AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )
CHAPTER GUIDE:
======================================================
BY: White_Pal
CHAPTER TWELVE
Naramdaman ko ang malambot na kama. Naputol ang napakagandang panaginip ko. Dinilat ko ang mga mata ko, nasilaw ako. Wala akong makita. Bahagya akong umusad sa kanan. Naramdaman ng noo ko ang isang mainit na balat. Pinilit kong dumilat, hindi ko magawa.
Ilang segundo ang lumipas ay muli kong sinubukang idilat ang aking mga mata, dahan-dahan. Nakita ko ang natutulog na mukha ng taong mahal ko. Para akong naging estatwa. Napangiti ako. Kinilig. Nakatulog pala ako sa kwarto niya. Nakakahiya naman. Napansin kong nakabalot ang braso niya sa aking katawan.
“Tangina yakap-yakap niya ako buong gabi!” sigaw ko sa sarili kong hindi ma-contain ang kilig na nararamdaman.
Muli kong tinukod ang aking noo sa kanyang noo. Tinitigan ko siya. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga.
“Wait, don’t do that Ray! Hindi ka pa nag-toothbrush. Hehe.” Pasimple kong tawa.
Nasa ganoon akong pagtitig at pag-iisip nang marinig kong tumunog ang alarm ng aking cellphone mula sa bodybag kong nasa ibabaw ng makintab na desk. Tangina panira ng moment! Tsk. Bahagyang nag-inat si Rome. Ako naman ay agad na tumayo at pinatay ang alarm.
“Good morning! Sarap ng tulog mo kagabi ah.” paos at malambing niyang sabi.
Gising na pala siya! Nakatalikod ako sa kama, nakaharap sa puting dingding sa tapat ng desk. Nakakahiya namang makita niya ang itsura ko ngayon.
“Good morning din. Pasensya na nakatulog na ako sa sobrang pagod. Sana ginising mo ako baka naabala na kita.” sabi ko habang pinupunasan ng palad ko ang aking mukha. May mga muta at natuyo pa atang laway. Yuck. Hahaha.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Pilit niya akong hinarap sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
“Ang cute mo pa rin kahit bagong gising.” sabi niya sabay ngiti.
Natameme ako. Para na akong lumilipad sa ulap na hindi ko maintindihan. Kilig na kilig ako, hindi ko na kayang itago.
“May muta ka!” sigaw ko sa kanya, ginawa ko ito para hindi niya mahalatang kinikilig ako. Agad naman niya itong pinunasan sabay tawa. “Hoy tanghali na tayo! ‘Di ba sa Mount Fuji tayo pupunta ngayon?” sabi ko sabay muling talikod at inayos ang mga gamit ko. Pasimple akong ngumiti. Kinagat ko ang labi ko. ‘Di ko napigilang pumikit at manggigil ng palihim. Kinikilig talaga ako!
“Yeah. At maliligo na ako.” sabi niya. Narinig kong hinubad niya ang kanyang shirt. Napalunok ako.
Mabilis kong sinuot ang aking bodybag, hindi ko na nagawang isarado pa ito.
“Ako rin. See you mamaya!” sabi ko sabay takbo palabas ng kwarto. Nabangga ko siya, tumama ang ulo ko sa kanyang balikat. Napayakap siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
“Putangina! Wala siyang pang-itaas.” bulong ko sa sarili ko. Napansin kong nahulog ang aking bodybag mula sa aking balikat. Mabilis ko itong pinulot. “See you Rome!” sabi ko sabay tumbok sa pinto at agad na lumabas, mabilis kong sinara ang pinto ng kanyang kwarto. Agad kong tinumbok ang katapat nitong pinto at binuksan, sinara ko ito.
‘Di ko napigilang ngumiti at magsisisigaw. Nagtatalon ako. Tumakbo ako at lumundag sabay bagsak ng katawan ko sa kama. Gumulong-gulong ako habang nagsisisigaw na parang wala nang bukas. Nahirapan akong huminga. Pumikit ako. Inhale, exhale. Napangiti ako.
***
“Busog! Sarap ng breakfast!” sabi ko sabay tapik sa aking tiyan.
“Syempre buffet eh. Ikaw pa!”
“Parang ikaw ayaw mo ng buffet ah. Mas marami ka pa nga atang nakain sa akin.”
Nagkamot siya ng ulo sabay ngiti.
Lumabas kami ng hotel. Tinamaan ng sinag ng araw ang aking mukha. Naramdaman ko ang malamig na paghalik ng hangin sa aking mukha. Bigla kong naramdaman ang pagbalot ng mainit niyang braso sa aking likuran. Para niya akong yinakap sa higpit ng kanyang akbay. Pasimple akong ngumiti.
“Excited na ako.” Sabi niya.
“Ako rin.”
“Sana makita natin ng buo ang Mount Fuji.”
‘Di ako nakapag-salita. Sobrang dalang lang kasing makikita ang Mount Fuji ng buo-buo, ‘yun bang as in walang ulap o kung ano mang nakaharang dito. Sabi nga nila’y maswerte ka kung magpakita ito sa iyo ng buo.
Pasimple akong tumingin sa kanya. Mahal ko siya, at kagabi sa Disneyland ay nagdesisyon akong magtake ng risk, para akong tumalon sa dagat na hindi marunong lumangoy at walang kasiguraduhan kung may sasalo ba sa akin o wala. Ganoon naman talaga ang totoong nagmamahal eh, handa kang sumugal kahit malaki ang tyansang masaktan ka. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
“Pag nakita namin ng buo ang Mount Fuji, it’s a sign na lalo kong dapat iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya.” isip ko.
Narating namin ang bus. Kumalas siya sa pagkakaakbay sa akin. Umakyat kami. Dumiretso si Rome sa likuran ng bus, ang paboritong pwesto namin. Humarap siya sa akin.
“Una ka na. Alam ko namang gusto mo sa may bintana.” sabi niya sabay ngiting nakalabas ang dimples.
“Ikaw na, nauna ka na eh.”
“Kulit. Sabing upo na eh.” Inakbayan niya ako at pilit na pinaupo sa pwestong pinipilit niya sa akin. Napaupo ako. “Alam ko namang gusto mo ‘dyan. Binibigay na nga sa iyo eh, aayaw-ayaw ka pa.” sabi niya sabay kamot ng ulo.
“Eh gusto mo rin naman ‘dito.” sabi ko habang umuusod palapit sa tabi ng bintana.
“Sino may sabi?”
“Kasi napapansin ko tingin ka ng tingin sa bintana.”
“Mali ka, wala akong tinitingnan, pero tinititigan mayroon.” sabi niya sabay ngiti.
“Ha? Sino?”
“Secret.” sabay upo sa tabi ko. “Hoy usod ka pa! May tititigan pa ako!” sabay bitiw ng tawang nakakaloko.
‘Di ko na lang pinansin iyon. Tahimik.
Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. “Hala! Nakatitig ba siya sa akin?” bulong ko sa sarili ko.
“Ano mayroon?”
“Ha? Wala.”
Tumingin ako sa harap. Nakita ko ang aming tour guide.
“Gusto mo?” tanong ni Rome. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong may hawak siyang biscuit.
“Bakit kalahati?”
Tumawa siya.
“Naalala mo noong unang beses tayong nagkita? Binigyan mo ako ng biscuit pero dahil sa katakawan mo ay kalahati na lang ang nabigay mo sa akin? Kaya hayan binabalik ko na para makumpleto na ang biscuit sa tiyan mo.” Sabay ngiti.
I gave him a quizzical look. Napakagat ako ng labi. Parang may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko maintindihan, o baka ako lang nag-iisip ng iba? Ewan ko. Ang labo niya minsan.
“Hindi makukumpleto ang biscuit na kinain mo kung walang magbibigay nito sa iyo. Kaya sige tanggapin mo na.” matalinhaga niyang sabi.
“Ano raw?” sambit ko.
“Wala. Basta kunin mo na lang.”
Kinuha ko ‘yun at kinain. Habang nginunguya ko ang biscuit ay tumunog ang aking cellphone. Nakita kong nag-message si Kim.
“Friend, ang mga paalala ko sa iyo. Mag-ingat. Kilalanin mo muna siya.” Message niya sa FB.
Nagbitiw ako ng isang malalim na buntong hininga. Lumingon ako kay Rome. Nagtama ang aming mga mata. Nakatingin pala siya sa akin.
“What?” nautal-utal kong sabi.
Umiling siya habang nakangiti. Ang weird ni mokong.
“Working or may business?” bigla kong tanong sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya.
