Followers

Thursday, November 12, 2015

Kuya Renan 11

By Michael Juha
Fb: getmybox@yahoo.com

Bati Portion:

Guys, maraming-maraming salamat sa inyong mga boto at suporta. Nakasali po ang ating blog sa 6 finalists!!! Kahit hinid tayo mananalo, ma-consider pa rin nating nanalo na tayo dahil sa inyogn suporta. Masaya ako na marami pa rin sa inyo ang walang sawang nariyan pa rin para sa MSOB; kasama ko pa rin through thick and thin. November 21, 2015 po ang awarding. Good luck pa rin sa ating lahat!

Special mention kay James Silver sa kanyang ginawang image, at kay Stephen Fundal sa ginawang image kay “Mico”. Special mention din para kay Clarence guntang Ochinang na siyang gumawa sa image ng kuwento na ito.

Special Mention din para kay Tirso Lomandas Ofiasa, Jr. na pumayag maging “Mico” model face.

Maraming salamat din sa mga MSOB Resident Authors na active na nagpopost: “Loving You...” by Seyren, “Hopia” by Ponse, “String from the Heart” by Vienne Chase, “”Love, Stranger...” by White_Pal, “Trombonista...” by bluerose, “Andromeda” by Jam Camposano.

Heto naman ang ating mga commenters sa part 10:

1. Philip Zamora
2. Fritz Tzu
3. Bharu
4. Benny Ramos
5. Edison Smith
6. auldric blaine lord...
7. harlie austine rize
8. JM Perez
9. Reagan Hambog
10. Julie Castillo
11. Zummie Bobo
12. Azrael Dee
13. berting banago
14. JKhristianne
15. Don Bogle Mael
16. Dazzling
17. Jodeyz Jedoyz
18. russ
19. ernz
20. JhayL
21. yahiko
22. djhay

23. Tim Tsui

Paki-tawag sa aking atensyon kung hindi nabanggit ang mga names ninyo.

Thanks guys for supporting MSOB!

Enjoy reading po!

J

-Michael Juha-

-------------------------------


Tila hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa pagkakita ko kay Mico na nakatingin sa amin. Sa hiya ko sa sarili, bigla akong tumiwalag sa aming halikan ni Kuya Renan. Nang tiningnan kong muli si Mico, nakita kong tumalikod siya at nagtatakbong papalayo sa aming kinaroroonan.

“Mico! Micoooo!” Ang sigaw ko. “I’m sorry Mico. I’m sorrryyyyyy!!!” ang sigaw ko.

“Tol! Gising! Gising ‘tol!” ang sunod kong narinig. nagulat naman ako sa biglang pag-alog ng aking katawan. Nang iminulat ko ang aking mga mata, doon ko nalaman na panaginip lang pala ang lahat.

“Nananaginip ka ‘tol!” ang sambit ni Mico.

“Oo nga!” ang sagot ko naman na halos halos habol-habol pa ang aking paghinga sa sobrang kaba at excitement sa nakita ko sa aking panaginip. Pinahid ko ang aking mga mata. Ramdam ko kasing nabasa ang mga ito.

“B-bakit ka nagsorry sa akin sa iyong panaginip?” ang tanong ni Mico.

“N-narinig mo?”

“Oo, ang lakas kaya ng sigaw mo. At umiiyak ka pa.”

“Eh…” ang naisagot ko. “Ano kasi, ‘di ba s-sa nangyari sa iyo nang nakidnap tayo at sinagip mo ako, ikaw ang umako sa kasalbahehang ginawa ng mga hoodlum? Kaya nag-sorry ako sa iyo.” ang pag-aalibi ko na lang.

“Napanaginipan mo iyon?”

“O-oo. Oo…”

“Sus… huwag mo na kasing isipin iyon. Wala iyon sa akin. Kalimutan mo na iyon.” ang sambit lang niya. “Tutal, napatay rin naman natin sila, di ba?”

Tahimik.

“Isa na akong mass killer.” ang pagbasag niya sa katahimikan.

“Ako rin naman eh. Kriminal na rin. Pareho tayo. Nagi-guilty ako. Nakapatay ako ng tao.”

“Kasi naman, kung hindi mo rin napatay iyong salbaheng iyon, ako naman ang namatay… at maaaring ikaw. Kaya wala talaga tayong choice.”

“Sabagay…”

Iyon na ang naging laman ng usapan namin. Napaniwala ko siya na iyon talaga ang aking napanaginipan.

MAGANDA ang aming kalagayan ni Mico sa Tuguegarao. Kung tutuusin, masarap ang buhay namin doon. Napakaganda ng lugar at halos wala itong ipinagkaiba sa probinsya naming. Presko ang hangin, wala pang pollution, wala kaming problema sa kahit ano mang bagay dahil may pera sila at lahat ng luho ay puweding makamit. Ngunit malungkot pa rin ako. Palaging sumasagi sa isip ko ang aking inay at si Kuya Renan. Na-miss ko ang aking mga nakasanayan sa aming probinsya, ang dagat, ang aroma ng mga inihaw na isda, ang halimuyak ng preskong hangin na nanggaling sa bundok at dagat, ang paliligo namin ni Kuya Renan sa dagat at pagsakay sa mga bangka. Syempre, na-miss ko rin sobra ang harutan at bonding namin.

Nakapagpa-enrol kami ni Mico sa isang mamahalin at exclusive na private school. Pareho kaming 2nd year high school at classmate pa. Hatid-sundo kami ng kanilang sasakyan sa eskuwelahan. Ramdam kong masaya si Mico. Ngunit tila kabaligtaran ang aking naramdaman. Ang sigaw ng utak ko ay mahalin ko na lang siya dahil wala namang dudang mahal niya ako. Ngunit matigas na tumututol ang aking puso. At ito ang nagpapaturete sa aking pagkatao. Minsan ay parang gusto ko nang mainis sa aking sarili. Iyon bang feeling na nariyan na ang lahat kay Mico ngunit nagmatigas pa rin ang aking puso na hanapin si Kuya Renan. Siguro ay may ganyan talagang kalagayan. O baka ganyan talaga ang buhay, may simpleng solusyon ngunit may katigasan ang ulo o ang puso. Iyon bang kahit anong pilit mo ay hindi ka makuntento sa kung ano man ang mayroon na sa iyo. Noong hindi pa pumasok si Kuya Renan at Mico sa akiing buhay, masaya naman ako na naroon ang inay, na kahit wala akong itay na kinalalakhan ay kuntento ako. Nasabi ko nga sa sarili na hindi ko ipagpalit ang buhay namin noon sa buhay ng mga mayayaman. Ngunit nag-iba ang lahat nang dumating si Kuya Renan. Tila kulang ang buhay ko kung wala siya. Kahit gaano pa siguro karami ang pera na ibibigay sa akin, kahit alam kong magpakamatay na lang si Mico para sa akin, hindi ko pa rin magawang makuntento at ibaling sa kanya ang aking pagmamahal. “Ganyan ba talaga ang pag-ibig? Ganyan ba talaga ang buhay? May simpleng solusyon ngunit ayaw mo dahil ang gusto ng puso mo ay iyong kumplikado?” ito ang mga tanong ko tungkol sa buhay.

Kahit sa pag-uusap namin ni Mico, ang palaging bukambibig ko ay si Kuya Renan. Kesyo magulo, makulit, masaya, at walang dull moments kaming dalawa. Kesyo kahit ano ay kaya kong gawin kay Kuya Renan na bagamat minsan ay nagagalit ngunit hahantong din ang lahat sa pagpapaubaya niya sa aking katarantaduhan. Hindi ko alam kung ano ang nadarama ni Mico sa bawat pagkukuwento ko sa kanya tngkol kay Kuya Renan. Pero hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang kanyang nararamdaman. Wala lang kasi akong masabihan sa mga saloobin ko. Para kasing sasabog ang aking dibdib kapag hinid ko naipapalabas. Para akong mababaliw. Ngumingiti naman si Mico, tumatawa kapag may katatawanan sa kuwento ko, at sumasang-ayon kapag tinatanong ko, bagamat minsan ay napapansin ko siyang tila malungkot.

Iyan ang hirap na naranasan ko. Alam kong mali, ngunit hindi ko kayang kontrolin ang sarili. Kagaya niyan, kapag nakita kong nagto-toothbrush si Mico. Naiisip ko iyong isang beses na mag-toothbrosh sana ako sa banyo. Naliligo kasi ako noon, tapos nahulog ang toothbrush ko at na-shoot pa talaga sa inodoro! Syempre hindi ko na ginamit. Ang ginawa ko ay nagtungo ako sa lababo namin at nang makita ang toothbrush ni Kuya Renan, iyon ang ginamit ko. Bale-wala naman kasi sa akin iyon. Kapag ganoon bang palagi kayong nagki-kiss, at nakikita mo namang ang linis-linis niya sa bibig dahil wala naman siyang cavity or bad breath, bale wala sa akin iyon. Ngunit nahuli niya ako at pinagalitan ako dahil magto-toothbrush din daw siya. “Ano ang gamitin ko???” ang bulyaw niya, na sinagot ko naman ng pabalang. “E, kung gusto mo iyong toothbrush ko na lang na nahulog sa inodoro. Iyon ang gamitin mo!” Syempre, hindi nawawala iyong batok. “Toothbrush mo iyon kaya ikaw ang dapat gumamit noon!”

Di ko na siya sinagot. Itinuloy ko lang ang pagtoothbrush na parang wala lang kahit halos hindi ma-drawing ang mukha niya sa inis habang nakatutok ang mga mata sa akin habang nagto-toothbrish ako sa toohbrush niya.  At nang natapos na ako, “O, yan! Gamitin mo iyang ipiangdamot mong toothbrush!” sabay abot nito sa kanya. At ako pa talaga ang galit.

“Paano ko gagamitin iyan? E, marumi na iyan!”

“Adik! Sa gabi-gabing sinisipsip mo ang laway ko,  hindi ka nadudumihan. Ngayong ginamit ko ang toothbrush mo, may toothpaste pa para mamatay ang mga mikrobyo ay parang ikamamatay mo na?” ang pabalang ko pa ring sagot.

Hindi na siya umimik. Bigla niyang hinablot mula sa aking kamay ang toothbrush atsaka kinuha ang toothpaste.

Napangiti na lang akong tumalikod. Iyong feeling-panalo at kinilig. “Marumi raw, gagamitin din pala!” ang patutsada ko.

Sa gabi naman ay ganoon uli ang ginawa ko, at ipinapakita ko pa talaga sa kanya na ginamit ko uli ang toothbrush niya. Pero ganoon uli ang ginawa niya. Kunyari ay galit pero ginamit pa rin iyong toothbrush niya na ginamit ko na. Tapos, sa ilang araw naming pagsi-share ng toothbrush ako na ang umayaw, “Bilhan mo kasi ako ng toothbrush ko!” Sagot niya, “Kapag naluma na ‘tong toothbrush natin, saka na natin papalitan. Masarap pala ang toothbrush kapag sinishare.” sabay kindat. Ayiiiiii! Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko iyon.

May isa pang insidente, kung saan ay bumili ako ng doughnut na nilalako. Dalawa iyon. Ang isa sana ay para sa kanya. “Kuya doughnut!” ang sabi ko habang inabot sa kanya ang isa. Abala kasi siya sa ginawang project sa kanyang subject. Siguro, nahirapan, nabuburyong. Aba sinagot ba naman ako ng, “Di masarap iyan! Doughnut, doughnut…” ang sabi na parang nainis. “Ok fine…” ang sagot ko naman. Tatalikod na sana ako nang bigla naman siyang bumulyaw ng, “Akin na nga iyan!” Di ko maintindihan kung matawa o mainis. Pero kinilig pa rin ako.

Tapos kapag nag-aaral kami ni Mico at nakikita ko ang mga notebooks namin, naalala ko uli si Kuya Renan. Iyong notebook kasi ni Kuya Renan habang nag-aaral siya ay dadamputin ko tapos may isusulat ako, kunyari ay ayaw kong ipakita sa kanya. Pero ibalik ko rin naman sa kanya. At ang isusulat ko lang naman ay iyong, “Hi. musta? Ano name mo?” Tapos kapag nakita ko uli ang notebook niyang iyon ay titingnan ko kung may sagot siya. Tapos kikiligin na ako dahil sinagot niya ang tanong ko. “Hi… I’m Renan-pogi. Ikaw, anong name mo?” Tapos iyon na, magiging sagutan na ng mga pa-cute na message namin ang notebook niya. Minsan ay ookrayin ko siya roon ng, “ Sungit” o “Pangit!” at sasagutin din niyang, “Pangit nga, pero patay na patay naman ang iba d’yan” mga ganyan… Parang iba ang katauhan namin sa sulat-sulat na iyon kaysa totoong buhay. Minsan pa nga sinusumbong ko siya sa notebook, “Alam mo, ang sungit-sungit ng kuya ko kanina. Bigla ba namang nagalit nagtatanong lang naman ako kung anong oras siya makakauwi pagkatapos ng practice niya. Super sungit talaga!” Tapos sinagot niya iyon ng, “Hayaan mo na ang kuya mo. Alam ko, kahit ganoon iyan, mahal na mahal ka noon. Ikaw pa. ang lakas-lakas mo sa kanya.” Tapos sinagot ko ng, “Ha? Bakit mo alam?” At sasagutin naman niya ng, “Ako pa! Alam ko nga kung kailan ka tinuli eh. Alam ko rin kung gaano kaliit iyan… hahaha!” Iyon na ang simula na araw-araw ko nang tinitingnan ang notebook niya kung may message siya sa akin o may sagot ba sa aking paglalambing o pang-ookray. Sa paggising ko sa umaga ay iyon kaagad ang tinitingnan ko. Minsan ay nahuhuli niya akong sinisilip ang notebook niya at biniro. “Busy ang penpal mo. Wala nang time, ‘di ka na mahal noon.”

Ewan, siguro ay talagang ganyan kapag nagmahal. Iyong kahit anong makikita mong bagay o tao ay naii-relate mo ito sa kanya, sa inyong mga karanasan, sa kanyang mga ginawang hindi mo malilimutan. Kahit iyong paglalakad ng tao, iyong pananamit, iyon style ng buhok, sa isip mo agad ay, “Parang si Kuya Renan,” or “Parang kay Kuya Renan” or “Kamukha ni Kuya Renan” mga ganoong linya. Tapos ang itatanong mo naman sa sarili ay “Kumusta na kaya siya?”

Hindi ko alam kung napansin ni Mico ang aking kalungkutan at pananabik na makita at makasama si Kuya Renan. Ngunit palagay ko ay alam niya. Sa tinign ko kasi, kapag mahal mo ang isang tao, nararamdaman mo kung may kakaiba sa kanyang kilos, kung masaya siya, o nalulungkot. 

Isang araw, galing kami noon sa eskuwelahan. Nang nakapagbihis na kami, dali-dali akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa harap ng bahay nila, sa may swimming pool, dala-dala ko ang aking libro para mag-aral. Halos isang oras na akong nagbabasa noon nang napansin kong hindi sumunod sa akin si Mico. Nagkasundo kasi kami na mag-aral dahil may pagsusulit kinabukasan sa dalawa naming subjects.

Muli akong bumalik sa kuwarto namin. Dahil hindi naka-lock, binuksan ko na lang ito. Narron pa rin si Mico sa ibabaw ng kama, nakadapa. “Mico… mag-aral na tayo.” ang sambit ko.

Ngunit hindi pa rin siya natinag. Nang pinilit ko siyang tumihaya, doon ko napansin na umiiyak pala siya. “A-anong nangyari?” ang tanong ko.

“W-wala... Ok lang ako.” ang sagot niya, sabay abot sa akin sa isang notebook ko.

Doon na ako natulala. Ang notebook kasi na iyon ay naglalaman ng mga sulat ko kay Kuya Renan sa araw-araw. Parang diary pero ang kinakausap ko roon ay si Kuya Renan. Doon ko isinulat ang mga nararamdaman kong kalungkutan, ang mga bagay na nais kong iparating sa kanya. Sa notebook din na iyon ay isinulat ko kung gaano ko siya kamahal, kabaligtaran ng isinulat ko tungkol kay Mico na bagamat isinulat ko roon na sobrang naawa ako ay nahirapan din akong mahalin siya, o suklian ang kanyang pagmamahal. “Nahirapan na ako Kuya… ayaw kong masaktan ko si Mico ngunit kahit ano ang gawin ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Naawa ako sa kanya, Kuya. Gusto ko siyang mahalin ngunit ano ba ang gagawin ko? Ikaw pa rin ang mahal ko. Sana ay nandito ka. Sana ay darating ka. Nasasabik na ako sa iyo. Gusto ko na pong sumama sa iyo...” iyon ang pinakahuling naisulat ko sa notebook na iyon.

Nag-aalangan akong tanggapin ang notebook. Sobrang nahiya ako kay Mico. Yumuko na lang ako nang nahawakan ko na ito sa aking mga kamay. “S-sorry.” Ang nasambit ko.

“So… may relasyon talaga kayo ni Kuya Renan mo?”

“W-wala naman.”

“Bakit sa pagsusulat mo ay tila may relasyon kayo?”

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na umamin. “A-ako lang ang nagmahal sa kanya. H-hindi niya ako mahal. Wala siyang sinabi. Ang sabi lang niya ay bata pa raw ako at wala pa akong kaalam-alam sa pagmamahal. Mawawala lang daw ito.”

“At… nariyan pa rin siya sa puso mo?”

Tumango ako. Hindi na siya umimik.

“S-soryy talaga Mico. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo upang matulungan ako, kami ni Kuya Renan. Gusto kong pilitin ang sarili kong mahalin ka ngunit ewan ko ba. N-nahihiya na nga ako sa iyo eh. K-kung maaari nga lang sana ay aalis na ako rito sa inyo eh. G-gusto ko nang bumalik sa probinsiya, iyong simpleng buhay lang. Kahit maglako ako ng isda upang mabuhay, kahit magtiis ako sa hirap, mas ok pa iyon kaysa ganitong nahirapan ako na nakikita kang ganyan. Di ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit iyong taong wala naman dito at hindi naman talaga ako mahal ay iyon pa ang minahal ko. Naiinis ako sa sarili ko. Parang gusto kong sisihin si Kuya Renan dahil sa ginawa niya sa akin noon. Gusto kong kamuhian siya. Gusto kong ilibing siya sa limot. Ngunit hindi ko kaya...” at naramdaman kong pumatak na rin ang aking mga luha.

Doon na ako niyakap ni Mico. “S-sorry na rin. Na-pressure ka pa tuloy. Hindi naman puwedeng umalis ka rito. Inampon ka na nga ni papa ‘di ba? At ayaw kong pumayag na aalis ka.”

“Nahihiya pa rin ako, Mico. Nahihiya ako sa iyo.”

“Huwag ka na ngang mahiya. Ako naman ang magi-guilty niyan kung aalis ka. Baka hindi ko mapatawad ang aking sarili. Baka magpatiwakal na ako niyan. Sige ka...”

“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!”

“Basta huwag ka nang ma-guilty. Wala kang kasalanan. Hindi mo kontrolado ang nararamdaman mo.”

