Next Chapter po ang mga gusto kong sabihin. Medyo nagmamadali na po ako. Enjoy reading!
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER TWO
ROME:
Nagising ako sa isang ingay.
“Ano iyon? Parang barena.” Sigaw ko sa isip ko.
Sumalubong sa aking diwa ang napakalamig na temperatura. Dumilat ako, madilim ang loob ng aircraft at tanging dilaw na dim-lights lang ang liwanag na aking nakikita. Muli kong narinig ang ingay na parang barena. Takte hilik pala iyon at napakalakas, nanggagaling ito sa upuan sa harap ko.
“Parang may kilala akong hilik na ganito kaingay ah.” Isip-isip ko. Naalala na naman kita Ray.
Naghikab ako, inaantok pa ako. Pumikit ako at sinubukang ituloy ang pagtulog ngunit masyado talagang maingay ang hilik ng tao sa aking harapan. Dahil dito’y sinipa ko ng malakas ang upuan sa harap ko. Tumigil ang maingay niyang bunganga. Narinig ko ang pagtanggal niya ng safety belt. Nagising ata siya! Pigil tawa kong sinuklob ang gray na hood sa ulo ko. Baka lumingon siya at makita ako, ayoko ng gulo. Oras na para ituloy ang naudlot kong tulog.
RAY:
Nagising ako dahil may hinayupak na sumipa sa likuran.
“Tae naman natutulog yung tao eh.” Sigaw ko sa isip ko.
Agad kong tinanggal ang safety belt sa aking katawan at lumingon sa likod. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki, hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng kulay gray na hood. Napansin kong may suot siyang silver na relo at nakaipit na bilugang ray-ban shades sa puting long-sleeve ata iyon.
Napansin ko ang pagalaw ng balikat at braso niya na para bang tumatawa. Siguro ay tuwang-tuwa siya sa ginawa niyang kalokohan. “Tulug-tulugan pa ang hayup.” Pabulong kong sabi.
Nakakagigil, gusto kong sipain ang taong ito. Seconds after, ngumiti ako, isang maitim na balak ang naisip ko. Bumunot ako ng biscuit sa aking bag, nabili ko ito sa loob ng airport bago pumasok ng eroplano. Dinurog ko ito sa aking kamay at pagkatapos ay pinagpag ang lahat ng mumo ng biscuit sa lalaking sumipa sa upuan ko. Kasama kong tinapon ang wrapper sa harap niya. Mahina akong humalakhak na parang isang kontrabida sa pelikula.
***
ROME:
“Gago ka kung sino ka man!” sabi ko sabay tapon sa wrapper sa bilugang trash can. Agad kong hinila ang maleta ko palabas ng arrival area ng airport. Badtrip. Nahirapan akong tanggalin ang mga mumo na naka-kapit sa damit ko.
“Malamang yung sinipa ko sa harap ko na napakalakas humilik ang may gawa nito!” naiiritang sigaw ng utak ko. Amoy biscuit na ako. Hindi ko naman pwedeng hubarin ang jacket na suot ko dahil winter dito sa Japan. Baka hindi lang katawan mangisay sa akin pati itlog ko. Tsk.
Lumabas ako ng airport. Malamig ang simoy ng hangin. Napakaaliwalas. Napakaganda ng salubong sa akin ng Japan. Ang gaan sa pakiramdam. I hope this is a good sign na maganda ang mangyayari rito.
Nasa ganoon akong paglalakad nang mapansin ko ang isang board na nakasulat ang pangalan ko. Isang lalaking naka-formal attire ang may hawak nito, ito siguro ang hotel staff na susundo sa akin.
RAY:
Nagtama ang aming mga mata. Pinindot ko ang end-call. Ngumiti siya, gumanti ako. Naglakad ako palabas ng airport, sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng Japan. It feels good to be back to my second home.
“How’s your flight?” sabay tapik sa akin.
“Ayun hindi ako nakatulog ng maayos. Bwisit kasi may sumipa sa akin habang natutulog ako.” Sabi ko sabay cross-arm.
“Baka naman kasi naingayan sa hilik mo.” Medyo slang nitong sabi. Laki kasi siyang america.
“Bakit? Lahat naman ng tao siguro humihilik pagpagod.”
“Kahit naman hindi ka pagod malakas kang humilik.” Sabay smile, ang ngiting ito ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa kanya. Paano, lalo siyang gumugwapo. Para siyang artista.
“Whatever.” Sabay irap at tingin sa malayo.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, gumapang ang kakaibang kilabot sa buong pagkatao ko. Seryoso ba ang nakita ko? Nandito siya!? Nandito ang stranger na iyon!? Tinitigan ko ulit, napakaraming taong dumadaan pero sigurado ako sa nakikita ko.
“What’s wrong” tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang nakita ko, gusto kong isigaw, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hinampas ko siya ng paulit-ulit. Nagtatatalon ako. Hindi ako makahinga. Parang pinasakan ng kung anong bagay ang bibig ko.
“Ray, calm down.” Sabay himas sa likod ko.
“Si... Si... Stranger... Nakita ko...” habol hinga kong sabi.
“Where!?” Gulat na tanong niya. Tinuro ko kung saan ko nakita. Tumingin siya, ganoon din ako. Wala na ang nakita ko. Unti-unti akong nahimasmasan.
“Wala naman eh.” Sagot niya.
“Bae! I saw it! Nakita ko ang pangalan niya sa isang board! May lalaking pormal na pormal ang suot na hawak-hawak ang board na may pangalan niya!” sigaw ko.
“Calm down! You’re seeing a lot of things Ray.” Sabay himas ulit sa likod ko. “Tara, umupo ka muna.” Sabi niya sabay hatak sa braso ko. Umupo ako sa kulay gray na upuan. Nakatingin ako sa kawalan, nakikita ko ang pagdaan ng iba’t-ibang tao at bagahe ngunit nakatatak pa rin sa isip ko ang pangalan niya. Maingay ang kapaligiran pero para akong bingi, paulit-ulit kong naririnig ang pangalan niya sa utak ko.
“Ray, let’s go to your hotel para mahimasmasan ka, pagod ka lang siguro.” Malambing niyang sabi.
Maybe he’s right. Baka nga pagod lang ako at kung anu-ano nakikita ko. Anyway, kung nandito man ang stranger na iyon ay wala akong pakielam. Nandito si Bae, hindi niya ako pababayaan.
***
RAY:
“Dadaan ka pa pala ng Hotel, akala ko pa naman makakalabas na tayo agad.” Sabi niya habang hinihila ang maleta ko papasok ng Hotel. Siya nag-offer na dalhin ang maleta ko, I refuse pero mapilit siya.
“Oo, ikaw lang naman ang makulit na gustong sumundo sa akin.” Sabi ko habang naglalakad.
Binati ako ng ilang hotel staffs. Patuloy kaming naglakad ni Bae. Dinaanan namin ang isang malawak na hallway, mula sa puting sahig ay naging carpet ito. Tumingala ako, nakita ko ang napakataas na ceiling na sa mga 20-30 feet siguro ito. Napakaraming ilaw at napakaliwanag.
Pinindot ko ang elevator. Umilaw ito. Inikot ko ang aking mata. Napansin ko ang ilang mamahaling art works na nakasabit sa dingding. Magarbong hotel ito pero ang nakakatuwa ay parang bahay mo lang ang ambiance dahil sa maaliwalas at positive ang aura nito. Dagdag pa na well-trained ang mga staffs.
“I miss this place.” Sabi ko.
“I miss you.” Malambing niyang sabi.
Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya.
“Ayan tayo eh.” Sabay kamot sa ulo ko.
ROME:
Inikot ko ang mga mata ko sa hotel. Kapansin-pansin ang napakalaking chandelier. Hindi mabilang ang diamonds na nakakabit dito, makintab, maliwanag, napakaganda. Maganda rin ang set-up ng mga sofa sa lobby, nakaka-relax. Dagdag pa rito na kulay puti ang sahig ng lobby.
Nasa ganoon akong pag-eenjoy sa hotel nang mapansin ko ang naglalakad na lalaki, pamilyar siya. Tinitigan ko siya. Nanlaki ang mga mata ko. Nakita kita!
“Rome! Long time no see!” biglang tapik ng isang lalaki sa likod ko. Lumingon ako, nakita ko si Jess. Nandito na siya agad, ang aga niya. “Oh bakit parang nakakita ka ng multo ‘dyan?” Hindi ako makakibo. Muli akong tumingin lugar kung saan kita nakita, ngunit wala ka na.
“Sorry, parang may nakita lang ako na pamilyar na tao.” Sabi ko.
“Baka namalik mata lang ako.” Bulong ko sa sarili ko. It’s been few days since I thought of you, yung as in seryoso. Baka namimiss lang kita.
***
RAY:
Nakatingin ako sa papalubog na araw, mapula ito ganoon din ang langit. Biglang pumasok sa isip ko ang dalawang pagkakataon na kasama ko si Rome noon sa Japan kung saan pinapanood namin ang sunset. Nagbitiw ako ng buntong hininga.
“Here’s your tea.” Pinatong niya ang tea sa harapan ko, naharangan nito ang araw na pinagmamasdan ko.
“Thanks.” Sabay higop dito. Ramdam ng mukha ko ang mainit na usok mula rito.
“You miss him right? Don’t deny it Ray.”
Tumingin ako sa kanya.
“No.” I said in a firm voice. Tumayo ako, naglakad. Binagsak ang katawan sa puting twin size bed. Pumikit ako.
“How about the guy that you met last year in Tokyo?” Hindi alam ni Bae na ang lalaking nakasama ko sa Beijing at Tokyo ay iisa.
Dumilat ako. Nakita ko ang puting kisame at dilaw na ilaw sa apat na sulok ng ceiling. Tinahak ng mata ko si Bae. Seryoso ang mukha niya.
“Lalong hindi.”
ROME:
“Hindi mo ba siya na-mimiss?” tanong ni Jess habang nanonood ng basketball sa flatscreen na nakadikit sa puting cream na dingding. Kilala ko na ang tinutukoy niya.
“Ewan.” Sagot ko. Ewan ko kung bakit ko nasabi iyan. Siguro ay dahil mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang business ng family ko.
Lumingon ako sa malapad na bintana, nakita ko ang sunset. Nakita ko ang mukha mo. Pumikit ako. Hinaplos ko ang puting twin size bed na hinihigan ko. Naalala ko ang panahon na magkatabi tayo sa iisang kama.
“Eh Rome, paano kung makasalubong mo siya rito?” Tanong niya ulit. Hindi ako nakakibo. Bumilis ang tibok ng puso ko.
“Ewan ko.”
RAY:
“What if you bump into him one of these days?” Tanong ni Bae na nakahiga sa tabi ko.
“Ewan ko.” Sagot ko.
“Do you still love him?”
Hindi ako makakibo. Tumingin ako sa kanya. Nakapikit siya habang ang mga mata’y natatakpan ng malaking braso nito.
“No.” Mahina kong sabi.
It’s a lie, isa sa pinakamalaking kasinungalingang sinabi ko. Pero hindi na kasi pwede. Mahal ko si Rome, iyon ang totoo at hanggang doon na lang iyon.
ROME:
“Mahal mo pa si Pareng Ray ano?”
“Obvious naman. Mahal ko si Ray, iyon ang totoo, pero hanggang doon na lang muna. Kailangan ako ng pamilya ko.
Kinain kami ng katahimikan.
“Lalabas muna ako.”
RAY:
“I need some air.” Sabi ko kay Bae. Agad akong tumayo at tinumbok ang pintong kulay dark brown. Pinihit ko ang gold doorknob at mabilis na lumabas. Linapat ko ang pinto.
Lumingon ako sa kanan. Isang lalaki ang nakita ko, nagtama ang aming mga mata. Nanlaki ang mata ko. I didn’t expect to see him. Hindi ako makakilos, hindi ako makahinga. Matagal na rin nang huli kaming nagkita.
“Ray? Ikaw ba talaga iyan?” pautal-utal at gulat niyang sabi.
Grave the excitement is killing me!
ReplyDeleteI can't imagine seeing my greatest love in unexpected
Moment!
I began to ask for more Mr. Author!
Its so bitin but that's enough for me now....
Haaayyy... si destiny pag magbiro wla man Lang pasabi....
I love it!!!!
#LSDee
Hahaha. I'm glad you like it. :-)
DeleteThanks for reading! ^_^
Ang ganda!!!! :(((( -nary;
ReplyDeleteThanks for reading! :-)
DeleteKaso bakit sad face?
Ang hilig mo
ReplyDeleteTalagang mambitin mr. Author
Anyways, thanks for the posting and i will wait again for ur next update.
Reagan hambog of ilocos sur
Thanks for reading! :-)
DeleteI'll try to update twice a week.
Waaaaaahhh... Ang bilis... Nagkita na agad sila!!!!
ReplyDelete-hardname-
'Di ko alam i-rereply ko. Hahaha. Hmmm... Abangan ang next chapter. :-D
DeleteThanks for reading! :-)
as usual, bitin na naman. Salamat sa update. Take care.
ReplyDeleteThanks for reading. :-) Baka Wednesday or Thursday Chapter 3. 'Di ko pa sure. Nag-iipon pa ako ng stock ng Chapters eh para 'di ako ma-rush. Hehehe.
DeleteAng ganda ng chapter na'to!!! Ang lapit nila sa isa't-isa pero hindi nagkikita. Kapalaran din atang magkalapit na naman ang kwarto nila. Ayun nagkita na ata. Kilig!
ReplyDeleteI like the airplane part. I like the fact na nagkukulitan sila pero hindi nila alam yun yung mahal nila.
- Zefyr
TRIVIA: The airplane part originally dapat nasa Chapter 1 ng "Love, Stranger". Ganoon dapat ang umpisa ng story, but then I've decided to put it here na lang. At least dito may build-up na si Rome at Ray.
DeleteThanks for reading!
Next time pakihabaan mo naman bitin eh hehe.
ReplyDeleteNice story. Ako ung kausap mo sa fb.
This comment has been removed by the author.
DeleteSinong kausap?
DeleteStandard length ito ng isang chapter so tama lang ang haba. :-)
Twice a week naman ang update ko kaya hindi naman siguro kayo mabibitin. But I'll stick to average 2k-3k words per chapter, exception kung malaki ang sakop ng event sa chapter na iyon. Have a nice day! Thanks for reading.