“Ah... work. Pero may family business ang parents ko.”
“Nice. Ayaw mo ihandle ang family business mo?”
“Kuya ko maghahandle. Medyo palpak ako doon eh, mali-mali mga pinagagagawa ko dati.” Sabi niya sabay tawa.
“Ah.” Sagot ko na lang. Napakamot ako ng ulo. Napansin kong umaandar na pala ang sinasakyan naming bus.
“Ikaw?” tanong niya.
“Nagwork ako dito sa Japan sa isang tao as interpreter.”
“Ah.” Sabi niya sabay hikab. Mukhang inaantok si loko.
“Antok na naman?”
“Medyo. Napuyat ako kagabi eh. May malakas humilik sa kama ko.” Sabi niyang nakangiti habang nag-iinat.
“Wow ha. At least hindi ako kagaya mo, matakaw na nga antukin pa. Parang baboy, kain-tulog ang ginagawa.”
Hindi siya nagsalita. Nagbitiw siya ng isang matamis na ngiti.
***
Naramdaman kong may malamig at matamis na bagay sa bibig ko. Dumilat ako. Nakita ko ang mukha niyang halos maiyak na sa katatawa.
“Anong mayroon?” sabi ko. Naramdaman kong may laman ang bibig ko. Mint candy ata ito.
“Tae ka! Paglaruan ba ang bibig ko!?” sigaw ko sa kanya.
“Ayaw mo kasing gumising, tapos nakanganga ka pa ‘dyan habang umaandar ang barena sa lalamunan mo.” Tukoy niya sa hilik ko.
“Nakikinig ka na nga lang sa hilik ko, nagrereklamo ka pa. Mag-earphones ka!” sabi ko sabay talikod sa kanya at muling pumikit.
Naramdaman kong pinitik niya ang tenga ko.
“Ano!? Natutulog yung tao eh.” sigaw ko sa kanya sabay harap.
“Tumingin ka sa bintana.”
Nagkamot ako ng ulo. Humarap ako sa bintana, napahawak ako dito dahil sa nakita ko. Nakita ko ng buong-buo ang Mount Fuji. Wala ni-isang ulap na nakaharang sa napakagandang bundok na ito. Ito ang pinakamataas na bundok sa Japan, bukod doon ay isa rin itong active volcano. Biglang tumaas ang balahibo sa aking katawan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Maraming beses ko nang nakita ito ngunit laging may nakatakip na ulap sa ibang parte ng bundok. Napansin ko na lang na nakangiti na ako. Naramdaman ko ang mainit niyang braso sa aking balikat.
“Wow! First time ko makitang buo ‘yan!” sigaw kong parang bata dala ng excitement.
“Ang cute mo ano?” sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
“Alam ko.”
“Ako naman gwapo.” Sabi niya.
Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya habang tinataas-taas ang kilay. Napaka-presko ng taong ito, ibang klase.
“Gutom lang ‘yan. Ikain mo na lang.”
“Oo na... Hoy, umayos ka nga ng upo, may taong nakatingin dito eh.”
“Ayoko.” Pang-iinis ko.
Bigla niya akong yinakap at pwersang inupo sa kulay dark blue na upuan ng bus.
“Kulit mo eh ano?” Sabi niya. Linapit niya ang mukha niya sa salamin habang ang mga kamay ay nakatukod sa bintana. Nasa harapan ko ang kanyang katawan. Bumilis tibok ng puso ko, sobrang lapit na naman namin sa isa’t-isa.
“Isa ka pang harang eh.” Sabi ko sabay tapik sa braso niya.
Tumingin siya sa akin. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga.
“’Wag ka magulo, pinagbigyan kita kanina kaya ako naman.” Sabi niya at muling tumingin sa labas ng binta.
Bahagya ko siyang tinulak palapit sa upuan sa harap namin. Linapit ko ang mukha ko sa bintana. Napansin kong halos magkadikit ang mukha namin, gayun din ang katawan namin. Naka-jacket at coat man kami’y ramdam ko pa rin ang body heat namin. ‘Di ko napigilang ngumiti. Kinikilig ako.
“Share your blessings.” Sabi ko.
‘Di siya nagsalita. Muli kong naramdaman ang braso niya sa aking balikat. Magkatabi naming tinitigan ang isa sa pinakasikat na bundok sa buong mundo habang magkadikit ang mainit naming katawan.
***
“Malas naman ng panahon.” sambit niya habang bumababa ng bus.
“Oo nga eh, sayang hanggang level three lang tayo.” Tukoy ko sa level three ng Mount Fuji. Masama kasi ang panahon kagabi kaya delikado kung aakyat pa kami sa masmataas na bahagi ng bundok.
Nang makababa na siya ay inangat niya ang kanyang kamay upang ako’y alalayan sa pagbaba, tinanggap ko ito. Humalik ang swelas ng boots ko sa yelo. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tumutusok sa aking mukha, ito ang bukod tanging bahagi ng katawan ko na nakalabas. Inikot ko ang aking mga mata. Puro yelo ang nakikita ko sa paligid.
“Tara ‘dun.” Sambit niya.
Tahimik kaming naglakad hanggang sa narating namin ang isang cliff. Malayo ang tinahak ng mga mata ko. Nakita ko ang ilang mga ulap at bundok. Inhale, exhale.
“Ray.” Pagbasag niya sa katahimikan.
“Hmmm?” tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
“Ano ang pangarap mo?”
Para akong hinampas ng kung anong mabigat na bagay. Hindi naman sa pagmamayabang, ngunit sabi ng marami ay sa bata kong edad ay successful na raw ako. I have money, time, and career. Tama, pwedeng ‘yun ang definition nila ng success, pero iba ang akin. Para sa akin, successful ang isang tao kung wala na itong hihilingin pa sa kanyang buhay. It’s not just about the money eh, it’s not just about the career, time pwede pa, pero ang tanong ay kanino ko i-spend ang time ko? Sa pamilya ko? Pwede. Sa mga kaibigan ko? Pwede. Mahal ko ang pamilya at mga kaibigan ko, pero gusto ko ring ibuhos ang oras ko sa taong magmamahal sa akin ng buo, sa taong mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay. ‘Yun ang kulang sa buhay ko. I love to travel more than anything, at kung pupwede ay kasama ko ang taong mamahalin ko habang buhay, sa ganitong paraan ko ibubuhos ang oras ko sa mundo.
“Ray.” Medyo malakas niyang tawag sa akin. Ang tagal ko palang nag-pause.
Nagbitiw ako ng isang buntong hininga.
"Pangarap kong makita ang ganda ng mundo." Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. "At pangarap kong makita ito kasama ang taong mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay." Diretso kong sagot.
Ngumiti siya. Bumakat ang malalim na dimples sa kanyang pisngi.
"Pangarap ko rin 'yun... At gusto kong makita ang ganda ng mundo kasama ang pinakamagandang tao, at para sa akin ang pinakamagandang tao ay ang taong mamahalin ko habang buhay."
“May ganoon?”
“Syempre.”
Tahimik.
“Tara, picture tayo.” Sabi niya. Ginamit namin ang aming mga cellphone at nagpicture. Tiningnan ko ang gallery ng phone ko, napansin ko na napakarami na pala naming kuha, simula sa unang picture namin sa Tokyo Tower hanggang sa pinakalatest, dito sa level three ng Mount Fuji. Napansin kong pati mga paglamon namin ay hindi nakaligtas sa camera. Napangiti ako.
Tumingin ako sa kanya. Tinatamaan ng sinag ng araw ang makinis niyang mukha. Muli kong naalala ang hiningi kong sign bago umakyat ng bus, na kapag nakita ko ng buo ang Mount Fuji ay lalo kong dapat iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Rome...”
Tumingin siya sa akin. Akmang mag-uumpisa na akong magsalita ay parang nalunok ko ang aking dila.
“Ano ‘yun?”
“Ah...” nanginginig kong sabi. “Wala. Salamat sa tatlong araw. Naging masaya ako.”
Ngumiti siya, labas ang dimples. Naramdaman ng aking mukha ang malamig at malakas na halik ng hangin.
“Ako ang dapat magpasalamat.”
“Why?”
“Basta... Salamat.”
***
“Penge!” sabi ko sabay kuha ng biscuit sa kamay niya.
“Kakakain mo lang ng lunch nambuburaot ka na naman. Matakaw ka talaga!”
“Eh bakit ikaw kumakain din?”
“Eh bitin ako sa lunch eh, ang konti ng serving.”
“Tingnan mo!”
“Eh bakit nangingielam ka? Hmmm?” sabi niya na may panggigigil.
“Kumain ka na lang ‘dyan ‘wag ka na magtanong!” sabi ko sabay subo ng isang biscuit sa bibig niya. Sinubo ko rin ang isa sa akin at nginuya.
Kagagaling namin ng hotel na nasa ibaba ng Mount Fuji, doon kami nananghalian. May pagka-fine dinning ang restaurant na iyon, at dahil matakaw kami ay kaunti o maliit ang serving para sa amin ni Rome, kaya heto lumalamutak kami sa bus.
Nasa isang bundok kami ngayon papuntang Cable Car. Ilang saglit pa’y naramdaman kong nagpark ang sinasakyan naming bus.
“Nandito na tayo!” masaya kong sabi. Tumingin ako sa kanya. Hindi ito kumikibo. Hindi man siya magsalita ay ramdam ko ang takot niya, may aerophobia siya at baka ‘di niya kayanin ang pagsakay sa Cable Car.
“Rome.”
Tumingin siya sa akin.
“Relax ka lang, nandito naman ako, di kita pababayaan.” Sambit ko.
Hindi siya kumibo. Tumayo siya mula sa upuan ng bus, sumunod ako.
***
“Rome, naiwan na tayo ng mga kasama natin sa bus. Kailangan na nating sumakay.”
Hindi siya nagsasalita, ang mga mata ay nakatuon sa malayo, sa dadaanan ng sasakyan namin. Kahit malamig ay kapansin-pansin na pinapawisan si loko.
Humakbang ako papasok ng cable car. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin.
“Tara na please? Hindi kita bibitiwan... Promise.”
Pumikit siya. Bahagya ko siyang hinatak, hinakbang niya ang paa niya papasok. Sumarado ang pinto ng cable car. Kami lang ang tao dito, naiwan kami dahil sa tagal kong nakumbinsi si Rome na sumakay dito. Nag-umpisng umandar ang sinasakyan naming cable car.
Pagkalabas sa istasyon ay tinamaan kami ng liwanag, sa oras na ito’y nakalutang sa ere ang sinasakyan naming cable car. Magkahawak pa rin ang aming kamay. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya, nakapikit siya habang humihinga ng malalim, medyo irregular ang paghinga niya.
“Rome, open your eyes.”
“Ayoko!” sigaw niya.
“Rome, ‘di ba gusto mo makita ang ganda ng mundo? Papaano mo ‘yun magagawa kung matatakot ka? Habang buhay ka na lang bang matatakot? Rome please, sige na, subukan mo lang, hindi naman kita bibitiwan eh.”
He gave a deep sigh. Dahan-dahan siyang dumilat.
“Tangina!” sigaw niya sabay akap ng mahigpit sa akin. Binagsak niya ang kanyang mukha sa aking ulo. Ang mukha ko’y nakadikit sa kanyang leeg. Medyo malaki kasi ang tangkad niya sa akin. ‘Di ko napigilang matawa. Ang laki-laki niyang tao pero takot na takot siya sa matataas na lugar.
Yinakap ko siya. Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. Hindi ko na alam kung papaano siya pakakalmahin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon na iyon. Ramdam ng katawan ko ang katawan niya habang akap-akap namin ang isa’t-isa. Ilang saglit pa’y dahan-dahan akong gumalaw na para kaming nagsasayaw. Naramdaman ko ang pagsabay niya. Ang ingay na tunog ng cable car ay tila naging isang musika sa aking pandinig.
Naalala ko bigla na pupwedeng makita ang Mount Fuji mula dito. Naisip kong muling humingi ng sign.
“Lilingon ako, kapag muli kong nakita ang kabuoan ng Mount Fuji ay hindi ko lang ipaparamdam ang pagmamahal ko, aaminin ko sa kanya ang totoo.” sabi ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit ko ito naisip. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi ko alam kung masusuklian ba ang pagmamahal ko. Ewan ko, bahala na.
Dumilat ako. Dahan-dahan akong lumingon kung saan nandoon ang Mount Fuji. Para itong kumikinang sa aking paningin. Buong-buo ko itong nakita. Napakaganda. Napangiti ako. Inikot ko rin ang aking mga mata, napapalibutan ang cable car namin ng mga bundok at mga puno. Napakaganda ng kapaligiran. Naisip ko siya, siguro ito na ang tamang panahon.
Tumingala ako. Nagtapat ang aming mukha. Namumutla siya habang ang mga mata ay nakapikit.
“Rome.”
“Ano?” nanginginig na bulong niya.
“Dumilat ka.”
“Ayoko.”
“Ako lang naman makikita mo.”
Dumilat siya.
“Rome...”
“Hmmm?” bakas sa mga mata niya ang matinding takot.
“Tumingin ka sa mga mata ko... Huwag kang matakot.” Mahina at malambing kong sabi.
Huminga siya ng malalim. Humalik ang mainit niyang hinga sa aking mukha. Naramdaman ko ang napakabilis na tibok ng aking puso. Mula sa ibabang bahagi ng kanyang likuran ay dahan-dahan kong tinaas ang aking kamay, gumapang ito papunta sa kanyang batok. Naramdaman kong gumapang pataas ang isang niyang kamay mula sa aking likuran papunta sa aking balikat hanggang sa lumapat ito sa aking leeg. Naramdaman kong marahang hinahaplos ng hintuturo niya ang aking labi.
Parang naglalakbay ang mga mata niya sa kaibuturan ng aking kaluluwa. May kung anong emosyong nakaguhit dito na hindi ko mabasa. Dahan-dahang linapit ko ang aking mukha, ganoon din siya. Pumikit ako. Ilang saglit pa’y naramdaman ng labi ko ang mainit niyang labi. Parang may sumabog sa puso ko, hindi ko maipaliwanag. Ramdam ko ang kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Para lumilipad ang kaluluwa ko. Unti-unting gumalaw ang labi niya, ganoon din ako.
Nasa ganoong paglipad ang aking emosyon nang naputol ito. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Dumilat ako. Nakita ko ang kanyang mukha. Hindi ko ito mabasa. Sa tatlong araw na magkasama kami ay ngayon ko lang siya nakitang ganito.
“I’m sorry...” nauutal niyang sabi.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko siya maintindihan, pero parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.
“I’m sorry... Hindi pupwede ito.”
ITUTULOY
(SORRY SA LATE UPDATE, INTENSIVE COURSE PO ANG TINE-TAKE KO NGAYON, KAILANGAN NG PUSPUSANG ARAL.)
nice one author!!! ahahah
ReplyDeletemukhang may magbabago sa flow ng story ah.... pero medyo masakit yung last part ah... kase parang mas okay kung sinapak ka na lang o sinaktan physically kesa sabihan ka ng "I'm sorry" kase may meaning eh... kung bakit sya nag sorry... may hugot yung sorry nya... nagdadalawang isip... ahahahha pero astig astig.. ang tagal kong hinantay to ah.. sana yung next chapter eh next week na agad ahaha ayun ay kung hindi ka buay author! ahahahah :)
Buay? Hoy buhay pa ako adik ito! Hahahahahaha.
DeleteKidding aside gets ko naman. :-))) Oo sana hindi ako busy para mabunyag ko na yung surprise na sinasabi ko sa iyo. Hehehe. :-)
kala ko kase mamatay ka na sa kilig eh... ahahah jokes!!!! :)
Deletebusy yan... busy ka ata kase sa ano...
sa....
pag aaral... ahahha
salamat! ahahahah!
Busy naman talaga ako. Mahirap kaya intensive course, isang araw isang lesson dapat pick-up mo agad tapos dami pa homeworks and rereviewhin. >_<
DeleteWorth it yung paghihintay ko sa chapter na ito...... Sobrang sakit sa puso sa last part ng story nadurog puso ko na sabihan ka ng sorry pagkatapos halikan at pagiging sweet niya sau, parang pinaasa sa wala.....sabay sasabihin hindi pwde to
ReplyDeleteJharz
Salamat sa pagbabasa at paghihintay. :-)
DeleteSulit ang paghintay. Magandang episode to. Thank you.
ReplyDeleteSalamat at naappreciate ito kahit medyo rush. Thanks for reading. :-)
DeleteAng sakit lang ng ma reject..
ReplyDeleteLaluna na at na fall ja sa kanya.
Rex 08
I agree. Hay...
DeletePero sana kumapit pa rin po kayo sa pagbabasa, isa itong chapter na ito na magdudulot ng ilang pagbabago sa story.
Thanks for reading. :-)