Followers

Monday, November 2, 2015

Love, Stranger (Chapter 14 - BOOK 1 ENDING)

AUTHOR'S NOTE:
Una, gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kwentong ito. Pasensya na at na-delay ang mga updates ko, biglang nagbago ang schedule ko and things got out of hand. Pero kahit ganoon ay nandyan pa rin kayo at naghihinay para mabasa ito. Maraming salamat!

Gusto kong batiin ang mga sumusunod na masugid na sumubaybay ng kwento, ang ilan dito ay mga readers ko since LMLIA days na hanggang ngayon ay nandyan pa rin at patuloy na nagbabasa. Maraming salamat po!

  • Mark Lores
  • Ethan Santos
  • Ruel Solis
  • Leigh Borbon
  • Roj
  • Кевин Кинг
  • Mars Aguila 
  • Jharz Elemento
  • John Paluyo
  • Jared Earl Cruz (familiar name... hmmm... hehe.)
  • Jerome So
  • Ecnerwal Nek Kram
  • Eli De Ocampo
  • Zefyr
  • AZ
  • Hardname
  • LSDee


(May nalimutan ba ako? Kung mayroon ay pasensya na po, pa-add na lang ako sa FB para mabati ko po kayo at mapasalamatan.) ^_^

May message po ako pagkatapos ng "Itutuloy". Hindi pa po tapos ang story ni Ray at Rome. Sana po ay subaybayan niyo pa rin ang kasunod na libro.

MULI MARAMING SALAMAT! ^_^


MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

======================================================
BY: White_Pal







CHAPTER FOURTEEN
ROME:

Nakaupo ako sa carpet ng madilim kong kwarto. Tumutusok sa balat ko ang napakalamig na buga ng aircon. Nakatingin man ako sa kawalan ay nakaukit pa rin sa aking isip ang lumuluha mong mukha. Bumigat ang dibdib ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na likido mula sa aking mata.
“Lalaki ako... Malinaw sa akin iyan, pero bakit ganito nararamdaman ko sa iyo Ray? Bakit ako nasasaktan? Bakit para akong dinudurog noong nakita ko ang iyong pag-iyak? Bakit sa tuwing iniisip ko na lalaki ako at hindi tayo pwede ay para bang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko? Ang hirap Ray... Ang sakit...”
Tinahak ng mata ko ang aking kama. Naalala ko ang mukha mong natutulog noong isang gabi, naalala ko ang pagyakap ko sa iyo, ganoon din ang mainit mong braso na bumalot sa katawan ko.
Napansin kong mahigpit na nakayakap ang mga braso ko sa aking katawan. Pumikit ako. Inisip ko na ikaw ang yumayakap sa akin. Napangiti ako. Napakasarap. Napakainit. Pakiramdam ko’y biglang nakumpleto ang pagkataong kong winasak ng dati kong iniibig, ito ang totoo kong naramdaman noong yinakap mo ako sa karaoke house. Mahina akong napaiyak. Na-miss na kita agad. Na-mimiss na kita ng sobra Ray.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal akong umiiyak. Tinaas ko ang aking ulo, tinuon ko ang mga mata ko sa paa ng kulay puting king-sized bed. Madilim man ay naaninag ko ang isang puting sachet. Dahan-dahan akong gumapang papunta rito. Pagkahawak ko rito’y napansin kong may katabi itong isang kulay itim na sachet. Bubuksan ko na sana ito nang marinig ko ang isang doorbell.
Lumiwanag ang aking pakiramdam. Naalala ko ang sulat na inipit ko sa iyong bag habang yakap-yakap kita sa Lake Ashi. Bumalik ka Ray!
Mabilis akong tumayo at dumiretso sa pinutang brown na gawa sa mahogany. Hindi na ako nag-ayos, wala akong pakielam sa itsura ko. Binuksan ko ang pinto.