“Hindi ko lang kasi ma-control ang sarili ko.”

“At sino ba ang nagsabing dapat mong i-control iyan? Huwag mong labanan kasi lalo ka lang masaktan. Hayaan mo na lang siya. Naintindihan ko ang lahat. Simula ngayon, hindi na kita ipi-pressure. Hindi kita pipiliting pumili.”

“Hindi naman mahirap ang pumili, Mico eh. Kasi kung ako ang papipiliin, ikaw iyon. Ang mahirap sa lahat ay ang turuan ang pusong magmahal...”

“S-salamat.” Ang sagot niya sabay bitiw ng matipid na ngiti. “Hayaan mo, simula ngayon, hindi mo ako makitang malungkot at hahayaan ko na lang na isang araw ay magbago ang nararamdman mo. O siya, mag-aral na tayo. Tara na!” ang dugtong niya sabay balikwas mula sa kama at hinawakan ang kamay ko upang sumunod sa kanya palabas ng kuwarto.

Nag-aral kami. Simula noon, hindi ko na siya nakitang malungkot pa.

Ngunit ako naman itong mistulang nato-torture. Sa paglipas ng ilang buwan, hindi pa rin nagtagpong muli ang aming landas ni Kuya Renan. Lalo pa akong nananabik sa kanya bagamat matindi rin ang aking pagkabahala kung ano na ang nangyari sa kanya. Wala naman kasi akong mapagtanungan kung nasaan na si Kuya Renan. Hindi na narecover ang tab na bigay ni Mico sa akin mula nang ma-kidnap kami. Naroon kasi ang bagong numero ni Kuya Renan. Hindi ko namemorize iyon. Ang papa ni Mico ay wala rin daw impormasyon tungkol kay Kuya Renan. Hindi raw ito nagpakita sa bahay nila. Siguro raw, dahil malapit lang ang bahay nina Cathy sa bahay nila kung kaya ay hindi siya nagpakita roon. Nalungkot ako, sobra. Minsan ay nakikita ako ni Mico na tulala, umiiyak at hindi mapakali. Ilang beses na rin akong nagmungkahi kay Mico na magbakasyon kami ng probinsya upang malaman namin kung ano na ang nangyari kay Kuya Renan ngunit hindi pumayag ang papa niya dahil may mga masasamang loob pa rin daw na naghahanap sa amin. Sinubukan naming magbakasyon sa Davao ngunit dahil hindi namin alam kung saan si Kuya Renan hahagilapin, hindi rin namin siya nahanap. Kahit nanawagan kami sa local TV, radio, at newspaper ng Davao ngunit walang Kuya Renan ang sumipot. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi matakot o mangamba kung ano ang nangyari sa kanya. Sumagi rin sa aking isip na baka nasundan siya ng mga hoodlums sa Davao at doon ay ipinasalvage. Kahit ano na lang ang pumapasok sa aking isip. Parang na paranoid na ako.

Hanggang ang mga buwan ay naging taon. Nasa fourth year high school na kaming dalawa ni Mico noon. Lalo pang lumala ang nadarama kong kalungkutan. Iyon bang gusto mong gawin ang isang bagay ngunit hindi mo magawa dahil may limitasyon. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari kay Kuya Renan at ng kanyang inay ngunit hindi ko alam kung paano ko malalaman.

Sa pagitan naman namin ni Mico, tila normal na ang aming routine. Tinupad naman niya ang kanyang pangako na hindi ko na siya makikita pang malungkot upang huwag akong ma-guilty. Bagamat may mga panahon na napapansin ko siyang nakatunganga, ngunit kapag tinawag ko, bigla rin siyang sisigla. At kapag tinatanong ko naman kung bakit, mangangatuwiran siyang wala iyon, may iniisip lang siya tungkol sa mga magulang niya at na-miss na niya ang mga ito. Gusto talaga niyang ipakita na okay lang siya at huwag akong mabahala. Kapag ako naman itong nalulungkot, alam niyang si Kuya Renan ang aking iniisip. Ang gagawin niyan ay aaliwin ako. Minsan ay siya na rin mismo ang magbukas ng topic tungkol kay Kuya Renan. Iyon ang nagustuhan ko. Kasi parang tanggap na niyang mahal ko pa rin si Kuya Renan. At ipinadama niyang nariyan siya upang intindihin ako, upang makapag-unload ako ng aking saloobin.

Hanggang sa isang araw habang nasa student center ako, lumapit si Mico na may kasamang babae. Ipinakilala niya ito sa akin, “Hi ‘tol. Si Anne, girlfriend ko.” at baling sa babae, “Anne, si Bugoy, ito iyong sinabi ko sa iyong kapatid ko.”

Gulat na gulat ako sa pagpapakilala niya sa akin sa babae niya. Wala naman kasi siyang sinabi na hayan, may nililigawan siya. Tumayo na lang ako at kinamayan ang babae. “Hi…” ang sagot ko. Tapos umupo silang dalawa sa tabi ko.

Pansin ko namang masaya silang dalawa. nagbibiruan, nagho-holding hands, nakakakilig tingnan. Si Anne ay nasa 4th year high school, 16 years old ang edad. Maganda, matangos ang ilong, may pagka-singkit ang mga mata, mapupula ang mga labi, makinis ang mukha, mahaba ang buhok, matangkad, at sexy. Parang artista ang porma. At bagay na bagay sila.

Natuwa na lang ako para kay Mico. Bagamat may kaunting pagseselos ako, nangingibabaw pa rin ang saya ko na mayroon na siyang isang Anne sa buhay. Sa sarili ko rin ay may nararamdamang paghanga sa ginawa niya. Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung puwede ba talaga iyong ginawa niya; iyong may mahal ka, tapos bigla mo na lang ibaling ang pagmamahal mo sa iba. Parang tuner lang ng TV. Kung ayaw mo na sa Channel 2, punta ka sa Channel 7, at kung magsawa uli, sa TV 5 naman. Parang hindi naman posible iyon. “So kung kaya ni Mico ang ganoon, maaaring kaya ko rin siguro…?” sa isip ko lang. Ngunit sumagi rin sa isip ko ang sinabi ni Kuya Renan. Nang sinabi ko sa kanya na mahal ko siya, ang sagot niya ay ang pag-ibig daw ay hindi mo basta sasabihin sa isang tao maliban na lang kung sigurado ka sa nararamdaman mo. Kasi kadalasan daw, may naramdaman ka para sa isang tao ngunit paghanga lang pala ito, o pag-iidolo. Iba raw iyon kaysa pag-ibig. Ang pag-ibig daw, kapag nararamdaman, hindi na nabubura, bagkus ay lumalalim pa, tumitindi. Hindi raw napi-peke ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay kakaiba raw sa mga nararamdamang tuwa, galit, takot, o pag-agam-agam na nawawala agad at nagbabago. Ang pag-ibig raw ay hindi kagaya ng isang laruan na kapag ayaw mo na ay puweding ipamigay, o kagaya ng damit na kapag marumi na ay puwedeng hubarin sa katawan. Hindi rin daw ito kagaya ng pagtulog na puwede kang mag-set ng alarm upang gisingin ka sa oras na gusto mo. Kaya hindi ka raw puwedeng magsabi sa isang tao na mahal mo siya kasi baka false alarm lang ito at mauuwi rin sa wala. Ito ang ikinalilito ko. Parang ang bilis lang ni Mico na magpalit ng pag-ibig. Kaya nga ayaw maniwala ni Kuya Renan na ang pagmamahal ang naramdaman ko para sa kanya ay tunay dahil nga ang bata-bata ko pa, at hindi ko pa talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Kaya hindi ko rin natiis ang aking sarili na kausapin si Mico.

“M-mahal mo ba talaga si Anne?” ang tanong ko.

“Oo naman…” ang sagot niya.

“K-kasi… di ba, m-mahal mo naman ako?”

“Oo. Pero ‘di na ngayon. Narealize kong dapat ay turuan ko ang sarili kong ibaling ang pagmamahal sa isang babae. Kung sana lang ay mahal mo ako, walang problema. Pero parang unfair naman sa akin kung maghintay ako samantalang alam kong mabibigo lang ako, ‘di ba? Kaya suportahan na lang kita. Ang gusto ko ay ang magkatuluyan kayo ng Kuya Renan mo. Tutal, di ba, kapag tuluyan ka nang magigin Valdez ay legal na mag-utol na talaga tayo?”

“O-oo.” Ang may pag-agam-agam ko pa ring sagot.

“Siguro naman ay okay lang sa iyo.”

“O-okay naman.” Ang sagot ko.

“Hindi ka na mag-alala pa sa akin.”

Tumango lang ako. Parang napakabilis lang kasi ng pangyayari.

Iyon ang ipinaparating sa akin ni Mico. Pati sa gabi sa pagsisiping namin ay hindi na rin siya nag-iinitiate. Syempre, ayaw ko ring mag-initiate, respeto na lang sa kanya dahil, iyon nga, may girlfriend na siya. Ramdam ko ang pag-iiba na niya. Tapos, nagmungkahi na rin siya na maghiwalay kami ng kuwarto, para raw may privacy kami. Pumayag rin ako. Mahirap naman kung may kuwentuhan sila sa telepono ng girlfriend niya at nariyan ako nakikinig.

Bagamat sobrang nabilisan ako sa pagbabago, tila nabunutan naman ako ng tinik bagamat sa isip ko ay may naramdamang hindi maipaliwanag na pagkahiya rin. Iyon bang pagkatapos niyang magpakahirap sa pagtulong sa akin, iyong pangrape ng mga hoodlum sa kanya dahil sa akin, iyong pagkarga niya sa akin upang masagip ako na halos ikamatay niya, tapos ang pag-ampon nila sa akin at ngayon, siya uli ang gumawa ng paraan upang hindi ako ma-guilty, upang tuldukan lang ang aking pagkalito. Hindi ko lubos maisip ang tindi ng kanyang pagmamahal. May naramdaman akong pagkahabag sa kanya, may naramdaman akong hiya, ngunit hindi ko rin maintindihan sa aking sarili ay kung bakit si Kuya Renan pa rin ang itinitibok ng  aking puso.

Ilang araw pa ang lumipas, tila naging routine na nina ni Mico at Anne ang magsama sa school. Minsan kaming tatlo ang magsama pero kadalasan ay ako na mismo ang magbigay-daan upang hindi sila maistorbo. Sweet naman kasi sila masyado. Kahit saang lugar sila, naghoholding hands, nag-aakbayan, o kaya ay nagyayakapan.

Ngunit isang araw ay napansin kong parang malungkot si Mico. Nasa bahay kami noon, sa gilid ng swimming pool nila nang napansin kong malalim ang iniisip niya. Nilapitan ko. “Mico, ba’t ka malungkot, nag-away ba kayo ni Anne?”

Tila bigla siyang natauhan sa aking tanong. “Wala, hindi kami nag-away. Okay lang kami.”

“Bakit para kang malungkot?”

“May naisip lang ako. N-na-miss ko rin ang pamilya ko sa probinsiya natin.”

“Ah, ganoon ba? Pareho pala tayo.”

“Oo…” ang sagot niya.

Wala lang naman sa akin iyon kasi ganoon din ang aking naramdaman. Ngunit nang isang beses nagsimba ako, nakita ko si Anne sa labas ng simbahan. At may kasamang ibang lalaki!

Hidi ko lubos maintindihan ang aking nadarama sa nakita kong iyon. Nagalit at naawa kay Mico. Iyon bang alam kong minahal ako ni Mico, nabigo siya sa akin at pinilit niyang magmahal sa iba at ngayon ay bigo na naman siya. Tila kumulo ang aking dugo sa nakita sa kanila na sobrang sweet, inilingkis pa ng lalaki ang kanyang braso sa baywang ni Anne at ganoon din si Anne sa kanya. Nagpupuyos ako sa galit sa aking nakita.

Nang umuwi ako ng bahay, wala akong sinabi kay Mico. Itinago ko ang lahat dahil ayaw kong masaktan siya. Ngunit nabuo sa aking isip na kausapin si Anne.

Nakahanap naman ako ng paraan. Siandya ko siya sa kanyang silid-aralan lingid sa kaalaman ni Mico. Iniabot ko lang sa kanya ang aking note na may nakasulat na, “Puwede ba kitang makausap?” tapos isinulat ko rin ang aking cp number upang maconfirm niya kung makipagkita ba siya sa akin. Ang balak ko talaga ay awayin siya, pagalitan sa kanyang ginawang kataksilan.

Hindi naman ako nabigo. Nagtext sa numero ko si Anne. “Okay, alas 5 ng hapon bukas sa central park.”

Walang kaalam-alam si Mico na makipagkita ako kay Anne. Nang nakarating na ako ng Central Park, wala pa si Anne. Atat na atat na talaga akong sumbatan siya. Naghintay ako ng sampung minuto pa. Nang sa wakas ay dumating siya, agad kong binulyawan. “Nakita kita sa labas ng simbahan noong isang araw at may kalampungang lalaki. Bakit mo ginawa ito kay Mico? Walanghiya ka! Iyong tao ay mahal na mahal ka, tapos pinagtaksilan mo lang! Anong klaseng babae ka?!!!” At hindi ko talaga siya nilubayan hanggang sa siya na mismo ang sumingit. “Hey! Hey! Hey! Pinapunta mo ba ako rito upang sumbatan?”

“Oo dahil ayaw kong nasasaktan ang utol ko! Kuya ko si Mico at ayaw kong masaktan siya! Mahirap ang pinagdaanan niya kung alam mo lang. Nabigo na siya sa pag-ibig tapos heto ikaw ngayon, ganoon na naman ang gagawin? Wala kang puso! Manhid! Salawahan! Dapat sa iyo ay itapon sa basurahan!” at marami pa akong sinasabi.

“Tapos ka na ba?” ang pagsingit niya nang bahagyang huminto ako. “Dahil kung hindi ka pa tapos, aalis na lang ako. Walang silbi itong pag-uusap na ‘to kung puro ikaw ang nagsasalita! Pakinggan mo ang panig ko dahil baka maturete ka kapag malaman mo ang buong katotohanan! Umayos ka!” ang bulyaw din niya.

Tila nahimasmasan naman ako sa narinig na sinabi niyang katotohanan. “Bakit? Ano ba ang totoo?” ang tanong kong bumaba na ang boses.

“Now you are talking…”

“Ano nga???” ang sigaw ko uli nang tili gusto niyang ibitin ako.

“Actually, I promised Mico na sikreto lang naming dalawa ito. But since, pinilit mo ako na sabihin sa iyo ito, at upang hindi ako magmukhang kontrabida rito, nararapat lang siguro na malaman mo ang katotohanan.”

“Ano nga iyan? Ang dami namang pasakalye!”

“Naawa ka ba talaga kay Mico? Concerned ka ba talaga sa kanya?”

“Ano bang klaseng tanong iyan? magagalit ba ako sa iyo kung hindi ako concerned sa kanya, kung hindi ako naaawa sa kanya?!”

“Mag-promise ka muna na kung sasabihin ko sa iyo ang totoo ay tutulungan mo siya. Maipangako mo ba?”

“Tangina naman o… Syempre, utol ko iyon eh! Kahit anong tulong ibibigay ko!”

“Ok…” ang tila sarcastiko naman niyang sagot. “So, nagkasundo tayo sa puntong iyan, na gagawa tayo ng paraan upang matulungan natin siya, tama ba?”

“Oo nga, ang kulit!”

“Mag-promise ka nga uli?”

“Oo na, promise! Ano na iyong totoong sinabi mo?”

“Magpinsan kami ni Mico! Hindi kami magkasintahan! Nagkunwari kaming magkasintahan sa harap ng maraming tao…” nahinto siya sandali at tiningnan ako “…sa harap mo dahil ayaw niyang makitang magi-guilty at mag-isip na umalis sa poder niya. Sinabi niya sa akin ang lahat. Mahal ka niya ngunit hindi mo raw siya mahal. Tanggap niya iyon. At tanggap niya na may iba kang mahal. Kaya upang hindi ka maguilty na nakikita siyang malungkot, umiiyak, hayan, nagpanggap kaming magkasintahan. Nakuha mo na?”

“Weee! nag-imbento ka ng kuwento! Kung totoo iyan, bakit wala ka noong welcome party ng pamilya nila?”

“Kailangan pa ba iyan? may sakit ako sa time na iyon kaya hindi ako nakasali.”

“Kung wala kang proof, hindi ako maniwala.” Ang matigas kong sabi.

Hinugot niya ang kanyang wallet mula sa kanyang sling bag. Nang binuklat ito, may litratong ipinakita siya sa akin. “Hayan, siguro naman ay maniniwala ka na riyan. Iyang lalaki sa litrato ay daddy ko. Siguro naman ay nakita mo siya sa welcome party. Iyan namang katabi niya ay ang mommy ko. At iyang nasa gitna ay ako at ang aking kapatid na lalaki. Siguro naman ay nakita mo sila roon. Puwede na ba iyan?” ang sabi niya.

Doon na ako napayuko. Namukhaan ko kasi ang daddy at mommy niya, pati na ang kapatid niyang lalaki na dumalo sa welcome party. Namangha nga ako sa kanyang kapatid na lalaki dahil ang galing nitong sumayaw at kumanta. At guwapo pati.

Tila natunaw ako sa kahihiyan sa aking nalaman. Kung nahiya ako kay Mico noong huli naming pag-uusap kung saan ay kinumpirma ko ang nararamdaman ko para kay Kuya Renan, mas lalo pang tumindi ang aking pagkahiya sa nalamang kahit ano pala ay handang gawin ni Mico upang hindi ako masaktan, upang hindi ako mag-isip ng kung anu-ano. Sa pagkakataong iyon ay parang hindi ko kayang i-handle ang katotohanang iyon. Tila wala akong lakas upang harapin pa si Mico. Sobra-sobra na ang kanyang pagdurusa. Sobra-sobra na ang kanyang pagpaparaya para sa akin. Parang ang sama-sama ko.

“See? E di nagulat ka? Ganyan ka kamahal ni Mico. Ganyan siya kabaliw sa iyo. Ikaw itong manhid! Ikaw itong walang puso! Ikaw itong dapat itapon sa basurahan!”

Nanatili lang akong nakayuko. Totoo naman kasi ang mga sinabi niya.

“Pero, may magagawa ka pa naman upang sumaya siya. Iyan ay kung gusto mong makabawi. Kung gusto mong tapusin na namin ang aming pagkukunwari. Nahirapan din siya, alam mo ba? Lalo na, ngayong alam mo na na acting lang ang lahat sa amin at kapag malaman pa niyang alam mo na, lalong ma-depress iyong tao, baka magpakamatay. Naku, lagot ka. Lahat ng angkan ni Mico ay magagalit sa iyo. Lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya ay tutuligsain ka.”

“P-paano ako makakabawi sa kanya? P-paano iyong sinabi mong may magagawa ako?” ang tanong kong natakot sa kanyang sinabi.

“16th Birthday mo sa December 19, di ba?”

“P-paano mo nalaman?”

“Syempre, may mga bagay pa ba akong hindi alam tungkol sa iyo? Iyan ang nagagawa ng taong sobrang umibig. Sa taong nababaliw. Sinabi iyan sa akin ni Mico. At may ibibigay raw siyang sorpresa para sa iyo.”

“A-anong sorpresa?”

“Iyan ang pinag-iisipan pa niya. Nagtanong siya sa akin, pero wala pa akong naisip. Ano bang gusto mo?” ang padabog niyang tanong.

“Wala. Marami na akong utang sa kanya eh. Ayaw kong dagdagan pa ito. So a-ano ang relasyon niyan sa tulong na sinabi mong gawin ko?”

Natahimik nang bahagya si Anne. “Hindi mo ba talaga puwedeng pag-aralan na ibaling kay Mico ang nararamdaman mo?”

Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi ako makasagot. Simpleng tanong ngunit tila napakahirap sagutin.

“Look, halos dalawang taon na kayong walang communication ng Kuya Renan mo. Buhay pa ba siya? At granting na buhay pa nga siya, hindi kaya nag-asawa na iyon? O may pamilya na kaya ka niya nakalimutan?”

Doon na ako nagreact. “Hindi! Hindi ako makakalimutan noon! Sure akong hindi ako nakakalimutan ni Kuya Renan. May pangako siya sa akin ah!”

“Okay! Okay!” nahinto siya sandali. “Granting na hindi ka nga niya nalimutan. Nasaan na siya?”

Tila hinataw naman ng isang matigas na bagay ang aking ulo. Natahimik ako.

“Look Bugoy… don’t waste your precious life waiting for someone who is not even sure if he loves you in return. Bukas, makalawa, marealize mo na lang na may puti ka na sa iyong buhok. And it’s too late dahil sinayang mo ang kabataan mo na mag-enjoy, maging masaya, at… magbigay-saya sa taong tunay na nariyan para sa iyo, ang taong tunay na nagmahal sa iyo.” nahinto siya nang bahagya, naging seryoso ang mukha habang tinitingnan ako na ang mga mata ay tila nagmamakaawa. “Maawa ka kay Mico. Pati buhay niya ay nasayang nang dahil sa iyo. Maaatim mo bang bigla siyang mawala sa mundong ito? Ito, sasabihin ko… sa akin lang niya ito sinasabi at natatakot ako sa sinabi niyang ito. Ilang beses na niyang sinabi na kapag hindi na niya kaya ang lahat, tutuldukan na niya ang kanyang buhay!”

“A-anong ibig mong sabihin?” ang gulat kong tanong.

“Magpatiwakal siya.” Doon ko na nakita ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Anne.

Mistula akong nabusalan sa pagkarinig sa sinabi niya.

“Oo, totoo ang sinabi ko. Tingnan mo ang isang drawer sa kuwarto niya. May baril siyang itinatago roon. Iyan ang gagamitin niya.”

Kinakabahan naman ako sa kanyang sinabi. Tama naman kasi siya, may baril na itinago si Mico dahil mahilig siya sa baril. Nanghingi kasi siya nito sa Tita niya sa Tuguegarao dahil nga sa banta sa amin, at dahil na rin sa hilig niya rito. “P-paano ang gagawin ko?” ang tanong ko.

“Kaya mo bang ibaling ang pagmamahal mo para kay Mico?”

“H-hindi ko alam.”

“Turuan mo ang iyong sarili. Hindi naman mahirap mahalin si Mico, di ba? Mabait, mapagmahal, may hitsura at porma. Kung alam mo lang kung gaano karaming babae ang nagka-crush sa kanya sa school… maswerte ka. Sabi nga niya na dati raw ay pasaway siya, pinapatulan niya kapag may babaeng nakukursunadahan siya at kursunada rin niya. Ngunit nagbago siya nang dahil sa iyo. At ayaw niyang masirang muli ang tiwala mo sa kanya. Kaya nagpakabait na siya. Turuan mo ang sarili mong mahalin siya.”

Hindi ako nakaimik. Nag-isip ako sa kanyang sinabi. Sa tagal na hindi nagparamdam sa akin si Kuya Renan ay may punto siya na maaaring masayang nga lang ang buhay ko. Sa tagal ng panahon, tila isa na lamang siyang panaginip na hindi ko maaabot o mahawakan. At si Mico, siya talaga ang nariyan para sa akin, wala na akong dapat patunayan pa sa kanyang pagmamahal.

“Kaya mo ba?”

Tumango ako. “Kakayanin ko. Pag-aralan ko.”

“Good. Ngayong alam mo na ang lahat, ilihim natin ito kay Mico. Magpapanggap pa rin kaming mag-syota. ngunit sa araw ng birthday mo, may malaking pasabog tayo para sa kanya. Ipareserve ko ang isang hotel-resort para sa mga malalapit na kaibigan at mga miyembro ng LGBT group ng syudad. Iko-kontsaba ko sila. Kumbinsihin ko si Mico na huwag mag-isip ng party sa birthday mo at ako na ang bahala. Iyong sorpresa niya para sa iyo ay isinigit na lang niya kapag tatawagin na siya sa program para ibigay iyon sa iyo. Sa highlight ng programa, doon mo i-announce na payag ka nang maging kasintahan ni Mico, at na alam mo na ang pagpapanggap namin, at naantig ang puso mo sa mga ginawa ni Mico para sa iyo. Ikaw na ang bahalang magdagdag kung ano pa ang sasabihin mo. Tapos, may ipahanda akong malaking streamer na unti-unting bababa mula sa kisame. Tapos magkalaglagan din ang mga bulaklak at mga rainbow-colored ribbons at confetti. Bibigyan kita ng isang kumpol ng mga puting rosas atsaka ibigay mo ang mga ito kay Mico. Tutugtog ang kantang paborito niya at yayain mo siyang sumayaw. Sasayaw kayong dalawa.”

“O-ok. Mukhang maganda siya.” ang sagot ko.

“At alam ko na rin ngayon ang isa-suggest kong i-regalo niya para sa iyo.”

“Ano?”

“Tour, sa Aman Resort, Amanpulo. Magnda doon. Napuntahan na namin iyan. Iyan ang pinakamaganda, pinakamahal na resort sa Pinas. Tamang-tama, para kayong magha-honeynoon doon lalo na’t sa Enero pa ang balik ng pasukan.”

“Huwag na Anne. Sobra-sobra na ang ginawa ni Mico para sa akin…”

“Hindi. ‘Di ba sabi mo ay tutulungan mo siya? Puwes, dito ka makakabawi sa kanya. Siguradong matutuwa siya na kayong dalawa lang ang magkasama at syempre, ikaw din, dahil mapuntahan mo sa unang pagkakataon ang resort na ito.”

Hindi na ako umimik. Sa isip ko ay bahala na lang.

“Basta Bugoy… huwag mong saktan ang pinsan ko kapag magiging kayo na. Sobrang sweet ako sa mga kaibigan. Pero sobrang bitter din sa mga kaaway. At kapag sinaktan mo si Mico, magiging kaaway na kita niyan. Sige ka.” sabay tawa.

“O-oo. Oo. Hindi ko na sasaktan pa ang kanyang damdamin. PIpilitin ko ang sariling sa kanya na ibaling ang pagmamahal ko.”

Ilang araw bago ang aking nakatakdang birthday ay parang hindi na ako mapakali. Gusto kong isiksik sa aking isip na sarado na ang lahat para sa amin ni Kuya Renan, na handa na akong mag move-on at magbukas ng panibagong kabanata sa aking buhay, kasama si Mico.

Samantala, sina Anne at Mico ay patuloy pa ring nagpapanggap. Tila hindi naman alam ni Mico na may mga plano na kami ni Anne. Lingid sa kaalaman ni MIco ay ina-update ako ni Anne sa mga plano niya at ni  Mico para sa birthday ko. At ang sabi pa ni Anne ay pumayag na raw si Mico na ang celebration para sa mga kamaganak nila ay sa pananghalian sa bahay, at ang para sa aming pakulo ay sa gabi, sa isang hotel/resort na dadaluhan ng mga malalapit na kaibigan at miyembro ng LGBT group. At si Anne na raw ang bahala roon samantalang si Mico ang bahala sa selebrasyon sa bahay.

Excited din naman ako bagamat kinakabahan. Kasi, parang isang napakalaking desisyon ang gagawin ko sa mismong 16th birthday ko na siguradong magpabago sa takbo ng aking buhay. Para akong isang bride na ikakasal na hindi ko mawari. Iyong feeling na may takot kung ano ang maaaring mangyari sa malaking desisyon na gagawin, kung kaya ko bang panindigan ito, o baka magsisi ako at lalo ko pang masaktan ko lang ang damdamin ni Mico at ng mga taong nagmamahal sa kanya.

“May celebration tayo sa birthday mo sa bahay at sa gabi naman, gusto kang bigyan ng celebration din ni Anne” ang sambit ni Mico sa akin.

“Talaga?” ang sagot ko. Kunyari ay inosente ako. “Baka naman nakakahiya na sa inyo ah.”

“Di ba last year, ganoon din, may celebration din tayo sa iyo? Pareho lang naman. Pero sa gabi, sa hotel/resort na para sa mga matatalik nating kaibigan at mga LGBT group.”

“Bakit may LGBT group pa?” ang tanong ko uli.

“Malay ko ba kay Anne. Ako man ay nagulat kung bakit may ganyan siyang grupo. Pero ok na rin iyan. Wala naman akong problema sa LGBT eh. At least… di ba?” Ang sambit niya na hindi itinuloy iyong “At least” na sinabi niya. “Okay lang din naman sa iyo, ‘di ba?”

“Okay naman. Ako pa… Wala akong issue d’yan. Ang sa akin lang ay ang sobra-sobra na ninyong pagbibigay sa akin.”

“Hindi iyan sobra. Ako ang nag-propose niyan kina Tita at Lola. At wala naman daw problema sa kanila. Maigi nga raw iyon para ma-expose ka sa mga kaibigan namin. Atsaka, sa party na iyon ko na rin ibibigay ang sorpresa ko para sa iyo.”  ang dugtong niya.

“Ah… Talaga? S-salamat ah.” ang sagot ko na lang bagamat alam ko na iyon. Sinabi kasi ni Anne na iyon na iyong bakasyon sa Amanpulo. Tinembrehan niya ako. Nka-book na raw ang hotel namin at nabili na rin ang ticket sa eroplano patungo sa isla.

“Alam mo, siguradong sa sorpresa kong ito ay matutuwa ka. Pangako ko iyan sa iyo. Hinid ko maimagine ang saya mo kapag nalaman mo ito.” ang dugtong ni Mico.

Binitiwan ko na lang ang isang pilit na ngiti. Hindi na ako nagsalita pa. Baka mabuking niya pa na alam ko na ang sorpresa niya para sa akin.

Decemebr 19, araw ng aking kaarawan. Maaga akong kinatok ni Mico sa aking kuwarto at naggreet ng “Happy Birthday”. Pinapasok ko siya at nagkuwentuhan kami. Doon pa lang sa aming pagkukuwentuhan ay pinag-aralan ko nang mabuti ang aking sarili para sa desisyon ko; kung may pag-agam-agam pa ba ako sa aking sarili. Parang gusto kong paglaruan ang aking emosyon kung tunay na ba talagang handa na ako.

“Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?” ang sabi niya nang nakatitig lang ako sa kanya.

“Wala… ang guwapo mo pala. Ngayon ko lang napansin” ang sabi ko. Totoo naman din kasi. Noon ko lang siya tinitigan ng ganoon katagal.

Ngumiti siya, bahagyang napayuko na tila nahihiya. “Mas guwapo ka. At lalo ka pang guma-guwapo ngayong 16 ka na. Matangkad na, at... basta.” Ang sagot niya.

Ako naman ang napangiti. “Kaya nga mag-utol tayo di ba? Pareho tayong guwapo eh.” ang sagot ko. “Halika nga, tabi tayo dito sa kama…” ang sambit ko. Humiga kasi ako sa kama pagkatapos ko siyang papasukin.

Tumalima naman siya. Inunat ko ang isa kong braso sa bandang gilid niya at isiningit ito sa ilalim ng kanyang ulo upang maging unan niya. Tumagilid ako paharap sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya. Nang nagkasalubong ang aming paninigin, tinitigan ko siyang muli.

“N-namiss ko ang ganito… Itong magkatabi tayo sa isang kama, mayakap ka…” ang sambit kong pabulong.

“Ako rin, namiss ko ang ganito.” ang sagot niya.

“Kaso may girlfriend ka na, di ba?”

“Oo nga. Pero wala namang problema kung may girlfriend ako.”

Sa sinabi niyang iyon ay dahan-dahan kong inilapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Naghalikan kami. At sa ilang linggo na hindi na namin ginawa iyon, tila bumawi siya sa tindi ng init ng aming paghahalikan sa tagpong iyon. Mistula siyang isang hayop na gutom na gutom sa pagkain. Sa pagkakataong iyon ay muling ibinigay ni Mico sa akin ang kanyang sarili.

Nang matapos na kami, muli niya akong hinalikan. “Happy birthday.” ang pabulong niyang sabi.

“Salamat.” ang sagot ko naman, habang hinihintay ang mga katagang “I love you” na palagi niyang binabanggit kapag ganoong tapos na kami sa aming pagsisiping.

Ngunit hindi niya binanggit iyon. Lumabas siya sa aking kuwarto na may ngiti sa kanyang mga labi.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang isinara niya ang pinto ng aking kuwarto. Nang naisara na niya ito, binitiwanko ang isang malalim na buntong hininga. May bahid na pagkalito pa rin ang isip ko sa gagawing desisyon na ibunyag ko sa kanyang mahal ko siya. Tila hinid pa talaga ako handa. May isang bahagi pa rin ng aking puso na ang isinisigaw ay ang pangalan ni Kuya Renan. Para siyang isang multo na bumabagabag sa aking pagkatao.

Alas 9:30 ng umaga ay kumatok uli si Mico sa aking kuwarto. Nasa shower ako noon kaya hindi ko namalayang pumasok pala siya. Nalaman ko lang ito nang natapos na akomg maligo. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakapostura na, handa na sa party.

“Favorite song mo?” ang tanong niya. Habang naliligo kasi ako ay pinatugtog ko ang “First Love” by Seals and Crofts na kanta, iyong automatic na magpabalik-balik siya sa pagtugtog kapag natapos.

Tumango ako.

“Kay Kuya Renan?”

Ngumiti ako ng hilaw at tumango uli.

Hindi na siya nagtanong pa. “Sige, bihis ka na” ang sabi niya.

Dali-dali akong nagbihis. Tinulungan pa niya ako sa paggawa sa aking tie. Pareho kaming naka coat-and-tie. Ganyan kasi sa kanila, pormal. May misa pa na isinagawa sa lawn, na dinaluhan ng mga malalapit na kamag-anak at family friends.

Pagkatapos ng misa at kainan, may kaunting programa. Doon ay kumanta ang mga pinsan ni Mico at ang iba ay sumayaw. Kumanta at sumayaw din ang kapatid na lalaki ni Anne.

Maya-maya ay nagulat ako nang tinawag ang pangalan ni Mico. nagsimula tuloy akong kabahan baka kung ano ang sasabihinniya. Ngunit natawa na lang ako dahil kakanta pala siya. Hindi naman kasi kumakanta si Mico. Sobrang sintonado ang kanyang boses. Kung may direksyon lang ang pagkanta at ang accompaniment music, nakakarating na ng North ang boses niya samantalang ang instrument niya ay sa South.

Nagpalakpakan kami nang tinawag na ang pangalan niya. Bago siya kumanta ay may maiksing speech siya, greetings para sa akin, at sinabi rin niya na inihahandog niya sa akin ang kanyang kantang “Pagdating Ng Panahon”, kahit daw nakakahiya ang kanyang boses.

Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin
Alam kong di mo Makita, narito lang ako
Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din
Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y, maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon, kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon...

Alam kong hindi mo alam, narito lang ako
Maghihintay kahit kailang, nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin, mamahalin mo rin
Di pa siguro bukas, di pa rin ngayon
Malay mo balang araw, dumating din iyon

Malaman ang kantang iyon ni Mico. Siguro ay lahat ng emosyon niya para sa akin ay naroon na, nailahad sa kantang iyon. Sobrang touched din ako sa ginawa niya. Dahil kahit hindiy iyan kumakanta, pinilit niya ang sarili para lamang sa birthdayko. Sa kantang iyon ay lalo akong nahabag sa kanya, at nahabag rin sa sarili dahil parang ganoon din ang mensahe ng kantang iyon para sa nararamdaman ko kay Kuya Renan. Tila gusto kong umiyak, ngunit pinigilan ko. Pinilit ko na lang ang sariling tumawa, sumabay sa mga nagsitawanan sa sintonadong boses ni Mico.

Pagkatapos ng pagpapakita ng mga talento ng mga pinsan at pamangkin at ibang kamag-anak ni Mico ay may parlor games naman. Pagkatapos ay may sayawan.

Mag-aalas 4 na nang matapos ang kasiyahan. Naghanda uli kami sa sunod na na selebrasyon. Nagpahinga muna ako sa aking kuwarto gawa ng pagod.

Alas 7 nang ginising ako ni Mico. Aalis na raw kami. Naghintay na ang driver sa Resort/Hotel na pagdadausan namin ng party. Bigla akong bumalikwas ng kama. Napasarap pala ang aking tulog. Nang tutungo na sana ako ng banyo, nagmessage alert naman ang aking cp. Si Anne, tinatanong ako kung handa na raw ba ako dahil sa panig niya ay handa na ang lahat. At wala na raw atrasan.

Napangiti ako sa kanyang text. “Syempre, handa na. At wala nang atrasan. Maliligo pa lang ako at diretso na pagkatapos…” ang sagot ko. Tila may naramdaman na akong tuwa sa pagkakataong iyon at tila tumindi ang aking excitement. Kasi, imbes na birthday ko at ako ang masorpresa sa party na iyon, si Miko ang aming sosorpresahin. At hindi na ako masosorpresa pa sa sorpresa niya dahil alam ko na. Nakikinita ko, na kapag i-announce ko nang nabuking ko na ang sikreto nila ni Anne at lalantad ang streamer na may nakasulat na mahal ko siya, iiyak siya. At habang ganyang umiiyak siya, lalapit ako sa kanya, pahiran ko ang kanyang mga luha, at ibigay ang mga puting rosas. Pagkatapos ay hahalikan ko siya sa bibig atsaka hilahin sa gitna ng hall at isayaw.

Naputol ang aking pagi-imagine sa eksena nang kumatok muli si Mico. “Tol… Dalian mo riyan! Tumawag na si Anne! Naroon na raw ang ibang mga bisita natin! Nakakahiya!”

“Ay, sorry! Patapos na po!” ang sagot ko. “Pero on the other hand, sabihin mong maghintay sila dahil moment ko ito! Dapat ay marunong silang rumespeto sa feeling ng celebrant!” ang dagdag kong biro. Excited lang talaga kasi ako para kay Mico.

“Gago!”  ang sagot niya.

Natawa na lang ako sa sagot niya. Para kasing linya ni Kuya Renan ang mga ganoong banat.

Alas 8 na nang tuluyan na kaming nakarating sa aming venue. Halos naroon na ang lahat ng mga bisita. Formal wear ang nirequire ni Anne na isusuot namin. Ayoko sana sa ganoong setup dahil naiilang ako at wala talaga akong kataste-tase sa ganoong klaseng pormal na damit. Pero siguro iyon ang nakasanayan ng kanilang pamilya kaya wala akong magagawa. Plano rin kasi ni Anne iyon kaya okay lang sa akin.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga bisita nang makita kaming dumating. Si Anne mismo ang nagi-emcee at nang in-acknowledge niya ang aming pagdating, nagsitayuan at nagsisipulan ang mga bisita na siguro ay nasa may limampung katao.

Nagsimula ang opening remarks at ako ang tinawag. Sa aking speech ay pinasalamatan ko ang mga dumalong kaibigan, ang mga taga LGBT, si Anne at Mico.

Maya-maya ay nagsimula naman ang presentations ng mga bisita. May kumanta, may nagtugtog ng piano, may sumayaw, may naggitara.

Nag-announce si Anne na kakain daw muna kami at habang kumakain ay may sorpresa siyang ilahad. Ngunit nang naupo na ang mga bisita sa kanilang puwesto sa mesa at handa na sanang magsimula sa kanilang kainan, biglang tumayo naman si Mico at tinungo ang entablado. Kinuha niya ang mikropono at nagsimulang magsalita. “Ladies and gentleman, bago pa ako maunahan ni Anne na sa kanyang sorpresa para sa atin, kung ano man iyon, allow me first to present my surprise gift to our birthday boy, Bugoy...” Tiningnan niya ako na nakaupo sa gitna ng presidential table. “’Tol come here!” ang sambit niya.

Game na game akong tumayo at nang katabi ko na siya, inakbayan niya ako. Umakbay na rin ako sa kanya, kampanteng kampante at handang-handa na sa kanyang sasabihing sorpresa na alam ko na dahil sabi nga ni Anne na iyon na. May pa thumbs-up thumbs-up pa ako, may pa v-sign vi-sign sa daliri, ma ypa wacky pang mga moves dahil may mga kumukuha kasi ng litrato. Abot tainga ang aking ngiti.

Nagpatuloy siya, “Para po sa mga hindi nakakaalam, ang utol kong ito ay mahal na mahal ko po. Lahat na kaya kong ibigay sa kanya ay ibibigay ko, kahit buhay ko pa ay iaalay ko sa kanya. Ang daming hirap na po na piangdaanan naming dalawa, nakidnap kami, muntik nang mabaril ng mga kidnappers… heto nandito pa rin kamng dalwa. Naging pasaway din ako noon ngunit tumino dahil sa kanya. At dahil rin sa kanya kaya nagkaroon ng kulay at direksyon ang aking buhay…” huminto siya at tiningnan ako.

Ako naman ay biglang nahinto sa pagpapa-cute at pagpoposing ng mga wacky na posisyon dahil naramdaman kong seryoso ang kanyang speech at halos iiyak na siya. Inilingkis ko na lang ang aking kamay sa kanyang baywang at naging seryoso umayos na.

Nagpatuloy uli siya, “Kaya sa birthday niyang ito, pinilit ko pong ibigay sa kanya ang isang bagay na alam kong magpapaligaya sa kanya. At ito po siya, please Welcome po, ang kanyang pinakamamahal na Kuya Renannnnnnnn!!!” Nakita kong minuwestrahan niya ang in-charge ng sound system. Tumugtog ang-

Everybody has a first love,
They have left in yesterday.
Feelings they have left behind,
It's just a place in time but not so far away.
Everybody has a first love,
When the dream they shared was new.
I remember that special someone,
So I wrote this song just for you.

First love in my life.
Where are you tonight?
I wonder about you.
First love in my life.
Did things turned out alright?
I worry about you.
'Cause I've got everything,
Everything in life that I wanted.
It would kill me now and make me sad
To know you are lonely.
First love never dies.

I wish you love, I wish you happiness.
And may the years be kind to you.
You'll always be a part of me,
Share this thought with me.
I'll carry you always…

Mistulang umikot ang aking paligid sa narinig na sinabi ni Mico. Parang ang lahat ng aking dugo ay dumaloy patungo sa aking puso at hindi ako makahinga. Nang tinignan ko pa ang taong nakatayo sa dulo ng aisle, walang duda na si Kuya Renan iyon. Kinuskos ko ang aking mga mata at sinampal-sampal ko pa ang aking pisngi kung totoo ba ang lahat at hindi panaginip. Ngunit naroon siya, binitiwan ang isang nakabibighaning ngiti, dala-dala ang isang kumpol na mga pulang rosas. At hindi na siya maliliit, puro malalaking pulang rosas! Naka tuxedo siya, ternong itim ang lahat ng suot at napakaguwapo niya sa kanyang suot. Nang tiningnan ko ang kanyang buhok, naka-gell ito, at sinuklay na pahati, iyong palagi niyang ginagawa kapag nagpapa-cute sa akin.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Dali-dali akong tumakbo patungo sa kanyang kinatatayuan, nagsisigaw. “Kuyaaaaa!!! Kuyaaaaaa!!! Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!”

Nasa kalagitnaan na ako ng aisle nang biglang huminto ang music mula sa sound system at ang narinig kong tinig ay isang mula sa mikropono. “Hintayyyyyyyy!!!”

Bigla akong napahinto. Nilingon ko ang entablado. Naroon si Anne, hawak-hawak ang mikropono, at katabi niya si Mico na tila naguluhan. Nagsalita siyang muli, “Bagamt birthday ito ni Bugoy, napagplanuhan naming dalawa na bibigyan ng sorpresa ang kanyang utol na si Mico na sa simula pa man ay matinding sakripisyo na ang ginawa para sa utol niya. Nais ko pong ilahad sa inyo sa mga hindi nakaalam, na si Mico at Bugoy ay hindi po biological na magkapatid at kami naman ni Mico ay hindi totoong magkasintahan. Magpinsan po kami. Gawa-gawa lang po ni Mico ang palabasin na magkasintahan kami dahil kay Bugoy. Ayaw ko nang i-explain pa ang kuwentong ito ngunit mahal po ni Mico si Bugoy. Mahal na mahal” at nakita kong humudyat siya na halos ay kasabay sa pagbagsakan ng mga confetti at bulaklak mula sa kisame. Nakita rin ng lahat ang unti-unting pagbaba ng malaking banner na may nakasalut na, ‘On my 16th birthday and onward, I want to be a part of Mico’s life. Mico... I love you too! -Bugoy-’” na sinabayan pa ng background music na –

(Video)

Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako
Naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin, mapapansin mo rin
Alam kong di mo Makita, narito lang ako
Hinihintay lagi kita, umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din
Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y, maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon, kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin, pagdating ng panahon...

Nang tiningnan kong muli si Anne. Nakita kong inabot niya ang isang kumpol ng mga puting rosas kay Mico na sa pagkakataon iyon ay tila tulala rin sa hindi inaasahang mabilis na mga pangyayari.

Habang napako ako sa aking kinatatayuan sa aisle na pinagitnaan nina Kuya Renan at Mico, nagsalitang muli si Anne, “Bugoy, kung tunay mong mahal si Mico, patunayan mo. Lapitan mo siya at tanggapin mo ang mga puting rosas na galing sa kanya…”


(Itutuloy)

44 comments:

  1. First comment Kuya MIchael haha. though di ko pa nababasa :) sobrang excited lang ako sa update mo hihihihi :)


    -Lemon Pascual

    ReplyDelete
  2. Hala hala hala at anong drama ito kuya mike? Hrhhehe galing nyo pa rin.. kakakilig to the max

    ReplyDelete
  3. Nakakakonsensya nman to grabe lang. Kung ako si Bugoy c kuya renan prin pipiliin ko dahil kung c Mico ang pipiliin ko bka mas masaktan ko sya sa huli. Alam kong hindi pa cgurado c Bugoy kung mhal din b sya ni Renan ng higit sa kapatid. Pero sabi nga nila, the higher the risk the higher the return. #justsayin
    ---JOHNDRO
    Tnx kuya mike sa update

    ReplyDelete
  4. Oh my... Sino? Sino? Mahal ko o mahal ako ? Grabe na too..


    Az

    ReplyDelete
  5. Ang ganda sir Mike! looking forward for the next update :)

    -Kev

    ReplyDelete
  6. Sa haba ng panahon, posible ba talaga yung ganun na hindi mawawala ang pagmamahal? Wala nmn kasing kasiguraduhan ang pangako kay bugoy. Samanatalang araw-araw nya kasama si mico, may nangyayari pa sa kanilang dalawa, pero bakit wala syang nararamdaman.

    Habang binabasa ko na may sopresa daw si mico, ang nasa isip ko ay si renan yun. Kahit na pinipilt kong yung tour dapat ang sasabihin. At ayan na nga ang kutob ko, biglang masisira ang palano dahil kay renan.

    Oh ayan, mamili kana bugoy. Ang mahal mo or ang nagsasakripisyo sayo ng buong puso. Kung ako nmn ang papipiliin, si mico nalang, ayoko syang magpakamatay. Kahit diko sya mahal, sa kanya ako at matututunan ko din syang mahalin.

    bharu

    ReplyDelete
  7. Ouch..sobrang hirap naman ang ggawing disisyon n bugoy. Madaming massaktan kong magkkamali siyang pagpili.sobrang nakakaiyak..

    ReplyDelete
  8. Kudos kay sir mike... sarap basahin ng kwento kasi parang andun ka mismo at sa mga ibang pagkakataon parang ikaw mismo ang tauhan sa kwento. Damang dama mo yung emosyon ng mga tauhan.......thanks sir mike for sharing your brilliance to us through your stories.

    ReplyDelete
  9. talagang sadista....pinapahirapan ang bida ng kuwento ....haist nakakainggit naman...

    ReplyDelete
  10. sana may update na kaagad kklk bitin :)

    ReplyDelete
  11. OMG torn between mico and kuya renan.. grabe ang twist nabigla ako sa pangyayari... cguro ung gift ni mico kay bugoy ay si kuya renann pero si anne nman pinush ung planong tulungan si mico... hayyyy na excite tuloy ako sa nxt chapter.. salamat kuya mike... JhayL from Dubai

    ReplyDelete
  12. Huwatttttttt?????.


    Edsu

    ReplyDelete
  13. Huwatttt???????

    Hala.......

    Sullivan S. Edsu

    ReplyDelete
  14. I hate dz part na parang mamimili ka sa dlawa kung cno tlaga ang ppiliin mo, ang taong "mahal ko o mahal ako". #IDOL_MIKE ang gling mo tlaga #Dbest!! :-D ;-) :-*

    #ZACHZNAH.

    ReplyDelete
  15. grabe ka kuya hanngang ngayon d ako maka move on sa chapter 11.. paano na yan anjan na si kuya renan pero nkalagay dun sa stremer iloveu too miko.. hayyysss ayaw matanggal sa isip ko kung ano na mangyayari.. may sariling surprise si miko para kay bugoy, may ginawa nman si anne para kay mico... galing mo tlaga kuya.. kakaiba ang twist ehehe salamat po kuya. jhayl from dubai

    ReplyDelete
  16. grabe si miko saludo ako sa knya... yan ang pagmamahal gagawin ang lahat para sa knyang minamahal kahit masaktan pa sya... sorry kuya d lng maka move on sa nabaso ko eheeh... jhayl form dubai

    ReplyDelete
  17. Shet!! Kung ako si bugoy papkamatay na lang ako!!! Haist!! Sobrang ganda ng story!! Thank you po ulit!! 😄😄😄

    ReplyDelete
  18. Galing!!! Talagang pag iisipan mo kung sino ang pipiliin mo.

    If I were Bugoy, pipiliin ko si Mico. Mico has a pure and generous love, love that is not selfish and can endure whatever comes. In a perfect world, ang katulad ni Kuya Renan ang laging pinipili dahil we always follow our feelings.

    I am reading your story together with my partner, whom i am with for more than 10 yrs. And yes, isa syang Mico sa akin pero sya ang pinili ko at minahal ko din ng buo buo.

    Just expressing my opinion.

    Bong - Dubai

    ReplyDelete
  19. bat na late ako..., maya nalang work muna..,
    achi

    ReplyDelete
  20. What the fuck is this sir mike!! Bakit mo masyadong pinahihirapan si bugoy, haha. Next chapter is the moment of truth. Kahit sino piliin ni Bugoy, pero sana si Mico kasi masyado na siyang maraming naisakripisyo para kay Bugoy.

    Thanks sa update sir Mike, GodBless po

    ReplyDelete
  21. kuya mike i guess this is the best update so far.....pati ako nahihirapan kung sino pipiliin ni bugoy....nawiwindang na talaga ako naaawa ako Kay mico

    ReplyDelete
  22. Naaawa ako para kay Miko. At hindi ko naman alam kung anong gagawin ko kung ako nasa kalagayan ni Bugoy. Mas nagiging komplikado na ang story. Salamat Sir Mike. Silent reader here for a long time.

    ~ Curtis

    ReplyDelete
  23. nakakatakot yung kinikilos ni anne.., parang tototohanin ata ni mico yung banta nya sa buhay nya, napakahirap nmn ng ganitong sitwasyon, wala kasi silang ladian o sabihin nanating di malilimutang alaala ni bugoy at mico sa loob ng dalawang taon so di rin natin masisis si bugoy kung bakit di nawala sa isip ni si renan..., anyway try ko nalang mag move on sa chapter na to medyo mahirap pero kakayanin ko pero nakkaalito talaga kung sino pipiliin ko haha....,

    ReplyDelete
  24. nakakatakot yung kinikilos ni anne.., parang tototohanin ata ni mico yung banta nya sa buhay nya, napakahirap nmn ng ganitong sitwasyon, wala kasi silang ladian o sabihin nanating di malilimutang alaala ni bugoy at mico sa loob ng dalawang taon so di rin natin masisis si bugoy kung bakit di nawala sa isip ni si renan..., anyway try ko nalang mag move on sa chapter na to medyo mahirap pero kakayanin ko pero nakkaalito talaga kung sino pipiliin ko haha....,

    ReplyDelete
  25. sino ang pipipliin ko? ayusin mo bugoy..lakas maka KZ Tandingan ng gagawin ni Bugoy

    anong paiiralin ko puso ba o ang kiki ko..char! haha

    sino ang pipiliin ko...mahal ko o mahal ako...

    -Myk Tan

    ReplyDelete
  26. Nakakakilig naman ang storya na ito.. napapangiti akong mag-isa.. hehehehe.. thunbs up sa writer..galing galing!!!

    ReplyDelete
  27. Ganda nmn ng story.. bakakakilig..

    ReplyDelete
  28. thanks for the update... sino ang pipiliin mo Bugoy, mahal mo o mahal ka?

    isa sa kanila ang uuwing luhaan,,, kung si mico man un, sana di nya maisip na tuldukan ang kanyang buhay... sana maging masaya na lang xa sa utol nya... hay... it's complicated... maraming salamat ulit author...

    ReplyDelete
  29. Anong kagulohan etoh???
    .
    .
    .
    . excited na me next chap...

    ReplyDelete
  30. Hay sawakas nbasa ko rin yung 9, 10, and 11 Kuya Mike. Sensya na po kung medyo nawala ako sa mga nagco-comment. Maraming Salamat Kuya sa pagbalik mo kay Kuya Renan sa kwento miss na miss ko narin po sya gaya ng pagkamiss sakanya ni Bugoy (Promise Kuya!)... Kaya bugoy huwag mo nang pakawalan ang pagkakataong mayakap at mahalikan muli si Kuya Renan natin (natin tlaga? Hahaha) Tnx Kuya Mike sa magandang flow ng story, sana patuloy parin kayong maging inspirado sa mga kwentong ginagawa nyo. :) -Paolo

    ReplyDelete
  31. Sumakit ulo ko bugoy!!!

    -don bogli mael

    ReplyDelete
  32. Kaloka sir Mike. Kay kuya Rennan pa rin ako no. Kung mahal talaga ni Mico si Bugoy tatanggapin niya na sina bugoy at rennan talaga para sa isa't-isa. Pero mas masaya siguro kubg ipaglalaban nilang pareho ang pag-ibig na naramdaman nila kay Bugoy. Taray Bugoy! Edi ikaw na!

    JM Perez

    ReplyDelete
  33. Oh my g!! Oh my g!! Grabe ikaw na talaga bugoy daig na daig mo ang buhok ni rapunzel hihi nako sino kaya ang lalapitan niya kinakabahan ako :)

    ReplyDelete
  34. Whoahhhh
    Speechless!!!!!! Ako na lng sana c bugoy

    ReplyDelete
  35. Sinong pipiliin ko mahal ko O mahal ako? HAysss bugoy sundin mo yung nasa puso.. kung sino ba talaga ang mas matimbang.. good job sir mike.. godblesss

    ReplyDelete
  36. Haissst! Kahaba pa naman ng comment ko...tas nawala lang...parang di tinanggap ng blog. Di ko alam kung saan may problema!

    ReplyDelete
  37. MAHAL KO O MAHAL AKO LANG ANG PEG. Shet hanggang dito sa bahay namen nauupuan ko buhok ni Bugoy. Haba ng heyr mo gurl. Ikaw na talaga. Hahaha. Pero madali lang naman sana ang pipiliin kung sigurado kang mahal ka din ng mahal mo. But then again, isinasaalang alang din ni Bugoy yung utang na loob ni Mico na mahal sya. Haaays and the martyr-est award goes to... Bugoy, Renan, o Mico? Hmm next chap! Salamat sa update Kuya Mike!

    Ano ba yan, lagi na akong late sa comments. Mejo busy na kasi sa school. Pero ipush ko to. Di ko mapapalampas bawat chapter! Yieeee!

    - Tim Tsui

    ReplyDelete
  38. gusto ko si kuya renan para kay bugoy pero feeling ko si mico pipiliin nya :) waiting for the next chapter :)) #Ernz

    ReplyDelete
  39. Pratikal aq kya kay mico aq.
    Ung kay kuya renan its memories to cherish na lng.
    Immature pa c bugoy eh kya so far heavy p ung experiences niya with kuya renan.
    But later on with mico.tried and tested na.un ung forever.

    ReplyDelete
  40. tagal ng next update :( excited na ako kung sino pipiliin ni bugoy kung c MICO o RENAN :(

    ReplyDelete
  41. Grabe. Tinapos ko mula simula gang dito ng walang hintuan. Ang ganda ng kwento. Sana ipelikula to. Ang sarap sa imagination. Please sana may update na uli.salamat author.

    ReplyDelete
  42. Good morning Po boss.
    San Po pwedeng maview ang remaining chapters Ng KUYA RENAN? Hanggang chap 21 Po Kasi siya. Ang Ganda Po Ng story nakakabitin lang Po.

    Pls reply and thanks.

    ARIEL REUBAL CODINERA

    ReplyDelete
  43. Good morning Po boss.
    San Po pwedeng maview ang remaining chapters Ng KUYA RENAN? Hanggang chap 21 Po Kasi siya. Ang Ganda Po Ng story nakakabitin lang Po.

    Pls reply and thanks.

    ARIEL REUBAL CODINERA

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails