Followers

Saturday, October 24, 2015

Love, Stranger (Chapter 13)

AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )
CHAPTER GUIDE:

======================================================
BY: White_Pal


 




CHAPTER THIRTEEN
“I’m sorry... Hindi pupwede ito.”
Paulit-ulit na umeecho sa aking tenga ang mga katagang iyon. Para akong nabingi. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko’y tumigil ang paghinga ko. Nakatingin ako sa kawalan.
Napansin ko na lang na bumukas ang pinto ng Cable Car. Agad akong tumakbo palabas. Tinawag niya ang aking pangalan, ngunit bingi na ako. Ayokong marinig ang boses niya. Ayokong siya makita, kahit anino niya’y hindi ko nais makita. Napansin ko na lang na naglalakad ako sa kahabaan ng kalsadang punung-puno ng snow. Napakalamig ng hampas ng hangin, para itong karayom na bumabaon sa aking balat, masakit, pero bakit wala akong maramdaman sa loob ko?
Napansin ko na lang na narating ko na ang bus. Agad akong umakyat. Napansin kong puno na ang bus. Kami na lang ng taong iyon ang hinihintay, wala pa siya. Agad akong dumiretso sa pinakalikuran kung saan ang upuan namin. Umupo ako sa tabi ng bintana.
Sinuklob ko sa aking ulo ang hood ng jacket ko. Diretso akong nakatingin sa kawalan. Pakiramdam ko’y hindi ako humihinga. Para akong namanhid, wala akong maramdaman. Ilang saglit pa’y naramdaman kong may umupo sa tabi ko, alam kong siya iyon. Ayoko siyang makita. Kahit ang pangalan niya’y ayoko banggitin.
Naramdaman kong umandar na ang sinasakyan naming bus. Nabalot kami ng nakabibinging katahimikan. Ilang saglit pa’y nabasag ito.
“Ray... I’m sorry.” mahina at alanganin niyang sabi.
Hindi ako kumibo. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso. Malakas ko itong hinawi.
“Don’t touch me. Nadudumihan ang damit ko.” pabulong ngunit matigas kong sabi.

***

Narinig ko ang pagtawag sa amin ng tour guide. Naramdaman kong tumayo siya. Ilang segundo ang lumipas at tumayo na rin ako. Nababalutan pa rin ng hood ang aking ulo habang nakayuko akong naglalakad palabas ng bus. Ilang saglit pa'y humalik ang swelas ng boots ko sa snow.
"Ray." Tawag niya sa akin sabay hawak sa balikat ko. Malakas kong hinawi at hinampas ang braso niya.
"Tanga ka ba at hindi ka makaintindi?" sigaw ko sa kanya. Wala akong pakielam kung may ibang taong makarinig. Bigla kong naramdaman ang galit. Galit sa aking sarili.
Napansin ko na lang na mabilis akong naglalakad. Ang alam ko'y papunta akong boat sa may Lake Ashi para sa river cruise.
Pagkarating sa boat ay agad akong umakyat sa second floor, walang bubong rito at walang tao. Narinig kong may sumunod sa akin, alam kong siya ito.
"Ray... I'm sorry." Muli niyang pagtawag sa akin. Tangina ang kulit.
Patuloy akong naglakad.
"Ray, mag-usap naman tayo." Sigaw niya.
Nairita na ako. Mabilis akong lumingon ako sa kanya, nahulog ang hood sa aking ulo. Nagtama ang aming mga mata. Iba ang rehistro ng kanyang tingin sa akin ngayon. Guilt bang matatawag ito? Ewan ko, at wala akong pakielam.
"Ano ba? Tanga ka ba? Obvious naman na ayaw kitang kausap 'di ba? Bakit ba napakakulit mo!?" Sigaw ko.
Tahimik. Naramdaman ng mukha ko ang napakalamig na hampas ng hangin. Ilang saglit pa'y napayuko siya.
"I'm sorry."
"I'm sorry? Iyan na lang ba ang putanginang sasabihin mo ng paulit-ulit? Sorry? Sorry? Sorry!?!?" sigaw kong umalingaw-ngaw sa buong lugar. Bigla kong naramdaman ang matinding pagbigat ng dibdib ko, para akong kinakain ng kung anong nakamamatay na virus sa sobrang bigat. Unti-unti ay kinain ng sakit ang puso ko, kumalat ito sa buong katawan ko.
"Ray..." kinut ko siya.
"Rome bakit mo ako pinaasa?" nag-crack ang boses ko.
"Hindi kita pinaasa. Lahat ng pinakita ko sa iyo ay totoo."
"Wow! Napakasweet mo namang tao. Kahit naman siguro sinong tao mahuhulog sa ka-sweetan mo."
"I'm sorry, hindi ko akalaing ite-take mo iyon sa ibang paraan."
"Tama na Rome. Wala ka naman atang magandang sasabihin eh. Kaya please lang huwag mo na akong pahirapan pa. Masakit na eh. Ang sakit-sakit na."
"Ray, please listen."
"Listen? Anong pakikinggan ko sige nga! Pag ba pinakinggan ko iyan may magbabago ba?"
"Ray please? For once makinig ka naman! Iyan ang hirap sa iyo kahit noon pa eh." Sigaw niya. Kahit naiinis ay bakas sa mga mata niya ang lungkot at guilt.
Natameme ako. Anong ibig niyang sabihin?
"Kung makapagsalita ka parang kilala mo na ako ah, eh kakakilala lang natin three days ago."
Muli kaming kinain ng katahimikan.
"Maniwala ka man sa akin o hindi, Ray totoo lahat ng pinakita ko sa iyo. Special ka sa akin Ray. Pero hindi kasi tayo pwede."
Tahimik. Nakatitig pa rin ang mga mata namin sa isa't-isa. Kahit walang nagsasalita ay ramdam ko ang matinding tensyon. Ang hirap huminga. Ilang saglit pa'y nag-sink-in sa magulo kong utak ang putanginang sinabi niya.
"Bakit hindi Rome? Hindi ka ba naging masaya kasama ako? Hindi ka ba naging masaya noong dalawang gabi tayong magkatabi at magkayakap matulog? Hindi ka naging masaya sa loob ng tatlong araw?"
"Masaya..."
"Oh eh anong hindi pwede? Ipaintindi mo naman sa akin!" kasabay ng pagsigaw ko ay nagcrack ang boses ko. Tangina hirap na hirap at bigat na bigat na ang dibdib ko.
"Ray, lalaki ako. Hindi kita kayang mahalin bilang isang kasintahan. I'm sorry. Hindi ko kayang mahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sa akin." Paulit-ulit na umecho sa aking tenga at utak ang katagang iyon. Ito ang bumasag sa pag-asa ko. Ito ang bumasag sa pangarap na ginawa ko. Para akong lumilipad sa alapaap na biglang pinutulan ng pakpak na ngayo'y duguang sumadsad sa putikan. Ang sakit, napakasakit. Nanghina ako, gusto kong maglupasay, gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa aking lalamunan. Napakasakit ng ginawa niya, ng mga sinabi niya sa akin. Ito ba ang tinatawag nilang hampas ng realidad? Ewan ko, pero para akong pinatay.
Yumuko siya. Napansin kong basang-basa ng luha ang aking mukha. Pinuwersa kong ilabas ang boses ko mula sa lalamunan kong naninikip. Hindi ako makahinga ng maayos.
"Thank you for being so honest." Mahina at nanginginig kong sabi. Tumalikod ako at muling naglakad palapit sa gilid ng River Cruise Boat. There is silence. Tanging bagsak ng swelas ng aking sapatos lang ang aking naririnig. Kasabay ng muling paghalik ng malamig na hangin sa aking mukha ay ang pagbalot ng lamig sa aking puso. Muli itong namanhid.
Tumingin ako sa malayo, dala-dala ko ang sakit na nararamdaman ko. Kasalanan ko naman ito eh, ang bilis kong nahulog, ang bilis kong nagmahal. Nagmahal ako sa stranger na hindi ko man lang inalam kung mamahalin din ako. Tumalon ako sa bangin na hindi ko sigurado kung may sasalo sa akin.
Hinaplos ko ang barandiliya ng sinasakyan naming boat. Napakaganda ng River Cruise na ito, parang noong first day, pero hindi ko ito maappreciate dahil wala akong maramdaman. Para akong patay na humihinga.
Naramdaman ko siya sa aking likuran, alam kong siya ito. Ilang saglit pa'y binalot ng kanyang mainit na braso ang aking katawan. Pumikit ako, madiin kong hinawakan ang barandiliya na kanina'y hinahaplos-haplos ko lang. Mula sa pagkamanhid ay bigla kong naramdaman ang sakit na nakabaon sa aking puso.
"Bitawan mo ako." Pabulong kong sabi.
"I'm sorry." Pabulong niyang sabi.
"Ginagawa mo ba ito dahil guilty ka?"
"Hindi."
"Then please stop this. Huwag mo na akong pahirapan pa." pautal-utal kong sabi.
"Please Ray, sana hayaan mong gawin ko ito?"
"Para saan?"
"Hayaan mo akong kahit sa ganitong paraan ay maibalik ko kahit kaunti ang pagmamahal na binigay mo sa akin. I'm sorry Ray, ito lang ang kaya kong ibigay. Kaya sana hayaan mo akong gawin ito."
Yumuko ako habang ang mga mata ko'y nakasara pa rin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mahina akong humagulgol. Linabas ko ang lahat-lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Kahit anong iyak ang gawin ko'y tila walang katapusan at tuloy-tuloy ang sakit na nararamdaman ko. Pangalawang beses na itong nangyari, sa pangalawang pagkakataon ay umasa ako, nagpakagago, nagpakatanga. Nanlalambot ako, gusto kong lumuhod, humiga at ipagpatuloy ang aking pagtangis. Ngunit naramdaman kong ayaw niya akong bitiwan, pilit niya akong tinatayo.
Tanging malamig na hangin at mahina kong pag-iyak ang aking naririnig. Naramdaman ko ang kanyang mukha sa aking batok, nakayuko rin siya. Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang isang mainit na likido na pumatak sa aking ulo pababa sa aking leeg. Bakit siya umiiyak? Dahil sa guilt? Dahil sa nangyayari sa akin? Tangina, huwag niya akong kaawaan dahil awang-awa na ako sa sarili ko.
Narinig ko ang mahinahong dagat, para itong nakikiisa sa aking pag-iyak. Mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang aking ulo, nakita ko ang mapulang araw. Kasabay ng paglubog ng araw ay siya ring paglubog ng aking pag-asa, paglubog ng pagmamahal, at paglubog ng fairytale na kahibangan ko. Ang magagandang ala-ala na binuo ko sa Japan kasama siya ay sinira ng limang segundong hampas ng katotohanan.
Magkaibang tao, ngunit parehas na sakit. Naranasan ko na ito dati, sa taong binaon ko sa limot. Mas masakit ngayon dahil umasa ako.

***

Tumunog ang elevator. Bumukas ito. Mabilis akong tumakbo palabas ng elevator. Agad kong narating ang pinto ng aking kwarto. Binuksan ko ito, agad akong pumasok at malakas kong sinara ito.
Sumandal ako sa pintong gawa sa mahogany. Pumikit. Unti-unti kong naramdaman ang pagdurog ng aking puso. Nabalot ng luha ang mga mata ko, tumulo ito. Napapikit ako. Napaluhod. Humagulgol ako na parang wala ng bukas, umalingawngaw ang boses ko sa buong kwarto. Para akong pinatay ng paulit-ulit. Sobrang bigat, sobrang sakit. Hindi ko na kaya.
Gumapang ang lamig na nagmumula sa aircon sa aking katawan. Nanginig ako, hindi lang sa lamig, pati na rin sa sakit na aking nararamdaman, kasama rito ang galit sa aking sarili. Sumigaw ako.
“Ang tanga mo Ray! Ang tanga-tanga mo para maniwalang sapat ang pagmamahal mo sa kanya para mahalin ka niya! Napakatanga mo para isipin na kaya niyang mahalin ang isang kagaya mo. ”
Yinakap ko ang sarili ko. Muling nagbalik sa aking utak ang mga masasayang sandali na kasama ko siya, napalitan ang lahat ng saya sa aking memorya ng lungkot. Paulit-ulit na umecho sa aking utak ang sinabi niya.
“I’m sorry. Hindi ko kayang mahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sa akin.”
Parang may kung anong lason ang unti-unting kumakain sa aking loob, patindi ng patindi, lalong humahapdi. Itong lason na ito siguro ang tinatawag nilang sampal ng realidad. Isa ito sa pinakamasakit na sampal at realization na naramdaman ko sa buong buhay ko. Para akong nasa isang fairytale land na biglang naglaho at kasabay noon ay ang hampas sa mukha ko ng realidad, realidad na pwedeng maging masaya sa taong pinapangarap mo. Napakasakit. Nakakapanghinga. Nakakawala sa katinuan. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ang lasong pumapatay sa akin.
Nasa ganoon akong paghagulgol nang marinig ko ang tunog ng messenger. Tiningnan ko ito, nakita ko ang message ni Kim.
“URGENT!” chat niyang naka-all-caps.
“I’m not feeling well. Just spill it out.”
“Kaka-check ko lang ng FB niya. Four days ago, dumating siya ‘dyan sa Japan. Same flight pa ata kayo kasi same day at time ng arrival mo eh.”
“Who?”
“Yung nakasama mo sa Beijing, yung taong minahal mo noon.”


ITUTULOY



(SORRY SA LATE UPDATE,  INTENSIVE COURSE PO ANG TINE-TAKE KO NGAYON, KAILANGAN NG PUSPUSANG ARAL.)






21 comments:

  1. Ano ba yan ? Bitin na bitin. :/

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Ok sorry po, hindi ko po nabasa yung sa baba. Nagcomment agad ako. Kasi naman eh. Nakakabitin talaga but now i understand na po. :) sorry uli

      Delete
    3. Sorry din. I'm not really feeling well, masama na pakiramdam ko sa pagod ilang araw ng walang tulog ng maayos.
      Nalungkot lang naman ako na parang hindi naappreciate yung effort ko given na biglang nagbago ang sched ko at nahirapang mag-update.
      Pasensya na.

      Delete
  2. Bitin naman. Next chapter na

    Pakibilisan

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Sir Author, paki bilisan daw oh sabi ng isang mambabasa. Siya daw kasi nagpapakain sa iyo kaya may karapatan mag demand. Nahiya naman Si Ray. Di nga siya nag dedemand ng pagmamahal kay Rome. Ikaw pa kaya na audience lang hahahahaha. Weeeeeeee.

      -K

      Delete
    3. TO: K
      Okay lang. Naintindihan ko na sila where they're coming from, naging reader din ako noon. Pero sana maappreciate nila effort ko at maintindihan nila na biglang nagbago ang sched ko na sa sobrang busy wala na rin ako gaanong pahinga at dahil doon, walang tiime mag-update.
      Let's end this thing here, ayoko ng dumagdag pa po ito sa dmi ng iniisip ko (alam mo yung iba dun dude) kaya oks lang kalma ka na rin. Hehehe.

      Delete
  3. Kakaawa naman. Biyin pa. Hahaha. Salamat sa update. Take care.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. We really do appreciate you doing this story not for your own but for us who has a big love in this kind of story, and for that thank you.

    But to be a good writer, you still have to consider what your readers feedbacks are, so that you can use them to be able to hone your skill, you have to analyze if why these readers are keep on telling me this stuff, to find out ask them why and how you can improve your work, they are giving you feedbacks not to criticize your work nor to demand ,but to give you suggestions for they love your work,we do, and you cannot always give us the reason that you are studying and lots of stuff to do because before a writer writes you have to consider a time frame so if you think you cannot update regularly don't write a story that will require an writer so much time, instead write short story based on your time, and accept CONSTRUCTIVE criticisms.
    Oh my I hope you don't take this as a rude comment. I love this story anyway its just that Bitin nga given that you don't update regularly might as well give your readers The fuel because the momentum is going down so if you don't update base from the schedules youve given your readers. But anyways thank you for the update its been a while so had to refresh from the previous chapter.. Keep it up and more story to writes.. God bless you. Can't wait for the next chapter.. I love your story don't get me wrong coz if I don't I will not exert effort commenting and ignore this. Its too much for me. Aha. God bless you author.

    Az

    ReplyDelete
  6. Kuya white pal, chill. Can't wait for the next chapter. Ang ganda!!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sa pagbabasa. Yes I'm chill na. Nagets ko na point nila. Take care, :-)

      Delete
  7. We really do appreciate you doing this story not for your own but for us who has a big love in this kind of story, and for that thank you.

    But to be a good writer, you still have to consider what your readers feedbacks are, so that you can use them to be able to hone your skill, you have to analyze if why these readers are keep on telling me this stuff, to find out ask them why and how you can improve your work, they are giving you feedbacks not to criticize your work nor to demand ,but to give you suggestions for they love your work,we do, and you cannot always give us the reason that you are studying and lots of stuff to do because before a writer writes you have to consider a time frame so if you think you cannot update regularly don't write a story that will require an writer so much time, instead write short story based on your time, and accept CONSTRUCTIVE criticisms.
    Oh my I hope you don't take this as a rude comment. I love this story anyway its just that Bitin nga given that you don't update regularly might as well give your readers The fuel because the momentum is going down so if you don't update base from the schedules youve given your readers. But anyways thank you for the update its been a while so had to refresh from the previous chapter.. Keep it up and more story to writes.. God bless you. Can't wait for the next chapter.. I love your story don't get me wrong coz if I don't I will not exert effort commenting and ignore this. Its too much for me. Aha. God bless you author.

    Az

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading. Ayoko lang kasi ng word na ginamit na BILISAN, na para akong isang empleyadong pinapasweldo ng boss niya, eh inreality wala nama akong nakukuha. Kung tutuusin kaya kong bilisan but I won't kasi ayokong bara-bara ang gawa ko I really can't do that, gusto ko pag binasa niyo maayos, close to the book version na irerelease ko. I hope you understand where I'm coming from. Pwede naman pong sabihin in a nicer way. I understand the bitin part kasi naging reader din ako noon, and SORRY FOR MY PREVIOUS COMMENT. Ayoko lang talaga na para akong isang empleyadong inutusan ng boss.
      Regarding sa time na nasabi mo po, since September biglang nagbago ang sched ko as in everyday wholeday na pasok ko plus may extra work pa sa bahay, minsan nga po di na ako nakakatulog, dumating pa sa point na nagkasakit ako dahil sa sobrang pagod.
      Anyway I'll TRY TO update within this week.
      Thanks sa comment at concern. Add me sa FB if may di po malinaw sa nasabi ko and para po masmaintindihan ko rin po ang side niyo. Have a good day. ^_^

      Delete
    2. With that word "bilisan" yeah it was foul on your side i feel you on that. And to stop the negativity because this wont uplift any side,lets just think that that reader didnt mean it that way, maybe he was kinda carried away. Aha. Best of luck to your activities in life and as well on your writings. Im looking forward to the next chap. Horray..

      Az

      Delete
  8. I would like to congratulate the writer... its been a while since I read feel good stories and this one met my expectations...
    Ang ganda ng material mo and I hope ndi lumaylay ang story...

    Just TAKE YOUR TIME.. wag n lng pansinin yung mga ngpapamadali sa yo...

    Thank you for this story....
    Thank you for making me believe in forever...

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading and understanding. Gusto ko talaga mag-update kaso nagbago ng biglaan ang sched ko since August. :-(
      Anyway, baka po mag-update ako tomorrow.
      Have a nice day! God Bless! ^_^

      Delete
  9. ...... cno ba tlga c Rome???
    A few lines here makes me realize n may kaugnayan xa sa past ni ray...
    Ano nangyari Kay ray noon??
    Hmmmmm.... I feel something good and exciting...
    I can't wait but I won't drag u sir author...
    Take your time po....

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag nakapag-update ako bukas, makikilala mo ANG TOTOONG ROME. :-)
      Thanks again!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails