Followers

Tuesday, January 26, 2016

Dear Stranger (Chapter 11 and 12) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE (BASAHIN! UTANG NA LOOB!)
Sinagot ko na lahat ng tanong at concern sa INTERLUDE. Kaya kung nasagot ko na iyan, pasensya hindi ako magrereply para ulit-ulitin ko ito. Matutong magbasa please.
BTW, aminado ako na kulang sa detalye ang lugar na naka-feature sa Chapter na ito. Aayusin ko ito pagdating sa eBook version dahil I have enough time to improve that.

Sorry sa delay. May mga inasikaso akong importante.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================

======================================================





DEAR STRANGER

(Book 2 of "Love, Stranger")




CHAPTER ELEVEN
RAY:
Nakita ko siyang nakangiti sa akin habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa strap ng pulang backpack. Anong nginingiti-ngiti ni loko? Tsk! Patuloy akong naglakad.
"For the first time late ka ah." Sabi ni Rome sabay kindat nang makalapit ako.
"I'm not late. Wala tayong sinusunod na oras."
"Wow! So it means matagal-tagal kitang ma-sosolo?" sabay ngisi.
"Asa. Oh siya, maglakad ka na palabas nang umusad na ang tour na ito." Sabi ko sabay muwestra sa kanyang maglakad palabas ng entrance ng hotel na gawa sa salamin.
Tahimik. Naalala ko ang mga bulaklak na dumating kaninang umaga sa kwarto ko, ito ang dahilan kung bakit naalintana ang pagbaba ko. For five straight days may nagpapadala ng bouquet sa akin! Gusto kong itanong sa kanya kung siya ba nagpapadala ng mga ito, pero ayoko namang isipin niya na assuming ako. Bwisit! Bakit kasi di na lang magpakilala kung sino man iyon!
Bumukas ang pinto ng hotel, sumalubong sa amin ang malamig at malinis na simoy ng hangin ng Osaka. Inhale, exhale. Ang sarap! Kahit langhapin mo ng paulit-ulit ang hangin dito sa Japan ay, siguradong hindi mapapaaga ang pagkamatay mo dahil napakalinis ng hangin, unlike sa pinas.
"Sweet naman natin parehas pa tayo ng kulay ng backpack." Sabi niya sabay tapik sa backpack ko. Umikot ang mga mata ko. Lakas ng trip nito ngayong araw ah.
"Sweet ka 'dyan."
"Oo. Tapos parehas din tayong naka-blue na shirt." Sabi niya sabay kindat. "We're like a couple." Bumakat sa mukha niya ang malalim na dimple.
"Ewan ko sa iyo. Tawagan mo na nga taxi para makarating na tayo sa train." Sabi ko sabay abot ng cellphone sa kanya.
"Ha!? Wala bang bus or private vehicle."
"Wala. Sabi ni Mr. Kyou na since educational trip mo ito, magandang maranasan mong mag commute sa Japan."
Tumango siya. "Mas pabor sa akin iyan. Adventurous kasi ako, at mukha namang ganoon ka rin."
"Yes I am."
"Ayun! Perfect match talaga tayo!" masaya niyang sabi. Tiningnan ko siya, abot tenga ang ngiti ni loko. Ang lakas ng tama niya ngayong araw, napaka-hyper. Namumuro na ito ah! Gustuhin kong mainis sa mga 'di nakakatuwang banat niya pero di ko na lang pinansin. Mahaba pa ang araw na ito at ayokong masira iyon.
"Tawagan mo na! Ang dami mong alam." Dinuldol ko sa mukha niya ang cellphone ko. Hinawakan niya ito at bahagyang binaba.
"Walking distance lang magta-taxi ka pa?"
"Iniiwasan ko ang rush hour kaya tawagan mo na."
"Sabi ni Mr. Kyou dapat ma-experience ko ang Japan 'di ba? I think mas mae-experience ko ang Japan kung maglalakad tayo papunta sa train."
"Sasamahan ka na nga lang eh. Papagurin mo pa ako."
"Tara na ang daldal mo. Sabi mo may rush hour di ba? Let's beat it." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at naglakad. Malamig man ay ramdam ko ang init ng palad niya sa aking kamay, nakuryente ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.

***

RAY:
"Saan ba tayo? And anu-ano mga activities natin?" tanong niya habang naghihintay sa pagdating ng train.
"Kyoto. You will learn some Japanese culture there. 'Wag ka na maraming tanong at sumunod ka na lang. Ayoko kayang nag-eexplain ng mahaba."
"Sungit." Sabi niya. "Pero ang cute mo pa rin." Bulong niya.
"Ano?"
"Wala."
Ilang saglit pa'y dumating ang train, narinig ko ang pagbukas ng pinto nito. Putek, parang LRT at MRT sa dami ng tao. Ito na nga ba ang sinasabi ko, inabutan kami ng rush hour. Napailing ako. Sumakay kami.
"Ayan ginusto mong maglakad ah." Sabi ko na lang.
"Sino kaya yung matagal bumaba?"
"Eh kasi, may umabala sa pagbaba ko!" tukoy ko sa nagdeliver ng bulaklak.
"Sino?"
"Hindi lang sino, pati ano."
"Eh ano ba kasi yun?"
Biglang umandar ang train. Bigla akong nasubsob, bumagsak ako sa katawan ni Rome. Naramdaman ng likod ko ang braso niya. Tumingin ako sa kanyang mukha, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya.
"Humawak ka kasi." Sabi niya. Tumayo ako, pilit bumalanse.
"Maraming tao wala na akong mahawakan."
"Kung wala kang mahawakan, sa akin na lang." sabay kindat.
"Ayoko. Kaya kong sarili ko. Nagagawa ko ito sa LRT at MRT sa pinas. Kahit dito."
"Daming mong satsat, humawak ka na lang." sabi niya sabay kuha ng kamay ko at pinatong ito sa malaki niyang braso. Napailing ako. Gustuhin ko mang pumalag ay hindi ko na ginawa, ayoko na lang kasing makipagtalo.
Kinain kami ng katahimikan. Naramdaman ko ang pag-usod ng isang dalawang tao sa aking likuran, bahagya akong natulak palapit kay Rome. Pasimple ko siyang tiningnan, tumingin din siya.
"Anong tinitingin-tingin mo?"
"Close na tayo." Ngisi niya.
"Nang-iinis ka ba?" bakas sa tono ng boses ko ang pagkainis.
Tumawa siya. Putragis.
"Bakit ba kasi na-delay ka?"
"May bwisit kasing hindi nagpapakilala na bigay ng bigay ng kung anu-ano." Pagpaparinig ko sa kanya. Hindi ko maalis sa isip kong may posibilidad na siya ang taong iyon.
"Bakit ayaw mo tanggapin?"
"Kasi hindi ko alam kung kanino galing."
"Palagay mo bakit ayaw magpakilala?"
"Ewan ko. Baka siguro walang bayag." Sabi ko sabay irap sa kanya. Pasimple kong tinitingnan ang mga non-verbal actions niya, naghahanap ako ng clue na baka siya nga ito pero parang wala lang sa kanya ang bagay na iyon. Lalo akong naguluhan. I can't think of someone na pwedeng magpadala ng bulaklak. Ang sakit sa ulo isipin. Hay.

***

RAY:
"Kyoto is formerly the capital of Japan for more than one thousand years. What I like about this place is napakaraming na-preserve na mga temples, architecture at mga cities dito. As you can see para tayong nag-time travel sa ancient Japan." Paliwanag ko habang naglalakad kami papasok sa malaking pulang traditional Torii gate ng Fushimi Inari Shrine.
"Pati ba pagkain dito masarap?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya. "Gutom na ako eh. Hindi ako nag-breakfast." Sabi niya sabay kamot ng ulo.
"Mamaya. May restaurant tayong pupuntahan." Sabi ko. Dumaan kami sa map ng buong shrine. Tumingin ako sa kanya, nakita kong tinitingnan niya ito.
"Base sa pagkakaintindi ko sa binasa ko kagabi, we're in the main shrine. Later pupuntahan natin ang inner shrine, pero dadaan tayo sa mahabang trail with a thousand red torii gates." Sabi ko. Linabas niya ang video cam mula sa backpack niya, pinasok ng daliri niya ang strap nito upang hindi ito malaglag.
"Prepared ah?"
"Syempre. Smile!" sabi niya sabay tapat sa akin. Marahan kong tinabig ang video cam.
"Stop it." Sigaw ko. Patuloy kaming naglakad.
We climbed a couple set of stairs. Pumasok kami ulit sa isa pang pulang Torii gate. Ilang saglit pa'y narating namin ang puro pulang torii gates, para itong domino dahil magkakasunod at magkakatabi na para bang pag tumumba ang isang gate ay sunud-sunod itong babagsak hanggang sa pinakadulo. Mabuti na lang at wala gaanong tao kaya napaka-peaceful ng lugar, mas na-appreciate ko ito.
"Picture tayo." Sabi niya.
"You can't. Dahil tabi-tabi ang mga gates, hindi mo makikita kung may ibang taong biglang susulpot. Nakakabanas lang."
"Okay lang iyan." Sabi niya sabay abot ng cellphone sa akin. "Kunan mo ako." Umupo siya sa lapag. Lakas ng trip ni loko. Pinagbigyan ko siya.
"Ikaw naman!" nakangiti niyang sabi sabay kuha sa cellphone niya.
"Cellphone ko gamitin mo."
"Yung akin na, i-tag na lang kita."
"Bakit? Friends na ba tayo sa Facebook?"
"Eh hindi mo naman kasi ina-accept."
"Kasi ayoko."
"Kunin mo na lang sa akin pic mo pag-uwi natin."
Dahil ayoko nang makipagtalo kay gago ay pinagbigyan ko siya. Gusto ko ng marating ang inner shrine para mapabilis kami dito. Narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko. Gusto ko ng lumamon!
"Dinig na dinig ah." Sabi niya habang umuupo ako.
"Ang alin?"
"Sikmura mo."
"Oo kaya bilisan mo na at tapusin na natin ang kalokohan mo." Sabi ko.
"Mag-smile ka naman."
"Ganyan ako sa mga picture eh. Ayoko ngumiti. Hindi bagay sa akin."
"Bagay kaya."
"Hindi."
"Oo. Ang cute-cute mo sa mga pictures sa laptop at phone ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pasimple siyang tumingin sa akin. Ngumiti si loko. Tama ba ang narinig ko?
"Anong sabi mo?"
"Narinig mo naman uulitin ko pa. Dalian mo na 'dyan ang bagal nito."
Ngumiti ako kagaya ng gusto niya. Ewan ko, I feel uncomfortable.
"Pwede na. Pero mas maganda kung sincere ang ngiti mo. Mas maganda ka." Sabi niya pagkatapos akong kuhanan ng litrato sabay talikod. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ako? Maganda!? Gago ba siya?
"Hoy!" sigaw ko sa kanya. Tumakbo siya, pilit ko siyang hinabol. "Anong maganda ha!?"
"Maganda ka naman talaga sa paningin ko!"
"Hindi ako babae ulul." Sabi ko. Ilang saglit pa'y naabutan ko siya, tumalon ako sa likod niya at pinulupot ang braso ko sa balikat at leeg niya habang ang paa ko ay yumakap sa hita niya. Kahit mahaba ang biyas niya ay mas maliksi naman ako.
Lumingon siya sa kaliwa, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Naramdaman ko ang mainig niyang hinga. Kinain kami ng katahimikan. Ewan ko ba, pero bigla ko na namang naramdaman ang salitang kilig. Ang gwapo pa niya, shit.
"Pwede namang magandang lalaki ah?" bahagya siyang ngumiti. Labas ang dimples.
"Bolero."
"Baba ka saglit nabibigatan ako." Sinunod ko siya. Nag-squat si loko.
"Sakay ka."
"Baliw! Tatama ulo ko sa mga torii gates."
Tumawa siya. Lakas ng topak eh. "Sige mamaya na lang sa taas."
"Wag na. Nagbago na isip ko. Sasakay pa naman sana ako kung pwede lang eh." Sabi ko sabay ngiting nang-iinis at mabilis akong naglakad palayo sa kanya, naramdaman kong sumunod siya. Ilang saglit pa'y binagsak niya ang braso niya sa balikat ko. Kinikilig man ay pilit kong hindi kumibo at huwag itong pansinin.
"Na-miss ko ito." Bulong niya sa akin habang patuloy kaming naglalakad.
"Ako rin." Bulong ko sa isip ko. Ayokong sabihin ito sa kanya. Ewan ko ba, pero may pumipigil sa akin. Siguro ay defense mechanism ko ito. Ang sakit kasi ng dinanas ko noong minahal ko siya. Para akong dinurog, winasak, at pinatay.
Ilang minuto ang lumipas at narating namin ang isang fork. Sa parehas na daan ay may mga Torii gates pa rin.
"Left? Or right?" tanong niyang naka-akbay pa rin sa akin.
"Sa left ka. Ako sa right."
"Maghihiwalay tayo." Sabay tingin sa akin. Tumingin din ako sa kanya, ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Tinuon ko ang mata ko sa ibang bagay.
"Isa lang naman ang pupuntahan niyan eh."
"Kahit na. Dati na tayong naghiwalay ng landas, ayoko nang maulit pa iyon."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Banatero.
"Dito ako." Sabi ko sabay lakad sa left route.
"Sama ako." Sabi niya sabay akbay ulit sa akin.
"Bakit ba hindi ka doon sa kabila? Ayaw mo nun? We can share our experience? Mas marami tayong matututunan?"
"Parehas lang naman mapuno at mabundok ang makikita ko."
"Sabi nga nila, it's not about the destination, it's about the journey."
"Tama. But my journey will not be the same without you. Gusto kong lakbayin ang buhay kasama ka."
Kinikilig man ay inikutan ko siya ng mata. Ang sarap pakinggan sa tenga ng sinabi niya, pero hindi ito ma-absorb ng sistema ko. Kinain kami ng katahimikan. Narinig ko ang malamig na ihip ng hangin sa aking tenga, kasing lamig ng inaasta ko sa kanya. Sa kabila ng lamig ay ramdam ko ang init ng kanyang braso na naka-akbay sa akin, parang unti-unting tinutunaw nito ang lamig na nakabalot sa aking pagkatao.

***

RAY:
"Ang ganda dito." Sabi niya habang iniikot ang mga mata sa malayo. Nandito kami ngayon sa summit ng Fushimi Inari Shrine, kitang-kita ang buong kyoto rito. Parang ancient Japan ang itsura ng Kyoto sa malayo. Kahit naman nasa syudad ka mismo ay para kang nag time machine at napunta mismo sa lumang panahon ng Japan.
Inhale, exhale. Ramdam ng nostrils ko ang malamig at sariwang hangin. Nag-inat ako. Lagpas isang oras din kaming naglakad bago namin narating ang itaas ng bundok, pero worth it ang haba at pagod na linakbay namin. Sobrang gaan din sa pakiramdam ang mga puno na nasa paligid. I love nature.
"Sana noong nagpunta tayong Mt. Fuji narating din natin yung summit." Sabi niya.
Hindi ako kumibo. Muling nagflashback sa utak ko ang tour namin sa Tokyo last year. Tumatak sa akin ang rejection na natanggap ko mula sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Tara." Sabi ko. Tumalikod ako at naglakad papunta sa isang temple, sumunod siya.
"Ano yung ginagawa nila?" tanong niya sa mga nagdadasal.
"Praying. Maraming shrines sa Kyoto na ganito."
"Pwede natin itry?"
Tumingin ako sa kanya. Ang weird ng sinabi niya.
"Pwede naman. Pero catholic ka di ba?"
"Try ko lang. For experience. Nasa educational trip ako 'di ba?"
Hindi na lang ako kumibo.
"Sige gayahin mo gagawin ko." Sabi ko.
Humugot ako ng coins mula sa wallet, I tossed it inside the coffer. Pinatunog ko ang kampanang katabi nito at pagkatapos ay pumikit at nagdasal.
"Sana maging maayos ang tour na ito. Sana manatili kaming ligtas at makauwi ng maayos." Sabi ko. Sa totoo lang ay wala naman akong maisip na pwedeng ipagdasal sa oras na ito. Isa pa ay nagugutom na rin ako.
Ginaya niya ang ginawa ko.
"Sana maging maayos na ang lahat sa amin ng mahal ko." Bulong niyang rinig na rinig ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya. Rumehistro sa utak si Gel, pero naisip ko rin ang mga nangyari sa amin nitong nakaraang araw. Sinong mahal ba tinutukoy niya? Naguguluhan ako. Nalilito. Ewan ko. Ayoko na mag-isip.

(End of Chapter 11)



o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o





CHAPTER TWELVE
RAY:
Umupo kami sa pinakadulong parte ng train. We’re in Sagano Romantic Train Ride. Ewan ko ba kung bakit ito nasama sa itinerary na sinend ni Chichi sa amin, ang iniisip ko na lang ay siguro gusto niyang makita ni Rome ang ganda ng nature ng Japan. Hindi ko rin alam kung bakit romantic ang tawag dito, ewan ko. I don’t find it romantic.
“Bakit pala romantic ang tawag dito?” tanong ni Rome sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
“Ewan ko. Itanong mo sa Nihonjin.” Tukoy ko sa hapon na nasa may likuran namin na naka-suot ng guard uniform.
“Siguro romantic kasi pang-dalawang tao lang ito?” tukoy niya sa inuupuan naming gawa sa kahoy, talaga namang magkadikit na magkadikit kami sa isa’t-isa. Tsk.
Ilang saglit pa’y umandar na ang train. Parang lumang disenyo ang train na sinasakyan namin, wala itong aircon ngunit langhap na langhap mo ang malamig at sariwang hangin. Ang gaan sa pakiramdam. Dumaan kami sa ilang hilera ng puno, walang sanga ang iba rito habang ang iba naman ay kulay brown, senyales na halos tapos na ang winter at papasok na ang spring.
“Buti pa ang mga bata walang problema ano?” bigla niyang sabi sabay turo sa bata sa harap namin. Nakangiti ito habang enjoy na enjoy sa scenery.
Tumango ako.
“Problem lang nila ay school.”
“Ako rin noon. ‘Di kaya ako matalino o magaling. May mga bagsak nga ako noon.” Sabi ni Rome. Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mata.
“Ako hindi naman bagsak. Science muntik na. Mababa lang yung iba, pero isang subject sa akin ang hindi bumababa.”
“Math?”
“Paano mo nalaman!?” gulat kong tanong sa kanya.
“Kilala ka kaya noon na malupit sa Math. Tinatalo mo pa nga yung valedictorian natin sa Math eh.”
Ngumiti ako.
“Ako rin gusto ko Math. Kasi pag alam mo ang process, alam mo na kung paano sagutin.”
“Tama.” Sagot ko.
“Kaso, sa buhay hindi mo naman alam ang process. Parang sa iyo, hindi ko alam kung paano ka pasasagutin.”
Nanlaki mga mata ko sa narinig. Baliw ba ito? Ako? Pasasagutin niya!? Bakit? Nanliligaw ba siya!?
“Excuse me?”
“I mean hindi kita mabasa, hindi ko alam kung paano ka magrerespond o sasagot. Parang minsan sa Math di ba? May hinahanap ka, pero hindi mo mahanap, so how will you solve it if hindi kumpleto ang value na mayroon ka? Parang find the X. Ewan ko ba sa X na iyan at laging nawawala.” sabi niya.
My jaw dropped, literally. Anong ibig niyang sabihin? I’m confused.
“Nagkabalikan naman kayo ng Ex mo ah.” Sabi ko na lang.
“Ibang Ex sinasabi ko.” Sabi niya.
“Yung nauna pa?”
“Nope. Yung huli na mahal na mahal ko na katabi at kaharap ko ngayon.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nayanig ang utak ko. Para akong nabingi. Anak ng tinapa! Ako!? Ex!? Seryoso ba siya!? Kailan? Paano? Saan? Bakit hindi ako na-inform?
“Ewan ko ba sa Ex na iyan bakit laging kailangan hanapin. Minsan tinataguan ka. Tapos kapag hindi mo naman hinahanap biglang susulpot sa harap mo at makikita mo yung value nito. Kaya minsan ma-sosolve mo na ang problem.” Magulo ngunit makahulugan niyang sabi.
“Wait. Ako!? Ex?” sabi ko sabay tawa. “There was never an us.”
Natigilan siya. Diretso pa rin siyang nakatingin sa akin, bakas sa mata niya ang pagkailang.
“Yeah. Wala tayong label. Pero yung ganito.” Sabay akbay sa akin at dinikit ang katawan ko sa katawan niya. “At ito.” Tinukod niya ulo niya sa ulo ko. “At syempre yung mga kiss na pinagsaluhan natin noon, it means something to me. Hindi tayo committed. Walang agreement o napag-usapan. Pero lahat iyon, alam kong totoo.”
Nawala ako sa katinuan. Pakiramdam ko’y hindi na ako humihinga. Ilang saglit pa’y umiling ako. Huminga ako ng malalim. Bahagya akong umusod palayo sa kanya. Inalis ko ang braso niyang naka-akbay sa balikat ko. Inikot ko ang mga mata ko sa lugar. Kitang-kita ko ang magandang landscape at hugis ng mga nakapalibot na bundok sa amin. Sa ibaba nito ay may mahabang river, napakalinaw ng tubig nito.
“Ang ganda ng lugar ano?” sabi ko na lang sabay tukod ng braso ko sa barandilya, tinukod ko ang baba ko sa braso ko. Pumikit ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ito. Ewan.
“Maganda nga. At mukhang natutupad ang hiling ko noon sa Mt. Fuji.”
Biglang nag-echo ang boses niya noon sa Mt. Fuji. Kinilabutan ako. Sinabi niya ito ulit ngayon.
“Hiling ko na makita ko ang ganda ng mundo, kasama ang pinakamagandang tao, ang taong mamahalin ko habang buhay.”
Hindi ko napigilang ngumiti. Ilang saglit pa'y pumasok sa utak ko ang nangyari sa Hakone Cable Car pagkagaling namin sa Mt. Fuji. Malinaw sa memorya ko ang halik na pinagsaluhan namin noon habang nakalambitin ang sinasakyan naming cable car at ang background namin ay ang Mt. Fuji, ilang saglit pa'y binasag ng ilang salita ang lahat. Paulit-ulit na umecho sa utak ko ang boses niyang dumurog sa aking pagkatao.
“I’m sorry… Hindi ito pwede.” Paulit-ulit kong naririnig. Nakakabingi. Nakakapanlumo.

***

RAY:
“Humawak ka kasi sa akin.”
“Kaya ko.”
“Kulit.”
Medyo malakas ang alon ng ilog dito sa Hozugawa River Boat Ride kaya pauga-uga ang bangkang sinasakyan namin. Hindi rin ako makapag-concentrate sa pagbalanse dahil lumilipad ang utak ko. I'm thinking kung ano ang magandang concept sa magiging presentation ni Rome. Hindi ko naman ito dapat gawin dahil Sensei lang naman niya ako sa Nihongo at japanese culture, pero gusto ko na kasing mapadali ang lahat. Lalong tumitindi ang pagka-awkward ko sa kanya. Hindi maganda ito. Tsk.
“Just enjoy the scenery.” nakangiti niyang sabi.
“How can I enjoy it kung boy banat ka? Kaninang umaga ka pa eh.” mataray kong sabi.
“Hindi ako bumabanat. Totoo lang sinasabi ko.”
“Whatever.”
“Gayahin mo na lang yung ilog.” sabi niya sabay turo sa napakalinaw na tubig. “'Wag ka na muna mag-isip. Just go with the flow. Enjoyin na lang muna natin ito Ray.”
Hindi ako kumibo. Ilang saglit pa'y naging mahinahon ang andar ng bangka namin. Inikot ko ang aking mga mata, kitang-kita ko ang magandang pagkakahubog ng mga bato sa bundok na nakapaligid sa amin. Ang ganda rin ng mga punong nakatirik dito, ang iba ay walang dahon habang ang iba naman ay nag-uumpisa ng tumubo. Narinig ko ang malutong na agos ng tubig. Napakasarap sa tenga.
“'Di ba ang sarap ng walang iniisip.” bulong niya sabay akbay sa akin.
Muling pumasok sa utak ko ang nakaraan na kasama siya. Masaya, sobrang saya.
Ilang sagkit pa'y napansin kong hinugot niya ang kanyang cellphone. Hindi ko napigilang hindi tumingin. Para akong hinampas ng malaking bagay sa pangalan ng nag-text sa kanya; si Gel.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Ang kaninang saya sa ala-ala ko ay napalitan ng lungkot. Bakit ganito? Ano ba itong nararamdaman ko? Ang gulo-gulo! Ayoko ng ganito! Ayoko maging ganito!

***

RAY:
“Hi Jerome!” nakangiti at masaya kong bati.
Tango lang ang sagot niya. Patuloy siya sa kanyang ginagawa. Isang linggo na siyang ganito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya.
Napansin kong dumaan sa gilid ko si Jess, tinapik niya si Jerome.
“Pare kamusta? May laro ba tayo mamaya?” bati sa kanya ni Jerome. Masaya silang nag-usap, ibang-iba sa pakikitungo niya sa akin. Muling rumehistro sa utak ko ang mukha niyang hindi nakatingin sa akin noong binati ko siya. Bumigat ang dibdib ko.
Ilang araw ang lumipas at hindi na niya ako binabati. It's like I didn't exist. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali? May kasalanan ba akong kinainis niya? Bakit siya ganyan!? Kaibigan ko siya, pero bakit kung tratuhin niya ako ay parang wala lang ako sa kanya.

“Ray!” sigaw ni Rome sa akin na nagbalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Tumingin ako sa kanya. “Sabi ko saan tayo dito?”
“Ah. Diretso lang.” matamlay kong sabi. Patuloy kaming naglakad sa ilalim ng maliwanag na buwan. Tumingala ako, wala akong makitang mga bituin. I was looking for them to comfort me. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
“Kahit hindi mo sila nakikita o hindi sila nagpapakita, nandyan pa rin sila nakatingin at nakabantay sa iyo.” bigla niyang sabi.
Tumingin ako sa kanya. Muli kong naalala ang ginawa niyang pag-iwas sa akin few weeks after ng Beijing Tour namin seven years ago.
“Ang sabihin mo tinaguan na nila ako. Parang yung mga tao, nang-iiwan ng walang pasabi. Hindi man lang nagpaliwanag kung bakit ka iniwan o iniwasan. Gago eh ano?” sabay irap sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad, naiwan siya. Narinig ko ang malakas at sunud-sunod na bagsak ng swelas ng kanyang sapatos, hinahabol niya siguro ako pero wala akong pakielam.
“May problema ba? Okay ka naman kanina pero bigla ka na lang naging ganyan.” bakas sa boses niya ang pagkalito.
“Bakit ka nagtatanong? Ikaw ba tinanong kita kung bakit...” pinigilan ko ang bibig ko. Hindi ko na tinuloy ang panunumbat sa ginawa niyang pag-iwas sa akin noon.
“Anong tungkol sa akin?”
“Wala. Pagod na rin ako kaya ayoko ng pag-usapan pa iyan. Matagal na ring tapos iyon.” sabi ko. Hindi na siya kumibo. Naramdaman ko ang halik ng malamig na hangin sa aking mukha. “Dito na tayo.” sabi ko. Kinausap ko ang isang hapon sa harap ng bahay, authentic Japanese style ang bahay nito. Ilang saglit pa'y pinapasok kami nito sa loob at pagkatapos ay umalis na rin ang bantay na hapon.
Pagpasok sa loob ng bahay ay iniwan namin ang sapatos namin. Mabilis kong hinanap ang kwarto, nakita kong isa lang ang puting futon na nandito. Napailing ako. Malamang pinlano ni Chichi ito na tabi kami matulog. Tsk.
Napansin kong nasa tabi ko na pala si Rome.
“Ako na lang sa futon. Dyan ka sa sahig.” sabi ko sa kanya sabay baba ng pulang backpack sa gilid, binuksan ko ito at kinuha ang pamalit kong damit.
“Educational trip ko ito di ba? Dapat ako 'dyan. Pero masmaganda kung tabi na lang tayo.”
“Tumigil ka.” tumingin ako sa kanya.
“Tatawagan ko si Mr. Kyou.” ngisi nito.
“Fine. Panalo ka na. Lagi ka namang panalo eh. Happy?” sabi ko sabay tayo at labas ng kwarto para magbihis. Bago ko isara ang pinto ay nakita kong bakas sa mukha niya ang gulat.

***

RAY:
Madaling araw na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ngalay na ngalay na ako sa pagkakahiga ko, bumaling ako sa kabila. Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Rome, halos magdikit ang mukha namin. Gumalaw siya. Mabilis akong bahagyang pumikit, kita ko pa rin ang mukha niya. Dumilat siya, bakas sa mukha niya ang pagkagulat, mabilis niyang tinakpan ang mukha niya ng kumot. What the heck was that!?

ROME:
“Ang lapit naman ng mukha namin. I mean, comfortable naman akong kasama siya dati, pero bakit naiilang ako?” bulong ko sa sarili. Ramdam ko ang biglang bilis ng tibok ng puso ko. ‘Di ko napigilang ngumiti.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot, pasimple ko kitang tiningnan. Nakapikit ka. Ewan ko kung gising ka, hindi ka kasi humihilik eh. Hehe.
“Ray?” tawag ko sa iyo.
Hindi ka sumagot.
“Ray?”
“Ano? Inaantok na ako! Pagod na pagod ako eh.” Sabi mo sabay talikod ng higa sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“What time tayo bukas?”
“Anak ng tinapa naman oh, ginising pa ako para lang itanong mo iyan! Nag-set na ako ng alarm! Matulog ka na.”
“Okay. Good night.” Sabi ko na lang.
Sa ‘di malamang dahilan ay tumalikod ako sa iyo. Mabigat man ang loob ko’y pinikit ko ang aking mga mata. Kanina ka pa ganyan eh, naninibago ako sa iyo. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Ayokong ganito tayo Ray.

RAY:
Shit nasungitan ko na naman siya. Tsk. Bakit ba kanina pa ako ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bumabalik na naman ba ako sa pagiging rebelde ko?
Ayokong ganito ako. Ayoko maging ganito. Hindi ko ito madalas sinasabi kasi natuto akong maging independent, pero please? Can someone save me? Hindi ako ito.







18 comments:

  1. Thanks for reading!
    Comments, suggestions, and feedback are all welcome! :-)

    ReplyDelete
  2. I understand y ray reacting like that,
    It feels confusing when someone from
    ur past reacting so much comfortable despite of wat had happened..
    It luks like rome is insensitive and jumping into higher level without closing or fixing their differences.
    How could ray accept the fact if rome doesnt hve d ball to explain his side..
    These two chapters is sweet but im in tears whenevr i see ray thnking those dark moment he had been through..
    Sweet words and gestures doesnt pay off all d thngs he had experience. BUT most likely im luking forward into face to face battle about their past ..
    Sori po nadala po aq..
    Kudos!

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. May sariling ghost din si Rome na dapat niyang harapin, same thing kay Ray.
      Happy ako na na-achieve ko ang gusto ko mangyari sa chapter na ito, that is to build-up their "stranger" relationship, magpakilig, at maramdaman niyo yung pain ng past.
      Tama po kayo, you should look forward sa sabi niyong "face to face battle about their past", that is one of the elements of 2nd half of Book 2, as in malapit na ang 2nd half mga less than 3 chapters.
      Salamat sa comment! Thanks for reading! ^_^

      Delete
  3. Bitin 😞 Pero maganda talaga. Unlike others na may malaswang scenes, eto simple lang na nakakakilig. I'm imagining my self in Ray's but in the contrary my Rome and I were going smooth right now. Lol Anu ba to tol, napapalambot ako ng story mo Haha thanks white_pal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good to hear na okay kayo ng Rome mo. :)
      Thanks for reading!

      Delete
  4. Bitin 😞 Pero maganda talaga. Unlike others na may malaswang scenes, eto simple lang na nakakakilig. I'm imagining my self in Ray's but in the contrary my Rome and I were going smooth right now. Lol Anu ba to tol, napapalambot ako ng story mo Haha thanks white_pal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good to hear na okay kayo ng Rome mo. :)
      Thanks for reading!

      Delete
  5. Hindi naman talaga welcome ang comment kasi lagi kang galit sa sagot mo. Hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dude, paki-check nga yung mga reply ko sa lahat ng mga comments sa mga previous chapters kung laging galit ang sagot ko. :)

      If may part man ng sagot ko na palagay mo galit ako, know the difference between galit and being straight forward.
      Try mo kaya sumagot ng paulit-ulit. Hindi ba makukulitan or mapapagod ka rin, lalo na't gumawa ka pa ako INTERLUDE para lang sagutin iyon tapos may iba na parang hindi man lang binasa ang mga sagot ko dun?
      Bottomline, don't jump into conclusion.
      Have a good day! :)

      Delete
  6. salamat po sa update 😘

    ReplyDelete
  7. The best ang Update na ito!!!!! Grabe, wala na akong iba pang masabi. Pinasaya mo ako Author!! HAHAHAHAHA. Worth it ang paghihintay. Pramis. Hahaha

    Silent reader here. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa comment. Salamat din sa pagbabasa. ^_^

      Delete
  8. You never fail na pakiligin ako Sir Gab. Tuwing binabasa ko to, lagi akong nakangiti. Tapos nakisabay pa yung mga music. Nung kilig moments nila papunta ng shrine nagplay yung Ours ni Taylor Swift, tapos nung naalala ni Ray nung nasaktan sya dati Harold song nmn, sakto yung lyrics na "They say that true love hurts. Well this could almost killled me." Yan talaga masasabi kong kanta na babagay k Ray nung nasaktan sya. Tapos nung kilig moments ulit Like I'm Gonna Lose You nmn yung nagplay. NapaWTF n lng ako kasi pati music nakikisabay. Akala ko nung last part di na coconect yung last song pero putcha gusto ko ibalibag yung celphone sa sobrang coinsidence. Stop and stare ng OneRepublic yung nagpeplay at sabay sa pagtapos ko nang pagbabasa yung music. Kaya sobrang tumatak sa isip ko yung lyrics nung last part. "Stop and stare I think I'm moving but I go nowhere Yeah, I know that everyone gets scared But I've become what I can't be Oh, do you see what I see?"

    PLEASE Sir Gab ano meron? Pakiexplain pls, haha. THANKS ng marami sa update.

    -RavePriss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aba'y ewan ko kung ano meron, baka nakikisama yung music player mo sa story ko. Hahaha! Tawa ako ng tawa sa comment mo dude. Hahaha!
      Let me give you a hint, may premonition yung isang lyrics or kanta mo 'dyan na mababasa niyo sa first part ng 2nd half ng Book 2. Well technically it's not premonition kasi nasa past na nila nangyari iyon eh, pero it is something important kung bakit ganyan ang status nila ngayon na ang labo-labo. Hehehe.
      Thanks for reading! ^_^

      Delete
    2. Yung sinasabi kong lyric ng kanta, isa dyan sa nasa comment mo. Hahaha! :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails