Followers

Friday, October 30, 2015

Kuya Renan 9

Part 9:

By Michael Juha
Fb: getmybox@yahoo.com

WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18.

Bati Portion:

DEADLINE NG VOTING: OCT 31, 2015. Sana ay makahabol pa po kayo... PLS VOTE!!!

Guys, importante po sa akin ang inyong boto dahil hanggang October 31 na lang poa ang botohan sa Bloggys. kaya kung hindi pa naka-boto, please vote.

Uunahin ko sa pagbati ang mga nagconfirm sa comment nila nan aka-vote na sila. Para sa akin ay specila list poi to ng mga taong tunay na follower ni Michael Juha. Maraming salamat sa inyo, guys dahil ang suporta ninyo ang nagbigay sa akin ng motivation na magsulat. Kung wala ang mga katulad ninyong readers na talagang all-out ang support hanggang sa pag-boto, baka hindi na ako magsusulat pang muli.

Heto po ang mga nakaboto na, base sa kanilang comment sa Chapter 7 (Paki-remind lang po ako kung nakaboto na kayo para madagdag ko sa listahan ko rito, or sa next chapter):

1) Philip Zamora
2) Stephen Fundal
3) Clarence Guntang Ochinang
4) Achilis Habibi
5) Unknown
6) Denmark Zulaybar
7) Paolo
8) Ernz
9) bharu
10) Benjie
11) Lemon
12) dhenxo
13) kim bords
14) Marvs
15) Edison Smith
16) Jairus Lorenso
17) Jefferson Cabriana
18) Berting banago
19) Mark Anthony Montanez
20) djhay19
21) Iyong mga sa fb lang nagcomment na nakaboto na rin sila, maraming salamat po.

Special mention kay James Silver sa kanyang ginawang image sa earlier parts, kay Stephen Fundal sa ginawang image kay “Mico”, at kay Clarence Guntang Ochinang sa image natin ngayon.

Special Mention din para kay Tirso Lomandas Ofiasa, Jr. na pumayag maging “Mico” model face.

Maraming salamat din sa mga MSOB Resident Authors na active na nagpopost: “Loving You...” by Seyren, “Hopia” by Ponse, “String from the Heart” by Vienne Chase, “”Love, Stranger...” by White_Pal, “Trombonista...” by bluerose, “Andromeda” by Jam Camposano.

At guys, para sa hindi pa naka-boto, sana ay bumoto pa. I have to admint, nanumbalik ang aking sigla sa pagsusulat dahil sa motivation ko sa Bloggys2015. Sa boto ninyo, sana ay maipanalo natin ang kahit most popular blog man lang, kagaya ng dating contests. Kung kaya natin noon, sana ay nariyan pa rin kayo para sa MSOB.

Anyway, dito po kayo boboto –


Pakihanap po ang michaelsshadesofblue.blogspot..com at i-click ang box sa gilid nito.

Need po ang email address ninyo, yung fb  na email.

I would appreciate it very much kapag naka vote na kayo at sa comment ninyo ay lagyan ninyo ng “DONE VOTING

Thanks guys for supporting MSOB!

PS. Hindi ko na proof-read ito dahil may mga nag-aabang... Kung may inconsistencies at malaking error/s, please bring them to my attention.

Enjoy reading po!

J

-Michael Juha-

------------------------------------------------------


Lumingon sa akin si Kuya Renan. Dali-dali ko siyang minuwestrahan na bumalik. Hinid na ako sumigaw pa. Baka kasi mahalata.

Tumalima naman siya. Tila naintindihan niya ang aking body language. Ni hindi man lang lumingon sa kanila. Dali-dali siyang bumalik sa sakayan, dala-dala pa rin ang kanyang bag. Nang nasa sasakyan na siya, agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at hinila siya. “Nariyan ang mga hoodlum kuya! Pasok ka uli!” ang pigil kong pagsasalita sa kanya.

Nang nasa loob na siya ng sasakyan, doon na niya inaninag ang grupo. “Iyang dalawa nga ang nagpunta sa bahay. Namukhaan ko sila!” ang sambit ni kuya Renan.

Maya-maya lang ay nakatingin na sa sasakyan namin ang isa sa kanila. Muli akong kinabahan nang tumayo ito at tinumbok ang aming kinaroroonan. “Paandarin mo na Mico!!! ang pigil kong pagsigaw.

“Huwag. Magdududa sila.” ang sambit ni Mico na binuksan pa ang pinto na nasa driver’s seat.

“Anong ginawa mo???” ang tanong ko uli.

“Huwag kang ni-nirbiyusin. Kalma ka lang” ang sagot niya at tuluyan na siyang lumabas atsaka isinara muli ang pinto.

Nagkatinginan kami ni Kuya Renan. Syempre, nagtaka kami sa kanyang inasal. Iyon bang hayan, nariyan ang mga taong kinatatakutan namin at siya naman itong walang takot na humarap sa kanila.

Nang ibinaling namin ang aming paningin kay Mico, nagulat kami sa hindi inaasahan. Nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay nagkamay! At maya-maya lang ay nagtawanan na! Sinabayan pa ni Mico ang hoodlum pabalik sa grupo nila. Pagkatapos ay tila inintroduce siya sa lima nitong kasamahan. Nakipagkamay din siya sa kanila. Pagkatapos ay nagkuwentuhan at nagtawanan.

“Ano kaya niya ang mga iyon?” ang tanong ni Kuya Renan.

“Malay ko ba.” ang sagot ko. “A-anong plano mo ngayon?”

“Di ko alam. Hintayin natin si Mico.”

Napatingin ako sa kanya. “Kailan ka babalik?”

“Sa summer siguro. Pero kung hindi pa rin ok rito, kunin kita. Doon ka mag-aral kung saan man ako. Bahala na.”

“Ma-miss kita eh.”

“Ma-miss din kita, ‘tol.”

Nahinto ang aming pag-uusap nang biglang bumukas ang driver’s seat.

“Anong nangyari?” Ang tanong agad ni Kuya Renan kay Mico.

“Kilala ko iyong isa na tutngo sana sa atin at i-check ang sasakyan. Nang gobernador pa ang papa ko, may mga bodyguards ang papa ko at isa iyong pupunta sana sa sasakyan natin. Siya ang pinagkakatiwalaan ng papa ko noon. Iyang iba ay di ko kilala. Trained hoodlums yata ang mga iyan at for hire.”

“G-ganoon ba? Bakit daw sila nariyan?” ang tanong ko naman.

“Binantayan nga nila si Kuya…” ang turo niya kay Kuya Renan “…at balak nilang kapag nahuli nila si Kuya sa terminal kikidnapin nila siya at isa-salvage.” ang paliwanag ni Mico habang sinimulang paandarin ang sasakyan.

“Anong sabi mo tungkol kay Kuya Renan? Nakita siya noong isang kasama nila eh.”

“Sinabi kong bisita ni papa. Turista. At nagdadalawang-isip kung tutungo sa private resort sa kabilang bayan o hintayin ang bukas dahil bakante si papa baka samahan na lang siya roon dahil kaibigan ni papa ang may-ari ng resort na iyon. Hindi nila namukhaan si Kuya Renan.”

“Ah… mabuti naman.” Ang sago tko. “S-saan na tayo patungo ngayon?” dugtong ko.

“Sa terminal ng kabilang munisipyo tayo pupunta. May isang oras lang naman ang biyahe mula rito. Pero magcheck-in muna tayo sa isang hotel dahil alas 5 pa ng umaga ang first trip” ang sagot ni Mico.

“Ang problema natin ay si inay. Dapat pala ay kasabay ko na lang siya. Uuwi na lang muna tayo, Mico. Sabay na lang kami ng inay bukas sa terminal ng kabilang bayan.”

“Huwag Kuya. Malakas ang kutob ko na pinababantayan na rin ang bahay ninyo. Kaya mag-hotel na lang muna tayo. Tatawagan ko ang driver namin upang ipasundo ko sa kanya ang inay mo. Mas maganda ring tawagan mo na ang inay mo upang makapaghanda siya kapag dumating na ang driver.”

“Ok, ok…” ang sagot ni kuya Renan na kinuha ang cp niya at nagsimulang mag-dial.

“Bale doon na lang tayong lahat magkita sa hotel. Mula roon ay aalis tayo patungong bus station bago mag alas-5 ng umaga” ang dugtong ni Mico na kinuha rin ang kanyang cp, ipinasa sa akin, binigyan ako ng instruction kung alin sa kanyang phonebook ang number ng driver nila atsaka at ipinadayal iyon sa akin. Nang nacontact na, kinausap na niya ito at binigyan ng instruction.

Samantala, nakausap na rin ni Kuya Renan ang kanyang inay at nagkaintindihan sila.

Halos isang oras din ang pag-drive ni Mico bago marating ang isang hotel malapit sa terminal ng kabilang bayan.

“Two rooms ba sir?” ang tanong ng front desk nang nakapasok na kami sa nasabing hotel.

Nilingon kami ni Mico. “Two rooms?” ang tanong niya sa amin.

Sasagutin ko na sana ng “Two rooms” dahil gusto kong makasarinlan si Kuya Renan at mayakap sa huling pagkakataong iyon. Ngunit naunahan ako ni Kuya Renan. “Isa na lang para makatipid tayo.” ang sambit niya. marahil ay nahiya siya dahil sagot iyon ni Mico ang bayad, gamit ang credit card niya.

“Isang kuwarto please.” Ang sagot niya sa front desk.

Nang nakapasok na kami sa kuwarto ay agad kong tinumbok ang kama at ibingasak ang aking katawan. Natuwa kasi ako dahil VIP ang kuwarto na kinuha ni Mico. Matrimonial ang kama, iyong solo bed na pang-dalawahan. Bagamat kinabahan pa rin ako sa aming kalagayan, nagawa ko pa ring ma-appreciate ang ganda ng hotel. Unang pagkakataon ko kasing makapasok ng hotel.

Agad namang inilatag ni Kuya Renan ang kanyang bag. Nang nakita niyang tumabi sa akin si Mico sa higaan, minabuti niyang maupo na lang sa isang silya sa gilid ng kama, sa harap ng TV. Kinuha niya ang remote control at pinaandar ang TV. Nanood siya. Nakipanood kami. Halos wala kaming imikan.

Maya-maya ay hindi rin ako nakatiis. “Kuya… Higa ka rito sa tabi ko. Bibiyahe ka pa mamaya, kailangan mong magpahinga para maka-ipon ng lakas.

“Huwag na, dito na ako.” ang sagot niya.

Biglang bumalikwas si Mico sa kama. “Sige na Kuya, tabi na kayo ni Bugoy.” ang sambit niya habang tinumbok ang isa pang silya.

“Ito naman… bumalik ka roon sa kama. Tabihan mo si Bugoy.” ang sambit ni Kuya Renan kay Mico.

“Eh… ikaw ang gusto niyang katabi eh.” ang sagot naman ni Mico na tila may halong pagseselos.

“Mico naman eh. Wala naman akong sinabing si Kuya Renan ang gusto kong makatabi. Gusto ko lang makapagpahinga siya dahil nga magbibiyahe pa siya…” ang pangangatuwiran ko naman bagamat hindi ko maitatwa na sa loob-loob ko ay gusto ko talagang makatabi si Kuya Renan. Paalis na kasi iyong tao at gusto kong sanang sulitin ang aming pagtabi sa huling sandali. Kung maaari nga lang sana ay gusto kong kami lang dalawa ang nasa loob ng kuwartong iyon.

“O, e wala naman palang problema. Sige na, tabihan mo na siya. Dito lang ako. Ok lang sa akin dito.” ang sambit naman ni Kuya Renan na hindi ko mawari kung may pagseselos din o iyong pride na nagpapa-presyo lang.

Sa inis ko ay bumalikwas na rin ako sa higaan, tinumbok ang isang sulok at naupo sa sahig at isinandal ang likod sa dingding, nakaharap sa TV.

Napatingin silang dalawa sa akin. “Anong nangyari?” Ang tanong ni Kuya Renan na halatang naguluhan.

“Ayaw niyong tumabi sa akin, e. Di kayo na lang dalawa ang magtabi riyan!” ang padabog kong sagot.

Dali-daling tumayo si Mico at tinabihan ako sa pag-upo, nanunuyo. “Ito naman o, nagtatampo agad. Gusto naman kitang makatabi eh. alam mo iyan. Ikaw pa… Tara higa ka na roon.” Ganyan kasi si Mico. Alam niya ang ugali ko, at kapag ganyang alam niyang nagtatampo ako susuyuin ako niyan, halos luluhod na nga lang iyan sa harap ko kapag nanunuyo para lang mapawi ang galit o tampo ko.

Tiningnan ko si Kuya Renan. Dedma lang siya. Alam ko, nakikinig siya sa amin ni Mico at alam niyang nagtatampo ako. Ganyan din kasi ang ugali ni Kuya Renan. Iyon bang playing hard to get, ayaw ng ka-dramahan. Ayaw pahalata na apektado siya. Ngunit kapag bumigay naman, magulat ka na lang. Iyon bang pahihirapan ka muna at pagkatapos naman ay pakikiligin. Iyan ang style niya.

“Sige na… tara na, tabi na tayo.” ang panunuyo pa rin ni Mico sa akin habang hinila niya ang aking bisig upang tumayo.

Tumayo na lang ako. Naisip ko kasing hinid maganda kung gagawa pa ako ng eksena. Nakakahiya kay Mico na siyang nagsakripisyo para makaeskapo lang si Kuya Renan. Tapos, hayun, ako pa ang itong magdagdag ng pabigat. Kaya tumalima ako sa sinabi ni Mico. Nahiga ako sa kama, si Mico ay nahiga rin sa kaliwang gilid ko, may kaunting guwang sa pagitan namin. Bagamat nagmamaktol ang aking isip, tumahimik na ako at nakipanuod ng TV.

Maya-maya, tumayo si Kuya Renan. At doon na ako natuwa nang tinumbok niya ang kabilang gilid ng kama, pinisil ang aking ilong sabay sabing, “Kulit!” at humiga sa aking tabi at sinadya pa talagang ipatong ang gilid ng katawanniya sa katawan ko! Iyon bang naglalambing. Ewan. Baka hindi rin niya natiis na nakita niya si Mico na katabi ko sa ibabaw ng kama.

“Arrgggghhh! Ang bigat eh!” ang kunyaring pagrereklamo ko bagamat natuwa ako sa kanyang inasta.

Hindi siya sumagot. Inayos na lang niya ang kanyang paghiga.

Tahimik.

Pareho kaming nakatihayang tatlo, nanuod ng TV. Ang mga kamay ni Mico ay nakapatong sa kanyang tiyan habang ang isang kamay naman ni Kuya Renan ay nakapatong sa kanyang noo. Halos walang gumalaw sa aming tatlo, nagpakiramdaman kumbaga. Ngunit maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Kuya Renan, iyong nakpatong sa kanyang noon a sa tagiliran ko lang. naramdaman kong lihim na kinalmot-kalmot niya ang aking tagliliran. Ibinaba ko na rin ang aking kamay na nasa tagiliran niya. Doon ay isiningit niya ang kanyang mga daliri sa guwang ng aking mga daliri. Hinigpitan niya ang paghawak noon. Naghawakan kami ng aming mga kamay. Maya-maya ay tinangggal niya ang paglapat ng aming mga palad at iginuri-guri ang kanyang daliri sa mismong palad ko.

Hinayaan ko lang siya. Nakikiliti man, hindi ako gumalaw gawa nang ayaw kong mahalata ni Mico na tila nag-uusap ang aming mga kamay ni Kuya Renan.

Maya-maya naman, naramdaman ko ang kamay ni Mico na hinawakan ang kabila kong kamay. Nag-holding hands din kami. Pinisil-pisil niya ang aking mga kamay na mistulang nagpaparamdam na iyong, parang ang sabi ay “musta ka na, na-miss kita, gusto kitang halikan…” lingid sa kaalaman ni Kuya Renan. Kami naman ni Kuya Renan ay nag-uusap sa pamamagitan ng aming mga kamay, lingid din sa kaalaman ni Mico.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman. Si Kuya Renan ay alam na nanligaw sa akin si Mico. Si Mico naman ay nakita ang aming paghahalikan ni Kuya Renan. Parang ewan, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng dalawang lalaking aking katabi. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Nakaharap kaming tatlo sa monitor ng TV ngunit lumilipad ang aking isip. Magkahalong lungkot, kaba, kilig ang aking naramdaman sa tagpong iyon.

Maya-maya ay naputol ang aking pagmumuni-muni nang tumunog ang intercom.

Bumalikwas si Mico at sinagot ang tawag. “Narito na raw ang inay mo, Kuya…” ang sambit niya kay Kuya Renan nang ibinaba na niya ang receiver ng telepono.

“Ganoon ba? Mabuti naman. Salubungin ko siya” ang sambit ni Kuya Renan.

“Ako na lang po. Kakausapin ko rin iyong driver namin na huwag magsalita kahit kanino tungkol sa sitwasyon natin…” ang sagot naman ni Mico sabay tumbok sa pintuan at dali-daling lumabas.

Nang wala na si Mico. “Mahal mo iyon?” ang tanong ni Kuya Renan.

“Owww?” ang gulat kong reaksyon sa tanong niya. “Anong klaseng tanong iyan?”

“Wala lang…” ang sagot ni Kuya Renan.

“Hindi ko mahal iyon ah! Paano mo nasabi iyan?”

“E, may nangyari na sa inyo eh.”

“E, kapag may nangyari na ba sa dalawang tao, mahal na kaagad?”

“Malay ko...”

“Tayo... may nangyari na sa atin, mahal mo ba ako?” ang pagbalik ko rin sa tanong niya.

“Mahal naman talaga kita eh. Kaso… di ba ayaw ng inay mo na maging bakla ka? At ako naman ay lalaki. Ang hinahanap ko ay babae.”

Tila may sibat na tumusok sa aking puso sa kanyang sagot. Nalito ako sa sinabi niyang mahal ako ngunit siya ay lalaki. “Sinabi rin ba ng inay iyan sa iyo na ayaw niyang maging bakla ako?”

“Oo…”

“Bakit mo ako mahal samantalang ang sabi mo ay lalaki ka, at ang hanap mo ay babae? Bakit ginawa mo pa rin sa akin ang bagay na iyon? Tapos, nilabag mo pa ang sinabi ng inay na ayaw niyang maging bakla ako. Paano ako magiging lalaki kung palagi mong ipinapagawa sa akin ang bagay na iyon? Paano ako magiging lalaki kung dahil sa ipinapagawa mo ay hahanap-hanapin ko na ito?”

“Sa ngayon ay hindi mo pa maintindihan ang lahat.”

“Ano? Ano ang hindi ko maintindihan?”

Hindi na siya sumagot. Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking magkabilang pisngi. Tinitigan niya ako, iyong titig na tila nanunuyo. Maya-maya lang ay inilapat na niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko.

Kahit nalilito ako sa mga sinasabi niya, wala akong nagawa kundi ang suklian ang kanyang mga halik. Nagyakapan kami. Mahigpit.

Hinawi niya ang kanyang t-shirt at iginiya ng kanyang kamay ang aking kamay sa kanyang tiyan, sa kanyang abs. Damang-dama ko sa aking palad ang mga balahibong nakahilera sa parte ng katawan niyang iyon. Hinaplos ko ito nang hinaplos habang patuloy ang paglapat ng aming mga labi.

Maya-maya ay tumayo siya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila niya ako patungo sa isang gilid ng kuwarto. Doon siya tumayo, isinandal niya ang kanyang likod sa dingding. Muli kaming nagyakapan at naghalikan. Maya-maya uli ay hinawakan niya ang aking kamay at muling iginiya niya iyon sa kanyang abs, sa ilalim ng kanyang t-shirt. Kinapa ko ang bahagi na iyon ng kanyang katawan. Hinila niya ang harapang dulo ng kanyang t-shirt at kinagat ito upang hindi malaglag at tumakip sa kanyang tiyan.

Lalo pa akong nag-init sa nakita niyang ayos na nakasandal sa dingding ang itaas na bahagi ng kanyang likuran habang ang kanyang harapan naman ay nakadiin paharap sa akin. Tapos kagat-kagat pa niya ang harapang dulo ng kanyang T-shirt. Para siyang isang modelo na nagpapalitrato ng nanunuksong kuha.

Lumuhod ako sa kanyang harapan. Muli kong hinagod sa aking mga kamay ang mga balahibo sa ibaba lang ng kanyang pusod. hanggang sa hindi rin ako nakatiis at inilapat ko ang aking bibig doon. Inamoy-amoy ko muna ang mabalahibong parteng iyon ng kanyang katawan.

“Ahhhhh..” ang narinig kong ungol ni Kuya Renan nang lumapat ang aking bibig sa bahaging iyon. Naramdaman ko na rin ang bahagyang pagkanyod niya na tila nang-uudyok na ibaba ko pa ang aking bibig.

Dahil nag-init na rin ang aking katawan, tuluyan nang iginapang ko ang aking bibig pababa patungo sa mismong waistline ng kanyang maong na pantalon. Nang nasagi ng akong bibig ang mismong butones ng kanyang waistline, dali-dali kong tinanggal iyon. Wala siyang sinturon kaya malaya kong natanggal iyon.

Kitang-kita ko ang malaki at mahabang nakapahiris na bukol na bumakat sa kanyang puting brief. Tila natuyuan ako ng laway sa pagkakita noon.

Dali-dali kong hinawakan ang garter ng kanyang brief at hinawi iyon. Ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng kanyang brief upang dukutin ang nakapahiris na ari niya nang bigla. Sobrang lakas ng kalampag ng aking dibdib sa eksena naming iyon.

Nahawakan ko na ang kanyang tigas na tigas na pagkalalaki nang siya namang pagkarinig ko ng, “Riiiiiinnnng! Riiiiiiiinnnnnnnn!” ang tunog ang doorbell.

Gulat na napahawak si Kuya Renan sa kanyang harapan at kinapa ang zipper at dali-daling itinaas ito. Ako naman ay biglang napatayo. Tiningnan niya ako. Napangiti ng hilaw sabay bigay ng mabilisang halik sa aking labi. “Istorbong mga to ah!” ang bulong niya, sabay yakap din sa akin ng mahigpit.

Napayakap na rin ako sa kanyan ng mahigpit. Sa isip ko ay may panghihinayang.

(Sorry guys naudlot. Kasi naman, dumating pa talaga sila eh. Ituloy niyo na lang sa inyong mga mapanglikhang na pagi-isip – char!)

“Riiiiiinnnng! Riiiiiiiinnnnnnnng!” ang muling pagtunog ng doorbell.

Dali-daling tinumbok ni Kuya Renan ang pintuan at tiningnan mula sa maliit na butas nito kung sino ang nasa labas. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto.

Pumasok sina Mico at inay ni Kuya Renan. Dala-dala nila ang kanyang mga gamit. Dala na rin niya ang aking mga gamit. “Dinala ko na lang iyan, Bugoy upang hindi ka na babalik pa roon. Delikado kung makita ka nila roon. Siguradong pupuntahan nila ang bahay. Ini-lock ko na rin iyon.”

“S-salamat po inay” ang sagot ko habang kinuha ang bag ko mula sa kanya.

“At kapag nakumpleto mo na ang mga tests mo, huwag ka munang gumala-gala ha? Kina Mico ka na lang muna. Hanggang babalikan ka ng Kuya Renan mo.”

“Opo, inay.”

“Alas 5 ang alis natin ‘nay. 4:30 pa lang ay check-out na tayo rito sa hotel.” Ang sambit ni Kuya Renan. Tiningnan niya ang kanyang relo. “Alas 2:00 pa lang ng madaling araw kaya may mahigit dalawang oras pa tayong makapagpahinga rito.

“Ihahatid ko muna ang inay mo Kuya sa kabilang kuwarto. Kung gusto mo ay samahan mo na rin siya roon.” ang sambit ni Mico.

Nagkatinginan kami ni Kuya Renan. Marahil ay naisip niyang kung sasamahan niya ang inay niya sa kabilang kuwarto, kaming dalawa lang ni Mico ang maiiwan, kung makakapayag ba siya. “Ah… ang inay na lang doon. Ok lang siya roon.” Ang sagot ni Kuya Renan.

Kaa sinamahan na lang naming ihatid ang inay ni Kuya Renan sa kanyang kuwarto. Nang nakabalik na kaming tatlo sa aming kuwarto, ganoon na naman ang aming set-up. Pinagitnaan nila ako. Ganoon pa rin, holding hands sa isa, ang isa naman ay nilalaro ang aking kamay.

Iyon ang eksena hanggang sa nakatulog na ako.

Eksaktong alas 4:30 ay lumisan kami ng hotel patungong estasyon ng bus. Wala namang sagabal sa plano. Maayos na nakarating kami sa lugar at sa mismong estasyon ng bus ay wala kaming nakitang kahina-hinalang mga taong maaaring nagmanman sa mga kilos namin. Naroon na rin ang mismong bus na sasakyan nina Kuya Renan at kanyang inay, may mga sakay na at handa nang umalis. Nang sinimulan nang bitbitin nina Kuya Renan at Mico ang mga bagahe nila mula sa pick up ni Mico patungo sa bus, doon na ako muling nakadama ng matinding lungkot. Nakitulong na rin akong bitbitin ang iba pa nilang mga bagahe. Binitbit ko rin sa isa kong kamay ang aking sariling bagahe. Ewan ko, sa ayos kong iyon ay feeling ko, sasama rin ako sa kanila.

Hinatid namin sila sa mismong bus na nagsimula nang umandar. Nang nailagay na ng kunduktor ang mga bagahe sa compartment ng bus niyakap ako ng inay ni Kuya Renan bago siya pumasok ng bus. Si Kuya Renan naman ay nagpaiwan pa sa labas at inalo ako. Hindi ko naman mapigilan ang sariling huwag tumulo ang mga luha. “Mag-ingat ka rito palagi ha? Babalikan kita kaagad, promise ko iyan sa iyo. At magpakabait ka…” ang sabi niya. Pagkatapos ay hinugot niya ang kanyang wallet at binigyan ako ng isang libong piso.

Tinanggap ko ang ibinigay niya. “Opo kuya… Hihintayin kita.” ang sagot ko. Sa aming postura ay para kaming magsing-irog na nakatakdang maghiwalay sa oras na iyon. Kung hindi lang ako mukhang bunso niya, sasabihin siguro ng mga taong magsyota talaga kami. Ngunit dahil bunso akong tingnan, ang lahat na nakakakita sa amin ay naawa na lang, ang iba ay na-kyutan na hayun nag-iiyak ako at hindi halos mabitiw-bitiwan ang pagyakap sa aking Kuya.

Nahinto lang ang pagyayakapan namin nang sumigaw na ang kunduktor na aalis na ang bus. Wala na akong nagawa kundi ang pakawalan siya. Sinundan ko pa ng tingin ang pag-akyat niya sa bus habang kumakaway sa akin.

Sobrang sakit ng eksenang iyon. Nang magsmula nang umarangkada ang bus mula sa aking kinaroroonan, nanatili lang akong nakatayo roon, hawak-hawak ko ang sariling bagahe, pinagmasdan ang bus na unti-unting naglaho sa aking paningin. Sa sandaling iyon ay parang biglang gumuho ang aking mundo. Parang aksidenteng napadpad ako sa isang lugar na hindi ko na alam kung saan. Kagaya ni Kuya Renan, para rin akong naglakbay, bagamat mag-isa at patungo sa kabilang direksyon na kanyang patutunguhan. Parang na-dis-orient bigla ang aking isip. Pakiramdam ko ay muli na naman akong nag-isa sa mundo, hindi alam kung ano ang gagawin, kung saan patungo. Naalala ko na naman ang araw ng pagpanaw ng aking inay. Tila ganoon din ang naramdaman ko sa sandaling iyon. Sobrang sakit…

Nang tuluyan nang nawala ang bus sa aking paningin, saka pa ako bumalik kay Mico, sa sasakyan niyang nakaparada sa ‘di kalayuan. Bagamat pinilit ko, hindi ko magawang pigilan ang patuloy na pagpatak ng aking mga luha. Nang nakapasok na ako sa sasakyan, sa tabi niya, ibinaling ko na lang ang aking paningin sa ibang direksyon upang hindi niya ako mahalata.

Wala ring imik si Mico sa pagpasok ko sa sasakyan. Tahimik niyang pinaandar ito.

“S-so… m-may relasyon ba kayo ng Kuya Renan mo?” ang pagbasag ni Mico sa katahimikan. Hindi pa rin siya lumingon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa kanyang isip.

Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa tanong niyang iyon. Nilingon ko siya. “Wala…” ang sagot ko.

“Bakit ka niya hinalikan sa bibig kagabi sa terminal kung wala?”

“Hindi ko alam.”

“Hindi mo alam? Hahalik lang ba ang isang tao sa bibig kung walang dahilan?”

“Hindi ko nga alam, e. Ang kulit mo. Kagaya natin, naghahalikan. May relasyon ba tayo? Wala naman, di ba?” ang sagot kong nairita.

“Wala nga…” ang sagot niya at bahagyang natahimik. “…pero mahal kita” ang dugtong niya. Nilingon niya ako. “Sino ang nagmamahal sa inyo? Ikaw ba o siya?”

Doon na ako napikon. Kasi, natumbok niya. Gusto ko mang aminin na ako ang nagmahal ngunit ayoko dahil wala namang sinabi si Kuya Renan na mahal din niya ako. Isa pa, ayokong saktan siya. Siya na nga ang tumulong at nagsakripisyo, pati ba naman sa akin ay masasaktan din siya. “Mico naman eh! Ayaw ko ng ganyan! Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ko? Kung ganyan lang din na pahirapan mo ako sa katatanong mo, ihinto mo na lang ang sasakyan, babalik ako sa bayan na nag-iisa. May bahay pa naman kami ng inay, doon na ako.”

“Tangi. E, di kung nahuli ka nila, kaninong kasalanan iyan?”

“Kung iyan lang pala ang kinatatakutan mo na masisi ka kapag may mangyari sa akin, puwede naman akong gumawa ng sulat eh. Sasabihin ko sa sulat na wala kang kasalanan, na wala kang pananagutan. Para kapag namatay ako, walang sisisi sa iyo. Iyan lang pala ang dahilan kung bakit mo ako tinulungan?”

“Ito naman o. Na-mis-interpret mo naman ang sinabi ko eh. Sige na, sorry na… Kung di lang kita mahal.”

“Puwede namang hindi mo ako mahalin eh.” ang pabalang ko pa ring sagot.

“Ang sakit mo namang magsalita…” Iyon na ang huling sinabi niya. Hindi na siya nagsalita pa. Tahimik na lang siyang nagdrive. At dahil nakonsiyensya ako, nag-sorry din ako.

“Wala iyon. Ikaw pa. Ang lakas mo sa akin.” sabay bitiw ng isang ngiti, at pinisil pa ang pisngi ko.

NAKARATING kami ng bahay nina Mico lampas alas 7 ng umaga. Nasa hapag kainan na ang kanyang mga magulang. Sinabayan na lang namin sila sa pagkain. Nagtaka ang mga magulang ni Mico kung bakit may dala-dala akong bag, at kung saan kami nanggaling sa umagang iyon.

Ikinuwento ni Mico sa kanyang papa at mama ang lahat, pati ang dati niyang alalay na naroon sa bus station at kasali na ng mga hoodlum na naghanap kina Kuya Renan ay ikinuwento niya rin. Nagpaalam na rin si Mico na sa kanila muna ako titira dahil nga sa banta sa aking buhay.

“Walang problema. Hanggang narito ka sa aking poder, ligtas ka. Walang makakagalaw sa iyo.” ang sabi ng papa ni Mico. “Saang kuwarto mo siya patutulugin, Mico?”

“S-sa kuwarto ko na lang po, papa. Maluwag naman iyon. Mabuti kung sa iisang kuwarto lang kami upang mabantayan ko siya.”

“Mas maigi…”

Pagkatapos ng agahan ay dumiretso na kami sa kuwarto ni Mico. Sabado naman kasi iyon kaya walang pasok. Gusto ko sanang mag-review gawa ng final tests na namin sa darating na linggo ngunit nawalan ako ng gana. kaya nagmukmok na lang ako. Hindi ko pa tanggap na wala na si Kuya Renan. Hindi ko pa tanggap na bagong mundo na naman ang aking tatahakin. Naupo ako sa gilid ng bintana ng kuwarto, nakatingin sa kawalan.

“Gusto mo bang manuod ng palabas?” ang tanong ni Mico na napansin ang matinding kalungkutan ko.

Umiling ako.

Hinayaan na lang niya ako. Umupo rin siya sa tabi ko. Walang imik. Iyon na ang huli kong natandaan. Nakatulog pala ako sa ganoong posisyon na nakaupo. Marahil ay dahil iyon sa sobrang pagod at stress sa mga nangyari sa nakaraang gabi. Nang nagising ako, nakasandal pala ako sa kanyang bisig, habang niyayakap ni Mico.

“G-gising ka na?” Ang sambit niya nang gumalaw ako at kinuskos ko ang aking mga mata. Nang nakita ko siya, nabigla naman ako. Hindi pa kasi na-kundisyon ang aking utak na naroon ako sa ibang pamamahay. Dati-rati, sa paggising ko, ang mukha ni Kuya Renan agad ang aking nakikita. Ngunit ibang mukha ang nakita ko sa pagkakataong iyon. Doon ko na naalala na wala na pala ako sa bahay nina Kuya Renan. Nagsimula na namang gumapang ang matinding lungkot sa aking kalooban.

“Lipat ka na sa kama, para makapagpahinga ka ng mas maayos.” ang sambit ni Mico.

Ngunit hindi ko siya sinagot. Ang nasa aking isip ay si Kuya Renan. Kung ano ang nangyari sa kanya, kung nakatulog ba siya, kung kumain na... Ang sabi kasi niya ay may labing-dalawang oras ang biyahe. Kaya siguradong nasa hi-way pa sila sa mga oras na iyon.

Tiningnan ko ang wall clock sa kanyang kuwarto. Ala-una na pala ng hapon. Napansin ni Mico tiningnan ko ang wall clock. “Magpadala na lang pala ako ng pagkain dito.” ang sambit niya.

“Wala akong gana eh.” ang sagot ko naman.

“Kapag natikman mo ang ipinaluto kong crispy pata kay yaya, siguradong gaganahan kang kumain.” Lumabas siya at at maya-maya lang ay dumating na ang katulong nila at may dala itong mga pagkain. At maya-maya lang din ay bumalik uli siya at nagdala ng beer.

“Sige kain ka. Pagkatapos ay mag-inuman tayo para malimutan mo si Kuya Renan mo habang manuod tayo ng palabas. Anong gusto mong palabas? Comedy?’

Kumain kami at nang matapos ay nagsimulang mag-inum. Pinaandar naman niya ang kanyang DVD. Comedy ang pinili niyang ipalabas. Ngunit hindi ako matawa-tawa. Kahit ginagaya ni Mico ang mga nakakatawang eksena ng palabas at tawa nang tawa, hindi ko pa rin magawang tumawa. Matindi pa rin ang aking nadaramang lungkot.

Lasing na ako nang nagsimula na akong mag-iiyak. Ang bukang-bibig ko palagi ay si Kuya Renan. Hindi naman ako kinontra ni Mico. Sinasakyan lang niya ako. Ewan kung nakahalata siyang mahal ko si Kuya Renan ngunit dahil sa matindi kong pangungulila kaya hindi ko mapigilang magsalita tungkol sa kanya.

Niyakap-yakap na lang ako ni Mico. Hanggang lasing na lasing na ako at naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng aming mga labi. At sa pagkakataong iyon, muling nangyari sa amin ni Mico ang bagay na iyon.

Kinabukasan ay masaya ako sa aking paggising. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Kuya Renan at ang sabi ay nakarating na sila ng Davao at maayos na sila roon. Binigyan din niya ako ng payo. “Siguraduhin mong mag-aral ka para maganda pa rin ang resulta ng test mo. Pagkatapos ng lahat ng tests ninyo at natapos mo na ang clearance, huwag ka nang maglalabas-labas pa para iwas disgrasya. Basta, antayin mo ako, kukunin kita riyan.” Ang text niya.

“Opo…” ang sagot ko.

Kaya sa araw na iyon ay ginanahan akong mag-aral.

Natuwa naman si Mico sa napansin niya sa akin. Kahit nasa loob lang kami ng bahay nila, halos tanggap ko na ito. Dahil magka-batch naman kami ni Mico, kaming dalawa ang nag-aral at tinutulungan ko rin siya sa kanyang pagre-review.

Tuwang-tuwa naman ang mga magulang niya na nakitang seryoso ang kanilang anak na sa pagrereview. ”O baka naman ma-perfect niya ang mga tests Bugoy at hindi na tuloy paniniwalaan ang resulta?” ang biro ng papa niya. Tawa lang ang aming isinukli ni Mico.

Kinabukasan, Lunes, masaya kaming pumasok ni Mico sa klase. Pareho kasi kaming handa. Siya naman, masaya na nakitang masaya na ako. Ako naman, masaya dahil palagi nang nagti-text na sa akin si Kuya Renan. Pagkatapos ng pagsusulit sa araw na iyon ay sabay rin kaming umuwi. Tila nabura na sa aking isip ang mga pangyayari tungkol kay Cathy, sa kasal niya, sa sa banta niya sa amin, sa mga hoodlums… Hindi ko na rin inalam pa ang nangyari sa kanya. Nang magtext muli si Kuya Renan, sinabi kong ok naman kami at wala na akong narinig pa tungkol kay Cathy at sa kanyang papa, o kung ano man ang kinahahantungan sa kasal na hindi niya sinipot.

Kinagabihan naman ay nag-review kaming muli, sa front lawn nila, sa gilid ng swimming pool. Ang saya-saya ko na. Pagkatapos naman ng aming review ay nagtungo kami sa kusina, nagpaturo akong magluto sa kanilang katulong. Gusto ko kasing magluto. Ang ganda kasi ng kanilang mga lutuan at mga gamit, pati na mga ingredietns ay kumpleto. Kumbaga, kahit anong klaseng pagkain ang gusto mong iluto ay puwede. Ang laki kaya ng kanilang refrigerator at freezer.

Nagpaturo akong gumawa ng cake. Sinabi lang sa akin ng katulong ang paraan at ako na ang gumawa noon. Nag-assist lang si Mico sa akin kung paano gamitin ang oven, saan nakalagay ang gamit... Nang natapos na, tuwang-tuwa ako sa aking nagawa. Sa buong buhay ko ay noon lang ako nakagawa ng cake. “Ang galing mo palang mag-bake!” ang sambit ni Mico na tuwang tuwa rin. Ang ginawa kong iyon ay ang siya naming miryenda sa kuwarto niya. “Bukas uli gusto kong matutong magluto ng ulam, iyong kare-kare.” ang sambit ko.

“Huwag mo naman masyadong galingan ang pagluto, Sir. Baka mawalan na ako ng trabaho niyan…” ang biro naman ng kanilang katulong na palabiro din.

So… bagamat malayo si Kuya Renan sa akin, tanggap ko ang aming kalagayan. Lalo na sa sinabi niyang kunin niya ako. Iyon ang aking inspirason at inasam-asam na mangyari. Excited ako na magkasama kaming muli.

Huling araw na iyon ng aming pagsusulit. Pauwi na kami ni Mico. Habang nag-drive si Mico sa kanyang pick up na service at napadaan sa lugar na medyo abandonado at walang katao-tao, biglang may humarang na itim na van sa aming harap. Nagulat ako, pati na si Mico na agad tinapakan ang break ng sasakyan. Nang nakahinto na kami, dali-daling nagsilabasan ang mga taong naka-bonnet at may dala-dalang malalakas na kalibre ng mga baril. NIlapitan nila an gaming sasakyan at pinabuksan ang pinto ng driver’s seat at ang pinto rin sa aking tagiliran. Nang nabuksan na, kinaladkad kaming pareho patungo sa loob ng van nila. Dahil mga armado, wala kaming nagawa kundi ang sumunod.

Nang nasa loob na kami ng van, piniringan nila ang aming mga mata. Sobrang lakas ng kalampag ng aking dibdib. Pati si Mico ay hindi rin makapalag. Pareho kaming natakot.

Sa loob ng van ay narinig naming ang kanilang pag-uusap. Puro mga lalaki at sa kanilang pag-uusap ay nalaman kong may nag-utos sa kanila na ipa-kidnap kami, pahirapan. Ipapatay daw ako ngunit si Mico ay ipa-tubos sa kanyang mga magulang upang magkapera sila.

“Itong isang maliit ay wala namang silbi kaya papatayin na lang natin. Ang alam ko ay wala na raw mga magulang ito, eh. Nakisawsaw lang daw ito sa eksena ng magsyotang magpakasal n asana. Kaya dapat ay todasin na lang ito. Ito namang isa, anak mayaman, kaya nasa kanya ang pera. Milyones din ito!” ang wika ng isang kidnapper.

Napaiyak na ako. “Ipapatay pala ako Mico… n-natatakot ako.” ang bulong ko kay Mico.

“Huwag kang matakot. Malalaman din ng papa ko ito. Tutulungan niya tayo. At huwag kang maingay para hindi nila tayo pagdiskitahan. Susunod na lang tayo sa kung ano mang gusto nila.”

Natahimik na lang ako. Tama naman siya. Baka saktan lang nila kami kapag nagsisigaw kami o lumalaban.

Marahil ay may mahigit isang oras ang nilakbay ng van bago kami huminto. Ramdam kong lubak-lubak ang daanan dahil sa paga-alog nito. Ramdam ko ring bulubundikin ang aming destinasyon gawa ng ilang beses na pag-akyat at pababa ang van at sigsag pa na dinaanan namin.

Nang tuluyan nang huminto ang van, kinaladkad nila kaming muli. Doon ay naramdaman kong itinali nila ang aming mga paa at kamay habang nakaupo kami sa dalawang silyang magkatalikod.

Nang tinanggal na ang piring n gaming mga mata, hindi ko na halos maaninag ang paligid gawa ng gabi na. Ngunit naaninag ko na nasa loob kami ng isang kubo. Namukhaan ko rin ang mga taong dumukot sa amin. Sila iyong nakita naming nagbantay sa terminal.

“Wala yata iyong kaibigan mo, Mico?” ang bulong k okay Mico.

“Wala nga eh…” ang sagot naman niyang pabulong din. “Kinakabahan na ako.” dagdag pa niya.

“Mamamatay na talaga tayo nito.” ang bulong ko uli na mas lalo pang natakot.

“Sino ang nag-utos sa inyo?” ang sigaw na tanong ni Mico sa kanila.

“Huwag mo silang sigawan ah! Baka patayin na nila ako!” ang bulong k okay miko na nainis na.

“Aba! matapang ang isang ito!” ang sambit naman ng isang kidnapper kay Mico sa kanyang pagsigaw sa kanila. “Importante pa ba iyan?” dugtong niya.

“Oo. Importante. Si Cathy ba at ang kanyang ama ang may pakana nito?”

“Ah! Alam mo? Kilala mo sila?”

“Oo, dahil kaibigan ko siya!”

Humalakhak naman ang mga kidnapper. “Kaibigan? Baka noon iyon. Ang sabi niya ay isali ka raw eh!”

“Magkano ba ang ibinayad nila sa inyo! Dodoblehin ng papa ko iyan!”

“Ah wala namang perahan dito. Nagkataon lang na matalik na kaibigan ng aming pinuno ang ama ni Cathy kaya heto, tinupad lang namin ang pangako namin sa kanya. Pero dahil mapera ang papa mo, ipatubos ka na lang namin. Pero iyan ay bago ka namin patayin. Kasi… alam mo na ang lahat eh. para malinis, dapat na dedo ka rin. Kailangan lang namin ang pera!”

“Magsisi kayo sa ginawa ninyong ito sa amin!” ang sagot uli ni Mico.

“Magsisi daw o!”

Humalakhak ang mga kidnappers.

“Mahuhuli sana kayo at makulong!” ang sigaw ko naman.

Doon na lumapit sa akin ang isa sa kanila. Pinagmasdan niya ang aking anyo at mukha. Hinaplos-haplos pa ang aking pisngi.

PIlit ko namang inilayo ang aking mukha sa kanya. Iyon bang nainis na nandidiri sa kanyang ginawa na halos lalamunin o lalamutakin na lang ako kung makatingin.

Maya-maya ay nagsalita siya. “Mga bossing, sariwa ito ah! Bata pa! At ang kutis at mukha, parang babae. Ito yata iyong mas pinili ng boyfriend noong babaeng ikakasal eh! Kahit naman sinong lalaki pala ay malilibugan dito!” ang sambit niya habang patuloy na hinaplos-haplos ang aking mukha. “Ang sarap nito mga bossing! Sayang naman kung madedo ito na hindi natin matikman! Syet, tinitigasan ako, tangina!”

“Gahasain na iyan!” ang sigaw ng isa.

“Simulan mo na!” ang sigaw pa ng isa.

At nakita ko na lang na silang lahat ay nagsimulang magsihubaran ng kanilang mga pantalon…

Tinanggalan nila ako ng tali at puwersahang hinubad ang aking pantaloon, itinulak paharap sa dingding na kubo.

“Huwaaaggggg pooooo! Maawa po kayo sa akin! Maawa po kayoooo!!!” ang sigaw ko. “Micooo! tulungan mo akooooooo!!! Micooooooo!!!”


(Itutuloy)

33 comments:

  1. DONE VOTING...


    Nice Story grabi intense ;)

    ReplyDelete
  2. hala... mga walang hiya... wawa nmn si Bugy if ever ma rape xa...

    done voting :)

    ReplyDelete
  3. first??hahah basa mode

    ReplyDelete
  4. Done voting boss Mike!

    ReplyDelete
  5. ayun....., salamat sir mike.., basa muna..., love you sir..!

    ReplyDelete
  6. First commenter ba ako????
    Cute ni BUGOY sa pic..bagay sila ni REynan

    ANyway mukha yatang sinusuwerte si Bugoy sa wakas makakatikim narin..hehehe

    ReplyDelete
  7. Oh em gee. I kennot! Matutuloy ba talaga ang rape scene kay Bugoy? Nooooo! Kaawa awang nilalang. At ano ba talaga? Kasabwat ba talaga si Mico? ARGH di ko na alam ang iisipin. I'll wait for the next chapter na lang.

    Yehey thanks sa update Kuya Mike! :D

    - Tim Tsui

    Ps. Kuya Mike di nyo po ako sinama sa list hahah

    ReplyDelete
  8. pano na..., wag nmn sana matuloy madedevirginize na si bugoy..., kasalanan to ni cathy...,

    ReplyDelete
  9. Anyways, done voting for the blog.

    Ang masasabi ko lang nangiggiil na ako sa linyang 'use your imagination'.

    Kaya nga po nagsusulat para po mabasa po yong' nasa utak niyo po. And that's why one is writing para ma express and to tell others what it is. A story can never be complete kung yong' ibang parts ay WALA. Gaano man ka r18 or what kapag wala or skinip lang is wala pa ren. Wholesome pa talaga eh. tskkk...

    This is a BL Category blog, for short boy's love. And it is always 'expected' to have some scenes such as that. Hello?

    It's not like I want to read hardcore stuffs all the way over. What I point out in this comment of mine is the completeness and the essence of parts in the story.

    The way they act, the way we know the characters more through their voices, reactions and how they do it.

    Just my two cents of opinion alright. Done voting for this blog since I enjoy a lot of stuffs here! /sighh... Reading such stuffs is really depressing when things are skipped and not explained. >.>

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1) Thank you for your vote. I appreciate it but if you cast your vote on the condition that I will follow what you want me to write, thanks but no thanks. This is the way I write and no one - not even a professional writer, can dictate how I will do my writing. It’s your call not to read it at all.

      Tungkol sa “boto” mo. I don’t know why you have to bring it up sa comment mo showing your disgust of this episode. Parang ipinamukha mo sa akin na you regret your vote dahil sa linyang hindi mo nagustuhan. Kapag happy ka sa kuwento, bring up the vote issue. It’s a way of reciprocating your happiness. Pero kapag “nangigigil ka (sa inis), don’t bring up the vote issue. It sounds like I’m having a debt of gratitude now because I did not cope up with your “standard”. Parang ipinamukha mo na lugi ka. It doesn’t sound fair. Now na natapos na ang boto mo, paano ko ito ibabalik sa iyo ito?

      Gusto ko ring i-klaro rito na I am open sa mga corrections and constructive criticisms ng reders like grammar, spelling, iyon maling details, na-appreciate natin iyan dahil ang mga iyan ay nakakapag-improve sa ating pagsusulat at presentation. Huwag lang iyong pagsabihan ka, le-lecturan na ganito dapat ang pagsusulat, dapat kumpleto, ipalabas ang nasa utak ng writer, iniskip lang ng writer…

      2) Nagsusulat para mabasa iyong nasa utak ng writer.
      My question is, "by whose rule" ba ito? Talaga bang dapat mabasa ng readers ang nasa utak ng writer? Have you ever heard of "cliffhangers" in writing? These (style of) writings are intended to spur the imagination of the readers. Writers don't necessarily write to spoon-feed lazy readers or fill readers' thirst for particular scenes because, first of all, there are readers want to use their imagination. These types of readers don't want to be spoon-fed, nor do they want the story to be too predictable. Secondly, for the sex scenes, there are appropriate blogs and writers who cater to these. MSOB, my blog, is NOT a porn blog. My writings delve more on the essence of real-life situations by which at times, sex is just a part but not the total package. I can even skip the sex part and the story is complete. Sex is not important in my story. I only show detailed sex scenes usually on first encounters. But in succeeding encounters, these are not necessary anymore because it would become monotonous, redundant. The same applies to all other types of scenes. Most readers are not focused on the sex part too. Some don't even care about it. There are those who messaged me that they don't like it. I only placed that "imagination" line to inject some jests. I just regret you are not getting it. I hope you’ll find your sense of humor.

      3) "A story can never be complete if yung ibang parts ay wala".
      Which part is missing again? The sex part? And yet you said, “it’s not like you want to read hardcore stuffs… the completeness and the essence of the story, the way they act, the way we know the characters through their voices, reactions…” so what do you think is missing? That “missing” part you mentioned is the sex part. You want to know how the characters act in the sex scenes, how they react and sound their “ungol”? That’s it? You are contradicting yourself. The story is COMPLETE except that detailed sex scene which I decided to skip because that is not necessary.

      4) This is a BL category blog. Well, maybe. But BL in my opinion does not necessarily mean to contain sex scenes. The baseline is what the “owner” of the blog wants its contents to be.

      Delete
    2. 5) From now on, I will never insert detailed sex scenes anymore sa "Kuya Renan". Kaya for those readers who are expecting sex scenes, you will be disappointed. “Just use your imagination” will be the tagline. For those who don’t like it, don’t read. I don't care kung may magbasa sa kuwento ko or wala. Hindi naman ako kumikita rito. Nagsulat ako dahil una, I love writing at pangalawa, dahil maraming followers na nag-abang na bumalik ako sa pagsusulat. Ngayong nandito na ako at bumalik na, dapat ay makuntento ka na narito na ako. Hayaan mo na lang akong magsulat. Kung sa tingin mo ay mas magaling ka, magsulat ka na rin para mas masaya tayong lahat, mas maraming babasahin ang mga MSOB followers. Iyan ay kung MSOB follower ka nga.

      Nalulungkot lang talaga ako na binanggit mo pa iyong boto mo na iyan sa comment mong pagkadismaya sa episode na ito. I valued those votes so much kaya ako nagsulat para sa mga readers. Kaso, nagmukha pala akong may utang na loob sa iyo. Libre na nga ang magbasa, ako pa pala na writer ang magbabayad. Nakakahiya.

      Tsk tsk na lang. Binilisan ko na nga ang paga-update nito sa kabila ng trabaho ko, sa kabila ng iniinda ko para lang mapasaya ang mga readers, ako pa pala itong may pagkukulang.

      Haisttt na lang...

      Delete
    3. PS. I urged readers to write "Done" voting on the presumption that they are "happy" with my story. It's a way of reciprocating my effort and to make me happy and encouraged in return. BUT... to bring it up when you said this episode is "depressing" is for me, a plain sarcasm.

      Delete
    4. Well, well. I never expected it’ll turn out to be like this but I shall leave some things as it is. First, I would like to clarify some stuffs and just to tell you that you misunderstood a lot of stuffs here do I? I’m not that shameful anyways to turn the tides against the blog owner, alright!

      As far as I know about the voting stuff system (probably read along the lines last night), I voted for the ‘blog’ and if you interpreted my words as being ‘disgusted’ about this chapter then go ahead feel free to do so because I’m clearly NOT. And excuse me for being rude from here onwards okay but seriously? I don’t need you to cope with ‘such’ standards just to satisfy ‘such self’ which is ‘me’ because I do not need it. To be clear I’m going to stop reading after chapter 10, since that is ‘your’ desire and I’m fed up with some hypocrisy do I? I know that you write to solely express your ideas and stuffs and to think you’re too low to say that writers don’t ‘need’ to spoon-feed ‘lazy’ readers. Hahaha! I guess you’re right in some ‘point’ but how badly I want to shove you some Literature lessons. Too bad I’m not too low to do that and you as the blog owner of course I clearly don’t have the rights do I? Oh please, if you think that spoon-feeding information in ‘such’ stuffs are clearly for lazy readers you mean lazy writers that thinks that such ‘scenes’ in their works already reached the point to excite the readers to profoundly use their so called ‘imagination’ oh please! I think sir, you need to conduct some reviews about what is really the whole point of a true literature but I’m pretty sure after reading this, I already have a mind on what will you say! It’s not my fault if you won’t accept such opinion or you’re too dense not to think about the way it was expressed but I won’t apologize for ‘such’ stuffs because clearly it is regarded as comment and second if you think I’m lecturing you in that comment then feel free to think so because it is clearly not. And about the word I just stated above ‘hypocrisy’, oh yes… you said you only have detailed explicit contents in your in story in the beginning but oh please? You the writer of the story itself clearly knows that there is no such thing as detailed bed scene since the beginning and I ‘was’ growing frantic each episode because of the ‘use your powerful IMAGINATION’ and if you’ll say that the bed scene you want to refer is the masturbation part. Oh wow… nice bed SCENE YOU GOT THERE SIR! Sex scenes as CLIFFHANGERS? Oh god… if you read one of the classic short stories made by a famous Filipina writer titled the Transparent Sun then that is the best example of what is really to use your ‘imagination’ to excite the readers of what really happened in the end. And such cheap statement of yours which has a lot of holes clearly disappoints me. I think you’re already wise enough to see that I don’t intend to reply every of your statement even though it’s ridiculous to the point of me replying. “Some pm me because they don’t like it” great. I thought you don’t like others telling what you want to express? Sheesh! And to think you’ll see that as a humor.

      Delete
    5. I know you have your own rules in the story (blog) and you clearly want to skip the sex scenes because you yourself find it irrelevant. Oh well why not? I used the comment the section after all to voice out my depression regarding skipping parts. If I mean I’m depressed, I AM. Depressed on how people think it is not necessary not to include that tsss. Too bad, too bad. Can others really think what is beyond of such thinking? Probably NO! Remember this is a gay story! Freaking sheesh, there was not even ‘one’ of those in the beginning. Oh yes you’re right! That’s why it’s my freaking opinion. Okay I’ll stop. Fine you win because I know you’re a good person. I’m too tired to think about this anyways. Hard to explain. Anyways, don’t worry. If you think I did not enjoy your work sir then do you think I’ll care to even comment about the story itself if I don’t like it? Also, don’t worry it’s not too bad to lose one of your readers. Thank you for making such ‘wonderful’ story.
      I’ll just put this here about the essence of knowing the characters. “To have a clear impression of what is really a character, it is always better to reveal the ‘dark side’ to know such essence.” Really really… so much disappointments of your reaction. If you think you owe me, then please stop that because you clearly do not because of a single vote. Who am I to negate the rules of such blog of the ‘owner’ himself? Oh btw, I ‘clearly’ love writing stuffs and I think that is more than enough to explain why I voice out stuffs. (I will not bother to reply AFTER THIS.)

      Again I repeat, I voted solely for the blog because why not? I read a lot of amazing works here that can only be ‘read’ here I guess. You can think what you want to think about the comment because feel free to do so because I don’t regret it and lastly, I’m TOTALLY getting it.

      Delete
  10. Bad nmn yang cathy na yan.
    Si cathy dpat ang papilahan imbes n c bugoy

    ReplyDelete
  11. kawawa nmn c bugoy... 😒😒😒

    ReplyDelete
  12. nakakainis, bakit may kidnapan pang nangyari. isang masamang panaginip lang sana ito ni bugoy.

    bharu

    ReplyDelete
  13. Regarding sa Pic. Parang mas bagay si renan as bugoy (mukhang bata in this pic) , bugoy as mico (looks about the same age pero mas masculine), then mico as renan (looks older than both)

    ReplyDelete
  14. Awww... Nabitin na namn ako!! Pero okay lang!! Ang galing nung kwento!!! Dahil dyan mag vovote na ako, pero mga after 2 weeks ko na to babalikan para di ako mabitin!! Thanks po sa gumawa !! Di man masyadong pambata ang kwento ngunit marami paring aral ang makukuha!!! Thank you thank you!! Pangalawa pa lang to sa mga sinubaybayan ko talaga!! Pang una yung "paraffle ng pagibig" sunod to!! Promise ang ganda talaga ng story!!! Thank you po sa gumawa!!! :)

    ReplyDelete
  15. Voted na po...

    Nakakaabang ang next chapter. ano kaya mangyayari kay bugoy?...

    ReplyDelete
  16. Grabe wawa naman si bugoy Ilang mga barako ang gagahasa sa kanya ampapangit pa naman mukang hoodlum daw... pero ganyan ka pala bugoy ahhh ganda haba ng hair.. hahaha ang ganda ganda talaga nito love love ko po talaga ito muuuaaah muuuaaah KEEP IT UP sir mike Update na po ulit hihi excited lng po hahaha

    ReplyDelete
  17. Haguy! Ano na mangyayari kina bugoy at mico? Ma-gang rape ba si bugoy? Kawawa naman!

    ReplyDelete
  18. Sana may pumigil sa panghahalay n gagawin k Bugoy, kawawa nmn sya kpg natuloy yon..

    AND tungkol sa pag-aalis mo sir Mike sa mga sex scenes please wag nmn po, haha. Sex scenes, kilig moments and funny convo po kasi ang nagpapabuhay sa dugo ng mga kagaya kong reader's or kung pwede po PM or email approach po ulit gaya nang dati yun po eh kung pwede lang. Pero kahit ano po ang magiging desisyon nyo eh, asahan nyo pong isa pa rn ako sa mga solid MSOB fan nyo :)

    Salamat po sa maagang update. Sana sir Mike wag po kayong maagang mg retire sa pagsusulat ,hahaha ;)

    GODBLESS PO.

    ReplyDelete
  19. just done voting frend! hope umabot sya. mahina kc signal d2.

    ReplyDelete
  20. Kuya salamat sa update... nasa readers na po yan kuya.. di nila gusto d umalis at wag basahin.

    ReplyDelete
  21. next na po ! Cant wait kung pano nila gahasain si Bugoy hahaha xD .. lol hehe..Oh Mico tulungan mo daw si Bugoy.. tig tatlo daw kayong kidnapper.. lol .. Goodluck po sa resulta ng Boto idol! :D

    #Ernz

    ReplyDelete
  22. bruha at malanding Cathy yan! ma-Cathy talaga!

    ReplyDelete
  23. Ayan wla pang update sa chapter 10.maraming ngaabang sir Mike...

    ReplyDelete
  24. Wow.after ng gapangin mo ko saktan mo ko..may bago nnaman akong inaabangang basahin at antayin kong kelan ulit ang update..nice story nakka relate sa ibang eksena..hahaha

    ReplyDelete
  25. Oh my Bugoy ! Kawawa naman pag nangyari yun.. :'(. Anyway, galing nyo talaga sir Mike .. Wala talagang kupas .. Mula noon hanggang ngayun .. Grabe ..yun bang gagana talaga ang utak mo sa kakaisip sa mga nangyayari sa mga tauhan sa bawat eksena .. 2 thumbs up 👍👍

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails