang tingin sa akin. “Ohh? Ganoon ba? Pero hindi tayo kasya sa apartment mo. Maarte akong tao. Gusto ko na may sarili akong kwarto. Sa tingin mo, papayag akong tumira doon sa apartment mo?" pranka niyang saad pero hindi ganoon kataas ang tono ng boses gaya ng mga karaniwang tao. Wow! Sapul ako doon. At hayan ang unang problema.



          Natahimik kami. Patuloy naman akong nag-iisip kung paano siya mapapayag na tumira sa apartment ko. O kahit malapit sa apartment ko. Pero bigla kong naalala. Walang bakante sa apartment ko.



          “Unless kung tayo..."



          Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ako ba ang nagsalita? O si Christian?



          “Anong sabi mo Christian?" tanong ko.



          “Huh? Wala akong sinasabi," pagtanggi niya.



          “Meron," giit ko.



          “Wala."



          “Meron."



          “Wala nga. Sige nga? Kung meron akong sinabi, ano iyun?" paghahamon niya.



          “Ang sinabi mo, unless kung tayo... Ano? Ano ang sasabihin mo?"



          “Wala. Kalimutan mo na narinig mo iyun."



          “So meron ka ngang sinabi?"



          “Oo. Meron."



          “Okay. Then ano nga ang gusto mong sabihin?"



          “I was gonna tell a joke pare. Sasabihin ko sana na unless kung tayo..."



          “Kung tayo, ano?"



          “Alam mo na iyun. Ako, at ikaw. Basta! Joke lang kasi kaya huwag mo ng isipin. Tsaka sigurado naman akong hindi mo ako papatulan," sarkastikong saad ni Christian habang kumukumpas.



          “Paano kung patulan ko?"



          Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Napansin ko naman na namumula ang kanyang tenga. Hindi kaya, tama ang iniisip ko?



          “May gusto ka ba sa akin?" preskong tanong ko.



          Bigla naman bumukas ang likurang pintuan ng mobile at may pumasok na tao. Narito na pala iyung impormante na hinihintay namin. Kaya pinagpatuloy na namin ni Christian ang pag-iimbestiga sa kaso.



          Ilang araw ang lumipas, palagi niya akong iniiwasan. Hindi ko siya makasabay sa mobile. Kung makakasabay man, kasabay ko ang isa kong kaibigan na si Luke na kaibigan din niya. Kapag ayaw niyang sumabay, gagawa siya ng dahilan para mauna na. Kesyo may pupuntahan pa siya na mas importante daw. Pero buti nga at pagdating sa mga importanteng bagay na kailangan namin pag-usapan, dumadating siya. At kapag tapos na, gagawin niya ang kanyang disappearing act. Bwisit siya!



          “Geoffrey, may sasabihin ako sa iyo," tawag sa akin ni Archie, isa sa mga kaibigan ko sa trabaho. Nakasalubong ko kasi siya sa hallway ng istasyon.



          “Ano iyun Archie?" tanong ko.



          “Sumunod ka sa akin." Marahang hinawakan ni Archie ang kamay ko papunta sa isang sulok.



          “Mukhang isa itong malaking sikreto," tugon ko sa mahina na tono para walang ibang makarinig.



          “Malaki talaga. Makinig ka. Lately kasi, mukhang alam na ata ng mga kalaban natin kung asaan ang mga tinatago nating testigo. Isa-isa nila itong pinatatahimik at naisip ko na mukhang may traydor tayo sa loob. At ngayon, hinahanap ko kung sino ang isa sa mga posibleng traydor. At sigurado naman ako na hindi ikaw iyun dahil maayos mong ginagawa ang trabaho mo."



          “Well, pwedeng ako. Pero ano naman ang magiging pakinabang ng bagay na iyun sa akin maliban lang sa makakatanggap ako ng malaking pera na hindi ko naman masyadong kailangan."



          “Ikaw nga talaga si Geoffrey. Siya nga pala. May ibang tao ka ba na pinagsabihan tungkol sa imbestigasyon na ginagawa natin? Obviously, maliban sa mga partner natin?" tanong niya.



          “Wala naman bukod kay Christian. Kahit nga si Luke, hindi ko binabalitaan," paliwanag ko.



          “Okay. Pero pinag-uusapan na rin lang natin ang ating mga partner, asaan na si Christian? Parang noong isang araw lang, dikit ng dikit sa iyo ang taong iyun?"



          “Well, nilalayuan niya ako lately. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Pero nilalayuan niya talaga ako. Mukhang may problema kaming dalawa at sana ay maresolbahan na namin ang aming problema."



          “Alam mo Geoffrey, payong kaibigan lang ha. Mukhang kahina-hinala na para sa akin ang mga kinikilos ni Christian. Kung ako sa iyo, mag-ingat-ingat ka kapag kasama mo ang taong iyan. Baka mamaya, siya pala ang isa sa mga traydor at nagbibigay ng impormasyon sa mga kalaban natin kung saan nakatago ang ating mga testigo."



          “Hindi naman siguro. Pero gagawin ko iyang advice mo na mag-ingat."



          “Sige. Alis na ako. Mag-ingat ka," paalam ni Archie.



          Isang araw, kasabay ko na siya ngayon sa mobile. Sumabay siya ngayon dahil kailangan. Wala siyang magagawa. Wala.



          Sinadya ko naman bagalan ang pagpapatakbo ng mobile. Kailangan makausap ko siya ng masinsinan.



          “Balik tayo sa dapat matagal na nating pag-usapan dahil may isang tao dito na umiwas talaga sa akin. Kahit sa CR, iniiwasan talaga. Iyung tipong my TRO ako sa isang tao pero walang involved na pisikal na korte dahil mukhang emosyonal na korte ang ginamit niya. May gusto ka ba sa akin?" tanong ko.



          “Wala," mabilis na sagot niya.



          “Wala? Pero kapag magkikita tayo, nagiging escape artist. Wala daw?" sarkastikong saad ko.



          “Yeah. As in wala. Kung baga sa drum, wala itong laman," giit pa niya. “At kung wala naman talaga? Ano ngayon? Pipilitin mo ako? Pasensya ka na Geoffrey. Wala talaga."



          “Sinungaling ka. Bakit kasi hindi mo pa aminin?"



          “Bakit ako aamin? Wala akong dapat aminin. At kung may kailangan umamin dito, ikaw iyun. Hindi ako. Ikaw ba, may gusto sa akin?"



          “Oo. May gusto ako sa'yo!"



          “Sinungaling ka!"



          “Paano mo nasabi?"



          “Kilala kita Geoffrey."



          “Bakit kasi hindi ka na umamin? May gusto ka sa akin."



          “Ayoko nga! Naalala mo iyung sinabi mo dati na may dalawang klase ng tao na sinasabi mo? Ako naman ang magsasabi. Puwes, ako iyung sa kategoryang nagtatago."



          “So hindi mo ako pinagkakatiwalaan?" Pinatigil ko ang sasakyan dahil nakarating na kami sa aming destinasyon.



          “Damn, no! Magmumukha lang kasi akong food dispenser pagdating sa'yo. At kung meron man akong gusto sa'yo, itatago ko na lang hanggang sa hukay ko. Hinding-hindi ako magsisisi. Ako iyung klase ng tao na kapag nagmahal, gusto kong may bumalik sa akin. Ayoko ng basta lang ako bigay ng bigay. Pasensya na Geoffrey. Pero sa tingin ko, hanggang dito na lang dapat tayo. Magkaibigan. Kaysa lumampas pa tayo sa pagiging magkaibigan pero magkakasakitan lang tayo. Mas mabuti pang maghanap na lang ako ng iba."



          “Hindi ba maganda iyun? Iyung niluto mo noong isang araw, naaalala ko si mama. Si mama na hindi ko man lang nakasama ng matagal. Hinihiling ko nga na sana, kapag may taong magpapaalala sa mama ko, papatulan ko, liligawan, at mamahalin. Bakit mo ba iniisip na magmumukha kang food dispenser? Wala ka bang tiwala sa akin talaga? Christian, matagal na tayong magkasama sa trabahong ito. Kung may nasabi man ako dahilan para ma-offend ka, I'm sorry. Well siguro, half-true na magiging food dispenser ka lang. But I will love that food dispenser. Kung may taong magpupuno sa pangungulila ko sa mama ko, mamahalin ko siya."



          “At paano kung mapuno ko ang pangungilila mo? Mamahalin mo pa rin ba ako? Kapag na-satisfy ka na, iiwan mo na ako?" sarkastikong tanong niya. “Alam mo, think about it. Ako ang klase ng tao na tatalon lang kung sigurado ako sa aking babagsakan. Hindi ako sumusugal. Mahirap na."



          “Talaga lang ha? Sa tingin mo, sa trabahong ito, hindi ka sumusugal? Pwede kang mamatay sa trabahong ito Christian."



          “I don't care. Sisiguraduhin ko na hindi ako mamamatay."



          Binuksan ni Christian ang pintuan ng mobile at lumabas. Bwisit! Siguro, may mga bagay talaga na hindi para sa akin. Pero hindi si Christian. Masisira ang pagiging magpartner namin kapag nagpatuloy ang ganito. Ako ang nagsimula ng gusot na ito sa pagitan naming dalawa. Ako din ang tatapos.



          Bumaba na din ako sa mobile at sabay na papasok sa isang bahay.



          “Chris-"



          Naputol ang pag-uusap namin nang mapansin ko na bukas ang bahay na pinuntahan namin. Sinenyasan ko na lang siya na baka may mga tao sa loob at kailangan mag-ingat dahil papasok kami.



          Inarmasan na namin ang aming baril para handa na kami sa mga mangyayari. Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at tahimik na pumasok sa bahay. Sa posisyon naming dalawa, ako ang nasa harap. Habang si Christian ay nasa likuran ko at tinitingnan ang aking tagiliran at likuran.



          Nang nasa sala na kami, may narinig naman kaming mga taong nag-uusap. Nagtago kami ni Christian sa likod ng dalawang malaking sofa. Pababa ata sila.



          “Umalis na tayo!" sigaw ng pinakalider nila marahil.



          “Freeze!" sigaw ko nang nagpakita na kami ni Christian sa aming pinagtataguan. “Mga pulis kami! Itaas niyo ang inyong mga kamay!"



          Itinaas ng mga taong ito ang mga kanilang kamay. Tatlong tao ang pumasok sa bahay ng testigo namin. Napansin ko naman ang kanilang mga baril at naka-bonnet na nagtatakip sa kanilang mga mukha. Napansin ko din ang isang detalye na hindi ko na kailangan sabihin dahil sigurado naman ako na napansin din iyun ni Christian.



          “Ibaba ninyo ang inyong mga armas! Dahan-dahan niyo gawin," utos ni Christian.



          “Okay. Ibababa na namin. Huwag kayong magpapaputok," pagsunod ng pinakalider.



          Ibinaba ng tatlong tao ang kanilang baril ng dahan-dahan. Nang ibinaba na ay itinaas ulit nila ang kanilang mga kamay.



          “Alam niyo, isa itong malaking pagkakamali. Pulis din ako. Mga undercover kami Christian, Geoffrey, kalma lang" saad ng pinakalider nila. Kilala niya kami?



          “Talaga lang ha? Ipakita mo ang mukha mo!" sigaw ko.



          Dahan-dahan na inalis ng pinakalider nila ang kanyang bonnet. Nainis naman ako dahil napakagwapo ng taong ito. Ang kinis ng balat, ang ganda ng mata, matangos ang ilong, at saktong-sakto lang ang kulay ng balat. Healthy din ang labi ng taong ito dahil sa pulang-pula. Parang kapag binaril siya sa kanyang labi ay may lalabas na maraming dugo.



          “Archie?" pamilyar na saad ni Christian. “Ikaw ba iyan?"



          “Long time no see Christian. Ikaw din Geoffrey," nakangiting saad ni Archie.



          Ibinaba ni Christian ang kanyang baril. “Ibaba mo na iyan Geoffrey. Kakilala ko ang mga iyan. So ito pala ang sinasabi mong undercover assignment."



          Hindi ko sinunod ang sinasabi ni Christian. “Anong assignment? Ang patayin ang testigo namin na nagtatago sa bahay na ito?" seryoso kong tanong.



          “Geoffrey, magtiwala ka sa akin. Hindi sila masama," kampanteng saad ni Christian habang lumalapit sa mga taong ito.



          “Oo nga. Tsaka iyung testigo na tinatago niyo sa bahay na ito, patay na nang naabutan namin," tugon ni Archie.



          “Talaga? Sinong pumatay? Kayo?" sarkastikong tanong ko. “Christian, bumalik ka dito at itutok mo ang baril sa kanila!"



          “Geoffrey, huwag kang magsalita ng ganyan. Kasamahan natin ang mga iyan," sabat ni Christian.



          Sasagot pa sana ako nang biglang lumapit si Archie kay Christian at ginawang siyang hostage. Masyadong mabilis ang nangyari at hindi ko napansin na may baril palang nakatago sa likuran ni Archie na nakatutok sa ulo ni Geoffrey.



          “Huwag niyong pupulutin iyan! Huwag niyong pupulutin iyan! Kung hindi, papuputukan ko kayo!" sindak ko sa mga kasama ni Archie na pupulutin sana ang kanilang baril na nasa sahig.



          “Iputok mo! Kung hindi, papatayin ko itong partner mo!" sindak ni Archie.



          “Ang sabi ko, huwag!" sindak ko sa kanila ulit nang sinubukan nilang pulutin ang kanilang mga baril.



          “Geoffrey, sundin mo na lang ang sinasabi ni Archie!" pakiusap ni Christian.



          “Ipuputok ko talaga-"



          Pinaputukan ko agad ang kamay ni Archie bago pa niya tinapos ang kanyang pagsasalita. Nagulat naman ang lahat sa ginawa ko dahil napakadelikado ng aking ginawa. Dahil doon kaya nakawala si Christian at bumalik sa puder ko saka itinaas ang kanyang baril.



          “Muntikan mo na akong mapatay sa ginawa mong iyun!" sigaw ni Christian.



          “May tangang tao kasi na hindi nagtitiwala sa akin! Walang anuman ha!" sarkastikong tugon ko. “Kayo, itaas ninyo ang mga kamay niyo at dumapa! Aarestuhin namin kayo!"



          “G-Gago ka talaga Geoffrey. Binaril mo ako sa kamay!" saad ni Archie habang nakahawak sa kanyang kamay na binaril ko.



          “Idagdag mo na rin ang pagiging bastos ko dahil hindi ko tinuloy ang pagsasalita mo kanina. Ngayon Archie, mukhang marami kang kailangan ipaliwanag kay hepe!"



          Personal naming hinatid si Archie sa presinto dahil baka kapag iba ang naghatid at makatakas pa ito, parang inaasahan ko na iyung mangyari ang aking masasabi.



          Nang nakarating na kami sa presinto, pinuri naman ako ni hepe dahil sa paghuli ko sa naglalabas ng impormasyon at ang pumapatay sa mga testigong pinoproteksyunan namin. Ironic. Si Archie kasi ang nagsabi sa akin na may traydor sa pulisya. Iyun pala, siya ang traydor.



          Nang gumabi na, sumabay si Christian sa akin sa mobile at napagpasyahan kong ihatid na lang siya muna pauwi. Inaantay ko ang kanyang pasasalamat. Pero tahimik lang siya na nakatingin sa bintana ng kotse. Well, kung ayaw niya magpasalamat, ayos lang.



          “Alam mo, pag-usapan na natin ito," pagbasag ko sa katahimikan namin sa loob. “Nasisira na kasi ang partnership natin na dating matibay na matibay. Iyung nakikinig ka sa akin, at ako sa'yo, iyung pinagkakatiwalaan natin ang isa't isa."



          “Tama! Para naman hindi maulit iyung nangyari kanina na halos barilin mo ako!" sarkastikong saad ni Christian.



          “Hindi naman kita inaasinta."



          “Hindi nga! Pero matatamaan ako kung nagkamali ka!"



          Bumuntong-hininga ako para hindi makisakay sa kanyang galit. “Well, nawalan ka kasi ng tiwala. Kung nakinig ka sa akin na bumalik ka sa side ko at itutok ang baril sa kanila, ehh, di sana hindi mo naranasan ang nangyari kanina. Heartbreaking hindi ba?"



          Sasagot pa sana siya pero hindi itinuloy ni Christian ang sasabihin at bumuntong-hininga din. Tumingin ulit siya sa bintana ng kotse. Pero sa totoo lang, kasalanan ko din ang mga nangyari. Bakit ko kasi napansin na may gusto si Christian sa akin? Hindi na sana siya napahamak.



          “Paano mo nalamang si Archie ang traydor?" tanong ni Christian matapos manahimik ng ilang minuto.



          “May napansin akong isang detalye sa attire niya na akala ko napansin mo," sagot ko. “Pero hindi kita masisisi kung hindi mo napansin. Sasabihin ko naman anyway. May puting towel sa bulsa niya sa likod na medyo nakalabas. Mapapansin mong may kulay pula sa towel na iyun na dugo noong testigo na tinatago natin sa lugar na iyun. Well, ako lang pala."



          “Hindi ako na-brief tungkol sa kaso na iyun."



          “Dahil hindi naman kailangan. Sabi sa amin, huwag sabihin kahit sa mga partner. Ehh, mukhang itong si Archie, sinasabihan ang partner niya. Dahil doon, minamanipula ni Archie ang partner niya, at ganito, ganyan, ganire na ang nangyari. Domino effect. Masyadong maraming detalye na hindi na kailangan ipaliwanag dahil pumalpak kami. Namatay na ang lahat ng testigo."



          Natawa ng payak si Christian. “Ganoon ba? Namatay daw lahat."



          Napangiti ako dahil mukhang alam ni Christian. “Sumusunod lang ako sa utos."



          “Tara sa inyo. Ipagluluto kita," biglang yaya niya.



          “Umm, ayoko," pagtanggi ko. “Salamat na lang. Baka hindi ka na makakalabas ng bahay kapag pumasok ka pa."



          “Grabe naman to! Hindi daw ako makakalabas? Hoy Geoffrey, mataas ang fighting skills ko. Huwag kang magmayabang na hindi ako makakalabas sa bahay mo."



          “Alam mo bang sabi nila, ang unang tingnan mo sa isang tao na gustong-gusto mo ay kung mahal nila ang magulang nila? Dahil kapag mahal na mahal nila ang magulang nila, ganoon din nito mahalin ang kanilang mahal sa buhay. Geoffrey, wala na akong magulang na mamahalin. Patay na silang lahat. Itong pusong ito, grabe magmahal."



          “Pati ba iyung ibaba mo?"



          “Bwisit ka! Na turnoff ako bigla! Tigang na tigang ka siguro!" naiinis kong saad. Sex agad? Hindi pa ako handa.



          “Alam mo bang pinagnanasaan ko ang katawan mo?"



          “Huwag na nga Christian! Nagmamaneho pa ako! Manahimik ka na lang."



          “Dati, noong college ako, may nakilala akong isang lalaki na crush na crush ko. Bigay ako ng bigay sa taong iyun. Pero it turns out na hindi pala niya ako mahal. Nasaktan talaga ako ng sobra noon. Akala ko, ibabalik niya ang pag-ibig ko. Nag-e-expect kasi ako ng kapalit. Pero wala. Wala akong nakuhang kapalit. Kaya nasabi ko sa sarili ko, hindi na ulit ako susugal sa pag-ibig. Hinding-hindi na kahit kailan."



          “Ano kinalaman ng bagay na iyun sa pagnanasa mo sa akin?"



          “Nawala iyun agad dahil hindi mo naman ako mahal noong mga panahon na iyun. Pero ngayon, sigurado ako na mahal kita Geoffrey."



          Gusto ko sana siyang halikan noong nga panahon na iyun. Kaya lang ay hawak ko ang manibela ng mobile at malapit na kami sa bahay nila. Ang puso ko, parang lalabas sa mga naririnig ko. Naunahan pa niya ako.



          “Dapat kasi, ako muna ang magsasabi ng mga salitang iyun!" naiinis kong saad.



          Mahal kong mama, may natagpuan na akong tao na mamahalin, na pupuna sa naudlot niyong pagmamahal sa akin. Kaya lang, medyo naiiba. Lalaki siya pero wala akong pakialam, at boyfriend ko siya kaya pwede kong gawin ang gusto ko sa kaniya gaya ng, basta! Iyung ginagawa ng magsyota. Pero ibang storya naman iyun. Isa siyang mabait na tao at maasikaso sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan na tulungan siya gaya nang tinulungan kita noon mama. Mama, salamat po sa huling mga salita ninyo na binitawan sa akin. Na mahahanap ko din ang taong magpupuno sa pangungulila ko sa'yo. Totoo nga po ang sinabi ninyo. Nag-e-exist siya. Pero mama, sana hindi mangyari ang kinakatakot ko. Sana, hindi mangyari. Mahal na mahal ko po si Christian. Kaya sana ay hindi mangyari ang bagay na iyun. Nagmamahal, Geoffrey Alden.」



          「2 weeks ago...



          “Pati iyung titulo ng lupa na kinatitirikan nung Ike Melville, lehitimo. Kahit pekeng pangalan niya ang ginamit," balita sa akin ni Christian nang pumasok siya sa security office habang sinasaliksik ko pa rin ang CCTV.



          “Mukhang malaking pader na naman ang babanggain natin. Siguradong may koneksyon ang taong ito sa isang mataas na tao."



          “May nakuha ka na ba Geoffrey?"



          Umiling ako. “Wala pa."



          “Ha! Classic."



          “No, really. Wala pa. Hindi nga ako sure kung tama nga ang iniisip ko." Nag-unat-unat ako sa aking upuan.



          “Tama iyan. Sigurado ako. Nangyari na iyan ng ilang beses. Na-solve natin ang ilang kaso dahil sa galing mo manghinala."



          “Hindi iyun hinala. It's actually an incomplete hypothesis without the scientific method."



          “Kahit ano pa ang sabihin mo."



          “Mag-aaway ba tayo o ano? Tumigil ka na."



          “Okay. Titigil na. So, ano na ang susunod nating gagawin?" tanong ni Christian.



          “Ibalik na natin iyung pera na ninakaw ng asawa niya. Tapos siya na ang bahala magbigay sa mga ninakawan din ng asawa niya."



          “Hindi ba trabaho natin iyun dahil sila ang nagsabi sa atin kung magkano ang ninakaw sa kanila?"



          Tumayo ako. “Oo. Pero iyung halata namang tinataasan lang nila iyung ninakaw daw na pera para maawa tayo sa kanila at asikasuhin natin ang kaso, hindi. Alam kong may sinumpaan tayong tungkulin. Kaso, hindi naman naging tapat sa akin ang mga tao. Huwag kang mag-alala. Ako na din ang gagawa ng report."



          Nakarating na kami sa bahay ng mga Melville ayon sa address na binigay nila sa akin. Mukhang masaya din ang bagong taon sa lugar na ito dahil sa mga nagkalat na mga paputok na pumutok na.



          Mga ilang katok at ilang sandali lang ang narinig namin bago kami pinagbuksan ng anak ni aling Emma. Si Aulric Melville.



          “Magandang hapon sa inyo at Happy new year!" masiglang bati nito.



          “Happy new year din sa iyo," masayahing bati din ni Christian.



          Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. “Pwede bang pumasok?" tanong ko.



          “Sige. Pasok kayo," pagpayag ni Aulric.



          Pumasok na kami ni Christian. Pinaupo ko na lang siya habang ako ay iginala ang aking tingin sa bahay.



          “Ako nga pala si Officer Christian. Partner ni Officer Geoffrey sa kaso ng tatay mo," pagpapakilala ni Christian.



          “Bakit po? May update na po ba kayo kung asaan ang tatay ko?" tanong ni Aulric.



          “Natagpuan na namin ang tatay mo," matapang na boses na saad ko na nakatingin ng diretso sa mga mata niya. “At patay na siya."



          Tiningnan ko mabuti ang reaksyon ni Aulric sa balita namin. Baka nga tama ang hinala ko na siya ang taong naglagay ng lason sa pitsel.



          “Pasensya na. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa narinig," pagtatapat niya. “Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot ako. Natutuwa ako dahil hindi na niya guguluhin ang buhay namin magpakailanman. Nalulungkot naman ako dahil, alam niyo na. Seryosong usapin ang buhay ng tao."



          “Naiintindihan ko ang pakiramdam mo," seryosong saad ko. “Gusto mo bang malaman kung paano namatay ang tatay mo?"



          “Geoffrey, huwag ka naman ganyan," saway ni Christian.



          “Hindi ko alam. Dapat ko bang malaman ang bagay na iyun? Bahala kayo kung sasabihin ninyo."



          “Namatay siya dahil sa ininom niyang tubig na may muruatic acid," salaysay ko at tiningnan siya ng mas seryoso.



          “P-Paanong nangyari iyun? Paano naman siya makakainom ng muruatic acid? Ang tapang ng amoy nun, maiinom pa niya?"



          Natawa ng payak si Christian. “Nako! Pasensya na! Niloloko ka lang nitong kasama ko." Siniko pa niya ako. “Ano ka ba naman Geoffrey? Huwag mo naman siya lokohin."



          “Pwede pong ipaliwanag niyo ng mabuti? Naguguluhan kasi ako at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ito kay nanay kung sakali."



          “Bakit? Asaan ba ang nanay mo?" tanong ko.



          “Nasa pamilihan. Nagbebenta. Dapat pauwi na nga siya ngayon," sagot ni Aulric. “Pwede na bang malaman iyung tungkol sa tatay ko o aantayin niyo na lang ang nanay ko?"



          “Ipaliwanag mo na Christian." Iginala ko na naman ang aking tingin sa buong bahay at naglakad-lakad.



          “Iyung tatay mo, namatay siya actually dahil sa binaril siya ng kasamahan niya sa sarili niyang pamamahay. Iyung bumaril naman sa tatay mo, namatay siya dahil sa ininom niyang muruatic acid," kwento ni Christian.



          “Ohh! Okay. Pero tanong ko lang? Saan po nakatira ang tatay ko?" tanong ni Aulric.



          “Sa-"



          “Aulric, nasaan ka kagabi ng mga alas nuebe imedya ng gabi hanggang sa alas diyes imedya ng gabi?" seryosong tanong ko nang pinutol ko ang sasabihin ni Christian kung saan nakatira ang tatay ni Aulric.



          “Umm, nasa Bloomingdale Subdivision, nagba-bike. Hinahanap ko kasi ang tatay ko at baka mahanap ko siya. Pero hindi ko siya nahanap kaya gumala na lang ako," naguguluhang sagot ni Aulric. Damn it!



          Hindi ba may sinasabi ako kanina na may sinumpaan akong tungkulin sa trabaho ko? Ito ang ginagawa ko. Ang trabaho ko. May pakiramdam kasi ako na si Aulric ang naglagay ng muruatic acid sa tubig doon sa pitsel. Pero kahit sinabi ni Luke na dalawang bakas ng tao ang nakita sa crime scene, naniniwala akong kasama si Aulric doon.



          I take my job seriously. Kahit na mababa ang sahod at may tsansa na hindi ka na makabalik sa mga taong mahal mo, ginagawa ko pa rin ito. At isa pa, para maiwasan ang ilang anomalya sa hinaharap. Isa lang ang gusto kong malaman. Gusto kong malaman ang totoo. Ginawa nga ba ni Aulric iyun o hindi? Ang patayin ang sarili niyang ama?



          “Bakit tinatanong niyo ako? Umm, may kinalaman ba ako sa kaso na ito? Parang interrogation na ito ahh," naguguluhang saad ni Aulric.



          “Christian, lumabas ka muna. Tatawagan kita kapag tapos na," saad ko dito.



          Tumango na lang si Christian. Tumayo siya at lumabas ng bahay. Iniwan niya kaming dalawa ni Aulric.



          “May testigo ka?" muling tanong ko.



          “M-Meron. Iyung sa entrada ng Bloomingdale Subdivision. May CCTV," sagot ni Aulric.



          “Alam mo, ang galing mo," puri ko sa kaniya habang naglalakad ng konti. “Kadalasan kasi sa mga taong may tinatagong kasalanan, ang sinasabi nila ay mag-isa. Nasa bahay lang. At kapag tinatanong kung may testigo, sinasabi nila na wala."



          “Sinasabi mo bang may kinalaman ako sa pagkamatay ng tatay ko?"



          “Wala pa akong sinasabi. Tinatanong lang naman kita. Alam mo ba na kahit masama ang magulang mo at pinatay mo ito, pwede ka pa ring kasuhan ng murder? Nasa batas iyan."



          “Hindi ba ganoon naman talaga dapat? Kakasuhan mo ng murder ang isang tao na pumapatay? Kahit nga ang isang taong magpapakamatay sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa tren, makakasuhan pa rin ng murder iyung drayber ng tren."



          “Ang talino mo naman. Saan mo iyun nakukuha?"



          “Sa mga dyaryo obviously. Nagbabasa ako. Kawawa nga iyung mga drayber ng tren dahil naghahanapbuhay na nga lang sila, tapos kapag nakasagasa ng isang taong magpapakamatay, kakasuhan ng murder."



          Habang naglalakad, napansin ko ang isang bike. Bagong-bago pa ito at ibang-iba sa ginamit niya sa CCTV.



          “Alam mo, nakita ko na iyung CCTV sa Bloomingsdale Subdivision na pinasukan mo. Nakita ko ang tatay mo at ikaw."



          “So nandoon pala iyung tatay ko? Sa Bloomingdale Subdivision?" nagulat na tanong niya.



          "Yeah. Nandoon siya. Kaya lang, patay na nang nadatnan namin," tugon ko. “Bago?" tanong ko habang nakaturo sa bike.



          “Regalo ng isang tao na hindi ko kilala," sagot ni Aulric.



          “Base sa nakita ko sa CCTV, naka-bike ka. Imposible naman na itong bike ang gamit mo. At nakita ko na naka-jacket ka na kulay itim. Pwede ko bang makita?"



          “Ang totoo, hiniram ko lang ang mga iyun. Hiniram ko sa kapitbahay ko dito."



          Biglang bumukas ang pintuan. Pumasok naman ang nanay ni Aulric na may bitbit na bayong. May pumasok din na isang medyo maitim na lalaki na halos kasing-edad ni Aulric at tinutulungan si Aling Emma sa mga binibitbit nito.



          “Ahh? May bisita pala tayo," saad ni Aling Emma. “Salamat Randolf ha. Umuwi ka na para makapagpahinga. Ito ang pera." Inabutan ni Aling Emma ang binata ng ilang asul na papel.



          “Salamat Aling Emma. Sige po. Una na ako," paalam ng binata at lumabas ng bahay.



          “Umm, mamang pulis, may balita na po ba sa asawa ko?"



          “Opo. Meron na po," sagot ko. “Kakakwento ko lang po sa anak ninyo ang naging kapalaran ng asawa ninyo."



          “Anong sabi?" tanong ni aling Emma sa anak niya.



          Bumuntong-hininga si Aulric. “Patay na po siya nay."



          Hindi kagaya ni Aulric, lumungkot ang mukha ni Aling Emma. Inilagay pa nito ang mga kamay sa mukha at umiling ng ilang beses. Inalalayan naman ito ni Aulric na umupo sa upuan.



          “Alam kong napakalaking perwisyo ang dinulot niya sa amin. Pero ang mamatay..." Bumuntong-hininga siya. “Bakit at paano siya namatay?"



          “Binaril po siya ng isang kaibigan, marahil, sa pinagtataguan niyang bahay. Iyung nakatagong bahay niya pala ay nasa Bloomingdale Subdivision," paliwanag ko. “Iyung mga ninakaw po na pera ng asawa niyo, makukuha niyo rin po ngayong araw. Pinag-uusapan nga lang po namin ni Aulric ang mga proseso kung paano po kukunin ang pera ninyo."



          “Ganoon ba?" Tumayo si Aling Emma. “Aulric, ikaw na ang bahala. Pupunta lang ako ng aking kwarto at masama ang pakiramdam ko. Magpapahinga na ako."



          “Sige po nay. Magpahinga na po kayo sa kwarto. Ako na po ang bahala," nasabi na lang ni Aulric.



          Tumango si Aling Emma at umalis na papunta sa kwarto niya.



          “Ngayon, asaan na nga ba tayo? Ahh! Iyung bike at ang jacket, asaan na?" tanong ko.



          “Lumabas lang kanina," sagot ni Aulric. Lumabas kanina? Iyun bang alalay ng nanay niya?



          “Kung ganoon, puntahan na natin."



          Ipinagpatuloy ko ang imbestigasyon ko sa kaniya. Kung pumunta si Aulric sa bahay na iyun ng tatay niya, didikit ang amoy ng pinagbabawal na gamot sa jacket niya. Kaya lang, nang dumating na kami sa pinaghiraman niya ng jacket, nakita kong nakasampay na ito patunay na nilabhan na. Siguradong wala na doon ang amoy ng pinagbabawal na gamot sa jacket niya. Ang galing niyang magtanggal ng mga ebidensya. Sa pagkakataon na ito, hindi ko maaaring ikulong si Aulric dahil sinira na niya ang mga ebidensya. Pero may huling alas pa ako.



          “Aulric, may iPhone ka ba?" tanong ko ulit.



          “iPhone? Ahh! Meron," sagot din niya.



          “Gusto kong makita."



          Bumalik kami sa bahay. Kinuha naman ni Aulric ang iPhone niya. Bingo! Mapapatunayan ko na si Aulric ang pangatlong tao sa crime scene.



          “Regalo sa akin ng mga kaibigan ko nitong nakaraan. Noong misteryosong nasira ang mga phone. Meron akong apat na ganyang phone na may iba't ibang kulay. Iyung isa, binenta ko. Iyung isa naman, binigay ko kay Randolf. Iyung isa naman, ninakaw ni tatay," kwento niya.



          “Ninakaw? Wala kayong sinabi na may iPhone na nanakaw sa inyo."



          “Huh? Wala kaming sinabi?" nagulat niyang saad. “Pero sinabi iyun ni nanay hindi ba na may nawawala siyang iPhone?"



          “Dahil sinadya mong hindi ipaalam sa amin."



          “Officer Geoffrey, pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit kanina mo pa ako ini-interrogate?" seryosong tanong niya.



          “Sabihin na natin na sa crime scene kasi ng tatay mo, may posibilidad na may pangatlong tao. Maaaring kilala ng dalawang biktima at nakita, o maaaring hindi nila nakita. Ayon sa CCTV ng Bloomingdale Subdivision, nandoon ka sa subdivision ng mga bandang alas nuebe imedya ng gabi hanggang sa alas diyes imedya ng gabi doon. Isang oras ang nilagi mo sa subdivision. Ibig sabihin, may sapat kang oras para ilagay ang muruatic acid doon sa pitsel."



          “Ano ba ang pinagsasasabi mo? May ebidensya ka ba na magpapatunay na ako ang gumawa ng bagay na iyun?"



          “Wala pa naman. Pero magkakaroon na ako ngayon. Alam mo ba Aulric na may GPS ang mga iPhone ngayon? Kaya kapag may iPhone din ang isang tao, mahahanap nila kung asaan ang iPhone ng isa pa kung konektado sila. At makikita ko iyun sa settings ng phone mo."




          Hinanap ko ang pinagsasasabi ko sa phone ni Aulric. Kung tama ako, ipapakita ng GPS niya ang phone na ninakaw ng tatay niya. Pero hindi ko inaasahan na naisip na ni Aulric ang bagay na iyun. Mukhang naunahan na niya ang mga iniisip naming mga pulis.



          Default ang settings ng kanyang GPS. Mukhang ni-restore factory settings ang phone niya. Ang galing. Binura na niya lahat ang mga ebisensya na magtuturo sa ginawa niya. Well, wala akong magagawa. Wala na akong pruweba sa posibleng ginawa niya.



          Nagkatinginan kaming dalawa. Naaalala ko ang nangyari sa akin noon. Kung siguro, matalino ako, magagawa ko din ba ang bagay na iyun noon? Magagawang ko bang mailigtas ang mama ko noon?



          “Saan mo natutunan ang mga bagay na ito?" tanong ko nang ibinalik ko na sa kaniya ang phone.



          “Pwede pakilinawan? Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi mo," maang pa rin ni Aulric nang kinuha na niya ang kanyang phone.



          “Huwag ka ng magpanggap. Nag-aral ako ng Criminology kaya alam ko ang ginawa mo. Nakakahiya nga lang dahil nalusutan mo ako at mas-alam mo ang iyong ginagawa kumpara sa iba."



          Marahan siyang ngumiti. “Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo Officer Geoffrey. Pero ito ang masasabi ko. Kapag masyadong makati ang ulo mo, ibig sabihin ay marami kang kuto. At kapag maraming kuto, ano ang mainam na gawin? Ang hayaan lang ito sa ulo mo? Kung siguro sa mga maruruming tao, hahayaan lang nila. Pero dahil sa malinis akong klase ng tao, aalisin ko silang lahat sa ulo ko. Kung tungkol naman sa moralidad kung dapat ba o hindi dapat patayin ang mga kuto sa ulo ko, bakit mo pa pag-iisipan iyan? Para gawing mas kumplikado? Minsan, kailangan na umaksyon ka na lang kaysa hintayin mo na may iba pang gumawa. At tsaka ginawa ko ang pag-aalis ng kuto para sa amin ni nanay. Ayoko kasi siyang mahawa. Mahal ko ang nanay ko. Hindi ko naman inaalis ang kuto ko para sa pansariling kaginhawaan."



          “Pero magkaiba ang mga kuto at ang mga tao."



          “Ayan ang sinasabi ko. Bakit mo pa ba kinokontra ang sinasabi ko? Ginagawa mo lang komplikado ang lahat. Alam kong napakairasyonal. Pero mas maganda na hindi na lang pag-usapan. Magiging mas komplikado lang ang lahat. Tama ba ako Officer Geoffrey?" May punto din siya.



          “Salamat sa inyong kooperasyon. Tara sa labas. Ibibigay ko na iyung mga ninakaw na pera ng tatay mo pati na rin ang iPhone."



          Lumabas kaming dalawa ni Aulric. Ibinigay ko naman sa kaniya ang isang kahon na pinaglagyan ng pera ng tatay niya. Nilagay ko na rin dito ang iPhone.



          “Aulric," tawag ko nang paalis na siya.



          Lumingon si Aulric sa akin. “Ano iyun?"



          “Masama ang isang bagay kapag inaabuso mo. Hinihiling ko na kapag inabuso mo iyan, sana magkamali ka para matigil na iyan. Hindi naman masama na paulit-ulit mong alisin ang kuto sa ulo mo. Pero tandaan mo pa rin na ang tao at kuto, magkaibang-magkaiba," biro ko.



          Marahang ngumiti si Aulric. “Tatandaan ko iyan. Salamat sa payo."



          Nagpatuloy maglakad si Aulric pauwi. Ako naman ay pumasok na sa mobile. Binigyan naman ako ni Christian ng hindi makapaniwalang tingin.



          “Kuto at tao? Anong pinag-uusapan ninyo?" naguguluhang tanong niya.



          Umiling ako. “Wala. Nagbibiruan lang ng konti. Tara. Uwi na tayo at gagawa pa ako ng report sa kasong ito. Sa tingin ko, solved na ang kaso. At gutom na gutom na ako Christian." Sinimulan ko naman paandarin ang mobile.



          “Mabuti pa nga. Magluluto ako ngayon ng masarap na pagkain. Alam mo, may bagong recipe akong natutunan."



          “Talaga? Bigla tuloy akong nagutom. Excited na akong matikman ang luto mo," ngiti ko.



          Namula ang pisngi ni Christian. “Talaga? Excited ka?"



          “Kailan ko ba hinindian ang mga luto mo?"



          Marahang sinuntok ni Christian ang braso ko. “Alam mo, nakakainis ka. Kinikilig ako. Napapaniwala mo tuloy ako na mahal mo ako."



          Nawala ang ngiti sa labi ko. “Mahal naman talaga kita. Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko?"



          “Pasuntok. Baka hindi totoo."



          “Nagmamaneho ako. Mamaya na lang kapag nakauwi na tayo. Hindi lang suntok ang aabutin mo. Tira sa puwit ang aabutin mo."



          Kasalukuyang nasa kwarto na ako. Tinatapos ko ng gawin ang report sa kaso ngayon nila Aulric. Si Christian kasi ay hinuhugas pa ang mga pinagkainan namin. Ang gana ko gumawa ng report ngayon dahil busog na busog ako. Ang sarap talaga ng mga luto ni Christian.



          Isinara ko na ang aking laptop nang pumasok si Christian sa kwarto. Oras na para magpatunaw ng pagkain.



          Mabilis na lumapit ako sa kaniya at mapusok na hinalikan ang kanyang labi. Ginagantihan din ni Christian ng parehas na intensidad ang mga halik ko. Amoy na amoy ko ang toothpaste na parehas naming ginagamit.



          “Umm, parang hindi mo ako, umm, tinira kanina ahh," saad ni Christian sa pagitan ng halikan namin.



          “Masyado kasi akong busog. Baka bangungutin ako kapag busog ako tapos natulog ako," tugon ko.



          Tinulak ko siya sa kama at pinatungan saka sinimulan ng hubarin ang maihuhubad sa kaniya. Ako naman ay hindi na kailangan dahil kanina pa ako nakahubad. Si Christian na lang ang hinihintay.



          Ibinaba ko ang halik sa katawan niya papunta sa leeg, lalamunan, at sa magkabilang utong niya.



          “Ahh, shit! Geoffrey," ungol ni Christian habang umigtad dahil sa sarap na nadarama.



          Nagpalit naman kami ng pusisyon. Siya ang sa ibabaw, ako naman sa ilalim. Mapusok na hinalikan ang mga parteng gusto niyang halikan. Ang likuran ng tenga ko, ang leeg ko, ang mga utong ko, pababa sa aking abs, hanggang sa aking pagkalalaki na matigas na matigas na.



          “Mukhang marami pa rin iyan. Huwag mong pigilan ang sarili mo," sensual na saad ko habang nakatingin dito.



          “Akong bahala," nakangiting tugon ni Christian.



          Dinilaan ni Christian ang pagkalalaki ko at ipinasok ng buo sa kanyang bibig. Napaigtad ako sa sarap na nadarama. Nararamdaman kong hindi niya talaga pinipigilan ang pagsipsip sa ari ko.



          “Shit! Sige pa, ganyan," ungol ko nang hinawakan ko na ang kanyang buhok at pilit ibinabaon sa bibig niya ang ari ko. Mukhang malapit na akong labasan. At hindi nga ako nagkamali.



          Maya-maya'y naramdaman ko na may lumalabas na sa aking pagkalalaki. Ngunit si Christian ay patuloy pa ring sumisipsip. Marahil ay para inumin ang aking katas.



          Hinabol ko naman ang aking hininga. Niluwa na ni Christian ang ari ko at nagpahinga saglit sa ibabaw ko. Maya-maya'y nagpalit ulit kami ng posisyon. Ako naman ang magpapaligaya sa kaniya.



          Hinalikan ko ulit siya ng mapusok gaya kanina. Halik na may pagpapahalaga, na may pag-aalaga, at punong-puno ng pagmamahal. Iginapang ko ang aking mga kamay sa kanyang katawan at inatake ang mga kiliti sa katawan.



          “Ahh! Teka, huwag naman diyan Geoffrey! Shit!" ungol ni Christian nang napapikit na siya sa sarap.



          Dahil sa reaksyon niya, mas lalo ko pa siyang pinaligaya. Inatake ko siya ng salit-salitan sa mga kiliti niya. Nakakabuhay ang ungol niya sa aking tenga.



          Nilagay ko ang kanyang paa sa balikat ko. Agad kong ipinasok ang aking pagkalalaki sa butas niya. Kakapasok ko lang dito kanina kaya naman hindi na siguro kailangan paluwagin.



          “Tunaw na ba ang mga pagkaing kinain mo?" sensual na tanong ni Christian.



          “Hindi pa lahat. Pero siguradong matutunaw na lahat ngayon. Ang init mo kaya."



          Binayo ko siya ng binayo. Sa bawat pagbayo ay parang natutunaw si Christian. Palagi niyang sinasabi kung gaano kainit ang katawan ko.



          Hinawakan naman niya ang kanyang sarili at mabilis na ginalaw ang kanyang kamay. Nilabas ni Christian ang dila niya at pinaanyahahan ko ang kanyang ginawa at nagpalitan ng laway.



          “Ahh! Sabay tayo!" saad ko nang maramdaman kong malapit na akong labasan.



          Sabay namin naabot ang rurok at idiin ko talaga ang ari ko sa loob niya. Lumabas naman ang katas ni Christian sa kanyang tiyan at ang ilan sa akin. Hinabol ko ang aking paghinga at bumagsak sa gilid niya. Nagpalitan pa kami ng halik bago umayos ng higa.



          “Geoffrey?"



          “Hmm?"



          “Hindi ba 3rd anniversary natin ngayon?"



          “At?"



          “Wala ka bang regalo sa akin? Huwag mo sabihing imaginary sex coupon na naman ang regalo mo?" medyo nagagalit na tanong ni Christian.



          “Ahh! Bigla kong naalala."



          May inabot naman akong maliit na kahon sa side table. Pero wala pang sampung segundo, nag-aalangan ako kung ibibigay ko ang bagay na ito sa kaniya.



          “So? Ibibigay mo ba iyan, o hindi?" tanong ni Christian.



          Humugot ako ng buntong-hininga. “Christian, may ipagtatapat ako sa'yo."



          “Ipagtatapat? Hindi mo na ba ako mahal?"



          “Nang-iinis ka! Huwag mo ngang sirain ang moment!" naiinis kong saad. “May bagay ako na gusto kong malaman mo. Tungkol ito sa akin. Naalala mo ba iyung nagkwento ako tungkol sa mga magulang ko? Pati sa bagay na kinakatakot ko?"



          “Ano naman ang tungkol doon?" tanong niya nang bahagyang bumangon at diretsong tumingin sa akin.



          “May mas malaki akong peklat na ipapakita sa iyo. Ang totoo, ang pumatay sa papa ko ay ako," pagtatapat ko. “Hindi totoo na ang mama ko ang bumaril sa papa ko. Nang umuwi si papa nang gabing iyun, lasing na lasing siya at wala pa si mama sa bahay. Nasa labas siya at nagtatrabaho. Bigla na lang nagwala si papa at binunot ang kanyang baril saka nagpaputok sa bahay. Napatay niya ang isang nakababata kong kapatid. Napaka-traumatic ng gabing iyun dahil pinanood ko lang ang aking mga kapatid na patayin ni papa. Hanggang sa magising ako sa aking pagkatulala. Mabilis na pumunta ako sa kwarto ng mga magulang ko at naghalungkat sa isang aparador kung saan nakalagay ang baril ni papa. Ikinasa ko iyun kung paano ko nakikitang ikasa ni papa ang kanyang baril. Pagkatapos ay pumasok siya sa kanyang kwarto. Inantay ko talaga siyang pumasok at walang awa ko siyang binaril sa ulo. Para sa mga kapatid ko. Iyun ang aking iniisip habang binabaril siya. Pero bigla akong nagising at napagtanto ko ang aking ginawa. Pinatay ko ang sarili kong papa. Sakto naman na dumating na si mama. Nasaksihan niya ang dugo ng mga kapatid ko na nagkalat. Nasaksihan niya ang kahayupan na ginawa ni papa. Tapos, dumating na siya sa kwarto. Naabutan niya akong nakaupo sa isang sulok habang hawak ang baril ni papa. Nilapitan ako ni mama at sinabing magiging ayos din ang lahat. Pero para sa akin, hindi na magiging ayos ang lahat. Patay na ang mga minamahal kong kapatid. Pinatay sila ni papa na pinatay ko na din. Naisip ko, naging tulad na ata ako ni papa. Pinagalitan ako ni mama. Mali daw ang ginawa ko. Pero niyakap pa rin niya ako at sinabing mahal na mahal niya ako. Sabi ni nama, aakuhin niya ang ginawa ko. Ipapalabas niya na siya ang pumatay at hindi ako. Ipapalabas din niya na siya ang pumatay sa mga kapatid ko at hindi si papa. Pagkatapos, dumating ang mga pulis. Kinuha si mama at ikinulong. Ako naman ay napunta sa ampunan. Hindi na kasi ako tinanggap ng magulang ni papa. At habang dinidinig ang kaso ni mama, nagdesisyon akong sabihin sa lahat ang totoo. Ako ang pumatay kay papa dahil si papa, pinatay ang mga kapatid ko. Pero walang nakinig. Patuloy pa rin inaako ni mama ang kasalanan ko. Hinatulan siya ng habangbuhay na pagkakakulong. At nang nasa kulungan na, namatay siya dahil sa isang riot. Simula noon, nagbago ako. Hindi ko makayanan ang mga nangyari sa akin. Kaya nagpakatatag ako. Ang mas lalong nagpatatag sa akin ay ang mga naririnig kong usapan ng mga tao sa ampunan. Sinabi nila na balang araw, magiging katulad ako ng papa ko. Na magkakaroon din ng asawa at limang anak. Tapos papatayin daw ako ng aking asawa at ang mga anak namin. At siyempre, ang nakakatanda ang matitira at mauulit daw ang mga nangyari. Kaya nagsikap ako. Papatunayan ko na hindi ako magiging katulad ng papa ko. Lumipas ang maraming taon, nakapagtapos ako. Matapos ang mga mahihirap na training at kung ano-ano pa, nakapagtapos din ako sa wakas. Kaya nasa kama ako at katabi mo at nakilala mo ako at kung ano-ano pa pero ibang kwento na iyun. Alam mo, eksaktong ngayon ang araw na iyun nang magsama si mama at isinilang ako. Pero asaan ang isisilang kung nasa puwet mo at namamatay? At iyung iba, kinain mo."



          Natawa ng payak si Christian at marahang sinuntok ako. “Gago ka. Puro ka kalokohan."



          “At ngayon, napatunayan ko na hindi mauulit ang mga mangyayari gaya ng sinasabi nila. Pero hindi talaga iyun ang kinakatakot ko. Ang kinakatakot ko talaga ay mawala ang mga pinakamamahal ko sa buhay. Nawala si mama, nawala si papa, nawala ang aking mga kapatid. Hindi ko maaatim na pati ang minamahal ko ay mawala din. Pagkatapos, dumating ka. Nakakabwisit lang na pulis pa ang trabaho nating dalawa kung saan may napakalaking tsansa na mangyari ang bagay na iyun. Christian, ayokong mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita."



          Niyakap ko siya ng mahigpit. Iyung yakap na kahit maaari, hindi makakadaan si kamatayan sa pagitan namin. Pero imposible iyun hindi ba.



          “Kaya dapat, lagi tayong magkasama. Ipinagkakatiwala ko ang buhay ko sa iyo Geoffrey. Alam kong hindi mo ako pababayaan. Mahal na mahal din kita," tugon ni Christian.



          Nang naghiwalay kami, binuksan ko ang maliit na kahon at ipinakita sa kaniya ang laman.



          “Tadah! Regalo ko sa 3rd anniversary natin," masaya kong saad.



          Kinuha ko ang laman ng kahon at isinuot kay Christian. Yumuko siya at tiningnan ang regalo ko.



          “Wow! Isang medalyon na kulay ginto?" hindi makapaniwalang saad niya. “Teka? Tunay bang ginto ito?"



          “Oo. Ginto iyan. Kita mo iyung nakaukit sa gitna ng medalyon na parang hugis krus? Iyan daw ang insignia ng mga ninuno kong espanyol noong unang panahon. Family seal daw iyan ng ninuno ko. Mukhang ginagamit kapag nagpapadala ng sulat. Nang bumagsak na ang mga espanyol sa bansa natin, nasira na daw ang pamilya ng ninuno ko at naging mahirap sila. Ang tanging kayamanan nila ay ang family stamp nila. Inalis nila ito at ginawang medalyon. Sabi ng mama ko, binibigay ito ng mga ninuno namin sa tinuturing nilang kayamanan. Sa madaling salita, sa kanilang asawa. At ipinasa naman ng mga ninuno ko sa kanilang anak, at naulit ulit ang nangyari, ipinasa ng ipinasa, hanggang sa napunta ito kay mama mula sa mga magulang niya. At nang napunta ito kay mama, hindi niya ito binigay kay papa dahil alam na niya ang mangyayari kapag ibinigay niya ito kay papa. Isasangla dahil ginto ito at magkakapera ng medyo malaki. Medyo makapal ang medalyong iyan ohh. Kaya ibinigay ito ni mama sa akin. Ako daw ang kanyang kayamanan. Ang bilin naman ni mama nang ibigay niya sa akin to, alagaan ko daw ang medalyon at ibigay ko sa itinuturing kong kayamanan sa buhay. Walang iba kung hindi ikaw, Christian."



          Nagsimulang tumulo ang luha ni Christian. “Geoffrey, salamat. Salamat at itinuturing mo akong kayamanan. Kaya lang, hindi ako makakabigay sa iyo ng katulad sa medalyon mo na tunay na ginto at makapal, wala akong maibigay. Pero ibibigay ko ang buong sarili ko sa iyo. Salamat din at nagtiwala ka sa akin. Salamat sa pagpapakita sa akin ng mas malaki mong peklat. Wala akong pakialam sa ginawa mo noon. Ang importante ay ikaw ngayon. M-Mahal na mahal kita!"



          Biglang niyakap niya ako ng mahigpit habang humihikbi. Gumanti din ako ng yakap sa kaniya at tumulo ang ilang butil ng luha ko. Ang gaan ng pakiramdam ko nang nasabi ko din sa kaniya ang kadiliman ko. Ilang beses kong sinubukan pero nauunahan ako ng pagkapipi. Dahil takot akong iwanan niya. Ayokong mawala siya sa akin. Ayoko.



          “Salamat sa pagtanggap Christian. Mahal na mahal kita. Ikaw ang aking kayamanan. Kayamanan na walang kapantay."」



Aulric's POV



          「2 weeks ago...



          “May kinalaman ka ba anak?" nanghihinalang tanong ni nanay.



          “Wala po nay," pagtanggi ko. “Hindi niyo po ba narinig ang sinabi ng mga pulis? Binaril po siya ng kakilala niya sa Bloomingdale Subdivision. Wala po akong kinalaman. Dahil unang-una, wala po akong pera pambili ng baril, wala rin po akong pera pambili ng hired killer."



          “Bakit ka kinausap ng mga pulis anak?"



          “Dahil parte po iyun ng kanilang imbestigasyon. Ginagawa po nila ang kanilang trabaho. At tsaka kung may kinalaman po talaga ako nay, hindi ba dapat, kanina pa ako inimbitahan sa istasyon nila?"



          Lumapit sa akin si nanay at lumuluhang niyakap ako. “Anak, pasensya na. Pasensya na sa mga sinabi ko. Hindi lang kasi ako makapaniwalang namatay na ang tatay mo."



          “Nay, simula noong sumali siya sa mga ilegal na gawain na iyun, hinukay na niya ang sarili niyang libingan kaya asahan natin na baka isang araw, matagpuan natin ang bangkay niya sa ilog. At ngayon, nangyari na. Wala na tayong magagawa."



          “Anak, hindi mo naiintindihan. Mahal na mahal ko pa rin si Ike. Kahit ganoon siya, mahal ko pa rin siya. Walang araw na ipinagdadasal ko sa maykapal na sana, bumalik siya sa dati. Pero ngayon, wala na siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay. Parang gusto kong sumunod na sa tatay mo." Martyr.



          Gumanti ako ng yakap. “Nanay, nandito pa po ako. May nagmamahal pa po sa inyo dito sa lupa. Ako. At pwede po bang huwag na na kayong mag-isip ng ganoon?"



          “Basta anak. Tandaan mo. Masama ang kumitil ng buhay. Kahit na kaaway mo pa iyan, hindi mo dapat kunin ang buhay nila. Hayaan mo na lang sila. Tumakbo ka. Basta hindi ka lang kikitil ng buhay. Naiintindihan mo ba anak?"



          “Opo nanay. Naiintindihan ko po ang inyong sinasabi."



          Naghiwalay na kami ni nanay. Tumahan na din siya sa pag-iyak pero mukhang iiyak pa ito mamaya.



          Nagsabihan na muna kami ng magandang gabi sa isa't isa at lumabas na siya ng kwarto. Bumuntong-hininga naman ako nang mapag-isa na ako sa aking kwarto. Pasensya na nay. Nagawa ko na ang ayaw niyong ipagawa sa akin. Dalawang beses pa nga sa totoo lang. Teka? Counted ba iyung dalawa? Ang pinatay ko naman ay ang pumatay kay tatay? Pero hindi bale na nga!



          Naging ayos na din sa wakas ang magiging buhay namin ni nanay dahil wala na si tatay. Nakatakas na naman ako sa batas dahil sa nagawa ko ng maayos ang aking ginagawa. Ano naman kaya ang pagdadaanan ko ngayong bagong taon? Medyo excited na ako. Pero sana, hindi aabot sa pagkakataon na papatay na naman ako ng tao. Tama si Officer Geoffrey. May malaking pagkakaiba ang kuto at ang tao.」



ITUTULOY...

5 comments:

  1. Ang linis talaga trumabaho ni aulric, haha. Tapos ang ganda din ng love story nila officer. GJ sir

    ReplyDelete
  2. Salamat author s isa n nmang magandang chapter.
    GOD bless u alway's.

    -jomz r-

    ReplyDelete
  3. Ganda ng pic. Parang Rembrant or Velasquez with a touch of Picasso. Ang Cute lang. Take care

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails