Followers

Wednesday, January 20, 2016

Enchanted: Broken Chapter 35 in First-Person POV (subok lang)


I was browsing around National Bookstore the other day and found a shelf of WattPad-stories-turned-books, and because I got curious I opened some of them. I noticed that many books there were written in multiple first-person points of view, which is somewhat becoming a trend among new or young writers. So I wondered what if I wrote Enchanted in multiple/alternating first-person POV. Subok lang.




Chapter 35
Thong 


ERROL

Habang naglalakad kami ni Ivan patungo sa hotel room na binook niya ay unti-unti akong sinakluban ng nerbyos. Ano ba’ng gagawin namin sa loob? Matutulog lang ba kami? Magkukwentuhan? Parang napag-usapan na yata namin lahat ng pwede naming pag-usapan sa mga buhay namin. Ano pa ba ang pwede naming pag-usapan ni Ivan? Mag-aano ba kami? Teka, ano’ng mag-aano?

Dama ko ang kaba ng mga sandaling iyon. Sandali akong lumingon upang sulyapan si Ivan. Ang bango niya. Teka, bakit niya ba talaga ako dadalhin sa silid na yun? Ano ba ang gustong mangyari nitong si Ivan? Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Shit, pa’no ‘to? Sa bawat paghakbang ko ay nadadagdagan ang kaba ko. Nagulat na lang ako nang hampasin niya ako. “Hay, nako po.”

“Okay ka lang?” nakangiting tanong niya. “Dito na tayo.”

“O--” lumunok ako upang mawala ang bara sa aking lalamunan. Tumango ako. “O-Okay lang ako.” Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko. Parang lalagnatin ako. Ang aking mga tuhod ay parang nagiging goma sa lambot. Mas lalo pa akong kinabahan nang ipasok na ni Ivan ang susi sa doorknob at pihitin ito. Naramdaman ko na lang ang marahan niyang tulak sa akin papasok.

“Come with me, my ... Valentino.” Malambing ang boses ni Ivan. Mababa sa karaniwang timbre. 

Come with him? As in cum with him? Yuck, ang dumi ko na mag-isip. Nahahawa na yata ako kay Manny. Pero umaakyat na ang init sa leeg ko habang ginagala ang tingin sa magarang silid, sa maladilaw na mga ilaw, sa malaking puting kama na iyon sa di kalayuan. Dito ba namin gagawin? Ramdam ko ang pagtibok ng mga ugat ko sa leeg at sentido. 

“Relax yourself. Manood ka ng tv.” 

Halos hindi ko marinig ang boses niya sa tindi ng kabang nararamdaman at sa pag-iinit ng buo kong pagkatao. Halos hindi ako makagalaw, ngunit napilit ko ang aking sariling tumango sa kasama at bahagyang mapangiti. Dahan-dahan akong tumungo sa kama at umupo sa gilid nito, kinukubli ang panginginig ng aking kalamnan.

“Okay ka lang?”

Dinig ko ang boses niya, mas mahina ito sa kadalasan niyang boses, hindi masigla ngunit malumanay na tila dinuduyan ako na labis ang kaba nang mga sandaling ito. Nang lingunin ko siya ay niluluwagan na niya ang kanyang polo. Agad kong binawi ang sulyap. “O-Oo, okay lang.” Ang ngiti ni Ivan, ang ngiting iyon na gusto kong lasapin sa paningin, ngunit di ko talaga kayang tagalan. 

“Psst...”

Napalingon ulit ako. Natigilan ako nang makitang nakasalawal na lang siya. 

“Maliligo muna ako.” Kumindat ito.

Ivan, nakakainis ka talaga. Lagi mo na lang akong inaakit. Nakakainis ka. Hindi mo ba alam na parang mahihilo na ako? Napadiin ang hawak ko sa kama habang tila ay sandaling tumigil sa pagtibok ang aking puso. Ngunit hindi ko pinahalata ang kabang nararamdaman. Umiwas uli ako ng tingin.

“Ready ka na?”

Halos malagutan ako ng hininga sa marahang ihip ng hininga ni Ivan sa aking tenga na nagpakiliti sa akin. Hindi ko alam ano’ng isasagot ko. Nang lumingon ako upang sana ay sumagot ay nakatalikod na si Ivan patungo sa shower room. Nanghihina ako sa tindi ng kabang nararamdaman. Pumikit na lang ako at huminga nang malalim. Tatanggi ba ako o hindi? Hinubad ko ang aking sapatos at humiga sa kama na nakahawak nang mahigpit ang isang kamay sa comforter, hinihintay na humupa ang nararamdaman kong pagkabalisa. 


* * *


IVAN

Habang naliligo ako ay iniisip ko ang mga pangyayari nitong mga huling araw. Isang linggo ko pa lang nakikilala si Errol, ngunit malapit ang loob ko sa kanya. Noong una akala ko dahil naalala ko lang ang kapatid ko sa kanya, ngunit bakit tila may iba pang dahilan? Bigla akong natigilan. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ako bakla. Ngunit ano itong umuusbong na damdamin para sa bagong kakilala? 

Nang makita kong umiiyak si Errol dahil sa pagkabigla nang yayain ko siyang samahan ako ngayong espesyal na gabing ito ay narealize ko ang pagka-emo at sensitive nito. Hindi kaya awa lang itong nararamdaman ko? Pero, oo, gusto ko siyang makitang masaya. Basta gusto ko makitang masaya si Errol. 

Hinayaan kong umagos ang tubig sa katawan ko. Sana ay higupin ng drain sa semento ang mga doubts ko sa pagkatao ko, sa sekswalidad ko. Paliligayahin kita ngayong gabi, Errol. 

Pagkatapos kong maligo ay pinahid ko ng twalya ang katawan ko. Kita ko sa salamin ang kabuuan ko. Alam kong attracted si Errol sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagpipigil siya. Sinuot ko na ang thong, isang kakarampot na saplot na sapat lang upang matakpan ang maselang bahagi ng katawan. Bakit ko ba ‘to ginagawa?

Gumiling-giling ako sa harap ng salamin at napangiti dahil para akong engot. “Pwede na siguro ‘to,” bulong ko sa sarili. Pagkalabas ko ng banyo ay bumungad sa akin ang napakagarang kwartong may mga pulang kurtina, ang mga mwebles na gawa sa makintab na kahoy, ang patay na telebisyon, at ang queen-sized bed na natatakpan ng puting comforter. Nakahiga si Errol sa gilid nito na nakatagilid. Sana handa na siya. Sana di siya nerbyosin. Errol, di mo lang alam, kinakabahan din ako. Wala akong experience sa ganito eh. Pero gagawin ko ang lahat upang maging memorable ang moment na ito. Pinatay ko ang ilaw. Naiwang nakabukas ang dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng malaking higaan. 

Handa na ako. Oo, pinaghandaan ko ang gabing ito. Nagresearch pa ako sa Internet kung ano ang ginagawa ng dalawang lalaki kapag nagtatalik. Nilapag ko sa side table ang isang condom at ang bote ng water-based lube. Aangkinin na kita, Errol. Para akong loko-loko sa mga iniisip ko ngayon. Pero kakalimutan ko muna ang identity crisis ko. Di ko man alam kung pa’no ‘to, kung mag-eenjoy ba kami, basta para sa'yo Errol. Sana mag-enjoy ka kahit paano. 

Dahan dahan akong pumatong sa kama at patagilid na humiga sa likod niya. Dahil hindi ito gumalaw ay sinundot ko ang tagiliran nito. Hindi man lang nagreact. Mukhang tulog na yata. Hinawakan ko ang braso niya. Di pa rin gumalaw. Grabe naman. Nang hilahin ko ang braso niya, doon ko lang napansin na tulog na nga talaga siya. Grabe, tinulugan ako. Siguro pagod talaga siya. 

Nakakatawa naman ‘to. Sayang lang ang paghahanda ko. Napunta lang sa wala. Napangiti na lang ako. Grabe ka, Errol. Ilang beses mo na akong binibitin ngayong linggong ‘to. Natawa ako nang payak. Pero dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Sinuri ko ang maamo niyang mukha. Tulog na tulog na talaga siya. Napangiti ako. Bakit kasi naging lalaki ka pa? Di ko alam pero hinalikan ko na lang siya sa pisngi at leeg. Teka, ba’t ko siya hinalikan na naman?

Tumihaya ako sa tabi ng tulog na guro. Pinatong ko ang aking ulo sa dalawang kamay. Pa’no kung maging kami? Napalingon ako sa kanya. Pwede ba yun? Kaya ko ba? Teka, Errol, mahal na ba kita? Ano ba ‘to? Grabe naman. One week pa nga lang tayo magkakilala eh, tas lalaki ka pa. Pero di ko maintindihan eh. Parang importante ka talaga sa akin. Ang gaan ng loob ko sa iyo kahit nung una pa lang kita makita sa bar. Oo, nakikita ko si Jed sa iyo, pero di ko talaga maintindihan eh. Nagiging bakla na ba ako? Grabe naman.

Di ko namalayang nakangiti na pala ako habang nakalingon kay Errol. Bakit iba ka, Errol? Ang weird mo. Ang hirap mong akitin. Ilang beses na kitang siniseduce. Ilang beses mo na akong binibitin. Pa’no na ‘tong ano ko? Hinimas ko ang pagkalalaki ko na dahan-dahang nabuhay habang lumapit akong muli kay Errol. “Uy, tulog ka na ba talaga?” bulong ko dito. Hindi ito umimik. “Errol, galit na si junior o. Nakalabas na sa thong ko,” bulong ko ulit. 

Dinala ko ang kamay niya sa ari ko. Baka pag nahawakan niya ang rock hardness ko ay magising siya. Kagat-labi akong napapikit habang inihimas ang kamay niya sa alaga ko. “Ahhh, shit, Errol.” Di pa rin ‘to umimik. “Errooool,” bulong ko ulit, “l na l na ako eh. Gising na...” Wala talaga. Tulog na nga talaga. Tinulugan talaga ako. Tinama-tama ko na lang ang ilong ko sa tenga niya habang marahang hinimas ang kanyang bewang.


-----------------

Kalma, guys! Whew! Paypay nga. May mga binawas at dinagdag ako bunga ng malikot na imahinasyon. Hahaha

Disclaimer: This version is independent of the actual story and is not necessarily part of its continuity. 

Sa Linggo ang next update.

Anyway, what do you think of this version? Pwede ninyong balikan ang Chapter 35 sa previous post for comparison. If you have questions, feel free to message me on Facebook, email me, or ask me in the comments below. The smart readers will see the subtle(?) but important differences between first-person narration and moving third-person narration, the one I'm actually using.

https://www.facebook.com/bombi84

peterjonesdelacruz@gmail.com


14 comments:

  1. Hi sir author! Parang mas trip ko yang 1st person pov. Parang mas makikilala mo kasi yung character kung sila mismo yung nagnanarrate eh hehe pero okay lang din nman yung 3rd.
    Nabasa nyo na po ba yung "A Dilemma of Love" ni Menalipo Ultramar? Nag start sya from 1st person then after ng ilang chapters bigla nyang ginawang 3rd person. Depende naman din po yan sa flow ng story nyo. Pero parang mas maganda po yung 1st person pov pag may scene na mag uusap lang yung dalawang characters pero mas angkop pa din po ang 3rd person sa mga fighting scenes. Pwede nyo din pong pag iba ibahin hehehe nagsusuggest lang po. Syempre kayo pa din po ang masusunod kasi kayo po ang nakakaalam ng story.

    Anyways, sana nabasa/mabasa nyo po ang "A Dilemma of Love". One of the best here in msob. Isa sa mga nakapagpaiyak sakin. At ang ganda din po ng pagkakasulat nya.
    Hehe just sayin.

    -jcorpz

    ReplyDelete
  2. Much better. Hindi nakakabagot. Try lang ng try hanggang maayos. Okay lang kasi nagsisimula pa lang naman magsulat.

    ReplyDelete
  3. SANA magising si ERROL sana lang. Hahahaha mas maganda to kahit di matuloy ung bed scene. Sana lang mainlove si Ivan nga tuluyan kahit walang mangyari. Lol

    ReplyDelete
  4. Ito pala ang 1st person POV. I like it this way ay. Mas mahibaw.an nako ang thoughts ug emotions sa isa ka character. Ganahan ko.

    ReplyDelete
  5. Ito pala ang 1st person POV. I like it this way ay. Mas mahibaw.an nako ang thoughts ug emotions sa isa ka character. Ganahan ko.

    ReplyDelete
  6. hayyy, naku naman parang pareho kami ni Ivan ng naramdaman,,,,BITIN!!
    -Marlon

    ReplyDelete
  7. Nice one pero bitin ang scene.. Sana matuloy lovemaking nila.. :-)

    ReplyDelete
  8. Maganda po ang POV boss 😀 para naman may moment ang bawat major character. Pero Mas magandang sa 3rd person pag may global events na nangyayari at the same time

    ReplyDelete
  9. Ok lang cguro kung haluan ng POV.. Minsan kasi sa mga POV hnd naddescribe ng maayos ung setting.. Mdalas puro ung thoughts lang ang laman ng buong story..

    Nakakatawa na nakakatuwa tong experiment mo.. Maganda pa rin XD

    ReplyDelete
  10. Ahahaha. Ang ganda kapag first person POV. Pero I'm not against naman sa way mo magsulat. Ang cute lang basahin kapag alam mo ang tumatakbo sa isip nung character.

    Anyway, silent reader po ako at nasimulan ko yung story from the day na naupdate mo yung chap 1 author. Ang ganda ng kwento, nakaka excite!! Thumbs up to you! Kudos.

    Sungit

    ReplyDelete
  11. I prefer first person POV personally. But whichever you can best relay the story, go for it!.

    I AGREE sa first comment you need to read a dilemma of love made me cry at the last part. Story ay medyo magulo pero Im super in love with Chong! Haha

    MARVS

    ReplyDelete
  12. I so love reading your responses. This is why I like you to give your feedback para may mapag-uusapan tayo. I love the observations. May strengths at weaknesses kasi ang bawat uri ng narration. Pero para sa kwentong ito, magiging mahirap ang battle at duel scenes kung naka first-person tayo. Kasi sa first-person narration hindi ka makaka-zoom out sa scene mo kasi nasa consciousness ka lang lagi ng character na nagnanarrate. Sa story na ito kailangan dynamic yung point-of-view. Hindi ko alam kung napapansin ninyo pero minsan gumagalaw ang narration natin papasok o palabas ng consciousness ng mga characters. That's the best thing about the third-person narration, kasi it's very flexible. Ang major weakness ng 3rd person sa tingin ko ay yung nagiging awkward ang internal monologue ng character. Hindi lang ako sure dun sa papalit-palit na pov, as in alternating 1st and 3rd person. Parang hindi siya standard. Anyway, maraming salamat sa inyong lahat na nagbahagi ng opinyon.

    ReplyDelete
  13. I agree with all of you na mas nakakaexcite at nakakakilig ang 1st person pov. Pero yun nga lang, naisulat ko na ang Book 2 in 3rd person pov. Wag niyo na ipabago sa akin kasi madugoooo. Mararamdaman niyo pa rin naman kahit papaano ang mga karakter.

    ReplyDelete
  14. SIR PETER!!! Ipagpatuloy mo to haha. Kumbaga special episode ng isang series, please, haha

    Mas ok yung ganito Sir Peter, mas naiintindihan namin yung nararamadaman ng bawat character. Ganito yung style ni ginagamit ni Sir Gab aka White_pal kaya mas kinikilig ako every chapters kasi mas ramdam namin yung mga characters.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails