Followers

Sunday, January 24, 2016

Unconditional - Chapter 4

Hi, guys!

Here is Chapter 4. Abangan ang susunod na chapter dahil doon na magsisimula ang kwento. :)


Let me know your thoughts.


Salamat! :)


--

Chapter 4

2 weeks later.

“Guys, kailangan kong umuwi ng maaga… tutulungan ko lang ‘yung roommate ko,” awkward at kinakabahan kong pagpapaalam sa mga kaibigan ko matapos ang huli naming klase.

“Mukhang napapadalas na ‘yang ‘di mo pagsama sa amin, ah. Bakit ba palagi ka na lang nagmamadaling umuwi?” puna ni Benj na sa aking pagkakapansin ay ang pinaka-observant sa aming barkada. “Huh?! Nagkakasunod-sunod lang, busy kasi ako. Kung di lang ako busy syempre sasama ako, noh,” pagtanggi ko sa akusasyon niya.

“Hayaan mo na siya, babe. Hindi naman sinungaling ‘yang si Kyle, eh. For sure busy lang ‘yan. Kaw, ha! Nagtatampo na ako, bakit si Kyle inaalala mo… Puta, kabit ba siya?!” si Janine. At syempre, sinapian na naman ng kabaliwan ang babae, kaya naman sinakyan nalang namin ni Benj ang kagagahan niya.

“Sorry, babe… nangyari lang, eh. Hindi ko napigilan ang pagtayo ng aking—“ si Benj na siyang pinigilan ko sa kanyang sasabihin once narealize ko kung ano ‘yon. “Eww! Para na kitang kapatid, and sa totoo lang, kahit may looks ka, hindi ako boto sa incest,” biro ko na lang dito na siyang tinawanan na lamang ng magnobyo.

“Guys, kailangan ko na talagang umalis… See you na lang bukas!” pagpapaalam ko bago ako maglakad papalabas ng university… at doon ko narealize na sa buong panahon na nagbibiruan kami ay nanatili lamang tahimik si Luke. Bigla akong kinabahan, and as if on cue ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Doon ko nabasa ang text nito.

“You’re lying. Ano bang meron?” sabi ng text niya na siyang nagconfirm ng hinala ko. Napabuntong-hininga ako dahil alam kong kahit ano man ang gawin ko ay wala akong kayang itago dito. We’ve been friends since pre-school at pareho na naming kabisado ang galaw ng isa’t-isa, lalo pa kung nagsisinungaling ang isa sa amin.

“I’ll explain. Basta ikaw ang una kong sasabihan,” reply ko dito.

Beep. Beep, rinig kong busina ng isang kotse na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Doon ko nakita ang pamilyar na itim na kotse ng taong nagbibigay-saya sa akin sa loob ng nakalipas na dalawang linggo. Masigla akong tumakbo at sumakay sa passenger seat ng kotse. Pagkasara ko ng pinto ay binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti.

“Ethan,” pagbati ko rito.

“Bakit ka natagalan?” curious ngunit hindi galit na tanong nito.

“I’m running out of excuses. Alam ko namang hindi rin magtatagal para ma-piece together ni Luke na nagsisinungaling lang ako…” pagpapaliwanag ko na siyang ikinaling lamang ni Ethan, ngunit alam kong hindi ito galit dahil nakikita ko pa rin ang sigla sa mga mata niya—na isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.

“Ginusto mo ‘yan, eh… Sagutin mo na kasi ako, Kyle,” parang batang pagpapaawa niya na kahit nakakatawa ay siyang ikinatahimik ko.

“What’s holding you back? Gusto kita, at sa totoo lang, kita ko rin naman na gusto mo rin ako…”

“Wow, kapal ah,” komento ko.

“Actions speak louder than words. Don’t lie. Ano pa bang pumipigil sa’yo? May hindi ba ako ginagawang tama? Masyado ba akong straightforward? Am I too handsome for you?” pagbubuhat pa nito ng bangko na siyang dahilan para batukan ko siya na ikinatawa lamang ng binata.

Tinanong niya ako kung ano ang pumipigil sa akin… at kahit alam kong marami iyon, it all boils down to the idea of finally having a relationship with someone. Oo, aaminin ko na takot ako. Takot akong masaktan, pero mas takot akong saktan siya. Alam kong pareho naming first time na papasok sa isang relasyon kung sasagutin ko siya, at dahil nga masaya naman kami bilang espesyal na magkaibigan ay natatakot akong baka masira lamang ang pinagsamahan namin dahil sa papasukin namin.

At isa pa, hindi ko rin alam kung naka-recover na ba ako mula sa nangyari sa akin noong high school. I mean, it’s been… 6 months, I think? Pero frankly, I think one of the most pressing things that hold me back from saying yes to Ethan’s proposal is the fact that hindi ko pa siya masyadong kilala.

“Pati ba naman ‘tong tanong ko hindi mo sinagot. Sige, ako na lang sagutin mo huwag na ‘yong tanong ko,” pango-ngonsensya niya na siyang alam kong isang biro lamang.

“Hindi ba tayo masyado nagmamadali, Ethan? Hindi pa nga natin masyado kilala ang isa’t-isa eh. I mean, my friends don’t even know na magkaibigan tayo. Hindi ko pa alam ‘yang story mo…” pagsisimula ko na siya namang kinontra agad ni Ethan.

“Iyon lang ba? Well, it’s your lucky day kasi I really intended for you to get to know me today… even my demons, my secrets. Kahit anong gusto mong malaman, shoot lang at sasagutin ko. But of course, I expect the same kind of disclosure from you. Hindi kaya madali,” sagot niya.

“Sige,” ang tanging nasabi ko na lamang.

--
“Let’s play 20 questions. Heto papel, isip ka ng a maximum ng 20 questions para sa akin, and I’ll do the same. Alternate na lang tayo…” pagsisimula niya na siyang nakakuha ng isang nagtatakang tingin mula sa akin. “Seryoso?” paninigurado ko. “Do I look like I’m joking?... Oo baka nga joke lang ‘to, kasi ikaw lang naman sineseryoso ko,” biro niya na siyang ikinapula ng mga pisngi ko.

“Uy, kinilig,” asar pa ni gago.

“Ulol,” bara ko dito.

“Oo, nauulol sa’yo,” balik nito sa akin.

“Akin na nga ‘yang papel. 5 minutes,” pagtapos ko sa banatan namin dahil wala na rin naman akong masasabi. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago siya magsimulang magsulat sa piraso ng papel niya.

Matapos ang limang minuto ay nakita kong may kulang-kulang akong sampung tanong para sa kanya. Naisip ko na pwede na siguro iyon dahil mahirap naman talagang mag-isip ng itatanong sa ganitong set-up.

“Mauna ka na,” pag-engganyo nito sa akin.

“Hindi siya tanong, pero gusto kong kwentuhan mo lang ako kung paano ka lumaki,” sabi ko sa kanya.

“Sneaky, I see. Okay… I am Sebastian Arellano, 18 years old, ang Loner Boy ng Makati… De joke, pero seryoso na… Dito na ako sa bahay na ‘to lumaki, eversince. My mom and dad are both lawyers who met in law school so I was brought up pretty strictly with high expectations from them. Nakilala mo na naman si Kuya Paolo, close na nga kayo eh. The best si kuya kasi parang at least alam ko na merong isang tao sa bahay na ‘to ang nasa tabi ko kahit anong mangyari.

Sa Catholic all boys school ako nag-aral since pre-school hanggang high school. I’ve never had a girlfriend…or, err—boyfriend. I don’t know ano pa ba sasabihin ko. Fuck, sorry ang boring ko!” pagsasalaysay ni  Ethan.

“No, okay lang. Sige, ikaw naman magtanong,” sagot ko rito.

“Now I feel guilty. Kasi di ko alam na pang slambook ‘yang mga tanong mo eh pang drinking game ‘yong mga akin… Sinong crush mo sa school? Gusto ko magbigay ka ng top three!” nahihiyang tanong niya na siyang nakapaghalakhak sa akin.

“Hahahaha! Sino ngayon pang slambook ang tanong?! Ang corny, napaka elementary! Hmm… hindi ko ma-rank, eh pero si Isaac San Andres ng student council, definitely. Tapos, si Matthew Lopez na classmate natin… Hmm, dalawa lang, eh,” pagsagot ko sa tanong niya.

“Ay wow, sige ganyanan tayo. Grabe, papangit kaya si Isaac kapag tinabi sa akin!” protesta nito.
“Selos ka?” paghamon ko.

“Kasali ba ‘yan sa mga tanong mo?” tanong niya na siyang inilingan ko.

“Okay, next question please,” utos niya na parang bata na siyang ikinangiti ko na lamang.

“Actually, same question lang rin. Sino crush mo sa school?” tanong ko sa kanya.

“Ay grabe sana maging creative ka man lang sa tanong mo. Ang obvious ng sagot, eh… syempre si Janine!” pabirong sagot niya. “Ha-ha,” ang tanging reaksyon ko na lamang. “Ang pointless, noh? Alam naman natin ang mga totoong sagot,” saad niya. “Well, totoo namang crush ko si Isaac at Matthew… kundi lang straigt si Isaac at taken si Matt, eh,” pamimikon ko rito na siyang hindi na lamang niya binigyang-pansin.

“Ako na magtatanong. Kill/Fuck/Marry? Luke, Benj, Ako? And why?” nakangising tanong ni Ethan na siyang ikinatahimik ko. “Ang awkward puta, teka…” sabi ko, at alam kong kailangan ko itong sagutin dahil alam kong hindi ako titigilan ni Ethan hangga’t di niya nalalaman ang sagot ko sa tanong niya.

“Okay… Kill Benj. Dahil obviously may Janine na siya at parang kapatid ko na siya… Sorry, Ethan pero papakasalan ko na lang si Luke dahil I don’t think kaya kong makipagsex sa kanya… Oh shit—“ pagramble ko hanggang sa matigilan ako dahil doon nagsink-in sa akin ang mga sinasabi ko.

“Oh, so you do want me… that’s nice,” proud na pahayag nito.

“Wait… teka,” pagpigil ko sana sa kanya.

“Ang nakakatawa, hindi ba mas gugustuhin ko sana ‘yung “marry”, eh pero given the choices and nagsorry ka naman kaya alam kong unintentional… I can live with that. At least now sigurado na ako na wala kang romantic feelings para sa kanya dahil sa sinabi mo. You two are too close, and don’t get me wrong, I like your bond. Baka lang kasi may feelings ka pala kaya you’re holding back on me. Now I know… thanks. I’ll be the “fuck” you can be proud of! Promise ‘yan. Pero paki-abisuhan na rin si Luke na i-ready ang annulment papers niyo because I’ll marry you eventually, syempre,” litanya niya na siyang lalong nakapagpatindi sa nararamdaman kong hiya at kilig. Alam kong nahalata niya iyon kaya naman hindi na siya nagkomento na siyang ikina-ginhawa ko.

And then we fell into the same pattern. Maraming nakakatawang tanong gaya ng pagtatanong ni Ethan kung virgin pa ba ako. May mga cliché na tanong rin tulad ng kung ano ang weirdest talent ni Ethan. Needless to say, habang paparami ng paparami ang tanong ay mas lalong nagiging personal ang usapan namin ni Ethan. Ang kaninang drinking game questions niya ay napalitan na ng mga tanong tungkol sa personal kong buhay. Ganoon din naman ang nangyari sa mga pang slambook na tanong ko, mas naging interesado na akong kilalanin siya.

“So when did you find out you were… Uhm, uhh not into girls? Sorry ayoko ng labels hehe,” nahihiyang tanong ni Ethan. Napaisip naman ako. Hindi ko pa rin kasi alam kung kaya ko na nga bang ikwento kung ano ang nangyari sa akin noong high school. Tangina, ni pangalan nga noong taong iyon ay hindi ko pa rin mabanggit hanggang ngayon.

“You can spare me the details. Gusto ko lang malaman ano basically ‘yung nangyari kung paano mo nadiscover ‘yang sarili mo,” pag-aasure naman ni Ethan na siyang ikinagpasalamat ko.

“Cliché. Unrequited love, alam mo ‘yon, yung gasgas na bestfriend plot sa mga romance novels. Kahit nakakaasar, masakit rin pala once nasa ganoon kang sitwasyon,” maikling sagot ko. Nakita ko naman ang pagtango niya dito.

“Ako na… Sorry for asking this, pero kasi noong first few months ng sem, napapansin kong wala kang kaibigan? Mag-isa ka lang lagi. Nawawala ka tuwing lunch. Napakatahimik at misteryoso mo. Pero ngayon I’m really glad na nakilala kita, kasi sobrang iba ka sa inakala ko. Naisip ko lang na dahil matalino ka, pero napaka-weird kasi ng tingin ko sa’yo noon,” maingat na tanong ko dito. Binigyan niya muna ako ng isang mapait na ngiti bago siya nagsimulang magkwento.

“So napansin mo din pala… Just like you, siguro high school rin ang isang parte ng buhay ko na nakapagbigay ng malaking impact sa kung sino ako ngayon. Ang dami kong natutunan noon, pero ang pinakamalaking babaunin ko is iyong huwag ako masyadong maging mapagtiwala sa mga tao. And I learned that the hard way. I had friends who used me for my so-called intelligence, my money, even my –uhm, looks. At kapag sila naman ang kailangan ko, it was as if hindi nila ako kaibigan. So yes, I have some serious trust issues kaya naisip kong huwag na masyadong maging attached sa mga tao sa college… but then, binuwag ko rin ang pangakong iyon sa sarili ko the very moment makita kita,” si Ethan.

To say that I was speechless would be a big understatement, but then I tried to absorb kung anuman ang mga narinig ko sa kanya and doon ko narealize na ang isang napaka-wonderful na tao ay naghahanap lamang ng lulugaran, ng mga kaibigan. Sa mga biro, pang-aasar, at kung anu-ano pang kalokohan na pinagagagawa niya sa loob ng panahong nakilala ko si Ethan, ngayon ko lang nalaman na may ganito pala siyang pinagdadaanan, kaya naman nakaisip ako ng solusyon.

“Bakit hindi mo kami sabayan maglunch? Welcome ka na sa grupo namin,” sabi ko sa kanya.

“Nah, okay na ako na kahit ikaw na lang. Baka maweirduhan lang iyong mga friends mo sa akin,” pagtutol niya.

“Ethan, don’t down yourself too much. Kasi sa totoo lang, sobrang saya ko na nag-uusap tayo ng ganito ngayon—na mas lalo kitang nakikilala. Noong first day ng classes, aaminin ko na naattract na ako sa’yo pero dahil nga tahimik ka, nadisappoint ako dahil akala ko noon ay hindi na kita makikilala pa. But now, nalaman ko na you are more than a handsome face. Of course I had no expectations then, but being with you right now… having this conversation and knowing about your demons, gusto kitang tulungan. Because… I like you, and I care about you. Ayokong malungkot ka, Ethan,” pagbubuhos ko ng aking saloobin sa kanya.

Binigyan niya ako ng isang ngiti—isang uri ng ngiti na unang beses ko pa lamang nakita sa kanya.

“Thank you, Kyle. Believe me, I tried really hard na huwag kang lapitan dahil alam kong sasaktan ko na naman ang sarili ko sa papasukin ko. But then I found out na may pag-asa pala ako sa’yo because of your preference haha. Naisip ko na kaysa magsisi ako at maunahan pa ako ng iba, I just had to have that leap of faith and sa tingin ko fate na rin na nakita kita sa may Dapitan na malapit ng masnatchan. At ngayon, I couldn’t be any happier. So thank you for making me trust other people and myself again. With that, I will forever be grateful,” mahaba nitong salaysay.

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang tanggalin ang aking salamin.

“There, mas bagay sa’yo. But more than that, gusto ko sabihin na sana, ikaw rin—sana makita mo rin ‘yang potential mo. Napakaganda mong tao, Kyle. Sa loob, at sa labas, and likewise, having this conversation with you, mas lalo akong sumasaya dahil nakikilala kita, at dahil dito nalaman kong tama nga iyong taong pinili ko bilang unang taong gusto kong makasama sa isang relationship…” si Ethan.

“I feel the same way…” ako. Hindi ko maiwasang manlingid ang mga luha ko dahil sa sobrang pagkaantig sa mga sinabi niya.

“So?” tanong niya na siyang tinanguan ko na lamang habang parang gagong umiiyak na.

“Yes!” galak na sigaw niya bago ako yakapin ng mahigpit.

--

Naputol ang pagkkwento ko nang biglang bumalik si Kuya Paolo sa kwarto ni Ethan.

“Kyle, pwede bang umuwi ka muna? Balik ka na lang bukas, may gagawin kasi ‘yung mga doctors kay Ethan,” pag-istorbo ni Kuya Paolo.

“No, okay lang ako kuya. Huwag niyo akong alalahanin,” pagtanggi ko rito.

“Uhm, Kyle? Kuya is right. Pahinga ka muna. Balik ka na lang bukas, and bawal rin naman akong may kasama habang tinintingnan ako, eh,” sabi ni Ethan. “Pero…” pagtutol ko pa sana ngunit pinigilan ako nito. “No buts. Sige na… I love you,” pamamaalam niya. Hindi ko alam pero bakit parang ang lungkot-lungkot niya? Na para bang wala na siyang magawa, o parang hindi na kami magkikita? Naisip ko naman na baka dahil lamang ito sa sitwasyon namin.

“I love you too… Lumaban ka, ha? Kaya mo ‘yan. Nandito lang ako,” mangiyak-ngiyak kong paalam sa kanya bago ko siya bigyan ng isang masuyong halik sa labi.

“See you tomorrow,” halos maiyak niyang pahayag na siyang sinagot ko sa pamamagitan ng isang matabang na ngiti.

--
Matapos ang nangyari sa ospital ay namasaheros na lamang ako pauwi sa bahay nila Luke. Mas pinili ko ng magtaxi dahil hindi naman iyon kalayuan, as opposed sa magjeep dahil alam kong lutang pa ako ngayon dahil sa mga nalaman ko kanina—baka maaksidente lamang ako sa mga pagtawid-tawid at paglipat ng sasakyan. Ito kasi ang mahirap kapag nag-iisa ako, eh. Dahil nga wala akong kausap ay ang tanging kasama ko lang ay ang aking isip, and I know that dwelling too much on things, overthinking, will be no good for me kaya naman galak kong ikinaginhawa na naging mabilis ang byahe ko pauwi kila Luke.

Pagpasok ko ng gate ay nadatnan ko siyang nakaupo sa bench sa harap ng bahay nila at nagla-laptop. May nakalagay ring isang mug ng kape sa kanyang gilid. Napaangat ang ulo nito at nagtama ang mga tingin namin nang marinig niya ang pagkalampag ng gate nila. Immediately nang makita niya ako ay pakiramdam ko ay alam na niyang may mali, na may hindi magandang nangyari. Malamang ay halatang-halata na iyon sa mukha ko. God knows how terrible I look today.

“May sakit siya, eh… Mukhang wala na daw pag-asa, eh…” halos bulong kong pahayag bago ako mapaupo na lamang sa damuhan nila at magbreakdown na parang bata. Agad naman ako nitong sinaklolohan at hinimas ang likod ko.

“It’s just so unfair. Napakabait niyang tao! Bakit siya pa? Ang bata-bata pa niya. Marami pa siyang pangarap, eh. Tangina, hindi na niya iyon matutupad dahil sa lintek na tumor na ‘yan,” paglalabas ko ng sama ng loob. At doon ko narealize na ang kalungkutan na nararamdaman ko ay hindi dahil sa magiging kahihinatnan ng relasyon namin ni Ethan—it was more out of concern for him. This was all about him, ang mga pangarap niya, ang mga pwede pa niyang magawa.

“Your love for him is unconditional, Kyle,” ang tanging nasabi lamang ni Luke as if reading my own thoughts.

“Bakit kasi ganito? Sana ako na lang, eh… mas deserve ko pa mauna kaysa kay Ethan…” pagpapatuloy ko hanggang sa magdilim na lamang ang aking paningin.

--
“Anong nangyari?” nanghihina kong tanong matapos kong maimulat ang mga mata ko. Nakita kong nasa loob na pala ako ng kwarto ko sa bahay nila Luke.

“Hinimatay ka. Pinag-alala mo ako,” nakasimangot ngunit kalmado niyang tugon. “Sorry…” paghingi ko ng pasensya, at doon ay napansin kong nawala na ang pangungunot ng noo niya. “No, okay lang. Heto, inumin mo muna,” pag-abot niya sa akin ng isang baso ng tubig na siya namang naubos ko sa ilang lagok lamang.

“Naaalala mo ba ‘yung time na umalis si Marco papuntang London?” pagsisimula niya. “Luke, hindi ko alam kung bakit naging mahalaga ‘yan sa sitwasyon ko ngayon,” takang sabi ko sa kanya dahil bigla-bigla na lamang niya inungkat ang nakaraan.

“It has to do with everything, Kyle. Naaalala ko kung gaano ka kalungkot noon. Hindi ka naglalalabas ng kwarto noon. Pati kami ni Lora tinaboy mo na. Ang sabi mo sa amin ay hindi mo kailangan ng kaibigan. You isolated yourself from everyone and walang magandang naidulot iyon sa’yo… Look, ang sinasabi ko lang is pagsubok lang iyan. Hindi ka naman bibigyan ni Lord, si Seb din, kung alam Niyang hindi mo iyan malalampasan,” si Luke.

Natahimik lamang ako.

“And personally, naiinggit ako sa’yo,” pag-amin niya na siyang ikinagulat at ikinataka ko.

“Huh? Anong sinasabi mo?” ako.

“Hindi kasi lahat nabibigyan ng pagkakataon makilala ang kanilang “One great love”. Iyong iba akala mo, siya na pero apparently napadaan lang pala. Buti pa ikaw, nakilala mo si Seb, naging kayo, at kitang-kita naman na minahal niyo ang isa’t-isa. Alalahanin mo lang, be thankful na kung hindi man malagpasan ni Seb ‘to, na kahit maikli ang naging pagsasama niyo, the fact na nagkasama kayo is already a reason to be thankful. Not everyone is given that chance, Kyle. Kaya just go through this challenge with Seb. Be strong for him, dahil ngayon ka niya kailangang-kailangan,” malalim na salaysay ni Luke which left me speechless.

“Whoo. Okay, Luke ang lalim mo today!” sabi niya sa sarili niya. “Kyle, alis muna ako. Nood lang ako porn,” biro nito na siyang ikinatawa ko. “Ang libog mo talaga!” sigaw ko rito. “Gago, joke lang. Pinapatawa lang kita. But seriously, kaya mo ‘yan. Huwag ka papatinag,” ngiting saad nito bago ako tuluyang iwanan.

--
Kinabukasan ay niyaya ko si Luke na samahan ako sa ospital para bisitahin si Ethan. Pwede naman akong magpunta ng mag-isa pero sinabi kasi niya na gusto niya ring makita at mabisita ang kaibigan niya. Kaya naman pagkakain pa lang namin ng agahan at matapos kong ipagluto si Ethan ng paborito niyang ulam ay lumarga na kami patungo ng ospital.

Naging pamilyar na ang ruta patungo sa kwarto niya pagdating namin sa ospital. Malungkot man ay excited pa rin ako dahil makikita ko ulit ang taong pinakamamahal ko. Nang marating namin ang pinto ay pinihit ko ang doorknob at tinulak iyon only to find unfamiliar faces. Lahat ng mga tao sa loob ay nagtataka kung bakit ang isang taong hindi nila kilala ay tila bumibisita.

“Uhm, sorry po. Wrong room,” taka kong paghingi ng pasensya bago isarang muli ang pinto.

“Ano ‘yon?” tanong ni Luke.

“Iba mga tao sa loob, pero sure ako ito kwarto niya kahapon,” sagot ko sa kanya.

“Wait, tanong natin sa nurse,” sabi nito. Kaya naman nagpunta kami sa Nurse’s station na ilang hakbang lamang ang layo mula sa kwarto ni Ethan.

“Uhm, miss? Tanong ko lang, kasi kahapon daw doon nakaconfine si Sebastian Arellano? Nilipat ba siya ng kwarto?” tanong ko sa nurse.

“Pangalan?” tanong nito.

“Uhm, Kyle Bermudez,” sagot ko.

“Ah! Ikaw pala ‘yan. Binilin ka nila sa akin. Wala na sila dito, umalis na. Kahapon siya na-discharge pero merong papers kasi of hospital transfer. Hindi ko lang alam kung saan. Pero may pinapabigay siya,” sagot ng nurse na siyang ikinagulat ko. Agad niyang inabot sa akin ang blue sweater na binigay ko kay Ethan last Christmas at isang flash drive na siyang kinuha ni Luke bilang hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga narinig.

“So wala na sila dito?” pagconfirm ko.

“Oo, kahapon mga 6:00 pm lang ata siya na-discharge. Order din kasi ni Dr. Tiongson… hindi ko alam kung saan, ha. And sinasabi ko lang kasi kakilala ka naman, pero alam ko dinala nila si Mr. Arellano sa ibang bansa base sa pagkakarinig ko. Crucial and time sensitive na daw kasi… If you’ll excuse me, kailangan ko na mag-rounds. Ingat kayo.”


4 comments:

  1. So what will happen next? Di ko mahulaan. Gagaling si ethan pero di na nya kilala si kyle? May amnesia? Hmmmmm.

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. 💔💔💔😞😞😞

    ReplyDelete
  3. Nakaka iyak naman I to sobra..... Kuya author update na ulit please

    Jharz

    ReplyDelete
  4. Nakaka iyak naman I to sobra..... Kuya author update na ulit please

    Jharz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails