Chapter 3
“Ano?!”
halos bulong ko lang na tanong kay Kuya Paolo, hindi makapaniwala sa narinig
ko.
“Yes, at
ayaw niyang makita mong nahihirapan siya, so please… umalis ka na. I really
need to go. Masyado ka ng maraming alam,” balik nito sa akin bago tuluyang
maglakad patungo sa kotse niya. Agad ko naman siyang sinundan.
“So ganoon
na lang ba ‘yon, Kuya? Mas gugustuhin na lang niya na wala akong gawin? Na
paniwalain na lang niya ako na iniwan niya ako dahil ayaw na niya sa akin
habang unti-unti siyang nanghihina?!” pagsumbat ko kay Kuya Paolo habang busy
ito sa pag-aakyat ng mga maleta sa kotse niya. “Kuya, anong sakit niya?
Kailangan kong malaman. Kailangan ko siyang alagaan. Please naman, oh!”
pagmamakaawa ko.
Natigilan
ito.
“Please naman,
Kuya Pao. Nahihirapan na si Kyle,” malungkot na pagsingit ni Janine sa usapan
namin.
Bumuntong-hininga
ito.
“They found
something… in his brain. At sabi ng mga doktor, wala na daw kaming magagawa
kundi maghintay…” pagsisimula niya. “Kyle, mabait ang kapatid ko! Bakit sa
lahat ng kukunin ng Diyos siya pa?! I love my brother at hindi niya deserve
‘to!” pag-iyak niya na mas lalong nakapagpalungkot sa akin. Agad namang lumapit
si Janine para yakapin ito.
“Kuya,
kailangan ko siyang makita… Please. Kaya na’tin ito, malalampasan natin ‘to.
Let me be there for him… for you,” sagot ko.
Panandalian
siyang nahimasmasan, napaisip, at sa huli ay tumango ito.
“Okay, might
as well before we—“ saad nito ngunit bigla itong natigilan.
“Before
ano?” taka kong tanong. Hindi na lamang ako nito pinansin at dumiretso sa
driver’s seat.
“Sundan niyo
na lang ako ni Janine,” wala sa loob nitong utos sa aming dalawa.
--
Habang ako’y
naglalakad, habang ako’y papalapit, habang tinatahak ko ang landas tungo sa
kwarto niya ay hindi ko maiwasang kabahan. As of now, hindi pa rin maprocess ng
utak ko kung gaano nga ba talagang ka-grabe ang mga nalaman ko, ang mga
nangyayari ngayon—kung gaano na nga ba kalala ang kondisyon ni Ethan.
“Be strong,
okay? Hindi dapat niya makitang nanghihina ka,” masuyong bulong sa akin ni
Janine. Inakbayan ko na lamang ito bilang senyales na nagpapasalamat ako dahil
nandito siya para sa akin ngayon.
Habang
papalapit kami sa aming destinasyon ay doon ko nadatnan ang mama ni Ethan.
Hindi ko naiwasang biglang kabahan.
“Paolo,
nadala mo na ba ‘yung pass— Oh,” pahayag nito nang madatnan ako.
I’ve never
had a bad relationship with Ethan’s parents—civil kami sa isa’t-isa ika nga
nila, pero I’ve always felt that they never liked me for their son. Hindi ko
alam kung swerte nga ba ako o malas dahil kahit ayaw nila sa akin ay hindi
naman nila ako inaaway o pilit na inaalis sa buhay ng kanilang anak, but still,
ang hirap sa pakiramdam na wala ang kanilang approval.
“You
shouldn’t be here, Kyle,” mariin nitong sabi sa akin. Agad naman itong bumaling
sa panganay niya. “Ano bang pumasok sa isip mo Paolo?! Bakit mo siya kasama?”
pagsita nito sa anak niya.
“Good
afternoon po, tita,” nahihiya kong pagbati rito, ngunit hindi ko rin mapigilang
maging sarcastic dito.
“The doctors
said na hindi dapat ma-stress si Ethan. As much as gusto kong i-settle our
differences, hijo… I’m just doing what I think is best for my son,” walang
paligoy-ligoy nitong saad na siya lalong nakapagpatindi sa hiya na nararamdaman
ko.
“Please give
Ethan a chance, ma,” makahulugang pagsagot ni Kuya Paolo sa nanay niya. “Mamamatay
na nga ‘yang anak mo hindi mo pa mapagbigyan! Halika na kayo Kyle, Janine,”
malamig at matalim na pagsagot ni Kuya Paolo sa nanay niya na siyang ikinagulat
ko. Alam kong may sasabihin pa sa sana si tita ngunit naramdaman ko na lamang
ang mariin nitong paghila sa akin papasok sa kwarto ng ospital kung nasaan si
Ethan.
At doon ko
na siya nadatnan sa unang pagkakataon.
Hindi ko na
napigilan ang sarili ko at nagtatakbo na ako palapit sa kanya. Kitang-kita sa
mata niya ang gulat, ang pagtataka, ngunit ang pinaka-napansin ko ay kung gaano
na ito nanghihina. Namalayan ko na lamang na umiiyak na naman ako. Agad kong
hinawakan ang kamay niya ng mahigipit, at panandaliang pumikit at hinayaan ang
katahimikan na mamagitan sa aming dalawa.
At sa
katahimikan ring iyon ko narinig, nakita ko sa unang pagkakataon ang pag-iyak
ni Ethan.
“Look at me…
I’m a mess. Kyle, patawarin mo ako,” paghagulgol nito.
“Bakit hindi
mo sinabi sa akin, Eth? Sana nandito ako ngayon para damayan ka, para samahan
ka sa laban na ‘to,” umiiyak kong mga tanong rito.
Napailing
ito habang patuloy pa rin ang daloy ng luha sa mga nito.
“Ayokong
pahirapan ka, Kyle. I’d rather you hate me than see me like this,” si Ethan.
“Kaya pala
napapadalas ‘yung pagsakit ng ulo mo,” nag-aalalang komento ko. At doon ko
narealize na matagal na pala naming nakikita ang signs. Nakaramdam tuloy ako ng
napakatinding guilt dahil kung mas pinilit ko siyang magpacheck-up as soon as
nahalata ko ang mga symptoms ay baka naagapan pa namin ang sakit niya.
Napailing ako dahil doon.
“Alam kong
nasa isip mo. Huwag mong sisihin ang sarili mo, Kyle… hindi naman natin ‘to
ginusto, eh…” pag-aalo nito sa akin.
“Yeah…” ang
tangi kong naisagot.
Panandaliang
katahimikan.
“Seb… Kyle,
if you won’t mind, we’ll give you a bit of privacy,” pagbasag ni Kuya Paolo sa
katahimikan.
“Okay…
Janine, nandito ka pala. Sorry hindi kita napansin,” sagot ni Ethan. Ngumiti ng
matabang si Janine.
“Okay lang,
noh. Basta pagaling ka, ha? Maid of honor ako sa kasaln niyo,” pabirong sagot
ni Janine.
“I
appreciate it, but I highly doubt I’ll live long enough to see that, pero
salamat,” sagot ni Ethan bago tuluyang lumabas ang dalawa.
“Ano ‘yon,
Ethan?” tanong ko rito. Tinuro ko ang nakasabit na amerikana sa may cabinet sa
kanang bahagi ng kwarto.
Natahimik
siya.
“Ethan?”
pagtawag ko ng pansin niya.
“That’s my….”
“Ano,
Ethan?” mahinahon kong tanong dito nang mahalata kong nagdadalawang-isip ito.
“My funeral
suit,” pagsagot nito na siyang ikinagulat ko. “Ano?! Bakit ka mayroong ganyan?”
takang-takang tanong ko. “Hindi ka pa mamamatay,” dugtong at pagtutol ko pa. “But
I wanted to look good when I do,” nakangiting biro nito na siyang di ko
ikinatuwa.
“Look, Kyle…
gusto ko lang magpaka-positive. Tinalo na nga ako ng buhay, the least I can do
is enjoy the rest of my remainding days. Granted, kung may chance pa ako
gumaling, napakaliit na ng chance na iyon… so I am not getting my hopes up.
Gusto ko lang na for once, maging perpekto, maging ayon sa gusto ko kung paano
ako mamamaalam. Hindi tayo lahat nabibigyan ng ganoong pagkakataon,”
pagpapaliwanag niya na siyang nakapagpatahimik na lamang sa akin.
“Do me a
favor… pwede mo ba ako kwentuhan? Yung mga nangyari sa atin: kung paano tayo
nagkakilala, kung paano kita niligawan—iyong mga pinakamasasayang alaala natin…
I just want to look back on all of it with you,” request nito na siyang
tinanguan ko.
--
Flashback.
2 years ago.
“Sige, ako na dito Ate Paige, baka naiinip na
‘yung driver mo kakaintay sa’yo,” sabi ko sa orgmate ko. Kaming dalawa na
lamang ang naiwan sa school bilang nililigpit pa namin ang mga naging kalat mula
sa event ng org namin kanina. “Naka-dorm naman ako, ikaw malayo pa uuwian mo.
Kaya ko na ‘to,” dagdag ko pa dahil alam kong nakokonsensya siya kung iiwan
niya ako.
“Sigurado ka, ha?” pagsisiguro niya na siyang
sinagot ko sa pamamagitan ng pagtango. “Thank you talaga, Kyle! Nagagalit na
nga si Kuya Allan. Mauna na ako, ah. Ingat ka. Text mo ako kung nasa dorm ka
na,” pagpapaalala nito.
“Yes, ate. Ingat din,” sagot ko na siyang
sinagot niya ng isang ngiti.
Matapos niyang umalis ay ipinagpatuloy ko na
ang pagliligpit ng mga props, posters, at iba pang kalat na naiwan sa
auditorium. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong maga-alas dies na pala ng
gabi. Kaya naman medyo binilisan ko ang kilos ko para mailigpit ko na kaagad
ang mga naiwang kalat at makauwi na.
Nang matapos ako ay dali-dali akong lumabas
ng campus at naisipan munang dumaan sa isang fast food chain bilang hindi pa
pala ako naghahapunan. Umorder na lamang ako ng isang rice meal at drink at
nagdesisyong sa loob ng dorm ko na lamang iyon kakainin.
Paglabas ko ng restaurant ay nilakad ko ang
daan patungo sa dorm ko na may dalawang kanto lamang ang layo sa University.
Madilim na ang paligid at halos wala na gaanong tao maliban sa madalang na
pagdaan ng mga sasakyan sa kalsada.
Medyo nagpanic ako nang makarinig ako ng
isang mahinang kaluskos sa likod ko. Agad akong napalingon ngunit wala naman
akong nakitang kahit ano o sino. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil ang
kabahayan sa tapat ng university namin ay hindi naman maituturing na ligtas. Marami
na ring nanakawan at nasaksak dito sa mga pasikot-sikot at makikitid na
eskinita sa paligid.
Agad kong binilisan ang paglakad ko dahil alam kong kung mananakawan ako ay maraming mahalagang bagay ang mawawala. Dala ko ang laptop at cellphone ko at halos lahat ng pera ko para sa buong linggo. Papaliko na sana ako sa kanto nang bigla na lamang akong hilahin ng dalawang malalaking kamay paatras. Doon na ako napaisip kung sisigaw ba ako o manlalaban.
“A—“
“Hoy Kyle anong ginagawa mo dito eh gabi
na?!” pagsita ng isang pamilyar na boses kaya naman agad akong napabalikwas
patalikod upang makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
“Seb?!” hindi ko makapaniwalang bulyaw rito.
Natawa lamang ito kaya walang ano-ano’y binatukan ko ito.
“Aray!” protesta nito.
“Tangina ka, tinakot mo ako!” pagsita ko
rito.
“Sorry naman,” paghingi niya ng pasensya.
“Ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba
ako?... Feeling close ka, ah!” hindi ko mapigilang pahayag na siyang
nakapagpakunot ng noo ko.
“For your information, dapat magpasalamat ka
pa nga sa akin dahil nakita kong may sumusunod sa iyo,” pagsagot nito sa akin
na siyang ikinagulat ko. Oo, nagulat ako dahil sa ginawa niyang kabutihan pero
mas nakakagulat dahil never kong inexpect na mag-uusap kami ng ganito, na
parang kaswal na magkaibigan lamang given na napakatahimik nito sa classroom to
the point na naisipan ko ng weird siya.
“Okay sorry… thanks,” nahihiya kong sabi sa
kanya.
“Okay lang. Mauna na ako. Ingat ka, ha?”
pagpapaalam niya.
“Wait, ano bang ginagawa mo dito sa dis oras
ng gabi?” tanong ko sa kanya.
Ang naging sagot niya ay nakapagpalito sa
akin.
Isang kindat ang ibinigay niya bago maglakad
papalayo sa kinatatayuan ko.
--
Kinabukasan.
“Kakainin mo pa ba ‘yan?” parang batang
tanong ni Luke habang kasalukuyan kaming naglu-lunch kasama sila Benj at Janine
sa canteen sa loob ng building namin. “Alin dito?” takang tanong ko habang
nakatingin sa plato ko. “’Yong patatas,” sagot nito na siyang inilingan ko
naman kaya naman parang gago itong ngumisi at sinundot ang natirang patatas sa
plato ko gamit ang kaniyang tinidor.
“So Kyle, tatanggapin mo na ba ‘yong alok ni
Tita Reg na kumanta sa bar nila?” biglang tanong ni Benj. Napansin ko namang
nakuha ng tanong niya ang atensyon ng dalawa pa naming kasama. Agad naman akong
kinabahan dahil matagal na nila akong pine-pressure na tanggapin ang offer ni
Tita Reg, ngunit palagi pa rin akong tumatanggi bilang hindi ako sigurado kung
kakayanin ko ang kumanta sa harap ng maraming tao.
“Beh, please! Tanggapin mo na! Para naman
magkaroon ng thrill iyang buhay mo. Puro ka na lang aral-bahay. Uminom nga
kasama namin ayaw mo pa. Tingnan mo ‘tong si Luke, akala mo tatahi-tahimik,
pero kapag nakainom napaka-wild pala, daming mino-momol!” pagkumbinse ni Janine.
“Anong—“ pagproprotesta sana ni Luke ngunit
as usual ay naunahan na naman ito ng napakabilis na bunganga ng babae.
“Beh, ‘yang mga confidence issues mo madali
namang solusyonan, eh. Nakakatawa nga ‘yong mga taong hindi marunong kumanta, mas
confident pa kaysa sa iyong talented. Sige na beh! Manonood kami. Promise,”
dagdag pa nito.
“Hindi ko talaga alam, guys…” pagda-dalawang
isip ko.
“Kyle?” tawag ng isang boses mula sa likod
ko. Paglingon ko ay doon ko nadatnan si Seb na nakangiti ng pagkatamis-tamis. Lubos
naman akong nagulat dahil given na kahit magkaklase kami ay unang beses ako
nitong lapitan para kausapin sa loob ng school. Ang una naming pormal na interaction
ay ang insidente kagabi na siyang mas lalo pang nakakapanibago.
“Ano ‘yon?” medyo alangang tanong ko.
Napansin ko na rin na pati ang mga kasama ko ay halatang nagulat at
kasalukuyang nakikinig at nag-aabang sa kung anuman ang mangyari.
“Remind ko lang ‘yung promise mo kagabi, ‘yung
tuturuan mo ako ng stoichiometry sa nat sci, ‘di ba? What time ba kita
susunduin sa dorm mo?” tanong nito na siyang ikinagulat at ikinataka ko dahil
wala naman akong maalalang naging agreement namin ni Seb
“Ah… eh,” natatameme at nauutal kong sambit.
“Uhm, Seb ano… mga 8:30 siguro pwede na!
Kukuha lang daw siya ng gamit pang-overnight sa inyo sa dorm niya tapos game na
daw siya. Akin na ‘yang phone mo, lalagay ko number ni Kyle,” pagsagot ni
Janine para sa akin na siyang dahilan upang mapabalikwas ako ng tingin dito.
Habang tinatype ng baliw kong kaibigan ang number ko sa cellphone ni Seb ay
wala pa rin akong reaksyon.
“Sige, sige! See you later,” ngiting
pamamaalam nito sa amin.
Katahimikan.
“Okay… anong nangyari?” pagbasag ni Benj ng
katahimikan.
“O, Lucas Gregory Fajardo, bayad na! Panalo
ako sa pustahan!” biglang baling ni Janine kay Luke na siyang ikinailing ng
huli. “Tangina naman, akala ko wala ng mangyayari!” pag-angal ni Luke sabay
dukot ng 500 pesos mula sa wallet niya. Napapalakpak lamang ang bruha matapos
makuha ang pera niya.
“Tangina pinlano niyo ba ‘to?” ang tanging
nasabi ko lamang matapos ng pananahimik ko.
“Hindi, ah. Ito kasing si Janine matagal ng
sinasabing type ka daw nung Seb na ‘yon… which frankly, I think you can do
better than that. Weird talaga! Anyway, sabi ko hindi, kaya ayon, nagpustahan
kami… Oy, ikaw ah. May hindi ka kinukwento sa akin! Pinopormahan ka na pala no’n,
bakit wala kang sinasabi?” pang-aasar ni Luke na siyang ikinapula ng mga pisngi
ko.
“Hindi ko rin alam… wala naman kaming naging
usapan, eh…” pagpprotesta ko.
“Wooshoo, inlababo na si Kyle oh! Binata na,”
gatong pa ni Benj na siyang ikinailing ko na lamang.
--
8:30 p.m.
For some reason kahit malabo pa para sa akin
ay nakita ko na lamang ang sarili kong nagmamadaling mag-empake ng mga gamit ko
na sapat para sa isang gabing overnight. Matagal akong nakipagdebate sa sarili
ko kung susundin ko ba ang naging sapilitang palitan ng kasunduan namin ni Seb
kanina o hindi. Sabi ng isang parte ng utak ko ay huwag dahil nagsisinungaling
lamang ito, ngunit nanalo ang parte ng utak ko na nagsasabing sumama ako.
Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin ko
tungkol sa tunay niyang intensyon. Alam ko naman na hindi tago sa school ang
tunay kong pagkatao, ngunit hindi ko naman iyon pinaglalandakan sa lahat. Kung
walang magtanong ay hindi ko sinasabi, at marami sa nakakaalam ay sinasabing
hindi naman daw halata sa akin ang sexuality ko which I think, frankly, is
total bullshit—we should not be confined within societal norms often associated
across different genders. Pero, one thing is for sure, as far as I know, alam
kong hindi alam ni Seb ang preference ko.
Now that I think about it, baka nga alam na
niya? So does that mean na pareho kami?
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang
magtext si Seb.
“Nandito na
ako sa labas niyo,” sabi ng text ni Seb.
Medyo natuwa ako nang makita kong ayos itong magtext, bilang isa sa mga pet
peeves ko ang mga j3j3jm0n na pagspell ng mga salita.
“Sige, 2
minutes,” ang reply ko na lamang dito.
“Cha, alis muna ako. Mag-overnight lang ako
sa kaklase ko,” paalam ko sa isa sa mga roommates ko bilang nasa labas pa ang
dalawa. “Sige! Ingat,” sagot naman nito kaya naman bumaba na ako at lumabas ng
dorm.
Doon ko siya nadatnan. Muntik ko ng di mapigilan
ang sarili kong mapanganga dahil unang pagkakataon ko itong makita na hindi
naka-uniform. Granted na mukhang nakapambahay na ito sa suot nitong puting
t-shirt at jogging shorts at tsinelas, hindi ko maiwasang mamangha at manibago
sa itsura niya. Napailing na lamang ako at naalalang dapat ko itong kausapin
dahil sa inakto nito kanina.
“You actually came,” tila galak na galak na
bati niya.
“Oo nga, eh… hindi ko rin alam. Siguro thank you
ko na lang sa ginawa mo kagabi,” pagdadahilan ko na siyang nakakuha ng isang
magandang ngiti mula sa kanya na siyang nakakapanibago pa rin para sa akin.
“Halika na. Medyo malayo bahay namin, eh.
Lagay mo na lang bag mo sa likod,” pag-anyaya nito na siyang inayunan ko na
lamang.
--
Tahimik kaming pareho sa daan, tila
nagpapakiramdaman. Ako naman, bilang nagsasawa na sa nakakailang na tension ay
nagpasyang kausapin na siya.
“Seb… so, san ka ba nakatira?” tanong ko,
attempting to start a conversation.
“Sa Salcedo pa, eh,” sagot niya.
“Malayo nga,” komento ko at tila ba doon ay
gusto ko na tampalin ang sarili ko dahil wala na akong maisip na iba pang
topics na pwede naming pag-usapan.
“Kumain ka na ba?” tanong niya na siyang
inilingan ko bilang sagot.
“Great. Ako rin hindi pa. Saan mo gusto kumain?”
tanong nito. Akmang sasagot na ako nang pigilan niya ang sasabihin ko. “At
nako, huwag mong sasabihin na “kahit saan”, “ikaw bahala”, “doon sa mura”, kasi
maiinis lang ako. Ang hirap kaya magdecide!” kunwaring rant nito na siyang ikinangiti
ko dahil alam kong nagbibiro lamang ito. Napansin ko kasing nagpipigil ito ng
tawa habang nagtatatalak. “Huwag ka ng mahiya. Saan mo gusto?” pagtatapos nito.
Tiningnan ko ito at doon ay napansin kong
nakatingin pa pala ito sa akin, naghihintay ng isasagot ko. Tamang-tama nga
naman ang timing dahil kasalukuyan kaming nakatigil sa harap ng isang traffic
light.
“Uhm… siguro sa kahit anong Chinese restaurant
na lang?” nahihiya kong suhestyon.
“Fair enough! Let’s see ano na lang
madadaanan natin pauwi. Okay lang din na kumain muna tayo para pampalipas na
rin ng traffic,” saad nito.
“Hindi ba pwedeng mag-take out na lang tayo?
9:00 pm na, baka wala na tayong matapos at hindi na kita maturuan,” komento ko.
Ngumiti ako.
“Exempted ako sa finals,” nakangising pahayag
niya.
Panandalian akong natahimik habang pilit
inaabsorb ang narinig ko at nang matauhan ako ay hindi ko mapigilang hindi
mapamura.
“Tangina mo! So ikaw pala ‘yong sinasabi ni
Ma’am Muñoz na nag-iisang exempted sa finals! Ako yata kailangan mong turuan,
eh,” hindi ko makapaniwalang sabi rito.
“Hahahaha! Sorry naman… I’ll just explain
everything later. Huwag mo muna ako awayin, gutom lang ‘yan,” pang-aasar pa
nito na siyang ikinangiti at ikinailing ko na lamang.
--
May nadaananan kaming Chowking, which was
according to him, ilang tumbling na lamang mula sa bahay nila kaya naman doon
na kami nagpasyang kumain. 10:30 na rin kasi kaya naman gutom na gutom na
talaga kami. Pagpasok namin ay agad niyang tinanong kung ano ang gusto kong
orderin.
“Iyong Beef mami with siopao na lang tapos
pineapple juice ‘yung drink,” sagot ko sabay abot ng bayad ko.
“Bayaran mo na lang ako mamaya. Buo pera ko,
eh. Papabarya ko muna. Pahanap na lang muna upuan, please. Salamat,” sagot
naman nito na siyang sinunod ko na lamang.
Makalipas ang limang minuto ay nakita ko
itong papalapit sa table namin dala-dala ang isang number at ang mga drinks
namin. Pagkaupo nito ay agad kong inabot ang bayad.
“Huwag na,” ngiting pagtanggi niya.
“Hala ka. Magbabayad ako. Heto na, oh!”
pagpupumilit ko.
“Hindi na nga! Ikaw naman kinaladkad ko dito
kaya libre ko na,” pagdadahilan niya. “Just so you know, hindi ako mahiyain,”
pagbibiro ko. “Eh ‘di huwag kang mahiya. Libre na nga, tumatanggi pa sa grasya,”
bara nito sa akin na siyang ikinailing ko na lamang.
“Pansin ko lang… ang dami mong pakulo,
surprises. Kanina nalaman ko lang na ikaw pala ang na-exempt sa finals sa
natsci, tapos ngayon manlilibre ka. Close na tayo, eh!” pagpuna ko sa
sitwasyon.
“Order niyo po,” pagsingit ng waiter bago pa
siya makapagbigay ng reaksyon.
“Sorry,” paghingi nito ng pasesnya matapos
mailapag ang orders namin. Doon ko napansin na para bang nalungkot talaga siya
at hindi iyong tipong nagbibiro.
“Uy, joke lang…” pag-aala ko rito.
“It’s okay. Gets ko naman,” matabang ngiti niya at matapos noon ay sinimulan niyang tahimik na kainin ang order niya.
Ugh, I’m so stupid!
--
“Bahay niyo ‘to?!” hindi ko makapaniwalang
tanong ko rito—ang laki kasi… ng bahay nila. Incidentally, this was the first
time I spoke since I somehow offended him with my joke earlier. Needless to say
that the remaining car ride was awkward as fuck.
“If you can call ‘kulungan’ a ‘bahay’, then I
guess ‘yes,” halos bulong lamang na sagot niya. Pinili kong tumahimik lamang at
hindi magkomento dahil he clearly has some issues. Ayoko namang manghimasok
dahil pakiramdam ko ay medyo sensitive topic ito para sa kanya, at isa pa ay
hindi naman kami close para tanungin siya ng mga bagay na ganoon kapersonal.
Sinalubong kami ng isang lalaking mukhang
ilang taon lamang ang tanda sa kanya.
“Kay gandang lahi,” hindi ko mapigilang
isipin matapos makita ang pagkakahawig ng dalawa.
“Kuya! Classmate ko, si Kyle. Kyle, kuya ko,
si Paolo,” pagpapakilala niya sa amin dalawa.
“Hi po. Good evening,” nahihiya kong bati sa
kapatid ni Seb. Nagulat na lamang ako nang lumapit ito at bigla akong yakapin. “Nice
to meet you, Kyle! Ang tagal ng hindi nagdadala ni Ethan ng—“
“Okay, Kuya! Aakyat na kami sa kwarto. Mag-aaral kami. K thanks bye!” sigaw nito sa kapatid sabay hatak sa akin papasok sa kanila. “Akyat na tayo, masyadong chismoso kapatid ko,” pagyaya pa nito kaya naman sinundan ko na siya papaakyat ng hagdan.
I’ve always had a fascination with people’s
bedrooms—at hindi sa creepy na paraan, ha. I just think that ang hitsura ng
kwarto ng isang tao ay maaaring repleksyon ng buo o isang bahagi ng kanyang
pagkatao. Nang makita ko ang kwarto ni Seb ay hindi ko mapigilang matuwa dahil
mukha pa rin itong kwarto ng isang bata. Ang una kong napansin ay ang
napakaraming glow in the dark stickers
ng mga bituin sa kisame niya. Mayroon ding isang telescope na nakaposisyon sa
labas ng bintana niya na napapagitnaan ng bookshelf sa kaliwa at ng personal
computer niya sa kanan. The rest of the room is a bed, a few cabinets, a
dresser, and a beside table and lamp.
“Ang cute ng kwarto mo!” hindi ko mapigilang
komento.
“Thanks!” natutuwa niyang sagot.
“Ethan tawag ng kapatid mo sa’yo. I think mas
bagay sa’yo iyon kaysa Seb,” pahayag ko. Napaisip naman siya. “Okay. Eh di
Ethan na itawag mo sa akin,” sagot niya. Umupo siya sa kama niya at tinapik ang
espasyo sa tabi noon, na tila ba sinasabing tabihan ko siya na siya ko namang
sinunod.
Katahimikan.
“So… kung hindi naman pala tayo mag-aaral, anong gagawin natin?” tanong ko. Natawa naman siya.
“Sobrang pinasaya mo ako kasi pumayag kang
sumama sa akin,” pagsisimula niya na siyang hindi naman talaga kasagutan sa
tanong ko. “Uhm, si Janine kasi ang nagdesisyon para sa akin. Masyadong mabilis
ang bunganga nun, eh,” pagtatama ko sa kanya.
“Hep hep! But still, pwede ka namang magback-out,
ah. Hindi naman kita pinilit, kaya walang pumigil sa’yo. You went here on your
own free will,” confident niyang balik sa akin na siyang nakapagpatahimik
lamang sa akin. Hindi ko rin kasi alam ang dapat isagot sa sinabi niya dahil
totoo naman iyon.
“Going back… ang saya ko kasi natupad ang
sign na hinihingi ko. Sumama ka kasi,” pahayag niya na siyang sinundan niya ng
isang mahinang tawa.
“Ano bang pinagsasasabi mo?” ako.
“You agreed to tutor me… kapag kasi pumayag
ka, iyon lang ang hinihingi kong push para…” si Ethan.
“Para ano?” tanong ko.
“Para ligawan kita,” sagot niya.
Ang ganda naman....thanks sir for the updat...:)
ReplyDeleteEne be yen kinikilig ako!!
ReplyDelete-hardname-
Maganada yung flashback kung pano sila nagkakilala at nakakakilig, kaso lng yung present na nangyayari kay Ethan eh nakakabawas ng kilig at excitement,. Please make him survive author.
ReplyDelete-RavePriss
Hindi pa tapos yung flashback at hindi ko pa alam ang side story ni Luke, but if given a chance na makialam sa story, gusto ko magkatuluyan sina kyle at seb/ethan. Para sa akin, iba talaga yung pag-iibigan ng dalawang taong wala talagang connections bukod sa pinagtagpo ng tadhana at nagtagpo lang yung mga puso nila kesa sa nagsimula sa pagiging mag bestfriend. Para sa akin. Based sa experience. LoL.
ReplyDeletenabasa ko yung dalawang story na ginawa mo dati.halos araw araw kong tinitingnan ang site kung may update.
ReplyDelete***Kj***