***

RAY:
“Infairness Ray, ang gwapo na niya. Hindi mo talaga makikilala ang taong iyon ngayon. Ang layo ng itsura niya compare noong kasama mo siya sa Beijing, baka nga nakasalubong mo na ‘dyan sa Tokyo eh tapos hindi mo nakilala.” Sambit ni Kim habang ka-chat ko siya sa messenger.
“Pauwi na ako at papasok ng aircraft kaya siguradong hindi ko na makikita ang taong iyon.” Sabi ko sabay hakbang papasok ng eroplano, dumiretso ako sa ikalawang palapag ng aircraft, ito ang business class. “Sige na mamaya na lang tayo mag-usap pagdating ko ng pinas, wala talaga ako sa mood kahapon pa.”
“Sabi ko naman kasi sa iyo mag-ingat ka sa taong hindi mo kilala.” Tukoy niya kay Rome.
“Oo na, stop blaming me. Sige na bye. I want to rest, wala pa akong tulog since kagabi.” Sabi ko sabay upo sa malambot at malapad na upuan. Agad ko ring pinatay ang wifi sa aking cellphone, hindi ko na hinintay pa ang kanyang reply. Binuksan ko ang aking bag at basta na lang hinulog sa loob ang aking cellphone, hindi ko na tiningnan ito. Sinarado ko ang zipper ng aking bag.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Umuulan at mahangin sa labas, parang nakikiisa sa aking nararamdaman. Muling lumitaw sa aking utak ang kanyang mukha. Nagbitiw ako ng isang buntong hininga. Pumikit ako. Inalala ko ang masasayang sandali namin dito sa Japan. Simula noong makilala ko five days ago, ang mga banatan namin ng jokes, ang mga paglamon namin, ang batuhan ng mumo ng biscuit, ang maingay na tawanan at daldalan sa loob ng bus na parang amin ang mundo.
Napadilat ako. Bigla akong kinilabutan.
“Pamilyar ito ah.” Sambit ko. “It happened before. That guy in Beijing six years ago, naulit iyon ngayon sa amin ni Rome.” Muli kong sabi.
Paulit-ulit na nag-play sa aking utak ang mga nangyari sa amin ni Rome. Pero mas nabigyang diing pansin ang batuhan namin ng mumo ng tinapay, ang mga asaran, at ingay namin sa bus na parang kami lang ang tao sa loob noon. It’s the same scenario, but different person. Pilit kong inalala sa aking utak ang mukha at pangalan ng lalaking iyon na aking kinalimutan sa mahabang panahon. Hindi ko na magawa.
Hindi ako mapakali. Bigla kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlamig ako. Kinilabutan. Bakit naulit ito? Bakit parehas na parehas? Para akong mababaliw kakaisip.
Dahil sa pagka-paranoid ay mabilis kong binuksan ang body bag na nakasabit sa aking katawan, kailangan kong makausap si Kim. For the first time in six years, gusto ko makita ang mukha ng stranger na iyon, gusto ko malaman ang buong pangalan niya at itsura niya ngayon.
“Sana hindi siya ang lalaking iyon, ang lalaking nanakit sa akin ng sobra-sobra. Sana hindi siya yung lalaking akala ko tunay na tao na kayang tumanggap sa isang kagaya ko, lalaking inakala kong may paninindigan at hindi ako itatakwil kailan man.” Sigaw ko sa utak ko.
Binuklat ko ang aking bag, katabi ng aking cellphone ay nakita ko ang isang puting envelope dito. Hindi ko nabuksan ang aking bag since kahapon ng tanghali. Kinuha ko ang envelope at may nakita akong nakasulat dito.
“To: Ray” Nakalagay dito.
Agad kong binuksan ang envelope.


DEAR STRANGER,
          Hindi ko alam kung papaano ito uumpisahan. Pag nabasa mo ito, it means I failed to do what I have to do mamaya sa Mount Fuji or sa Lake Ashi, ewan bahala na kung saan. Maaaring kamuhian mo ako pag nalaman mo ang nilalaman nito. But I’m willing to take a risk.
          This morning, pagkagising ko’y agad bumungad sa akin ang natutulog mong mukha, nakayakap ka sa akin at ganoon din ako. Tinitigan kita, I saw an innocent boy longing for love. I saw a guy na nasaktan ng isang tao noon. I saw someone na karapatdapat alagaan at hindi pagsinungalingan. Naisip ko na napaka-unfair ko sa iyo kung hindi ko aaminin kung sino ako. Ngayon pa lang, I want to say sorry. Sorry kung hindi ako nagpakilala sa iyo, sorry kasi sa sulat na ito ko lang kayang gawin iyon. Noong una ay wala akong balak gawin ito, pero habang tumatagal ay unti-unting gumaan ang loob ko sa iyo, and I realized that I want you to be part of my life. Pero takot akong magpakilala dahil sa nagawa kong kasalanan sa iyo noon. Yes I’m a coward, kagaya ng nagawa ko sa iyo noong tinakwil kita sa harap ng ibang tao. Natakot ako noon na mawala ang girlfriend ko sa akin, si Gel. Believe me Ray, gusto kitang ipagtanggol noon, pero pinapili niya ako, ikaw na kaibigan ko na nakilala ko sa Beijing o siya na pangarap ko noon. I want to save you from humiliation but I can’t do that kung mawawala ang taong pangarap ko. So I have to choose, at kagaya ng ibang taong nagmamahal, pinili ko siya.
          Ray, I’m sorry. I’m really really sorry. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng mga nagawa ko. I don’t want us to be stranger anymore, because I want you to be part of my life. Nabanggit mong bukas ng umaga ang flight mo. Kung aalis ka, alam ko na ang sagot at tatanggapin ko iyon. Pero kung kakatok ka sa kwarto ko bukas ng umaga ang ibig sabihin noon ay handa mo akong bigyan ng isa pang pagkakataon para maging totoong kaibigan mo, no longer as a stranger pero bilang ako.
          Alam kong iisipin mo na naman na niloko kita at pinaglaruan. Pero maniwala ka, special ka sa akin Ray. And I really want you to be part of my life.
LOVE, JEROME

***
ROME:
Nawala ang ang sigla ko nang hindi kita makita. Muling bumigat ang pakiramdam ko. Nakita ko ang isang hotel staff. Binati ako nito at inabot ang isang sulat.
Pagkakuha ko sa sulat ay sinarado ko ang pinto at dumiretso sa desk. Binuksan ko ang isang lamp. Nagkaroon ng mahinang liwanag ang kwarto. Pinatong ko sa desk ang dalawang sachet na nakuha ko sa lapag. Tinuon ng mga mata ko ang sulat, may nakalagay dito.
“Love, Stranger”
Binuksan ko ito.


DEAR STRANGER,
          Sa oras na binabasa mo ito ay wala na ako dito sa Japan. Una, gusto ko magpasalamat dahil sa maiksing panahon na kasama kita ay naging masaya ako, kahit hindi mo na-appreciate ang lahat ng ginawa ko para sa iyo ay nagpapasalamat pa rin ako. Alam kong sasabihin mo na special ako sa iyo, na na-appreciate mo lahat, na sa maiksing panahon ay naging masaya ka rin kasama ako, pero Rome hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maniniwala pa ako doon eh. Kasi napakasakit ng nangyari sa akin.
          Oo kasalanan ko kasi isa akong tanga na umasa na kaya mong mahalin ang isang kagaya ko. Isa akong tanga na binigyan ng ibang meaning ang mga sweet gesture mo sa akin na para sa iyo’y wala lang pala iyon. Isa akong gagong desperado sa pagmamahal na buong akala ko’y ikaw ang magbibigay sa akin ng bagay na inaasam ko. Kasalanan ko, at aakuhin ko ito.
          Alam mo ba? Ikaw lang naging ganito sa akin eh, kaya akong tanga umasa. Kaya akong gago, umasa na pwede tayo. Masakit sa akin na layuan ka Rome, because even if you’re a Stranger ay tinuring kitang matalik na kaibigan. Sa iyo ko lang naramdaman ang mga bagay na hindi ko naramdaman noon sa ibang tao. Maniwala ka man sa hindi, kagabi at some point gusto kong ring i-retain ang pagkakaibigan natin dahil mahalaga ka sa akin pero noong tumingin ako sa salamin, putangina awang-awa ako sa sarili ko, how can I be friends with someone na dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? How can I be friends with someone na dumurog ng puso ko? Nasaan ang pride ko? Gusto ko Rome, pero hindi na pwede.
          Sana, kalimutan na natin kung ano man ang nangyari dito sa Japan. If ever you saw me again, just pretend that I don’t exist, kasi ganoon din ang gagawin ko sa iyo. Mahal kita Rome. Pero hanggang dito na lang siguro ang lahat pati ang pagkakaibigan natin. I want to forget this vacation. I want to forget my feelings for you. I want to forget na may isang kagaya mong nag-eexist sa mundong ito.
          Goodbye Rome. I wish you all the best in life. Sana ay mahanap mo na ang taong totoong magpapasaya sa iyo.
LOVE, STRANGER


Napansin kong basang-basa ng luha ang aking mukha. Napakabigat ng dibdib ko. Mahina akong umiyak. Yinakap ko ang sulat mo.
“I’m sorry Ray. I’m sorry.” Pagsisigaw ko, kahit alam kong hindi mo ako naririnig.
Dahil sa nabasa ko’y nawalan na ako ng pag-asang darating ka sa kwarto ko. Gustuhin man kitang habulin ay hindi na pwede dahil sa oras na ito’y lumipad na ang eroplanong sinasakyan mo. Ngayon ko naramdaman ang pangungulila sa iyo. Ang sakit na mula sa puso ko’y unti-unting gumapang sa buong katawan ko. Napakasakit. Parang lahat ng parte ng katawan ko’y ikaw ang hinahanap. Lahat ng parte ng katawan ko’y pangalan mo ang tinatawag. Isang malakas na hagulgol ang aking pinakawalan.
Binagsak ko ang aking ulo sa desk. Patuloy ang walang hanggang sakit at daloy ng aking luha. Sa pangalawang pagkakataon ay binigo kita. Ikaw na nagtiwala sa akin, ikaw na nagpahalaga sa akin, ikaw na taong nagmahal sa akin.
Malabo man at nababalot ng luha ang aking paningin ay nakita ko ang dalawang sachet na nakuha ko sa paanan ng aking kama.
Dahan-dahan kong inabot ang puting sachet. Binuksan ko ito. Nakita ko ang isang bilugang ray-ban shades. Naalala kong lagi itong nakaipit sa iyong damit. Tinitigan ko ito. Yinakap. Hinalikan. Pumikit ako.
Isang ala-ala ang pumasok sa aking utak. Limang araw nakaraan, pagkarating ko ng Japan sa baggage carousel area ng Narita Airport, may lalaking naka-blue polo na may nakaipit na ray-band shades. Nabagsakan ng aking maleta ang kanyang paa na noo’y nakasuot ng brown leather boots. Humingi ako ng paumanhin ngunit dahil sa hiya ay hindi ko nagawang tingnan ang lalaki. Pagkatapos noon ay dumiretso akong CR habang hinihila ang aking maleta. Paglabas ng CR ay nabangga ko ang isang lalaki, nahulog ang ray-ban shades niya at nagmadali itong pinulot at pumasok ng CR.
Natigilan ako sa pag-iyak. Kinilabutan. Naisip kong baka ikaw ang lalaking iyon Ray. Muling pumasok sa aking utak ang sinabi mong nakita mo ako noong gabing iyon sa Shibuya sa tapat ni statue ni Hachiko.
“Weird.” Sambit ko.
Pumasok sa aking utak ang masaya mong mukha. Muli kong naalala ang panahong magkasama tayo dito sa Japan. Mabigat man ang pakiramdam ko’y napangiti ako. Naalala ko rin ang sulat na pasimple kong pinasok sa loob ng iyong bag habang yakap-yakap kita kahapon sa Lake Ashi.
“Malamang sa oras na ito’y kilala mo na kung sino ako. Malamang din ay kinamumuhian mo na ako ngayon.”
Muling dumaloy ang aking luha.
“I’m sorry.” Pautal-utal kong sabi.
Muli kong binagsak ang aking ulo sa desk. Ang braso ko’y bumagsak sa kabilang parte ng desk, nahawakan ng kamay ko ang isang tela. Inangat ko ang aking ulo, nakita ko ang isang itim na sachet. Binuksan ko ito.
Bumungad sa akin ang isang emerald Bracelet. Ito marahil ang laman ng sachet na tinanong ko sa iyo noon sa disneyland. Ito yung bracelet na sinasabi mong ibibigay mo sa isang taong special sa iyo. Tinitigan kong mabuti ang Bracelet, nakita kong may naka-engrave na永 o ei. Nasabi mo noon sa isang kwentuhan natin na ang meaning nito ay eternity.
Naalala ko ang haplos mo. Naalala ko ang mga yakap mo. Naalala ko ang halik na ating pinagsaluhan. Naalala ko kung papaano mo tingnan ang aking mga mata. Naalala ko lahat-lahat pati ang mga naramdaman ko noong kasama kita pati sa tuwing iniisip kita.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Napangiti ako.
Naalala ko ang mga nangyari sa atin noon sa Beijing six years ago. Lahat ng nangyari noon ay totoo, naging masaya ako kasama ka. At ngayon na nakasama kita sa Japan ay masmasaya ako dahil mas nakilala kita at kung anong klaseng tao ka.
Para tayong pinaglaruan ng tadhana. Noon pa man, kapalaran na ang humusga na makasama kita sa Beijing. Kapalaran din ang muling naglapit sa atin, unang tuntong pa lang natin sa Japan ay pinaglalapit na tayo. Nasa isang tour din tayo. Hindi ko rin sinasadyang maupo sa tabi mo noon dahil upuan mo na lang ang tanging bakante ng oras na iyon. At itong bracelet na dapat ay ibibigay mo sa taong mahal mo, pagkakataon na ang gumawa ng paraan para mapunta ito sa akin. It’s like the universe is telling me to be with you. Kahit anong pigil ko, kahit anong deny at panloloko ko sa sarili ko, alam ko... deep inside noon pa man... alam ko na mahal kita Ray.
Pumikit ako. Naisip ko ang lahat-lahat.
“Ang laki mong tanga Rome. Dahil lang sa pagiging lalaki mo ay binitiwan mo ang isang kagaya niya! Dahil sa pride mo bilang isang lalaki ay hinayaan mong mawala ang taong magpapasaya sa iyo! Sinaktan mo siya dahil hindi mo matanggap na nagmahal ka sa isang lalaki. Ang selfish mo! Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa sarili mo! Ang tanga mo!” sigaw ko sabay suntok ng kamao ko sa desk. Masakit ang pagbagsak nito, ngunit hindi ito maikukumpara sa tindi ng sakit sa puso ko.
Dumilat ako. Madiin kong kinulong sa aking palad ang bracelet na dapat sana’y ibibigay mo sa akin. Hinalikan ko ito. Binulong ko ang isang pangako. Pumikit ako. Naramdaman ko ang mainit na sinag ng araw mula sa bintana. Nagbigay ito ng pag-asa.
“Hindi ko alam kung anong naghihintay para sa atin, pero pinapangako ko, hahanapin kita. At pag nakita kita, you will no longer see a stranger. Ipapakita ko sa iyo ang totoong ako, ang totoong nararamdaman ko. Because I want you to be with you, I want you stay in my life... for good. Hindi ko alam kung papaano, pero sana sapat na ang pagmamahal ko sa iyo para mangyari iyon. I love you Ray.”

***

RAY:
“Love, Jerome.” nanginginig kong basa na nakalagay sa sulat niya. Pumatak ang luha ko.
Nagdilim ang paningin ko. Nanginig ang buong kalamnan ko. Wala akong ibang naramdaman kundi galit at sama ng loob. Gusto kong sumigaw, gusto kong isumpa ang lalaking iyon. Sa pangalawang pagkakataon ay linoko niya ako. Pakiramdam ko’y pinagtripan niya ako. Pakiramda ko’y pinaglaruan niya ako. Siguro ay tuwang-tuwa siya kasi successful siya sa lahat ng ginawa niya sa akin.
“Masaya ka na? Masaya ka nang nasasaktan ako? Panalo ka na naman Jerome, naisahan mo na naman ako, napaikot at napaibig mo na naman ako. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa iyo para ganituhin mo ako nang paulit-ulit.” Pabulong at gigil na gigil kong sabi habang madiin kong linulukot ang sulat niya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Binuga ko ang isang mainit na hangin.
“This is the last time na mangyayari ito Jerome.” Sumpa ko. Pinahid ko ang aking luha.
Napansin ko na lang na umaandar na ang sinasakyan kong eroplano. Pumikit ako. Gusto kong iwanan lahat ng sama ng loob dito sa Japan. Gusto kong kalimutan ang lahat, kasama na ang nararamdaman ko.
Dumilat ako. Nakatingin ako sa kawalan. Namanhid ang buong katawan ko kasama ang puso ko. Wala akong maramdaman. Para akong patay na humihinga. Tumingin ako sa labas ng bintana, nakita ko ang sunrise. Hindi ko magawang ma-appreciate ang ganda nito.
Nakita ko ang mukha niya sa likod ni Haring araw. Pumatak ang luha ko, ngunit wala na akong maramdaman.
“I just knew you by name, or so I thought. But you'll always be the Stranger. The Stranger that I can never have. The Stranger from my crazy dream. The Stranger that I must forget.”


ITUTULOY...



=====================================================






5 comments:

  1. One of the best story... I feel great aftr reading this, grbe ang pgkakagawa, superb!

    Sir author u dont even move me, i see them moving and loving each other despite of their differences..

    Im luking forward for the nxt book..
    Kudos sir author!

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po! Looking forward po ako sa comment niyo sa November 16, 2015. Medyo matagal pa pero sana mahintay niyo ang pagbabalik ni Ray at Rome sa araw na iyon. :-)

      Delete
  2. MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT PAGSUBAYBAY. HINDI PA PO TAYO TAPOS MAY BOOK 2 PA! ^_^

    ALL COMMENTS ARE WELCOME AND APPRECIATED. WAG LANG PO BASTOS. SALAMAT.

    Eto po ang link ng Q&A regarding sa "Love, Stranger" at sa Book Two nito na "Dear Stranger". Sana po ay masagot nito ang ilan sa mga katanungan niyo. :-)

    https://www.wattpad.com/181062400-love-stranger-q%26a-talk-about-book-2-and-message-to

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng kwento. Medyo nabilisan lang ako sa phasing ng bawat chapter, pero sulit ang pagbasa

    -cent

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails